• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 2-1] Panimula sa Roma Kabanata 2

2021.04.12 38
Sa mundong ito, dalawang pangkat, ang mga Judio at mga Kristiyano, ay nananalig sa Diyos at sa gitna ng mga taong ito, may mga nananalig kay Jesus at mayroon naming hindi. Ipinapalagay ng Diyos ang mga pananampalataya ng mga hindi nananalig kay Jesus bilang walang-saysay. Subalit, ang pinaka-seryosong suliranin na kinakaharap ng mga Kristiyano ay ang pananalig nila kay Jesus sa paano’t paanuman. Subalit hindi pa napatawad ang kanilang mga kasalanan. Tinatalakay ni Apostol Pablo ang patungkol sa paksang ito sa Roma kabanata 2 hindi lamang para sa mga Judio at mga Griego kundi para rin sa kasalukuyang mga Kristiyano.
 
 
Ang mga Judio ay madaling Maghatol sa Iba
 
Sinisisi ni Apostol Pablo ang mga Judio at mga Kristiyanong may parehong uri ng mga pananampalataya. Sa Roma 2:1, sinasabi ni Pablo, “Sino ka man na humahatol,” sinisisi niya ang mga nalasing sa damdamin ng kahigtan sa pagiging Judio o pagiging Kristiyano. Maging ang hindi pa isinilang na muli na matapos manalig sa Diyos ay alam ang mga mali sa kautusan ng sa kanyang budhi ng kanilang mga puso. Kaya’t sinasabi nila sa iba na huwag magnanakaw. Subalit, sila mismo ay nakakagawa ng pangangalunya at hindi tumatalima sa mga salita ng Panginoon, ngunit inaakay ang iba sa mga kautusan ng Diyos habang ipinapahayag nilang sila’y mga mananampalataya ng Diyos. Ito ang mga tao, kabilang ang mga Judio at mga Krisitiyano, na hindi pa isinisilang na muli.
Ang mga nananalig sa Diyos ay nagsasabi sa iba na huwag sasamba sa mga diyos-diyusan, o huwag papatay, nagmamalaking sinusunod nila ang kautusan ng Diyos. Samakatwid, nilalagay nila ang Diyos sa kahihiyan sa pagsuway sa Kanyang mga kautusan.
Ang mga taong hindi nalalaman ang katuwiran ng Diyos, subalit naniniwala kay Jesus, at sinasabi ring kilala nila si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas. Subalit ang kanilang mga pananampalataya ay hindi hango sa katuwiran ng Diyos, kaya’t sumasalungat sila sa tunay na katuwiran ng Diyos na nag-alis ng lahat ng kanilang mga kasalanan. Hindi nila mismo nalalaman na sumasalungat sila sa mga tunay na mananampalataya sa Diyos. Nakikita natin na maraming tao ang tumatawag sa kanilang sarili bilang Kristiyano subalit tinatanggihan ang ebanghelyo na naglalaman ng katuwiran ng Diyos, walang kaalam-alam sa pag-ibig ni Jesus, o ang espirituwal na pagtutuli. Sinasabi nilang susundin nila ang kalooban ng Diyos, ngunit ang totoo ay hindi nila tinanggap si Jesus bagkus pinako Siya sa Krus sa salang paglapastangan dahil sa pag-angking Anak Siya ng Diyos.
Sinabi ni Apostol Pablo na ang panglabas na anyo ng Judio ay hindi isang Judio, subalit ang pangloob na Judio ay ang tunay na Judio. Inaangkin nilang sila’y mga mamamayan ng Diyos at sila’y bahagi ng bayan ng Diyos. Ngunit paano sila maniniwala sa Diyos kung tinatanggihan nila si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas?
Sinabi ni Apostol Pablo, “Datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu at hindi sa titik” (Roma 2:29). Ang mga naniniwala sa espirituwal na pagtutuli ay ang tunay na mga mananampalataya ng Diyos. Sila’y mga matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya.
Kanino dapat tatanggap ng pagkilala at papuri ang mga mananampalataya ng Diyos? Dapat nilang matanggap ito mula sa Diyos. Ang sabi ni Pablo, “Ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios” (Roma 2:29). Kung naniniwala tayo sa katuwiran ng Diyos, makakamtan ang Kanyang papuri at matatanggap ang gantimpalang nagmumula sa Kanya. Kung panlabas ang iyong pananalig kay Jesus at nanangan ang kasalanan sa iyong puso, hindi ka tunay na nananalig sa katuwiran ng Diyos; kinukutya mo lamang Siya. Samakatwid, makakamtan mo ang hatol bilang isang di-mananampalataya.
Sino ang nagbabale-wala sa katotohanan ng Diyos? Ito ang mga taong seryosong tumatalima sa mga salita ng tao kaysa sa salita ng Diyos. Nagbubuo sila ng iba’t-ibang sekta sa Kristiryanismo at sinasalungat ang Diyos. Tinatanggihan at lumalaban sa kaligtasan ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pinagsanib na kapangyarihan. Mahuhulaan mo ba kung anong uri ng kaparusahan ang mahahantong sa mga taong ito?
 
 
Ang Parusa sa mga Sumasalungat sa Diyos
 
Sinabi ng mga talata sa 8 at 9, “Datapuwa’t ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan, kapighatian at kahapisan, ang sa bawa’t kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, ng Judio una-una, at gayon din ng Griego.”
Kapighatian at dalamhati ang darating sa bawat kaluluwa ng sangkatauhan na gumagawa ng kasamaan. Narito, ang salitang, “dalamhati” ay ang kaparusahang matatamo sa impiyerno. Sa mga gumagawa ng kasamaan, mayroong kapighatian at dalamhati ng impiyerno.
Anong uri ng sumpa ang matatanggap ng mga tumanggi sa Diyos? Ang Diyos ay magbababa ng nakakatakot ng hatol sa mga tumanggi sa Kanyang pag-ibig. Paano mo aasahan ang mga taong sumasalungat sa pag-ibig ng Diyos, na nagmula sa pamamagitan ng espirituwal na pagtutuli, upang makapamuhay ng mapayapa sa katawan at isipan? Ang ibang tao ay namumuhay ng wasak ang buhay ngayon at matapos ang kamatayan dahil nararapat sa kanila ang poot ng Diyos. Sinalungat nila ang katuwiran ng Diyos at hindi kayang panatilihin ang tunay na kasiyahan sa kanilang mga puso. Hindi nila alam ang pag-ibig na nagmumula sa espirituwal na pagtutuli; kahit pa sila’y pumunta sa iglesia at ipanapahayag na naniniwala kay Jesus, naghihirap sila dahil sa hindi pa rin natatamo ang kapatawaran ng mga kasalanan.
Hindi mo malalaman ang mga lihim na ito dahil lang sa paniniwala mo kay Jesus. Ang mga nananalig lang sa katuwiran ng Diyos ang makakaalam nito. Pinapayo ko sa inyo na may maling paniniwala sa Diyos na kailangang maunawaan at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, na siyang katuwiran ng Diyos. Pagkatapos iyong maaaring mapalaya ang iyong sarili mula sa mga paghihirap ng sumpa.
Kapag sinabi ng tao na siya’y may kasalanan sa kanyang puso kahit pa siya naniniwala kay Jesus, ibig sabihin siya’y naniniwala sa maling paraan at kailangang manalig sa tunay na ebanghelyo na nagkakaloob ng katuwiran ng Diyos. Kahit ano pa ng sekta ang paniniwal ng mga tao kay Jesus, kung inaangkin nilang nananalig sila sa Kanya, ngunit nananatili ang kasalanan sa kanilang mga puso, nakakagawa sila ng kasalanan sa pagsasawalang-bahala nila sa katuwiran ng Diyos. Ano ang tunay na sanhi ng pananalig sa Diyos? Kung nananalig ka kay Jesus bilang iyong Tagapaglitas sa katotohanan, ika’y tiyak na pawawalang-sala. Samakatwid, kung may kasalanan ka sa iyong puso kahit matapos manalig kay Jesus, ibig sabihin hindi mo pa lubos na nauunawaan ang katuwiran ng Diyos.
 
Ang Panginoon ng nagligtas sa lahat ng mga makasalanan mula sa mga kasalanan ay pumarito sa laman, iniligtas ang mga makasalanan, at naging Tagapagligtas ng lahat ng mananampalataya. Kung gayon, maaari ba ang isang tao na tunay na nanalig sa tubig at sa Banale na Espirito ay magkaroon pa ng kasalanan? Ang isang tao ay hindi dapat magkaroon ng kasalanan kung siya’y tunay na naniniwala sa katuwiran ng Diyos mula sa unang pagkakataon na nagtiwala siya kay Jesus. Ngunit ito’y dahil sa pagbale-wala niya sa katuwiran ng Diyos habang naniniwala kay Jesus kaya’t nagkaroon siya ng kasalanan.
Samakatwid, kailangan mo ng alisin ang katigasan ng iyong ulo ngayon din. “Naniwala ako kay Jesus sa maling paraan! Kung gayon anong paraan ang dapat malaman kay Jesus at maniwala? Napunta ako sa pag-aalam na ang Krus ay mahalaga sa pananalig kay Jesus, at ang Kanyang bautismo ay mas mahalaga rin. Ngayon ay nalaman ko na na si Jesus ay napako sa Krus at tiniis ang hatol sapagkat tinang Niya ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo.” Kailangan mong pag-isipan ang mga katotohanang ito at paniwalaan ang mga ito.
Ang mga nananatiling matigas ang puso laban sa Panginoon ay tatanggap ng karampatang parusa. Ang resulta ay ang paglagay sa mga apoy ng impiyerno. Iyan ang dahilan at binanggit sa Mateo 7:22, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo!’” Kapag dumating ang Panginoon muli, ang mga hindi naniniwala sa katuwiran ng Diyos ay may mga kasalanan sa kanilang mga puso habang panlabas na nagkukunwari sa paniniwala kay Jesus ay hahatulan sa harapan ng Diyos. Sasabihin nila sa Panginoon, “Hindi po ba ako naniwala sa Inyo ng mabuti? Hindi po ba ako nagpalayas ng mga demonyo sa Inyong Pangalan at nagsalita ng iba’t-ibang wika? Hindi po ba ako naglingkod sa Inyo, Panginoon?”
Subalit, sasabihin ng Panginoon, “Lumayo kayo sa akin, mga mapaggawa ng masama (ito’y pinapakita ang mga hindi naniniwala sa katuwiran ng Diyos)! Paano mo nasabing naniniwala ka sa Akin kung hindi ka naman naniniwala na inalis Ko na ang lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtanggap ng bautismo at ang kamatayan sa Krus? Sinungaling, dapat kang ibulid sa walang hanggang lumalagablab na apoy. Ang iyong kasalanan ay katulad ng isang bulaang propeta at nakapagdala ng maraming tao sa impiyerno.” Ang mga hindi naniwala sa Kanyang katwiran bagama’t isinuko ang katigasan ng kanilang ulo ay matatanggap pa rin ang nakakatakot na poot ng Diyos.
 
Ang pinakamalaking ehemplo ng uri ng pananampalataya ay gaya ng mga Judio, at sila’y mananatiling matigas ang puso sa harapan ng Diyos. Hanggang sa araw na ito, hindi sila naniniwala sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Maging ang mga Protestante, ay maraming matitigas ang ulo na mga Kristiyano na nagsasabi na ang kanilang araw-araw na mga kasalanan ay mapapatawd sa tuwing nag-aalays ng panalangin ng pagsisisi. Ang mg taong ito ay dapat talikuran ang katigasan ng ulo sa hindi pagtiwala sa katuwiran ng Diyos upang maiwasan ang Kanyang kapootan.
Pinapatawad ba ni Jesus ang kanilang mga sariling krimen tuwing sila’y nagsisisi at nananalangin ng Kanyang kapatawaran araw-araw? Hindi. Si Juan Bautista, ang naging huling mataas na Saserdote ng Lumang Tipan at ang kumakatawan sa sangkatauhan, binautismo si Jesus 2,000 taon na ang nakalipas at nabubo ang Kanyang dugo sa Krus. Samakatwid, natupad Niya ang katuwiran ng Diyos at inalis ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ng minsan.
Saan kinuha ni Jesus ang ating mga kasalanan? Pinasan lahat ang kasalanan ng sanlibutan ng minsanan nang Siya’y bautismuhan ni Juan sa Ilog ng Jordan. Niligtas din Niya ang mga mananampalataya magpakailanman mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpunta sa Golgota upang dumanak ang dugo sa Krus at tinanggap ang paghatol para sa lahat ng mga kasalanan. Subalit lahat ng Kristiyano na makasalanan ay mga matitigas ang ulo at hindi naniwala sa katuwiran ng Diyos. Kung ang kanilang mga puso’y nalinisan na sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng dugo sa Krus, kung gayon bakit kailangan pa nilang hingin ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan hanggang sa sila’y pumanaw? Matitigas ang kanilang mga ulo. Mahalaga ang dugo ni Jesus sa Krus, subalit ang bautismong natanggap ni Jesus kay Juan ay mahalaga rin na kailangang panaligan ng mga tao at mapatawad ang kanilang mga kasalanan ng minsanan upang kamtan ang katuwiran ng Diyos.
Ang lahat ay matigas ang ulo! Subalit sa harapan ng Diyos, kailangang isuko ang katigasan ng ulo ng pagtanggi sa Kanyang katwiran. Ang mga nanalig sa Diyos ay kailangang sumunod at manalig sa Kanyang mga salita. Lubos din ang katigasan ng aking ulo, ngunit isinuko ko ang katigasan ng aking ulo sa harapan ng Diyos at maging matuwid sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.
 
Ang tunay na pagsisisi ay ang pagsuko ng katigasan ng ulo at tanggapin ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtanggap ng katuwiran ng Diyos sa isipan. Matapos mapatawad, kailangan nating ibahin ang mga maling paraan at tanggapin ang mga kamalian, tinatangkang mamuhay ng masagana ang espirituwal na buhay sa harapan ng Diyos. Ang huli ay ang pagsisisi ng tunay na buhay ng isang ipinanganak na muling matuwid.
Ang mga naniniwala kay Jesus, subalit hindi alam ang katuwiran ng Diyos ay mpapahamak. Ang mga taong ito ay dapat isuko ang katigasan na gawain, magsisi at manalig sa bautismo at Krus ni Jesus para sa kapatawaran ng mga kasalanan (Gawa 3:19). Binigay ng Panginoon sa ating ang kautusan para matanggap agad ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtiwala sa Kanyang katwiran. Kailangan tayong makinig sa Diyos at makinig sa Kanyang mga salita upang tayo’y maging ganap na matuwid na tao at kamtan agad ang kapatawaran sa latat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan na pinatawad ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagpako sa Krus. Kapag ang isang tao ay nananalig sa katuwiran ng Diyos, siya’y mapapatawad sa kasalanan at tatanggapin ang Banal na Espirito bilang handog. Lahat ng mga Apostol at mga alagad ni Jesus ay nanalig sa katuwiran ng Diyos at tinanggap ang kapatawaran ng mga kasalanan ng minsanan. Ikaw din, ay hindi dapat magmatigas sa katotohanan. Ika’y dapat magmatigas lang sa tamang panahon. Kung hindi mo lubos na nauunawaan ang espirituwal na pagtutuli, kailangan mong matutunan at paniwalaan ito. Walang maitutulong ang pagiging matigas ang puso. Dapat kang magsisi at maniwala.
Tinatanggihan ng mga tao ang katotohanan at tinutuya ang mga ito na hindi nalalaman ang espirituwal na pagtutuli. “Iyan ay mali! Paano magiging matuwid ang isang tao kung siya’y nagkakasala araw-araw? Alam mo, tinatawag na matuwid ng Diyos ang mga mananampalataya kay Jesus bagama’t sila’y nagkakasala pa. Ito ang Doktrina ng Pagwawalang-sala. Hindi ka tinawag na matuwid dahil talagang wala kang anumang kasalanan sa iyong puso.” Subalit, kailangang malaman mo na ito’y isang napakalaking maling katuruan.
 
Sa Biblia, sinabi ng Diyos na sa pamamagitan ng ebanghelyo ng espirituwal na pagtutuli na nagbibigay sa atin ng kapatawaran ng mga kasalanan, “Inalis Ko na lahat ang inyong mga kasalanan. Ika’y wala ng dungis ngayon. Sapagkat kinuha ko na lahat ng inyong mga kasalanan, ika’y isang matuwid.” “Naniniwala ka sa Aking katuwiran? Kung naniniwala ka sa mga salita ng espirituwal na pagtutuli, kung gayon kabilang ka sa Aking mamamayan at ika’y wala ng dungis.” Sinasabi ng Diyos ang patungkol sa Kanyang ganap na pagliligtas, subalit may mga naturingang Kristiyano na mapanirang-puri at nangungutya ang mga isinilang na muling mga Kristiyano na nananalig sa espirituwal na pagtutuli. Sinabi nila, “Paano magiging matuwid kung siya’y nakakagawa ng mga kasalanan ng walang humpay? Matatawag mo ang isang tao bilang ‘walang dungis’ lamang sa pamamagitan ng Doktrina ng Pagwawalang-sala. Paano natin masasabi na ang isang tao na siya talaga ay ‘walang kasalanan?’ Walang magagawa ang tao kundi ang magkasala araw-araw.” Naninirang-puri sila gaya nito at nananatiling matigas ang kanilang ulo dahil hindi naniniwala sa katuwiran ng Diyos.
Subalit ang Diyos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa mga nagtitiis sa paggawa ng mabuti. Ang mga naghahanap ng kaluwalhatian, dangal at walang-kamatayan sa pamamagitan ng walang humpay na pagtitiis sa paggawa ng mabuti ay magiging anak ng Diyos, subalit ang mga hindi gumagawa ay tatanggap na kaparusahan. Lahat ay nagnanais na maging anak ng Diyos at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Binibigay ng Panginoon ang buhay na walang hanggang sa mga masigasig na nagnanais ng buhay na walang hanggan at mamuhay ng walang bahid.
“Ang talagang nais ko Panginoon ay ang maniwala sa kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng espirituwal na pagtutuli upang ako’y makapamuhay na walang ikinahihiya sa aking budhi. Nais ko pong maging anak Ninyo. Nais ko pong maniwala sa Inyong katwiran at bigyang lugod Kayo. Nais kong maging walang kasalanan. Iligtas po Ninyo ako sa lahat ng mga kasalanan.” Sa mga naghahanap ng matuwid na kaligtasan ng Diyos at humihiling na mapatawad sa lahat ng kanilang mga kasalanan, nakikinig ang Diyos sa lahat ng mga humihiling at pinapatawad ang lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay Niya ng ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos. Sa mga nagnanais na mamuhay ng buhay na walang hanggan, nagbibigay ang Diyos ng buhay na walang hanggan.
 
 
Ano Ang Espirituwal na Pagtutuli?
 
Ang ibig sabihin nito ay ang pagpapatawad ng mga kasalanan na natupad ni Jesus sa Kanyang bautismo at sa Kanyang dugo sa Krus. Ang dugo ng Tupa ay ang hatol na tiniis ni Jesus alang-alang atin at ang Kanyang bautismo mula kay Juan ay ang paglipat ng mga kasalanan ng sanlibutan kay Jesus. Kahit ngayon, hindi maisasabale-wala ng Kristiyanismo ang Lumang Tipan dahil noon hindi naniniwala sila naniniwala sa Bagong Tipan. Sa Banal na Kasulatan, matatagpuan natin na ang espirituwal na pagtutuli at ang dugo ng tupa sa seremonya ng Paskua ay malapit ang kaugnayan.
Sa 1 Juan 5:6, sinabing si Jesus ay pumarito “hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.” Pumarito si Jesus sa pamamagitan ng tubig at ng dugo. Kailangan kang maniwala sa espirituwal na pagtutuli na nakapaloob sa mga salita ng tubig, ng dugo at ng Espirito upang maligtas mula sa lahat ng iyong mga kasalanan.
Sa pagbasa sa Exodo 12, may mga iilang katanungan ako patungkol sa espirituwal na pagtutuli. Ano ang ibig sabihin ng Exodo 12? Tinignan kong mabuti ang buong talata at lahat ng kaugnayan ng mga talata sa Biblia ng paulit-ulit. At aking napag-alaman na ang mga Israelita ay nagawang makibahagi sa Pista ng Paskuwa sapagkat tinanggap nila ang pagtutuli at sa Bagong Tipan, sinasabi na hindi lamang dumanak ang dugo ni Jesus sa Krus, dapatwat dumanak sa dahilang Siya’y binautismuhan ni Juan.
 
Sinabi ng Diyos sa mga Israelita ang dalawang ordinansa para sa Pista ng Paskuwa alinsunod sa kautusan: upang tanggapin ang naunang pagtutuli at pagkatapos ay ang kumain ng karne ng tupa ng Paskuwa. Ito ang espirituwal na pagtutuli ng Lumang Tipan! Sa Bagong Tipan, ay nakasaad na ang mga kasalanan ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng Bautismo ni Juan at ang pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus. Natuklasan ko na ang pagtanggap sa mga tunay na pangyayari ay ibinunga sa katotohanang pagtanggap ng espirituwal na pagtutuli. Si Jesu-Cristo ay binautismuhan ni Juan sa Jordan, iyan ay kung paano Niya pinasan ang kasalanan ng sanlibutan at bakit kailangan Siyang mamatay sa Krus upang tanggapin ang hatol alang-alang sa atin.
Mararanasan mo ang kaligtasan mula sa lahat ng kasalanan at kasamaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanang ito sa iyong puso. Para sa isang tao na tanggapin ang kaligtasan mula sa lahat ng kasalanan, kailangan siyang magtiwala sa katuwiran ng Diyos, na makapabibigay sa atin ng espirituwal na pagtutuli. Kailangang mahiwatigan ang katotohanan na ang espirituwal na pagtutuli sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan ay bumuo ng isang pagtambal patungkol sa kapatawaran ng kasalanan. Hindi tinanggap ni Jesus ang hatol dahil sa Siya’y nagkasala, ngunit Siya’y namatay sa Krus para sa sangkatauhan dahil Siya’y binautismuhan at pinasan ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang katawan. Ito ang pananampalataya ng mga tunggap sa espirituwal na pagtutuli.
Ang mga nanalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng espirituwal na pagtutuli ay wala ng kasalanan sapagkat tunay silang nanalig kay Jesus. Naaawa ako sa mga taong animo’y nananalig kay Jesus, subalit hindi pa tinatanggap ang espirituwal na pagtutuli mula sa Diyos. Kailangan nilang manalig sa katotohanan na inalis na ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan nang bautismuhan Siya ni Juan. 
Sa kasamaang palad, maraming mga Kristiyano ang naniniwala lang sa Krus at hindi ng Kanyang bautismo. Kung kaya’t wala silang pananampalataya sa pagtiwala sa katuwiran ng Diyos. Kailangan nating malaman na dapat tayong maniwala kung ano ang sinabi ng Diyos sa atin sa Kasulatan.
 
Kailangan nating was akin ang anumang mga doktrina at katuruan na mga telogo, at manalig lamang sa mga salita ng Diyos na maghahatid sa atin sa Kanyang katuwiran. Ito’y dahil kung ang mga salita ay wala, ang Kanyang katuwiran ay hindi tunay na mga salita ng Diyos. Ang ebanghelyo na wala ang espirituwal na pagtutuli ay hindi kumpleto. Kaya’t sa Biblia, nagsalita ang Diyos ng maraming beses patungkol sa pagtutuli sa Lumang Tipan at ang bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan. sa madaling salita, ito’y tumatalakay patungkol sa pagtutuli at ng dugo ng tupa sa Paskuwa sa Lumang Tipan na kaagapay ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa Bagong Tipan. Dapat tayong maniwala sa katotohanang ito upang matanggap ang espirituwal na pagtutuli. Subalit, kung hindi tayo maniniwala sa katotohang ito, ihihiwalay tayo mula sa Kaharian ng Diyos.
Ang katuwiran ng Diyos ba’y natupad lamang sa pamamagitan ng Kanyang dugo sa Krus? Hindi. Ang katuwiran ng Diyos ay nakumpleto kasama ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa Krus. Kaya’t natamo ang espirituwal na pagtutuli sa ating mga puso hindi lamang sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo sa Krus, kundi maging sa bautismo na tinanggap Niya kay Juan. Ang espirituwal na pagtutuli ay possible sa atin mula ng alisin ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at ang Kanyang kabayaran ng kamatayan sa Krus.
 
 
Ang Pagtutuli ay Pinapakahulugang Pagputol
 
Inihula ni Isaias na ang Mesias na si Jesu-Cristo ay tatanggapin ang pagtitiis sa paghatol alang-alang sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng mga sugat at latay. Sa gayon, may ibang bagay na dapat nating malaman bago tayo magpatuloy. Bakit kailangang mamatay si Cristo sa Krus?
Sa Lumang Tipan, ang isang makasalanan ay kailangang ipatong ang kanyang mga kamay sa ihahandog na tupa upang isalin ang mga kasalanan at pagkatapos ay papatayin ang tupa. Pagkatapos, kukuha ng dugo ang saserdote para sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang daliri, papahiran niya ang mga sungay ng dambana, at ibubuhos niya sa paanan nito ang natirang dugo (Levitico 4:27-30). Ang isang makasalan sa panahon ng Lumang Tipan ay maaaring bayaran ang kanyang kasalanan sa ganitong paraan. Hindi ba’t si Jesus, na pumarito bilang Kordero ng Diyos (Juan 1:29) upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan, kailangang ipatong ang mga kamay sa Kanyang ulo gaya ng Lumang Tipan upang alisin ang kasalanan ng sangkatauhan?
Pagkatapos, kailan at paano inalis ng Panginoon ang kasalanan ng sanlibutan? Hindi ba ito pinakikita sa Mateo 13-17 kung saan binautismo ni Juan si Jesus sa Jordan? Ito’y katulad ng nasa Levitico ng Lumang Tipan kung saan patuloy na sinasabi na ang makasalanan “ipapatong niya sa ulo ng ihahandog para sa kasalanan” (Levitico 1:4, 3:8, 4:29) upang isalin ang mga kasalanan. Ang Mataas na Saserdote ng Lumang Tipan ay kailangang ipatong ang mga kamay sa ulo ng tupa at ipasa ang kasalanan niya at lahat ng mga kasalanan ng Israelita (Levitico 16:21). Pagkatapos, kukuha siya ng kaunting dugo at ipapahid sa mga sungay ng dambana ng sunugan ng mga handog at ibubuhos ang natirang dugo sa paanan ng dambana. Tataglayin nila ang kapatawaran ng kasalanan sa ganitong paraan.
Sa paraang gay nito, ang kapatawaran ng mga kasalanan ay naging possible sa pamamagitan ng bautismo mula kay Juan at sa Kanyang duog sa Krus. Ito ang katuwiran ng Diyos at ang espirituwal na pagtutuli na nais ng Diyos na igawad sa atin na na nakapaloob sa Biblia. Samakatwid, tayo na naniniwala sa katuwiran ng Diyos ay naputol ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo mula kay Juan at Kanyang dugo sa Krus. Kapag ating naunawaan ang pakahulugan ng bautismo ni Jesus sa Bagong Tipan kaugnay ng katuwiran ng Diyos at ating tunay na mararating at makakamtan ang espirituwal na pagtutuli sa ating mga puso.
 
 
Ang Tunay na Pagtutuli sa Bagong Tipan
 
Ating tignan ang Mateo 3:13-15. “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya.’ At pumayag si Juan.”
Binautismuhan ni Juan si Jesus sa Jordan. Pinatong niya ang mga kamay sa ulo ni Jesus at binautismuhan niya Siya. (Ang pagbautismuhan, ay ‘baptizo’ sa salitang Griego, nangangahulugang paglubog o ilubog sa ilalim ng tubig).
Upang mamatay si Jesus sa Krus para sa ating mga kasalanan, kailangan muna Niyang alisin ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo. Kaya’t, Siya’y nabautismuhan ni Juan muna at pagkatapos inilubog sa tubig. Bakit Siya binautismuhan? Dahil pag Siya’y binautismuhan, lahat ng katuwiran ng Diyos ay matutupad. Ito’y makatarungan at nararapat na alisin Niya ang kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo at Siya’t naging Diyos at Tagapagligtas. Angkop na angkop para kay Jesus na mamatay sa Krus pasan-pasan ang lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng bautismo.
Ang unang bagay na ginawa ni Jesus sa hayag Niyang buhay ay ang magpabautismo. Ang bautismo, ay ‘baptisma’ sa Griego, ipinapakahulugang “upang ilibing, para ilipat at isalin.” Sa Lumang Tipan, ang ikasampung araw ng ikapitong buwan ay ang Araw ng Pagbabayad-sala ng mga Israelita, at ipinatong ni Aaron ang kanyang mga kamay sa inahandog na tupa upang isalin ang lahat ng kasalanan ng mga Israelita. Sa dalawang kambing, ang isa ay ihahandog sa Diyos at ang isa nama’y bilang pagbabayad-sala sa harapan ng mga Israelita (Levitico 16). Sa Bagong Tipan, tinanggap lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan.
Kinabukasan ng Kanyang bautismo, tinuro niya si Jesus at sinabing, “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
 
Kailangan mong tanggapin na ang espirituwal na pagtutuli ay hindi possible sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Kanyang dugo.
Ating tignan simula sa talatang 1 Juan 5:4. “Sapagkat ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay Anak ng Dios? Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo; hindi sa tuibig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan. Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa. Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka’t ito ang patotoo ng Dios: sapagka’t ito papatotoo tungkol sa Kaniyang Anak. Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios, ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka’t hindi sumasampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa Kaniyang Anak. At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kaniyan Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay” (1 Juan 5:4-12).
Ano ang katibayan ng espirituwal na pagtutuli? Ito ang pananampalataya ng parehong pananalig sa bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo bilang ating kaligtasan. Ang tagumpay na nasupil sa sanlibutan ay ang tubig at ang dugo. “Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo; hindi sa tuibig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan. Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.” Ang mga nagpapatoong ito, pinakikita na ang Diyos ay ating Diyos at ating Tagapagligtas, pinapatunayan na ang Diyos ay pumarito sa mundo at nagkatawang-tao, kinuha lahat ng ating mga kasalanan tungo sa Kanyang katawan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, dumanak ang dugo sa Krus, alang-alang sa atin, at gayo’y nailigtas tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan.
 
Sa Bagong Tipan, ang ebanghelyo ng espirituwal na pagtutuli ay binubuo ng tubig at ng dugo. Sa Bagong Tipan, ang tubig ay ang bautismong tinanggap ni Jesus kay Juan at ang dugo ay tumutukoy sa Kanyang kamatayan sa Krus. Ang bautismo ni Jesus ay katulad ng pagtutuli sa Lumang Tipan. ang bautismo ni Jesus mula kay Juan ay katibayan na ang ating mga kasalanan ay inilipat sa Kanya. Ang mga naniniwala sa katotohanan ay makakayanang tumayo sa harapan ng Diyos at sabihing, “O Diyos, Ika’y aking Tagapagligtas. Naniniwal ako sa Iyong katuwiran, kung gayon, wala na akong kasalanan. Ako ang Iyong anak na walang-bahid at Ika’y aking Diyos.” Ano ang basehan sa Banal na Kasulatan na makakasigaw ka ng may katiyakan sa ganitong paraan? Ito’y ang pananampalataya sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa Krus, na binubuo ng katuwiran ng Diyos. Ang pagtanggap sa katuwiran ng Diyos bilang aking katuwiran ay hindi possible sa pamamagitan lang ng dugo ni Cristo. Ang Kanyang bautismo at dugo ang lumikha nito.
Ating tingnan ang talata tungkol sa kailangang-kailangang bautismo ni Jesus sa ating kaligtasan. Ang 1 Pedro 3:21 ay aang katibayan ng katotohanang ito. “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo.”
Sinasabi ni Apostol Pablo ang patungkol sa walang kaduda-dudang katibayan ang bautismo ni Jesus ay ang pagtutuli sa Lumang Tipan. nauunawaan mo ba? Nang putulin ng mga Israelita ang kanilang mga balat sa pagtutuli sa Lumang Tipan, sa Bagong Tipan naman, si Jesus ay binautismuhan ni Juan at inalis lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan, itunutulot sa atin na matanggap ang espirituwal na pagtutuli. Ang bautismo at ang dugo sa Krus ang lumikha ng katuwiran ng Diyos. Ang espirituwal na pagtutuli at ang bautismo ay makatulad ang ibig sabihin. Kailangan mong unawain na ang bautismo ni Jesus ay nagpapahiwatid ng espirituwal na pagtutuli para sa ating lahat.
 
“Na ayon sa tunay na kahawig ngayon’g nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo.” Paano natin matatanggap ang katuwiran ng Diyos? Manalig na binautismuhan si Jesus at namatay sa Krus para sa ating kasalanan. Binanggit ng Mateo 3:15, “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Sapagkat lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan ay isinalin sa ulo ni Jesus, tuluyang naalis ang mga kasalanan ng mga makasalanan. Bawat makasalanan ay nagiging matuwid sa pamamagitan ng pagsampalataya sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo. Dumanak ang dugo ng paghatol sa Krus matapos pasanin lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan; lahat ng kasalanan ng sangkatauhan ay napatawad sa ganitong paraan. Ang paniniwalang kinuha ni Jesus ang kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo at ang pagtanggap Niya ng hatol ng may pagtitiis alang-alang sa atin ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa katotohanan na magbibigay ng katuwiran ng Diyos sa mga mananampalataya. Maniwala sa katotohanang ito.
Sinabi sa Juan 1:29, “Masdan, ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan.” Si Jesus ay ang Anak ng Diyos at bilang ating Manlilikha, tinupad Niya ang Kanyang pangako ng pagtutuli sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng kasalanan ng mga makasalanan. Ito ang tunay na pananampalataya na nagbibigay sa ating mga puso ng espirituwal na pagtutuli sa Siyang katuwiran ng Diyos. Si Jesus ang ating tunay na katuwiran. Dapat pasalamatan natin si Jesus. Dapat natin Siyang pasalamatan sa Kanyang bautismo at ang dugo para matamo ang espirituwal na pagtutuli.
Sa 1 Pedro 3:21, “Hindi pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios.” Ang karumihan ng katawan ng tao ay hindi nalilinis dahil lang sa pananalig niya kay Jesus bilang Tagapagligtas. Matatanggap mo ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pagsampalataya na lahat ng iyiong mga kasalanan ay naisalin kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa Kanyang dugo na nabubo sa Krus. Ang pagtanggap sa kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahayag kay Jesus bilang Tagapagligtas ay nagaganap sa iyong puso. Ito’y nangyayari sa puso ng mananampalataya. Kung nanalig ka sa Tagapagligtas ng iyong puso, ika’y mapapatawad sa iyong mga kasalanan, kahit pa ang iyong laman ay narurumihan pa rin at nakagagawa ng kasamaan araw-araw; subalit walang kasalanan. Natanggap mo ang katuwiran ng Diyos sa pagsampalataya na noong nabautismuhan si Jesus, lahat ng mga kasalanan ay naisalin na kay Jesus at wala na ang mga kasalanan sa iyong puso.
 
 
Kailangan Mong Maniwala sa Katotohanan upang Mapasaiyo
 
Sa Juan 1:12, ay sinasabing, “Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios.”
Anong mga salita ang iyong natamo at tinanggap? Kailangan mong tanggapin ang mga bagay na ginawa ng Anak ng Diyos. Ano ang ginawa ng Diyos? Pumarito ang Anak ng Diyos sa anyo ng isang makasalanang katawan, at ng Siya’t 30 taong gulang, Siya’y nabautismuhan upang kuhanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan at ibinigay sa atin ang espirituwal na pagtutuli upang ang ating kasalanan ay mapawi. Pagkatapos Siya’y namatay sa Krus bilang Kordero ng Diyos at naging kabayaran para sa atin. Ang Panginoon ay naging handog sa kasalanan tuwina para sa lahat ng mga makasalanan at iniligtas tayo magpakailanman. Tayo’y naging matuwid sa pananalig sa katotohanan.
Matatanggap ba natin ang espirituwal na pagtutuli sa pamamagitan lamang ng dugo ni Cristo? Hindi. Ang bautismo ni Jesus ang nagputol ng mga kasalanan mula sa atin at ang kahatulang natanggap Niya sa Krus sa pamamagitan ng pagdanak ng dugo para sa mga makasalanan na nagtiis ng hatol alang-alang sa iyo at sa akin. Tayo’y ligtas na sa kasalanan at wala ng hatol sapagkat nanalig tayo sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos, iyo ay, ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at dugo sa Krus. Ang pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas ay mag-aalis ng lahat ng kasalanan sa puso ng mga makasalanan. Tanggapin ang espirituwal na pagtutuli sa inyong mga puso. Pagkatapos, ang katuwiran ng Diyos ay mapapasaiyo.
 
 
Ang Tunay na Pagtutuli ay Dapat Maganap sa Iyong Puso
 
Sa Roma kabanata 2, sinabi ni Apostol Pablo, “Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Paano mo tutuliin ang iyong sariling puso? Ito’y possible sa pamamagitan ng pananalig na si Jesu-Cristo ay pumarito at nagkatawang-tao, Siya’y binautismuhan upang alisin lahat “ng kasalanan ng sanlibutan,” Siya’y namatay at dumanak ang dugo sa Krus, at nabuhay na muli upang ating walang hanggang Tagapagligtas. Sinabi ni Apostol Pablo na ang pagtutuli ay kailangang maganap sa puso, at ika’y matutuli sa iyong puso sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus. Kung nais mong matanggap ang espirituwal na pagtutuli sa iyong puso, manalig ka sa bautismo ni Jesus. Sa gayon, tunay na magiging isa kang anak ng Diyos. Ang matuwid ay ang tao na nanalig sa bautismo ni Jesus at ang dugo ang nagpalaya mula sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Amen.
Hanggang sa Siya’y naging 29 na taong gulang si Jesus ay nanatili sa pribadong buhay sa pagtutustos sa Kanyang pamilya, ngunit ng Siya’y naging 30 taong gulang, nagsimula Siya sa pampublikong pamumuhay. Samantalang namumuhay Siya sa hayag na buhay, inalis lahat ng kasalanan ng sanlibutan at iniligtas Niya lahat ng mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan. Ang unang bagay na ginawa Niya ay ang tanggapin ang bautismo upang iadya ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan at gawin silang matuwid. “Si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya” (Mateo 3:13). Bakit nagpabautismo si Jesus? Alam natin na kailangan Niyang gawin ito upang alisin lahat ng kasalanan ng sanlibutan. Huwag tayong magkamali ng unawa sa tunay na kahulugan ng Kanyang bautismo. Ang bautismo ay upang hugasan ang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsalanin ng mga ito. Kaya nga si Jesus, upang maalis ang kasalanan ng mga makasalanan, ay nakiusap na magpabautismo Siya kay Juan.
 
Sino si Juan na nagbautismo kay Jesus? Si Juan ang kumakatawan sa buong sangkatauhan. Ito’y pinaliwanag ng mabuti sa Mateo 11:11-14. “Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, sa gitna ng mga ipananganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay Juan. At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. Sapagka’t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagpasimula. At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya’y si Elias na paririto.”
Simula sa mga araw ni Juan Bautista, ang panahon ng pakikitipan ng Diyos ay natapos. Ito ay dahil si Jesus, ang taong tutupad ng Kanyang mga pangako, ay dumating. Pagkatapos, sinu-sino ang mga taong dapat tumupad sa mga pangako sa Lumang Tipan? Ito’y sina Jesus at si Juan Bautista. Isinalin ni Juan Bautista ang mga kasalanan kay Jesus. Si Juan Bautista ang huling propeta sa Lumang Tipan na pinaparito upang isalin ang lahat ng mga kasalanan sa Kordero ng Diyos, na pumarito sa Bagong Tipan. ginawa ni Juan ang gawaing ito sa pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ulo ni Jesus alinsunod kautusan na itinatag sa paraan ng paghahandog. Lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan ay naputol at isinalin kay Jesus nang Siya’y bautismuhan. “Upang sa gayon,” ibinigay ng Diyos ang espirituwal na pagtutuli sa lahat ng puso ng sangkatauhan.
 
Magpatuloy sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo bilang iyong paglilinis ng kasalanan. Kinuha na ni Jesus lahat ng mg kasalanan ng sanlibutan at pinasan lahat ng hatol. Ang ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos ay katotohanan na si Jesus ay binautismuhan ang dumanak ang dugo para sa kapatawaran ng lahat ng ating mga kasalanan. Ngayon ay, matatanggap na natin ang paglilinis ng mga kasalanan sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng katuwiran ng Diyos sa ating mga puso. Kung natanggap mo, ika’y mapapabilang sa “lahi ni Jesu-Cristo na na David na anak ni Abraham.” May mga taong nalalaman na ang katuwiran ng Diyos at yaong mga hindi pa ay nanatili pa rin sa ibang lahi. Ang araw ay lulubog na. Manalig sa bautismo ni Jesus at makakapasok ka sa Kanya. Ang pananampalataya sa Kanyang bautismo ay magiging langis para sa iyo na inihanda para sa piging ng kasal. Nawa’y alam mo na ang lihim upang maihanda mo ang langis para sa ilawan upang salubungin ang Kanyang pangalawang pagbabalik sa pamamagitan lang ng paniniwala sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa Krus.
Tinanggap ni Jesus ang bautismo upang alisin lahat ng kasalanan ng sinuman. Si Jesus ay ang Anak ng Diyos at Diyos. Siya ang ating Manlilikha. Naparito Siya sa mundo dala ang kalooban ng Diyos upang tayo’y ampunin bilang Kanyang anak. Sino ang tinutukoy sa mga hula sa Lumang Tipan? Inihula nila si Jesus. Ito’y mga hula kung paano Siya paparito sa mundo at kuhanin ang ating mga kasalanan at alisin ang mga ito. Gaya ng sinabi sa mga hula sa Lumang Tipan, si Jesus ay pumarito 2,000 taon na ang nakalipas at kinuha ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo. Pinasan Niya lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, mula kay Adan at Eba, hanggang sa huling tao.
Tanggapin ang espirituwal na pagtutuli sa inyong mga puso. “Ang pagtutuli ay yaong sa puso” (Roma 2:29). Nang ika’y manalig sa bautismo ni Jesus, matatanggap mo agad ang pagtutuli ng iyong puso. Ang pagtutuli ay ang puso nangangahulugang lahat ng mga kasalanan ay isinalin kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Tinanggap mo na ba ang pagtutuli ng iyong puso? Sa paniniwala sa pagtuli ng puso, “lahat ng kasalanan ay mahuhugasan sa pamamagitan ng pananampalataya.”
 
 
Tinanggap mo ba Talaga ang Katotohanan ng Espirituwal na Pagtutuli sa Iyong Puso?
 
Halos 2,000 taon na ang nakalipas simula nang pumarito si Jesus sa mundo, binautismuhan at namatay sa Krus. Kailangang lamang na tanggapin ang katotohanang ito at tanggapin sa ating mga puso ngayon. “Ang pagtutuli ay yaong puso.” Matatanggap natin ang pagtutuli sa ating isipan at mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya sa katotohanan. Natanggap na nating lahat ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Kahit pa dumating ang paghahatol ng Diyos sa sanlibutan, hindi tayo matatakot. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay hindi magkakaroon ng paghahatol ng Diyos. Ang paghahatol ng Diyos ay mapupunta sa mga hindi tumanggap ng katuwiran ng Diyos sa kanilang mga puso.
Bakit maraming mga Kristiyano ngayon ang naniniwala kay Jesus, subalit mga naliligaw pa rin? Bakit sila nasa matinding paghihirap? Dahil naniwal lamang sila sa dugo ni Jesus para sa kanilang kaligtasan. Ngayon ay kailangan mong amini na pinahihirapan mo ang Diyos dahil sa katigasan ng iyong ulo at bumalik ka sa katotohanang kinuha na ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo sa Jordan. Sa gayon, ang espirituwal na pagtutuli ay magaganap sa iyong puso.
Kung naniniwala ka sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo, ang espirituwal na pagtutuli ay magaganap sa iyong puso at hindi mo na matatanggap ang paghahatol ng Diyos, bagkus ika’y magiging Kanyang anak. Ang Diyos ay iyong magiging Diyos at ika’y Kanyang magiging mamamayan. Kung mayroon sa iyo ang naniniwala kay Jesus subalit naniniwala lang sa dugo ni Jesus, nais kong tanungin kita. Ang atin bang espirituwal na pagtutuli at katuwiran ng Diyos ay sa pamamagitan lamang ng dugo sa Krus? Ang ating kaligtasan ay nabuo hindi dahil lang sa dugo, kundi maging sa bautismo ni Jesus, ang Kanyang dugo at ang Espirito.
 
 
Ang Katuwiran ng Diyos ay Natamo sa Pakikiisa kay Cristo
 
Ating pag-aralan ang Roma 6:3-8. “O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kaniyang kamatayan? Tayo nga’y nangalibing na kalakip Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip Niya dahil sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli; na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip Niyang napako sa Krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa’t kung tayo’y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip Niya.”
 
Sinasabi ng talatang 5, “Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip Niya dahil sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli.” Sinsabi ng Biblia na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ito ay, kung sino man ang may kasalanan ay mapapahamak at papuntang impiyerno. Hindi ba’t lahat kayo ay nagkasala bago manalig ng ganap sa katotohan ni Jesu-Cristo? -Oo.- Kahit pa mayroon kang maliit na kasalanan, mapuppunta ka pa rin sa impiyerno at tatanggapin ang hatol “sa dagatdagatang nagniningas na apoy at asupre” (Apocalipsis 21:8). Kung ating babayaran ang kabayaran sa ating mga kasalanan, ang kamatayan, hindi na tayo maliligtas mula sa kasalanan. Kaya’t, pinadala ng Diyos si Jesu-Cristo sa mundo at inilipat lahat ng mga kasalanan sa Kanya at nahatulan Siya alang-alang sa atin.
Iniligtas tayo ng Diyos dahil sa Kanyang pag-ibig sa atin. Pinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo, inilipat lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo, at ipinako sa Krus upang mabubo ang dugo para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ang pananalig dito ay pakikiisa kay Jesus. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Tayong lahat ay may kasalanan sa ating mga puso at dapat na matungong impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Ngunit sa halip na tayo, na nakatalaga sa impiyerno, inako ni Jesus ang ating mga kasalanan sa Jordan sa pamamagitan ng bautismo at tiniis ang parusa alang-alang sa atin sa Krus. Samakatwid, ang Kanyang kamatayan ay naging ating kamatayan dahil ang Kanyang bautismo ang nag-alis ng ating mga kasalanan. Ito ang pananampalataya ng pakikiisa kay Cristo.
 
Maraming pa ring mga tao ang naniniwala kay Jesus sa paraan ng mga relihiyoso. Pumupunta sila sa iglesia at magtatangis sa pangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, at humihingi ng kapatawaran. Tigilan na ang paggawa sa ganyang bagay at manalig sa katuwiran ng Diyos, at iyong matatamo ang kapayapaan mula sa Diyos sa iyong puso. Si Jesus ay nabautismuhan at namatay sa Krus para sa ating kaligtasan, at nawa ay maniwala ka sa ebanghelyo ito.
Tinuruan tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Moises patungkol sa paglilinis ng kasalanan. Tinanggap ni Moises ang utos ng Diyos na pumuntang Ehipto upang palayain ang mga Israelita, na Kanyang bayan. Kaya’t, siya’y pumuntang Ehipto kasama ang kanyang asawa’t anak sa isang asno. Nang gabing iyon, ang mensahero ng Diyos ay nagpakita at tangkang papatayin si Moises. Dali-daling kumuha ng matulis na bato ang kanyang asawang si Zippora, at tinuli ang kanyang anak na lalaki at itinapon ang balat sa paanan ni Moises at sinabing, “Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik!” (Exodo 4:25).
Ang katotohanan sa mga talatang ito ay ganito. Kahit ang anak ni Moises ay hindi ipinapalagay na kabilang sa mamamayan ng Diyos kung hindi pa siya tuli; kaya’t, papatayin siya ng Diyos. Sinabi ng Diyos na ang mga Israelita ay hindi ibibilang sa bayan ng Diyos kung hindi tuli. Ang pagtutuli sa Lumang Tipan ay isang tanda bilang kabilang sa bayan ng Diyos. Nais ipabatid ng Diyos ito kay Moises. Kaya’t dali-daling tinuli ng asawa ni Moises ang kanilang anak at tinapon ang balat at sinabing, “Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik!” Tinangkang patayin ng Diyos si Moises dahil sa anak niyang hindi tuli.
Kahit pa ang isang tao ay galing sa lahi ni Abraham, siya’y itatakwil kung hindi pa siya natutuli. Tanging ang mga tuli lamang ang makakabahagi ng karne ng tupa tuwing Pista at ikiskis sa biga at sa dalawang haligi ng pinto ang dugo ng tupa. Kagaya nito, tanging ang taong nakatamo ng espirituwal na pagtutuli ang makakalahok sa Banal na Hapunan. Ang mga taong walang ganitong pananampalataya ay hindi makakapasok sa katuwiran ng Diyos at sa gayon, ay hindi makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos.
Si Apostol Pablo ay isang Judio. Siya ay natuli sa gulang na 8 at dinala sa pamamahala ni Gamaliel. Isang dalubhasa sa Lumang Tipan. kaya’t, nauunawaan ng lubos ni Pablo kung bakit binautismuhan si Jesu-Cristo sa Ilog Jordan at kung bakit kailangang mamatay Siya sa Krus. Samakatwid naipapangaral niya ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ng may kasigurahan. Kaya’t sinabi niya, “Ang pagtutuli ay yaong sa puso” (Roma 2:29).
Siyempre, madalas na binabanggit ni Apostol Pablo ang patungkol sa kamatayan ni Jesus sa Krus. Bakit? Kahit pa naisagawa ni Jesus ang espirituwal na pagtutuli sa pag-aalis ng ating mga kasalanan; kung hindi naman Siya inalay sa Krus, sa madaling salita, kung hindi Niya tinanggap ang paghahatol, hindi tayo maliligtas. Iyan ang dahilan kung bakit madalas na binabanggit ni Apostol Pablo ang patungkol sa Krus. Kailangan mong ilagay sa iyong isipan na ang Krus ay ang katapusan ang kaganapan ng ating espirituwal na pagtutuli. Subalit, karamihan sa mga Kristiyano ngayon ay walang gaanong kaalaman sa dahilan ng bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus, at kaya’t napapahamak sila sa impiyerno. Kung ang kapangyarihan ng pananampalataya sa espirituwal na pagtutuli ay ipinaalam ng mabuti sa henerasyong ito, ang Kristiyanismo ngayon ay hindi sana ganito ngayon.
 
Ang ibang tao ay lubos na nagpapasalamat nang unang makilala nila si Jesus, subalit sila’y di-nasisiyahan at ang kanilang walang pagbabago sa mga kahinaan at magiging masahol na makasalanan habang tumatagal ang panahon. Sampung taon man ang lumipas matapos manalig kay Jesus, subalit maaari silang lumala bilang mga makasalanan. Maaari ba silang maging makasalanan matapos manalig kay Jesus? Kinakanta nila ang awitin sa salita lamang.
“♫ Ang pagtangis hindi magliligtas sa akin! ♫ Bagama’t ang aking mukha’y basa ng luha, ♫ Na susugpo sa aking takot, ♫ Hindi mahugasan ang lahat ng kasalanan! ♫ Ang pagtangis hindi magliligtas sa akin! ♫ Pananalig kay Cristo ililigtas ako! ♫ Hayaan mo akong magtiwala sa tumatangis na Anak, ♫ Magtiwala sa Kanyang mga ginawa; ♫ Sa kanyang bisig, ako’y tatakbo at tulungan mo Panginoon: ♫ Pananalig kay Cristo ililigtas ako. ♫”
Umaawit sila, “Ang pagtangis hindi magliligtas sa akin. Pananalig kay Jesus ililigtas ako.” Subalit, ito’y salita lamang. Lumuluhang nananalangin pag sila’y nagkakasala. “O Diyos, patawarin po Ninyo ako. Kung patatawarin po Ninyo ako ngayon, ako’y magpapakabuti na simula ngayon.” Kapag ang Kristiyano’y nagkasala, siya’y mangungumpisal, iiyak at hihingi ng kapatawaran, at bubuti ang pakiramdam. Subalit ang isang taong paulit-ulit ng kasalanang ito sa buong taon ay magiging makasalan pa sa kanyang puso kaysa sa unang pagkilala niya kay Jesus sampung taong nakalipas. Ang taong yaon ay manghihinayang sa pagtatanong, “Bakit maaga akong naniwala kay Jesus? Sana kapag ako’y 80 taong gulang saka ako naniwala, o kaya’y sa aking huling hininga. Maaga akong naniwala.” Sapagkat siya’y dapat sana’y mamuhay siya ayon sa kalooban ng Diyos, ngunit hindi magawa.
Sa bawat pagkakasala ng tao, kailangang may kahatulan. Kaya’t binautismo si Jesus at hinatulan sa Krus, nabubo ang Kanyang mahal na dugo upang iligtas tayo sa mga kasalanan. Siya’y nabuhay na mag-uli matapos ang tatlong araw. Binuhay Siyang muli ng Diyos Ama. Ang taong naniniwala sa espirituwal na pagtutuli ay maaaring makakapamuhay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang espirituwal na pagtutuli ay katibayan na tayo’y dapat maging anak ng Diyos at ito ang katuwiran ng Diyos. Ang bautismo ni Jesus ang katibayan na ang ating mga kasalanan ay isinalin sa Kanya, at ang mahalaga Niyang dugo sa Krus ay katibayan na binayaran Niya lahat ng kabayaran ng ating mga kasalanan sa pagtanggap ng pagtitiis sa hatol alang-alang sa atin.
Nananalig ka ba kay Jesus, at nananatili naman ang kasalanan sa iyong puso? Ito ang pananampalataya ng isang erehe. Sinasabi sa Tito 3:10, “Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo; Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya’y hinahatulan ng kaniyang sarili.” Ang taong may ereheng pananampalataya ay hinatulan ang kanilang mga sarili. Ipinipilit nilang sila’y mga makasalanan kahit pa may bantang kamatayan sa kanila. Napakatigas ng kanilang mga ulo upang baguhin ang kanilang pang-unawa. Sinasabi ng Diyos sa mga erehe, “Kayo’y mga erehe. Kayo’y mga makasalanan; hindi kayo mga anak Ko at mapupunta kayo sa walang hanggang apoy ng impiyerno.”
Ang mga nananalig kay Jesus, subalit hindi pa tinatanggap ang katuwiran ng Diyos, o ang espirituwal na pagtutuli ng bautismo ni Jesus at dugo, ay mga ereheng Kristiyano at ang mga dakilang makasalanan na walang magagawa kundi ang mangumpisal ng mga kasalanan sa harapan ng Diyos. Ang mga makasalanang hindi nananalig sa katuwiran ni Jesus ay hindi makakapasok sa Kanyang Kaharian.
Ang mga naging matuwid matapos manalig kay Jesus ay may katibayan ng pagtanggap ng espirituwal na pagtutuli sa kanilang mga puso. Ang mga sumusunod ay ang mga katibayan: si Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao, at Siya’y binautismuhan ang nabubo ang dugo sa Krus. Si Jesus ay pumarito sa mundo at binautismuhan ni Juan Bautista upang kuhanin ang mga kasalanan ng sanlibutan; tinanggap Niya ang paghahatol sa Krus upang gawing ganap ang mga pananampalataya ng mga nanalig sa espirituwal na pagtutuli. Siya’y nabuhay na muli matapos ang tatlong araw ang naging buhay na Tagapagligtas natin. Ito ang pinakawastong kaligtasan ng katuwiran ng Diyos na hindi lamang sa dugo, kundi maging sa tubig, sa dubo at ng Banal na Espirito. Ito ang mga pangwakas na katibayan ng espirituwal na pagtutuli na nagpapatotoo sa Kanyang ganap na pagliligtas sa atin.
 
Mga minamahal kong Kristiyano, tanggapin sa inyong mga puso na ang kaligtasan ay hindi naging possible sa dugo lamang ni Jesus, bagkus ito’y sa tubig, sa dugo, at sa Banal na Espirito. Pinutol ng Diyos ang mga kasalanan ng sanlibutan at ganap na inalis ang paghahatol sa atin. Hindi lang Niya pinutol ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng sanlibutan, mula Adan hanggang sa kasalanan ng huling tao sa mundo. Kinuha Niya lahat sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Ang pagtanggap sa espirituwal na pagtutuli ay magliligtas sa sinumang manalig sa katuwiran ng Diyos, na tinupad ni Jesus na pumarito sa tubig at sa dugo.
Lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan ay naputol sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus mula kay Juan. Ngayon ang sinumang maniwala sa espirituwal na pagtutuli ay hindi na magkakaroon ng kasalanan sa kanilang mga puso. bumangon muli sa patay si Jesus at binuhay ang ating mga kaluluwa na naligaw sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Hinahanap tayo ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng bautismo ni Jesus, Kanyang dugo, at ang Espirito, at tayo’y maliligtas na sa pamamagitan ng espirituwal na pagtutuli. Ang espirituwal na pagtutuli ay ang plano ng Diyos kay Jesus bago pa man ang Paglilikha, para sa mga sumampalataya. Ngayon, ikaw na nanalig sa katuwiran ng Diyos ay tumanggap din ng espirituwal na pagtutuli.