• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 3: Ang Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

[3-2] ANG BAUTISMO NI HESUS AT ANG PAGBABAYAD SA MGA KASALANAN (Mateo 3:13-17)

2021.04.10 28
(Mateo 3:13-17)
“Si Hesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo. Sinansala Siya ni Juan na ang wika, ‘Ako po ang kailangan bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!’ Ngunit tinugon siya ni Hesus, ‘Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.’ At pumayag si Juan. Nang mabautismuhan si Hesus, umahon Siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, ‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!’”
 
 
MAYROON PA BANG NAGHIHIRAP DAHIL SA KASALANAN?
 
Ang pagkaalipin ba natin sa kasalanan ay tapos na?
Oo.

Ang Panginoon nating Diyos ay pinutol na ang mga tanikala ng kasalanan para sa lahat ng tao. Yaong mga gumagawa sa ilalim ng kasalanan ay mga alipin. Dahil sa Kanyang kaligtasan, pinutol ng ating Panginoon ang mga ito. Inalis Niya ang lahat ng ating mga kasalanan. Mayroon pa bang naghihirap dahil sa kasalanan?
Dapat nating maintidihan na ang ating digmaan laban sa kasalanan ay tapos na. Hindi tayo dapat na muling maghirap dahil sa kasalanan. Ang pagkaalipin natin sa kasalanan ay natapos nang tinubos tayo ni Hesus; lahat ng kasalanan ay nagtapos na doon. Lahat ng ating mga kasalanan ay napagbayaran na ng Kanyang Anak. Ang Diyos ay nagbayad para sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Hesus na nagpalaya sa atin kailanman.
Alam mo ba kung gaano naghihirap ang tao sa kanilang mga kasalanan? Ito’y nagsimula pa sa panahon nina Eba’t Adan. Ang sangkatauhan ay naghihirap sa mga kasalanang minana nila mula kay Adan.
Ngunit ang ating Diyos ay gumawa ng kasunduan na nasusulat sa Genesis 3:15, at ang kasunduan ay ganito, na Siya ang siyang tutubos sa mga makasalanan. Sinabi Niya na ang tao ay maliligtas sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng sakripisyo ni Hesukristo sa tubig at sa Espiritu. At nang dumating ang oras, ipinadala Niya ang ating Tagapagligtas, si Hesus, upang mamuhay na kasama natin.
Ipinangako rin Niya na ipadadala si Juan Bautista bago si Hesus at tinupad Niya ang kanyang pangako.
Sa Marcos 1:1-8, “Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Hesu-Kristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: ‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, Ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’ At dumating nga sa ilang si Juan, nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao; ‘Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabautismo kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos,’ Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y binautismuhan niya sa ilog Jordan. Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulu’t-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, ‘Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin, ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng Kanyang mga panyapak. Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Espiritu Santo.’”
 
 
ANG SAKSI AT ANG PERKURSOR NG EBANGHELYO, SI JUAN BAUTISTA
 
Sino si Juan Bautista?
Ang punong saserdote at ang kinatawan ng lahat ng tao.

Yaong naniniwala kay Hesus ay nabautismuhan. Ang bautismo ay nangangahulugan na, ‘mahugasan, mailibing, mailubog, maipasa.’ Nang mabautismuhan si Hesus, ang kalooban ng Diyos ay natupad. Ang ‘pagkamatuwid’ ay ‘dikaiosune’ sa Griyego na nangangahulugang ‘maging makatarungan,’ at ito rin ay nangangahulugang ‘pinakawasto’ o ‘pinaka nararapat.’
Ang pagbautismo ni Hesus ay upang Siya ay maging Tagapagligtas sa pinaka nararapat at wastong paraan. Samakatuwid yaong naniniwala kay Hesus ay tatanggap ng regalong kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang bautismo at sa Krus, ang tubig at ang Espiritu.
Sa Bagong Tipan, si Juan Bautista ay ang huling punong saserdote ng Lumang Tipan. Tingnan natin ang Mateo 11:10-11. Ang Bibliya ay nagsasabing si Juan Bautista ang kinatawan ng sangkatauhan. At bilang punong saserdote sa panahon ng Bagong Tipan, ipinasa niya ang lahat ng nga kasalanan ng mundo kay Hesus; sa gayong paraan ay sinugo siya ng mataas na pagka-saserdote ng Lumang Tipan.
Si Hesus ay nagpatotoo kay Juan. Sinabi niya, sa Mateo 11:13, “Sapagkat ang mga propeta at ang kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating.” Samakatwid si Juan Bautista, na nagbautismo kay Hesus, ay inapo ng punong saserdoteng Aaron at siyang huling punong saserdote. Ang Bibliya rin ay nagpapatotoo sa pagiging inapo ni Juan mula kay Aaron sa Lumang Tipan (Lucas 1:5, I Cronica 24:10).
Kung ganon, bakit namuhay si Juan sa ilang ng nag-iisa, at nakadamit ng balahibo ng kamelyo? Upang magpalagay na punong saserdote. At bilang kinatawan ng sangkatauhan, si Juan Bautista ay hindi maaaring mamuhay na kaisa sa mga tao. Kaya sumigaw siya sa mga tao “Magsisi kayo, langkay ng mga ahas!” at binautismuhan sila bunga ng pagsisisi, na nagpanumbalik sa mga tao kay Hesus, na siyang mag-aalis ng lahat ng kanilang mga kasalanan. Si Juan Bautista ay ipinasa ang mga kasalanan ng mundo kay Hesus para sa ating kaligtasan.
 
 
DALAWANG URI NG BAUTISMO
 
Bakit binautismuhan ni Juan Bautista ang mga tao?
Para pamunuan ang mga tao sa pagsisisi ng kanilang mga kasalanan at maniwala sa bautismo ni Hesus para sa kaligtasan.

Si Juan Bautista ay nagbautismo sa mga tao at kay Hesus. Ang una ay ang ‘Bautismo ng Pagsisisi’ na tumawag sa mga makasalanan na bumalik sa Diyos. Maraming tao na nakarinig sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ni Juan ay iniwan ang kanilang mga diyus-diyosan at nanumbalik sa Diyos.
Ang ikalawang bautismo ay ang bautismo ni Hesus, ang bautismong nagsalin ng lahat ng kasalanan ng mundo kay Hesus. Si Juan Bautista ay binautismuhan si Hesus upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Si Hesus ay binautismuhan ni Juan Bautista para iligtas ang lahat ng tao sa kanilang mga kasalanan (Mateo 3:15).
Bakit kalingang bautismuhan ni Juan si Hesus? Upang alisin ang mga kasalanan ng mundo, kailangang hayaan ng Diyos si Juan na isalin ang lahat ng kasalanan kay Hesus upang ang mga tao na naniniwala kay Hesus ay maligtas.
Si Juan Bautista ay manggagawa ng Diyos na ang gawain ay tulungan ang lahat ng tao na malinis ang kanilang mga kasalanan at siya ang kinatawan ng sangkatauhan na nagpatotoo sa ebanghelyo ng kaligtasan. Samakatuwid si Juan ay kailangang mamuhay ng mag-isa sa ilang. Sa panahon ni Juan Bautista, ang mga Israelita ay marurumi ang budhi at bulok hanggang kaibuturan.
Kaya sinabi ng Diyos sa Lumang Tipan, sa Malakias 4:5-6, “Ngunit bago dumating ang nakahihindik na araw ni Yahweh, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. Muling magkakalapit ang loob ng mga ama’t mga anak. Kung hindi’y mapipilitan akong pumariyan at wasakin ang inyong bayan.”
Sa mga mata ng Diyos, lahat ng mamamayan ng Israel na sumamba kay Jehovah ay marurumi ang budhi. Walang matuwid sa harap Niya. Ang mga pinuno ng relihiyon sa mga templo, halimbawa’y mga pari, mga tagapagtanggol at mga eskriba ay mas lalong bulok sa kaloob-looban. Ang Israel at ang mga pari ay hindi nag-aalay ng sakripisyo ayon sa kautusan ng Diyos.
Ang mga saserdote ay pinabayaan ang pagpatong ng kamay at ang ritwal ng pag-aalay ng dugo na itinuro ng Diyos sa kanila para sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan. Naitala na ang mga saserdote sa panahon ng Malakias ay nagpabaya sa sakripisyo, ang pagpapatong kamay at ang pag-aalay ng dugo sa ritwal. Kung gayon, si Juan Bautista ay hindi maaring manatili na kasama sila. Kaya si Juan Bautista ay pumunta sa ilang sa sumigaw. Anong sinabi niya?
Nasusulat sa Marcos 1:2, sa mga salita ni Propeta Isaias, “Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo. Ihahanda niya ang iyong daraanan. Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’”
Ang tinig sa ilang ay sumisigaw sa mga tao para sa bautismo ng pagsisisi. Ano ang ‘bautismo ng pagsisisi’ na sinasabi sa Bibliya? Ito ang bautismo na isinisigaw ni Juan Bautista; ang bautismong tumatawag sa mga tao na bumalik kay Hesus upang sila’y maniwala kay Hesus na siyang mag-aalis ng lahat ng kanilang pagkakasala at maligtas. Ang bautismo ng pagsisisi ay upang pamunuan sila patungo sa kaligtasan.
“Magsisi at magpabautismo, at si Hesus ay babautimuhan sa parehong paraan upang alisin ang lahat ng inyong kasalanan.” Ang sigaw ni Juan Bautista ay ang alisin ni Hesus ang lahat ng kasalanan sa mundo at mahatulan sa krus para iligtas ang lahat ng tao upang sila’y manumbalik sa Diyos.
“Binautismuhan kita sa tubig, ngunit Siya ang magbabautismo sa’yo sa Banal na Espiritu.” Ang ‘Bautismuhan kayo sa Banal na Espiritu’ ay nangangahulugan ng paglilinis sa lahat ng inyong kasalanan. Ang pagbabautismo ay nangangahulugan ng ‘paghuhugas.’ Ang bautismo ni Hesus sa Jordan ay nagsasabi sa atin na ang Anak ng Diyos ay binautismuhan at nag-alis ng ating mga kasalanan upang tayo’y iligtas.
Samakatuwid tayo’y nararapat tumalikod sa kasalanan at maniwala sa Kanya. Siya ang kordero na nag-aalis ng mga kasalanan ng lahat ng tao. At ito ang ebanghelyo ng kaligtasan na pinatotohanan ni Juan Bautista.
 
 
ANG GAWAIN NG PUNONG SASERDOTE PARA SA KABAYARAN NG MGA KASALANAN
 
Sino ang naghahanda ng daan para sa kaligtasan?
Si Juan Bautista

Ang propetang Isaias ay naghula, “Inyong ibalita sa bayang Jerusalem, na hinango ko na sila sa pagkaalipin; pagkat nagbayad na sila ng ibayo sa pagkakasalang ginawa sa akin” (Isaias 40:2).
Si Hesukristo ay nag-alis ng mga kasalanan natin, ikaw at ako, at ng lahat na walang inililiban; tunay na kasalanan, kasalukuyang kasalanan at kahit na mga kasalanan sa hinaharap na nalinis sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Iniligtas Niya tayong lahat. Dapat nating malaman ang tungkol sa pagliligtas.
Dahil sa kaligtasan natin sa ating mga kasalanan, dapat nating malaman na kailangan tayong maniwala sa ebanghelyo nang pagpasa ni Juan Bautista ng ating mga kasalanan kay Hesus sa pamamagitan ng bautismo.
Hindi tayo dapat magkamali sa pag-uunawa, at mag-iisip na, “Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig, makapapasok lang tayo sa kaharian ng Langit sa pamamagitan ng paniniwala kay Hesus kahit na may kasalanan tayo sa ating mga puso.”
Upang maligtas sa ating mga kasalanan, dapat tayong maniwala sa Kanyang bautismo, ang paraang si Juan Bautista ay nagsalin ng lahat ng kasalanan ng mundo kay Hesus at sa krus. Ito ay sa pamamagitan ng ‘tubig’ nang si Juan Bautista ay ipinasa ang lahat ng kasalanan ng tao kay Hesus.
Ang unang bagay na ginawa ng Diyos para tayo’y iligtas ay ang ipadala si Juan sa mundong ito. Ang mensahero ng Diyos, si Juan Bautista ay ipinadala bilang sugo ng Hari, na siyang nagsalin ng mga kasalanan ng mundo kay Hesus sa pamamagitan ng bautismo. At siya ang kinatawang punong saserdote ng sangkatauhan.
Sinabi ng Diyos sa atin na ipinadala Niya ang kanyang mensahero na si Juan Bautista. “Isinugo ko ang aking mensahero sa harap Mo.” Sa harap mo, ang ibig sabihin ay sa harap ni Hesus. Ano ang dahilan at nauna Niyang isinugo si Juan bago si Hesus? Ito ay upang isalin ang lahat ng kasalanan ng mundo kay Hesus, ang Anak ng Diyos, sa pamamagitan ng bautismo. “Ihahanda niya ang Iyong daraanan sa harap ninyo.” Ito ang ibig Niyang sabihin.
Sino ang naghanda ng ating daraanan upang tayo’y mapunta sa langit? Si Juan Bautista. “Mo” ay tumutukoy kay Hesus at ang “aking” ay tumutukoy sa Diyos mismo. Kaya nga, nang sabihin niyang “Isinugo ko ang aking mensahero sa harap Mo, sinong maghahanda ng Inyong daan sa harap ko,” ano ang ibig sabihin nito?
Sino ang naghanda ng ating daan upang tayo ay makapunta sa langit? Si Juan Bautista na nagsalin ng ating mga kasalanan kay Hesus upang tayo’y maniwala na hinugasan ni Hesus ang ating mga sala para sa atin; ang tungkulin niya’y ipasa ang ating mga kasalanan, ang bautismuhan si Hesukristo. Si Hesus at si Juan ang naging daan para tayo maniwala sa katotohanan at sa ganoon ay maligtas.
Saan nakadepende ang ating kaligtasan? Ito ay depende kung tayo’y maniniwala sa mga nagawa ni Hesus, ang Anak ng Diyos, at sa katotohanang ang mensahero ng Diyos ay nagsalin ng mga kasalanan ng mundo sa Kanya. Dapat nating malaman ang ebanghelyo ng pagpapatawad ng mga kasalanan. Ang Diyos Ama ay nagsugo ng Kanyang mensahero na nauna, na siyang magbabautismo sa Kanyang Anak, at ginawa Siyang kinatawan ng mga tao. Samakatuwid, ginawa Niyang ganap ang gawain ng kaligtasan para sa atin.
Ipinadala ng Diyos ang manggagawa Niyang si Juan Bautista upang bautismuhan ang Kanyang Anak, upang maihanda ni Juan Bautista ang daan ng kaligtasan para sa mga naniniwala sa Kanyang Anak. Ito ang dahilan ng bautismo ni Hesus sa pamamagitan ni Juan Bautista ay ang kaligtasan kung saan lahat ng mga kasalanan ng tao ay isinalin kay Hesus upang ang lahat ng tao ay maniwala kay Hesus at mapunta sa langit.
Kahit na ang mga kasalanan sa hinaharap ay naisalin na rin kay Hesus sa Kanyang bautismo. Si Hesus at si Juan Bautista ay nagtulong na ihanda ang daan patungo sa langit para sa atin. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay nagpahayag ng lihim ng kaligtasan sa pamamagitan ni Juan Bautista.
Bilang kinatawan ng bawat isa sa atin, si Juan Bautista ay binautismuhan si Hesus upang tayo’y maniwala sa ating kaligtasan at mapunta sa langit. Isinalin niya ang lahat ng kasalanan kay Hesus sa pamamagitan ng bautismo. Ito ang kagalakan ng balita ng kaligtasan, ang ebanghelyo.
 
 
BAKIT ISINILANG SI JUAN BAUTISTA?
 
Sino ang magiging daan upang tayo’y maniwala kay Hesus?
Si Juan Bautista

Sa Malakias 3:1 ay nasusulat, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko.” Kailangang basahin mong maigi ang Bibliya. Bakit nagsugo ang Diyos sa atin? Bakit isinilang si Juan Bautista nang anim buwan bago si Hesus?
Dapat nating maintindihan ang isinasaad ng Bibliya. May isang pangkat sa Lumang Tipan tungkol sa ministeryo ng punong saserdoteng si Aaron. Si Aaron ay ang nakatatandang kapatid ni Moses. Siya at ang kanyang mga anak ay itinalagang saserdote ng Diyos. Ang ibang Levita ay gumawa sa ilalim nila, dinadalhan sila ng iba’t-ibang kagamitan, naghahalo ng masa para sa tinapay at iba pa, habang ang mga anak ni Aaron ay nag-aalay ng sakripisyo sa loob ng Banal na templo.
Kaya ang mga anak ni Aaron ay itinalaga upang makibahagi sa pare-parehong dami ng gawain, ngunit sa Araw ng Pagbabayad-sala, ang ika-10 araw ng ika-7 buwan, ang punong saserdote lang ang mag-aalay ng sakripisyo sa pagbabayad-sala para sa kanyang bayan.
Sa Lucas 1:5, may istorya tungkol sa angkan ni Juan Bautista. Dapat nating intindihing mabuti ang tungkol sa sugo ng Diyos upang maintindihan natin ng tama si Hesus. Nakapag-iisip tayo ng marami kay Hesus, ngunit naiisang-tabi ang tungkol kay Juan Bautista na dumating bago Siya. Gusto kong tulungan kayong umunawa.
“Ang simula ng ebanghelyo ni Hesukristo, ang Anak ng Diyos. Tulad ng nasusulat ng mga Propeta, narito ang Aking sugo sa harap Mo.” Ang ebanghelyo ng langit ay laging nagsisimula kay Juan Bautista.
Kung maiintindiahn nating mabuti ang tungkol kay Juan Bautista, mauunawaan natin nang malinaw at tayo’y maniniwala sa ebanghelyo ng kaligtasan kay Hesus. Ito ay nahahalintulad sa pakikinig sa mga sinugo ng embahada na ipinakalat sa buong mundo upang maunawaan ang sitwasyon ng lahat ng bansa. Kung batid natin ang tungkol kay Juan Bautista, maiintindihan natin ang kaligtasan ng Diyos nang mabuti.
Ngunit kahabag-habag na maraming Kristiyano sa ngayon ang hindi nakakakita ng kahalagahan ni Juan. Hindi sinugo ng Diyos si Juan Bautista dahil siya’y nababagot at walang ibang magawa. Ang lahat ng apat ng Ebanghelyo ng Bagong Tipan ay tumatalakay kay Juan Bautista bago ang tungkol sa kaligtasang alay ni Hesus.
Ngunit ang mga mangangaral ngayon ay binabalewala siya at sinasabing ang paniniwala kay Hesus ay sapat na upang maligtas. Sa katotohanan, dinadala nila ang mga tao na mamuhay bilang makasalanan sa buong buhay nila at sa katapusa’y sa impiyerno. Kung maniniwala ka lang kay Hesus na hindi naiintindihan ang silbi ni Juan Bautista, ang kristiyano ay magsisilbing isang relihiyon lang sa iyo. Paano ka matutubos sa mga kasalanan mo kung hindi mo alam ang katotohanan? Ito ay imposible.
Ang ebanghelyo ng kaligtasan ay hindi ganoon-ka-simple o kadali. Maraming tao ang nag-iisip na ang kaligtasan ay base sa ating pananampalataya sa krus dahil si Hesus ay namatay sa Krus para sa atin. Ngunit kung maniniwala ka lang sa pagkapako sa krus na walang alam sa katotohanan ng pagsasalin ng kasalanan, walang sapat na dami ng pananampalataya ang makapagdadala sa’yo sa ganap na kaligtasan.
Kung gayon, isinugo ng Diyos si Juan Bautista upang malaman ng mundo kung paano maisasakatuparan ang kaligtasan at kung paano aalisin ni Hesus ang kasalanan ng mundo. Kung malalaman natin ang katotohanan doon lang natin maiintindihan na si Hesus ay ang Anak ng Diyos na nag-alis ng lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa sarili Niya.
Si Juan Bautista ay nagpapahayag sa atin ng tungkol sa kaligtasan. Sinasabi niya sa atin kung paano siya dumating upang magpatotoo ukol sa kabanalan ni Hesus; kung paano siya hindi tatanggapin ng tao kapag ang Liwanag ay dumating dito sa mundo. Nagpatotoo din Siya sa Juan 1 na siya ang naghanda ng ebanghelyong kaligtasan sa pamamagitan ng pagbabautismo niya kay Hesukristo.
Kung wala tayong patotoo ni Juan Bautista tungkol sa kaligtasan, paano tayo maniniwala kay Hesus? Hindi natin nakita si Hesus, at kung tayo’y nagmula sa iba’t-ibang kultura at relihiyon, gaano kaposible na maniwala kay Jehovah.
Sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng relihiyon sa buong mundo, paano natin makikilala si Hesukristo? Paano natin malalaman na si Hesus mismo ang Anak ng Diyos na nagligtas sa atin sa pamamagitan ng pag-ako ng lahat ng kasalanan sa sarili Niya?
Samakatuwid, kailangan nating tumingin sa Lumang Tipan upang makita simula sa umpisa ng mga salita ng kaligtasan at makilala si Hesus bilang Tagapagligtas. Kailangan nating matamo ang tunay na kaalaman upang maniwala ng tama. Wala tayong magagawa kung hindi natin alam. Upang maniwala kay Hesus at maligtas, dapat nating malaman ang ebanghelyo ng kaligtasan na pinatotohanan ni Juan Bautista at ang bahagi niya rito. Upang magkaroon ng ganap na pananampalataya kay Kristo, kailangan nating malaman ang katotohanan tungkol sa kaligtasan. 
Samakatuwid, tulad ng sinabi ni Hesus, “Dapat ninyong malaman ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo,” dapat nating malaman ang katotohanan ng kaligtasan kay Hesus.
 
 
ANG MGA KATIBAYAN SA BIBLIYA
 
Sa anong punto nagsimula ang apat ng ebanghelyo?
Mula sa pagdatal ni Juan Bautista
 
Tayo’y magpatuloy sa pagtuklas sa lahat ng katibayan ng kaligtasan sa Bibliya. Tuklasin natin kung ano ang sinasabi sa apat ng Ebanghelyo ukol kay Juan Bautista, tungkol sa kung sino siya, bakit siya tinawag na ‘kinatawan ng sangkatauhan’ o ‘huling punong saserdote’, kung paanong ang lahat ng kasalanan sa mundo ay naisalin kay Hesus sa pamamagitan niya, at kung inalis ni Hesus ang lahat ng kasalanan sa sarili Niya o hindi.
Ang apat na Ebanghelyo ay nagsisimula kay Juan Bautista. Sa Juan 1:6 sinasabi sa atin ang pinakamahalagang salik sa ebanghelyo. Sinasabi nito sa atin kung sino ang gumawa ng pagsasalin ng mga kasalanan ng mundo kay Hesus. “Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya” (Juan 1:6-7).
Sinasabi dito na, ‘manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya,’ at siya ay ‘magpapatotoo tungkol sa ilaw.’ Ang ilaw ay si Hesukristo. Ibig sabihin ay si Juan ang magpapatotoo kay Hesus upang ang lahat ay maniwala sa pamamagitan Niya. Ngayon, basahin natin nang mas maigi ang Mateo.
Sa Mateo 3:13-17, “Si Hesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo. Sinansala Siya ni Juan na ang wika, ‘Ako po ang kailangan bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin!’ ngunit tinugon siya ni Hesus, ‘Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.’ At pumayag si Juan. Nang mabautismuhan si Hesus, umahon Siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa lanigt ang nagsabi, ‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.’”
 
Bakit dapat nating maunawaan ang angkan ni Juan?
Dahil sinasabi sa atin ng Bibliya na si Juan ang punong saserdote ng sangkatauhan.
 
Si Juan Bautista ay binautismuhan si Hesus. Sa Lucas 1:7-8, tinupad ni Hesukristo ang kaligtasan ng lahat ng kasalanan sa bautismo ni Juan. Tingnan natin.
Sa Lucas 1:1-14, “Marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna namin. Ang kanilang sinulat ay ayon sa sinabi sa amin ng mga nakasaksi nito buhat sa pasimula at nangaral ng Salita. Matapos na ako’y makapagsuri nang buong ingat tungkol sa lahat ng bagay na ito buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat ng isang maayos na salaysay para sa inyo upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga bagay na itinuro sa inyo. Nang si Herodes ang hari ng Judea ay may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugod-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na. Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa Templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin. Walang anu-ano’y nagpakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang. Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, ‘Huwag kang matakot, Zacariaz! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang pagsilang.’”
Sinabi ni Lucas sa atin ng detalyado ang angkan ni Juan. Si Lucas, ang disipulo ni Hesus, ay nagpaliwanag ukol sa angkan ni Juan simula sa umpisa. Itinuro ni Lucas ang ebanghelyo sa isang lalaking nagngangalang Teofilo, na nagmula sa ibang kultura at walang alam ukol sa Panginoon.
Kaya upang ituro sa kanya ang tungkol kay Hesus, ang Tagapagligtas ng mga makasalanan, inisip ni Lucas na kailangan niyang ipaliwanag ang tungkol sa angkan ni Juan sa detalyadong paraan.
Sa Lucas 1:5-9, sinasabi niya, “Nang si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias, at mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugod-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay ng ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na. Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang sila’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng mga kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa Templo ng Panginoon.”
Isang pangyayari ang naganap dito habang si Zacarias ay naglilingkod sa Diyos ayon sa kaugalian ng mga saserdote. At si Lucas ay nagpatotoo nang maliwanag na si Zacarias ay inapo ni Aaron. Kung gayon sa anong pangkat nasasama si Zacarias? Ito’y napakahalagang punto.
Ipinaliwanag niya, “Habang si Zacarias ay nag lilingkod bilang saserdote sa harap ng Diyos sa kautusan ng kanyang pangkat.” Makikita natin na alam na alam ni Lucas ang tungkol kay Zacarias kaya naipaliwanag niya ang ebanghelyo ng kaligtasan sa pamamagitan ni Zacarias at Elisabet.
At tulad din nating mga hentil na mula sa iba’t-ibang lahi, hindi natin mauunawaan ang kaligtasan kay Hesus kung hindi ito naipaliwanag ng isa-isa, ng sunod-sunod. Alamin natin ang mga detalye. Si Juan Bautista ay isinilang mula kay Zacarias at sa asawa niyang si Elisabet, na isa sa mga anak ni Aaron. Ngayon tingnan natin ang angkan nina Zacarias at Juan.
 
 
ANG ANGKAN NI JUAN BAUTISTA
 
Kaninong lahi si Juan Bautista?
Kay Aaron, ang punong saserdote.

Upang maintindihan ang angkan ni Juan Bautista, dapat nating basahin ang Lumang Tipan, I Cronica 24:1-19.
“Ito ang talaan ng mga angkan ni Aaron: Ang mga anak niya ay sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar. Sina Nadab at Abiu ay unang namatay kay Aaron at walang anak kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naging saserdote. Sa tulong nina Sadoc na anak ni Elezar at Abimelec na anak ni Itamar, ang mga angkan ni Aaron ay hinati ni David sa dalampu’t apat na pangkat upang maghali-halili sa paglilingkod. Marami ang puno ng sambahayan sa angkan ni Eleazar at walo naman ang kay Itamar. Pinili sila ni David sa pamamagitan ng palabunutan sapagkat maging sa angkan ni Eleazar at ni itamar ay may punong saserdote at punong tagapamahala sa bahay ng Diyos. Si Semaya na anak ng Levitang si Natanael ang nagtala ng mga pangalan, at ginawa ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni Saserdote Sadoc, ni Abimelec na anak ni Abiatar at ng mga pinuno ng angkan ng mga saserdote at Levita. Isang sambahayan ng mga saserdote ang itinala sa panig ni Eleazar at isa rin kay Itamar. Ito ang pagkakasunod-sunod ng paglilingkod mula sa una hanggang ika-24 na pangkat: Joiarib; Jedaya; Harim; Seorim; Malaquias; Mijamin; Cos at Abias; Jesus at Secanias; Eliasib at Jaquim; Jupa at Jesebeab; Bilga at Imer; Heser at Maasias. Ito nga ang kaayusan ng paglilingkod nila sa bahay ni Yahweh ayon sa itinakda ng kanilang nunong si Aaron, sa utos ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
Basahin nating muli ang bersikulo 10. “Pangpito kay Cos at pangwalo kay Abias.” Dito, ang ginawa ni David ay ang magtalaga ng puwesto sa bawat isang anak ni Aaron upang ang sakripisyo ay maialay ng maayos (Tulad ng alam ninyo, si Aaron ay nakatatandang kapatid ni Moses. Itinalaga ng Diyos si Moses bilang Kanyang sugo, at si Aaron bilang punong saserdote ng Banal na Templo sa harap ng mga taga-Israel).
Lahat ng iba pang Levita ay nasailalim ng mga saserdote at si Aaron kasama ng mga anak niya ang namahal sa lahat ng alay sa harap ng Diyos. Bago nagtalaga ng mga puwesto si David, ang mga saserdote, na inapo ni Aaron, ay napalabunutan isa-isa at ito’y naging sanhi ng matinding pagkalito.
Samakatuwid, inayos ni David ang sistema sa pamamagitan ng pagtatalaga ng bawat pangkat. Nagkaroon ng 24 pangkat sa pagkakasunod-sunod ng mga inapo ni Aaron, at ang ikawalo ay si Abias, at sinabi, “Isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias.” Kaya si Zacarias ay saserdote sa pangkat ni Abias, at sila’y kapwa inapo ni Aaron ang punong saserdote.
Si Zacarias nga, na isang saserdote sa pangkat ni Abias, ang ama ni Juan Bautista. Alam nating mula sa Bibliya na sila’y maaring mag-asawa sa loob ng pamilya.
Tulad ng alam n’yo, si Jacob ay nagpakasal sa anak ng kanyang tiyo sa panig ng nanay niya. At ang paliwanag na ito ng angkan ay mayroong malalim na kahalagahan. Sinasabi, “Isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias.”
Kung gayon, siya ay malinaw na kabilang sa angkan ni Aaron. Sino? Si Zacarias, ang ama ni Juan Bautista. Ito’y mahalagang bahagi ng pagpapaliwanag ng kaligtasan ni Hesus, at ng paglilingkod ni Juan Bautista, at ng pagsasalin ng mga kasalanan ng mundo kay Hesus.
 
 
TANGING MGA ANAK LANG NI AARON ANG MAAARING MAGLINGKOD BILANG SASERDOTE
 
Sino ang maaaring maglingkod bilang punong saserdote sa panahon ng Lumang Tipan?
Si Aaron at ang kanyang angkan.

Kung gayon saang bahagi ng Bibliya ang nagsasaad na ang mga inanak ni Aaron ang maaaring maglingkod bilang mga saserdote? Alamin natin.
Sa mga Bilang 20:22-29, “Ang mga Israelita’y naglakbay mula sa Cades at nakarating sa Bundok ng Hor, sa may hangganan ng lupain ng Edom. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, ‘Si Aaron ay ibilang mo na sa mga namatay na Israelita. Hindi siya makapapasok sa lupaing ibibigay ko sa Israel sapagkat di ninyo sinunod ang utos ko sa inyo sa Meriba. Sila ng anak niyang si Eleazar ay isama mo sa itaas ng Bundok ng Hor. Pagdating doon, hubarin mo ang kasuutan niya at isuot mo ka Eleazar. At doon na mamamatay si Aaron.’ Gayon nga ang ginawa ni Moises. Umahon sila sa bundok, nakikita ng buong bayan. Pagdating sa itaas ng bundok, hinubad niya ang kasuutan ni Aaron at isinuot kay Eleazar. At si Aaron ay namatay na roon. Sina Moises at Eleazar ay bumaba na ng kapatagan. Nang malaman ng bayan na patay na si Aaron, nagluksa sila ng tatlumpung araw.”
Sa Exodo, ang kautusan ng Diyos ay nakatala, na nagsasabi na ang mga anak ng punong saserdote ang gaganap na punong saserdote, tulad ng ginawa ng kanilang mga ama pagdating nila sa tamang edad.
Sa Exodo 28:1-5, “Ipatawag mo ang kapatid mong si Aaron at ang mga anak niyang sina Nadab, Abiu, Eleazar at Itamar. Ibukod mo sila sa karamihan ng mga Israelita upang maglingkod sa akin bilang mga saserdote. Ipagpagawa mo si Aaron ng kasuutang angkop sa kanyang gawain para magmukhang kagalang-galang at magandang tingnan. Ang mga kasuutang ito ay ipagawa mo sa mga taong binigyan ko ng kaalaman sa paggawa nito. Kailangan ito ni Aaron sa paglilingkod sa akin bilang saserdote. Ito ang kasuutang ipagagawa mo: pektoral, efod, abito, binurdahang tunika, turbante at pamigkis. Ipagawa mo ng sagradong kasuutan si Aaron at ang mga anak niyang lalaki upang magamit nila sa paglilingkod sa akin bilang mga saserdote. Ang mga kasuutang ipagagawa mo ay gagamitan ng ginto, lanang asul, murado at pula, at pinong sinulid na lino.”
Ang Diyos ay malinaw na itinalaga si Aaron, ang kapatid ni Moises, sa pagkasaserdote. Ang pagkasaserdote ay hindi bukas para sa ibang tao. Kung gayon inutusan ng Diyos si Moises na italaga si Aaron bilang punong saserdote, at gumawa ng nararapat na kasuutan para sa kanya na inilarawan Niya. Hindi natin dapat malimutan ang mga Salita ng Diyos.
Gayundin sa Exodo 29:1-9, “Ganito ang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki bilang mga saserdote: Kumuha ka ng isang toretes at dalawang tupang lalaki na walang kapintasan. Kumuha ka rin ng tinapay na walang lebadura, bibingkang walang paalsa at minasa sa langis, at biskwit na wala ring lebadura at pinahiran ng langis. Lahat ng ito’y kailangang yari sa pinakamainan na harinang tugo. Ilagay mo ito sa isang basket at ihandog sa akin, kasama ng torete at ng dalawang tupang lalaki. Si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki ay isama mo sa pintuan ng tabernakulo at paliguan mo roon. Isuot mo sa kanya ang abito, ang barong kasuson ng efod, ang efod at ang pektoral, saka itali ang pamigkis. Isuot mo kay Aaron ang turbente at itali rito ang plakang kinasusulatan ng pagtatalaga. Pagkatapos pahiran mo ng langis na pantalaga ang kanyang ulo bilang pagtatalaga sa kanya. Isunod mo naman ang kanyang mga anak. Suutan mo sila ng abito, talian ng pamigkis sa baywang at suutan ng turbente sa gayon, magiging saserdote sila sa bisa ng aking utos. Ganyan ang gagawin mo sa pagtatalaga kay Aaron at sa kanyang mga anak.”
Talian mo sila ng pamigkis sa baywang, si Aaron at ang kanyang mga anak, at suutan mo sila ng turbente…Sa gayon, magiging saserdote sila sa bisa ng aking utos at sa kanyang mga anak…Isinaad ng Diyos na tanging si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki lang ang itatalagang maglilingkod bilang mga saserdote. Nang tukuyin niyang ‘habang panahong kautusan,’ ito’y mananatiling totoo kahit na pagkatapos na dumating si Hesus sa mundong ito.
Samakatuwid, ipanaliwanag ni Lucas ng malalim na si Zacarias ay inapo ni Aaron ang punong saserdote. Nang si Zacarias ay naglilingkod bilang saserdote sa harap ng Diyos sa templo ng Panginoon, isang anghel ang nagpakita at nagwika sa kanya na ang kanyang panalangin ay dininig; na ang kanyang asawang si Elisabet ay maglilihi ng isang lalaki.
Hindi makapaniwala si Zacarias dito at nagwika, “Ang aking asawa’y matanda na, paano siyang magdadalang-tao?” Dahil sa kanyang pagdududa, ginawa siyang pipi ng Diyos sumandali upang ipakita na ang Kanyang mga salita ay totoo.
At dumating ang oras, ang asawa niya’y naglihi at hindi naglaon, si Maria, isang birhen, ay nagdalang-tao rin. Ang parehong pangyayari ay ang mga paghahanda ng Diyos para sa ating kaligtasan. Upang mailigtas ang masamang sangkatauhan, kinailangang isugo Niya ang lingkod Niyang si Juan at itulot na ang kaisa-isang bugtong Niyang Anak ay maisilang dito sa mundo.
Samakatuwid, kinailangang bautismuhan ni Juan ang Anak ng Diyos para maisalin ang lahat ng kasalanan ng mundo sa kanya upang ang mga naniniwala sa Kanya ay maligtas.
 
 
ANG ESPESYAL NA ITINALAGA NG DIYOS!
 
Sino ang inihanda ng Diyos bago kay Hesus para sa gawain ng kaligtasan?
Si Juan Bautista

Siya ang Tagapagligtas ng Sangkatauhan, si Hesu-Kristo, na isinilang mula sa katawan ni birheng Maria. Si Maria ay handa nang ikasal kay Jose na kalahi ni Judas. Si Hesus ay dapat na isilang sa lahi ni Judas upang tuparin ang Tipan ng Diyos tulad nang si Juan Bautista ay dapat ding isilang sa bahay ng punong saserdoteng si Aaron.
Inihanda ng Diyos ang pagsilang ng dalawa sa mundo, si Juan bago si Hesus, isinilang si Juan upang mabautismuhan niya si Hesus at maisalin ang mga kasalanan ng mundo sa Kanya. Isang inapo ng punong saserdote ang kailangan mag-alay ng sakripisyo para sa kabayaran ng mga kasalanan upang isakatuparan ang Tipan ng Diyos na ginawa sa Luma at Bagong Tipan; nang sa ganoon, ang ebanghelyo ng kaligtasan ni Hesus ay paniwalaan at maisagawa ng tama.
Sa Exodo, ibinigay ng Diyos sa Israel ang Kanyang Kautusan at Tipan; ang kautusan ng Diyos at ang kautusan para sa pagsasagawa ng pag-aalay. Sa Tabernakulo; pababa sa damit ng mga saserdote, detalye ng mga alay, at ang pagpapatuloy ng pagkasaserdote sa mga anak din ng mga saserdote. Itinalaga ng Diyos si Aaron at ang kanyang lahi sa mataas ng pagkasaserdote nang panghabang-panahon.
Sa gayon, lahat ng inapo ni Aaron ay maaaring mag-alay ng sakripisyo at ang mga pinunong saserdote at magmumula lang sa bahay ni Aaron. Nakikita mo ba kung paano nangyari ito?
Ngunit sa lahat ng inapo ni Aaron, pinili ng Diyos ang tanging saserdote na si Zacarias at ang kanyang maybahay na si Elisabet. Sinabi Niya, “Narito ang Aking isinugo sa harap Mo.” Nang sinabi ng Diyos kay Zacarias na itutulot Niya magkaroon ng anak na lalaki si Elisabet, at papangalanan nila itong Juan, siya’y lubusang namangha at siya’y naging pipi sa utos ng Diyos hanggang sa maisilang ang anak niya at ito’y mapangalanan.
At gayun nga, isinilang ang isang batang lalaki sa kanyang bahay. Nang oras na para pangalanan ang sanggol ayon sa kultura ng Israel, ang anak ay pinangalanan ayon sa kanyang ama.
“Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya – gaya ng kanyang ama – ngunit sinabi ng kanyang ina, ‘Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.’‘Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,’ wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: ‘Juan ang kanyang pangalan.’ At namangha silang lahat. Pagdaka’y nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: ‘Magiging ano nga kaya ang batang ito?’ Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon” (Lucas 1:57-66).
Si Zacarias ay pipi nang mga panahong iyon. Nang oras na para pangalanan ang sanggol, ang mga kamag-anak nila’y nagmungkahi na pangalanan ito ng Zacarias. Subalit ipinilit ng kanyang ina na ang nararapat ng pangalan nito’y Juan. Dahil dito, sinabi ng kanilang mg kaanak na walang nagngangalan ng ganoon sa pamilya at ang pangalan ng bata’y dapat isunod sa kanyang ama.
Nang patuloy na ipilit ni Elisabet ang pangalang iyon, ang mga kaanak nila’y tumungo kay Zacarias at nagtanong kung anong nararapat na pangalan ng sanggol. At si Zacarias, dahil sa hindi pa siya nakapagsasalita, ay humingi ng sulatang tableta at nagsulat ng ‘Juan.’ Nagtaka ang lahat ng kanilang kaanak dahil sa pagpili ng di-pangkaraniwang pangalan.
Ngunit pagkatapos na mapangalanan ang sanggol, madaling nagbukas ang bibig ni Zacarias. Pinuri niya ang Diyos at siya’y napuno ng Banal na Espiritu at nagpatotoo.
Winika ni Lucas ang pagsilang ni Juan Bautista sa buhay ni Zacarias. “Mayroong isang natatanging saserdote na nagngangalang Zacarias, sa pangkat ni Abias.” Sa espesyal na itinalaga ng Diyos, si Juan Bautista, ang kinatawan ng sangkatauhan ay isinilang kay Zacarias, na sa lahi ni Aaron.
At sa pamamagitan ni Juan Bautista at ni Hesukristo, natupad ng Diyos ang kaligtasan ng sangkatauhan. Tayo’y ligtas na sa ating mga kasalanan sa paniniwala sa gawain ng kaligtasan na naganap sa pamamagitan ni Juan at ni Hesukristo.
 
 
ANG BAUTISMO NI HESUS
 
Bakit binautismuhan ni Juan si Hesus?
Upang alisin ang lahat ng mg a kasalanan ng mundo.
 
Nagpatotoo si Juan Bautista na si Hesus ay ang Anak ng Diyos at inalis Niya ang ating mga kasalanan. Siya si Juan Bautista, ang lingkod ng Diyos na siyang nagpatotoo ng ating kaligtasan. Hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay hindi nagpakilala sa atin na Siya ang ating Tagapagligtas. Gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod sa iglesya, at sa pamamagitan ng mga bibig ng mga taong naligtas.
Sinabi ng Diyos, “Ang damo’y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng Diyos ay hindi lilipas. Inyong ibalita sa bayang Jerusalem, na hinango ko na sila sa pagka-alipin; Pagkat nagbayad na sila nang ibayo sa pagkakasalang ginawa sa akin” (Isaiah 40:2, 8).
“Hindi na kayo makasalanan. Napagbayaran Ko na ang inyong mga kasalanan at ang pakikipaglaban ay tapos na.” Ang tinig ng ebanghelyo ng kaligtasan ay patuloy na naghuhumiyaw sa atin. Ito ay ang tinatawag na nakahandang ebanghelyo.
Kung naiintindihan natin ang ginawa ni Juan Bautista, kung talagang iintindihan natin na ang lahat ng kasalanan sa mundo ay naisalin na kay Hesus sa pamamagitan ni Juan Bautista, tayo’y maaaring maligtas sa lahat ng kasalanan.
Ang lahat ng apat na ebanghelyo ay nagpapahayag ng tungkol kay Juan Bautista, at ang huling propeta sa Lumang tipan at nagpatotoo rin kay Juan Bautista, ang lingkod ng Diyos. At ang Bagong Tipan ay nagsisimula sa pagsilang ni Juan Bautista at ang pagsasalin ng mga kasalanan sa pamamagitan niya.
Kung ganon, bakit natin siya tinatawag na Juan Bautista? Ito ay dahil binautismuhan niya si Hesus. Ano ang kahulugan ng bautismo? Ito ay nangangahulugan na ‘ipasa, ilibing, hugasan’ – tulad ng ‘pagpatong ng kamay’ sa Lumang Tipan.
Sa Lumang tipan, kapag nagkasala ang tao, isinasalin niya ang mga ito sa ulo ng alay, ang sakripisyong walang dumi, at ipinapatong ang kamay sa alay para sa mga sala, at ang sakripisyo ay mamamatay kasama ang mga kasalanang iyon. ‘Ang pagpapatong ng kamay’ ay nangangahulugan na ‘ipasa.’ Samakatuwid, ‘ang pagpatong ng kamay’ at ‘ang bautismo’ ay parehong bagay ngunit magkaibang pangalan.
Kung ganon, ano ang kahulugan ng bautismo ni Hesus? Ang Kanyang bautismo ay ang tanging daan upang maisagawa ang pagbabayad-sala sa loob ng kautusan ng Diyos.
Sa Lumang Tipan, ang mga makasalanan ay kailangang magpatong ng kanilang kamay sa ulo ng sakripisyo upang maisalin ang kanilang kasalanan sa ulo nito. Pagkatapos ay kailangan nilang hiwain ang leeg nito at ang mga seserdote ang magdadala ng dugo nito upang ilagay sa sulok ng altar ng sinunog na alay. Ganito ang paraan upang mapagbayaran ang pang-araw-araw na kasalanan.
Kung gayon, paano sila nagbabayad para sa taun-taong kasalanan?
Si Aaron, ang punong saserdote ay nag-aalay ng sakripisyo para sa mga Israelita. Dahil si Juan Bautista ay isinilang sa bahay ni Aaron, nararapat lang sa kanya na maging punong saserdote, at ang Diyos ay itinalaga na siyang kahuli-hulihang punong saserdote ayon sa Kanyang pangako ng kaligtasan.
Si Juan Bautista ay ang kinatawan ng sangkatauhan, at ang huling punong saserdote ng sangkatauhan dahil ang Lumang Tipan ay nagtapos nang si Hesukristo ay isilang. Sino pa kundi si Juan Bautista ang nagsalin ng lahat ng kasalanan ng mundo kay Hesus sa Bagong Tipan tulad ng si Aaron ay nagbayad para sa mga kasalanan ng kanyang bayan sa Lumang Tipan? Bilang huling punong saserdote ng Lumang Tipan at kinatawan ng sangkatauhan, si Juan Bautista ay nagsalin ng mga kasalanan ng mundo kay Hesus sa bautismo ni Hesus.
Dahil isinalin ni Juan ang mga kasalanan kay Hesus, tayo’y maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Si Hesus ay naging Kordero upang iligtas ang lahat ng makasalanan, na isinagawa ang gawain para sa kaligtasan tulad ng plano ng Diyos. Sinabi sa atin ni Hesus na si Juan Bautista ang huling propeta, ang huling punong saserdote na nagsalin ng lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanya.
Bakit hindi magawa ni Hesus ito sa sarili Niya? Bakit kailangan Niya si Juan Bautista? May dahilan kung bakit nauna ng 6 na buwan si Juan Bautista na dumating kaysa kay Hesus. Ito ay upang maisakatuparan ang utos sa Lumang Tipan, upang gawing ganap ang Lumang Tipan.
Si Hesus ay isinilang kay birheng Maria, at si Juan Bautista ay isinilang sa matanda nang si Elisabet.
Ito ay mga gawa ng Diyos, at pinlano Niya ito upang iligtas ang mga makasalanan. Upang iligtas tayo sa pagtutuos laban sa kasalanan, at sa lahat ng paghihirap ng makasalanang sangkatauhan, ipinadala Niya ang lingkod Niyang si Juan, at pagkatapos ay ang Anak Niyang si Hesus. Si Juan Bautista ay isinugo bilang kinatawan ng tao, ang huling punong saserdote.
 
 
ANG PINAKADAKILANG TAO NA ISINILANG NG BABAE
 
Sino ang pinakadakilang tao sa mundo?
Si Juan Bautista
 
Tingnan natin ang Mateo 11:7-14.“Pag-alis ng mga alagad ni Juan, nagsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isa bang tambo ng inuugoy ng hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagdaramit ng maringal ay nasa palasyo ng mga hari! Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng kasulatan: ‘Narito ang sugo ko na aking ipinadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya. Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga propeta at ang kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating.”
Pumunta ang mga tao sa ilang upang hanapin si Juan Bautista, na siyang sumisigaw ng, “Magsisi na kayo, kayong langkay ng mga ahas!” At sinabi ni Hesus, “At sinabi ni Hesus, Ngunit sino ang inyong hinahanap? Isang lalaking may marangal na kasuutan? Kung gayon, ang mga marangal na kasuutan ay ang mga nasa palasyo.”
Si Hesus mismo ay nagpatotoo sa kadakilaan ni Juan. “Ano ang hinahanap n’yo? Isang barbaro na nadaramtan ng balahibo ng kamelyo at sumisigaw nang ubod lakas? Kailangan nadaramtan siya ng balahibo ng kamelyo. Ano ang hinahanap ninyo? Isang lalaking may marangal na kasuutan? Iyong nagsusuot ng marangal ay nasa palasyo ng mga hari. Ngunit siya’y mas dakila pa sa hari,” patotoo ni Hesus. “Ang nagdaramit ng marangal ay yaong naroon sa palasyo ng mga hari, ngunit ano ang hinahanap ninyo? Isang propeta? Oo, sinasbi ko sa inyo, siya’y higit pa sa isang propeta.”
Sa lumang panahon, ang mga propeta’y mas mataas pa sa mga hari. Naiintindihan mo ba? Ngunit si Juan Bautista ay nakahigit pa sa hari, at sa mga propeta sa Lumang Tipan. Sa katunayan, si Juan, ang huling punong saserdote at ang kinatawan ng mga tao, ay higit pa kay Aaron ang unang punong saserdote. Si Hesus mismo ay nagpatotoo kay Juan.
Sino ang kinatawan ng mga tao? Bukod kay Kristo, sino ang pinakadakilang tao sa mundo? Si Juan Bautista. “Sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta. ‘Narito ang aking sugo sa Iyong harapan, na siyang maghahanda ng Iyong daraanan.’”
Si Juan Bautista ay nagpatotoo na ang pakikipaglaban sa kasalanan ay nagwakas na. “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng lahat ng kasalanan sa mundo!”
Sa Mateo 11:11, “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, wala pang lumitaw na higit na dakila kaysa kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa sa kanya.” Mayroon bang mas hihigit kay Juan Bautista sa mga isinilang ng mga babae?
Ano ang kahulugan ng ‘isinilang ng mga kababaihan?’ Ibig sabihin ay lahat ng tao. Bukod kay Adan, lahat ng tao ay isinilang ng babae. Oo, sa mga isinilang ng babae, walang humigit kay Juan Bautista. Kung gayon, siya ang huling punong saserdote at kinatawan ng mga tao. Si Juan Bautista ay punong saserdote, ang propeta, at ang ating kinatawan.
Sa Lumang Tipan, si Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki ay itinalaga ng Diyos upang maglingkod ng habang-buhay. Lahat ng kasalanan ay kailangang maalis sa pamamagitan ni Aaron at ng kanyang mga anak. Ito ang iniutos ng Diyos.
Kung isang tao mula sa mga Levita ang mangahas na gumawa at tumapak, siya ay siguradong mamamatay. Ang magagawa lang nila ay mag-ipon ng mga kahoy para sa apoy sa altar, balatan ang mga hayop, linisin ang mga bituka, at alisin ang taba. Kapag sila’y naging pangahas na sumubok sa paggawa ng gawain ng saserdote, mamatay lang sila. Ito ay utos ng Diyos. Hindi sila maaring lumampas sa itinakda.
Sa mundo, walang isang isinilang na humigit kay Juan Bautista. Siya ay pinakadakila sa mga mortal. “At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon ang paghahari ng kalangitan ay nakararanas ng karahasan, at ang karahasang ito ay kinuha ng sapilitan.”
Ang kaligtasan ng tao ay natupad nang si Juan Bautista ay binawtismuhan si Hesus, at yaong mga naniniwala kay Hesus ay makapapasok sa kaharian ng langit. Sila’y magiging matuwid. Tingnan natin kung paanong ang ama ni Juan ay nagpatotoo sa kanyang anak.
 
 
ANG PATOTOO NI ZACARIAS, ANG AMA NI JUAN
 
Ano ang patotoo ni Zacarias sa kanyang anak?
Si Juan ang maghahanda ng daraanan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman sa bayan ni Hesus.

Basahin natin ang Lucas 1:67-80. “Napuspos ng Espiritu Santo ang kanyang amang si Zacarias, at humula nang ganito: ‘Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan, at nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noon una, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat na napopoot sa atin. Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang at aalalahanin ang kanyang banal na tipan. Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, na ililigtas tayo sa ating mga kaaway, upang walang takot na makasamba sa kanya, at maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay. Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan, at ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; Magbubukang-liwayway sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.’ Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya’y tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa Israel.”
Nagpatotoo si Zacarias ng dalawang bagay. Hinulaan niya na ang Hari ng lahat ng tao ay darating. Simula sa bersikulo 68 hanggang 73, hinulaan niya nang may kagalakan na hindi nalimutan ng Diyos ang nga pangako Niya at si Hesus, tulad ng ipinangako ng Diyos kay Abraham, ay isisilang ni birheng Maria upang iligtas ang kanyang lahi mula sa kamay ng mga kaaway.
At pagkatapos sa bersikulo 74, “Ililigtas tayo sa ating mga kaaway, upang walang takot na makasamba sa kanya.” Ito ang paalala ng Pangako ng Diyos kay Abraham at sa mga taga-Israel, at hinulaan niya, “upang walang takot na makasamba sa Kanya.”
Mula sa bersikulo 76, hinulaan niya ang kanyang anak. “Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan, at ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; Magbubukang-liwayway sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan, at papatnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.” 
Dito sinabi niya, “ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan” (v.77). Sa pamamagitan niya sinabi na ibibigay ang kaligtasan? Kay Juan Bautista. Nakikita mo ba ang lahat ng ito? Si Juan Bautista, sa mismong salita ng Diyos, ang magbibigay sa atin ng kaalaman na si Hesus ay ang Anak ng Diyos na siyang nag-aalis ng mga kasalanan sa mundo.
Ngayon, tingnan natin ang Marcos 1. “Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Hesukristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: ‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, ihahanda niya ang iyong daraanan.’ Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’ At dumating nga sa ilang si Juan nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao. ‘Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabautismo kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.’ Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y binautismuhan niya sa ilog Jordan” (Marcos 1:1-5).
Ang mga tao’y tumalikod sa pagsamba sa mga diyus-diyusan ng mga Hentil at binautismuhan ni Juan Bautista. Ngunit si Juan ay nagpatotoo, “Binabautismuhan kita sa tubig upang ikaw ay bumalik sa Diyos. Ngunit ang Anak ng Diyos ay darating at aking babautismuhan upang ang iyong mga kasalanan ay ilipat sa kanya. At kung sila’y maniniwala sa aking pagba-bautismo sa’yo, lahat ng iyong kasalanan ay maisasalin sa Kanya tulad nang ang mga kasalanan ay isinalin sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan.” Ito ang patotoo ni Juan.
Ang katotohanang si Hesus ay binautismuhan sa Jordan ay nangangahulugan na Siya ay binautismuhan sa ilog ng kamatayan. Umaawit tayo sa mga burol, “♪Sa katamisan sa paglakad ng panahon, tayo ay magtatagpo sa magandang pasigan. Tayo ay magtatagpo sa magandang pasigan.♪” Kapag tayo’y namatay, tayo’y tatawid sa ilog Jordan. Ang ilog Jordan ay ang ilog ng kamatayan. Si Hesus ay binautismuhan sa ilog ng kamatayan.
 
 
ANG BAUTISMO NA NAGSALIN NG ATING MGA KASALANAN
 
Ano ang kahulugan ng pagpatong ng kamay sa Bagong Tipan?
Ang Bautismo ni Hesus
 
Sa Mateo 3:13-17 ay mababasa natin, “Si Hesus ay dumating naman sa Jordan mula sa Galilea at lumapit kay Juan upang pabautismo. Sinansala siya ni Juan na ang wika, ‘Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo, at kayo pa ang lumalapit sa akin?’ Ngunit tinugon siya ni Hesus. ‘Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.’ At pumayag si Juan. Nang mabautimuhan si Hesus, umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos, bumababa sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang sabi, ‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!’”
Si Hesus ay dumating sa Jordan at binautismuhan ni Juan Bautista. “Bautismuhan mo Ako.” “Ngunit ako ang dapat ninyong bautismuhan, at kayo pa ang lumalapit sa akin?” Ang mga punong saserdote ng langit at ng lupa ay nagtagpo.
Ayon sa mga Hebreo, si Hesukristo ay ang Punong Saserdote magpakailanman ayon sa kaayusan ni Melchizedek. Siya ay walang talaangkanan (genealogy). Siya ay hindi mula sa angkan ni Aaron, o mula sa sino mang tao sa daigdig. Siya ay ang Anak ng Diyos, ang ating Manlilikha. Siya ay Siya na nga. Samakatuwid Siya ay walang talaankanan. Ngunit inialis Niya ang glorya ng kalangitan at bumaba rito sa mundo upang iligtas ang kanyang bayan.
Ang dahilan kaya Siya ay bumaba dito sa mundo ay upang iligtas ang makasalanan na dumaranas ng panlilinlang ni Satanas. At inalis Niya ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbabautismo ni Juan Bautista. “Ngunit sumagot si Hesus, ‘itulot mo itong mangyari ngayon, upang sa ganoon, maging karapat-dapat tayo sa pagsasakatuparan ng lahat ng kabutihan.’ At binautismuhan niya Siya.”
“Itulot mo itong mangyari ngayon.” Itulot mo! Inutusan ni Hesus ang kinatawan ng sangkatauhan at yumukod. Sa Lumang tipan, kapag nag-aalay ng sakripisyo sa Diyos, ang makasalanan o ang punong saserdote ay magpapatong ng kanyang kamay sa ulo nito at isasalin ang mga kasalanan. ‘Ang pagpatong ng kamay’ ay nangangahulugan na ‘ipasa’.
Si Hesus ay binautismuhan ni Juan Bautista. Ang kahulugan nito’y tulad ng pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan. ‘Ipasa’, ‘ilibing’, ‘hugasan’, at ‘ang mag-sakripisyo’ ay pare-pareho rin. Ang Bagong tipan ay ang katotohanan at ang Lumang Tipan ay ang anino nito.
Kapag ang makasalanan ay nagpatong ng kanyang kamay sa tupa na nasa Lumang Tipan, ang kasalanan niya’y isinalin na sa tupa at ang tupa ay mamamatay. Kapag namatay ang tupa, siya ay ililibing. Ang kasalanan ng taong nagpatong ng kanyang kamay sa tupa ay nailipat na sa tupa, kaya ang tupa’y namamatay kasama ang kasalanan! Nang mailipat ang kasalanan sa tupa, iyon bang nagdala sa tupa ay walang kasalanan?
Sabihin nating itong panyo ay ang kasalanan at itong mikropono ay ang tupa. At kapag ipinatong ko ang aking kamay dito sa mikropono, ang kasalanang ito ay malilipat dito sa mikropono, ang tupa. Ang Diyos mismo ang nagdesisyon na ito’y magiging ganon, “Ipatong mo ang iyong kamay.” Kaya upang matubos sa mga kasalanan, isa ang dapat magpatong ng kanyang kamay. Pagkatapos nito, siya ay mawawalan ng kasalanan. Ang bautismo ni Hesus ay upang maghugas, maglibing, at isalin ang kasalanan sa Kanya. Ito ay ang eksaktong kahulugan nito.
 
Ano ang ibig sabihin na isakatuparan ang lahat ng pagkamatuwid?
Ito ay ang hugasan ang lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsasalin nito kay Hesus.
 
Kaya nang si Hesus ay bautismuhan upang alisin ang mga kasalanan ng mundo, talaga bang nasalin itong lahat sa kanya? Lahat ng kasalanan ng mundo ay naisalin kay Hesus at lahat ng tao ay naligtas. Ito’y tulad ng pagsasalin ng mga kasalanan sa mga sakripisyo sa Lumang Tipan. Si Hesus ay dumating dito sa mundo at sa Jordan ay sinabi Niya, “Hayaan mo itong mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos” (Mateo 3:15).
Kaya hinayaan Niya ang Kanyang sarili na mabautismuhan. Sinabi ni Hesus kay Juan na nararapat nilang isakatuparan ang pagkamatuwid sa kanyang bautismo. ‘Lahat ng katuwiran’ ibig sabihin ‘ang pinakatama at nararapat.’ ‘Sapagkat’ ito’y nararapat sa kanila upang maisakatuparan ang pagkamatuwid. Nangangahulugan ito na nararapat na bautismuhan ni Juan si Hesus upang isalin ang lahat ng kasalanan sa Kanya.
Ang Diyos ay nagkaloob ng kaligtasan base sa bautismo ni Hesus, sa pagsasakripisyo Niya at sa ating pananampalataya. “Lahat ng tao na naghihirap dahil sa kasalanan ay pinahihirapan ng diablo dahil din sa kanilang mga kasalanan. Samakatuwid, upang sila ay maligtas at mapunta sa langit, ikaw, bilang kinatawan ng tao at kaanak ni Aaron, ay dapat na Ako’y bautismuhan. Sa gayon, ang gawain ng kaligtasan ay maisakatuparan.”
“Naiintindihan ko.”
Kaya binautismuhan ni Juan si Hesus. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ni Hesus at isinalin ang lahat ng kasalanan ng mundo kay Hesus. Si Hesus ay ang Tagapagligtas na naghugas ng ating mga kasalanan. Tayo’y maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang kaligtasan. Naniniwala ka ba?
Pagkatapos ng Kanyang bautismo, ang unang gawain ni Hesus sa Kanyang paglilingkod sa publiko sa Jordan ay sa pamamagitan ng mga kamay na kinatawan ng lahat ng tao, naglalakbay Siya habang nangangaral ng ebanghelyo sa loob ng tatlo at kalahating taon kasama ang mga kasalanan ng mundo sa Kanyang ulo.
Sinabi Niya sa babae na nahuli sa aktong pakikiapid, “Hindi rin kita parurusahan.” Hindi Niya ito maparusahan dahil kinuha Niya ang lahat ng kasalanan nito sa Kanyang sarili at malapit nang mamatay sa Krus para sa kanila. Habang Siya’y nananalangin sa Gethsemane, nanalangin Siya ng tatlong beses na humingi ng awa sa Ama na alisin sa Kanya ang saro ng paghihirap ngunit hindi nagtagal ay sumuko rin at sinabing, “Hindi sa kalooban ko, kundi sa kalooban mo.”
 
 
“MASDAN N’YO! ANG KORDERO NG DIYOS NA NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN!”
 
Gaano karaming kasalanan ang inalis ng Hesus?
Lahat ng kasalanan sa mundo.
 
Sa Juan 1:29, “Kinabukasan, nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, ‘Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!’” Binautismuhan ni Juan Bautista si Hesus. At kinabukasan pumunta si Hesus sa kanya, at sinabi niya sa mga ito. “Masdan n’yo! Ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan!” Ito ang kanyang patotoo.
Ang Anak ng Diyos ay dumating dito sa mundo at nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. Si Juan Bautista ay nagpatotoo uli. Sa Juan 1:35-36, “Nang sumunod na araw, naroon uli si Juan at ang dalawa sa kanyang mga alagad. Nakita niya si Hesus na nagdaraan, at kanyang sinabi, ‘Narito ang Kordero ng Diyos!’”
Ang Kordero ng Diyos ay nangangahulugan na siya ang tunay na entidad ng sakripisyo sa Lumang Tipan na siyang namatay para sa mga kasalanan ng Israel. Para sa’yo at sa akin, ang Anak ng Diyos, ang Lumikha na bumaba dito sa mundo at nag-alis ng ating mga kasalanan, lahat ng kasalanan mula sa paglikha ng mundo hanggang sa ito’y magwakas, mula sa orihinal na kasalanan hanggang sa ating mga kasamaan, mula sa ating pagkukulang hanggang sa ating mga pagkakamali. Iniligtas Niya tayong lahat sa kanyang bautismo at sa Kanyang dugo sa krus.
Inalis ni Hesus ang ating mga kasalanan at binigyan tayo ng kaligtasan. Naiintindihan mo ba ito? “Ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan sa sanlibutan.”
Anong taon ngayon? Ngayon ay dalawang libong taon. Nangangahulugang ito na dalawang libong taon na ang nakalipas mula nang Siya ay bumaba dito sa mundo at noong 30 A.D., inalis ni Hesus ang lahat ng kasalanan ng mundo. Sinasabi nila na noon ay taon ng 1 A.D. nang si Hesus ay isilang. Tinatawag natin ang panahon bago kay Kristo na B.C. Samakatuwid, 2000 taon na ang nakalipas mula ng dumating si Hesus dito sa mundo.
Noong 30 A.D. si Hesus ay binautismuhan ni Juan Bautista. At kinabukasan sumigaw si Juan sa mga tao, “Masdan n’yo! Ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan!” “Masdan n’yo!” Sinasabi niya sa mga tao na maniwala kay Hesus na siyang nag-aalis ng mga kasalanan nila. Nagpapatotoo siya na si Hesus ang Kordero ng Diyos. Ang siyang magliligtas sa atin sa ating mga kasalanan.
Inalis ni Hesus ang lahat ng ating mga kasalanan at winakasan ang ating pakikipaglaban. Tayo ngayon ay walang nang kasalanan dahil ang Anak ng Diyos ay inalis ang mga ito. Si Juan Bautista ay nagpatotoo na inalis Niya ang ating mga kasalanan, ang kasalanan mo at kasalanan ko. “Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patoo niya” (Juan 1:7).
Kung wala ang patotoo ni Juan, paano natin malalaman na inalis ni Hesus ang ating mga kasalanan? Palagi sinasabi sa atin ng Bibliya na namatay Siya para sa atin, ngunit si Juan Bautista lamang ang nagpatotoo na inalis Niya ang ating mga kasalanan.
 
Gaano karaming kasalanan ang kasalanan ng mundo?
Lahat ng kasalanan nang sangkatauhan mula sa simula hanggang sa wakas ng mundo.
 
Marami ang nagpatotoo pagkatapos mamatay ni Hesus, ngunit si Juan lamang ang nagpatotoo noong Siya ay nabubuhay. Siyempre, ang mga disipulo ni Hesus ay nagpatotoo rin tungkol sa kaligtasan kay Hesus. Nagpatotoo sila na inalis ni Hesus ang ating mga kasalanan, at Siya ay ang ating Tagapagligtas.
Inalis ni Hesus ang kasalanan ng mundo. Ngayon, wala ka pa namang isang daan taon di ba? Inalis ni Hesus ang kasalanan ng mundo noong Siya ay tatlumpong taon gulang. Ngayon, ipagpalagay nating ito ang dayagram.
 
854ea026-50c1-4154-9ffc-895740712f05
 
Sabihin natin na ngayon ay apat na libong taon bago dumating si Hesus. Wala pang dalawang libong taon ang lumipas mula sa panahon ni Hesus. Hindi natin alam kung gaano ito katagal, ngunit ang wakas ay siguradong darating. Sinasabi Niya, “Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang Simula at ang Wakas” (Pahayag 22:13).
Kung gayon, talagang magkakaroon ng wakas. At tayo ngayon ay nasa punto ng taong 2000. Inalis ni Hesus ang ating mga kasalanan noong 30 A.D., at ito’y tatlong taon bago Siya namatay sa krus.
“Ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan sa mundo.” Inalis Niya ang kasalanan ng mundo, ang kasalanan mo at kasalanan ko. Ganito tayo kalayo mula ng isilang si Hesus. May dalawang libong taon na. Tayo ngayon ay namumuhay sa taong 2000 pagkatapos alisin ni Hesus ang ating mga kasalanan. At patuloy tayong nabubuhay at nagkakasala sa ganitong panahon at taon. Si Hesus ay ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Nagsisimula tayong mamuhay sa mundong ito mula ng tayo’y isilang.
Nagkakasala ba tayong lahat mula ng tayo’y isilang o hindi? – Oo, nagkakasala tayo. Dumako tayo sa kabuuan. Mula ng tayo’y ipanganak hanggang sa tayo’y may sampung taon gulang, nagkakasala ba tayo o hindi? – Oo, nagkakasala tayo. Dahil lahat ng kasalanan ay naisalin kay Hesus, Siya ang ating Tagapagligtas. Kung hindi, paano Siyang magiging Tagapagligtas natin. Lahat ng kasalanan ay naisalin kay Hesus.
Mula sa gulang na 11 hanggang 20, nagkakasala ba tayo o hindi? Nagkakasala tayo sa ating mga puso, sa ating mga gawa…magaling tayo rito. Tinuruan tayong huwag magkasala subalit madali natin itong ginagawa.
At sinasabi ng Diyos sa atin na ang mga kasalanang iyon ay isinalin na kay Hesus. Alam Niya kung ano tayo, kaya inalis niya ang mga kasalanang iyon sa simula pa man.
At gaano katagal tayong nabubuhay dito sa mundo? Sabihin nating mga 70 taon. Kung pagsasama-samahin natin ang mga kasalanang nagawa natin sa loob ng 70 taong iyon, gaano kabigat ito? Kung isasakay natin ito sa walong toneladang mga trak, ito’y maaaring umabot nang 100 trak.
Subukan mong isipin kung gaano karaming kasalanan ang nagagawa natin sa buong buhay natin. Ang mga ito ba’y kasalanan ng mundo o hindi? Ito’y mga kasalanan ng mundo. Nagkakasala tayo sa pagitan ng 20 at 30 at ang mga iyon ay mga kasalanan rin ng mundo.
 
 
ANG TAGAPAGLIGTAS NG TAO, SI HESU- KRISTO
 
Gaano karaming kasalanan ang inalis ni Hesus?
Lahat ng mga kasalanan ng mundo, iyong sa atin, at maging sa ating mga inapo hanggang sa wakas ng mundo.

Sinabi sa atin ni Hesus na hinugasan Niya na ang mga kasalanang iyon. Hindi masabi ni Hesus sa sarili na, ‘Bautismuhan mo ako,’ kaya isinugo ng Diyos ang kanyang lingkod na si Juan ng mas nauna, ang itinalagang kinatawan ng sangkatauhan. ‘Ang pangalan Niya’y tatawaging Kahanga-hanga, Tagapagtanggol, Makapangyarihang Diyos,’ ayon sa Kanyang sarili, sa Kanyang katalinuhan, sa Kanyang kapulungan, sinugo Niya ang kinatawan ng tao na nauna, at ang Kanyang sarili, ang Anak ng Diyos, ay dumating sa laman at inalis ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan niya. Hindi ba’t ito’y kamangha-manghang kaligtasan?
Napakaganda nito, di ba? Kaya, minsan lang, bilang nabautismuhan ni Juan Bautista, hinugasan Niya ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa buong mundo at tinubos ang bawat isa sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinubos Niya tayong lahat. Pag-isipan mo ito. Lahat ng kasalanan mo mula 20 hanggang 30, 30 hanggang 40, 40 hanggang 60, hanggang 70, hanggang 100 at pagkatapos yaong sa iyong mga anak. Inalis Niya ba ang lahat ng ito o hindi? Tama. Inalis niya. Siya ay si Hesukristo, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.
Dahil isinalin ni Juan Bautista ang lahat ng kasalanan natin kay Hesus, at dahil ito ang plano ng Diyos, maliligtas tayo kung tayo’y maniniwala kay Hesus. Hindi ba’t ikaw at ako’y makasalanan? Lahat ba ng mga kasalanan ay naisalin kay Hesus o hindi? Hindi na tayo makasalanan at ang ating mga kasalanan ay naisalin na kay Hesus. 
Sino ang maglalakas-loob na sabihing may kasalanan dito sa mundo? Inalis ni Hesus ang mga kasalanan sa mundo. Alam Niya na tayo’y magkakasala at inalis Niya rin ang kasalanan sa hinaharap. Ang iba sa atin ay wala pang 50 taon at ang iba nama’y hindi pa nabubuhay ng kahit kalahati ng kanilang buong buhay, ngunit ang pinag-uusapan dito’y tayo, kasama ako, na animo’y mabubuhay tayo magpakaylanman.
Marami sa atin ang nasa magulong buhay. Hayaan mong ipaliwanag ko sa ganitong paraan. Ano ang kalahati ng buhay ng ‘mayfly’? Ito’y halos 12 oras.
“Naku po! Nakatagpo ako ng ganoon at ganitong tao, at hinampas niya ako ng pambugaw, at ako’y halos mapisa sa kamatayan, at alam mo…” Mayroon lang siyang 12 oras at hindi siya matigil sa pagsasalita. Ngunit iyon ay ang kalahati na ng buhay niya.
Mga 7 o 8 ng gabi, haharapin niya ang takipsilim ng kanyang buhay, at hindi maglalaon, ang kanyang kamatayan. Ang iba’y tumatagal ng 20 oras, ang iba’y 21 oras, at ang iba’y tumatanda ng husto sa 24 oras. Maaari nilang pag-usapan ang mga karanasan nila sa buhay, ngunit anong maitutulad nito sa atin kapag tayo’y nag-70 o 80, masasabi natin na, “Huwag mo akong patawarin,” ang naranasan nila’y balewalang lahat sa kanilang mata.
Ang Diyos ay walang-hanggan. Siya’y nabubuhay sa walang-katapusan. Siya ang nagdedesisyon ng simula at ng wakas. Dahil Siya’y nabubuhay kailanman, Siya’y namumuhay sa walang hanggang panahon. Tinitingnan Niya tayo sa Kanyang walang hanggang buhay.
Minsan isang panahon, kinuha Niya lahat ng kasalanan ng sanlibutan, namatay sa Krus, at sinabing, “Naganap na.” Siya’y nabuhay na muli sa ikatlong araw at umakyat sa Langit. Siya ngayon ay nananahan sa walang hanggan. Ngayon, Siya ay nakadungaw sa bawa’t isa sa atin. 
At ang isa’y nagsabi, “O mahal ko. Nagkasala ako nang husto. Kahit na ako’y nabuhay lang ng 20 taon, ako’y nagkasala ng marami.” “Nabuhay ako ng 30 taon at nagkasala ako ng husto. Paano ako mapapatawad?”
Ngunit ang ating Diyos na walang hanggan ay sasabihing, “Huwag mo akong patawanin. Hindi ko tinubos ang inyong mga kasalanan para sa ngayon lang, kundi pati ang mga kasalanan ng iyong ninuno bago ka isilang, at ang mga kasalanan ng lahat ng henerasyon na iyong inanak na mabubuhay pagkamatay mo.” Sinabi Niya ito sa loob ng walang-hanggang panahon. Naniniwala ka ba dito? Maniwala ka. At tanggapin mo ang biyaya ng kaligtasan na ibinibigay ng libre sa’yo. At pumasok sa kaharian ng langit.
Huwag kang maniwala sa iyong pag-iisip, kundi sa Salita ng Diyos. ‘Nararapat nating isakatuparan ang lahat ng pagkamatuwid.’ Ang lahat ng pagkamatuwid ay naisakatuparan na ng Kordero ng Diyos na nag-alis ng kasalanan ng sanlibutan. Inalis ni Hesus ang lahat ng kasalanan ng mundo. Inalis ba Niya o hindi? Inalis Niya.
 
Ano ang sinabi ni Hesus sa wakas doon sa krus?
“Naganap na.”

Inalis ni Hesus ang lahat ng mga kasalanan sa mundo; nahatulang mamatay sa korte ni Poncio Pilato, at ipinako sa krus.
“Kinuha nga nila si Hesus. At lumabas siya na pasan ang kanyang krus, patungo sa lugar na kung tawagi’y ‘Dako ng Bungo’ (Golgota sa wikang Hebreo). Pagdating doon, siya’y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa – isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. Sumulat si Pilato ng ganitong pangungusap at ipinalagay sa krus: “SI HESUS NA TAGA-NASARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.” Nasusulat ito sa wikang Hebreo, Latin, at Griego at marami sa mga Judio ang nakabasa nito, sapagkat malapit sa lunsod ang dakong pinagpakuan kay Hesus.”
Tingnan natin kung ano ang nangyari pagkatapos Niyang ipako sa krus. “Pagkatapos nito, alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, ‘Nauuhaw ako!’ May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, ‘Naganap na!’ Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga (Juan 19:28-30).”
Matapos Niyang inumin ang suka, sumigaw Siya, “Naganap na!” at iniyuko ang Kanyang ulo at pumanaw. Siya ay tunay na namatay. Si Jesu-Cristo ay muling nabuhay sa ikatlong araw at umakyat sa Langit. 
Basahin natin ang Hebreo 10:1-9, “Ang Kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan nga haing inihahandog taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga handog, wala na sana silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na kailangang maghandog pa. Subalit ang mga haing ito pa nga ang taun-tao’y nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan. Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos, ‘Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain. Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan. Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ – Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.’ Sinabi muna niya, ‘Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin at mga handog dahil sa kasalanan’ – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, ‘Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.’ Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo.”
 
 
ANG WALANG HANGGANG KALIGTASAN
 
Paano natin malulutas ang mga pang-araw-araw na problema sa kasalanan pagkatapos nating maniwala kay Hesus?
Sa pagsang-ayon na inalis na nga ni Hesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
 
Ang kautusan ay ang anino ng magagandang bagay na darating. Ang sakripisyo sa Lumang Tipan, ng mga tupa at mga kambing, ay nagpahayag na si Hesukristo ay darating at aalisin ang ating mga kasalanan sa parehong paraan upang linisin ang lahat ng ating mga kasalanan.
Lahat ng tao sa Lumang Tipan, si David, si Abraham at ang iba pa ay batid at naniniwala sa sistema ng sakripisyo at sa kahulugan nito. Ipinapahayag nito at nang Mesias, si Kristo (ang Kristo ay nangangahulugang Tagapagligtas) ay darating balang-araw at maghuhugas ng kanilang mga kasalanan. Naniniwala sila sa kanilang kaligtasan at naligtas sila dahilan sa kanilang pananampalataya.
Ang kautusan ay ang anino ng magagandang bagay na darating. Ang mga pag-aalay ng mga handog para sa kanilang mga kasalanan araw-araw, taun-taon, ay hindi makapagliligtas nang ganap sa atin. Kaya ang ganap at walang-hanggang nilalang, ang Isa na walang kapintasan, ang Anak ng Diyos ay kinailangang dumating sa mundo.
At sinabi Niya na dumating Siya upang gawin ang kalooban ng Kanyang Ama tulad ng nasusulat sa aklat tungkol sa kanya. “At pagkatapos ay sinabi Ko, ‘Masdan mo! Dumating ako upang isakatuparan ang iyong kalooban, O Diyos ko,’ Inalis Niya ang mga nauna upang maitatag ang ikalawa.” Tayo’y natubos sa ating mga kasalanan tulad ng nasusulat sa Lumang Tipan, at dahilan sa naniniwala tayo sa Kanya.
Basahin natin ang Hebreo 10:10, “At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili, at iyo’y sapat na.” Sa pamamagitan ng Iyong kalooban, kami ay naging banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Hesukristo ng minsan lang at para sa lahat. Pinaging-banal ba tayo o hindi? – Tama, tayo’y pinaging-banal. 
Ano ang kahulugan nito? Ang Diyos Ama ay isinugo ang Kanyang Anak at isinalin ang lahat ng kasalanan sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo at hinatulan Siya sa krus. Samakatuwid, tinubos Niya tayong lahat na naghihirap dahil sa kasalanan. Yaon ang kalooban ng Diyos.
Upang tayo’y matubos, inialay ni Hesus ang kanyang sarili nang minsanan lang para sa lahat, upang tayo’y ipaging-banal. Tayo’y napaging-banal. Isinakripisyo ni Hesus ang kanyang sarili para sa lahat ng ating mga kasalanan at namatay Siya sa halip na tayo upang tayo’y huwag nang hatulan.
Ang sakripisyo sa Lumang Tipan ay iniaalay araw-araw dahil lahat ng bagong kasalanan ay nangangailangan ng panibagong alay upang ito’y hugasan.
Sa Juan 12, may istorya si Hesus na hinuhugasan ang paa ni Pedro. Hinugasan Niya ang paa ni Pedro para ipakita na si Pedro ay magkakasala sa hinaharap at para turuan siya na natubos na rin Niya ang mga kasalanang iyon. Alam ni Hesus na magkakasala si Pedro sa hinaharap, kaya nagsalin siya ng tubig sa palanggana at hinugasan ang kanyang paa.
Tumutol si Pedro, ngunit sinabi ni Hesus, “Anumang ginagawa ko ngayon ay hindi mo maiintindihan ngunit malalaman mo pagkatapos nito.” Ang ibig sabihin nito’y, ‘Magkakasala ka pagkatapos nito. Itatatwa mo Ako at magkakasala kang muli pagkatapos Kong hugasan ang iyong mga kasalanan. Magkakasala ka kahit na pagkatapos Kong umakyat sa langit. Dahil doon hinugasan ko ang iyong paa para balaan si Satanas na huwag kang subukin dahil inalis ko na ang iyong mga kasalanan sa hinaharap.’
Palagay mo ba hinugasan Niya ang paa ni Pedro upang sabihin sa ating magsisi araw-araw? Hindi. Kung kailangan nating magsisi araw-araw upang maligtas, hindi na sana inalis ni Hesus ang lahat ng ating mga kasalanan ng isang beses para sa lahat na.
Ngunit sinabi ni Hesus na pinaging-banal Niya tayo nang minsan para sa lahat. Kung tayo’y magsisisi araw-araw, mabuti pang bumalik na lang tayo sa panahon ng Lumang Tipan. Pagkatapos, sino ang maaaring maging matuwid? Sino ang ganap na maliligtas? Kahit na tayo’y naniniwala sa Diyos, sino ang makakapamuhay nang walang kasalanan?
Sino ang mapagiging-banal sa pamamagitan ng pagsisisi? Tayo’y nagkakasala ng walang tigil araw-araw, kaya paano tayo makahihingi ng tawad sa bawat isa nito? Paano tayo naging makapal ang mukha upang buwisitin Siya araw-araw para sa kaligtasan? Nalilimutan natin ang ating mga kasalanan noong umaga kapag gumabi na, at ang mga kasalanan sa gabi ay nalilimutan naman sa umaga. Napaka-imposible para sa atin na ganap na mapagsisihan lahat ng ating mga kasalanan.
Gayon nga kaya binautismuhan si Hesus ng minsan lang, inialay ang Kanyang sarili sa krus ng isang beses upang tayo’y mapaging banal sa isang pagkakataon na lang. Naiintindihan mo ba ito? Tayo’y naligtas ng minsanan na lang sa ating mga kasalanan. Hindi tayo naliligtas sa tuwing tayo’y nagsisisi.
 
May mga kasalanan pa bang dapat nating ipanalangin para sa kapatawaran?
Wala na.
 
Naligtas tayo sa ating mga kasalanan sa pamamgitan ng paniniwala na inalis na ni Hesus ang lahat ng ating mga kasalanan, kasalanan mo at kasalanan ko.
“Bawat saserdote ay nakatayong naglilingkod araw-araw at naghahandog ng iyon at iyon ding mga hain, subalit hindi makapapawi ng kasalanan ang mga haing iyon. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog dahil sa mga kasalanan, at iyo’y sapat na. Pagkatapos, lumuklok siya sa kanan ng Diyos. At naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatwid, sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog ay kanyang pinapaging-banal magpakailanman ang mga nililinis niya. Ang Espiritu Santo’y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Una’y sinabi niya, ‘Ito ang aking magiging tipan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: iuukit ko sa kanilang mga puso ang aking mga utos at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip,’ At kanya ring sinabi pagkatapos, ‘Hindi ko na aalalahanin pa ang kailang mga kasalanan at mga kasamaan.’ Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghadog dahil sa kasalanan” (Hebreo 10:11-18).
Ano ang ibig sabihin ng “kapatawaran ng mga kasalanan?” Sa 10:18, nangangahulugan na kailanman, na walang ipupwera sa mga kasalanan. Pinatawad na sila ng Diyos. Naniniwala ka ba rito? “Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.”
Ibuod natin ito. Kung hindi nagpatong ng kamay si Juan Bautista kay Hesus, sa ibang salita, kung hindi niya binautismuhan si Hesus, maliligtas ba tayo? Hindi. Balikan natin ito. Kung hindi pinili ni Hesus si Juan Bautista na maging kinatawan ng sangkatauhan, at hindi naalis ang mga kasalanan sa pamamagitan niya, mahuhugasan Niya ba ang ating mga kasalanan? Hindi.
Ang utos ng Diyos ay makatarungan. Ito ay patas. Hindi Niya masasabi na Siya ang ating Tagapagligtas, na inalis Niya ang ating mga kasalanan. Kailangan Niyang alisin ang ating mga kasalanan sa pisikal na paraan. Bakit si Hesus, ang ating Diyos, ay dumating dito sa atin sa laman? Dahil alam Niya ang mga kasalanan ng tao, ang mga kasalanan ng puso at laman, at upang maalis ang mga ito, Siya, ang Anak ng Diyos ay kailangang isugo rito sa atin sa laman.
Kung hindi nabautismuhan si Hesus, ang ating mga kasalanan ay mananatili. Kung ipinako Siya sa krus na hindi pa naaalis ang ating mga kasalanan, mawawalan ng kabuluhan ang Kanyang kamatayan. Wala itong magiging kinalaman sa atin. Ganap na walang kabuluhan.
Kaya nang magsimula Siya ng Kanyang paglilingkod sa edad na 30, pumunta Siya kay Juan Bautista sa Jordan at nagpabautismo. Ang kanyang paglilingkod sa publiko ay nagsimula sa edad na 30 at nagtapos sa 33. Nang Siya ay 30 taong gulang, pumunta Siya kay Juan Bautista para pabautismo. “Hayaan mo itong mangyari ngayon, dahil nararapat para sa atin ang gawin ito upang ang lahat ng tao’y maligtas at maging matuwid. Ito ang nararapat na gawin. Ngayon, bautismuhan mo Ako.” Tama, si Hesukristo ay binautismuhan para sa kaligtasan ng lahat ng tao.
Dahil si Hesus ay nabautismuhan at nag-alis ng ating mga kasalanan, at dahil ang ating mga kasalanan ay naisalin na sa Kanya sa pamamagitan ng mga kamay ni Juan Bautista, ang Diyos mismo ang naglayo ng tingin sa ating mga kasalanan nang si Hesus ay mamatay sa krus. Kahit na si Hesus, ang Kanyang nag-iisang bugtong na Anak, ay kailangang hayaan mamatay para sa ating katubusan.
Ang Diyos ay pag-ibig, ngunit kailangan Niyang hayaan na mamatay ang Kanyang Anak. Kaya sa loob ng tatlong oras, nagkaroon ng kadiliman sa lugar na iyon. Sumigaw si Hesus bago siya mamatay, “Eli, Eli, lama sabachthani?” ibig sabihi’y, “Diyos ko, Eiyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?” Pinasan lahat ni Hesus ang ating mga kasalanan at tumanggap Siya ng hatol sa krus para sa atin. Kaya tayo’y naligtas Niya. Kung wala ang bautismo ni Hesus, ang Kanyang pagkamatay ay walang kabuluhan.
 
Ikaw ba ay makasalanan o matuwid?
Matuwid na tao na walang kasalanan sa iyong puso?

Kung namatay si Hesus sa krus na hindi naaalis ang ating mga kasalanan, na hindi nababautismuhan, ang Kanyang kamatayan ay hindi makatutupad sa kaligtasan. Upang tayo’y maligtas, binautismuhan ni Juan si Hesus, si Juan na kinatawan ng sangkatauhan, at tumanggap ng hatol sa krus upang yaong mga naniniwala sa Kanya ay maligtas.
Samakatwid, mula sa panahon ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nakararanas ng karahasan. Dahil si Juan Bautista ay nagsalin ng lahat ng kasalanan ng tao kay Hesus, ang kasalanan mo at kasalanan ko ay napagbayaran na. Kung gayon, ikaw at ako ay makatatawag na sa Diyos ng Ama at makapapasok na sa kaharian ng langit.
Sa Hebreo 10:18, “Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.” Lahat ba kayo’y makasalanan? Ngayon na pinagbayaran na ni Hesus ang inyong pagkakautang, kailangan pa rin ba ninyong magbayad ng utang?
May isang tao na ang paglalasing ay nagdadala sa kanya sa maraming pagkakautang. At isang araw, ang anak niya’y sinuwerte at binayaran ang lahat ng pagkakautang ng kanyang ama. Ang ama niya’y wala nang pagkakautang gaano man karami ang kanyang mainom.
Ganito ang ginawa ni Hesus para sa atin. Siya’y nagbayad ng higit pa sa nararapat para sa ating mga kasalanan. Hindi lang ang mga kasalanan nating panghabambuhay, kundi ang lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Lahat ng ito’y naisalin na kay Hesus nang Siya ay bautismuhan. Kaya makasalanan ka pa rin ba ngayon? Hindi, hindi na.
Kung alam lang natin ang ebanghelyo ng kaligtasan sa simula pa, napakadali na sa atin na maniwala kay Hesus. Pero narito na ito, ito’y tila bago na maraming tao ang magtataka tungkol dito.
Pero ito ay hindi na bago. Ito ay narito na sa simula pa. Hindi lang natin alam ito. Ang ebanghelyo sa tubig at sa Espiritu ay laging nakatala sa Bibliya at patuloy na may talab. Naroon na iyon noon pa. Narito na ito bago pa tayo isilang. Narito na iyon sa simula pa ng likhain ang mundo.
 
 
ANG EBANGHELYO NG KALIGTASAN
 
Ano ang dapat nating gawin sa harap ng Diyos?
Dapat tayong maniwala sa ebanghelyo ng walang hanggang kaligtasan.

Si Hesukristo na naghugas ng ating mga kasalanan, ay ginawa niya ito bago pa man tayo isilang. Inalis Niya itong lahat. May kasalanan ka pa ba? Wala na. Kung ganoon, paano ang mga kasalanang magagawa mo pa lang bukas? Kasama na rin ito sa mga kasalanan ng mundo.
Alisin natin ang mga kasalanan sa kinabukasan ngayon. Ang mga kasalanang nagawa natin ngayon ay kasama sa kasalanan ng mundo, di ba? Naisalin na ba ito kay Hesus o hindi? Oo, naisalin na ito.
Kung gayon, iyon bang mga kasalanan sa hinaharap ay naisalin na sa Kanya? Oo, kinuha na Niya itong lahat, walang ipinuwera. Wala Siyang iniwan kahit na isang kasalanan. Ang ebanghelyo ay nagsasabi sa atin na maniwala ng buong puso na inalis ni Hesus ang lahat ng ating kasalanan, lahat ng minsanan lamang, at pinagbayaran Niya ang mga ito.
‘Ang simula ng ebanghelyo ni Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos.’ Ang ebanghelyo ng langit ay masayang balita. Tinatanong Niya tayo, “Inalis ko ang inyong mga kasalanan. Ako ang inyong Tagapagligtas, naniniwala ba kayo sa Akin?” Sa mga hindi mabilang na tao, kakaunti lang ang sumasagot, “Oo naniniwala ako. Naniniwala ako sa sinabi mo sa amin. Napakasimple na naintindihan ko ito agad.” Yaong mga nagsasalita ng ganito ay nagiging matuwid tulad ni Abraham.
Ngunit ang iba’y nagsasabi, “Hindi ako makapiniwala. Ito’y bago at kakaiba para sa akin.”
Pagkatapos ay itatanong Niya, “Sabihin mo lang sa akin, inalis ko ba ang mga kasalanan mo o hindi?”
“Naturuan akong inalis mo ang aking mga orihinal na kasalanan, ngunit hindi ang aking pang-araw-araw ng kasalanan.”
“Nakikita ko na matalino ka para maniwala ayon sa nasabi sa iyo. Dapat kang mapunta sa impiyerno dahil wala na akong masasabi sa’yo.”
Naligtas tayo sa paniniwala sa Kanyang ganap na kaligtasan. Lahat ng nagpipilit na sila’y nagkasala ay dapat mapunta sa impiyerno. Ito ang pinili nila.
Ang ebanghelyo ng kaligtasan ay nagsisimula sa patotoo ni Juan Bautista. Dahil hinugasan ni Hesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapabautismo kay Juan Bautista, tayo’y nagiging banal kapag tayo’y naniniwala.
Si Apostol Pablo ay maraming sinasabi ukol sa bautismo ni Hesus sa kanyang mga sulat sa Galacia 3:27, “Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan kay Kristo ay pinananahanan ni Kristo.” Ang nabautismuhan kay Kristo ay nangangahulugan na tayo’y kay Kristo. Nang mabautismuhan si Hesus, ang ating mga kasalanan ay naisalin na sa Kanya sa pamamagitan ni Juan Bautista at ang ating mga kasalanan ay nahugasan na.
Sa I Pedro 3:21, “Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.”
Yaon lang mga naniniwala sa patotoo ni Juan Bautista, sa bautismo ni Hesus, at sa dugo sa krus, ang may biyaya ng kaligtasan sa loob nila.
Tanggapin mo sa puso mo ang bautismo ni Hesus, ang larawan ng kaligtasan, at ikaw ay maliligtas.