• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-3] Tinanggap mo ba ang Banal na Espiritu nang ika’y manalig? (Mga Gawa 19:1-3)

2021.04.11 33
(Mga Gawa 19:1-3)
“At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad. At sa kanila’y sinabi niya, ‘Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y magsisampalataya?’ At sinabi nila sa kaniya, ‘Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo.’ At sinabi niya, ‘Kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan?’ At sinabi nila, ‘Sa bautismo ni Juan.’”
 

Ano ang sinabi ng Biblia,“Mula sa mga araw ni Juan Bautista 
hanggang ngayon ang Kaharian ng Langit ay marahas na naghihirap at inaagaw 
ito ng mga mararahas na tao.”
Dahil maaaring makamit ng tao ang Kaharian ng Langit dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyong nagsasabi na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo saKanya ni Juan at sa Kanyang dugo sa Krus.
 
Anong uri ng ebanghelyo ang pinangangaral ni Pablo? Pinangangaral niya ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Sinasabi sa Mga Gawa 19:1, “At nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad. At sa kanila’y sinabi niya, ‘Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y magsisampalataya?’” Subali’t, itong mga tao ay nanalig kay Jesus nguni’t iniwan ang kahulugan ng bautismo ni Jesus. Hindi nila nalalaman ang magandang ebanghelyo na mag-aakay sa pananahan ng Banal na Espiritu. Kaya nagtanong si Pablo, “Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y magsisampalataya?” ay isang hindi kilalang-kilala na katanungan sa ibang mga alagad sa Efeso. Ang ibang tao marahil ay nagtanong, “Nanalig ka ba kay Jesus?” Nguni’t tinanong ito ni Pablo sa di-karaniwang paraan upang makamit nila ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang pananalig sa magandang ebanghelyo. Ang ministro ni Pablo ay ang ipangaral ang magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Si Pablo, Pedro at Juan ay pinatotoo rin ang pagbautismo ni Juan kay Jesus.
Ating tignan ang patotoo ng mga apostol sa ebanghelyo ng bautismo. Unang pinatotoo ni Pablo, “Huwag nawang mangyari! Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?” (Roma 6:2-3) at “Sapagka’t ang lahat nasa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo” (Galacia 3:27).
Pinatotoo rin ni Pablo ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus sa 1 Pedro 3:21, nagsasabing, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghilig ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni JesuCristo. Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit, na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.”
Pinatotoo rin ni Apostol Juan itong magandang ebanghelyo sa 1 Juan 5:5-8. “At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios? Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo, hindi sa tubig laman, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan. Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa.”
Si Juan Bautista ay nagbigay ng isang mahalagang layon sa pagbuo ng magandang ebanghelyo. Sinasabi ng Biblia ukol kay Juan Bautista sa Malakias 3:1-3 at Mateo 11:10-11. Si Juan Bautista ay ang kinatawan ng sangkatauhan at siya ang inihulang si Elias na paparito, tulad ng nasusulat sa Lumang Tipan. Sa Lumang Tipan, papatayin ang handog ng kasalanan upang dumanak ang dugo nito matapos alisin ang mga kasalanan ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Sa Bagong Tipan, gayon man, si Jesus ay ang handog ng kasalanan na nag-alis ng lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng ng Kanyang bautismo at namatay sa Krus upang bayaran ang kasalanan. Niligtas ni Jesus ang sangkatauhan dahil inilipat ni Juan Bautista ang lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo sa ilog Jordan.
Nilayon ng Diyos ang dalawang uri ng mga malalaking gawa upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan at tinupad Niya lahat ng ito. Ang una ay pagsugo ni Jesus dito sa lupa sa katawan ng birheng Maria, at pinabautismuhan Siya at pinapako upang alisin lahat ng mga kasalanan. Ang pangalawa ay pagsilang kay Juan Bautista sa pamamagitan ni Elisabet. Hinayaan ng Diyos itong dalawang kaganapan na mangyari upang iligtas ang tao mula sa kanilang mga kasalanan. Ito ang nilayon ng Diyos ng Trinidad na matupad. Sinugo ng Diyos si Juan Bautista sa mundong ito anim na buwan bago si Jesus, pagkatapos ay sinugo si Jesu-Cristo, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, sa mundong ito upang palayain ang tao mula sa hatol sa kanilang mga kasalanan.
Nagpatotoo si Jesus ukol kay Juan Bautista sa Mateo 11:9. “Datapuwa’t ano ang nilabas ninyo? Upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta.” Dagdag nito, nang ilipat ni Juan Bautista ang lahat ng kasalanan ng mundo kay Jesus, nakita Siya kinabukasan, at sumaksi sa pagsabing, “Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29)
Maraming nakatala sa Biblia ukol kay Juan, na nagbautismo kay Jesus, at dapat nating sikapin upang magkamit ng higit na kaalaman ukol sa kanya. Naparito si Juan Bautista bago si Jesus. Ang kanyang layon ay upang tuparin ang magandang ebanghelyo, na siyang plano ng Diyos. Sinasabi ng Biblia na tinanggap ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo mula kay Juan at inilipat ni Juan sa Kanya upang tuparin ang kalooban ng Diyos.
Tinatawag natin siyang Juan Bautista dahil kanyang binautismo si Jesus. Anong kahulugan talaga ang taglay ng pagbautismo kay Jesus? Ang salitang “bautismo” ay nangangahulugang “upang hugasan.” Yamang lahat ng mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus dahil sa Kanyang bautismo, ang mga ito’y nahugasan. Ang bautismo ni Jesus ay may katumbas na kahulugan tulad ng “pagpapatong ng mga kamay” na tinatanggap ng haing handog sa Lumang Tipan. Ang espirituwal na kahulugan ng bautismo ay “upang ilipat,” “hugasan” o “upang ilibing.” Ang pagbautismo ni Juan kay Jesus ay isang gawang pagtutubos upang alisin ang mga kasalanan ng tao sa mundo.
Ang bautismo ni Jesus ay may gayon ding kahalagahan tulad ng pagpapatong ng mga kamay, na siyang paraan ng pagsasalin ng mga kasalanan sa haing handog sa Lumang Tipan. Sa ibang salita, ang bayan ng Israel ay inililipat ang kanilang mga taunang kasalanan sa haing handog sa Araw ng Pagtubos sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa mataas na saserdote. Itong handog sa Lumang Tipan ay may gayon ding layon tulad ng bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus.
Itinalaga ng Diyos ang Araw ng Pagtubos bilang panahon ng pag-aalis ng mga kasalanan ng mga Israelita. Sa ika-sampung araw ng ikapitong buwan, isasalin ng mataas na saserdote ang mga taunang kasalanan ng tao sa ulo ng haing handog sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanyang mga kamay sa handog upang tubusin ang mga kasalanan ng tao. Ito ang pamamaraan ng paghandog na itinalaga ng Diyos. Ang tanging paraan upang ilipat ang mga kasalanan ng tao sa haing handog, at paglilipat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ay ang walang-hanggang kautusan na tinatag ng Diyos.
“At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan, at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa. At dadalhin ng kambing ang lahat ng kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan, at pawawalan niya ang kambing sa ilang” (Levitico 16:21-22).
Sa Lumang Tipan, ipapatong ng makasalanan ang kanyang mga kamay sa ulo ng haing handog at malilipat ang kanyang mga kasalanan upang mapatawad. At sa Araw ng Pagtubos, ang mataas na saserdoteng si Aaron, bilang kinatawan ng buong Israelita, ay ipapatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng handog upang ilipat ang mga kasalanan ng Israel. Pagkatapos ang handog ay papatayin matapos kuhanin ang mga kasalanan.
Taglay nito ang iisang espirituwal na kahulugan tulad ng bautismo (Baptisma sa Griego ay nangangahulugang “upang hugasan, ilibing, isalin”) na tinanggap ni Jesus mula kay Juan sa Bagong Tipan. Tulad ng mataas na saserdote sa Lumang Tipan ay pinatong ang kanyang mga kamay sa haing handog upang ilipat ang mga kasalanan ng Israel, kaya lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo sa Kanya ni Juan Bautista. Pagkatapos si Jesus ay namatay sa Krus upang tubusin ang ating mga kasalanan. Ito ang magandang ebanghelyo ng katotohanan.
Tulad ni Aaron ang mataas na saserdote ay inalay ang handog para sa pagtutubos ng bayan ng Israel, si Juan Bautista, isa sa mga lipi ni Aaron, tinupad ang gawain bilang kinatawan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbautismo kay Jesus, at sa gayon inilipat lahat ng mga kasalanan ng tao sa Kanya. Nilarawan ng Diyos ang gayong kahanga-hangang plano ng Kanyang pag-ibig sa Biblia tulad ng sumusunod sa Mga Awit 50:4-5, “Siya’y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan Niya ang Kaniyang bayan: Pisanin mo ang Aking mga banal sa Akin, yaong nangakikipagtipan sa Akin sa pamamagitan ng hain.” Amen, Aleluia.
Sinabi sa Kasaysayan ng Iglesia na walang Pasko sa unang dalawang siglo sa naunang iglesia. Ang mga unang Kristiyano kasama ang mga Apostol ni Jesus ay pinagdiriwang lamang nila ang ikaanim ng Enero bilang “ang Araw ng bautismo ni Jesus” sa Ilog Jordan sa pamamagitan ni Juan Bautista. Bakit sila naglagay ng malawak na pagdidiin sa bautimo ni Jesus sa kanilang mga paniniwala? Ang sagot ay ang pinakasusi sa Kristiyanismo ng kaugalian ng Apostol. Nguni’t nawa ay hindi kayo malito sa pagbautismo sa tubig ng mga mananampalataya at ang Bautismo ni Jesus.
Ang bautismo ng mga mananampalataya tulad ngayon ay may kakaibang kahulugan mula sa bautismo ni Jesus mula kay Juan. Samakatuwid, dapat tayong magkaroon ng iisang pananalig tulad ng mga alagad ni Jesus kung nais nating makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Tayong lahat ay dapat tanggapin ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paniniwala sa bautismo ni Jesu-Cristo, na Kanyang tinanggap mula kay Juan, at sa Kanyang dugo sa Krus.
Kung inakala ng unang iglesia ang bautismo bilang isang lubos na mahalagang ritwal, ito’y dahil sa ganap na pananalig sa bautismo ni Jesus, at kailangan natin ngayong kilalanin ang pagbautismo ni Juan kay Jesus bilang kailangang-kailangang sangkap para sa ating kaligtasan. Dagdag nito, dapat nating abutin at panatilihin ang wastong pananalig sa ganap na kaalaman, na nagsasabing kailangang ipako si Jesus dahil sa pagbautismo ni Juan sa Kanya. Dapat nating isaisip na ang Banal na Espiritu ay nagsimulang manahan sa atin nang tayo’y manalig sa bautismo ni Jesus, namatay sa Krus at nabuhay muli upang maging ating Tagapagligtas. Ang pagbautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay may natatanging kahulugan sa magandang ebanghelyo.
Ang tiyak na paraan para sa atin na makamit ang Banal na Espiritu ay ang pananalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo at dugo ni Jesus. Minsanang nilinis ng bautismo ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo. Ang bautismo ng pagtutubos ang nag-akay sa atin upang makamit ang Banal na Espiritu. Yamang hindi nababatid ng tao ang kapangyarihan ng bautismo ni Jesus, nauunawaan lamang nila ito bilang isang seremonya.
Ang bautismo ni Jesus ay bumubuo ng bahagi ng magandang ebanghelyo, na nagsasabi kung paano Niya inalis lahat ng kasalanan ng mundo at tinanggap ang hatol para sa kanila sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo sa Krus. Ang sinumang nananalig sa mga salita nitong magandang ebanghelyo ay magiging isang miyembro ng iglesia, na pag-aaari ng Panginoon, at mananagana sa mga pagpapala ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay isang handog mula sa Diyos para sa mga napatawad ng kanilang mga kasalanan.
Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, si Jesus ay naging lubos na “Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Sa Juan 1:6-7 ay sinasabi, “Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan. Ito’y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang Ilaw, upang sa pamamagitan niya’y magsisampalataya ang lahat.” Upang manalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, na nag-alis ng lahat nating mga kasalanan, dapat nating unawain ang ministeryo ni Juan at ang patotoo tulad ng nasusulat sa Biblia. Kung gayon tayo’y magsisisampalataya kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas. Upang makamit ang Banal na Espiritu, kailangan din natin ang malakas na pananalig sa kanyang patotoo. Samakatuwid, upang malubos ang magandang ebanghelyo ng katotohanan, dapat tayong manalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus.
Sa Mateo 11:12 ay nasusulat, “At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.” Itong talata ay kilala bilang isa sa pinakamahirap na mga talata ng Biblia. Subali’t kailangan nating pansinin ang pariralang “mula sa mga araw ni Juan Bautista.” Ito’y tiyak na nagpapahayag na ang ministeryo ni Juan ay kaugnay sa ministeryo ni Jesus para sa ating kaligtasan.
Nais ni Jesus na tayo’y pumasok sa Kaharian na may matapang na pananalig, kasing-tapang ng taong marahas. Araw-araw tayo’y nagkakasala, mga mahihina nguni’t pinahintulot tayong pumasok sa Kanyang Kaharian dahil sa marahas na pananalig anuman ang ating kahirapan. Kaya itong talata ay nangangahulugan na ang tao ay maaaring kuhanin ang kaharian ng langit sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo na nagsasabing inalis ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Sa ibang salita, ibig sabihin na ang Langit ay makakamit sa pamamagitan ng matapang na pananalig nitong magandang ebanghelyo ng bautismo at dugo ni Jesus.
Inalis ng bautismo ni Jesus ang lahat nating mga kasalanan, at ang ating pananalig ang nagbibigay kasiguruhan na ating makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Dapat nating ipangaral itong ebanghelyo sa ating mga kapitbahay, kamag-anak, mag kakilala, at sa bawa’t isa sa mundo. Dapat tayong magkaroon ng pananalig sa magandang ebanghelyo na nagsasabing ang mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Sa pamamagitan ng ating pananalig matatamo natin ang lubos na kaligayahan ng pagtutubos at ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Sa bautismo ni Jesus ay inalis lahat ng ating kasalanan at ang Kanyang dugo ay ang hatol ng kasalanan. Dapat nating ipaliwanag sa mga di-mananampalataya ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa pamamagitan nito, sila’y mananalig sa ebanghelyo at tanggapin ang Banal na Espiritu. Nais kong paniwalaan ninyo ito. Sa pamamagitan lamang ng pananalig sa bautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang dugo sa Krus maaaring mapatawad sa lahat ng kanyang mga kasalanan at makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Ang bawa’t isa’y maaaring maging isang anak ng Panginoon, kung saan ang Banal na Espiritu ay nananahan, at isa sa ating mga kapatid sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Taglay ninyo dapat ang iisang pananalig sa magandang ebanghelyo tulad ng kay Pablo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagbibigay sa atin nitong magandang ebanghelyo at papurihan Siya.    Amen.