• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 6: Mga erehe

[6-1] MGA HUWAD AT EREHE SA KRISTIYANISMO (Isaias 28:13-14)

2021.04.11 52
(Isaias 28:13-14)
“Kaya’t ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila’y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito’y kaunti, doo’y kaunti; upang sila’y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo at mangahuli. Kaya’t iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa baying ito na nasa Jerusalem.”
 
 
BIBLIKAL NA EREHE
 
Paano ipinapakahulugan ng Biblia ang salitang “erehe?”
Ipinapakahulugan ng Biblia ang erehe bilang isang tao na may kasalanan sa kanyang puso kahit na naniniwala siya kay Jesus.

Marami ang mga huwad na manunulat ng balita sa panahon ngayon, lalo na sa mga bansang umuunlad. Sila yaong mga nagpapanggap na manunulat ng balita ngunit madalas na namimilit humingi ng pera mula sa kanilang mga biktima, na nagbabantang magbubunyag ng isang bagay na nagawa ng kanilang biktima. Ang ibig sabihin ng salitang huwad ay nagmumukhang tunay ngunit hindi ang totoong bagay. Sa ibang salita, ito’y tumutukoy sa isang bagay na ang kanyang tunay na kalooban ay na kaiba sa kanyang panlabas.
Ang mga salitang “erehe” at “huwad” ay madalas na ginagamit, lalo na sa mga iglesyang Kristiyano.
Ngunit mayroong mga ilang malinaw na sipi ng kahulugan kung ano ang erehe at ang salitang “huwad”, hindi rin ganoon karami ang nagtuturo ng ganitong mga pananaw na mahigpit na naaayon sa Biblia.
Sa mga pangyayaring ito, nararamdaman ko ang tungkuling nakatali na isiwalat kung ang “erehiya” na pinapakahulugan sa Biblia at magbigay ng ilang halimbawa ng pagka-erehe sa tunay na buhay nang sa gayon ay sama-sama tayong mag-isip ukol dito. Sinumang naniniwala sa Diyos ay dapat mag-isip tungkol sa pagka-erehe kahit isang beses lang sa kanilang buhay.
Ang Titus 3:10-11 ay binigyang kahulugan ang erehe bilang isang taong nahahati sa pagiging ligaw at nagkakasala, at pagsumpa sa sarili. Ang erehe ay isang taong sinusumpa ang sarili bilang isang makasalanan. Samakatuwid yaong mga naniniwala kay Jesus subalit may kasalanan sa kanyang puso ay mga erehe sa harap ng Diyos.
Inalis ni Jesus ang lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ngunit ang mga erehe ay tumatangging maniwala sa tunay na ebanghelyo na nagdadala ng kaligtasan sa mga makasalanan at sa gayon ay isinusumpa ang kanilang sarili upang ibilang sa katayuan ng mga makasalanan.
Isa ka bang erehe? Dapat nating isipin ang tungkol dito kung nais nating mabuhay ng matuwid at matapat.
Hindi ba’t isusumpa mo ang iyong sarili bilang isang makasalanan kahit na naniniwala ka kay Jesus kung hindi mo pa narinig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Kung ibinibilang mo ang iyong sarili na makasalanan, ikaw ay gumagawa ng masamang paglilingkod kay Jesus sa pagwawalang-halaga sa Kanyang ganap na pagliligtas at sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang pagtawag sa sarili na makasalanan sa harap ng Diyos ay pagtanggap na hindi ka anak ng Diyos. Yaong nangungumpisal kay Jesus na, “Panginoon, ako’y isang makasalanan,” ay dapat na muling pag-aralan ang kanilang sariling pananampalataya.
Paano ka maniniwala kay Jesus at patuloy na tanggaping ikaw ay isang makasalanan kung inalis na lahat ni Jesus ang kasalanan sa mundo at ganap na iniligtas ka mula sa walang hanggang sumpa? Paano mo maikakaila ang Kanyang libreng handog ng kaligtasan at kilalanin ang iyong sarili na isang makasalanan kung inalis na ni Jesus ang lahat ng kasalanan mo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at lubos na hinatulan sa krus dahil sa mga ito?
Ang mga gayong tao ay mga erehe dahil bukal sa loob nila ang pagiging makasalanan na malayo sa salita ng Diyos. Dapat mong malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang maiwasang maginng erehe sa harap ng Diyos.
Sinumang naniniwala kay Jesus ngunit hindi naisilang muli ay isang erehe dahil siya ay may kasalanan pa rin sa kanyang puso.
Dahil inalis ng Diyos ang lahat ng kasalanan sa mundo kasama na ang sa atin tayo ay erehe sa harap ng Diyos kung winawalang-saysay natin itong pagpapala ng kaligtasan. Dahil ang Diyos ay banal, tayo ay mga erehe kung mayroon tayong kasalanan sa ating puso. Kung talagang nais nating maging matuwid, dapat tayong maniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa krus.
 
 
ANG PINAGMULAN NG EREHE SA BIBLIA
 
Ano ang pinakamahalagang katangian para sa isang saserdote?
Dapat siya ay masilang na muli.

Tingnan natin ang 1 Hari 12:25-26. “Nang magkagayo’y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at tumahan doon, at siya’y umalis mula roon, at itinayo ang Penuel. At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili, ‘Ngayo’y mababalik ang kaharian sa sangbahayan ni David.” Si Jeroboam ay isa sa mga tauhan ni Solomon. Nang mapunta sa katiwalian si Solomon sa mga huli niyang taon, si Jeroboam ay nag-alsa laban sa hari, at di-naglaon, siya ay naging hari ng sampung tribo ng Israel sa panahon ni Roboam, ang anak ni Solomon.
Ang isang layunin ni Jeroboam nang siya ay maging hari ng Israel ay ang mapanumbalik ang kanyang mga tao sa Juda kung saan naroon ang templo.
Kaya, naisip niya na pigilin itong pangyayari. Gumawa siya ng dalawang guyang ginto sa Bethel at sa Dan at iniutos sa kanyang mga tao na sambahin sila. Sinasabi sa 1 Hari 12:28, “Kaya’Tagapagligtas ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guying ginto, at sinabi niya sa kanil.” Ang isa’y inilagay niya sa Bethel, at ang isa pa’y sa Dan at sinabi sa kanyang bayan na sambahin ang mga ito, kahit na ang katotohanan ito’y isang nakapangingilabot na kasalanan ang gawin ito. Nagawa rin niyang italaga ng walang-pagtutol ang mga saserdote upang mamuno sa pagsamba.
“Pagkatapos ng bagay na ito, si Jeroboam ay hindi tumalikod sa kaniyang masamang lakad, kundi gumawa uli mula sa buong bayan ng mga saserdote sa mga mataas na dako” (1 Hari 13:33). Iyon ang pinagmulan ng erehe.
Kahit ngayon, ang mga erehe ay nagtatalaga na sinumang nagnanais na gumawa para sa Diyos. Sinumang magtapos sa seminaryo ay maaaring maging ministro, mangangaral, misyonero at tagapanguna kahit na siya ay hindi pa naisilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Paanong ang isang tao na hindi pa naisilang muli ay maging isang ministro? Kung ang gayong tao ay itinalaga upang maging isang saserdote, ang iglesyang pumili sa kanya ay nagiging pabrika sa paggawa ng mga erehe.
Isipin nating muli ang tungkol sa pinagmulan ng erehe. Una, ipinalit ni Jeroboam ang mga guyang ginto para sa Diyos upang mapanatili ang kanyang kapangyarihanng pang-pulitika. Ikalawa, ginawa niyang banal ang sinumang nagnanais na maging isang saserdote. Sa ibang salita, itinalaga niya ang mga karaniwang tao bilang saserdote. At gayong mga bagay din ang ginagawa sa ngayon.
Ang kasaysayan ng erehe ay nagpatuloy pagkatapos ng panahon ni Jeroboam. Yaong mga hindi pa naisisilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay hindi dapat pahintulutang maging saserdote kailanman.
Ang sinumang nagtapos lang mula sa seminaryo ay dapat bang maging ministro o mangangaral? Wasto ba para sa kanila na maglingkod sa Diyos kahit na ang katotohanan ay hindi sila inaayunan ng Diyos? Hindi kailanman. Tanging ang mga kinikilala lang ng Diyos ang dapat pahintulutang maging Kanyang lingkod. Yaong mga kinikilala ng Diyos ay yaong mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Ito’y nasusulat sa 1 Hari 12:25-26 at sa 1 Hari kapitulo 13 na ang kasalanan ni Jeroboam ang naging dahilan ng pagkapoot ng Diyos. Dapat na malaman nating lahat ang kasaysayang ito, at kung may isang hindi nakakaalam nito, dapat siyang bumalik sa Biblia upang ito’y mabatid.
Isiping muli kung ikaw ay nagpapalit ng mga guyang ginto para sa Diyos sa iyong gawain. Ikaw ba, sa anumang pagkakataon, ay magbibigay ng halaga sa mga makamundong pagpapala at marahil ang iyong mga tagasunod ay bumalik sa ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu?
Sasabihin mo ba sa iyong mga tagasunod na sila ay gagaling sa kanilang sakit kung sila’y maniniwala kay Jesus? Sasabihin mo ba sa kanilang sila ay pagpapalain ng mga ari-arian? Itatalaga mo ba ang mga hindi pa naisisilang na muli na maging mga ministro o manggagawa sa iyong iglesya at sasabihing ang iyong denominasyon ang nag-iisang naaayon sa kaugalian? Kung gayon ikaw ay nagkakasala ng tulad kay Jeroboam sa harap ng Diyos at binubuhay ang Kanyang pagkapoot. 
 
 
ANG MGA EREHE AY SUMASAMBA SA ISANG DIYOS NA GUYANG GINTO
 
Kahit sa ngayon, maraming mga erehe ang sumasamba sa mga guyang ginto. Sinasabi nila na pinagpala ng Diyos si Solomon nang mag-alay siya ng isang libong sinunog na handog para sa Diyos. Sinasabi sa 1 Hari 3:3-5, “At inibig ni Salomon ang Panginoon, na lumalakad sa mga palatuntunan ni David na kaniyang ama: siya’y naghahari lamang at nagsusunog ng kamangyan sa matataas na dako. At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghari doon, sapagka’t yaon ang pinakamataas na dako, isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon. Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi, at sinabi ng Dios, ‘Hingin mo kung ano ang ibibigay Ko sa iyo.’” 
Nanuba sila ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod sa gawaing mapaglinlang na pangako ng “isang libong sinunog na alay ni Solomon.” Yaong mga nalinlang na tagasunod ay nawalan ng kanilang salapi. At yaong mga sumasamba sa guyang ginto bilang kanilang diyos ay pinagkaitan ng kanilang salapi, na ginagamit bilang abuloy para magtayo ng mga malalaking gusali ng iglesya. Ito ay hindi dahil maliit ang kanilang mga iglesya, kundi dahil gusto nilang magkamal ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod.
Ang pagtatayo ng mga guyang ginto para sa pagsamba ng kanilang kalipunan ay dahilan lang na naisip ng mga erehe upang makapagkamal ng salapi mula sa kanila. Tayo na nananalig sa Diyos ay hindi dapat paniwalaan ang mga mapaglinlang. Kung inialay mo ang iyong salapi para sa pagsamba sa mga guyang ginto, hindi ito para sa Diyos, kundi mapupunta lang sa mga bulsa ng mga saserdoteng huwad na puno ng kasakiman tulad ni Jeroboam. Hindi ka dapat mahulog sa mga patibong ng gayong mga erehe.
Kung gayon, bakit nalugod ang Diyos sa isang libong sinunog na alay ni Solomon? Dahil alam ni Solomon ang kanyang sariling kasalanan, kinilala na dapat siyang mamatay para sa mga ito at nag-alay ng mga handog na naaayon sa pananampalataya. Naghandog siya ng isang libong sinunog na alay bilang pasasalamat sa pagliligtas ng Diyos. Si Solomon ay nag-alay ng isang libong sinunog na handog araw-araw, na iniisip ang kaligtasan sa tubig at sa Espiritu.
Ngayon, dapat mong tandaan ang tunay na kahulugan ng erehe upang hindi ka malinlang ng mga saserdoteng huwad.
 
 
YAONG MGA NANGANGARAL NA HINDI PA NAISILANG NA MULI AY MGA EREHE
 
Ano ang sinasabi ng mga erehe tungkol sa muling pagsilang?
Sinasabi nilang sila ay isinilang na muli ng mga pangitain, panaginip at iba’t-ibang uri ng mga karanasang pang-espirituwal.

May mga nagtuturo tungkol sa muling pagsilang kahit na sila mismo ay hindi pa muling naisilang sa pananampalataya. Silang lahat ay mga erehe. Nagsasabi sila ng muling kapanganakan habang sila ay hindi maaring isilang na muli dahil hindi nila nalalaman ang ukol sa ebanghelyong tubig at ng Espiritu. Maaari lang tayong magtawa.
Ang mga saserdoteng huwad ay nangaral ng maling ebanghelyo, at iniiba ang kahulugan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabi nila sa mga tao na maghugas ng kanilang sariling kasalanan araw-araw.
Sinasabi nila, “Humayo at manalangin ka sa kabundukan, subukang mag-ayuno, italaga ang iyong sarili sa gawain ng Diyos, manalangin sa pagbubukang liwayway, maging masunurin, mag-alay ng maraming salapi para sa pagtatayo ng mga iglesya, subalit dapat mong alalahanin ang iyong mga sariling kasalanan.”
Minsan, nakarinig ako mula sa isang taong nagpapatotoo na siya’y isilang na muli. Sinasabi niya na sa isang panaginip, siya ay nakatayo sa isang pilahan at nang siya na ang nasa unahan, tinawag ni Jesus ang kanyang pangalan. Sinabi niya na iyon ang patotoo ng kanyang pagsilang na muli. Subalit ang kanya bang paniniwala ay wasto? Hindi sinabi iyon ni Jesus.
Sa Juan 3, sinasabi Niya, “Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.” Sinasabi ng Diyos na tanging yaong mga isinilang sa tubig at sa Espiritu lamang ang maaaring maging tunay na mga saserdote. Sinumang naniniwala na siya ay isinilang muli dahil sa mga panaginip, mga guni-guni, mga kagalakang espirituwal, o mga panalangin para sa pagsisisi ay isang erehe.
Sa mga panahon ngayon, maraming tao ang hindi naniniwala sa nasusulat na salita ng Diyos at pinaninindigan ang kanilang doktrina sa iba’t-ibang denominasyon sa halip na maisilang muli sa tubig at sa Espiritu. Yaong mga tumatangging mangaral ng ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu ay mga huwad Kristiyano at mga erehe.
 
 
MGA NAGLUNSAD NG REPORMA AT ANG KASALUKUYANG KRISTIYANISMO
 
Kailan nagsimulang mahalo at mabago ang tunay na ebanghelyo sa ibang mga relihiyon?
Mula sa panahon ni Romanong Emperador Constantino ipinahayag ang Utos sa Milan taong 313 A.D.

Kailan nabuo ang mga denominasyon ng Kristiyanismo? Kailan nagsimula ang iba’t-ibang denominasyon tulad ng Presbitero, Metodista, Baptista, Luterano, Nagpapakabanal, at ang Buong Ebanghelyo? Ang pagbabago ay nangyari noong mga 500 taon pa lang ang nakararaan.
Ang mga sinaunang Kristiyano ay yaong mga sumunod kay Jesus nang Siya ay narito sa mundo. Ang “Kristiyano” ay nangangahulugan “yaong mga sumusunod kay Kristo.”
Ang mga unang Kristiyano ay ang mga apostol at ang kanilang mga alagad. Ang mga apostol at ang mga ama ng iglesya ay sumunod sa tunay na ebanghelyo hanggang 313 A.D. Ngunit pagkatapos ng Utos sa Milan ng Dakilang Constantino, nagsimulang maghalo ang mga Kristiyano at mga Hentil, na nagresulta sa Madilim na Panahon na tumagal ng mahigit 1000 taon. 
Di-naglaon, sa mga unang panahon ng ika-16 na siglo, ipinahayag ni Martin Luther ang Repormasyon na sinasabing, “Tanging matuwid lamang ang mamumuhay ng may pananampalataya.” Nang maglaon, sa pagitan ng 1500~1600, ang mga naglungsad ng reporma tulad nina John Calvin at John Knox ay namuno sa kilusang palayo sa Katolisismo. Ito ang lahat na natamo ng Repormasyon.
Ang Repormasyon ay simpleng pagsisikap lang na bumuo ng mga bagong iglesya na iniwalay sa Iglesya Romana Katolika. Hindi itinatwa ng mga naglungsad ng reporma ang mismong Katolisismo.
Ang layunin nila ay hindi ang itaguyod ang pananampalataya sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu, kundi upang palayain ang kanilang mga sarili mula sa pang-aapi at pangungurakot ng Iglesya Romana Katolika. Tinawag ng Iglesya Romana Katolika ang kilusang ito bilang Protestantismo. Ito’y nangangahulugang mga pagtutol.
Noong panahong yaon, ang Iglesya Romana Katolika ay nagpipilit sa mga taong bumili ng mga Indulhensya, sinasabing maaari nilang ipadala sa langit ang kanilang mga namatay na ninuno kapag sila’y bumili ng mga Indulhensya sa malaking halaga. Hindi napagtanto ni Luther na ang Katolisismo ay huwad. Pinahihinto lang niya ang Iglesya Romana Katolika mula sa pagbebenta ng mga Indulhensya para sa pagtatayo ng Katedral ni San Pedro.
Sanhi nito, makikita natin ang maraming bakas ng Iglesya Katolika sa makabagong Iglesya Protestante: pagbibinyag sa sanggol, ang mga panalangin ng pagsisisi na tulad sa pangungumpisal ng Iglesya Romana Katolika, mga banal na rituwal, ang pagkilala lang sa mga nagtapos sa mga seminaryong teolohikal bilang ministro, mga dakila at naglalakihang iglesya. Lahat ng ito ay mga bakas ng Iglesya Katolika Romana.
Kung bibilangin mula sa Repormasyon noong halos 1500, ang kasaysayan ng Protestantismo ay halos 500 taon lamang. Ngayong taon ay ika-481 anibersaryo ng Repormasyon. Hindi mo iisiping si Martin Luther ay tumutol laban sa inang iglesya 481 taon pa lang ang nakararaan. Ang Protestantismo sa gayon ay hindi nag-iisang makapagsasabi ng pagkalehitimo sa liwanag ng maihahambing nitong kabataan. Ang pagbabago ng Kristiyanismo ay nagpapatuloy. At ito’y dapat na magpatuloy.
Ngunit may isang bagay na dapat nating tandaan. Hindi natin dapat kalimutan na tanging yaong mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ang makapapasok sa kaharian ng langit. At ipangaral natin yaon! Ipinangangaral mo ba ang ebanghelyo ni Jesus, ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu? Kung hindi, ikaw ay hindi lingkod ng Diyos. Ito ang ebanghelyo ng “muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu” na hangad ng Diyos na paniwalaan natin. Ito ang itinuro ni Jesus kay Nicodemo sa Juan kapitulo 3.
Ang Biblia ba ay nagwiwika lang ng ukol sa ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu, o nagsasabi rin ito ng ukol sa ibang bagay tulad ng paggawa para sa kabutihan ng lipunan at mabuhay ng banal? Siyempre ang huli ay mahalaga rin, ngunit magagawa mo iyon pagkatapos mong maisilang muli sa tubig at sa Espiritu. Ang kalooban ng Diyos ay ang maniwala tayo sa ebanghelyo.
 
 
ANG MGA ARAL NG MGA EREHE
 
Sino ang isang erehe?
Siya na nananatiling makasalanan kahit na siya ay naniniwala kay Jesus.

Kailan nagsimulang dumami ang mga Kristiyanong huwad at ang pananampalatayang erehe sa mundo?
Ang bayan ng Israel ay sumamba sa iisang Diyos hanggang sa sila ay mahati sa dalawang kaharian sa panahon ni Jeroboam tulad ng nasusulat sa 1 Hari kapitulo 12-13. Mula sa panahong yaon, bago pumarito sa mundo si Cristo, ang pananampalatayang erehe ay nagsimulang lumaganap at napakarami na ang mga erehe sa panahon ngayon.
Ang Biblia ay nagwiwika ukol sa kanilang mga huwad na aral sa Isaias kapitulo 28 at Tito 3:10-11. Sinasabi ng Biblia na ang mga erehe ay yaong mga naniniwala kay Jesus ngunit nananatiling may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso. Sinumang tulad niyon ay isang erehe.
At sila’y nagtuturo tulad ng nasusulat sa Isaias 28:9-10, “Kanino siya magtuturo ng kaalaman? At kanino niya ipatatalastas ang balita? Silang nangalayo sa gatas at nangahiwalay sa suso? Sapagka’t utos at utos, utos at utos, bilin at bilin, bilin at bilin, dito’y kaunti, doo’y kaunti.” 
Ang mga erehe ay nagdadagdag ng turo sa turo, pahayag sa pahayag. Ano ang ibig sabihin nito? Ito’y nangangahulugang “Mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat sa mga nagsasabing sila ay isinilang na muli sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesus.” Sinasabi nila sa iyong mag-ingat sa anuman. Sinasabi nila sa iyong huwag makinig, huwag humayo, at baka mahulog ka sa pagka-erehe.
Ngunit kung sila ay talagang nakatitiyak na ang kanila ay ang pananampalatayang naaayon sa kaugalian, bakit hindi nila matanggihan yaong mga nagsasabi na ang kanilang paniniwala ay naiiba sa salita ng Diyos? Ito’y talagang kaawa-awa. Sinasabi nilang sila ay mga Kristiyanong naaayon sa kaugalian, ngunit wala sa kanila ang mga salitang lumulutas sa tinatawag nilang erehe. Ang tunay na Kristiyano ay maaaring magtagumpay sa sinumang erehe kasama ang salita ng Diyos.
Sa mga panahon ngayon, ang mga nagiging Kristiyanong pinag-kaugalian ay tinutuligsa ang mga muling isinilang na mga “erehe” dahil lang sa ang kanilang mga paniniwala ay naiiba. Paano tayo magiging erehe kung naniniwala tayo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu?
Kung yaong mga tinatawag na erehe ay nagtuturo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sila ang totoong Kristiyanong naayon sa kaugalian. Gayundin, kung ang mga magiging Kristiyanong naayon sa kaugalian ay hindi nagtuturo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sila ay mge erehe.
Ang pagkakaiba ng “pinag-kaugalian” at “erehe” ay batay sa kung sila ay nagtuturo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o kung sila ay naniniwala kay Jesus at kung may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso o wala. Paano sila magiging erehe kung naniniwala sila sa salita ng Diyos at muling isinilang sa tubig at sa Espiritu?
Erehe ba ang maniwala sa bautismo ni Jesus at sa kanyang dugo sa krus at maging ganap na malinis sa kalanan? Pinag-kaugalian ba ang tawag sa hindi paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu?
Maraming denominasyonalista ang nalayo sa Biblia ngunit patuloy pa ring nagsasabi na sila ang “pinag-kaugaliang” Kristiyano. Sila’y lumalayo sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu tulad ng nakasaad sa Biblia dahil sila’y nangangaral lang ukol sa dugo sa krus, na itinatatwa ang bautismo ni Jesus (ang tubig).
Ano ang kaibahan ng Iglesya Romana Katolika sa Iglesya Protestante sa mga panahon ngayon? Tulad noon ang mga repormista ay tumutol laban sa Iglesya Romana Katolika, tulad noon sila’y tumiwalag sa Iglesya Romana Katolika at nagtatag ng Protestantismo, dapat din tayong tumutol laban sa mga bulag na Kristiyano at mga saserdoteng huwad. Tanging doon lang natin mabubuksan ang ating mga mata sa tunay na ebanghelyo, magkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ganap na maliligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
Ano ang dapat nating gawin upang maiwasang maging erehe?
Dapat tayong muling maisilang sa tubig at sa Espiritu.
 
Sinasabi sa atin ng Biblia na tanging yaon lang mga naniniwala sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus ang sumusunod sa tunay na pananampalataya. Sinasabi ito ni Jesus kay Nicodemo sa Juan 3:1-12.
Ang mga erehe ay laging pinipilit ang kanilang mga tagasunod na maging tapat sa kanilang pananampalataya. Pinipilit nila silang manalangin sa pagdating ng bukang-liwayway at gumawa nang masigasig. Ito’y tulad ng pagpipilit sa bulag na tumakbo.
Gaano man kataimtim ang iyong panalangin wala rin itong silbi kung hindi ka isinilang muli sa tubig at sa Espiritu. Kapag sinasabi natin na yaong mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay mga matuwid, isinasagot ng mga erehe ang Roma 3:10, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa.” Dahil sa talatang ito, tinatawag nilang erehe ang mga mananampalataya.
Ngunit sila ang mga erehe. Ang tunay na kahulugan ng talata ay hindi kasing simple ng tunog nito. Ang mga ereheng ito ay hindi pa nababasa ang buong Biblia. Ang apostol Pablo ay nagsabing walang matuwid na tao dito sa lupa. Sumisipi lang siya ng isang talata mula sa Lumang Tipan na nagsasabing wala kahit isang matuwid sa mundo bago dumating si Kristo at iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan gamit ang kaligtasan ng Diyos. Ngunit yaong mga iniligtas ni Jesus ay naging matuwid.
Makikita natin ang katotohanan kung babasahin natin ang buong kapitulo. Ang mga erehe ay binabalaan lang ang kanilang mga tagasunod na maging maingat sa mga mananampalatayang kaiba sa kanila. Maliban sa mga iglesyang itinuturing nilang mga pinag-kaugalian, ipinagbabawal nila sa kanilang mga tagasunod na sumamba sa iba. Kaya ang kanilang kalipunan ay hindi nangangahas na magtungo sa mga iglesyang nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espritu.
Sila’y nagiging bingi sa tunay na ebanghelyo at hindi maisilang na muli. Ito ang mga aral ng mga huwad na pinuno na nagpapalaki ng mga anak sa impiyerno. At sila’y hahatulan ng Diyos. Ang mga erehe ay dapat na magbalik sa Diyos.
Sino ang mga erehe? Sila ba ang mga maililigtas sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, o sila ba ang mga nagsasabing naniniwala kay Jesus ngunit hindi naisilang na muli sa tubig at sa Espiritu?
Sinasabi sa Tito 3:11 na yaong mga naniniwala kay Jesus ngunit nananatiling “hinahatulan ng kaniyang sarili” ay mga erehe.
Tinuturuan nila ang kanilang mga tagasunod na huwag magtunog sa mga pagtitipon kung saan ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu ay itinuturo, at sinasabing ito ay mapanganib. Paanong ang mga “pinag-kaugalian” ay matatakot sa magkasalungat na paniniwala? Sila ay natatakot dahil wala ang katotohanan sa panig nila. “Magiging sa kanila’y utos at utos, utos at utos.” Ang turo ng mga erehe ay tulad noon.
Ang mga saserdoteng erehe ay sumisipi ng ilan mula sa aklat na ito, konti sa aklat na iyon, mula sa mga salita ng mga pilosopo, mula sa panitikan, at inihahalo ang mga ito sa kanilang sariling kaisipan at ginagawa ang lahat na magandang pakinggan.
Ginagawa nilang mangmang ang kanilang mga tagasunod at sinusubukan nilang turuan sila ng mga aral na makamundo. Ang tunay na iglesya ay nagtuturo ng salita ng Diyos at ipinapangaral sa mga mananampalataya ang salita ng Diyos. Ang mga tao ay hindi nagtutungo sa iglesya upang matuto sa mga paraan ng sanlibutan. Sa halip, sila’y nagtutungo sa iglesya upang makarinig ng mga bagay na makalangit na hindi maririnig sa sanlibutan. Sila’y nagtutungo upang makinig sa mga salita ni Jesus.
Ang mga tao’y pumapasok sa iglesya bilang mga makasalanan ngunit nais nilang umahon mula sa iglesya bilang mananampalatayang matuwid na walang kasalanan. Ngunit ano ang itinuturo sa kanila ng mga saserdoteng erehe? Iniuutos nila sa kanilang mga tagasunod na huwag magtungo sa mga pagtitipon kung saan ang mga lingkod ng Diyos ay nagtuturo ng tunay na ebanghelyo. Pinipigilan nila ang kanilang mga tagasunod na maisilang muli sa tubig at sa Espiritu.
Ito’y tiyak na kalokohan. Maloloko nila ang kanilang mga tagasunod pero hindi nila malilinlang ang Diyos.
 
Maaari bang gawin ng mga saserdoteng huwad na maisilang muli sa tubig at sa Espiritu ang kanilang mga tagasunod?
Hindi. Tanging ang mga naisilang na muli ang makagagawa na maisilang muli ang iba.

Mga erehe, kung tunay kayong lingkod ng Diyos, hindi ninyo ba naririnig ang Espiritu na inuusig kayo? Dapat kayong bumalik. Dapat kayong tumigil sa paghadlang sa inyong mga tagasunod sa pagdalo sa mga pagtitipon kung saan ang mga tunay na lingkod ng Diyos ay nangangaral ng ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ang mga erehe ay nagtuturo sa kanilang mga tagasunod na gamit ang teolohiya lamang, kaya kapag natapat sila sa ibang teorya, sila ay natatamaan. Ito’y tiyak na kaawa-awa. Ang mga saserdoteng huwad ay bihasa sa paglilingkod na wala ang Salita ng Diyos. Sila’y nangangaral, kumokunsulta, at naglilingkod batay lamang sa kanilang sariling ligaw na paniwala. Yaong mga naglilingkod at nangangaral na wala ang Salita ng Diyos ay mga erehe at mga upahan lang (Juan 10:13).
Ang mga lingkod na huwad ay mga erehe dahil ang kanilang panloob at panlabas na pagkatao ay magkaiba. Ang ibang tao ay pinapakahulugan ang mga iglesyang hindi umaayon sa naitatag nang denominasyon bilang mga iglesyang erehe. Ngunit ang iba sa mga iglesyang yaon ay di-nagnanais na mapabilang sa anumang denominasyon dahil halos lahat ng iglesya ay malayo sa Biblia.
Ang erehe ay sinasabi sa kanilang mga tagasunod na maliligtas sila kahit na sila mismo ay hindi pa naaayos ang suliranin sa kasalanan. Sila ay nagkakasala tulad ng kasalanan ni Jeroboam. Kung may taong may kasalanan pa rin sa kanyang puso ngunit nagpipilit na gawin ang mga gawain ng Diyos, dapat niyang matanto na ang kanyang mga kasalanan at ang kabanalan ng Diyos ay hindi magkabagay. Dapat niyang malaman na siya ay isang erehe.
Samakatuwid, kung sinuman ang nagtuturo o may mga tungkulin sa iglesya at nananatiling isang makasalanan, nararapat niyang mabatid na siya ay isang erehe. Siya ay isang erehe dahil hindi niya alam ang ebanghelyo ng pagliligtas ni Kristo, ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Kung ang isa ay natuto ng Biblia mula sa isang erehe, at nagturo sa iba sa gayon ding paraan, siya ay nagiging isang erehe.
Maaari nating malaman ang puno sa pamamagitan ng bunga nito. Yaong mga naging matuwid sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo ay maaaring dalhin ang matuwid samantalang yaong makasalanan pa rin ay nakatakda nang dalhin ang mga makasalanan. “Gayon din naman ang bawa’t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti, datapuwa’t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama” (Mateo 7:17).
 
 
ANO ANG IPINAPANGARAL NG MGA SASERDOTENG EREHE SA KANILANG MGA SERMON?
 
Ano ang ipinapangaral ng mga saserdoteng erehe sa kanilang mga sermon?
Ang makamundong teologo at mga kaisipan ng tao.

Ang mga huwad na saserdote ay nag-aabang sa ganito at ganoon. Bakit napakaingat! Dapat nilang bantayan baka ang kanilang mga kasinungalingan ay mabunyag dahil wala silang malinaw na pananampalataya ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ang mga erehe ay kumukuha ng kaunti dito at kaunti roon. Niloloko nila ang mga tao at nagtuturo na walang kaalaman sa tunay na kahulugan ng ebanghelyo.
“Kaya’t ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila’y utos at utos, utos at utos, bilin at bilin, dito’y kaunti, doo’y kaunti” (Isaias 28:13).
Linya sa linya, wika nila, “Er, ang salitang ito ay nangangahulugang ganito at gayon sa Griyego at gayon sa Hebreo. At may gayon at gayong teoriya.” Binabalaan rin nila ang mga tao na mag-ingat kung magmakatagpo silang teoriya ng kaligtasan na nakasaad sa terminong “itim at puti.” Sinasabi nila, “Sinabi ni Martin Luther ang ganito at ganyan naman si John Calvin habang si John Knox ay nagwika ng ganon at ganito, iniisip natin na lahat sila’y may kahalagahan sa sarili nilang paraan.”
Hindi rin nila nalalalaman ang kanilang sinasabi o kahit ang kanilang pinaniniwalaan. Siya na may tunay na pananampalataya ay makapagpapahayag ng katotohanan sa terminong “itim at puti.” Ang mga tunay na mananampalataya ay malinaw na masasabi ang kaibhan ng muling isinilang at yaong hindi pa muling naisisilang. Malinaw nating ipinapangaral ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ngunit ang mga erehe ay nasa kaguluhan. Ang kanilang pananampalataya ay tulad ng paniki. Tulad ng pagtigil ng paniki sa loob ng kuweba sa araw at sa labas ng mundo sa gabi, ang mga erehe ay nais ang teoriyang ito at iyon, pinaniwalaan ito at iyon. Hindi nila alam kung ano ang katotohanan. Kapag ang saserdoteng erehe ay natungo sa impiyerno, ang mga tagasunod niya ay sasama sa kanya hanggang sa mapait na hangganan. Kaya maraming tao ang nahahantong sa impiyerno dahil sila’y naniniwala sa mga huwad na propeta.
Ang inyo bang ministro ay muling isinilang sa tubig at sa Espiritu? Ipinangangaral niya ba ang mga salita ng ebanghelyo ng muling pagsilang tulad ng nasusulat sa Biblia? Kung ginagawa niya ito, ikaw nga ay tunay na mapalad, at kung hindi, ikaw ay susumpa. Kung hindi ka pa muling naisisilang, dapat kang makinig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, magbasa ng mga aklat na magpapaliwanag nito, at muling maisilang.
Ang mga erehe ay ayaw ng ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Sila’y nagtuturo, “Si Jesu-Cristo ay naparito upang alisin ang ating mga kasalanan, at iyon lang ang ginawa niya. Siya ay patuloy na naghuhugas ng ating mga kasalanan sa ngayon at patuloy na gagawin ito sa hinaharap.” Paano ito magiging totoo? Sinasabi nilang sila ay matuwid ngunit patuloy na nagkakasala. Sila ay matuwid sa sandaling panahon at makasalanan muli sa susunod.
Mayroon silang huwad na teolohiya. Yaon ay huwad. Sinumang matuwid ngayon at isang makasalanan paglaon ay isang erehe, isang huwad na propeta. Sinumang sumusumpa sa kanyang sarili, at nagwawasak ay magkatulad.
 
 
ANG SUMPA NG DIYOS AY NASA MGA TAGASUNOD NG MGA EREHE
 
Ang mga erehe ay pabago-bago. Samakatuwid, hindi nila kayang pamunuan ang kanilang mga tagasunod na maisilang muli sa tubig at sa Espiritu kapag ang kanilang mga tagasunod ay lumalapit sa kanila at nagtatanong kung paano bang maisilang na muli. Sa halip, binibigyan nila ang kanilang mga tagasunod ng mga katawa-tawang ideya na ang tao ay maisisilang muli sa pantasya at ang tao ay hindi mapapansing siya ay muling masisilang. Ito’y talagang katawa-tawa.
Sinabi ni Jesus sa kapitulo 3, “maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” Ngunit sa mga panahon ngayon, ang mga taong matuwid na muling isinilang ay tinatawag na mga mapangahas na erehe. 
Sinasabi ng mga saserdoteng erehe na hindi nila maaaring tawagin ang kanilang mga sarili na matuwid dahil sila ay mapagkumbaba. Sinasabi nila sa kanilang mga tagasunod, “Huwag kayong dumalo sa mga pagtitipon kung saan ang mangangaral ay naglalayong magsalita sa pagpapala ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Kung kayo ay isilang muli, kayo ay magiging erehe. Kayo ay ititiwalag ng iglesyang ito. Kung nais niyong maging kasapi namin, manatili kayong makasalanan, at gagawin kayong matuwid ng Diyos pagdating ng tamang panahon.” Iyon ang sinasabi nila. Ang ibig nilang sabihin ay nasa iyo na kung kapasiyahan mong maisilang muli.
Sinasabi ng mga erehe sa kanilang mga tagasunod, “Dapat kayong manatili sa amin, ngunit ang muling pagsilang ay responsibilidad ninyo. Kaya, gawin mong mag-isa. Manatili kayo kung ano kayo ngayon, at pumunta kayo sa Diyos pagdating ng panahon, pagkatapos ay malalaman ninyo ang katotohanan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos niyaon. Ngunit ito ay isang iglesyang pinag-kaugalian, kaya dapat kayong manatili sa amin.” Palagay mo ba ito’y totoo?
Ang mga saserdoteng erehe na ito ay kumukuha ng kaunti dito at kaunti doon at bumubuo ng isang teoriya. Pagkatapos ito ay nagiging tanging katotohanan para sa kanila. Hindi nila nalalaman ang tungkol sa salita ng Diyos na nagsasabi sa atin ng ukol sa tubig at sa Espiritu.
Binibigyang kahulugan ng mga erehe ang Biblia ayon sa kanilang sariling kaisipan. Dapat nating bigyang kahulugan ang Biblia ayon sa bawat sinasabi nito, ngunit pinapakahulugan nila ito sa kanilang sariling paraanan. Kaya mayroong maraming teolohiya at mga denominasyon sa Kristiyanismo.
Dahil maraming denominasyong erehe at teolohiya, mayroong hindi mabilang na aklat ng mga erehe. Sumisipi ang mga paring huwad mula dito ng kaunti at kaunti rin sa aklat na iyon kapag sila’y nangangaral. Ngunit ang mga tunay na mangangaral ay nagtuturo mula sa Biblia lamang.
Ang mga erehe ay sapilitang humihingi ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod sa maraming tusong paraan. Sila na kumakain at namumuhay ng maayos sa mundong ito ay humahantong sa impiyerno dahil bigo silang maisilang na muli. Ito ang wakas na inihanda ng Diyos para sa kanila.
Tinitiis sila ng Diyos sa simula. Ngunit sa mga matatag na tumatanggi sa pagpapala ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu, dadalhin Niya sila sa impiyerno.
Hahatulan ng Diyos ang mga erehe. Maalab na naniniwala ang mga erehe sa Diyos at gumagamit ng mga bulto-bultong komentaryong pang-Biblia at mga gawang teolohiya sa simula. Ngunit unti-unti, sila’y nagsisimulang mangaral mula sa turo ng tao, upang ang kanilang mga tagasunod ay hindi maisilang na muli.
Ang mga erehe ay nagbibigay-diin sa kanilang mga gawa. Sinumang mangangaral na hindi nagtuturo ng ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu ay erehe sa harap ng Diyos.
Pinipilit nila ang kanilang mga tagasunod nang walang katapusan. Pinupuwersa nila silang dumalo sa 40-araw at buong gabing panalangin, 100-araw na panalangin sa umaga, pananalangin sa kabundukan, pag-aayuno ng regular, pagbibigay ng mga abuloy para sa pagtatayo ng mga iglesya, libo-libong sinunog na alay, mga abuloy para sa mga pagtitipon…at gumagawa pa sila ng grapiko para ipakita ang naibigay ng bawat mananampalataya. Sa pagtingin lang sa kanilang mga gawa, makikita natin na sila’y mga erehe.
Ang mga sumpa ng Diyos ay bumabagsak din sa kanilang mga tagasunod. Ang mga ministro na nangangaral na hindi pa naisisilang na muli at ang kanilang mga tagasunod ay napailalim lahat sa sumpa ng Diyos.
 
 
SINUSUBUKAN NG MGA EREHE NA BASAHIN ANG ISIPAN NG KANILANG MGA TAGASUNOD
 
Bakit sinusubukan ng mga erehe na basahin ang isipan ng kanilang mga tagasunod?
Dahil sila ay hindi naisilang na muli kundi nagtuturo na may pagkukunwari at walang Espiritu sa kanilang mga puso.

Ang mga saserdoteng erehe ay sumisigaw araw-araw. Dapat nilang matiyak na magugustuhan sila ng mga nakatataas na diakono at mga diakonesa, matatanda,at mga ordinaryong diakono at kahit mga karaniwang tao. Ganito ang gawain nila araw-araw.
Sila’y umaastang mga mapagkunwari araw-araw. “Ba~nal at Puno~ng awa…” Sila ay puno ng kasalanan ngunit dapat silang magsalita ng mga banal na bagay, kaya sila’y lalong naging higit na mapag-imbabaw sa bawat araw ng lumilipas.
Minsan ay sinabi ng isang mangangaral, “Isang sumpa ang pangangaral na walang Espiritu sa kalooban.” Ang ibig sabihin nito ay isang erehe ang gawin ang gawain ng Diyos na hindi pa naliligtas; ito’y isang buhay na isinumpa. Kung isa ka sa mga ereheng ito, dapat kang muling isilang sa tubig at sa Espiritu.
Sinumang naniniwala kay Jesus ngunit hindi pa naisilang na muli ay isang erehe, at bawat isa ay kailangang manumbalik sa ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu. Tanging ang mga matuwid lamang na muling isinilang sa tubig at sa Espiritu ang makapagtuturo ng ebanghelyo sa iba.
 
 
ANG MGA EREHE AY SUMISIGAW PARA SA KAPAYAPAAN NG NAG-IISA
 
Paano mabibigyan ng kasiyahan ng mga ereheng saserdote ang kanilang mga tagasunod?
Sila ay naghuhumiyaw ng kapayapaan at nagsasabing ang kanilang mga tagasunod ay makakapasok sa kaharian ng langit kahit sila ay makasalanan.

Sinasabi sa Isaias 28:14-15, “Kaya’t iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga manduduwahaging tao, na nangapupuno sa baying ito na nasa Jerusalem, sapagka’t inyong sinabi, ‘Tayo’y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo, pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin, sapagka’t ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo.’” 
Sino ang mga walang pitagan dito? Sila yaong nangangaral ng Salita ng Diyos, na inihahalo ang kanilang sariling maling paniniwala. Anuman ang iniisip ng mangangaral, anuman ang sinasabi ng teolohiya, dapat siyang mag-alay ng tunay ng pagpapakahulugan ng Biblia. Ngunit ang mga saserdoteng erehe ay nangangaral ng Biblia sa paraang ipinapalagay nila’y nararapat. Ang mga ito ang walang pitagan.
“Tayo’y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo, pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin.”
Sinasabi ng mga erehe na ang sakuna ay hindi dadaan sa kanila. Sinasabi nila sa mga tao na huwag mag-alala. Ang kapahamakan at ang impiyerno ay nag-aabang sa kanila, ngunit sinasabi nilang huwag mag-alala, dahil ang kapahamakan at ang impiyerno ay wala sa kanila. Kaya dapat kayong lumayo sa mga ereheng iyon kung nais ninyong mabuhay.
Sinasabi ng mga erehe na hindi mo na kailangang maisilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Totoo ba ito? Hindi, talagang hindi. Hindi ka makapapasok sa kaharian ng langit maliban na ikaw ay maisilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Ayos lang ba kung hindi makapasok sa kaharian ng langit? Ito’y tulad ng pagtatanong kung ayos lang bang masunog sa impiyerno. Hindi na kailangang sabihin, ang sagot sa dalawang tanong ay hindi. Tayo lahat ay maniwala sa ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu at pumasok sa kaharian ng langit nang sama-sama.
Ang mga saserdoteng erehe ay umaakit ng mga tao, sinasabing dahil sa sila ay naniniwala kay Jesus, nararapat lang sa kanila na manatiling makasalanan at sila ay hindi mapupunta sa impiyerno. 
Inaalagaan ka pa rin ba ni Jesus kahit na ikaw ay isang makasalanan? Ang makasalanan ba ay makapaparoon sa langit? Maiiwasan mo ba ang impiyerno kahit na ikaw ay makasalanan? Nasusulat ba sa Biblia na hindi ka na dapat matungo sa impiyerno kapag ikaw ay naniwala kay Jesus kahit na may kasalanan ka sa iyong puso?
Sinasabi ng mga erehe na sila ay nakipagtipan na sa kamatayan, upang ang kamatayan ay huwag nang dumating sa kanila. Sinasabi nila na ang isang mananampalataya ay makakaiwas sa sumpa ng impiyerno kahit na siya ay may kasalanan sa kanyang puso. Palagay mo ba’y nangyayari ito sa ganitong paraan?
Hinihimok ng mga erehe ang mga tao nang may kapanatagan, sinasabing ang kamatayan at impiyerno ay hindi nag-aabang sa kanila. Ang mga saserdoteng erehe ay itinalaga yaong mga hindi pa naisisilang muli na maging diakono, pinuno, mga ministro. Ngunit dapat nilang malaman na silang lahat ay mahahantong sa impiyerno dahil hindi sila naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ginagawa nila ay ang itanim sa isipan ng kanilang mga tagasunod ang paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga mananampalataya ba, kahit na sila ay makasalanan, ay maaari pa ring makapasok sa langit? Ang makasalanan ba ay makapupunta sa langit? Sinasabi ba ng Biblia na ang mga makasalan ay makapapasok sa langit? Hindi. Mayroon bang taong matuwid na may kasalanan? Wala. Ito ang mga katuruan ng erehe at teolohiyang huwad.
Sinasabi ng Biblia. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Ito ang batas ng Diyos. Ipadadala Niya ang lahat ng makasalanan sa impiyerno. Ngunit lahat ng isinilang na muli sa tubig at sa Epiritu ay tinatanggap sa langit.
“Hindi darating sa atin sapagka’t ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo.” Ang mga saserdoteng erehe ay nagsasalita ng ganito at matibay na naniniwala na hindi sila matutungo sa impiyerno kahit na may kasalanan sila sa kanilang mga puso. Dahil sila ay nagtatago sa likod ng huwad ng teolohiya, walang magawa ang Diyos para sila’y tulungan. Naniniwala sila sa sarili nilang teolohiya sa halip na sa Salita ng Diyos, sila ay mga erehe at makasalanan na nakatakdang mapunta sa impiyerno. Nakalulungkot nga na napakarami nila.
 
 
ANG MGA EREHE AY HANGAD LAMANG ANG SALAPI
 
Ano ang layunin ng mga saserdoteng erehe?
Ang makapanghuthot ng higit na maraming salapi mula sa kanilang mga tagasunod.

Ang mga erehe at mga saserdoteng huwad ay hangad lamang ang salapi. Sila ay mga sakim. “Gaano kalaking salapi ang ialay ng taong ito kapag siya ay pumunta sa aking iglesya?” Iniisip nila ang ikapung ibibigay niya. Ito’y tulad ng pagsamba sa guyang ginto. “Pakiusap, gawin mo akong matagumpay, itulot mong magkaroon ako ng maraming salapi, Panginoon.” Ang mga saserdoteng huwad ay tinuturuan ang mga tao na manalangin ng tulad niyaon.
Sinasabi nila, “kung naniniwala ka kay Jesus, ikaw ay magkakaroon ng maraming salapi, maglilihi ka kung ikaw ay baog, at magtatagumpay ka sa iyong negosyo.”
Maraming tao ang nalilinlang ng mga saserdoteng huwag na ito, at sila’y nahuhuthutan ng kanilang salapi at mapupunta sa impiyerno dahil sa kanilang mga pagkakamali. Tunay na hindi makatarungan ito! Kung ang isang tao ay mula sa pagka-erehe, siya ay magugulat kapag nalaman niya kung gaano ang laki ng salapi ang naibahagi niya sa mga nanloloko sa kanya. Sisihin niya ang kanyang sarili dahil sa pagsunod sa paglilinlang at masigasig na paggawa para sa kanila.
Ang mga erehe ay tunay na masigasig na tagapagpatupad ng ipinapalagay nilang legal na relihiyon. Ang mga tagasunod nila ay itinalaga ang kanilang mga sarili sa maagang pananalangin, pananalangin sa kabundukan, mga espesyal na abuloy, ikapu, at mga linggo-linggong paghahandog. Napakaraming dahilan upang magkamal ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod.
Ang mga tagasunod nila ay masigasig sa paggawa, ngunit may kasalanan pa rin sila sa kanilang mga puso dahil walang nagturo sa kanila ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang iba’y nagtatanong sa kanila ukol dito, ngunit wala silang nakukuhang sagot. Sinuman na hindi pa naisilang na muli sa tubig at sa Espiritu ay isang erehe.
 
 
ANG MGA KAAWA-AWANG EREHE AT ANG KANILANG MGA TAGASUNOD
 
Sino ang Pinaka-kawawang tao sa mundo?
Yaong mga nangangaral na hindi pa naisisilang sa tubig at sa Espiritu.

“Kayong mga kaawa-awang erehe! Magtrabaho muna kayo para sa inyong kaligtasan!” Ang pinakamataas na simbolo ng pananampalatayang huwad ay ang pagsamba sa mga gintong guya ni Jeroboam. Ang unang bagay na ginawang mga erehe ay ang pagtatayo ng templo at lagyan ito ng mga guyang ginto (I Hari 12:25-33).
Sa panahon ngayon, sila ay nagtatayo ng malalaking iglesya at sapilitang humihingi ng salapi sa kanilang mga tagasunod. Inuutusan nila ang kanilang mga tagasunod na umutang sa mga bangko upang mag-alay para sa pagtatayo ng malaking sambahan. Kanilang hinihimok ang mga damdamin ng kalipunan at pinapasa ang lalagyanan para sa abuloy. Ang mga salapi, singsing, gintong relo ang pumupuno sa lalagyanan ng ilang sandali. Ang mga erehe ay kumikilos sa ganitong paraan. Ito’y tulad ng bawat isang iglesyang erehe.
Sa panlabas, animo ay hangad nila ang mga bagay na espirituwal, ngunit sa katotohanan sila ay interesado lang sa salapi. Pinapayuhan ko kayong lumayo sa mga iglesyang nag-aalala lang sa salapi. Huwag kayong pumunta sa mga iglesya na kung saan tanging mga mayayaman lang ang tinatrato ng magiliw. Isang kamalian na ianunsyo ang halaga ng handog ng bawat miyembro ng kalipunan dahil ginagawa nila ito sa pag-asang makaakit ng maraming salapi.
Ang mga erehe ay nagsasalita ng mga nakakaakit na bagay sa kanilang mga tagasunod.
“Ikaw ay pagpapalain kung maniniwala ka kay Jesus.”
“Italaga mo ang iyong sarili sa gawain ng Diyos. Habang ginagawa mo ito, lalo kang pagpapalain.”
“Kung naglilingkod ka bilang nakatatanda, ikaw ay pagpapalain sa materyal na bagay.”
Kaya ang kanilang mga tagasunod ay nagpapaligsahan upang maging tagapanguna. Kung walang anumang kapalit, sino ang magnanais na maglingkod bilang tagapanguna? At ang mga tagapanguna ay inaasahan ding magbibigay ng salapi.
Sila ay inihahalal batay sa lalim ng kanilang paniniwala sa doktrina ng denominasyon, gaano sila kakilala sa lipunan at gaano karaming salapi ang maibibigay nila sa iglesya? Ito ang katotohanan.
Ang mga erehe ay nag-aalala lang sa salapi. Sila ay interesado sa pagtatayo ng malalaking simbahan. Wala silang pakialam kung ang kanilang mga tagasunod ay mapunta sa impiyerno hangga’t sila ay nagbibigay ng maraming salapi.
Ang mga erehe ay yaong mga naglilingkod para sa tinapay. Sinisilo nila ang kanilang mga tao sa mga mapalamuting titulo. Binibigyan nila ng titulo ang kanilang mga taga-sunod nang walang-kaayusan (Ezek. 13:17-19). Ito’y nangangahulugan ng paggapos sa kanila sa iglesya at palakihin ang kayamanan nito. Ang mga erehe ay hindi nagtuturo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sila’y nagpapayaman lamang ng kanilang sarili.
Kahit na ang isa na dumadalo sa iglesya ng mga ilang buwan pa lamang ay maaaring maging diakono. Isa pa, kung siya ay maalam sa doktrina at may kakayahang pananalapi, siya ay itataas bilang tagapanguna. Itong lahat ay dahil sa kasalanang tradisyon ni Jeroboam, na nagpalit ng guyang ginto sa lugar ng Diyos.
Ang mga erehe ay sumasamba sa mga guyang ginto. Hindi nila nagagawang isilang muli ang kanilang mga tagasunod. Kumukuha lang sila ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod sa pamamagitan ng pagtukso sa kanila ng mga pangako ng pagpapalang materyal. Wala silang pakialam kung masunog man sa impiyerno ang kanilang mga tagasunod hanggat ang kanilang iglesya ay nasa ayos sa kalagayang pananalapi.
 
 
ANG MGA EREHE AY KULANG SA PANINIWALA SA KANILANG MGA SERMON
 
Ang mga erehe ay madalas na nagsasabi ng “siguro” o “maaari” dahil kulang sila sa paniniwala sa kanilang mga sinasabi. Wala silang pananampalataya sa salita ng Diyos at hindi sila lubusang naniniwala sa ipinangangaral nila. Ang kanilang pamamaraan ng paniniwala ay hindi naayon sa pananalig sa Salita ng Diyos. Sinasabi nila na “Maaaring sabihin na…” Hindi sila nagsasalita ng malinaw at may katatagan. Higit na makabubuti kung hindi nila tuturuan ang kanilang mga tagasunod ng anuman kaysa magturo sila ng mga kasinungalingan.
Hindi mapamumunuan ng mga erehe ang kanilang bayan na maisilang muli sa tubig at sa Espiritu. Mahahatulan lang ang may maraming tao sa impiyerno dahil sa kanila.
 
 
ANG MGA EREHE ANG GINAGANAP ANG PAPEL NG MGA HUWAD NA PROPETA
 
Ano ang bumubuo sa kawalang-pakundangan sa Espiritu?
Ang maniwala kay Jesus habang namumuhay na isang makasalanang hindi naniniwala sa Kanyang bautismo.

Sinasabi sa atin sa Mateo kapitulo 7 ang ukol sa mga naniniwala kay Jesus at mahahantong sa impiyerno. Ang mga erehe ay tumututol sa harap ng Diyos sa huling araw. Tulad ng nasusulat sa Biblia, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangapalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?’ At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’” (Mateo 7:22-23).
Hindi sila naniniwala na hinugasan ni Jesus lahat ng kasalanan ng tao; hindi sila naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sila ay walang pagkakilala sa kautusan. Ano ang ibig sabihin nito? Ito’y nangangahulugang sinasabi nila sa mga tao na maniwala kay Jesus kahit na sila ay may kasalanan sa kanilang puso. Maaaring nagtataka kayo kung ano ang mali dito ngunit ito ay isang seryosong kasalanan laban sa Diyos.
Kapag ang isang makasalanan ay nangaral sa ibang tao ng pangangailangan sa paniniwala kay Jesus, hindi niya matutulungan ang mga ito na maisilang muli dahil siya mismo ay hindi pa naisilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Samakatuwid, ang mga erehe ay nagbubunga lang ng mga makasalanan na naniniwala kay Jesus. Isang kasalanan laban sa Espiritu ang walang-pagkakilala sa kautusan.
Ang mga erehe ay hindi naniniwala sa salita ng Diyos o kahit nangangaral ng ebanghelyo ayon sa nasusulat. Sila’y nagkakamal lamang ng salapi mula sa kanilang mga tagasunod. Sila ay mga makasalanan kahit na sila’y naniniwala kay Jesus. Pinipilit nilang mamuno sa iba habang sila mismo ay hindi pa naisisilang muli. Sa paraang ito, sila ay hindi kumikilala sa kautusan.
 
 
ANG MGA EREHE AY MAPUSYAW NA MGA MANGAGAYA NG MGA MATUWID
 
Paano natin makikilala ang mga naisilang na muli mula sa mga hindi pa?
Makikilala natin ito sa pamamagitan ng pagsubok kung sila’y may kasalanan o wala.

Huwag kayong magpapalinlang sa mga huwad na mangangaral na nagsasabing sila ay makasalanan. Huwag ninyo silang bibigyan ng salapi. Huwag ninyong ibigay ang inyong pinaghirapang salapi sa mga makasalanang yaon.
Bakit kayo magbibigay ng salapi sa mga mangangaral na hindi nakakatulong sa inyo sa inyong mga kasalanan? Kung nais ninyong magbigay ng salapi sa isang iglesya, maghintay kayo hanggang ang inyong mga kasalanan ay maalis sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tulad ng may panggagaya sa sining, mayroon ding mga panggagaya sa buhay. Halimbawa, may mga panggagaya sa relihiyon na hindi makapaghuhugas ng lahat ng kasalanan sa puso. Paano ninyo makikilala ang isang panggagaya ng relihiyon? Ang panggagaya ay isang bagay na mukhang tunay sa panlabas ngunit sa totoo ay malayo sa orihinal na bagay.
Dapat kang magpasiya para sa iyong sarili. Sino ang mga tunay na mangangaral? Sino ang mga erehe? Ano ang pananampalatayang pinag-kaugalian? Ang pinag-kaugalian ay paniniwala kay Jesus at sa Kanyang nakapagliligtas na kapangyarihan. Wala silang kasalanan sa kanilang puso. Ngunit ang mga erehe ay may kasalanan sa kanilang puso.
Kung gayon, lahat ng tao ba ay tulad ng mga ereheng ito? Maaari, ngunit tayo’y bumalik sa Biblia. Sinumang naniniwala kay Jesus ngunit di pa naisilang na muli ay isang erehe. Malinaw na ang mga naisilang muli ay ang pinag-kaugalian. Kung ganon, yaong hindi naisilang na muli ay mga erehe. Ang mga erehe ay yaong mga naniniwala kay Jesus ngunit may kasalanan pa rin sa kanilang puso.
Ang mga erehe ay mga panggagaya ng mga matuwid. Maaaring alam nila na ang daan upang mapaging-banal sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus ngunit sa kasawiang-palad ay may kasalanan pa rin sila sa kanilang mga puso. Naniniwala sila sa kanilang sarili bilang makasalanan. Sinasabi nila na sila’y makaparoroon sa langit at sinasabi rin nila na sumasamba sila sa Diyos. Ito’y katunog na katunog ng sa matuwid, ngunit huwag tayong palilinlang sa mga manggagaya.
 
 
ANG HATOL NG DIYOS AY NAGHIHINTAY SA MGA EREHE
 
Bakit nabago ang dalisay na ebanghelyo?
Dahil ang mga huwad na saserdote at mga erehe ay pinaghalo ang maling paniniwala sa dalisay na ebanghelyo.

“Kaya’t sinabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, ‘Ah kukuhang sulit Ako sa Aking mga kaalit, at manghihinganti Ako sa Aking mga kaaway. At Aking ibabalik ang Aking kamay sa iyo, at Aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin Ko ang iyong lahat na tingga. At Aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula, pagkatapos ay tatawagin ka Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan. Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan, at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat. Nguni’t ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol. Sapagka’t kanilang ikahihiya ang mga encina na inyong ninasa, at kayo’y mangalilito dahil sa mga halamanan na inyong pinili. Sapagka’t kayo’y magiging parang encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig. At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato, at kapuwa sila magliliyab, at walang papatay sa apoy’” (Isaias 1:24-31).
Sinasabi sa atin ng Diyos na kapag naniwala tayo sa tao, dapat tayong mahiya dahil sa tao. Sinasabi Niya sa atin na dapat tayong mahiya dahil sa iglesyang pinili natin para sa ating sarili at ang kahihiyang ito ay matutulad sa isang puno na ang mga dahon ay nalalanta at isang hardin na walang tubig.
Sinasabi Niya sa atin na ang mga huwad na saserdote at ang kanilang mga tagasunod na naniniwala sa turo ng tao sa halip na sa salita ng Diyos ay magiging maningas at ang kanilang gawa ay mag-aapoy. Kapwa masusunog sa impiyerno. Ang mga huwad na mangangaral at mga erehe na hindi pa naililigtas tulad ng mga makasalanan at mga kaaway ng matuwid ay mahahatulan sa apoy ng Diyos.
Ang mga iglesyang itinatag sa ilalim lamang ng teolohiya ay maaaring mukhang dakila, ngunit walang laman sa loob. Anumang iglesya na hindi itinatag sa paniniwala sa Salita ng Diyos at sa ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu ay tulad ng isang hardin na walang tubig.
Maaaring ito ay isang puno, subalit ito’y isang patay na puno na hindi makapamumunga. Kapag ang isang balon ay walang tubig, hindi na ito matatawag na balon.
“At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato, at kapuwa sila magliliyab, at walang papatay sa apoy.” Yaong hindi nagtataglay ng Espiritu ay mukhang higit malakas sa iba, ngunit sa mata ng Diyos, sila ay tulad ng ningas na nakatakda sa apoy ng impiyerno.
Itinanong ng Panginoon, “Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?” (Isaias 21:11). Ang matuwid na may walang hanggang buhay at dapat na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa dilim ng gabi.
Ang Diyos ay liwanag at si Satanas ay kadiliman. Dinadala ng Diyos ang tao sa katuwiran at si Satanas ay dinadala ang tao sa mga huwad na templo na may kaguluhan at maling teolohiya.
Sa panahon ni propeta Isaias, ang pananampalataya ng tao ay kasing-gulo ngayon. Pinagsasama nila ang Salita ng Diyos sa mga teolohiya at turo ng tao. Inililigtas nila ng husto ang bayan ng Israel na may kaguluhan bunga ng tao kaya ipinasya ng Diyos na pawiin silang lahat.
“Aalisin Ko ang iyong lahat na tingga. At Aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula.” Ang mga handog na hindi tinatanggap ng Diyos ay tulad ng tumbaga, pinaghalong katotohanan ng Diyos at teoriya ng tao. 
Hindi tinatanggap ng Diyos ang handog na pinaghalo. Maaaring mukhang dalisay ito sa mata ng tao, ngunit kung sila’y pinaghalo sa maling paniniwala ng tao, sila’y naihalo sa mga kapintasan at ang gayon ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos.
Inalimura ng Diyos ang bayan ng Israel, lalo na ang mga erehe, mga saserdoteng huwad at mga makasalanan.
Kung babasahin natin ang Exodo o ang Mga Bilang, makikita natin na hindi sila inalimura ng Diyos sa simula. Tinulungan ng Diyos ang bayan ng Israel at naggawad ng pagpapala sa kanila. Ngunit pagkatapos ng kamatayan ni Josue, mula sa mga Hukom, ang bayan ng Israel ay nasakop.
Samantala, pinili nilang humayo sa sarili nilang paraan. Sa panahong iyon, ipinadala ng Diyos ang propetang si Jeremias at sinabi sa Israel na sumuko na sa Babilonia.
Sinabi ni Jeremias sa mga tao na sumuko sa Babilonia. Ito ay may kahulugang pang-espirituwal, sumisimbolo sa katotohanang sinasabi ng mga matuwid sa mga sumusunod sa mga erehe na sumuko sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
SINUMBATAN NG DIYOS ANG MGA EREHE
 
Bakit sinumbatan ng Diyos ang mga erehe?
Dahil naglilingkod sila sa mga diyus-diyosan sa halip na sa Diyos.

Bakit inalimura ng mga lingkod ng Diyos ang bayan ng Israel? Dahil binago nila ang pamamaraan ng paghahandog, nagtalaga ng mga karaniwang tao na maging mga saserdote, at binago ang takdang araw ng paghahandog.
Binago nila ang Araw ng Pagbabayad-sala mula sa ika-10 araw ng ika-7 buwan tungo sa ika-5 araw ng ika-8 buwan at nagtalaga ng mga saserdote na hindi mula sa angkan ng Levita. Sa gayon ay sinarhan nila ang daan sa muling pagsilang.
Inalimura ng Diyos ang mga huwad na mangangaral. Yaong mga nagsisilbi sa mga guyang ginto sa halip na sa Diyos ay nagiging mga saserdoteng erehe.
Sa katunayan, hindi sila inalimura ng Diyos nang dahil lang sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Hindi ba’t ikaw at ako ay paminsan-minsang sumasamba rin sa mga diyus-diyosan? Tayo ay madalas na nagkakasala, ngunit ang ating mga kakulangan ay hindi ibinibilang na lubhang kasalanan dahil tayo ay nasa biyaya ng Diyos. Ngunit ang palitan ang Diyos ng mga guyang ginto ay walang kapatawaran. At gayundin ang pagbabago sa pamamaraan ng paghahandog at pagtatalaga ng mga karaniwang tao bilang saserdote.
Nakapangingilabot na kasalanan ang mga ito! Ito ang mga pinakamalubhang kasalanan. Paano mapapatawad ang isang tao sa pagpapalit sa Diyos ng mga guyang ginto. Nasusulat sa Biblia na ang kasalanan ni Jeroboam ang nagdala ng poot ng Diyos.
Tulad ng pagpapakita ng Diyos ng Kanyang poot sa Lumang Tipan, ngayon ay winawasak Niya ang mga makasalanang lumalaban sa Kanya. Sinabi ng Diyos sa Israel na isusumpa Niya yaong hindi tumalikod sa pagsamba sa mga guyang ginto.
 
 
ANG MGA EREHENG NAG-AALAY NG HANDOG NA HINDI AYON SA KAUTUSAN
 
Ano ang dapat nating gawin bago tayo makapaglingkod sa Diyos?
Mahugasan ang lahat ng kasalanan natin.

Ang mga hari at mga saserdoteng erehe ng Israel ay salungat sa Diyos at nagtatalaga sila ng mga taong hindi nagpapahalaga sa pamamaraan ng paghahandog sa pagka-saserdote. Si Jeroboam, ang hari na may ligaw na pag-iisip, ay nagtalaga ng isang taong hindi nagmula sa sambahayan ni Levi bilang saserdote.
Tanging ang mga nagmula lang sa sambahayan ni Levi ang maaaring maging saserdote at maglingkod sa tabernakulo. Higit na malinaw, ang mga saserdote ay dapat na magmula sa sambahayan ni Aaron. Ito ang walang hanggang kautusan ng Diyos. Ngunit si Jeroboam ay nagtalaga ng mga saserdote labas sa sambahayan ni Levi at pinaghandog sila sa mga guyang ginto. Dapat mabatid na ito ang nagdala ng poot ng Diyos.
Kahit ngayon, yaong mga hindi pa naisisilang na muli ay maaaring maging mga ministro, tagapanguna, at mga diakono ng iglesya. Ito ay laban sa utos ng Diyos at naging dahilan ng Kanyang poot. Nalulugod ba ang Diyos sa mga handog na hindi ayon sa kautusan? Ang mga erehe ay dapat na wasakin ang kanilang mga guyang ginto at magbalik sa Diyos at muling maisilang.
Sinasabi ng Isaias 1:10-17, “Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma, mangakinig kayo sa kautusan ng Dios, kayong bayan ng Gomorra. Sa anong kapararakan ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon, Ako’y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba, at ako’y hindi nalulugod sa dugo ng ma toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake. Nang kayo’y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, upang inyong yapakan ang aking mga looban? Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay, kamangyan ay karumaldumal sa akin, ang bagong buwan, at ang Sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong. Ipinagdaramdam ng aking puso an gang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan, mga kabagabagan sa akin, ako’y pata ng pagdadala ng mga yaon. At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo, oo, pagka kayo’y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin, ang inyong mga kamay ay puno ng dugo. Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo, alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata, mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan. Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti, inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao.”
Kung ating babasahing mabuti ang pahayag na ito, makikita natin na ang mga pinunong pang-relihiyon ng Israel ay napakabanal. Ngunit gaano man ang kanilang panata, sila ay nawasak dahil sila ay nag-alay ng mga maling handog at sumuway sa utos ng Diyos.
Makikita natin na hindi nila sinunod ang utos ng Diyos nang sila ay naghandog ng alay o kahit pinansin ang Salita ng Diyos. Ang mga pinunong ito ay lubos na debotong nag-alay ng di-mabilang na handog sa Diyos. Sinasabi ng Biblia na ang dugo ay umaagos tulad ng isang ilog sa loob ng tabernakulo.
Ngunit nang tingnan ng Diyos ang kanilang ginawa, sinabi Niya na ito’y tulad ng kasalanan ng Gomorra. Nakita Niya na gumagawa sila ng alay sa harap Niya, ngunit sa katunayan, sila ay nagkakasala. Sinabi Niya na higit na mabuti pang huwag na lang mag-alay. Hindi Niya nais ang ganito.
Habang nag-aalay sila ng mga handog sa harap ng guyang ginto, hindi mapatawad ng Diyos ang kanilang mga kasalanan. Hindi Niya na ito matitiis. Sinabi Niya sa kanila na dapat silang mag-alay ng handog ayon sa Kanyang iniutos. Kung hindi, makabubuti pa sa kanila na huwag nang mag-alay ng handog.
Ang kanilang mga handog ay hindi inialay sa Diyos sa wastong paraan, at sanhi nito, ang mga saserdote ay nagkasala laban sa Diyos. Dapat mong malaman na ang paglilingkod sa Diyos at ang paggawa sa Kanyang gawain na hindi nahuhugasan ang iyong mga kasalanan ay isang malaking kasalanan sa Kanyang harapan.
 
 
ANG MGA EREHE AY TULAD NG MGA GURO SA PAARALAN
 
Ano ang itinuturo ng mga erehe?
Itinuturo nila ang moral, hindi ang paraan upang maisilang muli.

Ang mga erehe ay animo’y banal sa panlabas. Kapag sila’y nasa pulpito, animo’y silang kahanga-hanga kaya maraming nalilinlang sa kanilang kaanyuhan. Animo’y matatalino. At lagi nilang tinatapos ang kanilang mga sermon sa pagpapaalala sa mga tao na maging mabuti. Anong uri ng sermon iyon? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kanilang mga sermon at sa mga leksyon ng mga guro sa paaralan?
Ang iglesya ng Diyos ay ang lugar kung saan ang mga naisilang ng muli ay magkikita-kita upang sumamba sa Diyos. Tanging ang ganitong uri lang ng iglesya ang isang tunay na iglesya. Ang tunay na iglesya ng Diyos ay hindi nagtuturo ng tamang paraan ng pag-uugali sa harap ng Diyos. Ang mangangaral sa tunay na iglesya ay nagtuturo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Gaano ka man kahina, hinugasan na ng Diyos ang lahat ng iyong kasalanan.
Sinasabi ng mga saserdoteng erehe sa kanilang mga tagasunod, “Gawin ninyo ito, at gawin ninyo iyon,” na nagbibigay ng mabigat na dalahin sa kanila, ngunit sila mismo ay hindi handang magtaas man lamang ng isang daliri upang sila’y kumilos.
Ang isang mangangaral na erehe ay binibilhan ang kanyang anak ng isang mamahaling biyulin at ipinadadala ito sa ibang bansa upang mag-aral. Paano matutustusan iyon ng isang saserdote? Saan siya kukuha ng salapi? Kung mayroon siyang gayong salapi, hindi ba dapat ay gastusin niya ito sa pangangaral ng ebanghelyo? Dapat bang magmaneho ang isang mangangaral ng mamahaling kotse? Dapat ba siyang sumakay sa isang maluhong sasakyan upang maging marangal? Ang isang mangangaral na gumagamit ng isang mamahaling kotse ay isang magnanakaw. Kung ang kanyang mga tagasunod ay hindi makabili ng isang maliit na sasakyan paano magiging wasto para sa kanya na magkaroon ng eleganteng modelo nito? Masasabi natin na ang isang tao’y ereheng mangangaral sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa mga gawa nito.
Ang mga mangangaral na erehe ay humihingi ng malalaking halaga ng salapi. Ang ibang iglesya ay binabayaran ang kanilang mga ministro ng mahigit sa $10,000 sa isang buwan. At ito ang opisyal na kabayaran pa lamang. Sila ay tinutustusan sa mga kabayarang pang-edukasyon, para sa mga aklat, pag-aalaga sa bata, mga pagdadalo at ilan pa.
At ganoon pa rin, ang iba sa kanila ay nagrereklamo na sila ay hindi binabayaran ng sapat. Sila’y tumatanggap ng $10,000 isang buwan at humihingi pa ng karagdagang salapi. Hindi pa ba sapat ang $10,000? Ang isang mangangaral ay dapat na masiyahan sa kinikita na wasto lamang sa kanyang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang tunay na mangangaral ay nakatatamo ng gantimpala at kapayapaan mula sa Diyos. Ngunit ang ereheng mangangaral na walang kapayapaan ay humihingi ng monetaryong kabayaran. Ang gayong mga mangangaral sa katunayan ay sumasamba sa mga guyang ginto.
Ang iglesya ng Diyos minsan ay tinatawag na Zion. Walang iglesyang kasing-ganda ng Zion. Ang iglesya ng Diyos ay ang lugar kung saan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ipinangangaral.
Sinasabi ng Isaias 1:21, “Ano’t ang tapat na bayan ay naging tila patutot! Noong una siya’y puspos na kahatulan! Katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni’t ngayo’y mga mamamatay tao.” Inilalarawan ni Isaias ang iglesya ng Diyos sa pagsasabing, “Ito ang luklukan ng katarungan.”
Ang Diyos ay matuwid at makatarungan. Dahil tayo ay di-ganap, dahil tayo ay inapo ni Adan at isinilang sa kasalanan, naparito si Jesus sa lupa upang hugasan ang ating mga kasalanan sa tubig at sa Espiritu. Ganito katuwid ang Diyos.
Sa Lumang Tipan, nang malaman ng mga tao na sila’y may pagkukulang, lumapit sila sa Diyos at naghandog ng mga alay. “Nakagawa ako ng mali sa ganito at gayong paraan. Ako’y nagkamali.” Pagkatapos sila ay pinatawad sa pang-araw-araw nilang kasalanan at nagawa nilang makatanggap ng kapatawaran para sa isang taon nilang kasalanan minsan sa Araw ng Pagbabayad-sala.
Gayundin, sa Bagong Tipan, si Jesus-Kristo ay naparito sa lupa, binautismuhan at ipinako sa krus upang minsanang hugasan ang kasalanan ng sangkatauhan sa panghabang-panahon.
Ngunit sa pagsamba sa Bagong Tipan, marami ang umiiyak at nagsisisi, “Diyos ko, patawarin mMo ako sa kasalanang nagawa ko nang nakaraang taon. At pagpalain po ninyo ako sa bagong taon.” Ang mga taong yaon ay mga erehe.
Kung gayon, ano ang katotohanan ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu? Si Jesus ay naparito sa mundo halos 2000 taon ang nakararaan, hinugasan ang kasalanan ng sangkatauhan nang minsan para sa lahat at sa gayon ay iniligtas tayo mula sa kasalanan habang panahon. Iniligtas Niya tayo mula sa lahat ng kasalanan sa mundo sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Ngunit kung hihingi tayo ng kapatawaran araw-araw, anong sasabihin Niya?
“Ano’t ang tapat na bayan ay naging tila patutot! Noong una siya’y puspos na kahatulan! Katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni’t ngayo’y mga mamamatay tao.” Sinumang tumatawag sa kanyang sarili na makasalanan ay isang erehe.
 
 
ANG MGA SASERDOTENG EREHE AY HINDI MAAARING MANGARAL NG EBANGHELYO NG MULING PAGSILANG SA TUBIG AT SA ESPIRITU
 
Naririnig ba ng Diyos ang panalangin ng mga makasalanan?
Hindi. Hindi Niya maririnig ang mga ito dahil ang kanilang kasalanan ang naghiwalay sa kanila sa Diyos.

Tinatawag ng ating Diyos yaong mga naniniwala sa Kanya at humihingi ng Kanyang kapatawaran sa mga mamamatay-tao. Dahil sila ay humihingi ng kapatawaran at sinasabi ring sila ay makasalanan, inaasahan pa ba nilang bumalik si Jesus at mamatay para sa kanilang mga kasalanan sa ikalawang pagkakataon? Ang bautismo at ang krus ni Jesus ay ang mga katotohanan ng kaligtasan.
Sa 1 Pedro 3:21, sinasabi na ang bautismo ni Jesus ay ang larawan ng ating kaligtasan. Si Jesu-Cristo ay namatay na minsan upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan. Hinugasan Niya ang kasalanan ng sangkatauhan nang minsan para sa lahat at nabuhay muli pagkatapos ng tatlong-araw. Ngayon ay nakaluklok Siya sa kanang kamay ng Diyos.
Si Jesu-Cristo ay binautismuhan nang minsan at namatay din ng minsan sa Krus upang iligtas tayo mula sa kasalanan kailanman. Siya ay binautismuhan ni Juan Bautista noong Siya ay 30 taong gulang. Siya ay namatay nang minsan upang iligtas tayo mula sa lahat ng kasalanan sa mundo. Hindi ba’t nangangahulugan ito na ang hatol ay ibinigay para sa panghabang panahon?
Kung sinasabi ng mga erehe na makasalanan pa rin sila, hinihingi nilang bumaba Siya sa ikalawang pagkakataon at muling ipako sa krus. Sa katunayan, dapat Niyang gawin ito ng paulit-ulit sa tuwing hihingi sila ng kapatawaran.
Yaong mga naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanilang puso ay ligtas na sa kasalanan kailanman, naging matuwid na, mapupunta sa langit upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos at buhay na walang hanggan. Sinumang makatagpo sa matuwid ay maliligtas sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu at magiging isa sa mga pinagpalang bayan ng Diyos. Sinumang humihingi ng matuwid na kaligtasan sa harap ng Diyos ay pagpapalain.
Basahin natin ang Isaias 1:18-20. “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe, bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa. Kung kayo’y magkusa at mangagmasunurin, kayo’y magsisikain ng buti ng lupain. Nguni’t kung kayo’y magsitanggi at manganghimagsik, kayo’y lilipulin ng tabak, sapagka’t sinalita ng bibig ng Panginoon.”
Sinasabi ng Diyos sa atin na kung tayo ay masunurin sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pasasaganain Niya ang ani ng ating lupain, ngunit kung magpapatuloy tayo sa pagsuway, tiyak na tayo’y mamamatay.
Sinabi ng ating Diyos, “Lumapit kayo ngayon at magpaliwanagan tayo. Mag-usap tayo. May kakulangan ba kayo? Hindi ba kayo matuwid? Labis ninyo bang minamahal ang inyong sarili? Hindi ba kayo makapamuhay ayon sa kautusan? Hindi ba ninyo magawa ang inuutos ng batas? Alam ninyo ngunit hindi ninyo ba magampanan? Kung gayon, lumapit kayo sa Akin. Kahit na ang inyong mga kasalanan ay tulad ng mapupula, ito ay magiging simputi ng niyebe, kahit na kasing-pula ito ng krimson, ito’y magiging tulad ng lana.” Nangangahulugang makatarungang iniligtas ng Diyos ang makasalanan at ginawa silang matuwid.
Wala pang kasalanan noong likhain ng Diyos si Adan at Eba. Ngunit si Satanas ay biglang dumating sa eksea. Tinukso niya silang sumuway sa Diyos at ginawang makasalanan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagtukso sa kanila na magkasala. Si Satanas ang dahilan ng pagkahulog ng tao. Sa simula, si Adan at Eba ay hindi makasalanan sa harap ng Diyos. Sila ay namumuhay kasama ang Diyos sa hardin ng Eden. Ngunit sila’y naging makasalanan. Kaya ngayon, tinatawag tayo ng Diyos. Lumapit kayo at magpaliwanagan tayo, magpaliwanagan tayo.
“Gaano karami ang kasalanan nagawa mo sa mundong ito? At gaano karami ang kasalanan gagawin mo bago ka mamatay?”
“O Diyos ko. Napakaimposibleng hindi magkasala. Hindi kami magiging banal gaano man ang aming pagpipilit.”
“Kung ganon, gaano karami ang kasalanan nagagawa mo hanggang ngayon?”
“Panginoon, wala akong maalala, ngunit may mga ilang natanim sa isip ko. Natatandaan mo ba ang panahong iyon? Alam mo kung ano ang sinasabi ko…at mayroon pa, alam mo…”
Pagkatapos ay sinabi ng Diyos, “Sige sabihin mo sa Akin. Palagay mo ba iyon na iyon? Alam mo pa ba ang iba bukod doon? Ngunit lahat ng kasalanan na natatandaan mo, lahat ng kasalanan na nalimutan mo, at kahit ang mga kasalanang gagawin mo pa lang, hinugasan Ko ng lahat magpakailanman. At hindi lang ang sa iyo, kundi pati ang mga kasalanan ng magiging anak mo at magiging anak ng anak mo, pababa sa lahat ng kasalanan ng iyong angkan. Ako ang Diyos na matuwid. Hinugasan Ko ang iyong mga kasalanan minsan para sa lahat.
Ang Diyos, na naghugas ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan mula sa kasalanan ni Adan hanggang sa mga kasalanan ng huling tao sa mundo, ay ang Alpha at Omega, ang Simula at ang Wakas.
“Ako ang Tagapagligtas at Makapangyarihang Diyos.”
“Ako ang Jehovah, ang Mahabaging Diyos.”
“Ako’y nahahabag sa mga karapat-dapat kahabagan, at Ako’y naaawa sa mga karapat-dapat kaawaan.”
Kung hihingi tayo ng Kanyang awa at tapat sa Kanya, makakamtan natin ang habag ng Diyos. Ang ating Ama ay nais na pagpalain tayong lahat. Nais Niya na lahat tayo ay maging matuwid. Sa Kanyang pag-ibig at awa, nais Niyang gawin tayong lahat na mga anak Niyang matuwid.
 
Ano ang nais ng Diyos na gawin natin pagkatapos nating maisilang na muli?
Nais Niya na ipangaral natin ang ebanghelyo sa buong mundo.

Nais Niya na pumuti tayo tulad ng niyebe. Hinugasan ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan minsanan para sa lahat sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Kung ang isang iglesya ay hindi makalulutas sa mga suliranin ng kasalanan at buhay para sa lahat ng may paniniwala, hindi ito matatawag na tunay na iglesya ng Diyos.
Ang mga tao’y lumalapit sa saserdote at itatanong, “Ako’y may kasalanan. Anu-ano ang dapat kong gawin? Ako’y humingi ng tawad at nagsisisi na ng maraming uli, ngunit hindi pa rin nawawawala ang aking mga kasalanan. Hindi na ako makapagpatuloy pang muli. Palagay ko’y hindi ko na kayang ipagpatuloy ang buhay kong espirituwal.” Kung ang isang saserdote o pastor ay hindi siya mabibigyan ng wastong sagot sa kanyang suliranin, siya ay isang erehe. Maaari niyang sabihing, “Nasa sa iyo na iyan. Manalangin ka sa kabundukan. Subukan mo ang 40-araw na pangingilin.”
Ang mga saserdoteng erehe o mga pinunong pang-relihiyon ay puno ng karumihan hindi na nila alam ang tungkol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi nila alam kung ang kanila bang kaluluwa ay matutungo sa impiyerno o langit.
Yaong mga pinunong ay hindi matuwid sa harap ng Diyos. Sila ay mga huwad at erehe. Animo’y naniniwala sila kay Jesus sa panlabas, ngunit ang kanilang puso ay puno pa rin ng kasalanan. Hindi pa sila nahugasan sa kanilang kasalanan. Hindi nila maipapangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na makapaghuhugas ng lahat ng kasalanan. Huwag tayong magpalinlang sa kanila.
Sinasabi ng Tito 3:10-11 ang tungkol sa mga erehe, “Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo. Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.” Dahil naniniwala sila kay Jesus ngunit hindi pa naisisilang na muli, isinusumpa nila ang kanilang sarili bilang makasalanan. Winawalang-saysay at niyuyurakan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sinasabing sila ay makasalanan at wala ng magagawa kundi ang matungo sa impiyerno.
Sila ay mga erehe sa Kristiyanismo. Sinumang naniniwala kay Jesus na may kasalanan ay isang erehe. Ang mga erehe ay kaiba sa Diyos. Ang Diyos ay banal. Sila ay hindi. Yaong mga naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nalinis na mula sa kanilang mga kasalanan. Kaya, sinumang naniniwala kay Jesus ngunit may kasalanan pa rin ay isang erehe. Dapat tayong lumayo sa mga nagsasabing naniniwala sila sa Diyos ngunit nananatiling makasalanan.
Ipangaral natin ang ebanghelyo sa mga hindi pa nakakarinig nito at yaong nais maniwala ngunit hindi magawa dahil hindi nila nalalaman ito. Tulungan natin silang maisilang na muli. Labanan natin ang mga humahadlang sa daan ng ebanghelyo sa tubig at sa Espiritu.
Dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu sa buong mundo. Amen!