(1 Juan 1:9)
“Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.”
ANG EBANGHELYO NG DUGO AY KALAHATI NG EBANGHELYO
Maaari ba tayong pumasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng Dugo?
Hindi, Kinakailangang tayo ay maniwala sa ganap na Ebanghelyo (Ang Ebangelyo ng tubig at ng Espiritu)
Ang 1 Juan 1:9 ay nararapat lamang sa mga matuwid. Kung ang mga makasalanan na hindi pa natubos ay sumubok na magbayad para sa kanyang pang-araw-araw na kasalanan ayon sa salita ng talata at humingi ng kapatawaran sa kaniyang masasamang gawa, ang kaniyang kasalanan ay hindi pagdurusahan. Nakita ba ninyo ang nais kong sabihin dito? Ang talatang ito ay hindi naangkop sa mga makasalanan na hindi pa ipinapanganak na muli.
Marami sa daigdig na ito ang hindi pa ipinapanganak na muli, datapuwa’t kinukuha nila ang talatang mula sa 1 Juan 1 at nananalangin at humihingi ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, umaasa ng kanilang kapatawaran.
Subalit ang isa bang tao na hindi ipinanganak na muli ay mapupuspos ng pagtubos sa kanyang kasalanan sa pamamagitan ng panalangin ng pagsisisi? Ito ay mahalagang puntos na dapat nating bigyan-pansin bago tayo magpatuloy.
Bago mo basahin ang 1 Juan, kinakailangang pagpasiyahan mo kung si Apostol Juan ay isang mabuting tao o isang makasalanan. Nais kitang tanungin, si Apostol Juan ba ay matuwid na ipinanganak na muli sanhi ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at sa espiritu o isa siyang makasalanan?
Kung sasabihin mo na si Apostol Juan ay isang makasalanan, ikaw ay nagkakamali sa iyong paniniwala ayon sa Banal na Kasulatan. Kung si Apostol Juan ay matuwid na ipinanganak na muli nang siya’y manampalataya kay Jesus, ito ay malinaw na ang kanyang pananampalataya ay kaiba sa iyo. Kailangang magkaroon ka ng pananampalatayang katulad ni Apostol Juan.
Matanong kita ng isa pa. Si Apostol Juan ba ay sumulat sa mga matuwid o sa mga makasalanan? Si Apostol Juan ay sumulat para sa mga matuwid.
Samakatuwid, kung ang mga makasalanan ay hindi pa ipinapanganak na muli ay sinipi ang mga salita sa 1 Juan 1:8-9 at ipinapatungkol ito sa kanila, mali ito. Kung ikaw ay magiging matuwid, ikumpisal mo ang iyong mga kasalanan sa harap ng Diyos at paniwalaan mo ang ebanghelyo sa tubig at sa Espiritu. At ang Diyos ay Kanyang lilinising lahat ng iyong kasalanan kasama ang ebanghelyo na maglilinis ng mga kasalanan ng buong sanlibutan.
Ang pananampalataya ni Apostol Juan ay tulad nito. Sa 1 Juan 5 sinasabi niya rito na siya ay may pananampalataya “sa tubig, sa dugo, at sa Espiritu.” Naniniwala ka ba kay Jesu-Cristo na naparito sa pamamagitan ng tubig, ng dugo at ng Espiritu? Naniniwala ka ba kay Jesus na naparito sa Krus, o sa Kaniyang bautismo, sa Kanyang dugo at sa Espiritu?
Makakapasok ka ba sa kaharian ng Diyos dahil sa paniniwala lamang sa Ebanghelyo ng dugo? Kung ang iyong pananampalataya ay sa Ebanghelyo ng dugo sa Krus lamang, kalahating Ebanghelyo lamang ang iyong nauunawaan. Kung naniniwala ka lang sa dugo sa Krus, walang pag-aalinlangan na matatagpuan mo ang iyong sarili na nananalangin araw-araw para sa kapatawaran ng iyong kasalanan. Malaking pagkakataon na naniniwala ka na ang iyong kasalanan ay maaring mahugasan sa pamamagitan ng mga panalangin ng pagsisisi.
Subalit ang inyo bang mga kasalanan ay mahuhugasan kung naniwala ka lang sa dugo sa Krus, pagsisisi at panalangin para sa iyong mga kasalanan araw-araw? Kung ikaw ay isa sa mga ito, kung gayon ang iyong mga kasalanan ay nananatili sa iyong puso sapagkat wala ni isa man ang makapaghuhugas ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugo sa Krus lamang, pananalangin araw-araw para sa kapatawaran. Kung ikaw ay isa sa mga ito, kung gayon hindi mo nalalaman ang Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang iyong pananampalataya ay hindi sapat.
Si Apostol Juan ay ipinanganak na muli sapagkat siya’y naniniwala sa Ebanghelyo sa tubig at sa dugo at sa Espiritu. Subalit naniniwala ka lang sa dugo sa Krus. Kung wala kang malinaw na pagkaunawa sa Ebanghelyo, paano mo madadala ang iba sa kaligtasan? Ikaw ay hindi pa man ipinanganak na muli, subalit nagsisikap na pagbayaran ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng mga pananalangin ng pagsisisi. Ito ay walang kabuluhan.
Kahit na gaano man karubdob ang pananalangin at paghingi ng kapatawaran, ang kasalanan ay hindi mahuhugasan sa kaniyang puso. Kung nararamdaman mo na kung minsan ang iyong mga kasalanan ay nahugasan na, ito ay sa imahinasyon mo lang at ito ang lakas ng iyong damdamin. Kung ikaw ay manalangin at magsisi maaaring makaramdam ka ng panibagong sigla para sa araw na iyon. Subalit hindi ka maaring mapalaya sa iyong kasalanan sa ganitong paraan.
Ang mga makasalanan ay nananalangin at nagsisisi, sa pag-asang sila’y maliligtas sa kanilang kasalanan Kung kaya’t sila’y mananatiling makasalanan kahit na sila’y naniwala na kay Jesus sa matagal na panahon. Hindi nila nalalaman ang Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung naniniwala ka kay Jesus subalit hindi pa ipinanganak na muli, maaring isa ka sa mga taong ito. Kung magsisikap ka na pagbayaran ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalangin at pagsisisi araw-araw, ito ay malinaw na katibayan na ikaw ay hindi pa ipinapanganak na muli. Kinakailangang magpasiya ka sa paniniwala sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu tulad ng ginawa ni Apostol Juan, o ilagay ang iyong pananampalataya sa iyong kaisipan at damdamin. Ang isa ay malinaw na katotohanan, at ang isa ay walang katotohanan.
Ang tunay na Ebanghelyo ayon sa Biblia ay si Jesus ay binautismuhan at Kanyang inalis ang mga kasalanan ng mundo minsan at para sa lahat at tumanggap ng paghatol para sa mga makasalanan doon sa krus. Kung ang tao ay naniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang kamatayan sa krus, siya ay maliligtas ng minsan para sa kanyang kasalanan. Sa kabilang dako, kung ang tao ay subukang hugasan ang kanyang mga pagkakasala sa pamamagitan ng pananalangin ng pagsisisi, hindi siya kailanman mapapalaya ng kanyang mga kasalanan. Wari mo ba’y naalala mo lahat ang iyong mga kasalanan sa araw-araw? Ang Diyos ba ay mag-iingat sa mga kasalanan mong hindi naingihan ng tawad? Ang panalangin ng pagsisisi ba ay malinaw na kasagutan sa mga suliranin ng pang-araw-araw na kasalanan? Hindi.
TUNAY NA PAGSISISI AT ANG LAYUNIN NG PANGUNGUMPISAL
Anu-ano ang mga limitasyon ng paghingi ng kapatawaran at mabubuting gawa?
Kahit na tayo ay humingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan sa buong buhay natin, hindi tayo maliligtas sa pamamagitan lang ng paghingi ng kapatawaran sa ating mga pagsalangsang at paggawa ng mabubuting mga gawa.
Ang pagsisisi sa Biblia ay nangangahulugang pagtalikod sa maling pananampalataya tungo sa tunay na pananampalataya, at para sa mga matuwid, ibig sabihin nito ay pagkilala sa maling gawain at pagbabalik sa liwanag ng Ebanghelyo.
Kung ikaw ay makasalanan ngayon, kailangang humingi ka ng kapatawaran tulad nito. “Mahal na Diyos, Ako’y nagkasala at karapat-dapat na matungo sa impierno. Subalit ako’y nagnanasa na maligtas mula sa aking mga kasalanan. Nakikiusap po ako, iligtas Mo ako sa aking mga kasalanan. Hindi pa ako ipinapanganak na muli at alam kong ako’y patungo sa impiyerno.” Ito ang wastong pangungumpisal.
Kung gayon, anong uri ng pangungumpisal ang gagawin ng isang ipinanganak na muli? “Mahal na Diyos, Ako’y nakagawa ng kasalanang pagsunod sa aking laman, Ako’y naniniwala kay Jesus na binautismuhan ni Juan Bautista at iniligtas ako sa lahat ng aking mga kasalanan, kahit na ang kasalanang ngayon ko lang ginawa, yamang ako’y maaaring mamatay sa aking mga kasalanan. Nagpapasalamat ako sa Diyos at sa Kanya pagliligtas sa pamamagitan ng tubig at ng dugo.” Ang pangungumpisal ng ipinanganak na muli at noong mga hindi pa ipinapanganak na muli ay magkaiba.
Kailangang tayong lahat ay magkaroon ng iisang pananampalataya tulad ng kay Apostol Juan. Kung susubukin mong itago ang iyong kasalanan sa likod ng pangungumpisal ito ay para sa matuwid, kung gayon hindi ka na maliligtas sa kamatayan, ang kabayaran ng kasalanan.
Lahat ng makasalanan na hindi pa ipinapanganak na muli ay kailangang huminto sa pagtatago sa likod ng pangungumpisal at magsimulang maniwala sa tunay na Ebanghelyo ng tubig at ng dugo at ng Espiritu. Kinakailangan nilang matutunan ang pananampalataya ni Apostol Juan at sa gayon ay matamo ang kaligtasan.
Ang mga makasalanan ay hindi naiisip kung gaano nakapangingilabot ang hatol para sa kanilang mga kasalanan. Ang nakapangingilabot na kasalanan sa harap ng Diyos ay ang hindi paniniwala sa Ebanghelyo tungkol sa kapanganakang muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.
Lahat ng naniniwala kay Jesus subalit hindi pa ipinanganganak na muli ay kailangang humingi ng kapatawaran sa Diyos. “Panginoon ako’y isang makasalanan na ibubulid sa nag-aapoy na impiyerno,” habang inuulit na sinasabi, “Panginoon, nagmamakaawa ako, linisin Mo po ang aking mga kasalanan.” Kung ang makasalanan ay tatanggapin sa kaniyang puso ang Ebanghelyo na si Jesus ay nagligtas sa kanya sa pamamagitan ng pagpapabautismo Niya sa ilog Jordan at sa Kanyang dugo doon sa Krus, siya’y mapapalaya sa lahat ng niyang mga kasalanan. Ito ang uri ng pangungumpisal na kailangang gawin upang siya ay maligtas sa lahat ng kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos.
Ang makasalanan ay kailangang humingi ng kapatawaran na siya ay hindi pa ipinapanganak na muli at naniniwala sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Magkagayo’y siya ay maliligtas. Sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang kaligtasan ng mga makasalanan ay magiging ganap. “At sa kaninomang iba ay walang kaligtasan, sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Gawa 4:12). Iniligtas lahat ng Diyos ang mga makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus, na binautismuhan ni Juan Bautista at namatay sa Krus.
Hinugasan ng Diyos ang mga kasalanan ng tao sa kanilang laman at ng kanilang mga puso mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang kamatayan. Kinakailangang tayo’y maniwala sa tunay na Ebanghelyo upang maligtas. Ito ang tanging daan upang tayo ay mapalaya sa ating mga kasalanan at maging tunay na sakdal. Tayo’y magiging banal ng minsanan kung tayo’y maniniwala sa tunay na Ebanghelyo sa tubig at ng Espiritu.
Si Jesus ay binautismuhan, kinuha ang mga kasalanan ng sanlibutan, binayaran ang mga ito sa Krus sa pamamagitan ng Kanyang buhay, nabuhay na muli sa ikatlong araw at ngayo’y nakaupo sa kanang kamay ng Diyos. Ito ang sukdulang katotohanan.
Kinakailangang lahat tayo ay mangumpisal ng ganito. “Panginoon, wala akong magawa kundi magkakasala araw-araw hanggang sa ako’y mamatay. Ako’y pinanganak na isang makasalanan mula sa sinapupunan ng aking ina, at inako ko ang lahat ng kasalanang aking ginawa, dapat akong itapon sa naglalagablab na apoy ng impiyerno. Sa ganitong kadahilanan, nais kong manalig kay Jesus, na naparito sa pamamagitan ng tubig, dugo at ng Espiritu at naging aking Tagapagligtas.”
Tulad ng nasusulat sa Mateo 3, inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo, kasama na rito ang mga kasalanang ating nagawa hanggang sa araw na tayo ay mamatay, nang Siya’y binautismuhan sa ilog Jordan. “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana’y magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).
Kung si Jesus ay iniligtas tayo sa orihinal na kasalanan at sinabi sa atin na lulutasin na lang natin ang ating suliranin sa kasalanan, tayo’y patuloy sa pagtitiis. Subalit pinalaya tayo ni Jesus sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Bautismo at dugo. Ano pa ang ating ipapangamba? Kung tayo’y naniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus, at pasalamatan ang Diyos, ang Espiritu ay nananahan sa ating mga puso.
Ikaw ba ay nananalig kay Jesus? Naniniwala ka bang nananahan ang Espiritu sa iyo? Lahat ng iyong kasalanan ay inako na ni Jesus nang hugasan Niya ang kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Siya ay hinatulan sa Krus para sa ating mga kasalanan, pinalaya tayo sa habang buhay na pagkasumpa. Ito ang tunay na Ebanghelyo.
PAGSISISI NG MATUWID
Ano ang tunay na pagsisisi ng matuwid?
Ang pagsisisi na sila’y nagkakasala araw-araw subalit kung may pananampalataya na sa katunayang hinugasan na ni Jesus ang kanilang araw-araw na kasalanan 2000 taon na ang nakakaraan.
Sa 1 Juan 1:9 ay sinasabi “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” Ito ay nangangahulugang kung ang tao ay nagpasiya at naniwala sa Ebanghelyo sa tubig at sa Espiritu kailangang ipahayag niya ang kanyang mga kasalanan, at sabihing “Panginoon, wala akong magawa kundi magkasala sa buong buhay, subalit alam kong hindi ako maliligtas sa aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalangin para sa kapatawaran. Ako’y naniniwala na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, maliban sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang pagkapako ay mahuhugasan ang lahat ng aking kasalanan. Ako ngayon ay nagsisisi sa aking mga kasalanan subalit ako’y naniniwala na hinugasan na ni Jesus ang aking kasalanan doon sa Ilog Jordan may 2000 taon na ang.” Kung siya ay mananalangin sa ganitong paraan ang suliranin ng kasalanan sa kanyang budhi ay maglalaho ng lubusan.
Lahat ng ipinanganak na muli ay kailangang magkumpisal sa kaniyang kasalanan. Kanyang papagtibayin na si Jesus ay naghugas na ng mga kasalanang kanyang nagawa. Sapagkat si Jesus ay binautismuhan at namatay para sa ating mga makasalanan 2000 taon na ang nakalipas, anumang kahinaan meron sila, lahat ng kanilang mga kasalanan ay lubusan ng hinugasan.
Ang ating nabasa ngayon ay isang napakagandang talatang para sa mga matutuwid. Subalit kung ang makasalanan ay tatanggapin ang talatang ito at gagamitin sa maling pamamaraan, siya ay mahahantong sa impiyerno. Ang talatang ito sa Biblia ay madalas na mali ang paggamit. Ito ay matagal ng dahilan ng di-pagkakaunawaan ng mga Kristiyano.
May kasabihan na ang di-sanay na doktor ay maaring makapatay ng pasyente. Kung ang di-bihasang doktor ay sumubok na gumawa ng higit pa sa kanyang kakayahan, maaari niyang mapatay ang kanyang pasyente.
Ito ay tuntunin ng buhay na ang tao ay kinakailangang magsanay ng husto at maging mahusay upang magampanan niya ang kanyang tungkulin ng buong kahusayan. Ito ay katulad ng pananampalataya sa mundo. Ang lahat ng nagtuturo ng salita ng Diyos ay kailangang ituro nila ang katotohanan kung paano ito isinulat ng wasto at malinaw, at lahat ng kanilang naturuan ay magkakaroon ng pananampalataya dahil sa kanilang itinuro.
Kung ang mangangaral ay nagtuturo ng maling doktrina sa kanilang mga tinuturuan, o kaya’y kung ang mga mananampalataya’y mali ang natutunan sa Biblia, ito ay magbubunga ng kahatulan ng impiyerno. Tanging ang ipinanganak na muli ang maaaring magturo ng wasto sa Biblia. Kahit ang magagaling na gamot ay nakakamatay ng pasyente kung hindi wasto ang pagkakareseta, gayon din sa pagtuturo at pag-aaral sa salita ng Diyos. Ito ay kasing kabuluhan ng apoy sa ating buhay. Subalit magdadala sa atin ng sakuna ang apoy na ito kung ilalagay natin sa mga kamay ng mga bata, ang salita ng Diyos ay magdadala ng pambihirang sakuna sa mga maling kamay.
Kinakailangan nating maunawaan ang kaibahan ng pangungumpisal ng mga matuwid at ng mga makasalanan. Ang 1 Juan 1:9 ay para sa mga matuwid. Kung ang matuwid na tao ay magsisi sa kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos na may pananampalataya siya’y mapapalaya sapagkat si Jesus ay hinugasan na ang mga kasalanan 2000 taon na ang nakalipas.
Ito ay mali sa mga makasalanan na maniwala na ang kanilang mga kasalanan ay hinugasan sa tuwing sila ay mananalangin at hihingi ng kapatawaran. Kung ang isa’y hindi ipinanganak na muli, ang kaniya bang mga kasalanan ay mahuhugasan sa pamamagitan ng kanyang pagsisisi?
Ang Diyos ay makatarungan. Binigay ang Kanyang Bugtong na Anak sa mundo upang akuin ang kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at niligtas lahat ng mga naniniwala sa Kanyang bautismo sa tubig at sa Kanyang dugo sa Krus. Sa gayon, kung ang matuwid na tao ay magsisi sa kanyang mga kasalanan, sasabihin sa kania ng Diyos na hinugasan na ito ni Jesus halos 2000 taon na ang nakalipas. Kanyang napagtibay na wala na siyang kasalanan, kahit na ang kanyang laman ay nagkakasala.