• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 2-3] Ang Pagtutuli ay Yaong sa Puso (Roma 2:17-29)

2021.04.12 26
(Roma 2:17-29)
“Ngunit kung ikaw na may taglay na pangalang Judio, at nasasalig sa kautusan, at nagmamapuri sa Dios. At nakaalam ng Kaniyang kalooban, at samasangayon sa mga bagay na magagaling, palibhasa’y tinuruan ka ng kautusan. at nagkakatiwala ka na ikaw ay taga-akay ng mga bulag, ilaw ng mga nasa kadiliman, Tagasaway sa mga di nakakaalam, guro ng mga bata, na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan. Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka? Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? Ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay nanakawan mo ang mga templo? Ikaw na nagmamapuri sa kautusan, sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios? Sapagkat ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Hentil dahil sa iyo, gaya ng nasusulat. Sapagkat ang pagtutuli’y tunay na pinakikinabangan, kung tinutupad mo ang kautusan; datapwa’t kung ikaw ay masuwayin sa kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli. Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan, hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli? At ang di pagtutuli sa katutubo, kung tumupad ng kautusan, ay hindi baga hahatol sa iyo na may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan? sapagka’t siya’y hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman; datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.”
 
 
Kailangang Tuliin ang ating Puso
 
“Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Naligtas tayo nang manalig tayo sa pamamagitan ng ating puso. Kailangan tayong maligtas sa puso. Sinabi ng Diyos, “Siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios” (Roma 2:29). Dapat nating makamtan ang kapatawaran ng kasalanan sa ating mga puso. Kung wala ang kapatawaran ng kasalanan sa ating puso, ito’y walang-bisa. Ang tao’y mayroong “panlabas kalooban at panloob na kalooban,” at bawat isa’y dapat matamo ang kapatawaran ng kasalanan sa kalooban.
Sinabi ni Apostol Pablo sa mga Judio, “Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Kung gayon ano ang tinuli ng mga Judio? Tinuli nila ang bahagi ng laman. Gayon pa man, sinabi ni Apostol Pablo na, “Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Ang mga Judio’y nagtuli ng kanilang laman ngunit sinabi ni Pablo na ang pagtutuli ay yaong sa puso. nakikipag-usap ang Diyos sa ating puso nang tayo’y Kanyang maging mga anak.
Hindi tinutukoy ni Pablo ang pagtuli sa panlabas, kundi ang pagtuli at ang kapatawaran ng kasalanan ay sa puso. Kaya’t nang sinabi niyang, “Ano nga kung ang ilan ay hindi nangasisampalataya?” (Roma 3:3). Ang ibig sabihin, “Kung mayroong hindi naniwala sa puso.” Hindi niya tinutukoy ang panlabas na paniniwala, bagkus sinabi niya, “Maniwala sa puso.” Dapat nating malaman kung ano ang ibig sabihin ni Apostol Pablo at kung ano ang pagpapatawad ng kasalanan. Kailangan din nating matutunan kung paano kamtan ang kapatawaran ng kasalanan sa ating mga puso sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
“Ano nga kung ang ilan ay hindi nangasisampalataya?” ay pinapakahulugang “Paano kung hindi naniwala ang mga Judio kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, kahit pa sila’y inapo sa laman?” Ang kanila bang di-paniniwala’y mawawalang-bisa ang katapatan ng Diyos?” Ang katotohanang pag-aalis ng Diyos ng lahat ng ating mga kasalanan, kasama ang kasalanan ng mga inapo ni Abraham ay mawawalang-bisa? Hindi kailanman. Sinabi ni Pablo na maging Judio, na inapo ni Abraham sa laman, ay maaaring maligtas kapag sila’y nanalig na si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagkapako sa Krus. Sinabi rin niya na ang kaligtasan at biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay hindi mawawalang-bisa.
Sinabi ng Roma 3:3-4, “Ano nga kung ang ilan ay hindi nangasisampalataya? Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat datapuwa’t ang bawat tao’y sinungaling; gaya ng nasusulat, ‘Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, at makapagtagumpay kung ikaw ay mahatulan. Datapuwa’t kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko ba ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao). Huwag nawang mangyari: sapagkat kung gayo’y paanong paghatol ng Dios sa sanlibutan?’” Pinangako ng Panginoon sa Kanyang salita at binanal ang mga mananampalataya sa pagtupad ng Kanyang pangako sa pamamagitan ng Kanyang sarili. Nais ipakita ng Diyos ang Kanyang katuwiran at ipawalang-sala ang mga taong nagkaroon ng pananampalataya kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang salita sa pagtupad ng Kanyang pinangako nang Siya’y hatulan. Kahit pa tayo, na nakatamo ng kapatawaran ng kasalanan sa ating mga puso, ay nais ding mahatulan sa pamamagitan ng Kanyang salita at nais na magtagumpay sa pamamagitan ng Kanyanga salita kapag tayo’y nahatulan.
 
 
Nagsalita si Apostol Pablo patungkol sa Panlabas at Panloob ng Sarili 
 
Nagsalita si Pablo tungkol sa “panlabas at panloob ng sarili.” Tayo rin ay mayroong panlabas at panloob ng sarili, kundi ang laman at ang espirito. Tayo’y katulad din niya. Kaya’t binigyan ni Pablo ng pansin ang usaping ito.
Sinasabi sa Roma 3:5, “Datapuwa’t kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko ba ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao).” Hindi ibig sabihin ni Pablo na ang kanyang panlabas ng sarili ay walang-bahid. Ang kanyang laman ay madumi at patuloy na nagkakasala hanggang sa siya’y mamatay. Gayon din lahat ng tao sa sanlibutan. Gayon man, kung iniligtas na ng Diyos ang mga taong iyon, hindi ba ito nagpapakilala ng Kanyang katuwiran? Hindi ba makatarungan ang Diyos kung iniligtas Niya ang sangkatauhan, bagamat mahina ang kanilang panlabas na sarili? Kaya’t sinabi ni Pablo, “Liko ba ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita ako ayon sa pagkatao). Huwag nawang mangyari: sapagkat kung gayo’y paanong paghatol ng Dios sa sanlibutan?” (Roma 3:5-6). Pinaliwanag ni Pablo na hindi tayo naligtas dahil sa ating panloob na sarili ay walang-bahid.
Mayroon tayong panlabas at panloob na sarili. Gayon pa man, tumungod si Pablo sa kaharian ng puso sa pagsabing, “Paano kung ang iba’y hindi nanalig? Ang kanilang bang di-pananalig ay mawawalang-bisa ang katapatan ng Diyos? Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Hindi ito tunay na pananampalataya kung tayo’y naging matuwid sa una at magiging makasalanan sa susunod na araw sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ating pananampalataya na kabatay sa ating panlabas na sarili na nagkakasala at may kahinaan.
 
 
Ang panlabas ng tao ay laging nagkakasala hanggang kamatayan
 
Hindi inilagay ni Pablo ang kanyang pag-asa sa kanyang panlabas na sarili. Ang mga taong nahugasan ng mga kasalanan ay mayroon ding panlabas at panloob na sarili. Ano ang mararamdaman nila kung makita nila ang kanilang panlabas na sarili? Wala silang magagawa sa pagkakabigo. Ating tignan ang ating panlabas na sarili. Minsan tayo’y mabuti, subalit minsan tayo’y talagang kasuklam-suklam. Ngunit sinabi ng Biblia na ang ating panlabas na sarili ay napako sa Krus kasama si Jesu-Cristo. Namatay ang ating panlabas na sarili, at pinatawad ni Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan sa panlabas.
Tayo na mga naligtas ay madalas mabigo sa ating panlabas na sarili kapag tinitignan natin ang ating panlabas na sarili. Waring tayo’y umaasa kapag mabuti ang ating panlabas, subalit nabibigo sa tuwing hindi nakakamtan ang mga inaasahan. Nauuwi ang ating isipan na ang ating mga pananampalataya ay nawawasak kapag tayo’y nabibigo sa ating panlabas na sarili. Subalit, hindi ito dapat. Ang ating panlabas na sarili ay napakong kasama ni Cristo. Ang taong may kapatawaran ng mga kasalanan ay patuloy na magkakasala rin sa pamamagitan ng pisikal na mga katawan. Ngunit hindi ba ito isang kasalanan? Oo, ito’y kasalanan, ngunit isang patay na kasalanan. Ito’y patay dahil ang mga kasalanan ay tinangay sa Krus kasama ang Panginoon. Ang kasalanang nagagawa ng panlabas na sarili ay hindi seryosong suliranin, subalit ito’y seryosong bagay dahil ang ating mga puso ay hindi nararapat sa harapan ng Panginoon.
 
 
Kailangang Manalig tayo sa Ating Puso
 
Maraming kasalanan ang nahahayag sa mga matuwid matapos na makamtan ang kapatawaran ng kasalanan. Samakatwid, ang kaligtasan ng Diyos ay di magiging ganap kung ibabatay ang kaligtasan sa ating panlabas na katauhan na walang magawa kundi ang magkasala bawat sandali. Ang ating mga pananampalataya ay malilihis mula sa pananampalataya sa Diyos, kung siya ring taglay ni Abraham, kung ilalagay natin ang ating pananampalataya batay sa mga gawa ng ating panlabas na laman.
Sinabi ni Apostol Pablo, “Ang pagtutuli ay ayon sa puso.” Tayo’y pinabanal at naging matuwid dahil sa pananalig sa puso at hindi ayon sa mga gawa ng panglabas na katauhan. Ang pagbabanal ay hindi nakabatay sa kung ano ang ating panlabas na katauhan at kung ginagawa ang sinasabi ng Diyos o hindi. Nauunawaan mo ba ito? Ang suliranin ay parehong mayroon tayong panlabas at pangloob na sarili at iot’y magkatulad. Sa gayon, minsan tayo’y naglalagay ng higit na timbang sa ating panlabas ng katawan. Tayo’y nagiging mapagtiwala ng mbuti sa ating panlabas na sarili, ngunit nabibigo kapag hindi. Hindi ito ang wastong pananampalatayang sinasabi ni Pablo.
“Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Ano ang tunay na katotohanan? Paano natin malalaman at maniniwala sa pamamagitan ng ating puso? Sa Mateo 16, tinanong ni Jesus si Pedro, “Ano ang ibig sabi ninyo kung sino Ako?” Pagkatapos ay ipinahayag ni Pablo ang kanyang pananampalataya, sa pagsabing, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay.” Si Pablo ay naniwala ng ganoon sa kanyang puso. sinabi ni Jesus, “Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagkat hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.” Sinabi ni Jesus na ang pananampalataya ni Pedro ay totoo.
Hindi nagkaroon ng anak si Abraham. Inakay siya ng Diyos ng Kanyang salita at pinangako na bibigyan Niya siya ng anak at siya’y magiging ama ng maraming bansa. At sinabi rin Niya na ang Diyos ay magiging Diyos sa kanya at sa kanyang lahi. Sinabi ng Diyos kay Abraham, na ang kanyang pamilya’t inapo ay tutuliin bilang tanda ng tipan sa pagitan ng Diyos at ni Abraham. “At kayo’y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama, at ito ang magiging tanda ng Aking tipan sa inyo,” ang sabi ng Diyos. Nanalig si Abraham sa tipan nang buong puso. nanalig siya na ang Diyos ay magiging Diyos niya at pagpapalain ang kanyang puso. Naniwala rin siya na ang Diyos ay magiging Diyos ng kanyang inapo. Siya’y mismong nanalig sa Diyos.
 
 
Tayo’y naging Matuwid dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito sa pamamagitan ng Puso
 
Tayo’y naging matuwid dahil sa pananalig ng ating puso na ang Diyos ay ang ating Diyos, ating Tagapagligtas. Tayo’y naligtas dahil sa pananalig ng ating mga puso. Hindi tayo naligtas ng kung ano pa man. Tayo’y naging matuwid dahil sa pananalig ng ating mga puso na ang Diyos ay ang ating Diyos at inalis Niya lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus. Ang pananalig sa pamamagitan ng ating mga puso ang magliligtas sa atin. Kaya’t sinabi ng Biblia, “Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid, at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10).
Ang dapat nating linawin sa ganitong pagkakataon ay maging matuwid sa pamamagitan ng ating mga puso, at hindi dahil sa ating walang-bahid na mga gawa ng ating laman. Hindi tayo magiging matuwid kung si Jesus ay naglakip ng kundisyon para sa ating panlabas na sarili at sabihing, “Aalisin ko lahat ng inyong mga kasalanan, ngunit sa isang kundisyon. Magiging anak Ko ikaw kung iiwas ka sa kasalanan. At hindi ka magiging anak Ko kung mabibigo ka.”
Tayo’y naging matuwid dahil sa pananalig ng ating mga puso. Tayo ba’y magiging matuwid kung lalagyan ng Diyos ng kundisyon ang ating panlabas na katauhan? Maniniwala ka ba na iniligtas ka ng Diyos nang alisin Niya ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan, sa pagkakapako at paghatol alang-alang sa iyo?” Paano mo paniniwalaan ito? Maniniwala ka ba sa pamamagitan ng iyong puso? Ganap ka bang maliligtas kung sinabi ng Diyos, “Patatawarin Ko ang iyong maliliit na kamalian subalit hidi ang mga malalaki. Mawawalang-bisa ang iyong kalayaan kung mabibigo kang tuparin ang kundisyon?”
 
 
Dapat nating Ihiwalay ang Panglabas na Katauhan sa Panloob na Katauhan
 
Ang ating laman, ang panlabas na katauhan, ay laging mahina at hindi maaabot ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan nito. Tayo’y naging matuwid sa pamamagitan ng ating puso sa harapan ng Diyos dahil ipinangako Niya na ililigtas ang sinumang mananalig sa pamamagitan ng kanilang mga puso. Dahil nakikita natin ang ating pananampalatayang  pagtanggap sa ginawa ng Diyos at dahil sa kinuha at inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating puso, ginawang anak na matuwid tayo ng Diyos.
Sinabi ng Diyos na pag nakikita natin ang ating pananampalataya sa ating mga puso, tayo’y Kanyang magiging mamamayan. Dapat nating ihiwalay ang ating panlabas na katauhan mula sa ating panloob na katauhan. Wala sa mundong ito ang makakatamo ng kapatawaran ng kasalanan kung ibabatay natin ant ating kaligtasan sa mga gawa ng ating panlabas na laman. “Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Tayo’y naligtas dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng ating mga puso. Nauunawaan ninyo ba ito? “Sapagkat ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid, at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Iniwalay ni Apostol Pablo ang panlabas na katauhan sa panloob na katauhan.
Ang panlabas na katauhan ay masahol pa sa dumi ng aso. Ito’y walang halaga. Hindi na kailangang gamitin pa si Abraham bilang halimbawa. Tignan mo ang iyong sarili. Tignan mo ang iyong sarili na walang halaga. Ang laman ay dudulog sa panlilinlang sa pagsisikap na makamtan ang mataas na panlipunang katayuan at mamuhay ng may kasaganaan. Di ba’t ang laman ay laging walang magagawa kundi hanapin ang sariling kapakanan? Ang laman ay mahahatulan nang higit pa sa labing-dalawang beses isang araw kung ito’y mahahatulan kung paano ito mag-iisip at kumilos. Ang laman ay laban sa Diyos.
Sa kabutihang palad, hindi pinapansin ng Diyos ang patungkol sa ating panlabas na katauhan, ngunit binibigyan lang Niya ng pansin ang ating panloob na sarili. Nililigtas tayo kung nakikita Niya na talagang nananalig tayo na si Jesus ay ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating mga puso. sinabi Niya sa atin na iniligtas tayo mula sa lahat ng ating mga kasalanan.
 
 
Hindi tayo Maliligtas sa Pamamagitan ng Ating Sariling Isipan.
 
Ating tignan ang ating sariling kaisipan. Inaakala natin na maaari tayong maniwala lamang sa pamamagitan ng ating mga kaisipan. Maaari tayong maniwala sa pamamagitan ng ating mga kaisipan ng ating laman, inaakalang, “Ako’y naligtas dahil iniligtas ako ng Diyos’ Ngunit, hindi tayo maaaring maligtas sa pamamagitan ng ating mga kaisipan. Ang makasalanang kaisipan ay pabago-bago at laging gumagawa ng kamalian. Ito ba’y totoo? Ang mga kaisipan ng mahahalay na isipan ay nais gawin ito at iyan ayon sa kanyang pita.
Ipalagay nating mayroong naglagay ng kanyang pananampalataya na nakabatay sa kanyang kaisipan. Magtitiwala siya sa kanyang kaligtasan habang ang kanyang kasalukuyang kaisipan ay sumasang-ayon sa dati niyang isipan, ito’y ang, ‘Inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa Ilog Jordan.’ Ngunit, dahil sa ang kaisipan ng laman ay hindi matatag, pag isang maliit na pagdududa ay sumalakay sa kanyang mahinang kaisipan sa kaligtasan. Ang maling pagkatatag ng pananampalataya batay sa makalamang kaisipan ay mahuhulog sa isang hampas ng pagdududa.
Hindi tayo tunay na makakapanalig sa Kanya at sa katotohanan kung ibabatay natin ang ating pnanam sa ating mga kaisipan. Ang ganitong pananampalataya ay katulad ng isang bahay na itinayo sa buhanginan, “At lumagpak ang ulan, at bumaha, at umihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon, at nabagsak” (Mate 7:27).
Samakatwid, ang pananampalataya ng isang taong nananalig sa pamamagitan ng kanyang kaisipan ay malayo sa pananampalatayang nababatay sa salita ng Diyos. Sinabi ng Diyos, “Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, at makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan” (Roma 3:4). Ang ating pananampalataya ay batay sa Kanyang salita. Ang Salita ay nagkatawang-tao at nanirahang kasama natin, at ang Salita ay Diyos. Ang Salita ay pumarito sa mundo sa wangis ng tao. Iniligtas tayo ni Jesus at kinuha Siya paitaas matapos ang Kanyang 33 taong pamumuhay sa mundo, at inakay Niya ang Kanyang mga Apostol upang isulat ang salita ng pangako, ito’y ang katuparan ng Lumang Tipan na Kanya ring sinabi sa Kanyang lingcod noon. Sinulat ng Diyos ang Kanyang mga sinabi at ginawa sa Biblia. Ang Diyos ay nagpapakita sa loob at kasama ang Salita, nangungusap na kasama ang Salita at nagliligtas sa atin kasama ang Salita.
 
Hindi natin matatamo ang ganap na kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng ating sariling mga kaisipan, samantalang hindi naman din naniniwala sa Kanyang salita, at iniisip, ‘Waring ligtas ako kung minsan, subalit hindi ko mapaniwalaan ang kaligtasan ng Panginoon kung minsan.’ Hindi tayo maaaring maligtas sa pamamagitan ng ating mga kaisipan dahil ang ating kaisipan ay laging nagbabago at laging hindi totoo.
Kung gayon, sinasabi ni Apostol Pablo na ang pagtutuli ay yaong sa puso at naniniwala tayo sa Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng puso. Kapag nanalig ang ating puso sa Kanyang salita, pinapatotoo na ipangako ng Diyos ito sa Lumang Tipan at tinupad ang Kanyang pakikipagtipan. Iniligtas Niya tayo gaya nito sa Bagong Tipan sa pamamagitan ng Kanyang salita. Tayo’y naligtas at naging Kanyang mga anak sa pananalig sa Kanyang mga salita sa pamamagitan ng ating mga puso.
 
 
Tayo’y Naligtas mula sa mga Kasalanan sa Pamamagitan ng Pananalig ng ating Puso sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espirito
 
Tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya dahil ang puso ay tinatanggap ang Diyos, subalit ang ating kaisipang mahalay ay hindi tinatanggap Siya. Nagiging anak tayo ng Diyos dahil sa pananalig ng ating mga puso, hindi dahil sa mga gawa o mga kaisipang panlabas na katauhan. Maliwanag na tayo’y naging anak ng Diyos dahil sa pananalig sa Kanyang salita sa pamamagitan ng ating mga puso. naniniwala ka ba sa pamamagitan ng iyong puso? Naniniwala ka ba sa iyong puso na si Jesus ay iyong Tagapagligtas? Ang isang taong nananalig sa Anak ng Diyos ay nasa kanya na ang magpapatotoo. Nasa iyo ba ang magpapatotoo ng salita na ganap na iniligtas tayo ni Jesus, at hindi ang sariling karanasan ang magpapatotoo. Nasa iyo ba ang salita na nagbigay sa iyo ng paglilinis sa kasalanan? Ang magkaroon ng tunay na pananampalataya ay ang maging ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya.
Tinanggap natin ang kapatawaran ng mga kasalanan dahil sa pananalig sa salita ng Diyos sa ating mga puso. Subalit, lagi-lagi tayong nabibigo sa tuwing nakikita natin ang kahinaan ng ating panlabas na katauhan. At pagkatapos ay malamang na aatras tayo sa pananalig sa Diyos. Ang isang tao na hindi lubos na nauunawaan ang katotohanan ay nasa ilalim ng isang guni-guni. Karamihan sa mga Kristiyano ay gumagawa ng batayan ng kanilang pananampalataya sa sariling mga gawa. Iyan ay malaking kamalian. Hindi natin dapat sukatin ang ating mga pananampalataya sa sariling kaisipan. Hindi natin dapat ibatay ang ating pananampalataya sa ating laman dahil ang laman ay walang saysay. Ang Lumang Tipan at Bagong Tipan ay sinasabi sa atin na ang isang tao’y magiging matuwid kapag nanalig siya sa salita ng Diyos ayon sa kanyang puso. Hindi tayo naligtas sa kasalanan dahil sa ating kaisipan o mga gawa, bagkus dahil sa pamamagitan ng pananampalataya. Kahit pa tayo’y magkasala o gumawa ng mabubuting gawa ay walang kinalaman sa Diyos at sa Kanyang kaluwalhatian.
Kung gayon, ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya ay upang maligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa katotohanan ng kaligtasan ng salita ng Diyos sa ating puso. ang ating mga pananampalataya ay mali kung ang ating mga puso ay mali at wasto ang ating pananampalataya kung wasto ang ating puso. Ang wastong pag-uugali ay nagmumula sa wastong pananampalataya. Maling asal ang lalabas dahil sa ang puso ay mahina. Subalit ang mahalagang bagay ay tumitingin ang Diyos sa puso. tumitingin ang Diyos sa puso at sinisiyasat ito. Tumitingin ang Diyos kung ang puso ay wasto o hindi. Tumitingin ang Diyos kung tayo’y talagang nanalig sa puso o hindi. Nauunawaan mo ba? Alam mo bang tumitingin ang Diyos sa ating mga puso? tumitingin ang Diyos kung nananalig tayo kay Jesu-Cristo sa ating puso kapag tinitignan ang ating mga puso. Nananalig ka ba sa iyong puso?
Nagmamasid ang Diyos kung nananalig tayo sa ating puso o hindi sa tuwing nakatingin Siya sa atin. Tumitingin Siya sa ating mga puso. Kailangan nating siyasatin ang ating mga puso sa presensiya ng Diyos. Ang pagtutuli ay yaong sa puso. Nananalig ka ba sa pamamagitan ng iyong puso? tumitingin ang Diyos sa puso. Tumitingin Siya kung talagang nalalaman natin ang katotohanan at kung kailangang ipagpatuloy ito o hindi. Tumitingin Siya kung mayroon tayong pananampalataya sa ating mga puso o wala at kung nais natin Siyang sundin at manalig sa Kanyang salita.
 
 
May mga Sekta na Pinapahalagahang Mabuti ang Eksaktong Araw at Oras ng Pagkasilang na Muli
 
Mahalagang magkaroon ng hustong kaalaman kung ano ang ginawa ni Jesus at paniwalaan ito sa puso. May mga sektang sinasabi sa mga kapatiran sa iglesia na hindi sila ligtas. Nahahabag ako sa mga kaluluwang sa ganitong mga sekta. Nais kong maunawaan nila ako at ituro sa kanila ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Nalinis na ba ang inyong mga kasalanan? -Amen.- Naniniwala ka ba sa iyong puso?
Ngunit may mga taong nagsasabi na ang ating mga pananampalataya ay hindi tama. Sinasabi nila na hindi natin dapat paniwalaan gaya ng nasusulat bagkus ay paniwalaan lamang kung ano ang napatunayan ng siyensiya. At ito raw ang ganap na kaligtasan at ganap na pananampalataya. Sinasabi nila na taong isinilang na muli ay kailangang malaman ang eksaktong oras ng kanyang kapanganakang muli (oras, araw, buwan). Nang makikipagkita si kapatid na Hwang sa isa sa kanila, tinanong niya si kapatid na Hwang kung kailan siya isinilang na muli, kaya’t sumagot si kapatid na Hwang at sinabing hindi niya alam ang eksaktong araw at oras, ngunit siya’y isinilang na muli sa pamamagitan ng paniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, hindi lamang tiyak noong isang taon. Kaya’t sinabi niya na hindi ligtas si kapatid na Hwang.
Siyempre, maaarin nating sabihin ang eksaktong oras at araw at buwan at taon kung babalikan natin ang ating kapanganakang-muli. Maaari rin nating sabihin kung umaga, tanghalian, hapon o gabi. Datapwat, ang kaligtasan ay nakasalalay sa pananalig ng puso. Hindi mahalaga kung hindi mo matandaan ang eksaktong oras.
 
 
Ang Pagtutuli ay Yaong sa Puso
 
Kinuha ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan sa Ilog Jordan at napako sa Krus alang-alang sa atin at hinatulan dahil sa mga kasalanan. Siya’y nasugatan dahil sa ating pagkakasala at nagkapasa dahil sa ating mga kalikuan. Kinuha Niya lahat ng mga kasalanan ng ating panlabas at panloob na katauhan. Ang ating mga espirito’y bumangon muli mula kamatayan at ngayo’y makakasunod na tayo sa Panginoon ayon sa Kanyang kagustuhan, kahit pa ang ibang tao’y sabihin na tayo ay hindi ligtas.
Ano ang sinasabi ng Biblia patungkol sa ating panlabas na katauhan? Parami ng parami ang mga kahinaan ang nahahayag matapos kamtan ang kapatawaran sa kasalanan. Bagama’t lahat ng ating mga kahinaan ay hindi pa nahahayag, maraming kakulangan naman ang lilitaw. Subalit, naligtas tayo kung maniniwala tayo sa ating puso na ang Diyos ay ating Diyos at kinuha ni Jesus lahat ng ating mga kasalanan sa Ilog Jordan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagkapako sa Krus.
Hindi tayo maihahambing sa ibang tao na nagbibigay halaga sa araw ng kapanganakang muli at pinapaniwalaan lamang ang napatunayan ng siyensiya. Malinaw, na hindi sila ligtas. Nananalig tayo sa ating puso na tayo’y matuwid. Naniniwala ka bang si Jesu-Cristo ang ating Tagapagligtas?   -Amen.- Ang pananampalataya ay nagmumula rito at inaakay tayo ng Panginoon ang ating mga puso mula sa oras na yaon. Sinabi ng Panginoon na tayo’y Kanyang matuwid na mga anak at ang ating pananampalataya ay tunay. Pinagpapala Niya ang ating mga puso at nais Niyang sumunod tayo sa Kanya ng buong puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Pinamumunuan tayo ng Diyos at pinagpapala Niya tayo kung kapag tayo’y lumalakad kasama Siya sa pamamagitan ng pananampalataya sa ating mga puso.
“Ang pagtutuli ay yaong sa puso.” Tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ng ating mga puso. Maraming tao sa mundo ang nagsasabing ang pananalig sa ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang puso ang magliligtas sa kanila. Kinikilala nila na ang mga gawa ng panlabas na katauhan ay higit na mahalaga ng kanilang pananampalataya. Sinasabi nila na ang pagkakaroon ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ay hindi makakakay sa kanila tungo sa kaligtasan dahil hinahaluan nila ang kanilang pananalig sa puso ng kanilang sariling mga walang-bahid na gawa.
Sanhi nito, sila ay higit na nagmamalasakit kung gaano ang nagawa ng panlabas na katauhan at gaano kadalas ang pag-aalay nila ng pangungumpisal. Sila’y malayo sa kaligtasan kahit pa inaakala nilang sila’y ligtas sa kanilang mga kasalanan.
 
 
Tumitingin ang Diyos sa puso
 
Naniniwala tayong magiging matuwid sa pamamagitan ng ating mga puso. Ito ay iniwalay ng buong kalinisan mula sa panlabas na laman at walang kinalaman sa ating mga gawa. Ang kaligtasan mismo ay walang kaugnayan sa ating mga gawa. Nakapanariwa ka ba matapos malaman na ang lahat ng iyong mga kasalanan ay inalis na? Nais mo bang paglingkuran ang Panginoon ng mga kagalakan? Pinangangaral mo ba ang ebanghelyo ng mga kagalakan? Ang puso’y nagiging mapagpasalamat at nagagalak dahil pinasiyahan ng Diyos ang ating mga pananampalataya nang tayo’y manalig sa pamamagitan ng ating mga puso. Kung kaya, ang puso ay napakahalaga sa Diyos.