• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-6] Manalig ng gayon na ang Banal na Espiritu ay nananahan sa iyo (Mateo 25:1-12)

2021.04.11 33
(Mateo 25:1-12)
“Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sampung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis. Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, ‘Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.’ Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, ‘Bigyan ninyo kami ng inyong langis, sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan.’ Datapuwa’t nagsisagot ang mga matatalino, na nangagsasabi, ‘Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo, magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsilbi kayo ng ganang inyo.’ At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake, at ang mga nahahanday ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan, at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, nagsisipagsabi, ‘Panginoon, Panginoon, buksan Mo kami.’ Datapuwa’t sumagot Siya at sinabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi Ko kayo nangakikilala.’”
 
 
Kanino bumababa ang Banal na Espiritu ?
Siya’y bumababa sa mga napatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesus.
 

Sino ang inilalarawan ng mga dalaga na may pananahan ng Banal na Espiritu?
 
Sa mga talata, may mga limang matalinong dalaga at limang mangmang. Ang limang mangmang ay humingi sa limang matatalino ng bahagi ng kanilang langis. Nguni’t sinabi ng mga matatalino sa mga mangmang, “Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo, magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsilbi kayo ng ganang inyo.” Kaya habang ang mga mangmang ay bumibili, ang limang matatalinong dalaga na may langis sa kanilang mga ilawan ay pumasok sa kasalang piging. Paano kung gayon tayo makapaghahanda ng langis para sa Panginoon? Ang tanging bagay na kailangan natin ay maghintay sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanan ng ating mga puso.
Makikita nating ang dalawang uri ng pananalig sa tao. Isa ay ang pananalig sa ebanghelyo ng kapatawaran ng mga kasalanan. Ito’y maghahatid sa pagtanggap ng Banal na Espiritu. Ang isa ay ang pagiging matapat sa sariling relihiyon – hindi mahalaga kung napatawad ng Panginoon ang mga kasalanan.
Sa mga matapat sa kanilang sariling mga doktrina, ang ebanghelyo ay nananatiling pabigat. Tulad ng mga mangmang na dalaga na bumili ng langis nang parating na ang lalaking ikakasal, ang mga lumipat mula sa isang tahanan ng pagsamba sa iba umaasang makamit ang Banal na Espiritu ay walang dinadaya kundi ang kanilang mga sarili. Ang gayong tao’y mangmang sa katotohanang kailangan taglayin nila ang ebanghelyo sa kanilang mga puso bago ang Araw ng Paghuhukom. Hinangad nilang makamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapasikat sa Diyos sa kanilang sigasig. Makikita natin ang pahayag ng isang diakono na gumawa ng maraming pagsisikap upang makamit ang Banal na Espiritu. Ang kanyang kapahayagan ay malaking tulong sa inyo.
“Ginawa ko ang lahat upang makamit ang Banal na Espiritu. Akala ko kung aking iaalay ang aking sariling pananalig, aking makakamit ang Banal na Espiritu at kaya ako’y palipat-lipat ng iglesia. Ang mga tao dito sa isang bahay dalanginan ay nagpatugtog ng piano at drum bilang bahagi ng pagsamba. Ang pastor na nagpatawag ng pagpupulong ay tinawag isa-isa yaong nagnais na makamit ang Banal na Espiritu at sa pagpatong ng kanyang kamay sa noo ng tao, siya’y nagsisimulang magsalita sa ibang wika. Siya’y paikot na nagsasalita at humihiyak “Tanggapin ang apoy, apoy, apoy” at inilalagay ang kaniyang kamay sa mga ulo ng tao, at sila’y mangingisay ay hihimatayin. Ako’y may pag-aalinlangan kung itong kanilang ginagawa ukol sa pagtanggap ng Banal na Espiritu nguni’t ako’y nalulong na sa ganitong mga pagpupulong. Sa kabila nito, hindi ako nagtagumpay na makamit ang Banal na Espiritu.
Matapos ang karanasang iyon, ako’y umakyat sa mga bundok at nagtanggkang umiyak at magdasal ng buong gabi habang nakahawak sa isang puno. Tinangka ko ring magdasal sa isang yungib nguni’t ito’y walang bisa rin. Matapos niyaon, nagtangkang akong magdasal ng buong gabi sa loob ng 40 araw nguni’t hindi ko rin nakamit ang Banal na Espiritu. Kaya isang araw ako’y inanyayahan sa isang seminar ukol sa Banal na Espiritu. Ang seminar ay ginaganap minsan isang linggo, at nagtagal ng pitong linggo.
Ang seminar ay ukol sa pag-ibig ng Diyos, ang Krus, pagkabuhay muli ni Jesus, pagpapatong ng mga kamay, ang bunga ng Espiritu, at espirituwal na paglago. Habang malapit ng matapos ang seminar, ang mangangaral sa seminar ay inilagay ang kanyang mga kamay sa aking ulo at nagdasal para sa Banal na Espiritu, at aking ginawa ang kanyang sinabi. Ako’y nagpahinga at itinaas ang aking mga palad paharap sa langit at nanaghoy “la-la-la-la” ng paulit-ulit. Di-pagdaka’y, habang ako’y umiiyak “la-la-la-la,” ako’y nagsimulang magsalita na may kahusayan sa kakaibang wika. Maraming tao ang bumati sa akin sa pagkamit ng Banal na Espiritu. Nguni’t nang ako’y mag-isa sa bahay, ako’y natakot. Kaya ako’y nagsimulang maging isang boluntaryong manggagawa para sa seminar. Inakala kong kailangan akong maging kusang-loob na manggawa kaya ako’y naglakbay sa buong bansa upang gawin ang aking serbisyo. At nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ibang mga pasyente, ang kanilang mga sakit ay parang gumaling, bagaman bumabalik din pagkatapos. At pagkatapos ako’y nakakita ng mga pangitain at nalaman maaari akong manghula. Kamangha-mangha na ang aking mga hula ay nangyayari. Mula sa panahong iyon, ako’y inanyayahan sa lahat ng uri ng mga dako at kinilala bilang isang tanyag na tao. Nguni’t ako’y natatakot pa rin. Kaya isang araw, ako’y nakarinig ng isang tinig, “Huwag pagala-gala sa anumang dako tulad nito, sa halip ay magtungo sa iyong kamag-anakan ay tulungan silang tamuhin ang kaligtasan.” Subali’t, hindi ko nalalaman kung ano ang kaligtasan. Nalalaman ko lang ang sinasabi ng iba—na kung hindi ko gamitin itong kaloob ng Banal na Espiritu, ito’y babawiin sa akin. Sa kabilang dako, natakot akong gamiting ang aking mga kakayahan nguni’t hindi ko mapigilan ang paggamit nito.
Isang araw, nabalitaan ko na isang babaeng shaman ay nagnais na tanggapin si Jesus kaya siya’y aking inanyayahan kasama ng aking mga kaibigan. Hindi namin pinaalam sa kanya na kami’y dadalaw sa kanya. Nguni’t ang babaeng shaman ay naghihintay na sa amin sa labas ng pintuan at sinabi, “Alam kong ika’y paparating.” Pagkatapos siya’y biglang nagbubuhos ng tubig sa amin at sinabi, “Walang kaibhan sa pagitan ng Silanganang shamanismo at Kanlurang shamanismo!” Tinawag niya kaming “Jesus shamans,” tinuro kami at sinabi, “Itong taong ito’y matatakutin nguni’t ang isa ay hindi.” Ang sinabi ng babaeng shaman ay aking nalaman tulad ng isang hampas sa ulo. Aking naisip na lahat ng aking ginagawa ay hindi iba sa ginagawa ng shaman. Wala sa aking nagawa ang naghatid sa akin upang matamo ang Banal na Espiritu dahil taglay ko pa rin ang kasalanan sa aking puso.”
Sa pahayag na ito, malalaman natin na ang pagkamit ng Banal na Espiritu ay hindi ayon sa ating mga kakayahan. Dahil ang gayong pananalig ay hindi batay sa ebanghelyo ng Diyos, yaong nabubuhay sa ganitong uri ng relihiyon ay walang langis sa kanilang ilawan.
Ang ilawan sa Biblia ay tumutukoy sa iglesia at ang langis ay tumutukoy sa Banal na Espiritu. Ipinahihiwatig ng Biblia na yaong dumalo sa iglesia, ito man ay iglesia ng Diyos o hindi, ang hindi pagtanggap sa Banal na Espiritu ay mga mangmang.
Ang mga mangmang ay taglay ang kanilang mga damdamin at mga katawan araw-araw. Napupukaw ng mangmang ang kanilang mga damdamin kasama ang kanilang mag masisigasig na katawan sa harap ng Diyos. Kung ating sasabihin na ang ating mga damdamin ay sumusukat na 20 sentimetro at umaabot lamang sa isang araw upang tupukin ang 1 sentimetro, kung gayon aabot lamang ng 20 araw upang tupukin ng apoy lahat ng ating mga damdamin. Ang mga damdamin sa likod ng kanilang pananampalataya ay nakinabang ng bagong lakas sa pamamagitan ng mga dasal sa umaga, buong gabing dasal, pag-aayuno at mga revival na pagpupulong, nguni’t ang kanilang mga damdamin ay nagtupok din sa kanilang buong buhay. Sila’y gumon dito sa walang-patid na proseso ng pagtutupok ng kanilang mga damdamin.
Ang kanilang mga damdamin ay nagliliyab sa ngalan ni Jesus. Sila’y dumadalo sa iglesia at nagpapaliyab ng kanilang mga damdamin nguni’t ang kanilang mga puso ay lito pa rin at naghahanap ng iba pa. Ang dahilan dito ay dahil ang kanilang pananalig ay nagmumula sa mga karanasang pang-katawan; samakatuwid, kailangan nila ang patuloy na pagpapatibay ng kanilang mga damdamin upang ang pagliyab ay di-mawawala. Subali’t, hindi nila makakamit ang Banal na Espiritu sa ganitong uri ng pananampalataya. Ang pagliliyab ng kanilang mga damdamin ay hindi mag-aakay sa kanila upang makamit ang Banal na Espiritu.
Lahat tayo ay dapat maghanda sa tamang pananalig sa pagtanggap sa Banal na Espiritu sa buong presensiya ng Diyos. Saka lamang sila magiging karapat-dapat na tanggapin ang Banal na Espiritu. Paano natin maaabot ang pananalig na magsasabing tayo’y karapat-dapat na tanggapin ang Banal na Espiritu? Ang katotohanan ay nakalaan sa magandang ebanghelyo na tinupad ni Jesus sa pamamagitan ng bautismo sa Jordan at ang pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus.
Tayo’y kinilala ng Diyos bilang “Manggagawa ng kasamaan” (Isaias 1:4). Dapat nating aminin ito sa ating mga sarili. Ang tao’y isinilang na may 12 uri ng mga kasalanan (Marcos 7:21-23). Ang mga tao ay walang magagawa kundi ang magkasala mula sa araw ng kanilang kapanganakan hanggang sa araw ng kanilang kamatayan.
Sa Juan 1:6-7 ay nasusulat, “Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan. Ito’y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya’y magsisampalataya ang lahat.” Binautismo ni Juan si Jesus at inilipat lahat ng kasalanan ng mundo sa Kanya, sinabing “Narito! Ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Tayo’y naligtas sa lahat ng ating kasalanan salamat sa bautismo ni Juan kay Jesu-Cristo. Kung hindi binautismo ni Juan si Jesus at hindi ipinahayag na Siya ang Cordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, hindi natin malalaman na inalis ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan sa Krus. Ni hindi natin malalaman ang paraan upang makamit ang Banal na Espiritu. Nguni’t salamat sa pahayag ni Juan, naunawaan natin na inalis lahat ni Jesus ang ating kasalanan at ating makakamit ang Banal na Espiritu.
Sa pananampalatayang ito, tayo’y magiging mga dalagang ikakasal na patuloy sa paghahanda upang makamit si Jesus, ang lalaking ikakasal. Tayo ang mga dalaga na nananalig kay Jesus at ganap na handang makamit ang Banal na Espiritu.
Nananalig ka ba sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nang iyong buong puso? Nananalig ka ba na inalis ni Jesu-Cristo lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan? Sinasabi ng Biblia, “Kaya nga ang paniniwala’y manggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). Dapat tayong manalig na si Jesus ay binautismo ni Juan at namatay sa Krus upang makamit ang Banal na Espiritu. Dapat nating mabatid na ang pagtanggap sa Banal na Espiritu ay makakamit lamang mula sa pananalig na si Jesus ay naparito bilang isang tao at binautismo ni Juan, namatay sa Krus at bumangong muli.
Hanggang ngayon, mayroong dalawang pangkat ng mga mananampalataya, tulad ng sampung dalaga sa kwento ay mayroong dalawang uri. Saan ka kabilang? Dapat mong makamit ang Banal na Espiritu sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dumadalo ka ba sa iglesia, nguni’t naghihintay pa rin sa Banal na Espiritu? Dapat mong malaman ang tunay na daan kung saan makakamit ang Banal na Espiritu.
Sa anong mga paniniwala maaari nating makamit ang Banal na Espiritu? Makakamit mo ba ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kalugud-lugod na kasiglaan ng Shamanismo? Maari mo bang makamit ang Banal na Espiritu sa kalagayang walang-kamalayan? Kailangan bang laging magdasal sa Diyos para sa kapatawaran ng iyong mga kasalanan? Sinasabi ng Biblia nang si Jesus ay bautismuhan at umaahon sa tubig, ang Espiritu ng Diyos ay bumababa tulad ng isang kalapati. Siya’y binautismuhan upang pasanin lahat ng ating kasalanan, at sinabi sa atin na Siya’y pinako para sa kabayaran ng ating mga pagsalangsang.
Binautismo ni Juan si Jesus upang pasanin ang kasalanan ng sanlibutan at napako sa Krus upang tayo’y maligtas ang makamit ang Banal na Espiritu. Ito ang katotohanan. Binautismo ni Juan si Jesus, nahatulan para sa lahat ng ating kasalanan sa Krus at nabuhay na muli. Dapat tayong manalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus upang makamit ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Makikita natin sa bautismo ni Jesus (Mateo 3:13-15) na ang Banal na Espiritu ay mapayapang dumadapo tulad ng isang kalapati sa atin na nalinis sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang bautismo.
Upang makamit ang Banal na Espiritu, kinakailangang manalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Ang Banal na Espiritu ay dumarating sa isang tao na kasing-payapa ng isang kalapati nang siya’y manalig sa kapatawaran ng kasalanan. Yaong nagtaglay na ng Banal na Espiritu ay dapat malaman na ito’y maaari dahil sa kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Banal na Espiritu’y bumababa sa mga buong-pusong nananalig sa kapatawaran ng kasalanan. 
Si Jesu-Cristo ay dumating sa pamamagitan ng tinapay at alak ng walang-hanggang buhay (Mateo 26:26-28, Juan 6:53-56). Nang si Jesus ay umaahon sa tubig matapos ng Kanyang bautismo, may isang tinig mula sa langit, nagsasabing, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17).
Madali ang manalig sa Diyos bilang ang Trinidad. Ang Diyos ay ang Ama ni Jesus at si Jesus ay ang Anak ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay Diyos din. Ang Trinidad ay Iisang Diyos sa atin.
Dapat mong malaman na hindi mo makakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan lamang ng pananalig sa Krus o sa pagsisikap na mapabanal ang sarili sa mga mabubuting gawa. Iyo lamang makakamit ang Banal na Espiritu kung ika’y manalig na binautismo ni Juan si upang isalin lahat ng ating kasalanan sa Kanya, at Siya’y pinako para sa kapatawaran ng ating kasalanan. Ang katotohanang ito ay simple at malinaw! Hindi mahirap na makamit ang kapatawaran ng kasalanan at ang Banal na Espiritu.
Ang Diyos ay nagwika sa atin sa simpleng paraan. Ang IQ ng tao ay 110 hanggang sa 120. Ang Kanyang ebanghelyo ay napakadali maunawaan ng isang karaniwang tao. Kahit pa ang bata sa gulang na 4 o 5, ang ebanghelyo ay hindi mahirap para sa kanila na unawain. Nguni’t kung ang Diyos ay nangusap sa atin ukol sa pananahan ng Banal na Espiritu sa lalong mahirap na paraan, mauunawaan ba natin Siya? Makatwirang pinatawad tayo ng Diyos sa lahat nating kasalanan at binigay sa atin ang Banal na Espiritu bilang isang handog sa mga nananalig dito.
Sinabi ng Diyos sa atin na hindi natin makakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay o pangungumpisal. Ang Banal na Espiritu ay di-dumarating sanhi ng pag-aayuno o debosyon o pagdarasal ng buong gabi sa mga bundok. Anong uri ng pananalig ang ibubunga sa pagtanggap ng Banal na Espiritu sa atin? Ito ay pananalig sa katotohanang si Jesus ay naparito sa mundo, binautismo upang alisin lahat ng ating kasalanan, namatay sa Krus, at nabuhay na muli.
S
 
Kailangan ba talaga tayong maniwala rito?
 
Bakit kailangan nating makamit ang kapatawaran ng mga kasalanan at sa gayo’y makamit ang Banal na Espiritu? Upang maging mga mamamayan ng Kaharian ng Diyos, kailangan natin ang Kanyang Espiritu. Samakatuwid, upang matamo ang Banal na Espiritu, kailangan nating manalig kay Jesus bilang Tagapagligtas, sa Kanyang bautismo at dugo, at sa kahulihan, dapat na mapatawad ang ating mga kasalanan.
Bakit ipinagkaloob ng Diyos ang Banal na Espiritu sa mga napatawad ng mga kasalanan? Ang dahilan ay upang tatakan sila bilang Kayang bayan. Upang matatakan ang mga nananalig kay Jesus batay sa salita ng Diyos, binibigay sa kanila ang Banal na Espiritu bilang isang kasiguruhan.
Maraming tao ang napapanatili ang mga maling uri ng pananampalataya. Napakadali ang manalig sa bautismo ni Jesus at tamuhin ang Banal na Espiritu. Madali sa atin na nagkamit na ng Banal na Espiritu, nguni’t imposible sa mga di-napatawad ng mga kasalanan. Hindi nila nalalaman ang katotohanan at sa halip ay naghanap ng ibang mga paraan upang makamit ang Banal na Espiritu, tulad ng paglalagay sa mga sarili sa panatikong walang-kamalayan. Sila’y mangmang na nagkaroon ng kalituhan sanhi ng mga binhing itinanim ni Satanas, at nahulog sa ilalim ng impluwensiya ng mga mapamahiing relihiyon.
Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa mga nananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus at nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan. Yaon lamang nanalig sa kaligtasan ng Diyos ang makapaghahayag, “Ako’y walang kasalanan.” Kung ang isang tao ay di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung gayon di-masasabi na sila’y walang kasalanan. Tulad nito, ginawad ng Diyos ang Banal na Espiritu bilang isang pangako sa Kanyang mga anak na nanalig sa bautismo ni Jesus at dugo sa Krus at nagkamit ng kapatawaran ng kasalanan.
Sino ang nagpatotoo na ang bautismo ni Jesus at dugo na nag-alis ng lahat nating kasalanan? Si Jesus, ang Kanyang mga alagad, at ang Banal na Espiritu ay nagpatotoo nito. Sino ang nagplanong iligtas ang lahat ng tao mula sa kanilang mga kasalanan? Ang Banal na Ama. Sino ang tumupad nitong plano? Si Jesu-Cristo. Sino sa kahulihan ang nag-garantiya sa pagtupad nitong plano? Ang Banal na Espiritu.
Ninais ng Diyos na tayo’y Kanyang maging bayan at samakatuwid nilayon na iligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at dugo. Samakatuwid, ang Banal na Trinidad ang nagbigay kasiguruhan ng ating ganap na kaligtasan at inaprubahan ang kapatawaran ng ating mga kasalanan.
Nasusulat sa Mateo 3:17. “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Ang mga nagtataglay ng Banal na Espiritu ng Diyos ay ang bayan ng “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.” Sa pasimula si Jesus ay Diyos. Sinabi ng Diyos sa atin, “Kung nais mong mapatawad ng iyong mga kasalanan, manalig na ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay magpakailanmang inalis ni Jesus, Ang Aking bugtong na Anak, tanggapin ang Banal na Espiritu, upang maging Aking anak.” Ang mga nanalig nito ay tatamuhin ang kapatawaran ng kanilang kasalanan at naging mga anak ng Diyos. Binigay sa kanila ang handog ng Banal na Espiritu upang tatakan sila bilang Kanyang mga anak. Makakamit lang natin ang kapatawaran ng kasalanan kung tayo’y mananalig sa bautismo ni Jesus kasama ang dugo.
Kung ang tao’y hindi nilisan ang kanilang mga puso at hindi nanalig sa ebanghelyo ng kapatawaran, napapaniwala sila na ang orihinal na kasalanan ay naglaho na nguni’t hindi tumitigil ng pangungumpisal upang makamit ang kapatawaran ng mga kasalanan. Kung sila’y naging biktima tulad nito, ang Biblia ay magiging mahirap maunawaan at nakalilito. Samakatuwid, sila’y magkakaroon ng iba-ibang paniniwala kaysa sa Kanyang mga alagad.
Sinasabi ng iba na ang Banal na Espiritu ay dumarating sa kanila “sa pamamagitan ng mag dasal.” Nguni’t ito’y walang katotohanan mula sa pananaw ng Biblia. Ito’y animo’y tila totoo, nguni’t sinabi ng Biblia na nang si Jesus ay umahon mula sa tubig matapos bautismuhan ni Juan, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya na parang isang kalapati. Ang pinatutunayan nito na kung nais nating makamit ang Banal na Espiritu, kailangan lamang nating manalig na si Jesus ay naparito, binautismo ni Juan upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo, hinatulan sa Krus para sa kanila at bumangong muli upang maging ating Tagapagligtas.
Anong sinabi ng Diyos sa atin nang tayo’y manalig sa katotohanang ito ang natamo ang Banal na Espiritu? Kanyang sinabi, “Ika’y Aking anak. Ito ang Aking minamahal na anak, na Aking kinalulugdan.” Sasabihin din ito ng Diyos sa mga nanalig kay at napatawad ng kanilang mga kasalanan sa hinaharap. Itong katotohanan ay pangako ng Diyos upang tayo’y maging Kanyang mga anak.
Nguni’t inaakala pa rin ng tao na may iba pang paraan upang makamit ang Banal na Espiritu. Inaakala mo ba na ang Banal na Espiritu ay darating sa iyo sa pamamagitan ng mga pag-iiyak at mga pagsisikap? Ang mga pagkilos ng Diyos ay layon lamang ng Kanyang kalooban at Kanyang binibigay ang Banal na Espiritu sa mga napatawad ng kanilang mga kasalanan. Kanyang sinasabi, “Pinabautismo Ko ang Aking Anak upang Kanyang kuhanin lahat ng iyong kasalanan at Siya’y pinapako upang mahatulan para sa kanila. Pinili ko ang Aking Anak bilang iyong Tagapagligtas. Kung tatanggapin mo ang kapatawaran ng kasalanan na tinupad ng Aking Anak, kung gayon Aking ipadadala sa iyo ang Banal na Espiritu.”
Ginagawa ng ating Ama ang Kanyang nais. Kahit pa ang isang tao’y manatiling nakaluhod sa buong gabit at umiyak sa Kanya hanggang ang kanyang mga baga ay sumabog, hindi ipadadala ng Diyos ang Banal na Espiritu sa kanya. Kanya lamang siyang susuwayin, sinasabing, “Hindi mo pa nakakamit ang tunay na kaalaman at patuloy na kumapit sa mga maling paniniwala. Ang Banal na Espiritu ay di-mapapasaiyo hanggang ika’y tumatanggi sa tunay na pananampalataya.”
Sa mundong ito, ang mga pasiya ng mga tao’y magbabago ayon sa mga pangyayari, nguni’t ang kautusang tinatag ng Diyos para sa pagpapatawad ng mga kasalanan at paggawad ng Banal na Espiritu ay nanatiling walang-pagbabago. Kung ika’y mahulog sa mga maling paniniwala, mahirap na masumpungan muli ang tamang daan. Sinabi ng Biblia na si Jesus ay isang katitisurang bato sa mga sumusuway (1 Pedro 2:8).
Ang taong nanalig kay Jesus nguni’t di-nalalaman kung bakit si Jesus ay binautismo at nanalig lamang sa kalahatian ng ebanghelyo ng pagtutubos at tiyak na mahuhulog sa Impiyerno. Samakatuwid, nang ika’y unang nanalig kay Jesus, dapat mong malaman ukol sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo, kung saan ang ebanghelyo ng kapatawaran ng kasalanan ay nabibilang. At kung iyong nakamit ang kapatawaran ng kasalanan, kung gayon iyo ring makakamit ang Banal na Espiritu.
Ating isipin ukol sa buhay ni Jesus sa lupa. Si Jesus ay naging isang tao at inalis lahat ng kasalanan nitong mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Siya’y namatay din sa Krus at hinatulan para sa ating mga kasalanan upang iligtas tayo mula sa mga apoy ng Impiyerno. Ang mga nanalig sa Kanya ay matatamo ang Banal na Espiritu bilang isang handog.
Samakatuwid, lahat tayo’y dapat na sumunod sa tunay na daan upang matamo ang Banal na Espiritu. Ang kailangan ay ang isipin ayon sa mga salita ng katotohanan. Kapag ginawa natin ito, kukupkupin ka ni Jesus at pagpapalain. Ang mga nanalig sa Kanyang mga salita ay mabubuhay sa katotohanan sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kasalanan, at pinangunahan ng Banal na Espiritu. Dagdag nito, maaakay ang iba sa tamang daan sa tulong ng Banal na Espiritu.
Manalig sa pagtutubos na natupad sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo. Saka lamang tayo makasusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya at matatamo ang pagpapala ng kapatawaran ng kasalanan, ng buhay na walang hanggan at ang pananahan ng Banal na Espiritu. Si Jesus ay ang Panginoon ng pagpapatawad, na nag-alis ng lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at kamatayan sa Krus. Nilinis ni Jesus lahat ng ating kasalanan at binigay ang Banal na Espiritu sa mga nanalig sa ebanghelyo ng katotohanan. Iyong makakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pag-anking sa tunay na pananampalataya