(Galacia 5:16-26, 6:6-18)
“Sinasabi ko nga: Magsilakad kayon ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman. Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban, upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin. Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan. At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampi-kampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito, tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu a pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil, laban sa mga gayong mga bagay ay walang kautusan. At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t-isa, nangagiinggitan sa isa’t-isa.”
“Datapuwa’t ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti. Huwag kayong padaya, ang Dios ay hindi napabibiro, sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao ay siya namang aanihin niya. Sapagka’t ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan, datapuwa’t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan. At huwag tayong mangagpagod sa paggawa ng mabuti, sapagka’t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod. Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasanbahay sa pananampalataya. Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo na aking sariling kamay. Yaong lahat na may ibig magkaroon ngisang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangatuli, upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo. Sapagka’t yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan, nguni’t ibig nilang kayo’y ipatuli, upang sila’y mangagmapuri sa inyong laman. Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan. Sapagka’t ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang. At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios. Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin, sapagka’t dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus. Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawang espiritu, Siya nawa.”
Anong dapat gawin upang Mamuhay sa Espiritu?
Dapat nating ipangaral at sundin ang magandang ebanghelyo.
Si Apostol Pablo ay nagsulat ukol sa Banal na Espiritu sa kanyang liham sa mga taga-Galacia. Kanyang sinabi sa Galacia 5:13-14, “Sapagka’t kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan, huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo. Sapagka’t ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito, ‘Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.’”
Sa madaling salita, ang mensahe ay yamang tayo’y naligtas at napalaya mula sa kasalanan dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyo, hindi natin dapat iukol ang ating mga sarili sa pita ng laman dahil sa kalayaang ito, nguni’t sa pamamagitan ng pag-ibig dapat tayong maglingkod sa isa’t isa at sundin ang magandang ebanghelyo. Yamang iniligtas tayo ng Diyos mula sa lahat ng kasalanan, nararapat sa atin na ipangarala ang ebanghelyo. Sinabi rin ni Pablo, “Nguni’t kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangasasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo’y mangalipulan sa isa’t isa” (Galacia 5:15).
Lumakad ayon sa Espiritu upang mapuspos ng Banal na Espiritu
Sinabi ni Pablo sa Galacia 5:16, “Sinasabi ko nga: Magsilakad kayon ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.” At kanyang sinabi rin sa mga talatang 22-26, “Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu a pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil, laban sa mga gayong mga bagay ay walang kautusan. At ipinako sa kurs ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t-isa, nangagiinggitan sa isa’t-isa.” Dito, ay sinasabin ni Pablo na kung tayo’y mamumuhay ayon sa Espiritu, tayo’y magkakaroon ng bunga ng Espiritu. Hinihiling sa atin ng Banal na Espiritu na tayo’y mamuhay sa Espiritu. Nguni’t tayo’y namumuhay sa laman.
Tayong mga tao ay isinilang sa laman at hindi makapamumunga sa Espiritu. Kahit pa sikapin nating mamuhay sa Espiritu, ang ating kalikasan ay di-magbabago. Iyan ang dahilang kung bakit yaon lamang tumanggap ng pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa ebanghelyo ang makapamumuhay sa Espiritu at magbubunga sa Espiritu.
Kapag sinabi ng Biblia sa atin na mamuhay sa Espiritu, ibig sabihin kailangan nating ipangaral ang magandang ebanghelyo upang ang iba’y mapatawad din sa kanilang mga kasalanan. Kung tayo’y mamumuhay para sa ebanghelyong ito, tayo’y magkakaroon ng bunga ng Espiritu. Sa ibang salita, hindi ang bagay ng pagbabago ng kalikasan ng tao. Kung tayo’y mamumuhay sa pamamagitan nitong magandang ebanghelyo, tataglayin natin ang bunga ng Espiritu, tulad ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kaamuhan at pagpipigil sa sarili. Ang bunga ng Espiritu ang tutulong sa atin para sa kaligtasan ng iba upang sila’y magkaroon ng walang-hanggang buhay.
Ang mga pita ng laman laban sa mga nasa ng Espiritu
Sinabi ni Pablo, “Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban, upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin” (Galacia 5:17). Yamang tayo, na mga tinubos, ay sabay na taglay ang pita ng laman at ng Espiritu, ang dalawang elementong ito ay laging salungat sa isa’t isa. Ang resulta ay wala ni isa ang ganap na pupuspos sa ating mga puso.
Inaakay tayo ng Espiritu upang magnais, mula sa kahibuturan ng ating mga puso, upang ipangaral ang magandang ebanghelyo at maglingkod sa Panginoon. Tayo’y nagiging masigasig sa pagtalima sa mga espirituwal na mga gawa. Nakatutulong sa atin na iligtas ang tao mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pangangaral ng mabuting ebanghelyo ng Diyos.
Nguni’t sa kabilang dako, ang ating mga pagnanais ay nag-uudyok sa pita ng laman upang hindi tayo makapamuhay ayon sa Espiritu. Ito ang walang-hanggang paglalaban ng Espiritu at ng mga pita ng laman. Kapag ang isang tao’y nilamon ng mga pita ng laman, siya’y mahahantong sa pagbibigay nasa sa laman. Itinatalaga ng laman ang kanyang nasa laban sa Espiritu. Sila’y salungat sa isat isa, kaya hindi natin magagawa ang ating ating ibig.
Kung gayon ano ang pamumuhay ayon sa Espiritu? At kung anong mga bagay ang nagbibigay lugod sa Diyos? Sinabi ng Diyos na ang pangangaral at pagsunod sa magandang ebanghelyo ay ang buhay sa Espiritu. Binibigyan Niya ang mga puso upang mamuhay sa Espiritu yaong mga nagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu, upang sila’y mamuhay sa espirituwal. Ang utos na binigay sa atin upang mamunga sa Espiritu sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa Espiritu ay isang tagaudyok at isang paraan upang mailigtas natin ang iba sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pangangaral ng magandang ebanghelyo. Ang ibig sabihin ng mamuhay sa Espiritu ay mamuhay na nagbibigay lugod sa Diyos.
Upang mamuhay sa Espiritu, unang-una ay kailangan natin ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kailangan muna nating manalig sa magandang ebanghelyong binigay ng Diyos sa atin kung nais nating matamo ang Banal na Espiritu na nananahan sa atin. Kung hindi tayo taos-pusong mananalig sa magandang ebanghelyo, hindi rin natin matatamo ang pananahan ng Banal na Espiritu ni makakamtan ang kaligtasan mula sa kasalanan, ibig sabihin hindi tayo makapamumuhay ayon sa Espiritu.
Binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng pagnanais na ipangaral ang magandang ebanghelyo, upang maglingkod sa Panginoon at magbigay luwalhati sa Diyos. Itong pagnanasa ay nagmumula sa ating mga puso na nakalaan sa Diyos at sa pangangaral ng magandang ebanghelyo sa buong mundo. Ito’y nagmumula rin sa isang puso na handang gawin anuman ang dapat upang maipangaral ang ebanghelyo. Ang mga nananalig sa magandang ebanghelyo at nakamit ang Banal na Espiritu matapos mapatawd sa kanilang mga kasalanan ay makapamumuhay ayon sa Espiritu at inaalay ang kanilang mga sarili sa pangangaral ng ebanghelyo. Ito ang kanilang espirituwal na mana mula sa itaas.
Ang mga nananahan sa Banal na Espiritu ay sumusunod sa Banal na Espiritu at namumuhay sa Espiritu, bagaman taglay pa rin ang mga pita sa laman dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanila. Sinabi ni Pablo, “Mamuhay ayon sa Espiritu.” Ang kanyang ibig sabihin ay dapat nating ipangaral ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espiritu na binigay ni Jesus sa atin upang ating matulungan ang iba na mapatawad sa kanilang mga kasalanan.
Kung minsan sa pamumuhay ayon sa Espiritu, tayo’y namumuhay ayon sa laman. Ang pita ng laman at hangad ng Espiritu ay nagtutunggali sa isat isa ng ating buhay, nguni’t kailangan nating malaman at kilalaning maiigi na yaong nananahan sa Banal na Espiritu ay dapat mamuhay ayon sa Espiritu. Tanging sa paraang ito tayo ay makapamumuhay na puspos ng mga pagpapala ng Diyos. Kung yaong nananahan sa Banal na Espiritu ay tumangging mamunga sa Espiritu, sila’y mauuwing nagbubunga ng laman. Ang kanilang bunga ay nabubulok at kahabag-habag. Naroon ang dahilan ng pamumuhay ayon sa Espiritu.
Ating narinig na “Mamuhay ayon sa Espiritu,” nguni’t ang iba sa atin ay mag-iisip “Paano mangyayari yaon, gayong nararamdaman ko na ang Banal na Espiritu ay nasa akin?” Ang iba sa atin ay iniisip na atin lamang makikilala ang pananahan ng Banal na Espiritu kung nagpakita ang Diyos at nagwika sa atin. Nguni’t ito’y maling pag-unawa. Binibigyan tayo ng Espiritu ng pagnanais na mamuhay para sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
May mga pagkakataon na tayo’y nakatitiyak na Siya’y nananahan sa atin nguni’t hindi Siya nararamdaman dahil tayo’y namumuhay pa ayon sa laman. Ang iba’y maaaring isipin na Siya’y natutulog sa atin. Sila ang mga nagtamo ng Banal na Espiritu nguni’t namumuhay pa rin sa laman.
Ang mga taong ito ay pinasisiya lamang ang kanilang laman at kumikilos sa kagustuhan nito, nguni’t nagdurusa sa huli sanhi ng unti-unting mga kailangan ng laman. Maging yaong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay naaakay na mamuhay ayon sa mga pita ng laman, dahil inaakala nilang normal lamang ito. Nguni’t yaong nagpapasailalim sa laman ay unti-unting magiging mga alipin sa laman.
Sinasabi ng Panginoon sa atin na tayo’y mamuhay ayon sa Espiritu. Ito ang paglilingkod sa magandang ebanghelyo. Ibig sabihin din dapat natin ialay ang ating mga sarili sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nagagalak sa ebanghelyo at namumuhay ayon sa Espiritu. Dapat tayong mamuhay tulad nito sa pamamagitan ng pag-aalam kung paano mamuhay ayon sa Espiritu. Namumuhay ka ba ayon sa Espiritu?
Makakamit ba ng isang tao ang pananahan ng Banal na Espiritu gayong hindi siya Mamuhay ayon sa Espiritu?
Ang mga hindi isinilang na muli ay hindi nalalaman ang kahulugan ng pamumuhay ayon sa Espiritu. Sa gayon, maraming tao ang nagsisikap na makamit ang Banal na Espiritu at hinahangad ito sa kanilang sariling pamamaraan. Inaakala nila na ang gawaing paghahangad sa Banal na Espiritu ay katulad din ng pagpuspos ng Banal na Espiritu.
Halimbawa, kapag ang tao’y nagtipon sa mga kapilya para sumamba, mananalangin ng malakas ang ministro at ang lahat ay magsisimulang umiyak sa pangalan ng Panginoon. Ang iba sa kanila’y magsasalita ng ibang mga wika na waring sila’y puspos ng Banal na Espiritu, nguni’t wala ni isa sa kanila ang nakakaunawa ng kanilang sinasabi. Gayon pa man, ang iba sa kanila’y nabubuwal sa lupa at ang kanilang mga katawa’y nagsimulang mangisay sa kasiyahan. Tiyak na sila’y nasasapian ng mga demonyo nguni’t kanilang inaakalang taglay nila ang Banal na Espiritu. Pagkatapos ay darating ang kaingayan ng pagsisigaw ng tao, “Panginoon, Panginoon!” Sila’y tumatawag sa Panginoon, umiiyak at nagpapalakpakan ng kanilang mga kamay. Itong kababalaghan ay kadalasang tinatawag na “pagiging puspos ng Banal na Espiritu.”
Ang ministro ay magsasalita ng ibang wika habang hinahampas ang pulpito, at ang tao’y magsisigaw ng “Panginoon! Panginoon!” Gusto nila ang ganitong uri ng pangyayari at ang iba’y nagsasabi pa na sila’y nakakita ng isang pangitain ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama sa Hardin ng Eden at ang mukha ni Jesus sa kanilang pagkakatirapa. Maling kaunawaan ang kanilang paraan sa pagkamit ng Banal na Espiritu, upang mapuspos Niya at mamuhay kasama Niya. Ang kanilang mga naliligaw na mga gawa ay sanhi ng kanilang maling pang-unawa ukol sa salita ng Diyos at sa Banal na Espiritu.
“Mamuhay ayon sa Espiritu.” Ito ang sinabi ng Diyos sa mga isinilang na muli. Nangangahulugang ginagawa ang mga bagay na makalulugod sa Kanya. Inihambing ni Pabl ang mga gawa ng laman sa bunga ng Espiritu. Kanyang sinabi, “Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu a pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil, laban sa mga gayong mga bagay ay walang kautusan” (Galacia 5:22-23).
Ang “mamuhay sa Espiritu” ay ang pangangaral ng me at maligtas ang iba sa kanilang mga kasalanan. Kung gayon, tayo’y magbubunga sa Espiritu. Ang mga bunga ng Espirity ay ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitah, kabutihan, katapatan, kaamuhan at pagpipigil sa sarili, at tayo’y magbubunga lamang kung tayo’y mamumuhay sa pamamagitan ng mabuting ebanghelyo. Ang naglilingkod at nangangaral ng mabuting ebanghelyo, inaalay ang kanyang sarili, kung gayon siya’y mamumuhay na puspos ng Banal na Espiritu.
Bilang bunga ng Espiritu, ang “kabutihan” ay ang paggawa ng mga mabubuting gawa. Ito rin ay isang mataas na uri ng kabaitan. Ang pagpapanatili ng kabaitan para sa mabuting ebanghelyo at paggawa ng bagay para sa kapakanan ng iba ay isang kabutihan. Ang pinakamataas na kabutihan sa paningin ng Diyos ay ang pangangaral ng ebanghelyo para sa kapakanan ng iba.
At “kagandahang-loob” ay ang kaawaan sa iba. Siya na mapagbiyaya sa iba ay paglilingkod sa ebanghelyo na may pagtitiis at kabaitan ay maging mapayapa. Siya na namumuhay sa Espiritu ay masayang nakikita ang katuparan ng gawa ng Panginoon, nagmamahal sa Kanyang gawain, umiibig sa iba at tapat sa lahat ng bagay. Bagaman walang nagpilit sa kanila na gawin yaon, siya na taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay tapat sa Kanyang gawain hanggang ito’y maganap. Siya’y maamo at may pagpipigil sa sarili. Taglay niya ang bunga ng Espiritu. Ang taong nagtataglay ng Banal na Espiritu ay kailangang mamuhay sa Espiritu. Sanhi nito, siya’y makapamumunga sa Espiritu.
Ikaw din ay magbubunga sa Espiritu kung ika’y namumuhay ayon sa Espiritu. Nguni’t kung hindi, ika’y mahahantong na mamumuhay sa laman. Sinasabi ng Kasulatan sa Galacia 5:19-21, “At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampi-kampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito, tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.”
Nakikita ang mga gawa ng laman
Nakikita ang mga gawa ng laman. Ang unang gawa ng laman ay ang “pakikiapid,” ang pagkakaroon ng di-wastong kaugnayan sa ibang kasarian. Ang pangalawa ay “pangangalunya.” Ang ikatlo ay “karumihan.” Ikaapat ay “kalibugan.” Ang ikalima ay “pagsamba sa diosdiosan,” paglilingkod sa mga rebulto kaysa sa Diyos. Ang ikaanim ay “pangkukulam.” Ikapito ay “mga pagtatanim.” Ang taong hindi taglay ang Banal na Espiritu ay namumuhay sa laman, tiyak na maipapakita niya ang pagkapoot sa iba ayon sa pita ng kanyang laman. Ang ikawalo ay “mga pagtatalo.” Ang iba ay “mga paninibugho, mga pagkakaalitan, at mga pagkakampikampi.” Lahat ng mga ito’y ugali ng taong namumuhay sa laman.
Ang ikasampu ay “pagkakabahabahagi.” Kapag ang isang tao’y namumuhay lamang ayon sa laman, imposible para sa kanya ang kumilos para sa iglesia at di-maglao’y mahahantong na lilisanin ang iglesia. Ang panglabing-lima’y ang “mga hidwaang pananampalataya.” Siya na namumuhay sa laman upang bigyang kasihayan ang kanyang sarili. Nguni’t ang gayong pamumuhay ay taliwas sa pagnanais ng Diyos di-maglaon siya’y tatalikod sa mabuting ebanghelyo. Ang pagka-erehe ay pag-iwas sa katotohanang biblikal. Wala ni isa ang nananalig sa salita ng Diyos at namumuhay sa Espiritu ang tatalikod sa kalooban ng Diyos. “Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito” ay mga gawa din ng laman. Ang mga nabubuhay lang ayon sa laman ay gagawin ang gayong mga bagay hanggang sa huli. Kaya sinabi ng Panginoon, “Magsilakad sa Espiritu.” Tayo, na mga isinilang na muli ay kailangang mamuhay sa Espiritu. Ang mga hindi isinilang na muli ay taglang ang mga pita ng laman sa kanilang mga puso. Kaya sila’y gumagawa ng “pakikiapid, karumihan, kahalayan, pagsamba sa diosdiosan.” Ang mga ministrong hindi isinilang na muli ay “nangkukulam” sa kanilang mga tagasunod upang pilitin silang maghandog ng maraming salapi. Nagbibigay sila ng mga mahahalagang responsibilidad at matataas na posisyon sa iglesia sa mga nagbibigay ng pinakamalaking handog. Ang mga nabubuhay sa laman ay nagpapakita ng “pagkapoot” sa iba. Hinahati nila ang mga iglesia sa maraming sekta, nagmamalaki sa kanilang sariling sekta at hinahatulan ang iba bilang mga erehe.
“Mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampi-kampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga kapanaghilian” ay nasa puso ng mga hindi isinilang na muli. Ito rin ang nasa atin na mga hinirang kung tayo’y mamumuhay ayon sa laman.
Tinutulungan ng Espiritu ang mga Kristiyanong isinilang na muli upang magbunga sa Banal na Espiritu
Ang mga isinilang na muli ay dapat mamuhay sa pangangaral ng mabuting ebanghelyo. Mahirap para sa atin na tupdin ang Panginoon na mag-isa, dapat tayong maglingkod para sa mabuting ebanghelyo sa pamamagitan ng paglahok sa iglesia ng Diyos. Dapat tayong sama-samang nagdarasal at inaalay ang ating mga lakas upang mamuhay sa pamamagitan ng mabuting ebanghelyo ng Espiritu. Ang tayong namumuhay sa Espiritu ay pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa ibang salita, ang mamuhay ayon sa laman ay pamumuhay lamang sa sarili habang ang pamumuhay ayon sa Espiritu ay ang pagkilos para sa ikaliligtas ng ibang kaluluwa. Maraming mga Kristiyanong isinilang na muli ang taglay itong uri ng magandang buhay. Sila’y nabubuhay para sa ikabubuti ng iba.
May malaking bilang ng tao sa buong mundo ang hindi pa naririnig ang mabuting ebanghelyo. Iniibig natin ang mga tao sa Africa at Asya. Iniibig natin ang bawa’t isa sa Europa at Amerika gayon din ang mga nasa isla. Dapat nating maipakita ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dapat tayong mamuhay sa Espiritu. Walang kautusan laban dito. “Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu a pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil, laban sa mga gayong mga bagay ay walang kautusan” (Galacia 5:22-23). Mayroon bang kautusan laban dito? Wala. Ito ang kautusan ng Espiritu na dapat nating sundin. Sinabi ni Pablo na tayo’y mamuhay sa Espiritu. Tulad ng pagbibigay ng Panginoon sa atin ng Kanyang buhay bilang mga makasalanan, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo sa iba. Ang pagliligtas sa iba mula sa kanilang mga kasalanan ay ang pamumuhay sa Espiritu. Dapat tayong mamuhay ayon sa Espiritu.
Sinabi ni Pablo sa Galacia 5:24-26, “At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t-isa, nangagiinggitan sa isa’t-isa.” Dapat tayong mamuhay sa pagliligtas sa mga naliligaw na kaluluwa kung nais nating mamuhay ayon sa Espiritu. Ating dapat gawin ang gawa ng Espiritu at mamuhay na kasama Siya. Ang Banal na Espiritung bigay sa atin ng Diyos ang nag-aakay sa atin na mamuhay kasama si Jesu-Cristo sa ating mga puso. Ang Banal na Espiritu ay ang Hari ng pag-ibig. Ginagamit tayo ng Diyos bilang mga kasangkapan ng Kanyang pag-ibig.
Sinabi ni Pablo, “At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito” (Galacia 5:24). Kanya ring sinabi na yaong mga isinilang na muli ay kasamang namatay ni Jesu-Cristo. ang mga tunay na isinilang na muli ay patay na kasama si Jesus. Hindi natin nababatid, nguni’t tayo’y patay na kasama si Jesu-Cristo nang Siya’y ipako para sa kabayaran ng ating mga kasalanan. Sa ibang salita, ang katotohanang napako si Jesu-Cristo ay nangangahulugang ikaw at ako ay namatay kasama Niya sa Krus. Ang Kanyang kamatayan ay ating kamatayan at ang Kanyang pagkabuhay muli ay sumisimbolo ng ating tiyak na pagkabuhay muli. Ikaw at ako ay nabubuhay at namatay kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng ating pananalig. Kailangan natin ang pananalig. Ang ating pananampalataya ang mag-aakay sa atin upang mamuhay ayon sa Espiritu.
Binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihang mamuhay sa Espiritu. Samakatuwid, tayo na napatawad sa lahat ng ating kasalanan ay kailangang mamuhay sa Espiritu. Ang nagtataglay ng Banal na Espiritu ay dapat magpasalamat dahil ang kanilang mga kasalanan ay napatawad at iaalay ang kanilang mga sarili sa pangangaral ng mabuting ebanghelyo para sa kaligtasan ng naliligaw. Bagaman siya’y napatawad sa kanyang mga kasalanan at isinilang muli, siya’y mawawalay sa iglesia ng Panginoon at hindi makapaglilingkod sa Kanya kung siya’y nabubuhay ayon sa mga pita ng laman. Ikaw at ako ay dapat mamuhay sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa Araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Huwag maging palalo kundi mamuhay na puspos ng Banal na Espiritu
Sinabi ni Pablo, “Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t-isa, nangagiinggitan sa isa’t-isa.” Ano ang palalo? Ito ay pamumuhay ayon sa mga pita ng laman. Maraming mga tao sa mundong ito an namumuhay na palalo. Maraming tao ang nagkakamal ng salapi, nakikipaglaban para sa pamamayani, umiibig sa makamundong kagandahan at namumuhay para sa kasalukuyan. Walang katapatan sa mga ito, at sila’y mabubulok at maglalaho sa paglipas ng panahon. Itong dahilan kung bakit ang taong nabubuhay ayon sa laman ay tinatawag na palalo. Kahit pa ang tao’y maraming kayamanan, mayroon bang tunay na kapayapaan at kasiyahan sa kanilang mga puso? Ang bunga ng laman ay unti-unting mabubulok. Ang mga makamundong bagay at walang silbi sa mga kaluluwa ng iba at ito’y para sa sarili lamang. Ito’y mabuti lamang para sa sariling laman.
Sinasabi ng Biblia “May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni’t nauuwi lamang sa pangangailangan” (Mga Kawikaan 11:24). Ang mga hindi isinilang muli ay nagsisikap na magkamal ng maraming salapi. Dahil ang mga makamundong bagay ay ang pinakamahalaga sa kanila, walang lugar para sa kanila na kalingain ang iba. Kaya nais nila ang mabuhay para sa sarili lamang. Nguni’t sinasabi sa Biblia na may nagkakamal ng labis sa nararapat, nguni’t ito’y mauuwi sa kawalan. Ang tao’y namumuhay ayon sa mga pita ng laman, nguni’t ang resulta’y katulad ng pagdating ng isang magnanakaw at ikamamatay. Lahat ng ito ay sanhi ng pagiging palalo.
Yaong umiibig sa pagsunod sa mga nais ng Espiritu
Nais ni Pablo na mamuhay ayon sa Espiritu. At kanya ngang ginawa. Itinuro niya sa atin na mamuhay na mabuti sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kanyang sinabi sa Galacia 6:6-10, “Datapuwa’t ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti. Huwag kayong padaya, ang Dios ay hindi napabibiro, sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao ay siya namang aanihin niya. Sapagka’t ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan, datapuwa’t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan. At huwag tayong mangagpagod sa paggawa ng mabuti, sapagka’t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod. Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasanbahay sa.”
Nagpayo si Pablo sa mga nakakaalam ng salita ng Diyos na ibahagi ang lahat ng bagay sa kanilang mga guro. Ang ibig niyang sabihin sa “mga magagandang bagay” ay ang bigyang lugod ang Panginoon sa pagliligtas sa mga naliligaw na kaluluwa sa buhay na nabubuhay ayon sa Espiritu at pangangaral ng ebanghelyo. Ang mga isinilang na muli ay dapat dapat makilahok sa mga nagtuturo at namumuhay sa Espiritu na taglay ang iisang kaisipan, pag-ibig at iisang paghahatol.
“Datapuwa’t ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.” Ang ibig sabihin ng mga mabubuting bagay ay pagliligtas sa iba mula sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng iglesia. Sinabi sa atin ni Pablo na gawin lahat ng bagay sa iisang kaisipan, iisang dasal at iisang debosyon. Dapat nating gawin ang gawain ng Panginoon.
Sinabi ni Pablo, “Huwag kayong padaya, ang Dios ay hindi napabibiro, sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao ay siya namang aanihin niya.” Ang ibig sabihin ng “napabibiro” dito ay “tuyain o uyamin.” Kaya ang kahulugan ng “Huwag kayong padaya, ang Dios ay hindi napabibiro” ay huwag uyamin o tuyain ang Diyos. Halimbawa, ang isang tao ay hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga salita ng Diyos, isinasalin ito sa kanyang sariling mga unawa at bigo na panaligan ang mga ito. Sinabi ni Pablo, “Sapagka’t ang lahat na ihasik ng tao ay siya namang aanihin niya.” Ibig sabihin nito na sinumang naghasik sa laman ay mag-aani ng kabulukan, nguni’t ang naghasik sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.
Ano ang ating maaani kung tayo’y mamumuhay sa pamamagitan ng magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ating makakamit ang walang hanggan buhay at kaligtasan sa ating mga kasalanan. Tayo’y aani ng mga bunga ng Espiritu dahil sa pagdadala sa mga kaluluwa ng iba sa pagtubos ng kanilang mga kasalanan at sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng mga pagpapala ng Diyos.
Nguni’t paano ang mga taong nabubuhay sa kanilang sariling laman? Sila’y aani ng kabulukan at kamatayan ang kanilang hangganan. Wala na pagkatapos ng kanilang kamatayan. Ang tao’y isisilang na walang laman ang kamay at mamamatay na walang laman ang mga kamay.
Kung kanyang gagawin ang pagliligtas sa iba mula sa kanilang mga kasalanan, sila’y aani ng bunga ng Espiritu at walang hanggang buhay. Nguni’t kung siya’y patuloy na mamumuhay ayon sa mga pita ng laman, siya’y mahahantong sa pag-ani ng kabulukan. At siya’y aani ng mga sumpa at isasalin ang mga sumpa sa iba. Samakatuwid, si Pablo, na nakakaalam ng lahat ng bagay ukol sa pamumuhay sa pananampalataya, pinayo sa atin na huwag mamuhay ayon sa laman.
“At huwag tayong mangagpagod sa paggawa ng mabuti, sapagka’t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.” Si Pablo ay isang lingkod ng Diyos na namumuhay ayon sa Espiritu. Nang makita ng tao sa Biblia na siya’y namuhay sa Espiritu, ang iba’y maaaring inakala na ang Banal na Espiritu ay tahasang iniutos sa kanya na gawin ang mga bagay tulad ng, “Pablo, magtungo ka sa kaliwa at salubungin mo ang isang tao” o kaya “Dapat mong iwasan ang taong iyan.” Nguni’t ito’y walang katotohanan.
Siya’y namuhay sa Espiritu sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo ng kaligtasan sa iba at tumulong sa ikaliligtas ng kanilang mga kaluluwa. Naglingkod si Panginoon sa Panginoon sa pamamagitan ng paglahok sa mga namumuhay sa Espiritu. Sa gitna ng mga Kristiyano, may mga tao ang hindi namumuhay sa Espiritu nguni’t namumuhay ayon sa mga pita ng laman. Hindi nila tinanggap si Pablo bagkus ay sumalungat at hinamak siya. Sinabi ni Pablo wala siyang makikisalamuha sa mga salungat at mga sumisira sa mga alagad ni Jesu-Cristo.
Kung nais mong mamuhay sa Espiritu, dapat kang mamuhay sa pamamagitan ng ebanghelyo. Inusig ng mga tuli si Pablo. Sa Galacia 5:11 ay sinasabi, “Nguni’t ako, mga kapatid kung ipangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako’y pinaguusig pa? Kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa Krus.” Ang mga tinuli ay yaong nagtataguyod ng pagtutuli, sinasabing, “Kahit pa siya’y naisilang muli dahil sa pananalig kay Jesus, kailangan siyang tuliin. Kung hindi siya matutuli sa laman, hindi siya anak ng Diyos.” Bakit nila inusig siya? Naniniwala si Pablo na ang pagtutubos at ang pagpapala ng buhay na walang hanggan ay nagmula lamang sa pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Ito ang kanyang pinangaral.
Ang pananalig upang maging matuwid ang tao ay nagmula sa pag-aaral ng katotohanan at pangangaral nito. Kinilala ni Pablo ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu bilang lubos na mahalaga. Naniniwala siya na yaong nakakaalam ng katotohanan ay mamumuhay sa Espiritu at hindi kailangan pa ang matuli. Ito ang kanyang pinangaral. Nguni’t ang tuli ay naniniwala na ang pagtutuli ang siyang mahalagang bahagi ng pananalig ng tao sa kaligtasan. subali’t, walang ibang ebanghelyo na binigay ng Diyos at sa gayon hindi natin dapat dagdagan ni bawasan ang anuman mula rito.
Nang si Pablo ay namuhay sa Espiritu, siya’y sinawalang-bahala at inusig ng kanyang kapwa Judio. “Yaong lahat na may ibig magkaroon ngisang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangatuli, upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo. Sapagka’t yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan, nguni’t ibig nilang kayo’y ipatuli, upang sila’y mangagmapuri sa inyong laman. Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan. Sapagka’t ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang” (Galacia 6:12-15). At sinabi ni Pablo sa mga tuli, “Yaong lahat na may ibig magkaroon ngisang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangatuli, upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo.”
Sinisi ni Pablo yaong namuhay ayon sa mga pita ng laman. Sila’y namuhay ayon sa mga pita ng laman at maraming tao ang tulad nila. Nguni’t tinapos ni Pablo ang kanyang kaugnayan sa kanila. Sinabi ni Pablo, “Datapuwa’t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” Binautismo ni Juan si Jesu-Cristo upang alisin lahat ng kasalanan ng sanlibutan at namatay sa Krus upang iligtas si Pablo at lahat ng tao sa lahat ng mga tinawag ng ating Panginoong Diyos. Sinabi ni Pablo, “sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan. Sapagka’t ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang.” Si Pablo, ay patay na sa sanlibutan, nabuhay muli dahil kay Jesu-Cristo.
Tayo nga’y patay na kay Jesu-Cristo. Nguni’t kung minsan nalilimutan natin itong katotohanan. Dapat tayong manalig dito. Kung hindi nating taglay ang katotohanang ito, tayo’y mahahantong sa mga pita ng laman at sa ating pamilya, at ito ang hahadlang sa atin upang mamuhay kasama ang Panginoon. Ang ating laman ay lubos na mahina na maging ang ating mga pamilya ay hindi tayo matutulungan upang sumunod sa Kanya. Tanging ang Panginoon ang makatutulong sa atin. Nguni’t ngayon tayo’y napako sa sanlibutan. Paano matutulungan ng isang patay ang makalupang tao sa mga makamundong gawa? Ang mga taong patay dito sa lupa ay hindi maaangkin ang mga bagay ng sanlibutan.
Si Jesus ay nabuhay muli. Ang Kanyang pagkabuhay muli ang magtutulot sa atin upang isilang muli sa isang bagong espirituwal na buhay. Dito ay taglay natin ang bagong gawain, bagong pamilya, bagong pag-asa. Tao ang taong naisilang na muli. Tayo, bilang mga kawal ng langit, ay may responsibilidad na ipangaral ang salita ng Diyos. Pinahayag ni Pablo na siya’y naging isang tao sa pamamagitan ng pagtulong sa iba ay makakamit ang kaligtasan hindi dahil sa pisikal na paraan kundi sa paggamit ng mga espirituwal na pamamaraan. Sinabi niyang siya’y namatay na at isinilang muli sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Tayo’y magpunyagi na maging isang uri ng tao na nangangahas na ibigay ang gayon ding kapahayagan ng ating mga paniniwala.
Sinabi ni Pablo sa Galacia 6:17-18, “Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin, sapagka’t dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus. Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawang espiritu, Siya nawa.” Pasan ni Pablo ang mga tanda ng Panginoong Jesus. Hindi niya inalintana ang kanyang kalusugan para sa Panginoon upang mamuhay sa Espiritu. Ni hindi siya makapagsulat, habang pawala na ang kanyang paningin. Kaya hindi iilan sa mga Liham ni Pablo ang isinulat ng kanyang mga kasama tulad ni Tertius habang sinasambit ang mga salita ng Diyos. Bagaman siya’y mahina, siya’y maligayang mamuhay ayon sa Espiritu at sinabing, “Kaya nga hindi kami nanghihimagod, bagamat ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni’t ang aming pagkataong loob ay nababago araw-araw” (2 Corinto 4:16).
Pinayo ni Pablo sa atin na mamuhay ayon sa Espiritu. Kanya ring sinabi, “Ang mamuhay sa Espiritu ay ang pamumuhay para sa ebanghelyo.” Ikaw at ako ay dapat isaisip na ang kahulugan pamumuhay ayon Espiritu. Hindi natin dapat hangarin ang mga walang-saysay na bagay at sa halip ay maglingkod at mamuhay para sa ebanghelyo. Tayo’y lumakad sa Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ngayon dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang tunay na Espiritu ay nasa ating mga puso. Ang Diyos ay galak na tutugon kung tayo’y mananalangin ayon sa ebanghelyo. Upang mamunga sa Espiritu ay ang pamumuhay sa Espiritu at natutubos ang mga kaluluwa. Maaari kang mamunga sa Espiritu, gaya ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigil sa sarili, kung ika’y namumuhay ayon sa Espiritu at sa ebanghelyo. Upang maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dapat tayong maghirap, manataling nagtitiis, may kabaitan at gumawa ng kabutihan sa mga naliligaw.
Ang mga bunga ng Espiritu ay nagpapatuloy para sa mga nagliligtas ng mga naliligaw na kaluluwa sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pangangaral ng ebanghelyo na magbibigay sa kanila na tanggapin ang pananahan ng Banal na Espiritu. Ito ang kailangan upang magkaroon ng mga bunga ng Banal na Espiritu at mamuhay ayon sa Banal na Espiritu.