(I Juan 5:1-12)
“Inaaring mga anak ng Diyos ang sumasampalatayang si Jesus ang Cristo; at sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa mga anak. Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kapag iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, sapagkat napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang makapagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalatayang si Jesus ang Anak ng Diyos. Si Jesu-Cristo ang naparito sa sanlibutan, binautismuhan sa tubig, at nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan – hindi lamang binautismuhan sa tubig, kundi nagbubo pa ng kanyang dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. Tatlo ang nagpapatotoo: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at nagkakaisa ang tatlong ito. Tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ngunit lalong matibay ang patotoo ng Diyos, at iyon ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa kanyang anak. At ito ang patotoo: ipinakaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito’y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinanahanan ng Anak ng Diyos.”
Sa pamamagitan ng ano dumating si Jesus?
Sa tubig, dugo at Espiritu.
Dumating ba si Jesus sa pamamagitan ng tubig? Oo. Dumating Siya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang tubig ay ang bautismo ni Jesus sa pamamagitan ni Juan Bautista sa ilog Jordan. Ito ay ang bautismo ng kaligtasan kung saan inalis Niya ang lahat ng kasalanan sa mundo.
Dumating ba si Jesus sa pamamagitan ng dugo? Oo. Dumating Siya sa laman ng katawang-tao at binautismuhan upang alisin ang lahat ng kasalanan ng mundo. Pagkatapos ay pinagbayaran ang kaparusahan na mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus. Si Hesus ay dumating sa pamamagitan ng dugo.
Dumating ba si Jesus sa pamamagitan ng Espiritu? Oo. Si Jesus ay Diyos ngunit dumating Siya bilang Espiritu sa laman upang maging Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Maraming tao ang walang paniniwala na si Jesus ay dumating sa pamamagitan ng tubig, dugo ta Espiritu. Kakaunti lang ang naniniwalang si Jesus ay tunay na Hari ng mga hari, ang Diyos ng mga diyos. Karamihan sa mga tao ay patuloy na nag-aalangan. ‘Si Hesus ba ay tunay na Anak ng Diyos o Anak ng Tao?’ At marami pa, kasama na ang mga teologo at mga ministro ang naniniwala na si Jesus ay tao sa halip na Diyos. Ang Tagapagligtas, at ang ganap na Manlilikha.
Ngunit sinabi ng Diyos na sinumang naniniwala na si Hesus ay ang Hari ng mga hari, ang tunay na Diyos, at ang totoong Tagapagligtas at magiging anak Niya. Yaong nagmamahal sa Diyos ay nagmamahal kay Jesus at yaong talagang naniniwala sa Diyos ay umiibig kay Jesus sa parehong paraan.
Ang tao’y hindi makapagtatagumpay laban sa sanlibutan. Ang Apostol Juan ay nagwika sa atin na ang mga tunay na Kristiyano lang ang makakapagtatagumpay laban sa sanlibutan. At ang dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay makapagtatagumpay laban sa sanlibutan ay sa dahilang sila ay sumasampalataya sa tubig, sa dugo at sa Espiritu ni Jesus. Ang kapangyarihan upang makapagtagumpay laban sa sanlibutan ay hindi nagmumula sa kalooban, pagsisikap at pagkamataimtim ng tao.
“Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, walang kabutihang naidudulot ito sa akin” (I Corinto 13:1-3). Ang ‘pag-ibig’ dito’y nangangahulugan ng Jesus na dumating sa pamamagitan ng tubig, dugo, at ng Espiritu.
SIYA LAMANG NA NANINIWALA SA TUBIG AT SA DUGO ANG MAKAPAGTATAGUMPAY LABAN SA SANLIBUTAN
Sino ang makapagtatagumpay laban sa sanlibutan?
Siya na naniniwala sa kaligtasan ng bautismo ni Hesus, ng dugo at ng Espiritu.
Sa I Juan 5:5-6, “Sino ang makapagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalatayang si Jesus ang Anak ng Diyos. Si Jesu-Cristo ang naparito sa sanlibutan, binautismuhan sa tubig, at nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan…”
Mga kapwa ko Kristiyano, ang isang nakapagtagumpay laban sa sanlibutan, ang nakapagtagumpay laban kay Satanas ay si Jesu-Cristo. Siya na naniniwala sa salita ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu ni Jesus ay makapagtatagumpay din laban sa mundo. Paano nagtagumpay si Jesus laban sa sanlibutan? Sa pamamagitan ng kaligtasan sa tubig, sa dugo, at sa Espiritu.
Sa Bibliya ang ‘tubig’ ay nangangahulugan ng ‘bautismo ni Jesus’ (I Pedro 3:21). Si Jesus ay dumating dito sa mundo sa laman. Dumating Siya upang iligtas ang mga makasalanan sa mundo; Siya ay binautismuhan upang alisin ang mga kasalanan ng lahat ng makasalanan sa sanlibutan, at Siya ang namatay sa Krus upang pagbayaran ang mga kasalanang yaon.
Ang dugo sa krus ay nangangahulugan na dumating Siya dito sa mundo sa laman katulad ng tao. Siya ay dumating sa laman ng tao upang iligtas ang mga makasalanan at bautismuhan sa tubig. Kaya nga si Hesus ay dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo. Sa ibang salita, inalis niya ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng tubig sa Kanyang bautismo at ng dugo ng Kanyang kamatayan.
Paanong nakapamayani si Satanas sa mundo? Ginawang magduda ni Satanas ang mga tao sa salita ng Diyos at itinanim sa kanilang puso ang buto ng pagsuway. Sa ibang salita, ginawa ni Satanas na alipin ang mga taong naloko niya na huwag sundin ang salita ng Diyos.
Ngunit dumating si Jesus sa mundo at nilinis Niya ang lahat ng mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng tubig ng Kanyang bautismo at ng Kanyang dugo sa krus: Tinalo Niya si Satanas at nilinis Niya ang lahat ng mga kasalanan ng mundo.
Ito ay nagyari sapagkat si Jesu-Cristo ay tagapagligtas ng mga makasalanan. Siya ay ating naging tagapagligtas sapagkat Siya ay dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo.
INALIS NI JESUS ANG LAHAT NG KASALANAN NG MUNDO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG BAUTISMO NG KALIGTASAN
Ano ang ibig sabihin ng nagtagumpay si Hesus laban sa mundo?
Ang kahulugan nito’y ang pag-alis Niya ng mga kasalanan sa mundo.
Dahil si Jesus ay binautismuhan upang alisin ang lahat ng kasalanan sa mundo at namatay sa laman bilang tao upang pagbayaran ang ating mga kasalanan, nagawa Niyang tubusin tayo sa lahat ng ating pagkakasala. Dahil si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista sa ilog Jordan, ang kinatawan ng sangkatauhan, lahat ng mga kasalanan natin ay isinalin sa Kanya. At ibinigay Niya ang kanyang buhay sa krus para sa kabayaran ng mga kasalanan. Dahil namatay at muling nabuhay, siya ay nagtagumpay laban sa kapangyarihan ni Satanas. Pinagbayaran Niya ang mga kasalanan ng Kanyang kamatayan.
SI JESUS AY SINUGO SA MGA MAKASALANAN SA PAMAMAGITAN NG TUBIG NG BAUTISMO AT NG DUGO SA KRUS
Si Apostol Pablo ay nagwika na ang kaligtasan ay hindi lang sa tubig, kundi sa tubig at sa dugo. Samakatwid, tulad ng pag-alis ni Jesus ng ating mga kasalanan ay inalis ito nang panghabangbuhay, lahat ng makasalanan ay maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, at pagiging matapat sa Kanyang salita.
Paano Niya napagtagumpayan ang kapangyarihan ni Satanas?
Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, sa dugo, at sa Espiritu.
Nang dumating si Jesus sa mundo, hindi lang Niya inalis ang ating mga kasalanan, kundi iniligtas pa Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa krus. Inalis Niyang lahat ang ating mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan sa Jordan at pinagbayaran ang mga kasalanang iyon sa krus; Siya’y nagbayad ng Kanyang kamatayan para sa ating mga kasalanan. At ang hula ng makatarungang utos ng Diyos na nagsasabi na ‘ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan’ (Roma 6:23) ay naisakatuparan.
Anong ibig sabihin ni Hesus sa pagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang pananampalatayang nagtatagumpay laban sa mundo ay ang pananampalataya sa ebanghelyo ng kaligtasan kung saan dinala ni Jesus sa atin sa pamamagitan ng tubig at dugo. Dumating Siya sa katawang-tao at Siya’y nagpatotoo sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa tubig at ng Kanyang kamatayan sa krus.
Nagtagumpay si Jesus laban sa mundo, na tinatawag ding Satanas. Ang mga disipulo ng mga sinaunang iglesya ay nagpakatatag kahit sa harap ng pagpapakasakit, at hindi sila sumuko sa Emperyong Romano o sa kahit saang tukso ng mundong ito.
Lahat ito’y resulta ng kanilang paniniwala na si Hesus ay dumating sa tubig (Nabautismuhan Siya upang alisin ang ating mga kasalanan), at sa Kanyang dugo sa krus (Pinagbayaran Niya ang kaparusahan sa ating mga kasalanan ng Kanyang kamatayan).
Dumating si Hesus sa Espiritu (Dumating Siya sa katawang-tao), at inalis Niya ang mga pagkakasala ng mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa krus upang lahat tayong ililigtas ay magtagumpay laban sa mundo.
MAYROON DING LARAWAN NA NAGLILIGTAS SA ATIN NGAYON, ANG BAUTISMO, SA PAMAMAGITAN NG MULING-PAGKABUHAY NI JESU-CRISTO
Ano ang larawan ng kaligtasan?
Ang bautismo ni Hesus.
Sinasabi sa I Pedro 3:21, “Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.” Ang Apostol Pedro ay nagpatotoo na si Jesus ay ang Tagapagligtas at Siya ay dumating sa pamamagitan ng tubig ng bautismo at ng dugo.
At dahil dito, dapat tayong maniwala kay Jesus na Siyang dumating sa tubig at sa dugo. At dapat nating malaman na ang tubig ng bautismo ni Jesus ay ang larawan na nagliligtas sa atin. Sinabi sa atin ni Apostol Pedro na ang ‘tubig’ ng bautismo, ang ‘dugo’ at ang Espiritu’ ay ang mga ‘kumpletong salik’ ng ating kaligtasan.
Wala sa mga disipulo ang naniwala sa dugo sa krus na walang bautismo ni Jesus. Ang paniniwala sa dugo ay kalahati lamang ng tunay na pananampalataya. Ang di ganap na pananampalataya ay lumilipas. Ngunit ang pananampalataya ng mga naniniwala sa ebanghelyo ng tubig, ng tubig, at ng Espiritu ay patuloy na lalago kasama ng panahon.
Ngunit ang tinig ng ebanghelyo ng dugo ay lumalakas lang dito sa mundo ngayon. Bakit? Hindi alam ng mga tao ang Salita ng katotohanan, ang kaligtasan sa tubig at sa Espiritu, kaya hindi sila naisisilang muli.
Sa isang pagkakataon ang mga iglesya sa kanluran ay nahulog sa mga pamahiin. Namimistula silang umuunlad sa madaling panahon, subalit ang mga lingkod ni Satanas ay binaligtad ang kanilang pananampalataya sa pamahiin.
Ang pamahiin ay ang paniniwala na ang diyablo ay aalis kung may isang magsusuot ng krus sa kapirasong papel o kahoy, at si Satanas ay lalayo kung ang isang maniniwala sa dugo ni Jesus. Sa pamamagitan ng pananampalatayang ito sa mga pamahiin, naloloko ni Satanas ang mga tao na maniwalang ang kailangan lang nila ay maniwala sa dugo ni Jesus. Si Satanas ay nagkukunwaring takot sa dugo, at nagsasabing si Jesus ay nagbuhos ng dugo para sa mga kasalanan.
Subalit si Pedro at ang lahat ng mga disipulo ay nagpatotoo sa tunay na ebanghelyo ng bautismo ni Hesus at sa dugo sa krus. Samantala, ano ang mga patotoo ng mga Kristiyano ngayon? Nagpapatotoo lang sila sa dugo ni Hesus.
Subalit, dapat tayong maniwala sa mga salitang nasusulat sa Bibliya at magkaroon ng pananampalataya sa kaligtasan ng Espiritu, ng bautismo ni Jesus, at ng dugo. Kung babalewalain natin ang bautismo ni Jesus at magpapatotoo lang sa katotohanang si Jesus ay namatay sa krus para sa atin, ang kaligtasan ay hindi magiging ganap.
ANG ‘SALITA NG PAGSAKSI’ PARA SA KALIGTASAN SA TUBIG
Ano ang mga katibayan na iniligtas tayo ng Diyos?
Ang tubig, ang dugo at ang Espiritu.
Sa I Juan 5:8, sinasabi ng Panginoon, “May tatlong nagtataglay ng katibayan sa mundo.” Ang una ay ang Espiritu, ang ikalawa ay ang tubig ng bautismo ni Hesus, at ang ikatlo ay ang dugo sa krus. Lahat ng tatlong ito ay iisa lang. Dumating si Jesus dito sa mundo upang iligtas tayong lahat sa mga kasalanang iyon. Ginawa Niya itong mga-isa kasama ang tatlo: ang bautismo, ang dugo at ang Espiritu.
‘May tatlong nagtataglay ng katibayan.’ May tatlong bagay na nagpapatunay na tayo’y iniligtas ng Diyos. Ang mga katibayang ito ay ang tubig ng bautismo ni Jesus, ang dugo, at ng Espiritu. Ang tatlong ito ay ang mga ginawa ni Jesus para sa atin dito sa mundo.
Kung isa sa tatlong ito ay inalis, ang kaligtasan ay hindi magiging-ganap. May tatlong nagtataglay ng katibayan sa mundo, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo.
Si Jesu-Cristo na dumating sa atin sa laman ay Diyos, ang Espiritu at ang Anak. Dumating Siya dito sa mundo bilang Espiritu sa katawang-tao at binautismuhan sa tubig upang alisin lahat ang mga kasalanan sa mundo. At kinuha Niya ang mga kasalanan sa Kanyang laman at iniligtas tayong mga makasalanan sa pamamagitan ng pagdurugo hanggang mamatay sa krus. Pinagbayaran Niya ang mga kasalanan ng buong-buo. Ito ang ebanghelyo ng ganap na kaligtasan sa tubig, sa dugo at sa Espiritu.
Kahit na isa lang dito ang maalis, ito’y magiging pagtanggi sa kaligtasan ng Diyos na siyang nagligtas sa atin sa mga kasalanan. Kung tayo’y makikiayon sa nakararaming may paniniwala ngayon, sasabihin nating ‘may dalawang nagtataglay ng katibayan sa mundo: ang dugo at ang Espiritu.’
Subalit si Apostol Juan ay nagwika na mayroong tatlong bagay na nagtataglay na katibayan: ang tubig ng bautismo ni Jesus, ang dugo sa krus, at ang Espiritu. Si Apostol Juan ay nakatitiyak sa Kanyang patotoo.
Ang pananampalatayang nagliligtas sa isang makasalanan ay ang pananampalataya sa Espiritu, sa tubig, at sa dugo. Nasaan ang pananampalatayang nakapagtatagumpay sa tao laban sa mundo? Ito’y narito lang. Ito ay ang paniniwala kay Jesus na dumating sa pamamagitan ng tubig, dugo at ng Espiritu. Manampalataya ka sa mga ito at tanggapin mo ang kaligtasan at buhay na walang-hanggan.
Ang kaligtasan ba ay perpekto kung wala ang bautismo ni Jesus?
Hindi
May katagalan na rin, bago maisilang akong muli, ako rin ay isang Kristiyanong naniniwala lang sa dugo sa Krus at Espiritu. Naniniwala ako na dumating Siya bilang Espiritu at namatay para sa akin sa krus at ako’y iniligtas sa lahat ng kasalanan. Naniniwala lang ako sa dalawang bagay na ito at ako’y nangahas na sapat na ito para ipangaral sa lahat ng tao.
Ako’y nagplanong mag-aral ng teolohiya upang maging misyonaryo upang maglingkod at mamatay para sa mga tao tulad ng ginawa ni Jesus. Ako’y nagplano ng lahat ng uri ng dakilang mga bagay.
Subalit, hanggang ako’y naniniwala sa dalawang-bagay lang, laging nagtataglay ng kasalanan ang aking puso. Kaya, hindi ako makapagtagumpay laban sa mundo. Hindi ako makalaya sa kasalanan. Kapag ako’y naniniwala lang sa dugo at sa Espiritu, ako’y may kasalanan pa rin sa aking puso.
Ang dahilan kaya ako’y may kasalanan pa rin sa aking puso kahit na ako’y naniniwala kay Jesus, ay dahilan sa hindi ko alam ang tungkol sa tubig, ang bautismo ni Hesus. Ang kaligtasan ko’y hindi ganap hangga’t hindi ako naniniwala sa tubig ng bautismo, sa dugo at sa Espiritu.
Ang dahilan kung bakit hindi ko mapagtagumpayan ang mga kasalanan ng laman ay dahil hindi ko alam ang kahulugan ng bautismo ni Jesus. Kahit ngayon, maraming tao ang naniniwala kay Hesus ngunit patuloy ng gumagawa ng mga kasalanan sa laman. May kasalanan pa rin sila sa puso at patuloy na hinahangad na mabuhay ang kanilang unang pag-ibig kay Jesus.
Hindi nila maibabalik ang init ng unang damdamin dahil hindi pa sila nahuhugasan ng tubig sa kanilang mga kasalanan. Hindi nila nababatid na lahat ng kanilang kasalanan ay naisalin na kay Jesus nang Siya ay bautismuhan, at hindi na nila mapanumbalik ang kanilang pananampalataya pagkatapos ng isang pagbagsak.
Lilinawin ko ito sa inyong lahat. Mabubuhay tayo sa pananampalataya at makapagtatagumpay laban sa mundo kung tayo’y maniniwala kay Jesus. Wala man tayong kakayahan, magkasala man tayo sa mundong ito, hangga’t naniniwala tayo kay Jesus bilang ating Tagapagligtas na Siyang gumawang ganap at nagpalaya sa ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Magtatagumpay tayo.
Ngunit kung tayo’y naniniwala kay Jesus na wala ang tubig ng bautismo, hindi tayo ganap na maliligtas. Ang Apostol Juan ay nagwika sa atin na ang pananampalataya na nagtatagumpay laban sa mundo ay ang pananampalataya kay JesuCristo na dumating sa pamamagitan ng bautismo, ng dugo at ng Espiritu.
Isinugo ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa atin upang iligtas ang mga naniniwala sa bautismo at sa Kanyang dugo. Inalis ni Hesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Si Jesus, ang nag-iisang Anak ng Diyos, ay dumating sa atin sa Espiritu (na nagkatawang tao) at Siya ay nagbubo ng dugo duon sa krus upang pagbayaran ang mga kasalanan. Samakatwid, iniligtas ni Jesus ang lahat ng tao mula sa kasalanan.
Ang pananampalataya na nagdadala sa atin upang magtagumpay laban sa mundo ay nagmumula sa paniniwala sa katotohanan na si Jesus ay dumating sa atin sa tubig, dugo at Espiritu at ganap tayong pinalaya sa lahat ng kasalanan.
Kung wala ang tubig ng bautismo at ang dugo sa krus. Wala ring tunay na kaligtasan. Kung wala ang isa man sa mga ito, hindi tayo magkakaroon ng tunay na kaligtasan. Ang tunay na kaligtasan ay hindi makakamtan kung wala ang tubig at ang dugo at ang Espiritu. Samakatwid, dapat tayong maniwala sa tubig, sa dugo at sa Espiritu. Alamin mo ito at ikaw ay magkakaroon ng tunay na pananampalataya.
HINDI TUNAY ANG KALIGTASAN KUNG WALA ANG PAGPAPATOTOO SA TUBIG, SA DUGO, AT SA ESPIRITU
Ano ang tatlong bagay na nagpapatotoo sa kaligtasan?
Ang tubig, ang dugo at ang Espiritu
Ang isa’y maaaring mag-isip ng ganito.
“Si Jesus ay ang aking Tagapagligtas. Ako’y naniniwala sa dugo sa Krus at nais kong mamatay na isang martir. Naniniwala ako kay Jesus kahit na ako’y may kasalanan sa aking puso. Ako’y masigasig na humingi ng tawad at naglingkod sa kawang-gawa araw-araw. Ibinigay ko ang buhay ko at ang aking mga pag-aari sa Iyo. Hindi rin ako nag-asawa. Paanong hindi ako kilala ng Diyos? Si Jesus ay namatay sa krus para sa akin. Ang banal nating Diyos ay dumating bilang isang tao at namatay para sa atin sa krus. Ako ay naniniwala sa Iyo, nagsasakripisyo para sa Iyo, at ginagampanan ang aking mga gawain ng matapat. Kahit na minsan ako’y hindi karapat-dapat ay may maliit na kasalanan pa rin sa aking puso, ipadadala ba ako ni Jesus sa impiyerno dahil doon? Hindi, hindi Niya gagawain iyon.”
Maraming tao ang tulad niya. Sila ay yaong mga hindi naniniwala na si Jesus ay binautismuhan upang alisin ang mga kasalanan sa mundo. Kapag itong mga tao na naniniwala kay Jesus ay may kasalanan pa rin, saan sila pupunta? Pupunta sila sa impiyerno. Sila ay mga makasalanan.
Sila na nagpapalagay na ang Diyos ay nag-iisip din ng tulad nila ay mapupunta sa impiyerno. At may iba na nagsasabi na dahil inalis na ni Jesus ang lahat ng kasalanan nang mamatay Siya sa krus, wala nang kasalanan sa mundo. Subalit ito’y nagpapahayag lang tungkol sa dugo at sa Espiritu. Hindi ito ang pananampalataya na nagdadala sa tao patungo sa ganap na kaligtasan.
Dapat tayong maniwala na si Jesus ay nag-alis ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo, nahatulan, at namatay sa krus para sa atin, at Siya ay muling nabuhay pagkatapos ng tatlong araw pagkatapos ng Kanyang kamatayan.
Kung wala ang gayong pananampalataya, walang magiging ganap na kaligtasan. Si JesuCristo ay dumating sa pamamagitan ng tubig, dugo at ng Espiritu. Inalis Niyang lahat ang kasalanan ng mundo.
Mayroong tatlo na nagtataglay ng patotoo sa mundo: Ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo.
Ang Banal na Espiritu ay napapatotoo na si Hesus ay Diyos at Siya ay bumaba sa katawang tao.
Ang sumunod ay ang patotoo ng ‘tubig.’ Ang tubig ay ang bautismo ni Jesus sa Jordan kay Juan Bautista, kung saan ang ating mga kasalanan ay isinalin kay Jesus. Lahat ng ating mga kasalanan ay naisalin na kay Jesus nang Siya’y bautismuhan (Mateo 3:15).
Ang ikatlong patotoo ay ang “dugo” na nagsasaad ng pagtanggap ni Jesus ng pananagutan para sa kahatulan ng ating mga kasalanan. Namatay si Jesus, tinanggap ang hatol ng Kanyang Ama para sa atin at muling nabuhay sa ikatlong araw upang ipagkaloob sa atin ang bagong buhay.
Ang Diyos Ama ay nagsugo ng Espiritu sa mga puso ng mga naniniwala sa bautismo at sa dugo ng Kanyang Anak para patotohanan ang ating kaligtasan.
Ang mga taong naisilang na muli ay magtataglay ng Salita kung saan sila nagtatagumpay laban sa sanlibutan. Ang mga naligtas ay magtatagumpay laban kay Satanas, sa mga kasinungalingan ng mga maling propeta, at sa mga hadlang o problemang umaatake sa kanila ng walang tigil. Ang dahilan kaya mayroong tayong kapangyarihan ay dahil mayroon tayong bagay sa ating mga puso: ang tubig ni Hesus, ang Kanyang dugo, at ang Espiritu.
Paano natin mapagtatagumpayan ang mundo at si Satanas?
Sa pamamagitan ng paniniwala sa tatlong patotoo.
Magtatagumpay tayo laban kay Satanas at sa mundo dahil tayo’y naniniwala sa Espiritu, sa tubig, at sa dugo. Yaong mga naniniwala sa bautismo at sa dugo ni Jesus ay nagtatagumpay sa mga pekeng propeta. Ang ating pananampalataya, kasama ng kapangyarihan na magtagumpay, ay nakadepende sa tubig, sa dugo at sa Espiritu. Naniniwala ka ba dito?
Hindi ka maaaring isilang muli o magtagumpay man laban sa mundo kung wala kang pananampalataya sa kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, ng dugo Niya, at ng paniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos at ang ating Tagapagligtas. Nasa puso mo ba ito?
Mayroon ka bang Espiritu at ‘tubig’ sa iyong puso? Naniniwala ka ba na lahat ng mga kasalanan mo ay isinalin na kay Jesus? Mayroon ka bang dugo ng krus sa iyong puso?
Magtatagumpay ka laban sa mundo kung mayroon kang ‘tubig’ at dugo ni Jesus sa iyong puso, at kung naniniwala ka na si Jesus ay namatay sa Krus para sa iyo at tinanggap Niya ang hatol para sa’yo.
Si Apostol Juan ay nagtagumpay laban sa mundo dahil mayroon siya ng tatlong ito sa kanyang puso. At nagpapahayag siya tungkol sa kaligtasan sa kanyang mga kapatid sa pananampalataya na dumaranas ng problema at banta. Siya ay nagpatotoo, “Ganito n’yo rin mapagtatagumpayan ang mundo. Si Jesus ay dumating sa Espiritu, sa tubig at sa dugo. Tulad ng pagtatagumpay Niya laban sa mundo, magtatagumpay din ang mga mananampalataya laban sa sanlibutan. Ito ang tanging paraan para ang mananampalataya ay magtagumpay laban sa mundo.”
Sa I Juan 5:8 ay isinasaad, “May tatlong nagtataglay ng katibayan sa mundo. Ang una ay ang Espiritu, ang ikalawa ay ang tubig ng bautismo ni Jesus, at ang ikatlo ay ang dugo sa krus. Lahat ng tatlong ito ay iisa lang.” Marami pa rin ang nagtatalakayan tungkol sa dugo at sa Espiritu ngunit naisasantabi nila ang tubig ng bautismo ni Jesus. Kung sila’y magpapahayag sa labas ng ‘tubig,’ sila’y nalilinlang pa rin si Satanas. Dapat silang lumabas doon at magsisi, dapat silang maniwala sa ‘tubig’ ng bautismo ni Jesus, ang pagkasilang muli.
Walang sinuman ang magtatagumpay laban sa mundo na hindi naniniwala sa tubig at sa dugo. Sinasabi kong muli sa inyo – wala kahit isa! Dapat tayong lumaban sa pamamagitan ng tubig at ng dugo ni Jesus bilang ating mga sandata. Ang Salita Niya ay ang sable ng Espiritu at ilaw.
At marami pa rin ang hindi naniniwala sa bautismo ni Jesus na naghugas sa kanilang mga kasalanan. Marami rin ang naniniwala lang sa dalawang bagay: Nang sinabi sa kanila ni Jesus na bumangon at magliwanag, hindi sila makapagningning. May kasalanan pa rin sila sa kanilang mga puso. Kahit na naniniwala sila kay Jesus, humantong pa rin sila sa impiyerno.
ANG EBANGHELYO NG BAUTISMO AT DUGO NI JESUS AY NARARAPAT NA IPATOTOO NG TIYAK UPANG ANG MGA TAO AY MAKARINIG, MANIWALA AT MALIGTAS
Kapag tayo’y nagpatotoo sa ebanghelyo, ito’y dapat na tiyak. Si Jesus ay dumating sa Espiritu, sa bautismo (na nag-alis ng ating mga kasalanan) at sa dugo (ang nagbayad para sa ating mga kasalanan). Dapat tayong maniwala sa tatlong ito.
Ang pananampalataya ba sa bautismo ay isang uri lang ng dogma o paniwala?
Hindi, hindi ito dogma.Ito ang katotohanan.
Kung hindi, hindi tayo nangangaral ng ebanghelyo kundi ng relihiyon. Ang Kristiyano sa mundong ito ay tinatawag ang kristiyanismo na relihiyon. Ang kristiyanismo ay hindi maaaring ipaliwanag bilang relihiyon. Ito ang pananampalataya sa kaligtasan na binuo sa katotohanan, ang pananampalataya na depende sa Diyos. Hindi ito isang relihiyon.
Ang relihiyon ay isang bagay na nilikha ng tao, samantalang ang pananampalataya ay ang pagpapahalaga sa kaligtasan na ibinigay ng Diyos sa atin. Iyon ang pagkakaiba. Kung hindi mo papansinin ang katotohanang ito, itinuturing mo ang kristiyanismo bilang isang relihiyon lang at nangangaral sa pamamagitan ng moralidad at etiko.
Si JesuCristo ay hindi dumating upang magtatag ng isang relihiyon sa mundong ito. Hindi Siya nagtayo ng isang relihiyon ng tinatawag ng kristiyanismo. Bakit kayo naniniwala na isa itong relihiyon? Kung ang lahat ng mga ito’y pare-pareho lang, bakit hindi ka na lang maniwala sa Budismo? Palagay mo ba ay nagkakamali ako sa pagsasabi nito?
Ang ibang tao ay naniniwala kay Jesus bilang relihiyon at humantong sa pagsasabing, “Ano ang pinagkaiba? Langit, nirbana, paraiso… pare-pareho lang silang lahat, may iba’t-ibang pangalan lang. Lahat naman tayo’y hahantong din sa parehong lugar.”
Mga kapwa Kristiyano, dapat nating harapin ang katotohanan. At dapat tayong ‘bumangon at magliwanag.’ Dapat nating masabi ang katotohanan nang walang pagdududa.
Kapag ang isa’y nagsasabing. “Ito ay hindi lang nag-iisang daan,” dapat mong sabihin sa tinig na may katiyakan na, “Oo! Ito lang ang tanging daan. Ikaw ay makakarating lang sa langit kung maniniwala ka kay Hesukristo na dumating sa tubig, dugo, at sa Espiritu.” Dapat kang magliwanag ng husto upang ang ibang kaluluwa ay makarinig ng salita ng kaligtasan, maisilang muli at makarating sa langit.
MAGKAROON NG TAMANG PANANAMPALATAYA: ANG UMIIBIG KAY JESUS NA HINDI NAKABABATID SA KALIGTASAN NG BAUTISMO AT NG KANYANG DUGO AY MAPAPAHAMAK
Sinong mamamatay kahit na siya’y naniniwala kay Jesus?
Siya na hindi naniniwala sa bautismo ni Jesus.
Ang nagsasabi lang na siya’y naniniwala kay Jesus nang pabigla-bigla ay tulad ng pagpapalagay sa katotohanan bilang isa lamang relihiyon.
Ang barko na tumatawid sa Pasipiko ay lumubog at ang kakaunting nakaligtas ay naiwang palutang-lutang sa isang gomang balsa. Nagpadala sila ng tulong, ngunit ang maalong dagat ang humadlang sa ibang barko na makarating at makasaklolo sa kanila. Sa halip, isang helikopter ang dumating at naghagis ng tali.
Kung isa sa kanila ang hahawak sa tali gamit ang kanyang mga kamay sa halip na itali ito sa kanyang katawan, siya’y tulad ng isang taong nahuhulog sa walang-ganting pag-ibig kay Jesus; na naniniwala sa Diyos ayon sa kanyang kagustuhan. Hindi pa siya ligtas ngunit sinasabi niya, “Ako’y naniniwala. Iligtas mo ako. Ako’y naniniwala kaya sa palagay ko, ako’y maliligtas.”
Siya na hindi nakakaintindi sa katotohanan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ay naniniwala na siya ay maliligtas dahil lang sa siya’y kumakapit sa tali.
Ngunit habang hinihila siya pataas, ang mga kamay niya’y nawawalan ng lakas na kumapit sa tali. Siya’y kakapit gamit ang sarili niyang lakas. Kapag ang lakas na iyon ay naubos, mawawalan siya ng lakas na kumapit at muling mahuhulog sa karagatan.
Ganito ang magkaroon ng walang-ganting pag-ibig kay Jesus. Marami ang magsasabing naniniwala sila sa Diyos at kay Jesus; na naniniwala sila kay Jesus na dumating sa Espiritu, ngunit ito’y isang bahagi lang. Hindi sila maaaring ganap na maniwala o kahit na manatili sa banal na ebanghelyo, kaya pinupuwersa nila ang kanilang sarili na sabihing naniniwala sila ng paulit-ulit.
Ang maniwala at ang subuking maniwala ay hindi magkatulad na bagay. Sinasabi nilang susunod sila kay Jesus hanggang sa wakas ngunit sila’y maitataboy sa huling araw dahil sa kasalanang nasa puso pa rin nila. Minamahal nila sa Jesus na hindi nababatid na Siya ay dumating sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, dugo at Espiritu. Kung mahal nila si Jesus sa dugo lang Niya, sila’y hahantong sa impyerno.
Itali mo ang iyong kaluluwa sa tubig ng bautismo, at sa salita ng dugo sa Krus. Nang ihagis ni Jesus ang tali ng kaligtasan, yaong mga nagtatali sa kanilang sarili sa ‘tubig’, sa dugo at sa Espiritu ay maliligtas.
Ang tagapagligtas sa helikopter ay sumisigaw sa isang malakas na espiker, “Pakiusap makinig kayong mabuti sa akin. Kapag inihagis ko ang tali, ipulupot n’yo ito sa inyong katawan at sa ilalim ng inyong mga bisig. Pagkatapos ay manatili lang kayo sa ganoong ayos. Huwag kayong kumapit sa tali gamit ang inyong mga kamay. Itali n’yo lang ito sa inyong dibdib at mag-relaks. Sa gayon, kayo’y maliligtas.”
Pagkatapos niyang ibigay ang mga tuntuning iyon, ang nag-iisang tao na sumunod sa kanyang tuntunin at nagpulupot ng kanyang sarili sa tali ay naligtas. “Huwag kang mag-alala ako’y malakas. Ako’y nagsasanay sa isang health club. Nakikita mo ba ang aking mga kalamnan? Ako’y puwedeng bumitin ng milya-milya.” Pagkatapos ay kumapit na siya sa tali gamit ang kanyang mga kamay at ang tali ay nahila.
Kapwa sila hinihila sa umpisa, ngunit mayroong pagkakaiba. Ang isa na nakinig sa mga tuntunin at nagpulupot ng tali sa kanyang katawan ay nahila nang walang sagabal. Siya’y nawalan nga ng malay habang hinihila subalit nakarating pa rin siya sa itaas.
Ang isa na may pagmamalaki sa sarili niyang kalakasan ay biglang nawalan ng lakas na kumapit dahil siya’y nanghina. At siya’y namatay dahil siya’y tumangging makinig at binalewala ang mga tuntunin.
Upang magkamit ng ganap na kaligtasan, ang bawat isa’y dapat maniwala sa kaligtasan sa tubig ng Kanyang bautismo at sa dugo na nagligtas sa lahat ng kaluluwa mula sa kasalanan. Ang kaligtasan ay para lamang sa mga naniniwala ng buong puso sa Salita: “Ganap kitang iniligtas sa pamamagitan ng Aking bautismo kay Juan Bautista at sa pagbuhos ng dugo hanggang mamatay sa Krus.”
Yaong mga naniniwala lang sa dugo ay nagsasabi, “Huwag kang mag-alala, naniniwala ako. Magpapasalamat ako hanggang sa aking kamatayan para sa dugo ni Jesus. Susunod ako kay Jesus hanggang sa katapusan at ang aking paniniwala sa dugo lang ay sapat na upang magtagumpay laban sa mundo at sa lahat ng kasalanan sa buong buhay ko.”
Ngunit hindi iyon sapat. Ang mga patotoo ng Diyos sa Kanyang mga tao ay ang mga naniniwala sa tatlong bagay: na si Jesus ay dumating sa Espiritu at nabautismuhan (Inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo sa Jordan), na Siya ay namatay sa Krus upang pagbayaran ang mga kasalanan at siya ay muling nabuhay sa mga patay.
Ang Espiritu’y dumarating lang sa mga naniniwala sa tatlong ito at nagpapatotoo para dito. “Oo, ako ang iyong Tagapagligtas, Iniligtas kita sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Ako ang iyong Diyos.”
Ngunit yaong hindi nininiwala sa kaligtasan. Kahit na isa lang ang alisin, sinasabi ng Diyos, “Hindi, hindi ka pa ligtas,” Lahat ng Kanyang disipulo ay naniwala sa tatlong ito. Sinasabi ni Jesus na ang Kanyang bautismo ay ang patotoo para sa kaligtasan, at ang Kanyang dugo ang hatol.
ANG APOSTOL PABLO AT PEDRO AY NAGTATAGLAY DIN NG PATOTOO SA BAUTISMO AT SA DUGO NI JESUS.
Ano ang pinatotoo ng mga disipulo ni Jesus?
Ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo.
Si Apostol Pablo ba ay nagpahayag tungkol sa bautismo ni Jesus? Tingnan natin kung gaano kadalas siya nagpahayag ng tungkol sa bautismo ni Hesus. Sinabi Niya sa Roma 6:3, “Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo-Jesus ay nabaustimuhan sa kanyang kamatayan?” at sa 6:5, “Sapagkat kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang muling pagkabuhay.”
Sinabi rin niya sa Galacia 3:27, “Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan kay Kristo ay pinananahanan ni Kristo.” Ang mga apostol ni Jesus ay nagpatotoo tungkol sa ‘tubig,’ ang bautismo ni Jesus. “Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo” (I Pedro 3:21).
ANG KALIGTASAN NG PANGINOON AY DUMATING SA PAMAMAGITAN NG TUBIG AT NG DUGO NI JESUS
Sino ang tinatawag ng Diyos na matuwid?
Ang taong wala ni isa mang kasalanan sa kanyang puso.
Ang kaligtasan na ibinigay ni Jesus sa tao ay sa tubig ng bautismo at sa dugo Niya sa krus. Sa pamamagitan ng kaligtasang iyon, dapat tayong bumangon at magliwanag. Paano? Sa pagpapatotoo ng tatlong bagay na ito.
‘Bumangon at magliwanag.’ Ang Diyos ay nagpaningning na ng liwanag sa atin at nagsabing maliwanag din tayo. Dapat tayong sumunod sa utos na iyon.
Maraming tao ang hindi nakikinig. Dapat nating ipangaral ang ebanghelyo nang buong lakas. Maniwala kay Jesus at ikaw ay maliligtas. Ikaw ay magiging matuwid. Kung mayroon pa ring kasalanan sa iyong puso, ikaw ay hindi pa matuwid. Hindi ka pa nagtatagumpay laban sa mga kasalanan sa mundo.
Hindi ka makakatakas sa mga kasalanan sa iyong puso kung hindi ka maniniwala sa ‘tubig’ ni Jesus (Ang bautismo ni Jesus). Hindi ka makakaiwas sa hatol kung hindi ka maniniwala sa dugo ni Jesus. Hindi ka maliligtas kung hindi ka maniniwala kay Jesu-Cristo na dumating sa Espiritu. Hindi ka magiging ganap na matuwid kung hindi ka maniniwala sa tatlong patotoo.
Ang hindi ganap na pagkamatuwid ay humahantong lang sa ‘tinatawag na pagkamatuwid.’ Sinumang nagsasabi na may kasalanan rin siya subalit itinuturing ang kanyang sarili na matuwid na tao, siya ay wala pa rin kay Jesus. Ang ibang tao sa ngayon ay patuloy na kumakapit sa kaligtasan ng ‘tinatawag ng pagkamatuwid.’ Nagsulat sila ng tone-toneladang artikulo ukol sa kaligtasan na walang-halaga.
Tinatawag ba ng Diyos na walang kasalanan ang tao kung may kasalanan sa kanyang puso? Hindi Niya ginagawa iyon. Tinatawag Niya ito kung paano Niya ito nakikita. Siya ay makapangyarihan ngunit hindi Siya nagsisinungaling. Ang mga tao ay hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng pagkamatuwid. Tinatawag natin ang isang bagay na ‘malinis’ kung ito’y malinis lang. Hindi natin sinasabi na ‘malinis’ kung mayroong kasalanan dito.
Maaaring isipin mo na ikaw ay tinatawag ng matuwid ni Hesus kahit na may kasalanan ka sa iyong puso. Mali iyon.
Tinatawag lang tayong matuwid ni Jesus kapag tayo’y maniniwala kay Jesus bilang nag-iisang dumating sa Espiritu, ang isang dumating sa tubig (na inalis Niya ang ating mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan), at ang isang dumating sa dugo (dumating Siya sa laman at namatay para sa atin).
Mga kapwa Kristiyano, ‘ang tinatawag na pagkamatuwid’ ay walang kinalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng dugo. ‘Ang tinatawag’ o ‘tatawaging matuwid’ ay ang dogma na lumalabas sa tao. Tinatawag ka ba ng Diyos na matuwid kung may kasalanan ka sa puso mo? Hindi tinatawag ng Diyos na matuwid ang isang tao na, may kasalanan pa rin sa kanyang puso kahit na siya’y maalab na naniniwala kay Jesus. Hindi makapagsinungaling si Jesus.
Subalit, iniisip mo pa rin ba na tatawagin Niyang matuwid ang isang taong may kasalanan sa kanyang puso? Ganyan ang iniisip ng tao, hindi ng Diyos. Itinatakwil ng Diyos ang pagsisinungaling. Tatawagin ka ba Niyang matuwid kung ikaw ay naniniwala lang sa ‘Espiritu’ at sa ‘dugo’? Hindi kailanman.
Mayroong isang uri lang ang tao na tinatawag ng Diyos na matuwid. Ito ang tao na walang anumang kasalanan sa kanyang puso. Kinikilala lang Niya yaong naniniwala sa tatlong bagay: na si Jesus, na Diyos, ay dumating sa mundo na nasa laman, na Siya ay binautismuhan sa Jordan, at Siya ay nagbubo ng dugo sa krus upang tanggalin lahat ang ating mga kasalanan.
Yaon lamang mga naniniwala sa mabuting balita ng kaligtasan ang kinikilala ng Diyos. Sila ang mga naniniwala ng tama. Sila’y ganap na naniniwala sa lahat ng bagay na ginawa Niya para sa atin. Sila ay naniniwala na si Jesus ay dumating at binautismuhan upang alisin ang lahat ng kasalanan nila, at Siya ang tumanggap ng hatol para sa ating sa pagkamatay Niya sa krus, at muling nabuhay sa mga patay.
Ang lahat ng ito’y natupad dahil sa pag-ibig ng Diyos. Si Jesus ay dumating mula sa langit at nagwika, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko” (Mateo 11:28). Ginawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-alis ng kanilang mga kasalanan.
Hindi kinikilala ng Diyos yaong mga naniniwala lang sa dugo ni Jesus. At yaong mga naniniwala lang sa dugo ni Jesus ay may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso.
Sino ang kinikilala ni Jesus bilang mga naligtas? “Inalis ko ang inyong mga kasalanan nang ako’y bumaba dito sa mundo at nang ako’y bautismuhan ni Juan Bautista. Ako’y nagpatotoo na lahat ng kasalanan sa mundo ay ipanasa na sa Akin. Ako’y nagbayad para sa mga kasalanan duon sa krus. Sa gayon, kayo’y aking iniligtas.” Ang paniniwala sa bautismo ni Jesus, sa Kanyang dugo, at ang katotohanang Siya ang Diyos. Lahat ay kailangan para sa kaligtasan.
Sino ang ‘siyang gumagawa ng ‘di pagkilala sa kautusan?’
Siya na hindi naniniwala sa bautismo ni Jesus.
Sa mga naniniwala sa tatlong ito, sinasabi ni Jesus, “Oo, ikaw ay ligtas na. Ikaw ay matuwid at Anak ng Diyos.” Ikaw ay ligtas na kung ikaw ay maniniwala sa bautismo ni Jesus, sa Kanyang dugo, at sa Espiritu ng sama-sama. Yaong naniniwala lang sa dugo at sa Espiritu ay may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso.
Sa kaharian ng Diyos, mayroon lang isang katotohanan. Mayroong katarungan, katapatan, pag-ibig at kabutihan. Wala man lang isang batik ng kasinungalingan. Ang kasinungalingan at panlilinlang ay wala sa langit.
“Pagdating ng huling araw, marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, nangaral po kami at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa ng mga kababalaghan sa inyong pangalan!’” (Mateo 7:22).
Hindi kinikilala ng Diyos ang mga ganoong gawa ng tao. “At sasabihin ko sa kanila. ‘Kailanma’y hindi ko kayo nakilala. Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama!’” (Mateo 7:23).
“Inalay ko ang dalawang bahay para sa’yo. Ibinigay ko ang aking buhay para sa’yo. Nakita mo ba ako? Hindi kita ipinagkanulo sa ilog Yalu at ibinigay ang aking buhay. Nakita mo ba ako?”
“Kaya may kasalanan ka ba sa iyong puso?”
“Opo Panginoon. Mayroong kaunti.”
“Kung gayon, umalis ka na. Walang makasalanan na tinatanggap dito.”
“Ngunit namatay ako na isang martir!”
“Ano ang ibig mong sabihin, namatay na isang martir? Namatay ka lang sa iyong pagmamatigas. Kinikilala mo ba ang Aking bautismo at dugo? Nagawa ko bang magpatotoo na kayo’y sa akin? Nagpatotoo ba ako sa puso mo na ikaw ay sa akin? Hindi ka naniniwala sa aking bautismo at hindi kailanman ako nagpatotoo na kayo’y sa akin, ngunit kayo’y kumapit pa rin sa inyong paniniwala at namatay para dito. Kailan pa Ako nagpatotoo para sa’yo? Dinala n’yo ito sa inyong sarili. Kayo’y umibig at nagsikap mag-isa para sa inyong sariling kaligtasan. Naiintindihan mo ba? Ngayon, humayo ka sa sarili mo.”
Sinabi sa atin ni Jesus na bumangon at magliwanag. Ang mga naligtas na tao’y yumuko sa harap ng maraming palsong-kristiyano at sa maraming huwad na propeta, at nabigong magliwanag nang husto! Ngunit ang maliit na apoy ay maaaring makapagsimula ng mas malaki pa. Kung may isang matapang na tatayo at magpatotoo, ang mundo’y magliliwanag.
Sa Isaias 60:1-2, sinasabi dito, “Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag na tulad ng araw, nililiwanagan ka ng kaningningan ni Yahweh. Mababalot ng dilim ang ibang mga bansa; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh sa pamamagitan ng Kanyang kaningningan.”
Inuutos nito sa atin na bumangon at magliwanag dahil ang kadiliman ng hindi tunay at palsong ebanghelyo ay babalot sa mundo. Yaon lamang mga naniniwala kay Jesus ang maaaring umibig sa Kanya. Yaong mga hindi naligtas ay hindi maaaring magmahal kay Jesus. Paano nila magagawa? Sila’y nagpapahayag ng pag-ibig ngunit hindi tunay na sila ay magmamahal sa Panginoon hangga’t hindi sila naniniwala.
MAY TATLONG BAGAY NA NAGTATAGLAY NG PATOTOO SA KALIGTASAN NG MGA MAKASALANAN
Ano ang patotoo ng kaligtasan sa ating puso?
Ang bautismo ni Jesus.
“Tatlo ang nagpapatotoo: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at nagkakaisa ang tatlong ito.” Si Jesus ay dumating sa mundo at ginampanan ang Kanyang gawain sa tubig at sa dugo. Ginawa Niya ito at iniligtas tayo.
“Tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ngunit lalong matibay ang patotoo ng Diyos, at iyon ang patotoo ng Diyos tungkol sa Kanyang Anak. Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa Kanyang Anak. At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito’y makakamtan natin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos” (I Juan 5:9-12).
Ang naisilang na muli ay tumatanggap ng patotoo ng tao. Tayo’y kinikilala bilang matuwid. Kapag ang mga naligtas ang nagpahayag ng katotohanan tungkol sa kaligtasan, hindi ito maaaring tutulan ng tao. Tinatanggap nila ito. Sinasabi nilang tayo ay naniniwala ng tama, na tayo’y tama sa ating pananampalataya. Kung sasabihin natin sa kanila kung paano tayo naisilang muli, wala isa mang tututol sa katotohanan nito. Sasabihin nilang tama tayo. Matatanggap natin ang patotoo ng mga tao.
Ngunit ang mga salitang ito ay nagsasabi ring, “ang patotoo ng Diyos ay nakahihigit; dahil ito’y ang patotoo ng Diyos.” Sinasabi nito na ang patotoo ng Diyos ay ang Kanyang Anak. Tama? Ano ang patotoo ng Kanyang Anak? Ang katibayan na iniligtas tayo ng Diyos ay ang pagdating ni Jesus sa Espiritu. Siya’y dumating sa tubig ng kaligtasan, at Siya ay dumating sa dugo sa Krus. At ang Diyos ay nagpatotoo na ito ang paraan ng Kanyang pagliligtas sa atin, at tayo’y Kanyang bayan dahil tayo’y naniniwala rito.
“Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa Kanyang Anak.”
Ang mga salitang ito ay tinitiyak sa atin kung sino ang mga nailigtas. Sinasabi nito na siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa sarili niya. Mayroon ka bang patotoo sa iyong puso? Iyon ay nasa iyo at nasa akin. Ang Diyos ay bumaba sa mundo para sa atin (Siya’y dumating sa laman sa pamamagitan ng katawan ni Maria). Nang Siya ay tatlumpung taong gulang, Siya ay binautismuhan upang tanggapin ang lahat ng kasalanan sa sarili Niya. At sa lahat ng mga kasalanan natin, Siya ay hinatulan sa Krus. Siya ay muling nabuhay pagkatapos ng tatlong araw upang ibigay sa atin ang buhay na walang hanggan. Iniligtas tayo ni Jesus sa ganoong paraan.
Ano ang maaaring nangyari kung Siya ay hindi nabuhay muli? Paano Siya makapagpapatotoo para sa akin sa libingan? Iyon ang dahilan kaya Siya ang aking Tagapagligtas. Ito ang ating pinaniniwalaan.
At tulad ng sinabi Niya, iniligtas Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. At dahil dito tayo’y naniwala, ikaw at ako’y naligtas. Ang patotoo ay nasa akin at sa iyo. Tama? Ang mga naligtas ay hindi kailanman binalewala ang ‘tubig’ ng Kanyang bautismo. Hindi natin inaalis ang mga bagay na ginawa Niya upang tayo’y iligtas.
“Sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos” (Mateo 3:15). Hindi natin ipanagkakaila na si Jesus ay nag-aalis ng ating mga kasalanan sa Jordan nang Siya’y bautismuhan ni Juan Bautista. Ang mga naligtas ay hindi ipagkakaila ang ‘tubig,’ ang bautismo ni Jesus.
YAONG MGA NANINIWALA NGUNIT HINDI LIGTAS AY NAGKAKAILA HANGGANG WAKAS SA BAUTISMO NI JESUS
Sino ang gumagawa sa Diyos bilang isang sinungaling?
Siya na hindi naniniwala sa bautismo ni Hesus.
Gaano katiyak si Apostol Juan ng sabihin niyang,”Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos.” Kung si Apostol Juan ay nabubuhay dito at ngayon, ano ang sasabihin niya sa ating mga Kristiyano? Itatanong niya kung ‘si Hesus ay nag-alis ng ating mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan.’
Hindi rin ba magpapatotoo si Juan Bautista sa ebanghelyo na si Jesus ay iniligtas tayo sa Kanyang bautismo? “Hindi ba naisalin sa ulo ni Jesus ang inyong mga kasalanan at hindi ba Niya pinasan ang inyong mga kasalanan nang Siya’y aking bautismuhan?” Siya ay magpapatotoo na “si Jesus ay binautismuhan upang iligtas ka.”
Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos, na siyang hindi naniniwala sa lahat ng ginawa Niya upang tayo’y iligtas, ay ginagawa Siyang sinungaling. Kapag sinasabi natin na inalis ni Jesus ang ating mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan, sinasabi niya, “Oh, naku! Maaaring hindi Niya naalis ang lahat ng ating mga kasalanan! Inalis Niya lang ang mga orihinal na kasalanan, kaya lahat ng kasalanan natin araw-araw ay nananatili pa rin.”
Ipinipilit nila na kailangan nila na ‘magsisi araw-araw at ihingi ng tawad ang mga kasalukuyan nilang kasalanan upang maligtas.’ Ito ang kanilang paniniwala. Sinasabi n’yo rin ba ang lahat ng ito? Sinasabi n’yo ba? Ang mga hindi naniniwala na ang ating mga kasalanan ay nahugasan na ng Kanyang bautismo ay ginagawa ang Diyos na isang sinungaling.
INILIGTAS TAYO NI JESUS NANG MINSAN PARA SA LAHAT NG SIYA AY BAUTISMUHAN AT MAGBUBO NG DUGO SA KRUS
Sino ang nagsisinungaling?
Ang tao na hindi naniniwala sa bautismo ni Hesus.
Siya ay binautismuhan at nag-aalis ng lahat ng mga kasalanan nang minsanan lang para sa lahat. Ang inililigtas ng Diyos ay yaong mga naniniwala sa bautismo at sa dugo ni Jesus, subalit iniiwang mag-isa yaong mga hindi naniniwala. Samakatuwid, kung tayo’y ligtas man o hindi ay depende lang sa ating pinaniniwalaan. Tinubos ni Hesus ang mundo sa lahat ng mga kasalanan. Yaong mga hindi naniniwala ay hindi maliligtas dahil ginawa nilang sinungaling ang Diyos.
Ang mga tao’y hindi napupunta sa impiyerno dahil sa kanilang mga kahinaan, kundi sa kakulangan ng kanilang mga paniniwala. “Siya na hindi naniniwala sa Diyos ay ginawa Siyang sinungaling.” Siya na hindi naniniwala na lahat ng kanyang kasalanan ay naisalin na kay Jesus ay may kasalanan pa rin sa puso. Hindi niya masasabi na wala siyang kasalanan.
Minsan ay may nakatagpo akong diyakono at tinanong ko siya, “Diyakono, mawawala ba ang mga kasalanan ko kapag naniwala ako kay Jesus?”
“Siyempre, mawawala ang mga ito.”
“Kung gayon, dahil inalis ni Hesus ang lahat ng mga kasalanan sa mundo at nagwikang ito’y naganap na, ikaw ay naligtas. Tama ba iyon?”
“Oo, ako’y naligtas.”
“Kung gayon, dapat ay wala ka ng kasalanan.”
“Oo, ako nga.”
“Anong mangyayari kung magkasala ka muli?”
“Tayo’y tao lamang. Paanong hindi tayo muling magkakasala? Kaya dapat tayong magsisi at maghugas ng ating mga kasalanan araw-araw.”
Ang diyakonong ito ay may kasalanan pa rin sa kanyang puso dahil hindi niya alam ang ganap na katotohanan ng kaligtasan.
Ang mga tulad niya ay ang mga kumukutya sa Diyos at ginagawa Siyang sinungaling. Si Jesus ba, na isang Diyos, ay nabigong alisin ang mga kasalanan ng mundo? Ito’y nakakapanlumo. Kung hindi naalis ni Jesus ang lahat ng kasalanan, paano Siya magiging Diyos ng kaligtasan? Paano Niya masasabi sa ating maniwala sa Kanya? Gagawin mo ba Siyang sinungaling? Iminumungkahi kong huwag mong gawin iyan!
Ang Bibliya ay nagsasabi sa ating huwag natin Siyang kutyain. Ang ibig sabihin nito’y huwag natin Siyang gawing sinungaling at huwag nating subukang lokohin Siya. Hindi Siya tulad natin.
Ang Apostol Juan ay sinasabi sa atin nang may katiyakan tungkol sa ebanghelyo ng kaligtasan. Maraming tao ay ayaw maniwala sa mga bagay na ginawa ng Diyos sa atin (ang katotohanang si Jesu-Cristo ay dumating sa tubig, dugo, at sa Espiritu).
Kung mayroong iba na hindi naniniwala tulad ng sinabi sa kanila at ang iba na naniniwala sa lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa atin (ang mga nagsasabi sa harap ng Diyos, “ako ay matuwid” at ang iba na nagsasabing, “ako’y makasalanan”), sino ang nagsasabi ng totoo?
Yaong mga hindi naniniwala sa mga bagay na ginawa ng Diyos, ang patotoo ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu ay nagsisinungaling. Sila ay may maling pananampalataya. Ang mga hindi naniniwala ay ginagawang sinungaling ang Diyos.
Huwag mo Siyang gawing sinungaling. Si Jesus ay pumunta sa ilog Jordan at sa gayon (bilang nabautismuhan) natupad ang lahat ng pagkamatuwid (nag-alis ng mga kasalanan ng mundo).
ANG HINDI TUNAY NA KALULUWA AY IPINAGKAKAILA ANG BAUTISMO NI JESUS AT ANG KANYANG KABANALAN
Ano ang ipinagkakaila ni Satanas at ng Diyablo?
Ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang kabanalan.
Ang naniniwala sa Kanyang Anak ay may patotoo sa loob niya. Ang naligtas na tao ay naniniwala na ang kanyang mga kasalanan ay isinalin na kay Hesus nang Siya ay mabautismuhan at Siya ay natubos na ng tubig at ng dugo ni Jesus. Naniniwala siya na si Hesus ay isinilang sa mundong ito sa pamamagitan ng katatawan ni Maria; Siya ay binautismuhan mula sa Jordan bago Siya mamatay sa krus; Siya at namatay at muling nabuhay.
Ang matuwid ay may patotoo. Ang katibayan ng ating mga kaligtasan ay nasa pananampalataya kay Jesus, na Siyang dumating sa tubig, dugo at sa Espiritu. Ang patotoo ay nasa inyo. ‘Magkaroon ka ng patotoo sa sarili mo.’ Sinasabi ko sa’yo. Hindi ito kaligtasan kung wala ang patotoo, ang katibayan ng kaligtasan ay nasa loob mo.
Si Apostol Juan ay nagwika, ‘Siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa sarili niya.’ Kailangan ba ng patotoo para sumaksi lamang sa paniniwala sa dugo sa krus? Ang maniwala sa tubig ngunit hindi sa dugo? Dapat kang maniwala sa tatlong ito upang kilalanin ng Diyos.
Sa ganoon lamang magpapatotoo si Hesus para sa inyo na ‘kayo ay ligtas.’ Sinasabi n’yo ba na magkakaroon kayo ng patotoo kung maniniwala lang kayo sa dalawa? Ito’y magiging paniniwala sa Diyos sa sarili N’yang paraan. Ito’y magiging ‘patotoo sa inyong sarili.’
Marami ang tulad nito. Marami dito sa mundo ang naniniwala lang sa dalawa at hindi sa tatlo. Nagpapatotoo sila na sila ay naligtas at sumusulat ng mga aklat tungkol dito. Sila’y talagang mahuhusay. Ito’y nakapanlulumo. Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na ‘mga ebangheliko.’ Nararamdaman nilang hindi lang sila ‘mga ebangheliko,’ kundi ‘mga relihiyoso.’ Hindi sila naniniwala sa ‘tubig’ ngunit patuloy na nagpapayabangan ukol sa kaligtasan! Ano’t napakamakatwiran nila! Ngunit wala sila ng patotoo ng Diyos. Yao’y pawang haka haka lamang.
Paano n’yo ito tatawaging kaligtasan? Yaon lamang mga naniniwala kay Hesus, na dumating sa Espiritu, tubig at dugo, ang mayroong patotoo ng Diyos at ng tao.
Sinabi ni Apostol Pablo,”Ang Mabuting Balita na lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi sa salita lamang. Ito’y may kapangyarihan at patotoo ng Espiritu Santo” (I Tesalonica 1:5). Si Satanas ay natutuwa kapag ang tao’y naniniwala lang sa dugo ni Hesus. “O, mga luko-luko, kayo’y nalinlang ko…ha…” Marami ang naniniwala na kapag pinupuri ng tao ang dugo ni Jesus, si Satanas ay umaalis. Iniisip nila na si Satanas ay takot sa krus. Nagpapalabas lang si Satanas. Hindi tayo dapat palinlang dito.
Kapag ang demonyo ay nakapasok sa isang tao siya ay maaaring masiraan ng ulo at bubula ang bibig. Hindi ito mahirap na pakitang-galing para sa diyablo. Ang diyablo ay may kapangyarihan upang gawin ng tao ang lahat. Ang kailangan lang ng diyablo ay gamitin ang utak niya ng kaunti. Ang Diyos ay binigyan ang diyablo ng lahat ng uri ng kapangyarihan maliban sa kapangyarihang pumatay. Ang diyablo ay maaaring ugain ang tao tulad ng dahon, pasigawin at pabulain ang bibig.
Kapag nangyari ito, ang mga naniniwala ay sisigaw, “Lumayas ka sa ngalan ni Jesus! Lumayas ka!” At kapag nanumbalik na sa katinuan ang tao at bumalik sa kanyang sarili, sinasabi nila na ang dugo ni Hesus ang may kapangyarihan. Ngunit ito’y hindi ang kapangyarihan ng Kanyang dugo. Ito’y kapangyarihan ng diyablo lamang na ‘nagpapalabas.’
Si satanas ay labis na natatakot sa mga nananalig kay Jesus, Siya na naghugas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ang tumanggap ng kahatulan para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang dugo at sa ikatlong araw, nabuhay na muli. Si satanas ay hindi maaaring manatili sa patotoo ng bautismo ni Jesus at ang pagliligtas ng dugo.
Tulad ng alam n’yo, ang mga katolikong pari ay nakapag-papaalis kay Satanas sa pamamagitan ng mga banal ng gawain. Nakikita natin ito sa mga pelikula. Sa pelikulang ‘The Omen’ ang pari ay may hawak na kahoy na krus at niyuyugyog ito ngunit ang pari ay namatay. Ang isang tao na muling naisilang ay hindi matatalong tulad nito.
Siya’y nagpapahayag ng tungkol sa dugo at sa tubig ni Jesus. Kapag ang diablo’y sinubukang pahirapan siya, tatanungin niya ang diyablo. “Alam mo bang inalis ni Jesus ang lahat ng kasalanan ko?” Pagkatapos nito’y aalis ang diyablo. Ang diyablo’y nasusuklam na mapaligiran ng mga ‘naisilang na muli.’ Kung ang isang ‘naisilang na muli’ ay naupo doon, ang diyablo’y aalis. Sinabi na yaong mga naniniwala sa Diyos ay ginagawa siyang sinungaling. Hindi sila naniniwala sa patotoo ng Kanyang Anak, sa patotoo ng tubig at ng dugo.
Ano ang patotoo ng Anak ng Diyos?
Ang Kanyang bautismo,
Kanyang dugo at ang Espiritu.
Ano ang patotoo ng Anak ng Diyos? Ito ay ang pagdating Niya sa Espiritu at pag-alis ng ating mga kasalanan sa tubig. Inako Niya ang lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanyang sarili at Siya’y nabuhos ng dugo sa Krus para sa atin. Hindi ba ito ang kaligtasan ng tubig, ng dugo at ng Espiritu?
Ang mga tao’y nagsisinungaling sa harap ng Diyos dahil hindi sila naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng dugo, ang ebanghelyo ng kaligtasan. Ang paniniwala nila’y mali, at kanilang pinalalaganap ang maling paniniwalang ito.
Bumalik tayo sa I Juan 5. Ang ika-11 bersikulo ay nagsasabi, “At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito’y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak.” Sinasabi ng Diyos sa atin na Kanyang binigyan tayo ng buhay na walang hanggan, at ang buhay ay nasa taong tumatanggap nito. Ito ring buhay na ito ay nasa Kanyang Anak.
Sinuman ang tumanggap ng buhay na walang hanggan ay silang mga pinalaya sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Ang pinalaya ay tumatanggap ng buhay na walang hanggan at mabubuhay magpakailan man. Tinamo na ba ninyo ang buhay na walang hanggan?
Sa ika-12 bersikulo, “Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos.” Sa ibang salita, siya na naniniwala sa mga bagay na ginawa ng Anak sa mundo: Ang Kanyang bautismo at pagkamatay sa krus at ang Kanyang pagkabuhay-muli, ay may buhay na walang hanggan. Ngunit siya na nag-aalis ng isa man sa mga ito ay hindi magkakaroon ng buhay, o kahit nang kaligtasan.
Ang Apostol Juan ay inuri ang mga tao ng Diyos sa basehan ng kanilang paniniwala sa mga bagay ng ginawa ni Hesus: ang tubig, ang dugo, at ang Espiritu. Ang mga bagay na ito ang nagsasabi sa atin kung nasa kanila ang Salita. Kinilala niya ang naligtas sa pamamagitan ng kanilang paniniwala sa tubig ng bautismo ni Hesus, ng kanyang dugo, at ng Espiritu.
SIYA NA HINDI NAISILANG MULI AY HINDI MAUURI SA PAGITAN NG TUPA AT KAMBING
Sino ang mauuri sa pagitan ng mga naligtas at mga hindi naligtas?
Siya na naisilang na muli.
Ang Apostol Juan ay malinaw na kinilala ang mga matuwid na siyang mga naligtas. Si Apostol Pablo ay gayon din. Paano nag-uuri ang mga lingkod ng Diyos sa pagitan ng tupa at kambing? Paano nila nakikilala ang tunay na lingkod ng Diyos mula sa mga mapagkunwari? Yaong mga naligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa tubig at sa dugo ni Jesus ang siyang nagkakaroon ng kapangyarihang makakita.
Maging ang tao ay isang pastor, isang mangangaral, o isang nakatatanda, kung hindi niya naman mauri ang mga naligtas, kung hindi siya makakilala sa pagitan ng tupa at kambing, hindi rin siya ligtas, at wala ang buhay sa kanya. Ngunit yaong mga tunay na ligtas ay makakakita ng pagkakaiba. Ang mga walang buhay sa sarili nila ay hindi makakakita ng pagkakaiba o kahit kilalanin ito.
Ito’y tulad ng pag-uuri ng iba’t-ibang kulay sa dilim. Ang berde ay berde ang puti ay puti. Kung ipipikit mo ang mga mata mo, hindi ka makakakita o ni makakakilala ng kulay.
Ngunit yaong magbukas ng mga mata ay nakakakilala kahit na pinakamaliit na uri ng kulay. Masasabi nila kung ano ang berde at kung alin ang puti. Tulad din nito, may maliwanag na pagkakaiba sa pagitan ng mga naligtas at yaong mga hindi.
Dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan, ang ebanghelyo ng tubig, ng dugo at ng Espiritu. Dapat tayong bumangon at magliwanag. Kapag tinitipon natin ang mga tao sa paligid natin upang magpalaganap ng pananampalataya, hindi tayo nagsasalita sa wika ng tao. Sa Bibliya, ang I Juan 5 ang nagpapaliwanag ng kahulugan nito. Dapat nating ipaliwanag ito ng isa-isa upang mawala ang kalituhan.
Ang salita na ating ipinapalaganap, ang salita ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu ni Jesus ay ang ilaw ng kaligtasan. Upang maipaalam sa tao ang ‘tubig’ ni Hesus ay kailangan itong ipaliwanag nang husto. Upang maipaalam sa tao ang ‘dugo’ ni Jesus, ipaliwanag nang husto. Dapat natin itong linawin upang wala ni isa man dito sa mundo ang hindi makaalam nito.
Kung ang mga naligtas ay hindi babangon at magliliwanag, maraming tao ang mamatay na walang kaligtasan, at ang Diyos ay hindi malulugod. Tatawagin Niya tayong mga tamad na lingkod. Dapat talaga nating ipakalat ang ebanghelyo ng tubig at ng dugo ni Jesus.
Ang dahilan kung bakit inuulit-ulit ko ito ay dahil ang bautismo ni Jesus ay napakaimportante sa ating kaligtasan. Kapag tayo’y nagsasalita sa mga bata, dapat nating ipaliwanag ang mga bagay nang paulit-ulit, papunta sa bawat punto upang makasiguro tayong naiintindihan nila.
Kung sinusubukan nating magturo sa isang taong wala pang alam, magsisimula tayo sa alpabeto. Pagkatapos ay magtuturo na tayo unti-unti kung paano magsulat ng mga salita sa mga alpabetong ito. Kapag nagawa na niyang pagsamasamahin ang mga salita tulad ng ‘kaparusahan.’ Magsisimula na tayong magpaliwanag sa kahulugan ng mga salitang ito. Ganito kaeksakto dapat tayong mangusap sa mga tao tungkol kay Jesus upang masiguro nating talagang naiintindihan nila.
Dapat nating malinaw na ipaliwanag ang bautismo ni Jesus. Dumating siya sa mundong ito sa tubig, sa dugo, at sa Espiritu. Ako’y nanalangin na kayo ay maniwala kay Hesus bilang inyong Tagapagligtas at maligtas.
Ang kaligtasan sa tubig at sa Espiritu ay umaagos mula sa pananampalataya sa bautismo ni Jesus, sa dugo sa krus, at sa paniniwala na si Jesus ay Diyos na ating tagapagligtas.