• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 3: Ang Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu

[3-8] ANG BAUTISMO NI JESUS AY ANG KAILANGANG PARAAN NG PAGLILIGTAS (Mateo 3:13-17)

2021.04.11 47
(Mateo 3:13-17)
“Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan!’” 
 
 
ANG BAUTISMO NI JUAN BAUTISTA
 
Ano ang pagsisisi?
Ang pagtalikod sa makasalanang pamumuhay at ang paniniwala kay Jesus upang maging banal.

Napakaraming tao sa mundo ang hindi nalalaman kung bakit sa Jesus ay naparito sa lupa at binautismuhan ni Juan Bautista. Kung gayon mag-usap tayo ukol sa layon ng bautismo ni Jesus at ukol kay Juan Bautista na siyang nagbautismo sa Kanya.
Una, dapat nating isipin kung ano ang nagdala kay Juan Bautista upang bautismuhan ang mga tao sa Jordan. Ipinaliwanag ito sa Mateo 3:1-12 na si Juan Bautista ay binautismo ang mga tao upang manumbalik sila sa Diyos dahil sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal ng kanilang mga kasalanan.
“Binautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi” (talatang 11), at “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang Kaniyang mga landas’” (talatang 3). Si Juan Bautista, nakadamit ng balahibo ng kamelyo at may dalang bugkos ng balang, sumisigaw sa ilang, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sumisigaw siya sa mga tao, “Magsisi, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan ay narito na; ihanda ang daan para sa Kanya, tuwirin ang Kanyang daanan ng pagliligtas. Itigil na ninyo ang pagsamba sa mga diyos ng mga Gentil at tanggapin ang Panginoon sa inyong puso.”
Magbalik mula saan? Mula sa pagsamba sa mga diyos-diyusan at sa masasamang gawain ng makasalanang pamumuhay. Kaya ano ang dapat nating gawin? Dapat tayong mabautismuhan kay Jesus upang pabanalin. Sumisigaw si Juan Bautista sa ilang, “Magpabautismo kayo sa akin. Hugasan ang inyong mga kasalanan. Ang Tagapagligtas, na inyong Mesias ay narito na sa mundong ito. Aalisin Niya ang inyong mga kasalanan bilang Tupang handog sa Lumang Tipan at huhugasan lahat ng inyong mga kasalanan.”
Sa Lumang Tipan, ang mga pang-araw-araw na kasalanan ay inililipat sa handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay. Ang mga taunang kasalanan ng buong Israel ay inilipat din sa kambing ng punong saserdote sa Araw ng Pagbabayad-sala, sa tuwing ika-10 araw ng ika-7 buwan taun-taon (Levitico 16:29-31).
Sa gayon paraan, ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay kailangang ilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ng minsan lang upang ito’y maalis sa pamamagitan Niya. Kaya hinikayat ni Juan ang mga tao na bumalik kay Jesus at ng mabautismuhan niya.
Ang pangunahing kahalagan ng bautismo na isinagawa ni Juan Bautista ay ang pagsisisi, na siyang nagdala sa mga Israelita pabalik kay Jesus na Siyang paparito pa lang. Ang pagsisisi ay nangangahulugan ng pagtalikod sa makasalanang pamumuhay at paniniwala sa Mesias upang mapatawad sa lahat ng kasalanan.
Ang bayan ng Israel ay matutubos sa pag-asa na ang Mesias ay paparito upang hugasan ang kanilang mga kasalanan. Gayundin, tayo ay matutubos sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus, Siyang nanaog mula sa langit 2000 taon na ang nakararaan at hinugasan lahat ng kasalanan. Ngunit ang mga Israelita sa Lumang Tipan ay iniwan ang kautusan ng Diyos, nag-alay ng mga maling handog at kinalimutan ang Mesias.
Dahil kailangang paalalahanan sila ni Juan Bautista sa kautusan ng Diyos at sa Mesias na darating, nagsimulang bautismuhan niya ang mga tao at dumating ang oras upang bautismuhan si Jesus sa Jordan.
Maraming tao ang lumapit kay Juan at nabautismuhan, nagsisisi sa pagsamba sa mga diyos-diyusan at pagtalikod sa kautusan ng Diyos. Mayroong tatlong mahalagang elemento sa lehitimong paghahandog – isang buhay na hayop, ang pagpapatong ng kamay, at ang dugo nito. Lahat ng tao sa mundo ay maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus.
Nang lumapit ang mga Fariseo at mga Saduseo para magpabautismo, sumigaw sa kanila si Juan, “Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo’y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating? Kayo nga’y mangabunga ng karapatdapat na pagsisisi. At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, ‘Si Abraham an gaming ama.’” (Mateo 3:7-9).
Ang mga Fariseo at mga Saduseong ito, mga pangkat ng pulitiko at mga sumasamba sa diyus-diyosan, inaakalang sila ay mga lingkod ng Diyos sa kabila ng katotohanang hindi sila naniniwala sa salita ng Diyos. Naniniwala sila sa ibang Diyos at sa mga sarili nilang kaisipan.
Nang lumapit sila kay Juan Bautista upang mabautismo, sinabi niya sa kanila, “Hindi kayo dapat mag-alay ng mga maling handog kundi dapat kayong tumalikod sa kasalanan at tunay na maniwala na darating ang Mesias at huhugasan ang inyong mga kasalanan. Dapat ninyong paniwalaan ito sa inyong mga puso.”
Ang pagsisisi ay ang pagtalikod sa maling daan. Ang tunay na pagsisisi ay ang pagtalikod sa kasalanan at sa mga huwad na paniniwala at magbalik kay Jesus. Ito ay ang paniniwala sa pagliligtas ng Kanyang bautismo at Kanyang hatol sa krus.
Sa gayun, sumigaw si Juan Bautista sa bayan ng Israel, mga tumalikod sa kautusan ng Diyos at sa pamamaraan ng paghahandog, upang himukin silang bumalik sa Diyos. Ito ang bahaging ginagampanan ni Juan Bautista ang pabalikin ang mga tao kay Jesus upang maniwala sila sa Kanya at maligtas sa lahat nilang kasalanan.
 
 
NANINIWALA KA BA SA PAGLILIGTAS SA PAMAMAGITAN NG BAUTISMO NI JESUS?
 
Ano ang dapat gawin ng lahat ng tao sa harap ni Jesus?
Dapat silang maniwala sa Kanya upang maligtas sa kanilang mga kasalanan.

Ang unang bagay na ginawa ni Jesus sa Kanyang paglilingkod sa publiko ay ang mabautismuha ni Juan Bautista. Lahat ng kasalanan ng inilipat sa Kanya sa paraang ito.
Sa gayon, ang bautismo ni Jesus ay ang simula ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at ito ring ang matuwid na ginawa ni Jesus sa paghugas sa lahat ng. Tinubos ng Diyos lahat ng naniniwala sa katotohanan na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Nang si Jesus ay naparito sa mundo at binautismuhan ni Juan Bautista, ang ebanghelyo ng kaharian ng langit ay nagsimula. Ang kalangitan ay nagbukas kasama ng Kanyang bautismo tulad ng inilarawan sa Mateo 3:15, ito’y katulad ng handog ng pagbabayad-sala na inilarawan sa Levitico 1:1-5, 4:27-31 sa Lumang Tipan.
Lahat ng nasa Lumang Tipan ay may kahawig sa Bagong Tipan at gayundin sa salungat nito. “Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin, kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama, sapagka’t iniutos ng aking bibig, at pinisian sila ng Kaniyang Espiritu” (Isaias 34:16).
 
 
ANG LUMA AT BAGONG TIPAN AY TUMATALAKAY UKOL SA PAGBABAYAD SA LAHAT NG KASALANAN NG TAO
 
Dapat ba tayong araw-arawNa magsisi sa ating mga kasalanan?
Hindi. Ang tunay na pagsisisi ay ang pagtanggap sa lahat ng kasalanan ng isang tao at pagbabalik ng kaisipan sa bautismo ni Jesus upang maligtas. 

Sa Lumang Tipan, ang kasalanan sa isang araw ay inililipat sa iaalay sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay. Pagkatapos ang iaalay ay magbububo ng dugo at hahatulan sa halip na ang makasalanan. At ang naipong kasalanan sa loob ng isang taon ay ililipat din sa iaalay sa pagpapatong ng kamay, upang lahat ng tao ay mapatawad para sa taunang kasalanan.
Sa Bagong Tipan, sa kahawig na paraan, dumating si Jesu-Cristo at binautismuhan sa Jordan upang alisin ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Sa gayon ang salita ng Diyos na hinulaan sa Lumang Tipan ay naisakatuparan.
Si Juan Bautista, na siyang nagbautismo kay Jesus, ay isang lingkod ng Diyos na sinugo anim na buwan bago si Jesus. Pinatotohanan niya na inalis na ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo, ayon sa sinasabi sa Juan 1:29. “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”
Inilipat ni Juan Bautista ang mga kasalanan ng sanlibutan kay Jesus sa pamamagitan ng pagbabautismo sa Kanya sa Jordan. Sa paraang ito, nagbayad ang Panginoon para sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Ang kailangan lamang nating gawin ngayon ay ang maniwala.
Lahat ng kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus. Sinabi ng mga alagad ni Jesus sa Mga Gawa 3:19, “Kaya nga mangagsisi kayo at mangagbalik-loob upang mangapawi ang inyong mga kasalanan.”
Dumating ang Mesias at hinugasan agad ang ating mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan. Lahat ng kasalanan sa mundo ay inilipat kay Jesus sa ganitong paraan. Sa gayon ang Tipan ng Diyos ay naisakatuparan sa bautismo ni Jesus, tulad ng nakatala sa Mateo 3:13-17.
“Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?’ Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan!’” 
Upang isakatuparan ang kaligtasan ng Diyos, lumapit si Jesus kay Juan upang magpabautismo. Si Juan Bautista ay isang natatanging lingkod ng Diyos. Sinasabi sa Lucas 1 na si Juan ay inapo ni Aaron, ang unang punong saserdote. Pinili ng Diyos si Juan, mula sa inapo ni Aaron dahil nais Niya na ang kinatawan ng sangkatauhan ang tumupad sa lahat ng kalooban.
Kaya itinulot ng Diyos na isilang si Juan sa sambahayan ng punong saserdote anim na buwan bago ang pagsilang ni Jesus. Inihanda ni Juan Bautista ang daraanan ni Jesus sa pagsigaw sa ilang, “Magsisi kayong lahi ng mga ulupong! Magsisi at manumbalik sa Diyos. Darating ang Mesias. Magbalik loob sa Kanya, at kung hindi ay puputulin Niya kayo mula sa Kanya at itatapon sa apoy. Maniwala sa Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa krus. Magsisisi at magpabautismo, sa gayon kayo’y maliligtas.”
Ang ebanghelyo ng kaligtasan ay malinaw na inilarawan sa mga Gawa 3:19. Nang sumigaw si Juan Bautista tungkol sa mga kasalanan ng sangkatauhan, marami ang nagbalik-loob.
Dahil inilipat ni Juan ang mga kasalanan ng mundo kay Jesus, lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay naglaho sa isang pagkakataon lang. Dahil si Juan Bautista ay nagpatotoo na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan natin, alam nating tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng kaligtasan, ang ebanghelyo ng tubig at ng dugo.
 
 
ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGANG MAUNANG DUMATING SI JUAN BAUTISTA BAGO SI JESUS
 
Ano ang kahulugan ng “upang sa gayon?”
pinaka-nararapat, pinakawasto kailangan sa ganitong paraan lamang (wala ng ibang paraan)

Yaong mga kasalanan ay nahugasan na sa paniniwala kay Jesus, ang Tagapagligtas, ang makapagpapatotoo ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng patotoo ni Mateo sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus. Sa Mateo 3:15-16, lumapit si Jesus kay Juan at sinabi, “Bautismuhan mo ako.” Sumagot si Juan, “Ako po ang kailangang bautismuhan Ninyo at Kayo pa ang lumapit sa akin?”
Si Juan Bautista ang nagbautismo kay Jesus, kinilala kung sino Siya. Si Juan ay ang lingkod ng Diyos na sinugo upang ilipat lahat ng kasalanan ng sangkatauhan kay Jesus. Dahil si Jesus ay dumating bilang Tagapagligtas upang isakatuparan ang hula sa Lumang Tipan, inutusan Niya si Juan Bautista na bautismuhan Siya upang akuin lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang ulo.
Bakit? Dahil si Jesus ay ang Anak ng Diyos na makapangyarihan, ang manlilikha, at ang Tagapagligtas. Dumating Siya sa atin upang hugasan lahat ng kasalanan. Kaya, upang maligtas lahat ng tao, kailangan Niyang magpabautismo.
“Sapagka’t ganyan” si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista at hinugasan lahat ng kasalanan natin. Siya ay hinatulan para sa atin doon sa krus. Ang bautismo ni Jesus ay ang patotoo ng ating kaligtasan. Tulad ng pinangako ng Diyos sa Lumang Tipan na lahat ng kasalanan ay ililipat sa Korderong handog, ang Anak ng Diyos ay naging Kordero at umako lahat ng kasalanan.
Kaya kapwa ang pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay ang paglilipat ng kasalanan, ang kaligtasan at walang hanggang buhay ay ginawad sa mga naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
ANG BAUTISMO NI JESUS ANG NAGHUGAS SA LAHAT NG KASALANAN NATIN
 
Paano tayo mailalagay kay Cristo?
Sa pamamagitan ng pagpapabautismo tungo kay Cristo.

Nang nais magpabautismo ni Jesus, tinangka Siyang pigilan ni Juan Bautista, sinasabing, “Ako po ang kailangang bautismuhan ninyo at kayo pa ang lumalapit sa akin?”
Ngunit sumagot si Jesus at sinabi, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Hayaan mo itong mangayari ngayon. Hayaan mo. Sinabi Niya kay Juan, “Kailangan mong ilipat ang mga kasalanan ng lahat ng tao sa Akin upang pasanin Ko sa Akin ang lahat ng naniniwala sa ebanghelyo ng tubig ng kaligtasan. Pagkatapos Ako ay hahatulan para sa lahat ng kasalanan upang lahat ng naniniwala sa Aking bautismo ay matubos sa kanilang mga kasalanan. Ilipat mo sa Akin ang kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo upang lahat ng darating pa lang ay matubos sa kanilang mga kasalanan, lahat sa isang pagkakataon lang. Samakatuwid, hayaan mo itong mangyari ngayon.”
Si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista at ang bautismo ni Jesus ay ayon sa matuwid na utos ng pagliligtas ng Diyos. Dahil lahat ng kasalanan ay inilipat na kay Jesus nang Siya ay bautismuhan, matutubos tayong lahat ng minsana kapag tayo ay naniwala kay Jesus at nabautismo. Dahil inako Niya lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay, namatay sa krus sa lugar natin at ngayon ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos, maliligtas tayo sa pamamagitan ng paniniwala sa pagliligtas ng tubig at ng Espiritu.
Siya ay si Jesus, na siyang nagligtas sa atin sa lahat ng kasalanan sa mundo. Maliligtas tayo sa pamamagitan ng paniniwala na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan at nagbayad ng kabayaran sa lahat ng kasalanan sa krus. Sa bautismo ni Jesus ay ang simula ng ebanghelyo ng kaligtasan.
Ang bautismo ng kaligtasan ay madalas na binanggit sa Biblia at si apostol Pablo ay sinasabi rin sa Galacia na siya’y napakong kasama ni Cristo. Si apostol Pablo ay tumatalakay ukol sa kanyang pananalig sa kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang pagkamatay sa krus.
 
 
“HAYAAN MO ITONG MANGYARI NGAYON”
 
Ano ang bahaging ginampanan ni Juan Bautista?
Ang bahagi niya ay ang ilipat lahat ng kasalanan ng mundo kay Jesus bilang punong saserdote ng buong sangkatauhan.

Sinabi ni Jesus, “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Ang katuwiran ay nangangahulugan ng pag-alis ng lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at gawing walang kasalanan sa kanilang mga puso sa lahat ng mga tao. “Kaya hinayaan niya Siya.” Si Jesus ay binautismuhan sa Jordan.
Tulad nang ipatong ng punong saserdote ang kanyang mga kamay sa ulo ng kambing, ipinatong ni Juan Bautista ang kanyang kamay sa ulo ni Jesus at inilipat lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanya. Si Juan Bautista ay ang punong saserdote na ang gawain ay ang ilipat lahat ng kasalanan ng mundo kay Jesus bilang kinatawan ng sangkatauhan. “Diyos ko, inililipat ko lahat ng kasalanan ng mundo sa Iyong Kordero, si Jesus. Sa gayon lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay malipat kay Jesus.”
Ipinatong ni Juan Bautista ang kanyang kamay sa ulo ni Jesus, inilubog Siya sa tubig, at inalis ang kanyang kamay nang umahon mula sa tubig si Jesus. Ang bautismo ni Jesus ay isinagawa para sa matuwid na kaligtasan.
 
 
NAGBUKAS ANG KALANGITAN AT ISANG TINIG ANG NAGMULA SA LANGIT
 
Mula sa anong panahon nagbukas ang kaharian ng langit?
Mula sa panahon ni Juan Bautista (Mateo 11:12).

“At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan!’” (Mateo 3:16-17).
Nang alisin ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ang kalangitan ay nagbukas para sa Kanya. Sa gayon ang Tipan ng Diyos na binuo libong taon na ang nakaraan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus sa Jordan.
Sa gayon si Jesus, bilang Kordero ng Diyos, ay iniligtas ang lahat ng tao sa mundo mula sa kanilang mga kasalanan. Lahat ng kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus at isinakatuparan Niya ang kalooban ng Diyos.
Pinatotohanan sa Juan 1:29, “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng lahat ng kasalanan ng sanglibutan!” Dahil lahat ng kasalanan ay inilipat kay Jesus, ang Kordero ng Diyos, lumakad Siya tungo sa krus sa Golgota pagkatapos ng tatlong taon kasama ang pasaning iyon sa kanyang balikat. Pagkatapos Niyang akuin lahat ng kasalanan sa Kanyang bautismo, saan man Siya pumunta, sinabi Niya sa mga tumanggap sa Kanya sa pananampalataya na lahat ng kanilang kasalanan ay napatawad na.
Sa Juan 8:11 ay sinabi Niya sa babae na nahuli sa akto ng pakikiapid, “Ako man ay hindi hahatol sa iyo.” Hindi Niya siya maaring parusahan dahil ang kailangang hatulan ay si Jesus mismo, na Siyang umako ng lahat ng kasalanan. Sa gayon ay sinabi Niya sa lahat ng tao na Siya ang Tagapagligtas ng mga makasalanan.
Dahil Siya, ang Anak ng Diyos, inalis lahat ng ating kasalanan, bawat mananampalataya sa mundo ay mapagiging-banal. Ang kalangitan ay nabuksan nang Siya’y binautismuhan. Ang mga pinto ng kaharian ng langit ay nabuksan at sinumang naniniwala sa bautismo ni Jesus ay malayang makapapasok.
 
 
SI JESUS AY IPINAKO SA KRUS PAGKATAPOS NIYANG TANGGAPIN LAHAT NG KASALANAN NG MUNDO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG BAUTISMO
 
Paano sinugatan ni Jesus ang ulo ni Satanas?
Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa mga patay pagkatapos tanggapin ang hatol para sa ating mga kasalanan.
 
Dahil lahat ng kasalanan ay inilipat sa Kanyang ulo, si Jesus ay kailangang mahatulan sa Krus. Siya ay lubos na nagdalamhati at nabahala nang maisip Niya ang tungkol sa hirap na daranasin Niya sa krus. Nanalangin Siya hanggang ang kanyang pawis ay naging mga patak ng dugo. Nang pumunta Siya kasama ang Kanyang mga alagad sa lugar na tinatawag na Gethsemane, sumigaw Siya, “Ama ko, kung baga maaari ay lumampas sa Akin ang sarong ito” (Mateo 26:39). “Ako ay binautismuhan at tinanggap lahat ng kasalanan ng mundo, ngunit huwag Mo akong hayaang mamatay para dito.” Ngunit hindi sumagot ang Diyos.
Sa Araw ng Pagbabayad-sala sa Lumang Tipan, ang handog sa kasalanan ay kailangang patayin upang ang dugo nito ay maiwisik sa luklukan ng awa ng punong saserdote. Sa gayong paraan, dapat maipako si Jesus sa Krus at ipinasya ng Diyos na wala nang iba pang paraan para gawin ito.
Ang altar ay ang hatol ng Diyos at ang dugo ng handog sa kasalanan ay buhay. Ang pagwisik ng dugo ng pitong beses sa harap ng luklukan ng awa ay nangangahulugang lahat ng hatol ay nailipat na (Levitico 16:1-22).
Nanalangin si Jesus sa Diyos na ilayo sa Kanya ang saro ng paghihirap. Ngunit hindi Siya pinayagan ng Kanyang Ama at sa wakas ay sinabi ni Jesus, “Gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo” (Mateo 26:39). Nanalangin Siya sa Diyos na gawin ang kung anong nakikita Niya na nararapat. Tinapos Niya ang pananalangin at sumunod sa kalooban ng Kanyang Ama.
Isinuko ni Jesus ang sarili Niyang kalooban at sumunod sa Kanyang Ama. Bakit? Dahil kung hindi Siya nahatulan pagkatapos akuin lahat ng kasalanan ng mundo, hindi sana naisakatuparan ang kaligtasan. Siya ay ipinako sa Krus dahil inalis Niya ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, datapuwa’t ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6:23).
Isinakatuparan ng Diyos ang Tipan na nagsasabing magsusugo Siya ng Tagapaligtas at ililigtas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay, ang bautismo ni Jesus. Sinunod ni Jesus ang kalooban ng Diyos at tinanggap ang hatol para sa atin.
Ito rin ang katuparan ng hula sa Genesis 3:15, “At papagaalitin Ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi, ito ang dudurog ng iyong uolo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” Ipinangako ng Diyos kay Adan na magsusugo Siya ng Mesias, isang punla mula kay Eba, at magtatagumpay laban sa kapangyarihan ni Satanas na dahilan ng pagiging makasalanan ng tao at matungo sa impiyerno.
Kapag nalaman natin at pinaniwalaan ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang kamatayan sa krus, lahat ng kasalanan natin ay mahuhugasan at tayo ay maliligtas sa hatol.
Dapat tayong magkaroon ng wastong paniniwala sa ating mga puso kapag isinaalang-alang natin ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus. Paniwalaan ito sa iyong puso, at ikaw ay maliligtas.
 
 
ANG BAUTISMO NI JESUS ANG PANIMULA NG MAKALANGIT NA EBANGHELYO
 
Ano ang huling utos ng Panginoon bago Siya umakyat sa langit?
Iniutos Niya sa Kanyang mga alagad na gumawa ng mga alagad sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbabautismo sa kanila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Ang bautismo ni Jesus ang panimula ng ebanghelyo, at iniligtas Niya lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Sa Mateo 28:19 ay nasusulat, “Magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Sinabi ni Jesus sa mga alagad sa pagpatotoo na ang Ama at ang Anak at ang Espiritu Santo ang nagligtas sa buong sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan at hinugasan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo.
Ibinigay sa kanila ni Jesus ang kapangyarihang gawing alagad ang lahat ng bansa, turuan sila tungkol sa bautismo ni Jesus, ang bautismo ng kaligtasan, ang bautismo na naghugas sa lahat ng kasalanan ng mundo.
Halos 2000 taon na ang nakaraan, dumating si Jesus sa mundo at binautismuhan ni Juan Bautista. Sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, lahat ng kasalanan ng mundo, kasama ang lahat ng kasalanan natin, ay inilipat sa Kanya.
Gaano karaming kasalanan ang inilipat sa Kanya? Paano naman ang kasalanan sa hinaharap? Sinabi Niya sa atin na kahit ang mga kasalanan sa hinaharap ay inilipat na sa Kanya. Ang mga kasalanan ng ating mga anak, yaong sa lahat ng henerasyon, nakaraan, pangkasalukuyan at hinaharap, kahit pati yaong kay Adan ay inilipat kay Jesus.
Paano mawawala ang kasalanan? Paano tayo mawawalan ng kasalanan? Dahil inalis na ni Jesus lahat ng kasalanan natin at lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo upang lahat ng mananampalataya ay mapalaya sa kanilang mga kasalanan at makamit ang daan sa kaharian ng langit.
“Datapuwa’t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios” (Juan 3:21).
Hinugasan ni Jesus lahat ng kasalanan natin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, Kanyang dugo sa krus, Kanyang kamatayan, at Kanyang muling pagkabuhay. Samakatuwid ang paniniwala sa Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa krus ay ang kaligtasan mula sa lahat ng kasalanan. Ito ang pananampalataya sa kaligtasan.
Kapag tayo ay naniwala sa bautismo at sa dugo ni Cristo, tayo ay ligtas na. Kung wasto ang paniniwala natin kay Jesus, tayo ba ay matuwid o makasalanan? Tayo ay matuwid. Wala na ba tayong kasalanan kahit na tayo ay hindi ganap na nilalang? Oo, tayo ay wala nang kasalanan. Ang maniwala sa bautismo ni Jesus at sa hatol sa krus ay ang pagkakaroon ng ganap at wastong pananampalataya.
 
 
ANG MABAUTISMO AT MAGPABAUTISMO SA NGALAN NI JESUS
 
Ano ang simula ng makalangit na ebanghelyo?
Ang bautismo ni Jesus.

Dahil ang tao ay hindi ganap na nilalang, ang mga ministro ay nagbabautismo sa mga naniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo upang kumpirmahin nila ang kanilang pananampalataya. Ang mga isinilang na muli ay tinitiyak na ligtas sila sa pamamagitan ng pagbabautismo sa gayon ding paraan ng bautismo ni Jesus bilang patunay ng kanilang pananampalataya.
Ang ministro ay nananalangin habang nakapatong ang kanyang kamay sa taong muling isinilang, humihingi ng pagpapala sa Diyos upang ang taong yaon ay sambahin Siya ng mabuti hanggang sa huling araw ng kanyang buhay. Pagkatapos ay babautismuhan niya siya sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Tayo ay binabautismuhan ayon sa ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Ang bautismo na ito ay upang ipakita na lahat ng kasalanan ay inilipat kay Jesus, na ang taong binautismuhan ay namatay kasama ni Jesus at muling nabuhay na kasama rin Siya.
Ang magpabautismo ay ang pagpapahayag ng paniniwala ng isang tao sa paglilipat ng kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, sa paghahatol para sa kasalanan kasama ni Jesus at sa muling pagkabuhay na kasama Siya. Ito ang paghahayag ng pananampalataya ng isang tao sa harap ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo, ni Satanas, at sa kapwa niya mga kapatid. Ito ay ang pangungumpisal na ang isang tao ay naisilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Yaong mga naniniwala kay Jesus, yaong nakababatid ng tunay na kahulugan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus, ay naligtas na mula sa lahat ng kasalanan ng mundo. Samakatuwid sila ay binautismuhan sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
“Ang mga dating bagay ay nagsilipas na, sila’y pawang naging mga bago” (2 Corinto 5:17). Ang ating dating mga pagkatao ay wala na at tayo ay isinilang na muli bilang mga tao ng pananampalataya. Para matiyak ito sa ating mga puso, tayo ay binautismuhan. Tayo ay binautismuhan kay Jesus sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus.
 
 
ANG BUHAY PAGKATAPOS ISILANG NA MULI SA BAUTISMO NI JESUS AT SA KANYANG DUGO SA KRUS
 
Para saan ang buhay ng isinilang na muli?
Sila ay nabubuhay para sa kaharian ng Diyos at Kanyang kalooban, na nangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo.

Ang buhay pagkatapos maligtas at maisilang na muli ay dapat samahan ng pananampalataya sa salita ng Diyos. Hindi ito dapat maging madamdamin na buhay kung saan ang isang tao ay dapat na araw-araw magsisi ng kasalanan. Sa halip, ito ay dapat maging buhay na puno ng pananampalataya kung saan araw-araw na nakatitiyak tayo na inalis na ni Jesus lahat ng kasalanan natin sa Kanyang bautismo.
Lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus nang Siya ay bautismuhan. Siya ay nabuhay ng tatlong taon kasama ang pasanin na ito hanggang sa tanggapin Niya ang hatol para sa lahat ng ating mga kasalanan at pinako sa krus.
Samakatuwid tayong mga mananampalataya ay dapat magkaroon ng pananampalataya sa salitang nasusulat, hindi mga damdamin lamang. Kapag tayo ay nabigo dito, mag-aalala lang tayo tungkol sa ating mga araw-araw na kasalanan pagkatapos tayong maligtas at maisilang na muli.
Dapat nating tanggalin ang sariling akala ukol sa kasalanan at paniwalaan lang ang ebanghelyo ng tubig at ng dugo. Ito ang buhay na dapat gampanan ng taong naligtas.
Ano ang sinasabi ni Juan Bautista tungkol kay Jesus? Sinabi niya, “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Nagpatotoo siya na inalis ni Jesus ang mga kasalanan ng kasalakuyan, hinaharap at nakaraan, lahat maging ang mga orihinal na kasalanan.
Hindi ba’t inalis na Niya ang mga kasalanang iyon? Hindi ba’t inilipat na lahat ng mga kasalanan kay Jesus? Ang kasalanan ng mundo ay kinabibilangan ng lahat ng mga kasalanan sa nakaraan, pangkasalukuyan at sa hinaharap. Dapat nating kumpirmahin ang ebanghelyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus.
Siya na naniniwala sa katotohanan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ay maliligtas. Sinumang naniniwala sa bautismo ni Jesus ay wala nang kasalanan sa kanyang puso.
Samantala, maraming tao ang nag-iisip na may kasalanan pa rin sila dahil hindi nila nababatid na lahat ng kanilang mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Sila ay nililinlang ni Satanas. Binubulag sila ni Satanas sa pamamagitan ng kanilang makalamang kaisipan. “Nagkakasala ka araw-araw. Paano ka mawawalan ng kasalanan?”
Kailangan lang nating maniwala sa Diyos upang mawala ang kasalanan. Ngunit nililinlang sila ni Satanas sa pag-iisip na sila ay makasalanan dahil nagkakasala pa rin sila. Walang taong may kasalanan kung naniniwala sila sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus.
Dahil nabubuhay tayo sa mundong ito na hindi ganap at mahinang nilalang, hindi natin masasabi na naging matuwid tayo dahil sa ating mga gawa. Ngunit masasabi natin na may pananampalataya na ligtas na tayo sa pamamagitan ng katotohanan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus. Sa oras na maunawaan natin ito sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, napagiging banal ang ating mga puso, batid na natin na wala na tayong kasalanan.
“♫ Ako ay tinubos. Kayo ay tinubos. Lahat tayo ay  tinubos. ♫” Tunay na maligaya at masaya ang pakiramdam ng mamuhay na may pagnanasang ipangaral ang ebanghelyo sa lahat at nalalamang ang Espiritu ang siyang gumagabay.
Siyempre tayong mananampalataya ay nagkakasala araw-araw ngunit wala na tayong kasalanan. Nasa atin na ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa ating mga puso. Dati ang ating mga puso ay puno ng kasalanan, ngunit ngayong naniniwala na tayo sa bautismo ni Jesus, paano tayo mananatiling makasalanan?
“Ito ang tipang gagawin Ko sa kanila, pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Ilalagay Ko ang Aking mga kautusan sa kanilang mga puso, at isusulat Ko rin naman sa kanilang pagiisip” (Hebreo 10:16).
Ang ating mga puso ay malaya na sa kasalanan. Ginawa itong posible ni Jesus para sa atin upang ganap na maligtas sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at ng Kanyang kamatayan sa krus. Ang kaligtasan mula sa kasalanan ay umuusbong mula sa paniniwala sa salita ng Diyos.
 
 
SINUMANG NANINIWALA SA BAUTISMO NI JESUS AT SA KANYANG DUGO SA KRUS AY HINDI NA MAGIGING MAKASALANANG MULI
 
Magiging makasalanan bang muli tayo kapag tayo ay nagkasala?
Hindi, hindi na muli tayo magiging makasalanan.

Kung hindi tayo naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, gaano man tayo kadalas manalangin para sa kapatawaran, may kasalanan pa rin sa ating mga puso. Ngunit kapag naniwala na tayo sa tunay na ebanghelyo, lahat ng ating mga kasalanan at nahugasan na.
“Hoy, bakit napakaaliwalas at napakasaya mo nitong mga araw?”
“Nakita mo. Wala na akong kasalanan sa puso.”
“Talaga? Eh di palagay ko maaari ka nang magkasala gaano mo man gustuhin ngayon?”
“Alam mo, walang magawa ang tao kundi magkasala. Ganoon ang tao. Subalit inalis na ni Jesus lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at tinanggap ang hatol sa krus. Dahil dito, itinalaga ko na ngayon ang aking sarili sa paglilingkod sa ebanghelyo sa iglesya. Sinasabi sa Roma 6 na lahat tayo ay dapat mamuhay ng ganito. Dahil wala ng kasalanan sa aking puso, gusto ko nang gumawa ng matuwid na bagay. Dapat tayong maniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus at ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo! Kapag tayo ay naniwala kay Jesus, na ating Panginoon ng kaligtasan, hindi na tayo magiging makasalanan muli. Dapat tayong maniwala sa walang-hanggang pagliligtas ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus. Ako’y lubos na nagpapasasalamat!”
 
 
SINO ANG TUMATANGGAP NG ESPRIRITU?
 
Ano ang patotoo ni Juan Bautista tungkol kay Jesus?
Nagpatotoo siya na si Jesus ang Cordero ng Diyos na nag-alis ng lahat ng kasalanan sa mundo, mga kasalanan sa nakaraan, pangkasalukuyan at panghinaharap, pati ang mga orihinal na kasalanan.

Siya na naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus ay siyang tumanggap ng kaligtasan. Paano natin tinanggap ang Espiritu? Sinasabi sa atin sa Mga Gawa 2:38-39 ang kasagutan. “Sinabi sa kanila ni Pedro, ‘Mangagsisi kayo at mangagbautismo at bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo sa ikapapatawad ng inyong mga kasalanan at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. Sapagka’t sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa Kaniya.’”
Ang mabautismuhan sa pangalan ni Jesu-Cristo ay nangangahulugang maniwala sa bautismo ni Jesus at maligtas. Pagkatapos nito ang Espiritu ay ibibigay bilang kaloob mula sa Diyos.
Ang mabautismuhan sa ngalan ni Jesu-Cristo ay nangangahulugan din na mapaging-banal sa paniniwala sa bautismo ni Cristo at Kanyang dugo. Kapag niyakap natin ang paniniwalang ito, tayo ay maliligtas at magiging matuwid. Ang mga mananampalataya ay nagiging kasimputi ng niyebe sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus.
“At tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.” Kapag matatag tayong naniniwala na lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Siya ay hinatulan para sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang pagkamatay sa krus, ang ating mga puso ay mahuhugasan. Ang ating bagong buhay ay magsisimula kapag tayo ay naniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus at tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo at naging mga anak ng Diyos.
“At inyong makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Dapat nating malaman ang tunay na kahulugan ng hatol ng Panginoon sa krus. Ang katotohanang inalis ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa krus. Ang kaligtasan ay ipinagkakaloob sa atin kapag tayo ay naniwala sa katotohanan.
 
 
ANG BAUTISMO NI JESUS ANG NAGLILIGTAS SA ATIN
 
Sino ang tumatanggap ng Espiritu?
Siya na ligtas sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus.

Ang pagbabayad ng kasalanan sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog sa Lumang Tipan ay kumakatawan sa bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan. Ang bautismo ni Jesus ang buod ng lahat ng mga hula sa Lumang Tipan. Kasama ang pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan ay matatagpuan sa bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan.
Lahat ng kasalanan ng mundo ay inilipat na kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo tulad din ng mga kasalanan ng Israel na inilipat sa kambing sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay.
Dapat ba tayong maniwala sa bautismo ni Jesus upang maligtas sa ating mga kasalanan? Oo! Dapat! Dapat nating tanggapin ang katotohanang inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Kapag hindi tayo naniwala sa bautismo ni Jesus, ang ating mga kasalanan ay hindi malilipat sa Kanya. Dapat tayong maniwala upang gawing ganap ang ating kaligtasan kung hindi, hindi tayo magiging matuwid.
Iniligtas ni Jesus lahat ng makasalanan sa mundo sa pinakanararapat at matuwid na paraan ng Kanyang bautismo. Hindi ito maaari sa ibang paraan. Dahil ang bautismo ni Jesus ay ang proseso kung saan lahat ng kasalanan ay inilipat sa Kanya, dapat tayong maniwala dito upang malinisan ang ating mga puso at ganap na malinis sa kasalanan.
Dapat din tayong maniwala na ang dugo ni Jesus ay hatol sa lahat ng kasalanan. Sa gayon, lahat ng naniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus ay ligtas na sa kasalanan.
Dapat tayong maniwala sa bautismo ni Jesus upang makapasok sa kaharian ng langit. Ito ang tanging paraan upang tayo ay matubos sa lahat ng kasalanan at makalalaya sa makatarungang kaparusahan.
Ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan at ang pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan ay magkatambal. Sila ay ang mga kawit at butas sa pagitan ng Luma at Bagong Tipan.
Sa Bagong Tipan, dumating si Juan Bautista anim na buwan bago si Jesus. Nang mabautismuhan si Jesus, ito ang “Ang pasimula ng evangelio ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Dios” (Marcos 1:1). Ang ebanghelyo ay nagsisimula sa panahong inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Ang ministeryo ng kaligtasan ng sangkatauhan ay isinagawa sa pamamagitan ng kawing-kawing na mga pangyayari: ang kapanganakan ni Jesus, Kanyang bautismo, Kanyang kamatayan sa krus, Kanyang muling pagkabuhay, at sa Kanyang pag-akyat sa langit. Kapag nalaman natin at naunawaan at pinaniwalaan ang proseso ng kaligtasan sa kawing-kawing na mga pangyayari, ligtas na tayo sa ating mga kasalanan. Ang bautismo ni Jesus ay ang simula ng ebanghelyo habang ang dugo naman sa krus ay ang kaganapan.
“Ang pasimula ng evangelio ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Dios” (Marcos 1:1). Hindi tayo maaaring mag-alis ng kahit anuman sa Kanyang matuwid na gawa – Kanyang bautismo, Kanyang dugo sa krus, Kanyang muling pagkabuhay, Kanyang pag-akyat sa langit at Kanyang muling pagbabalik – mula sa ebanghelyo ng Anak ng Diyos.
Si Jesus ay naparito sa mundo sa laman at hinugasan ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanyang bautismo, ito ang paniniwala ng makalangit na ebanghelyo. Kung isa man dito ang mawala, ang makalangit na ebanghelyo ay hindi ganap.
Samakatuwid, kung ang isang tao ay isisilang muli, dapat siyang maniwala sa bautismo ni Cristo at sa Kanyang dugo. Sa mga panahon ngayon, maraming tao ang hindi naniniwala sa katotohanan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Iniisip nila na ang bautismo ni Jesus ay isa lamang rituwal. Ito ay isang maling akala. Sinumang naniniwala kay Jesus ay dapat ding maniwala sa Kanyang bautismo at sa Kanyang dugo.
Mahuhugasan ba ang ating mga kasalanan sa simpleng panalangin lang ng paghingi ng tawad? Lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat na kay Jesus nang Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista. Walang ibang paraan para sa Kanya na akuin ang mga kasalanan ng sangkatauhan.
Ang tao ay dapat na isilang na muli sa tubig at sa Espiritu upang makapasok sa kaharian ng langit. Walang kaligtasan kung wala ang tubig at ng bautismo, ang dugo sa krus, at ang Espiritu. Ang taong naisilang na muli ang makakakita lamang sa Diyos, tulad ng sinabi ni Jesus kay Nicodemo sa Juan 3:5. Ang tunay na kaligtasan ay darating lang sa atin kapag tayo ay naniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo.
 
 
MALILIGTAS BA TAYO KUNG WALA ANG BAUTISMO NI JESUS?
 
Paano naging ating Tagapagligtas si Jesus?
Nang tanggapin Niya ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.

Kung aalisin natin sa pampublikong ministeryo ng Panginoon ang katotohanan na dumating si Jesus dito sa mundo at inalis ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, o iwalang-saysay ang kabanalan ni Jesus, na Siyang isinilang ng Birheng Maria, o kalimutang maniwala sa krus ni Jesus, ang Kristiyanismo ay magiging relihiyong mapamahiin na lamang na nagdadala sa mga mananampalataya sa pag-awit na “patawarin mo ako, patawarin mo ako, patawarin mo ako” tulad ng ginagawa ng mga Buddista sa kanilang mga templo.
Ang pagkawala ng bautismo ni Jesus ay mangangahulugan na ang ating mga kasalanan ay hindi inilipat sa Kanya. Ang pananampalataya natin ay mawawalang-halaga, gagawin tayong tulad ng umuutang na nagsasabing binayaran na niya ang kanyang mga utang ng buo samantalang ang totoo ay wala pa siyang binayaran. Gagawin niya tayong lahat na sinungaling. Kapag ang umuutang ay sinabing nagbayad na siya sa lahat ng utang niya samantalang ang totoo ay wala naman siyang ginawang gayon, mananatili siyang mangungutang sa katotohanan at sa budhi.
Hinugasan ni Jesus ang mga mananampalataya ng tubig ng Kanyang bautismo at ginawa silang mga anak ng Diyos. Inalis ni Jesus ang mga kasalanan sa pamamagitan ni Juan Bautista, upang mapaging-banal ang lahat ng mananampalataya. Kapag nalaman at pinaniwalaan natin ito, ang ating mga puso ay malilinis magpakailanman.
Salamat sa Diyos sa Kanyang biyaya. Sinasabi ng Lucas 2:14 “Luwalhati sa Dios sa kataas-taasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya!” Ang ating pananampalataya sa tubig at sa dugo ni Jesus ang nagdadala sa atin sa ganap na kaligtasan at nagtutulot sa atin na maging mga anak ng Diyos. Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ang nagligtas sa atin at sinumang naniniwala sa dalawang bagay na ito ay ligtas na.
Walang maaaring alisin mula sa mga gawa Niya. Ang iba ay naniniwala lang sa dugo, sinasabing ang apostol Pablo ay wala nang ipinagmapuri kundi ang krus. Ngunit ang bautismo ni Jesus ay kasama sa Kanyang krus.
Makikita natin sa Roma 6 na si Pablo ay binautismuhan kay Cristo at namatay na kasama si Cristo. Gayundin sa Galacia 2:20, “Ako’y napako sa krus kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo ang nabubhay sa akin at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang Kaniyang sarili dahil sa akin.”
At sa Galacia 3:27-29, “Sapagka’Tagapagligtas ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo. Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o Malaya man, walang magiging lalake o babae man, sapagka’t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. At kung kayo’y kay Cristo, kayo nga’y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.”
Ang mabautismuhan kay Cristo ay nangangahulugan ng paniniwala sa lahat ng mga bagay na ginawa Niya dito sa mundo, sa Kanyang bautismo at sa Kanyang dugo sa krus. Ang maniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ay paniniwala sa katotohanan na inalis na ni Jesus ang ating mga kasalanan halos 2000 taon na ang nakaraan. Wala nang ibang paraan na magdadala sa atin ng kaligtasan.
 
 
TAYO AY INILIGTAS NA NG DIYOS KUNG NANINIWALA TAYO SA BAUTISMO NI JESUS AT SA KANYANG DUGO SA KRUS
 
Mahuhugasan ba ang ating mga kasalanan sa pananalangin ukol sa kapatawaran? 
Hindi. Ang pagpapatawad sa kasalanan ay posible lamang sa pamamagitan ng paniniwala natin na lahat ng kasalanan ay inilipat na kay Jesus nang Siya ay binautismuhan ni Juan Bautista.

“Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid, at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10).
“Sapagkat ang lahat ng na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinhis si Cristo” (Galacia 3:27). Ang ating pananampalataya ang nagdadala sa atin upang mabautismuhan kay Cristo, upang tanggapin si Cristo, at upang maging mga anak ng Diyos. Nang dumating si Jesus dito sa mundo at bautismuhan, lahat ng ating mga kasalanan at maging ang mga kasalanan ng mundo ay inilipat na sa Kanya.
Ang ating pananampalataya ang nagdala sa atin upang makipagisa kay Cristo. Namatay tayo noong Siya ay namatay. Nabuhay tayo noong Siya ay nabuhay muli. Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa bautismo ni Jesus, sa Kanyang dugo at sa Kanyang muling pagkabuhay, sa Kanyang pag-akyat sa langit, at sa Kanyang pagsilang, makakapasok na tayo sa kaharian ng langit at mabubuhay mapagkailanman.
Kapag ang mga tao ay naniwala lang sa dugo ni Jesus, wala silang magagawa kundi maghirap dahil sa kasalanan na nananatili sa kanilang mga puso. Bakit? Sapagkat hindi nila alam, ni tinatanggap ang kahulugan ng bautismo ni Jesus, na nag-alis ng lahat ng mga kasalanan at naglinis ng kanilang mga makasalanang puso sa kasing-puti ng niyebe para sa walang hanggang buhay.
Naniniwala ka ba sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo na nagligtas sa iyo mula sa iyong mga kasalanan? Pakiusap maniwala ka. Kung wala ang paniniwala sa bautismo ni Jesus, ang iyong pananalig ay walang-saysay. Kung wala ang pananalig sa bautismo ni Jesus, hindi ka maliligtas sa iyong kasalanan; ikaw ay nakagapos sa di magagantihang pag-ibig.
Yaong mga naniniwala lang sa Krus ay magsasabing, “Si Jesus ang aking Panginoon, aking Tagapagligtas, na namatay sa krus para sa akin. Nabuhay Siyang muli mula sa mga patay at nagpatotoo sa Kanyang muling pagkabuhay sa loob ng 40 araw bago umakyat sa langit at ngayon ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos. Naniniwala ako na darating Siyang muli upang hatulan tayo at nananalangin ako na ganap akong baguhin ni Jesus upang makatagpo ko Siya. O, mahal kong Jesus, aking Panginoon.”
Sila ay humihingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at umaasa na wala nang kasalanan, ngunit may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso. “Naniniwala ako kay Jesus ngunit may kasalanan pa rin ako sa puso. Mahal ko si Jesus pero may kasalanan pa rin sa aking puso. Hindi ko masasabi, ‘lumapit ka sa akin, aking magiging kabiyak’ dahil may kasalanan pa rin ako at hindi ako tiyak sa aking kaligtasan. Kaya umaasa ako na si Jesus ay darating kapag ako ay handa na at pagkatapos lang na ako’y makapanalangin ng matiyaga at magsisi. Mahal ko si Jesus ng buong puso ngunit hindi ko magagawang humarap sa Kanya dahil sa mga kasalanang nasa puso ko.”
Kung tatanungin ni Jesus ang mga gayong tao, “Bakit sa palagay mo ay hindi ka pa ganap?”
Sasagot sila, “Panginoon, alam ko na hindi ako matuwid dahil nagkakasala ako araw-araw. Kaya pakiusap, ako’y tawagin Mo kung Inyo ng tatawag ang mga makasalanan.”
Hindi nila alam na ang Diyos, ang Manlilikha at ang Hukom, ay hindi tatanggapin ang mga makasalanan o gagawin man silang Kanyang anak.
Ang lalaking ikakasal ay dumating at nilutas lahat ng suliranin ng kasalanan para sa babaing ikakasal, ngunit dahil hindi ito alam ng babaing ikakasal, siya ay nagdusa. Kapag iniisip natin na tayo ay mga makasalanan dahil nagkasala tayo sa laman, hindi tayo nanalig sa Diyos. Kapag hindi natin alam o nauunawaan man lamang ang katotohanan sa salita ng Diyos, ang kasalanan sa ating puso ay patuloy na dumadami.
 
Bakit ang ibang tao ay nagdurusa sa kasalanang nananatili pa rin sa kanilang mga puso?
Dahil hindi nila alam o tinaggap sa kanilang puso ang kahulugan ng bautismo ni Jesus, na nag-alis ng lahat ng kanilang mga kasalanan.

Ang lalaking ikakasal ay nag-alis ng mga kasalanan sa mundo. Saan? Sa Jordan nang Siya ay binautismuhan. Yaong hindi naniniwala rito ay nananatiling mga makasalanan. Sila ay nananatiling mga lapastangang babaing ikakasal.
Tinanong ng lalaking ikakasal sa babaing ikakasal, “Paano mo ako mamahalin kung hindi ikaw ang aking pakakasalan? Bago mo ako tawaging iyong kabiyak, lahat ng iyong mga kasalanan ay dapat na mahugasan.”
Maliligtas ba tayo kung wala ang bautismo ni Jesus? Hindi! Tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos, kaya naghahanap tayo ng katarungan sa ating mga puso, at ang ating mga budhi ay sinisikap na maging makatarungan. Ngunit imposible para sa atin na isiping wala tayong kasalanan kung ang ating mga puso ay nanatiling marumi sa kasalanan. Kapag tayo ay tumanggap at naniwala sa bautismo ni Jesus, doon lang natin masasabi na tayo’y walang kasalanan at tayo ay matuwid.
Ang ating mga budhi ay hindi magiging banal kung ipapalagay natin ang ating mga sarili na walang kasalanan samantalang ang totoo ay may kasalanan pa tayo sa ating mga puso. Hindi rin tayo tatanggapin ng Diyos sa ilalim ng mga pangungusap na ito. Hindi nagsisinungaling ang Diyos.
Sinabi ng Diyos kay Moises na bilangin ang mga Israelita para mabilang sila at bayaran Siya ng pantubos para sa kanilang mga buhay. Ang mayaman ay hindi makapagbibigay ng higit sa kalahating shekel at ang mahihirap ay hindi makapagbibigay ng higit maliit. Bawat isa ay kailangang magbayad.
Samakatuwid, paano magiging banal ang isang taong hindi naniniwala kay Jesus na nagbayad ng tubos para sa kanyang buhay? Mayroon siyang kasalanan.
Kapag tayo ay naniwala lang sa dugo ni Jesus, may kasalanan tayo sa ating mga puso at kailangang mangumpisal na tayo ay mga makasalanan. Ngunit kapag tayo ay naniwala sa ebanghelyo ng Kanyang bautismo at sa krus na tunay na maipapahayag natin na wala tayong kasalanan. Ang kaligtasan at ang buhay na walang hanggan ay sa atin na.
 
 
ANG KAWALANG-PAKUNDANGAN LABAN SA ESPIRITU
 
Anong uri ng kasalanan ang magdadala sa tao sa impiyerno?
Kasalanan laban sa Espiritu, sa ibang salita ang hindi paniniwala sa bautismo ni Jesus.

Sinasabi ng Roma 1:17, “Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya.” Ang pagpapawalang-sala ng Diyos ay ipinahayag sa ebanghelyo. Si Cristo ay naparito sa mundo at hinugasan lahat ng kasalanan natin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa Krus. Ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo ay ang kapangyarihan ng ebanghelyo. Hinugasan ni Jesus ang ating mga kasalanan nang minsan lang.
Ang paniniwala ay nangangahulugang kaligtasan at ang hindi paniniwala ay nangangahulugan ng walang hanggang impiyerno. Ang ating Ama sa langit ay sinugo ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesus dito sa mundo, at itinulot na mabautismuhan Siya para sa pagbabayad ng ating mga kasalanan. Sa gayon, siya na naniniwala sa Kanya ay malilinis sa lahat niyang pagkakasala.
Ang tanging kasalanang nanatili sa mundong ito ay ang kasalanang hindi paniniwala sa Kanyang bautismo at dugo. Ang hindi paniniwala ay kawalang-pakundangan laban sa Espiritu at isang kasalanan na hahatulan ng Diyos, isusumpa ang mga walang paniniwala sa impiyerno. Ito ang pinakamaselang kasalanan sa lahat. Sinuman sa inyo na nakagawa ng kasalanang ito ay dapat magsisi at maligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus. Kung hindi, ikaw ay mawawasak magpakailanman.
Ligtas ka na ba sa patotoo ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo? Tinanggap mo na ba ang patotoo ni Juan tulad ng pagkakasulat sa Juan 1:29, “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” naniniwala ka ba sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo tulad ng nasusulat sa Hebreo 10:18, “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.”
Pinatutunayan ng Diyos yaong mga naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa kanilang mga puso. Ginagawa silang anak ng Diyos. Yaong mga naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ay ligtas na sa pamamagitan ng makatarungang pag-ibig ni Jesus.
Siya na sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, ngunit siya na mula sa mundo, siya na hindi sinugo ng Diyos, ay nangangaral ng ayon sa mga sarili niyang kaisipan. Marami dito sa mundo ang nangangaral ng salita ng Diyos, at yaong mga sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo.
Ngunit yaong nangangaral sa kanilang sariling mga salita ay nagpapahayag lang ng mga sarili nilang kaisipan. Sinasabi nila, “Tayo ay ligtas na sa mga orihinal na kasalanan, ngunit bawat isa ay kailangang magsisi para sa araw-araw na kasalanan.” Sinasabi nilang dapat tayong mapaging-banal ng paunti-unti.
Ngunit ang tao ba ay mapagiging-banal sa sariling paraan? Mapagiging-banal ba tayo sa kalakasan ng ating mga sariling galing at sa pamamagitan ng ating mga sariling pagsisikap? Mapagiging-banal ba tayo dahil hinugasan ng Diyos ang ating mga kasalanan, o dahil pinilit nating makamit ang kaligtasan sa ating sarili?
Ang tunay na pananampalataya ang siyang nagpapabanal sa atin. Mapapuputi ba natin ang uling sa paghuhugas nito ng libong ulit? Mapapaitim ba natin ang puting balat sa pamamagitan ng lihiya? Walang sapat na dami ng sabon o lihiya ang makapaghuhugas ng ating mga kasalanan, at ang ating sariling pagpapawalang-sala ay tulad ng isang maruming basahan. Magiging matuwid ba tayo sa paniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo, o sa paniniwala lang sa dugo sa krus?
Ang tunay na pananampalataya ay nagmumula sa tubig ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus. Ang kaligtasan ay hindi dumarating bilang sanhi ng ating sariling pagsisikap. Tanging ang ating pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ang nagpapalaya sa atin sa kasalanan at nagpapatuwid sa atin.
Ipinagkaloob ng Ama ang lahat ng mga tao sa mga kamay ng Anak at sinumang maniwala sa Kanya ay magkakamit ng buhay na walang hanggan. Ang maniwala sa Anak ay nangangahulugan ng paniniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Siya na naniniwala ay dapat magkaroon ng buhay na walang hanggan bilang anak ng Diyos. Siya na ligtas na ay mabubuhay magpakailanman sa kanang kamay ng Diyos.
Ang pananamapalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang pagiging-isa sa Diyos ay pananampalataya rin sa Espiritu. Ang salita ng katotohanan ang nagtutulot sa atin na maisilang muli. Tayo ay ligtas na sa paniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo. 
Magkaroon tayo ng pananampalataya. Ang maniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ay magkakamit ng kaligtasan. Magkaroon ng pananampalataya sa tunay na ebanghelyo at kamtan ang kapatawaran ng kasalanan.