• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-12] Upang mabuhay na puspos ng Banal na Espiritu (Tito 3:1-8)

2021.04.12 52
(Tito 3:1-8) 
“Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga maykapangyairan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa’t gawang mabuti, na huwag magsalita ng masama tunkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao. Sapagka’t tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nanga mumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo’y nangagkakapootan. Nguni’t nang mahayag na nag kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao. Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo. Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas, upang sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamam ng Kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan. 
Tapat ang pasabi, at ungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisisampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao.”
 
 
Paano tayo makapamumuhay na Puspos ng Banal na Espiritu?
Dapat nating maunawaan ang kalooban ng Diyos at ipangaral ang ebanghelyo ayon dito.

Yaong nananalig kay Jesus at taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay dapat mamuhay na puspos sa Banal na Espiritu. Para sa mga Kristiyano, ang mamuhay na puspos sa Banal na Espiritu ay ang hangarin ng Diyos. Dapat tayong tumalima sa Kanyang mga utos. Kung gayon paano tayo makapamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu? Dapat tayong magtuon sa sinabi ni Pablo ukol dito.
 
 
Ano ang kailangan upang makapamuhay na puspos sa Banal na Espiritu?
 
Sinabi ni Pablo sa Tito 3:1, “Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga maykapangyairan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa’t gawang mabuti.” Una sa lahat, kanyang sinabi sa atin na sumunod sa mga pinuno at mga may kapangyarihan, upang sumunod at maging handa sa paggawa ng mabubuti. Ang kanyang ibig sabihin ay hindi tayo makapamumuhay na puspos ng Banal na Espiritu kung tayo’y susuway sa mga batas ng mundo. Nguni’t kung ang mga pinuno at ang mga batas ay salungat sa katotohanan, hindi tayo dapat sumunod sa mga ito. Nguni’t kung ang mga batas ay hindi salungat sa ating pananampalataya, dapat tayong tumalima upang makapaglingkod sa ebanghelyo ng kapayapaan.
Tayo ang mga nagtamo ng pananahan ng Banal na Espiritu. Paano tayo makapamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu kung tayo’y sumusuway sa mga batas? Samakatuwid, upang makapamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, dapat tayong sumunod sa mga batas ng mundo. Yaong nagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu ay dapat sumunod sa mga panuntunan ng lipunan. Tayo’y makapamumuhay lamang na kasama ang Diyos kung tayo’y tatalima sa batas ng sanlibutan.
Halimbawa isa sa atin ang nakagawa ng isang krimen habang siya’y patungo sa iglesia. Liligaya ba siya sa paglilingkod sa Panginoon? Paano siya makapamumuhay ayon sa mga aral ng Panginoon kung siya’y nabubuhay na wala sa kautusan? Hindi tayo dapat sumuway sa mga panuntunan habang nabubuhay sa Espiritu. Walang mabubuti sa pagsuway sa batas. Dapat nating panatilihin ang kapayapaan sa pagsunod sa batas. Dapat tayong magsikap na mamuhay matuwid habang pinangangaral ang ebanghelyo. Upang mabuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, katalinuhan sa mga hinirang na sumunod sa mga batas ng lipunan.
 
 
Dapat tayong maging mapagpakumbaba sa ating mga puso
 
Sinabi ni Pablo, “Na huwag magsalita ng masama tunkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.” Upang makapamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, huwag magsalita ng masama kaninuman, maging mapayapa, magiliw at mahinahon sa lahat ng tao.
Sa mga puso ng mga isinilang na muli, ay may pagpapakumbaba, pagpipigil sa sarili at pagiging magiliw. Ito ay maaari lamang dahil nananahan ang Banal na Espiritu sa atin. Sinabi ni Pablo sa atin na huwag nating pasamain ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pag-aaway sa isa’t isa. Dapat tayong lumaban kung ang batas ay salungat sa ebanghelyo. Nguni’t kung hindi, dapat tayong mamuhay na mapayapa. Dapat nating isaisip sa iba, “Bagaman siya’y kasing-bangis ng leon kung minsan, siya talaga ay mapayapa tulad ng isang kalapati. Ang kanyang paniniwala sa Kristiyanismo siya marahil ay nagiging magalang at isang taong may saysay.”
Walang pagka-giliw o kababaan sa mga pita ng laman. Nguni’t dahil sa pananahan ng Banal na Espiritu at sa pamamagitan ng Panginoon na nagligtas mula sa ating mga kasalanan, tayo’y magiging magiliw sa iba. Ang kapatawaran sa taong nagkasala sa akin ay tunay na “pagpapatawad” at pakikitungo sa kanya na may kabaaang-loob mula sa aking puso ay tunay na “kababaang-loob.” Para sa akin hindi kababaang-loob ang magkunwari na maging mabait kaninuman kung ako talaga’y mag pagmumuhi sa kanya. Ang pagkakaroon ng puso na puno ng kababaang-loob at pagpapatawad ay ang tunay na moralidad ng mga Kristiyanong isinilang muli.
Dapat din tayong maging mahinahon kapag nakagagawa ng masama ang tao sa atin. Hanggang hindi sila salungat sa ebanghelyo, dapat tayong maging mahinahon kaninuman. Nguni’t kung hindi, dapat nating palitan ng liwanag ng katotohanan ang liwanag ng kahinahunan. Ang kahinahunan ay makikita lamang sa katotohanan ng Diyos, kaya ang mga salungat, ay hadlang o tinutuya ang salita ng Diyos ay hindi nararapat sa tratuhin sa kahinahunan.
Hindi pinatatawad ng Diyos yaong salungat sa Kanya bagkus sila’y nagbabayad. Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Pagpapalain Ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain Ko ang mga sumusumpa sa iyo” (Genesis 12:3). Ang taong salungat sa ebanghelyo ng katotohanan ay hindi maliligtas. Hindi nila maiiwasan ang sakuna na wawasak hindi lamang sa kanilang mga buhay kundi hanggang sa ikatlong henerasyon ng kanilang mga apu-apuhan.
Bakit tayo kailangang maging mapagparaya at mapagkakumbaba? Tulad ng nasusulat sa Tito 3:3, “Sapagka’t tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nanga mumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo’y nangagkakapootan.” Tayo ay tulad ng mga tao bago isilang na muli. Kaya kailangan nating maging mapagparaya at patawarin sila dahil tayo minsan ay katulad nila.
Sa Tito 3:4-8 ay sinabi, “Nguni’t nang mahayag na nag kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao. Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo. Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas, upang sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamam ng Kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan. Tapat ang pasabi, at ungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisisampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao.” 
Ayon sa Biblia, hindi tayo niligtas ng Diyos sa ating mga kasalanan dahil sa ating mga kabutihan. Binigay Niya sa atin ang pagpapala ng pagiging isinilang na muli dahil tayo’y Kanyang inibig at kinaawaan. Sa ibang salita, naparito si Jesu-Cristo, nabautismo, namatay sa Krus, nabuhay muli, at sa gayo’y nahugasan lahat ng ating kasalanan. Nabuhay muli si Jesus at ngayo’y nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos. Sanhi ng pagkabuhay muli, lahat ng mga bagay na hindi natatapos sa mundo ay naging ganap.
Pinagpala tayo ng Diyos ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas. Binautismo ni Juan si Jesu-Cristo upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo at namatay sa Krus upang lahat ng ating kasalanan ay mapatawad. Tayo’y naligtas at naging mga matuwid. 
Sinabi rin ng Biblia, “Ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.” Ibig sabihin tayo, bilang mga tagapagmana ng Diyos, ay ang mga nagmana ng lahat ng Kanyang kayamanan at kaluwalhatian. Ang mamuhay nitong uri, dapat tayong mamuhay sa kapuspusang Banal na Espiritu. Dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mapatawad sa lahat ng iyong kasalanan at ipangaral ang ebanghelyo sa iba.
Samakatuwid, ang kapatawaran sa ating mga kasalanan, dapat tayong kumilos para sa kapakanan ng iba, dapat nating tupdin ang mga batas ng mundo at ipangaral ang ebanghelyo sa mga naghahanap sa Diyos. At dapat nating patawarin ang taong nagkamali sa atin at maging mabuti at may kababaang-loob upang hindi sila maging sagabal sa pangangaral ng magandang ebanghelyo. “Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao.” Kung hangad mo ang kapuspusang ng Banal na Espiritu, dapat mong tandaan ang sinabi ni Pablo sa atin. Ito marahil ay hindi isang bagay na natatangi, nguni’t ito ang pinakamahahalagang mga salita.
Yamang tayo’y nabubuhay dito sa lupa, hindi tayo mapupuspos sa Banal na Espiritu kung tayo’y paglalaban-laban sa iba sanhi ng pagsuway sa mga batas nitong mundo. Kahit taglay natin ang pananampalataya, ang pagsunod sa batas ay higit na mabuti kung nais nating mabuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu. Upang makagawa ng kabutihan, dapat tayong sumunod sa mga batas ng sanlibutan at makisalamuha sa ating mga kapitbahayan.
 
 
Nais mo bang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu?
 
Sa Efeso 5:8-11 ay sinasabi, “sapagka’t noon panahon kayo’y kadiliman, datapuwa’t nagyon kayo’y kaliwanagan sa Panginoon, magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan. (sapagka’t ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan), na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon. At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabangan na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain.” Dito ay sinasabi sa atin na mamuhay bilang mga anak ng liwanag at magkaroon ng bunga ng Espiritu.
Pagkatapos ay sinabi sa Efeso 5:12-13, “Sapagka’t ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan, sapagka’t ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.” Sinasabi ni Pablor rito na lahat ng bagay na nahahayag ay nalalahad ng liwanag. Kung ang isang matuwid ay hindi makapamumuhay matuwid, siya’y ilalantad ng Diyos o ng kanyang sarili. Anong mangyayari kung ang isang tao ay masumpungang ginagawa ang gawin ng kadiliman, at susuwayin ng liwanag? Matapos kilalanin ang kanyang mga kamalian, ang kanyang puso ay liliwanagan kapag siya’y mahaharap muli sa Diyos. “Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan, sapagka’t ang lhat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.” Makabubuti na mabunyag ng liwanag. Sa gayon ating makikilala ang ating mga pagsalangsang at manumbalik sa Diyos.
Kung talagang nais natin ang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, magkaroon ng kabaitan sa ating mga puso. Kahit pa ang isang tao’y walang kasalanan sa kanyang puso, hindi nangangahulugan na hindi siya kailangan maging mabait. Dapat tayong mamuhay na may kabutihan at kabaitan sa ating mag puso. Dapat tayong mangaral na may karunungan at idalangin ang taong hindi nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang hindi nila maunawaan ito at mapatawad sa kanilang mga kasalanan. At hindi natin dapat saktan ang iba. Dapat tayong kumain, matulog at mamuhay sa ebanghelyo at maglingkod ng maigi sa iba.
Ang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, dapat nating isipin ang kahalagahan ng panahon at maglingkod sa magandang ebanghelyo tulad ng taong may karunungan. Kapag ating iniibg ang sanlibutan, tayo’y maaaring mahulog sa pandaraya ng kadiliman at maaaring maging pabaya sa gawain ng Diyos. Samakatuwid, dapat nating ituon ang ating mga mata sa Panginoon gawin ang Kanyang mga nais. Habang nananalig sa kaligtasang bigay ng Diyos sa atin, dapat din tayong maging handa sa lahat ng oras. Ang taong matalino ng Espiritu ay dapat mag-alay sa pangangaral ng magandang ebanghelyo sa buong mundo bago ang mundo’y maging puno ng karimlan.
 
 
Unawain ang kalooban ng Panginoon 
 
Dapat nating sikaping hanapin ang mga kalooban ng Diyos. Dapat nating matutunan ang Kanyang mga nais na ipagawa sa atin sa pamamagitan ng Kanyang iglesia at mga salita. Dapat nating malaman kung anong ating magagawa upang bigyang lugod ang Diyos at alamin ang Kanyang kalooban sa atin.
Ang taong napatawad ng kanilang mga kasalanan ay yaong isinilang na muli at yaong isinilang na muli ay yaong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu. Yaong taglay ang Banal na Espiritu ay tunay na banal na bayan at mga anak ng Diyos. Dapat silang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu. Ito ang layon ng lahat ng mga hinirang. Hindi natin dapat aksayahin ang ating mga kakayahan at mga lakas para sa ating mga sarili, walang malasakit sa pangangailangan ng iba. Huwag maging hadlang sa mga gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pakikiayon sa takbo ng panahon.
Kung tayo’y pinabanal at nagkamit ng pagbabagong-buhay sanhi ng pag-ibig ng Diyos, tayo’y dapat na maging isang mabuting tao upang magpatuloy at tupdin ang Kanyang gawa. Kung tayo’y naging anak ng Diyos sanhin ng pananalig sa Kanya, nararapat sa atin na maging isang mabuti.
Ang laman ng mga anak ng Diyos ay malayo sa pagiging ganap nguni’t nakalulugod sa Diyos; nguni’t dapat na may malasakit sa kalooban ng Diyos at gawin ang mga mabubuting gawa. Nguni’t maging yaong isinilang na muli ay makagagawa marahil ng kasamaan sa iba kung sila’y nabubuhay lamang sa sarili. “Huwag kayong magsipalasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo’y mangapuspos ng Espiritu” (Efeso 5:18) ay nangangahulugan na huwag tayong maglalasing sa mga pita ng laman bagkus ay gawin ang mga mabubuting gawa.
Sinabi ni Pablo sa Efeso 5:19-21, “Na kayo’y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon. Na kayo’y laging magpasalamat sa lahat ng mag bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Dios na ating Ama, na pasakop kayo sa isa’t isa sa takot kay Cristo.” Kung nais nating mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng kaligtasan at ihayag ang ginawa ng Diyos sa atin.
Pinagpapala tayo ng Diyos sa tuwing tayo’y mananalangin at Kanyang isinulat lahat nitong mga pagpapala sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit para sa atin upang mapuri Siya sa iisang tinig. Dapat nating papurihan at pasalamat Siya. Tayo’y maaring mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu kung tayo’y manalangin para sa mga hindi pa naliligtas. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos mula sa kahibuturan ng ating mga puso at galangin si Jesu-Cristo, na nagligtas sa atin. Sa pamamagitan nitong mga kaisipan sa ating mga puso, dapat nating kilalanin ang ating mga kamalian, ihayag ang ating pasasalamat sa paglilinis ng ating mga kasalanan at sumunod sa Kanya. Ito ang kahulugan ng pamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu.
 
 
Dapat tayong maglingkod sa magandang ebanghelyo hanggang sa ating nalalabing mga buhay
 
Dapat nating planuhin ang mabubuting gawa at hangarin ang mga ito para sa lubos na luwalhati ng magandang ebanghelyo. Ang pagiging bahagi sa iglesia ng Diyos, dapat tayong sama-samang magdasal at tumawag sa Diyos upang iligtas ang kaluluwa ninuman. Marami pa ring tao ang hindi isinilang muli dahil hindi nila nalalaman ang magandang ebanghelyo bagaman kanilang hinanap ang Diyos. Dapat nating idalangin ang mga taong ito, sasabihin “O Diyos, iligtas rin ako.” At huwag hangarin ang mga makasariling bagay bagkus ay ialay ang mga ari-arian sa paglilingkod sa ebanghelyo upang mailigtas ang naliligaw. Ang mamuhay para sa mga kaluluwa ng iba at para sa ikalalago ng Kaharian ng Diyos ay paggawa ng mabuting bagay.
Ang paggawa nitong uri ng gawain ay pamumuhay ng kapuspusan ng Banal na Espiritu. Ang mabuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu ay hindi nangangahulugang taglay ang pagsasalita ng ibang wika at paggawa ng himala, sa halip ay matutunan kung paano bigyang lugod ang Diyos. Ibig sabihin ay pananalig sa kaligtasang bigay ng Diyos sa atin, nagpupuri at lumuluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng mga tula at mga awit. Upang pasalamatan, purihin at luwalhatiin ang Diyos ng ating buong puso, at paglingkuran Siya ng ating mga katawan bilang mga instrumento ng katuwiran ay ang kalooban ng Diyos. Ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay nangangahulugan ng pamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu.
Ang mamuhay sa kapuspusan ng Espiritu, dapat tayong sumunod sa isa’t isa. Kung ang isa’y magbigay sa atin na payo, dapat tayong makinig sa kanyang sinasabi. Sa gayong paraan, kung ako’y magbibigay ng payo sa kanya, kailangan siyang makinig kahit hindi siya sang-ayon sa akin. Gayon din, dapat tayong mamuhay sa kapuspusang ng Espiritu sa pamamagitan ng pagsunod sa isa’t isa at ginagawa ang gawa ng Diyos.
 
 
Ang mamuhay sa kapuspusan ng Espiritu ay nangangahulugang pagluluwalhati kay Jesu-Cristo
 
Ang mamuhay sa kapuspusan ng Espiritu ay ang pagtupad sa mga kautusan ni Jesu-Cristo. Ating tignan kung ano ang kahulugan nito sa Efeso 6:10-13. “Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng Kaniyang kalakasan. Mangabihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Dahil dito magsisuko kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.” 
Anong ibig sabihin ng mamuhay sa kapuspusan ng Espiritu? Ibig sabihin ang pagiging matatag sa Panginoon at taglay ang pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan. Ibig sabihin ay pamumuhay sanhi ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung nananahan sa atin at hindi sanhi ng ating sariling kapasiyahan lamang. Dagdag nito, ibig sabihin ay namumuhay sa madasaling buhay. Sa pamamagitan ng pagdarasal, tayo’y makapamumuhay ng matiwasay sa pagtanggap ng iba’t ibang kakayanan at mga pagpapalang bigay ng Diyos. Ang mamuhay sa ganitong uri ng buhay ay ang pagsusuot ng baluti ng Diyos. Tayo’y mahihina na kahit sikaping mamuhay kasama Siya, maglingkod at sumunod sa Diyos, ay hindi natin magagawa ang mamuhay sa kapuspusan ng Espiritu kung hindi tayo mananangan sa Kanyang mga salita.
Ang paniniwala sa mga salita ng Diyos ay ang mahalaga upang pag-ibayuhin ang ating espirituwal na kapangyarihan. Kahit taglay pa natin ang pananampalataya, dapat nating isuot ang buong baluti ng Diyos sa pagsasabing, “Ako’y nakasisiguro dahil ito’y nakatala sa mga salita ng Diyos.” Ito ang pananampalatayang magtutulot sa atin na mamuhay sa puspos ng Banal na Espiritu.
Mayroon ba sa inyo ang may suliraning mamuhay ng ganitong uri ng buhay? Kung gayon alalahanin ang mga salita sa Kasulatan at isuot ang buong baluti ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa atin na isuot ang Kanyang buong baluti. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga salita sa ating puso, iyong matututunan ang kahulugan ng pagsusuot ng buong baluti ng Diyos. Anuman ang ating kapaligiran at anuman ang sabihin ng ibang tao, dapat tayong manangan sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, tayo’y mamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu.
Saan natin makukuha ang paniniwalang ito? Sinasabi sa Apocalipsis 3:22, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Dapat tayong makinig sa sinasabi ng Espiritu sa iglesia. Sa ibang salita, hindi natin maririnig ang mga salita ng Diyos ni hindi makapamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu nguni’t para sa mga lingkod ng Diyos. Kanino nangungusap ang Banal na Espiritu? Ang Diyos ay nangungusap sa mga hinirang at sa lahat ng tao ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod sa Kanyang iglesia.
Ibig sabihin, kailangan kang manalig na ang mga aral sa iglesia ng Diyos ay tunay na alinsunod sa mga salita ng Diyos. Kailangan mong tanggapin ang mga aral ng iglesia na may pananalig. Kung ang Banal na Espiritu’y hindi nananahan sa isang mangangaral, posible para sa kanya na ituro ang kanyang sariling mga kaisipan. Ang taong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay pinangangaral ang mga salita ng Diyos sa ilalim ng pangangasiwa ng Banal na Espiritu. Kung hindi niya gagawin bagkus ay pinangangaral ang walang-saysay na mga salita, pipigilin siya ng Banal na Espiritu dahil Siya’y nananahan sa kanyang puso.
Ang Banal na Espiritu ay Diyos. Ang kapangyarihan ng lingkod ng Diyos ay lubos na dakila dahil nananahan ang Diyos sa kanya. Sa Bagong Tipan, sinabi ni Jesu-Cristo kay Pedro “Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit” (Mateo 16:19). Ang mga susi ng Langit ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa ibang salita, itong ebanghelyo ay ang susi sa pagpasok sa Langit. Binigay ng Diyos ang kapangyarihang ipangaral ang salita ng Diyos hindi lamang kay Pedro kundi sa bawa’t lingkod ng Diyos at sa lahat ng hinirang, hanggang sila’y isinilang muli at taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Ang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, dapat nating suutin ang buong baluti ng Diyos. Kung wala tayong pananalig, dapat nating isaisip araw-araw ang mga aral sa iglesia sa pamamagitan ng pananalig sa kapangyarihan ng iglesia at ng mga lingkod ng Diyos. Kahit pa ang sermon na iyong narinig ngayon ay walang-saysay at walang kaugnayan sa iyong buhay, dapat ka pa ring makinig at isa-puso ito. Hanapin ang mga salita sa Biblia na iyong kailangan sa araw-araw na pamumuhay. Manangan sa mga ito. Sa paraang ito, ika’y magiging taong taglay ang pananampalataya. Sa gayon ay makapamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu, mamuhay kasama ang Diyos at magtagumpay sa pakikidigma laban sa mga makapangyarihan at mga pinuno ng kadiliman.
Marahil ikaw ay nalito dahil sinabi sa iyo na dapat kang sumunod sa mga pinuno ng mundo nguni’t aking sinasabi sa iyo na iyong labanan ang mga pinuno ng kadiliman. Noon panahon ng Roma, ang Emperador ng roma ay tinatawag ang kanyang sarili bilang diyos at inuutos na ang tao’y dapat kilalanin siya bilang Diyos. Nguni’t ito ang mga bagay na hindi magagawa ng mga Kristiyano dahil ito’y salungat sa salita ng Diyos. Kaya ang mga Kristiyano sa panahong yaon ay walang magagawa kundi ang lumaban sa Emperador ng Roma, nag-uutos sa tao na yumukod sa kanya na parang Diyos.
Upang magtagumpay sa pakikibaka sa diablo, dapat tayong manalig at manangan sa salita ng Diyos. Kung tayo’y nabubuhay ayon sa salita ng Diyos, ating makakamit ang Kanyang pagpapala at magtatagumpay sa diablo. Kahit pa tayo ligtas, tayo’y tatalunin ni Satanas kung hindi tayo mananatili sa salita ng Diyos. Babala ng Diyos sa atin, “Ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya” (1 Pedro 5:8). Ang taong hindi nananalig sa salita ng Diyos ay madaling masakop ng diablo.
Maging si Jesus ay hindi magtatagumpay kay Satanas kung hindi sa salita ng Diyos. “Nasusulat, ‘Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios’” (Mateo 4:4). Kanyang pinalayas ang diablo sa pamamagitan ng pananalig sa nasusulat. At paano tayo? Kulang tayo sa karunungan at hindi maitutulad kay Jesus. Samakatuwid, dapat tayong manalig at manangang lubos sa salita ng Diyos.
Hindi natin basta na lang sasabihin, “Wari ko’y tama ang mga salita nguni’t hindi ako naniniwala ng buo.” Dapat tayong manangan sa mga salita. “Naniniwala ako na ang lahat ng bagay at magiging totoo tulad ng nasusulat.” Ito ang wastong pananalig at nagpapahintulot sa atin na isuot ang buong baluti ng Diyos. Ang taong nagsabing, “Lahat ng bagay ay lubos na mababatid tulad ng sinabi ng Panginoon” ay pagpapalain. Yaong nanangan sa salita ng Diyos at magtitiwala, ang mga bagay ay magaganap ayon sa kanyang pananalig. Kahit pa sikapin ng diablo na tuksuhin tayo, siya’y tiyak na lilisan kung ating sasabihin, “Nananalig ako sa salita ng Diyos. Naniniwala ako na ang Kanyang salita ang tunay na kasagutan.” Ito ang paraan upang magtagumpay sa diablo.
 
 
Dapat tayong manangan sa salita ng Diyos 
 
“Dahil dito magikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, at ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng katuwiran, bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, ng Siyang ipapatay nino sa lahat ng nanganiningas sa suligi ng masama. At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios” (Efeso 6:13-17). 
Sa salaysay, “Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,” ang salita ng Diyos ay matutulad sa isang pamigkis sa baywang. Ibig sabihin dapat nating bigkisin ang ating mga kaisipan ng salita ng Diyos. Kanyang sinasabi sa atin na sundin ang mga salita ng katotohanan upang tayo’y kaisa sa isip ng Diyos. Nguni’t habang itong pamigkis ay mahigpit na palibot sa katawan, dapat na mahigpit tayong manangan sa salita ng Diyos. Kung tayo’y kaisa sa isipan ng Diyos, tayo’y mananalig at magsasabi, “Naniniwala ako sa lahat ng bagay na ito’y magiging mabuti. Nakatitiyak ako na lahat ng bagay ay matutupad ayon sa sinabi ng Diyos.”
Pagkatapos, kailangan nating isuot ang baluti ng katuwiran. Dapat nating ilagay ang baluti ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagsasabing tayo’y niligtas ng Diyos. Dapat nating ibigkis ang ating mga baywang sa katotohanan, suot-suot ang baluti ng katuwiran. Dapat nating isuot ang baluti ng mahahalagang mga alahas. Dapat nating isuot ang mga ito sa pananalig na pinatawad ng Diyos lahat ng ating kasalanan. Dapat tayong manalig sa salita ng Diyos ng buong puso. Dapat nating ipangaral din ang ebanghelyo ng kaligtasang nagbibigay ng kapayapaan.
Matapos manangan sa lahat ng mga salitang ito, kailangan nating isuot ang panyapak sa paghahanda ng ebanghelyo ng kapayapaan, at humahayos sa pangangaral ng ebanghelyo ng kaligtasan na nabibigay ng kapayapaan ng Diyos sa lahat ng tao. Kung tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan, maihahayag natin ang paniniwala sa pamamagitan ng ating bibig. At sa tuwing nahahayag ang ating kasalanan at kasamaan, dapat natin itong hugasan sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay ng katotohanang napatawad na ng Diyos lahat ng ating kasalanan. Kanyang nagawa sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Tayo’y dapat mamuhay sa kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Diyos. Ating dapat na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na nagbibigay kapayapaan kaninumang hindi nakakamit ang kalayaan mula sa kanyang mga kasalanan.
Una sa lahat, tayo’y makibaka sa ma masasama sa pamamagitan ng kalasag ng pananampalataya. Kapag umatake si Satana, dapat nating siyang itaboy sa pamamagitan ng kalasag ng pananampalataya sa isang kamay at sa pamamagitan ng mga salita ng katotohanan ng kabilang kamay.
Pagkatapos ay dapat nating isuot ang turbante ng kaligtasan. Kailangan nating tanggapin ang mga salita ng kaligtasan, sasabihing, “Ako’y naligtas sa lahat ng aking kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Pinatawad ng Diyos ang aking mag kasalanan sa paraang ito.” Kailangan nating kilalanin ang katotohanan sa ating ulo. Ang salita ng Diyos ay dapat na turbante ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu ay ang ating mga sandata laban sa diablo.
Sa mga pag-atake ni Satanas sa atin, ating gamitin ang tabak at talunin siya. “Sinabi ito ng Diyos! At ako’y nananalig!” Itataboy natin si Satanas sa pamamagitan ng pananalig sa mga salita ng Diyos. Kung tayo’y nananalig sa mga salita ng Diyos at gagamitin ang espirituwal na tabak, si Satanas ay sisigaw na aalis “Aray! Masakit.” Maaari nating talunin anumang atake ni Satanas kung tayo’y mananalig sa lang sa salita ng Diyos.
Dapat kang mamuhay sa gayong relihiyong buhay sa paghahayag, “Ang aking laman ay malayo sa pagiging ganap nguni’t ako’y isang tao ng Diyos na nagkamit ng katubusan. Ako’y nabubuhay sa pananampalataya, tangan ang mga salitang sinabi ng Diyos sa akin.” Kung taglay natin ang ganitong uri ng pananampalataya, maitataboy natin si Satanas sanhi ng tabak ng katotohanan sa tuwing siya’y manghahamak at pipigilin ang ating mga matapat na buhay. Si Satanas ay di man lang kukurap kung tayo’y lalaban sa pamamagitan lamang ng ating mga makamundong salita. Kung gayon dapat siyang labanan sa pagsasabing, “Ito ang sinabi ng Diyos.” Si Satanas ay susuko sa kapangyarihan ng salita ng Diyos.
Kung hangad natin ang kapuspusang ng Banal na Espiritu, dapat tayong manalangin sa Diyos na ang iglesia, lahat ng mga hinirang at mga lingkod ng Diyos ay ialay ang kanilang mga sarili sa pangangaral ng ebanghelyo. Sa panalanging, “Hayaang maihayag ko ng may tapang ang mga lihim ng ebanghelyo,” tayo’y mamumuhay na ang layon ay sa paglilingkod sa ebanghelyo. Ito ang buhay na may kapuspusan ng Banal na Espiritu. Ang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu ay nararapat sa lahat ng mga hinirang. Kung tayo’y tunay na mga hinirang, dapat taglay natin ang kapuspusan ng Banal na Espiritu. Ang mamuhay ng gayon ay kailangan sa lahat ng mga hinirang, tulad ng pagtanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan ay mahalaga sa bawa’t kaluluwa. Ito’y utos ng Diyos.
Yaong naligtas sa kanilang mga kasalanan nguni’t hindi nalalaman kung paano mamuhay ng tapat ay dapat malaman na kailangan silang mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu. Ito ang nais ng Diyos. Ang mga hinirang ay dapat mamuhay na puspos ng Banal na Espiritu, na siyang kalooban ng Diyos. Ang buhay na puspos ng Banal na Espiritu ay itinatanyag sa mga hinirang ang pangangaral ng ebanghelyo sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa. Lubos na hangad ang pangangaral ng ebanghelyo, nananalanging sa Diyos, at nananalig at nananahan sa mga salita ng Diyos. Dapat nating isuot ang turbante ng kaligtasan at ang sakbak ng baluti ng katuwiran at itaboy si Satanas sa pagsasabing, “Ako’y matuwid sa lahat ng oras.”
Yamang ang mga hinirang ay pinananahan ng Banal na Espiritu, sila’y namumuhay sa Espiritu at may kakayanang makamit ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ginagawa nila ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng mga pagpapala ng Diyos na nakamit sanhi ng panalangin ng pananampalataya. At dapat silang mamuhay sa Espiritu hanggang matalo nila si Satanas at makatatayo sa harap ng Diyos. Ang taong makasusuot ng buong baluti ng Diyos ay ang tanging mga isinilang na muling Kristiyanong makapamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu.
“Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Efeso 6:12). Ang digmaan ng mga isinilang na muli ay hindi ang digmaan ng laman at dugo. subali’t, ang digmaan ng mga taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay laban sa mga espiritu ng kasamaan at laban sa mga pumipigil ng matatapat na pamumuhay, hindi naglilingkod sa ebanghelyo at humadlang sa atin.
Kung tayo’y hahayo upang makibaka sa espirituwal na digmaan para sa ebanghelyo ng Panginoon, dapat nating isuot ang turbante at ang baluti ang Espiritu. Kung isusuot lamang natin ang mga karaniwang damit sa digmaang ito, tayo’y masusugatan. Sa gayon, dapat nating isuot ang baluti. Kailangan natin ang mga tabak, kalasag at mga turbante. Upang manalo sa digmaan, dapat tayong maging ganap na handa sa pakikibaka. Dapat nating isuot ang baluti, ibigkis sa ating mga baywang at isuot ang sapatos sa bawa’t paa. Kung gayon, sa pamamagitan ng tabak at kalasag sa bawa’t kamay, tayo’y magtatagumpay sa ating mga kaaway. Ito ang buhay na puspos ng Banal na Espiritu.
 
 
Ingatan natin ang magandang ebanghelyo
 
Sinabi ni Pablo sa atin, “Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin” (2 Timoteo 1:14). Ano ang mabuting deposito? Ito ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagligtas mula sa ating mga kasalanan. Sa Tito 3:5 ay sinasabi, “Kaniyang iniligtas tayo sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago ng Espiritu Santo.” Hinugasan ng ating Panginoon lahat ng ating kasalanang nagawa dito sa lupa, namatay sa Krus at nabuhay muli. Dapat nating ingatan itong magandang ebanghelyo. Dapat nating isuot ang turbante ng kaligtasan at ang baluti ng katuwiran at bigkis sa mga baywang ang katotohanan. Dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Matapos sandatahan ang ating mga sariling sa paraang ito, dapat tayong magtagumpay sa pakikibaka laban kay Satanas. Saka lamang tayo magtatagumpay at ibabahagi sa iba. kailangan nating labanan ang maraming mga espirituwal na digmaan laban kay Satanas at kamtan ang maraming gantimpala mula sa kanya hanggang sa araw na tayo’y papasok sa Kaharian ng Panginoon, na ating mamanahin. Sa lubos na pagtagumpay laban sa ating kaaway, lalong madali lamang ang susunod na labanan. Tayong lahat ay dapat manalangin para sa Kanyang Kaharian upang sumagana at umunlad. Sa gayon makakamit natin ang buhay na puspos ng Banal na Espiritu.
Hindi tayo dapat masiyahan sa kapatawaran ng ating mga kasalanan bagkus ay mamuhay sa kapuspusang ng Banal na Espiritu. Para sa ebanghelyo at sa ating mabubuting gawa, dapat tayong manalig sa salita ng Diyos. Dapat tayong pangunahan ng Banal na Espiritu at mamuhay sa pag-iingat ng salita ng Diyos at manalig dito, upang hindi magtagumpay si Satanas sa atin.
Nauunawaan mo ba ako? Saka lamang tayo magkakaroon ng kapuspusan ng Banal na Espiritu. Nawa’y makapaglingkod din kayo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at magtiwala at sumunod sa salita ng Diyos. Ating gawin lahat ng gawain sa pagliligtas sa mga kaluluwa mula kay Satanas. Makapamumuhay tayo sa kapuspusan ng Banal na Espiritu hanggang sa muling pagdating ng Panginoon. Upang makamit ang kapuspusan ng Banal na Espiritu ay ang pangalawang utos na binigay ng Diyos sa atin. Pasalamatan Siya. Makakamit natin ang pananahan ng Banal na Espiritu sanhi ng kapatawaran ng mga kasalanan sa ating mga puso. At kung hindi sa pananahan ang Banal na Espiritu, hindi ako makasisimula ng kapuspusan ng Banal na Espiritu. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagtutulot sa akin na mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu.
Naniniwala ka ba na iyong makakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu? Sa atin na napatawad ng ating mga kasalanan, taglay natin ang pananahan ng Banal na Espiritu. Nguni’t sa mga hindi naalisan ng kanilang mga kasalanan ay hindi pa taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu. Sa mga hindi nakakaalam at hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu. Lahat ng tao sa mundo ay itatapon sa Impiyerno kung wala ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Yamang walang kasalanan sa ating mga puso, taglay natin ang pananahan ng Banal na Espiritu. At dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa ating mga puso, tayo’y makapamumuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu. Tayo, na taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu, ay dapat sundin ang nais ng Espiritu upang mapuspos ng Banal na Espiritu. Sa higit na pagsunod sa nais ng Espiritu, lalong tumitibay ang ating pananalig tulad ng isang mandirigma na buo ang baluti. Nguni’t kung tayo’y bigo sa pagsunod sa Espiritu, ito’y tulad natin kung hindi suot-suot ang ating baluti.
Tayo’y lumago sa pamamagitan ng mga salita ng Banal na Espiritu at maging isang taong tapat. Kapag ating naririnig ang mga salita ng Banal na Espiritu, ang ating pananampalataya’y lumalago dahil sinabi ng Diyos “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17). Gayun man kung aatake si Satanas, tayo’y kupkop ng ating pananalig sa mga salitang ito. Hindi masusupil ni Satanas yaong taglay ang kalasag ng pananampalataya sanhi ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang taong tapat ay taglay ang pananampalataya upang sanggain ang mga atake ng Satanas sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya.
Tayo’y mamuhay sa kapuspusan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang buhay na puspos ng Banal na Espiritu ay nagpapahiwatig ng tapat na buhay sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo. Ang gayong buhay ay isang buhay na puspos ng Banal na Espiritu.