(1 Juan 1:1-10)
“Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay. At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo’y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ang Ama at sa atin ay nahayag. Yaong aming nakita at narinig ay siya ring naming ibininabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin, oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa Kaniyang Anak na si Jesu-Cristo. At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos. At ito ang pagsabing aming narinig sa kaniya at sa inyo’y aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa Kaniya’y walang anomang kadiliman. Kung sinasabi nating tayo’y may pakikisama sa Kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan. Kung sinasabi nating tayo’y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan. Nguni’t kung tayo’y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na Kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. Kung sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.”
Ano ang isang kailangang-kailangan upang taglayin ang diwa ng pakikipisan sa Banal na Espiritu?
Una ay dapat nating malaman at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hugasan ang ating mga sarili sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya.
Kung nais mo ang pakikipisan ng Banal na Espiritu, una, dapat mong malaman na kahit ang isang maliit na kasalanan sa harap ng Panginoon ay magiging imposible ang pakikipisan. Maaaring isipin mo, ‘Paanong hindi magkakaroon ang isang tao kahit maliit na kasalanan sa harapan ng Panginoon?’ Nguni’t kung talagang hangad mo ang pakikipisan ng Panginoon kung gayon dapat walang kadiliman sa iyong puso. Samakatuwid, upang makipisan sa Panginoon, kailangan mong malaman na dapat kang manalig sa ebanghelyo ng pagtutubos at malinisan ang iyong sarili sa lahat ng kasalanan.
Kung talagang hangad mo ang pakikipisan ng Banal na Espiritu, kung gayon dapat mo munang malaman at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at linisan ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung hindi mo nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at hindi isasapuso, kung gayon hindi mo dapat isipin ang pakikipisan ng Panginoon. Ang pakikipisan ng Banal na Espiritu ay maaari lamang kung lahat ng iyong kasalanan ay inalis mula sa iyong puso sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Lahat ng kasalanan ay maaalis mula sa kaisipan ng tao sa pamamagitan ng katotohanan ng Kanyang tubig at ng Espiritu. Pagpapalain ka ng Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Espiritu kung ika’y manalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nais mo bang talaga ang pakikipisan ng Panginoon at ng Banal na Espiritu? Kung gayon dapat kilalanin ang iyong mga kasalanan at manalig sa magandang ebanghelyo upang malinisan ka sa iyong kasalanan. Matapos niyaon iyong makakamit ang tunay na pakikipisan ng Panginoon.
Kung nais mo ang pakikipisan ng Panginoon, dapat kang manalig sa bautismo ni Jesus na tinanggap mula kay Juan sa Ilog ng Jordan at manalig din sa Kanyang dugo sa Krus. Kung nais talaga ng tao ang pakikipisan ng Banal na Espiritu, kailangan nilang makilala ang Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay ang Tanging Banal. At samakatuwid Siya’y mananahan lamang sa mga nanalig sa magandang ebanghelyo.
Ating tignan ang isang pagtatapat mula sa taong ang mga kasalanan ay nalinisan dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, na ngayo’y taglay ang pakikipisan ng Banal na Espiritu.
“Maraming mga iba’t ibang tao dito sa mundo at bawa’t isa’y nabubuhay sa kanyang sariling mga kaisipan at mga pamamaraan. Isa ako sa tulad nila. Ako’y may isang ordinaryong buhay at mula sa aking pagkabata, sumunod ako sa aking ina sa iglesia at nangyaring ako’y nanalig sa Diyos. Ang aking ama ay isang di-naniniwala sa Diyos at kadalasa’y binabatikos ako sa aking mga paniniwala, nguni’t ang nalalabi sa aking pamilya ay kabilang na sa iglesia. Ang pagpunta sa iglesia ay isang malaking bahagi ng aking buhay.
Subali’t, sa aking kabataan, ang aking ama nakaratay sa higaan, maraming mga kaisipan ukol sa gayong mga bagay tulad ng buhay at kamatayan, Langit at Impiyerno ang dumating sa akin. Karamihan sa tao ay nagsabi na kung ako’y nanalig sa Diyos ako’y makakarating sa Langit at magiging Kanyang anak nguni’t hindi ako natitiyak dito. Hindi ako nakasisiguro na ako’y magiging Kanyang anak. Aking natutunan na kung ako’y nakagawa ng mabuti sa lupa ako’y makapapasok sa Langit at kaya’t aking sinikap na gumawa ng mabuti sa nangangailangan.
Nguni’t sa kabilang dako ng aking puso, nalalaman kong ako’y nagkasala. Maaaring mukha akong mabuting tao sa iba nguni’t ramdam ang aking mga kasalanan. Sa panahong iyon, naging ugali ko ang dumalo sa iglesia at magdasal, ‘Hayaan po Ninyo akong maging Iyong anak. Ituro Ninyo sa aking ang katotohanan.’ Habang nananalanging, nabuo sa aking puso ang isang bagong pagnanais. Sa tuwing ako’y makikinig sa mga aral ng Kanyang mga salita, hindi ko maunawaan ni makita ang mga salita. Ako’y napagod sa kawalan ng aking buhay, aking kasalanan, kamatayan, atbpa.
Naisip ang tulad ng, ‘Nais kong isilang na muli. Kung ako’y maisisilang na muli hindi ako mabubuhay ng ganito.’ Nguni’t sa kabila nitong mga pag-iisip ako’y hindi na gaanong nagtutungo sa iglesia at ang taon ng aking kabataan ay lumipas na. Kailangan ko ngayon ang humanap ng trabaho nguni’t higit na mahirap kaysa sa aking akala. Ako’y lalong nagulumihanan at anuman ang aking pagsisikap, hindi ako makangiti. Nakikita sa aking sarili ang kawalan ng puso, ako’y namighati. Sa panahong yaon, narinig ko ang ebanghelyo mula sa aking nakatatandang kapatid.
“Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawang mula sa harapan ng Panginoon” (Mga Gawa 3:19). Ito ang tumpak na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Lahat ng aking natutunan sa naunang mga pagpupulong iglesia na si Jesus ay namatay sa Krus para sa ating mga kasalanan. Nguni’t itong ebanghelyo ay sinabi sa akin na si Jesus ay binautismo ni Juan Bautista upang alisin ang ating mga kasalanan at nahatulan para sa ating mga kasalanan sa Krus.
Buong buhay ko ang pagdalo ko sa iglesia at kailangan kong ikunwari na ako’y anak ng Diyos nguni’t ako nabigo. Kailangan kong sikapin na unawain ang kahulugan ng Kanyang mga salita nguni’t ako’y nabigo. Subali’t, matapos kong marinig ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu an nanalig dito, ang kasalanan sa akin at lahat ng bagay na nagpahirap sa akin ay naglaho at ang aking puso ay naging mapayapa.
Inakala ko na kung ako’y masayang mananalig lamang sa Diyos at lagi-laging magtungo sa iglesia, ako’y makakarating sa Langit. Nguni’t sinugo ng Diyos sa akin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang aking mga kasalanan ay napatawad. Binigay Niya sa akin ang Banal na Espiritu bilang handog. Bago ko makamit ang Kanyang pagtutubos, hindi ko nalalaman ang ukol sa Banal na Espiritu ni ang patungkol sa pagsasalita ng mga wika. Dumadalo lamang ako sa iglesia at nananalig na kung ako’y mataimtim na namumuhay at naglingkod sa iglesia, ako’y pagpapalain ng Diyos. Nguni’t aking nabatid na aking makakamit lang ang Banal na Espiritu kung ang aking mga kasalanan ay napatawad sa pamamagitan ng magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sa aking dating buhay, ako’y nasa kasalanan pa rin kahit ako’y naniniwala sa Diyos. At ako’y nabubuhay na malamig, hindi nalalaman ang kahalagahan ng pagtanggap sa Banal na Espiritu. Nguni’t dahil sa Kanyang lingkod, siyang nangaral ng magandang ebanghelyo ayon sa Biblia, ako’y nanalig at nakilala na ang Banal na Espiritu ay nananahan din sa akin.
Matapos matamo ang pagtubos, sa una’y hindi ako mapaniwala na ang Banal na Espiritu ay nasa akin o hindi. Nguni’t ako’y patuloy sa pag-aaral ng Kanyang mga salita at nabatid na sa aking puso ay may isang bagong pananalig na namumkadkad at aking nakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Totoo, at ako’y naniwala na ang Banal na Espiritu nga ay nananahan sa akin! Nang patawarin Niya ang aking mga kasalanan, nalalaman na yaon lang napatawad ng kasalanan ang magiging anak ng Diyos at matatamo ang Banal na Espiritu.
At nalaman ko rin na ang aking mga pagsisikap upang maging ganap sa Kanyang paningin o ganap na mamuhay ay di-magtutulot sa akin na makamit ang Banal na Espiritu. Ang Diyos ay lumalapit sa kanila na nakakaalam na sila’y mga makasalanan at di-nalalaman ang gagawin ukol dito. Kanyang kinikilala ang mga masigasig na naghahanap at nangangailangan sa Kanya.
Hinayaan niyang makita ko na ang paggawa ng mabuti at pananalig sa Diyos na walang-ingat na nang-iwan ay di-magdadala sa akin sa Langit at si Jesu-Cristo ay naparito sa mundo upang iligtas ako sa aking mga kasalanan sanhi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Binigay Niya sa aking Banal na Espiritu upang manahan sa akin magpakailanman.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ginawa akong Kanyang anak at pinagpala ako sa pananahan ng Banal na Espiritu. Kung hindi sa Panginoon, taglay ko pa rin ang kasalanan sa aking puso at mahahatulan sa walang-hanggang pagkabilanggo sa Impiyerno.”
Gayon din, ako’y nanalig lang sa dugo sa Krus at di-makakamit ang Banal na Espiritu kahit pa ninanais ko. Sa panayong yaon, nanalig ako kay Jesus nguni’t taglay ang kasalanan sa aking puso na siyang pumigil sa akin na makamit ang Banal na Espiritu sa aking puso. Hindi makakamit ng makasalanan ang Banal na Espiritu sa kanyang puso. Nguni’t, gayunman, maraming mga makasalanan ang nagsisikap na makamit ang Banal na Espiritu kahit pa ang kanilang mga puso ay puno ng kasalanan.
Kung talagang nais mong makamit ang Banal na Espiritu at ang pakikipisan Niya, kailangan mong manalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at makamit ang pagtutubos. Ikaw ba’y makasalanan pa rin? Kung gayon iyong maririnig ang tunay na ebanghelyo mula sa mga nagkamit na ng Banal na Espiritu. Ang mga nagnanais ng pakikipisan ng Banal na Espiritu ay dapat magkaroon ng pusong uhaw at magtiwala sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Tanging mga matuwid ang makaririnig ng mga salita ng Banal na Espiritu sa pamaam ng iglesia. Maaari silang mamuhay sa pakikinig ng magandang ebanghelyo nguni’t ang mga makasalanan ay namumuhay sa sumpa at patungong sa Impiyerno nang di-naririnig ang ebanghelyo.
Samakatuwid, dapat mong malaman ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bakit kailangan mong maniwala sa ebanghelyo? Ito’y kailangan upang makatakas sa relihiyon ng kautusan at itatag ang iyong pananalig sa magandang ebanghelyong batay sa mga salita ng Diyos. Ang mga alagad ni Jesus ay tumalima sa magandang ebanghelyo at ito’y taglay na ng mga nagkamit ng Banal na Espiritu. Ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay katulad din ng mga sinunod ng mga apostol sa pasimula ng naunang iglesia. Lahat ng mga Kristiyano ay dapat tanggapin ang Banal na Espiritu. Saka lamang sila magiging mga anak ng Diyos.
Yaong hindi pa rin nananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay maaaring may kasalanan pa sa kanilang mga puso. Hindi sila maaaring makipisan sa Banal na Espiritu. Upang magkaroon ng pakikipisan Niya, kailangan muna nilang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Diyos sa kanila at tanggapin ang Banal na Espiritu.
Maraming beses na binanggit ng Biblia ang ukol sa Banal na Espiritu
Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay nagsimula matapos ang pagkabuhay muli ni Jesus. Ngayon na ang araw ng kaligtasan at ngayon na ang Kanyang walang-hanggang biyaya. Nguni’t tiyak na kasawian-palad kung hindi makakamit ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at mamuhay ng wala ang pakikipisan ng Banal na Espiritu.
Taglay mo ba ang pakikipisan ng Banal na Espiritu? Ikaw ba’y pinipigilang makamit ang pakikipisan ng Banal na Espiritu dahil sa iyong mga kasalanan? Kung gayon iyong pag-aralan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Diyos at manalig dito. Kung ika’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Banal na Espiritu ay mananahan sa iyong puso at iyong magiging kasama. Ang Banal na Espiritu ay nananahan lamang sa mga puso ng mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Madalas ihayag ng Banal na Espiritu ang Kanyang kalooban sa mga puso ng matuwid. Ang ministeryo ni Pablo sa Banal na Espiritu ay upang palawigin ang ebanghelyo.
Paano mo makikilala ang isang taong nagkamit ng Banal na Espiritu? Ano ang panukat? Ang panukat ay kung siya’y nananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu o hindi. Kung ang tao’y nalalaman at nananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon siya’y isang taong taglay ang Banal na Espiritu.
Ang Banal na Espiritu ay di-nananahan sa mga di-taglay ang magandang ebanghelyo. Ang Banal na Espiritu ay nananahan lamang sa mga nanalig sa kapatawaran ng kasalanan na nagmula sa bautismong tinanggap mula kay Juan at sa Kanyang dugo sa Krus. Nais mo bang makamitan ang pakikipisan ng Banal na Espiritu?
Alam mo ba kung anong uri ng ebanghelyo ang iyong kailangan upang maunawaan ang pagtanggap ng Banal na Espiritu at kamtan ang Kanyang pakikipisan? Ang magandang ebanghelyo ay makikita sa pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Kung hindi ka nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang iyong mga kasalanan ay di-mapapatawad at samakatuwid ang Banal na Espiritu ay di-mananahan sa iyo. Hangad ng Banal na Espiritu na ang tao’y dapat na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang makamit Siya.
Ang Banal na Espiritu ay di-nananahan sa mga puso ng mga makasalanan. Kung nais mong makamit ang Banal na Espiritu, dapat ka munang manalig sa magandang ebanghelyo upang mahugasan sa lahat ng iyong kasalanan. Gayon din, kung nais mo ang pakikipisan ng Banal na Espiritu, kailangan kang maging tapat sa pangangaral ng magandang ebanghelyo. Kung nais mong pangunahan ka ng Banal na Espiritu, dapat lagi mong ibigin ang magandang ebanghelyo at tangkahing palawigin ito saan man paroon. Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa mga nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay binibigay lamang sa mga matuwid, yaong nanalig sa magandang ebanghelyo. Tanging mga matuwid, yaong nanalig sa magandang ebanghelyo, ang magkakamit ng pakikipisan ng Banal na Espiritu. Ang magandang ebanghelyo na sinang-ayunan ng Banal na Espiritu ay ang ebanghelyong tinupad ni Jesus sa pagbautismo ni Juan at sa Kanyang dugo (1 Juan 5:3-7).
Si Pablo’y nanalig din sa magandang ebanghelyo at sinabing, “Na sa ayon ng tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo” (1 Pedro 3:21). Sa Biblia, ang “tubig” ay madalas ipakahulugan bilang bautismo na tinanggap ni Jesus mula kay Juan Bautista.
Ang mga maaaring magkamit ng Banal na Espiritu ay nakamit ang pagtutubos sa pamamagitan ng magandang ebanghelyo at malaya sa lahat ng kasalanan. Ang mga nanalig sa magandang ebanghelyo ay maaaring sambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan sa pamamagitan ng pangunguna ng Espiritu (Juan 4:23). Tinutulungan ng Banal na Espiritu ang mga matuwid mamuhay ng puspos ng Banal na Espiritu. Yaong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay maaring mamuhay magpakailanman sa pagpupuri sa Panginoon. Tinitiyak ng Banal na Espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos. Maaari tayong mamuhay magpakailanman kasama ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang Banal na Espiritu.
Ang Banal na Espiritu ay di-taglay ang pakikipisan sa mga naglilinlang sa sarili
Sinabi ng Banal na Espiritu sa mga makasalanan sa 1 Juan 1:8, “Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin.” Ang Banal na Espiritu ay di maaaring manahan sa mga naglinlang sa kanilang mga sarili. Mahigpit na kinagalitan ng Banal na Espiritu ang mga makasalanan, sinasabing, “Bakit hindi ka nanalig sa magandang ebanghelyong tinupad sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo?”
Ating tignan ang pahayag ng isang Kristiyanong isinilang na muli na nanalig muna na kanyang nakamit ag Banal na Espiritu na wala ang katibayan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Siya ngayon ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at taglay ang Banal na Espiritu. Dito, dapat nating idiin kung kanino nananahan ang Banal na Espiritu.
“Ang Diyos ay nagsimulang manirahan sa aking puso nang aking nabatid ang dahilan na aking buhay dito sa lupa. Sa pagtingin sa aking sarili, wari ko na ang aking kahinaang mamuhay dito sa mundong marahas lang ay naging paghahangad sa Diyos. Hindi ko hinanap ang Diyos nguni’t sadyang tinanggap ko na may dahil Siya’y di-nakikita, nguni’t Siya’y naroroon. Oo ako’y nagtanong sa aking sarili, “Mayroon ba talagang Diyos?” nguni’t kahit pa ang pag-iisip nito ay nagbibigay takot sa akin dahil ako’y matibay na nananalig na Siya ang Lumikha ng lahat.
Yaong mga tumanggi sa Diyos ay waring mga hangal, nguni’t sa ibang paraan ay higit na makapangyarihan sa akin. Wari mo’y magagawa nila ang anumang bagay sa kanilang sarili at sa kabilang dako ako’y nagmumukhang mangmang. Nguni’t dahil ako’y umaasa sa buhay matapos ang kamatayan, ako’y tumitingala sa Diyos nang mga lubos na paggalang. Ako’y nagtataka kung ang Langit ay isang lugar para sa taong tulad ko na laging kapos. At ang katanungan iyan ang nagtulak sa akin ng matimtimang paghangad sa Makalangit na Paraiso.
Ang aking mga magulang ay humahamak sa taong may relihiyon at ang aking mga kapatid ay nagtutungo sa iglesia na walang debosyon. Inakala nila na ang aking debosyon sa iglesia di maglaon ay mawawala kaya hindi nila ako pinigilan sa pagdalaw sa iglesia hanggang ako’y nakarating sa ikalawang pag-aaral. Kaya ako’y palipat-lipat ng iglesia at sa huli’y nagtungo sa isang maliit na iglesia malapit sa aming tahanan hanggang makarating ako sa kolehiyo.
Ang dahilan ng pagpili sa pagdalo sa iglesiang ito dahil ito ay lugar na idinidiin ang ebanghelyo. Ang pastor ng iglesia ay isang “evangelical revivalist” na animo’y walang magagawa na maaaring sumuway sa mga salita ng Biblia. May mga dahilan ako upang mamuhay ng mataimtim, bagaman ako’y balisa at sinisiil sa aking mga pag-aaral.
Ang dahilan nang tawagin ng mga tao ang aking kapwa-miyembro sa iglesia bilang mga pagano, naniniwala ako na ang aking iglesia at tama at ako’y tiyak na patungong Langit. Ang katiyakang iyan ay batay sa ebanghelyo. Kanilang sinabi na ang mga makasalanan ay di-makakapapasok sa mga pintuan ng Langit nguni’t ang mga tao sa ibang iglesia ay sinabi rin na ang kanilang mga puso ay puno ng kasalanan. Nanalig din ako na ang tao sa aming iglesia ay mga makasalanan bago ako maging kabilang sa iglesia, kaya hindi gaano pinansin ang kanilang pagpupuna.
Nguni’t yaong mga tinatawag na “evangelical revivalist” ay kaiba sa aking naranasan noon. Kanilang sinabi na kung kami’y maniniwala kay Jesus sa tamang paraan, kami’y walang mga kasalanan. At yaon lamang mga walang kasalanan ang makararating sa Langit. Kanila ring sinabi na dinala ni Jesus ang hustisya sa Krus at samakatuwid ay di mga makasalanan kundi mga matuwid. Sa simula ako’y di-naniwala rito, nguni’t nang mapagisip-isip, ito’y may saysay. Bata pa ako noon at inakala na upang makapasok sa Langit, pahihintulutan lamang ako ng Diyos kung ako’y walang kasalanan, dahil namumuhi ang Diyos sa kasalanan.
Itong iglesia ay may kakaibang mga paniniwala na aking natutunan noon at ang ritwal ng pagsamba ay may maliit na kaibhan din. Nguni’t dahil ang Langit ay isang lugar kung saan ang mga iilang napili ang makapapasok, waring ginamit ng mga taong ito ang tamang mga paniniwala. Dahil idiniin ng iglesia na ang laman at dugo ni Jesus, bawa’t Linggo kami’y kumakain ng tinapay at umiinom ng alak. Dahil ang seremonyang ito ay batay sa mga salita ng Biblia, at aking tinanggap ito. Nguni’t ilang sandali aking nalaman na ang tao’y nakikibahagi ng walang kaunawaan sa tamang kahulugan nito.
Naniniwala ako na ang Banal na Espiritu ay nanahan sa mga puso ng mga mananampalataya at sa mga puso ng mga matuwid at Kanyang dininig lahat ng kanilang mga dasal. Kaya ako’y naniniwala na ang Banal na Espiritu ay nananahan sa akin. Ako’y lubos na nakatitiyak na kasama ko ang Diyos at hindi nag-alinlangan sa ebanghelyo. Kapag sa aking paghihirap, aking kinakausap ang Diyos na waring Siya’y nasa aking tabi. Naniniwala akong Siya’y nakikinig sa akin kapag aking sinasabi ang mga bagay na hindi ko masabi sa iba. Ako’y nagtiwala sa Kanya at umaasa sa Kanya.
Hindi ko nauunawaan ang mga tunog sa mga revival na pagpupulong upang magsalita ng mga wika at ako’y napapatawa sa mga dumadalo sa mga pagpupulong ng pag-aayuno. Sa gayong mga pagsisikap inakala ko, ‘Bakit sila nagpupuntahan sa gayong mga walang-saysay na pagsisikap upang makamit ang Banal na Espiritu? Ang Banal na Espiritu ay bumababa lamang kung sila’y walang mga kasalanan. Tiyak na sila’y mga makasalanan. Hindi Siya bababa sa ganitong mga pagsisikap.’ Ako’y naaawa sa kanila. Inakala ko sila’y mga mangmang. Nguni’t dahil dito, nalaman ko na ang aking paniniwala sa ebanghelyo ay pinamahala at lahat ng paniniwala ng iba ay isang kasinungalingan.
Ang aking pusong mapang-ibabaw ay narating ang rurok. Sa loob ng sampung taon ako’y namuhay mag-isa sa aking relihiyosong buhay. Nguni’t sa paglipas ng panahon ang mga katanungan ay nagsimulang umusbong sa aking isipan at sa aking puso. Inakala ko, ‘Ako’y walang kasalanan sanhi ng ebanghelyo ng dugo sa Krus, maging ang mga ibang mananama ay walang mga kasalanan din? Nananalig din ba sila sa ebanghelyong ito? Hindi ko alam kung bakit nagsimula ang mga katanungang ito. Bigla na lang dumating ang mga tanong na ito sa aking isipan at hindi na muling makapagtanong. Ito’y isang personal na paniniwala at hindi dapat suwayin. At ito’y isang magaspang na katanungan kung itatanong sa iba.
Nguni’t ako’y nagsimulang magtanong sa aking sarili. Habang ako’y nasa kolehiyo, nagsimula kong gawin ang mga bagay na pinagbabawal ng relihiyon at ang aking puso ay nadimlan at ang aking mga paniniwala ay nagsimulang lumiliit. Hindi na ako nakasisiguro sa aking mga paniniwala. ‘Maaari ko bang tawaging matuwid ang aking sarili? Nilinis nga ba ni Jesus ang lahat kong kasalanan?’ Sa gitna nitong kalituhan, pinilit ko ang aking sarili na isipin ang ebanghelyo ng Krus at tinanim ito sa aking sarili. Nguni’t pag lalo kong dinidiin sa aking sarili, lalo akong naliligaw at hindi na muling dumalo sa iglesia. Ginagamit ko ang ibang dahilan upang makaiwas.
Sa gitna lahat nitong mga kalituhan at kaguluhan, sa wakas aking nakilala ang katotohanan. Narinig ko ang ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at dumama sa akin tulad ng isang kidlat. Lubos kong nakilala at naramdamang umiiyak. Nguni’t sa pakikinig sa ebanghelyo, dapat kong aminin na lahat ng aking natutunan noon ay pawang mga kamalian.
Hindi ko pa nailipat ang aking mga kasalanan kay Jesus. Hindi tiyak ang paniniwala na Kanyang inalis ang aking mga kasalanan at ako’y walang kasalanan, nguni’t hindi ito ang pangyayari. Bakit naparito si Jesus para bautismuhan? Dahil nais Niyang ipakita sa atin na Siya’y kasing-amo ng isang tupa? Upang patunayang Siya’y naparito bilang isang tao? O upang ihula ang Kanyang di-maiiwasang kamatayan? Hindi ko pinangarap na anumang walang-saysay na kaalaman ng bautismo ay gayon ang kahalagahan. Ang katotohanan na si Jesus ay binautismo ni Juan, ang kinatawan ng buong sangkatauhan, at sa bautismo, lahat ng ating kasalanan ay inilipat sa Kanya.
‘Oh! Iyan ang dahilan bakit si Jesus ay naging Cordero ng Diyos na nagpasan ng ating mga kasalanan!’ ngayon ang lahat ay may saysay. ‘Si Jesus ay nahatulan para sa aking mga kasalanan sa Krus. Kaya ako’y walang kasalanan sa aking puso.’ Nang makilala ko ang ebanghelyo ng tubig (bautismo ni Jesus), dugo (ang Krus), at ang Banal na Espiritu (si Jesus ay Diyos), ang mga kasalanan aking naramdaman sa aking puso ay naglaho.
Ngayon ako’y tunay na walang kasalanan at matuwid at ang Banal na Espiritu ay talagang nananahan sa aking puso. Ang paniniwala sa Krus ay hindi sapat upang linisin ang aking mga kasalanan na nasa aking puso. Kung hindi mo lubos na nalalaman kung paano inilipat ang iyong mga kasalanan kay Jesus, ang iyong mga kasalanan ay di-mapapatawad at ang Banal na Espiritu ay di-mananahan sa iyo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon. Aking natanggap ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng magandang ebanghelyo.
Nang walang kahirap-hirap, ako’y napatawad sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang Banal na Espiritu ay nanahan ngayon sa akin at magpakailanman. Ngayon, buong karangalan kong matatawag ang aking sarili na walang kasalanan at marangal na masasabing ang Kaharian ng Langit ay akin. Sa pagkakataong ito ay pinasasalamatan ko ang Panginoon sa pagbibigay sa akin ng gayong pagpapala ng walang bayad. Aleluiah!”
Yaong nagkamit ng Banal na Espiritu ay masasabi na sila’y walang kasalanan sa harapan ng Diyos. Gaano man ang haba ng pagkakakilala kay Jesus, kung hindi ka nananalig sa magandang ebanghelyo na binigay ng Diyos sa atin, tiyak na may kasalanan sa iyong puso. Ang tulad niyaon ay dinadaya ang kanilang mga sarili maging sa Diyos. Hindi kilala ng mga taong ito ang Panginoon. Kung ang isang makasalanan ay hangad ang pakikipisan ng Banal na Espiritu, kailangan muna niyang itigil ang paglilinlang sa sarili at ihayag na siya’y makasalanan. Saka lang siya mababagay na manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaong mga nanalig nitong magandang ebanghelyo ay nararapat na makamit ang Banal na Espiritu.
Ano ang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga makasalanan? Kanyang pinayo sa kanila na kamtin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyong natupad sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Kung iyong sinasabi na ika’y hindi makasalanan gayong ika’y nagkasala, hindi mo makakamit ang Banal na Espiritu. Yaong di-nananalig sa magandang ebanghelyo at sinabi na sila’y di-nagkasala ay dinadaya ang Diyos ang kanilang sarili. Ang mga makasalanan ay dapat malaman ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at kamtin ang Banal na Espiritu. Saka lang sila mapapalaya mula sa matinding hatol ng Diyos.
Ang matuwid ay makakamtan ang pakikipisan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paghahayag ng kanilang mga kasalanan
Ako’y nagsasalita sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa gayon, ay nakamit ang Banal na Espiritu. Ating tignan ang sinabi ng Diyos sa mga matuwid. Sa Juan 1:9 ay sinabi, “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatwarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” Ang ibig sabihin ng talatang ito na maaari nating linisin ang ating mga kasalanan mula sa ating maruruming mga puso sa pamamagitan pagpapaalala sa ating mga sarili at manalig sa ebanghelyo na nagsasabing kinuha ni Jesus lahat ng ating kasalanan nang Siya’y bautismuhan sa pamamagitan ng pagpapako. Saka lang nila makakamit ang pakikipisan ng Banal na Espiritu. Dapat ihayag ng matuwid ang kanilang mga kasalanan at patuloy na manalig sa ebanghelyo.
Noong matagal na panahon, ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ay nilinis lahat ng ating kasalanan at samakatuwid, ang matuwid ay dapat na manalig nitong ebanghelyo at mapalaya mula sa lahat nilang kasalanan. Napatawad na ng Panginoon lahat ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang matuwid ay dapat na manalig sa ebanghelyo upang mapalaya mula sa kanilang kasalanan. Ang matuwid ay dalisayin ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nang sila’y madungisan ng kanilang mga kasalanan.
Matagal ng nilinis ng Panginoon lahat ng kasalanan ng mga matuwid sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo. Samakatuwid, yaong nanalig ay tunay na napalaya sa lahat ng kanilang kasalanan. Subali’t, ang matuwid ay dapat ihayag at aminin ang kanilang kasalanan sa harapan ng Diyos. At pagkatapos ang matuwid ay dapat magbalik sa pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo, na nilalaman ng ebanghelyo, upang mapalaya sa lahat nilang kasalanan. Samakatuwid, sila’y laging mamumuhay na sariwa kasama ang Banal na Espiritu. Sila na titingin sa Panginoon na di-kinikilala ang kanilang kahinaan ay makakamit ang tunay na pakikipisan sa Diyos salamat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Paano natin mararating ang tunay na pakikipisan ng Banal na Espiritu?
Maraming tao ang nagnais na makipisan sa Banal na Espiritu. Nguni’t di-nalalaman kung paano mangyari ang hangarin niya, bagaman sila’y naniniwala kay Jesus. Lahat ng tao’y nakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at nagsimula ang pakikipisan ng Banal na Espiritu magmula sa panahong ito.
Gayon din, ang tanging paraan upang makamit ang pakikipisan ng Banal na Espiritu ay ang malaman at manalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pakikipisan sa pagitan ng matuwid at ang Banal na Espiritu ay di-makakamit kung wala ang tunay na ebanghelyo. Ano naman ukol sa Banal na Espiritu? Ito’y posible lamang sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan ng magandang ebanghelyo.
Sinabi ng Diyos na ang tao’y nagkakasala sa buong buhay nila
Sa 1 Juan 1:10 ay sinasabi, “Kung sinasabi nating tayo’y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.” Wala ni isa ang di-nagkasala sa harap ng Diyos. Maging sa Biblia ay sinabi, “Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala” (Eclesiastes 7:20). Lahat ng tao ay nagkasala sa Diyos. Ang sinumang nagsabi na siya’y di-nagkasala, siya’y isang sinungaling. Ang tao’y nagkasasala hanggang sa kanyang kamatayan at kaya si Jesus ay binautismo ni Juan upang pasanin lahat ng kanilang kasalanan. Kung hindi tayo nagkakasala, kung gayon hindi na kailangan pa ang Diyos bilang ating Tagapagligtas.
Sinabi ng Panginoon, “Ang Aking salita ay wala sa iyo” sa mga nag-aakalang wala silang kasalanan. Kung ang tao ay walang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon nararapat siya sa kapahamakan. Kung ang matuwid o isang makasalanan ay sinasabi na siya’y di-nagkasala sa harap ng Diyos, kung gayon di-nararapat sa kanya ang ebanghelyo.
Binigay ng Panginoon sa lahat ang kahanga-hangang handog ng ebanghelyo. Ipinahayag natin lahat ng ating kasalanan at nagsisi upang makamit ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo. Maaari tayong magbalik sa ebanghelyo na ginawa ng Diyos sa atin bilang kapatawaran sa ating mga kasalanan at nanalig upang makamit ang pakikipisan ng Banal na Espiritu. Ang tunay na pakikipisan ng Banal na Espiritu ay nasa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at tanging nagtataglay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang maaaring magkamit ng pakikipisan ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay malayo sa Diyos dahil sa mga kasalanang namana mula kay Adan at Eba. Nguni’t ngayon tayo, na nagmana ng binhi ng kasalanan, ay makatitingin sa pakikipisan ng Diyos muli. Upang mangyari yaon, dapat tayong magbalik sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ni Jesu-Cristo at mapatawad sa ating mga kasalanang nagpalayo sa atin mula sa Diyos.
Yaong nanalig sa ebanghelyo ay maliligtas sa lahat nilang kasalanan at ang Diyos pupuspusin sila ng Banal na Espiritu. Ang matuwid ay makakamit ang pakikipisan ng Diyos, dahil kanilang tinanggap ang Banal na Espiritu. Samakatuwid, yaong mga napalayo mula sa Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan ay dapat magbalik sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at manalig. Saka lang sila magsisimulang taglayin ang tunay na pakikipisan Niya.
Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dumarating sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo. Dapat nating malaman na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dumarating lamang sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pananalig sa ebanghelyo ay lumikha ng bagong daan tungo sa Diyos. Binuwag ng Panginoon ang pader na naghihiwalay sa atin mula sa Kanya dahil sa orihinal na kasalanan at mga kasalanan, at tinulot tayo na makamit ang pakikipisan ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat nating itatag muli ang pakikipisan ng Banal na Espiritu. Ang tunay na pakikipisan sa Banal na Espiritu ay makakamtan sa pamamagitan ng pag-unawa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang pagtalima sa pananampalataya. Ang pakikipisan sa Banal na Espiritu ay nangyayari nang tayo’y magkaroon ng pananalig sa katotohanan na ang kapatawaran ng ating mga kasalanan ay dumating mula sa magandang ebanghelyo. Sila na hindi napatawad sa kanilang mga kasalanan ay di-makakamit ang pakikipisan ng Banal na Espiritu. Sa ibang salita, wala ni isa ang makakamit ang pakikipisan ng Banal na Espiritu kung walang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kung mahirap para sa iyo na magkaroon ng pakikipisan ng Banal na Espiritu, kung gayon dapat mo munang aminin na hindi ka nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang iyong mga kasalanan ay di napatawad. Nais mo bang makamit ang pakikipisang ng Banal na Espiritu? Kung gayon manalig sa ebanghelyo na naganap sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Saka mo lamang mapapatawad sa lahat ng iyong kasalanan at bilang isang gantimpala makakamit ang Banal na Espiritu sa iyong puso. Itong magandang ebanghelyo ay tiyak na magagawad sa iyo ng pakikipisan ng Banal na Espiritu.