• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 7: Ang Pagkakamali sa Teorya ng Katalagahan at Banal na Halalan

[7-1] ANG KAMALIAN SA TEORIYA NG PREDESTINASYON AT BANAL NA PAGPIPILI (Roma 8:28-30)

2021.04.11 109
(Roma 8:28-30)
“At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa. Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman, at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya, at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya.”
 
 
Totoo bang iilan lang sa atin ang hinirang ng Diyos?
Hindi. Tayong lahat ay kanyang pinili sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Ang teyolohikal na teorya ng pagtatalaga at banal na pagpili, kung saan isa sa mga pangunahing teolohiya na bumubuo sa doktrinang Kristiyano, ang nanguna sa maraming nagnanais na maniwala kay Jesus para hindi maunawaan ang salita ng Diyos. 
Ang hindi makatotohanang teyolohiya ay nagsasabi na ang pagtatalaga ay ang pagpili ng Dios sa mga taong Kanyang minamahal samantalang kaparusahan sa lahat ng hindi Niya iniibig. Ito’y nangangahulugan na ang ilan sa mga pinili ay isinilang sa tubig at Espiritu at matatamo ang langit samantalang ang ibang hindi pinili at itinalagang masunog sa impiyerno.
Kung ang Diyos sa gayon ay pumipili lamang ng itatalaga ng ilan sa atin, wala tayong magagawa kundi ang magtanong, “Ako ba ay pinili upang maligtas?” Kung hindi tayo pinili, walang kabuluhan kung tayo’y mananampalataya kay Jesus. Kung gayon, ang ganitong teoriya ay nagbubunsod sa tao upang ituon ang pansin kung sila ba ay pinili at itinalaga kaysa sa pananampalataya mismo.
Kung tayo’y naniniwala rito, paano tayo mapapalaya sa pag–aalinlangan at sa halip ay manampalataya sa Diyos? Paano natin masisiguro na tayo’y pinili ng Diyos? Siya ba ang Diyos lamang ng mga taong Kanyang pinili kahit na Kanyang sinabi, “O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? Hindi baga Siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman” (Roma 3:29).
Sapagkat maraming tao ang hindi lubos na nakakaunawa ng predestinasyon at ng banal na pagpili, natatakot sila na sila’y mapahamak sa kabila ng kanilang paniniwala kay Jesus.
Sa Efeso 1:3-5 ay nagsasabi, “Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na Siyang nagpala sa atin ng bawa’t pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo. Ayon sa pagkapili Niya sa atin sa Kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan Niya sa pagibig. Na tayo’y itinalaga Niya nang una pa sa pagkkupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban.”
Samakatuwid, dapat nating pag-aralan ang kaisipan o kahulugan ng teyolohiya ng predestinasyon at banal na pagpili. Dapat muna nating malaman at unawain ang sinasabi ng Biblia patungkol sa predestinasyon at banal na pagpili at ating patatagin ang ating paniniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. 
Ano ang sinasabi ng Roma sa atin? Ang iba sa mga teologo ay bumubuo ng mga teoriya o kaisipan ng “walang-takdang pagpili.” Kung gayon ang teyolohiya ba ay Diyos? Ang teyolohiya mismo ay hindi ang Diyos.
Maging sa pasimula pa lamang ng paglikha sa sanlibutan, pinili na ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo upang tayo’y Kanyang iligtas at tayo’y gawing matuwid. Tayo’y inibig ni Jesus ng walang-pasubali. Huwag natin Siyang gawing mapang–uring Diyos o nagtatangi lamang. Ang mga di-mananampalataya ay naniniwala lamang sa kanilang sariling kaisipan subalit ang mga mananampalataya ay ibinabatay ang kanilang paniniwala sa nakasulat na salita ng Diyos.
 
 
ANG BANAL NA PAGPILI SA LUMANG TIPAN
 
Ang teoriya ba ng walang-pasubaling pagpili ay totoo?
Hindi. Ang ating Diyos ay hindi makitid ang isip. Pinili ng Diyos ang lahat ng makasalanan sa pamamagitan ni Jesus at hindi pumili ng iilan lamang.

Sa Genesis 25:21-26, mababasa natin ang ukol sa dalawang anak ni Isaac, si Esau at Jacob. Pinili na ng Diyos si Jacob kahit na sila’y nasa sinapupunan pa lamang ng kanilang ina.
Ang mga hindi nakakaunawa sa salita ng Diyos ay ipinapalagay itong batayan ng teoriya ng walang-pasubaling pagpili. Ito’y katulad ng paghahalo ng paniniwala sa Diyos ng kapalaran sa Kristiyanismo.
Kung tayo’y naniniwalang pinipili ng Diyos batay sa “walang-pasubaling pagpili” at hindi dahil kay Jesu-Cristo, kung gayon, ito’y katulad lamang ng pagsamba sa diyos ng kapalaran at mga diyus–diyosan. Ang Diyos ay hindi diyos ng kapalaran. Pagka’t kung tayo’y maniniwala sa diyos ng kapalaran ay ikakaila natin ang plano ng Diyos sa atin, tayo’y mapapahamak tungo sa bitag ni Satanas.
Kung ang tao’y hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos, siya’y katulad ng halimaw na mapupuksa. Yamang tayong mga mananampalataya ay hindi halimaw, tayo’y dapat na maging tunay na mananampalatayang naniniwala sa mga katotohanang nasusulat sa Biblia. Ang hindi paniniwala sa katotohanang nasasaad sa Biblia ay magdadala ng kapahamakan tungo kay Satanas.
Upang magkaroon ng tunay na pananampalataya, kailangan nating isipin ang katotohanang nasasaad sa Banal na Kasulatan at sundan ang halimbawa ng pananampalataya ng mga muling ipinanganak kay Kristo.
Ang paniniwalang Calvinismo ay nagsasaad ng limitadong kaligtasan o katubusan. Nagsasabing ang pag–ibig ng Diyos at ang pagtubos ni Jesus ay doon lamang sa iilan. Ito ba’y may katotohanan?
Ang Biblia ay nagsasabi, “ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan” (1 Timoteo 2:4). Kung ang biyaya ng pagtubos ay para lamang sa iilan, maraming mananampalataya ang magbibitaw ng pananampalataya kay Jesus. Pagkat sino pa ang magnanais na magtiwala sa Diyos na ganoon kakitiran ng pag-iisip.
Tayo’y marapat na magkaroon ng katiyakan na hindi ganito kababaw magplano ang ating Diyos. Sapagkat Siya ay Diyos ng Katotohanan, Pag–ibig at Katarungan. Tayo’y dapat na maniwala kay Jesus at sa Mabuting Balita ng pagsilang na muli sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu at ang pagliligtas sa ating mga kasalanan. Si Jesus ang Tagapagligtas ng lahat ng mga ipinanganak na muli sa tubig at Espiritu.
Ayon sa paniniwalang Calvinismo, kung mayroong sampung tao, ang iba sa kanila ay ililigtas ng Diyos samantalang ang iba naman ay maiiwan at parurusahan sa dagat na apoy ng impiyerno. Ito’y walang katotohanan.
Hindi kapanipaniwala na ang Diyos ay umiibg sa iba at pinababayaan ang iba. Isipin nating narito sa atin ang Diyos ngayon. Kung sasabihin Niyang ang Kanyang pinili ay ang mga nasa gawing kanan at ang mga nasa gawing kaliwa naman ay sasabihin Niyang mapupunta sa impiyerno, maituturing ba natin Siyang Diyos?
Hindi kaya tututol at magrereklamo ang mga pinabayaan Niya? Lahat ng nilalang ay mananangis, “Paanong ang Panginoon ay naging hindi makatarungan?” Kaya’t ang walang batayang pagpili ay hindi makatotohanan dahil pinili Diyos tayong lahat sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Kung gayon, lahat ng tinawag ng Diyos sa pangalan ni Cristo ay itinalaga. Kung gayon, sino ang tinatawag ng Diyos para sa Kanya? Tinatawag Niya ang mga makasalanan, hindi ang matuwid. Hindi tinatawag ng Diyos ang mga taong ipinalagay na sila’y matuwid at walang kasalanan.
Ang biyayang kaligtasan ng Diyos ay para sa mga makasalanan at sa mga isinumpa sa impiyerno. Ang pagpili ay ng pagtawag ng Diyos sa mga makasalanan upang sila’y linisin at gawing matuwid na Kanyang mga anak na hinirang.
 
 
ANG DIYOS AY MAKATARUNGAN
 
Ang Diyos ba ay nagmamahal lamang sa mga iilang pinili?
Hindi, ang Diyos ay hindi namimili. Siya ay makatarungang Diyos.

Makatarungan ang Diyos. Hindi Siya Diyos na nagmamahal lamang sa iilan. Siya’y tumatawag ng mga makasalanan sa pangalan ni Cristo. Kung walang kaligtasan sa pamamagitan ng pagtubos ni Jesu-Cristo at ang kanyang kapatawaran sa mga kasalanan, paano natin malalaman ang pag–ibig ng Diyos at ang kaligtasan? Kailanman Siya ay hindi naging di-makatarungan. 
Subukan nating hanapin kung ano ang nawawala kung ating babasahin ang Efeso 1:3-5. “Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na Siyang nagpala sa atin ng bawa’t pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo. Ayon sa pagkapili Niya sa atin sa Kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan Niya sa pagibig. Na tayo’y itinalaga Niya nang una pa sa pagkkupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban.” Ano ang nawawala? Ang nawawalang salita ay “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.”
Ang walang takdang pasubali sa paniniwalang Calvinismo ay hindi tumutugma sa mga salitang nasa Biblia. Ang Biblia’y nagsasabi, “Ayon sa pagkapili Niya sa atin sa Kaniya bago itinatag ang sanglibutan.”
Pinili ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ni Cristo upang ipanganak na muli sa tubig at Espritu. Wala tayong magagawa kung ang mga ipinanganak na makasalanan ay matutubos mula sa kasalanan at magiging mga anak Niya. Isinama Niya ang sangkatauhan sa listahan ng mga ililigtas at pinili sila kay Jesu-Cristo.
Dahil maraming mga teologo ang ipinipilit ang walang pasubaling pagpili na di-umano’y iilan lamang ang pinili, maraming tao ang nagiging biktima sa magulong walang matuwid na doktrina. Sinasabi ng mga bulaang teologong ito na kakaunti lamang ang pinili ng Diyos at ang karamihan ay hindi. Subalit ang katotohanan sa Kanyang Salita na ang Diyos ay tinatawag lahat ng makasalanan dahil kay Kristo. Maraming tao ang nagiging biktima ng ganitong paniniwala at patuloy na nananalig sa kanilang mga sariling kasabihan at pamahiin.
Subalit kung mauunawaan at tatanggapin natin na ang Diyos ang nagpasya upang tayong lahat ay maligtas sa pamamagitan ni Jesus at nang sa gayon ang kapatawaran ng kasalanan ay para sa lahat ng nanampalataya kay Jesus, tayo’y maliligtas mula sa ating mga pagkakasala, magiging mga anak ng Diyos, magiging matuwid, magkaroon ng walang hanggang buhay at magkaroon ng katiyakan na ang Diyos ay makatarungan.
 
 
ANG BANAL NA PAGPILI SA KASAYSAYAN NI JACOB AT ESAU
 
Sinu–sino ang mga pinili ng Diyos? Iyon lamang bang iilan?
Hindi. Ang lahat ng tao ay pinili sa pamamagitan ni Kristo. Kaya, sinumang naniniwala kay Kristo at napawalang–sala na dahil sa bautismo ni Jesus ay pinili na.

Sa Genesis 25:19-28, si Esau at Jacob ay nag-aaway na kahit sila’y nasa sinapupunan pa lang ng kanilang inang si Rebecca. Ang wika ng Diyos sa Genesis 25:23, “Dalawang bansa ang nasa iyong bahay-bata, at dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan, at ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan, at ang matanda ay maglilingkod sa bata.”
Ang mga makasalanan ay binabago ang kahulugan ng mga salitang ito sa teoriya ng teyolohikang pagtatalaga at banal na pagpili, mag–iiwan ng kaguluhan at alinlangan sa maraming mananampalataya kay Jesus kung sila ba’y pinili o hindi! Kung sila’y pinili na, iniisip nilang sila’y ligtas na kaya wala ng hangaring maranasan ang muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ang pananaw ng walang-pasubaling pagpili ay nagpalalayo sa maraming mananampalataya kay Jesus mula sa katubusan tungo sa parusa ng impiyerno. At magiging dahilan din ito upang magmukhang hindi makatarungan ang Diyos.
Dahil sa dami ng mga teologo na nagtututo ng mga maling doktrinang mula lamang sa kanilang kathang–isip, marami sa mga mananampalataya ang nawawalan ng pagtitiwala at nag–iisip kung sila nga ba ay pinili o ang kanila bang katubusan ay pagtatalaga na.
Kay Jacob at Esau, sino ang pinili ng Diyos? Si Jacob sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa Roma 9:10-11, sinasabi na pinili ng Diyos si Jacob sa halip na ang kanyang kapatid kahit na sila’y nagmula sa iisang sinapupunan, kahit na hindi pa sila isinisilang at wala pang nagagawang mabuti o masama.
Ang layunin ng Diyos sa pagpili kay Jacob ay hindi dahil sa kanyang mga gawa kundi dahil sa Kanyang pagpili. Ang Biblia rin ay nagsasabi sa atin na si Jesus ay tumatawag ng mga makasalanan at hindi ang mga namumuhay ng matuwid.
Ang tao, bilang mga anak ni Adan ay ipinanganak na makasalanan. Si David ay nagsabi rin na siya’y makasalanan mula pa lamang ng siya’y nasa sinapupunan ng kanyang ina. “Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan, at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina” (Mga Awit 51:5).
Ang tao ay ipinanganak na makasalanan dahil sa kanilang mga ninuno. Kaya’t ang lahat ng isinilang sa mundong ito ay makasalanan at namumuhay dulot ng pagkakasala. 
Maging ang bata na hindi pa nakagagawa ng kasalanan ay makasalanan pagkat siya’y bunga ng pagkakasalang nagawa ng kanyang mga ninuno. Meron siyang masamang pag-iisip, pangangalunya, pagkainggit, pagpatay at pagkamuhi sa kanyang puso. Siya ay isinilang kasama ang kasalanan ng kanyang mga ninuno. Ang tao ay makasalanan mula nang siya’y isilang.
Ang layunin ng Diyos kung bakit tayo hinayaang maging mahina ay dahil sa mga sumusunod. Ang tao’y nilikha Niya subali’t ang Panginoon ang may layunin na tayo’y maging mga anak Niya sa pamamagitan ng Kanyang pagliligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit hinayaan Niyang magkasala si Adan.
Nang ang tao ay naging makasalanan, isinugo Niya si Jesus sa sanlibutan, upang Kanyang hayaang matubos ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Layon ng Diyos na matubos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus at upang magkaroon ng karapatang maging mga anak Niya. Hinayaang Niyang magkasala si Adan sa pangakong huhugasan lahat ng kasalanan ni Kristo.
Ang mga makasalanang naniniwala sa maling doktrina ay nagsasabing, “Tingnan ninyo si Jacob at Esau, pinili ng Diyos ang isa samantalang ang isa ay winalang halaga sa hindi mabatid na kadahilanan.” Hindi tayo pinipili ng Diyos ng walang kadahilanan kundi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kailangan lamang natin basahin ang sinasabi sa Biblia. Sa Roma 9:10-12 ay sinasabi, “At hindi lamang gayon, kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga’y ng ating ama na si Isaac. Sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag. Ay sinabi sa kaniya, ‘Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.’ Gaya ng nasusulat, ‘Si Jacob ay inibig Ko, datapuwa’t si Esau ay Aking kinapootan.’”
Pinili ng Diyos si Jacob kay Jesus. Si Jacob ay isang huwaran ng mga makasalanan na hindi karapat-dapat at walang sariling katuwiran. Ang Efeso 1:4 ay sinabi na Diyos na pinili tayo sa Kanya. 
Sino ang tinawag ng Diyos? Tinawag Niya si Jacob dahil batid niyang ito’y makasalanan at hindi matuwid sa harap ng Diyos at siya ay nagtitiwala sa Diyos. Tinawag Niya si Jacob sa pangalan ng Nanyang anak na si Jesus at tinubos siya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu para siya ay maging anak. Kaya tinawag ng Diyos si Jacob at pinagpala ng kaligtasan. Tinawag Niya ang makasalanan upang maging matuwid sa pamamagitan ng pagliligtas ni Jesus. Yaon ang plano ng Diyos.
 
 
ANG HUWAD NA DOKTRINA SA WALANG-PASUBALING PAGPILI
 
Bakit minahal ng Diyos si Jacob?
Sapagkat batid ni Jacob na siya’y makasalanan.

Gaya ng nabasa kong aklat tungkol sa walang-pasubaling pagpili. May isang kabataang lalaki ang nanaginip. May isang matandang babae ang biglang lumitaw at siya’y pinatutungo sa isang lugar, at siya’y nagtungo nga doon. At sinabi sa kanya ng matanda na siya raw ay pinili ng Diyos. 
Tinanong niya ang matandang babae kung bakit siya pinili ng Diyos gayong hindi siya naniniwala sa Diyos? Walang-pasubali raw siyang pinili raw siya ng kahit na siya’y walang pananampalataya sa Diyos.
Ito’y walang katotohanan. Paanong pababayaan ng Diyos na mamatay at parusahan ang iba sa impiyerno samantalang ang iba nama’y maliligtas? Pinili tayong lahat ng Diyos sa pangalan ni Jesus.
Ang kautusan ukol sa pagpili na hindi nakaugnay kay Jesus ay hindi makatotohanan. Ipinahahayag nila na iilan lamang sa atin ang pinipili ng Diyos. Ito’y bulaang katuruan. Lahat ng mga makasalanan ay Kanyang tinatawag upang iligtas. Ang mga hindi lamang naniniwala sa katubusan sa pamamagitan ng tubig at Espiritu ang hindi maliligtas.
Ang Diyos ay nagtalaga sa lahat ng sangkatauhan para sa kaligtasan sa pamamagitan ng Anak, si Jesus, at sinadya Niya tayong gawin bilang Kanyang mga anak bago pa Niya likhain ang mundo. Nailayon na Niya na maligtas ang sangkatauhan sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ito ang katotohanang nasusulat sa Biblia.
Kung itinatalaga ng Diyos ang iilan na wala kay Jesus. Hindi na natin dapat ipangaral ang ebanghelyo. At hindi na kailangan pa ng makasalanan na manampalataya pa kay Jesus. Paano na ngayon matutupad ang Kanyang salita ng Pag-ibig, ng Katotohanan at ng Katubusan?
Meron bang dahilan na ang lingkod ng Diyos ay magpahayag ng ebanghelyo sa mundo? May halaga pa ba na ang Diyos ay walang-pasubaling pinili ang mga maliligtas at isusumpa ang iba kung wala si Jesus?
Ang dahilan kaya pinili ng Diyos si Jacob kay Jesus, minahal Niya si Jacob at itinakwil si Esau ay dahil nalalaman Niya na bago pa sila likhain, si Jacob ay mananampalataya kay Jesus at si Esau ay hindi maniniwala sa Kanya.
Maraming makasalanan sa mundo ang naniniwala kay Jesus. Ilan sa kanila ay katulad ni Esau at ang iba ay katulad ni Jacob.
Bakit si Jacob ang inibg ng Diyos? Pagkat batid ni Jacob na siya’y makasalanan at walang kabuluhan. Samakatuwid tinatanggap niyang siya’y makasalanan kaya’t siya’y humingi ng awa at habag. Kung kaya’t iniligtas ng Diyos si Jacob.
Ngunit si Esau ay higit na umaasa sa kanyang sarili sa halip na sa Panginoon at hindi hinangad ang awa ng Diyos. Kaya sinabi ng Diyos na mahal Niya si Jacob at itinakwil si Esau. Ito ang salita ng katotohanan.
Itinakda ng Diyos na tayong lahat ay maligtas ni Jesus. Ang kailangan lamang nating gawin ay ang maniwala kay Jesus. Sa gayon, ang Kanyang Katotohanan at Katuwiran ay mananatili sa ating mga puso. Tayong mga makasalanan ay walang ibang magagawa kundi ang magtiwala kay Jesus ng buong puso upang tayo’y maligtas.
 
 
ANG HUWAD NA TEORIYA NG UNTI-UNTING PAGBABANAL
 
Totoo ba na ang makasalanan ay maaaring maging matuwid ng paunti-unti?
Hindi. Ito’y imposible. Minsan lang, dahil Ito’y ginanap na ng Diyos na maging matuwid ang makasalanan at walang kapintasan sa pamamagitan ng pagtubos Niya ng Kanyang bautismo at ng Kanyang kamatayan sa krus. 

Nililinlang ni Satanas ang mga makasalanan na sila’y maaaring maligtas sa pagkakasala sa pamamagitan ng unti-unting pagpapakabanal. Ang unti-unting pagiging banal ay nangangahulugan na ang mga makasalanan ay unti-unting magiging banal pagkatapos nilang magtiwala kay Jesus.
Ang teoriyang ito ay nagsasabi na ang isang makasalanan ay hindi magiging matuwid ng minsanan, ngunit sila’y mahahango sa kanilang minanang kasalanan kung kanilang tanggapin si Jesus. Ang sadyang pagkakasala ay maaaring mahugasan sa pamamagitan ng araw-araw na pananalangin ng pagsisisi at siya ay unti-unting mahuhugasan.
Ang suliranin sa teoriyang ito ay ang unti-unting pagbabanal. Napakagandang pakinggan na ang tao ay maaaring maniwala kay Jesus at unti-unting maging banal na Kristiyano. Ang teoriyang ito ay nakapanlinlang na sa maraming Kristiyano sa mga nagdaang taon, nagparamdam ito sa kanila ng kapanatagan. Iyon ang dahilan kung bakit napakarami nagbabanal-banalan sa Kristiyanismo.
Iniisip nila na isang araw sila’y magbabago at mawawalan ng kasalanan. Ngunit patuloy silang namumuhay sa kasalanan kaya’t sila’y hahatulan sa harapan ng Diyos pagkatapos ng kanilang kamatayan.
Basahin natin ang tunay na salita sa Biblia. Sa Roma 8 :30, “At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman, at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya, at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya.”
At sa talatang 29, “Sapagka’t yaong mga nang una pa’y Kaniyang nakilala, at itinalaga naman Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.” Sa unang tingin, ito animo’y mga hakbang sa pagiging matuwid. Ngunit ang Salita ay nagsasabi sa atin na ang pagkamatuwid ay minsanang lang ipinagkaloob.
“Ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya.” Tinawag ni Jesus ang mga makasalanan at ginawa silang matuwid sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Jordan at ng Kanyang kamatayan sa krus.
Samakatuwid ang isang naniniwala sa kaligtasan kay Jesus ay nagiging isang maluwalhating anak ng Diyos. Ito ay ang Pagpapala ng Diyos na tutubusin ang mga makasalanan at luwalhatiin sila sa ganitong pangalan.
Ito ang sinasabi ng Diyos sa atin. Ngunit ang ibang Kristiyano ay sinasabi sa atin na tingnan ang Roma 8:30. “May mga hakbang upang maging banal. Hindi ba’t nangangahulugan iyon na tayo’y nagbabago?” Ganito sila nalinlang. Sinasabi nila sa mga tao sa panahong hinaharap na ang isang makasalanan ay magiging matuwid sa paglipas ng panahon.
Ngunit sinasabi sa atin ng Biblia na hindi ito pang hinaharap, kundi sa pang-nagdaan na tayo’y ginawang matuwid nang minsan para sa lahat. May isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng pananaw na panghinaharap at sa ganap pang-nakalipas.
Dapat tayong lubos na maniwala sa Biblia. Ayon sa nasusulat, tayo’y magiging anak ng Diyos nang minsanan lang. Ito’y ganap na naiiba mula sa teoriya ng.
Ang teoriya ng unti-unting pagbabanal ay nagsasabi na tanging ang orihinal na kasalanan lang ang pinapatawad kapag tayo ay naniwala kay Jesus. Ito’y nagmumungkahi na dapat tayong magkaroon ng isang banal na pamumuhay at magsisi para sa pang-araw-araw nating kasalanan, upang kapag tayo’y tumayo sa harap ng Diyos tayo’y magiging matuwid.
Dahil maraming tao ang naniniwala sa teoriyang ito, sila’y nananatiling makasalanan kahit pagkatapos nilang maniwala kay Jesus. Kaya dahil dito, ang teoriya ng unti-unting pagbabanal ay hindi totoo.
Malinaw na sinasabi ang Biblia sa atin na tayo’y naging mga matuwid at mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Tulad ng mga sanggol na isinilang dito sa mundo, ang mga anak ng Diyos ay nagiging banal sa oras na mabatid at paniwalaan nila ang pagliligtas ni Jesus. Ang huwad na teorya ng unti-unting pagbabanal ay nagmula sa kasinungalingan.
 
 
ANG GANAP NA KALAYAAN MULA SA LAHAT NG KASALANAN
 
Ano ang dapat nating gawin upang tayo’y maging ganap na malinis?
Nararapat na tayo’y magtiwala sa katubusan sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.

Sa Roma 8:1-2 ay sinasabing, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’Tagapagligtas ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.”
Ang Biblia ang nagsasabi sa atin ukol sa ganap na kaligtasan sa Hebreo 9:12, “At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.” Nangangahulugang tayong mga nananampalataya kay Jesus ay Kanyang tinubos at tinanggap sa langit.
Ating narinig at pinaniwalaan ang ebanghelyo ng pagtubos na ginawa sa atin ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng tubig at Espiritu at tayo’y pinatawad Niya sa ating mga kasalanan. Ngunit ang mga makasalanang naniniwala sa nakamit na mana ng kasalanan sila pinatawad ngunit hindi magtatamo ng kaligtasan. Upang maging banal para sa mga kasalanang nagawa nila pagkatapos nilang maniwala kay Jesus, pakiramdam nila’y kailangan nila ang araw-araw pagsisisi.
Ang ganitong maling paniniwala ay nagdadala sa kanila sa impiyerno. Ito rin ang dahilan kung bakit ginagawa nila araw-araw ang paghingi ng tawad upang mapatawad sa kanilang mabibigat na pagkakasala. Ito’y huwad na pananampalatayang hindi makapagliligtas sa atin sa parusa ng impiyerno.
Kung naniwala sila kay Jesus at naligtas nang minsanan sila’y maaaring maging matuwid at maging mga anak ng Diyos. Ang tunay na kaligtasan ang gumagawa dahil sa paniniwala na magiging matuwid at magbabago sa kanila upang maging mga anak ng Diyos magpakailan man.
Kahit na napalaya na ang mga mananampalataya mula sa kasalanan ng sanlibutan, ang kanilang laman naman ay hindi mababago hanggang sa kanilang kamatayan. Ngunit ang kanilang puso ang nakababatid ng katuwiran ng Diyos. Hindi tayo dapat magkamali sa ganitong katotohanan.
Sinasabi sa Biblia na tayo ay nilinis at ginawang matuwid dahil tayo ay manampalataya sa ebanghelyo. 
Tingnan natin ang Hebreo 10:9-14, upang malaman ang tunay na ebanghelyo, “Saka sinabi niya, ‘Narito, Ako’y pumarito upang gawin ang Iyong kalooban.’ Inalis Niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. At katotohanag ang bawa’t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kalian man, ay umupo sa kanan ng Dios. Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang Kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng Kaniyang mga paa. Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay Kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.”
 “Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.” Tandaan na ito’y nasusulat sa ganap na pangkasalukuyang panahon at hindi sa panahong panghinaharap.
Upang ganap na maging malinis, ang tao’y dapat na maniwala sa kaligtasan sa tubig at sa Espiritu na ibinigay ni Jesus sa atin.
 
 
IPINAGKALOOB NI JESUS ANG WALANG-HANGGANG KALIGTASAN NG MINSAN LAMANG
 
Bakit ang tao ay binigyan ng karapatang magalak sa lahat ng oras? (I Tesalonica 5:16)
Dahil inalis ni Jesus lahat ng kanyang kasalanan, siya’y walang magagawa kundi maging mapagkumbaba sa harap Niya at magpasalamat sa Kanyang biyaya.

Kung maniniwala tayo sa walang hanggang kaligtasan ni Jesus, tayo’y magiging ganap na matuwid. Ang Biblia ay nagsasabing, “Mangagalak kayong lagi; Magsipanalangin kayong walang patid; sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo” (1 Tesalonica 5:16-18).
Magalak tayong lagi. Paanong magagalak ang tao sa bawat oras? Yaong mga tumanggap ng walang hanggang katubusan ay may kagalakang walang patid. Sapagkat siya ay malaya na mula sa kasalanan, siya ay payapang nagtitiwala kay Jesus na siyang nagtubos ng kanyang pagkakasala sa Jordan. Kaya’t siya ay mapagpakumbaba sa harap ng Dios at nagpapasalamat sa Kanyang Biyaya na may kagalakan tuwina.
“Mapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, at ang kanilang mga kasalana ay nangatakpan” (Roma 4:7). Hindi ito nangangahulugan na ang kasalanan ng tao ay naglaho na gayong nananatili pa ito sa kanyang puso. Ang kanyang puso ay nilinis na. Ang kanyang mga kasalanan ay ganap na nilinis na ng Panginoong Jesus at siya ay ligtas sa mahabang panahon.
Ang walang hanggang kaligtasan ay tinutukoy sa Bagong Tipan. Nang si Jesus ay bautismuhan. Sinabi Niya, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15).
Tulad ng mga kambing o tupa ay inalis ang mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay sa Lumang Tipan, inako ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo at dinalisay ang sangkatauhan sa pinakawasto at nararapat na paraan.
“Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran,” wika ni Jesus. Si Jesus ay binautismuhan sa pinakawastong paraan at inako sa Kanyang sarili lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, sa gayon ay iniligtas Niya tayo.
Sa Mateo 3:15, nasusulat na inalis ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo. Naging ganap ang Kapatawaran ng Diyos. Hindi natin dapat hangaring unawain ang walang hanggang kaligtasang ito. Dapat nating tanggapin ito bilang Kanyang salita ng pagpapalaya. “Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan” (Awit 32:1).
Lahat ng kasalanan ng ating puso at laman ay nilinis na ni Jesus nang Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista sa ilog ng Jordan. Siya ay hinatulan para sa mga kasalanang nagawa natin sa nabubulok at napakasamang mundong ito. Lahat ng ito ay Kanyang pinasan nang Siya ay mabayubay sa krus.
Sinumang naniniwala sa katubusan ng mga kasalanang ito ay maaaring maging matuwid at walang kapintasan ng minsanan. Dahil si Jesus ay nabubuhay ng walang hanggan. Sinumang naniniwala sa kaligtasan kay Kristo ay mananatiling matuwid.
Makatatayo na tayo ngayon sa harap ng Diyos na may pananalig at masasabing, “Kumusta ka, Panginoon? Ako’y naniniwala sa Inyong nag-iisang bugtong na Anak. Si Jesu-Cristo at ako rin ay Inyong anak. Salamat, Ama. Salamat sa pagtanggap Mo sa akin bilang Inyong anak. Ito’y hindi dahil sa aking mga gawa, kundi sa pamamagitan lamang ng aking pananampalataya sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu ni Jesus. Iniligtas Mo ako sa lahat ng kasalanan ng mundong ito. Naniniwala ako sa sinabi Mong, ‘sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran’   (Mateo 3:15). Sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang krus, ako’y naging Inyong anak. Dahil doon ako’y nagpapasalamat sa Inyo.”
Inilipat mo na ba lahat ng iyong mga kasalanan kay Jesus? Lahat ba ng kasalanan mo ay inalis na Niya? Sinasabi sa atin ng Biblia na ang pasasalamat sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang kamatayan sa krus, ang makasalanan ay nagiging sakdal sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa mga ito.
 
 
ANG KAUGNAYAN NG BAUTISMO NI JESUS AT KALIGTASAN
 
Ano ang kaugnayan ng bautismo ni Jesus sa kaligtasan?
Ang bautismo ni Jesus ay larawan ng kaligtasang hinulaan sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay sa Lumang Tipan.

Isipin mong ang isang taong namumuhay na makasalanan kahit na naniniwala siya kay Jesus at nananalangin sa simbahan ng, “Mahal kong Diyos, pakiusap ako’y patawarin mo sa kasalanang nagawa ko noong nakaraang linggo. Patawarin Mo ako sa aking kasalanan ng nakaraang tatlong araw. O, Panginoon patawarin Mo ako sa kasalanan ko ngayong araw na ito. Ako’y naniniwala kay Jesus.”
Ipagpalagay natin na ang taong ito ay pinatawad na sa araw-araw niyang mga kasalanan sa pamamagitan ng panalanging yaon. Ngunit di-naglaon, bumalik uli siya sa kanyang araw-araw na buhay at nagkasalang muli. Pagkatapos ay magiging makasalanan muli siya.
Si Jesus ay naging Kordero ng Diyos at inalis lahat ng mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at tinubos ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Upang maligtas, ang mga makasalanan ay dapat na maniwala sa mga sumusunod.
Lahat ng mga kasalanan ay inalis ni Jesus nang Siya ay bautismuhan ni Juan Bautista. Sa gayon ay natupad ang kalooban ng Diyos. Lahat ng kasalanan ng mundo ay nahugasan na. Sinumang naniniwala sa katotohanang ito ay palalayain. Tulad ng nasusulat sa Mateo 3:13-17, “Sapagka’t ganyan” si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista at ginawang Tagapagligtas ng lahat ng mananampalataya.
Ang ebanghelyo ng katotohanan ay nagsasabi sa atin na inalis ni Jesus ang mga kasalanan sa mundo sa isang pagkakataon lamang. Ngunit ang huwad na teolohiya ay sinasabi sa atin na tayo’y tinutubos araw-araw. Alin ang dapat nating paniwalaan? Ligtas ba tayo sa isang pagkakataon ng panghabang panahon o ligtas tayo sa bawat araw?
Malinaw na pinalaya tayo ni Jesus nang minsanan lamang. Ang tunay na pananampalataya ay ang pananampalataya sa kaligtasan ng tubig at ng Espiritu sa isang pagkakataon lamang. Yaong mga naniniwala na dapat tayong matubos araw-araw ay hindi mapapalaya.
Dapat nilang malaman na ang tunay na kaligtasan ay nagmumula sa paniniwala na si Jesus ay pinalaya tayo ng minsanan lamang sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at kamatayan sa krus. Ang kailangan lang nating gawin ay ang magpasalamat sa Diyos at maniwala sa tunay na ebanghelyo.
Ngunit yaong mga naliligaw sa kanilang mga pananampalataya ay nagsasabing tayo’y napalaya lang mula sa orihinal na kasalanan, na tayo’y dapat na matubos araw-araw mula sa mga aktwal na kasalanan, at tayo’y maaaring “unti-unting” maging matuwid. Ito’y sadyang kamalian.
Ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa krus ang tumupad sa pagpapatawad ng kasalanan nang minsan lang. Ito ang katotohanan. Ang mga kasalanan natin ay kailangang mailipat kay Jesus sa pamamagitan ni Juan Bautista at si Jesus ay kailangang mamatay sa krus upang tayo’y maligtas.
Ang pagsasabi ng “patawarin mo ako” pagkatapos nating magkasala ay hindi nararapat sa Pagpapatawad ng Diyos. Ang batas ng Diyos ay nagsasabi na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Dapat nating malaman ang Diyos ay makatarungan at Banal.
Yaong mga nananalangin sa Diyos, “Patawad, pakiusap patawarin Mo ako” pagkatapos nilang magkasala ay hindi nababatid ang kapatawaran ng Diyos. Sila’y nananalangin para sa kapatawaran, ngunit para lang patahimikin ang kanilang sariling budhi. Tama ba na ang isang tao’y magkasala araw-araw at aliwin ang sariling budhi sa paulit-ulit na paghingi ng tawad sa kanyang mga kasalanan? Ang tanging paraan upang mapalaya ay ang paniniwala sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus. Tayo’y buong-puso maniwala rito. Ito ang tanging paraan para maiwasan natin ang hatol ng Diyos.
Ating pag-isipan pa tungkol sa paglaya sa kasalanan. Sinasabi sa Hebreo 9:22, “Lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.”
Ayon sa makatarungang Kautusan ng Diyos, ang mga kasalanan ay dapat na linisin ng dugo, at kung walang pagbuhos ng dugo ay wala ring pagpapatawad. Ito ang makatarungang Kautusan ng Diyos. Kung walang pagbabayad ng mga kasalanan, wala ring magiging pagpapatawad.
Ang utos ng Diyos ay makatarungan. Si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista at nagbuhos ng dugo sa Krus upang palayain tayong mga makasalanan. Inalis Niya ang ating mga pagkakasala sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at nagbubo ng dugo sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan. Binayaran Niya ang parusa ng kasalanan para sa atin.
 
Ang kaligtasan ba ay ipinagkaloob ng minsan lamang o araw-araw?
Minsan lamang. Inalis ni Jesus ang mga kasalanan ng lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.

Sa Mateo 3:15, nang si Jesus ay bautismuhan sa pinakanararapat na paraan, hinugasan Niya lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at namatay sa krus upang palayain tayo mula sa lahat ng kasalanan ng mundo.
Ang humihingi ng tawad araw-araw ay magiging tulad ng pagtatanong sa Kanya na alisin ang ating mga kasalanan at mamatay muli. Dapat tunay nating maunawaan ang makatarungang utos ng Diyos. Si Jesus ay hindi dapat paulit-ulit mamatay upang palayain tayo sa ating mga kasalanan.
Itinuturing ito ng Diyos na walang pakundangan para sa mga naniniwala kay Jesus na paulit-ulit na humihingi ng tawad sa mga aktwal na kasalanan, “Mga walang pakundangan! Hinihingi nila ang Aking Anak, si Jesus na bautismuhan muli at mamatay uli sa krus! Sila’y naniniwala sa kaligtasan kay Jesus at patuloy pa ring tinatawag ang kanilang mga sarili na makasalanan! Hahatulan sila ng Aking makatarungang kautusan at itatapon silang lahat sa kumukulong impiyerno. Sang-ayon ka bang patayin ang iyong sariling bugtong na Anak ng dalawang ulit? Hinihingi mo sa Aking patayin muli ang Aking Anak dahil sa iyong mga aktwal na kasalanan. Pinatay ko na ang aking sariling Anak para iligtas kayo nang minsanan mula sa lahat ng kasalanan ng mundo. Kaya huwag ninyo nang palalain pa ang galit Ko sa paghingi ng tawad sa inyong mga aktwal na kasalanan ng paulit-ulit, at maniwala na lang kayo sa ebanghelyo ng kaligtasan sa tubig at sa Espiritu.”
Sinasabi ni Jesus sa mga nanatiling makasalanan na dapat silang magtungo sa isang iglesya na kung saan ang tunay na ebanghelyo ay ipinangangaral, iwasan ang huwad na paniniwala at tanggapin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagdaig sa huwad na pananampalataya.
Ngayon ang oras upang ikaw ay maligtas sa pamamagitan ng paniniwala ng buong puso. Naniniwala ka ba?
 
 
ANG RESULTA NG PANANAMPALATAYANG HINDI SA KATOTOHANAN KUNDI SA MGA GAWA
 
Bakit marami sa mga Kristiyano ang hindi makapagpatuloy ng ganap at tapat na buhay?
Sapagkat umaasa sila sa kanilang sariling gawa.

Kahit ang mga makasalanang naniniwala kay Jesus ngunit hindi pa napapalaya ay maaaring magliwanag sa loob ng 3-5 taon. Sila’y maalab sa umpisa, ngunit ang kanilang pananampalataya ay maglalaho kasama ng panahon. Kung naniniwala ka kay Jesus sa pamamagitan ng iyong mga gawa, ang pag-aalab mo’y mawawala rin pagdating ng panahon.
Ang bulag ay hindi nakakakita. Kaya sila’y umaasa sa iba pa nilang pandama at nakatatanggap ng kaalaman sa ganitong paraan. Kapag nararamdaman nila ang maraming luha, napagkakamalan nilang tanda ito ng kapatawaran. Ang tunay na kapatawaran ay hindi batay sa pakiramdam.
Ang bulag sa espirituwal ay naghahangad na kanilang maibabalik ang unang pag-ibig sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipong espirtuwal, ngunit hindi nila mapanumbalik ang pakiramdam. Ang pagpapatawad sa kasalanan ay imposible ring matamo. Kung naniwala sila ng wasto mula sa pasimula, ang pagpapatawad at Kanyang Pagpapala ay malinaw magniningning sa paglipas ng mga araw.
Ngunit ang di-tunay na kapatawaran ay nagliliwanag lang sa simula at di-maglao’y mawawalan ng ningning. Ang kinang ng pagkamaalab ay unti-unting mawawala dahil ang bulag sa espirituwal ay mabibigong makarinig sa tunay na ebanghelyo mula sa simula.
Ang mga mapag-imbabaw na Eskriba at Fariseo ay dala-dala ang Biblia sa kanilang mga kamay, nagsasaulo ng Ama Namin at Sumasampalataya at palaging nananalangin. Sila’y umuunlad sa iglesya at napapataas ang kanilang damdamin ngunit ang kanilang mga kasalanan ay naiipon at sila’y itinitiwalag ng Diyos sa kahuli-hulihan. Sa panlabas sila’y nababalot ng puting tapal ng alab sa pagka-relihiyoso, ngunit sa loob ng kanilang kaisipan ay kabulukan sa kasalanan. Ito ang resulta ng pananampalatayang hindi sa katotohanan kundi sa relihiyong batay sa mga gawa.
 
 
TAYO’Y NAGING MATUWID DAHIL SA PANANAMPALATAYA
 
Naisakatuparan na ba ang kapatawaran sa lahat ng kasalanan sa mundong ito?
Oo, ito’y natupad sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang kamatayan sa krus.

Basahin natin ang Hebreo 10:16–18, “Ito ang tipang gagawin ko sa kanila, ‘Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, itatalaga Ko ang Aking mga kautusan sa kanilang puso, at isusulat Ko rin naman sa kanilang pagiisip, at ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa. At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.’”
Ngayong tayo ay natubos na sa pamamagitan ng tubig ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa krus, hindi na natin kailangang magbayad sa kasalanan. Magmumukhang kakaiba kung ngayon mo lang ito narinig, ngunit ito’y naaayon sa mga salita sa Biblia. Yaong ba’y mga salita ng tao? Ang Biblia ang palatandaan at ang hulog guhitan para sukatin ang lahat.
“Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, itatalaga Ko ang Aking mga kautusan sa kanilang puso, at isusulat Ko rin naman sa kanilang pagiisip.” Ano ang pakiramdam mo pagkatapos mong matubos? Ngayong ang puso mo’y malaya na sa kasalanan, pakiramdam mo’y sariwa. Ika’y naging matuwid na tao at makapapamuhay na sa liwanag,
At sinabi ng Panginoon sa Hebreo 10:17, “Ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.” Sinasabi Niya sa atin na hindi na Niya aalalahanin ang mga kasalanan at mga gawaing liko sa batas ng mga naligtas na. Bakit? Dahil si Jesus ay binautismuhan sa pinakanararapat na paraan, “sa gayon.” Pagkatapos alisin lahat ng kasalanan, si Jesus ay hinatulan para sa mga naniniwala sa Kanya.
Ngayo’y pinagbayaran na Niya ang ating mga kasalanan, maaari nating alalahanin ang mga ito ngunit hindi na tayo kailangang mabagabag ukol sa mga ito. Hindi na tayo kailangang mamatay para sa ating mga kasalanan dahil hinugasan na ni Jesus lahat ng kasalanan at nagbubo ng dugo sa krus para sa atin.
Sinasabi sa Hebreo 10:18, “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.” Ito’y nangangahulugang pinawi Niya lahat ng kasalanan sa mundo. Nangangahulugan din ito na yaong mga isinilang na muli kay Jesus ay hindi na kailangan pang mag-alay para sa kasalanan.
“O Diyos, patawarin mo ako. Sa isip ako ay naniniwala kay Jesus ngunit patuloy pa ring namumuhay sa pagdurusa dahilan sa hindi pa ako naliligtas. Ako’y isang Krisitiyano, ngunit ang isip ko’y ganap na nabubulok sa kasalanan.” Hindi na natin kailangang manalangin ng gayon.
Ang mga makasalanan ay gumagawa ng kasalanang hindi nakikilala ng gayon. Hindi nila alam kung ano ang kasalanan dahil hindi nila alam ang kautusan ng katotohanan ng Diyos. Ang buong akala nila sila’y hindi dapat magkasala sa kanilang budhi ngunit hindi nila alam kung ano ang magkasala sa harap ng Diyos. Nilinaw sa atin ng Diyos na isang kasalanan ang hindi maniwala kay Jesus.
Sa Juan 16:9 sinabi Niya kung ano ang pagkakasala sa harap ng Diyos. “Tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nagsisampalataya sa Akin.” Isang kasalanan sa harap ng Diyos ang hindi maniwala sa Kanya. Sa Juan 16:10 ay sinasabi kung ano ang pagiging matuwid. “Tungkol sa katuwiran, sapagkat Ako’y paroroon sa Ama at hindi na ninyo Ako makikita.” Sa ibang salita, pinalaya na ni Jesus ang mundong ito mula sa lahat ng kasalanan, at sa gayon ay hindi na Niya kailangang palayain tayong muli sa ikalawang bautismo at kamatayan sa Krus.
Tinawag Niya yaong mga naniniwala sa kaligtasan para banalin at gawing matuwid. Ang kaligtasan sa mundong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at kamatayan sa krus. Walang ibang kaligtasan ang kinakailangan para palayain ang mga makasalanan.
“Sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Gawa 4:12). Si Jesus ay bumaba dito sa mundo, binautismuhan ni Juan Bautista, at nagbuhos ng dugo sa krus upang palayain lahat ng makasalanan. Paniwalaan mo ito ng buong puso at maliligtas ka. Pinaging-banal ka ni Jesus sa tubig at sa Espiritu.
Inalis lahat ni Jesus ang kasalanan mula sa ating mga laman sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. Tayo’y naligtas dahil sa pananampalataya. Kung naniniwala tayo sa katotohanan, kung maniniwala tayo sa ebanghelyo o sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, tayo’y magiging matuwid ngayon at magpakailanman. Ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa krus, ang dalawang ito ang saliga ng katotohanan.
 
 
MGA TALATANG GINAGAMIT NA KANLUNGAN NG MGA MAKASALANAN
 
Talaga bang maliligtas tayo sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan, o tayo’y ligtas na?
Pinagkaloob ng Diyos ang kaligtasan mula sa mga kasalanan nang minsan lang.

Sinasabi sa 1 Juan 1:9 na, “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 
Magiging kaaya-aya kung kailangan lang nating ikumpisal ang ating mga kasalanan upang mapatawad. Dahil ito ang nasa-isip, ang ibang mga teolohiya ay nagkaroon ng napakagandang ideya para sa bagong doktrina. Ipinipilit nilang sa tuwing mangungumpisal ng mga kasalanan ang isang tao, siya ay maaaring mapatawad. Hindi ba’t napakadali nito? Ngunit hindi kailanman sinabi ni Jesus na tayo’y maaaring patawarin sa tuwing mangungumpisal tayo ng ating sarili sa Diyos.
Tayo ba ay maliligtas sa pangungumpisal ng ating mga kasalanan, o tayo ba ay natubos na mula sa pagkakasala? Alin ang pinaniniwalaan mo? Ang nagpapahayag ng ganitong maling doktrina ay naniniwalang sila ay patatawarin tuwing sila ay mangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, subalit ang totoo, ang kanilang mga kasalanan ay nananatili pa sa kanilang mga puso sapagkat hindi nila alam ang tunay na kaligtasan. Walang-saysay sa makasalanan na maniwala kay Jesus na pinatatawad sa tuwing sila ay nananalangin para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Sa ganitong kadahilanan, kailangan nating pansinin ang salita ng Kanyang kaligtasan at ihiwalay ang katotohanan mula sa kalikuan, kung ano man ang sinabi nila sa iyo. 
Ang mga makasalanan ay hindi nauunawaan ang 1 Juan 1:9. Mali ang pananaw na kailangang humingi ng tawad para sa araw–araw na kasalanan. Basahin nating maingat ang turo. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” Iniisip ba ninyo na ang minanang kasalanan ang patatawarin kung gayon dapat nating ihayag ang ating kasalanan sa Kanya na Tapat at Matuwid at tayo’y patatawarin? Ito’y nalalayo sa wastong aral at nagdudulot ng kahinaan ng ating mga laman.
Napagtanto nating ito ay walang katotohanan kung tayo ay naniniwala sa bautismo at dugo ni Jesus. Ang lahat ng kasalanan ay nilinis na ng Kanyang bautismo at dugo sa krus nang matagal ng panahon.
Ang maniwala ayon sa Espiritu at ang maniwala sa maling katuruan ay dalawang bagay na may pagkakaiba. Ang lahat ng naniniwala ayon sa kanilang pag-iisip na kailangang nilang linisin ang kasalanan araw-araw, subalit ang lahat ng naniniwala ng kaligtasan sa tubig at sa dugo ay nalalamang nilang sila’y malaya nang minsan at magpakailanman sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesu-Cristo.
Ang naniniwalang kailangan nilang humingi ng tawad araw–araw at matubos muli, ay patuloy na nagkakasala sa hindi paniniwala sa pagtutubos na ginawa ni Jesus sa pamamagitan ng bautismo at ng Kanyang dugo.
Ikaw ba ay minsanang naligtas sa bautismo at dugo ni Jesus? Ang lahat ng hindi ligtas ay sinisikap na matamo ang katubusan sa pamamagitan araw-araw na pangungumpisal ng kanilang kasalanan. Ito ay suliranin pa rin kung anong dapat gawin ukol sa kasalanang magagawa nila sa hinaharap.
Maaring humingi ng paunang pangungumpisal para sa kanilang pang-hinaharap na kasalanan. Pero sa ganitong pamamaraan pinapakita ang kawalang paniniwala kay Jesus. Ang mga taong ito ay bulag sa ebanghelyo ng kaligtasan. Minsanang hinango tayo si Jesus sa kasalanan ng Kanyang bautismo at dugo, na tinanggap ang hatol sa Kanyang sarili. Sa paniniwala lamang sa Kanya tayo ay mapapalaya.
Kung iniisip mo na dapat ihayag kahit na ang iyong kasalanan sa hinaharap upang maligtas, ikaw ay walang pinag-iba sa di-mananampalatayang di-nalalaman upang maisilang silang muli sa tubig at sa Espiritu. Hindi maliligtas ang makasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal. 
Samakatuwid kung ikaw ay tapat na nangungumpisal, “Ako ay makasalanang hindi pa natutubos,” at kung ikaw ay nakinig at naniwala sa ebanghelyo ng Kanyang bautismo at kamatayan sa krus, ang Diyos ay hahanguhin ka sa lahat ng iyong kasalanan.
Subalit kung hindi tayo naniniwala sa ebanghelyo ng kaligtasan at patuloy na mananangan sa pangungumpisal, haharap tayo sa kakila-kilabot na paghuhukom sa muling pagbabalik ni Jesus bilang makatarungang Hukom.
Sa lahat ng di-naniniwala sa ebanghelyo ng kaligtasan sa tubig at sa Espiritu ay mahahatulan. Kung sila’y nagtatago sa likod ng kanilang pangungumpisal, haharapin nila ang paghuhukom. Kaya, huwag nang hintayin ang araw ng paghuhukom. Ngayon na ang tamang panahon upang manampalataya tayo sa biyaya ng kaligtasan sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.
 
 
ANG WASTONG PANGUNGUMPISAL AT ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA
 
Ano ang wastong Pangungumpisal para sa isang makasalanan?
Ang ipahayag na siya ay makasalanan at mapapasa-apoy ng impiyerno kung hindi maniniwala sa totoong ebanghelyo.
 
Tinubos na tayo ng Dios ng minsan lang. Narito ang isang totoong nangyari upang malinawan sa ating lahat ukol sa aking mga sinasabi. Halimbawa, ang espiya mula sa Hilagang Korea ay patungo dito sa Timog. Nakita niya kung gaano kaunlad at kaganda ang ating lugar, malalaman niya na siya ay nalinlang, at magpapasyang tumiwalag.
Pagkatapos niyang magtungo sa malapit na himpilan ng pulisya, maaaring ipagtapat niya kung sino siya, “ako ay espiya buhat sa Hilaga,” o “ako ay nagtungo sa Timog upang magbigay pinsala at may masamang balakin, ngunit ngayon ako’y susuko na. Sa gayon hindi na ako espiya kahit kailan.”
Ito ba ang tamang pangungumpisal? Kung nais niya talagang magsisi, ang kailangan lamang niyang sabihin ay, “Ako’y isang espiya.” Ang simpleng pahayag na ito ay nangangahulugan ng maraming bagay: na siya ay masamang tao at dapat hatulan. Sa ganyan simpleng pahayag, maging ano pa man ang iba niyang misyon, siya ay mapapatawad.
Gayundin, ang isang makasalanang nagsisisi sa harapan ng Diyos, “Ako po ay isang makasalanan at hindi pa natutubos. Ako ay mahahatulan sa impiyerno. Iligtas Mo po ako” at maniwala kay Jesus, siya ay matutubos mula sa kasalanan. Si Jesus ay nabautismuhan at nagbubo ng dugo para sa atin, at ang dapat lang nating gawin ay maniwala sa kaligtasan sa pamamagitan Niya.
Sa Apocalipsis 2:17 ay sinasabi, “Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang nakatago, at siya’y bibigyan Ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat naisang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.” Sinasabi sa Biblia na iyon lamang tumanggap ng ebanghelyo ang makababatid sa ngalan ni Jesus. At yaon lamang mga tinubos ang makaaalam ng lihim ng pagiging matuwid.
Ang mga hindi nakababatid nito ay mananatiling makasalanan sa kabila ng kanilang paghingi ng tawad araw-araw. Sa pagsisisi hindi ibig sabihin na manalangin ng kapatawaran araw-araw. Maging ang isang Kristiyano sa loob ng sampung taon, ay nananatiling makasalanan kung araw–araw ay humihingi siya ng tawad sa Diyos. At kailan ma’y hindi magiging anak ng Dios.
Upang siya ay maligtas, kailangang ipahayag niya na siya ay makasalanan at magtiwala sa katubusan ni Jesus. Ito ang totoong pananampalataya.
 
 
ANG MAGTALA NG ISANG KASALANAN AY HINDI SINASABI SA ATIN NG 1 JUAN 1:9 PATUNGKOL SA PAGSISISI
 
Kailangan bang hingin ng tawad ang ating mga kasalanan araw–araw, o minsan lang ?
Minsan lamang.
 
Ang magnanakaw at mamamatay tao na nagsisisi sa kanilang mga kasalanan ay maliligtas ba? Hindi maliligtas ang isang makasalanan sa paghingi lamang ng tawad. Ang kanilang kailangang gawin ay manampalataya sa ebanghelyo ng muling kapanganakan sa tubig at Espiritu ni Jesus. Ang mga nasa maling katuruan ay ganito ang paraan ng pagsisisi. 
“Panginoon, nakipag–away uli ako ngayon. Ako’y nagkasala. Niloko ko ang ibang tao. Nagnakaw po ako.” 
Kung patuloy nila itong sasabihin sa Diyos, sasagot Siya, “Tumahimik ka, ikaw na makasalanan! Ano ngayon ito sa akin?”
“Makinig po kayo palagi sa akin, o Diyos, sinabi Mong ihingi ng tawad ang aming mga kasalanan. Mahabag po Kayo.”
Hindi ito ang panalanging nais marinig ng Diyos. Ang nais niya ay mapakinggan ang mga dalangin ng mga mananampalataya sa katubusan ng tubig at ng Espiritu: Ang lahat ng tumatanggap na sila ay makasalanan at naniniwala sa ebanghelyo ay mga tunay na isinilang muli.
Si Santo Agustino ay humingi ng tawad sa kanyang pagsuso sa dibdib ng kanyang ina. Iniisip niya ang ganitong pagsisisi ay magdadala sa kanya sa langit. Matatawa lamang tayo sa ganitong palagay. Ang pagsisisi sa isang kasalanan natin ay hindi makapaghahatid sa atin sa kaharian ng Diyos.
Ang sabi ng Diyos, “Tumahimik ka, sabihin mo lang sa Akin kung ikaw ay may kasalanan. Kung mayroon, huminto ka na sa pagbanggit nito. Hanggang ngayon ay mali pa rin ang paniniwala mo, kaya’t pumunta ka sa isang sambahang nagpapahayag ng ebanghelyo. Manampalataya ka sa katubusan sa tamang paraan upang ikaw ay matubos. Kung hindi, Ako ay papariyan upang hatulan ka.”
Ang mga pangungumpisal at iba pang katulad nito upang maligtas sa pamamagitan ng pagsisisi ay nagpapakita ng ligaw at maling paniniwala.
Nasusulat sa 1 Juan 1:9 na kung tinatanggap natin ang ating mga pagkakasala, ang ebanghelyo ng tubig at dugo ang maghahango sa lahat ng ating kasalanan.
 
 
“MAGSILAYO KAYO SA AKIN”
 
Ano ang ibig sabihin ng mapaggawa ng masama?
Nangangahulugan ng paniniwala kay Jesus ng mayroon pa ring kasalanan sa puso.

Ang mga makasalanang ay ligaw na mananampalataya, palaging mapaggawa ng kaguluhan sa harapan ni Jesus. “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?’ At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala, magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’” (Mateo 7:22-23).
Isipin natin, halimbawa ang isang hindi naniniwala sa katotohanan ay mamatay, haharap siya sa Diyos at magsasabing, “Kumusta ka na dito, Panginoon? Habang nasa lupa ako ay iniisip ko kung gaano Kayo kabuti dito, ngunit sa tingin ko ay mas maganda kayong tingnan dito sa itaas. Salamat po, Panginoon, iniligtas Mo ako. Naniniwala akong nakikita Mo ako na walang kasalanan kahit na mayroon sa puso ko. Ako ay narito dahil ipinangako Mong ako ay isasama Mso sa kalangitan. Ngayon, ako po muna ay pupunta sa banda roon ng hardin upang makita ang mga bulaklak. Paalam, sana ay magkita tayong muli.”
Palapit na siya sa hardin ng siya ay tawagin ni Jesus, “Sandali! Tingnan natin ang puso ng taong ito kung may kasalanan. Ikaw ba ay makasalanan?”
“Opo ako ay may kasalanan. Subalit naniwala ako sa Inyo di po ba?”
“Mayroon ka bang kasalanan sa puso mo kahit naniwala ka na sa akin?”
“Mayroon po.”
“Ano? May kasalanan ka? Dalhin sa akin ang Aklat ng Buhay at ng Mga Gawa. Hanapin ang kanyang pangalan kung saan matatagpuan.”
“Tiyak, ang kanyang pangalan ay nakatala sa Aklat ng Mga Gawa.”
“Ngayon, pagsisihan mo ang mga nagawa mong kasalanan sa lupa.” 
Ayaw sana niyang gawin ito ngunit pinilit siya ng Diyos na sabihin niya ang kanyang mga kasalanan.
“Opo, nagawa ko ang ganito, at ganoong kasalanan…” 
Siya ay nalilito at hindi matigil sa mga sinasabi.
“Tama na! Nakagawa siya ng sapat upang siya ay mapunta sa impiyerno. Siya ay labis sa katangiang kailangan! Ihulog siya sa nagbabagang apoy.”
Hindi siya dinala sa hardin na namumukadkad ang mga bulaklak, sa halip ay sa lugar na kung saan ay punong–puno ng apoy. Magngangalit ang kanyang ngipin sa kinasadlakan niyang impiyerno.
“Naniwala ako sa Inyo, nangaral sa Inyong pangalan at nagpatotoo, ipinagbili ang buhay upang maglingkod sa Inyo, tumulong sa mga ulila, nagpakahirap sa pagsunod sa Inyo, nananalangin sa gabi, inalagaan ang may sakit…nararapat lamang akong mapunta sa langit.”
Magngangalit ang kanyang ngipin sa kabila ng kanyang pagpapagal ay nawalang kabuluhan ang lahat. Pagdating niya sa impiyerno, makikita niya ang mga taong hindi alam ang tunay na kahulugan ng kaligtasan ni Jesus. Ang lahat ng hindi nakaunawa sa ebanghelyo ng kaligtasan ay inalis sa Kanyang kaharian. 
 
 
ANG MGA KASALANAN NG HUWAD NA MANANAMPALATAYA AY NAKATALA SA AKLAT NG MGA GAWA
 
Saan nakatala ang mga kasalanan ng mga makasalanan?
Nakatala ito sa kanilang mga puso at Aklat ng mga Gawa.

Manalig man tayo o hindi, itinataboy ng Diyos lahat ng may mga kasalanan sa kanilang mga puso. Kahit na mumunting kasalanan ang matagpuan Niya sa puso ng isang tao, ito ay mapaparusahan patungo sa impiyerno sa Araw ng Paghuhukom. Tinatawagan ng Diyos ang mga makasalanan na hindi pa natutubos na sila ay magsisi upang mapalaya at makamtan ang katubusan.
Ang mga kasalanan nila ay nakatala sa kanilang mga puso. Yaong mga ipinanganak na muli sa tubig at Espiritu ay naaalala pa ang kanilang pagkakasala, ngunit naglaho na ito sa kanilang mga puso. Sila ang mga matuwid. 
Subalit yaong mga hindi naisilang muli ay may kasalanan sa kanilang puso. Samakatuwid sila ay makasalanan sa harap ng Diyos. Sa tuwing sila ay luluhod upang manalangin, ang kanilang mga pagkakasala ang naghihiwalay sa kanila sa Diyos, at humadlang upang hindi Niya marinig ang kanilang mga dalangin. Sila ay nanalangin ng ganito at ganyan, pero nanatili pa rin sa kanila ang kasalanan. Sila ay nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, nagsisisi sa mga pagsalangsang nagawa sa loob ng 10 taon, 11 taon o kahit hanggang 20 taong nakalipas.
Kailangan ba talaga nilang magsisi ng paulit ulit sa kanilang dasal? Bakit nila ginagawa ito? Ayaw nilang gawin ito, subalit habang sila’y nananalangin, naaalala nila na sila ay maysala sa harap ng Diyos. Pakiramdam nila’y kailangang malinisan ang kasalanan bago manalangin ng buong katapatan.
Isinulat ng Diyos ang kanilang kasalanan ng panulat na bakal sa tableta ng kanilang puso upang ang kanilang kasalanan ay hindi mabubura. Sanhi nito, pakiramdam nila’y kailangang magsisi ng kasalanan sa tuwing haharap sa Diyos. Kaya’t yaong mga naniniwala lamang sa kalahating katotohanan ng ebanghelyo ni Jesus ay mamumuhay sa kalungkutan at kabagabagan patungo sa impiyerno.
Nasusulat sa Jeremias 17:1, “Ang kasalanan ng Juda, ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante, nakintal sa kanilang puso at sa mga sungay ng inyong mga dambana.”
Juda ang pangalang natatangi sa lipi ng Israel. Ang Biblia ay nagsasabing ang Juda ang kumakatawan sa sangkatauhan, nangangahulugang lahat ng tao.
Ang kasalanan ng Juda ay nakasulat sa panulat na bakal at inukit ng pang-ukit na diamante na nakakaputol ng asero. Ang diamante ang pinaka-matibay na materyal sa mundo. Ang panulat na bakal na ang dulo ay diamante ang nagtala ng ating mga kasalanan.
Kapag ito’y naiukit na, hindi na ito mabubura. Napakahirap na itong burahin malibang sila ay magtiwala sa katotohanan ng tubig at ng Espiritu. 
Walang saysat ang katubusan sa kanilang mga pag-iisip, maniwala sa mga doktrinang Kristiyano, mag-memorya ng mga teolohiya, at mag-ukol ng kanilang sarili sa iglesya kung ang mga kasalanan ay nananatili sa kanilang puso.
Kung ang kanilang pagkakasala ay hindi mabubura malibang magtiwala kay Jesus, ang makasalanan ay patuloy na magsasabing, “Panginoon, ako ay makasalanan,” sa tuwing mananalangin. Nananatili ang kasalanan sa kanilang mga puso gaano man ang hangarin nilang palagiang makipagtipan sa Diyos, tumanggap ng mga responsibilidad sa iglesya, at pag–aaral ng teyolohiya at doktrina.
Kaya’t sila ay pumupunta sa bundok, pinipilit makipagtipan sa Diyos at makapagsalita sa iba’t–ibang wika at makakita ng pangitain, ngunit wala itong kabuluhan. Kung nananatili naman ang kasalanan sa kanilang mga puso, kailan man ay hindi nila madarama ang kapayapaan.
Ang ating kasalanan, tulad ng nasusulat sa Jeremias 17:1, ay nakaukit sa sulok ng ating mga dambana. Sa kalangitan, mayroong Aklat ng Buhay at Aklat ng Mga Gawa. Ang mga kasalanan ng tao ay nakatala sa Aklat ng mga Gawa upang ang tao ay hindi makatakas sa kanyang mga pagkakasala. Itinala ito ng Diyos sa Aklat ng Mga Gawa at sa tableta ng ating budhi at ipinapakita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan.
Dapat nating burahin at linisin ang nasa talaang ito sa pamamagitan ng pananampalataya natin sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugong nabubo upang tayo ay maligtas. Sa gayon ay magiging handa tayo sa buhay na walang hanggan, at ang ating mga pangalan ay masusulat sa Aklat ng Buhay.
 
 
ANG IYO BANG PANGALAN AY NASA AKLAT NG BUHAY?
 
Kaninong mga pangalan ang nakatala sa Aklat ng Buhay?
Ang mga pangalan ng walang kasalanan sa kanilang mga puso ay nakatala rito.

Mahalagang ang inyong pangalan ay nasa Aklat ng Buhay. Kung wala ka rito, ano ngayon ang halaga ng paniniwala kay Jesus? Upang totoong matubos, kailangan mong maniwala sa pagsilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Pumarito si Jesus sa sanlibutan, binautismo nang Siya ay 30 taon gulang upang linisin lahat ng kasalanan ng sanlibutan, at namatay sa Krus upang maligtas tayo. Tulad ng nasusulat sa Mateo 3:15, si Jesus ay “sapagka’t ganyan” binautismuhan at pinako sa krus. Kailangan nating maniwala upang ang ating pangalan ay maitala sa Aklat ng Buhay. 
Kung ang tao ay namatay at haharap sa Diyos, sasabihin Niya, “Tingnan kung ang pangalan ng taong ito ay nasa Aklat ng Buhay.”
“Narito, Panginoon .”
“Oo, ikaw ay nagdanas ng hirap at pighati sa lupa ng dahil sa Akin, ngayon ay tinatanggap kita at hindi mo na mararanasan ang mga ito.” 
Siya’y ikararangal at puputungan ng korona ng pagkamatuwid bilang gantimpala.
“Salamat, Panginoon. Ako po’y nagagalak.”
“Mga anghel, lagyan ng korona ang taong ito.”
“Panginoon, sapat na po na ako ay iniligtas Mo. Ang korona ay labis na para sa akin. Salamat po. Ako ay lubos na nagagalak sa pagliligtas Mo sa akin. Ako ay higit na nasisiyahan na mamuhay sa piling Mo.”
“Mga anghel, lumuhod kayo at dalhin ninyo ang pansampung-libong anak kong ito sa likod ninyo.”
At sasagot ang anghel “Opo, Panginoon.”
“Sumakay ka sa likod”
“Nasisiyahan na ako, tama ba ang ginawa ko? Tayo na.” 
Ang anghel ay dahan–dahang lumilipad.
“Gusto mo bang mamasyal tayo?”
“Wow, ang ganda rito. Gaano ba kalaki ang lugar na ‘to?”
“Nalibot ko na ang lugar na ito bilyong taon na, ngunit hindi ko pa nakikita ang dulo.”
“Totoo? Baka nakabibigat na ako sa iyo, maaari mo na akong ibaba.”
“Hindi kami naubusan ng lakas sa paglipad.”
“Salamat, ngunit nais kong makatuntong sa kaharian ng langit. Nasaan ba ang mga matuwid na unang dumating kaysa sa akin?”
“Naroroon sila.”
“Tayo na sa gawing iyon.”
Purihin Siya! Niyakap nila ang isa’t–isa at nakangiti at namuhay sila ng maligaya hanggang sa wakas. 
Ngayon naman, isipin natin ang isang taong naniwala kay Jesus ngunit nanatiling makasalanan hanggang sa siya ay namatay at haharap sa Diyos. Sasabihin din niya na naniwala siya kay Jesus at tinanggap na siya ay makasalanan.
Sasabihin ng Diyos, “Tingnan kung ang taong ito ay nasa Aklat ng Buhay.”
“Wala po sa Aklat, Panginoon.”
“Kung gayo’y hanapin ninyo sa Aklat ng mga Gawa.”
“Narito po ang kanyang pangalan at ang kanyang mga kasalanan.”
“Kung gayon, dalhin siya sa lugar na kung saan ay hindi natin iintindihin ang halaga ng apoy, at bayaang mamuhay siya roon magpakailan man.”
“O Panginoon, hindi ito makatarungan...”
Sinabi niyang hindi ito makatarungan. Bakit siya itatapon sa impiyerno gayong siya ay matapat na nanalig kay Jesus? 
Sapagkat, nadaya siya ni Satanas at pinakinggan lamang niya ang kalahati ng katotohanan ng ebanghelyo. Kung hindi natin mauunawaan ang kahulugan ng pagtubos ni Jesus, tayo ay mapupunta rin sa impiyerno.
Ang taong ito ay naniniwala kay Jesus, subalit siya ay naloko ni Satanas at iniisip niya na siya ay makasalanan. Kung napakinggan natin ang totoong ebanghelyo, malalaman natin ang kanyang paniniwala ay mali. Subalit siya ay nabigo sa kanyang paniniwala dahil sa pagbuhat ng sariling-bangko ng mga maling paniniwala.
Kung nais ninyong makarating sa kaharian ng langit, dapat kayong maniwala sa pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu. Gaya ng nasusulat sa Mateo 3:15, “sapagka’t ganyan” inalis lahat ni Jesus lahat ng kasalanan sa mundo. Dapat manampalataya ka sa kaligtasan ng tubig at ng dugo.
 
Kaninong mga pangalan ang nakatala sa Aklat ng Mga Gawa?
Ang mga pangalang may kasalanan sa kanilang puso ang nakatala dito.

Kung pipiliin mong maniwala sa kahit ano man, katulad nang likas na mabuting tao na hindi tumatanggi sa kahilingan ng iba, ika’y mahahantong sa impiyerno. Maraming mabubuting tao ang nasa impiyerno, sila ang mga totoong nakipaglaban kung ano ang kanilang pinaniniwalaan. 
Ang lahat ng nasa langit ay batid nilang sila ay makasalanang mapupunta sa impiyerno at may kagalakang sumampalataya na ang kanilang pagkakasala ay malilinis sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesus. 
Sinasabi na marami raw mga tenga at bibig sa langit. Dahil maraming tao ang naniniwala sa pagtubos ni Jesus sa kanilang tenga at bibig lamang, ang ibang bahagi ng kanilang katawan ay itinapon sa naglalagablab na asupre.
Isalarawan natin ang isang naniniwala kay Jesus pero meron pa ring kasalanan sa kanyang puso na nakatayo sa harap ng Diyos at sinasabing, “Panginoon, tawagin mo akong matuwid dahil naniniwala ako kay Jesus, kahit na ako’y may kasalananan sa aking puso. Naniniwala ako na titingnan Ninyo uli ako bilang walang kasalanan. Ito ang natutunan at pinaniniwalaan ko. Naniniwala ako dahil maraming tao ang gumagawa nito. Ito ang pinaka-katanggap-tanggap na paniniwala kung saan ako ay nagmula.”
Sumagot ang Panginoon, “Hindi ko patatawarin ang sinumang may kasalanan sa kanilang puso. Nilinis ko na ang lahat ng iyong kasalanan kasama ang biyaya ng pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu. Pero ikaw ay tumangging maniwala. Mga anghel! Dalhin ang walang pakundangan ito sa apoy ng impiyerno.”
Ang sinumang naniniwala kay Jesus subalit patuloy na iniisip na siya ay may kasalanan sa kanyang puso ay mapupunta sa impiyerno. Makinig sa totoong ebanghelyo ng pagtubos at mahango sa lahat ng kasalanan. Kung hindi, ikaw ay masusunog sa impiyerno.
Ang sabihin mong ikaw ay walang kasalanan gayong mayroon sa iyong puso ay panlilinlang sa Diyos. Makikita natin kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng makasalanan at matuwid sa huli. Malalaman mo kung bakit ako’y nagsusumamo sa inyo para kayo ay maligtas.
Makikita ang kaibahan ng mga naniniwala sa buong katubusan (ang bautismo ni Jesus at ang Kanyang kamatayan sa Krus) at ang mga hindi kung kayo ay nasa sanga-sangang daan na ng langit at impiyerno. Ito ay may malaking pagkakaiba. Ang iba ay mapupunta sa langit, ang iba naman ay sa impiyerno.
Naniniwala ka ba kay Jesus ngunit nananatiling makasalanan? Kung gayon, kailangan mong maipanganak na muli sa tubig at sa Espiritu. Dinadala ng Diyos iyong mga may kasalanan sa kanilang puso sa impiyerno. Yaon lamang naniniwala sa ganap na kapatawaran ng kasalanan ang makapapasok sa kaharian ng langit.
Gawin mo na ngayon. Kung isasantabi mo pa, baka mahuli ka na. Maging handa ka agad. Bago ka magwakas patungo sa impiyerno, manampalataya ka sa katubusan ng tubig at ng Espiritu at maging malinis.
Luwalhati sa ating Panginoong Jesus! Magpasalamat tayo sa Kanyang kahabagan upang tayong makasalanan ay gawing matuwid. Alelluya!
 
 
SI JESUS: ANG TAGAPAGTANGGOL NG MATUWID
 
Ang atin bang mga kasalanan ay malilinis sa pamamagitan ng panalangin ng pagsisisi?
Hindi, ito ay napaka-imposible. Isa lamang ito sa panlilinlang ni Satanas sa atin.

Basahin natin ang 1 Juan 2:1-2, “Mumunti kong mga anak,ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangakasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesu-Cristo ang matuwid. At Siya ang pangpalubag-loob sa ating mgakas, at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.”
Tingnan ninyo? Meron ba kahit isa sa inyo na naniniwala subalit meron pa ring kasalanan sa kanyang puso? Kung meron tayong kasalanan sa ating mga puso ngunit sinasabi natin sa Diyos na wala, dinadaya natin Siya. At dinadaya rin natin ang ating sarili.
Subalit kung lubos nating nauunawaan si Jesus at maniniwala sa Kanyang ginawa upang hugasan ang ating pagkakasala sa Jordan, tayo ay lubos na mapapalaya sa ating kasalanan. Ngayon masasabi mo na, “Panginoon, ako ay ipinanganak na muli sa tubig at Espiritu. Wala na akong kasalanan. Makakaharap na ako sa Inyo ng walang kahihiyan.”
Pagkatapos ang Panginoon ay sasagot. “Oo, ikaw ay tama. Katulad ni Abraham na naniwala sa Akin at naniwala sa kanyang sarili bilang matuwid, ikaw rin ay matuwid dahil nilinis ko na ang lahat ng iyong pagkakasala.”
Ngunit isipin natin ang isang taong nananatiling may kasalanan sa kanyang puso kahit na nanalig siya kay Jesus. Sasabihin niya, “Dahil ako’y nanalig kay Jesus, sa langit ako mapupunta kahit na ako’y may maliit na kasalanan sa aking puso.”
Gustong-gusto niyang makarating sa langit sa pagsisikap niyang lumaban habang nakatayo sa harap ng paghuhukom, pero siya pa rin ay mahahantong sa impiyerno. Bakit? Hindi niya nalalaman ang biyaya ng ebanghelyo ng pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu.
Ang lahat ay nararapat na ihayag na siya’y makasalanan habang siya ay nabubuhay pa sa lupa. “Ako’y makasalanan. Ako’y hahantong sa impiyerno. Nakikiusap ako’y Inyong iligtas.” Ang makasalanan ay hindi matutubos ng panalangin ng pagsisisi. Sa halip, kailangan niyang aminin na siya’y makasalanan at tanggapin ang katubusan ng tubig at ng Espiritu upang siya’y mahango. Siya ay maaaring maging matuwid sa pamamagitan ng katubusan ng tubig at ng Espiritu.
Ito ay huwad na ebanghelyo na igiit ang orihinal na kasalanan lamang ang pinatawad ni Jesus at dapat nating pagsisihan ang ating kasalanan upang maligtas. Ihahatid tayo sa impiyerno. Maraming mananampalatayang itinadhana ang mga sarili sa paniniwala sa huwad na ebanghelyo at ito ang gawi na laganap sa mga araw na ito.
Malalaman mo ba kung nahulog ka sa huwad na ebanghelyo? Mananatili ka bang may utang pagkatapos mong bayaran ang mga utang mo? Pag–isipan natin ito. Kung ipinalalagay mong makasalanan ka pa rin matapos manalig kay Jesus, masasabi mo bang nanalig ka sa Kanya ng wasto? Ikaw ba ay mananampalataya at makasalanan, o ikaw ba ay mananampalataya at matuwid na tao?
Maaari kang mamili. Maaaring kang manampalataya na ang kasalanan mo’y napatawad na, o kailangan mo pang manampalataya na kailangan mo pang magsisi araw–araw sa iyong mga pagsalangsang. Ang iyong pagpili ang magsasabi kung saan mong magtungo, sa langit ba o sa impiyerno. Unawain mo ang mga mangangaral na nagsasabi sa iyo ng totoong ebanghelyo.
Yaong mga naniniwala sa huwad na ebanghelyo ay palaging nanalangin sa kapatawaran ng kanilang kasalanan sa tuwing madaling-araw na pagpupulong, tuwing paglilingkod ng Miyerkules, tuwing buong-gabi ng Biernes ay nananalangin upang linisin ang kanilang kasalanan.
“Panginoon, ako po’y nagkasala. Ako’y nagkasala ngayong linggo,” kanilang sinasabi. Pagkatapos ay naaalala nila ang kasalanan noong nakaraang taon at mananalangin ulit sa Kanya ng kapatawaran. Ito ay insulto sa banal na ebanghelyo ng mulngi pagsilang sa tubig at sa Espiritu.
Ang ating pagkakasala’y kailangang bayaran ng dugo. Sabi Hebreo 9:22, “Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.” Kung iniisip mo na ikaw ay nagkasala, ngayon masasabi mo bang Siya’y paduduguin nating muli? Sa lahat ng hindi naniniwala sa ganap na pagtubos ay nagkakasala sa pagtubos ni Jesus na isang kasinungalingan. Iginigiit nila ang katotohanang si Jesus ay hindi hinango tayo ng minsan lamang at Siya ay sinungaling.
Upang matubos kay Jesus, kailangan mong maniwala sa katotohanan ng pagtubos ng tubig at ng Espiritu. Mapapatawad ba ang iyong mga kasalanan sa daan–daan, libu–libo, at milyun–milyong pananalangin? Ang tunay na ebanghelyo ang minsanang nagtubos sa atin at ito’y sapat na. Maging matuwid, pumaroon sa langit, at mamuhay ng matuwid sa lahat ng oras.
♫Ako’y nabubuhay sa bagong buhay kay Jesus. Ang nakalipas ay wala na at ako ngayon ay bagong nilalang. Ang nasayang na panahon ay wala na O, si Jesus ang aking tunay na buhay. Ako’y nabubuhay sa bagong buhay kay Jesus. ♫ 
Namumuhay tayo ng bagong buhay kay Jesus. Anuman ang ating kalagayan, maging pangit o maganda, matangkad o pandak, payat o mataba, lahat ng pinagpala sa ebanghelyo na pagsilang muli sa tubig at Espiritu ay namumuhay ng may kagalakan. Mahalaga ba na ang ilong mo’y nasa tamang hugis, o kaya ikaw ay maliit? Dahil tayo’y hindi ganap, tayo’y naligtas sa paniniwala sa pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu ni Jesus. Subalit lahat ng nagmamalinis ay magtatapos sa impiyerno.
Salamat po, Panginoon. Ako ay palaging nagpapasalamat sa Panginoon. Sapagkat tayo ay naniwala sa muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu, tayo ay tatanggapin sa langit. 
 
 
ANG KASINUNGALINGAN ANG MAGHAHATID SA ATIN SA IMPIYERNO
 
Sino ang makatatanggap ng putong ng pagkamatuwid sa katapusan?
Sinumang napagtagumpayan ang kasinungalingan.

Ang kasinungalinga’y sinasabi sa atin na tayo ay dapat na magsisi araw-araw upang mapatawad, subalit ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay sinasabi sa atin na ganap na tayong pinatawad at ang dapat lang nating gawin ay maniwala.
Ano ang totoo? Kailangan ba nating magsisi araw–araw? O tama na ba na magtiwala tayo kay Jesus na tayo’y Kanya nang tinubos mula sa pagkakasala? Ang totoo ay tinubos na tayo ni Jesus ng minsan at ito ay sapat na pag-aalay sa atin ng kaligtasan. 
Dapat tayong magtagumpay sa kasinungalingan sa digmaang espirituwal. Maraming tao ang naniniwala sa mali. “At sa anghel ng Iglesia sa Pergamo ay isulat mo: ‘Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang patalim. Nalalaman Ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga’y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas, at iniingatan mong matibay ang Aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang Aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, Aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas’” (Apocalipsis 2:12–13).
“Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang nakatago, at siya’y bibigyan Ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat naisang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap” (Pahayag 2:17).
Kung saan maraming masamang espiritu ang naninirahan at ang kasinungalingan ang nagpapanggap na totoo, si Satanas ay lumilitaw bilang maningning na anghel. Ang Diyos ay hindi matutulungan ang sinumang nakikinig at nalalaman ang totoong kaligtasan ng tubig at ng Espiritu ngunit hindi naniniwala rito. Siya’y magpapasa impiyerno.
Ang bawat isa’y nararapat mamili kung sila ay maniniwala sa kaligtasan ni Jesus. Walang sinumang magmamaka-awa sa iyo upang ikaw ay maniwala at matubos.
Kung nais mong maligtas mula sa kasalanan, manalig ka sa pagliligtas sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. Kung nadarama mong magpasalamat sa Kanyang mahal na kaligtasan at sa Kanyang kahabagan sa pagligtas sa atin, manampalataya ka. Kung makasalanan ka at mapupunta sa impiyerno, ngayon ay maniwala ka sa tubig at sa Espiritu, sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang kamatayan sa Krus. Sa gayon magiging matuwid ka.
Kung iniisip mong hindi ka makasalanan, hindi mo na kailangang maligtas sa paniniwala kay Jesus. Yaong makasalanan lamang ang hinahango sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu. Si Jesus ang Tagapagligtas ng makasalanan, ang Taga-aliw ng mga naguguluhan. Siya ang Manlilikha, Ang Diyos ng Pag–ibig.
Buong puso ko kayong tinatawagan upang maniwala sa ebanghelyo ng pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu. Maniwala kayo rito. Makasisiguro ka na si Jesus ay magiging Tagapagligtas, Kaibigan, Pastol at Diyos ng buhay mo. Ang makasalanan ay dapat na maniwala kay Jesus. Kung ayaw mong humantong sa impiyerno, dapat maniwala ka rito. Ang Diyos ay hindi nagmamaka-awa na maniwala tayo sa ebanghelyo ng kaligtasan.
Nais mo bang tanggapin ka sa langit? Kung gayon, maniwala ka sa ebanghelyo ng pagsilang muli sa tubig at sa Espiritu. Ang wika ni Jesus, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Maniwala kayo sa akin.” Sinasabi mo ba na gusto mong matapon sa impiyerno? Ngayon huwag kang maniwala. Sinabi Niya na nakahanda na ang lugar sa impiyerno para sa iyo.
Ang Diyos ay hindi nagmamaka-awa. Ang nagtitinda ay tinatawag ang mga mamimili upang mabili ang itinitinda niya, ngunit ang Diyos ay ipinagkaloob ng walang bayad ang kaharian ng langit sa mga taong natubos. Siya ay Makatarungan.
Sinasabi ng mga tao na malapit na ang wakas ng mundo. Oo, sa palagay ko rin. Kahangalan ang hindi maniwala sa totoong ebanghelyo ng pagsilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Maniwala sa kaligtasan ng ganap na ebanghelyo ng pagsilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Kaya’t tayo ay magsama–sama sa kaharian ng langit. Nais mo bang sumama sa akin sa tahanan ni Jesus?
 
Ikaw ba ay makasalanan o matuwid na tao?
Isang taong matuwid na walang kasalanan sa kanyang puso.

Basahin natin ang Roma 8:1–2, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’Tagapagligtas ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.”
Inalis ni Jesus lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa krus. Iniligtas Niya lahat ng makasalanan na mahahatulan sa kanilang kasalanan.
Ang kaligtasan ng Dios ay binubuo ng dalawang bagay. Ang isa ay ang Kautusan at ang isa ay ang Kanyang pag-ibig. Ang Kautusan ay nagsasabing tayo ay makasalanan. Ayon sa Batas, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Hindi tayo maililigtas ng Kautusan. Itinuturo nito ang ating makasalanang pagkatao. Ipinapaalam sa atin nito na tayo’y makasalanan.
Upang mabayaran ang kasalanan, si Jesus ay naparito sa sanlibutan, inalis lahat ng ating kasalanan at tinubos tayo ng Kanyang buhay upang maligtas tayo sa kahatulan. Ito ang pag–ibig ng Diyos na nagligtas sa atin mula sa kasalanan.
Dapat nating pagtagumpayan ang kasinungalingan. Ipinagkaloob ng Diyos ang biyaya ng pagsilang na muli sa tubig at sa Espiritu sa lahat ng nagtagumpay sa kasinungalingan. 
Tayo ay naligtas sa pananampalataya kay Jesus. Sa paniniwala sa Kanyang salita, makakamit natin ang pagka-matuwid at mauunawaan natin ang katotohanan. Buong-puso manampalataya sa katotohanan ng pagsilang na muli sa tubig at Espiritu, at maliligtas ka.