• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 3: Ang Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

[3-1] ANG WALANG HANGGANG KALIGTASAN (Juan 8:1-12)

2021.04.10 77
(Juan 8:1-12)
“Ngunit si Hesus ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. Kinaumagaha’y nagbalik Siya sa templo. Lumapit sa Kanya ang lahat. Kaya’t umupo Siya at sila’y tinuruan. Noo’y dinala sa Kanya ng mga eskriba at ng mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan nila, at sinabi kay Hesus, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa pakikiapid. Ayon sa kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya niya. Ano ang masasabi Mo?” (Itinanong nila ito upang subukin Siya, ng may maisumbong sila laban sa Kanya.) Ngunit yumuko si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan ng katatanong si Hesus, kaya’t sila’y tiningnan Niya at sinabi ang ganito, ‘Sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.’ At muli Siyang yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila’y isa-isang umalis simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Hesus at ang babaeng naroon pa rin sa harapan Niya. Tiningnan siya ni Hesus at tinanong: ‘Nasaan sila? Wala bang nagparusa sa iyo?’ ‘Wala po, Ginoo,’ sagot ng babae. Sinabi ni Hesus, ‘Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka at huwag nang magkasala.’ Muling nagsalita si Hesus sa mga tao. Wika Niya, ‘Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa Akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay buhay at hindi na lalakad sa kadiliman.’”
 

Gaano karaming kasalanan ang naalis ni Hesus?
Lahat ng kasalanan sa mundo.

Ibinigay ni Hesus sa atin ang walang hanggang kaligtasan. Walang sinuman dito sa mundo ang hindi maaaring maligtas kung siya’y maniniwala kay Hesus bilang Kanyang tagapagligtas. Iniligtas Niya tayong lahat. Kung mayroon mang makasalanan na nagdurusa dahil sa kanyang mga kasalanan, ito ay dahil hindi niya naiintindihan kung paano siya iniligtas ni Hesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Dapat nating malaman at paniwalaan ang lihim ng kaligtasan. Si Hesus ang nagpasan ng ating mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan at Siya ang sumalo sa hatol para sa ating mga kasalanan at Siya’y namatay sa krus para sa atin.
Dapat kayong maniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu; ang walang hanggang kaligtasan para sa ating mga kaligtasan. Dapat kayong maniwala sa dakilang pag-ibig Niya na naging dahilan upang kayo’y maging matuwid. Maniwala kayo sa ginawa Niya sa ilog Jordan at sa krus para sa inyong kaligtasan.
At alam din ni Hesus ang ating mga natatagong kasalanan. Ang ibang tao ay may maling akala tungkol sa kasalanan. Iniisip nila na ang ibang kasalanan ay hindi maaaring matubos. Tinubos ni Hesus ang lahat ng kasalanan, bawat isa sa mga ito.
Wala ni isa mang kasalanan ang iniwan Niya. Dahil tinubos Niya ang lahat ng makasalanan sa mundo, wala nang makasalanan kahit isa. Alam n’yo ba ang ebanghelyo ang tumubos sa ating mga kasalanan, kahit na ang mga kasalanan n’yo sa hinaharap? Maniwala kayo dito at maligtas. At bumalik sa pagpupuri sa Diyos.
 

ANG BABAENG NAHULI SA SALANG PAKIKIAPID

Gaano karaming tao ang nagkasala ng pakikiapid?
Lahat ng tao?

Sa Juan 8, may isang babaeng nahuli sa pakikiapid. At nakita natin kung paano Siya iniligtas ni Hesus. Gusto nating makibahagi sa biyayang tinanggap niya. Hindi naman kalabisang sabihin na lahat ng tao ay nagkakasala ng pakikiapid sa buong buhay nila. Ang bawat kaluluwa ay nagkasala ng pakikiapid.
Kung hindi man ito nakikita, ito’y dahil lang madalas natin itong ginagawa kaya parang hindi. Bakit? Namumuhay tayo sa sobrang pakikiapid sa ating buhay.
Tiningnan ko ang babae at nagnilay-nilay kung mayroon bang isa sa atin na hindi nakiapid. Wala ni isa man ang hindi nagkasala ng ganito tulad ng babae na nahuli. Tayo’y nagkukunwari lang na hindi.
Palagay mo ba’y mali ako? Hindi, hindi ako nagkamali. Tingnan mong mabuti ang iyong kalooban. Ang bawat isa sa mundo ay gumagawa nito. Sila’y nakikiapid habang tumititig sa mga babae sa daan, sa kanilang isip at sa kanilang gawa, kahit na sa anong oras, kahit saan.
Hindi lang nila naiisip na ginawa nila ito. Napakarami ng taong hindi nakababatid hanggang sa kanilang kamatayan na ginawa nila ang pakikiapid ng maraming beses sa buhay nila. Hindi lang yaong mga nahuhuli, maging lahat tayong hindi nahuhuli. Lahat ng tao’y gumagawa nito sa kanilang pag-iisip at sa kanilang mga gawa. Hindi ba bahagi ito ng ating mga buhay?
Naguguluhan ka ba? Ito ang katotohanan. Itinatago lang natin ito dahil nakakahiya. Naniniwala ako na ang mga tao ngayon ay nakikiapid subalit hindi nila nababatid na ginagawa nila ito.
Ang mga tao’y nakikiapid din sa kaluluwa. Tayo, na nilikha ng Diyos, ay namumuhay dito sa mundo na hindi nababatid na nakikiapid tayo sa pamamagitan ng ating kaluluwa. Ang pagsamba sa ibang diyos ay pakikiapid na espiritwal dahil ang Panginoon lang ang tanging kabiyak ng sangkatauhan.
Ang babaeng nahuli sa akto ay tao rin tulad natin, at natanggap niya ang biyaya ng Diyos tulad din nating mga naligtas ay nabigyan din. Ngunit ang mga mapagkunwari at mapagmatang Pariseo ay hinayaan siyang tumayo sa gitna at dinuroduro na akala mo ay mga hukom sila at handa ng bumato sa kanya. Sila ay halos kutyain siya at hinusgahan siya na animo’y sila mismo ay malinis, at hindi nagkasala ng pakikiapid.
Mga kapwa ko Kristiyano, iyong nakakaalam na sila’y isang bungkos ng kasalanan, huwag kayong manghusga sa harap ng Diyos. Sa halip, dahil alam nila na sila mismo ay nakikiapid sa buong buhay nila, natanggap nila ang biyaya ng Diyos na nakapagligtas sa ating lahat. Iyon lamang mga nakabatid na sila ay makasalanan na gumawa ng pakikiapid sa buhay nila ang karapat-dapat na maligtas sa harap ng Diyos.
 

SINO ANG MAKATATANGGAP NG BIYAYA NG DIYOS?

Ang isa ba na namumuhay ng dalisay na hindi nakiapid ang tatanggap ng Kanyang biyaya, o ang isa na hindi karapat-dapat na nakiapid ang tatanggap nito? Ang isa na nakagawa ng pakikiapid ay ang siyang makatatanggap ng masaganang biyaya ng Kanyang kaligtasan. Iyong mga walang magagawa sa ganang kanila, iyong mahihina at ang walang kaya ang makatatanggap ng kaligtasan. Sila ang siyang nasa ilalim ng Kanyang biyaya.

Sino ang tatanggap ng biyaya ng Diyos?
Ang hindi karapat-dapat.

Iyong mga nag-iisip na sila’y walang kasalanan ay hindi maliligtas. Paano nilang tatanggapin ang biyaya ng kaligtasan kung wala namang dapat iligtas.
Ang mga eskriba at mga Pariseo ay hinila ang babae na nahuli sa akto na pakikiapid sa harap ni Hesus at dinala siya sa gitna at nagtanong sa Kanya, “Guro, ang babaing ito’y nahuli sa pakikiapid, sa akto nito. Ngayon, anong masasabi mo?” Bakit nila dinala sa harap Niya ang babae at sinubukan Siya.
Sila mismo sa sarili nila ay nakagawa na ng pakikiapid nang maraming beses, ngunit pinilit nilang husgahan at patayin siya sa pamamagitan ni Hesus, at sinubukang ilipat ang sisi sa Kanya.
Alam ni Hesus ang nasa isip nila, at alam din Niya ang lahat-lahat tungkol sa babae. Kaya sinabi Niya, “Siya na walang kasalanang isa man sa inyo, siya ang unang bumato.” Pagkatapos, ang mga eskriba at ang mga Pariseo, mula sa matatanda hanggan sa kahuli-hulihan, at nagsipag-alisan at tanging si Hesus at ang babae lamang ang naiwan.
Ang mga umalis ay ang mga eskriba at mga pariseo, ang mga pinuno ng relihiyon. Halos husgahan na nila ang babae na nahuli sa akto ng pakikiapid na akala mo ay hindi sila makasalanan.
Ipinahayag ni Hesus ang Kanyang pag-ibig sa mundong ito. Siya ang may handa ng pag-ibig. Binigyan ni Hesus ang mga tao ng pagkain, binuhay ang patay, nagbigay ng buhay sa anak na lalaki ng biyuda, muling bumuhay kay Lazaro, nagpagaling sa mga may ketong, at gumawa ng mga himala para sa mga mahihirap. At inalis Niya ang lahat ng kasalanan ng masasama at ibinigay sa kanila ang kaligtasan.
Mahal tayo ni Hesus. Siya ang nag-iisang makapangyarihan na makagagawa ng anuman, ngunit ang mga Pariseo at mga eskriba ay inisip na Siya ay isang kaaway. Kaya nga dinala nila ng babae sa harap Niya at sinubukan Siya.
Itinanong nila, “Guro, si Moises, sa kautusan, ay sinabing ang nagkasala ng ganoon ay dapat batuhin. Anong masasabi mo?” Akala nila ay sasabihin Niyang batuhin nila ang babae. Bakit? Kung tayo’y maghuhusga ayon sa nasusulat sa kautusan ng Diyos, lahat ng taong nakiapid ay dapat batuhin hanggang mamatay na walang ititira.
Lahat ay dapat batuhin hanggang mamatay at ang lahat ay nakatakdang mapunta sa impiyerno. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Ngunit hindi sinabi ni Hesus sa kanila na batuhin ang babae at sa halip, “Siya na walang kasalanan sa inyo, siya ang unang bumato sa kanya.”

Bakit ang Diyos ay nagbigay sa atin ng 613 artikulo ng Kautusan?
Para ipabatid sa atin na tayo’y makasalanan.

Ang Kautusan ay nagdadala ng poot. Ang Diyos ay banal at gayundin ang Kanyang Kautusan. Ang Kautusang ito ay nasa 613 artikulo. Ang dahilan kung bakit ibinigay sa atin ng Diyos ang 613 artikulo ng Kautusan ay upang ipabatid na tayo’y makasalanan; na tayo’y hindi ganap na nilikha. Itinuturo nito sa atin na dapat nating tingnan ang biyaya ng Diyos upang maligtas. Kung hindi natin alam ito at nag-iisip lang sa kung ano ang nasusulat, tayo’y dapat lang na batuhin hanggang sa mamatay tulad ng babae na nahuli sa akto.
Ang mga eskriba at mga pariseo na hindi nakaalam ng katotohanan ng Kanyang Kautusan ay nakapag-isip na puwede nilang batuhin ang babae at maaaring tayo rin. Sino ang makapaghahagis ng bato sa isang walang laban na babae? Kahit na siya’y nahuli sa akto, walang sinuman dito sa mundo ang maaaring bumato sa kanya.
Kung ang babae at ang bawat isa sa atin ay hahatulan ayon sa Kautusan, tayo gaya ng babae ay makatatanggap ng isang teribleng hatol. Ngunit iniligtas tayo ni Hesus, tayo na makasalanan, iniligtas sa kasalanan at sa makatarungang hatol. Sa dami ng ating kasalanan, kung gagamitin ng mahigpit ang Kautusan ng Diyos sa literal na paraan, sino sa atin ang mananatiling buhay? Bawat isa sa atin ay hahantong sa impiyerno.
Ngunit ang mga eskriba at mga pariseo ay batid ang Kautusan kung paano lang ito nasusulat. Kung ang Kanyang Kautusan ay naipatutupad ng tama, ito ay papatay sa kanya tulad ng lang ng kanyang hinatulan. Sa katunayan, ang Kautusan ng Diyos ay ibinigay sa tao upang maintindihan ang mga kasalanan nila, ngunit sila’y naghirap dahil nagkamali sila sa pag-intindi dito at sa pagtupad nito.
Ang mga Pariseo ngayon, tulad din ng mga Pariseo sa Biblia, ay batid lang ang Kautusan ayon sa pakasulat nito. Kailangan nitong maintindihan ang biyaya, ang katarungan at ang katotohanan ng Diyos. Kailangan nilang maturuan ng ebanghelyo ng kaligtasan upang maligtas.
Ang wika ng mga pariseo, “Ayon sa Kautusan ang gayong kasalanan ay dapat batuhin. Ngunit anong masasabi Mo?” Tinanong nila ito at hawak ang bato na may paninigurado. Sigurado na silang walang sasabihin si Hesus tungkol dito. Hinintay nila si Hesus na kumagat sa kanilang pain.
Kung si Hesus ay humatol ayon sa Kautusan, siya rin ay maaaring nabato nila. Ang layunin nila ay batuhin silang dalawa. Kung sinabi ni Hesus na huwag batuhin ang babae, maaaring nasabi nilang nilibak ni Hesus ang Kautusan ng Diyos, at binato siya dahil sa kawalang-pakundangan sa Kautusan. Anong teribleng plano ito.
Ngunit si Hesus ay yumuko ay nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri at patuloy sila sa pagtanong sa Kanya, “Anong masasabi mo? Anong sinusulat mo sa lupa? Sagutin mo lang ang tanong namin. Anong masasabi mo?” Dinuduro nila si Hesus at patuloy na ginugulo Siya.
Tumayo si Hesus at sinabi sa kanila na ang walang kasalanan sa kanila ang unang dapat bumato sa babae. Pagkatapos, Siya’y yumuko uli at nagpatuloy sa pagsulat sa lupa. Yaong mga nakarinig sa Kanya, na hinahatulan ang sarili nilang konsenya, ay isa-isang umalis, mula sa matanda hanggang sa kahuli-hulihan. At si Hesus ay naiwan, kasama ang babaeng nakatayo sa harap Niya.
 

SIYA NA WALANG KASALANAN SA INYO, SIYA ANG UNANG BUMATO SA KANYA

Saan nakatala ang mga kasalanan?
Sa tabletas ng ating mga puso at sa Aklat ng mga Gawa.

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Siya na walang kasalanan sa inyo, siya ang unang bumato sa kanya,” at ipinagpatuloy niya ang pagsulat sa lupa. Pagkatapos ay isang pangkat ng matatanda ang naunang umalis. Ang matatanda na nakagawa ng mas maraming kasalanan ang naunang umalis. Ang mga bata nama’y umalis din. Ipagpalagay nating si Hesus ay nakatayong kasama natin at tayo’y nakapalibot sa babae. Kung sinabi sa atin ni Hesus na siya na walang kasalanan ang unang bumato, ano ang iyong gagawin?
Ano ang isinusulat ni Hesus sa lupa? Ang Diyos na lumikha sa atin ay isinusulat ang ating mga kasalanan sa dalawang paraan.
Una, isinusulat Niya ang ating mga kasalanan sa tabletas ng ating mga puso.
“Mga taga-Juda, ang inyong mga kasalanan ay isinulat ng panulat na bakal sa mga puso ninyo, waring iniukit ng pang-ukit na diyamante sa mga sulok ng inyong mga dambana” (Jeremias 17:1).
Ang Diyos ay nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng Juda bilang ating kinatawan. Ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay inukit ng panulat na bakal, na may pang-ukit na diyamante. Ang mga ito ay nakatakda sa tableta ng ating mga puso. Si Hesus ay yumuko at isinulat sa lupa na ang mga tao ay makasalanan.
Alam ng Diyos na tayo’y nagkakasala at inukit Niya ito sa tableta ng ating mga puso. Una, itinatala Niya ang ating mga gawa, ang mga kasalanan na nagawa natin dahil tayo’y mahina sa harap ng Kautusan. Lahat ng kasalanan ay nakatala sa ating mga puso, nabatid natin na tayo’y makasalanan kapag tayo’y tumutunghay sa Kautusan. Dahil itinala Niya ito sa inyong mga puso, sa ating mga konsensya, alam na natin na tayo’y makasalanan sa harap Niya.
At si Hesus ay muling yumuko sa ikalawang pagkakataon upang magsulat sa lupa. Sinasabi ng Biblia na ang lahat ng ating mga kasalanan ay nakatala rin sa Aklat ng mga Gawa sa harap ng Diyos (Pahayag 20:12). Ang pangalan ng tao at ang kanyang mga kasalanan ay nakatala sa Aklat. At ang mga ito ay nakatala rin sa tableta ng ating mga puso. Ang ating mga kasalan ay nakatala ng dalawang beses sa Aklat ng mga Gawa at sa tableta ng ating mga puso.
Ang mga kasalanan ay nakatala sa tableta ng ating mga puso, bata man o matanda. At iyon ang dahilan kaya wala silang masabi tungkol sa kanilang mga kasalanan sa harap ni Hesus. Sila na nagpipilit na bumato sa babae ay walang kalaban-laban sa Kanyang mga salita.

Kailan nabura ang ating mga kasalanan na nakatala sa dalawang lugar?
Nang ating tinanggap sa ating mga puso ang kaligtasan sa tubig at sa dugo ni Hesus.

Ngunit kapag iyong tinanggap ang kaligtasan, lahat ng iyong mga kasalanan sa Aklat ng mga Gawa ay mabubura at ang iyong pangalan ay maitatala sa Aklat ng Buhay. Yaong mga pangalan na nakatala sa Aklat ng Buhay ay mapupunta sa langit. Ang kanilang mabubuting gawa, ang mga bagay na nagawa nila dito sa mundo para sa kaharian ng Diyos at sa Kanyang katotohanan ay nakatala rin sa Aklat ng Buhay. At sila ay katanggap-tanggap sa langit. Yaong mga naligtas sa kanilang mga kasalanan ay makakapasok sa lupain ng walang hanggan. 
Ang mga kasalanan ng bawat tao ay nakatala sa dalawang lugar. Kaya wala ni isa man ang makapanlilinlang sa Diyos. Wala ni isa man ang hindi nagkasala at hindi nakagawa ng pakikiapid sa kanilang mga puso. Lahat tayo ay makasalanan at hindi perpekto.
Yaong mga hindi tumanggap sa kaligtasan ni Hesus sa kanilang mga puso ay walang magagawa kundi ang maghirap dahil sa kanilang mga kasalanan. Hindi sila palagay. Sila ay takot sa Diyos, takot sa harap ng Diyos at sa tao dahil sa kanilang mga kasalanan. Ngunit sa oras na tinanggap nila sa kanilang mga puso ang ebanghelyo ng kaligtasan sa tubig at sa Espiritu, lahat ng kasalanan na nakatala sa tableta ng kanilang mga puso at sa Aklat ng mga Gawa ay malilinis. Sila ay maliligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan.
Mayroong Aklat ng Buhay sa langit. Ang mga pangalan ng mga naniniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu ay nakatala sa aklat, at sila’y makakapasok sa langit. Papasok sila sa langit, hindi dahil sa sila ay hindi nagkasala dito sa mundo ngunit dahil sila ay naligtas sa lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu. Ito ay ‘ang kautusan sa pananampalataya’ (Roma 3:27). 
Mga kapwa ko Kristiyano, ang mga eskriba at mga pariseo ay makasalanan din tulad ng babae na nahuli sa pakikiapid. 
Sa katunayan sila ay nakagawa ng mas maraming kasalanan dahil sila ay nagkunwari at nandaya sa kanilang mga sarili na hindi sila makasalanan. Ang mga pinuno ng relihiyon ay mga magnanakaw na may maayos na pahintulot. Sila ay magnanakaw ng mga kaluluwa, magnanakaw ng buhay. Sila ay nangangahas na magturo sa iba na maniwala kahit na sila mismo ay hindi pa naliligtas.
Wala isa man ang walang kasalanan ayon sa Kautusan. Ngunit ang tao ay nagiging matuwid, hindi dahil sa hindi siya nagkasala ngunit dahil siya ay naligtas sa lahat ng mga kasalanan at ang kanyang pangalan ay nakatala sa Aklat ng Buhay. Ang importanteng bagay ay kung ang pangalan ng isang tao ay nakatala sa Aklat ng Buhay. Dahil ang tao ay hindi makakapamuhay na malaya sa kasalanan, siya ay dapat na maligtas.
Ang pagtanggap sa iyo sa langit ay depende kung mananampalataya ka o hindi. Kung matatanggap mo ang biyaya ng Diyos o hindi ay depende sa iyong pagtanggap sa kaligtasan kay Hesus. Ano ang nangyari sa babae na nahuli? Siya ay nakatayo at nakapikit dahil alam niya na dapat siyang mamatay. Maaaring siya ay umiiyak sa takot at sa pagsisisi. Ang mga tao ay nagiging tapat kapag sila mismo ay nakaharap na sa kamatayan. 
“O Diyos ko, nararapat nga na ako’y mamatay. Pakiusap tanggapin mo ang aking kaluluwa sa Iyong mga kamay, at maawa ka sa akin. Pakiusap maawa ka sa akin, Hesus.” Siya ay nakiusap kay Hesus para sa pag-ibig sa kaligtasan. “Diyos ko, kung ako ay iyong hahatulan, at kung iyong sasabihin na ako’y walang kasalanan, ang aking mga kasalanan ay mabubura. Nasa Iyo na iyon.” Maaaring sinasabi niya ang lahat ng ito. Ang lahat ay ipinaubaya niya kay Hesus.
Ang babae na dinala sa harap ni Hesus ay hindi sinabing, “Nakagawa ako ng kasalanan, pakiusap patawarin Mo ako dahil sa aking pakikiapid.” Sinabi niya, “Pakiusap iligtas Mo ako sa aking mga kasalanan. Kung tutubusin Mo ang aking mga kasalanan, ako ay maliligtas. Kung hindi, ako ay mapupunta sa impiyerno. Kailangan ko ang Iyong kaligtasan. Kailangan ko ng pag-ibig ng Diyos, at kailangan ko Siya na maawa sa akin.” Ipinikit niya ang kanyang mga mata at humingi ng tawad sa kanyang mga kasalanan. 
At tinanong siya ni Hesus, “Nasaan na ang mga humuhusga sa iyo? Wala bang nagparusa sa yo?” Sumagot siya, “Wala, Panginoon.”
At sinabi ni Hesus sa kanya, “Kahit na ako, hindi kita parurusahan.” Hindi siya pinarusahan ni Hesus dahil natanggal na Niya ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa ilog ng Jordan, at siya ay naligtas na. Ngayon, si Hesus, at hindi ang babae, ang hahatulan para sa kanyang mga kasalanan.
 

SINABI NIYA, “KAHIT NA AKO, HINDI KITA HAHATULAN.”

Siya ba ay hinatulan ni Hesus?
Hindi.

Ang babaing ito ay nabiyayaan ng kaligtasan ni Hesus. Siya ay natubos sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Ang Panginoong Hesus ay sinasabi sa atin na Siya ang tumubos sa lahat ng ating mga kasalanan at tayong lahat ay matuwid.
Sinasabi Niya ito sa atin tulad sa Biblia. Siya ay namatay sa krus upang magbayad sa ating mga kasalanan, na Kanyang inalis nang Siya ay bautismuhan sa ilog Jordan. Maliwanag na sinasabi Niya sa atin na tinubos Niya yaong mga naniniwala sa kaligtasan ng Kanyang bautismo at paghatol sa krus. Lahat tayo ay nangangailangan ng nakasulat na mga salita ni Hesus at panghawakan ang mga salitang ito. Pagkatapos, tayong lahat ay mabibiyayaan ng kaligtasan. 
“Diyos ko, ako ay walang galing sa harap Mo. Ako ay walang talento. Wala akong maipapakita sa Iyo kundi ang aking mga kasalanan. Ngunit ako ay naniniwala na si Hesus ay ang Panginoon ng kaligtasan. Inalis Niya ang lahat ng kasalanan sa ilog Jordan at binayaran ang mga ito sa krus. Inalis Niya ang aking mga kasalanan sa Kanyang bautismo at dugo. Ako ay naniniwala sa Iyo, Panginoon.” 
Ganito kayo naligtas. Si Hesus ay hindi ‘humatol sa atin.’ Ibinigay Niya sa atin ang karapatang maging anak ng Diyos: Sa mga naniniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu, inalis Niya ang lahat ng kanilang mga kasalanan at tinawag silang matuwid. 
Mga kaibigan! Ang babae ay naligtas. Ang babaing nahuli sa pakikiapid ay nabiyayaan ng kaligtasan sa harap ni Hesus. Tayo rin ay mabibiyayaan tulan niyon. Sinumang nakakaalam ng kanyang mga kasalanan at humingi ng awa sa Diyos, sinumang naniniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu ni Hesus ay makatatanggap ng biyaya ng kaligtasan mula sa Diyos. Ang sinumang mayroon mga kasalanan ang siyang maliligtas. Sinumang nagkakasala ngunit hindi nakababatid ng kanyang sariling kasalanan ay hindi mabibiyayaan ng kaligtasan.
Inalis lahat ni Hesus ang kasalanan ng sanlibutan (Juan 1:29). Sinumang makasalanan sa mundo ay maliligtas kung maniniwala siya kay Hesus. Sinabi ni Hesus sa babae, “Kahit ako, hindi kita hahatulan.” Sinabi Niya, na hindi Niya hahatulan ang babae dahil ang lahat ng kasalanan ng babae ay nailipat na sa Kanya, kinuha Niya ang lahat ng ating mga kasalanan, at Siya ang hahatulan sa halip na tayo.
 

TAYO RIN AY NARARAPAT NA MALIGTAS SA HARAP NI HESUS

Ano ang mas nakahihigit, ang pag-ibig ng Diyos o ang hatol ng Diyos?
Ang pag-ibig ng Diyos.

Ang mga pariseo na may mga bato sa kanilang mga kamay, tulad ng mga pinunong panrelihiyon sa ngayon, ay nagpapaliwanag ng Kautusan ayon sa literal na kahulugan nito. Naniniwala sila na dahil ang Kautusan ay nagpapahayag sa atin na huwag makiapid, ang sinumang magkasala ay dapat batuhin hanggang sa mamatay. Tumitingin sila sa mga babae at nagnanasa sa likod ng mga ito habang nagpapanggap na hindi nakikiapid. Hindi sila matutubos o maliligtas. Ang pariseo at mga eskriba ay ang mga moralista ng mundo. Hindi sila ang mga tinawag ni Hesus. Ang mga taong ito ay hindi nakarinig mula sa Kanya, “Hindi ko kayo hahatulan.” 
Tanging ang babae na nahuli sa pakikiapid ang nakarinig ng mga gayong kaligayang pananalita. Kung ikaw ay tapat sa harap Niya, ikaw rin ay bibiyayaan tulad niya. “Diyos ko, ako ay nakiapid sa buong buhay ko. Nagmimistula lang na hindi dahilan sa ginagawa ko ito nang madalas. Ako ay nagkakasala ng maraming beses sa isang araw.” 
Kapag ating tinatanggap ang Kautusan at ang katotohanan na tayo’y makasalanan na dapat mamatay at humaharap sa Diyos ng tapat at kinikilala ang ating sarili kung ano tayo, “Diyos ko, ganito ako. Pakiusap iligtas mo ako,” ang Diyos ay bibiyayaan tayo ng kaligtasan. 
Ang pag-ibig ni Hesus, sa tubig at sa Espiritu ang nagwagi laban sa makatarungang hatol ng Diyos. “Kahit Ako, hindi Ko kayo hahatulan.” Hindi Niya tayo hinatulan at sinabi Niya, “Ikaw ay naligtas.” Ang ating Panginoong Hesukristo ay ang Diyos na mahabagin. Iniligtas Niya tayo sa lahat ng kasalanan ng mundo. 
Ang Diyos natin ay Diyos ng katarungan at Diyos ng pag-ibig. Ang pag-ibig ng tubig at ng Espiritu ay nakahihigit kaysa sa Kanyang paghatol. 
 

ANG KANYANG PAG-IBIG AY NAKAHIHIGIT SA KANYANG HUSTISYA

Bakit tinubos Niya tayong lahat?
Dahil ang Kanyang pag-ibig ay nakahihigit sa Kanyang hustisya.

Kung ang Diyos ay nagpatupad ng Kanyang hatol upang maging ganap ang Kanyang hustiya, maaaring nahatulan Niya ang lahat ng mga makasalanan at ipinadala sila sa impiyerno. Ngunit dahil sa pag-ibig ni Hesus na nagligtas sa atin sa paghatol ay mas nakahihigit, ibinigay ng Diyos ang Kanyang nag-iisang Anak, si Hesus. Kinuha lahat ni Hesus ang ating mga kasalanan at tumanggap na makatarungang hatol para sa ating lahat. Ngayon sino mang naniniwala kay Hesus bilang tagapagligtas ay nagiging anak Niya at nagiging matuwid. Dahil ang Kanyang pag-ibig ay nakahihigit sa Kanyang hustisya, tinubos Niya tayong lahat. 
Dapat nating pasalamatan ang Diyos na hindi Niya tayo hinatulan ayon sa Kanyang hustisya lamang. Tulad ng sinabi ni Hesus sa mga eskriba, sa mga pariseo, at sa kanilang mga disipulo, ang gusto ng Diyos ay awa at kaalaman sa Kanya, at hindi ang ating mga alay. Ang iba ay pumapatay ng baka o ng kambing araw-araw at iniaalay ito sa harap ng Diyos at nananalangin, “Diyos ko, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan sa araw-araw.” Hindi gusto ng Diyos ang ating mga alay, ngunit sa halip ang ating paniniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu. Nais Niyang tayo ay maligtas at matubos. Nais Niyang ibigay sa atin ang Kanyang pag-ibig at nais Niyang tanggapin ang ating pananampalataya. Nakikita n’yo bang lahat ito? Binigyan tayo ni Hesus ng kaligtasan.
Itinatakwil ni Hesus ang kasalanan ngunit Siya ay mayroong umaapoy na pag-ibig para sa sangkatauhan, na nilikha na kawangis ng Diyos. Nakapagpasya na Siya bago pa man ang simula ng panahon upang tayo’y gawing anak ng Diyos, at nilinis Niyang lahat ang ating mga kasalanan ng Kanyang bautismo at dugo. Nilikha tayo ng Diyos upang tubusin, upang bihisan tayo kay Hesus at gawin tayong kanyang mga anak. Ito ang pag-ibig Niya sa atin na Kanyang nilikha. 
Kung tayo’y hinatulan lang ng Diyos ayon sa Kanyang kautusan, tayo na mga makasalanan ay dapat mamatay. Ngunit tinubos Niya tayo sa pamamagitan ng bautismo at ng hatol ng Kanyang Anak sa krus. Naniniwala ka ba? Ating patunayan ito sa Lumang Tipan.
 

IPINATONG NI AARON ANG KANYANG KAMAY SA KAMBING

Sino ang nagpapasa ng mga kasalanan ng Israel sa buhay nakambing bilang kanilang kinatawan?
Ang punong saserdote

Ang lahat ng kasalanan sa mundo ay napagbayaran ng ordinasyon ng Lumang Tipan at ng bautismo ng Bagong Tipan. Sa Lumang Tipan, lahat ng kasalanan ng Israel sa loob ng isang taon ay natatakpan sa pamamagitan ng punong saserdote, na siyang nagpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo ng kambing na walang dungis.
“Ipapatong niya ang kanyang mga kamay sa ulo nito at ipapahayag ang lahat ng kasalanan ng mga Israelita, ang kanilang mga pagsalangsang at pagkukulang; sa gayon masasalin sa hayop ang lahat ng ito. Ibibigay niya ang kambing sa isangkarapat dapat na tao na naghihintay doon upang dalhin iyon sa ilang” (Levitico 16:21).
Sa ganitong paraan sila nagbabayad-sala sa panahon ng Lumang Tipan. Upang matubos sa araw-araw na kasalanan, isa ang magdadala ng tupa o kambing na walang dungis sa tabernakulo at iaalay ito sa altar. Ipinapatong niya ang kanyang mga kamay sa ulo ng alay, at ang kanyang mga kasalanan ay nasasalin sa isinasakripisyo. Pagkatapos ay pinapatay ang alay at ang dugo nito ay inilalagay sa mga sungay ng altar ng saserdote.
May mga sungay sa apat na sulok ng altar. Ang mga sungay na ito ay nagsisimbulo ng Aklat ng mga Gawa ng ipinaliwanag sa Pahayag 20:12. At ang naturang dugo nito ay idinidilig din sa lupa. Ang lupa’y kumakatawan sa puso ng tao dahil ang tao’y nilikha mula sa alabok. Ang mga tao ay nagbabayad-sala sa kanilang mga kasalanan araw-araw sa ganitong paraan.
Ngunit hindi sila makapagbigay ng alay araw-araw. Kaya, pinayagan sila ng Diyos na gawin ito ng isang beses sa isang taon bilang kabayaran sa kasalanan nila sa loob ng isang taon. Ito ay tuwing ika-sampung araw ng ika-pitong buwan, ang Araw ng Pagbabayad Sala. Sa araw na iyon, ang kinatawan ng lahat ng tao sa Israel, ang punong saserdote ay nagdadala ng dalawang kambing at ipinapatong niya ang kanyang kamay sa mga ito upang isalin ang mga kasalanan ng mga tao sa kanila at ialay sila sa harap ng Diyos para ipambayad-sala sa mga tao ng Israel.
“Ipinatong ni Aaron ang kanyang mga kamay sa ulo ng buhay na kambing, humingi ng tawad sa lahat ng kahinaan ng mga taga-Israel, at sa lahat ng pagkukulang nila, ayon sa lahat ng kanilang pagkakasala, at inilipat itong lahat sa ulo ng kambing.”
Itinalaga ng Diyos si Aaron, ang punong saserdote ng Israel bilang kinatawan. Sa halip na lahat sila’y magpapatong ng kamay sa alay ng isa-isa, ang punong saserdote, bilang kinatawan nilang lahat, ang magpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo ng buhay na kambing para sa kapatawaran ng isang taon na pagkakasala.
At isasalaysay niya ang lahat ng kasalanan ng Israel sa harap ng Diyos, “O Diyos ko, ang mga anak mo sa Israel ay nagkasala. Sumamba kami sa diyus-diyusan, sinira ang mga artikulo ng Iyong Kautusan, gumawa ng ibang diyos at inibig nila ang mga ito ng higit sa Iyo. Hindi namin ginawang banal ang araw ng Sabbath, hindi gumalang sa mga magulang, pumatay, nakiapid at nagnakaw…kami’y nagumon sa selos at pag-aaway.”
Inilista niya ang lahat ng kasalanan. “Diyos ko, hindi ang mga taga-Israel o kahit na ako ay nakapagpanatili ng kahit alin sa Kautusan Mo. Para matubos sa lahat ng kasalanan, ipinapatong ko ang aking mga kamay sa ulo ng kambing na ito at isinasalin dito ang lahat ng kasalanan.” Ang punong saserdote ay ipinatong ang kanyang mga kamay sa alay para sa lahat ng tao at inilipat ang lahat ng kasalanan sa ulo ng alay. Ang ordinasyon, o ang pagpatong kamay ay nangangahulugang, ‘ipasa’ (Levitico 1:1-4, 16:20-21).

Paano nagtatagumpay ang pagbabayad-sala sa panahon ng Lumang Tipan?
Sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay sa ulo ng alay para sa mga kasalanan.

Ibinigay ng Diyos ang ritual pag-aalay ng kasalanan sa mga tao ng Israel upang maipasa nila ang kanilang mga kasalanan at maligtas. Tahasan Niyang sinabi na kailangang mayroong alay para sa mga kasalanan na walang dungis at ito ay dapat mamatay sa halip na ang tao.
Sa araw ng pagbabayad-sala, ang alay para sa mga sala ay pinapatay at ang dugo nito’y dinadala sa Banal na Dako at idinidilig sa luklukan nang awa ng pitong beses. Samakatuwid, ang mga Israelita ay nagbabayad-sala para sa isang taong kasalanan sa ikasampung araw ng ika-pitong buwan.
Ang punong saserdote ay pumapasok sa Banal na Dako nang nag-iisa upang ialay ang sakripisyo, ngunit ang mga tao’y nagtitipon sa labas at nakikinig sa tunog ng mga gintong batingaw sa manggas ng punong saserdote habang ang mga dugo ay iwiniwisik sa upuan ng awa. Pagkatapos ay magsasaya ang mga tao na ang lahat ng kanilang kasalanan ay napagbayaran na. Ang tunog ng mga gintong batingaw ay tunog ng masayang ebanghelyo.
Hindi totoo na si Hesus ay umiibig at nagliligtas sa iilang tao lamang. Inalis lahat ni Hesus ang mga kasalanan ng buong mundo sa isang pagkakataon lang sa panahon ng Kanyang bautismo. Nais Niyang matubos tayong lahat sa isang pagkakataon lang. Ang ating mga kasalanan ay hindi matutubos nang araw-araw; ang mga ito’y natubos lahat nang isang pagkakataon lamang.
Sa Lumang Tipan, ang pagbabayad-sala ay isinasagawa sa pamamagitan ng ordinasyon at pag-aalay para sa kasalanan. Si Aaron ay nagpatong ng kamay sa ulo ng buhay na kambing sa harap ng lahat ng mga tao at inisa-isa ang lahat ng kasalanan na nagawa ng mga tao sa loob ng isang taon. Ipinasa niya ang mga kasalanan sa kambing sa harap ng lahat. Saan napunta ang mga kasalanan ng mga tao pagkatapos? Lahat ay isinalin na sa kambing.
Pagkatapos, ang kambing ay itataboy sa malayo ng isang ‘karapat-dapat na tao.’ Ang kambing na dala ang lahat ng kasalanan ng Israel, ay itataboy sa disyerto kung saan walang tubig at walang damo. Ang kambing, pagkatapos, ay magpapagala-gala sa disyerto sa ilalim ng napakainit na araw at sa kahuli-huliha’y mamatay. Ang kambing ay namatay para sa mga kasalanan ng Israel.
Ito ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng kaligtasan. Ganito sila nagbabayad-sala para sa isang taong kasalanan noong mga panahong iyon. Ngunit tayo’y nabubuhay sa panahon ng Bagong Tipan. Halos 2000 taon na mula nang dumating si Hesus sa mundo. Siya’y dumating at tinupad ang hula sa Lumang Tipan. Dumating Siya at tinubos ang lahat ng ating mga kasalanan.
 

UPANG TUBUSIN TAYONG LAHAT

Ano ang kahulugan ng ‘HESUS’?
Ang tagapagligtas na magliligtas sa mga tao sa kanilang mga kasalanan.

Basahin natin ang Mateo 1, “Samantalang iniisip ni Jose ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang Anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, ‘Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y nagdadalantao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat Siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan’” (Mateo 1:20-21).
Ang ating Ama sa langit ay nanghiram ng katawan ni Birheng Maria para isugo ang Kanyang Anak dito sa mundo upang linisin ang mga kasalanan ng tao. Nagpadala Siya ng anghel kay Maria at sinabi sa kanya, “Tingnan mo, ikaw ay magdadalang tao ng isang lalaki at tatawagin mo siyang Hesus.” Nangangahulugang ito na ang Anak ni Maria ay magiging Tagapagligtas. Ang Hesukristo ay nangangahulugan na isang Tagapagligtas ng kanyang bayan.
Ang paraan ni Hesus ng pag-alis ng mga kasalanan ng mundo ay sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa ilog Jordan. Siya ay binautismuhan ni Juan Bautista at ang lahat ng kasalanan ng mundo ay isinalin sa Kanya. Basahin natin ang Mateo 3:13-17.
“Si Hesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo. Sinansala siya ni Juan na ang wika, ‘Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin?’ Ngunit tinugon siya ni Hesus ‘Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos! At pumayag si Juan. Nang mabautismuhan si Hesus, umahon Siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, ‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.’”
Si Hesus ay pumunta kay Juan Bautista para tubusin tayong lahat sa ating mga kasalanan.
Lumakad Siya sa tubig at ibinaba ang Kanyang ulo sa harap ni Juan. “Juan, bautismuhan mo ako ngayon. Nararapat sa atin na isakatuparan ang lahat nang pagkamatuwid. Tulad ko na inalis ang lahat ng mga kasalanan ng mundo at tinubos ang mga makasalanan sa kanilang mga pagkakasala, kailangan kong alisin ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo. Bautismuhan mo ako ngayon! Ipinapahintulot ko!”
Gayun man, nararapat na isakatuparan ang pagkamatuwid. Si Hesus ay binautismuhan ni Juan Bautista. At sa pagkakataong yaon ang lahat ng katarungan ng Diyos na tumubos ng ating kasalanan ay naisakatuparan.
Ganito Niya inalis ang ating mga kasalanan. Lahat ng iyong mga kasalanan ay isinalin din kay Hesus, naiintindihan mo ba ito?
Maniwala ka sa kaligtasan sa bautismo ni Hesus at ng Espiritu ikaw ay maliligtas.

Paano naisakatuparan ang pagkamatuwid?
Sa pamamagitan ng bautismo ni Hesus.

Unang ipinangako ng Diyos sa Israel na ang lahat ng kasalanan ng tao ay malilinis sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay at ng sakripisyong alay para sa kasalanan. Ngunit imposible para sa lahat ng tao na ipatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng kambing na isa-isa, itinalaga ng Diyos si Aaron ng maging punong saserdote upang maialay ang sakripisyo para sa lahat ng tao. Samakatuwid, isinalin niya lahat ang mga kasalanan nila sa loob ng isang taon sa ulo ng alay para sa kasalanan ng isang beses. Ito ang Kanyang karunungan at ang kapangyarihan ng kaligtasan. Ang Diyos ay maalam at kamangha-mangha.
Ipinadala Niya ang Kanyang Anak na sa Hesus upang iligtas ang mundo. Kaya ang alay para sa mga kasalanan ay handa na. Ngayon, kailangang mayroong kinatawan ang sangkatauhan, ang siyang magpapatong ng kanyang kamay sa ulo ni Hesus at isinalin ang lahat ng kasalanan ng mundo. Ang kinatawan na iyon ay si Juan Bautista. Sa Mateo 11:11, ang Diyos ay nagpadala ng kinatawan para sa sangkatauhan bago si Hesus.
Si Juan Bautista, ang huling punong saserdote ng tao. Tulad ng nasusulat sa Mateo 11:11, “Sa mga isinilang, wala pang lumitaw na higit na dakila kay Juan Bautista.” Siya ang tanging kinatawan ng mga tao. Ipinadala Niya si Juan Bautista bilang kinatawan sa bawat isang nilikha upang mabautismuhan niya si Hesus at isalin ang lahat ng kasalanan ng mga tao sa Kanya.
Kung anim na bilyon na tao ang pumunta kay Hesus ngayon at ang bawat isa ay kailangang magpatong ng kamay kay Hesus upang ilipat ang kanilang mga kasalanan, ano ang mangyayari sa ulo niya? Kung mahigit sa anim na bilyon na tao sa mundong ito ang magpatong ng kamay nila kay Hesus, hindi ito kaaya-ayang tingnan. Ang iba na masigasig na tao ay maaaring idiin ito na maaring ikatanggal ng Kanyang mga buhok. Ang Diyos, sa Kanyang karunungan, ay itinalaga si Juan bilang ating kinatawan at isinalin ang lahat ng mga kasalanan ng mundo kay Hesus sa isang pagkakataon lang para sa lahat.
Nakatala ito sa Mateo 3:13-17, “Si Hesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo.” Ito ay noong 30 taong gulang si Hesus. Si Hesus ay tinuli noong 8 araw pagkatapos Niyang ipanganak. At madalang lang ang naitala tungkol sa Kanya hanggang sa Siya’y maging 30 taong gulang.
Ang dahilan kaya naghintay si Hesus hanggang sa siya’y mag-30 taon na maging makalangit na punong saserdote ay upang maisakatuparan ang Lumang Tipan. Sa Deuteronomio, sinabi ng Diyos kay Moses na ang punong saserdote ay dapat na 30 taon man lamang bago siya makapagministro. Si Hesus ay ang makalangit na punong saserdote. Naniniwala ka ba dito?
Sa Bagong Tipan, sa Mateo 3:13-15, sinasabi, “Si Hesus ay dumating din naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo. Sinansala siya ni Juan na ang wika, ‘Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo at kayo pa ang lumalapit sa akin.’” Sino ang kinatawan ng mga tao? Si Juan Bautista. Kung gayon, sino naman ang kinatawan ng langit? Ang mga kinatawan ay nagtagpo. Sino ang mas nakatataas? Siyempre, ang kinatawan ng langit.
Kaya si Juan Bautista na walang-takot na humihiyaw sa mga pinunong-panrelihiyon noon, “Langkay ng mga ahas! Mangagsisi kayo!” ay biglang nagpakumbaba sa harap ni Hesus. “Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin?”
Kaya sinabi ni Hesus, “Hayaan mo itong mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.” Si Hesus ay dumating dito sa mundo para isakatuparan ang kalooban ng Diyos, at ito’y naganap ng Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista.
“At hinayaan niyang mangyari ito sa Kanya. Pagkatapos mabautimuhan si Hesus ay mabilis na umahon siya sa tubig, at ang kalangitan ay nagbukas para sa Kanya, at nakita Niya ang Espiritu ng Diyos na bumababa tulad ng kalapati at nagliwanag sa Kanya. At bigla, isang tinig mula sa langit ang nagsabing, ‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.’”
Ito ang nangyari nang siya ay mabautimuhan. Ang pinto ng langit ay nagbukas nang Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista at naalis ang lahat ng kasalanan ng mundo.
“Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mga mararahas” (Mateo 11:12).
Lahat ng mga propeta at ang kautusan ng Diyos ay naghula hanggang kay Juan Bautista. “Mula noong mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay dumaranas ng karahasan at inaagaw ng mga mararahas.” Lahat ng naniniwala sa Kanyang bautismo ay makapapasok sa kaharian ng langit nang walang alinlangan.
 

“HINDI RIN KITA PARURUSAHAN”

Bakit si Hesus ay nahatulan sa Krus?
Dahil kinuha Niya ang lahat ng kasalanan.

Si Hesus ay binautimuhan ni Juan Bautista at kinuha ang lahat ng mga kasalanan sa mundo. At hindi naglaon, sinabi Niya sa babae, “Hindi rin kita parurusahan.” Hindi Niya pinarusahan ang babae dahil kinuha Niya ang kasalanan ng mundo sa Jordan at si Hesus, hindi ang babae, ang dapat mahatulan para sa mga kasalanang yaon.
Pinawi ni Hesus ang lahat ng kasalanan ng mundo. At makikita natin kung gaano siya natakot sa sakit na kailangan Niyang tiisin sa Krus dahil, “Ang kabayaran ng mga kasalanan ay kamatayan.” Nanalangin Siya ng tatlong beses sa Bundok ng mga Olibo upang alisin ang hatol na ito sa Kanya. Si Hesus ay may laman ng tulad sa tao, kaya nakauunawang Siya’y natatakot sa sakit. Si Hesus ay kailangang magbuhos ng dugo upang isakatuparan ang hatol.
Tulad ng alay para sa mga kasalanan sa Lumang Tipan ay kailangang magbuhos ang dugo para sa ating mga kasalanan, dapat Siyang maging sakripisyo sa Krus. Naalis na Niya ang mga kasalanan ng mundo at ngayon ay kailangan Niyang ibigay ang Kanyang buhay para sa ating kaligtasan. Alam Niyang kailangan Siyang hatulan sa harap ng Diyos.
Si Hesus ay walang anumang kasalanan sa kanyang puso. Ngunit sa pagsalin ng mga kasalanan sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ang Diyos ay hahatulan ang Kanyang sariling Anak ngayon. Samakatuwid, una, ang katarungan ng Diyos ay naisakatuparan at ikalawa, iginawad Niya sa atin ang Kanyang pag-ibig para sa ating kaligtasaan. Samakatuwid, si Hesus ay kailangang hatulan sa krus.
“Hindi rin kita parurusahan, hindi rin kita hahatulan.” Lahat ng ating mga kasalanan, sinadya man o hindi, alam man natin o hindi, ay kailangan hatulan ng Diyos.
Ang Diyos ay hindi tayo hinatulan, ngunit si Hesus na Siyang kumuha ng ating mga sala sa Kanyang sarili nang Siya’y bautismuhan. Hindi nais ng Diyos na hatulan ang mga makasalanan dahil sa Kanyang pag-ibig at Kanyang awa. Ang bautismo at ang dugo sa Krus ang siyang nakapagligtas sa atin. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Ganito natin nalalaman ang Kanyang pag-ibig. Si Hesus ay hindi nagparusa sa babae na nahuli sa pakikiapid.
Alam ng babae na siya ay makasalanan dahil nahuli siya sa akto ng pakikiapid. Siya ay hindi lang nagkasala sa kanyang puso, ngunit dinadala rin ito sa laman. Walang ibang paraan na maipagkakaila niya ang kasalanan. Ngunit dahil siya’y naniniwala kay Hesus na inalis na ang kanyang mga kasalanan, siya ay naligtas. Kung tayo’y maniniwala sa kaligtasan ni Hesus, tayo’y maliligtas. Maniwala kayo! Ito’y para sa ating kapakanan.

Sino ang higit na pinagpala?
Ang taong walang pagkakasala.

Lahat ng tao ay nagkasala. Lahat ng tao ay nakikiapid. Ngunit lahat ng tao ay hindi nahatulan para sa kanilang mga kasalanan. Tayong lahat ay nagkasala, ngunit yaong mga naniniwala sa kaligtasan ni Hesukristo ay walang mga kasalanan sa kanilang mga puso. Siya na naniniwala sa kaligtasan ni Hesus ay ang pinakamasayang tao. Ang pinakama biyayang tao ay yaong natubos sa mga kasalanan, siya na matuwid ngayon kay Hesus.
Sinabi sa atin ng Diyos ang tungkol sa kagalakan sa Roma 4:7, “Mapapalad yaong ang mga pagsuway ay ipinatawad na, at ang mga kasalana’y napawi na.” Lahat tayo’y nagkakasala hanggang sa tayo’y mamatay. Tayo’y hindi gumagalang sa harap ng Diyos at tayo’y maraming pagkukulang. Tayo’y patuloy na nagkakasala kahit na tayo’y pamilyar sa Kanyang kautusan. Tayo’y mahihina.
Ngunit tayo’y tinubos ng Diyos sa pamamagitan ng bautismo at ng dugo ng Kanyang bugtong na Anak at sinasabi sa atin, ikaw at ako, na tayo’y hindi na makasalanan, at tayo’y matuwid na ngayon sa harap Niya. Sinasabi Niya sa atin na tayo’y anak na Niya.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ebanghelyo ng kaligtasan. Naniniwala ka ba dito? Sa mga naniniwala, tinawag Niya silang matuwid, naligtas at mga anak Niya. Sino ang pinakamasayang tao dito sa mundo? Ang naniniwala at ang naligtas. Naligtas ka na ba?
Hindi ba isinama ni Hesus na alisin ang iyong kasalanan? Hindi, inalis ni Hesus ang lahat ng iyong kasalanan sa Kanyang bautismo. Maniwala ka dito. Maniwala ka at ikaw ay maliligtas sa lahat ng kasalanan. Basahin natin ang Juan 1:29.
 

“TILA PINALIS NG WALIS”

Gaano karaming kasalanan ang inalis ni Hesus?
Lahat ng kasalanan ng mundo.

“Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, ‘Narito ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng Sanlibutan.’” “Narito, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan!”
Ipinasa ni Juan Bautista ang lahat ng mga kasalanan ng mundo kay Hesus sa Jordan. Nang sumunod na araw, nasaksihan ni Juan si Hesus na siyang Kordero ng Diyos ang nag-alis ng lahat ng kasalanan ng mundo. Pinasan Niya sa Kanyang balikat ang mga kasalanan ng mundo.
Ang lahat ng kasalanan ng mundo ay nangangahulugan ng lahat ng kasalanan na nagawa ng mga tao sa mundong ito, ang mundong mula sa paglikha hanggang sa wakas. Halos 2000 taon na ang lumipas, inalis ni Hesus ang lahat ng kasalanan ng mundo at iniligtas tayo. Bilang Kordero ng Diyos, inalis Niya ang mga kasalanan natin at nahatulan Siya para sa atin.
Anumang kasalanan na nagawa natin ay isinalin kay Hesus. At Siya’y naging Kordero ng Diyos na Siyang nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo.
Si Hesus ay dumating dito sa mundo bilang mapagkumbabang nilalang, tulad ng isang nagliligtas sa lahat ng makasalanan sa mundo. Nakagagawa tayo ng kasalanan dahil tayo’y mahina, dahil tayo’y masama, dahil tayo’y ignorante, dahil tayo’y mapaglaro, at dahil tayo’y hindi ganap. Lahat ng mga kasalanan na ito ay nalinis at isinalin sa ulo ni Hesus sa Kanyang bautismo sa Jordan. At tinapos Niya ang lahat ng ito sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang katawang-tao sa Krus. Siya ay inilibing at muling nabuhay pagkatapos ng 3 araw.
Bilang Tagapagligtas ng lahat ng makasalanan, bilang Nagtagumpay, bilang Tagahatol, Siya ngayo’y nakaupo bilang kanang kamay ng Diyos. Hindi Niya kailangang iligtas tayo ng paulit-ulit, kundi ang nararapat nating gawin ay maniwala upang maligtas. Ang walang hanggang buhay ay naghihintay sa mga naniniwala, at ang pagkapahamak naman ang naghihintay doon sa mga hindi naniniwala. Walang ibang pagpipilian.
Tinubos ni Hesus kayong lahat. Kayo ang pinakamaligayang tao sa mundo. Maging ang lahat ng kasalanang gagawin n’yo sa hinaharap dahil sa inyong kahinaan ay inalis Niyang lahat.
Mayroon pa bang mga kasalanang naiwan sa puso mo? Wala na.
Inalis bang lahat ito ni Hesus? Oo! Inalis Niya.
Lahat ng tao ay pare-pareho. Walang mas banal pa sa kanyang kapwa. Ngunit tulad ng maraming ipokrito, iniisip nila na hindi sila makasalanan. Ngunit sa katotohana’y makasalanan din sila. Ang mundong ito ay punlaan ng kasalanan.
Kapag ang babae’y lumalabas sa kanilang mga bahay, naglalagay sila ng pulang lipstik, nagpupulbos ng kanilang mukha, kinukulot ang kanilang buhok, nagdadamit ng maganda at nagsusuot ng sapatos na mas mataas na takong…ang mga kalalakihan din ay pumupunta sa barbero para magpagupit ng kanilang buhok, nag-aayos ng sarili nila, nagsusuot ng malilinis ng kamiseta, sunod sa modang mga kurbata, at nagpapakintab ng kanilang mga sapatos.
Ngunit habang sila’y nagmumukhang prinsipe at prinsesa sa labas, sa loob sila’y tulad ng napakaruming tambakan at pusali.
Ang pera ba’y nagpapasaya sa tao? Ang kalusugan ba’y nagpapasaya sa tao? Hindi. Tanging kaligtasan lang ang tunay na makapagpapasaya sa tao. Kahit na masayang tingnan sa panlabas ang tao, naghihirap siya sa loob kung may kasalanan siya sa kanyang puso. Siya’y nabubuhay na may takot sa paghuhukom.
Ang taong naligtas ay naghuhumiyaw tulad ng leon kahit sa trapo, walang kasalanan sa kanyang puso. “Salamat Panginoon, iniligtas mo ang makasalanang tulad ko, nilinis Mo ang aking mga kasalanan. Alam kong hindi ako karapat-dapat, ngunit pinupuri Kita sa pagliligtas Mo sa akin. Ako’y ligtas na sa aking mga kasalanan kailanman. “Luwalhati sa Diyos!”
Ang taong naligtas ay tunay na maligaya. Ang taong nabiyayaan ng Kanyang grasya ng kaligtasan ay tunay na nagagalak.
Si Hesus, ‘ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng lahat ng kasalanan,’ ang siyang nag-alis ng ating mga kasalanan, tayo’y wala nang pagkakasala. ‘Tinapos’ Niya ang pagliligtas para sa atin sa krus. Lahat ng kasalanan kasama na ang sa iyo at sa akin, ay kasama sa ‘kasalanan ng mundo,’ at samakatuwid tayong lahat ay ligtas na.
 

SA KALOOBAN NG DIYOS

May kasalanan ba tayo sa ating mga puso kay Hesus?
Wala.

Mga kaibigan, ang babaing nahuli sa pakikiapid, ay naniwala sa mga salita ni Hesus at siya’y naligtas. Ang istorya niya ay nakatala sa Bibliya dahil siya’y pinagpala na maligtas. Ngunit ang mga mapagkunwaring eskriba at mga pariseo ay lumayo kay Hesus.
Kung naniniwala ka kay Hesus, ito ay sa langit, ngunit kapag iniwan mo Siya, ito’y sa impiyerno. Kung naniniwala ka sa Kanyang mga gawa, ito’y tulad sa langit, ngunit kung hindi ka naniniwala sa mga gawa Niya, ito’y tulad sa impiyerno. Ang kaligtasan ay hindi nababatay sa pagsisikap ng isang tao, ito ay ayon sa kaligtasan kay Hesus.
Basahin natin ang Hebreo 10.
“Ang kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga haing inihahandog taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga handog, wala na sana silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na kailangang maghandog pa. Subalit ang mga haing ito pa nga ang taun-tao’y nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan. Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos, ‘Ang mga hain at handog ng mga hayop ay hindi mo ibig, kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain. Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan. Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang Iyong kalooban’ – Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.’ Sinabi muna niya, ‘Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin at mga handog dahil sa kasalanan’ – bagamat ito’y inhahandog ayon sa kautusan. Saka niya sinabi, ‘Narito ako upang tupdin ang Iyong kalooban.’ Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili, at iyo’y sapat na” (Hebreo 10:1-10).
Samakatuwid, tayo’y pinapaging-banal. ‘Pinapaging-banal’ ay nakasulat sa ganap na nakaraang panahon. Nangangahulugan ito na ang kaligtasan ay hindi na kailangang banggitin muli. Ikaw ay pinapaging-banal.
“Bawat saserdote ay nakatayong naglilingkod araw-araw at naghahadog ng iyon at iyon ding mga hain, subalit hindi makapapawi ng kasalanan ang mga haing iyon. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog dahil sa mga kasalanan, at iyo’y sapat na. Pagkatapos, lumuklok Siya sa kanan ng Diyos. At naghihintay Siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa Kanya ng Diyos ang Kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog, ay kanyang pinapaging-banal ang mga nililinis Niya” (Hebreo 10:11-14).
Kayong lahat ay pinapaging-banal kailanman. Kung magkakasala ka bukas, ikaw ba’y magiging makasalanang muli? Inalis din ba ni Hesus ang mga kasalanang iyon? Inalis Niya. Inalis din Niya ang mga kasalanan sa hinaharap.
“Ang Espiritu Santo’y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Una’y sinabi niya, ‘Ito ang aking magiging tipan sa kanila. Pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Iuukit ko sa kanilang puso ang aking mga utos at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip.’ At Kanya ring sinabi pagkatapos, ‘Hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan.’ Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan” (Hebreo 10:15-18).
Ang pariralang ‘ipinatawad na ang mga kasalanan’ ay nangangahulugan na pinagbayaran na Niya ang lahat ng mga kasalanan sa mundo. Si Hesus ang ating Tagapagligtas. Ang aking tagapagligtas at ang iyong Tagapagligtas. Tayo’y iniligtas ni Hesus at ito ang pinakadakilang biyaya at pinakadakilang handog mula sa Diyos. Ikaw at ako na naligtas na sa lahat ng kasalanan ang pinakamapalad sa lahat!