(Hebreo 7:1-28)
“Sapagka’t itong si Melquisedec, hari ng Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya’y pinagpala niya. Na siya naming binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya’y Hari ng katuwiran at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid ay Hari ng kapayapaan, na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa’t naging katulad ng Anak ng Dios) ay nanatiling saserdote magpakailanman. Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam. At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagamat ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham. Nguni’t yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala yaong may mga pangako. Datapuwa’t walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas. At dito’y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi, datapuwa’t doon ay ang isa na pinatutunayang nabubuhay. At sa makatuwid baga’y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi ay nagbayad ng ikasangpung bahagi. Sapagka’t siya’y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito’y salubungin ni Melquisedec. Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagka-saserdote ng mga Levita (sapagka’t sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan) anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagka-saserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagka-saserdote ni Aaron? Sapagka’t nang palitan ang pagka-saserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan. Sapagka’t yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma’y hindi naglilingkod sa dambana. Sapagka’t maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda, na tungkol sa angkang yao’y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote. At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan. Sapagka’t pinatotohanan tungkol sa kaniya, ‘Ikaw ay saserdote magpakailanman, ayon sa pagka-saserdote ni Melquisedec.’ Sapagka’t napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan (sapagka’t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal) at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios. At yamang yao’y hindi naging sa walang sumpa (sapagka’t sila’y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa, datapuwa’t siya’y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, ‘Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, ikaw ay saserdote magpakailanman), ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan. At katotohanang sila’y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka’t dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy. Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailanman ay may pagka-saserdote siyang di mapapalitan. Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging nabubuhay Siya upang mamagitan sa kanila. Sapagka’t nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang laong mataas pa kay sa mga langit. Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una’y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan, sapagka’t ito’y ginawa Niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang Kaniyang sarili. Sapagka’t inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan, nguni’t ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man.”
NAGMINISTERYO SI JESUS SA MAKALANGIT NA PAGKA-SASERDOTE
Sino ang nakatataas, ang punong saserdoteng si Melquisedec o ang panlupang punong saserdoteng si Aaron?
Ang punong saserdoteng si Melquisedec.
Sa Lumang Tipan, mayroong isang punong saserdoteng nagngangalang Melquisedec. Sa panahon ni Abraham, si Chedorlaomer at ang mga haring kaanib niya ay kinuha lahat ng kagamitan ng Sodom at Gomora at lahat ng kanilang mga pagkain at tumakas. Pinagdala ni Abraham ng mga armas ang mga lingkod niyang sinanay, na isinilang sa kanyang sambahayan, at pinamunuan sila sa digmaan.
Doon, ay tinalo niya si Chedorlaomer, ang hari ng Elam, at ang mga kaanib na hari nito at ibinalik ang kanyang pamangking si Lot at ang kanyang mga ari-arian. Nang bumalik si Abraham mula sa pagkapanalo sa kanyang mga kaaway, si Melquisedec, ang hari ng Salem at ang saserdote ng kataastaasang Diyos, ay nagdala ng tinapay at alak at pinagpala si Abraham. At ibinigay ni Abraham sa kanya ang ikasampu ng lahat ng bagay (Genesis 14).
Sa Biblia, ang kadakilaan ng punong saserdoteng si Melquisedec at ang mga punong saserdote sa ilalim ng pamunuan niya ay detalyeng isinalarawan. Ang punong saserdoteng si Melquisedec ay ang “hari ng kapayapaan,” “hari ng katarungan,” walang ama, walang ina, wala talaan ng angkan. Wala kahit simula ng araw o ni katapusan man ng buhay, ngunit ginawang tulad ng Anak ng Diyos, at siya ay nanatiling saserdote ng walang hanggan.
Sinasabi sa atin ng Biblia na maingat na kinilala ang kadakilaan ni Jesu-Cristo, na Siyang punong saserdote sa pamunuan ni Melquisedec, sa pamamagitan ng paghahambing ng pagka-saserdote ni Jesus sa Bagong Tipan at ang kay punong saserdoteng Aaron sa Lumang Tipan.
Ang angkan ni Levi ay naging mga saserdote at naglikom ng ikapu mula sa mga tao, na siya nilang mga kapatid, kahit na sila ay nagmula kay Abraham. Ngunit nang si Abraham ay magbigay ng kaloob sa punong saserdoteng si Melquisedec, si Levi ay nananatili pa sa katawan ng kanyang ama.
Ang mga saserdote ba noon sa Lumang Tipan ay higit na dakila kaysa kay Jesus? Ito ay pinaliwanag sa Biblia. Si Jesus ba ay higit na dakila kaysa sa mga panlupang punong saserdote? Sino ang dapat pagpalain nino? Ang manunulat ng Hebreo ay tinalakay ito mula sa simula. “Datapuwa’t walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.” Si Abraham ay pinagpala sa pamamagitan ng punong saserdoteng Melquisedec.
Paano tayo mamumuhay sa ating pananampalataya? Dapat ba tayong umasa sa mga utos ng Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog sa banal na tabernakulo sa Lumang Tipan, o dapat tayong umasa kay Jesu-Cristo na naparito sa atin bilang makalangit na punong saserdote sa pamamagitan ng Kanyang paghahandog ng tubig at ng Espiritu.
Maliban na lang kung alin ang pipiliin natin, tayo ay pagpapalain o susumpain. Namumuhay ba tayo ayon sa salita ng Diyos at nag-aalay ng handog araw-araw, o higit pinipili natin na maniwala sa kaligtasang binigay ni Jesus sa atin sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili sa minsan lamang kasama ang tubig at ang dugo? Dapat tayong mamili ng isa sa dalawang ito.
Sa panahon ng Lumang Tipan, ang bayan ng Israel ay gumagalang sa angkan nina Aaron at Levi. Sa panahon ng Bagong Tipan, kapag tayo ay tinatanong kung sino ang higit na dakila, si Jesus o ang mga saserdote sa pamunuan ni Aaron, at wala ng tanung-tanong, makasasagot tayo na si Jesus ang higit na dakila. Ngunit habang ang mga tao’y di-nababatid ito ng malinaw, iilan lamang ang susunod dito sa kanilang pananampalataya.
Ang Biblia ay nagbibigay sa atin ng isang tiyak na kasagutan sa tanong na ito. Sinasabi nito sa atin na si Jesus, na siyang nagmula sa ibang angkan na di naman naglingkod sa altar, ang gumanap bilang makalangit na saserdote. “Sapagka’t ng palitan ang pagka-saserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.”
Binigay ng Diyos sa bayan ng Israel ang kautusan at ang 613 na detalyadong artikulo ng Batas sa pamamagitan ni Moises. Sinabi ni Moises sa mga tao na mamuhay ayon sa kautusan at mga batas at ang mga tao’y sumang-ayon na gawin iyon.
Bakit isinantabi ng Diyos ang unang kasunduan at itinatag ang ikalawa?
Dahil ang tao ay lubhang napakahina para mamuhay ayon sa unang kasunduan.
Sa Biblia, ang bayan ng Israel ay nanumpag mamuhay sa kautusan ng Diyos ayon sa Pentateuch: Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang at Deuteronomio. Pinahayag ng Diyos ang bawat isang kautusan sa kanila at sila’y walang-pasubaling sumagot ng “Opo” sa bawat isang utos.
Ngunit makikita natin na pagkatapos ng Deuteronomio, mula sa Josue at sa mga sumusunod, sila ay hindi namuhay ayon sa kautusan ng Diyos. At mula sa mga Hukom hanggang sa I Hari at II Hari, sila ay nagsimulang mawalan ng tiwala sa kanilang mga pinuno, at di-naglaon, sila ay nasira hanggang sa baguhin ang pamamaraan ng paghahandog sa banal na tabernakulo.
At sa huli sa Malakias, nagdala sila ng mga hayop na hindi karapat-dapat na ialay sa kabila ng utos ng Diyos na mag-alay ng isang walang kapintasan. Hinihiling nila sa mga saserdote, “Pakiusap huwag na ninyong pansinin ito. Pakiusap tanggapin ninyo na lang ito.” Sa halip na mag-alay ng mga hain ayon sa utos ng Diyos, binago nila ito nang biglaan.
Ang bayan ng Israel ay ganap na hindi tumupad sa utos ng Diyos kahit minsan sa panahon ng Lumang Tipan. Kinalimutan nila at hindi pinansin ang kaligtasang ipinahayag sa pamamaraan. Samakatuwid kailangang baguhin ng Diyos ang pamamaraan ng pagsahandog. Sa Jeremias, sinabi ng Diyos, “Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.”
Tingnan natin ang Jeremias 31:31-34. “Narito ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda. Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan Ko sa kanilang mga magulang sa araw na Aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto na Aking tipan ay kanilang sinara, bagaman Ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na Aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang Aking kautusan sa kanilang kalooban, at Aking isusulat sa kanilang puso, at Ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging Aking bayan. At hindi na magtuturo ng bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon, sapagka’t makikilala nilang lahat Ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon, sapagka’t Aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi Ko aalalahanin.”
Sinasabi ng Diyos na gagawa Siya ng bagong tipan, nakagawa na Siya ng pakikipagtipan sa bayan ng Israel, ngunit sila ay nabigong mamuhay sa salita ng Diyos. Sa gayon pinasiya Niya na gumawa ng bagong pakikipagtipan ng kaligtasan para Kanyang bayan.
Sila ay sumumpa sa harap ng Diyos, “Kami ay sasamba lamang sa Inyo at mamumuhay sa Inyong mga Salita at kautusan.” Sinabi ng Diyos sa kanila, “Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin,” at sinabi ng mga Israelita, “Tiyak, hindi kami sasamba sa ibang diyos. Ikaw lang ang nag-iisang Diyos namin.” Ngunit sila ay nabigong tuparin ang kanilang sinumpaan.
Ang sentro ng kautusan ay binubuo ng Sampung Utos: “Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin. Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya’y larawan o rebulto ng anumang nilalang at huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa mga ito. Italaga ninyo sa Akin ang Araw ng Sabat. Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalan ng Panginoon. Igalang ninyo ang inyong ama’t ina. Huwag kayong papatay. Huwag kayong mangangalunya. Huwag kayong magnanakaw. Huwag kayong sasaksi sa di-katotohanan laban sa inyong kapwa. Huwag ninyong pag-iimbutan ang sambahayan ng inyong kapwa” (Exodo 20).
Ito rin ang hinati-hati sa 613 detalyadong artikulo na siyang dapat panatilihin sa buong buhay nila. “Ano ang di-dapat gawin sa mga anak na babae, ano ang di-dapat gawin sa mga anak na lalaki, ano ang dapat gawin sa mga hindi tunay na ina…” Ang kautusan ng Diyos ay nag-uutos sa kanila na gawin lahat ng mabubuting bagay at huwag gawin ang masasamang bagay. Ito ang Sampung Utos at 613 detalyadong mga artikulo.
Ngunit sa buong sangkatauhan, wala ni isa man ang nakapamuhay sa lahat ng artikulo ng Kanyang utos. Samakatuwid kailangang magpasya ang Diyos ng isa pang paraan upang sila ay maligtas mula sa lahat ng kasalanan.
Kailan nabago ang pagka-saserdote? Pagkatapos naparito sa lupa si Jesus kung saan ang pagka-saserdote ay nabago. Inako ni Jesus ang pagka-saserdote mula sa mga saserdote sa alinsunod kay Aaron. Isinantabi niya ang handog sa tabernakulo na siyang karapatang minana ng mga saserdote sa alinsunod kay Levi. Siyang mag-isa ang naglingkod bilang makalangit na kataas-taasang saserdote.
Dumating Siya rito sa lupa, hindi bilang angkan ni Aaron, kundi bilang angkan ni Juda, ang sambahayan ng mga hari. Inalay Niya ang Kanyang sarili bilang handog sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa krus at iniligtas ang buong sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan.
Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili, ginawa Niyang posible sa atin na malutas ang suliranin ng kasalanan. Hinugasan Niya lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng handog ng Kanyang bautismo at dugo. Inalay Niya nang pang-habang panahon ang iisang walang hanggang handog para sa kasalanan.
KAALINSABAY NG PAGBABAGO SA PAGKA-SASERDOTE AY ANG PAGBABAGO NG KAUTUSAN
Ano ang binago sa kautusan ng kaligtasan?
Ang nag-iisang walang hanggang handog ni Jesu-Cristo.
Minamahal na mga kaibigan, ang pagka-saserdote sa Lumang Tipan ay nagbago sa Bagong Tipan. Sa panahong ng Lumang Tipan, ang punong saserdote sa angkan ni Aaron, sa sambahayan ni Levi, ay nag-alay ng handog para pagbayaran ang mga kasalanan ng mga Israelita sa loob ng nakaraang taon. Ang punong saserdote ay pumapasok sa Pinakabanal na Dako. Tumutungo siya sa luklukan ng awa na may haing hayop. Tanging ang saserdote lang ang maaaring dumaan sa tabing, na siyang Pinakabanal na Dako.
Ngunit nang dumating sa Jesus, ang pagka-saserdote ni Aaron ay nilipat sa Kanya. Inako ni Jesus ang walang-hanggang pagka-saserdote. At naglingkod Siya bilang walang-hanggang saserdote sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili, upang ang buong sangkatauhan ay maligtas mula sa kanilang mga kasalanan.
Sa Lumang Tipan, ang punong saserdote ay dapat ding magbayad sa kanyang mga kasalanan sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ulo ng toro bago siya makapaglingkod sa lahat ng tao. Inililipat niya ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay at nagsasabing, “Diyos ko, ako ay nagkasala.” Pagkatapos ay papatayin niya ang hayop at pitong beses na ibubuhos ang dugo sa harap ng luklukan ng awa.
Kung ang punong saserdoteng Aaron mismo ay hindi ganap, maiisip mo kung gaano ang kahinaan ng mga tao. Ang anak ni Levi, ang punong saserdoteng Aaron mismo ay isang makasalanan, kaya kailangan niyang mag-alay ng isang toro upang magbayad sa sarili niyang kasalanan at sa kanyang sambahayan.
Sinabi ng Panginoon sa Jeremias 31, “Sisirain ko ang tipanan. Ako ay nakipagtipan sa inyo, ngunit hindi ninyo ito tinupad. Samakatuwid ay isasantabi ko ang tipanang hindi makapagpapaging-banal sa inyo at ibibigay ko ang bagong tipanan ng kaligtasan. Hindi ko na kayo ililigtas sa pamamagitan ng aking kautusan, kundi sa halip ay ibibigay ko ang kaligtasan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.”
Binigay ng Diyos sa atin ang bagong tipanan. Nang dumating ang tamang panahon, bumaba dito sa mundo si Jesus na wangis ng tao, inalay ang Kanyang sarili upang alisin ang mga kasalanan ng mundo at nagbubo ng dugo sa krus upang iligtas tayong mga naniniwala sa Kanya. Inalis niya lahat ng mga kasalanan ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Ang utos ng Diyos ay isinantabi at pinalitan. Ang bayan ng Israel ay maaari sanang maligtas kung sila ay namumuhay ayon sa utos ng Diyos, ngunit sila ay nabigo. “… sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakakilala ng kasalanan” (Roma 3:20).
Nais ng Diyos na ang mga Israelita’y makabatid na sila ay makasalanan at ang kautusan ay hindi makapagliligtas sa kanila. Niligtas Niya sila sa pamamagitan ng kaligtasan sa pamamagitan ng kautusan ng kaligtasan sa tubig at sa Espiritu, hindi sa kanilang mga gawa. Sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, binigyan tayo ng Diyos ng bagong tipanan kung saan tayo ay maliligtas mula sa lahat ng kasalanan sa mundo sa pamamagitan ng bautismo at ng dugo ni Jesus.
Kung naniniwala ka kay Jesus samantalang hindi nalalaman ang kahulugan ng Kanyang bautismo at dugo, ang lahat ng pananampalataya mo ay walang halaga. Kapag ginawa mo iyon, ikaw ay lalong maliligalig kaysa noong hindi ka pa naniniwala kay Jesus.
Sinabi ng Diyos na kailangan Niyang gumawa ng bagong pakikipagtipan upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan. Sanhi nito, tayo ngayon ay ligtas na hindi dahil sa batas ng ating mga gawa, kundi dahil sa makatarungang batas ng kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo.
Pinangako Niya ito at tinupad ang Kanyang pangako para sa ating mga naniniwala kay Jesus. At sinabi Niya sa atin ang ukol sa kadakilaan ni Jesus. Sinabi Niya sa atin kung gaano Siya kadakila kung ihahambing Siya sa mga saserdote alinsunod kay Aaron sa Lumang Tipan.
Tayo ay naging katangi-tangi dahil sa pananalig sa kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo ni Jesus. Isipin mo ito. Gaano man kaalam at ang kagalingang magsalita ng inyong pastor, paano siya makahihigit ng kadakilaan kaysa kay Jesus? Walang ibang paraan. Tayo ay maliligtas lang sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng dugo, hindi sa simpleng pagsunod lang sa kautusan ng Diyos. Dahil nabago ang pagka-saserdote, ang batas ng kaligtasan ay nabago rin.
ANG KAHIGTAN NG PAG-IBIG NG DIYOS
Alin ang nakahihigit, ang pag-ibig ng Diyos o ang kautusan ng Diyos?
Ang pag-ibig ng Diyos.
Tayo ay maliligtas lang kapag tayo ay naniwala kay Jesus. Sa kaalamang kung paano tayo niligtas ni Jesus, gaano nga kadakila ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Kung gayon, ano ang kaibhan ng pananampalataya sa mga utos at pananampalataya sa kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos?
Ang mga legalista ay higit na nagpapahalaga sa kanilang sarili mga doktrinang denominasyonal at sa mga personal na karanasan kaysa sa salita ng Diyos. Habang ang espirituwal na pananampalataya kay Jesus ay ang paniniwala sa kadakilaan ng kaligtasang isinakatuparan sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.
Kahit ngayon, maraming tao ang nagsasabi na ang orihinal na kasalanan ay pinatawad na, ngunit kailangan pa rin nilang magsisi araw-araw para sa kanilang araw-araw na kasalanan. Maraming tao ang naniniwala rito at pinipilit na mamuhay ayon sa mga utos ng Lumang Tipan. Hindi pa rin nila batid ang tungkol sa kagalingan ng kaligtasan ni Jesus na dumating sa tubig at sa Espiritu.
Sa Lumang Tipan, ang mga Israelita ay kailangang mabuhay ayon sa batas ng Diyos upang maligtas sa kanilang mga kasalanan, ngunit sila ay hindi ligtas. Dahil alam ng Panginoon ang ating mga kahinaan at pagiging di-ganap, isinantabi Niya ang Kanyang mga utos. Hindi na tayo maliligtas sa pamamagitan ng ating mga gawa. Sinabi ni Jesus na ililigtas Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinabi Niya, “Ako mismo ang tutubos sa inyong mga kasalanan.” Binanggit ito ng Diyos sa Genesis.
“At papagaalitin Ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi, ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng Kaniyang sakong” (Genesis 3:15). Pagkatapos magkasala at bumagsak sina Adan at Eba, gumawa sila ng saplot na gawa sa mga dahon ng igos upang itago ang pagiging makasalanan nila sa Diyos. Ngunit tinawag sila ng Diyos at gumawa ng saplot na balat bilang simbolo ng kaligtasan. Tumalakay ang Genesis ng tungkol sa dalawang uri ng saplot ng kaligtasan. Ang isa ay gawa sa dahon ng igos, at ang isa ay gawa sa balat. Alin sa palagay mo ang higit na mainam? Siyempre, ang saplot na gawa sa balat ang higit na mabisa dahil ang buhay ng isang hayop ay inialay upang lingapin ang tao.
Ang mga saplot na gawa sa dahon ng igos ay malalanta pagdating ng araw. Kung inyong nababatid, ang dahon ng igos ay parang kamay na may limang daliri. Kaya, ang pagsusuot ng saplot na gawa sa dahon ng igos ay nangangahulugan ng pagtatago ng kasalanan sa ilalim ng mabubuting gawa. Kung magsusuot kayo ng saplot ng dahon ng igos at mauupo, ang mga dahon ay magkakapira-piraso. Nasanay ako na gumawa ng baluti na gawa sa dahon ng araru upang maglaro bilang sundalo noong ako’y bata pa. Ngunit gaano man kaingat ang pagsusuot ko sa mga ito, ito ay nasisira pagdating ng hapon. Gayundin, ang mahinang laman ng tao ang siyang humahadlang upang tayo’y mapaging-banal.
Ngunit ang kaligtasan sa tubig at sa dugo, ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang kamatayan sa krus ay nagligtas ng marami pang makasalanan kaysa sa nararapat upang mapatotohanan ang kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos. Ganoon ang bisa ng pag-ibig ng Diyos kaysa sa utos ng Diyos.
YAONG MAY PANANAMPALATAYA PA SA KAUTUSAN NG DIYOS
Bakit ang mga legalista ay nagbabagong bihis sa kanilang mga gawa araw-araw?
Dahil hindi nila alam na ang kanilang mga gawa ay hindi makapagpapatuwid sa kanila.
Yaong gumagawa ng kanilang kasuotan na gawa sa dahon ng igos ay nangungunang mamuhay bilang legalista. Yaong mananampalatayang ligaw ay laging dapat na magbagong bihis. Kailangan nilang gumawa ng mga bagong kasuotan tuwing linggo kapag sila’y nagtutungo sa iglesya. “Diyos ko, ako ay nagkasala ng marami noong nakaraang linggo. Ngunit Panginoon, naniniwala ako na niligtas mo na ako sa krus. Panginoon, hugasan mo po ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo sa krus!” Sila ay naghahabi ng panibagong kasuotan doon sa mismong oras na yaon. “O, purihin ang Panginoon. Alleluia!”
Ngunit di-maglalaon ay kailangan na naman nilang gumawa ng panibagong pangkat ng kasuotan sa bahay. Bakit? Dahil ang mga luma nila ay nasira na. “Diyos ko, ako ay nagkasalang muli sa loob ng nakaraang tatlong araw. Patawarin Mo po ako.” Sila ay gumagawa at nagsusuot ng panibagong kasuotan ng pagsisisi nang paulit-ulit.
Sa simula, ang mga kasuotan ay maaaring tumagal ng ilang araw, ngunit pagkatapos, kailangan na naman nila ng bagong kasuotan. Tulad ng kawalan nila ng kakayahang mamuhay ayon sa kautusan ng Diyos, sila rin ay nahihiya sa kanilang mga sarili. “O, ito’y tunay ngang kahiya-hiya. Panginoon, O, Panginoon, ako ay nagkasala!” At kailangan nilang gumawa ng panibagong kasuotan ng pagsisisi. “O, Panginoon, tunay ngang napakahirap na gumawa ng kasuotang gawa sa dahon ng igos ngayon.” Sila ay nagsisikap na maghabi ng panibagong kasuotan.
Sa tuwing ang mga gayong tao ay tumatawag sa Panginoon, ito’y upang magsisi sa kanilang mga kasalanan. Kinakagat nila ang kanilang mga labi at tumatawag sa Diyos, “Diyo~s!” at patuloy na gumagawa ng bagong kasuotan araw-araw. Pagkatapos, ano ang nangyayari kapag sila’y napagod dito?
Minsan o dalawang beses sa isang taon, sila ay aakyat sa kabundukan at nag-aayuno. Sila’y nagpipilit at gumagawa ng matitibay na mga kasuotan. “Panginoon, hugasan Mo po ang aking mga kasalanan. Gawin Mo po akong bago. Ako ay naniniwala sa Inyo, Panginoon.” Iniisip nilang mas maigi na manalangin sa gabi. Kaya sila ay nagpapahinga sa araw-araw at sa oras na kumagat ang dilim, sila ay kumakapit sa mga puno ng buo nilang lakas, o nagtutungo sa mga kuweba at sumisigaw sa Diyos. “Panginoon, ako ay naniniwala!” “♫Ako’y nasisisi at punuin ang aking puso ng pagsisisi♫” Sila ay nananalangin at sumisigaw ng malakas, “Ako ay naniniwala.” Sa paraang ito, sila ay nakagagawa ng mga katangi-tanging kasuotan na inaasahan nilang magtatagal, ngunit sila’y mabobigo.
O, tunay ngang nakapagpapalakas pagkatapos ng pananalangin sa kabundukan! Tulad ng hanging nakapagpapalamig, o tulad ng umaagos na ulan na pumapatak sa mga puno at mga bulaklak. Ang kanilang mga kaluluwa ay puno ng kapayapaan at pagpapala ng Maykapal. Sa pakiramdam na dalisay higit pa sa espiritu sa kabundukan, hinaharap nila ang mundo na suot-suot ang natatanging bagong kasuotan.
Ngunit sa oras na bumalik sila sa kanilang sambahayan at iglesya, at magsimulang mamuhay muli, ang mga kasuotan ay nagiging marumi at nagsisimulang masira.
Tinatawag sila ng kanilang mga kaibigan, “Saan ka nanggaling?”
“Ako ay nawala lang pansamantala.”
“Parang pumayat ka yata!”
“Tama pero iyon ay iba pang kuwento.”
Hindi nila ipinagtatapat na sila ay nag-ayuno, pumunta lang sila sa iglesya at nananalangin. “Hindi na ako magnanasa sa mga babae. Hindi na ako magsisinungaling. Hindi na ako mag-iimbot sa sambahayan ng aking kapwa. Iibigin ko lahat ng tao.”
Ngunit sa oras na makakita sila ng isang maganda at madibdib na babaeng may balingkinitang binti, ang kabanalan sa kanilang mga puso ay biglang nagbabago tungo sa kalaswaan. “Tingnan mo kung gaano kaikli ang paldang iyon! Ang mga palda ngayon ay paikli ng paikli! Kailangan makita kong muli ang mga binting iyon! O! Hindi! O Panginoon! Ako’y nagkasalang muli!”
Ang mga legalista ay mukhang banal, ngunit dapat mong malaman na kailangan nilang magbagong bihis araw-araw. Ang legalismo ay ang pananampalataya sa kasuotang gawa sa dahon ng igos, ang maling pananampalataya. Maraming tao ang nagpipilit na mamuhay na banal ayon sa kautusan ng Diyos. Sila ay umaatungal ng buong lakas sa kabundukan upang ang kanilang tinig ay magmukhang banal.
Ang mga legalista ay nagmumukhang kahanga-hanga kapag sila ay namumuno sa mga panalanginan sa iglesya. “Banal na Ama sa kalangitan! Kami ay nagkasala sa nakaraang linggong ito. Patawarin Mo kami…” Sila ay umiiyak at ang kapisanan ay sumusunod naman. Inaakala nila sa sarili na, “Maaaring mahabang panahon ang ginugol niya sa panananalangin sa kabundukan at sa pag-aayuno. Siya’y mukhang banal at matapat.” Ngunit dahil ang kanyang pananampalataya ay legalismo, bago pa man matapos ang pananalangin, ang puso ng legalista ay nagsisimulang mapuno ng kapalaluan at kasalanan.
Kapag ang mga tao’y gumagawa ng mga natatanging bagong kasuotan na gawa sa dahon ng igos, maaaring tumagal ito ng dalawa o tatlong buwan. Ngunit di-maglaon, ang kasuotan ay magiging basahan at kailangan nila muling gumawa ng bagong kasuotan at magpatuloy sa pamumuhay nilang kaimbabawan. Ganito ang buhay ng mga legalistang nagpipilit mamuhay ayon sa kautusan upang maligtas. Kailangan nilang magpatuloy sa paggawa ng bagong kasuotan gawa sa dahon ng igos.
Ang legalismo ay ang pananampalataya sa dahon ng igos. Sasabihin sa iyo ng mga legalista, “nagkasala kayong lahat sa loob ng nakaraang linggo, hindi ba? Kung gayon, magsisi ka.”
Sila ay sisigaw sa iyo sa malakas na tinig. “Magsisi ka! Manalangin ka!”
Ang isang legalista ay nakababatid kung paano magmumukhang banal ang kanyang tinig. “Panginoon! Patawarin mo ako. Hindi ako namumuhay ayon sa Batas. Hindi ko pinanatili ang Inyong mga kautusan. Patawarin Mo ako Panginoon, patawarin Mo akong muli.”
Hindi sila makapamuhay ayon sa Batas kahit na magiting nilang pilitin. Sa katunayan, hinahamon nila ang batas ng Diyos at ang Diyos mismo. Sila ay palalo sa harap ng Diyos.
ANG MGA TULAD NI CHUDAL BAE
Bakit isinantabi ng Diyos ang Kautusan?
Dahil wala itong silbi upang iligtas tayo sa kasalanan.
Mayroong isang batang lalaki na nagngangalang Chudal Bae. Noong 1950, sa panahon ng Digmaang Koreano, ang mga sundalong komunista ay dumating at inutos sa kanya na walisin ang bakuran sa araw ng Sabat sa layuning agawin ang kanyang matibay na pananampalatayang panrelihiyon at gawin siyang isang komunista. Ngunit ang relihiyosong batang lalaki na ito ay tumangging sumunod sa mga utos nila. Sila ay nagpilit, ngunit ang batang lalaki ay tumanggi pa rin.
Sa huli, ginapos siya ng mga sundalo sa isang puno at tinutukan ng mga baril. “Ano ang gusto mo, magwalis ng bakuran o mamatay?”
Nang sapilitang hingan ng desisyon, sinabi niya, “Mas nanaisin kong mamatay kaysa gumawa sa banal na araw ng Sabat.”
“Nakapamili ka na, at kami ay nagagalak na pilitin ka.”
At binaril nila siya. Di-naglaon, ang mga pinuno ng iglesya ay itinalaga siya bilang diakonong postumo upang alalahanin ang kanyang matibay na pananampalatayang panrelihiyon.
Ngunit ang kanyang pananampalatayang panrelihiyon ay ligaw. Bakit hindi na lang siya nagwalis ng bakuran at nangaral ng ebanghelyo sa mga sundalong iyon? Bakit kinailangan pa niyang magmatigas at mamatay para rito? Pupurihin ba siya ng Diyos sa hindi paggawa sa araw ng Sabat? Hindi.
Dapat tayong manguna sa buhay na espiritwal. Hindi ang ating mga gawa kundi ang ating pananampalataya ang mahalaga sa harapan ng Diyos. Ang mga pinuno ng iglesya ay nais na ipagdiwang ang mga tulad ni Chudal Bae dahil nais nilang ipakita ang pagkamataas at pagkaortodokso ng sarili nilang denominasyon. Ito’y tulad ng mga mapag-imbabaw na Fariseo na naghamon kay Jesus.
Wala tayong matututunan sa mga legalista. Dapat nating matutunan ang tungkol sa pananampalatayang pang-espirituwal. Dapat nating pagnilayan kung bakit si Jesus ay kailangang bautismuhan at magbubo ng dugo sa krus, at alamin ang kalikasan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat nating subukang humanap ng mga kasagutan sa mga katanungang iyon sa simula, at pagkatapos ay ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng tao sa mundo, upang sila ay maisilang muli. Dapat nating italaga ang ating mga buhay sa gawaing espirituwal.
Kapag sinabi sa iyo ng isang mangangaral, “Tularan mo ang batang lalaking si Chudal Bae. Panatilihin mo ang kabanalan ng araw ng Sabat,” nais lang niyang padaluhin ka sa iglesya tuwing linggo.
Narito pa ang isang kuwento. Mayroong isang babae na kailangang dumaan sa maraming pagsubok upang makadalo sa iglesya tuwing Linggo. Ang mga biyenan niya ay hindi Kristiyano, at sila’y nagsisikap na pigilin siyang dumalo sa iglesya. Sinabi nilang magtrabaho siya ng Linggo. Ngunit nagtatrabaho siya sa bukid sa gabi ng Sabado sa ilalim ng buwan upang wala nang maidahilan ang pamilya para pigilan siyang dumalo sa iglesya tuwing Linggo.
Siyempre, mahalagang dumalo sa iglesya, ngunit sapat na bang dumalo sa pagsamba tuwing Linggo para ipakita kung gaano tayo katapat? Ang tunay na matapat ay yaong mga isinilang sa tubig at sa Espiritu. Ang tunay na pananampalaya ay nagsisimula kapag ang isa ay muling isinilang.
Makaliligtas ka ba sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa kautusan ng Diyos? Hindi. Hindi ko sinasabi sa inyo na ipag-walang bahala ang Batas, ngunit alam nating lahat na imposible sa tao na panatilihin ang lahat ng Artikulo ng Batas.
Sinasabi sa Santiago 2:10, “Sapagka’t ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay magiging mkas sa lahat.” Samakatuwid, isipin mo muna kung paano ka maliligtas muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Pagkatapos, dumalo ka sa iglesya kung saan maririnig mo ang ebanghelyo. Ikaw ay makapamumuhay ng matapat pagkatapos mong maisilang na muli. Pagkatapos, kapag tumawag ang Panginoon ikaw ay tutungo sa Kanya ng may kagalakan.
Huwag mong sayangin ang iyong oras sa pagdalo sa mga huwad na iglesya, huwag mong sayangin ang iyong salapi sa paghahandog sa maling paraan. Ang mga huwad na saserdote ay hindi makapipigil sa iyo na mapunta sa impiyerno. Pakinggan mo muna ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ikaw ay isisilang na muli.
Isipin mo ang dahilan ng pagparito ni Jesus dito sa lupa. Kung tayo’y makakapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa kautusan, hindi na sana Siya naparito sa lupa. Nang Siya ay dumating, nagbago ang pagka-saserdote. Ang legalismo ay naging isang bagay sa nakaraan. Bago tayo maligtas, akala natin ay maliligtas tayo sa pamumuhay ayon sa kautusan. Ngunit ito’y hindi na simbolo ng tunay na pananampalataya.
Iniligtas tayo ni Jesus sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig, sa pamamagitan ng tubig ng Kanyang bautismo, ng Kanyang dugo at Espiritu. Sinakatuparan Niya ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Jordan, ng Kanyang dugo sa krus, at ng Kanyang muling pagkabuhay.
Isinantabi ng Diyos ang mga dating panuntunan dahil lahat ng ito’y mahina at wala nang silbi. “Sapagkat ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal, at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit sa Dios. At yamang yao’y hindi naging sa walang sumpa sapagka’t sila’y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa” (Hebreo 7:19-20). Si Jesus ay nanumpa at niligtas tayo sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Ang pagmamartir dahil sa legalismo ay isang kamatayang walang ibubunga, at ang tanging tunay na pananampalataya ay ang paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espritu.
Dapat tayong magkaroon ng mabungang pananampalataya. Ano sa palagay mo ang makabubuti sa iyong kaluluwa? Mas maigi bang dumalo sa iglesya ng regular at mamuhay ayon sa kautusan o mas mabuting dumalo sa iglesya ng Diyos kung saan ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at Espiritu ay ipinangangaral, upang ikaw ay muling maisilang? Anong iglesya at sinong mangangaral ang mas makabubuti sa iyong kaluluwa? Pag-isipan mo ito at mamili ka ng isa na higit na makabubuti sa iyong kaluluwa.
Ililigtas ng Diyos ang iyong kaluluwa sa pamamagitan ng isang mangangaral na may mga salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bawat isa ay kailangang umako ng responsibilidad para sa sarili niyang kaluluwa. Ang tunay na matalinong may paniniwala ay yaong itinatalaga ang kanyang kaluluwa sa Salita ng Diyos.
SI JESUS AY NAGING SASERDOTE SA PAMAMAGITAN NG PANUNUMPA
Ang angkan ba sa alituntuni ni Levi ay naging saserdote sa pamamagitan ng isang panunumpa?
Hindi. Tanging si Jesus lang ang naging saserdote sa pamamagitan ng isang panunumpa.
Sinasabi ng Hebreo 7:20-21, “At yamang yao’y hindi naging sa walang sumpa sapagka’t sila’y sa katotothanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa, datapuwa’t siya’y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa Kaniya, ‘Sumumpa ang Panginoon at hindi Siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man.’”
Tulad ng sinasabi sa Mga Awit 110:4, “Sumumpa ang Panginoon at hindi magsisisi, ‘Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagka-saserdote ni Melquisedec.’” Ang Panginoon ay gumagawa ng panata. Gumawa Siya ng tipan sa atin at ipinakita ito sa atin sa pamamagitan ng nasusulat na Salita. “Ako ay magiging walang hanggang Punong Saserdote sa panunuran ni Melquisedec. Si Melquisedec ay hari ng katarungan, hari ng kapayapaan at ang punong saserdote magpakailanman. Ako ang magiging walang hanggang Punong Saserdote sa panunuran ni Melquisedec para sa inyong kaligtasan.”
Si Jesus ay dumating dito sa mundo at naging katiyakan ng lalong mabuting tipan (Hebreo 7:22). Sa halip na dugo ng mga tao at kambing, inalay Niya ang Kanyang sarili bilang handog sa pamamagitan ng pagkabautismo at pagbubo ng dugo sa krus upang hugasan lahat ng ating mga kasalanan.
Sa panahon ng Lumang Tipan, kapag namatay ang punong saserdote, ang kanyang anak na lalaki ang magpapatunay ng pagka-saserdote kapag siya ay 30 taong gulang. Kapag siya ay tumanda at ang kanyang anak ay tumuntong sa gulang na 30, ipapasa niya ang pagka-saserdote sa kanyang anak.
Mayroong malaking angkan ang punong saserdote. Kaya bumuo ng isang pamamaraan si David kung saan lahat sila’y gaganap ng bahagi bilang saserdote na sunod-sunod. Tulad ng angkan ni Aaron na itinalaga bilang saserdote, sila ay may karapatan at gawaing maglingkod sa pagka-saserdote. Sinasabi sa Lucas, “Si Zacarias, sa pangkat ni Abias…ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Dios bilang saserdote…”
Si Jesus ay dumating dito sa mundo at naglingkod bilang saserdote magpakailanman. Dumating Siya bilang isang Saserdote ng magagandang bagay na darating. Isinakatuparan Niya ang kaligtasan ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ang angkan ni Aaron ay mahina at di-ganap. Ano ang mangyayari kapag namatay ang punong saserdote? Ang anak niyang lalaki ang sasalo sa punong saserdote, ngunit ang gayong mga handog ay hindi magiging sapat para sa katiyakan ng kaligtasan ng sangkatauhan. Ang pananampalataya sa pamamagitan ng isang tao ay hindi kailanman magiging ganap.
Sa panahon ng Bagong Tipan, si Jesus ay naparito sa lupa. Ngunit hindi na Niya kailangang mag-alay ng patuloy na handog dahil Siya ay nabubuhay magpakailanaman. Inalis Niya ang ating mga kasalanan magpakailanman sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Inalay Niya ang Kanyang sarili at pinako sa krus upang ganap na palayain sa kasalanan lahat ng naniniwala sa Kanya. Ngayon, Siya ay buhay at nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos upang magpatotoo para sa atin. “Mahal na Ama, maaaring sila ay di-ganap, ngunit sila’y naniniwala sa Akin. Hindi ba’t matagal Ko nang inalis ang kanilang mga kasalanan?” Si Jesus ay ang walang hanggang Punong Saserdote ng ating kaligtasan.
Ang mga saserdote sa sanlibutan ay hindi naging ganap kailanman. Kapag sila ay namatay, ang kanilang mga anak ang magpapatuloy ng pagka-saserdote. Ang ating Panginoon ay nabubuhay kailanman. Sinakatuparan Niya ang walang hanggang kaligtasan para sa atin sa Kanyang pagparito sa mundo, bilang nabautismuhan ni Juan Bautista, at pagkatapos ay nagbubo ng dugo sa krus para sa lahat ng kasalanan natin.
“At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan” (Hebreo 10:18). Nagpatotoo si Jesus sa ating kaligtasan hanggang sa wakas ng panahon. Ikaw ba ay isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu?
“Sapagka’t nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit” (Hebreo 7:26). “Sapagka’t inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan, nguni’t ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man” (Hebreo 7:28).
Ang nais kong sabihin sa inyo ay si Jesu-Cristo, na walang kapintasan, ang naghugas ng lahat nating kasalanan nang minsan lamang sa pamamagitan ng tubig ng Kanyang bautismo at ng Kanyang dugo sa krus. Niligtas Niya tayo sa lahat ng kasalanan hindi sa pamamagitan ng kautusan sa paggawa, kundi sa pag-alis ng lahat ng kasalanan at sa kahatulan magpakailanman.
Naniniwala ka ba na niligtas Niya tayo sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng walang hanggang kaligtasan? Kung naniniwala ka, ikaw ay ligtas na. Ngunit kung hindi, marami ka pang dapat matutunan tungkol sa walang hanggang kaligtasan ni Jesus.
Ang tunay na pananampalataya ay nagmumula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na mahigpit na nakabatay sa kasulatan. Si Jesu-Cristo, ang walang hanggang makalangit na Punong Saserdote, naging ating walang hanggang Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa krus.
DAPAT NATING LUBUSANG MAUNAWAAN ANG ATING PANANAMPALATAYA
Ano ang ibig sabihin ng “ang maniwala kay Jesus?”
Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang kamatayan sa krus.
Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa kung paano tayo maniniwala kay Jesus sa tamang paraan at ituwid ang ating pananampalataya. Paano tayo maniniwala kay Jesus sa tamang paraan? Magagawa natin ito sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus.
Ang tamang pananampalataya ay ang maniwala sa mga gawa ni Jesus, sa Kanyang bautismo at dugo, at hindi nagdadagdag ng ating sariling maling mga akala. Naniniwala ka ba? Ngunit paano ang iyong espirituwal na kalagayan? Umaasa ka ba sa sarili mong mga gawa at pagsusumikap?
Hindi pa gaanong katagalan ang panahong lumipas mula nang ako ay maniwala kay Jesus, ngunit ako ay naghirap sa loob ng halos 10 taon dahil sa legalismo. Ngunit di-nagtagal ako ay napagod sa gayong uri ng buhay. Hindi ko rin gustong paalalahanan ang aking sarili sa panahong iyon. Ang aking asawa ay saksi ko ngayon. Alam niya kung gaano kahirap para sa amin ito noon.
Kapag Linggo, sinasabi ko, “Honey, magsaya tayo ngayon.”
“Ngunit ngayon ay Linggo!”
Ni hindi siya naglalaba kapag Linggo. Isang araw ng Linggo ang pantalon ko ay nasira. Ngunit sinabi niya sa aking maghintay ng Lunes. Sa katunayan, mas mapilit pa ako na tratuhin ng tama ang araw ng Sabat. Ngunit ito’y napakahirap. Hindi kami nagpapahinga tuwing Linggo dahil napakahirap na panatilihing tama ang araw ng Sabat. Naaalala ko pa rin ang mga panahong yaon.
Mga mahal na kaibigan, upang tunay na maniwala kay Jesus, dapat tayong maniwala sa pagbabayad ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa krus. Ang tunay na pananampalataya ay ang maniwala sa kabanalan at pagkatao ni Jesus at sa lahat ng bagay na ginawa Niya sa mundong ito. Ang tunay na mananampalataya ay naniniwala sa lahat ng Salita Niya.
Ano ang ibig sabihin ng “paniniwala kay Jesus?” Ito ay ang maniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo. Ano’t napakasimple nito. Ang dapat nating gawin ay ang tumingin sa Biblia at maniwala sa ebanghelyo. Dapat tayong lahat na maniwala sa tamang paraan.
“Salamat, Panginoon. Nakikita ko na ngayon na ito ay hindi ginawa sa pamamagitan ng mga pagsisikap ko! Dahil sa Batas ay ang kaalaman ng kasalanan (Roma 3:20). Nauunawaaan ko na itong lahat ngayon. Inisip ko na dahil ang Batas ay mabuti, dahil ito ang inutos ng Diyos, dapat kong subukan at ipamuhay ito. Ako ay nagsisikap hanggang ngayon, ngunit nakikita ko na ngayon na ako ay maling isiping ako ay maaaring mamuhay ayon sa kautusan. Nakikita ko na ngayon na hindi ko mapananatili ang mga Utos ng Diyos! Samakatuwid, sa pamamagitan ng Batas ng Diyos, batid ko na ngayon na ang aking puso ay puno na masasamang kaisipan at kasalanan. Nauunawaaan ko na ngayon na ang Batas ay binigay upang itanim sa atin ang kaalaman ng kasalanan. O, Salamat, Panginoon. Hindi ko maunawaaan ang Inyong kalooban at pinilit na panatilihin ang kautusan. Tunay na kayabangan para sa akin na subukan man lamang. Ako ay nagsisi. Alam ko na ngayon na si Jesus ay binautismo at nagbubo ng dugo para sa aking kaligtasan! Ako ay naniniwala rito!”
Dapat ay tapat at dalisay kang maniwala. Dapat ka lamang maniwala sa mga nasusulat na salita sa Biblia. Ito ang tanging paraan upang ganap kang maisisilang muli.
Ano ang maniwala kay Jesus? Ito ba ay isang bagay na dapat nating gawing ganap sa wastong haba ng panahon? Ang ating pananampalataya ba ay isang relihiyon na dapat mong paghirapan? Ang mga tao ay gumawa ng mga diyos, at sila ay gumawa ng mga relihiyon na ayon sa mga diyos na yaon. Ang relihiyon ay isang proseso na isinasampa ng tao upang maabot ang isang layunin – ang kabutihan ng tao.
Kung gayon ano ang pananampalataya? Ito ay nangangahulugan ng paniniwala sa Diyos at pagtingala sa kanya. Tumitingala tayo sa kaligtasan ni Jesus at nagpapasalamat sa Kanya para sa pagpapalang ito. Ito ay tunay na pananampalataya. Ito ang pagkakaiba ng pananampalataya at relihiyon. Kapag nakilala mo na ang kaibahan ng dalawang ito, makakamit mo ang 100 puntos para sa kaunawaan mo sa pananampalataya.
Ang mga teolohiya na hindi naisilang na muli ay nagsasabi sa atin na dapat tayong maniwala kay Jesus at mamuhay ng matapat. Magiging tapat na mananampalataya ang isang tao sa pagiging relihiyoso lamang? Siyempre dapat tayong maging mabuti. Sino nga ba ang mas namumuhay ng banal kundi yaong mga isinilang muli sa atin?
Ngunit ang punto ay sinasabi nila ito sa mga makasalanan. Mayroong 12 uri ng kasalanan sa loob ng pangkaraniwang makasalanan. Paano siya makapapamuhay ng banal? Siyempre, ang kanyang isip ay maaaring makaunawa sa dapat niyang gawin, ngunit ang kanyang puso ay hindi ito maisasagawa. Kapag ang isang makasalanan ay lumabas sa iglesya, ang pamumuhay na banal ay nagiging teoriya na lamang, at ang kanyang kalikasan ang nagdadala sa kanya sa kasalanan.
Samakatuwid dapat tayong magpasya sa ating puso kung tayo ay mamumuhay ayon sa kautusan o maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus, sa pagkakaron ng pananampalataya sa walang hanggang Punong Saserdote ng kaharian ng langit.
Tandaan na si Jesus ang tunay na Punong Saserdote para sa mga naniniwala. Tayo nang maligtas sa pamamagitan ng pagbatid at paniniwala sa tunay na kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus.
ANG MGA NAISILANG NA MULI AY HINDI TAKOT SA HANGGANAN NG MUNDO
Bakit hindi natatakot ang mga naisilang na muli sa hangganan ng mundo?
Dahil ang kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagpapalaya sa kanila sa kasalanan.
Kapag ikaw ay tunay na isinilang na muli, hindi mo na dapat katatakutan ang hangganan ng mundo. Maraming Kristiyano sa South Korea ang nagsasabing magtatapos ang mundo sa ika-28 ng Oktubre, noong 1992. Ano’t magiging napakagulo at nakatatakot ang araw na ito, wika nila. Ngunit ang lahat ng ito ay huwad. Ang tunay na isinilang na muli ay namumuhay na banal, at nagpapalawig ng ebanghelyo hanggang sa huling panahon. Kung dumating man sa hangganan ang mundong ito, ang dapat nating gawin ay ang ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espritu.
Kapat dumating ang lalaking ikakasal, ang babaing ikakasal na tunay na isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay katatagpuin siya na puno ng kagalakan, sinasabing, “O, dumating ka rin sa wakas! Ang aking laman ay hindi pa ganap, ngunit inibig Mo ako at iniligtas mula sa lahat ng aking kasalanan. Kaya wala na akong kasalanan sa aking puso. Salamat, Panginoon. Ikaw ang aking Tagapagligtas!”
Si Jesus ay ang lalaking ikakasal sa lahat ng matuwid. Ang kasal ay mangyayari dahil ang lalaking ikakasal ay umiibig sa babaing ikakasal, hindi ang kabaligtaran. Alam kong nangyayari ito minsan dito sa mundo, ngunit sa langit, ang lalaking ikakasal ang nagpapasya kung ang kasal ay dapat mangyari. Ang lalaking ikakasal ang namimili ng pakakasalan batay sa kanyang pag-ibig at handog na kaligtasan, sinoman ang babae. Ganito isinasagawa ang kasal sa kalangitan.
Batid ng lalaking ikakasal ang lahat ng ukol sa kanyang pakakasalan. Dahil ang pinakamamahal niyang pakakasalan ay makasalanan, naawa Siya sa kanila at iniligtas sila mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpapabautismo at pagbububo ng dugo sa krus.
Ang ating Panginoong Jesus ay hindi naparito sa lupa bilang angkan ni Aaron. Hindi Siya naparito sa mundo upang maghandog ng mga makamundong handog. Napakaraming mga Levita, mga inapo ni Aaron, para gumawa ng gawain.
Sa katunayan ang pangunahing katauhan ng mga handog sa Lumang Tipan ay walang iba kundi si Jesus mismo. Samakatuwid, kapag dumating ang tunay na bagay dito sa mundo, ano ang mangyayari sa anino nito? Ang anino ay isasantabi.
Nang dumating si Jesus dito sa mundo, hindi Siya nag-alay ng mga handog tulad ni Aaron. Inalay Niya ang Kanyang sarili para sa sangkatauhan nang Siya ay bautismuhan at magbubo ng dugo para sa kaligtasan ng mga makasalanan. Isinakatuparan Niya ang kaligtasan sa krus.
Para sa mga naniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus, ang kaligtasan ay wala sa di-tiyak na paraan. Si Jesus ay hindi nagligtas para sa ating mga kasalanan sa paraang di-malinaw. Malinaw niyang isinagawa ito. “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay” (Juan 14:6). Si Jesus ay naparito sa lupa at niligtas tayo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ng Kanyang kamatayan at ng Kanyang muling pagkabuhay.
ANG LUMANG TIPAN AY HUWARAN NI JESUS
Ano ang dahilan ng muling pagbuo ng panibagong tipanan?
Dahil ang unang tipanan ay mahina at walang silbi.
Ang Lumang Tipan ay anino ng Bagong Tipan. Kahit na si Jesus ay hindi naghandog ng mga hain tulad ng mga punong saserdote sa Lumang Tipan, Siya ay naglingkod ng higit na pagka-saserdote, ang walang hanggang makalangit na pagka-saserdote. Dahil ang sangkatauhan sa mundo ay makasalanan mula nang sila ay isilang, sila ay naging makasalanan, at hindi sila magiging matuwid sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos. Dahil dito ay nagtatag muli ang Diyos ng panibagong tipan.
Sinugo ng ating Ama sa langit ang Kanyang bugtong na Anak dito sa lupa at hiningi sa atin bilang kapalit ang magkaroon ng pananampalataya sa Kanyang bautismo, Kanyang dugo, at Kanyang muling-pagkabuhay. Ito ang ikalawang tipan ng Diyos. Ang ikalawang tipan ay hinihinging maniwala tayo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang Panginoon ay hindi na humihingi ng ating mabubuting gawa. Hindi Niya sinasabi sa atin kung paano mamuhay upang maligtas. Hinihingi Niya lang sa atin na maniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Hinihingi Niyang maniwala tayo sa Kanyang bautismo at dugo sa krus nang higit sa lahat. At kailangan tayong sumang-ayon.
Sa Biblia, ang sambahayan ng Juda ang nagpanatili ng kaharian. Lahat ng hari ng Israel ay isinilang sa sambahayan ng Juda hanggang kay Haring Solomon. Kahit nang matapos ang paghahati ng kaharian, ang sambahayan ng Juda ang humawak ng trono ng katimugang kaharian hanggang sa pagbagsak nito noong 586 B.C. Kaya, ang bayan ng Juda ay tumatayo para sa mga Israelita. Ang angkan ni Levi at isa sa mga saserdote. Bawat angkan ng Israel ay may sariling bahaging gagampanan. Pinangako ng Diyos sa angkan ng Juda na si Jesus ay lilitaw mula sa lahi ng mga ito.
Bakit ginawa Niya ang tipanan na ito sa angkan ng Juda? Ang paggawa ng tipanang ito ay tulad ng paggawa ng tipanan sa lahat ng tao sa mundo dahil ang mga Israelita ay tumatayong sangkatauhan ng mundo. Isinakatuparan ni Jesus ang bagong tipanan, ang kaligtasan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ng Kanyang kamatayan sa krus at ng Kanyang muling-pagkabuhay.
ANG KASALANAN NG TAO AY HINDI MAHUHUGASAN NG PAGSISISI
Ang mga kasalanan ba ng tao ay mahuhugasan ng pagsisisi?
Hindi.
Sa Jeremias 17:1 ay nasusulat na ang kasalanan ng tao ay nakatala sa dalawang lugar. “Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante, nakintal sa kanilang puso at sa mga sungay ng inyong mga dambana.”
Ang ating mga kasalanan ay nakatala sa ating mga puso. Sa gayon natin nalalaman na tayo ay mga makasalanan. Bago maniwala ang isang tao kay Jesus, hindi niya nababatid na siya ay makasalanan. Bakit? Dahil wala siyang kautusan ng Diyos sa kanyang puso. Samakatuwid, kapag ang isang tao ay naniwala kay Jesus, nababatid niya na siya ay isang makasalanan sa harap ng Diyos.
Ang iba ay nakababatid lang na sila ay makasalanan pagkatapos ng 10 taong paniniwala kay Jesus. “O mahal ko! Ako ay isang makasalanan! Akala ko’y ligtas na ako, ngunit ganon pa man ako ay makasalanan pa rin!” Ang pagkakabatid ay nagmumula sa kanya isang araw kapag sa wakas ay nakita niya ang sarili kung ano siya. Siya’y masayang-masaya sa loob ng 10 taon. Ngunit bigla ay makikita niya ang katotohanan. Alam mo ba kung bakit? Dumating siya sa ganitong kaalaman dahil sa wakas ay nakita niya ang kanyang mga kasalanan at mga pagkakamali sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos. Siya ay naniwala kay Jesus sa loob ng 10 taon na hindi naisilang na muli.
Dahil hindi niya mabura ang kanyang mga kasalanan sa puso, siya ay nananatiling makasalanan sa harap ng Diyos. Ang iba ay umaabot ng 5 taon at ang iba naman ay 10 taon para umabot sa kaalamang ito, ang iba ay nakababatid pagkatapos ng 30 taon, ang iba nama’y 50 taon, at ang iba rin ay hindi na nababatid ang katotohanan hanggang sa wakas. Mahal kong Diyos, ako ay mabuti na bago malaman ang kautusan sa aking isipan. Ako ay panatag na isinasagawa ang kautusan ng maayos, ngunit ngayon ay batid kong ako’y nagkakasala araw-araw. Tulad ng sinabi ni apostol Pablo, “At ng isang panahon ako’y nabubuhay na walang kautusan datapuwa’t nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako’y namatay” (Roma 7:9). Ako ay makasalanan kahit na ako ay naniniwala kay Kristo.
Ang iyong mga sariling kasalanan ang humahadlang sa iyo na mamuhay sa salita ng Diyos. Ang iyong mga kasalanan ay nakatala sa iyong puso. Dahil itinatala ng Diyos ang iyong mga kasalanan doon, kapag yumukod ka upang manalangin, lahat ng iyong mga kasalanan ay lilitaw, “Bulaga! Ako ang mga kasalanang nagawa mo.”
“Ngunit nagbayad na ako para sa iyo noong nakaraang 2 taon. Bakit bigla ka na lang muling magpapakita? Bakit hindi ka pa nawala?”
“O huwag kang mandiri! Ako ay nakatala sa iyong puso. Anuman ang isipin mo, makasalanan ka pa rin.”
“Hindi! Hindi.”
Kaya, magsisisi muli siya para sa mga kasalanang nagawa niya sa nakaraang 2 taon. “Pakiusap patawarin mo ako, Panginoon. Ako ay binabagabag pa rin ng mga kasalanang nagawa ko noon. Ako ay nagsisisi na sa aking mga kasalanan ngunit nananatili pa rin sila sa akin. Patawarin Mo ako dahil ako ay nagkasala.”
Ngunit ang iyo bang mga kasalanan ay nawawala sa pamamagitan ng pagsisisi? Dahil ang mga kasalanan ng tao ay nakatala sa kanilang mga puso, hindi na ito mabubura kung wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tanging sa pamamagitan lang ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu makakamtan ang tunay na pagbabayad-sala. Maliligtas lang tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa tunay na ebanghelyo ni Jesus.
AKO ANG IYONG MAGIGING TAGAPAGLIGTAS
Paano tayo kikilos sa bagong tipanan?
Kailangan nating paniwalaan ito sa ating mga puso at ipangaral ito sa buong mundo.
Ang ating Panginoon sa langit ay gumawa ng bagong pakikipagtipan sa atin, “Ako ang inyong magiging Tagapagligtas. Gagawin kong ganap upang mapalaya sa kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Tiyak na pagpapalain Ko ang lahat ng naniniwala sa Akin.”
Naniniwala ka ba rito sa bagong pakikipagtipan sa Diyos? Maliligtas tayo sa lahat ng kasalanan at maisisilang muli kapag tayo ay naniwala sa katotohanan ng Kanyang pakikipagtipan at Kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at ng dugo.
Hindi tayo nagtitiwala sa doktor kapag hindi niya tayo sinusuri ng tama. Ang doktor ay kailangan munang suriin ang kanyang mga pasyente ng tama at pagkatapos ay magreseta ng tamang gamot. Maraming uri ng mga gamot, ngunit dapat na alam niyang eksakto kung ano ang dapat gamitin. Sa oras na masuri ng doktor ang kanyang mga pasyente nang tama, maraming gamot ang maaaring magpagaling sa kanila. Ngunit sa maling pagsusuri, lahat ng mga mabubuting gamot na iyon ay magpapalubha lamang sa pasyente.
Gayundin, kapag ikaw ay naniwala kay Jesus, dapat mong suriin ang kalagayan ng iyong espiritu batay sa salita ng Diyos. Kapag pinag-aralan mo ang iyong espiritu ayon sa salita ng Diyos, makikita mo ng tama ang kalagayan ng iyong espiritu. Ang Doktor ng mga espiritu ay makagagamot sa kanyang mga pasyente ng walang pinipili. Lahat sila ay maaaring isilang na muli.
Kapag sinabi mong, “Hindi ko alam kung ako ay tinubos na” nangangahulugan hindi ka ligtas. Kapag ang isang pastor ay tunay na alagad ni Jesus, dapat ay kaya niyang lutasin ang suliranin sa kasalanan ng kanyang mga tagasunod. Pagkatapos, ay maaari na niyang ipagpatuloy ang paglutas ng mga suliranin nila sa pananampalataya at akayin sila sa espiritu. Dapat Niyang makita ang eksaktong kalagayan ng espiritu ng kanyang mga tagasunod.
Si Jesus ay naparito sa lupa upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo. Naparito Siya at binautismuhan at namatay sa krus. Nang magbayad Siya sa lahat ng kasalanan, iniwan ba Niya ang iyong mga kasalanan? Ang salita ng tubig at ng Espiritu ang nag-alis sa lahat ng kasalanan ng mga mananampalataya.
Ang ebanghelyo ay tulad ng dinamita. Pinasasabog nito lahat ng mula sa mataas na gusali hanggang sa kabundukan. Ang gawain ni Jesus ay eksakto. Binubura Niya ang mga kasalanan ng mga naniniwala sa Kanya kasama ang Kanyang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tingnan natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tulad ng nasusulat sa Biblia.
ANG EBANGHELYO NG PAGPAPATONG NG KAMAY SA LUMANG TIPAN
Ano ang layunin ng pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan?
Ang layunin nito ay ang ipasa ang mga kasalanan sa alay para sa kasalanan.
Tingnan natin ang katotohanan ng ebanghelyo ng pagtubos sa Levitico 1:3-4. “Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya’y isang lalake na walang kapintasan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon. At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.”
Ang mga talatang ito ay nagsasabi sa atin na ang sinunog na alay ay dapat ihandog sa pinto ng tabernakulo ng tipanan sa harap ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay sa ulo ng handog, at ang handog ay dapat na buhay na hayop na walang kapintasan.
Sa panahon ng Lumang Tipan, ang makasalanan ay nagpapatong ng kanyang kamay sa handog para magbayad sa pang-araw-araw niyang kasalanan. Pinapatay niya ang handog sa kasalanan sa harap ng Panginoon at ang saserdote ay kumukuha ng ilang dugo at inilalagay ito sa mga sulok ng altar ng sinunog na alay. Pagkatapos ay ibinubuhos niya ang tirang dugo sa paanan ng altar at ang makasalanan ay mapapatawad na para sa isang araw na kasalanan.
Para sa isang buong taong kasalanan, nasusulat sa Levitico 16:6-10, “At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan. At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing, ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel. At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinaka handog dahil sa kasalanan. Nguni’t ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang.” Tulad ng paliwanag sa Biblia, ang kambing ay nangangahulugang “alisin.” Kaya ang isang taunang kasalanan ay naalis sa ika-10 araw ng ika-7 buwan.
Sa Levitico 16:29-30, nasusulat, “At ito’y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo, sa ikapitong buwan nang ikasampung araw ng buwan, ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo. Sapagka’t sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon.”
Ito ang araw kung kailan ang mga Israelita ay nagbabayad sa isang taunang kasalanan. Paano ito isinasagawa? Una, ang punong saserdoteng Aaron ay kailangang naroon sa paghahandog. Sino ang kumakatawan sa bayan ng Israel? Si Aaron. Itinalaga ng Diyos si Aaron at ang kanyang angkan bilang mga punong saserdote.
Inalay ni Aaron ang toro upang magbayad para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan. Pinatay niya ang toro at inilagay ang ilang dugo nito sa ibabaw at sa harap ng luklukan ng awa ng pitong beses. Dapat muna siyang magbayad para sa sarili niya at sa kanyang sambahayan bago ang iba.
Ang pagbabayad-sala ay nangangahulugang paglilipat ng mga kasalanan ng isang tao sa handog para sa kasalanan at hayaan ang alay na mamatay sa lugar ng makasalanan. Ang makasalanan mismo ang siyang dapat mamatay, ngunit maaari niyang bayaran ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng paglipat ng mga ito sa handog at ito’y mamatay sa lugar niya.
Pagkatapos maalis ang kanyang mga kasalanan at yaong sa kanyang sambahayan, nag-alay siya ng isang kambing sa harap ng Diyos habang nagpadala ng isa pang kambing sa ilang sa presensya ng bayan ng Israel.
Isang kambing ang inalay bilang handog para sa kasalanan. Pinatong ni Aaron ang kanyang kamay sa ulo na handog para sa kasalanan at nangumpisal, “O Diyos, ang bayan Mong Israel ay lumabag sa Sampung Utos at sa 613 artikulo ng Inyong Batas. Ang mga Israelita ay naging makasalanan. Ipinapatong ko na ngayon ang aking mga kamay sa kambing na ito upang isalin ang aming mga kasalanan sa loob ng isang taon.”
Hiniwa niya ang lalamunan ng kambing at pumasok sa Dakong Kabanal-banalan sa loob ng tabernakulo dala ang dugo nito. Pagkatapos ay magwiwisik siya ng iba nito sa ibaba at sa harap ng luklukan ng awa nang pitong ulit.
Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan ay ang Kaban ng Tipan. Ang takip nito ay tinatawag na luklukan ng awa at sa loob nito ay may dalawang tapyas ng bato na kinasusulatan ng tipan, sisidlang ginto na may lamang mana, at ang nagdahong tungkod ni Aaron.
Ang tungkod ni Aaron ay kumakatawan bilang muling pagkabuhay, ang dalawang tapyas ng bato ng tipan ay ang Kanyang katarungan, at ang ginto na may lamang mana ay ang Kanyang Salita ng Buhay.
Mayroong takip ang kaban ng Tipan. Ang dugo ay iwiwisik ng pitong ulit sa luklukan ng awa. Dahil may mga gintong kuliling na nakasabit sa laylayan ng kasuotan ng punong saserdote, ito ay tumutunog kapag siya ay nagwiwisik ng dugo.
Sa Levitico 16:14-15 ay nasusulat, “At siya’y Kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng lukllukan ng awa, sa dakong silanganan at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo. Kung magkagayo’y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa.”
Ang mga kuliling ay tumutunog sa tuwing nagwiwisik siya ng ilang dugo ng kambing, at lahat ng Israelita na nagtitipon sa labas ay maririnig ang tunog. Dahil ang pagbabayad para sa kanilang kasalanan ay dapat gawin ng punong saserdote, ang tunog ng mga kuliling ay nangangahulugang napatawad na ang kanilang mga kasalanan. Ito ang tunog ng pagpapala para sa bayan ng Israel.
Kapag tumunog ang mga kuliling ng pitong beses, sinasabi nila, “ngayon ay panatag na panatag na ako. Ako ay nag-alala para sa isang taunang kasalanan, at ngayon ay nararamdaman kong malaya na ako sa pag-uusig.” Ang tunog ng mga kuliling sa panahong iyon ay tulad ng mabuting balita ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Kapag narinig natin ang ebanghelyo ng katubusan ng tubig at ng Espiritu at naniwala rito ng buong puso at tinanggap ito ng ating bibig, ito ang tinatawag na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag tumunog ang kuliling ng pitong beses, lahat ng kasalanan ng mga Israelita sa loob ng isang taon ay nalinis na. Ang kanilang mga kasalanan ay hinugasan na sa harap ng Diyos.
Pagkatapos mag-alay ng kambing para sa mga Israelita, kukunin ng punong saserdote ang isa pang kambing at pupunta sa mga taong naghihintay sa labas ng tabernakulo. Habang sila ay nanonood, ang punong saserdoteng si Aaron ay magpapatong ng kanyang kamay sa ulo ng kambing na iyon.
Sa Levitico 16:21-22, “At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon sa lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan, at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa.”
Ang punong saserdote, si Aaron, ay nagpatong ng kanyang kamay sa ulo ng isa pang kambing (ang pakakawalan) at nangumpisal ng mga kasalanan sa loob ng isang taon ng mga Israelita sa harap ng Diyos. “O Diyos, ang mga Israelita ay nagkasala sa Iyo. Nilabag namin ang Sampung Utos at lahat ng 613 artikulo ng Iyong kautusan. O Diyos, isinasalin ko ang lahat ng kasalanan sa buong isang taon ng mga Israelita sa ulo ng kambing na ito.”
Ayon sa Jeremias 17:1, ang mga kasalanan ay nakatala sa dalawang lugar. Ang isa ay sa Aklat ng Mga Gawa, at ang isa naman ay sa tabletas ng kanilang mga puso.
Kaya kung magbabayad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, ang mga kasalanan nila ay kailangang burahin mula sa Aklat ng Mga Gawa at mula sa tabletas ng kanilang mga puso. Sa Araw ng Pagbabayad-sala, ang kambing ay para sa mga kasalanan na nakasulat sa Aklat ng Hatol at ang isa naman ay para sa mga nakaukit sa tabletas ng kanilang mga puso.
Ano ang ipinapakita ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ng paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan?
Ang Tagapagligtas ay darating at mag-aalis ng lahat ng kanilang mga kasalanan ng minsan lang sa pinakanararapat na paraan.
Sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay sa ulo ng kambing, ang punong saserdote ay ipinapakita sa mga tao na ang kanilang isang taong kasalanan ay isinalin sa kambing. Kapag ang mga kasalanan ay inilipat sa ulo ng kambing, ang karapat-dapat na tao ang magdadala sa kambing tungo sa ilang.
Ang Palestina ay bayan ng ilang. Ang kambing na nag-alis sa lahat ng isang taunang kasalanan ng mga Israelita ay dinala ng taong itinalaga para sa gawain sa disyerto kung saan walang tubig at damo. Ang mga tao ay nakatayo at nakatingin sa kambing na papunta sa ilang.
Sasabihin nila sa kanilang sarili, “Dapat ako ang namatay, ngunit ang kambing ang namatay sa halip para sa aking mga kasalanan. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kambing ay namatay sa halip na ako. Salamat sa kambing. Ang kamatayan niya ay nangangahulugang pag-kabuhay ko.” Ang kambing ay dinala sa malayong ilang at ang mga Israelita ay napatawad sa kanilang isang buong taunang kasalanan.
Kapag ang kasalanan sa iyong puso ay inilipat sa handog para sa kasalanan, ikaw ay nalinis. Gayon lang iyon kasimple. Ang katotohanan ay laging simple sa oras na maunawaan natin ito.
Ang kambing ay naglaho sa abot tanaw. Ang tao ay babalik na mag-isa pagkatapos itong pakawalan. Lahat ng isang buong taon na kasalanan ng mga Israelita ay wala na. Ang kambing ay magpapagala-gala sa ilang na walang tubig at damo at siya ay mamatay kasama ang isang taong kasalanan ng mga Israelita.
Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, at ang katarungang ng Diyos ay naisakatuparan. Hinandog ng Diyos ang kambing upang ang mga Israelita ay mabuhay. Lahat ng pagkakasala ng mga Israelita sa loob ng isang taon ay nahugasan nang malinis.
Tulad ng kapatawaran ng isang araw at isang taunang kasalanan sa panahon ng Lumang Tipan, ang tipan din ng Diyos ang nagtulot na mapatawad ang ating mga kasalanan ng minsanan lamang. Ang Kanyang tipan ay ang ipadala ang Mesias sa atin at ililigtas tayo mula sa habang panahon nating kasalanan. Ang tipan ay ipinagpatuloy sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus.
ANG MAISILANG NA MULI SA TUBIG AT SA ESPRITU SA BAGONG TIPAN
Bakit binautismuhan si Jesus ni Juan Bautista?
Upang tuparin lahat ng katuwiran sa pag-aalis ng lahat ng kasalanan ng mundo. Ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay mismong pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan.
Basahin natin ang Mateo 3:13-15, “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’”
Si Jesus ay nagtungo sa Jordan at binautismuhan ni Juan Bautista at sa gayong Gawain ay isinakatuparan Niya lahat ng kalooban. Siya ay binautismuhan ni Juan. Si Juan na pinakadakila sa lahat ng isinilang ng mga babae.
Sinasabi ng Mateo 11:11-12, “Sinasabi ko sa inyo: ‘Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya. At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mg ataong mararahas.”
Si Juan Bautista ay hinirang ng Diyos upang maging kinatawan ng sangkatauhan at sinugo anim na buwan bago si Cristo. Siya ay kalahi ni Aaron at ang huling punong saserdote.
Sinabi ni Juan Bautista nang lumapit sa kanya si Jesus, “Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?”
“Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Ang layunin Niya ay ang palayain ang sangkatauhan mula sa kasalanan upang sila ay maging mga anak ng Diyos. Sinabi ni Jesus kay Juan, “Dapat nating gawing ganap ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Kaya bautismuhan mo ako ngayon.”
Binautismuhan ni Juan si Jesus. Ito ang nararapat kay Jesus, ang bautismuhan upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo. Dahil Siya ay binautismuhan sa pinakakarapat-dapat na paraan, tayo ay maayos na maliligtas mula sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay binautismuhan upang lahat ng ating mga kasalanan ay maisalin sa Kanya.
Naparito sa lupa si Jesus at binautismuhan noong Siya ay 30 taong gulang. Ito ang Kanyang unang paglilingkod. Sinakatuparan ni Jesus lahat ng kalooban sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng kasalanan ng mundo, sa gayon ay pinaging-banal ang lahat ng tao.
Naparito si Jesus sa lupa at binautismuhan sa pinaka karapat-dapat na paraan upang alisin lahat ng ating kasalanan. “Upang sa gayon” lahat ng kalooban ay naisakatuparan.
Sabi ng Diyos, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). Batid ni Jesus na Kanyang tutubusin ang pagkakasala ng sanlibutan at mamatay doon sa krus, subalit sinunod Niya ang kalooban ng Kanyang Ama, nagsasabing, “Huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo” (Mateo 26:39). Ang kalooban ng Ama ay ang malinis lahat ng pagkakasala ng sanlibutan at ibigay ang kaligtasan sa mga tao.
Kaya, si Jesus, ang masunuring Anak, ay sumunod sa kalooban ng Ama at binautismuhan ni Juan Bautista .
Sa Juan 1:29. “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya at sinabi, ‘Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!’” Pinasan ni Jesus ang kasalanan at nabubo ang dugo sa krus sa Golgota. “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan,” ang patotoo ni Juan Bautista.
Ikaw ba ay may kasalanan o wala? Matuwid ka bang tao o isang makasalanan? Ang katotohanang kinuha na ni Jesus ang kasalanan ng mundo at napako doon sa krus para sa atin.
Kailan nasalin kay Jesus ang kasalanan ng lahat ng makasalanan sa mundong ito?
Inako lahat ni Jesus ang ating mga pagkakasala nang Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista.
Pagkatapos nating isilang dito sa mundo, nagkakasala tayo kahit sa pagitan ng gulang na 1 at 10. Nguni inalis na ni Jesus ang mga kasalanang yaon. Nagkakasala rin tayo sa pagitan ng gulang na 11 at 20. Ang mga kasalanang nagagawa natin sa ating mga puso at sa ating mga kilos, ay inalis na Niyang lahat.
Nagkakasala rin tayo sa pagitan ng gulang na 21 at 45. Inalis Niya na rin ito. Inako Niya lahat ng kasalanan sa mundo at pinako sa Krus. Tayo ay nagkakasala mula sa ating pagsilang hanggang sa araw ng ating kamatayan. Pero inalis na Niya lahat ng mga ito.
“Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” Lahat ng kasalanan, mula sa unang taong si Adan, hanggang sa huling taong isisilang dito sa lupa – kailanman – inalis Niya na itong lahat. Hindi Siya kumuha at pumili ng kung kaninong kasalanan ang aalisin Niya.
Hindi Siya nagpasyang umibig lang sa ilan sa atin. Naparito Siya sa laman at inako lahat ng kasalanan sa mundo at pinako sa krus. Tinanggap Niya ang hatol para ating lahat at inalis lahat ng kasalanan sa mundong ito magpakailanman.
Walang isa man ang hindi isinama sa Kanyang kaligtasan. “Lahat ng kasalanan sa mundo” ay kabilang sa lahat ng ating mga kasalanan. Inalis itong lahat ni Jesus.
Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, nilinis Niya lahat ng kasalanan ng mundo. Inalis Niyang lahat ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at hinatulan para sa ating mga kasalanan sa krus. Bago namatay sa krus si Jesus, winika Niya, “Naganap na” (Juan 19:30), na ang kahulugan ay naganap na ang kaligtasan ng sangkatauhan.
Bakit pinako si Jesus sa krus? Dahil ang buhay ng laman ay nasa dugo, at ang dugo ang nagbabayad para sa buhay ng isang tao (Levitico 17:11). Bakit kailangang bautismuhan si Jesus? Dahil nais Niyang akuin lahat ng kasalanan ng mundo.
“Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga upang matupad ang kautusan ay sinabi, ‘Nauuhaw Ako!’” (Juan 19:28). Si Jesus ay namatay, nababatid lahat ng tipan ng Diyos sa Lumang Tipan na isinakatuparan sa Kanyang bautismo sa Jordan at Kanyang kamatayan sa krus.
Nababatid ni Jesus na ang katubusan ay naisakatuparan sa pamamagitan Niya at sinabing, “Naganap na.” Siya’y namatay sa Krus. Pinabanal tayo, muling nabuhay mula sa kamatayan sa ikatlong araw at umakyat sa langit, kung saan Siya ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos.
Ang paghuhugas ng lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang pagkamatay sa krus ay ang pinagpalang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Maniwala ka rito, at ikaw ay patatawarin sa lahat ng iyong mga kasalanan.
Hindi tayo makapagbabayad para ating mga kasalanan sa pananalangin ng pagsisisi araw-araw. Ang pagtubos ay ipinagkaloob nang minsanan lamang sa pamamagitan lang ng bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa krus. “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol sa kasalanan” (Hebreo 10:18).
Ang kailangan nating gawin ay magtiwala sa pamamgitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang pagkapako. Maniwala kayo at kayo ay maliligtas.
Ang sabi sa Roma 5:1-2, “Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan din naman Niya’y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diya ay nagsisilagi tayo, at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.”
Walang ibang paraan upang mapatawad kundi ang maniwala sa pinagpalang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
ANG LAYUNIN NG KAUTUSAN NG DIYOS
Mapagiging-banal ba tayo ng kautusan?
Hindi, ang kautusan ay makapagmumulat lang sa ating mga kasalanan.
Sa Hebreo10:9, nasusulat, “Narito ako’y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis Niya ang una, upang maitatag ang ikalawa.” Hindi tayo magiging-banal sa pamamagitan ng kautusan. Gagawin lamang tayo nitong makasalanan. Hindi nangangahulugan na ibig ng Diyos na tayo’y sumunod sa kautusan.
Sinabi ng Roma 3:20, “Sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” Binigay ng Diyos sa mga Israelita ang kautusan sa pamamagitan ni Moises pagkatapos ng 430 taon ang nakararaan mula nang tanggapin ni Abraham ang tipan. Binigay Niya sa kanila ang kautusan upang malaman nila ang kahulugan ng pagkakasala sa harap ng Diyos. Kung wala ang kautusan ng Diyos, ang sangkatauhan ay walang kaalaman ukol sa kasalanan. Binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang kautusan pang maunawaan natin ang kasalanan.
Kung ang tanging layunin ng kautusan ay upang ipaalam sa atin na lahat tayo ay makasalanan sa harap ng Diyos. Sa pamamagitan ng kaalaman ng tao, tayo ay sinasabihang bumalik kay Jesus sa paniniwala sa pinagpalang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Ito ang layunin ng kautusan na ibinigay ng Diyos sa atin.
ANG PANGINOON AY DUMATING UPANG GAMPANAN ANG KALOOBAN NG DIYOS
Ano ang dapat nating gawin sa harap ng Diyos?
Dapat tayong maniwala sa katubusan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus.
“Narito ako’y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis Niya ang una, upang maitatag ang ikalawa” (Hebreo 10:9). Dahil hindi tayo magiging banal sa pamamagitan ng kautusan, hindi tayo tinubos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang kautusan, kundi sa Kanyang ganap na pagliligtas. Niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig at katarungan.
“Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. At katotohanang ang bawa’t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kalian pa man ng mga kasalanan. Nguni’t Siya nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man ay umupo sa kanan ng Dios” (Hebreo 10:10-12).
Lumuklok Siya sa kanang kamay ng Diyos dahil ang Kanyang gawaing pagliligtas ay ganap na at wala na Siyang dapat gawin. Hindi Siya babautismuhan o maghahandog muli ng Kanyang sarili upang iligtas tayo.
Ngayong lahat ng kasalanan ng mundo ay nahugasan na, ang kailangan na lang niyang gawin ay ang igawad ang buhay na walang hanggan sa mga naniniwala sa Kanya. Binibigyan Niya ngayon ng tatak yaong mga naniniwala sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu sa mga naniniwala sa Espiritu.
Bumaba si Jesus dito sa mundo at inalis lahat ng kasalanan ng mundo at namatay sa krus, sa gayo’y naging ganap ang Kanyang gawain. Ngayong naganap na ang gawain ng Panginoon, Siya ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos.
Dapat tayong maniwala na iniligtas tayo ng ating Panginoong Jesus mula sa kasalanan magpakailanman. Ginawa Niya tayong ganap magpakailanman sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo.
YAONG MGA NAGIGING KAAWAY NG DIYOS
Sino ang mga kaaway ng Diyos?
Yaong mga naniniwala kay Jesus ngunit may kasalanan sa kanilang puso.
Sa Hebreo 10:12-13 ay sinasabi ng Panginoon, “Nguni’t Siya nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man ay umupo sa kanan ng Dios. Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang Kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng Kaniyang mga paa.” Sinasabi Niya na maghihintay Siya hanggang sa huling hatol upang magpasya para sa kanilang kapalaran.
Ang mga kaaway Niya ay sasabihin pa rin, “Diyos, patawarin Mo ang aking mga kasalanan.” Si Satanas at ang kanyang mga tagasunod ay hindi naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at patuloy na humihingi ng Kanyang kapatawaran.
Ang ating Panginoong Diyos ay hindi sila hahatulan sa ngayon. Ngunit sa araw ng Ikalawang Pagdating ni Jesus, sila ay hahatulan at isusumpa sa impiyerno magpakailanman. Hinahayaan sila ng Diyos hanggang sa araw na iyon na umaasang sila’y magsisisi at magiging matuwid sa pamamagitan ng pagliligtas.
Ang ating Panginoong Jesus ay nag-alis ng lahat ng kasalanan at namatay para sa atin na mga nananalig sa Kanya. Darating ang araw na si Jesus ay magpapakitang muli sa ikalawang pagkakataon para tubusin lahat ng nananalig sa Kanya. “O pakiusap, bumalik Ka sa amin, Panginoon.” Darating Siya sa ikalawang pagkakataon upang kunin ang mga walang kasalanan upang mabuhay na kasama Niya magpakailanman sa kaharian ng langit.
Lahat ng nagpipilit na sila ay makasalanan kapag bumalik ang Panginoon ay walang magiging puwang para sa langit. Sa Huling Araw, sila ay hahatulan at itatapon sa apoy ng impiyerno. Ang kaparusahang ito ay naghihintay sa mga tumatangging maniwala sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ang ating Panginoong Jesus ay nagmamasid sa mga naniniwala sa huwad tulad ng Kanyang mga kaaway. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating labanan ang huwad na ito. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nating maniwala sa pinagpalang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
DAPAT TAYONG MANIWALA SA EBANGHELYO NG TUBIG AT NG ESPRITU
Kailangan pa bang magbayad para sa ating mga kasalanan ngayong lahat na ng ating mga kasalanan ay binayaran ng buo?
Hindi. Hindi kailanman.
Sinasabi ng Hebreo 10:15-16, “At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin namansa atin sapagka’t pagkasabi na Niya na, ito ang tipang gagawin Ko sa kanila, ‘Pagkatapos ng mga araw na yaon sabi ng Panginoon, ilalagay Ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga puso, at isusulat Ko rin naman sa kanilang pagiisip.’”
Pagkatapos Niyang alisin ang ating mga kasalanan, sinabi Niya, “Ito ang tipang gagawin Ko sa kanila.” Ano ang tipan na ito? “Iuukit ko sa kanilang puso ang Aking mga utos at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip.” Una ay sinubukan nating mamuhay sa legalismo ayon sa Kanyang kautusan, ngunit hindi tayo maliligtas sa pamamagitan ng kautusan.
Di-naglaon ay nabatid natin na si Jesus ay niligtas na ang mga naniniwala sa kanilang mga puso sa ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Sinumang naniniwala sa bautismo at dugo ni Jesus ay tinubos na.
Si Jesus ay ang Panginoon ng kaligtasan. “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan, sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Naparito sa lupa si Jesus bilang ating Tagapagligtas. Dahil hindi tayo maliligtas sa pamamagitan ng ating mga gawa, niligtas tayo ni Jesus at itinala sa tabletas ng ating mga puso na tayo’y niligtas Niya sa pamamagitan ng Kanyang kautusan ng pag-ibig at kaligtasan.
“At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi Ko na aalalahanin pa. At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan” (Hebreo 10:17-18).
Ngayon ay kinalimutan na Niya ang mga kasalanan natin. Ngayong inalis na Niya ang ating mga kasalanan, tayong mga naniniwala ay wala ng kasalanan upang patawarin. Ang ating mga utang ay binayaran na ng buo at wala ng dapat pang bayaran. Ang mga tao ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa gawain ni Jesus, na Siyang nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa krus.
Ngayon ang dapat na lang nating gawin ay ang maniwala sa tubig at sa dugo ni Jesus. “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Maniwala sa kaligtasan kay Jesus. Ang pagkamit ng katubusan ay higit na madali pa sa paghinga. Ang dapat mo lang gawin ay ang maniwala sa mga bagay kung ano sila. Ang kaligtasan ay ang paniniwala lamang sa salita ng Diyos.
Maniwala na si Jesus ang ating Tagapagligtas (sa bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa krus), at magkaroon lang ng pananampalataya upang ang kaligtasan ay mapasa iyo. Itakwil ang iyong sariling mga kaisipan at maniwala lang sa kaligtasan ni Jesus at maging handa na madala sa buhay na walang hanggang kasama Siya.