• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-4] Ang mga nagtataglay ng iisang pananampalataya bilang mga Alagad (Mga Gawa 3:19)

2021.04.11 30
(Mga Gawa 3:19)
“Kaya nga mangasisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawaang mula sa harapan ng Panginoon.”
 
 
Anong uri ng pananalig mayroon ang mga apostol?
Sila’y nanalig sa bautismo at sa Kanyang Dugo sa Krus.

Kung titignan ang mga alagad ni Jesu-Cristo, ang saklaw ng kanilang pananampalataya nang taglayin nila ang pananahan ng Banal na Espiritu ay maliwanag na kaiba sa kanilang pananampalataya nang hindi nila ito nakakamit pa. Ang kanilang laman ay hindi kakaiba, nguni’t matapos tamuhin ang Banal na Espiritu, ang kanilang mga buhay ay lubos na nabago dahil sa liwanag ni Jesu-Cristo.
Ang nayon na aking tinitirhan ay may mga magagandang bundok at mga lawa. Sa pagtingin sa gayong magandang tanawin, ako’y lubos na nasisiyahan at namamangha na wala akong magagawa kundi ang pasalamatan ang Panginoon dahil sa gayong mga nilikha. Ang ningning ng malinaw na kristal ng tubig na nagniningning sa araw ay pinupuspos ang aking puso at ang mundo sa aking paligid ay parang ginto.
Nguni’t may mga lugar kung saan ang kagandahan ng tanawin ay di-makikita. May mga lugar kung saan ang ulap ay kasing-linaw ng kristal, nguni’t ang tubig sa ilalim ng liwanag ng araw ay animo’y tulad ng isang lantian. Walang ningning na makikita. Sa pagtingin sa ganitong lawa, napapasalamatan ko ang Panginoon dahil sa Kanyang magandang ebanghelyo na naglinis sa aking mga kasalanan at nakamit ko ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Sa ibabaw ng lantiang lawa ay di-maaaring magbigay liwanag, kaya tayo rin ay malayo mula sa liwanag ng Diyos at di-sinasadyang patungo sa di-nalalamang hangganan sanhi ng ating makasalanang kalikasan. Nguni’t kung ang Banal na Espiritu ay nananahan sa ating mga puso, tayo’y mahahayag bilang mga anak ng Diyos at maaakay upang ipangaral ang ebanghelyo sa iba. Dahil tinanggap natin ang Kanyang liwanag, tayo’y magniningning bilang mga liwanag.
Gayon din, matapos ang pagkabuhay ni Jesus, tinanggap ng mga alagad ang Banal na Espiritu at naging mga anak at mga apostol ng liwanag. Ang liwanag ng Banal na Espiritu ay isang dakilang pagpapala sa lahat at samakatuwid karamihan ng tao ang nagnais na makamtan ang Banal na Espiritu.
 
 
Ang Pananampalataya ni Apostol Pablo 
 
Anong uri ng pananampalataya ang taglay ni Pablo? Si Pablo, sa kanyang kapahayagan ng pananampalataya, sinabing siya’y pinag-aral at lubos na tinuruan ni Gamaliel, isa sa pinakadakilang guro ng kautusan sa panahong iyon, naging ganap ayon sa hangarin ng kanyang mga ninuno. Nguni’t kanyang pinahayag na maging sa kautusan, hindi siya maliligtas mula sa kanyang mga kasalanan at siya, sa katotohanan, ay isang tagausig ni Jesus, na ating Tagapagligtas. Isang araw ay nakilala niya si Jesus sa daan ng Damasco at naging ebanghelista ng Kanyang ebanghelyo. Siya’y nanalig kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos, na naparito sa mundo, binautismo ni Juan upang linisin lahat ng kasalanan ng mundo, at nagdanak ng dugo sa Krus upang kuhanin Niya lahat ng mga hatol ng mga kasalanan. Sa ibang pananalita, taglay ni Pablo sa kanyang puso ang kapatawaran ng kasalanan.
Naniwala ang mga alagad ni Jesus sa bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus upang mapatawad sila sa lahat nilang kasalanan. Ibinahagi ni Pablo ang iisang pananampalataya sa mga alagad at sa gayon ay naligtas sa lahat niyang mga kasalanan.
Sinabi ni Pablo sa Galacia 3:27, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo,” at ipinahayag ang kanyang pananalig sa bautismo ni Jesus bilang kanyang kaligtasan. Gayon din, sinabi ni Pedro sa 1 Pedro 3:21, “Na sa ayon ng tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo,” at kanyang pinakita ang magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus sa pamamagitan nitong talata. Nanalig ang mga alagad ni Jesus na ang Kanyang bautismo ay nilinis lahat ng mga kasalanan ng mundo. Sila’y napatawad sa kanilang mga kasalanan, at sa gayo’y wala na sa ilalim ng sumpa ng kautusan sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ito.
Sila’y nanalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Makikita na itong paniniwala ay kailangan para sa matagumpay na katangiang kailangan ng mga alagad. Sa Mga Gawa 1:21-22 ay sinasabi, “Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin. Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na Siya’y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito’y maging saksi na kasama natin sa Kaniyang pagkabuhay na maguli.” Ang pagiging alagad ni Jesus ay nagsimula sa pananalig sa pagbautismo ni Juan kay Jesus.
Ang katotohanang kailangan natin upang mapatawad sa ating mga kasalanan ay ang pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo” (Galacia 3:27). Kaya si Pablo ay nanalig din sa bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus.
Ating tignan ang Tito 3:5. “Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa Kaniyang kaawaan ay Kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo.” Ang pariralang, “paghuhugas sa muling kapanganakan” ay nangangahulugan na lahat ng kasalanan ng mundo ay nahugasan nang bautismuhan ni Juan si Jesus. Gayon din, kung nais mong mapatawad sa iyong mga kasalanan, kung gayon kailangan mong manalig sa magandang ebanghelyo, na nagsasabi na ang iyong mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Kanya. Ang dahilan ng pagpako kay Jesus at pagdanak ng dugo sa kamatayan ay dahil kailangan Niyang alisin lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Kanya. Inihayag ni Pablo na siya rin ay nanalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus.
Ating tignan ang Hebreo 10:21-22, sinasabi, “At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios. Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi, at mahugasan ang ating katawang dalisay na tubig” ay tumutukoy sa bautismo ni Juan kay Jesus, na naglinis ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan.
Samakatuwid, sa Luma at Bagong Tipan, makikita natin na ang pangunahing mga sangkap ng magandang ebanghelyo ay ang Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa Krus. Ikaw din, ay dapat ibahagi ang gayon ding pananalig tulad ni Pablo.
Ngayon, karamihan sa mga Kristiyano ay nananalig sa Kanya na walang-saysay na di-nakakaalam nang bautismuhan ni Juan si Jesus, lahat ng mga kasalanan ng mundo ay malilinis. Ang ibang mga teolohiya ay nagtatalo na ang mga tao mismo ay dapat na bautismuhan sa tubig upang mapatawad sa kanilang mga kasalanan. Itong pagpipilit ay maaaring nangyari dahil di nila nalalaman ang katotohanan at sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tulad ng nasusulat sa Biblia. Ang ating mga kasalanan ay di-mapapatawad sa pawang seremonya kapag tayo’y nabautismo sa tubig. Ang pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ay nilinis tayo sa lahat ating kasalanan. Yaon lamang nanalig sa magandang ebanghelyo ang napatawad sa kanilang mga kasalanan. At sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang dugo, nabayaran lahat ng kanilang paghahatol. Yaon lamang taglay itong pananalig ang makatatangap ng Banal na Espiritu.
“Tayo’y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi, at mahugasan ang ating katawang dalisay na tubig” (Hebreo 10:22). Ang sumulat ng Hebreo ay sinasabi sa atin na lumapit sa Diyos na may isang tapat na puso puspos ng kasiguruhan ng pananampalataya. Kailangan din nating lumapit sa Kanya na may tunay na pusong may buong kasiguruhan sa pananampalataya sa magandang ebanghelyo.
Ngayon, ang mga Kristiyano ay tapat na umaasang makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang Banal na Espiritu ay nananahan lamang sa mga napatawad ng mga kasalanan. Marami ang di-nakakabatid nito at samakatuwid ay hangad na makamit ang Banal na Espiritu nang di-naniniwala sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Ang mga nananalig kay Jesus nguni’t di-nananalig sa Kanyang bautismo at sa Kanyang dugo sa Krus ay di-makakamit ang Banal na Espiritu. Ang dahilan ay dahil wala sila pusong dalisay.
Si Pablo ay nanalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus at samakatuwid ay nakamit ang Banal na Espiritu. Dagdag nito, pinalawig itong paniniwala at inusig dahil sa pagiging isang erehe. Nguni’t dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanyang puso, maaari niyang ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa kanyang hangganan. “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapakalakas sa akin” (Filipos 4:13). Salamat sa pananahan ng Banal na Espiritu, siya’y naglingkod sa Diyos at namuhay sa ilalim ng kalinga ng Banal na Espiritu hanggang siya’y umakyat sa Diyos. Tanging yaong may iisang pananampalataya tulad ng kay Pablo ang maaaring magtamo ng Banal na Espiritu.
Ating tignan ang pananampalataya ni Pablo. Sa Colosas 2:12 ay sinasabi, “na nangalibing na kalakip Niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay na kalakip Niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa Kaniya sa mga patay.” Siya’y napatawad sa lahat niyang kasalanan dahil sa pananalig kay Jesus, na nabautismuhan ni Juan.
 
 
Paano nabago ang Kristiyanismo mula ng mga naunang panahon?
 
Ngayon, ating tignan ang kapahayagan ng isang kapatid na babae na naging alagad matapos tamuhin ang Banal na Espiritu kay Jesu-Cristo.
“Ako’y tumatanda at hindi na maaring magkaanak, kaya upang makamit ang Kanyang pagpapala sa pamamagitan ng dasal ako’y nagpunta sa iba’t ibang iglesia. Kahit pa ako’y nag-iisa sa tahanan ako’y nananalangin para sa isang anak sa isa o dalawang oras at itong relihiyong palatandaan ay naging bahagi ng aking araw-araw na buhay.
Habang namumuhay sa ganitong makareliyosong buhay sa aking sarili, nakakilala ako ng isang matandang babae. Sinabi niya sa akin kung nais kung humiling sa Diyos para sa isang anak, dapat kong subukang matanggap ang dalangin ng pagpapatong ng mga kamay mula sa kanya. Narinig ko na itong babae ay isang mensahero ng Diyos at kaya hinayaan ko na ipatong ang kanyang mga kamay sa aking ulo. Sa pagkakataong iyon, naranasan ko ang bagay na hindi ko pa nararanasan dati. Ang aking dila ay nagsimulang bumaluktot at ako’y nagsasalita ng iba-ibang wika at ako’y nakaramdam ng kakaiba at mainit na enerhiya na humihila sa akin paitaas.
Naranasan ko ito na nangangahulugang natamo ko ang Banal na Espiritu at ito ang Kanyang kasagutan sa aking mga dasal. Ang babaeng nagpatong ng kanyang mga kamay sa akin ay animo’y may isang kaloob mula sa Banal na Espiritu at makapaghula at magpagaling. Kailanma’y hindi siya tumanggap ng aral mula sa mga salita ng Diyos, nguni’t sa paggamit ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, maraming mga pastor ang kanyang tinulungan at ang nakapag-aral ay tumangap ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
Mula noon, ako’y nagsimulang dumalo sa mga pagtitipon, isa sa mga ito ay tinatawag na “ 3 Renewal/Revival Movement.” Sa panahon ng aking pagdarasal sa ganitong pulong, ako’y nangatal sa buo kong katawan at ang aking puso ay nag-apoy sa pag-ibig sa Diyos at aking mga kapitbahay. Ito rin ang nangyari sa iba at ang ibang tao ay nawalan ng malay at pagsasalita sa mga wika. May mga taong nasaniban ng mga demonyo roon, at ang pinuno nitong pagpupulong ay nagpalayas ng mga demonyo. Ang layon nitong “Renewal/Revival Movement” ay upang tulungan ang tao na maranasan ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga bagay tulad ng pangangatal, paghuhula, pagpapalayas ng mga demonyo at pagsasalita ng mga wika. Nguni’t sa kabila ng lahat ng mga ito, ako’y may kasalanan pa rin, at ang mga kasalanan sa aking puso ay nagbigay takot at kahihiyan sa akin.
 
3Ang tunay na pagbabago ay isang natural at kailangang bahagi sa buhay ng Kristiyano, at ito’y nagdudulot ng espirituwal na paglago, sa katibayan ng bunga ng Espiritu. Nguni’t sa mga nakalipas na mga taon, ang ibang kilusan ay binago ang kahulugan ng “pagbabago” sa gayong paraan na ito’y hindi nagbibigay wangis sa espirituwal na kahustuhan ng isip sa prosesong inilarawan sa Kasulatan. Ang kanilang “pagbabago” na nagbubunga ng di-mapigil na mga damdamin, ang lahat ay paraan ng mga palatandaan, at ito’y sinasamahan ng “extra-biblikal” o hindi ayon sa Bibliang mga aral at mga gawa.
Ito ang iba sa mga suliraning aral at mga gawa na tinatag sa loob ng mga kontrobersyal na pagbabago at kilusang pagbabago: malabis na pagdidiin sa mga charismatic ng mga karanasang higit sa Kasulatan, mga maling aral, maling hula, maling mga tanda at mga kababalaghan, atbpa. Subali’t, ang pinaka-mapanganib na bagay nitong mga kilusan ay ang dahilang maraming tao ang di-naunawaan ang katotohanan ukol sa pagtanggap sa Banal na Espiritu at isinantabi ang magandang ebanghelyo.
 
Samakatuwid, sa tuwing ako’y magdarasal, ako’y taimtin na nagdarasal upang aking malutas ang suliranin ng kasalanan. Pinapahayag ko na ako’y nagkasala nguni’t ang tao’y kinikilala pa rin ako bilang isang anghel. Inakala kong taglay ko ang wastong pananalig, nguni’t ako’y nagkamali. Kung hindi ko nakilala ang aking kamalian, hindi ko marahil natamo ang Banal na Espiritu.
Matapos niyaon, nakilala ko ang mga nagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at tumanggap ng pagpapatawad sa lahat ng aking kasalanan dahil sa pananalig sa mga salita ng Diyos. Ngayon ako’y tunay na masaya. Nananalig ako sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagtamo ng Banal na Espiritu. Nagpapasalamat ako sa Diyos. Nawa lahat ng mga Kristiyano sa buong mundo ay dapat manalig sa magandang ebanghelyo at tanggapin ang pananahan ng Banal na Espiritu. Nagpapasalamat ako sa Panginoon.”
Dito ay matututunan natin na kung paano makakamit ang Banal na Espiritu, kailangan natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung nais mong mapatawad sa lahat ng iyong mga kasalanan, dapat kang magkaroon ng pananalig sa bautismo ni Juan kay Jesus. Ating tignan ang Efeso 4:5. “Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.” Dito’y sinasabi na iisa lang ang Panginoon at isang bautismo, na ating pinapanaligan. Tayong lahat ay dapat manalig sa bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus upang matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kung hindi, kung gayon ang Banal na Espiritu ay di-mananahan sa atin.
Minsan may mga taong nagturo at nanalig na ang “Sanctity and Purity Movement” ay tutulong sa kanila upang makamit ang Banal na Espiritu. Subali’t, sa tingin mo ba ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin kung tayo’y sasali sa gayong mga kilusan? Nakamit mo ba ang Banal na Espiritu dahil sa Sanctity and Purity Movement? Kung maaari, kung gayo’y ika’y magiging matalino upang panatilihin ang iyong pananampalataya. Nguni’t kung ang Banal na Espiritu ay dumating sa iyo dahilan nito, hindi na kailangan pang bumaba si Jesus at iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan at hindi na kailangan pa ang pagbautismo ni Juan ni ipako sa Krus.
Ang pagtanggap sa pananahan ng Banal na Espiritu ay isang handog mula sa pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo, na nagbigay ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan. Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay isang handog na ginawad sa mga nahugasan sa mga kasalanan at napatawad ng tunay na ebanghelyo.
Sa mga araw na ito, sa mga nagpalabis sa Renewa/Revival Movement, may mga naniniwala na ang mga nakapapagod na pagkumpisal ay makatutulong sa kanila na tanggapin ang Banal na Espiritu. Kanilang sinabi na bagaman ang isang tao ay may kasalanan sa kanyang puso, kung siya’y mangungumpisal, kung gayon kanyang matatamo ang Banal na Espiritu.
Ang Pentecostal-Charismatic Movement, na kumalat sa buong mundo, ay nagsimula sa Estados Unidos noong taon ng 1800. Itong kilusan ay dumating matapos ang “Industrial Revolution,” nang gumuho ang tuntuning moralidad. Narating ng kilusan ang kanyang kabantugan nang maraming puso ng tao ay napabayaan sanhi ng “Great Depression.” Mula sa panahong yaon, ang pananampalatayang batay sa mga salita ng Diyos ay nanghina at isang bagong kilusang relihiyon ay nagsimulang umusbong. Ito ay ang Pentecostal-Charismatic Movement na nilayong pisikal na maranasan ang Banal na Espiritu (Diyos) – nakikita ang mga gawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga mata at maranasan ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos sa katawan at isip.
Nguni’t isang nakamamatay na kapintasan nitong kilusan ay ang pagkilos ng mga mananampalataya palayo sa mga salita ng Diyos at nananatili bilang isang relihiyon na nagsisikap ng pangkatawang mga pagpapala. Sanhi nito, ang mga tagasunod nitong bagong kilusan ay naging tagapagtaguyod ng shamanismo. Maging ngayon, ang nagpakalabis ng kanilang mga sarili sa Pentecostal-Charismatic Movement ay naniniwala na ang sinumang may pananalig kay Jesus ay magiging mayaman, ang mga karamdama’y gagaling, siya’y sasagana sa lahat ng bagay, kanyang makakamit ang Banal na Espiritu at magsasalita ng mga wika at kapangyarihang magpagaling sa iba. Ang Pentecostal-Charismatic Movement ay kumalat sa buong mundo. Itong kilusan ay naging balakid sa pananampalataya ng tao sa magandang ebanghelyo at ang kanilang kakayahang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Ang kasalukuyang Kristiyanismong nagmula sa mga paniniwala ni Luther at Calvin halos 500 taong nakalipas. Nguni’t sa loob ng mga hangganan ng Kristiyanismo, ang biblikal na pag-aaral ng pananahan ng Banal na Espiritu ay di-matatag na nataguyod. Ang suliranin ay nagsimula sa modernong Kristiyanismo, karamihan sa mga Kristiyano ay nanalig kay Jesus nang di-nakikilala ang kahalagahan ng Kanyang bautismo at kamatayan sa Krus. Upang lalong lumubha, ang tao’y nagsimulang magsabi ng mga maling doktrina ng Kristiyanismo at idiniin ang pangkatawang mga karanasan lamang. Lahat ng mga Kristiyano ay dapat manalig sa magandang ebanghelyo na nagsasabing si Jesus ay binautismo ni Juan upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo at Siya’y pinako upang mahatulan para sa mga kasalanang yaon. Itong paniniwala ang tutulong upang makamit ang Banal na Espiritu.
Ngayon, ang dahilan na ang Kristiyanismo ay naging lubos na nawasak dahil ang tao’y nagiging mangmang sa katotohanan ng bautismo ni Jesus mula kay Juan at sa Kanyang dugo sa Krus. Sinasabi ni Jesus sa atin na alamin ang katotohanan. Ang pananalig sa bautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay nangangahulugan na ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kung nais mong makamit ang Banal na Espiritu, kung gayon ay dapat na manalig na noong bautismuhan ni Juan si Jesus, ang iyong mga kasalanan ay inilipat sa Kanya at ang Kanyang dugo ay ang hatol at kapatawaran para sa lahat ng iyong kasalanan. Kung gayon iyong makakamit ang Banal na Espiritu.
Maraming mga Kristiyano ang nanalig lamang sa dugo ni Jesus bilang ebanghelyo ng pagtutubos. Nguni’t yaon bang nanalig lamang sa Kanyang dugo ay mapapalaya mula sa kasalanan? Maari ba? Kung inaakala mong ito’y mangyayari nga, maaaring taglay mo lang ang walang-saysay na kaalaman sa tunay na kahulugan ng bautismo ni Jesus. Sa gayon mayroon pa ring kasalanan sa iyong puso. Kapag iyo lamang pinagsama ang bautismo at dugo ni Jesus bilang isang pananampalataya saka mo makakamit ang kaligtasan sa iyong mga kasalanan at tamuhin ang Banal na Espiritu. Sinasabi ng Biblia na ito lamang ang tunay na ebanghelyo na siyang tutulong sa atin upang magtagumpay sa sanlibutan. “Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa” (1 Juan 5:8). Samakatuwid, kailangan nating malaman, na sa Kanyang pagnanais na iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan, pinabautismo ng Diyos si Jesus mula kay Juan at ipinapako Siya sa Krus.
Ang dahilan bakit karamihan sa mga Kristiyano ay di-napatawad sa mga kasalanan sa kabila ng kanilang pananalig kay Jesus ay dahil hindi sila nananalig sa magandang ebanghelyo na tinupad ng bautismo ni Jesus mula kay Juan at sa Kanyang dugo sa Krus. Yaong nanalig sa dalawang bagay na ito ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan at ang Banal na Espiritu ay mananahan sa kanilang mga puso.
Nang mabatid ng tao na ang kanilang mga kasalanan ay nahugasan, ang kanilang mga puso ay naging mapayapa at nanagana tulad ng tahimik na tubig. Sa pasimula ng pananahan ng Banal na Espiritu sa puso ninuman, ang kapayaan tulad ng ilog na umaagos mula at tungo sa kanyang puso. Makikilala natin ang Panginoon dahil sa pananalig sa katotohanang ito at lumakad kasama ang Espiritu habang pinalalawig natin ang ebanghelyo ng pagkamit ng Banal na Espiritu. Ang ating mga puso kailanma’y hindi pa naranasan ang kapayapaang ito. Mula sa panahon na tayo’y magsimulang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ating mga buhay ay naging matiwasay at ang ating mga puso ay ganap na naging maligaya. Hindi tayo makalalayo mula sa magandang ebanghelyong ito. Ang Banal na Espiritu ay laging nasa ating mga puso, inuudyukan tayong palawigin ang Kanyang salita at itulot ang tao na manalig upang makamit ang Banal na Espiritu.
Dahil tayo’y nanalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus, tayo’y naging mapalad kasama ang Banal na Espiritu. Ngayon ay dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus upang makamit ang Banal na Espiritu. Mahalaga na ang tao sa buong mundo ay magsimula sa proseso ng pananalig sa salita ng Diyos na si Jesus ay binautismo ni Juan upang alisin lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan at Siya’y namatay sa Krus upang hatulan dahil sa kanilang mga kasalanan. Kapag kanila ngang ginawa, kanilang matatamo ang Banal na Espiritu.