• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-2] Maaari bang bilhin ninuman ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap? (Mga Gawa 8:14-24)

2021.04.11 26
(Mga Gawa 8:14-24)
“Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan. Na nang sila’y makalusong, ay ipinanalanging nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo. Sapagka’t ito’y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila, kundi sila’y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo. Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi. Na sinasabi, ‘Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo.’ Datapuwa’t sinabi sa kaniya ni Pedro, ‘Ang iyong salapi’y mapahamak na kasama mo, sapagka’t inisip mong tamuhin ang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng salapi. Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito, sapagka’t ang puso mo’y hindi matuwid sa harap ng Dios. Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso. Sapagka’t nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.’ At sumagot si Simon at sinabi, ‘Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo.’”
 
 
Matatamo ba ninuman ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay?
Hindi. Kailangan siyang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Batay sa pangunahing talata, nais kong ihatid ang isang mensahe kung “ang sinuman ay magkakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap.” Ang mga Apostol sa panahon ng unang iglesia ay nagkamit ng kapangyarihan mula sa Diyos at sinugo Niya sila sa mga iba’t ibang dako. Maraming mga kakaibang pangyayari sa aklat ng Mga Gawa, isa sa mga ito ay ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga mananampalataya nang ipatong ang mga kamay ng mga Apostol sa kanilang mga ulo. Sinabi ng Biblia, “Nang ipinatong ng mga Apostol ang kanilang mga kamay sa mga hindi pa nagtamo sa Banal na Espiritu na bagaman sila’y naniniwala kay Jesus, ay kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.”
Kung gayon paano nila nakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay? Sa oras na yaon ang mga salita ng Diyos ay sinusulat pa lamang at ang gawain ay di pa natatapos, kaya binigay ng Diyos ang natatanging mga kapangyarihan sa mga Apostol upang tupdin ang Kanyang misyon. Siya’y kasama ng mga Apostol at lumikha ng maraming mga kahanga-hangang himala sa pamamagitan nila. Ito’y isang espesyal na panahon, nang ang Diyos ay gumawa ng mga kahanga-hangang himalang nakikita ng mga tao upang sila’y manalig kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas. Kinakailangan para sa Diyos, pati sa mga Apostol, ang magpakita ng makapangyarihang pagkilos ng Banal na Espiritu upang patunayang si Jesu-Cristo ay Diyos at Siya’y Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas. Kung hindi kumilos ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang himala sa panahon ng naunang iglesia, maaaring walang nanalig na si Jesus ay Tagapagligtas.
Datapuwa’t, hindi kailangan para sa atin na tanggapin ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga nakikitang mga kahanga-hangang himala, dahil ang Biblia’y sapat na. Sa halip, ang pananahan ng Banal na Espiritu ay nakasalalay sa pananalig. Sa ibang salita, sa pananalig sa ebanghelyo ng katotohanan. Binigay ng Diyos ang pananahan ng Banal na Espiritu sa mga nanalig sa ebanghelyo ng katotohanan sa harap ng Diyos. Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay mangyayari lamang sa mga nanalig sa salita ng Diyos, yamang ito’y natupad sa pagparito ni Jesus sa mundo at sa Kanyang bautismo at dugo.
Sa panahon ngayon, maraming mga pastor ang nagtuturo sa mga mananampalataya na ang nakikitang mga kababalaghang mga himala ay mga tanda ng pananahan ng Banal na Espiritu. At inaakay ang mga mananampalataya na kamtin ang Banal na Espiritu sa ganito ring paraaan. Nililinlang nila ang tao sa pagbibigay ng mga maling aral, tulad ng pagsasalita ng ibang wika bilang isang tanda ng pagparito ng Banal na Espiritu. Kinikilala ng mga pastor ang kanilang mga sarili bilang mga apostol na gumagawa ng mga dakilang himala, at kanilang inaakit ang mga relihiyosong panatikong nagnanais na maranasan ang Diyos sa pamamagitan ng mga damdamin.
Itong panatismo ay kumalat sa mga Kristiyano sa buong mundo, at marami sa kanila ang sumunod sa kanilang mga paniniwala at tinanggap ang mga masasamang espiritu sa pamamagitan ng mga di-karaniwang kaparaanan. Hanggang ngayon, ang mga taong naaakit nitong panatismo ay inaakalang maaari nilang mapatanggap ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
Subali’t, tulad ni Simon, sila’y tulad ng mga salamangkerong makikita sa pangunahing talata. Sila’y nalasing sa sariling kasiyahan at materyal na kasakiman, nguni’t lahat ng kanilang mga gawa ay nagdulot lamang ng kalituhan sa mga tao. Itong uri ng maling katuruan ay lumihis sa tunay na daan upang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu sa harap ng Diyos.
Maging ngayon, maraming mga bulaang propeta ang gumawa ng gawain ni Satanas sa pamamagitan ng mga maling relihiyosong ugali, nagkukunwaring tinutupad ang gawa ng Banal na Espiritu. Ang tunay na Kristiyano ay dapat manangan sa salita ng Diyos, ang kaalamang ito ang tanging daan upang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Ang mga naturingang mga Pentecostal, ang gumigiit sa pisikal na karanasan sa Banal na Espiritu, ay dapat iwaksi ang kanilang mga maling paniniwala, na siyang tiyak na mag-aakay sa kanila sa pananahan ng Banal na Espiritu.
Si Simon ay isang tanyag na salamangkero sa Samaria sa panahong iyon. Matapos niyang makita ang mga alagad ni Jesus na patanggapin ang tao ng Banal na Espiritu, tinangka niyang bilhin ang Banal na Espiritu. Ang taong may ganitong paniniwala ay di-maiiwasang magiging alipin ni Satanas, gagamitin niya para sa kanyang mga gawain. Nais ni Simon na makamit ang Banal na Espiritu nguni’t ang kanyang paghahangad ay walang iba kundi isang pagkagahaman. Makikita natin na ang ganitong uri ng pananalig ay hindi tunay na pananalig ng pagtanggap ng Banal na Espiritu.
Tinangkang bilhin ni Simon ang Banal na Espiritu para lamang sa kanyang makasariling hangad ng kapangyarihan. Sanhi nito siya’y lubos na sinaway ng lingkod ng Diyos na si Pedro. Bagaman sinabing si Simon ay naniniwala kay Jesus, hindi siya ang taong tumanggap ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kapatawaran ng mga kasalanan. Sa madaling salita, inakala niyang makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pagsasabi ng mga makamundong salita sa Diyos.
Bagaman ang kanyang panlabas na anyo ay nagsasabing siya’y isang mananampalataya kay Jesus, ang kanyang tunay na mga kaisipan ay walang kaugnayan sa tunay na mga salita ni Jesus. Sa halip, siya’y puno ng kasakiman. Nalalaman ni Pedro ang mga isipan ni Simon, kanyang sinaway sa pagtangkang bilhin ang Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng salapi. Sinabi niya kay Simon na siya’y mapapahamak sa kanyang salapi.
Sa panahong ito, ang mga bulaang propeta na taglay ang mga masasamang espiritu ay hangad na linlangin ang tao sa pagsasabi sa kanila na ang lahat ng himala ay mga gawain ng Banal na Espiritu. Kadalasan ay makikita natin na ang tao ay humahanga sa ganitong uri ng kapangyarihan at taimtim na dumadalangin upang makamit ang Banal na Espiritu. Subali’t, dapat isaisip na walang makakatamo ng pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga dasal na inialay sa kanyang makamundong pagkagahaman.
Mayroon din bang mga “charismatic” na tao sa inyong paligid? Dapat kayong mag-ingat sa ganitong uri ng mga tao. Nilalapitan nila ang iba sa pamamagitan ng isang panatikong pananalig. Kanilang sinasabi na maaari silang magpalayas ng mga demonyo at magagawang patanggapin ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay. Subali’t, taglay nila ang kapangyarihan ng mga masasamang espiritu at hindi ng Banal na Espiritu. Ang mga nagsasabing taglay nila ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ay inaakay ang kanilang sarili at ang iba upang tanggapin lamang ang mga masasamang espiritu.
Ang tunay na pananahan ng Banal na Espiritu ay makakamit ng mga nananalig sa mga salita ng tubig at ng Espiritu (1 Juan 5:3-7). Bagaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay malinaw na nakatala sa Biblia, ngunit maraming tao ang nagtataglay ng kasalanan sa kanilang mga puso, sinisikap na abutin ang Diyos sa pamamagitan ng mga himalang kapangyarihan at mga karanasan tulad ng pagtirapa, pagsasalita ng ibang wika, at pagpapalayas ng mga demonyo. Ito kung bakit ang mga bulaang propeta ay nalilinlang ang maraming tao na maniwala sa mapamahiing Kristiyano na nagmula sa diablo. 
Sinaway ni Pedro si Simon sa pagsasabing, “Ang iyong salapi’y mapahamak na kasama mo, sapagka’t inisip mong tamuhin ang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng salapi. Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito, sapagka’t ang puso mo’y hindi matuwid sa harap ng Dios. Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso. Sapagka’t nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.” Tayo’y maghihimutok sa lungkot dahil sa katotohanang maraming mga ministro ang tulad nito sa ganitong mga panahon. Karamihan sa kanila’y mga “charismatic.” Salapi ang habol nila sa kanilang kawan. Dapat tayong lumayo sa ganitong uri ng pananampalataya at tanggapin ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu (Mateo 3:15, 1 Pedro 3:21, Juan 1:29, Juan 19:21-23). 
 
 
Ang mga ‘Charismatic’ na tao’y kumikilos sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay!
 
Dapat tayong lumayo sa ganitong uri ng paniniwala. Ang ibang tao sa ganitong mga panahon ay may balighong paniniwala na kanilang makakamit ang Banal na Espiritu kung sila’y papatungan ng kamay mula sa mga nagtamo ng kapangyarihan. Inaakala nila bagaman sinabi ng Kasulatan na maraming tao ang nagkamit ng Banal na Espiritu nang maranasan nila ang pagpapatong nga mga kamay mula sa mga Apostol, na magagawa rin nila ito. Ang ibang mapagkunwari ay may baligho ring paniniwala na kanilang maibibigay sa tao ang pananahan ng Banal na Espiritu kung ipapatong ang kanilang mga kamay. Dapat tayong maging handa sa ganitong mga tao.
Datapuwa’t, dapat nating isaisip na ang kanilang pananalig ay lubos na kakaiba kaysa doon sa mga Apostol noong araw ng naunang iglesia. Ngayong panahon, ang pinakamalubhang hamon sa mga paniniwala ng ibang Kristiyano ay yaong di-taglay ang pananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinasabing naniniwala sila sa Diyos, nguni’t hindi nila Siya ginagalang at sa halip ay dinadaya ang kanilang mga sarili at ang ibang tao. Subali’t, ang isang makasalanan ay di-matatamo ang pananahan ng Banal na Espiritu ni hindi matutulungan ang iba. Kung may nagsabi na ang Espiritu ay dumapo sa isang makasalanan, tiyak na hindi ito ang Banal na Espiritu; kundi espiritu ni Satanas na nagpapanggap lang bilang tunay na Espiritu.
Ang mga Apostol sa panahon ng naunang iglesia ay mga taong nakakakilala at nananalig na si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas, na nag-alis ng lahat ng kasalanan ng sanlibutan dahil sa pagbautismo ni Juan sa Kanya at sa Kanyang kamatayan sa Krus. Kanilang matatanggap ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil sila’y nanalig sa katotohanan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Kanila ring pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa iba, sa gayon natutulungan silang tamuhin ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Nguni’t sa panahong ito, maraming mga Kristiyano ang may maling panatikong paniniwala. Maaari nga ba sa panahong ito para sa isang makasalanan na tamuhin ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay mula sa makasalanang ministro? Ito ay tiyak na walang-kabuluhan. May mga taong nagsasabi na bagaman may kasalanan sa kanilang mga puso, kanilang nakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kahit pa ang isa’y mabuting pastol sa mga mata ng kanyang mga tagasunod, hindi niya magagawang patanggapin ang iba sa pananahan ng Banal na Espiritu kung may kasalanan sa kaniyang puso.
Gayon pa man, maraming tao ang may ganitong uri ng maling pananalig. Ito ang dahilan kung bakit maraming mga bulaang propeta ang nakapag-aakay sa tao tungo sa impiyerno. Dapat mong malaman ang katotohanan na yaong nagtuturo ng ganitong uri ng pananalig ay mga bulaang propeta. Ito ang mga taong nabihag ng mga demonyo.
Kung ang isang tao ay may kasalanan sa kanyang puso, maaari bang manahan sa kanya ang Banal na Espiritu? Ang sagot ay hindi. Kung gayon maaari ba sa isang tao na may kasalanan sa kanyang puso na tulungan ang iba na makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu? Muli ang sagot ay hindi. Kung gayon anong dahilan kung bakit nakakagawa ng mga kahangahangang himala ang mga kabilang sa ‘charismatic’ sa Kristiyanismo, gayong may kasalanan pa sa kanilang mga puso? Gayon din ang mga masasamang espiritu. Ang Banal na Espiritu kailanman ay di-mananahan sa mga makasalanan. Siya’y nananahan lamang sa kanila dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nakakatiyak ka ba na ang espiritung na sa iyo ay ang Banal na Espiritu?
Sinasabi sa Juan 3:5, “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu,ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” Sa gayon, ang pananahan ng Banal na Espiritu ay makakamit lamang dahil sa pananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang kamalian ng maraming mga Kristiyano sa ngayon ay ang paniniwala ring mananahan ang Banal na Espiritu dahil sa pagpapatong ng mga kamay mula sa mga makasalanang ministro. Ito’y isang malaking kamalian. Sa mga araw na ito, maraming mga ministrong Kristiyano na nagtataglay sa pananalig at matibay na paniniwala na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dumating sa kanila sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
 
 
Ang kaugnayan sa pagitan ng tunay na pagpapatawad ng mga kasalanan at pagpapatong ng mga kamay
 
“Ang pagpapatong ng mga kamay” ay ang paraan kung saan ay maililipat ang isang bagay sa kanya. Isipin ng ganito: kung tayo’y magsasalita sa mikropono, ang tunog ay dadaan sa mga kawad tungo sa “amplifier” at pagkatapos ay lalabas sa mga malalaking “speaker” upang marinig ng lahat. Gayon din, sa Lumang Tipan, kapag ang isang makasalanan ay ipinatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng haing handog, ang kanyang mga kasalanan ay masasalin sa haing handog at siya’y mapapatawad. Sa gayon ding paraan, ililipat ng kapangyarihan ng Diyos sa tao kapag ang Kanyang mga lingkod ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa kanila. Sa ganitong paraan, ang pagpapatong ng mga kamay ay taglay ang kahulugang “pagsasalin, paglilipat.”
Ang taong kabilang sa “charismatic” ay hindi matutulungan ang tao upang tamuhin ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, sa halip kanilang pinatatanggap sa kanila ang masasamang espiritu. Dapat mong tandaan na ang taong may kapangyarihan ng mga masasamang espiritu ay naisasalin sa iba sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay. Kapag ang isang taong nasasaniban ng demonyo ay ipatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng iba, ang demonyo sa kanya ay malilipat sa taong iyon, dahil si Satanas ay kumikilos sa pamamagitan ng mga makasalanan. Sa dahilang ito, ang bawa’t isa’y dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung nais nilang matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Si Satanas ay naghahari sa mga makasalanan, kahit pa sila’y naniniwala kay Jesus, kung sila’y nabigong matamo ang pagpapatawad ng mga kasalanan.
Ang sinumang tumanggap ng pagpapatong ng mga kamay mula sa isang taong nasasapian ng demonyo, ang mga demonyo ay sasapi sa kanila at siya rin ay makagagawa ng mga huwad na himala. Kailangan nating malaman na ang mga demonyo ay pumapasok sa ibang tao dahil sa pagpapatong ng mga kamay, at ang pananahan ng Banal na Espiritu ay posible lamang sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang pagpapatong ng mga kamay ay isang paraang tinatag ng Diyos sa paglilipat ng isang bagay sa iba. Nguni’t nagagawa ni Satanas sa maraming tao na makamit ang mga masasamang espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Ang katotohanan sa panahong ito na maraming mga tao ang nagtatangkang bilhin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng salapi ay lalong malaking suliranin.
 
 
Karamihan sa mga Kristiyano ay mali ang unawa ukol sa katotohanan ng pananahan ng Banal na Espiritu
 
Kapag tinanong kung paano nila makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu, maraming tao ang sumasagot na ito’y maaari sa pamamagitan ng mga pagkumpisal o pag-aayuno. Hindi ito ang katotohanan. Ang Banal na Espiritu ba’y mapapasaiyo kung ika’y mag-aalay ng mga dasal sa Diyos? Hindi. Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dumarating lamang sa mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dahil ang Diyos ay ang katotohanan, Kanyang tinatag ang kautusan para sa pagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ba’y mananahan sa isang taong may kasalanan sa kanyang puso? Ang sagot ay tiyak na hindi. Hindi matatamo ninuman ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Kahit pa dumalo sa mga pagtitipong ‘revival’ at masidhing magdasal sa Diyos upang matamo ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ang Banal na Espiritu ay mananatiling mailap. Ang mga makasalanan kailanma’y di matatamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Ang mga makasalanan ay makakamit ang tunay na pananahan ng Banal na Espiritu bilang isang handog, nguni’t kung napatawad lang ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang sinumang hindi nakakaalam ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-matatamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Sa mga araw na ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mabilis na kumakalat sa pamamagitan ng mga babasahing pang-Kristiyano, mga pagtitipon sa iglesia, sa Internet, at maging sa mga elektronikong mga aklat sa buong mundo. Samakatuwid, sinumang naghahanap ng tunay na ebanghelyo ay mananalig dito at makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kung hindi mo pa natatanggap ang pananahan ng Banal na Espiritu, dapat mong mabatid na upang magkagayon dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
Isang pangunahing halimbawa ng huwad na pananampalataya!
 
Sa mga araw na ito kung ating susuriin ang mga palatandaan ng taong nagtamo ng mga huwad na espiritu at makikita natin ang tunay pagkilos ng mga demonyo. “Ang ‘revival’ na pagpupulong para sa Banal na Espiritu” ay mga pagtitipon kung saan ang mga taong lubos na naghahangad ng pagkamit ng Banal na Espiritu. Sa mga pagtitipong ito ay makikita natin ang mga taong nagpapalakpakan at nag-aalay ng mga kumpisal habang umiiyak at nag-aayuno. Iuutos ng mangangaral sa kanila na mag-alay ng panatikong dalangin sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na ang Banal na Espiritu ay di bababa sa kanila hanggang hindi na nila ito nagagawa. Ang mga tao sa gayon ay iiyak sa “Panginoon!” at magsisimulang mag-alay ng mga panatikong dalangin.
Matatamo ba ng mga panatikong ito ang pananahan ng Banal na Espiritu sa ganitong paraan? Hindi. Makikita mo ang mga taong nagsisigawan at nabubuwal, at pagkatapos ay manginginig, habang gumagawa ng kakaibang ingay sa gayong mga pagtitipon. Ang iba’y nabubuwal at nanginginig sa lupa, at makikita natin silang nagsisisigaw at nagsasalita ng iba’t ibang wika. Ang iba sa buong pagpupulong ay lubos na nagsisigaw at ang tao’y namamangha sa ganitong damdamin. Ang iba sa kanila’y magsisimulang mag-iihit, mangingisay at magsasalita ng ibang wika. Sinasabi ng tao na itong mga kababalaghan ay ang patunay na ang Banal na Espiritu ay sumasakanila. Nguni’t tignan kung anong mangyayari kapag kumikilos ang demonyo? Ito ba ang pagkilos ng Banal na Espiritu? Tiyak na hindi.
 
 
Nililinlang ni Satanas ang maraming mga Kristiyano
 
Sa mga araw na ito, maraming mga Kristiyano ang relihiyosong namumuhay sa hangarin ni Satanas. Nililinlang ni Satanas ang tao sa pagsasabi sa kanila na kailangan nilang tanggapin ang pagpapatong ng mga kamay mula sa isang makapangyarihang ministro upang makamit ang Banal na Espiritu. Maraming mga Kristiyano ang napapaniwala sa ganito bilang isang pormal na katuruan. Itinatanim din ni Satanas sa kaisipan ng tao na kanilang makakamit ang Banal na Espiritu kung sila’y labis na magdarasal. Sinisikap ni Satanas na doblehin at triplehin ang bilang ng tao na may ganitong uri ng pananampalataya.
Samakatuwid maraming tao ang di-nalalaman, at di man lamang sinisikap na aralin ang ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat tayong makibaka upang maiwasan ang mga kaisipang nais itanim ni Satanas sa ating mga ulo at alamin at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay darating lamang sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat tayong maniwala rito.
 
 
Maling pakahulugan ng mga Kristiyano ukol sa pananahan ng Banal na Espiritu
 
Una sa lahat, mayroong isang malaking maling kaunawaan sa mga paniniwala ng maraming mga tagasunod ng mga ‘charismatic’. Sinisikap nilang matamo ang Banal na Espiritu. Isang maling paniniwala na kahit may kasalanan sa kanilang mga puso, kanilang matatamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Subali’t, ang isang taong walang anumang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di-makakamit ang pagpuspos ng Banal na Espiritu.
Pangalawa, sinasabi na ang kamangmangan ng tao ang pumipigil sa kanila upang matanggap ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kung gayon ibig bang sabihin na matatanggap ninuman ang Banal na Espiritu kung hindi siya magiging palalo? Mayroon ba sa mundong ito na hindi mayabang kahit kaunti? Ang isang taong palalo na di-mapapatawad ng Diyos ay isang taong dinadagdagan ang kanyang sariling kaisipan sa salita ng Diyos. Maraming tao ang nagsisikap na matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pamamaraan, di-pansin ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Subali’t, ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dumarating lamang sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ikatlo, sinasabi na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay nakakamit kapag ang isa’y lubos na nagsisi sa lahat niyang mga kasalanan sa Diyos. Kaya’t sila’y hinimok na ihayag ang kanilang mga kasalanan kung nais nilang makamit ang Banal na Espiritu. Nguni’t dapat mong tandaan na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay hindi matatamo sa simpleng pagkumpisal ng mga kasalanan. Karamihan sa mga Kristiyano ngayon ay lubos ang hangad sa pananahan ng Banal na Espiritu at sa Kanyang pagpuspos nguni’t hindi nila makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil taglay pa rin nila ang kasalanan sa kanilang mga puso. Ang taong mayroong ganitong uri ng mapusok na hangarin ay mabibihag ng mga demonyo.
Ikaapat, sinasabi ng iba na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay maigagawad kung taimtim nating pinamamanhik sa Diyos upang ibigay sa atin ang pagpapala. Nguni’t ito’y di-makakamit sa pagmamakaawa. Ito ay maling kaisipan.
Ikalima, ang iba ay kinikilala ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pagkakamit ng ibang espirituwal na mga kapangyarihan. Pagsasalita ng mga wika ay ipinapalagay na isang karaniwang katibayan ng pananahan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang Banal na Espiritu ay di-nananahan sa puso ninuman dahil nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa ngalan ni Jesus o nakapagsasalita ng kakaibang mga wika. Ang kasalanan ay pag-aari ni Satanas. Ang sinuman ba na may kasalanan sa kanyang puso ay tunay na masasabing nakamit niya ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil taglay niya ang kakaibang mga kapangyarihan? Muli, ito’y kalokohang paglalaro ng mga demonyo.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ni Jesus sa atin ay tanging tunay na ebanghelyo na mag-aakay sa atin upang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kung iniisip mo pa rin na iyong makakamit ang Banal na Espiritu at ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng ibang mga kapamaraanan, ika’y naliligaw ng lubos. Nawa’y iwaksi ninyo ang mga maling paniniwala at sa halip ay magkaroon ng espirituwal na mga kaisipan at ganap na pananampalataya.
Hindi pagmamalabis na sabihin na maraming mga Kristiyano ngayon ang nasasapian ng mga demonyo. Maraming mga Kristiyano sa buong mundo ang nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga demonyo dahil nais nilang matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga natatanging ‘revival’ na pagtitipon o sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Sila’y pumupunta sa mga lugar kung saan ang mga tapangasiwa ng mga bahay dalanginan, mga nakatatandang diakono, mga “revivalist,” mga pastor na sinasabing taglay nila ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Lumalapit sila sa kanila sa pag-asang makamit ang Banal na Espiritu dahil sa pagpapatong ng mga kamay. Subali’t, wala sinuman ang makatatamo ng pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan nitong uri ng pananalig, gaano man ang taimtim na pananalig kay Jesus. Sa ibang salita, wala ni isa kundi ang Diyos ang makapagbibigay ng pananahan ng Banal na Espiritu.
Tulad ni Simon, maraming tao sa ngayon ang nagsusubok na bilhin ang Banal na Espiritu. Sinisikap nilang makamit ang Banal na Espiritu dahil sa paniniwala sa mga makalupang katuruan, hindi ang ebanghelyo. Karamihan sa mga Kristiyano sa buong mundo ay bihag ng ganitong kaisipan. Ang Banal na Espiritu ay dumarating lamang sa mga taong taglay ang mga katangian upang makamit Siya. Ang tanging sangkap upang tamuhin ang Banal na Espiritu ay sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ito lamang ang tanging kasagutan sa katotohanan (Mga Gawa 2:38).
Ang pagtanggap sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ay maaari lamang sa isang maliit na sandali noong panahon ng naunang iglesia. Matapos nito ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dumating sa mga tao kaalinsabay na malaman nila at nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, maliban sa pagkilos ng Banal na Espiritu na nagaganap sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng Diyos, ang lahat ay pagkilos ng mga demonyo. Sinabi ng Diyos na ang mga demonyo ay mga lingkod ni Satanas, at si Satanas ay mahusay na kumilos sa paraan na ang tao’y di-makakamit ang kapatawaran ng kasalanan kahit pa sila naniniwala kay Jesus. Si Satanas ay nagsinungaling sa tao sa pagsasabing kanyang ibibigay sa kanila ang Banal na Espiritu kung sila’y mananalig kay Jesus at tanggapin ang pagpapatong ng mga kamay. Pinalalawak ni Satanas ang kanyang teritoryo sa buong mundo sa pamamagitan ng ganitong uri ng panlilinlang. 
Atin ngayong titignan ang mga tanda ng mga nasasapian ng mga demonyo. Una, kapag ating susuriin ang mga tanda ng pagsapi ng isang demonyo sa isang manghuhula, makikita natin na sila’y nakararanas ng pangingisay, pagtirapa at kawalan ng malay. Pagkatapos ang kanilang mga dila ay nababaluktot at kakaibang mga salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Sila’y nakapagsasalita ng ibang mga wika.
Ang mga salamangkero at mga Kristiyano na sinapian ng mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ay magkakasama sa ganitong mga karanasan. Kapag ang isang kabilang sa ‘charismatic’ ay magsalita, “Sa pamamagitan ng apoy, ng apoy, ng apoy,” ang kalipunan ay mapupukaw at mawawawalan ng kontrol sa sarili. Ang taong hangad ang pagpapatong ng mga kamay mula sa kaniya ay lalapit sa harapan. Makararanas sila ng panginginig at magsasalita ng ibang wika. Itong mga tanda ay ang gawa ng mga demonyo na nagkukunwaring ginagawa ang gawain ng Banal na Espiritu.
Ang mga taong nasapian ng mga masasamang espiritu, na maaaring ipatawag ng mga manghuhula ng bawa’t matatandang relihiyon, ay makikita ang gayon ding mga tanda bilang mga Kristiyanong nasapian ng mga demonyo dahil sa pagpapatong ng mga kamay. Subali’t, di-nauunawaan ito ng tao, kahit ba sa katibayan. Yaong mga Kristiyanong nalunod sa ganitong malalim na kalituhan dahil inakala nilang natamo ang Banal na Espiritu nang kanilang maranasan itong mga uri ng tanda.
 
 
Si Satanas ay kumikilos sa pamamagitan ng mga Kristiyano tulad ng mga manghuhula
 
Binigyan ni Satanas ng kakayahan ang mga taong nasasapian ng demonyo upang manalangin ng paghula. Sila’y humuhula sa pagsasabing, “Ika’y magiging isang mahalagang pinuno. Libu-libong tupa ang manginginain sa iyong harapan. Tuturuan ka ng Diyos upang maging isang mahalagang pinuno.” Sa iba sila’y magsasabi ng mapangligaw na mga salita tulad ng, “Ika’y magiging mahalagang lingkod ng Diyos. Ika’y magiging isang mapitagang lingkod ng Diyos,” upang akitin ang tao na sundin sila at mamuhay bilang mga lingkod ng demonyo sa buong buhay nila.
Ang mga manghuhula rin ay gagawa ng mga hula ukol sa kinabukasan ng ibang tao. “Mag-iingat ka sa tubig sa iyong hinaharap.” “Ika’y magkakaroon ng maraming salapi.” “Isang maharlikang tao ay lilitaw mula sa silangan at tutulungan ka.” Ito ang mga halimbawa ng mga bagay na kanilang sinasabi. Ang unang tanda na makikita sa mga taong nasapian ng demonyo ay ang paggawa ng mga huwad na hula.
Pagkatapos sila’y magsasalita ng ibang wika na kanilang di-nauunawaan. Mangingisay at makikita sa kanila ang di-maunawaang katauhan. Kung ika’y may makikilalang shaman o manghuhula, masasabi mo bang sila’y may matinong katauhan? Kadalasan sila’y bastos sa taong matanda sa kanila.
Subali’t, ang taong taglay ang tunay na pananahan ng Banal na Espiritu ay tinanggap Siya dahil sa ng pananalig sa biblikal na katotohanang sinasabi na nilinis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan sanhi ng Kanyang bautismo at kamatayan sa Krus. Ang mga taong ito ay tinutulungan din ang iba na malaman at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at tumutulong na makamit ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang pananahan ng Banal na Espiritu. Sila mismo’y nagsisikap na mamuhay matuwid, at ang kanilang mga katauhan ay lubos na matiwasay sa pag-aakay sa iba sa mapalad na pananampalataya sa Diyos at sa uri ng buhay na nais ng Diyos. Magmula ngayon hinihiya sila ng Diyos upang panatilihin silang banal kapag ang kanilang mga kaisipan ay nagbabalik sa sanlibutan.
Ang matuwid na tumanggap ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan ay tiyak na iba sa mga tao na ang katauhan ay winasak ng masasamang espiritu. Ang tunay na katauhan ay nabubuhay muli kung kanyang nakamit ang kapawaran ng mga kasalanan at sa gayon tatamuhin ang pananahan ng Banal na Espiritu. Dagdag nito, ang mga matuwid ay lubos na nag-aalala sa iba sa ilalim ng hindi kanais-nais ng mga pangyayari, ukol sa tunay na pangangailangan sa mga salita ng Diyos, pinagdarasal sila upang maligtas, at nag-aalay ng sarili upang matulungan sila.
Sa kabilang dako, makikita natin na ang mga katauhan ng taong nasasapian ng demonyo ay labis na nawasak. Sila’y pinamamahalaan ni Satanas at hinuhubog ayon sa kanyang nais dahil inaakala nila na ang mga bagay tulad ng pangingisay at pagsasalita ng mga wika ay mga handog ng Banal na Espiritu. Subali’t, itong mga karanasan ay tiyak na hindi mga kaloob ng Banal na Espiritu.
Maraming mga ministro ang nagpupuri sa kanilang mga kapangyarihan tulad ng paghuhula sa ngalan ng Diyos, kakayanang gumawa ng mga himala at magsalita ng ibang mga wika. Nguni’t kung patuloy na may kasalanan sa kanilang mga puso, kung gayon ang kanilang mga kapangyarihan ay katibayan sa katotohanang sila’y nasasapian ng demonyo. Sa gayon, hindi nila maibibigay ang pananahan ng Banal na Espiritu sa iba, nguni’t makapagbibigay lamang ng demonyo. Gayon din, dahil si Satanas ay mapaglinlang, ang himalang kanilang ginagawa ay madaling maglaho sa maikling panahon.
Mayroong malinaw na kaibhan sa pagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu at sa isang demonyo. Bagaman animo’y ang pagkilos ng Banal na Espiritu ay walang tiyak na mga karanasan o mga kahanga-hangang kaloob sa pasimula, habang tumatagal ang panahon, ang kapangyarihan ng Diyos ay walang patid na lalago sa mga puso ng matuwid tulad ng pagsikat ng araw sa umaga.
 
 
Ang mga Kristiyanong nasasapian ng demonyo
 
Bakit marami ang mga nasasapian ng mga demonyo bagaman sinisikap nilang makamit ang Banal na Espiritu?
Dahil tinanggap nila ang demonyo sa pamamagitan ng mga kamay mula sa mga huwad na propeta.
 
Kagulat-gulat, na makikita nating maraming mga mananampalataya kay Jesus kung saan ang mga katawan at mga kaluluwa’y nawasak dahil kanilang nakamit ang mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay mula sa mga huwad na propeta. Ang mga taong ito ay walang kinalaman sa Diyos dahil ang kanilang pananalig ay hindi batay sa mga salita ng Biblia. Sila’y abala sa paggamit ng kanilang kapangyarihan nguni’t di-nalalaman na kanilang naihahatid ang tao bilang mga alipin ni Satanas. Bakit lubos nilang ginagamit ang kanilang mga kapangyarihan sa Kristiyanismo? Dahil ang animo’y kanilang mga kapangyarihan di-maglalaon ay mawawala kung hindi nila gagamitin. Itong dahilan kung bakit sila’y abala.
Patuloy silang nagdasal at gumagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa pamamagitan ng ngalan ni Jesus. Ang taong nagsasabing, “Tinanggap ko ang kaloob ng pangangaral ng ebanghelyo,” patuloy na ipangaral ang ebanghelyo dahil kung hindi, ang kanilang kasiyahan ay maglalaho. Kung itong mga tao ay hindi tapat sa mga kaloob ng demonyo tulad ng pagsasalita ng mga wika, pagpapagaling, o paghula, sa ibang salita, at kung hindi sila tapat sa mga gawain ni Satanas, kung gayon kanya silang bibigyan ng matagal na pagkakasakit. Tulad ng isang manghuhula o isang shaman ay nagkakasakit ng matagal kung kanyang kalilimutan ang gawain bilang alipin ni Satanas. Itong dahilan bakit kailangan nilang gamitin ang mga kaloob na nakamit mula kay Satanas kundi sila’y iiwanan sa karalitaan matapos maubos ang kanilang mga kapangyarihan 
Dati’y mayroon akong kilala na isang taimtim na mananampalataya kay Jesus at waring taglay niya ang maraming mga kapangyarihan mula sa Diyos. Hinihimok niya ang tao upang tanggapin ang puspos ng Banal na Espiritu at inaakay sila sa mga pagtitipon kung saan kanyang pinalalayas ang mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, at gumagawa rin ng mga himala tulad ng pagsasalita ng mga wika at pagpapagaling. Siya’y kinaiinggitan at ginagalang dahil sa kanyang mga gawa. Libu-libong mga mananampalataya ang sumusunod sa kanya. Subali’t, di-maglao’y kanyang tinatwa si Jesus sa pagsasabing, “Si Jesus ay isang kabiguan. Hindi Siya ang Anak ng Diyos.” Kanyang sinumpa si Jesu-Cristo at kanya pang inangking siya mismo ang Diyos. Sa kalauna’y kanyang pinatay si Jesu-Cristo sa kanyang puso at sa mga puso ng maraming mga Kristiyano.
Ang taong tulad nito ay tinanggihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dahil si Satanas ang kanyang patnubay. Sila’y nahantong sa maling paniniwala mula sa pasimula dahil sila’y may isang haka-haka na taglay nila ang tulad na kapangyarihan ng mga Apostol, upang makita ang kanilang mga kakayanan, upang mapagsalita ang tao ng ibang wika at palayasin ang mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Taglay nila ang matatag na paniniwala na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay nasa kanila.
Tinuturo nila sa tao ang ukol sa mga pamamaraan ng pagtanggap ng Banal na Espiritu, inaakalang maaaring makamit Siya sa pamamagitan ng pagkukumpisal. Subali’t, itong paraan ng pagtanggap sa Banal na Espiritu ay di ayon sa mga salita ng Diyos. Sa kabila nito, kanilang sinabi na kung ang isang mananampalataya kay Jesus ay magsalita ng ibang mga wika at maghula, sa gayon ito ang katibayan ng pagparito ng Banal na Espiritu sa kanila. Dahil maraming tao ang di-tunay na nauunawaan ang pananahan ng Banal na Espiritu, naniniwala rin sila na matatamo nila ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsunod sa mga aral ng mga bulaang propeta. Ito ang paraan ni Satanas para sapian ng mga masasamang espiritu ang mga Kristiyano at maghahari sa kanila. Lahat nitong mga paraan ay mga patibong ni Satanas.
Di-mabilang na tao ang nasapian ng mga demonyo sa pamamagitan ng mga aral ng mga bulaang propeta. Ang mga karaniwang mananampalataya ay palasak na namumuhay, nguni’t ang mga taong nasapian ng demonyo ay ginagamit ang kapangyarihan ng mga masasamang espiritu at animo’y namumuhay na marubdob na buhay. Anong mga kakayanan ang kanilang pinakikita? Taglay nila ang pagpapagaling, pagsasalita ng ibang wika at inaakay ang iba upang makamit ang mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Dapat nating malaman na ang pagpapatong ng mga kamay ay isang paraan ng pagsasalin ng isang bagay sa ibang tao at ang kaharian ng demonyo ay lubos na lumaganap sa ganitong pamamaraan. 
 
 
Ang masasamang espiritu ay kumikilos sa pamamagitan ng kasakiman ng tao!
 
Si Satanas ay kumikilos sa tao tulad ni Simon sa pangunahing talata. Sinasabi ng mga taong ito na kanilang matatamo ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, anuman ang kanilang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa mga araw na ito maraming tao ang nadaya ni Satanas, at sinisikap na makamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagkumpisal, pag-aayuno, pagpapatong ng mga kamay. Subali’t, sila’y nasaniban ng mga demonyo at namumuhay sa sumpa ng buhay.
Dapat nating malaman na itong tagapamagitan, tinatawag na pagpapatong ng mga kamay, na natatamo ng maraming mga Kristiyano sa buong mundo, ay napapadali ang gawa ng mga demonyo. Itong mga taong taglay ang gayong katangian ni Simon ay mga huwad na propeta sa harapan ng Diyos. Maging ang mga mananampalataya kay Jesus, kung taglay ang kasalanan sa kanilang mga puso, ay maaaring masaniban ng mga demonyo. Sila’y maaaring gumawa ng mga himala sa pamamagitan ng mga pagkilos ng diablo. Pinamumunuan ni Satanas ang tao upang matamo ang pagpapatong ng mga kamay mula sa kanyang mga lingkod upang mapadali ang pag-aari sa kanila sa pamamagitan ng mga demonyo at itayo ang kanyang kaharian sa buong mundo. Sa mga araw na ito, ang mga iglesia ng 2Pentecostal-Charismatic Movement ay opisyal na kinilala bilang pormal na sekta ng Kristiyano sa buong mundo.
 
 2Ang Kanlurang Kristiyanismo ay nagsimulang maglaho dahil sa materyal na kasaganaan at kumpol na pagkaubos sa nalalabing kalahati ng ika-20 siglo. Kasabay nito, bilang sanhi, maraming mga Kristiyano ang naghahanap ng paraang mamuhay ng malapit kay Jesus ay di-nasiyahan sa kawala ng sigla ng kanilang mga naunang iglesia. Ang iba’y nagdalamhati sa kakulangan o sa mabagal na paglago sa espirituwal, nguni`t ang iba’y nabigo dahil sa walang-kakayanang isalin ang kanilang pananalig sa personal na pag-ibig kay Jesus.
Ang tinatawag na “Pentecostal-Charismatic Movement” ay umusbong mula sa mga pagkakataong ito. Yaong mga nagpakalabis sa ganitong kilusan ay naghahanap ng masisiglang mga karanasan at mga gawain tulad ng pagsasalita ng mga wika, paghuhula, paggawa ng mga milagro at kababalaghan, hinahangahan ang naunang Pentecostal na mga kaganapan. Sa kanilang kasiglaan, sila’y handang ipagkatiwala ang kanilang mga sarili sa mga tinatawag na paghahari ng Banal na Espiritu, nguni`t sa mahigpit na pananalita karamihan sa kanilang mga aral at mga gawa ay di alinsunod sa Biblia.
Sa umuunlad na mundo, ang kilusang ito ay napaunlad ng husto sa loob ng nilalaman ng kanilang mga gawain. Naakit ng kanilang mga pinuno ang umuunlad na mundo ng mga Kristiyano sa pamamagitan ng mga pagpapala ng yaman at kalusugang kalakip ang kasiyahang pangrelihiyon. Ang paglihis ng kilusang tulad ng “Neo-Pentecostalismo” ay iniulat bilang kilusang binabahagi ang gayon ding mga aral tulad ng “New Age Movement.” 
 
Itong mundo ay unti-unting parating sa hangganan. Kung nais nating maisilang na muli sa mga huling araw, kailangan nating malaman ang pagkilos ng diablo at matatag na makibaka sa kanyang mga paraan. Kailangan din nating maligtas mula sa ating mga kasalanan at tamuhin ang pananahan ng Banal na Espiritu bilang isang kaloob dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kailangan tayong magbalik sa katotohanan na sa pamamagitan ng ganap na kaalaman kung paano dumating ang Espiritu ng Diyos sa atin.
Tulad ng sinabi ng Diyos, “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Osea 4:6), sa mga araw na ito maraming mga naghahanap sa katotohanan ay nangawasak nang, sa kanilang kamangmangan, iniligaw sila ng mga charismatic. Sinasabi ng tao na kahit pa ang tinatawag na “Pentecostal-Charismatic” ay maitayo sa disyerto, ang mga tao’y paroroon pa rin. Bakit? Pinalalawak ng mga charismatic ang kanilang mga iglesia sa pamamagitan ng pagliligaw sa iba sa kanilang mga naturingang kapangyarihan, inaakay sila upang masaniban ng demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Isa sa kanilang mga espesyal na talino ay kapag ang isang tao ay nasaniban ng mga demonyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, sila’y magiging masigla ukol sa pamumuhay na relihiyosong buhay.
Isa pang espesyal na katangian ng taong charismatic ay ang kanilang pagbibigay ng malalaking halaga ng salapi sa kanilang mga iglesia at walang-pasubaling nagiging mga panatikong mananampalataya. Kahit pa ang maraming bilang ng mga Kristiyano ay masigasig sa ebanghelismo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga demonyo, nguni’t tiyak na mabubulid sa impiyerno di-nalalaman ang kanilang sariling patutunguhan. Itong mga taong masigasig na naniniwala sa kapangyarihan ng diablo bilang katibayan ng kanilang kaligtasan, ay walang-dudang naghihintay sa langit. Subali’t taglay ang kasalanan sa kanilang mga puso at patungo sa kapahamakan. 
Kung sila’y tatanungin sa ganitong katanungan, “Mayroon bang kasalanan sa iyong puso, bagaman ika’y naniniwala sa Diyos?” sila’y tiyak na tutugon na natural lamang sa kanila ang magkasala. Inaakala nilang imposible sa isang tao ang hindi magkasala, kahit pa siya’y naniniwala kay Jesus.
Naiisip tuloy ng tao na nararapat silang pumasok sa kaharian ng Langit, kahit pa taglay ang kasalanan sa kanilang mga puso, dahil sila’y matiwasay sa paniniwala kay Jesus na taglay-taglay ang katibayan ng naturingang kapangyarihan.
Ito’y isang balighong pag-asam! Ang dahilan ng kanilang matibay na paniniwala ay dahil taglay nila ang isang uri ng di-karaniwang kakayanan. Naranasan nila ang pagsasalita ng mga wika, pagkamit ng mga pangitain at pagpapagaling sa may-sakit, at kanilang inaakala at matibay na naniniwala sa ganitong mga karanasan bilang gawain ng Banal na Espiritu. Samakatuwid kanilang sinasabi sa sarili na taglay nila ang pagtubos at ang Banal na Espiritu sa pamamagitan nitong mga karanasan.
Dahil ang mga taong ito ay may maling kaalaman ng mga salita ng kaligtasan, sila’y walang tiwala sa kanilang kaligtasan kung anumang uri ng nakikitang katibayan ay di nakikita sa kanila. Samakatuwid, itong mga tao ay sinisikap ang lahat upang makita ang mga nakikitang kasiguruhan ng kaligtasan at sa huli’y magagamit ni Satanas sa kanyang gawain. Dahil itong mga tao ay nagsisikap na hanapin ang mga kasagutan sa pamamagitan ng pagkumpisal o pag-aalay ng sarili sa halip na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, unti-unti nilang nakakamit ang mga masasamang espiritu sa halip na ang Banal na Espiritu.
Inaakusahan ng diablo ang tao sa pamamagitan ng pagbulong sa kanilang mga tenga, “Ika’y nagkasala, hindi ba?” at aakayin sila upang mahulog sa paghatol sa sarili. Isang tao na aking nakikilala na ngayo’y nakamit na ang kapatawaran ng kasalanan at ang Banal na Espiritu. Ito ang isang bagay na nangyari sa kanya bago siya ipanganak na muli, nang siya’y dating matimtiman nguni’t pabayang mananampalataya kay Jesus. Dati-rati siya’y nagsasalita ng ibang mga wika at nakagagawa ng maraming himala. Kahit pa siya umiyak at magkumpisal ng buong gabi, sa kabila ng kanyang paniniwala kay Jesus, ang kasalanan sa kanyang puso ay patuloy na umuusig sa kanya. Ito ang simula ng pagbulong ni Satanas sa kanya. “Ika’y nagkasala, kaya higit na nararapat na mamatay ka kaysa mabuhay pa.” Kadalasan si Satanas ay dumarating sa kanya at inaakusahan, inuusig at pinaaalala sa kanya ang kanyang mga kasalanan. Inakay siya ni Satanas sa kanyang sariling paghahatol. Subali’t, ang tanging kanyang magagawa ay ang ipahayag ang kanyang mga kasalanan sa kanyang puso. Hindi siya maaaring mapalaya mula sa pag-akusa ni Satanas hanggang hindi niya naririnig at naniniwala sa magandang ebanghelyo.
Dapat mong malaman na yaong mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay naging biktima ng diablo. Sa tingin mo ang sinumang di-nakamit ang kapatawaran ng mga kasalanan ay taglay ang kapangyarihan upang tanggihan ang diablo? Ang sinumang hindi nanangan sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay masisilo at uusigin ni Satanas. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng Diyos ay ang pinaka-kailangan sa pagpapalayas kay Satanas. Samakatuwid, ang sinumang nananalig kay Jesus ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ipangaral din ito sa lahat ng tao sa sanlibutan. Ang mga nakaririnig nito ay dapat tumalima at maniwala.
 
 
Ang hiwaga ng paglabag sa kautusan ay kumikilos ngayon sa sanlibutan!
 
Ang buong mundo ngayon ay natatakpan ng mga pagkilos ng mga demonyo. Kung nais nating ipangaral ang ebanghelyo na mag-aakay sa tao na tamuhin ang Banal na Espiritu, kailangan nating alisin ang malalim na maling kaalaman ukol sa pananahan ng Banal na Espiritu.
Una sa lahat kailangan nating liwanagin na isang kasinungalingan na ang Banal na Espiritu ay dumarating dahil sa pagpapatong ng mga kamay. Malinaw nating ipatotoo na ang mga karanasang tulad ng “pagsasalita ng ibang mga wika matapos ang pagpapatong ng mga kamay, nakararamdan ng init sa pamamagitan ng pagkumpisal at pag-aayuno, at nakaririnig ng mga mensahe mula kay Jesus” ay mga gawa ng diablo. Tanging sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu maaaring mapalaya sa mga panlilinlang ng diablo. Tanging sa pananalig tayo’y maliligtas mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kailangan nating talunin ang diablo, “ang ama ng mga kasinungalingan,” sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tinalian ni Satanas lahat ng tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pag-alipin sa paghahatol ng sarili, kaya kailangan nating ibalik ang mga tao sa katotohanan sa pamamagitan ng pagpapabatid sa kanila na ang kanilang mga balighong mga karanasan at mga damdamin ay mga panlilinlang ni Satanas.
Sa mga araw na ito, ang taong tulad ng Samaritanong si Simon, nagtangkang bilhin ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng salapi, ay naglilingkod sa iglesia. Sila ang mga bulag na umaakay sa bulag. Hindi nila maipapakita sa tao ang daan ng ganap na kaligtasan dahil hindi nila nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at taglay ang kasalanan sa kanilang mga puso. Kaya napapapasok nila si Satanas sa kanilang mga puso ang kanilang mga tagasunod sa pagpapasinayan ng buong gabing pagdarasal, pagkumpisal at pagpapatong ng mga kamay. Sa katotohan, itong mga tao ay nasasaniban ng mga diablo, at kung nais natin nilang magbalik sa salita ng Diyos, kailangan nating wasakin ang gawa ni Satanas sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ganap na kaalaman ng tubig at ng Espiritu. Kung hindi nalalaman ng tao ang mga pamamaraan ni Satanas, walang silang pagpipilian kundi ang maghirap sa kawalan ng pagtulong.
Tulad ng aking sinabi, ang paggawa ng mga himala tulad ng pagsasalita ng mga wika at pagbibigay hula matapos ang pagpapatong ng kamay ang lahat ay mga pagkilos ng diablo. Sa ibang salita, ang mga kapangyarihan ng taong charismatic ay makikita sa pamamagitan ng mga gawa ng diablo. Kailangan nating ituro sa kanila. “Ang diablo ang kumikilos sa inyo kung taglay ang kasalanan sa inyong puso. Kung inaakala mong nananahan sa iyo ang Banal na Espiritu, bagaman may kasalanan sa iyong puso, kung gayon ika’y nalinlang.”
Ang pananalig ng mga Apostol at ng taong tumanggap ng pagpapatong ng mga kamay sa pangunahing talata ng Mga Gawa 8 ay nailagay sa iisang kategorya, dahil pareho nilang nalalaman ang ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ni Jesu-Cristo. Nguni’t ang pananalig ng mga Apostol ay ganap na kakaiba doon sa karamihang mga Kristiyano ngayon, naniniwala sa pagpapatong lamang ng mga kamay ay matatamo nila ang Banal na Espiritu.
Makakamit ba ng isang tao ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng isang taong tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan? Hindi. Sinasabi ng Biblia na ang Espiritu ng Diyos ay lumilibot sa ibabaw ng mga tubig (Genesis 1:2). Ibig sabihin upang makamit ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang Banal na Espiritu, kailangan niyang marinig at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sinugo ng Diyos ang Banal na Espiritu bilang isang handog sa isang isinilang na muling Kristiyanong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kailangan nating isaisip na pagsalungat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na hinangad ng Diyos upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan, kung ituturo natin sa tao ang pagpapatong ng mga kamay upang makamit ang Banal na Espiritu. Inaakala na ang isang nagbibigay ng ibang bagay maliban sa Banal na Espiritu ay tulad ng paghahamon sa Diyos, at ang taong may ganitong uri ng pananalig ay madaling mahulog sa patibong ni Satanas. Hindi ito kailangang mangyari.
Lahat ng ating mga kasalanan ay napatawad nang tayo’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itoy’y pinatotoo ng Banal na Espiritu. Ang sinumang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay wala na ang kasalanan sa kanyang puso. Ito’y di dahil hindi siya nagkasala, nguni’t dahil siya’y nanalig sa kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nagpapatotoo na wala ng kasalanan sa kanyang puso, at gayon din ang Banal na Espiritu. Walang sinuman ang makatatawag kay Jesus na kanyang Tagapagligtas kung di-taglay ang Espiritu sa kanya.
Ang mga taong nasasaniban ng demonyo ay di-nalalaman ang ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kailanma’y hindi magiging paksa sa kanilang pag-uusap. Ni hindi nila nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at lalong higit di-nababatid ang katotohanan. Kanilang sinasabi na ang Banal na Espiritu ay dumarating lamang kapag kanilang ginagawa at tinatanggap ang pagpapatong ng mga kamay. Subali’t, ang Banal na Espiritu ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Dapat mong mabatid na ang mga pagkilos ng diablo ngayon ay lumilikha ng malalaking impluwensiya sa mga tao sa mga iglesia sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang mga maling katuruan. Sa dahilang ito, kailangang-kailangang tanggapin ang tunay na pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.