• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-8] Sa pamamagitan nino dumadaloy ang tubig ng buhay ng Banal na Espiritu? (Juan 7:37-38)

2021.04.12 24
(Juan 7:37-38)
“Nang huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nasasabi, ‘Kung ang sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito siya sa Akin, at uminom. Ang sumampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig ng buhay.’”
 

Sino ang makaiinom ng tubig ng buhay ng Banal na Espiritu?
Yaong nanalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus

Ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay dumadaloy sa mga puso ng nananalig sa magandang ebanghelyo. Sinasabi sa Juan 7:38, “Ang sumampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig ng buhay.” Nangangahulugan na mayroong tunay na kaligtasan at ang kapatawaran ng mga kasalanan para sa mga nananalig sa magandang ebanghelyong binigay ng Diyos sa atin.
Kailan magaganap ang pananahan ng Banal na Espiritu? Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay makakamit matapos marinig at manalig sa tunay na ebanghelyo, na nagsasabing inalis ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Kanya. Ang sinuman ay makaiinom ng buhay na tubig ng Banal na Espiritu. Yaong nanalig sa magandang ebanghelyo ay taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu, at mararanasan ang sariwang pagdaloy ng Espirituwal na buhay ng tubig sa kanilang mga tigang na puso sa tuwing sila’y mangangaral o makikinig ng salita ng Diyos.
Ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay dumadaloy sa mga puso ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na nagsasabing naparito ang Panginoon upang iligtas lahat ng makasalanan sa kanilang mga kasalanan. Ang Banal na Espiritu ay ang katotohanan na hindi maihihiwalay mula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang nananatili sa taong nananalig sa mga salita ng Diyos.
Ang sinumang nagnanais na uminom ng tubig ng buhay ng Banal na Espiritu ay dapat kamtin ang kapatawaran na lahat niyang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Itong buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay nasa mga puso ng mga nananalig sa mga salita ng Diyos. Ang taong nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay taglay ang tubig na buhay ng Banal na Espiritu, na dumadaloy tulad ng isang ilog, umaagos sa kanilang mga puso. Maging sa ngayon, ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay sumisibol na parang bukal na tubig sa mga puso ng nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus.
Subali’t, wala ni isang patak ng buhay na tubig ng Banal na Espiritu ang dadaloy sa mga puso ng mga di-nanalig nitong magandang ebanghelyo ng katotohanan. Hanggang sa ako’y manalig at kilalanin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi ako magkakaroon kahit isang patak ng Espirituwal na tubig ng buhay na dadaloy sa aking puso. Sa oras niyaon, bagaman ako’y taimtim na naniniwala kay Jesu-Cristo, ni hindi ko nalalaman ang kahalagahan ng buhay na tubig ng Banal na Espiritu dahil wala ang Banal na Espiritu sa aking puso. Subali’t, ngayong taglay ko ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay malayang dumadaloy mula sa aking puso.
Ngayon ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay dumadaloy sa aking puso, at mula sa mga puso ng mga nakarinig at nanalig sa salita ng Diyos. Tulad ng sinabi ni Jesus, “Kung ang sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito siya sa Akin, at uminom,” ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay nananariwa sa iba sa pamamagitan ng mga Kristiyanong isinilang na muli na nanalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong tubig na buhay ay dumadaloy sa aking puso kasama ang aking pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu magpahanggang ngayon, itinutulot ang iba upang uminom dito. Hinahayaan ng Diyos ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu na dumaloy sa aking puso tulad ng isang ilog. Ito ay nakikilala lamang nga mga nagtataglay ng pananahan ng Banal na Espiritu.
Tulad ng nasusulat sa Apocalipsis na walang nakakabatid kundi yaong tumanggap nito, ang pananahan ng Banal na Espiritu at buhay na tubig ay isang lihim na tanging nakakaalam ay yaong nanalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, dapat mong malaman kung kanino nananahan ang Banal na Espiritu. Dapat mong malaman na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay binigay lamang sa mga nanalig sa ebanghelyo ni Jesus.
 
 
Dati ako’y naniniwala lamang sa dugo sa Krus
 
Bagaman ako’y naniniwala sa dugo ni Jesus sa Krus sa loob ng sampung taon, ang kasalanan ay nasa akin pa ring puso. Sa panayong yaon, taglay ko ang paniniwala na ang aking mga kasalanan ay napatawad lamang ng dugo ni Jesus. Subali’t, hindi ko makakamit ang buong kapatawaran ng kasalanan ni ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan nitong paniniwala, at nagkaroon lamang ng kalituhan at kawalan sa aking buhay. Ang tanging tanda na pinakita ng aking paniniwala kay ay ang katotohanang ako’y dumadalo sa iglesia.
Ganyan ako nagsimulang kilalanin muli ang aking mga paniniwala. Nang ako’y unang manalig kay Jesus, ang aking puso ay nag-aapoy sa pag-ibig sa Kanya at kahit taglay ko ang pagsasalita ng mga wika. Nguni’t anong nangyari sa akin? nabatid ko na itong karanasang nag-aapoy ay hindi tanda ng pananahan ng Banal na Espiritu at ni hindi ko taglay ang Banal na Espiritu. Naniniwala ako kay Jesus nguni’t ang Banal na Espiritu at buhay na tubig Banal na Espiritu ay wala sa aking puso.
Hindi talaga mahalaga kung ang aking puso ay mainit o malamig, yamang ang aking pananalig ay batay sa  4 Calvinismo. Ang mga tanong na kailangan kong matugon ay ang sumusunod: 
 
4 Isang paraan ng interpretasyon ng Kristiyano ay sinimulan ni John Calvin. Idinidiin ang pagtatalaga at kaligtasan. Ang limang puntos ng Calvinismo ay ang nabuo bilang katugunan sa paniniwala ng Arminian. 
Tinuturo sa Calvinismo: 1) Lubos na kasamaan: na ang tao ay nahipo ng kasalanan sa lahat ng bahagi ng kanyang pagkatao: katawan, kaluluwa, isip at mga damdamin, 2) Di-nararapat na tulong: na ang tulong ng Diyos sa tao ay dahil sa Kanyang kagustuhan at walang kinalaman sa tao. Lubos na hindi nararapat sa tao,         3) Limitadong pagtutubos: na hindi pinasan ni Cristo ang mga kasalanan ninumang nabubuhay, bagkus pinasan lamang ang mga kasalanan ng mga pinili sa ikaliligtas, 4) Di-mapigil na biyaya: na ang pagtawag ng Diyos para sa ikaliligtas ay di-mapipigilan, 5) Pagtitiyaga ng mga hinirang: imposibleng maglaho ang kaligtasan. Nguni`t malinaw na makikita ang mga aral mula sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lalo na ukol sa mga doktrina ng limitadong pagtutubos.
 
(1) Nananahan nga ba ang Banal na Espiritu sa akin?    ─ Hindi. Ako’y hindi nakatitiyak kung Siya’y nasa akin. ─ 
(2) Mayroon bang kasalanan sa akin? ─ Oo, mayroon. ─ Tiyak na may kasalanan sa akin, bagaman ako’y naniniwala sa dugo ni Jesus sa Krus. Taglay ko pa rin ang kasalanan sa aking puso, bagaman ako’y naniniwala kay Jesus at nangungumpisal araw-araw. Ang kasalanan sa aking puso ay hindi lubos na nahugasan anuman ang aking pagsisikap.
‘Paano ko makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu?’ ‘Paano mahuhugasan ang kasalanan sa aking puso?’ Ito ang dalawang nakayayamot na suliranin sa aking isipan, kahit matapos maniwala kay Jesus. Ako’y nagsalita ng ibang mga wika matapos manalig kay Jesus at ako’y nanalig din na ang aking mga kasalanan ay nahugasan, salamat sa pananalig sa dugo ni Jesus.
Subali’t, sa paglipas ng panahon, parami ng parami ang mga kasalanan sa aking puso. Ako’y puno ng kasalanan. Ang pangungumpisal o pag-aayuno ay di-mahuhugasan ang mga kasalanan sa aking puso habang ako’y nagtitiwala lang sa dugo ni Jesus. Ako’y nag-alala ng mahabang panahon ukol sa aking mga kasalanan. Kapag lalong nag-alala, lalong marubdob na ipinangaral ang mensahe ni Jesus sa iba. Higit akong dumalo sa iglesia at inalay ang aking sarili sa paglilingkod kay Jesus, nagtitiwala sa Kanyang dugo.
Subali’t, sa paglipas ng panahon, ang aking mga kasalanan sa puso ay humahadlang sa pagkamit ng tunay na pananalig. Higit na mahirap ang manalig kay Jesus kaysa dati. Tinangka kong magtiwala sa dugo ni Jesus at sinikap ng lubos at nilubos ang paglilingkod sa Diyos. Subali’t, ang kawalan sa aking puso ay nanagana. Itong uri ng pananalig ay nilisan akong walang-saysay at nawalan ng lakas, at ako’y naging mapag-imbabaw na Kristiyano na abala sa mga panlabas na kalalagayan. Inaakala sa sarili, ‘Ang paniniwala kay Jesus ay tulad nito para sa lahat, hindi lang para sa akin!’ Sinikap kong hindi tinanggap na ang aking pananalig ay naliligaw. Subali’t, ang dugo ni Jesus at ang pangungumpisal ay hindi pa rin makapaghuhugas sa lahat ng aking kasalanan.
Kung gayon sa anong pananampalataya mahuhugasan ang aking mga kasalanan? Ang aking mga kasalanan ay mahuhugasan lamang sa pamamagitan ng paniniwala na ang lahat kong kasalanan ay inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan sa Ilog ng Jordan. Ito ang nasusulat sa Mateo 3:13-17. Kung gayon bakit hindi nahugasan ang aking mga kasalanan sa dugo ni Jesus? Hindi ko nalalaman at nananalig sa magandang ebanghelyo, na naglalaman ng kahulugan ng bautismo ni Juan kay Jesus.
Ibig bang sabihin na lahat ng kasalanan ng mundo ay nahugasan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus? Oo, tama. Pinatotoo ng Biblia sa pagsasabing, “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:3-5). Si Jesus ay naparito sa mundo at inako lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Kanya.
Ako’y nagaalinlangan pa rin ukol dito at inihambing ang Luma at Bagong Tipang upang linawin ito. Ang resulta na aking nakita ay pawang katotohanan. Lahat ng kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan, at lahat ng aking kasalanan ay inilipat sa Kanya sa panahong yaon. Ako’y naging banal sa pamamagitan ng aking pananalig sa mga salitang ito. Aking nabatid na ito ang salita ng katotohanan tulad ng nakatala sa Biblia at ito ang pinakamagandang ebanghelyo sa mundo.
Dagdag nito, aking nabatid kung bakit ang aking mga kasalanan ay hindi naalis sa pamamagitan ng aking pananalig lang sa dugo ni Jesus. Ang dahilan ay dahil hindi ko nailipat ang aking mga kasalanan kay Jesus gayong hindi ko nalalaman ang katotohanan ng Kanyang bautismo sa Ilog ng Jordan. Sa wakas ay aking natagpuna ang katotohanan. Nalaman ko na si Jesus ay naparito sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, at napako upang iligtas tayo sa lahat ng kasalanan ng mundo. At nalaman ko rin at nanalig sa katotohanang ang layon ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo. Ngayon ako’y matuwid salamat sa aking pananalig sa magandang ebanghelyong binigay ni Jesus sa atin, at dahil sa aking mga kasalanan ay napatawad.
Hindi ang mga doktrina ng iglesia ang nag-alis ng aking mga kasalanan, ito ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Itong katotohanan ay ang magandang ebanghelyo. Ako’y naligtas sa lahat kong kasalanan at naging matuwid hindi sa pamamagitan ng paniniwala lamang sa dugo ni Jesus, kundi sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay ang aking kaligtasan.
Isa pang bagay na pagpapasalamat ko ay ang pagpasok ng Banal na Espiritu ng Diyos sa akin matapos akong manalig sa magandang ebanghelyo. Ngayon ang Banal na Espiritu ay nananahan sa akin kasama ang mga salita ng pagbautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagbigay sa akin nitong magandang ebanghelyo at nagpahintulot sa akin na ipangaral ang iisang paniniwala tulad niyaong mga Apostol ni Jesus. Pinagkalooban ako ng Diyos ng Banal na Espiritu, bagaman ang tangi kong ginawa ay ang manalig sa magandang ebanghelyo. Ngayon aking maihahatid itong mensahe na may lubos na parangal at matibay na paniniwala sa lahat ng tao sa mundo. Tiyakang masasabi ko sa kanila na ang paniniwala lang sa dugo ni Jesus ay hindi mag-aalis sa lahat nilang kasalanan!
Nguni’t masasabi ko sa kanila na lahat ng kanilang kasalanan ay tiyak na mahuhugasan lamang kung sila’y mananalig sa magandang ebanghelyo, na nagsasabi ng bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Wala ako kahit maliit na kinahihiya sa harap ng Diyos sa aking pangangaral nitong magandang ebanghelyo. Marangal kong maipangangaral itong magandang ebanghelyo sa mga naisilang na muli sa tubig at sa Espiritu sa lahat ng tao sa mundo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagpainom sa akin ng buhay na tubig ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
Batay sa masusing pagsusuri na ang tunay na ebanghelyo ay ang tubig at ang Espiritu
 
Iyo na nga bang nakamit ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan at ang pananahan ng Banal na Espiritu? Paano mo masasabi na ang ebanghelyo ay ang talagang tunay? Minsan aking nagawa ang mga pagsusuri sa tao na mananalig sa magandang ebanghelyong binigay sa atin ni Jesus. Sa isang tao ay aking pinangaral ang mensahe ng dugo ni Jesu-Cristo sa Krus. At akin ding sinabi na kailangang wala ng kasalanan kay Jesu-Cristo. Sa isang tao naman aking pinangaral ang magandang ebanghelyo ng bautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ang resulta sa taong nagkamit ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan dahil sa pananalig lamang sa dugo ni Jesus na kanyang sinabi na kailangan niya ang patuloy na kapatawaran sa kanyang mga kasalanan. Nguni’t ang taong nanalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at dugo, sa kabilang dako, sinabing siya na ngayon ay naging isang ganap na taong walang kasalanan.
Kanyang sinabi na wala na kasalanan sa kanyang puso dahil siya’y nanalig sa katotohanang inalis na ni Jesus lahat ng kanyang kasalanan at nahatulan para sa kanila. Kanyang nakamit ang Banal na Espiritu mula sa Diyos dahil siya’y nanalig sa magandang ebanghelyo, nagsasabi na ang bautismo ni Juan kay Jesus ay nag-alis ng lahat ng kasalanan ng mundo.
Ang dahilan kaya nasabi ng tao na wala na siyang kasalanan sa kanyang puso ay dahil kanyang nakamit ang Banal na Espiritu sa kanyang puso sa pamamagitan ng kanyang pananalig sa magandang ebanghelyo. Inudyukan siya ng Banal na Espiritu upang masabi na wala siyang kasalanan sa kanyang puso. Binigay ng Diyos ang pananahan ng Banal na Espiritu sa lahat ng mga nanalig sa bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Kanino nananahan ang Banal na Espiritu? Ang Banal na Espiritu ay binigay bilang isang handog sa mga nanalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus.
Dahil sa kababalaghang dulot ng Araw ng Pentecostes ay nagdulot sa maraming tao na maling kaunawaan sa katotohanan ukol sa pagtanggap sa Banal na Espiritu at isantabi ang magandang ebanghelyo. Inaakala ng tao na kung sila’y mataimtim na magdarasal at hanapin ang Banal na Espiritu, kanilang makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Sa mahabang panahon, ang mga Kristiyano sa buong mundo at hindi man lang nalalaman ang maliit na ideya ng katotohanan, na nagsasabi na makakamit lamang ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at sa dugo. Subali’t maraming mga lingkod ng Diyos ngayon, ang nagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa kanilang paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pinangaral ang ebanghelyo sa tulong ng Banal na Espiritu. Sanhi nito, maraming tao sa buong mundo ang natutunang tanggapin itong magandang ebanghelyo at natamo ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Pinahihintulot ng Diyos ang taong nagkamit nitong magandang ebanghelyo na maranasan ang pananahan ng Banal na Espiritu. Sa Biblia, sinasabing, “At mangyayari nga sa mga huling araw, sabi ng Dios, ‘Na ibubuhos Ko ang Aking Espiritu sa lahat ng laman” (Mga Gawa 2:17). Subali’t, dapat malaman na ang pagsisikap na makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu nang hindi nalalaman ang magandang ebanghelyo ay isang kamalian. Wala ng ibang paraan upang matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu kundi ang manalig sa bautismo ni Juan kay Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus.
Yamang sinabi ng Diyos na makapapasok lamang sa Kaharian ng Langit kung siya’y isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, at tanging ang isinilang na muli ang nagtataglay ng handog ng Banal na Espiritu, walang-alinlangan na kailangan ninuman ang pananahan ng Banal na Espiritu upang makapasok sa Kaharian ng Langit. Paano mo maiisip ang pagkakamit ng Banal na Espiritu o pagpasok sa Langit gayong hindi nananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Walang ibang daan tungo sa Langit kung sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo. Iyo lang makakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo. Tulad ng pagbabayad ng salapi sa pamimili ng bagay, ating makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu kung tayo’y mananalig sa magandang ebanghelyo.
Nais kong sabihin sa inyo na kung iyong tunay na hangad na makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu, dapat mo munang malaman at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon iyong mararanasan ang pagkamit ng Banal na Espiritu. Iyo lamang makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nais ihatid ng Diyos sa iyo ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Ako’y nananalig sa magandang ebanghelyo at sa paglipas ng panahon, lubos kong nararamdaman na itong magandang ebanghelyong binigay ng Diyos sa akin ay ang pinakamaganda at pinakamahalagang bagay sa mundo. Ako’y nagpapasalamat sa Diyos. Nararamdaman mo rin ba? Ating nabatid na yaong tulad natin na tumanggap ng Banal na Espiritu ay lubos na pinagpala ng Diyos.
Aking binibigay ang mensahe kung paano makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pananalig sa magandang ebanghelyo. Ang tao’y makakamit lamang ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagtanggap nitong magandang ebanghelyo ng pagiging isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu.
Sa Juan 7:38 ay sinasabi ni Jesus, “Ang sumampalataya sa Akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig ng buhay.” Ibig sabihin na ang taong nagkamit ng kapatawaran sa lahat nilang kasalanan dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyo na binigay ni Jesu-Cristo sa kanila ay taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu. Ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay dumadaloy na parang isang ilog sa kanilang mga puso. Ang taong nanalig nitong magandang ebanghelyo ay mararanasan ang pagdalog ng Espirituwal na tubig ng buhay.
Bagaman ako’y isang lubos na mananampalataya kay Jesus bago ako isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, walang tubig ng buhay ng Banal na Espiritu ang dumadaloy sa aking puso. Subali’t, matapos kong makilala ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tubig ng buhay ay nagsimulang dumaloy sa aking puso tulad ng nasusulat sa Biblia. Kahit sa pagkakataong ito, ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay umaagos kasama ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung bigay ng Diyos sa akin. ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay masaganang umaagos mula sa aking puso sa buong taon. Nagsimula kong gawin ang gawain ng isang ebanghelista, nangangaral ng magandang ebanghelyo, matapos manahan ang Banal na Espiritu sa akin.
 
 
Ang kapahayagan ng aking pananalig matapos manalig sa magandang ebanghelyo at matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu
 
Halos bago matapos ang paglalagas ng dahon sa panahon ng aking ika-dalawampung kapanahunan. Sa paglalagas ng dahon ay aking naisip ang di-maiiwasang panahon ng kamatayan. Ang aking buhay sa panahong iyon ay nagbigay kalituhan, kawalan at karimlan sanhi ng mga kasalanan sa aking puso. Ako’y patungo sa maling landasin, di-nalalaman kung saan tutungo. Nagkaroon ng karamdaman ang aking katawan at kawalan sa aking puso’y dumadami. 
Dahil sa aking mga kasalanan, ako’y lubos na nawalan ng loob at ni hindi ko nalalaman ang dahilan. Wala akong mapipili kundi ang maghintay sa hatol ng Diyos sa agarang katapusan ng aking buhay at magmakaawa sa kapatawaran ng aking mga kasalanan. “O Panginoon, nais kong makamit ang kapatawaran ng aking mga kasalanan sa pamamagitan ng aking pananalig sa Inyo bago ako mamatay. Pagalingin Ninyo rin ang karamdaman ng aking katawan!” Ako’y nagdasal ng nagdasal.
Pagkatapos niyaon, bagong pag-asa ang nagsimulang bumuhos sa kahibuturan ng aking puso. Ang aking puso’y napuspos ng pag-asam sa Diyos, at naging kasing-init ng isang bolang apoy. Hindi kawalan ng pag-asa, isang bagong pag-asang nagliliyag sa aking puso. Mula sa araw na yaon ako’y magkaroon ng bagong maka-Diyos na pamumuhay, nananalig na namatay si Jesus sa Krus upang iligtas ako sa aking mga kasalanan.
Ilang sandali matapos niyaon, naranasan ko ang pagsasalita ng mga wika Hindi naglaon ako’y nagsimulang lumuha habang aking naiisip ang dugo ni Jesus na dumanak sa Krus. Nagpapasalamat ako na dumanak ang Kanyang dugo sa Krus para sa akin.
Matapos ang kaganapang iyon aking iniwan ang aking lumang buhay at nagkaroon ng ng bagong trabaho na nagtulot sa akin na kumiling sa banal na Linggo. Sa panahong iyon, ang aking puso ay napuno ng pag-ibig kay Jesus, at nag-umapaw ng walang katapusang pasasalamat sa tuwing nararamdaman na nagdanak ang dugo ni Jesus sa Krus para sa aking kaligtasan. Ang aking maka-Diyos na espiritu ay nagsimulang lumago, nguni’t ito’y batay lang sa mga salita ng dugo ni Jesus sa Krus.
Subali’t, sa paglipas ng panahon, ang aking maka-Diyos na buhay ay nagsimulang magdusa sanhi ng aking mga kahinaan at mga kasalanan. Lahat ng aking mga kasalanan ay di-ganap na nahugasan dahil sa paniniwala lamang sa dugo ni Jesus sa Krus. Sinikap kong mahugasan ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal. Subali’t, ang mga dasal na inalay sa pag-asam ng kapatawaran ng Diyos ay di lubos na nahugasan ang aking mga kasalanan. Lahat ng ito’y sanhi ng di-matupad ang mga utos ng Diyos. Nagsimulang naipon ang aking mga kasalanan.
Bagaman hindi lubusang nahugasan ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng mga pagkumpisal, wala akong magawa kundi sambitin ang mga dasal na ito. Naniniwala ako sa tuwing ako’y nagkakasala, mahuhugasan ko ang aking mga kasalanan sanhi ng mga pangungumpisal at sa pag-iisip ng dugo ni Jesus sa Krus. Kapag lalong patuloy sa maka-Diyos na buhay, higit na kasalanan ay dumadami dahil sa aking mga kahinaan. Ang aking pagdurusa’y lalong dumarami sanhi ng mga kasalanang ito. 
Ako’y naging isang Pariseong Kristiyano, at ako’y naitalagang maging isang diakono at pagkatapos ay naging isang ebanghelista sa kabila ng kabigatan sa aking mga kasalanan. Ako’y nangaral ng ebanghelyo sa tuwing nararamdaman ang sakit ng aking mga kasalanan, inaakala na ito ang tanging paraan upang mahugasan ang aking kaluluwa. Nguni’t ang aking mga kasalanan ay hindi nahugasan sa pamamagitan nitong uri ng pananampalataya batay sa doktrina at pag-aalay ng sarili.
Akin ding naranasan ang gapos ni Satanas. Ako’y nahulog sa hatol sanhi ng aking mga kasalanan at naranasan din ang pagnanais na mamatay sanhi ng aking mga pagsalansang. “Ika’y nagkasala, hindi ba?” Patuloy akong sinusumpa ni Satanas at inuusig dahil sa aking kasalanan.
Ang aking pananalig ay nasa bingit ng pagkawasak. Aking nabatid na hindi ko mahuhugasan ang aking mga kasalanan sa pamamagitan lamang ng dugo ni Jesus at mga pangungumpisal, at unti-unting nakita ang aking sarili sa panghihina ng loob.
Sa pag-aaral ng Calvinismo sa isang seminaryo sa teolohiya, ako’y nagkaroon ng pagnanais kung bakit binautismo ni Juan si Jesus. Aking tinanong ang aking mga guro kung bakit binautismo ni Juan si Jesu-Cristo sa Jordan. Nguni’t ang kanilang mga tugon ay paulit-ulit, na Siya’y binautismo upang ipakita ang Kanyang kababaang-loob o upang ipahayag na Siya’y Anak ng Diyos. Subali’t, ang mga tugon na ito ay hindi sapat upang upalain ang aking pag-usisa.
 
 
Ang katotohanan ng bautismo ni Juan kay Jesus ang nagdulot sa akin na kilalanin ang magandang ebanghelyo
 
Matapos sa seminaryo, ang aking mga kasalanan ay hindi pa rin nahugasan, ako’y lubos na nagdusa sa ilalim ng kabigatan ng mga ito. Isang araw ay aking naunawaan kung bakit binautismo si Jesus at kung bakit Kanyang sinabi na lahat ng katuwiran ay magaganap sa pamamagitan nito. Ang magandang ebanghelyo ang nagsabi na lahat ng aking mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan. Pinabatid sa akin ng Diyos itong katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga nasusulat na salita.
Matapos basahin ng basahin ang mga salita ng Diyos, kung saan nakatala ang magandang ebanghelyo, akong ganap na nakilala ang katotohanang inilipat lahat ng aking kasalanan kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo ni Juan at Siya’y hinatulan sa Krus.
Ito ay noong aking nabatid na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay tunay na dumating sa akin. Lahat ng kasalanan ng aking puso ay ganap na pinatawad matapos kong maunawaan at manalig sa magandang ebanghelyo. Ang mga kasalanan naglubog sa akin sa kabiguan at kalungkutan ay ganap na nahugasan dahil sa kapangyarihan ng magandang ebanghelyo. Ang mga kasalanang yaon na naalis sa kabila ng aking walang katapusang pag-aalay ng sarili at mga pangungumpisal ay ganap na naglaho. Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon.
Sinasabi ko ang katotohan kapag aking sinabi na lahat ng kasalanan ng mundo ay nahugasan tanging sa dugo ni Jesus sa Krus. Ang bautismo ni Juan kay Jesus ay naghatid din sa akin ng kapatawaran ng kasalanan. Ngayon ang bawa’t isa’y dapat unawain at manalig na lahat ng kanyang kasalanan ay nahugasan, salamat sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Taglay ko ang pananahan ng Banal na Espiritu sa aking puso dahil ako’y nanalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang Saksi ng Diyos, na pinatotoo ng Kanyang Anak, ay sapat na upang alisiin lahat ng kasalanan sa aking puso. Natamo ko ang Banal na Espiritu tulad ng isang kalapati sanhi ng aking paniniwala sa magandang ebanghelyo.
Mula sa araw na iyon, kumilos ang Banal na Espiritu sa aking puso, nagkaroon ng kakayanan gawin ang espirituwal na gawain, sa ibang pananalita, upang ipangaral ang magandang ebanghelyo. Ngayon ay wala ng kasalanan sa aking puso. Ang bautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang dugo sa Krus ang nagpatotoo sa kapatawaran ng aking mga kasalanan at nag-akay sa akin sa pagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu. Aleluiah! Pinupuri ko ang Panginoon. Tahimik na bumaba ang Banal na Espiritu sa akin parang isang kalapati at nagsimulang manahan sa akin sa araw na ako’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Siya’y nagsimulang kumilos sa aking puso minsan ay parang isang kalapati, kung minsan nama’y tulad ng isang malakas na pugon.
Ngayon ay iyo ring makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu kung iyong tatanggapin at mananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ayaw mo bang makamit ang Banal na Espiritu at purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng pananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Hindi mo ba nais na kasama akong ipangaral ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo? Ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang magbabanal sa iyo at magbibigay sa iyo ng pananahang ng Banal na Espiritu. Ang katuwiran ng Diyos ay nahayag sa ebanghelyo mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit ang pananahan ng Banal na Espiritu ay binigay lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
Ang mga kahanga-hangang gawa ng Banal na Espiritu para sa akin
 
Matapos kong makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu, ako’y nagsimulang tumulong sa isang bagong iglesia upang ipangaral ang magandang ebanghelyo. Binigyan ako ng Banal na Espiritu ng kapangyarihang ipangaral ang magandang ebanghelyo.
Sa panahong ito na ang sumusunod na pangyayari ay naganap. Sa lungsod na aking tinitirhan, mayroong isang mananahi na nakipagkalakalan sa mga dayuhang mamimili. Siya’y isang diakono. Minsan siya’y nagtungo sa isang hotel para sa isang magpapatahi at kanyang nakita ang ating poster. Siya’y nahikayat sa isang paanyaya, at sinubukan akong kausapin. Nagkita kami at sinabing siya’y nabubuhay sa kasalanan ng mahabang panahon. Matapos ang limang oras na pakikipag-usap ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa wakas ay kanyang nakilala ang katotohanan ng pagpapatawad ng mga kasalanan. Siya’y isinilang na muli, at kanya ring natamo ang pananahan ng Banal na Espiritu sa oras na iyon.
Narito ang isa pang kwento na naganap nang ako’y naghahanap ng isang gusali ng iglesia. Nakakita ako ng isang nakamamangha at malawak na gusali. Nguni’t sa oras na iyon ay kakaunti ang aking salapi upang upahan bilang aming iglesia. Waring imposible para sa akin na upahan ang gusali sanhi ng kakulangan sa aking pagtantiya. Subali’t, sinabi ng Banal na Espiritu sa akin, “Maging matatag at magtiwala.” Kagulat-gulat na aking nakuha ang gusali at ginampanan ang Kanyang gawain, salamat sa tulong ng Banal na Espiritu. Dahil sa Banal na Espiritu aking naipangaral ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu mula sa oras na iyon. Ang Banal na Espiritung nananahan sa king puso sa oras na iyon, nag-uudyok sa akin na ipangaral ang magandang ebanghelyo sa lahat ng tao. At nakita ko ang mga nakarinig at nanalig nitong magandang ebanghelyo na tumanggap ng pananahan ng Banal na Espiritu.
Nagpasalamat ako sa Banal na Espiritu na nagbigay sa akin ng kakayanang ipangaral itong magandang ebanghelyo. Nalalaman ko na kahit ang aking buong buhay ay hindi sapat upang isulat lahat ng bagay ukol sa ginawa ng Banal na Espiritu sa akin. Itinulot ako ng Banal na Espiritu na mamuhay kasama ang buhay na tubig na malayang dumadaloy sa aking puso. Nagpapasalamat ako sa Kanyang pananahan sa akin. 
 
 
Itinayo ng Banal na Espiritu ang iglesia na namumuhay kasama Niya dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu
 
Minsan ako’y nagtungo sa ilang upang ipangaral ang magandang ebanghelyo. Sa oras na iyon, hinatid ako ng Diyos sa isang maliit na bayan at nakita ko ang isang maliit na lupon ng mga taong naghahanap sa Diyos. Inakay ako ng Diyos upang ipangaral ang magandang ebanghelyo sa kanila, na magdudulot sa kanila upang matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kanilang ring nakamit ang Banal na Espiritu dahil sa pakikinig at pananalig sa magandang ebanghelyo. Inakay sila ng Banal na Espiritu upang sila’y maging mga kapwa-manggagawa, at aking naipangaral itong magandang ebanghelyo sa buond mundo kasama sila simula niyaon.
Sa panahong iyon sila’y isang maliit na pangkat ng mga tao lamang, hindi kabilang sa anumang sekta. Nais nilang mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, nguni’t walang pag-asa na dating umiiyak sa Diyos para kapatawaran ng kanilang mga kasalanan dahil sa kanilang pagkaalipin sa kasalanan. Inakay ako ng Banal na Espiritu sa grupong ito at ipinangaral itong magandang ebanghelyo. Nakikita ko na inihanda ng Banal na Espiritu na makilala ko sila. Itinulot ng Diyos na maipangaral ko ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu magmula sa pamamaraan ng paghahandog tulad na nasusulat sa Levitico, at natamo ng tao ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga salita ng magandang ebanghelyo.
Itinalaga ng Diyos ang iglesia ng Banal na Espiritu kasama ang mga mananampalataya sa magandang ebanghelyo. Hinirang sila ng Banal na Espiritu bilang mga alagad ni Jesus sa pamamagitan ng magandang ebanghelyo. Ngayon ay parami ng paraming tupa ang tumatanggap ng Banal na Espiritu at upang pumasok sa iglesia.
Inakay ako ng Banal na Espiritu upang simulan ang paaralan ng misyon at nagtalaga ng mga disipulo. Kanya akong tinulungan upang ituro ang mga salita ng Diyos sa mga tao at tumulong sa kanila na matutunan upang sumunod sa pamamagitan ng pananampalataya at maging mga lingkod ng Diyos. Itinulot Niya ang mga gawain ng magandang ebanghelyo na mangyari kahit saan man sila mapadpad, at itinayo ng Diyos ang Kanyang mga iglesia sa pamamagitan nila. Pinangungunahan ng Banal na Espiritu ang Kanyang mga lingkod na ipangaral ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Inakay ng Banal na Espiritu ang mga matuwid, ang mga nagkamit ng kapatawaran ngkas, sa pag-iisa ng iglesia at mapagpala upang mamuhay na matuwid sa mundong ito. 
Nililinlang ni Satanas ang tao mula sa pasimula at kanyang patuloy na gagawin ito. Sinasabi ni Satanas sa tao na maaari nilang makamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pangungumpisal, pag-aayuno o pagpapatong ng mga kamay. Ito’y walang katotohanan. Hindi makakamit ng tao ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagkumpisal o pagpapatong ng mga kamay. Kanilang lamang matatamo ang Banal na Espiritu kung napatawad lahat ng kanilang kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na bigay ng Diyos sa atin. Ito ang tunay na kahulugan ng pananahan ng Banal na Espiritu. Patuloy na inaakay ng Banal na Espiritu ang mga alagad ni Jesu-Cristo upang ipangaral ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang tulungan ang taon na matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu.
 
 
Pinangunahan tayo ng Banal na Espiritu upang gawin ang ministeryo ng pagbabahagi ng mga aklat sa buong mundo
 
Tulad ng magandang ebanghelyo ni Pablo sa kanyang mga liham, ang Banal na Espiritung nananahan sa aking puso ay ang pampasigla para sa akin upang ipangaral at palawigin ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa panunulat. Ito ang dahilan ng aming pagpapalathala ng mga pang-Kristiyanong mga aklat na naglalaman ng magandang ebanghelyo, na nag-aakay sa mga mananampalataya na matamo ang Banal na Espiritu. Sa una’y kami’y nagsimula sa maliliit na mga babasahin na may iilang mga pahina, di-naglaon ang aming mga aklat ay naglalaman ng magandang ebanghelyo na nakakalat sa buong mundo.
Ang Banal na Espiritung nananahan sa akin ay lubos na inakay ang tao upang makapasok sa iglesia matapos mapatawad ang kanilang mga kasalanan dahil sa pagbabasa ng mga aklat at pananalig sa magandang ebanghelyo. Tangi riyan, Kanya tayong inakay na ipangaral ang magandang ebanghelyo sa iba’t ibang mga wika. Inakay Niya tayong ipangaral ang magandang ebanghelyo sa halos 150 mga bansa sa buong mundo, kasama ang Estados Unidos.
Inudyok ng Banal na Espiritu ang iglesia upang ipagdasal ang misyon sa mundo at inakay kami na isalin ang magandang ebanghelyo sa iba’t ibang mga wika at ipangaral ito sa pamamagitan ng ministeryo ng babasahin upang maraming mga kabansaan ang makarinig at manalig nito. Inakay ako ng Banal na Espiritu upang kumilos kasama ang mga bagong alagad sa ibang bansa at ipangaral ang magandang ebanghelyo kasa-kasama sila. Nagpapasalamat ako sa Banal na Espiritu.
Pinuspos ako ng Banal na Espiritu ng kasiglaang ipangaral ang ebanghelyo sa Ruso. Inakay kami ng Banal na Espiritu na magdasal at binigay sa amin ang pag-asa na makilala ang ebanghelista ng Ruso na naghahanap ng katotohanan at upang ipangaral ang magandang ebanghelyo sa kanila. Ito ay noong unang narinig nila ang magandang ebanghelyo. Pagkatapos ay kanilang nakamit ang Banal na Espiritu tulad natin, matapos marinig at manalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Isa sa kanila, ay isang guro ng isang pambansang unibersidad sa Moscow, inalay itong pahayag sa akin matapos marinig ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
“Ako’y nananalig sa Diyos ng 6 na taon, nguni’t ako’y naniwala nang hindi lubos na nalalaman Siya. Subali’t, matapos marinig ang ukol sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ako’y nagkaroon ng matibay na pananalig at tiwasay na kaginhawaan sa aking puso. Tunay na nagpapasalamat ako sa Panginoon. Aking inakala simula noon na ako’y namuhay sa tamang uri ng pananalig. Ang aking buhay ay naglalaman lamang ng pananalig sa dugo ni Jesus, na namataya para sa ating mga kasalanan. Subali’t, walang nalalaman na hinugasan na ng Diyos ang lahat kong mga kasalanan.
At aking ngayong nakilala ang mga pastor na isinilang na muli at narinig ukol sa magandang ebanghelyong bigay ng Diyos sa atin, at natutunan na ako’y makasalanan pa rin. Sinikap kong makita pang lubos ang ukol sa magandang ebanghelyo at gayon din ukol sa kahulugan ng pagiging matuwid. Nabatid ko na lahat ng aking kasalanan ay inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan. Ito ang magandang ebanghelyo. Nabatid ko na hindi lamang ang aking orihina na kasalanan, kundi ang mga araw-araw na kasalanan at lahat ng mga kasalanan sa bukas ay inilipat sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Nagkamit ako ng lubos na kaligayahan ng pagsilang na muli dahil sa pakikinig at pananalig nitong ebanghelyo ng katotohanan.”
Maraming mga Ruso, kasama na itong guro, ang nagtamo ng Banal na Espiritu dahil sa pakikinig at pananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngayon ang iglesia ng Banal na Espiritu ay naitayo doon, at maraming tao pa ang nanalig sa magandang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagkilos ng Banal na Espiritu. Ginawa ng Diyos ang lahat ng ito, at sanhi nito ako’y nagbigay ng natatanging pasasalamat sa Banal na Espiritu.
Ang Banal na Espiritung nananahan sa akin ay isinilang akong muli, tulad ng mga nanalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ngayon ay aking pinangangaral ang magandang ebanghelyo sa mundo. Hinayaan Niya ang aking mga aklat sa magandang ebanghelyo upang patuloy na maisalin hindi lamang sa salitang Ingles, kundi sa maraming ibang wika sa buong mundo. Kanyang ninais na ipangaral namin itong magandang ebanghelyo sa buong mundo. Nagpapasalamat ako sa Banal na Espiritu. Ikaw din ay maaaring makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Nais ng Diyos na inyong makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Maraming tao ang nagsikap na matamo ang Banal na Espiritu sa pagtawag sa Kanyang Ngalan at pag-aalay ng mga dasal sa Diyos. Subali’t, ang pagsisikap na matamo ang Banal na Espiritu nguni’t di-nalalaman ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na bigay ni Jesus sa atin, ay isang kamalian. Sa pagsasabing makakamit ang Banal na Espiritu kahit wala ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ni Jesus ay maling katuruan.
Nakamit ba ng mga alagad ni Jesus ang Banal na Espiritu kahit walang pananalig sa magandang ebanghelyong bigay ni Jesus sa kanila? Hindi, tiyak na hindi. Dapat mong malaman ngayong kapanahunan na ang Banal na Espiritu ay nananahan sa mga nananalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay umaagos sa kanilang mga puso. Maging sa pagkakataong ito, ang buhay na tubig ng Banal na Espiritu ay dumadaloy sa aking puso kasama ang magandang ebanghelyo. Aleluia, nagpapasalamat ako sa Panginoon.