• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-9] Ang ebanghelyo ng Kanyang bautismo na naglinis sa atin (Efeso 2:14-22)

2021.04.12 28
(Efeso 2:14-22)
“Sapagka’t Siya ang ating kapayapaan, na Kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, na inalis ang pagkakagalit sa pamamagitan ng Kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan, upang sa dalawa ay lalangin sa Kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan. At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa Kaniya’y pinatay ang pagkakaalit. At Siya’ naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit. Sapagka’t sa pamamagitan Niya tayo’y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama. Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ang mga banal, at sangbahayan ng Dios. Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok. Na sa Kaniya’y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon. Na sa Kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.”
 
 
Ano ang naghiwalay sa tao mula sa Diyos?
Ang kasalanang kanyang ginawa.
 

Ang inaring anak sanhi ng karukhaan
 
Kalahating siglo ang nakalipas nang katapusan ng Digmaan sa Korea. Nguni’t ito’y nag-iwan ng matinding sugat sa mga mamamayan ng Korea. Bunga ng Digmaan sa Korea, maraming mga bata ang inampon ng mga banyaga. Bagaman ang puwersa ng mga Bansang Nagkakaisa ay dumating sa Korea at nagbigay ng lubos na tulong sa amin sa panahong iyon, nguni’t maraming mga bata ang naiwanan na ulila sa ama matapos lumisan ang mga sundalo.
Marami sa mga sundalo ng UN dito na may mga asawa at mga anak ay nilisan ang kanilang mga pamilya nang sila’y nagbalik sa kanilang tahanan. Karamihan sa mga batang ito ay muling iniwanan sa mga ampunan ng kanilang mga ina at pina-ampon sa mga dayuhang bansa. Sa kagandahang palad na ang mga batang ito ay nakasumpong ng mga aampon sa kanila.
Nabatid nitong mga inampong mga bata na sila’y may kaibhan sa kanilang mga magulang at sa kanilang mga kapitbahay habang sila’y lumalaki, at kanilang nalaman na sila’y mga ampon mula sa malayong bansa ng Korea. ‘Bakit kami iniwan ng aming mga magulang? Nilayo ba nila kami sa bansang ito dahil sila’y nasusuklam sa amin?’ Sa kanilang mga murang isipan, hindi maunawaan ng mga batang ito ang pangyayari.
Ang kanilang pag-usisa at poot sa kanilang mga tunay na magulang ay nagsimula kalakip ng kagustuhang makita sila. ‘Ano kaya ang hitsura ng aking mga magulang? Paano nilang nagawang pabayaan ako? Ginawa ba nila ito sanhi ng pagkapoot sa akin? Hindi, maaaring may dahilan dito.’ Sila marahil ay may maraming maling unawa at marahil minsa’y nakaramdam ng pagkapoot. At kung minsa’y kinalilimutan na lang ito. Bago man nila mabatid ito, lumipas ang panahon at ang mga bata’y nagkaroon na ng sapat na gulang. Sila’y nag-asawa, nagkaroon ng mga anak at sariling mga pamilya.
Ako’y nagkaroon ng interes sa mga batang ito sa pamamagitan ng isang programa sa lokal na TV. Sa programang ito, isang tagapag-ulat ng TV ang kinapayanam ang isang babaeng inampon na nakatira sa Aleman. Ang babaeng ito ay nasa gulang na higit dalawanpu sa panahong iyon at nag-aaral ng teolohiya. Sa simula, lubos na sinikap niyang iniiwasan ang mga tagapag-ulat dahil hindi niya nais na malaman ninuman na siya’y inampon. Iginiit ng tagapag-ulat na kailangang unawain ng babae na ang pakikipanayam ay tutulong na sugpuin ang pagdami ng pag-ampon ng mga dayuhan. Sumang-ayon ang babae.
Nagtanong ang isa sa tagapag-ulat, “Anong iyong sasabihin kung iyong makikita ang iyong tunay na magulag? Ano ang iyong pinakauusisa?” Tumugon ang babae, “Hindi ko maunawaan kung bakit nila ako pinaampon. Itatanong ko sa kanila kung sila’y napopoot sa akin.” Nakita ng kanyang tunay na ina ang pakikipanayam sa TV, tinawagan niya ang istasyon, at sinabing nais niyang makausap ang kanyang anak. Kaya nagkita ang dalawa.
Maagang nagtungo ang ina sa airport at naghintay sa pagdating ng kanyang anak. Nang lumitaw ang anak mula sa labasan, ang tanging magagawa ng kanyang ina kundi ang tumayo doon at umiyak.
Kailanman sila’y hindi pa nagkaharap. Unang nakita ng ina ang kanyang anak nang siya’y pinalabas sa TV. Bagaman sila’y nagsasalita ng ibang wika, sila’y maaaring mag-usap sa kanilang mga puso, at sa pamamagitan ng kanilang mga damdamin. Hinawakan ng isa’t isa ang kanilang mga mukha habang nagmamakaawa sa paghingi ng tawad ang ina. Ang tanging kanyang magagawa ay ang mananigs paulit-ulit na paghingi ng tawad.
Dinala ng ina ang kanyang anak sa bahay at magkasamang kumain. Siyempre, ang ina ay nagsasalita sa wikang Korea at ang anak nama’y Aleman kaya hindi sila makapag-usap ng maayos. Nguni’t dahil sa katotohanang sila’y ina at anak nagtulot ito sa kanila na maunawaan ang isa’t isa. Marami silang pag-uusap kahit walang salita at naipahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga kumpas, paghawak sa mukha at pangungusap ng kanilang mga mata at mga puso.
Sa panahong siya’y nagbalik sa Aleman, nabatid ng anak na babae na mahal siya ng kanyang ina. Nakausap siyang muli ng tagapag-ulat bago ang kanyang pag-alis. “Hindi na kailangan pa na itanong ko sa aking ina kung bakit niya ako pinaampon. Dukha pa rin ang aking ina hanggang ngayon. Ang mayayamang tao sa bansang ito ay ubod ng yaman, kanilang ginagamit ang kanilang mga sasakyang mula sa ibang bansa, nguni’t ang aking ina ay namumuhay sa karalitaan.” Patuloy niyang sinabi, “Bagaman hindi ako nagtanong sa aking ina ng gayong tanong at hindi nagtamo ng tugon mula sa kanya, nakikita ko na kaya niya ako pinaampon upang iligtas ako sa karalitaan. Kaya hindi na ako nagtanong ng ganyan sa kanya, at kung bakit lahat ng aking mga alinlangan at poot ay naglaho na.”
 
Ang tao’y nawalay sa Diyos sanhi ng kasalanan sa kanilang mga puso
 
Bakit tayo nahiwalay sa Diyos, at bakit hindi tayo makalalapit sa Kanya? Ang babaeng inampon ay nalaman na ang kanyang tunay na ina ay pinaampon siya upang iligtas sa karukhaan. Ito ba’y gayon din sa Diyos? Nilikha tayo ng Diyos sa Kanyang sariling anyo. Ano ang nagpahiwalay sa atin mula sa Kanya? Ang sagot ay ang pagtukso ni Satanas sa tao upang magkasala, at kasalanan ang naghiwalay sa kanya sa Diyos.
Noong una, nilikha ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling anyo at lubos na na inibig ang Kanyang nilalang. Ang tao’y nilikha dahil sa pag-ibig ng Diyos at nagtataglay ng higit na kamaharlikahan kaysa sa ibang nilalang. Subali’t, isang nahulog na anghel nangangalang Satanas ang kumilos upang ilayo ang tao sa Diyos. Tinukso ni Satanas ang tao upang hindi maniwala sa mga salita ng Diyos, at pinakain niya siya ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama.
Kaya ang tao’y nahiwalay mula sa Diyos sanhi ng kanyang kasalanan. Ang tao’y masuwayin sa Diyos. Hindi kinain ng tao ang bunga ng puno ng buhay, na nagbibigay ng walang hanggang buhay at siyang pinahintulot ng Diyos, nguni’t sa halip ay kinain ang pinagbabawal na bunga na nagbigay sa kanya ng kaalaman ng mabuti at masama. Dulot nito ay nahiwalay ang tao sa Diyos.
Noon bilang dahilan ng pag-ibig ng Diyos, ang tao’y sumuway at nahiwalay sa Kanya dulot ng labis na kapalaluan. Sanhi ng kasalanang nanahan sa kanyang puso, ang tao’y unti-unting nahiwalay sa Diyos. Matapos niyon, nabuhay ang tao na hiwalay sa Diyos ng mahabang panahon at dumaing, “Bakit tayo pinabayaan ng Diyos matapos Niya tayong likhain? Bakit Niya hinayaang tayo’y magkasala? Bakit Niya tayo ibubulid sa impiyerno matapos tayong gawing mahihina? Makabubuti pa kung hindi na Niya tayo nilikha pa.” Nabubuhay tayo na maraming mga katanungan, at pag-usisa, alinlangan at poot bago tayo maisilang na muli.
Nang aking makita ang babaeng inampon sa isang programa sa TV, nabatid ko ang kaugnayan ng tao sa Diyos ay gayon ding ang kanyang kaugnayan sa kanyang tunay na ina. Walang kapighatian, maling unawa, sumpa o kasalanan ng anumang uri ang makapaghihiwalay sa tao mula sa Diyos sa anumang pangyayari. Nauunawaan ko rin na bagaman ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos sa tao ay batay sa pag-ibig, maaari pa rin mangyari ang maling pang-unawa.
Tulad ng ina na pinaampon ang kanyang anak hindi dahil sa poot, kaya hiniwalay ng Diyos ang Kanyang sarili mula sa tao hindi dahil sa poot kundi dahil sa kasalanan. Walang dahilan para sa Diyos na mapoot sa tao at walang dahilan para sa tao na mamuhi sa Diyos. Mahal natin ang isa’t isa. Ang dahilan kung bakit nananatiling hiwalay ang tao sa Diyos ay dahil siya’y naging isang makasalanan matapos masilo ng paglinlang ni Satanas.
 
 
Niyakap tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus 
 
“Datapuwa’t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo. Sapagka’t Siya ang ating kapayapaan, na Kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng Kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan, upang sa dalawa ay lalangin sa Kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito ginagawa ang kapayapaan.” (Ephesians 2:13-15). Binautismo ni Juan ang Panginoon at inalis lahat ng kasalanan ng mundo upang alisin ang batas ng mga kautusan. Nagdanak ang Kanyang dugo sa Krus upang iligtas ang tao mula sa kanilang mga kasalanan at hinayaan siyang mayakap ng Diyos. Niyakap ngayon ng Diyos yaong nahugasan Niya.
Iyo na bang nailarawan ang mundo kung walang tubig? Hindi malayong panahon, ako’y dumalo ng pulong sa pag-aaral Biblia sa Lungsod ng Inchon, isa sa pinakamalawak na mga daungan sa Korea kung saan walang tubig ng ilang araw at aking naisip, ‘Ang tao’y di-mabubuhay kung walang tubig.’
Kung hahayan ng Diyos itong mundo na walang tubig sa loob ng isang buwan, imposibleng mamuhay sa mga lungsod sanhi ng amoy, karumihan at laganap na pagkauhaw. Kailangan nating maunawaan ang kahalagahan ng tubig, bigay ng Diyos sa atin. Tulad ng tubig na isang nakapahalaga sa mga tao, ang bautismo ni Juan kay Jesus sa Ilog Jordan ay kailangang-kailangan.
Kung hindi naparito si Jesus sa lupa upang bautismuhan ni Juan, kung gayon paano mapapatawad ang mga kasalanan ng mga mananampalataya? Tulad ng taong hindi mabubuhay kung walang tubig, bawa’t isa dito sa lupa’y mamamatay sa kanilang mga kasalanan kung hindi binautismo ni Juan si Jesus.
Subali’t, yamang sa bautismo ni Jesus ay inalis lahat ng ating kasalanan, tiwala tayo sa kaalaman na ang ating mga puso’y nalinis at napagpala ng kaligtasan. Mahalaga ang bautismo ni Jesus sa ating pananampalataya. Dagdag nito, ang Kanyang bautismo ang pinaka-kailangan para sa atin upang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Sinabi ni Pedro, isa sa mga alagad ni Jesus, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayong nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, sa pamamagitan ng pagkabuhay ni Jesu-Cristo” (1 Pedro 3:21). Sa pananalita ni Pedro, si Jesus ay binautsimo ni Juan Bautista at nagdanak ng Kanyang dugo upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ang bautismo ni Jesus, na naghugas ng lahat ng kasalanan ng mundo, ay ang tunay na ebanghelyo.
Ngayon ating tignan ang ukol sa hugasang tanso na nakatala sa Exodo 30:17-21. “At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, ‘Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan, at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig. At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas doon ng kanilang mga paa. Pagka sila’y pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila’y huwag mamatay, o pagka sila’y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon. Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay, at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.’”
Sa tabernakulo ay naroon ang isang hugasang tanso, na inilagay sa pagitan ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana, na naglalaman ng tubig na panghugas. Kung ang hugasang ito ay wala sa tabernakulo, marurumi ang mga saserdote sa pag-aalay ng mga handog.
Gaano ang dami ng dugo at dumi ang dudungis sa mga saserdote na nag-aalay ng maraming mga araw-araw ng handog para sa tao at inilalagay ang kanilang mga kamay sa mga haing handog at papatayin ang mga ito? Kung wala ang hugasan sa tabernakulo, tiyak na magiging madumi ang saserdote.
Itong dahilan bakit hinanda ng Diyos ang hugasan para sa kanila upang sila’y makalapit sa Kanya na may malilinis na mga kamay. Nailipat ng mga makasalanan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng haing handog, at pagkatapos ay ihahandog sa Diyos alang-alang sa kanila. Hinanda ng Diyos ang hugasang handog upang ang mga saserdote ay makapasok sa kabanal-banalang dako, at upang sila’y makapaghugas sa tubig, kundi sila’y mamamatay. Maging ang isang saserdote ay hindi makapapasok sa kabanal-banalang dako na may dungis ng dugo ng hayop. Itong dahilan kung bakit huhugasan ng mga saserdote lahat ng dumi sa pamamagitan ng tubig ng hugasan upang makalapit sa Diyos matapos ang pag-aalay ng mga handog ng tao.
 
 
Sa bautismo ni Jesus nahugasan lahat ng kasalanan ng mundo
 
Sa pamamagitan ng bautismo ni Juan kay Jesus sa Ilog Jordan, lahat ng kasalanan ng mundo ay inilipat sa Kanya. At ang Kanyang lubos na paglubog sa tubig ang sumisimbolo ng Kanyang kamatayan at sa Kanyang pag-ahon mula sa tubig ang kumatawan ng Kanyang pagkabuhay muli. Sa ibang salita, binautismo ni Juan si Jesus upang kuhanin lahat ng kasalanan ng mundo, binayaran ang kasalanan at namatay sa Krus. Ang Kanyang kamatayan ang pambayad ng ating mga kasalanan at Kanyang pagkabuhay muli ang nagbigay ng buhay na walang hanggan sa atin.
Kung hindi tayo nanalig na inalis ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ang ating mga puso ay puno ng kasalanan. Sa pagkakataong yaon, paano tayo makalalapit sa Diyos? Ang ebanghelyo ng kapatawaran ng mga kasalanan ay hindi isang doktrina ng isang sekta kundi ang katotohanan ng Diyos.
Hindi tayo makapananalig kung wala ang ganap na kaaalaman, sa ibang salita, hindi tayo magtatagumpay sa mundo kung hindi natin pansin ang bautismo ni Juan kay Jesus. Tulad ng lahat ng mga nabubuhay ay kailangan ang tubig upang mabuhay pa, kailangan natin ang kapatawaran ng mga kasalanan at ang tubig sa bautismo ni Jesus upang upang mamuhay sa pananampalataya at makapasok sa Kaharian ng Langit. Kailangang bautismuhan si Jesus, mamatay sa Krus at mabuhay muli upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na dapat buong pusong pananaligan.
Bagaman napako si Jesus sa Krus, walang Siyang ginawa upang kamtan ang gayong parusa. Siya’y naparito sa lupa upang hugasan ang ating mga kasalanan, nabautismo sa gulang na 30, at naging ating Tagapagligtas dahil sa Kanyang kamatayan sa Krus sa gulang na 33. Ninais ng Diyos na maging Kanyang anak ang sangkatauhan anuman ang kahinaan at kasamaan. Iyan ang dahilan ng bautismo ni Jesus. Binigay ng Diyos sa atin ang kapatawaran sa mga kasalanan at kalakip din ang handog na Banal na Espiritu.
“Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:3-5). Dapat mong malaman at manalig na binautismo si Jesus upang hugasan lahat ng ating kasalanan. Kahit pa ang naisilang na muling Kristiyano, kung hindi siya magninilay sa katotohanan na kinuha ni Jesu-Cristo lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, di-maglaon ang kanyang puso’y magiging marumi. Dahil tayo’y mga nilalang, tayo marahil ay marurumihan dahil sa kasalanan maging sa araw-araw na buhay. Kaya kailangan nating mamuhay sa pananampalataya, pagbulayan ang bautismo ni Jesus, Kanyang dugo, at Kanyang pagkabuhay muli. Itong pananampalataya ang magpapanatili sa atin hanggang sa araw na tayo’y pumasok sa Kaharian ng Langit.
Walang pagpipilian si Jesus kundi ang mabautismuhan at mamatay dahil sa ating mga kasalanan, kaya dapat tayong manalig na sanhi nito tayo’y Kanyang iniligtas. Wala na tayong magagawa pa kundi ang manalig nitong magandang ebanghelyo upang mapalaya sa lahat ng kasalanan ng mundo.
Magpasalamat tayo sa Panginoon, Siyang nagbigay sa atin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pinakadakilang handog na bigay ng Diyos sa atin ang pagsugo ng Kanyang bugtong na Anak upang iligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo.
Ang dahilan hindi tayo makalapit sa Diyos at napilitang mamuhay na hiwalay sa Kanya ay dahil taglay ang kasalanan sa ating mga puso. Binautismo ni Juan si Jesus upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo at namatay sa Krus upang wasakin ang pader na naghihiwalay sa Diyos at tao. Ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos at tao ay naibalik dahil sa Kanyang bautismo at dugo. Magpasalamat tayo sa Kanya nitong mga handog. Ang pag-ibig ng makalupang magulang tungo sa kanilang anak ay dakila, nguni’t ito’y hindi maihahambing sa pag-ibig ng Diyos, kung saan niligtas ni Jesus tayong mga makasalanan.
Mahalagang pareho ang bautismo at dugo ni Jesus. Kung walang tubig dito sa lupa, mayroon bang mabubuhay? Kung wala ang bautismo ni Jesus, wala ni isa ang mawawalan ng kasalanan sa kanyang puso. Kung hindi binautismo si Jesus at kung hindi Siya napako sa Krus, walang makatatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan. Sa kabutihang palad, si Jesus ay binautismo at naging dakilang alay para sa atin. Bagaman tayo’y kapos at mahihina, ating makakamit ang Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa Kanyang bautismo at dugo sa Krus.
Ang taong nananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at kamatayan sa Krus ay makalalapit sa Diyos, manalangin at magpuri sa Kanya. Mayroon na tayong kakayanang magpuri sa Panginoon at sumamba sa Kanya dahil tayo’y naging Kanyang mga anak. Ito ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay tunay na kamangha-mangha. Ating makakamit lahat ang kaligtasan at ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig nitong magandang ebanghelyo.