(Exodo 12:43-49)
“At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, ‘Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon. Datapuwa’t ang alipin ng bawa’t lalake na nabili ng salapi, pagkatuli sa kaniya’y makakakain nga niyaon. Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon. Sa isang bahay kakanin, huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon. Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel. At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin, at siya’y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo, datapuwa’t sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon. Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.’ Gayon ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel, kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, gayon nila ginawa. At nangyari nang araw ding yaon, na kinuha ng Panginoon ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo.”
Ano ang mahalagang kundisyon sa mga Israelita upang maging anak ng Diyos sa Lumang Tipan?
Dapat silang matuli.
Ang mga Salita ng Diyos sa Lumang at Bagong Tipan ay lubos na mahalaga sa mga nananalig sa Diyos. Hindi tayo dapat mag-iwan kahit isang parirala sa mga salitang iyon dahil ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng buhay.
Ang ating talatang pinagbabatayan ay nagsasabi sa atin na sinumang nagnanais na panatilihin ang Paskuwa ay dapat munang matuli. Dapat nating isaisip ang dahilan ng Diyos nang sabihin Niya ito sa atin. Maliban na ang isang tao ay matuli, hindi siya makakasali sa Paskuwa.
Kung naniniwala tayo kay Jesus, dapat nating maunawaan ang layunin ng Diyos upang ibigay sa atin ang utos na ito. Ang pagtutuli ay ang pagputol ng labis balat ng lalaki. Bakit inutos ng Diyos kay Abraham at sa kanyang angkan na matuli? Ang dahilan ay ang kanyang pangako na tanging ang mga “naputulan” lang ng kasalanan ang magiging bayan Niya.
Iyon ang dahilan kaya inutos Niya sa bayan ng Israel sa Lumang Tipan na magpatuli. Upang maging bayan ng Diyos, ang bayan ng Israel ay dapat magpatuli. Ito ang Kanyang utos, alinsunod sa pagtatalaga, at Siya ay naging Diyos ng mga may lubhang kasalanan sa pamamagitan ng pagtutuli. At gayundin sa Bagong Tipan, Siya ay naging Diyos ng mga nagwaksi sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
ANG PASKUWA
Ano ang Paskuwa?
Ito ang araw para sa mga Israelita na alalahanin at pasalamatan ang Diyos dahil sa Exodo mula sa Ehipto.
Ang pinakamahalagang pista para sa bayan ng Israel ay ang Paskuwa. Ito ay isang araw na dapat alalahanin at pasalamatan ang Diyos dahil sa Exodo mula sa Ehipto, na kung saan namuhay sila bilang mga alipin sa loob ng 400 taon. Ipinadala ng Diyos ang 10 salot upang usigin ang matigas na puso ng Faraon. Sa gayon ay dinala Niya ang bayan ng Israel sa labas ng Ehipto at sa lupain ng Canaan.
Ang bayan ng Israel ay naligtas mula sa kamatayan ng mga panganay, siyang huling salot, sa pamamagitan ng dugo ng korderong handog at pagtutuli. Kaya, inutos ng Diyos sa kanila na panatilihin ang Paskuwa sa mga susunod pang henerasyon bilang tagapagpaalala ng Kanyang awa.
ANO ANG DAPAT GAWIN NG MGA ISRAELITA UPANG PANATILIHIN ANG PASKUWA?
Ano ang dapat gawin ng mga Israelita upang mapanatili ang Paskuwa?
Dapat silang magpatuli.
Dapat nating maunawaan na upang mapanatili ang Paskuwa, dapat tayong matuli sa ating puso. Kahit ang mga Israelita ay dapat na matuli upang ipagdiwang ang Paskuwa.
Nasusulat sa Exodo 12:43-49, “At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon. Datapuwa’t ang alipin ng bawa’t lalake na nabili ng salapi, pagkatuli sa kaniya’y makakakain nga niyaon. Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon. Sa isang bahay kakanin, huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon. Ipangngilin ng buong kapisanan ng Israel. At pagka ang isang taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin, at siya’y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo, datapuwa’t sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon. Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.” Sa gayon, inutos sa mga Israelita na ipagdiwang ang Paskuwa pagkatapos nilang matuli.
Sino ang mga may pahintulot na kumain ng laman ng kordero ng Paskuwa at magpanatili ng Paskuwa? Tanging ang mga natuli lamang ang makapagdiriwang ng Paskuwa.
Ang kordero ng Paskuwa, tulad ng nalalaman natin, ay si Jesu-Cristo na nag-alis ng mga kasalanan sa mundo.
Kung gayon, ano ang pagtutuli sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan? Ang pagtutuli ay ang pagpuputol ng labis na balat. Si Jesu-Cristo rin ay tinuli walong araw pagkatapos niyang isilang dito sa mundo. Iniutos ng Diyos na lahat ng sumasali sa rituwal ng Paskuwa ay dapat na matuli, at nilinaw na sinumang hindi tuli ay hindi dapat makasalo sa Paskuwa.
Samakatuwid lahat ay dapat na matuli tulad ng iniutos ng Diyos. Kung naniniwala ka kay Jesus, dapat mong maunawaan ang kahulugan ng pagtutuli sa Bagong Tipan.
ANO ANG RITUWAL NG PAGTUTULI NA INIUTOS NG DIYOS KAY ABRAHAM NA GAGAMPANAN NIYA?
Paano naging anak ng Diyos si Abraham at ang kanyang angkan?
Nang sila’y matuli.
Sa Genesis, nagpakita ang Diyos kay Abraham at nakipagkasundo sa kanya at sa kanyang angkan. Sa kabanata 15, ipinangako ng Diyos na ang angkan ni Abraham ay dadami tulad ng mga bituin sa langit at ibibigay niya sa kanila ang lupain ng Canaan bilang kanilang mana.
Sa kabanata 17, sinabi Niya kay Abraham na kapag siya at ang kanyang angkan ay pumasok sa Kanyang kasunduan at nagpatuli, siya ay magiging kanilang Diyos at sila’y magiging Kanyang bayan. Ito’y ang kasunduan ng Diyos kay Abraham at sa kanyang angkan. Ipinangako ng Diyos na kapag naniwala sila sa kasunduan ng Diyos at nagpatuli, ito’y nangangahulugan na sila’y Kanyang bayan, at sa gayon naman Siya ay magiging kanilang Diyos.
Sinasabi ng Genesis 17:7-8, “At aking papagtibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na Ako’y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo. At ibibigay Ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan at Ako ang magiging Dios nila.”
Ang pagtutuli ay ang tanda ng kasunduan ng Diyos kay Abraham at sa kanyang angkan.
ANO ANG PAGTUTULING PANG-ESPIRITUWAL?
Ano ang pagtutuling pang-espirituwal?
Ito ay ang pagputol ng lahat ng kasalanan sa ating puso sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus.
Dahil si Abraham ay naniwala sa Salita ng Diyos, ginawa siyang matuwid ng Diyos at ang kanyang anak. Ang pagtutuli ay ang tanda ng kasunduan sa pagitan ng Diyos at ni Abraham.
“Ito ang Aking tipan na inyong iingatan sa Akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo, tutuliin ang bawa’t lalake sa inyo” (Genesis 17:10).
Ang pagtutuli ay ang pagputol ng labis na balat. Ito’y sumisimbolo rin ng paglipat ng lahat nating kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanyang bautismo. Tayo ay espirituwal na natuli kapag pinutol natin ang lahat nating kasalanan sa pagtanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus. Ang pagtutuli sa Bagong Tipan ay ang pagputol sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus.
Samakatuwid ang pagtutuli sa Lumang Tipan ay ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan, at ito’y kasunduan sa Diyos, na Siyang nagtulot sa atin upang maging Kanyang bayan. Samakatuwid, ang pagtutuli sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay magkatulad.
Tulad ng mga angkan ni Abraham ay naging bayan ng Diyos nang putulin nila ang kanilang labis na balat, tayo ay naging anak ng Diyos nang putulin lahat nating kasalanan sa ating puso. Ginagawa natin ito sa paniniwala na wala ng kasalanan sa mundo dahil inalis ng lahat ni Jesus ang kasalanan nang Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista.
Ang bautismo ni Jesus ang nagtulot sa lahat ng makasalanan na naging matuwid sa pamamagitan pagputol ng kanilang mga kasalanan. Katulad ng ang isang pirasong balat ay inalis sa paraan ng pagtutuli, gayundin ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay pinutol mula sa puso ng mga tao nang si Jesus ay bautismuhan ni Juan Bautista sa Jordan. Yaong mga naniniwala dito ay maaring espirituwal na matuli at maging bayan ng Diyos, ang mga matutuwid.
ANG HUWAD NA PANANAMPALATAYA NA NAGTULOT SA TAONG PUTULIN ANG KANYANG SARILI MULA SA DIYOS
Ano ang nagputol sa mga Israelita mula sa Diyos?
Ang hindi pagtutuli.
Sinabi ng Diyos kay Abraham na sinumang hindi natuli ay dapat putulin sa Kanyang bayan. Kung gayon, ano ang patutuli? Ano ang pagtutuling espirituwal? Kung ang pagtutuli sa laman ay ang pagputol ng kapirasong balat mula sa bahagi ng katawan, ang espirituwal na pagtutuli naman ay ang pagputol ng lahat ng kasalanan mula sa ating puso at paglipat nito kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Ang bautismo ni Jesus ay ang espirituwal na pagtutuli ng sangkatauhan, kung saan ang mga kasalanan ng mundo ay pinutol sa atin at inilipat kay Jesus ang siyang dahilan kaya binautismuhan si Jesus ni Juan Bautista at upang iligtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagtutuling espirituwal na nag-alis ng lahat ng kasalanan.
Lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay nalipat na kay Jesus. Ang Diyos, bilang naging Diyos ni Abraham, ni Isaac, ni Jacob at Diyos ng lahat ng kanilang angkan, ay gumawa ng kasunduan kay Abraham at sa kanyang angkan at iniutos na patuli ang kanilang labis na balat. Sa gayon, Siya ay naging Diyos, ang Tagapagligtas ng mga nagputol ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng pagtutuli.
Ano ang pagtutuling nagpuputol ng kasalanan? Ito ay ang kasunduan ng Diyos kay Abraham at sa lahat ng isinilang na muli sa paniniwala sa bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa krus bilang kanilang kaligtasan. Sa paraang ito, binigyan Niya tayo ng karapatang maging Kanyang bayan. Sa gayon, Siya ang Diyos ng mga natuli na.
Kinausap ng Diyos si Abraham. “At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa’t lalake sa buong kalahian ninyo, ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi. Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin, at ang Aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan. At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan, sinira niya ang Aking tipan” (Genesis 17:12-14).
Sinumang sumubok na lumapit kay Jesus na wala pang pagtutuling espirituwal ay tatanggalin sa Kanyang bayan. Ang pagtutuling espirituwal ay ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan, na kung saan lahat ng kasalanan ng tao ay ipinasa sa Kanya.
Sinumang naniniwala kay Jesus ay dapat ding maniwala sa pagtutuli sa Lumang Tipan at sa bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan, upang matanggap niya ang Espiritu, maliligtas mula sa lahat ng kasalanan, at maging anak ng Diyos. Para sa atin na naniniwala kay Jesus, ang pagtutuli sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay magkatulad.
Kung bigo tayo sa pag-uunawa sa tunay na kahulugan ng pagtutuli o hindi matanggap sa ating puso ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagtutuling espirituwal na nagtutulot sa atin na maisilang muli, ang ating pananampalataya ay mawawalang-saysay. Maaaring isipin natin na tapat tayo sa Diyos, ngunit ito’y parang pagtatayo ng ating bahay pananampalataya sa buhangin.
Sinasabi ng Diyos sa lahat ng naniniwala sa Kanya na magpatuli, maniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, ang siyang pagtutuling espirituwal. Kung walang pagtutuli, hindi tayo magiging Kanyang bayan. Kung walang pagtutuli, tayo ay aalisin sa hanay ng Kanyang bayan. Samakatuwid itinalaga ng Diyos ang sinuman, siya man ay mamimili o isang dayuhan, na matuli bago makabahagi sa Pista ng Paskuwa.
Kahit na ang ninuno ng Israel ay puputulin sa Kanyang bayan kung hindi nagpatuli. Ang kasunduan ng Diyos sa bayan ng Israel ay dapat ding isagawa lahat ng naniniwala kay Jesus.
Sa Exodo kabanata 12, ang bayan ng Israel na kakain ng laman ng Paskuwa at ng mga mapapait na dahon ay dapat munang matuli. Ang karapatang kumain ng laman ng Paskuwa ay ibinibigay lang sa mga natuli na.
Mahalagang malaman natin na ang bayan ng Israel na kumain ng laman ng Paskuwa at naglagay ng dugong kordero sa pintuan ng kanilang mga tahanan ay mga tuli na.
Sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos, kung hindi pa tuli ang isang tao, siya ay dapat na putulin mula sa Kanyang bayan at mawalan ng karapatan na maging isa sa Kanyang mga anak. Ito’y nangangahulugan na ang kasalanang hindi paniniwala sa pagtutuling espirituwal ang nagdadala sa tao sa kapahamakan. Tanging ang mga tuli lang na pang-espirituwal sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus ang maliligtas.
“Na ayon sa tunay kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo” (I Pedro 3:21). Talaga bang naniniwala kayo na lahat ng kasalanan ninyo ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Jordan? Kung talagang nauunawaan at pinaniniwalaan ninyo ang katotohanan, ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo, mababatid ninyong espirituwal na tuli na kayo at magiging matuwid na tao. At magkakaroon din kayo ng pananampalataya sa espirituwal na katotohanang ang dugo ni Jesus sa krus ay balewala kung wala ang Kanyang bautismo.
Kung maniniwala kayo sa krus ni Jesus nguni’t hindi pa espirituwal na tuli sa pamamagitan ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus, makikita ninyo ang inyong sarili na wala ang awa ng Diyos. Makikita ninyong may kasalanan pa rin sa inyong puso.
Dapat tayong maniwala sa katotohanan na ang pagliligtas ng Diyos ay nagsimula sa bautismo ni Jesu-Cristo at isinakatuparan ng Kanyang dugo sa krus. Upang mangyari ito, dapat nating itanim sa ating mga puso ang mga salita ng katotohanan, ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo, bilang ating kaligtasan.
Dahil sa pananampalatayang ito, tayo ay maliligtas mula sa kapangyarihan ng kadiliman at magiging anak ng liwanag. Ang pananampalatayang ito ay ang espirituwal na naghihiwalay sa mga naisilang na muli mula sa hanay ng mga karaniwang mananampalataya.
Ang ating Panginoong Jesus ay nag-uutos sa atin na sumunod sa Kanya. Nahugasan na Niya ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Samakatuwid, upang taglayin ang tanda ng pagiging bayan ng Diyos, dapat tayong maniwala sa bautismo ni Jesus. Kung mabigo tayong gawin ito, tayo’y aalisin sa Kanya.
Ang kaligtasan ng pagtubos ay walang iba kundi ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan at ang pagtutuli sa Lumang Tipan. Ang kaligtasan ay nagiging ganap lamang kapag tayo’y nagkaroon ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus (ang espirituwal na pagtutuli) at sa Kanyang dugo sa krus (ang dugo ng kordero ng Paskuwa).
Ang pagtutuli ng laman sa Lumang Tipan ay may kaugnayan sa bautismo ni Jesu-Cristo sa Bagong Tipan. Sinasabi ng Isaiah 34:16 na lahat ng mga salita sa Biblia ay may kanya-kanyang katumbas. “Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin, kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama, sapagka’t iniutos ng Aking bibig, at pinisan sila ng Kaniyang Espiritu.”
Bawat salita sa Lumang Tipan ay may kaugnayan sa Bagong Tipan. Wala ni isa mang Salita ng Diyos na nagkulang ng katumbas nito.
PAANO NAMAN ANG MGA MANGMANG NA NANINIWALA SA MALING PARAAN?
Sino ang matutungo sa impiyerno sa lahat ng mananampalataya sa mundo?
Yaong hindi naniniwala sa espirituwal na pagtutuli.
Ngayon ay marami ang naniniwala lamang sa dugo ng Kordero ng Paskuwa. Nagtatanong sila, “ano ang ibig mong sabihin na pagtutuli? Ito’y para lang sa mga Judio sa panahon ng Lumang Tipan. Hindi na natin kailangang putulin ang labis na balat sa panahon ng Bagong Tipan.”
Siyempre ito ay totoo. Hindi ko sinasabi na dapat tayong tuliin sa pisikal na paraan. Malinaw na ipinaliwanag ni Apostol Pablo ang espirituwal na pagtutuli, at ito ang pagtutuli sa puso na aking tinutukoy ngayon.
Hindi ko sinasabi sa inyong pisikal na magpatuli. Ang pagtutuli sa laman ay walang kahulugan para sa atin, ngunit dapat tayong lumapit kay Jesus at espiritual na matuli sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus upang maligtas mula sa ating mga kasalanan.
Upang maisilang muli ang isang tao, dapat munang espirituwal na matuli. Sinumang naniniwala kay Jesus ay dapat espirituwal na matuli. Ito ang tanging paraan upang putulin ang ating mga kasalanan, ang tanging paraan upang maging matuwid. Pagkatapos lamang ng espirituwal na pagtutuli saka lamang magiging ganap ang paglaho ng ating kasalanan. Samakatuwid dapat nating tanggapin sa ating mga puso ang espirituwal na pagtutuli sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus.
Si Apostol Pablo ay naniniwala rin sa kahalagahan ng espirituwal na pagtutuli. Sinabi niya, “siya’y Judio sa loob, at ang pagtutuli ay yaong sa puso” (Roma 2:29). Bawat isa sa atin ay dapat na espirituwal na matuli upang makalaya sa kasalanan.
Ang mga kasalanan ba ninyo ay talagang nailipat na kay Jesus pagkatapos na maputol sa inyo? Kahit sa Bagong Tipan, ang mga naniniwala kay Jesus ay dapat na matuli sa kanilang puso sa paniniwala sa bautismo ni Jesus.
Nilinaw ni Apostol Pablo ang bagay na ito sa mga sulat niya. Iniligtas ng Diyos ang buong sangkatauhan mula sa mga kasalanan ng mundo, at ginawang Kanyang bayan. Ang bayan ng Israel ay naging bayan ng Diyos dahil sa pagtanggal ng mga labis na balat at tayo ay naging Kanyang anak nang ilipat natin ang ating mga kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang bautismo.
Tinatanggap tayo ng Diyos bilang Kanyang bayan kung nakikita Niya ang ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus. Ang pananampalatayang ito ay ang espirituwal na pagtutuli sa atin at nagdala sa atin tungo sa kaligtasan.
ANG KALIGTASAN PARA SA MGA MAKASALANAN SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO NI JESUS AT NG KANYANG DUGO
Paano ginanap ni Jesus ang kaligtasan?
Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at kamatayan sa krus.
Ang kaligtasang ginanap ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng tubig ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa krus ay para sa mga makasalanan. Ang dugo ng Kordero ay ang hatol, at ang bautismo ni Jesus ay ang espirituwal na pagtutuling naglipat ng lahat nating mga kasalanan sa Kanya.
Ang mga Kristiyanong iglesya ngayon ay hindi dapat na magbigay liwanag tungkol sa espirituwal na pagtutuli. Kahit na ang pagtutuli sa Lumang Tipan ay nangangahulugan ng maliit na bagay lang ngayon, ang bautismo ni Jesus ay hindi dapat ipagwalang-bahala.
Sinabi ko sa inyo na lahat ng inyong kasalanan ay naalis na sa bautismo ni Jesus, at ang bautismo ni Jesus ang nagligtas sa inyo mula sa lahat ng iyong kasalanan. Naniniwala ka ba rito? Kung ipinagwalang-bahala mo ang bautismo ni Jesus, hindi mo kailanman malalaman ang ebanghelyo ng muling pagsilang, ang ebanghelyo ng ganap na kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus.
Paano natin maipagwawalang-bahala ang bautismo ni Jesus, ang espirituwal na pagtutuling sinasabi sa atin ng Diyos? Kung babasahin natin ang Biblia, makikita natin na ang pagtutuli at ang dugong kordero ng Paskuwa ay malapit ang kaugnayan. Ito ang lihim ng espirituwal na pagtutuli, ang bautismo ni Jesus.
Ang ebanghelyo na ipinangaral ni Apostol Juan ay walang iba kundi ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus. Sinabi Niya sa I Juan 5:6, “Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo, hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo”
Kanyang sinabi na si Jesus ay naparito sa tubig, sa dugo at sa Espiritu. Hindi lang sa tubig, at hindi lang sa dugo, kundi sa tubig, sa dugo at sa Espiritu na sama-sama. Ang tatlong ito, ang bautismo ni Jesus, ang dugo ni Jesus sa krus at Kanyang muling pagkabuhay mula sa mga patay, ay iisa, siyang katibayan ng ating kaligtasan.
BAKIT NAGPAPAHAYAG ANG BIBLIA NG TUNGKOL SA BAUTISMO NI JESUS AT NG KANYANG DUGO?
Naligtas lang ba ang bayan ng Israel dahil sa dugo ng kordero ng Paskuwa?
Hindi. Sila ay tuli bago nila isinagawa ang Paskuwa.
Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ang nagpahintulot sa atin na maisilang muli sa tubig at sa Espiritu. Sinasabi ng Exodo kabanata 12, “Magdala kayo para sarili ninyo ng isang kordero, at kunin ninyo ang ilang dugo nito at ilagay sa dalawang pinto at sa tangan ng inyong mga bahay. Kapag nakita ko ang dugo, lalampasan ko kayo.”
Sa kaalamang ito, maaari ba tayong maligtas mula sa lahat ng kasalanan dahil sa paniniwala lang sa dugo ng kordero ng Paskuwa? Kung gayon bakit madalas talakayin sa Bagong Tipan ang bautismo ni Jesus? Sinabi ng mga apostol, “Na nangalibing na kalakip Niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay na kalakip Niya” (Colosas 2:12). “Sapagkat ang lahat na nasa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Kristo” (Galacia 3:27). “…ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo” (I Pedro 3:21).
Sina Apostol Pedro at Pablo at lahat ng iba pang alagad ni Jesu-Cristo ay nagpapahayag ukol sa bautismo ni Jesus. Ang bautismo ni Jesus sa Jordan ang kanilang tinutukoy, at ito ang pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus na siyang katotohanan ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Sasabihin ko sa inyo ang katotohanan, ako’y dating naniniwala kay Jesus, ngunit sa Kanyang dugo lamang ng halos 10 taon, di man lang kinikilala ang bautismo ni Jesus. Ngunit ang kaalamang ito ay hindi nag-alis ng aking mga kasalanan sa puso. Naniniwala ako kay Jesus ng buong puso, ngunit ang puso ko ay puno pa rin ng kasalanan.
Pagkatapos ng 10 taon, natuklasan ko ang kahulugan ng espirituwal na pagtutuli (ang bautismo ni Jesus) at di-naglaon ako’y isinilang muli. Doon ko lang nabatid ang katotohanan. Ang pagtutuli sa Lumang Tipan ang sumisimbolo sa bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan. Pinaniniwalaan ko ito hanggang ngayon.
“Sa Bagong Tipan, tama ba na manampalataya at maniwala sa dugo ni Jesus at sa Kanyang bautismo? Ang paniniwala ko ba ay tama ayon sa Biblia?” Pagkatapos kong maisilang muli, nagtaka ako tungkol sa mga bagay na ito.
Kahit na naniniwala ako sa mensahe ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, may mga katanungan pa rin ako. “Wasto ba na maniwala sa katotohanan na lahat ng aking kasalanan ay inilipat na kay Jesus nang Siya ay bautismuhan o wasto ba na maniwala na iniligtas tayo ni Jesus sa pamamagitan lamang ng Kanyang kamatayan sa krus. Hindi pa ba sapat na ako’y maniwala kay Jesus bilang aking Diyos at Tagapagligtas?” Pinag-iisipan ko ito habang binabasa ko ang Exodo 12.
Maraming tao ngayon ang nagbabasa ng Exodo 12 at hindi nagdadalawang-isip sa pagpapahayag na si Jesu-Cristo ay namatay sa krus bilang kanilang Tagapagligtas. Iniisip nilang wasto ang maniwala sa dugo ni Cristo at sila ay nagpapatotoo sa katotohanan ng kanilang mga paniniwala. Maaaring matibay ang paniniwala nila at sabihing ang Panginoon ay si Cristo at ang Anak ng Diyos ngunit sila’y makasalanan pa rin. Iniisip nila na kapag naniniwala silang si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas, sila ay maliligtas kahit na may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso.
Ang pananampalatayang ito ay hindi ang tunay na pananampalataya. Ang pananampalatayng ito ay hindi makapagsisilang sa kanilang muli. Tanging ang bautismo lamang ni Jesus at ang Kanyang dugo ang makapagpapatuwid sa atin.
Kung gayon, ano ang kahulugan ng Exodo 12? Tiningnan ko ang Biblia sa pag-iisip na, “May suliranin ba kung maniwala lang sa dugo ni Jesus habang binabalewala ang Kanyang bautismo?” Kahit bago matapos ang pagbabasa ko ng Exodo, natuklasan ko ang katotohanan na ang kaligtasan ay hindi lamang sa dugo ni Cristo kundi sa Kanyang bautismo rin. Sa pamamagitan ng Biblia, nakatitiyak ako na tayo ay matutuli sa ating mga puso sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugong nabubo sa krus.
Bakit marami sa mga Kristiyano ay makasalanan pa rin?
Dahil hindi sila naniniwala sa bautismo ni Jesus.
Napagtanto ko sa Exodo 12:47-49 na bago pahintulutan ang isang tao na kumain ng laman ng Paskuwa, dapat muna siyang matuli. Kaya sinabi ng Diyos sa talatang 49, “Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.”
Samakatuwid, sinumang hindi pa tuli ay hindi maaaring kumain ng laman ng Paskuwa. Iyon ang katotohanang natuklasan ko. Gayundin, kung maniniwala tayo na si Jesus ang ating Tagapagligtas, dapat muna nating tanggapin ang katotohanang lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Jordan at pagkatapos ay tanggapin ang katotohananng si Jesus ay namatay sa krus para sa mga kasalanang ito.
Nang mapagtanto ko na si Jesus ay dapat mamatay sa krus upang hatulan para sa mga kasalanang inako Niya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, napagtanto ko rin ang kahulugan ng espirituwal na pagtutuli na nagligtas sa atin mula sa lahat ng kasalanan at pagkakamali ng mundo.
Sa pagkakataong iyon, naisip ko na lahat ng kasalanan ko ay naglaho na. Ang puso ko ay naging kasing-puti ng niyebe at tinanggap ko sa wakas sa aking puso ang ebanghelyo ng tubig, ng dugo at ng Espiritu.
Nabatid ko na may dalawang bagay na nagligtas sa atin, ang pagtutuli at ang dugo ng kordero sa Lumang tipan at ang pagsasalin ng lahat ng kasalanan sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus sa Bagong Tipan. Ang pagtutuli sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay iisa at magkatulad.
Si Jesu-Cristo ay hinatulan hindi dahil Siya mismo ay nakagawa ng mga kasalanan, kundi dahil inako Niya ang lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Lahat ng naniniwalang si Juan Bautista, bilang kinatawan ng sangkatauhan, ay binautismuhan si Jesus ay inilipat ang lahat ng kasalanan ng mundo kay Jesus na naniwala rin sa kapwa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus.
Bakit maraming tao ang nagtatatwa ng Kanyang bautismo kahit na ito’y paulit-ulit na ipinaliliwanag sa Biblia? Dahil dito, sila ay makasalanan pa rin kahit na sila’y naniniwala kay Jesus. Maaaring naniniwala sila kay Jesus ngunit putol ang kaugnayan sa Diyos. Sila ay mga kaawa-awang makasalanan na mahahantong sa impiyerno kahit sila’y maniwala kay Jesus.
Paano sila mananatiling makasalanan kung naniniwala sila kay Jesus? Bakit namumuhay sila bilang makasalanan? Bakit nahuhulog sila sa pagkawasak? Ito’y kaawa-awa. Sila’y mananatiling makasalanan dahil hindi sila naniniwala sa katotohanang lahat ng kasalanan ng mundo ay isinalin na kay Jesu-Cristo na Siyang nagdala ng walang-hanggang kaligtasan sa lahat ng tao sa pamamagitan ng Kanyang espirituwal na bautismo.
Iniisip ng mga tao na sila ay ligtas na sa paniniwala sa dugo ni Jesus, ngunit ang gayong uri ng pananampalataya ay hindi nagpapaging-ganap sa kanila. Bakit? Dahil bigo silang isalin ang kanilang kasalanan kay Jesus!
Maliligtas lang tayo sa paniniwala sa tubig (ang bautismo ni Kristo) at sa Kanyang dugo sa paraang itinalaga ng Diyos: ang kaligtasan ng pagtutuling espiritual. Pagkatapos lamang nito tayo maaaring maging anak ng Diyos.
Dapat nating itanong sa ating mga sarili. “Kung naniniwala lang tayo sa dugo ni Jesus bilang espirituwal na pagtutuli, ganap bang mahuhugasan ang ating mga kasalanan?” Dapat nating tingnan sa kahibuturan ng ating puso upang makita ang kasagutan.
Sa Lumang Tipan, ang mga tao’y naligtas sa pamamagitan ng pagtutuli at sa dugo ng kordero ng Paskuwa tulad ng pagkapanalo natin ng kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus. Sa paraang ito tayo ay naligtas mula sa hatol ng Diyos at mula sa makasalanang mundong ito. Lahat ng naniniwala ay nagiging anak ng Diyos at ang Diyos ay nagiging Ama nila.
Ang isang tao ay ligtas na at magiging isa sa mga pag-aari ng Diyos sa paniniwala sa dalawang bagay na ito, ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Ito ang katotohanan ayon kay Jesus. Ito ay ang muling pagsilang sa tubig, sa dugo at sa Espiritu.
ANO ANG KATUBUSAN SA TUBIG AT SA ESPIRITU NA NASA BIBLIA
Ang mga makasalanan ba ay magiging matuwid sa paniniwala lamang sa dugo ni Jesus?
Hindi kailanman.
Iniwan ni Jesus ang Kanyang trono sa langit at nanaog dito sa lupa. Siya ay binautismuhan ni Juan Bautista sa gulang na 30 upang alisin ang kasalanan sa mundo.
Ang dugo ni Jesus sa krus ay ang Kanyang sumpa para sa mga kasalanan ng lahat ng mga tao sa mundo. Si Jesu-Cristo ay naparito bilang Tagapagligtas ng mundo at iniligtas ang lahat ng makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo.
Tayo ba’y isinilang na muli sa dugo lamang? Hindi. Tayo ay ligtas na mula sa kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Gusto kong tanungin ang mga naniniwala lang sa dugo ni Jesus. “Ang makasalanan ba ay maaaring maging matuwid sa paniniwala lang sa dugo ni Cristo, o ito’y sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus? Ito ba ay sa paniniwala na inilipat na lahat nating kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo o sa dugo lamang Niya? Ano ang totoo, tinatanong ko kayo?”
Upang tunay na maisilang sa tubig at sa Espiritu, dapat tayong maniwala na naparito sa mundo si Jesus sa laman, inako Niya sa Kanyang sarili lahat ng kasalanan ng mundo sa Jordan nang Siya ay bautismuhan at hatulan para sa lahat ng kasalanan natin sa Krus. Sa paniniwala kay Jesu-Cristo, ang tunay nating Tagapagligtas, sa ganitong paraan, tayo ay maaaring tunay na maisilang na muli.
Muli ko kayong tinatanong. Ano ang pananampalataya sa paliwanag ng Biblia? Ito ba ay pananampalataya sa dugo ni Jesus, o kapwa sa bautismo at dugo ni Jesus?
Ang pananampalataya sa dugo ni Jesus ay ang mga sumusunod. Si Jesus ay hinatulan at sinumpa para sa lahat ng kasalanan sa mundo. Dahil Siya ay sinupil at nasugatan para sa ating mga kasalanan, tayo ay naligtas mula sa malubhang paghahatol. Ngunit hindi iyon ganap na katotohanan. Bago natin tanggapin ang doktrinang ito, dapat nating linawin ang isang bagay. Bakit dapat pang ipako si Jesus sa krus?
Malinaw na sinasabi ng Biblia na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Walang nagawang kasalanan si Jesus sa mundo. Naparito Siya sa laman ng tao sa pamamagitan ng katawan ni Maria, ngunit naparito Siya sa malinaw na imahe ng Kanyang bayan bilang Anak ng Banal na Diyos at Tagapagligtas ng mga makasalanan. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan Siyang bautismuhan ni Juan Bautista bago Siya mamatay sa krus. Nang Siya ay bautismuhan, inako Niya lahat nating kasalanan sa Kanyang sarili. Sa gayon, kung wala ang bautismo, hindi Siya hahatulan at magbububo ng dugo sa krus.
ANG PAMAMARAAN NG PAGHAHANDOG SA LUMANG TIPAN
Ano ang mga mahalagang kondisyon sa paghahandog ng sakripisyo?
① Isang buhay na hayop na
walang kapintasan
② Ang pagpapatong ng kamay
③ Ang dugo nito
Tingnan natin ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog sa Banal na Tabernakulo. Sa Lumang Tipan, ang isang makasalanan o ang punong saserdote ay nagpapatong ng kanyang kamay sa haing tupa o kambing upang ilipat ang kanyang sariling kasalanan o ang mga kasalanan ng Israel sa ulo nito. Ang mga handog ay papatayin pagkatapos at iaalay sa harap ng altar. Ang Lumang Tipan ay ang anino ng Bagong Tipan, at si Jesu-Cristo ay ang haing Kordero na ipinangakong ipapadala ng Diyos.
Kailan inilipat ang lahat ng kasalanan ninyo kay Jesus? Gusto kong mag-isip kayo at sagutin ang katanungang ito. Sa Lumang Tipan, hindi papatayin ang mga haing hayop ng mga Israelita nang walang pagpapatong ng kamay (ang pagpapatong ng kamay ay nangangahulugang paglipat ng kasalanan sa alay). Bago dalhin ang mga handog sa harap ng altar, ang pagpapatong ng kamay ay dapat maganap upang maisalin ang mga kasalanan sa mga hayop na ihahandog.
“At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog” (Levitico 1:4). Nasusulat sa Levitico na lahat ng handog ay nangangailangan ng pagpapatong ng kamay. Sa pagpapatong ng kamay sa ulo ng handog, ang bayan ng Israel ay naglilipat ng kasalanan dito, at sa paghahandog ng dugo at laman na may pananampalataya sa harap ng Diyos, sila ay maliligtas sa kanilang mga kasalanan. Ang mga Israelita ay maliligtas din sa pamamagitan ng pananampalataya sa panahon ng Lumang Tipan.
Kapag ang sinunog na handog ay ibinigay sa harap ng Diyos, ang isang makasalanan ay dapat na ipatong ang kanyang kamay sa ulo nito upang ilipat ang lahat niyang kasalanan. Pagkatapos ay papatayin ang handog sa lugar ng makasalanan. Ang dugo nito ay ilalagay sa apat na sungay ng dambana at ang nalalabi ay itatapon sa harap ng altar. Ganito ang paraan kung paano matutubos ang mga kasalanan.
Sa Bagong Tipan, ang makasalanan ay natutubos sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa tubig at sa dugo ni Jesus. Sinasabi sa I Juan 5:1-10 na ang makasalanan ay matutubos kapag siya ay naniwala sa bautismo ni Jesus at sa dugo ng kordero (ang Krus).
Samakatuwid, bawa’t makasalanan ay matutubos hangga’t siya ay naniniwala sa kapwa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus. Ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo, kasama ang Banal na Espiritu, ay kailangang-kailangan sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Mga minamahal, matutubos ba kayo sa pamamagitan lang ng paniniwala sa dugo ni Jesu-Cristo? Yaong mga nag-iisip na sila ay maisisilang muli sa paniniwala lamang sa dugo sa krus, ay nananatiling may kasalanan pa rin sa kanilang puso. Ngunit tayo’y maliligtas mula sa lahat nating kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus bilang espirituwal na pagtutuli sa Bagong Tipan, kung saan ito ang katumbas ng pagtutuli sa panahon ng Lumang Tipan.
Lahat ng denominasyon ay may kanya-kanyang doktrina. Alam natin na lahat sila ay maaaring matungo sa impiyerno maliban na iwaksi nila ang kanilang mga maling paniniwala. Ang iglesya Presbitero ay nagbibigay-diin sa doktrina ng pagtatalaga; ang Iglesya Metodista ay idinidiin ang arminianismo tulad ng humanismo; ang Iglesya Baptista ay sa bautismo; at ang Iglesya ng Kabanalan, sa banal na pamumuhay; lahat ng ito ay lumitaw mula sa salita ng katotohanan.
Ngunit ano ang sinasabi ng salita ng katotohanan sa Biblia ukol sa muling pagsilang? Sinasabi ng Biblia na ang katotohanan ay makikita sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo. Sinumang naniniwala at sumusunod sa Salita ng Diyos at may pananampalataya sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu ay makasusumpong ng kaligtasan.
ANO ANG LIHIM NG BAUTISMO NI JESUS?
Ano ang espirituwal na pagtutuli sa Bagong Tipan?
Ito ang bautismo ni Jesus.
Ang bautismo ni Jesus ay ang espirituwal na pagtutuli. Sa Lumang Tipan, sinabi ng Diyos na sinumang hindi pa tuli ay dapat tanggalin sa Kanyang bayan.
Dapat nating malaman at paniwalaan na ang espirituwal na pagtutuli sa Bagong Tipan ay ang bautismo nga ni Jesus. Dahil si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista sa simula ng kanyang pampublikong paglilingkod, tayo ay maaaring espirituwal na matuli sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang bautismo. Dapat maingat nating isipin ang mga dahilan kung bakit dapat bautismuhan si Jesus ni Juan Bautista.
“Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya!” (Mateo 3:13-15)
Si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista sa Jordan, “ang ilog ng kamatayan.” Ipinatong ni Juan Bautista ang kanyang kamay sa ulo ni Jesus at ganap Siyang inilubog. Ito ang wastong paraan ng pagbautismo (Bautismo: ang paglubog sa tubig). Upang maalis ni Jesus ang lahat ng kasalanan sa mundo, dapat Siyang mabautismuhan sa gayong paraan ng pagpapatong ng kamay na tinutukoy sa Lumang Tipan.
Ang bautismo ni Jesus ay ang espirituwal na pagtutuli sa mga naniniwala kay Jesus. “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Nararapat na alisin ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo upang Siya’y maging ating Diyos at Tagapagligtas. Kung gayon, ito ang nararapat, tulad ng nasusulat, Siya ay mamatay sa krus kasama ang lahat ng kasalanan natin sa kanyang ulo.
Ang bautismo ni Jesus ay may kapangyarihang magsilang muli sa lahat ng makasalanan. Ito ang lihim ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang unang bagay na ginawa ni Jesus sa Kanyang pampublikong paglilingkod upang maligtas ang mga makasalanan ay ang mabautismuhan kay Juan Bautista. Ang bautismo ay nangangahulugang “hugasan, ilibing o isalin.”
Bilang nabautismuhan sa paraang iniutos ng Diyos, inako ni Jesus lahat ng kasalanan sa mundo sa Kanyang sarili. “Narito ang cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29). Ang bautismo ni Jesus ay nangangahulugang lahat ng tao sa mundong naniniwala sa Kanya ay espirituwal na natuli.
Di-naglaon, tinungo Niya ang krus bilang Kordero ng Diyos na mag-aalis lahat ng kasalanan ng mundo at tinanggap ang hatol na para sa lahat ng mga makasalanan. Sa gayon, iniligtas Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan.
Samakatuwid lahat ng naniniwala sa bautismo ni Jesu-Cristo, sa pagtutuli sa Lumang Tipan, at sa Kanyang dugo sa krus bilang kanilang kaligtasan ay ligtas na mula sa lahat ng kasalanan. Iniligtas ni Jesu-Cristo lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo. Ito ay katotohanan ng espirituwal na pagtutuli.
ANG KALIGTASAN BA AY SA DUGO LAMANG? HINDI.
Sa pamamagitan ng ano dumating si Jesus sa mundo?
Sa tubig at sa dugo.
Sinasabi sa I Juan 5:4-8, “Sapagka’t ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan, at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay an gating pananampalataya. At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios? Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo, hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. at ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiiritu ay katotohanan. Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa.”
Mga minamgahal kong Kristiyano, ano ang patotoo ninyo sa Kanya bilang inyong Tagapagligtas? Ito ay walang iba kundi ang pananampalataya sa Anak ng Diyos na Siyang naparito sa tubig at sa dugo.
Ano ang tagumpay na nagwagi laban sa mundo? Ito ay walang iba kundi ang kapangyarihan ng pananampalataya sa tubig at sa dugo. Ito ay si Jesu-Cristo na naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. At ang Espiritu ang nagtataglay ng patotoo, dahil ang Espiritu ay ang katotohanan.
May tatlong bagay na nagtataglay ng patotoo sa sanlibutan: ang tubig, ang dugo at ang Espiritu. At ang tatlong ito ay nagkakasundo bilang isa. Si Jesus ay naparito sa lupa sa laman, Siya ay binautismuhan at namatay sa krus upang iligtas tayo mula sa walang hanggang parusa. Ang katunayan na ang Diyos, ang ating Manlilikha, ang naging Tagapagligtas ng lahat ng makasalanan ay nasa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nagligtas sa ating lahat.
Ito ang patunay na naparito si Jesus sa mundo bilang Espiritu sa laman, binautismuhan sa Jordan upang akuin ang lahat ng ating kasalanan, at nagbubo ng dugo sa krus sa pagtanggap ng hatol para sa ating mga kasalanan. Sa gayon, inililigtas Niya lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito ang orihinal na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
ANO ANG TUBIG AT ANG DUGO NA NAGTATAGLAY NG PATOTOO SA KALIGTASAN NG DIYOS?
Ano ang katumbas ng pagtutuli na inihayag sa Lumang Tipan?
Ito ang bautismo ni Jesus.
Ang tubig ay tumutukoy sa bautismo ni Jesu-Cristo. Sa Lumang Tipan, ang bautismo ni Jesus ay ang pagtutuli. Ang katumbas ng pagtutuli sa Lumang Tipan ay ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan. Ang katunayan sa lahat ng kasalanan sa mundo ay inilipat na kay Jesus ay nasa bautismo ni Jesus.
Sinumang naniniwala sa katotohanang ito ay makatatayo sa harap ng Diyos at makapagsasabi na may magandang budhi, “Ikaw ang Tagapagligtas ko, aking Panginoon dahil ako ay naniniwala sa Inyong bautismo at sa Inyong dugo, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kaya wala akong kasalanan. Ako ay anak ng Diyos at Ikaw ang aking Tagapagligtas.” Nagawa naming ipahayag ito na may tunay na pananampalataya. Ang dahilan kaya tayo nakapagsasalita ng ganito ay dahil sa ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo.
Ano ang salitang nagpapahintulot sa atin na maisilang muli? Ito ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo sa krus, na Siyang patotoo ng kaligtasan sa ating mga puso. Ito ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Mga minamahal na Kristiyano, muli ko kayong tinatanong, “Ang makasalanan ba ay maliligtas sa pananampalataya lamang sa dugo ni Kristo? Hindi. Ang kaligtasan ay nangangailangan ng hindi lamang paniniwala sa Kanyang kamatayan sa krus. Tanging sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa kapwa tubig at dugo – ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu – sa gayon ang mga makasalanan ay maaaring maisilang na muli. Itulot ninyong dalhin ko kayo sa Biblia, na tumatalakay tungkol sa tubig o sa ibang salita ay sa bautismo ni Jesus.
Sinasabi sa I Pedro 3:21-22, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo. Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat Niya sa langit, na ipinasakopsa Kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.”
Si Apostol Pedro ay nagpatotoo na ang bautismo ni Jesus ay ang larawanng nagliligtas sa atin, at ito rin ang katibayan ng kaligtasan mula sa mga kasalanan. Ang bautismo ni Jesus ay ang kapantay ng pagtutuli sa Lumang Tipan. Tulad ng mga Israelita ay naniniwala sa Salita ng Diyos at nagputol ng labis nilang balat upang maging anak ng Diyos sa panahon ng Lumang Tipan, ang bautismo ni Jesus na nagliligtas sa atin mula sa lahat ng kasalanan sa panahon ng Bagong Tipan.
Samakatuwid ang pagtutuli sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay iisa at magkatulad. Lahat ba kayo ngayon ay naniniwalang sa bautismo ni Jesus ay katulad ng pagtutuli? Tulad ng nasusulat sa 1 Pedro 3:21, may isang larawan din na nagliligtas sa atin tinatawag na bautismo. Maaari bang mangatwiran sa nakasulat na Salita ng Diyos?
Paanong tayo, na nabubuhay dito sa mundong ito, ay mapapalaya sa kasalanan? Ito ay dahil si Jesu-Cristo ay binautismuhan upang isakatuparan ang lahat ng katuwiran na ang kaligtasan mula sa kasalanan ay nakalaan para sa atin. Sinasabi ng Mateo 3:15, “sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.”
Dahil lahat ng kasalanan ng sanlibutan ay inilipat na kay Jesus, lahat ng naniniwala sa Kanya ay wala na ngayong kasalanan. Tayong lahat ay maaaring maging matuwid sa pagtanggap sa katotohanan na ang lahat ng ating kasalanan ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Inako lahat ni Jesu-Cristo ang ating mga kasalanan sa Kanyang sarili at namatay sa krus upang iligtas tayo mula lahat ng hatol.
Minamahal kong mga kaibigan, ang dalawang bagay na magliligtas sa lahat ng makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan ay ang tubig at ang dugo. Ang pag-ako Niya sa ating mga kasalanan at ang Kanyang pagkamatay para sa atin sa Krus ay ang dalawang pangunahing bagay na ginawa ni Jesus para sa atin sa loob ng 3 taon Niyang paglilingkod dito sa lupa.
Sinasabi ng Juan 1:29, “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan.” Si Jesu-Cristo ay binautismuhan upang alisin ang kasalanan ng sanlibutan at namatay sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan. Si Jesus ay ang Anak ng Diyos, at bilang Manlilikha, tinupad Niya ang kasunduan ng pagtutuli na ginawa ng Diyos sa Lumang Tipan sa pamamagitan ng pag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Sinumang ang buong-pusong naniniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus, ng tubig at ng dugo ay maisisilang muli sa tubig at sa Espiritu. At ang Panginoon ay magiging Tagapagligtas sa lahat ng naniniwala. Pasalamatan natin ang Panginoon, Alleluia! Isinakatuparan ni Jesus ang ating kaligtasan tulad ng pinangako ng Diyos, at niligtas Niya tayo mula sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan.
HINDI ANG PAG-AALIS NG DUMI NG LAMAN
Ang laman ba ay nagiging banal kasama ng panahon?
Hindi. Ang laman ay patuloy na mag-iipon ng kasalanan hanggang sa araw ng ating kamatayan.
Sinasabi sa 1 Pedro 3:21, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo.”
Kapag ang tao ay naniwala kay Jesu-Cristo bilang kanyang Tagapagligtas, hindi ito nangangahulugang tumitigil na siya sa paggawa ng kasalanan ng laman. Maaaring patuloy tayong magkasala, ngunit sa paniniwala sa bautismo ni Jesus, maililipat natin ang ating mga makamundong kasalanan kay Jesus, Siyang nagbayad sa mga ito ng Kanyang dugo sa krus. Sa paniniwala sa dalawang bagay na ito bilang mahalagang elemento ng ating kaligtasan, tayo ay ligtas na mula sa ating mga kasalanan.
Ang muling pagsilang ay nangangahulugan ng pag-aanyaya kay Jesus sa ating mga puso bilang Tagapaligtas ng sangkatauhan. Ang pagpapatawad sa mga kasalanan ay natatamo natin sa ating mga puso. Kapag tayo ay naniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus, ang ating mga puso ay maisisilang muli ngunit patuloy tayong makagagawa ng kasalanan at mga pagkakamali sa ating laman. Ngunit lahat ng kasalanan ng laman ay napatawad na.
Ang bautismo ni Jesus ay patotoo sa lahat ng naligtas. Tayo ay walang kasalanan kung naniniwala tayo sa pagpapatawad sa kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Kristo. Tayo ay isisilang muli kapag inilagay natin sa ating mga puso ang katotohanan ng kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at magiging matuwid sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ito ang pananampalataya ni Abraham sa Lumang Tipan, ang pananampalataya ng pagiging matuwid na sinambi ni Apostol Pablo, at ang larawan ng kaligtasan na pinatotohanan ni Apostol Pedro.
Tulad ni Abraham na nakarinig at naniwala sa salita ng Diyos at naging matuwid, tayo ay maliligtas kapag tayo ay naniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang kamatayan sa krus.
Sinasabi sa Juan 1:12, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan.” Tinatanggap mo ba si Jesu-Cristo, na Siyang nagligtas sa atin mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, at bilang iyong Tagapagligtas? Dapat nating tanggapin ang kaligtasan na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng tubig at ng dugo ng Anak ng Diyos.
Ang kaligtasan ba ay sa pamamagitan lamang ng dugo ni Jesu-Cristo? Hindi. Kundi ito ay sa pamamagitan ng tubig at ng dugo ni Jesus. Sa Biblia, malinaw na ipinahayag na ang kaligtasan ay hindi lang sa dugo ni Jesus. Ito ay sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo.
Ang bautismo ni Jesus ay ang espirituwal na pagtutuli sa Bagong Tipan. Ito ang katotohanan ng kaligtasan na nag-alis ng kasalanan sa atin. Ang katotohanang Siya ay hinatulan para sa mga kasalanan ng sanlibutan ay nangangahulugang Siya ay hinatulan para sa atin, ikaw at ako.
Sa pagtanggap ng ebanghelyo ng pagpapatawad sa mga kasalanan, ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo, tayo ay naligtas sa hatol dahil sa ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya, tayo naligtas sa mga kasalanang nagagawa natin sa mundong ito. Kapag tinatanggap natin ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo bilang ating kaligtasan, lahat ng kasalanan sa ating puso ay nahuhugasan. Naniniwala ka ba? Ako ay tapat na umaasa na kayong lahat ay maniwala at magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan.
Sinabi ni Apostol Pablo, “siya’y Judio sa loob, at ang pagtutuli ay yaong sa puso” (Roma 2:29). Paano tayo matutuli sa ating puso? Tayo ay maaaring espirituwal na matuli kapag tayo ay naniwala sa pagparito ni Cristo Jesus sa mundong ito sa laman, sa Kanyang bautismo upang alisin lahat ng kasalanan sa mundo, sa Kanyang kamatayan sa krus para sa ating mga kasalanan, at sa Kanyang muling pagkabuhay mula sa mga patay.
Sinabi ni Apostol Pablo na ang pagtutuli ay sa puso. Ang pagtutuli sa puso ay nangangahulugang paniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo. Kung gusto mong matuli sa puso, dapat mong itanim sa iyong puso ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Sa ganoon at ganoon lang, kayo ay maaaring maging Anak ng Diyos.
SI JUAN BAUTISTA BA AY ISINUGO NG DIYOS?
Sino si Juan Bautista?
Siya ang kinatawan ng sangkatauhan at ang huling punong saserdote ayon sa angkan ni Aaron.
Dito ay kailangan nating tanungin kung sino si Juan Bautista na nagbautismo kay Jesus-Krsito. Si Juan Bautista ang kinatawan ng sangkatauhan. Sinasabi sa Mateo 11:11-14, “Sinasabi ko sa inyo: Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya. At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mg ataong mararahas. Sapagka’t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula. At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya’y si Elias na paririto.”
Mga mahal na Kristiyano, sinasabi ni Jesus na wala ng higit na dakila pa kaysa kay Juan Bautista sa mga naisilang ng mga babae. Sa pagsilang ni Juan Bautista, ang taon ng unang pakikipagkasundo sa Diyos, ang panahon ng Lumang Tipan ay natapos na. Ito ay nagtapos na dahil pagtupad ni Jesu-Cristo sa Tipanan ng Diyos ay dumating na.
Kung gayon, sino ang tutupad ng Tipan ng Diyos? Si Jesu-Cristo at si Juan Bautista. Isinalin ni Juan Bautista lahat ng kasalanan ng sanlibutan kay Jesus. Sino ang huling punong saserdote ng Lumang Tipan? Sino ang inapo ni Aaron? Si Jesu-Cristo mismo ang nagpatotoo na ito’y walang iba kundi si Juan Bautista. Si Juan Bautista ang kinatawan ng sangkatauhan, ang pinakadakila sa mga isinilang ng mga babae.
Isipin natin ang mga pangyayari. Si Moises, si Abraham, si Isaac at si Jacob ay isinilang lahat ng babae! Ngunit sa mga tao sa Luma at Bagong Tipan, sino ang pinakadakila sa mga isinilang ng babae? Si Juan Bautista.
Si Juan Bautista, bilang huling propeta ng Lumang Tipan at isang inapo ni Aaron, ay binautismuhan ang Kordero ng Diyos sa Bagong Tipan sa gayon ding paraan ng pagpapatong ni Aaron ng kanyang kamay sa alay na handog sa Araw ng Pagbabayad-sala sa Lumang Tipan. Binautismuhan niya si Jesu-Cristo at ipinasa ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan kay Jesus. Siya ay isang lingkod ng Diyos. Isinakatuparan niya ang espirituwal na pagtutuli sa mga puso ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbabautismo kay Jesu-Cristo.
Kasama ang bautismo ni Jesus, dapat tayong maniwala sa Kanyang dugo bilang patotoo sa ating kaligtasan. Inalis ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at hinatulan para sa mga ito. At ang tanging paraan na dapat nating gawin ay ang simpleng paniniwala rito. Kalooban ng Diyos na maniwala tayo sa ginawa ni Jesus.
Oras na tinanggap mo sa iyong puso ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu, ikaw ay magiging inapo ni Abraham at isang anak ng Diyos. Iilan lamang ang nasa panig ni Cristo habang marami ang hindi pa tumatanggap sa Kanya sa kanilang mga puso.
Ang araw ay halos matatapos na at ang dilim ay pababa na. Maniwala kayo sa bautismo ni Jesus at hayaan ninyong pumasok Siya sa inyong puso. Ang inyong pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ang magpapala sa inyo kasama ang espirituwal na kaligtasan.
Tandaan ninyong lagi na ang espirituwal na pagtatalaga ay dumarating kapag kayo ay naniwala sa ebanghelyo ng kaligtasan, ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Gusto kong malaman ninyo na maaari kayong maghanda ng espirituwal na ilawan (ang iglesya) at langis (ang Espiritu) gayundin ang mga birhen (Mateo 25:4) sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Yaong mga naniniwala kay Jesus ay matutungo sa iglesya kasama ang Espiritu sa kanilang mga puso.
PARA KANINO ANG BAUTISMO NI JESUS?
Sa anong layunin ang pagbabautismo kay Jesus?
Upang hugasan lahat ng kasalanan ng sangkatauhan.
“‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya!” (Mateo 3:14-15)
Si Jesus ay binautismuhan upang hugasan lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Si Jesu-Cristo ay ang Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas. Siya ang Manlilikha na gumawa sa atin. Si Jesu-Cristo ay naparito sa kalooban ng Diyos, ang Ama, upang gawin tayong Kanyang bayan.
Tungkol kanino ang mga pahayag ng lahat ng propeta sa Lumang Tipan? Sila ay tumutukoy kay Jesu-Cristo. Lahat ng propeta sa Lumang Tipan ay nagpapahayag ukol kay Jesus at sa Kanyang pagparito sa lupa upang alisin lahat ng ating mga kasalanan at palayain tayo mula sa kasalanan magpakailanman.
Si Jesus ay nanaog dito sa mundo tulad ng hula sa Lumang Tipan at inalis lahat ng kasalanan ng sangkatauhan mula kay Adan at Eba hanggang sa huling tao sa mundo.
Ngayon, tanggapin ninyo sa inyong puso ang kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Hindi ba kayo tiyak na ito ang katotohanan? May kasalanan pa rin ba kayo sa inyong puso? “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista upang isakatuparan lahat ng katuwiran.
Ang salitang “bautismo” ay nangangahulugan ng “paghuhugas.” Si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista sa paraan ng pagpapatong ng kamay na inilarawan sa Lumang Tipan.
Pagkatapos Niyang akuin lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, inilubog Niya ang Kanyang sarili sa Jordan. Ang ilog ay sumisimbolo sa kamatayan at hatol para sa mga makasalanan. Ang paglubog ni Cristo sa tubig ay sumisimbolo ng Kanyang kamatayan sa krus. Ang pag-ahon Niya sa tubig ay tumatayo bilang muling pagkabuhay. Si Jesus ay nabuhay muli sa ikatlong araw pagkatapos Niyang mamatay sa krus.
Si Jesus ay ating Diyos at Tagapagligtas. Ang katotohanang naparito sa lupa si Jesus upang bautismuhan, magbuhos ng dugo hanggang mamatay sa krus, nabuhay muli sa ikatlong araw, at ngayo’y nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos ay isang malinaw na patunay ng pagliligtas Niya sa sangkatauhan sa kamatayan. Naniniwala ka ba rito?
Ang bautismo ni Jesus ay ang espirituwal na pagtutuli sa Bagong Tipan. “Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Ang pagtutuli ng puso ay naging ganap nang tayo ay manalig sa bautismo ni Jesus, ang katotohanan ng paglilipat ng ating mga kasalanan kay Jesus. Ang pagtutuli sa puso ay ang pagkilala sa bautismo ni Jesus kung saan inilipat natin lahat ng kasalanan kay Jesus.
Natuli na ba ang iyong puso? Kung naniniwala ka sa pagtutuli sa puso, ang mga kasalanan mo ay mahuhugasan nang minsanan lamang para sa lahat. Para sa layuning ito, isinakatuparan ni Jesus lahat ng kalooban at tiniyak ang kaligtasan ng lahat ng makasalanan.
Mga minamahal kong Kristiyano, tanggapin ninyo ang katibayan ng kaligtasan sa inyong mga puso at isip. Ito ang katotohanan. Sa oras na tanggapin ninyo sa inyong puso ang kaligtasan ni Jesus, kayo ay palalayain sa inyong mga kasalanan, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios” (Juan 1:12).
Nakita ninyo na ba ngayon kung bakit kailangang manaog dito sa lupa sa Jesus upang bautismuhan? Naniniwala na ba kayo ngayon dito? Si Jesus ay binautismuhan upang alisin ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Ito ang bautismo ng pagtutuli. Ang bautismo ni Jesus ang nagbibigay sa atin ng espirituwal na pagtutuli. Kaya sinabi ni Apostol Pablo sa atin na magpatuli ang ating mga puso. Malinaw ang kaligtasan sa atin ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo na wala na tayong pagpipilian pa kundi paniwalaan ito sa ating mga puso. Dapat nating sabihing, “Opo. Amen.” Sa salita ng Diyos sa ating mga puso. Hindi ba’t ito ang katotohanan? Naniniwala ka ba rito?
TINATANGGAP MO BA ANG KATOTOHANANG ITO SA IYONG PUSO?
Ano ang dapat nating gawin bago sumamba kay Jesus?
Dapat nating tanggapin sa ating puso ang katotohanan ng tubig at ng dugo.
Halos 2000 taon ang lumipas mula ng dumating si Jesus dito sa mundo. Sa araw at panahong ito ng pagpapala ng Diyos, dapat nating tanggapin sa ating puso ang katotohanan, ang tubig at ang dugo ni Jesus. Wala na tayong maaari pang gawin.
“Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Dapat tayo matuli sa pamamagitan ng pananampalataya sa ating mga puso. Tayo ay maliligtas lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa Lumang Tipan, ang mga Israelita ay naligtas sa pamamagitan ng pagtutuli at sa dugo ng Paskuwa kung saan pinahid ito sa mga pinto at sa mga haligi ng kanilang mga bahay.
Yaong mga naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo bilang kanilang kaligtasan ay hindi natatakot sa hatol ng Diyos dahil ito ay lalagpas sa kanila. Ngunit ang hatol ng Diyos ay babagsak sa lahat nang hindi tumatanggap ng katotohanan sa kanilang mga puso. Maraming naniniwala kay Jesus na walang-katuturan at sila’y mga alipin pa rin ng kasalanan.
Paano sila makaabot sa ganitong kalagayan? Bakit naghihirap pa rin sila sa kasalanan? Ito ay sa dahilang hindi nila batid ang katotohanan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Sila ay naniniwala lamang sa dugo ni Jesus, at inaalis o ipinagwawalang-bahala ang Kanyang bautismo.
Ang kaligtasan ba ay matatamo sa pamamagitan ng simpleng paniniwala sa dugo lamang ni Jesus? Sinasabi ba sa atin ito ng Biblia? Ano ang sinasabi ng Lumang Tipan at Bagong Tipan ukol dito? Ayon sa Biblia, hindi lang sa dugo ng Kordero ng Diyos, kundi pati sa bautismo ni Jesus rin ay matatamo ang kaligtasan (I Juan 5:3-6).
Naniniwala ka ba sa dugo lamang ni Jesus? Yaong ganitong paniniwala ay may mga kasalanan pa rin sa kanilang mga puso. Dapat nilang paglabanan ang kanilang maling pananampalataya at magbali sa tunay na ebanghelyo.
Dapat tanggapin ngayon ng mga di-naniniwala na sila ay naliligaw, hindi nalalaman na inalis na ni Jesus lahat ng kasalanan sa Jordan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Dapat nilang aminin na sila ay nagpabaya sa pagtanggap ng bautismo ni Jesus. Dapat nilang tanggapin sa kanilang mga puso na inalis lahat ni Jesus ang kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang kaligtasan ay nariyan lang kung maniniwala tayo sa kapwa bautismo ni Jesus at ng Kanyang krus. Sa ibang salita, tanging sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tayo magkakamit ng buhay na walang hanggan.
Mga minamahal na Kristiyano, hanggang ngayon ba ay pinaglalaban ninyo ang paniniwala sa dugo lamang ni Jesus? Kung gayon, tiyak na may kasalanan kayo sa inyong puso? Kapag nagkasala ka, may kasalanan ka pa rin sa iyong puso. Kung iniisip mo na malaya ka na sa kasalanan kapag ipinamuhay mo ang kautusan ng Diyos, ito ay pakiramdam lang mula sa iyong damdamin. Ang paniniwalang ito ay hindi naaayon sa salita ng Diyos.
HINDI PA HULI ANG LAHAT
Mula sa ano tayo pinalalaya ng katotohanan?
Mula sa batas ng kasalanan at kamatayan.
Hindi pa huli ang lahat. Maniwala ka lang sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, at ikaw ay matutuli sa iyong puso, at mapapalaya ka sa lahat ng kasalanan. Ang pagiging malaya sa lahat ng kasalanan ay nangangahulugang ikaw ay ligtas na sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo.
Kusa ka bang naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo para sa kaligtasan ng iyong mga kasalanan? Sa oras na maniwala ka, matututunan mo kung ano ang kaligtasan. Tatanggapin mo ang kapayapaan sa isipan. Doon at doon ka lamang magiging matuwid. Hindi sa pamamagitan ng iyong mga gawa, kundi sa pamamagitan ng iyong pananampalataya sa Salita ng Diyos. Kung sinuman sa inyo ang patuloy na naniniwala pa rin at umaasa sa dugo ni Jesus para sa kaligtasan, nais kong hikayatin kayo na maniwala sa bautismo ni Jesus at sa dugo ni Jesus.
Mga minamahal na Kristiyano, ang ganap na kaligtasan ng sangkatauhan sa kasalanan ay naisakatuparan na sa pamamagitan ng ebanghelyo ng bautismo at dugo ni Jesus. Ang Espiritu ay Diyos. Nanaog dito sa lupa ang Diyos sa pamamagitan ng laman ng tao.
Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta na tatawagin natin Siyang Jesus, dahil ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan. Sinabi ng Diyos, “Narito, ang dalaga’y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, at ang pangalang itatawag nila sa Kaniya ay Emmanuel na kung liliwanagin ay sumasa atin ang Dios” (Mateo 1:23).
Bumaba dito sa mundo ang Diyos upang iligtas ang mga makasalanan. Siya ay binautismuhan upang alisin lahat ng kasalanan sa mundo at sa gayon ay iligtas lahat ng makasalanan. Ito ang katotohanan at ang kaligtasan sa tubig at sa dugo. Narito ako para sabihin ito sa inyo. Naligtas ba tayo dahil lang sa dugo ni Jesus? Siyempre hindi. Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus.
Maraming huwad na propeta at mga erehe ngayon ang hindi naniniwala sa bautismo ni Jesus. Sinabi ni Jesus, “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).
Dapat nating malaman ang katotohanan. Dapat nating malaman kung bakit tinatalakay ni Jesus ang tungkol sa Kanyang bautismo, at kung bakit dapat tayong maniwala rito. Dapat nating malaman kung bakit sinabi ng Diyos sa bayan ng Israel na magpatuli sa Lumang Tipan at kung bakit tinatalakay Niya ang tungkol sa dugo ng Kordero ng Paskuwa.
Kung isang bahagi lang ng salaysay ang nalalaman natin, hindi natin malalaman ang katotohanan. Sinabi ni Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5).
ANG MABAUTISMUHAN KAY KRISTO
Paano tayo makikipagkaisa sa kamatayan ni Kristo?
Sa pamamagitan ng paglilipat ng ating mga kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Ang Biblia ang nagpatotoo sa lihim ng kaligtasan. Ito ba ay sa pamamagitan lamang ng dugo ni Jesus? Hindi. Ito ay sa pamamagitan ng Kanyang dugo at Kanyang bautismo na magkasama. Madalas na tinalakay ito ni Apostol Pablo sa Roma 6 at muli sa marami pang Sulat.
Basahin natin ang Roma 6:3-8. “O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kaniyang kamatayan. Tayo nga’y nangalibing na kalakip Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan, na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip Niya dahil sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli. Na nalalaman natin, na an gating datihang pagkatao ay kalakip Niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin Panginoon ng kasalanan. Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa’t kung tayo’y nangamtay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip Niya.”
Tingnan natin ang talatang 5. Mababasa ito na, “Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip Niya dahil sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli.”
Ang kamatayan Niya ay kamatayan natin dahil lahat ng ating kasalanan ay inilipat sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Kaya ang bautismo ni Jesus ang nagdudugtong sa Kanyang dugo sa krus kasama natin.
Ang pananampalataya natin sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ang nagtutulot sa ating maging isa kay Jesus. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Samakatuwid, ang kamatayan ni Jesus sa krus ay ang ating kamatayan. Siya ay binautismuhan upang akuin ang ating mga kasalanan. Ang maniwala sa katotohanang ito ay ang pakikipag-isa kay Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas.
HINDI TAYO DAPAT MANIWALA KAY JESUS BILANG ISANG PARAANG PANG-RELIHIYON NG BUHAY
Ano ang kahulugan ng “Siya ay tapat at makatarungan?”
Ito ay nangangahulugan na hinugasan ni Jesus ang ating mga kasalanan nang minsan lamang at inililigtas ang sinumang naniniwala sa katotohanan.
Maraming tao ang naniniwala kay Jesus bilang isang paraang pang-relihiyon ng buhay, kaya nagtutungo sila sa iglesya at umiiyak sa pananalangin at paghingi ng tawad. Ikinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan at humihingi ng kapatawaran araw-araw. Nananalangin sila ng “Jesus, alam ko at naniniwala ako na namatay Ka sa krus para sa akin. Oo, ako’y naniniwala.”
Malinaw na hindi nila nauunawaan ang sumusunod na pahayag. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan” (I Juan 1:9). Inaangkin nila na dapat silang araw-araw na patawarin sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal ng kasalanan. Ngunit ang kasalanan sa nabanggit na talata ay hindi nangangahulugan na hindi mahalagang kasalanan sa araw-araw. Ang ibig sabihin ng talata ay tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan minsan lamang kapag tayo ay nangumpisal na hindi pa tayo naliligtas.
“Kaya ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). “At inyong makikilala katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).
Mga minamahal na Kristiyano, ang katotohanan ay malinaw. Kung naniniwala kang namatay si Jesus sa krus na hindi inaalis ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Jordan, ang inyong pananampalataya ay walang halaga. Sinumang Kristiyanong nagnanais na maligtas mula sa kanyang mga kasalanan ay dapat maniwala na ang kanyang mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Jordan ng minsanan lang at inako Niya ang hatol para sa ating mga kasalanan sa krus. Sa ibang salita, dapat tayong maniwala sa bautismo at dugo ni Jesus.
“Sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Gawa 4:12). Inako ni Jesus lahat ng kasalanan natin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at naging ating Tagapagligtas. Si Jesus ay dumating sa tubig at sa dugo upang iligtas tayo mula sa walang-hanggang sumpa. “Sapagka’t ang tao’y nanampalatay ng puso sa ikatutuwid, at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Makasalanan ka ba o matuwid?
Sinasabi ng Galacia 3:27, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Sinasabi ng talata sa atin dito ang katotohanang si Jesus ay napako sa Krus matapos kuhanin lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Siya’y muling nabuhay sa ikatlong araw at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos. Siya’y naging Panginoon ng Kaligtasan sa lahat ng mananalig sa Kanya.
Kung hindi nabautismuhan si Jesus, kung hindi Siya nagbubo ng dugo sa krus para sa atin, hindi sana Siya naging Tagapagligtas. Maliligtas lang tayo kapag tayo ay naniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
PATI ANG ANAK NI MOISES
Bakit sinubukang patayin ng Diyos si Moises sa daan patungong Ehipto?
Dahil hindi niya pinatuli ang kanyang mga anak.
Mga minamahal, kayo ay nakikinig sa lihim ng kaligtasan sa inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo ni Jesus. Ito ay isang napakagandang pagpapala upang mapakinggan ang mga salitang ito ng Diyos.
Ito ba ay ang dugo lamang ni Jesu-Cristo? Sa panahon ng Lumang Tipan, ang mga tao ay naging angkan ni Abraham sa pamamagitan ng pagtutuli at dugo ng Kordero ng Paskuwa. Ngayon tayo ay naging bayan ng Diyos dahil sa paniniwala sa bautismo at dugo ni Jesus. Ipinakita na sa atin ng Diyos ang patunay nito sa Lumang Tipan sa pamamagitan ni Moises.
Upang iligtas ang bayan ng Israel, kinausap ng Diyos si Moises at sinabi sa kanyang dalhin ang kanyang bayan palabas ng Ehipto. Kaya si Moises, kasama ang pahintulot ng kanyang biyenang si Jethro, ay iniwan ang lupain ng Midian at nagtungo sa Ehipto kasama ang kanyang asawa at mga anak. Nang isakay niya ang kanyang pamilya sa isang bisiro, kinatagpo siya ng Panginoon sa kanyang kampamento at tinangkang patayin siya.
Ngunit ang kanyang matalinong asawa na si Zipora ay batid ang dahilan. Kumuha siya ng matulis ng kahoy at pinutol ang labis na balat ng kanyang mga anak at inihagis ito sa paanan ni Moises at sinabing, “Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik!” Kaya pinalaya siya ng Diyos.
Ito ang kanyang paraan ng pagsasabi na tiyak na papatayin Niya ang sinuman, kahit pati anak ni Moises, kung hindi siya nagpatuli. Sa bayan ng Israel, ang pagtutuli ay ang simbolo ng pakikipagtipan sa Diyos. Alam nila na tiyak na aalisin ng Diyos mula sa Kanyang bayan, pati ang mag anak ng mga namumuno, kung mananatili silang hindi natutuli. Samakatuwid, sa pag-iwas na matuli ang kanyang anak, binalaan ng Diyos si Moises sa gayong paraan.
Sinasabi ng Biblia na ang dahilan kaya inalis ni Zipora ang labis na balat ng kanyang anak at inihagis ito sa paanan ni Moises na sinasabing, “Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik!” ay upang sumang-ayon sa nais ng Diyos na pagtutuli (Exodo 4:26).
Sinumang hindi pa natutuli sa mga Israelita ay kailangan tanggalin sa Kanyang bayan. Tanging ang mga tuli lang ang pinahihitulutang kumain ng laman ng Kordero ng Paskuwa at dumalo sa mga serbisyo bilang bayan ng Diyos.
Si Apostol Pablo ay isang Hebreo. Siya ay tinuli walong araw pagkatapos niyang isilang, nag-aral sa ilalim ng Dakilang Gurong si Gamaliel, at nakauunawa ng wasto kung bakit si Jesu-Cristo ay binautismuhan sa Jordan at bakit kailangan Siyang ipako sa krus. Kaya si Apostol Pablo ay nagsulat tungkol sa bautismo ni Jesus sa lahat ng kanyang Liham.
Si Apostol Pablo ay madalas na tumatalakay ukol sa dugo ni Jesus bilang kaganapan ng ating kaligtasan. Ang dugo ng tanging huling yugto ng kanyang kaligtasan samantalang ang tunay na espirituwal na pagtutuli ay ang bautismo ni Jesus. Walang halaga ang pagbibigay-diin sa dugo ni Jesus kung wala ang Kanyang bautismo.
Si Apostol Pablo ay madalas na tumatalakay ukol sa krus ni Jesus ng tuwiran. Bakit? Dahil ito ang huling katunayan ng ating kaligtasan. Kung inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang sarili, ngunit nabigong magbubo ng dugo sa krus upang tanggapin ang hatol para sa atin, hindi sana tayo ganap na naligtas. Iyon ang dahilan kung bakit madalas talakayin ni Apostol Pablo ang tungkol sa krus. Ang krus ang huling yugto ng ating kaligtasan.
Kung ang katotohanan ng kaligtasan ay ipinagkaloob sa henerasyon ngayon ng walang pagkabaluktot, marami na sana ngayon ang mga taong walang kasalanan. Samantala, ang katotohanan ay nawala ng maraming panahon at maraming tao ang nakabatid lamang ng tungkol sa krus na walang nalalaman sa tunay ng kahulugan ng Kanyang bautismo.
Dahil sila ay may pananampalataya lang sa walang lamang ebanghelyo. Sila ay mananatiling makasalanan gaano man karaming taon silang mataimtim na maniwala kay Jesus. Sila ay mananatiling makasalanan pagkatapos ng sampung taon, kahit pagkatapos ng 50 taon ng relihiyosong pamumuhay.
ANG AKING PATOTOO
Ibinibilang ba ng Diyos ang mga makasalanan na matuwid?
Hindi. Siya ay makatarungan. Ang matuwid ay yaong mga malaya sa kasalanan, na naglipat ng lahat ng kanilang kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Nagsimula akong maniwala kay Jesus nang ako ay 20 taong gulang. Bago ang panahon na iyon wala akong ideya sa dami ng kasalanang nagagawa ko sa aking buhay dahil hindi ko alam ang kautusan ng Diyos. Ako ay namuhay sa sarili kong kaparaanan na hindi man lang nakikila ang Diyos hanggang dumating ang panahong iyon.
Pagkatapos ako ay nagkasakit. Ako ay naging malubha hanggang inakala ko na ako ay mamamatay na. Kaya, ipinasiya ko na kailangan ko man lang sanang matubos ang aking mga kasalanan bago ako mamatay. Dahil narinig ko na namatay si Jesus para sa mga makasalanang tulad ko, ipinasiya kong maniwala sa Kanya. Sa simula, ako ay puno ng kaligayahan at pasasalamat.
Ngunit ang gayong pakiramdam ay nagsimulang mapawi nang di-maglaon. Pagkatapos ng sampung taon, ako ay makasalanan pa rin, sa katunayan ay higit na malubha pa kaysa dati. Ako ay naniwala kay Jesus sa loob ng sampung taon, ngunit ang katotohanan na ako ay makasalanan pa rin ay hindi nagbabago. Ako ay mananampalataya ngunit makasalanan.
Kahit na awitin kong. “♫Ang pag-iyak ay hindi makapagliligtas sa akin’ kahit ang aking mukha ay maligo sa luha, hindi ito makababawas sa aking takot, hindi makalilinis sa aking kasalanan! Ang pag-iyak ay hindi makapagliligtas sa akin! ♫” umiiyak ako sa tuwing ako ay nagkakasala.
“Mahal kong Diyos, patawarin po ako sa kasalanang ito. Patawarin ako nito minsan, hindi na ako muling magkakasala pa.” Matapos magkasala, kadalasan ay nananalangin ako ng ganito sa loob ng tatlong araw. Kinukulong ko ang aking sarili sa isang sulok sa silid at mananalangin habang nag-aayuno ng tatlong araw. Dahil ang aking budhi ay labis na may kabigatan, umiiyak ako at humihingi ng kapatawaran sa Diyos. Sa ikatlong araw, mabuti na ang aking pakiramdam at wari ko ako’y muling tatanggapin sa Kanyang presensya.
“Muli, nahugasan ko ang aking mga kasalanan. Alleluia!” Kaya lumabas ako at namuhay na masigasig ng ilang sandali. Ngunit di-naglaon, ako ay nagkasala muli at lumubha ang kalungkuta ko. Nasanay ako sa paulit-ulit na madilim na prosesong ito. Lubos ang pakiramdam na maniwala kay Jesus sa simula, ngunit habang tumatagal ang paniniwala ko, lalo namang dumarami ang aking mga kasalanan na nagpapatong-patong tulad ng alikabok sa isang hindi ginagamit na silid.
Pagkatapos ng sampung taon, ako ay naging isang matinding makasalanan higit pa sa dati. “Bakit ako naniwala kay Jesus sa maagang yugto ng aking buhay? Mas madali sana na maniwala kay Jesus kung naghintay pa ako ng ika-80 taong gulang yaong bago man lamang ako mamatay. Sa gayon, hindi na ako mag-aalala pa sa kasalanan at hindi na mangangailangang magsisi pa araw-araw.” Iniisip ko na dapat akong mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos, ngunit ito’y imposible. Naramdaman ko na mawawala na ako sa katinuan.
Nagsimula akong maghanap sa Diyos. Gumugol ako ng maraming panahon sa pag-aaral ng teolohiya ngunit pagkatapos ng ilang taon, ang puso ko ay lalong naging tigang. Bago ako magsimulang magbasa ng mga aklat ng mga teoriyang relihiyoso, madalas kong sabihin na mamumuhay ako tulad ni Santong Damien, na hindi mapayapa nakatutulog sa isang magandang kama. Nangako ako na hindi ako maglalayaw, sa halip ay ganap itinalaga ko ang sarili sa mga nangangailangan.
Sa pagbabasa ko ng buhay ng santong ito, itinalaga kong mamuhay ng tulad niya. Sinubukan kong gumawa ng isang panatikong buhay para sa aking sarili. Nagawa kong lumuhod sa matigas na sementadong sahig at manalangin sa loob ng ilang oras sa isang pagkakataon lang. Pagkatapos, naramdaman kong higit na nagkaroon ng kahulugan ang aking mga panalangin at naramdaman kong higit na maganda ang aking pakiramdam pagkatapos.
Ngunit pagkatapos ng sampung taon, hindi ko na ito matagalan. Kaya nanalangin ako sa Diyos. “Diyos ko sa kalangitan, iligtas po Ninyo ako. Naniniwala ako sa Inyo ng buong puso. Alam ko na hindi ko mababago ang panata ko sa Inyo kahit na magtarak ang sinuman ng patalim sa aking lalamunan. Ngunit kahit na ako ay naniniwala sa Inyo ng buong puso, bakit tila may kulang pa? Bakit ako ay nakakaramdam ng pagkabigo? Bakit ako nagiging higit na masama kaysa dati? Hindi ko naisip noon ang tungkol sa kasalanan. Ako ay naniwala sa Inyo at ngayon ay nagtataka kung bakit ako naging higit na masama pagkatapos kong magkaroon ng pananampalataya sa Inyo sa loob ng maraming taon. Ano ang nangyayari sa akin?”
Pagkatapos ay nabatid ko ang dahilan. Ako ay naniwala sa Diyos na hindi nagliligtas sa aking mga kasalanan. Hindi ko batid ang katotohanan noon, at sapat na ito para ako ay maloko.
Kung may kasalanan pa ako sa aking puso, paano ko masasabi sa iba ang tungkol sa katubusan ng biyaya ng Diyos? Paano ko sasabihin sa iba na maniwala kay Jesus? Nanalangin ako ng paulit-ulit. “Diyos ko, darating ang panahon at ako ay magtatapos sa seminaryo at itatalaga bilang ministro. Ngunit kapag ako ay naging isang ministro na may kasalanan, paano ko masasabi sa mga makasalanan ang ukol sa kaligtasan? Ako mismo ay makasalanan at kapag binabasa ko ang mga Sulat ni Apostol Pablo, nababatid ko na kung sinuman ang walang Espiritu ni Cristo, hindi siya anak ng Diyos. Subalit gaano man kasigasig ang aking paghahanap, ang Espiritu ay wala sa akin. Noon pa ay nararamdaman ko na ito, ngunit ito ay nawala. Ano ang nangyari? Pakiusap sabihin Mo sa akin kung bakit, Panginoon.”
Sa katunayan, ang dahilan ay ang paglinlang ko sa aking sarili sa pag-iisip na ako ay tinubos na sa pamamagitan ng simpleng paniniwala kay Jesus. Dahil dito ako ay naghirap ng mahabang panahon.
Pinangako ng Diyos na magpapakita Siya sa mga matiyagang naghahanap sa Kanya. Kinatagpo Niya ako sa Kanyang katotohanan sa wakas. Ako ay nanatiling makasalanan sa loob ng sampung taon pagkatapos kong maniwala kay Jesus, ngunit nang matutunan ko ang lihim ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo, nang matuklasan ko ang kahulugan ng pagtutuli sa Lumang Tipan at ang espirituwal na pagtutuli sa Bagong Tipan, nang mapagtanto ko at paniwalaan ang lihim ng kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Kristo, lahat ng paghihirap ko ay nagwakas. Ang kaluluwa ko ay naging simputi ng niyebe.
Magiging ganito ka rin. Kapag ikaw ay naniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo, ikaw din ay mawawalan ng kasalanan. Ikaw ay maaaring manatiling hindi ganap, ngunit ikaw ay magiging matuwid. Kapag tinanggap ninyo ang katotohanang ito sa inyong puso at ipinaalam ito sa iba, sila rin ay maliligtas at magpupuri sa Diyos na humihiyaw ng “Alleluia!”
Gusto kong batiin ang lahat ng kapatid na naligtas. Pinupuri ko si Jesus sa pagliligtas sa ating lahat mula sa ating mga kasalanan. Alleluia! Tayo ay masayang naligtas mula sa lahat ng ating kasalanan.
Talagang isang dakilang pagpapala na hindi natin alam kung paano ipahahayag ang ating kaligayahan sa mga salita lamang. Umawit tayo ng isang awit ng sama-sama. “♫Ang Kanyang pangalan ay naging lihim, dahil hindi natin ipinahayag ang mga lihim sa bawat nilalang. Siya ay itinapon ng mga karpintero, ngunit ang kanyang pangalan ay naging mahalagang palamuti sa aking puso. ♫”
ANG BAUTISMO NI JESUS AT ANG KANYANG DUGO AY LABIS-LABIS NA UPANG ILIGTAS ANG LAHAT NG MAKASALANAN SA KANILANG MGA PAGKAKASALA
Ano ang nag-aalis ng lahat ng kasalanan sa ating mga puso?
Ang bautismo ni Jesus.
Hinugasan ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, Espirituwal na tinuli Niya tayo at ginawang Kanyang bayan. Siya ang Diyos ng mga isinilang na muli.
Naroon ang palaging paghahatol sa kasalanan. Nguni’t si Jesus ay binautismuhan at hinatulan sa Krus upang tayo’y maligtas. Sa pamamagitan ng Kanyang dugo, niligtas Niya tayong lahat at Siya’y muling nabuhay sa ikatlong araw. Ang Diyos Ama ang bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan.
Ang buhay ni Jesus ay ating buhay at tanda ng ating pagkabuhay bilang mga anak ng Diyos. Ang Bautismo Niya ang nag-alis ng lahat ng ating kasalanan at ang mahalagang dugo ni Jesus sa krus ang patotoo na pinasan Niya ang hatol para sa atin.
Mga minamahal na kaibigan, nasa inyo bang mga puso ang katibayan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo? Muli ko kayong tatanungin. Ang kaligtasan ba natin ay nagmumula lang sa dugo ni Jesus? Hindi. Ito ay magkasamang nagmumula sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo na .
SINO ANG EREHE?
Sino ang isang erehe?
Ang sumumpa ng kanyang sarili sa pamamagitan ng kabiguang maniwala sa bautismo ni Jesus.
Mga minamahal na kaibigan, kayo ba ay makasalanan pa rin kahit na araw-araw kayong nagpapahayag ng inyong pananampalataya kay Jesus? Kung kayo ay makasalanan kahit na kayo ay naniniwala kay Jesus, kayo ay isang erehe. Ang erehe ay ang hindi paniniwala sa katotohanan ng Diyos. Ang Tito 3:10 ay tumatalakay tungkol sa erehiya, “Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo. Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.”
Ang taong humahatol sa kanyang sarili ay nagsasabing, “Mahal kong Diyos! Ako ay isang makasalanan. Ako ay naniniwala sa Iyo, ngunit ako ay makasalanan pa rin. Anuman ang sabihin ng iba, ako ay isang makasalanan at batid kong ito ang katotohanan.”
Sinasabi ng Diyos sa kanya, “Ikaw ba ay makasalanan pa rin at hindi pa kabilang sa aking mga anak? Kung gayon, ikaw ay isang erehe, at ikaw ay dapat itapon sa apoy ng impiyerno.”
Kung naniniwala kayo kay Jesus at walang paniniwala sa bautismo ni Jesus sa inyong puso, kung hinahatulan mo ang iyong sarili bilang isang makasalanan at nangungumpisal sa Diyos na ang iyong espiritu ay may kasalanan, ikaw ay isang erehe sa harap ng Diyos.
SINO ANG MGA TUNAY NANANANAMPALATAYA?
Ano ang patotoo ng Diyos tungkol sa kaligtasan?
Ang tubig, ang dugo at ang Espiritu.
Lahat ng naniniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, lahat na naging bayan ng Diyos, at lahat ng nahugasan sa kanilang mga kasalanan ay matuwid. Paano ka magiging isang makasalanan habang naniniwala ka kay Jesus? Ang isang makasalanan ay hindi paghaharian ng Diyos.
Yaong mga naging matuwid sa paniniwala kay Jesus ay may patotoo ng Diyos sa kanilang mga puso. Ang patotoo ay ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo. Ang gawaing ito ng kaligtasan ay ang ginawa ni Jesu-Cristo dito sa mundo.
Samakatuwid, sinumang tumangging maniwala sa ebanghelyo ng bautismo kung saan inalis ni Jesus lahat ng kasalanan natin ay aalisin sa ilalim ng Diyos.
Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tinanggap na ba ninyo sa inyong puso ang ebanghelyo na ang kaligtasan ng mga makasalanan ay hindi lamang sa dugo ni Jesus, kundi pati sa tubig na siyang bautismo ni Jesus?
Sinumang naniniwala sa gawaing isinakatuparan ni Jesus dito sa mundo, at sinumang tumanggap sa tubig, sa dugo at sa Espiritu, ay maliligtas mula sa lahat ng kasalanan. Ito ang katotohanan at ang kaalaman ng ebanghelyo ng tubig, ng dugo at ng Espiritu.
Ganap tayong nilinis ni Jesus sa mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo upang ang buong sangkatauhan ay maligtas sa pamamagitan Niya. Ngayon, kung talagang naniniwala kayo kay Jesus, wala ng ibang paraan sa inyo na maging makasalanan.
Muling binuhay tayo ni Jesus mula sa mga patay. Iniligtas Niya ang lahat ng kaluluwang napalayo at nahiwalay sa Diyos dahil sa panlilinlang ng diyablo. Nais hanapin ni Jesus ang lahat ng mga naliligaw na kaluluwa. Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ni Jesus kasama ang ebanghelyo ng tubig, ng dugo at ng Espiritu. Tinawag Niya tayo at maaari na tayong matubos ngayon at maligtas sa pamamagitan Niya.
Naniniwala ka ba? Sinasabi ko sa inyo na ang kaligtaasan ay hindi lang sa dugo, kundi sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus. Yaong nagsasabi na sila ay naligtas lamang sa pamamagitan ng dugo ay dapat na kilalanin sila na may kasalanan sa kanilang mga puso.
Lahat tayo’y nag-iisip na sapat na ang maniwala sa dugo ni Jesus para sa ating ikaliligtas. Inisip natin ito noon, ngunit ngayon ay dapat nating matanto na hindi ito sapat. Tayo ay naligtas at naisilang na muli sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesu-Cristo, na Siyang dumating sa pamamagitan ng tubig, ng dugo, at ng Espiritu.
Bawat makasalanan ay maaaring maisilang na muli sa pamamagitan ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo (I Juan 5:5-10).
Purihin natin ang Diyos. Alleluia!