(Roma 2:1-16)
“Dahil dito’y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol, sapagka’t sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka’t ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay. At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios? O hinahamak mo ang mga kayamanan ng Kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi? Datapuwa’t ayon sa iyong katigasan nat iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios. Na Siya ang magbibigay sa bawa’t tao ayon sa kaniyang mga gawa. Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggang. Datapuwa’t ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan, kapighatian at kahapisan, ang sa bawa’t kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama, ng Judio una-una, at gayon din ng Griego; datapuwa’t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa’t taong gumagawa ng mabuti, sa Judio ang una-una, at gayon din sa Griego: Sapagka’t ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao. Sapagka’t ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan, at ang lahat ng nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan. Sapagka’t hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangasisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap. (Sapagka’t kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan ay siyang kautusan sa kanilang sarili. Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa’t isa).”
Ang mga Legalista ay Laging Humahatol ng Ibang Tao, habang Hindi naman sila makasunod sa Kautusan
Talakayin natin ang kautusan. Sinabi ni Apostol Pablo sa mga Judio na nakasandal sa kautusan, “Dahil dito’y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka’t sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka’t ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay. At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?” (Roma 2:1-3). Inaakala ng mga legalista na pinararangalan nilang mabuti ang Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi nananalig sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, subalit ayon sa kanilang mga maling pagyayabang na nakasalalay sa sarili nilang mga gawa. Ang mga taong ito ay nais humatol sa iba at bihasa sila rito. Subalit, habang hinahatulan nila ang iba sa paggamit ng mga salita ng Diyos, hindi nila naaalintana na sila’y katulad din ng mga taong binabatikos at nakakagawa rin ng ganung mga kamalian.
Gaya halimbawa, hindi nila pinangingilin ang araw ng Sabado bilang banal, bagama’t sinasabihan nila ang iba na sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Sinasabi nila sa iba na sumunod at alalahanin ang kautusan, ngunit sila mismo’y hindi sumusunod. Sinabi ni Apostol Pablo sa kanila, “At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?” (Roma 2:3).
Ang mga legalista ay hindi maliligtas sa harapan ng Diyos. Hindi tayo mapapalaya ng kautusan, hahatulan tayo ng Diyos kung namumuhay tayo ng relihiyosong buhay na ayon sa kautusan. Ang pamumuhay legalista ay nagbubunga ng poot ng Diyos. Ang mga taong hindi naligtas ay may legalistang pananampalataya. Sinasabihan nila ang iba na mamuhay sa mga paraan, ayon sa kautusan, ngunit hindi nila dapat sabihin ang mga bagay na ito sa panahong ito.
Maraming taon na nakalipas, karamihan sa mga Kristiyano sa ating bansa ay dating mga gayon. Pinapagalitan ng mga legalistang mangangaral ang mga babaeng may kakaibang ayos ng buhok, sinasabing mapupunta sila sa impiyerno. Kung tayo’y nasa ilalim ng aral ng mga mangangaral na nagtuturo sa mga miyembro ng iglesia ukol sa pagsunod sa kautusan ng ganitong paraan, tiyak na maniniwala tayo na ang mga taong may ibang ayos ng buhok ay patungong impiyerno. Ito’y isang bagay na naganap halos 15-20 taon ang nakalipas. Kapag ang babae’y gumagamit ng lipstick, ang ibig sabihin siya’y patungong purgatoryo sa ilalim ng aral ng mga ganyang mangangaral.
Ang mga mangangaral na ito ay mga legalista. Sila’y kunwaring banal sa harapan ng Diyos, nagtuturo na hindi dapat gumamit ng lipstick o gumamit ng gel o pampakulay sa buhok, maglakad ng marahan, at huwag bumili at magbili ng mga ari-arian. Ang mga legalistang ito’y nagtuturo sa mga mananampalataya kung ano ang tama at malis sa pananaw ng salita ng Diyos, ngunit sila’y mga taong mapagkunwari.
Ang mga Judio ay Kagaya rin Nila
Ang mga Judio ay kagaya rin ng mga iyan. Hinahatulan nila ang mga Hentil sa pamamagitan ng kautusan, sinasabi ang mga bagay gaya nito, “Hindi nila kilala ang Diyos at pinaglilingkuran nila ang diyos-diyusan. Sila’y nasumpa sa impiyerno at malulupit ng mga tao.” Subalit, sila mismo ay nagmamahal sa mga material na mga bagay sa sanlibutan pati na ang ibang mga dayuhang diyos-diyusan ng higit kaysa sa tunay na Diyos. “Dahil dito’y wala kang madadahilan, Oh tao, sino ka man na humahatol: sapagka’t sa iyong paghatol sa iba, ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo; sapagka’t ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay.” Ang mga Judio ay humahatol sa iba ayon sa kautusan, subalit hindi sinusunod ang kanilang mga turo. Bukod doon, ang mga di-naniniwala sa katuwiran ng Diyos o tumanggap ng kaligtasan kay Jesus sa kanilang mga puso, inaakala na namumuhay na sila ayon sa salita ng Diyos, ngunit wala silang pagkakaiba sa mga Judio.
Ang mga Legalista ay Mahahatulan
Ang mga taong kabilang sa batang henerasyon ngayon ay maaaring hindi na nakapamuhay ng marelihiyosong buhay sa ganitong paraan. Subalit, ang mga kabilang sa matandang henerasyon ay maaaring nakarinig sila ng mga sermon base sa kautusan. Ang mga tagapagturo ay dati-rati’y pinapagalitan ang mga taong may kakaibang ayos ng buhok dahil lang sa ito’y masagwa sa paningin. Ang mga tagapagturo ngayon ay hindi na masasabi ang ganyang mga bagay. Ito’y nagiging tudlaan ng mga pagpintas sa pagsabi ng mga ganitong salita bilang ‘ang matuwid’ o kaya ‘ganap na maging banal’ maraming taong ng nakalipas. Sa panahong ito ngayon, karamihan ay kadalasang ginagamit ang salitang ‘ang matuwid.’ Ibig sabihin ang Kristiyano’y nagbago. Ang mga bulaang tagapagturo ay hindi makapagsasabi ng mga kasinungalingan dahil maging ang kanilang mga miyembro ay napangaralan na ng tunay na ebanghelyo sa pamamagitan ng mga babasahin at mga tapes. Samakatwid, hindi silang maaaring magsalita sa kanilang mga tagapakinig kung walang dahilan.
Ang pinakamahalagang bagay na dapat malaman na ang mga legalista na hindi pinapansin ang ganap na kaligtasan ni Jesu-Cristo at namuhay ayon sa kautusan ay mahahatulan sa harapan ng Diyos.
Ang talatang 4 ay tumutukoy sa paghahatol ng Diyos. Basahin natin, “O hinahamak mo ang mga kayamanan ng Kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?” Hahatulan ng Diyos ang mga legalista. Mga kapatid, ang may mga legalistang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Sinasalungat ng mga legalista ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng mga panuntunan na batay sa kanilang mga gawa. Isinasawalang-bahala nila ang ebanghelyo ng kaligtasan na nagsasabing pinatawad na ng Diyos ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kasaganaan ng Kanyang kabutihan, pagpipigil at pagpapaumanhin.
Ang mga namumuhay sa marelihiyosong buhay na batay sa kautusan ay hahatulan ng Diyos. Subalit, maraming tao ang ang nabubuhay ayon sa kautusan sa harapan ng Diyos. Huwag nating akalain, ‘Tayo’y ligtas na sa Kanyang paghahatol dahil tayo’y iniligtas na.’ Sinabi ni Apostol Pablo na ang mga legalista ay hindi maliligtas, bagkus ay mapapahamak at mahahatulan. Kailangang malaman na ang ganitong uri ng tao ay nabubuhay ayon sa kautusan upang malaman natin kung paano natin ipapahayag ang ebanghelyo sa kanila.
Marimi ang mga Legalista sa Mundo kasama na ang mga Judio
Hindi lamang tinukoy ni Apostol Pablo ang katotohanang hinugasan ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan. Tinukoy din niya kung paano nabubuhay ng marelihiyosong buhay ayon sa kautusan, gaya ng mga Judio, na sumasalungat at tiyak na mahahatulan. Sinasawalang-bahala nila ang pag-ibig ng Diyos, sa pagpapakitang nagdadalamahatin Siya para sa atin. Binale-wala nila ang ebanghelyo ng kapatawaran ng mga kasalanan, na nagsasabing inalis na lahat ng kasalanan ng sanlibutan dahil tayo’y kaawa-awa sa Kanyang paningin.
Hindi ba’t maraming legalista sa ating paligid na may marelihiyosong pamumuhay? Maraming mga legalista na naniniwalang na ang Diyos ay walang habag sa sanlibutan at hindi Niya hinugasan ang lahat ng ating mga kasalanan. Magkagayunman, may mga iilan na tinatanggap ang pag-ibig ng Diyos at tinawag na maging matuwid sa Kanyang harapan. May mga legalista rin na binabale-wala ang Kanyang katuwiran at hinahamak ang ebanghelyo ng Diyos sa kanilang isipan, hanggang sa ngayon. Ang huli ay tiyak na kalamangan, at nanlalamig silang tignan kaysa sa una.
Nais kong malaman ninyo na maraming tao sa inyong paligid na nagsasabale-wala ng kasaganaan ng kabutihan ng Diyos, pagpipigil at pagpapaumanhin gaya ng ginawa ng mga Judio. Tama ba o hindi? -Oo, mariming tao ang ganito.- Ang mga legalista’y nanghahamak ng ibang pa sa harapan ng Diyos. Ano ang hinahamak ng mga Judio? Ang ganap na kaligtasan ng Diyos.
Maraming tao talaga dito sa mundo ang naghahamak ng katotohanang si Jesus ay Anak ng Diyos, pati pa ang mga Judio. Ang mga Judio’y mamamayan ng Israel. Sinasabi nila, “Paano Siya naging Anak ng Diyos? Isa Siya sa mga propeta.” Ganito lang ang turing nila kay Jesus. Hinamak ng mga Israelita ang Anak ng Diyos at sinampal si Jesus sa pisngi at sinabing, “Ito’y kalapastangan sa Diyos!” (Mateo 26:65). Hinahamak din nila Siya ngayon. Hinamak ng mga Judio ang Diyos dahil hindi sila naniwala kay Jesus. Walang duda na binale-wala ng mga Israelita si Jesus dahil hindi sila naniwala sa Kanya. Ngunit, sa gitna ng mga Hentil anong paghamak ang ginawa ng mga legalista? Hinamak nila ang kasaganaan ng pag-ibig at katuwiran ng Diyos.
Ang mga Legalista ay Namumuhay ayon sa Kanilang mga Gawa
Sa sekta ng mga legalista, itinuturo nila sa kanilang mga tagasunod na ibigay ang kaliwang pisngi matapos masampal ang kanilang kanang pisngi. Hindi sila dapat magalit. Naturuan din sila paano ipangaral ang ebanghelyo, maglakad ng malumanay, paano ngumiti, at kung ano pa. Akala nila’y alam nila ang lahat ukol sa Banal na Kasulatan at iginigiit na ang kanilang orihinal na kasalanan ay napatawad, ngunit tumatanggap ng kapatawaran sa araw-araw na kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal araw-araw.
Gaya rin ng mga bagay na ito ay isang pananampalataya ayon sa kautusuan. Ang mga bagay na ito’y paghamak ng tao sa kasaganaan ng pag-ibig at kaligtasan ng Diyos. Sinasabi nila, “Ipinagmamapuri mong wala kang kasalanan, na ika’y matuwid, at tinanggap mo ang kapatawaran sa lahat ng iyong mga kasalanan dahil sa pananalig na hinugasan na ni Jesus!” inaakala nilang tinawag sila ng Diyos upang maging matuwid, kahit hindi naman sila talagang matuwid. Lahat ng mga legalista’y naniniwala sa ganitong mga maling doktrina. Samakatwid, dapat layuan ang mga legalista.
Matapos manalig kay Jesus, matatawag bang isang legalista ang tumatanggap ng araw-araw ng kapatawaran sa tuwing mangungumpisal? -Oo, ito’y legalista.- Nakakamtan ba ito sa mga gawa ayon sa kautusan o hindi? -Oo, nakakamtan ito.- Hindi ito mula sa pananampalataya. Ang mga taong nagpapahayag ng sila’y nabubuhay sa pamamagitan ng paggawa sa kautusan ay isang legalista. Hindi mabilang na mga tao ang kagaya nitong mga legalista sa ating paligid.
Natamo ni Apostol Pablo ang ganap na kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan lamang ng pananalig kay Jesu-Cristo. Subalit, ang mga Israelita na nananalig sa Lumang Tipan ayon sa kautusan, ay nananalig sa Judaismo. Matatawag bang legalista ang mga taong kabilang sa mga taong ito o hindi? Sila ang sumusunod sa kautusan; nagtuturo ng panlabas na mga gawa, gaya kung paano maglakad, kung ano ang dapat gawin at di dapat gawin.
Sa gayon, sinisi ni Apostol Pablo ang mga taong ito ng may maaskad na tinig. Ginawa niya ito ng mapitagan. Ang mga Kristiyano ngayon ay nangunguna sa lubos na pamumuhay ng legalistang buhay ayon sa kautusan. naniniwala sila, bagama’t sila’y pinabanal sa pamamagitan ng pananampalataya, ang kanilang mga kasalanan ay napapatawad sa araw-araw na pangungumpisal. Sila’y mga legalista at ang kanilang pananampalataya ay ayon sa kautusan.
Maraming magagaling na pastor ang nangangaral, sinasabing, “Tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya.” Subalit, sa huli’y sinasabi, “Ngunit kailangan mangumpisal sa kasalanang nagawa at nagsisi.” Ang mga pastor na ito’y legalista. Ibinabatay nila ang kaligtasan sa kanilang mga gawa, at hindi sa pananalig kay Jesu-Cristo.
Tayo ba’y mga legalista bago maligtas? -Oo.- Bago tayo isilang na muli, akala nati’y maliligtas tayo sa paggawa ng mabuti. Maraming tao ang nag-aakala pa rin ng ganito. Sinabi ng Diyos na sila’y magsisi. “Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan” (Mga Gawa 3:19). Subalit, hindi nagsisi ang mga taong ito. Matitigas ang kanilang mga ulo. Kaya’t muling nangusap si Apostol Pablo sa mga taong matigas ang ulo.
Ipinapahayag ng mga Legalista na Makasalanan sila Hanggang Kamatayan
Ating tignan ang Roma 2:5, “Datapuwa’t ayon sa iyong katigasan nat iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios.” Ang poot ng Diyos ay pakaingat-ingatan hanggang sa araw ng makatarungang paghahatol ng Diyos ay lubusang maihayag sa mga legalista.
Ngunit, matitigas ang ulo ng mga legalista na mas nais ipahayag na sila’y mga makasalanan sa harapan ng Diyos kahit itutok pa nila ang patalim sa kanilang mga leeg. Kapag nahaharap sa panganib, mas nais nilang ipahayag na sila’y makasalanan sa harap ng Diyos. Ibang tao nama’y ipinapahayag na permanente silang makasalanan sa harap ng Diyos hanggang sa araw ng kamatayan. Matitigas ang ulo nila! Sinasabi nilang sila’y mga makasalanan dahil hindi magawang mamuhay ayon sa salita ng Diyos, kahit pa naniniwala sa Diyos.
Ano ang sinasabin ng Diyos? Sinabi Niya, “Dahil hindi mo magawang mabuhay ayon sa mga salitang iniligtas kita. Inalis ko ang lahat ng iyong mga kasalanan at lubos na niligtas kita.” Hindi nila taglay ang pananampalataya kay Jesu-Cristo ni tinanggap ang katuwiran ng Diyos upang mapalaya sa mga kasalanan. Sa halip, iginigiit na sila’y mga makasalanan hanggang sa kanilang kamatayan dahil sinisikap nilang maligtas sa paggawa n mabuti batay sa kautusan at sa pananampalataya Jesu-Cristo. Dapat nilang malaman na darating ang panahon na sila’y hahatulan sa kanilang mga paniniwala at mga gawa.
“Datapuwa’t ayon sa iyong katigasan nat iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios.” Ang ibig sabihin ni Apostol Pablo, “Gaano katigas ang inyong mga ulo. Dapat kayong mahatulan sa inyong katigasan ng ulo at walang-pagsisising puso. Pinabibigat ninyo ang Kanyang poot.” Inalis ni Jesu-Cristo lahat ng mga kasalanan, kahit pa naniniwala siya o hindi. Kaya ang lahat ay naligtas mula sa lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Tayo’y naligtas sa ating tunay na pananampalataya sa katotohanang hinugasan ni Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan. Hindi natin kayang mamuhay ayon sa kautusan habang araw-araw naming nangungumpisal ng mga kasalanan upang matanggap ang kapatawaran, kaya’t magbalik tayo kay Jesu-Cristo mula sa Hentil na relihiyon. Tayo’y naitalagang magkasala hanggang sa kamatayan, kaya’t hindi maaaring maging matuwid sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon.
Maipapahayag mo bang ika’y matuwid hanggang kamatayan sa harap ng Diyos? O kaya’y maipapahayag mong wala kang magawa kundi ang manatiling makasalanan hanggang sa iyong kamatayan? -Maipapahayag nating kami’y matuwid.- Ito ba’y possible lamang sa pamamagitan ng pagdoktrina? Maaaring sabihin ng ibang tao na ito’y pagdodoktrina. Sino ang posibleng mabitag sa ganitong uri ng pagdoktrina? Wala ni isa.
Ating ipalagay na araw-araw ay mayroong nagdodoktrina sa iyo. Magagawa mong tapatang tumutol at sabihing, “Papaano iyon? Eh ano? Hindi ba’t maraming tao ang tututol sa ganitong paraan? Maniniwala lang tayo sa ibang bagay kung buong puso nating napatunayan ang katotohanan nito. Kung ang isang tao’y tangkang linlangin tayo sa paniniwalang hindi batay sa Biblia sa pmamagitan ng mga magagandang salita, ay hindi mangyayari. Kahit pa sa maliit na bagay. Alam natin na ang mga tao’y matitigas ang ulo, subalit nagiging maamo at naniniwala sa katotohanan kung ito’y batay sa salita ng Diyos.
Gaano Katigas ang Ulo ng mga Legalista
Gaano katigas ang kanilang mga puso. sinasabi nilang makasalanan sila hanggang sa huling minuto ng kanilang mga buhay. Maraming tao ang naniniwala sa Judaismo. Marami bang mga Kristiyano ngayon ang talagang naniniwala sa Judaismo? O wala? -Marami.- “Panginoon, isang makasalanan akong pumarito.” Maraming tao ang nagsasabing sila’y makasalanan sa harapan ng Diyos dahil nakikita nila ang kanilang mga kahirapan at mga araw-araw na kasalanang kanilang iniisip, kahit pa higit sa isang bilyon ang mga Kristiyano sa mundo at sampung milyong Kristiyano sa Korea. Ang mga taong ito’y sumusunod sa batas.
Ang mga Legalistay ay katulad ng mga Pariseo
Ako’y dati ring legalista bago manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Madalas kong iniisip dati na, “Paano ako magiging matuwid kung araw-araw akong nagkakasala?” Hindi na ngayon. Maraming tao na kilala mo ang matitigas ang mga ulo. Saan patutungo ang ganitong mga tao, ayon sa Biblia? Sila’y mahahantong sa impiyerno dahil pinabibigat nila ang poot ng Diyos sanhi ng katigasan ng ulo at hindi nagsisising puso. Ang mga legalista ay dapat ding magsisi nang minsan upang makapanumbalik sila habang namumuhay sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagpapasalamat. At tunay na manalig na inalis ni Jesu-Cristo ang lahat ng kanilang mga kasalanan.
Ngunit, masyadong matigas ang kanilang mga ulo na magsisi. Dapat silang kaawaan. Ayaw nilang magsisi bagama’t dapat. Maraming tao na umaasal upang Pariseo. Sinasalubong nila ng mahinahong pagbati, ang mga tao sa iglesia at sinasabing, “Kumusta na kayo? Ano na nangyari sa inyo?” habang tangan ang Biblia sa kanilang mga bisig. Ang kanilang mga mata’y nasa kalahatian ang sara habang sinasalubong mga mga tao ng may kayabangan tuwing Linggo. Sinisikap nilang magmukhang banal kaysa kay Jesus. Anong buti ba nito kung talagang banal sila araw-araw?
Alam mo ang sasabihin ng mga asawa ng mga pastor? Sasabihin nilang sila’y masaya sa tuwing nangangaral ang kanilang asawa sa pulpito dahil sa malumanay nilang pagsasalita sa pagsabi ng “banal at maawain” na paraan. Ngunit, nagbabago pagdating ng bahay, pag daka’y, ang asawa ng legalistang pastor ay ginawang tahanan ang likuran ng pulpito, dala ang lutuan, mag kumot at bigas, sapagkat ang asawa niyang parang basagulero sa bahay ay mahinahon sa likod ng pulpito. Tinanong ng pastor ang kanyang asawa kung anong ginagawa roon. Sumagot at sinabing gusto niya roon dahil si’ay mahinahon at ang kanyang tinig ay kalugod-lugod sa likod ng pulpito, ngunit kakaiba siya at naliligalig pagdating sa bahay.
Dapat Ipangaral ang Ebanghelyo
Tapat kong sinasabi, nawalan ako ng maraming marka sa aking asawa. Ito’y dahil sa sinabi ng aking asawa, “Ang tanging bagay na iniintindi mo ay ang ebanghelyo.” Hindi ako makagawa ng mabuti dahil hindi ako perpekto. Ang unang bagay na nagagawa kong mabuti ay ang gawain ng Diyos. Pangalawa, kailangan kong kalingain ang bahay. Pangatlo, kailangan kong asikasuhin ang mga gawain. Ito ang mga pagkasunod-sunod na kailangan kong gawin. Ito’y hindi lang sa ako’y pastor. Ginagamapanan ko ito alang-alang sa ebanghelyo. Hindi ko mapaglilingkuran ang ebanghelyo matapos lingapin ang aking mga gawain. Kaya’t, pinapahalagahan ko ang pangangaral ng ebanghelyo at inaasikaso ang mga ibang gawain matapos ipangaral ang ebanghelyo. Sa tingin ko hindi ako makakapangaral ng ebanghelyo habang tinatapos ko ang ibang mga bagay.
Umaasal na parang anghel ang mga legalista pag sila’y nakatayo sa pulpito. Pag-iyak sa mga kasalanan ang tinuturo nila sa mga tagasunod nila. Bawat legalista’y dapat tanggapin ang kapatawaran ng mga kasalanan matapos manalig kay Jesus sapagkat magiging masaya lamang pag naging walang-kasalanan. Ito lang ang paraan ng kaluluwa upang maging masaya. Ang tao’y nagkakasala at nakakagawa ng mahahalay na gawain habang patuloy na namumuhay, kung kaya’t ang isang tao’y nagkakasala sa kanyang puso, mas masahol pa ito kaysa sa impiyerno para sa kanya. Hinahatulan ng Diyos ang mga taong ganito.
Hindi ko mapigilang sabihin na maraming tao ang pinabibigat ang poot sa harapan ng Diyos. Ang mga hindi nagsisi, nagbalik-loob o nanalig kay Jesu-Cristo, habang pakungwaring naniniwala, ay mahahatulan ng galit ng Diyos. Hindi madadaya ang Diyos. Hindi nating madadaya, kahit pa mayroon tayong tunay na pananampalataya sa harapan ng Diyos o hindi. Mahahatulan tayo kung hindi tayo mananalig. Ang poot ng Diyos ay naihayag sa mga taong hindi taglay ang pananampalataya. Masusunog sila sa sumasagitsit na apoy ng impiyerno. Maraming tao ang masusunog sa impiyerno dahil sa hindi pananalig.
Samakatwid, kailangang ipangaral natin ang ebanghelyo. Patuloy nating palaganapin ang salita ng Diyos. Tuwing tayo’y magtitipon, isipin natin ang ebanghelyo at hindi ang ating mga sarili, bagkus magkaroon din ng oras na lingapin ang iba. Ang dahilan na dapat ipangaral ang ebanghelyo ay upang tulungan ang tao na maiwasan ang poot ng Diyos, bagama’t inuusig nila tayo at hinahamak ang pag-ibig ng Diyos.
Kailangang malaman natin ang sumusunod. Maraming tao sa paligid natin na matatanggap ang poot na ito. Dapat maingat nating isipin ang patungkol sa kung ipapatotoo natin ito o hindi, at bakit kailangang ipangaral natin ang ebanghelyo at tanggapin ang mga handog para sa iba. Masisiyahan ba ang Diyos kung hahayaan nating silang mahatulan ng poot ng Diyos? Hindi natin dapat pabayaan ng ganoon na lamang. Dahil sa matinding kaalamang ito, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo.
Kung may legalista sa inyong kasambahay, ang buong pamilya’y mahahatulan sa Kanyang poot. Ano ang poot? Sinasabi natin, “Kung hindi ka sumunod, ika’y tatamaan,” kapag hindi sumunod sa mga magulang. Mapapalo ng mga magulang ang kanilang mga anak kung di na nila makayanan ang kanilang mga anak. Aaminin ng mga anak ang kanilang mga pagkakamali at hihingi ng kapatawaran. Pinapatawad ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sila’y kanilang mga supling. “O hinahamak mo ang mga kayamanan ng Kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?” Subalit, hanggang kailan magpipigil ang Diyos? Magpipigil ang Diyos ng 70-80 taon sa mundong ito, subalit patuloy na mapapalo ng mga magulang ang kanilang mga anak matapos magpigil ng dalawa o tatlong beses. Magpipigil ang Diyos hanggang sa katapusan ng ating buhay.
Inihanda ng Diyos ang Apoy ng Impiyerno para sa mga Legalista
Magiging katapusan na kapag tangan na ng Diyos ang pamalo sa Kanyang kamay. Naghanda ng natutunaw na pugon ang Diyos para sa mga legalista, na naglalaman ng kumukulo at natutunaw ng mga bato at asupre. Binangong muli ng Diyos at naging walang-kamatayan ang kanilang mga katawan ng para sa poot ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang kanilang katawan na walang-kamatayan upang walang hanggan nilang mararamdaman ang hirap, at inilagay Niya sila sa natutunaw na pugon na hindi mapupulaan. Ang poot ng Diyos ang nagbangon sa kanila at magkaroon ng katawang hindi namamatay at walang hanggang maghihirap. Hindi sila mamamatay sa pagkakasunog, kahit pa matindi ang init at sasabihing, “At siya’y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang tiubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito” (Lukas 16:24).
Kailangan nating ipangaral ang ebanghelyo sa kanila kundi’y marahil sila’y mahahatulan. Ang dahilan kung bakit kailangan nating ipangaral ang ebanghelyo sa mga legalista sa paligid natin, kahit pa tayo’y hamakin at usigin, ay upang maligtas sila mula sa poot at kapahamakan. Nauunawaan mo ba kung bakit kailangang gawin natin ang makakaya, kung bakit interesado tayong maligtas ang iba, at kung bakit kailangang gastusin ang mga pera ng iglesia sa ministeryo ng pagpapalathala? Yayaman tayo kung gugugulin natin ang salapi para sa ating iglesia lamang. Makakakain tayo at makakapamuhay ng maayos.
Subalit, maraming materyal na bagay ang kakailanganin upang palawakin ang ebanghelyo sa buong mundo. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa ganitong paraan, ang ibang tao’y maligtas. Samakatwid, dapat nating iukol ang ating sarili sa pangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo. Kung hindi natin gagawin, matatanggap kaya ng iba ang kapatawaran ng mga kasalanan?
Kung hindi naming ipinangaral ang ebanghelyo sa inyo, maliligtas ka kaya, kahit pa iniligtas ka na ng Diyios? Hindi. Lahat tayo’y naging mga legalista bago tayo isilang na muli. Tayo’y may kasalanan kahit alam nating naniniwala tayo kay Jesus. Pumanaw na sana tayo sa mundong ito kung hindi natin narinig ang mabuting balita.
Hahayaan na lang ba natin silang mapuntang impiyerno at mamatay? Hindi. Hindi natin sila mahahayaang matungong impiyerno dahil alam natin ang ebanghelyo ng Panginoon at ang kaligtasan. Alam natin kung sino ang patungong impiyerno at sino ang makakapasok sa Kaharian ng Langit. Kung gayon, alalahanin natin sila, ipanalangin at ipangaral ang mabuting balita. Ang dahilan kung bakit naglilikom tayo ng pananalapi at gumugugol ng malaki para sa ministeryong ito ay dahil sa mga sumusunod: Ang iligtas ang kaluluwa ay mas makabubuti kaysa kamtan ang lahat ng bagay ng sanlibutan.
Ang dahilan kung bakit ipinangangaral ang ebanghelyo ng may pagpipigil at pananatili, kahit pa hinahamak at inuusig ng mga legalista, ay upang iligtas ang mga kaluluwa na mahahatulan ng poot ng Diyos.
Maaaring isipin mong, ‘Nakapagsulat ka ng mga madaling basahin na mga aklat ukol sa tunay na ebanghelyo at naikalat sa buong mundo parang mga maliliit na babasahin’ Nagawa sana kung ito ang madaling paraan ng pangangaral ng tunay na ebanghelyo. Subalit, dahil sa ito’y hindi umubra, kadalasa’y ginagawa naming ang lahat ng posibleng paraan at patuloy na nananalangin.
Kami na mangangaral ng ebanghelyo ay hindi nangangaral upang kumita ng anong bagay. Ipinapangaral nila ang ebanghelyo upang magligtas ng kaluluwa dahil alam nilang lahat ng kasalanan ay tiyak na patunong impiyerno. Ngunit, maraming legalista sa mundong ito ang naghahangad ng makamundong pita ng laman habang ipinagmamapuri ang debosyon sa Kristiyanismo. Kailangan nating maunawaan ang dahilan ng pagtuturo ng ebanghelyo sa mga legalista.
Kailangang malaman din nating kung bakit hinabilin ng Panginoon na ipangilin ang Araw ng Pamamahinga na maging banal mula sa Sampung Utos at kung bakit binabato hanggang mamatay ang hindi mangilin ng Araw ng Pamamahinga. Ipanapahiwatig ng Araw ng Pamamahinga ang ebanghelyo na hinugasan ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan. Kailangan din nating isaisip na hinugasan na ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan. Kailangang din nating ipangaral ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, kasama na ang katotohanang inalis na ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan.
Mukhang naipakita ko ang pagtatampo sa mga legalista sa loob ng sermong ito. Ngunit kailangan nating patawarin at tayo’y maging malawak ang ating pag-iisip patungkol sa kanila. Sila’y matatalaga sa impiyerno kung ititikom lang natin ang ating mga bibig. Kami na mga mangangaral ng ebanghelyo ay di-mapapahintulutan ang mga legalista na hamakin tayo sa kanilang mga pananalapi o kaya’y iladlad ang kanilang mga mahahalay na inpluensiya sa atin.
Kailangang ipangaral ang ebanghelyo sa ating kapamilya at sa ibang mga kaluluwa
Kailangang ipangaral ang ebanghelyo sa lahat, maging ang ibang mga tao. Alam natin na ang mga kaluluwa ay mahahalaga gaya ng ating mga kamag-anak. Ipalagay din natin ang mga iba na mahalaga sila dahil tayo’y pantay-pantay sa harapan ng Diyos.
Hindi ko mapigil ang aking sarili sa pagsabi ng katotohanan ng kaligtasan sa tuwing mangangaral ako dahil ang mga kaluluwa’y patungong impiyerno. Iligtas natin sila para hindi matungong impiyerno. Kailangang ipangaral ang ebanghelyo sa ating mga pamilya at mga kaibigan, ipangaral sa pamamagitan ng mga babasahin kung kinakailangan, at ipanalangin ang aming pangangailangan. Kailangang ipangaral ito sa iba’t-ibang pamamaraan. Maghanda tayo ng piging kapag isang kaluluwa’y maligtas. Nadaragdagan ang mga kaluluwa sa tuwing magkakaroon kami ng ‘revival’ sa pangangaral ng ebanghelyo. Kung minsa’y, bumabalik ang mga tao sa mundo kahit pa hindi halos naipangaral ang ebanghelyo sa kanila. Tapos, tayo’y puno ng hinagpis. Subalit sa kalaona’y, maipapangaral natin ang ebanghelyo na walang damdaming pagkabigo.
Nais kong malaman ninyo ang isang bagay ngayon. Tandaan na maraming mga legalistang Kristiyano sa ating paligid at dapat nating ipangaral ang ebanghelyo sa kanila. Nagkukunwari silang sumusunod sa kautusan, kahit pa wala silang magawa kundi ang magkasala araw-araw, at inaakala nilang makakamtan nila ang kapatawaran ng mga araw-araw na kasalanan sa pamamagitan ng pangungumpisal araw-araw.
Tinanggihan nila ang ebanghelyo na nagsasabing inalis na ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan. Inaakala nilang inalis ni Jesus ang kanilang orihinal na kasalanan, at hindi ang araw-araw na kasalanan, sapagkat hindi nila alam ang tunay na kapatawaran ng mg kasalanan. Ang mga taong hindi alam ang katotohanan ng kaligtasan ay tinatawag na mga legalista. Kailangan tulungan nating silang maligtas mula sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos.