• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 8: Ang Banal na Espiritu

[8-15] Ang taong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu na gumagabay sa iba upang tanggapin ang Banal na Espiritu (Juan 20:21-23)

2021.04.12 30
(Juan 20:21-23) 
“Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, ‘Kapayapaan ang sumainyo, kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.’ At nang masabi niya ito, sila’y hiningahan niya, at sa kanila’y sinabi, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo, sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila, sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.’” 
 
 
Anong kapangyarihan ang binigay sa mga matuwid?
Binigay sa kanila ang kapangyarihang
magpatawad ng mga kasalanan ninuman sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

Ang Juan Kapitulo 20 ay naglalaman ng talaan ng pagkabuhay muli ni Jesus. Nabuhay muli ang ating Panginoon at sinabi sa Kanyang mga alagad, “Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu.” Ang mga alagad ni Jesus ay nakamit ang pananahan ng Banal na Espiritu bilang isang handog mula sa Kanya. Binigay ni Jesus ang pananahan ng Banal na Espiritu at buhay na walang hanggan sa mga nanalig na ang Kanyang bautismo at dugo ay hinugasan lahat nilang kasalanan. Sinabi ng Biblia na ang bautismo ni Jesus ay ang larawan ng kaligtasan, ibig sabihin na ang bautismo ni Jesus ang naglitas lahag ng sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan (1 Pedro 3:21).
 
 
Bakit binautismo si Jesus?
 
Bakit binautismuhan ni Juan si Jesus? Ang sagot sa katanungang ito ay malinaw na makikiwa sa sinabi ni Jesus sa Mateo 3:15, “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng katuwiran.” Narito, “sapagka’t” ay nangangahulugang inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo nang Siya’y bautismuhan. Ang Kanyang bautismo ang tumupad tulad din ng paraang pagpapatong ng mga kamay sa panahon ng Lumang Tipan. Ang layon ng Kanyang bautismo ay upang ilipat ang mga kasalanan ng sanlibutan kay Jesus.
Anong kahulugan ng “lahat ng katuwiran?” Anong pahiwatig ng “nararapat?” “Lahat ng katuwiran” ay ang nararapat para kuhanin ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang pahiwatig ng “nararapat” na lahat ng ito’y ang pinaka-nararapat at tanging paraan sa mga mata ng Diyos.
Kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at inalis ang mga ito para sa lahat ng nananalig sa Kanya. Si Jesus ay binaustismo at pinako sa kahatulan ng kanilang mga kasalanan. Ito ang ebanghelyo ng pagpapatawad ng kasalanan. Ang katuwiran ng Diyos ay ang pagpapatawad ng kasalanan na nag-alis ng lahag ng kasalanan ng mga makasalanan.
Kung nauunawaan ng tao ang lihim ng bautismo ni Jesus tulad ng nasusulat sa Mateo 3:13-17, kanilang makakamit ang pagpapatawad sa mga kasalanan at maging ang Banal na Espiritu. Ang ginawa ni Jesus sa Kanyang pampublikong ministeryo – Kanyang bautismo, pagpapako at pagkabuhay muli – ay upang idulot sa atin ang makatwirang paraan tungo sa kaligtasan, bilang pagtalaga ng Diyos. Sa paraang ito, si Jesus ay naging tunay na Tagapagligtas ng lahat ng makasalanan. Ang ebanghelyo ng Kanyang bautismo at dugo ay ang kaligtasan, na naglinis ng lahat nating kasalanan.
Makakamit lamang ng tao ang Banal na Espiritu kapag kanilang nalaman at nanalig sa ebanghelyo ng bautismo at dugo ni Jesus. Dahil ang bautismo ni Jesus ang nag-alis ng lahat ng kasalanan ng sanlibutan, ang ating mga kasalanan ay inilipat sa Kanya. Ang Kanyang kamatayan sa Krus alang-alang sa sangkatauhan ay aking sariling kamatayan, at ang Kanyang pagbakuhay muli ay ang aking sariling pagkabuhay muli. Sa gayon, ang bautismo at dugo ni Jesus sa Krus ay ang ebanghelyo ng pagtutubos ng kasalanan at pagtanggap sa Banal na Espiritu.
Nawa’y iyong natutunan ang dahilan ng bautismo ni Jesus at manalig sa ebanghelyo. Sa gayon, ang iyong mga kasalanan ay maaalis at iyong makakamit ang Banal na Espiritu. Bakit binatusmo si Jesus? Upang alisin lahat ng kasalanan ng sanlibutan.“Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng katuwiran” (Mateo 3:15). Amen, Aleluia!
Sa ngayon, ang iba’y nananalig na ang pagsasalita ng ibang wika ay tanda ng pagtanggap ng Banal na Espiritu. Subali’t, ang tunay na katibayan nito ay ang mahalagang pananalig sa magandang ebanghelyong inukit sa mga puso ng mga tunay na nananalig sa Banal na Espiritu.
 
 
Nagbigay ang Panginoon ng kapangyarihang magpatawad ng kasalanan sa lahat ng matuwid na tao
 
Binigay ng Panginoon ang kapangyarihan sa Kanyang mga alagad na magpatawad ng kasalanan, sinasabing, “Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila, sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad” (Juan 20:23). Ito’y nagbabadya nang ipangaral ng mga alagad ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang mga kasalanan ng lahat ng nakinig at nanalig ay napatawad. Subali’t, hindi nangangahulugan na maaari nilang patawarin ang mga kasalanan ninuman, anuman ang kanilang paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga alagad ni Jesus ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan ninuman sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Samakatuwid, kung kanilang tinuturo ang nasusulat, dapat tayong manalig. Dapat kang manalig na binigay ni Jesu-Cristo sa iyo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang alisin lahat ng iyong kasalanan. Iyo lamang makakamit ang kapatawaran ng kasalanan at matatamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Binigay din ni Jesus sa atin ang kapangyarihang iligtas lahat ng tao sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
 
Ang kapangyarihan ng pinuno ng mundo
 
Noon, kung saan ako’y naninirahan, kailangan naming sumakay ng bus sa isang hindi platadong daan. Ang tao’y kailangang bumaba sa isang dako at itutulak ito paitaas ng burol. Minsan, ang pangulo ng Korea ay dumating sa daang yaon para sa pagbubukas seremonya ng isang “thermal power plant.” Sinalubong ng tao ang pagdating ng pangulo sa pamamagitan ng pag-aayos ng daan at paglalagay ng mga puno sa tabi ng daan nang kanilnag marinig ang balita. Nang dumating ang araw, ginabayan ng mga motorsiklo ang daan at sa likuran nila ay ang sasakyan ng pangulo. Maraming tao ang bumati sa kanya sa pamamagitan ng mga pambasang watawat sa kanilang mga kamay. Sinasabi na ang pangulo’y nagbigay ng puna, “Ang daanang ito ay baku-bako, kailangang palatagin.” Ilang araw ang lumipas, ang daanan ay pinalatagan ng aspalto.
Anong nangyari rito? Isang puna mula sa pangulo ay sapat na upang gawan ng mahigpit na pagbabago ang kalagayan ng daanan. Sa utos ng pangulo ay may isang dakilang kapangyarihan. Subali’t, ating lubos na nalalaman na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung ginawad sa atin ni Cristo ay higit na makapangyarihan. Dapat tayong manalig na itong ebanghelyo ay may kapangyarihang palayain tayo sa lahat nating kasalanan sa ating buong buhay.
 
 
Ang tunay na kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan
 
“Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila, sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.” Ang mga alagad ni Jesus ay pinangaral ang ebanghelyo na lahat ng kanilang mga kasalanan ay napatawad. Sinabi nila sa tao, “Inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Walang dapat ikabahala. Bagaman ika’y nahantong na magkasala sa hinaharap, kinuha na ni Jesus lahat ng iyong araw-araw na mga kasalanan at dumanak ng dugo para sa iyo sa Krus matapos bautismuhan ni Juan. Niligtas ka ni Jesus! Dapat kang manalig!”
Ang mga makasalanan ay binigyan ng pagtutubos sanhi ng pakikinig at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sanhi ng mga alagad ni Jesus. Ginawad ni Jesus sa Kanyang mga alagad ang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil pinangaral ng mga alagad ni Jesus ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa lahat ng tao ng sanlibutan, ang mga mananampalataya ay makakamit ang kapatawaran ng kasalanan. Ginawad sa kanila ni Jesus itong handog kasama ang kapangyarihang magpatawad ng kasalanan.
Maraming tao ang nakabasa ng mga aklat na aking nilathala, at sila’y naligtas sa lahat nilang kasalanan matapos basahin ang mga ito. Ang iba’y kanilang nabatid na ang dahilan ng kamatayan ni Jesus sa Krus ay sanhi ng Kanyang bautismo upang alisin lahat ng kasalanan ng sanlibutan, sinasabing, “Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5). 
Matapos ng Kanyang pagkabuhay muli, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “At nang masabi niya ito, sila’y hiningahan niya, at sa kanila’y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo, sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila, sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad” (Juan 20:22-23). Ginawad ni Jesus sa kanila ang kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan ng tao.
Tayo’y nabihag sa kalituhan, kawalan at kasalanan bago tayo manalig sa katotohanang ito. Subali’t, ngayong tayo’y nananalig sa bautismo at dugo ni Jesus, at malaya sa kasalanan, tayo ang nangangaral nitong ebanghelyo sa iba. Dagdag nito, binigay ng Panginoon sa atin ang kapayapaan ng Kanyang mga alagad. Binigay din ng Panginoon sa atin ang kapayapaan at ang pagpapala ng Banal na Espiritu. Upang makamit ang kapayapaan at ang Banal na Espiritu ng Diyos, dapat nating matamo ang kapatawaran ng mga kasalanan dahil sa pananalig sa bautismo at dugo ni Jesus sa Krus.
Ang magpapalaya sa atin mula sa kasalanan ay ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang espirituwal na katotohanang magbibigay sa atin ng mga pagpapala ng langit. Nguni’t ang salungat na pananampalataya batay sa mga sariling kaisipan ng tao ay maghahatid sa kanya ng kapahamakan. Dapat nating makamit ang pagtutubos sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa gayo’y makamit ang Banal na Espiritu. Upang makamit ang gayong pananampalataya, dapat nating iwaksi ang ating mga makamundong kaisipan at magbalik sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Upang magkaroon ng pananalig na kailangan upang makamit ang Banal na Espiritu, dapat niyang tanggapin ang ebanghelyo na si Jesus ay binautimo at pinako para sa atin. Pinagkaloob ng Panginoon sa atin ang kapatawaran ng kasalanan, kapayapaan at ang pananahan ng Banal na Espiritu dahil tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kanyang binigay sa mga alagad ang pananahan ng Banal na Espiritu at ang kapangyarihang magpatawad sa mga kasalanan ninumang nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Atin ding nakamit ang Banal na Espiritu dahil sa pananalig nitong ebanghelyo. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang tumulong sa marami na gawin din ang gayon. Kapag ating pinangangaral ang ebanghelyo sa atin mga kapitbahay at sa mundo, yaong tumanggap nito sa puso ay igagawad ang Banal na Espiritu. Kung ang ebanghelyong ating pinangangaral ay hindi magtutulot sa tao na kamtin ang Banal na Espiritu, ito’y hindi tunay na ebanghelyo. Sa kabilang dako, kung ang ebanghelyong ating pinangangaral ay mag-aakay sa kanila na matamo ang Banal na Espiritu, ito’y tunay na ebanghelyo.
Mapapalad at magpasalamat tayo ang magkaroon ng gayong ebanghelyo. Ang ebanghelyong pinangaral sa iyo at sa akin ay isang ganap at nakatataas. Nguni’t sa kasawiang-palad, mahirap makakita ng tao na tunay na nalalalman at nananalig nitong ebanghelyo ngayon. Samakatuwid dapat nating ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo. Dapat nating tulungan ang tao na matamo ang Banal na Espiritu.
 
 
Ang mga naligaw ni Satanas sa pagtanggi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu
 
Ating tinutulungan maging yaong nananaligna kay Jesus. Marami sa kanila ang hindi pa nakakamit ang Banal na Espiritu bagaman sila’y naniniwala kay Jesus. Kaya atin silang tinutulungan sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo at sa gayo’y natutulungan silang makamit ang Banal na Espiritu.
Ang taong hindi nakamit ang Banal na Espiritu bagaman siya’y naniniwala kay Jesus, maaaring mayroong mga suliranin sa kanyang paniniwala. Yaon lamang nagkamit ng Banal na Espiritu dahil sa kanilang paniniwala kay Jesus ay maaaring kilalanin bilang taong taglay ang tunay na pananalig. samakatuwid dapat nating ingatan lahat ng pananalig na mag-aakay sa atin upang matamo ang Banal na Espiritu. Dapat nating malaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dahil tanging sa katotohanan nitong ebanghelyo ang magtutulot sa atin na matamo ang Banal na Espiritu.
Ating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang ang iba’y makamit ang Banal na Espiritu. Subali’t, yaong nangangaral ng ebanghelyo ay nagagapos ng maraming mga paghihirap. Inaakal ng ibang Kristiyano na kanilang matatamo ang Banal na Espiritu sa pagsisikap ng mahabang panahon. Sila’y maraming mga nakalilitong karanasan na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Kadalasan at paghahandog ay kailangan upang maliwanagan sila sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sino ang hindi mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung bawa’t isa’y nag-aakala na makakamit ninuman ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananalig nitong ebanghelyo? Dinaya ni Satanas ang tao sanhi ng kakaibang ebanghelyo bago dumating ang tunay na ebanghelyo. Ang gayong tao’y nagtataka kung ano pa ang paniniwalaan kung kanilang kinikilala ang kanilang mga sarili sa pananalig sa ebanghelyo ni Jesus. Kung gayon kanilang itatatwa at tatanggihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Maraming tao sa panahong ito ang hindi lubos na tinatanggap ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, dahil nabulag na sila ni Satanas. Sanhi nito, inaakala nila na ang paniniwalakay Jesus ay isang simpleng bagay. Subali’t, ang lubos na kaunawaan ng katotohanan ng ebanghelyo ay hindi isang simpleng bagay. Ang tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay natatabingan ng isang bulaang ebanghelyo.
Inaakala ng tao na ang sinuman ay makapapasok sa Kaharian ng Langit kung sila’y dadalo sa iglesia at ihahayag na sila’y naniniwala kay Jesus. Maraming naniniwala na ang pananahan ng Banal na Espiritu ay ginawad sa pamamagitan ng kanilang mga sarilig pagsisikap, tulad ng pagdarasal at pag-aayuno. Subali’t, ang gayong mga paniniwala ay malayo sa katotohanan ng pagtanggap ng Banal na Espiritu. Inaakala nila na ang pagsasalita ng ibang wika at ibang himala ay mga tanda ng pagtanggap ng Banal na Espiritu.
Kaya sila’y bahagyang nauunawaan na upang makamit ang Banal na Espiritu, kailangang manalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Subali’t, sinasabi ng Biblia na sinuman ay makakamit lang ang Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa salita ng Diyos. Inilihim ng Diyos ang hiwaga ng pagtanggap ng Banal na Espiritu sa Kanyang mga salita.
 
 
Silang nagnanais ng pananahan ng Banal na Espiritu
 
Minsan ako’y nagtungong Taiwan kasama ang aking mga manggagawa. Ang mga tao’y humingi nga mga aklat ukol sa Banal na Espiritu. Gayon din ang nangyari sa Hapon at Ruso. Ang dahilang maraming tao ang nais ang mga aklat ng pananahan ng Banal na Espiritu sa dahilang ang tao ngayon ay masigasig na nagnanais na makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Maraming tao ang nananalig kay Jesus at minsa’y hindi tiyak kung taglay nila ang tunay na Banal na Espiritu, dahil hindi nila taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Maraming tao ang nananalig kay Jesus at inaangking taglay nila ang Banal na Espiritu. Subali’t, ang taong pirmihang nagtamo ng Banal na Espiritu at magpakailanman ay bihira. Maraming tao ang di-magagawa anuman ang kanilang paniniwala kay Jesus, kaya hindi nila hangad na magawa ngayon.
Sa mga Kristiyano sa mundo, maraming tao ang nag-aakalang naranasan nila ang Banal na Espiritu. Sinasabi ng iba na kanilang natagpuan si Jesus sa kanilang mga panaginip, at inaangkin ng iba na taglay nila ang Banal na Espiritu sa kanila dahil kanilang naranasan ang pagpapalayas ng mga demonyo. Sa gayon, maraming tao na ang pananalig ay batay sa personal na karanasan. Subali’t, bibihira sa tao tulad nito ang nagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Inaakala ko minsan na kakaiba na walang mga aklat dito sa lupa ang ukol sa pagkakaroon ng pananahan ng Banal na Espiritu sanhi ng pananalig sa dalisay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maraming tao ang nagsasabi ukol sa kanilang mga karanasan sa Banal na Espiritu, nguni’t bakit walang mga aklat ukol sa pananahan ng Banal na Espiritu? Ang gayong mga akalat ay mahirap masumpungan, kahit pa maghanap sa malayo sa buong mundo.
Yaong hindi wastong nagpipilit na taglay nila ang Banal na Espiritu ay umaangkin na kanilang pang nakita si Jesus sa harapan at dumalo sa mga Kaharian ng Langit at impiyerno. Kanilang iginigiit na sinabi ni Jesus, “Ika’y nakarating sa panahon ng bukas. Marami ka pang naiwang dapat na gawin sa mundo, kaya magmadaling bumalik sa iyong kinaroroonan.” Ang gayong karanasan ay hindi imposible. Subali’t, si Jesus ba ang kanilang nakita? Makikita ba nila si Jesus gayong may kasalanan pa rin sa kanilang mga puso? Nananatili ba si Jesus sa isang makasalanan?
Tunay na karamihan sa mga Kristiyano ngayon ang hindi taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu bagaman nananatili ang pananalig kay Jesus. Sa gayon tayo, mga nagtataglay ng Banal na Espiritu sa atin, ay dapat ipalawig ang ebanghelyo na mag-aakay sa iba upang makamit itong handog. Ang bawa’t isay ay kailangang makamit ang Banal na Espiritu, upang magkagayon, ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kailangan. Dahil sa pananalig lamang sa ebanghelyo makakamit ang Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng katotohanan na ating nalalaman, ating makakamit ang handog ng Banal na Espiritu mula sa Diyos.
Tayong lahat ay dapat magpasalamat at magpuri sa Panginoon sa pagbibigay sa atin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Naranasan ko ang kasiyahan ng Banal na Espiritu habang Siya’y nananatili sa akin na sulatin itong aklat. Sa paglathala nitong aklat, maraming tao ang magkakamit ng pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. “Tinanggap baga ninyo ang Banal na Espiritu nang kayo’y magsisampalataya?” (Mga Gawa 19:2) sinabi ni Pablo sa mga magiging alagad sa Efeso.
Lahat tayo ay dapat tanggapin ang Banal na Espiritu. Ang mga Kristiyano sa buong mundo ay interesado sa pagtanggap ng Banal na Espiritu ngayong magulong panahon ng kasaysayan ng mundo. Aking pinangangaral ang biblikal na paraan ng pagtanggap ng Banal na Espiritu, tulad ng pag-aakay ng Banal na Espiritu sa akin. Upang mamuhay na kasiya-siya, dapat kang manalig sa katotohanan ng pananahan ng Banal na Espiritu. Dahil ito ang iyong huling pagkakataon na makamit ang Banal na Espiritu sa kahibuturan ng iyong puso.
Napipilitan ako na palawigin ang ebanghelyo na tutulong sa bawa’t isa na makamit ang Banal na Espiritu dahil binigay ni Jesu-Cristo sa akin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at pinamana sa akin ang handog ng Banal na Espiritu.
 
 
Ang mga Gentil din ay dapat na magkaroon ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu
 
Inuugnay ng Biblia kung paano hinayaan ng mga alagad ni Jesus ang iba upang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Maging ang mga Gentil ay kailang ingatan ang gayon ding pananampalataya bilang mga alagad upang makamit ang Banal na Espiritu. Dagdag nito, ang mga Gentil ay kailangang magkaroon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, siyang taglay ng mga alagad, upang makapasok sa daigdig ng Diyos. Samakatuwid tayo, na mga Gentil, ay dapat manalig din sa tunay na ebanghelyo upang makamit ang Banal na Espiritu. Sinugo ng Diyos si Pedro kay Cornelio, na isang Gentil, upang siya’y maliwanagan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang kailangan para makamit ang Banal na Espiritu.
Ang mga Judiong mananampalataya ay namanghang marinig na ang handog ng Banal na Espiritu rin ay binuhos sa mga Gentil. Nang magbalik si Pedro sa iglesia sa Jerusalem matapos ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pinintasan sila ng mga tuli. “Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila!” (Mga Gawa 11:3) Nguni’t pinaliwanag ni Pedro ang lahat mula sa pasimula.
Ang kanyang paliwanag ay lubos na nakapaloob sa Mga Gawa 11:5-17. “Ako’y nananalangin sa bayan ng Joppe, at sa kawalan ng diwa’y nakakita ako ng isang pangitain, na may isang sisidlang bumababa, na gaya ng isang malapad na kumot, na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok, at dumating hanggang sa akin, at nang yao’y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit. At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Magtindig ka, Pedro, magpatay ka at kumain.’ Datapuwa’t sinabi ko, ‘Hindi maaari, Panginoon, sapagka’t kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal.’ Nguni’t sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, ‘Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.’ At ito’y nangyaring makaitlo, at muling binatak ang lahat sa langit. At narito, pagdaka’y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan, ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea. At iniutos sa akin ng Espiritu na ako’y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin, itong anim na kapatid, at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon. At kanyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay, at nagsasabi, ‘Magsugo ka sa Joppe, at ipagsama mo si Simon, na may pamagat na Pedro, na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita, na ikaliligtas mo, ikaw at ng buong sangbahayan mo.’ At nang ako’y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una. At naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanon sinabi niya, ‘Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig, datapuwa’t kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo.’ Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo’y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios?” 
Sinabi ni Pedro na hindi lamang siya nakisalamuha sa hindi tuli at nakikain sa kanila, kanya ring sinabi sa kanila ang ebanghelyo salamat sa patnubay ng Banal na Espiritu. Nang kanilang marinig ang itong mga bagay sila’y nanahimik, at nagpuri sila sa Diyos, na Siyang naggawad ng pagsisisi at buhay sa kanilang lahat – si Cornelio, ang kanyang mga kamag-anakan at malalapit na kaibigan.
 
 
Ang apostolikong ebanghelyo ng pagtanggap ng Banal na Espiritu
 
Ano ang lubos na misyon ng mga apostol?
Ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang kanilang makamit ang Banal na Espiritu.
 
Pinangaral ba ng mga Apostol ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Dapat nating sang-ayunan kung si apostol Pedro ay nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa Biblia, sinabi ni Pedro, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y naligtas -- bautismo” (1 Pedro 3:21). Tunay na nanalig si apostol Pedro na niligtas ni Jesus lahat ng makasalanan sa kanilang mga kasalanan nang Siya’y bautismuhan at namatay sa Krus. Siya’y nanalig din nang si Jesus ay binautismo (Mateo 3:15), lahat ng kasalanan ay inilipat sa Kanaya, na Siya’y pinako at sa huli’y nabuhay na muli upang iligtas ang lahat.
Sa mga araw na ito may mga taong taglay ang gayon ding pananampalataya tulad ni Pedro. Ang mga nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang mga nangaral ng ebanghelyo tulad ni Pedro. Itong katotohanan ang magbibigay kasapatan upang matulot ang mga tagapakinig na makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu.
Tulad ng maraming taong nagkamit ng Banal na Espiritu nang ipangaral ni Pedro ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, atin ding makikita ang taong nananalig sa ebanghelyo at nakamit ang Banal na Espiritu kapag ating ipangaral ang iisang katotohanan. Ang isang taong hindi nakamit ang Banal na Espiritu dahil sa walang-saysay na pananalig na ang isa’y makararating sa langit kung siya’y mananalig lamang kay Jesus bilang kanyang Panginoon, sa halip sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Minsan ay kinilala ni Pedro ang mga Gentil bilang maliit pa kaysa sa mga kulisap na gumagapang sa lupa. Ayon sa kautusan, sila’y pawang mga maruruming hayop bago bautismuhan si Jesus, namatay sa Krus at nabuhay muli. Subali’t, maging ang mga Gentil ay hindi pagpapalain ng pananahan ng Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kaya isang tinig ang nagsalita kay Pedro, sinasabing, “Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi” (Mga Gawa 10:15).
Tayong, mga Gentil, ay di matatamo ang Banal na Espiritu nguni’t makakamit natin ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pagkakaroon ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kapag matiyaga nating pinangaral ang ebanghelyo sa taong puno ng kanilang sariling mga kaisipan, kadalasan ating makikita na sila’y mananalig sa ebanghelyo at sa huli’y makakamit ang Banal na Espiritu. Makikita rin natin silang hinahayag na sila’y walang kasalanan sa kanilang mga puso matapos manalig sa bautismo at dugo ni Jesus. Saka lamang mananahan ang Banal na Espiritu sa kanila.
Ang ating layon sa pangangaral nitong ebanghelyo ay hindi lamang upang maunawaan ng iba, nguni’t upang akayin sila na makamit ang Banal na Espiritu. Ang katotohanan na yaong nananalig sa ebanghelyong ating pinangangaral ay napatawad sa lahat nilang kasalanan ay lubos na mahalaga. At ang katotohanang nakamit nila ang pananahan ng Banal na Espiritu ay higit na mahalaga. Hindi lamang natin pinangangaral ang ebanghelyo sa tao, bagkus ay nailalapit na lubos at inaakay sila na makamit din ang Banal na Espiritu.
Dapat nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kaugnay na kahulugan nito sa mga nangangailangan nito. Kung tayo’y hihinto matapos ipangarala ang ebanghelyo, ang buong kahulugan ng ating pagpapagal ay maglalaho. Dapat nating malaman na itong ebanghelyo ang maghihikayat sa tao upang makamit ang pananahan ng Banal na Espiritu. Kapag ating pinangaral ang ebanghelyo isaisip, ang mga apoy ng Banal na Espiritu ay kakalat tulad ng napakalaking apoy sa buong mundo.
Nang ang isang ebanghelista ay nanalig na itong ebanghelyo ang gagabay sa tao sa mundo upang makamit ang Banal na Espiritu, kanyang matalas na mababatid na ang kanyang ministeryo ay hindi isang simpleng bagay ukol sa pagpipilit sa tao na tanggapin si Jesu-Cristo, bagkus ito’y ukol sa pagtulong sa kanila na matamo ang pananahan ng Banal na Espiritu. Samakatuwid napakahalaga para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa panahong ito.
Kailangan lamang ng isa ay makinig sa kanyang mga tenga at manalig ng kanyang puso sa ebanghelyong ating pinangangaral upang makamit ang Banal na Espiritu. Maliwanag, na ang ebanghelyong ating pinangangaral ay may malaking impluwensiya sa buhay ng tao. Ang kapangyarihan ng ebanghelyo ay ang kapangyarihan at pagpapalang bigay ng Diyos.
Si Pedro ay isang ebanghelista ng mga Judio, habang si Pablo ay sa mga Gentil. Habang nananalangin si Pedro sa bubungan ng bahay, bumuka ang Langit sa kanya at isang bagay tulat ng malaking kumot na nakatali sa apat na sulok ang bumaba sa kanya. Naririto ang lahat ng uri ng maruruming mga hayop na pinagbabawal na kainin sa Biblia.
Si Pablo ay hindi pa nakakain ng anumang karaniwan o marurumi. Subali’t, inutos ng Diyos na pumatay at kainin ang mga ito. Tumanggi si Pedro, sinabing, “Hindi maaari Panginoon, sapagka’t kailan ma’y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal!” At isang tinig ang nagwika sa kanya, “Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.” Ano ang ibig sabihin nito? Sinasabi ng Diyos na hinugasan ni Jesus lahat ng ating kasalanan sa sanlibutan, maging mga Gentil, nang Siya’y bautismuhan at namatay sa Krus.
Ang espirituwal na kahulugan ng utos ng Diyos na kanyang patayin at kanin ang mga maruruming hayop ay upang ituro kay Pedro na maging mga Gentil ay magiging anak ng Diyos dahil sa pananalig na naparito si Jesus sa lupa, binautismo upang alisin lahat ng ating kasalanan at napako upang hatulan.
Si Pedro’y sinusunod pa rin ang mga kautusan sa halip na tignan ang mga ito sa pamamagitan ng mga espirituwal na mata na pananampalataya, maging matapos matanggap ang Espiritu. Nguni’t si Pedro’y nagsisi at nanalig na hinugasan na ng Diyos maging ang mga kasalanan ng Gentil. Nabatid ni Pedro na ang yaman ng magandang ebanghelyo ay lubos. Kanyang nakita ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa kanyang mga tagapakinig nang ipangaral niya ang mga salita ng Diyos.
Paano natin malalaman kung ang mga ebanghelista ngayo’y nakamit ang Banal na Espiritu o hindi? Ito’y depende kung kanilang tinanggap ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang taong nanalig sa magandang ebanghelyo tulad ng pangangaral ng ebanghelyo sa mga salita ng Diyos ay nagkamit ng pananahan ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritung nananahan sa puso ng ebanghelista ay nananahan din sa kanya. Ang ebanghelista at ang tagapakinig ay makikipisan sa isa’t isa tulad ng magkababatang magkaibigan. Kanilang makikita ang pag-ibig ng Diyos na nananahan sa isa’t isa. Makikita ng ebanghelyo ang tagapakinig na maging anak ng Diyos sanhi ng pagtanggap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kapag ating pinangaral ang ebanghelyo, makikita natin ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga mananampalataya kapag sila’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito’y hindi malayo sa karanasan ng kaligtasan. Ito ang pangunahing dahilan bakit kailangan nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang ebanghelyong ating pinangaral ay ang mag-aakay sa iba na makamit ang Banal na Espiritu.
Yaong taglay ang pananahan ng Banal na Espiritu ay mga anak ng Diyos. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi isang kathang doktriina ng isang sekta, at samakatuwid kapag ating pinangaral ito sa iba, magkakaroon sila ng pananalig, makakamit ang Banal na Espiritu at magiging anak ng Diyos. Ito’y isang dakilang pagpapala! Nakamamanghang ebanghelyo! Kahanga-hangang gawa Niya! Yaong nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tumutulong sa pagtayo ng Kaharian ng Diyos. Atin lamang ipangarala ang ebanghelyo, nguni’t kanilang tanggapin ang Banal na Espiritu.
Inaakala ng iba na ang paniniwala kay Jesus ay isang bagay at ang pagtanggap sa Banal na Espiritu ay isa pang bagay. Sa gayon, ang mga Kristiyano ay nananalangin pa rin sa Banal na Espiritu. Subali’t, sinasabi ng Biblia na ang Banal na Espiritu ay darating sa mga nakikinig at nananalig sa ebanghelyong pinangaral ng Kanyang mga lingkod. Ang tao sa buong mundo ay naghahangad sa Banal na Espiritu. Ang ebanghelyong aming pinangangaral ang mag-aakay sa kanila upang bigyang kasiyahan ang kanilang pagnanasa. Itong dahilan mayroon tayong responsibilidad na palawigin ang ebanghelyo sa buong mundo. Tayo ang mga anak ng Ama at Kanyang tagapagmana, mga matatapat sa Kanyang Dakilang Tagubilin.
Dapat nating ipangaral ang ebanghelyo na may pananampalataya habang isinasaisip na ang ating misyon ay upang itulot sa tao na makamit ang Banal na Espiritu. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay isang bagay na dapat tunay na panaligan ng mga ebanghelista bago ipangaral ito sa iba. Sa gayon ang kanilang mga tagapakinig ay matatamo ang Banal na Espiritu dahil sa kanilang pananalig sa ebanghelyo. Sa paraang ito, mahihinga natin ang walang hanggang buhay sa lahat ng mananalig sa ebanghelyo. Ang ating layon ay upang sila’y mapalaya sa kapangyarihan ng kadiliman at ihatid sa Kaharian ng Diyos. Ang mga ebanghelista ay inililipat ang mga makasalanan na nahantong na mamatay sa ilalim ng kapangyarihan ng kadiliman tungo sa Kaharian ng Anak ng Diyos. Ito’y lubos na mahalagang gawain na maging mga anak ng Diyos ang mga makasalanan.
Maraming tao ang hindi nalalaman ang susi ng pagtanggap ng Banal na Espiritu at sinisikap na makamit Siya sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap. Subali’t, ito’y napatunyang walang-saysay. Tanging pananalig sa ebanghelyo ang kailangan, dahil ang pananalig ang magpapalaya sa kanya mula sa lahat ng kasalanan.
Paano mo tinanggap ang Banal na Espiritu? Sa pamamagitan ng dasal? O marahil sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay? Hindi ito ang paraan. Makakamit lamang natin ang Banal na Espiritu kung tayo’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat tayong magdasal at ipangaral ang ebanghelyo upang lahat ng tao’y tanggapin ang Banal na Espiritu.
Ang salitang “apostol” ay “isang taong sugo ng Diyos.” Ano ang gawain ng apostol? Pinangangaral nila ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang ang tao’y tanggapin ang Banal na Espiritu. Hindi mo ba nais gawin ito kasaman namin? Tayong lahat ay dapat pananahanan ng Banal na Espiritu at ipangaral sa lahat ng tao. Aleluiah! Purihin ang lubos na katotohanan ng ebanghelyong binigay ng Panginoon sa atin upang makamit ang Banal na Espiritu!