(Josue 4:23)
“Sapagka’t tinuyo ng Panginoon ninyong Dios ang tubig ng Jordan sa harap ninyo, hanggang sa kayo’y nakatawid, gaya ng ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa Dagat na Mapula, na kaniyang tinuyo sa harap namin, hanggang sa kami ay nakatawid.”
Ano ang tinuturo ng pangyayari sa Ilog Jordan?
Tinuturo sa atin na si Jesu-Cristo ay ganap na pinaglaho ang kamatayang dulot ng kasalanan at ang susunod na paghahatol sa sangkatauhan.
Nais ko ngayong sabihin ukol sa magandang ebanghelyo ng katotohanang magtutulot sa atin ng pananahan ng Banal na Espiritu. Matapos ang kamatayan ni Moises, pinili ng Diyos si Josue bilang pinuno ng Israel. Si Moises ang kinatawan ng kautusan ng Lumang Tipan. Kung tinawid ni Moises ang Ilog Joradan kasama ang bayan ng Israel at nakarating sa Canaan, hindi na kailangan pa kay Josue na maging pinuno ng bayan. Subali’t, itinulot ng Diyos na marating ni Moises ang bungad ng lupain ng Canaan at pinigil siyang pumasok dito.
Binigay ng Panginoon sa atin si Moises at si Josue
Si Moises, ang kinatawan ng kautusan sa Lumang Tipan, ay hindi maihahatid ang bayan ng Israel sa Canaan. Kung magkagayon habang pinangunguhan ng kautusan, ito ay magiging labag sa layon ng Diyos para sa ating kaligtasan. Wala ni isa ang mapapalaya sa kanyang mga kasalanan sa harap ng kautusan ng Diyos dahil walang nakatutupad ng kautusan. Dahil ang kautusan ay para lamang sa kaalaman sa kasalanan (Roma 3:20).
Ang dahilan ng pagbibigay ng Diyos ng kautusan sa tao ay upang ibigay sa kanya ang kaalaman sa kasalanan, upang maging tagapagturo ang kautusan at akayin siya kay Cristo upang siya’y mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya (Galacia 3:24). Yamang ang kautusan ay isang gabay lamang sa paghahanap kay Jesus, kailangan ng tao si Jesus, at ito kung bakit naparito si Jesus sa lupa. Nang inutos ng Diyos si Josue upang makatawid ang bayan ng Israel sa Ilog Jordan at makapasok sa lupain ng Canaan.
Pinangunahan ng Diyos sila na makapasok sa lupain ng Canaan sa pamamagitan ng kanilang bagong pinunong si Josue, matapos ang kamatayan ni Moises. Iniutos ni Josue sa kanyang mga opisyales, sinabing, “Kayo’y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan na sabihin, ‘Maghanda kayo ng baon, sapagka’t sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin.’” (Josue 1:11).
Inutos ng Diyos kay Josue na pumasok sa Canaan matapos mapatunayang imposible sa pamamagitan ni Moises. Inutos ng Diyos kay Josue, sinabing, “At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, ‘Pagka kayo’y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.’ At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, ‘Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.’ At sinabi ni Josue, ‘Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo’” (Josue 3:8-10).
Matapos ang kamatayan ni Moises, pinili ng Diyos si Josue bilang pinuno ng Israel at inutos sa kanya na pumasok sa lupain ng Canaan kasama ang bayan ng Israel. Ang pangalang Josue ay nangangahulugang “ang Tagapagligtas,” katulad ng “Jesus” o “Hosea.” Isang lingkod ng Diyos, inutos ni Josue sa mga saserdote na pasanin ang Kaban ng Tipan at tumawid sa Ilog Jordan habang pinangunguhan ang tao. Nang pasanin ng mga saserdote ang Kaban na ang paa’y nakalubog sa tubig (dahil ang Jordan ay umaapaw sa mga pampang sa panahon ng pag-ani), ang tubig na nagmula na salungat sa agos ay nanatili at naipon malayo sa Adam, isang lungsod sa tabi ng Zaretan. Kaya ang tubig na pababa sa Dagat ng Araba, ang Alat na Dagat, ay nahinto at ang tao’y nakatawid sa kabila ng Jerico (Josue 3:5-16).
Sa pangyayaring ito, tinuturo ng Diyos sa atin na Kanyang ganap na pinaglaho ang kamatayang sanhi ng kasalanan at ang darating na paghahatol sa sangkatauhan. Sa ibang salita, inalis ni Jesu-Cristo ang ating Tagapagligtas lahat ng kasalanan ng mundo nang Siya’y bautismuhan ni Juan Bautista at napako. Sa paraang ito, Kanyang niligtas ang sangktauhan sa kanilang mga kasalanan sa pag-aakay sa kanila sa lupain ng Canaan, na siyang Kaharian ng Langit.
Ang Ilog Jordan ay ang dako ng sangkatauhang dinalisay
Ang kasaysayang mga pangyayaring nakapalibot sa pagtawid sa ilog ng Jordan, ay nakatala sa Luma at Bagong Tipan, kung saan ito’y may lubos na kahalagahan na maghahatid ng nalalapit na pagliligtas mula sa mga sumpa at hatol dulot ng mga kasalanan ng sangkatauhan.
Ang Ilog ng Jordan ay tumukoy sa ilog ng kamatayan, at ang hangganan ng ilog ay ang “Dead Sea.” Ang salitang Jordan ay “isang ilog na umaagos lamang paibaba, tungo sa kamatayan” o “ang ilubog, pigilan, itulak paibaba, mahulog.” Ito’y maliwanag na nagbabadya ng kasaysayan ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Sa ilog na ito, si Jesus, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ay tinanggap lahat ng daloy ng kasalanan na hindi mapipigil ninuman, at di-maglaon ay namatay sa Krus at sa gayo’y tinanggap ang hatol alang-alang sa sangkatauhan dahil sa kanilang mga kasalanan.
Saan tayo, mga inapos ni Adan at Eba, patutungo? Yamang lahat ng nilikha at isinilang na may kasalanan, sila’y nagkakasala, at ang kabayaran ng mga kasalanan, ay ang mabulid sa impiyerno. Sa buong kasaysayan ng sangkatauhan, lahat ng nilalang ay patungo sa kapahamakan mula ng kanilang pagsilang. Bagaman sinisikap nilang sawatain ang kanilang likas na kasamaan, hindi nila magagawa, at kaya kailangan nilang lumipat tungo sa hangganan ng paghahatol sa kanilang mga kasalanan.
Subali’t, pinutol ng Diyos ang daloy ng kasalanan at hatol. Inakay Niya si Josue na dalhin ang bayan ng Israel sa lupain ng Canaan sa pagtawid sa Ilog Jordan. Ito ang kalooban ng Diyos kay Josue. Pinakikita ng kasaysayang ito na upang mapalaya sa kasalanan, dapat bayaran ang ating mga kasalanan, na siyang kamatayan, at sa pamamagitan ng kabayaran, tayo’y dadalisay sa lahat ng ating kasalanan at makapapasok sa Langit.
Sa Lumang Tipan, ang daloy ng tubig ay napigil at natuyo nang ang mga saserdote’y nakatapak sa tubig habang pasan ang Kaban ng Tipan. Ito ang nagpahintulot sa kanila na tumawid sa ilog. Ito ang pagpapatawad ng kasalanang binigay lamang sa mga nananalig sa magandang ebanghelyo. Ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung nagbayad ng kasalanan sa sangkatauhan, at ating nakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig nitong magandang ebanghelyo.
Heneral Naaman
Si Naaman, na makikita sa kapitulo 5 ng 2 Mga Hari, ay isang dakila at marangal na komandante ng hukbo ng Siria na naglingkos sa kanyang bayan mula sa mga kaaway nito. Siya ay isang ketongin na nahantong na mawala ang lahat dahil sa sumpa. Nguni’t di-maglaon kanyang narinig ang mabuting balita na siya’y mapapalaya sa sumpang ito. Sinabi na siya’y mapapagaling kung siya’y makikipagtagpo sa isang lingkod ng Diyos na naninirahan sa Israel. Isang maliit na babaeng alipin ang naghatid ng balitang ito. Sinabi niya, “Mano nawa ang aking panginoon ay humarap sa propeta na nasa Samaria! Kung magkagayo’y pagagalingin niya siya sa kanyang ketong” (2 Mga Hari 5:3).
Naniwala siya sa balitang ito at nagtungo sa Israel. Nang siya’y dumating sa harapan ng tahanan ni Eliseo, nagpadala ng mensahe si Eliseo sa kanya, “Ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis.” (2 Kings 5:10). Naghihintay ng isang himalang pagpapagaling, si Naaman ay nagalit at pinasiyang umuwi sa kanyang bayan. Subali’t, dahil sa masigasig na kahilingan ng kanyang alipin, kanyang sinunod si Eliseo at nagtungo at inilublob ang kanyang buong katawan ng pitong uli sa Jordan. Doon, ang kanyang laman ay gumaling, ang balat ay naging tulad ng isang bata.
Sa ganitong paraan, nalaman natin na upang mapatawad sa lahat ng ating kasalanan, dapat nating iwaksi ang ating mga sariling isipan at tanggapin ang nakatala sa Biblia. Pagkagayon bibigyan tayo ng mga mabubuting pagpapala. Sinuman ang nais na maligtasa at dapat sumunod sa mga salita ng Diyos at buong manalig sa mga ito.
Sinasabi ng Biblia na lahat ng mga kasalanan ng mundo ay nahugasan dahil sa bautismo at dugo ni Jesus. Hindi natin dapat parisan ang masuwaying si Naaman. Hindi tayo malilinisan sa ating mga kasalanan kung wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa gayon, upang mapatawad sa lahat nating kasalanan, dapat tayong manalig sa magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tulad ni Naaman ay nalinis dahil sa paglulubog ng kanyang katawan ng pitong ulit sa tubig, naniniwala tayo na tayo’y mahuhugasan ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus, pagpako sa Krus at pagkabuhay muli. Dapat tayong manalig nitong magandang ebanghelyo.
Ang himalang ito sa Ilog Jordan ay kumakatawan sa lahat ng mga inapo ni Adan na may pagpapala na puputol sa daloy ng lahat ng kasalanan at wawakasan ang hatol. Lahat ng sangkatauhan ay itataboy mula sa Hardin ng Eden dahil si Adan at Eba ay nagkasala matapos tuksuhin ni Satanas. Subali’t, ang pangyayari sa Jordan ay ang magandang ebanghelyong mag-aakay sa buong sangkatauhan na magbalik sa Hardin ng Eden.
Ang kaganapan sa Ilog ng Jordan
Nakatala sa Biblia ang mabuting balita na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan sa Jordan. “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Sinabi ng Biblia na lahat ng kasalanan ay inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan sa Ilog ng Jordan. Sa ibang salita, ang bautismo ni Jesus ay ang kaganapang puputol sa tanikala ng kasalanan na gumapos sa buong sangkatauhan. Ganito pinutol ni Jesus ang wakas ng kasalanan at di-maglao’y inalay sa atin ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus.
Ang Jordan ay ang ilog ng bautismong maglilinis ng lahat nating kasalanan. Ating natupad ang kautusan ng Diyos, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23), dahil binayaran ni Jesus sa pamamagitan ng bautismo sa Ilog Jordan at kamatayan sa Krus. Ito ang magandang ebanghelyo na binigay ng Panginoon sa sangkatauhan.
Lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay nagsimula kay Adan, nguni’t lubos na nahinto sa bautismo ni Jesus sa Ilog Jordan at sa Kanyang dugo sa Krus. Walang kasalanan ang nanatili salamat sa bautismo ni Jesus. Isang mabuti at mapalad na balita. Tayo, dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyo, ay naligtas sa nakahihilong daloy ng mga kasalanan, ay dinalisay sa lahat nating kasalanan at naging banal sa pagtutubos na utos ng Diyos. Sa gayon, ang bautismo at dugo ni Jesus sa Krus ay ang ebanghelyong magliligtas sa buong sangkatauhan. Dapat tayong tunay na manalig dito. “Ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan” (Roma 14:23), sabi ng Panginoon. Gayon din, tayo’y pinagpala lamang nang tayo’y manalig dito sa magandang ebanghelyo.
Taglay mo pa rin ba ang kasalanan sa iyong puso bagaman sa katotohanang lahat ng kasalanan ay inilipat kay Jesus nang Siya’y bautismuhan ni Juan? Inalis lahat ni Jesus ang kasalanan ng sanlibutan. Kailangan mong tanggapin ang nakasulat sa Biblia. Tanging bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ang mag-aalis ng iyong kasalanan at ilalayo ka sa kamatayan at lahat ng sumpa. Ang mabautismuhan ay “upang mahugasan, ilubog, ilibing, ilipat, at upang isaling.”
Lahat ng sangkatauhan ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa magandang ebanghelyong binigay ni Jesus. Kaya tinawag ni Jesus ang Kanyang sarili ‘ang daan tungo sa Kalangitan.’ Makapapasok tayo sa Langit at makakamit ang walang hanggang buhay dahil sa pananalig sa Kanya. Siya ang ating Panginoon, na nagbigay sa atin ng pananahan ng Banal na Espiritu. Tayo’y hindi masasama sa lahat ng hatol ng ating kasalanan dahil sa ating pananalig sa Kanyang bautismo at dugo.
Nagwakas ang sumpa at ang tubig ay natuyo dahil ang paa ng mga saserdoteng pasan ang Kaban ng Tipan ay nakalubog sa tubig sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang nilayon ng Diyos, ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ang tumupad nito. Ito’y isang magandang ebanghelyo. Ito ang kautusan ng kaligtasan at kung wala ito ang ating kaligtasan ay imposible. Ang nanalig nitong magandang ebanghelyo ay makatatawid ngayon sa Ilog Jordan at makapapasok sa lupain ng Canaan. Ang kahulugan ng tubig na lubusang natuyo ay lahat ng kasalanan ng mundo’y inilipat kay Jesus at Siya’y hinatulan para sa atin. Ito ang ebanghelyong nagbibigay sa atin ng pananahan ng Banal na Espiritu.
Ang Diyos, na lumikha sa tao, nalalaman na ang karaniwang IQ ng tao ay halos 110 hanggang 130 punto lamang. Samakatuwid, hindi Niya pahihirapan itong katotohanan ng pagtanggap ng Banal na Espiritu. Inalis lahat ng Diyos ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ginawa Niya itong posible na makamit ang Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang lahat sila’y malaman ito. Iyo ring mababatid na ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig nitong magandang ebanghelyo.
Ayon sa nakatala sa Biblia, hindi natin makakamit ang Banal na Espiritu sa pamamagitan lamang pangungumpisal. Inaakala ng tao na ang Banal na Espiritu ay isang bagay na binibigay kung sila’y mag-aalay ng maraming uri ng panalangin. Nguni’t, ito’y hindi katotohanan. Binibigay ang Banal na Espiritu sa mga nananalig sa magandang ebanghelyo, at ito’y kailangan upang sila’y maging mga anak ng Diyos. Na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay isang kasiguruhan na ang isang tao ay naging anak ng Diyos. Binibigay ng Diyos ang Banal na Espiritu sa mga nananalig sa magandang ebanghelyo upang sila’y makasiguro na sila’y Kanyang mga anak.
Kung ang tao’y mananalig kay Jesus nguni’t hindi nalalaman ni nananalig sa ebanghelyo, hindi sila magtitiwala sa katotohanang lahat ng kanilang kasalanan ay inilipat na sa Kanya. Samakatuwid, lahat ng tao ay dapat malaman at manalig na ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay ang magandang ebanghelyo na mag-aalis ng kanilang kasalanan.
Sinong nagpatotoo na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan? Si Juan Bautista. Na Siya’y binautismo ni Juan at kinuha lahat ng kasalanan ng mundo ay ang nilayon ng Diyos Ama (Levitico 4:13-21, 16:1-30). Sino ang tumupad ng Kanyang layon? Si Jesus. Sino sa lubos na nagbigay kasiguruhan ng katuparan nitong plano? Ang Banal na Espiritu. Ang Diyos na Trinidad ang gumanap ng pagpapatawad ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus upang tayo’y maging Kanyang anak. Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin at nagbibigay kasiguruhan na tayo’y naligtas sa lahat nating kasalanan nang tuparin ni Jesus ang plano ng Diyos.
Ang mga bagay ba sa mundong ito ay pawang nakahihingal na masalimuot? At gaano lito ang iyong mga kaisipan? Ang isa’y hindi makapananalig nitong magandang ebanghelyo hanggang hindi niya isinusuko ang kanyang mga kaisipan. Ang doktrina ng Kristiyanismo ngayon na maraming tao ang naniniwala na ang ‘orihinal na kasalanan ay naglaho na, nguni’t ang mga kasalanan ay napapatawad kung ika’y mangungumpisal.’ Subali’t, ito’y malayo sa ganap na katotohanan; sa katunayan ito’y isang maling ebanghelyo. Kung naniniwala ka, hindi mo mauunawaan ang Biblia mula sa pasimula hanggang sa wakas, at habang lumilipas ang panahon iyong mararanasa ang higit na kahirapan sa pagsunod kay Jesus. Kaya sa mga Kristiyano mayroong nananalig sa iba’t ibang mga ebanghelyo at sa iba’t ibang Diyos.
Sinasabi ng ibang tao na kanilang nakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ‘dasal.’ Animo’y tila wasto, nguni’t sinabi ng Biblia na ang Banal na Espiritu ay bumaba kay Jesus tulad ng isang kalapati nang Siya’y bautismuhan at umahon sa tubig. Ito ang tunay na ebanghelyo at ang Banal na Espiritu ay darating sa mga nanalig nitong ebanghelyo.
Dagdag nito, sinasabi ng ibang tao na nakamit nila ang Banal na Espiritu dahil sa pangungumpisal. Binibigay ba ang Banal na Espiritu dahil lamang sa pakikiusap na kapatawaran? Ang Diyos ay matuwid. Ang Banal na Espiritu ay hindi dumarating dahil Siya’y naaawa sa kanila. Anuman ang hirap ng dalangin o pagtangis, ang Banal na Espiritu ay darating sa kanila. Siya’y dumarating sa mga nananalig na tinupad ng Diyos ang Kanyang layon upang iligtas sila. Dapat mong isaisip na hindi mo makakamit ang Banal na Espiritu anuman ang iyong pagtangis sa Diyos o tindi ng iyong dasal. Ang Banal na Espiritu ay hindi umaasa sa kalooban ng tao.
Maging ang mga makasaysayang kapasiyahan ng tao dito sa lupa ay mababago, nguni’t ang magandang ebanghelyo at ang kautusan ng pananahan ng Banal na Espiritu ay di-mababago. Kung hindi nauunawaan ng tao ang magandang ebanghelyo, lubhang mahirap para sa kanila na magbalik sa tunay na pananampalataya. Sa dahilang ito maraming tao ang hindi nakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Anong kabiguan ang iyong mararamdaman kung ika’y mananalig kay Jesus nguni’t nawasak dahil hindi mo nalalaman ang magandang ebanghelyo? Sinabi ng Biblia na sa ibang tao ang magandang ebanghelyo ni Jesus ay isang katitisurang bato at isang bato ng magbibigay galit.
Kung iyong naunawaan ang lihim ng bautismo ni Juan kay Jesus, ika’y mapapatawad din sa iyong mga kasalanan at pananahanan ng Banal na Espiritu. Kanyang niligtas lahat ng makasalanan sanhi ng bautismo, kamatayan sa Krus at pagkabuhay muli. Ang pagtutubos ni Jesus na binigay sa atin ay isang makatwirang paraan ng kaligtasan. Siya ang naging tunay na Tagapagligtas ng lahat na makasalanan, at pinatunayan ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Kung ika’y mananalig lamang nito!
Nakatala sa Lumang Tipan nang ilubog ng mga saserdote ang kanilang paa sa Jordan, natuyo ang tubig. Ito’y lubos na himala na ang tubig ay huminto, nguni’t higit na mga himala ang sumunod. Ang higit na nakamamangha ay ang pagtuyo ng lupa. Itong pangyayari ay nagsilbing isang garantiya ng kaligtasan ng Diyos, na nag-akay sa kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ang tuyong lupa ay kumatawan sa daang lahat ng kasalanan ng mundo ay napatawad salamat sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus. Lahat ng kasalanang nagmula kay Adan hanggang sa buong sangkatauhan, nguni’t ang sumpa ng hatol ay nagwakas sa bautismo ni Jesus. Ngayon, ang ating lamang dapat gawin ay mapatawad sa ating mga kasalanan sa pagkakaroon ng pananampalataya at pagtanggap sa pananahan ng Banal na Espiritu. Nananalig ka ba sa magandang katotohanang inalis ni Jesus lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog ng Jordan?
Dapat kang manalig na si Jesu-Cristo ay binautismo upang alisin lahat ng kasalanan ng mundo. Dagdag nito, dapat mo ring malaman, maunawaan at manalig sa kahalagahan ng bautismo ni Jesus. Kung hindi pumasok ang mga saserdote sa Jordan, ang bayan ng Israel ay hindi magtatagumpay sa pagpasok sa lupain ng Canaan. Ang pangunahing hakbang sa pagpasok sa Canaan ay ang pagtawid sa Ilog Jordan. Samakatuwid, kung tayo’y tatawid lamang sa ilog dala ang Kaban ng Tipan tayo’y makapapasok sa lupain ng Canaan. Tinuturo sa atin na ika’y mapapatawad sa iyong mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinasabi ng Biblia na ang bautismo ay ang pagkilos ng Diyos. Ito’y nangyari rin kaugnay ng mga saserdote. Tulad ng tubig sa Ilog Jordan ay napigil nang ilubog ng mga saserdote ang kanilang paa sa tubig, ang tao sa mundo ay naligtas mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig nitong ebanghelyo.
Ang pananahan ng Banal na Espiritu ay ginawad batay sa pananalig nitong magandang ebanghelyo. Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ang mag-aakay sa iyo upang makamit ang kapatawaran ng kasalanan at ang Banal na Espiritu. Itong magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang kailangang-kailangan upang matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu.