• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 1-1] Panimula sa Roma Kabanata 1

2021.04.12 34
“Ang liham ni Aposol Pablo para sa mga taga-Roma” ay maibibilang bilang yaman ng Biblia. Ito ay tumatalakay ng kabuuan kung paano ang isa ay makakatamo ng katuwiran ng Diyos sa pagsamapalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Kung paghambingin ang aklat ng Roma at liham ni Santiago, maaaring sabihin ng iba na ang Roma ay ‘ang mga yaman ng salita’ subalit and Santiago ay “mga salita ng dayami.” Ganun pa man, ang aklat ni Santiago ay salitang Diyos gaya rin ng aklat ng Roma. Ang tangi lang na pagkakaiba ay ang aklat ng Roma ay napakahalaga dahil ito’y nagbibigay ng malawak na pananaw ng Biblia, hindi gaya ng aklat ni Santiago na mahalaga rin dahil ito naman ay naglalaman kung paanong mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos ang isang matuwid. 
 
 
Sino ang taong, si Pablo?
 
Atin munang basahin ang Roma 1:1-7. “Si Pablo na alipin ni Jesu-Cristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios, Na Kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng Kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, tungkol sa Kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman. Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Jesu-Cristo na Panginoon natin. Na sa pamamagitan Niya’y tinanggap naming ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lath ng mga bansa, dahil sa Kaniyang pangalan. Sa mga ito kayo nama, ay tinawag ni Jesu-Cristo: sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesu-Cristo.”
Ang mga talatang ito ay maibibilang na “mga pagbati ni Pablo sa mga Cristiano sa Roma.” Binati sila ni Pablo bilang mga alipin ni Jesu-Cristo, na nagging katuwiran ng Diyos.
Tinalakay ng Talata 1 ang katanungang ‘Sino si Pablo?’ Si Pablo ay isang Judio na nakatagpo ang Panginoong nabuhay na muli sa daan ng Damasco, at piniling sisidlad ng Panginoon (Gawa 9:15) upang ipamalita ang Mabuting Balita o Ebanghelyo sa mga Hentil.
 
 
Ipinamalita ni Pablo ang tunay na Mabuting Balita ayon sa paraan ng paghahandog at mga inihula sa Lumang Tipan
 
Sa talatang 2, Ipinamalita ni Apostol Pablo ang Mabuting Balita o Ebanghelyo ayon sa mga salita ng Lumanga Tipan. Ipinaliwanag niya “ang Mabuting Balita ng Diyos” bilang “Na Kaniyang ipininangako nang una sa pamamagitan ng Kaniyang mga propeta sa mga banal na kaulatan.” Sa pamamagitan ng talatang ito, makikita nating ipinangaral ni Apostol Pablo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ayon sa paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan. Dagdag nito, binanggit ng talata 2 na si Pablo ay pinili upang gamapan ang gawain ng ebanghelyo. 
Ang pananalitang ‘sa pamamagitan ng Kaniyang mga propeta sa mga banal na kaulatan’ nagpapahiwatig ng pagsugo ng Diyos kay Jesu-Cristo, na nakikita sa paraan ng paghahandog o ng mga hula sa Lumang Tipan. Lahat ng mga propeta ng Lumang Tipan, kasama sina Moises, Isaias, Ezekiel, Jeremias at Daniel, nagpapatoo ng katotohanang si Jesu-Cristo ay darating sa mundong ito upang mamatay sa Krus matapos kuhanin ang mga kasalanan ng sanlibutan.
Anu ba ang hitsura ng ebanghelyong ipinapahayag ni Apostol Pablo? Ipinangaral niya ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito na tumutkoy tungkol sa Anak ng Diyos, si Jesu-Cristo. 
Ang sabi ng ibang tao na ang mga salita sa Lumang Tipan ay naganap na, at gayon din ang ipinipilit ng iba, kung saan ang mga salita sa Mateo 11:11 ang nagbigay patunay. Ang iba namang mga kilalang ebanghelista ay halos hindi pinapansin ang pangkalahatang kabuuan ng Lumang Tipan.
Subalit, nangako ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Lumang Tipan at tinupad Niya ang Kanyang pangako sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa Bagong Tipan. Kaya nga, sa mundo ng pananampalataya, ang Bagong Tipan ay hindi iiral kung wala ang Lumang Tipan, at sa ganito ring paraan, ang mga salita ng Lumang Tipan ay hindi maisasakatuparan kung wala ang Bagong Tipan.
 
Napili si Apostol Pablo para sa ebanghelyo ng Diyos. Kung ganun, ang tanong ay ito, “Anong KLASENG ebanghelyo ang kanyang pinangangaral?” Ipinangaral niya ang katotohanang dumating ang Panginonng Jesu-Cristo dito sa mundo upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, ayon sa Lumang Tipan. Samakatuwid, sa tuwing ibinabahagi natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, gawin nga ito ayon sa mga inihula at ang paraan ng paghahandog sa Lumang Tipan. Sa ganitong paraan maniniwala ang tao na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay tunay, at ang Bagong Tipan ay ang katuparan ng mga salitang ipinangako sa Lumang Tipan.
 
Mula sa simula ng Bagong Tipan, makikita natin ang pagdidiin patungkol sa bautismong natanggap ni Jesus mula kay Juan at ang Kanyang Dugo sa Krus. Habang ang kabuuan ng Lumang Tipan, naroon ang panahon ng paghahandog, na siyang paraan para matubos ang kasalanan ng naghain. Kailangang maisalin ang kasalanan ng naghahain sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay sa ulo ng inihahandog at patuluin ang dugo hanggang mamatay ito para sa kapatawaran ng kasalanan ng nag-aalay.
Ngayon, kung sa Lumang Tipan ay mayroong pagpapatong ng mga kamay at dugo ng mga inihaing hayop para sa kapatawaran ng kasalanan, anu naman ang mayroon sa Bagong Tipan? Naroon ang bautismong natanggap ni Jesus at ang Kanyang Dugo nabuhos sa Krus. Higit diyan, ang pagbanggit ng Mataas na Saserdote sa Lumang Tipan (Levitiko 16:21) ay siya naming kahalintulad ni Juan Bautismo sa Bagong Tipan.
Ang mga talatang 3 at 4 ay tinatalakay ang katanungang, Verses 3 and 4 talk about the question, “Ano ang pagkatao ni Jesus?” Ipinapaliwag ng mga talata ang Kanyang natural na katangian. Natural na ipinanganak si Jesu-Cristo sa lipi ng pamilya ni David at sa pamamagitan ng kabanalan ng Espirito, kinilala Siya bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang kapangyariahan sa pagkabuhay muli mula sa kamatayan. Dahil dito, Siya ay naging Tagapagligtas sa pagbibigay ng tubig at ng dugo sa mga sumampalataya sa Kanya. Naging Diyos ng kaligtasan si Jesu-Cristo, Hari ng mga hari, at walang hanggang Mataas na Saserdote ng Langit sa lahat ng manampalataya. 
 
Sa teolohiya ng mga Kristiyano, itinatatwa ang pagka-Diyos ni Jesus. Sinasabi ng mga teolohiyong ito, “Siya ay isa lamang magaling na kabataan.” Bukod diyan, ayon sa Bagong Teolohiya, “Mayroong kaligtasan sa lahat ng relihiyon.” Dahil dito, sa mga liberal na seminaryo, pinipilit ng mga tao na dapat tanggapin ang “exorcism” o pagpapalayas ng mga masasamang espiritu, Budismo, Katoliko at ang mga ibang pang relihiyon. Itong tinatawag na mga Liberal na Teolohiya or Makabagong Teolohiya ay nagsasabing lahat ay dapat bigyan ng paggalang, at nang sa ganoon, lahat ng tao ay magsama upang maing ‘isa’.
Subalit, malinaw na sinabi ng Biblia sa pasimula pa, nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa. Ngayon, sino ang Diyos na ito? Ito ay si Jesu-Cristo. Ang ibig sabihin ng pangalang “Cristo” ay pinahiran ng langis. Sa Lumang Tipan, ang hari o ang propeta ay pinapahiran ang kanilang ulo ng Mataas na Saserdote. Ang sinumang kumakaila kay Jesus ay hindi nananalig sa Diyos. 
Sa panahong ito, ang pananampalataya ng mga tao sa buong mundo ay bumabalik sa Ecumenicalismo ayon sa pagsasanib ng mga relihiyon. Nagbibigay sila ng papuri habang hinahaluan nila ng lahat elementong galing sa mga relihiyong pagano na hindi naniniwala sa Diyos gaya ng mga Budismo at mga Confuanismo. Sa ibang pagkakataon, ang mga mananamba sa Budismong paraan ng pagsamba, kung minsan naman sa paraan ng pagsamba ng mga Kristiyano. Maaaring mayroong masarap na iba’t ibang pagkain. Subalit, pagdating sa pananampalataya, kung alin ang mas dalisay at puro siyang mas mainam. 
Datapuwat, ang sagot sa katanungan sa mga talatang 3 at 4, “Sino si Jesus?” ay Siya ang kaisa-isang itnuring bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan sa pagkabuhay na muli mula sa kamatayan. Si Cristo ay nagging Panginoon at Tagapaligtas natin. 
Ang mga talata sa 5 at 6 ay nasasad kung paano naging Apostol si Pablo sa pamamagitan ng Diyos. Siya ay naging saksi sa pangangaral ng ebanghelyo sa mga Hentil upang makamtan nila ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo.
 
 
Anong uri ng kapangyarihan mayroon si Apostol Pablo?
 
Gaya ng nasusulat sa talatang 7, mayroong kapangyarihan si Pablo na magbigay pagapapala sa mga mananampalataya  kay Jesus sa pangalan ng Diyos. Ang ibig sabihin ng kapangyarihan ng isang Apostol ay kakayahang magpala sa lahat ng tao sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo.
Sa gayon, masasabi ni Pablo, “Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesu-Cristo.” 
Nais kong bigyan ng kaunting pansin tungkol sa bendisyon. Waring mayroong kapangyarihan si Pablo na magbigay ng bendisyon sa mga tao, kaya nga sa huling bahagi ng ating Linggong pananambahan, ito ay natatapos sa isang bendisyon. “Nais ng Diyos na maibigay ang ganitong pagpapala sa lahat ng mga mananampalataya.” Ang orihinal na bendisyon ayon sa mga sumusunod.
Simulan natin sa Bilang 6:22 “At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sasabihin, sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Isreal; inyo sasabihini sa kanila: ‘Pagpalain nawa ng Panginoon at ingatan ka; paliwanagin nawa ng Panginoon ang Kaniyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo; Ilingap nawa ng Panginoon ang Kaniyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.’”
Sinabi kay Aaron bilang Mataas na Saserdote at sa kanyang mga anak na lalaki, “Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel.” Kung pagpapalain nila ang mga Israelita ng ganitong paraan, pagpapalain din sila ng ng Diyos gaya ng nasasad sa Banal na Kasulatan. Kung ating titignan lahat ng mga sulat ni Pablo, makikita na lagi niyang sinasabi, “Ang pagpapala ng Panginoon ay sumainyo.” Ito ay nagbabadya na hindi sa kanya manggaling ang mga pagpapala kundi ang Diyos ang gaganap nito. Kaya, laging nagtatapos ang mga sulat ni Apostol Pablo sa pagbibigay ng mga pagpapala.
 
Mayroong karapatan si Pablo magbigay ng mga pagpapala sa lahat ng anak ng Diyos. Ngunit ang kapangyarihang ito ay hindi ibinigay sa lahat ng Kristiyanong mangangaral. Sa halip, ito’y binigay lamang sa mga lingcod ng Diyos. Kapag nagbigay ng bendisyon ang mga lingkod ng Diyos at sinabing nais nilang magbigay pagpapala, ipagkakaloob nga ito ng Diyos ang mga pagpapala ayon sa bendisyon.
Hindi lamang sa mga lingkod nagbibigay ang Diyos ng makalangit ng kapangyarihan, bagkus pati rin sa mga mananampalatayang isinilang na muli. Sinabi ng Diyos, “Sinomang ang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad” (Juan 20:23). 
Ipinagkaloob Niya ang ganitong uri ng kapangyarihan sa lahat ng matuwid! Kung gayon, hindi dapat komprontahin ang mga mananampalatayang isinilang na muli o maging ang Kanyang mga lingkod, dahil para na ring kinumprontahan mo ang Diyos. Ibinigay ng Diyos ang kapangyarihang magpala at magsumpa ang mga Apostol maging sa Kanyang mga lingkod at sinumang mananamapalataya. 
 
 
Si Apostol Pablo ay nagnanais na ibahagi ang kaloob na espirituwal sa mga mananampalataya.
 
Ating basahin ang Roma 1:8-12. “Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan. Sapagka’t ang Dios ang aking saksi, na Siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng Kaniyang Anak, na walang patid na akin kayong binabanggit, sa aking mga panalangin. At laging sinasamo ko, kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating ako sa inyo. Sapagka’t ninanasa kong makita kayo, upang ako’y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo’y mangagsitibay. Sa makatuwid baga, upang ako’t kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa’t isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.”
 
Una sa lahat, ano ang dahilan kung bakit pinasalamatn ni Pablo ang Diyos? Pinasalamatan niya ang Diyos dahil ang mga Kristiyano ng Roma ay nanampalataya kay Jesus at dahil dito, ang ebanghelyo ay lumaganap sa ibang tao. 
 
Sa talatang 9 at 10, maaaring itanong ninuman, “Bakit ninanais ni Apostol Pablo na makarating sa Roma sa panahon ng kanyang paglalakbay?” Ang dahilan dito ay dahil kung naipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa Roma sa panahong iyon, marahil ay naipahayag na rin sa buong mundo. Tulad ng pagkilala ng buong mundo sa bansang Amerika, dahil nuong makalumang panahon, ang Roma ay sentro ng mundo, gaya ng kasabihang, “Lahat ng daan ay patungong Roma.”
Marami na tayong mga ginagawang pagpapagal sa pangangaral ng ebanghelyo sa Amerika. Kung ikinalat natin ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito sa Amerika, marahil marami ng misyonero ang sumulpot upang ipahayag ang magandang ebanghelyo sa iba. Kung kaya’t ninais ni Pablo na makarating sa Roma.
 
 
Ang kaloob na espirituwal na tinutukoy ni Pablo
 
Sa talatang 11 ay nasusulat, “Ninanasa kong makita kayo, upang ako’y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo’y mangagsitibay.”
Ano ang ibig sabihin ni Apostol Pablo ng bahaginan ng kaloob na espirituwal para sa ikatitibay ng mga tao? Ang kaloob na espirituwal na tinutukoy niya ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, na ating pinangangaral. Sa talatang 12, ay nasusulat, “sa makatuwid baga, upang ako’t kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa’t isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.” Nagsasabi na ang mga ibang kaloob na espirituwal ay maaaring ibahagi sa mga tao upang tumatag at upang makahikayat pa ng tao at magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa gaya ni Pablo at ng iba, upang maihatid ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, ninais ni Pablo na magkaroon ng pahinga, makaramdam ng kaginhawaan, tumanggap ng pagpapala ang mga tao, at magkaroon ng pagtitipon ang kapwa mananampalataya.
 
Sinabi ni Apostol Pablo na kailangan niyang mahimok kasama ng kapwa mananampalataya at ipinakita niya ang paghahangad na maihatid muli ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa mga Iglesia Katoliko. Ngayon, lahat ng miyembro ng iglesia ay nauunawaan at tiyak na pinaniniwalaan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, subalit lumalabas na may iilang mga Kristiyano ang hindi naniniwala sa tunay na ebanghelyo habang lumilipas ang panahon. Gaya nito, ang iglesia sa Roma ay maaaring nangangailangang manariwa sa ebanghelyo.
Dahil dito, sinabi ni Apostol Pablo na maaaring mahikayat siya sa pananampalatayang pagdadamayan. Sa katunayan, nakakatanggap tayo ng ginhawa sa presensya ng Diyos at ang ating puso ay payapang nakakapahinga, salamat sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Hindi tayo makakatamo ng mapayapang pahinga kung wala ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito.
Bukod dito, nasusulat na “Upang ako’y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo’y mangasitibay.” Ang kaloob na espirituwal na ito ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Ang isa ay maaaring maging ank ng Diyos at tumanggap ng mga pagpapala kung siya ay mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. 
Subalit, ano ang silbi nito sa tao upang mabuhay ng banal at matapat kung titigilan niya ng paninigarilyo at pag-inum subalit gumagawa naman ng anumang kasamaan at hindi naman nila alam ang patungkol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, bagaman sila naniniwala kay Jesus? Ang kanilangmga ginagawa ay walang kinalaman ang katuwiran ng Diyos. Ang katuwiran ng Diyos ay labis na nakahihigit kaysa sa mga tao. Madaling manghikayat ng tao papunta sa iglesia, subalit higit na mahalaga ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa mga bagong mananampalataya upang sila ay makatamo ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng paglalagay ng damit ng mga espirituwal na pagpapala ng Langit.
 
Nais ni Apostol Pablo na mahimok niya ang mga mananampalataya ng Roma gaya ng kanyang pananampalataya. Kaya’t sinabi niya “sa makatuwid baga, upang ako’t kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa’t isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.” Kaya’t, ipinangaral ni Apostol Pablo ang tunay na ebanghelo sa buong kongregasyon ng iglesia upang magkaroon sila ng pananalig, tumatag sila sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Kailangang maihatid niya sa mga mananampalataya ng iglesia ng Roma ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito at maituro sa kanila kung ano talaga ito.
Ito ang dahilan kung bakit kakaiba si Apostol Pablo sa mga ibang ebanghelista sa panahong ito. Sa liham niya sa mga iglesia ng Roma, sinabi ni Pablo na higit niyang nais na tumatag ang mga tao sa pagbabahagi ng kaloob na espirituwal, at upang himukin sila sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang pananalig. Ito ang dapat matutunan ng mga ibang Iglesia ngayon. Ipinangangaral ni Apostol Pablo ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito upang madaling malaman ang mga tunay na kapatid o ang mga mapagkunwari.
Sa panahong ito, hinahayan ng mga iglesia ang mga bagong kasapi na matanggap ang mga katuruang doktrina ng anim na buwan, o isang taon, tapos sila ay babautismuhan. Iyon lang. Sila ay nababautismuhan kahit na hindi pa nila lubos na alam ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Sa madaling salita, kahit na ang mga tao ay maging miyembro ng iglesia, hindi sila nagiging anak ng Diyos at hindi rin natatanggap ang Kanyang katuwiran. Ang tangi lamang na hinihingi ng mga ministro s kanila ay isaulo ang Sampung Utos at ang Credo ng Apostol. Kung nakapasa man ang mga bagong miyembro sa pagsasaulo, sila ngayon ay tatanungan ng “Handa ka na bang iwaksi ang pag-inom ng alak? Itigil ang paninigarilyo? Nais mo bang ipagkaloob ang iyong ikapu buwan-buwan? Mamumuhay ka ba ng matuwid na buhay?” 
 
Ang dahilan kung bakit malayo ang mga iglesiya ng Europa, Asia at ang buong mundo sa katuwiran ng Diyos ay dahil ang paghahangad nila ay katuwiran ng tao. Sa kasalukuyan, kahit na ang Korea, o ang tinatawag na ‘Jerusalem ng Asia,’ ang populasyon ng mga Kristiyano ay bumababa. Ngayon dumating na ang panahong wala ng nagnanais pumunta sa mga iglesia maliban na lang kung mayroong espesyal na pagdiriwang sa loob ng iglesia, gaya ng mga musikang palabas o konsiyerto. Kahit pa mayroong dumalaw sa iglesia, ordinaryong mensahe lamang ang sermon sa mga kabataan gaya ng paksang, ‘Huwag kang maninigarilyo, mamuhay ng maayos, mangilin tuwing Linggo at gumawa ng maraming boluntaryong gawain ngunit walang kinalaman sa katuwiran ng Diyos.
Dahil madaling magkasala ang tao at mahirap ayawin ang magkasala, kailangan niyang umasa sa Panginoon. Kaya’t kung ang mga tao ay pupunta sa iglesia, kailangan nating ituro ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito upang sila ay makatamo ng katuwiran ng Diyos. Kailangan talaga nating ipaalam ang katuwiran ng Diyos na nagsasabing ikaw at ako ay ginawang walang kasalanan kahit pa ito’y hindi sapat. 
Siguraduhing ito ay maitanim sa isipan. Ang isang tao ay maaari lamang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos kung siya ay wala ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa katuwiran ng Diyos. Maaaring ipangaral ng isang tao ang ebanghelyo kung ang problema sa kasalanan ay naiayos na. Ang ating gawain na ikalat ang ebanghelyo sa iba ay hindi dapat unahan ng pag-aayos ng ating problema sa kasalanan. Hindi kaya ninuman na ipangaral ang ebanghelyo sa iba kung hindi pa alam ang solusyon sa sarili niyang kasalanan.
 
Sinasabi nga na ipinangaral ni Apostol Pablo ang ilan sa mga kaloob na espirituwal. Ang kaloob na ito ay hindi ang kaloob ng ibang wika o pagpapagaling ayon kay Pablo gaya ng tinutukoy ng mga Pentecostal Movement sa kasalukuyan. Karamihan sa mga Kristiyano ay ipinapalagay na ang iba sa mga kataka-takang kababalaghan gaya ng nakakakita ng mga pangitain, mga hula, pagsambit ng iba’t ibang wika, o pagpapagaling sa may sakit bilang mga kaloob.
Subalit, ang mga ito ay hindi mga kaloob na espirituwal na galling sa Langit. Ang isang tao na nagsisisigaw o isang taong nababaliw sa kuweba na sa tuwing nakakarinig siya ng kakaibang tinig o ingay ngunit hindi naman makatulog ng tatlong gabi, ang mga ito’y hindi kaloob ng Diyos. Ang sinumang umaangkin na kaya niyang mangusap ng mga ibang wika at walang malay na natutumba sa sahig matapos sumigaw ng mga kakaibang salita na ‘la-la-la-la’ at nakabaluktot na dila ay hindi masasabi na siya’y tumanggap ng Banal na Espirito. Sa halip, ito’y katulad ng mga pasyente sa mental na institusyon na may diperensiya sa kaisipan. Subalit, mayroong mga grupong ‘charismatic revivalist’ na ipinipilit na kaya nilang turuan ang mga Kristiyano kung paano makapagsalita ng iba’t ibang wika, o maging paano tanggapin ang Banal na Espirito. Gumagawa sila ng mga bagay na mali at ang pananampalatayng taglay nila ay tiyak na hindi tama.
Ang tubig ng buhay ng Banal na Espirito ang dumadaloy mula sa ating puso kung tapat nating ginagampanan ang mga espirituwal na gawain ng Diyos at sinusunod ang Panginoon.
Ang mga Kristiyano ay marapat na matamo ang kaloob ng espirituwal ng paglilinis ng kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. May mga nagsasabing maraming Kristiyano ngayon ang patungo na sa impiyerno dahil sa mga maling aral ng mga iglesia ngayon. Nagbabadya na ang mga iglesia ngayong panahon na naghihikayat ng katuwiran ng tao sa halip na ipangaral ang katuwiran ng Diyos.
Mga kapatid, kahit pa dumami ang bilang ng mga katuwiran dahil sa pagdalaw sa iglesia, hindi ibig sabihin na matatanggap niya ang kaloob na espirituwal sa pamamagitan ng ganyang mga gawa. Kailangang tanggapin natin sa ating puso ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito upang matamo ang kaloob na espirituwal.
 
Ating basahin ang mga talata sa 13 hanggang 17. “Ang hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa’t hanggang ngayon ako’y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil. Ako’y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang. Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma. Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una’y sa Judio, at gayon din sa Griego. Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, ‘Ngunit ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.’”
Pangarap talag ni Apostol Pablo na makarating sa Roma. Subalit, hindi niya magawa dahil sa mga sagabal. Kaya’t, kailangan niyang manalangin sa paghiling na ang pinto ng gawaing misyonero ay mabuksan. Gayun din, kailangan din nating hilingin ang ganitong panalangin habang ipanapangaral ang ebanghelyo sa pamamagitan ng ministeryo ng mga babasahin. Sa pamamagitan lamang ng ganitong panalangin maaantig ang puso ng Diyos at buksan Niya ang pinto at daanan para sa atin na na maipahayag ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa buong mundo. 
 
 
Pinagkakautangan ni Pablo ang mga tao
 
Kanino kaya nagkakautang si Apostol Pablo na sinasabi niya at anong uri ng utang ang kanyang binabanggit sa mga talatang 14 at 15? Sinabi niyang siya’y may pananagutan sa mga Griego at sa mga barbaro, at utang niya na maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Dagdag nito, siya rin ay mag pananagutan sa mga marurunong at mga mangmang. Kung gayon, ninais niyang ipangaral ang ebanghelyo sa mga taga-Roma ng higit sa lahat. 
Anupat kung magkagayon, ang paghatid ng tunay na ebanghelyo ang dahilan ng kanyang pagsulat sa iglesia. Nalaman niya na kahit na sa mga puso ng mga tao sa loob ng iglesia sa Roma, na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay hindi namayani sa pamamagitan ng pananampalataya, kaya’t itinukoy niya sa ebanghelyo ang kaloob na espirituwal. Dahil dito, ipinangaral pa rin niya ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito kahit pa sa mga miyembro ng iglesia maging sa lahat ng tao sa buong mundo. Sinabi niyang siya ay may pananagutan sa mga marurunong, mga mangmang, mga Griego at lahat ng barbaro. 
Anong uri ng pananagutan ito? Pananagutan niya ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito sa lahat ng tao sa buong mundo. Iginiit niya ang paghahatid ng kanyang pananagutan sa lahat ng tao sa mundo. Gaya nito, kahit na ang mga taong natutunan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay may pananagutan din. Ang pananagutan na kailangan nilang bayaran ay ang gawaing ibahagi ang ebanghelyo. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating ikalat ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa buong mundo sa panahong ito. 
Akala ng iba na ang dugo lamang sa Krus ang tanging kaligtasan. Subalit, Subalit, ang makalangit na ebanghelyong na pinapatoo ng Bilia ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, na siya ring pinatotoo ni Apostol Pablo. Samakatuwid, sa kabanata 6 ng Roma, sinabi ni Pablo na siya ay nabautismuhan ni Jesu-Cristo at ng Kanyang kamatayan. Dahil mayroong iilang mga Kristiyano sa iglesia ng Roma na tanging sa dugo sa Krus lamang naniniwala, nais ni Pablo na ihatid sila sa nakatagong lihim ng bautismo ni Jesus na kanyang natanggap. Gaya nito, kailangan nating ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa sinumang hindi pa naririnig ito, bagaman matagal na sila sa iglesia. 
 
Kapag tinanungan ang mga Kristiyano kung sila ay may kasalanan o wala, iniisip nila na ang katanungang ito ay walang saysay at binabale-wala and kanilang personalidad. Subalit, ang katanungang ito ay makabuluhan at napakahalaga. Kung ang mga tao ay tiyak na mapupunta ng impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan, sino ang magtatanong nga ganitong katanungan at bigyan sila ng kalutasan? Tanging isang taong walang kasalanan sa puso matapos isilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ang makapagtatanong ng ganitong uri at makapagbibigay ng tamang kasagutan sa mga tao. Tanging mga taong isinilang na muli ang makatutulong na maipanganak na muli ang mga di-mananampalataya sa pamamagitan ng paghahayag ng mabuting ebanghelyo, ito ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito, na hindi pa naririnig ng mga di-mananampalataya.
 
Mga kapatid, kahit pa maniwala kay Jesus, ngunit hindi ipinanganak na muli sa tubig at sa banal na Espirito, hindi siya makapapasok ni makikita man ang kaharian ng Diyos. Kaya’t dapat maging mapagpasalamat kung ikaw ay nakakita ng mga taong tinulungan ang mga di-mananampalataya na tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng paghahatid ng mabuting balita o ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Makatatanggap ka ng dakilang pagpapala. 
 
 
Ang ebanghelyong hindi ikinahihiya ni Pablo 
 
Sa talatang 16, ano iyong ebanghelyo na di ikinahihiya ni Pablo? Ito ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito dahil ito ang ebanghelyo ng kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat ng sinumang manalig, tinawag ito ni Pablo bilang “Aking evangelio” (Roma 2:16, 16:25), inari niya ito para ikarangal at idakila sa halip na ikahiya. Ang dahlian kaya hinidi niya ikinahihiya ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sapagkat ang ebanghelyo ang siyang gumaganap na walang kasalanan ang tao at tinitibag ang pader ng kasalanan na siyang naghihiwalay sa tao at sa Diyos.
Posible bang makapag-aalis ng kasalanan kung maniniwala lamang sa dugo sa Krus? Sa ganitong pananampalataya ay parang possible nga na mahugasan ang kasalanang nagawa hanggang ngayon subalit imposibleng linisin ang mga panghinaharap na mga kasaalanan. Sanhi nito, ang taong may ganitong paniniwala ay sinusubukang hugasana ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsambig ng maraming panalangin ng pangungumpisal araw-araw. Nangungumpisal sila dahil sa ang kanilang mga puso ay puno ng kasalanan at ang kasalanan ay di maiwasan. Ang ganitong mga Kristiyano na nagtataglay ng kasalanan ay di maaaring magbahagi ng ebanghelyo ng seryoso sa iba, sapagkat ‘ang ebanghelyo’ na taglay nila ay wala kundi isang mabuting balita sa kanila. It was the gospel of the water and the Spirit. 
Ang ebanghelyo ay ‘euaggelion’ sa Griego, sa madaling salita, ang ebanghelyo na may kakayahang alisin ang lahat ng mga kasalanan sa mundong ito. Ang tanging tunay na ebanghelyo ay gaya ng isang dinamita. Ito nga ang tunay na ebanghelyo ang nag-aalis ng mga kasalanan sa mundo. Kaya’t gaya ni Pablo, na naniniwala sa kakayahan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito na mag-alis ng kasalanan, ay hindi ikinahihiya ito. Sa panahong ito, kahit mga Kristiyano ay parang nahihiya sa pangangaral ng ebanghelyo. Subalit yaong nagtataglay ng katuwiran ng Diyos ay mga taong tumatayo ng may higit na dignidad at kaluwalhatian sa tuwing ipinapangaral ang ebanghelyo.
Kahit kaunti ay hindi nahihiya si Apostol Pablo sa pangangaral ng ebanghelyo. Sapagkat ang ebanghelyo na kanyang ipinapangaral ay ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Dahil ang magandang ebanghelyo ay ang kapangyarihan ng Diyos na magliligtas sa sinumang mananalig.
Ang ebanghelyo ay ang makapangyarihang ebanghelyo na nagpapahintulot sa sinuman na manalig upang mapatawag ang mga kasalanan, kahit sino pa man ang mangaral sa kanya. Ang mga kasalanan ng mundo ay tuluyang nahugasan kung isinapuso ng nakikinig. Subalit ang ebanghelyo na ang dugo lamang sa Krus ang nagsasabing hindi sapat na kaligtasan ng tao, ibig sabihin, inaalis lamang ang orihinal na kasalanan at dahil dito ang mga kasalanang darating ay kailangang mahugasan sa pamamgitan ng pagsambit ng pangungumpisal na panalangin araw-araw. Nag-iiwan ito ng kalasahan ng kasalanan sa mga nakikinig.
Kaunting bilang lamang ba ang kasalanan ang kayang alisin ni Jesus dahil sa ang Kanyang kapangyarihan ay hindi sapat? Subalit dahil kilala ni Jesus ang mga tao, kaya’t hindi Niya iniwan ang anumang uri ng kasalanan. Inalis Niya lahat ng mga kasalanan sa pamamgitan ng tubig, Dugo at ng Banal na Espirito. Naniniwala ako na ang magandang ebanghelyo ang nagbibigay ng sapat na kaligtasan mula sa kasalanan sa lahat ng nakinig at nanalig sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo na dumanak sa Krus.
 
Samakatuwid, ang ebanghelyo ay nagtataglay ng kapangyarihan para sa lahat, kasama na ang mga Hudio at mga Griego. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ang nagpapahintulot nito ring kaligtasan mula sa kasalanan para sa lahat ng nananalig kay Jesus kapag naipangaral ang ebanghelyo sa kanila. Sa kabilang banda, ang sinumang nangangaral ng ibang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, matatanggap niya ang poot ng Diyos. Kaya’t sinabi ni Pablo “Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangeli na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay makatuwil!” (Galacia 1:8). Malinaw na sinabi ni Apostol Pablo na iisa lamang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito na tunay at totoo sa lahat ng ebanghelyo.
Kahit na ang isa ay Hentil, Judio, o kahit pa naniniwala sa Islam, Confucianismo, Budismo, Taoismo, sa diyos ng araw o kahit ano pa, may pagkakataon ang lahat na marinig ang ebanghelyo. Dagdag nito, ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito ang nagbibigay ng pag-asang maligtas mula sa mga kasalanan. Kaya’t dapat nating ipagsabi na si Jesu-Cristo ay Diyos, na nilikha Niya ang kalawakan, dumating Siya dito sa mundo sa anyo ng tao upang iligtas tayo, inangkin lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, at tinanggap Niya ang hatol ng kamatayan sa Krus para sa ating mga kasalanan.
Sanhi nito, si Apostol Pablo ay hindi ikinahiya ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Kahit pa ang dugo sa Krus lamang ang maaaring kahiya-hiyang ebanghelyo, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay hindi nakakahiya; ang maayos at makapagnyarihang ebanghelyo na nag-uumapaw ng dangal at dignidad. Ang sinumang nananalig sa ebanghelyo ito ay tatanggap ng kapuspusan ng Banal na Espirto sa pamamagitan ng pananampalataya sa katotohanang siya’y nagging anak ng Diyos. Muling sinasabi ko sa inyo na ang magandang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito ay marapat na hindi ikahiya. Subalit, ang naniniwala lamang sa ebanghelyo ng dugo sa Krus ang kahiya-hiya.
 
Mga Kristiyano, nahihiya ba kayo sa tuwing ipinapangaral ninyo lamang ang ebanghelyo ng dugo sa Krus? Nakaramdam ka ng hiya nang ipangaral at nanalig ka sa ebanghelyo lamang ng dugo na hindi naglalaman sa bautismo ni Jesus. Sapagkat ikaw any nahiyang ipangaral ang ganyang uri ng walang sibling ebanghelyo, kailangan mo pang manalangin sa Panginoon o kaya magsambit ng panatikong dalangin sa ibang wika upang punan ang iyong damdamin bago ka pumunta sa kalsada at isigaw “Manalig kay Jesus, Manalig kay Jesus!”
Ito lang ang maaaring gawin ng taong nag-uumapaw ang damdamin subalit hindi ng isang taong maayos ang pag-iisip. Kaya nga ang mga taong naniniwala lamang sa dugo sa Krus ang nagsisisigaw ng malakas at nakapagdudulot ng kaguluhan sa tuwing sila’y nasa kalsada ng pag-eebanghelyo. Tangan ang megaphone malapit sa kanilang bibig, at naisisigaw ang mga salitang, “Jesus, tungo sa langit, di-pananalig, tungo sa impiyerno.” Subalit, ang mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay inihahatid ang ebanghelyo sa maamo at matiwasay na paraan; habang nakabuklat nag kanyang Biblia, uniinom siya ng tsaa at nakikipag-usap sa kanila.
 
 
Ano ang sinasabi patungkol sa katuwiran ng Diyos?
 
Sa talatang 17, ano ang sinasabi na naihayag sa ebanghelyo ni Cristo? Sinasabi na ang “katuwiran ng Diyos” ay naihayag sa ebanghelyo ng Diyos, ang katuwiran ng Diyos ay lubos na naihayag sa tunay na ebanghelyo. Dahil dito, binanggit na ang katuwiran ng Diyos ay naihayag mula sa isang pananampalataya tungo sa mattas na pananampalataya at ang matuwid ay mamumuhay lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ebanghelyo na inihatid lamang ang dugo sa Krus ay di naglalaman ng katuwiran ng Diyos.
Mga kapatid, kapag sinabi na kailangan ng isang tao na magbigay ng panalangin ng pagkumpisal araw-araw para sa kanyang mga kasalanan bagaman napatawad na ang kanyang orihinal na kasalanan, at siya ay unti-unting napapabanal at di maglaon maging ganap na matuwid na tao, kung gayon, ito bang uri ng pananampalataya’y naglalaman ng katuwiran ng Diyos? Hindi ang bagay na ito kung saan naihayag ang katuwiran ng Diyos. Ang bagay na nagpapahayag ng katuwiran ng Diyos ay tumutukoy sa mga bagay na ganap o perpekto. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito ay tumutukoy patungkol sa ganap na ebanghelyo mula sa umpisa hanggang sa huli.
Kayo ay araw-araw na nag-aalay ng panalangin ng pangungumpisal dahil kayo ay nakagagawa ng mga kasalanan araw-araw na parang kailangan ninyong gumawa ng bagong pantakip na yari sa dahon ng puno ng igos. Upang takpan ang iyong nakahihiyang mga kasalanan araw-araw o marahil tuwing linggo o buwan. Ang taong paulit-ulit na nagkakasala sa pamamagitan ng araw-araw na mga dalangin ng pangungumpisal ay katulad ng taong nagtakip ng kanyang nakahihiyang katawan sa pamamagitan ng mga dahon ng puno ng igos. Ito ang kalagayan na makarelihiyosong buhay sa mga naniniwala lamang sa ebanghelyo ng gudo sa Krus. Sila ang mga mangmang na hindi nagnanais na madamitan ng katad na pambalot na libreng regalo ng Diyos sa kanila, ngunit sa halip ay nalulugod sila sa damit na pangsaplot na yari sa mga dahon ng puno ng igos.
Ang dugo ni Jesus sa Krus ay ang resulta ng bautismo ni Jesus, at hindi ang dumanak na dugo sa Krus kung saan natatanggal ni Jesus ang ating mga kasalanan. Kinuha Niya ang ating mga kasalanan noong Siya’y nabautismuhan pagkaraan nito ay ang Krus na dala-dala lahat ng kasalanan ng mundo, at namatay sa Krus upang pambayad ng kasalanan ng mundo. Sa gayon, ang Krus ang resulta ng bautismong natanggap Niya. Yamang kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, ang dugong dumanak sa Krus ang pangwakas na ginawa Niya para bayaran ang ating mga kasalanan. Tinanggap lahat ni Jesus ang mga sumpa ng kasalanan sa Krus sapagkat nabautismuhan Siya.
 
Kung ganoon, paano natin matatanggap ang katuwiran ng Diyos? Matatamo natin ito kung aalamin at mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Maaring itanong mo sa akin, “ikaw ba ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito?” kaya’t sasagutin kita agad na malinaw na ‘Oo’ sa tanong na ito. Ang lihim sa pagkamit ng katuwiran ng Diyos ay ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito.
Ang dahilan sa ganito ay dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ang katotohanan at sapagkat ito’y inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig at ng Kanyang Katuwiran. Ito rin ay dahil sa ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay naglalaman ng paglilinis ng kasalanan na libreng ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan, ang paraan maging anak ng Diyos, ang pagpapala ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagtanggap sa Banal na Espirito, at ang pisikial at espirituwal na mga pagpapala sa lupa.
Sinabi ni Apostol Pablo na ang katuwiran ng Diyos ay lubos na nihayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito na kanyang pinangaral. Kung ganoon, ang patuloy na pag-iiral ng katuwiran ng tao subalit hindi inaalam ang katuwiran ng Diyos ay para na ring nagkakasala sa harapan ng Diyos. Dagdag nito, ang ebanghelyo ng paniniwala lamang sa dugo sa Krus ngunit hindi naglalaman ng katuwiran ng Diyos ay isang kamalian.
And katuwiran ng Diyos ay tumutukoy sa mabuting ebanghelyo ng tubig at ng Espirito na Kanyang binigay. Ang Luma at Bagong Tipan ay magkasamang nagligtas sa atin mula sa mga kasalanan. Inihanda ng Lumang Tipan ang Bagong Tipan, at ginanap ng Bagong Tipan ang mga salita ng mga pangako ng Lumang Tipan. Iniligtas tayo ng Diyos mula sa mga kasalanan ng mundo sa pagbibigay ng tunay na ebanghelyo na kung saaan naihayag ng lubos ang Kanyang katuwiran. Kaya’t nailigtas Niya ang sangkatauhan mula sa lahat ng kasalanan.
Sa panahong ito, ang buong mundo ay dapat na bumalik sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Ang tanging ebanghelyo na nagliligtas sa tao sa kasalanan ay ang orihinal na ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Mga kapatid, ang buong mundo ay dapat na bumalik sa ebanghelyo ng tubig at ng dugo. Kailangan nilang balikan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito na naglalaman ng katuwiran ng Diyos.
Ang dahilan dito ay dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ang tanging totoo na makapagliligtas sa kasalanan. Tanging ang ebanghelyo lamang ang naglalaman ng katuwiran ng Diyos na magliligtas sa kasalanan natin, ang gaganap sa atin upang hindi maging makasalanan at gagawing mga anak ng Diyos. Maliban nito, ang Banal na Espiritong nasa ating puso ang magbibigay sa atin ng proteksyon ng Diyos at Siya ring mananalangin para sa atin, magpapala sa atin, mananatili sa atin at magbibigay ng buhay na walang hanggan bilang regalo sa atin.
Nakakapanabik na makitang maraming mga tao ang hindi pumapansin sa ebanghelyo ito. Nawa ang lahat ay maniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maliwanang na kaisipan sa bautismo ni Jesus. Ang bautismong natanggap ni Jesus kay Juan ay hindi bagay lamang na tinanggap ni Jesus dahil sa Kanyang kababaang-loob. Ang dahilan ng Kanyang bautismo ay upang akuin lahat ng mga kasalanan ng mundo. Si Juan, na higit sa lahat ng mga lalaking ipinanganak, ipinatong ang kamay sa ulo ni Jesus nang siya’y bautismuhan. Ito ang katulad ng paglalapat ng kamay ng Mataas na Saserdote sa ulo ng ihahaing hayop na walang bahid sa Lumang tipan (Levitico 16:21). Ang kamatayan ni Jesus sa Krus ay sanhi ng pagkuha Niya ng lahat ng kasalanan patungo sa Kanyang katawan, at ito’y katulad ng pagpapatulo ng dugo ng inalay na hayop at mamatay matapos ipatong ang kamay.
Dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito ay binanggit sa Luma at Bagong Tipan, ang sinumang manalig sa ibang ebanghelyo habang inaalis ang ibang bahagi ng orihinal ay isang maling pananampalataya. Ang pinakamahalaga at ang kauna-unahang bagay na ginawa ni Jesus pagdating Niya sa mundo ay ang mabautismuhan ni Juan. Kaya’t malaking kamalian ang manalig na simbolo lamang ang Kanyang bautismo at isang kababaang-loob lamang ang Kanyang pagpapa-bautismo.
 
Anong uri ng tao ang erehe? Sa Tito 3:10, nasusulat, “Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.” Ang mapag-pangkat na tao ay isang taong naghatol sa sarili.
Ang taong naghatol sa sarili ay isang taong tumanggap at inangking siya’y may pagkakasala. Kaya’t ang Kristiyanong nagsabing “Ako’y makasalanan” ay isang taong mapag-pangkat, siya’y isang erehe. Nasusulat, “pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo.” 
Sapagkat ang ganitong Kristiyano ay mapag-pilipit at masama, ang isang matuwid na Kristiyano ay hindi dapat lapitan ang ganyang mga erehe. Hinatulan na niya ang kanyang sarili dahil ang kanyang pananampalataya at relihiyosong buhay ay nabulok na. Ang isang taong nakagawa ng kasalanang walang kapatawaran sa Diyos ay isang taong ayaw mawala ang kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, sa halip ay patuloy sa kasalanan ng pag-tanggi sa tiyak na kaligtasan ng Diyos habang sinasabi pa niyang siya’y makasalanan. Ang sinumang naghatol na sa kanyang sarili habang iniisip na kahit siya’y naniniwala kay Jesus, siya’y may kasalanan at kung gayon, tinatwag niya ang kanyang sarili na makasalanan, ay isang ereheng patungong impiyerno.
Ang mga ibang Kristiyano ay naglalagay ng mga “sticker” sa likuran ng kanilang mga kotse at sinasabing, ‘kasalanan ko.’ Waring isang kabaitan pag nakita ng tao, subalit ang katotohanan, dahil sa ito’y kasa ng kanyang sarili, ganyang bagay siya’y patungo sa impiyerno, mapagpangkat na tao, matatanggap ang sumpa dahil sa kanyang kasalanan. ‘Kasalanan ko’ ay isang kabalighuang pagsabi na ang isang tao ay mamumuhay ng walang bahid dungis. Subalit, ang pagsuporta sa ganitong slogan, nagwawaring siya’y makapamumuhay ng walang dungis, ay isang paghahamon sa mga salita ng Diyos na nagsasabing likas na hindi matuwid ang tao. Ang nagnanais ng ganitong kathang-isip ay unti-unting tatanggap ng mga sumpa.
May pagkakataon bang mayroon sa inyo na naghatol na sa sarili? Kung ganoon dpat kang makinig agad sa aking mga sermon sa aklat ng roma kabanata 3 nagsasabi na ang pagtanggal sa kasalanan ay hindi tinutukoy ang Doktrina ng Pagpapawalang-sala. Ang aklat ng Roma ay nagtatalakay ng mabuti. Alam agad ni Apostol Pablo kung ano ang sasabihin ng mga tao tungkol dito kaya’t nabanggit na niya nung una na ang pagiging walang kasalanan ay ang pagiging tunay na walang kasalanan at hindi isang pagtawag lamang na isang matuwid ang isang makasalanan. Maliwanag niyang ipinatotoo na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay tunay. Kung gayon, natural na ang naniniwala lamang sa dugo sa Krus ay magiging mangmang at hangal habang binabasa ang aklat ng Roma.
Ang liham ni Apostol Pablo sa Roma ay isang dakilang sulat sapagkat ito’y nagpapatotoo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Ang isang tao ay magiging matuwid matapos manalig kay Jesus kahit na siya’y isang likas na makasalanan bago manalig. Ang isang tao ay tiyak na magiging matuwid kung walang kasalanan sa kanyang puso. Ito ang paraan kung paano makakamtan ang tamang uri ng pananampalataya.
 
Nawa kahit pa ngayon, na ang pananampalataya ng tao ay hindi sapat, ang kanilang pananamapalataya ay unti-unting makakamtan ang kaganapan habang pinakikinggan nila ang mga salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa pamamagitan ng mga isinilang na muling iglesia. Pakiusap, pag-aralan po sana ng mabuti ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa pamamagitan ng mga sermon at patotoo ng tunay na mga salita.
Naniniwala ako na ipagkakaloob ng Diyos ang mga yaman ng mga pagpapala ng langit.