(Roma 1:17-18)
“Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, ‘Nguni’t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sapagka’t ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.”
Kailangan tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya
Nasusulat, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Namumuhay ba tayo sa pamamagitan ng pananampalataya o hindi? Ang tanging paraan lamang na makapamumuhay ang matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya. Pinahihintulutan ng pananampalataya na mabuhay ang matuwid. Mabubuhay tayo at maipagpapatuloy natin ang lahat ng bagay kung nananalig tayo sa Diyos. Ang matuwid lamang ang makakapamuhay ng matuwid. Ang salitang ‘lamang’ ay nagpapakahulugang wala ng iba pa kundi ang matuwid lang ang mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung gayon, paano ang mga makasalanan? Hindi nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga makasalanan. Nabubuhay ka na ba sa pamamagitan ng pananampalataya ngayon? Dapat tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Inaabot ng mahabang panahon upang matutunan ang tunay na pananampalataya. Kailangan nating malirip na tayo’y nabubuhay kapag tayo’y nananalig sa Diyos at mamamatay kapag hindi tayo nanalig sa Kanya. Kailangan nating maiintindihan na ito ang kaparalaran ng bawat matuwid upang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
May mga pakpak ang mga ibon, subalit kung hindi nila gagamitin, masisilo sila ng mga gumagalang halimaw na pumapatay. Kung gayon, ang mga matuwid ay itinalaga upang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Itinadhana ng Diyos na mamuhay ang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Mamamatay ang kanilang mga espirito kapag nabigo silang mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang buhay ng Kristiyano at ang tunay na daan ay nagsisimula sa pananampalataya. Paano maiiayos muli ang mga matuwid matapos maisilang na muli sa Tubig at sa Espirito? Kailangan nating malaman na ang tanging paraan ay ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Nauunawaan mo ba? Ang buhay ay para sa mga matuwid. Kung walang pananampalataya, mamamatay tayo at walang kapangyarihan upang kayanin ang mga paghihirap. Kung ang isang tao ay hindi nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya o hindi ginagamit ang pananampalataya, magdadaan sa mga pagsubok, at mamamatay sa bandang huli. Kung ang isang tao ay may pananampalataya sa Diyos at ipapahayag, “Panginoon, nananalig po ako sa Inyo,” siya’y mabubuhay, bagama’t siya’y walang-kakayanan at mahina. Siya’y mabubuhay dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Tinutulungan ng Diyos ang tao at ginagampanan Niya ng higit pa sa kanilang pananalig sa Kanya.
Kapag batid natin ang ating limitasyon, saka natin natutunan ang pananampalataya
Nais kong pag-isipan ninyo kung kayo’y nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya o hindi. Ang isang tao’y hindi agad makakapamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya matapos siyang isilang na muli. Siya’y nabubuhay sa pamamagitan ng mga kalagayan sa umpisa, kaya’t hindi niya agad alam kung paano mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Bakit? Sapagkat ang isang tao’y mabubuhay sa mundo dahil sa paglikom ng salapi sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at paa, hindi kinakailangang gamitin ang pananalig sa Diyos. Subalit unti-unting mararamdaman ang ating mga limitasyon kapag tayo’y nagtataka kung maaari tayong mabuhay lamang sa ating pangangatawang kalakasan at kakayanan. Nararamdaman anting hindi tayo mabubuhay. Kung gayon paaano tayo mabubuhay? Kailangan nating gamitin ang pananampalataya. Hindi talaga natin kaya ang mabuhay kung hindi gagamitin ang pananampalataya at pananalig sa Diyos.
Kailangan nating mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya kahit pa sa mga malilit na pangyayari, sinasabing “Panginoon, naniniwala po ako sa Inyo, tulungan po Ninyo ako.” Kapag naniwala tayo sa Diyos sa pamamagitan ng mga malilit na bagay, sinasabi natin, “Panginoon, naniniwala po ako sa Inyo, naniniwala akkong matutulungan Ninyo ako, naniniwala po ako sa Inyo,” napatunayan natin na tayo’y maaaring mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, kahit pa sa mga maliliit na bagay.
Makakaranas tayo ng pagkakaroon ng kalakasan at umaasa sa mga bagay na mangyayari kapag tayo’y manalig. Subalit, kapag hindi tayo mananalig sa Diyos, hindi natin mauunawaan na pinahintulot ng Diyos na mangyari, tayo’y matatalo dahil hindi natin nararanasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi malulunasan ang suliranin, bagama’t madaling malunasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabuti sa lath ng paraan, kaya’t dapat nating aralin kung paano ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang mga tao sa Lumang Tipan ay namuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at nararapat din sa mga tao sa Bagong Tipan na maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. Paano tayo magkakaroon ng tiwala sa ating kaligtasan? Tayo ba’y nagging matuwid sa pagsampalataya sa ginawa ni Jesu-Cristo? Oo. Tinutulungan tayo ng Diyos kapag namumuhay tayo sa pananalig sa Kanya. Una, tanging pananalig sa Diyos at hingin anumang hinahanap, at tutulungan tayo ng Diyos. Binibigay ng Diyos ang ibang bagay sa atin, gaya ng pagkakaloob Niya sa ating ng kaligtasan. Ang pananm ay nakalaan sa lahat ng bahagi ng ating buhay. Ito’y ang buhay. Ang buhay sa matuwid ay ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay buhay. Ito rin ay katulad ng dugo ng laman. Kapag ang isang taong isinilang na muli ay walang pananampalataya, ang kanyang espirito ay mamamatay kapag ang kanyang laman ay walang dugo. Kailangan nating manalig at ipahayag, “Diyos ko, ako po’y nananalig sa Inyo. Alam kong matutulungan Ninyo ako at malulunasan ang suliranin.”
Ang pananampalataya ang unang naghahanap sa kaharian ng Diyos, bago natin hanapin ang ating kailangan at manalig na tiyak na sasagutin ng Diyos ang ating mga dasal. Kailangan nating mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Walang magagawa ang matuwid kundi ang mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Anuman ang taglay natin sa laman ay maglalaho rin sa mundong ito balang araw. At makakatagpo tayo ng panganib o hindi maiwasang pangyayari baling araw. Sa panahong iyon, ang pinakamahalagang bagay na kakailanganin natin ay ang pananampalataya sa Diyos; ang pananampalataya na iniligtas tayo ng Diyos, tinulungan tayo at dahil sa Siya ay mabuti.
Dagdag nito, kailangan din natin ang pananampalataya na ibinigay ng Diyos ang ating idinadalangin at hinahanap, kung nararapat sa Diyos. Inaakay tayo ng pananampalataya na mamuhay sa Kanyang biyaya kapag naglaho na ang tinataglay natin. Ang pananalig sa Diyos ay magiging makapangyarihan na mag-uudyok sa atin upang magampanan ang inaasam sa harapan ng Diyos.
Kailangang gamitin ang pananampalataya sa mga maliliit na mga bagay
Paano tayo dapat na mamuhay? Kailangang manalangin tayo ng ganito. “Diyos ko, naniniwala po ako sa Inyo. Salat po ako sa ganito at ganyan, kaya’t tulungan po Ninyo ako, Panginoon.” Hindi ko tinutukoy ang ating orihinal na kahinaan. Mamuhay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya, at sabihing, “Kailangan ko nito at niyan sa aking araw-araw na pamumuhay. Tulungan po Ninyo ako Panginoon. Naniniwala po akong gagawin Ninyo para sa akin.” Ang taong nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay dapat na hanapin ang Diyos, mula sa mga maliliit na mga bagay. Halimbawa, “Panginoon, wala po akong toothpaste. Nawa’y bigyan po Ninyo ako. Naniniwala po ako sa Inyo. Kung gayon, mararating natin ang karanasang sinasagot ng Diyos kapag tayo’y nanalig sa Kanya at hinanap Siya.
Sa pamamagitan ng ano maliligtas ang mga makasalanan? Ang mga makasalanan ay nabubuhay sa pamamagitan ng kanilang sariling lakas, subalit ang mga matuwid ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Magagamit natin ang pananampalataya sa ating buhay kung alam natin na ang matuwid ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi tayo nabubuhay sa kung anong mayroon tayo, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya. Nakikita ninyo ba? “Ang matuwid ay sa pamamagitan ng pananampalataya mabubuhay.” Ang pinaka-kailangan ng matuwid ay pananampalataya, subalit ginagamit lamang natin ang pananampalataya kapag ubos na ang ating mga mapagkukunan.
Nagagamit ang ating pananampalataya kapag lahat ng ating lakas at pinagkukunan ay naglaho na. Subalit, kailangang malaman natin na ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay ang katotohanan at ito ang kautusan ng Diyos, alinsunod sa Kanyang pangako, sa tiyak na pangangailangan sa ating buhay. Mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Manalig sa Kanya at hanapin Siya. Tayo’y kakatagpuin Niya at matatamo ang ating pangangailangan. Kailangan nating matutunan ang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa mga malilit na bagay, at unti-unting lalago ang ating mga pananampalataya.
Pinatay ni David si Goliath sa pamamagitan ng limang makikinis na mga bato sa pamamagitan ng pananampalataya. Napatay niya si Goliat dahil sa pananampalatayang kasama Niya ang Diyos, iniisip ‘Diyos ko, ako’y nananalig sa Iyo. Kalooban Ninyo na mapatay siya.’ At sinigawan niya si Goliat, “Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni’t ako’y naparirito laban sa iyo sa pangalan ng Panginoon” (1 Samuel 17:45). Sa pamamagitan ng pananampalataya ni Abraham, nang tinawag siya, sumunod at pumunta sa lugar kung saan tatanggap siya ng mana, at umalis, hindi alam kung saan siya pupunta.
Ang matuwid ay dapat mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Maraming magkakahawig na kasabihan gaya ng “mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” sa apat na mga Ebanghelyo. Subalit, ilang tao ang nakakaalam na ang mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay ang buhay ng matuwid, na siyang buhay ng mga Kristiyano? Hindi ko sinasabing itigil na ang ating kalakasang pisikal at mga pag-aaring inaasahan natin. Ipinapayo ko lamang na iwaksi ang inyong kaisipang nakasalalay sa ibang bagay sa mundo upang makapamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Pagkatapos, ano ang pananaligan? Sa Diyos. Gumagawa ang Diyos sa tuwing mananalig tayo sa Kanya at hinahanap ang ating pangangailangan. Maniwala na tinutugon Niya ang ating mga dalangin at manalig sa mga pinuno ng iglesia? Makibahagi sa mga gawaing iglesia at maglingkod sa Panginoon. Naniniwala ka ba? Kailangan tayong mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sapagkat tayo’y mga matuwid.
Kailangan isuko ang ating mga pinapanaligan ng buong puso. Kailangan nating manalig sa Diyos, hanapin at kamtan sa pamamagitan ng pananampalataya, gaano man kawalang-halaga ang mga gawain. Kailangan tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at maranasan ito. Saka, tayo maghahari kasama ang Panginoon at hindi malilibak ng mga tao sa sanlibutan. Sinabi ng Diyos na Siya’y “pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway” (Awit 23:5). Upang magkaroon ng malaking gantimpala ay kailangang maging pagpapala sa harapan ng Diyos. Hindi ang mabuhay ayon sa takbo ng sitwasyon, bagkus sa pamamagitan ng pananampalataya.
Nagawa mo na bang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya? Di-mabilang na mga tao ang hindi nakapamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, subalit may mga taong nakaranas na ng mga ginawa ng Diyos kapag sila’y nanalangin. Kailangang patuloy nating maranasan ito, hindi lang minsan. Nang paulit-ulit. Ito ang paraan na dapat ipamuhay ng matuwid. Hindi tayo dapat umasa sa mga makamundong bagay, sa halip ay manalig sa Diyos. Ito ang buhay ng mga matuwid. Kailangan tayong mabuhay nang ganyan. Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya tayo mabubuhay at matatanggap lahat ng mga pagpapala ng Diyos.
Ang pina-kailangan natin sa harapan ng Diyos ay ang pananampalataya
Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay parang napakahirap, ngunit ang katotohana’y madali lamang. Walang ibang kailangan kundi ang manalig sa D. kailangan lamang nating manalig sa Diyos. Akala ng tao ay mahirap ang manalig sa Diyos, subalit hindi talaga ganoon kahirap. Tinatawag kong “Ama” ang aking ama at naniniwala akong siya’y aking ama sapagkat siya ay tunay na ama sa akin. Siya, na bilang ama ko ay hindi nakasalalay sa aking sariling paniniwala. Ang pananampalataya sa Diyos ay nagsisimula sa ganitong pagkilala. Naniniwala ako sa Diyos. Bakit? Sapagkat laging pinaninindigan ng Diyos ang matuwid, minamahal Niya at Siya’y nagiging Ama at Tagapagligtas nila. Pangalawa, kung tayo’y nananalig sa Kanya, hingin ang ating ibig, paran isang anak na humihingi sa kanyang ama, anuman ang kanyang hingin. At ang panghuli, dinidinig at tinutugon ng Diyos Ama ang ating hinahanap. Ang pananalig sa Diyos ay nakasalalay at nagsisimula sa ganyang simpleng pagtitiwala.
Kailangan nating mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sapagkat ang Diyos ang Alpa at Omega, ang simula at ang wakas. Ang lahat ng ating buhay ay may kaugnayan sa pananampalataya. Tayo’y iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at inalagaan Niya dahil sa pananampalataya. Ang pananampalataya ang nagpahintulot sa atin na sabihing, “Panginoon, ako’y nananalig sa Inyo. Ariin Ninyo’t alagaan ako.” Ano ang ating gagawin kapag tayo’y mahina at natatakot dahil sa mga pagbabanta ni satanas? Marapat tayong manalig sa Diyos, sabihing, “Panginoon, nananalig po ako sa Inyo.” Mali man ang ating iniisip at sanhi nito’y, mabibitag at matatalo tayo ni satanas. Kung gayon, dahil tayo’y dumadalangin at nananalig sa Diyos, at sinasabing, “Panginoon, nawa’y arrin po Ninyo ako. Naniniwala akong tiyak na aalagaan Ninyo ako,” at sapagkat ang Diyos ang ating Ama, aalagaan Niya tayo. Kahit papaano ay aalagaan tayo ng Diyos, kahit pa nakakaalay tayo ng mga hindi-wastong panalangin, sapagkat kilala Niya tayo ng mabuti. Ang pinakamahalagang bagay ay ang manalig. Simple lamang. Basta’t gamitin ninyo ang pananampalatayang kaloob ng Diyos, pagkatapos ay sasamahan tayo mula sa pananampalataya at nagiging ganap na pananampalataya. Walang-silbi ito kung hindi tayo mananalig, kahit pa nabubuhay ang Diyos. Tayo’y makakapamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya kung mananalig tayo sa Diyos.
Nagsisimula sa pananampalataya at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya
Ipinapahayag ng Roma 1:17, “Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya.” Kapag ginamit natin ang ating pananampalataya ng paulit-ulit, tayo’y magiging taong may pananampalataya. Nais kong unawain ninyo ito. Hindi nananatili ang Diyos sa atin kung hindi tayo nananalig sa Diyos, kahit pa Siya’y tunay. Mararating mo ang pananampalataya sa pamamagitan ng pananampalataya kung ika’y mananatiling nananalig na ang Diyos ay buhay at iniligtas tayo.
Kapag ika’y naging tao na may pananampalataya, ang lahat ng bagay sa Diyos ay mapapasaiyo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang sinasabi ng Biblia sa Roma 1:17 na ang pasimula at hangganan ng pananampalataya ay pananampalataya, “Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya.” Kung gayon, tayo’y maliligtas at maaaring magiging tao na may pananampalataya din kung mananalig na iniligtas tayo ng Diyos. Hindi tayo maaaring anak ng pananampalataya kung hindi tayo nananalig. Tumutugon ang Diyos kung buong puso natin Siyang hahanapin ang ating mga pangangailangan sa ating buhay habang nananalig sa Kanya.
Ang binabanggit ni Apostol Pablo sa Roma 1:17 ay lubos na mahalaga, bagama’t maiksi ang talata. Nalalaman mo na ba ngayon kung paano mabubuhay ang matuwid? “Ang matuwid ay dapat mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ang pananampalataya ay tiyak na mahalaga sa isang matuwid, at hindi sa mga makasalanan.
Ang unang bagay na kakailanganin ng mga makasalanan ay ang paniniwalang si Jesus ay ang kanilang Tagapagligtas. Subalit, tayo na mga isinilang na muling mga Kristiyano, ay maaaring magkaroon ng pananampalataya sa ating buhay. Kailangan lang ba natin ang isa o dalawang bagay para mabuhay? Hindi. Maraming mga bagay na dapat maganap kahit pa ito’y mga mahahalagang o hindi. Ang matuwid ay mabubuhay dapat sa pamamagitan ng pananampalataya sa lahat ng mga pagkakataon. Nauunawaan mo ba ito? Dapat tayong mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Naglitas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at inako para alagaan mula sa panganib sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ating pinapanalangin sa pamamagitan ng pananampalataya, ay sinasagot ng Diyos. Kailangan nating mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at lalong manalangin kahit pa may kahinaan. Sa lath ng bagay, mula sa pagpapakasal hanggang sa pangangaral ng ebanghelyo, kailangan natin ng pananampalataya. Kapag pinapangaral ang ebanghelyo sa isang tao, ang pananampalataya ay nag-uudyok sa atin na manalangin ng ganito. “Diyos, nananalig po akong iniligtas Ninyo ang kaluluwang ito.” Gagawin natin ang lahat sa pamamagitan ng pananampalataya.
Hindi natin maipangangaral ang ebanghelyo kung walang pananampalataya. Maipangangaral lang natin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang tayo’y maliligtas kapag ating ipinangaral ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalataya. Nagawa mo na bang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya? Ang tao’y mabubuhay ng walang pananampalataya, hindi nalalaman na dapat mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, kaya’t tinatamaan nila ang ilalim ng bato kapag nakakaranas ng mga paghihirap. Naghahanap lamang sila kapag naubos na ang kanilang lakas, kaya’t sa dulo’y lagi silang kinakapos. Wala silang tiwala sa pananampalataya at hindi nagnanais mabuhay, kaya’t kanilang sinasabi, “Wala akong kagustuhang mabuhay dahil ako’y hindi mamamatay.”
Subalit, ang matuwid ay kusang-loob na nabubuhay sa pananampalataya at walang-alinlangan; naniniwala sila, hanapin at iyong masusumpungan. Ang walang-saysay at di-paniniwala ay nagiging kasalukuyan kung wala tayong pananampalataya. Pagkaraa’y, hindi tayo lalago kasama ang iglesia. Paano tayo mabubuhay kung wala ang Panginoon? Mayroon bang dapat paniwalaan sa laman? Wala. Paano tayo maniniwala? Hindi tayo magkakaroon ng pananampalataya kung hindi tayo naniniwala sa Diyos. Susunod tayo sa iglesia kung mamumuhay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at ang mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay dahil sa pananampalataya. Nakikita ninyo ba? Naniniwala ka ba sa Diyos? Kaya’t hanapin mo ang iyong kailangan. Manalig sa Diyos, at magiging maayos ang lahat. Ang tanging suliranin ay ang hindi pagtanggap na kailangang mabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Binibigay ko ang mga pasasalamat sa Diyos na Siyang umakay sa atin upang makapamuhay sa mga nalalabing oras ng ating buhay sa pamamagitan ng pananampalataya.