• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 3-1] Panimula sa Roma Kabanata 3

2021.04.12 36
Sinabi ni Pablo na ang di-pagsampalataya ng mga tao ay hindi nawalang bisa ang katapatan ng Diyos. Ang pagpapatuloy sa Kabanata 2, tinukoy ni Apostol Pablo sa kabanatang ito na ang mga Judio ay walang kahigtan sa mga Hentil. Sa kabanatang ito ay inihambing ni Pablo ang kautusan at ang katuwiran ng Diyos, na nagpahintulot sa mga makasalanan na kamtan ang Kanyang katuwiran at akayin sila sa tunay na buhay. Iginiit din niya sa kabanatang ito na ang kaligtasan mula sa kasalanan ay di dahil sa kanilang mga gawa, kundi dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos.
 
Sinabi ni Apostol Pablo na kahit pa ang mga Judio at ibang tao ay hindi maniwala sa katuwiran ng Diyos, ang kanilang di-pagsampalataya ay hindi mawawalang-bisa ang Kanyang katuwiran. Ang Diyos ay hindi sinungaling at ang Kanyang katapatan ay hindi maglalaho. Hindi mawawalang-bisa ang katuwiran ng Diyos dahil lang sa hindi paniniwala ng mga Judio. 
Ang katuwiran ng Diyos na pinangaral ni Pablo ay hindi mawawalang-bisa dahil lang sa kanilang di-paniniwala. Sino man ang maniwala sa kaligtasang binigay ng Diyos sa mga makasalanan at makakamtan ang katuwiran ng Diyos, at ang katuwirang ito ay ganap na di-maabot ng kaisipan at kabutihang-asal ng tao. 
Sinisi ni Pablo ang mga taong hindi naniwala sa katuwiran ng Diyos dahil ginawa Siyang isang sinungaling. Sinabi ng Diyos na ganap Niyang iniligtas ang tao mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran subali’t hindi sila naniwala rito, kung kaya’t, Siya’y naging isang sinungaling. Gayon pa man, ang katuwiran ng Diyos ay hindi napawalang-bisa. 
 
 
Paano Nahayag ang katuwiran ng Diyos?
 
Ang mga hindi naniwala sa katuwiran ng Diyos ay mahahatulan dahil sa kanilang mga kasalanan. Maaari nating mapatunayan ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng kaligtasang Kanyang pinagkaloob. Ang mga naniwala sa Kanyang katuwiran ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at nakamtan ang buhay na walang hanggan. Samakatwi’d, bawa’t isay ay pagpapalain dahil sa paniniwala sa katapatan ng katuwiran ng Diyos.
Ang katuwiran ng Diyos ay hindi mali, ito’y tunay. Ang lahat ay sinungaling sa harap ng Diyos. Nguni’t gumagawa ang Diyos gaya ng Kanyang pinangako at tumutupad sa mga pangako. Kung kaya’t, ang katuwiran ng Diyos ay nagtatagumpay laban sa kasinungalingan ng tao. Ang tao ay dapat maniwala sa katuwiran ng Diyos. Hindi nagbabago ang Diyos sa Kanyang sinabi, kahit pa laging nagbabago ang asal ng tao ayon sa kanilang palagay. Ang Diyos ay nanatiling totoo sa Kanyang mga sinabi sa sangkatauhan.
 
Sinasabi sa Roma 3:5, “Datapuwa’t kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Diyos, ano ang ating sasabihin?” Ang kalikuan ng sangkatauhan ay inahayag ang katuwiran ng Diyos.
Ang katuwiran ng Diyos ay tuluyang nahahayag sa pamamagitan ng ating mga kahinaan. Ito’y dahil gaya ng nasusulat, si Jesus mismo ang makatuwirang nagsagawa upang iligtas ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan. Kung kaya’t, ang katuwiran ng Diyos ay lalong nagliwanag pa dahil sa kahinaan ng tao. Ang katotohanang ito’y makikita sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, na puspos ng katuwiran ng Diyos. Ang dahilan dito ay dahil lahat ng tao ay nagkasala hanggang sa sila’y mamatay at ang pag-ibig ng Diyos ay higit kaysa sa mga kasalanang iyon. Ang pag-ibig ng Diyos ang nagliligtas sa lahat ng makasalanang marurupok dahil sa mga kasalanan.
Napagtagumpayan ng Panginoon ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan at natapos Niya ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanan. Walang sinuman ang makakapamuhay ng walang-sala. Dahil sa ang tao’y tinalagang patungong impiyerno, inaalagaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig, at ito ang Kanyang katuwiran.
Tayong mga taong sinungaling mula pa sa ating kapanganakan ay tinanggihan ang katuwiran ng Diyos sa hindi paniniwala sa Kanyang mga salita. Ang sangkatauhan ay nararapat sa kapahamakan sa harap ng Diyos dahil wala sa mga gawa nila ang katanggap-tanggap sa Kanyang paningin. Ngunit iniligtas tayo ng Diyos mula sa ating mga kasalanan sa pamam ng Kanyang pag-ibig dahil sila’y winasak ng panlilinglang ni satanas at lahat sila’y nagkasala. Gayon pa man, pinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak upang iligtas ang tao mula sa mga kamay ng Diablo at sa kapangyarihan ng kadiliman.
Sinabi ni Apostol Pablo na ang tao ay maaaring subukang umasal ng mga magagandang-asal araw-araw, ngunit wala siyang magagawa kundi ang magkasala sa buong buhay niya. Subali’t, ang kasamaan ng taong iyon ay lalong ihahayag ang katuwiran at pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, ang tao’y walang katuwiran kaya’t kailangan ng mensaherong gaya ni Apostol Pablo. Alam niya at nakamtan ang katuwiran ng Diyos, kung kaya’t taglay niya ang pakikipisan ng Banal na Espirito. Iyan ang dahilan kung bakit naipapangaral niya ang Kanyang katuwiran.
 
 
Ang Ebanghelyo Pinangangaral ni Pablo ay Batay sa Katuwiran ng Diyos
 
Ang ebanghelyo na pinangangaral ni Pablo ay batay sa katuwiran ng Diyos. Kailangang ipangaral ni Pablo ang ebanghelyo dahil mahal ng Diyos ang mga makasalanan at inililigtas sila mula sa kanilang mga kasalanan. Ang pag-ibig ng Diyos sa kaligtasan ay nasa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Kung gayon, ang kapatawaran ng mga kasalanan ay nakasalalay sa ating paniniwala sa katuwiran ng Diyos. Subali’t, ang problema ay ang pangkaraniwang pag-aakala ng tao na sila’y dapat mamuhay ng walang-bahid-dungis upang maligtas sa harapan ng Diyos. Ang tao’y hindi maaaring maging mabuti ayon sa kanilang mga pinagbabatayang katutubong ugali; ang pagiging mabuti sa panlabas ay nagiging balakid lang sa pagkamit ng katuwiran ng Diyos. Kailangang was akin ng tao ang kanyang nakapirming kaisipan sa pamumuhay ng walang-bahid-dungis upang matanggap ang ebanghelyo ng espirituwal na pagtutuli, na pinagkaloob ng Diyos.
Wala sinuman sa mundo ang tunay na magiging mabuti. Kung gayon, paanong ang makasalanan ay maliligtas mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan? Kailangan nilang itapon ang mga kaisipan na dapat silang mamuhay ng mabubuting buhay upang maligtas. Maraming tao ay tumatangging isuko ang kanilang mga kaisipan at mga pananampalataya; kaya’t, hindi sila ganap ng naligtas sa kanilang mga kasalanan. Ang katuwiran ng Diyos, na inihayag sa esperituwal na pagtutuli, ang nagpabatid sa atin kung paano ang ating kalikuan ay nakakatulong na ipinakilala ang pag-ibig ng Diyos at gaano kadakila ng Kanyang katuwiran. Sa dahilang ito, ang mga naniniwala sa katuwiran ng Diyos ay ipagmamapuri ang katuwiran ng Diyos at hindi aang kanila. Tanging ang katuwiran ng Diyos ang ipinagmamalaki ng mga matuwid at itinataas ang Kanyang katuwiran ng mataas dahil ito’y mula sa Diyos.
 
Itinuro ni Apostol Pablo ang layunin ng kautusan sa mga legalista na naniniwalang sila’y patunong langit kung sila ay gagawa ng mabubuting gawa, subali’t kung hindi sila mamumuhay ng walang-bahid-dungis matapos manalig kay Jesus, hindi nila maaabot ang katuwiran ng Diyos. Ang kautusan ay parang salamin na inahayag ang kasalanan ng tao. Itinuro ni Pablo na ang tao ay may malaharing pananampalataya at ang kanilang pananampalataya ay mali. Ito ang katuruan ni Pablo at ang kanyang patnubay patungkol sa katuwiran ng Diyos.
Nagsalita si Pablo sa mga taong sumusunod sa mga bulaang guro na nag-aakalang hindi maaaring maging matuwid at walang kasalanan matapos manalig kay Jesus. Tinuturo niya sa mga di-mananampalataya na manalig sa katuwiran ng Diyos at maging ligtas sa paghahatol. Sinabi ni Pablo sa mga hindi naniniwala sa kaligtasan ng tubig at dugo ni Jesus ay nasa ilalim ng paghahatol at dahil sa hindi sila nanalig sa Diyos, marapat sa kanila na mahatulan. Sinabi niya na ang mga makasalanan ay dapat magbalik sa katuwiran ng Diyos at tanggapin ang Kanyang katuwiran upang mapalaya mula sa kakila-kilabot na paghahatol.
 
 
Kung gayon Maaari pa ba Tayong Magkasala pa Dahil sa Paniniwala sa katuwiran ng Diyos?
 
Sinasabi sa talatang 7, “Datapuwa’t kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati Niya, bakit pa naman ako’y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?” Kung gayon tayo ay tinuturing na walang kasalanan, may kalayaan ba tayong magkasala pa? Ipinakita ni Pablo ang puntong ito. Dahil sa iniligtas na tayo ng Diyos sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, may kalayaan ka na bang magsinungaling pa ng lubos? Kung naniniwala ka, kaiilangan mong malaman na hindi mo nauunawaan ang katuwiran ng Diyos at iya’y paninirang-puri sa Kanyang katuwiran.
Kahit ngayon, maraming tao ang naninirang-puri sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso; hindi ito kakaiba noong lumang panahon. Sinulat ni Pablo ang kasulatang ito halos 2,000 taong nakalipas at kahit pa noon, maraming tao ang nahuhumaling sa kanilang sariling pag-iisip.
 
Magpahanggang ngayon, karamihan sa mga Kristiyano, na hindi pa isinisilang na muli, ang nagkakaroon ng maling unawa na kapag ang tao’y walang kasalanan, ay maaari siyang magkasala ng sinasadya. Ang mga hindi isinilang na muli ay naninirang-puri sa mga matuwid na isinilang na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, ayon sa kaisipan ng kanilang mga laman at nagsasalita ng kapinsalaan sa mga binanal na ipinanganak na muli. Ang mga naturingang Kristiyano ay nanirang-puri sa mga tunay na Kristiyanong isinilang na muli sa pamamagitan ng kanilang mga kaisipang walang pananampalataya. Ang totoong pananampalataya ay di-mauunwaan ng laman. Ang kasalanan ay mga bagay na nagawa sa iyong buong buhay. Ang mga matuwid at hindi matuwid ay parehas na nagkakasala. Datapuwa’t, ang mga tumatanggi ng katuwiran ng Diyos ay may pagkakasala habang ang mga naniniwala ay walang kasalanan.
Sinabi ni Pablo sa mga di-mananampalataya, “Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? Ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga sa pagtatapat ng Diyos? Huwang nawang mangyari” (Roma 3:3-4). Dahil lang sa ang sangkatauhan ay di-nanalig sa katuwiran ng Diyos, ang kanilang hindi paniniwala ay hindi magwawalang-halaga sa Kanyang katuwiran. Kung isang tao’y naniwala sa katuwiran ng Diyos, siya’t naligtas. Gayon pa man, kung isang tao’y hindi naniwala, hindi niya matatamo ang Kanyang katuwiran. Ganyan nga. Ang katuwiran ng Diyos an mananatiling walang pagbabago magpakailanman. Ang mga patungong impiyerno ay hind naniwala sa bautismo at dugo ni Jesus at hindi malilinisan ang kanilang mga kasalanan. Ang katuwiran ng Diyos, na nag-aakay sa mga mananampalataya upang isilang na muli, kailan man ay hindi mawawalang-bisa dahil lang sa hindi pagsampalataya ng iba.
 
 
Ang Pagkakamit ng Katuwiran ng Diyos ay Hindi sa Pagsisikap ng Tao
 
Ang pagkakamit ng katuwiran ng Panginoon ay walang kinalaman sa pagsisikap ng tao. Ito’y kaugnay sa ating mga pananampalataya sa katotohanan na ang katuwiran ng Diyos ay ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Ang taong naniniwala sa katotohanan ng tubig at ng Esiritu ay makakamtan ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya, subalit ang isang taong hindi naniniwala sa katuwiran ng Diyos at tatanggapin ang hatol ayon sa katotohanan ng mga salita ng Diyos.
Kamakatuwid, pinadala ng Diyos si Jesus sa mundo at ginawa Niya Siyang batong katitisuran at isang bato na magbubuwal sa mga suwail sa katuwiran ng Diyos. Maraming tao ang kusang-loob na hingin ang impiyerno dahil ayaw paniwalaan ang katuwiran ng Diyos, kahit pa si Jesus na katitisuran at batong magbubuwal sa kanila, ay nagbigay sa kanila ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging Tagapagligtas nila. Kahit pa ang pinakamasamang tao ay napagkalooban ng pag-asa upang maging matuwid at kamtan ang buhay na walang hanggan. Maging ang isang tao na gumagawa ng mabubuting gawa ay hindi maliligtas sa kapahamakan kung hindi maniniwala sa katuwiran ng Diyos, na magbibigay sa kanya ng kapatawaran sa kasalanan at isilang na muli.
Dahil kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, sinumang may kasalanan ay patungong impiyerno. Naging katitisurang bato si Jesus at magbubuwal sa mga nagsusumikap na itatag ang sariling katuwiran at maging sa pagpasok sa Langit na di taglay ang katuwiran ng Diyos. Ito ang sanhi ng pagkawasak ng tao, na kahit pa naniniwal kay Jesus, ngunit hindi naman sa Kanyang katuwiran.
 
Sinasabi naman ng iba na sila’y makasalanan kahit naligtas na sa kasalanan, subali’t walang tao ang matatawag na, ‘makasalanang ligtas.’ Paano magiging makasalanang muli kung naligtas na sa kasalanan? Wala ng kasalanan ang nailigtas na sa kasalanan at ang tao may kasalanan pa kung hindi pa natatamo ang kaligtasan mula sa kasalanan. Wala kahit isang tao ang nagtataglay ng kasalanan sa Kaharian ng Langit. Sinabi ng Diyos, “Kaya’t ang masama ay hindi tayo sa paghatol, ni ang makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid” (Awit 1:5).
Inilalagay ng tao ang kanilang sarili sa malaking katanungan kung paano maging matuwid habang gumagawa ng kasalanan araw-araw. Subali’t, hindi na nila dapat alalahanin pa ito. Ang pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos ay maaari lamang dahil inalis na ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan, kasama na ang mga kasalanan bukas, napunta sa Kanya dahil sa bautismo sa Ilog Jordan at ang pagkamatay sa Krus, sa gayo’y natupad ang lahat ng katuwiran ng Diyos. Ang mga makasalanan ay magiging matuwid sa pamamagitan lamang ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. May pag-uutang ka pa ba kung gayong nabayaran na lahat ng iyong pagkakautang?
Inalis na ng Panginoon lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Iniligtas ng Panginoon ang mga taong may lubos na pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, kaya’t wala ng kahatulan para sa kanila, gaano man sila kahina. Lahat tayo’y maaaring mgaing matuwid sa pananalig sa katuwiran ng Diyos.
 
 
Kaisipang Pantao ang Magdadala sa Atin sa Kamatayan
 
Ang kaisipan ng tao ang maghahatid sa atin sa kamatayan. Ang kaisipang pang-espirituwal ay magmumula sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Possibleng pangibabawan ng Diablo ang kaisipan ng tao. Walang magagawa ang tao kundi ang magkasala sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo at dugo ni Jesus. Hindi magiging matuwid ang isang tao dahil sa pag-iiwas sa kasalanan. Ang isang tao’y hindi ganap na matuwid sa pamamagitan ng pisikal na pagbabago upang maabot ang banal na kalagayan. Isang kamangmangan sa isang Kristiyano na nag-iisip na siya’y makakapasok sa langit dahil sa siya’y isang banal na hindi nagkakasala sa harap ng Diyos.
Maaaring maligtas tayo ng minsanan sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa katuwiran ng Diyos. Dagdag nito, lahat ng makasalanan ay maaaring maligtas ng lubos mula sa kanyang kasalanan kung maniniwala sa biyaya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, at mag-akay upang ipanganak na muli. Waring parang imposible sa isang tao na maging walang kasalanan sa pananaw ng isang tao. Subali’t, ito’y possible sa pamamagitan ng pananampalataya sa salita ng Diyos. Ang isang tao’y hindi maaaring mamuhay ng hindi nagkakasala sa pamamagitan ng katawan ng tao, ngunit ang puso ay mawawalan na kasalanan kung tunay na nananalig sa katuwiran ng Diyos. Kailangang masiyahan ang pagnanasa ng katawan at imposibleng pigilin ang katawan na magkasala dahil ito’y laging nananabik sa kasiyahan. Sinasabi ng Diyos ang katotohanan; maaari lamang maging matuwid sa pagkakaroon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, na pinagkaloob ng Diyos. Hindi tayo maaaring makapasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ng laman. Makakapasok lamang tayo Langit dahil sa paniniwala sa katuwiran ng Diyos.
 
 
May Pagkakaiba ang Espirituwal na Kaisipan sa Kaisipan ng Laman
 
Ang mga kaisipan ng laman ay di-mauunawaan ang katotohanan na maaari lamang na mawala ang kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya at maging matuwid, at isilang na muling Kristiyano. Sapagka’t alam nila na kahit pa mangumpisal sa mga kamalian, magkakasala muli bukas.
Subali’t, kahit pa hindi maaari sa isang tao ang maging matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, ito’y lubos na magyayari sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Ito’y dahil sa pagtanggap ng Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng bautismo at dugo ni Jesus. Nagpapahintulot upang maging matuwid at tawagin ang Diyos na Ama. Kung gayon, dapat mong malaman na ang tunay na pananampalataya ay nagsisimula sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay di-nagsisimula sa kaisipan ng laman, kundi sa pananampalataya sa mga salita ng katotohanan.
Maraming tao ang hindi pa isinisilang na muli ang di-magawang takasan ang kanilang mga kaisipan sapagka’t tuwina silang nakakulong sa kanilang mga sarili. Hindi masasabi ng mga taong ito na sila’y naging matuwid dahil sila’y nakapag-iisip lamang sa pamamagitan ng kanilang kaisipang makalaman, kahit pa sinasabi nilang sila’y naniniwala kay Jesus. Masasabi lamang ng isang tao na siya’y walang kasalanan kung naniniwala siya sa mga salita ng espirituwal na pagtutuli kalikip ang katuwiran ng Diyos.
Kung gayon, kung nais ng tao na kamtan ang katuwiran ng Diyos, kailangan siyang makinig sa mga salita ng katotohanan mula sa mga taong isinilang na muli at maniwala ng kanilang mga puso. Ang Banal na Espirito ay nananahan sa bawa’t matuwid na nananalig sa katuwiran ng Diyos. Nawa kayong mga kapatid ay tandaan ang mga katotohanang ito. Kung talagang nais ninyong kamtan ang pagpapala ng isang isinilang na muli, pahihintulutan ka ng Diyos upang makatagpo ka ng isang taong ipinanganak na muli at nananalig sa Diyos.
 
 
Sinabi mo na Walang Sinuman ang Matuwid?
 
Sinasabi ng talatang 9 at 10, “Ano nga? Tayo baga’y lalong mabuti kaysa kanila? Hindi, sa anomang paraan. Sapagka’t ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan. Gaya ng nasusulat, ‘Walang matuwid, wala, wala kahit isa!’” Nasusulat na wala ni isang matuwid, wala, wala ni isa.
Ano ang ibig sabihin nito? Tinutukoy ba ng mga salitang ito ang ating kalagayan bago o matapos isilang na muli? Tayong lahat ay mga makasalanan bago isinilang na muli. Ang mga salitang “wala ni isang matuwid” ay nagsasabi sa kalagayang bago tinupad ni Jesus ang ministeryo ng pagtatanggal sa lahat ng kasalanan ng sanlibutan. Hindi maaaring maging matuwid ang isang taong hindi nananalig kay Jesus.
 
Kung gayon, ang mga salitang, “pagpaparagdag ng kabanalan” ay nagsimula sa mga taong naglilingkod sa mga ereheng relihiyon o mga dios-diosan. “Wala ni isang matuwid, wala, wala kahit isa.” Sa tingin mo ba’y maaaring maging matuwid ang isang makasalanan sa paggawa ng pagsasanay at pagpapaunlad sa sarili? Walang maaaring matuwid sa pamamagitan ng kanyang sarili.
“Wala ni isang matuwid, wala, wala kahit isa.” Wala ni isa ang magiging matuwid o naging matuwid sa pamamagitan ng kanyang maayos na pamumuhay. Wala kahit isang tao ang naging walang-bahid-dungis sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Ito’y possible lamang sa pamamagitan ng paniniwala sa espirituwal na pagtutuli kalakip ng katuwiran ng Diyos.
Sinasabi ng talatang 11, “Walang makatalastas, walang humahanap sa Dios.” Wala ni isa ang nakakaunawa sa sarili niyang kasamaan. Sa madaling salita, wala kahit isa ang nakakaunawa na siya’y patungong impiyerno. Hindi rin nauunawaan ng isang makasalanan na siya’y makasalanan. Nabubuhay ang isang makasalanan kahit hindi lubos na nauunawaan na siya’y patungong impiyerno dahil sa kanyang mga kasalanan. Tinatangka ng isang tao na kamtan ang kaligtasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pag-uunawa na nararapat siya sa impiyerno dahil sa kasalanan. Subali’t, wala ni isa ang nakakaunawa ng kanyang likas na kasamaan sa harap ng Diyos o ang kanyang kapalaran patunong impiyerno.
 
Tayo ba’y kapaki-pakinabang o hindi sa harap ng Diyos? Ang buong sangkatauhan ay walang silbi hangga’t hindi isinisilang na muli. Kahit pa tayo’y naging matuwid salamat sa Kanya, hindi ba tayo ang taong lumalaban sa Diyos, tumatangging maniwala sa katotohanan at sinisisi Siya?
Kung gayon, paano maluluwalhati ng makasalanan ang Diyos? Kung hindi pa naiaayos ang kaniyang sariling suliranin sa kasalanan, paano niya mapupurihang ang Diyos? Ang pagpupuri ng isang taong nasa kalagayan ng makasalanan ay hindi tunay na pagsamba. Paano mapupuri ng isang makasalanan ang Diyos? Hindi makapagbibigay ng luwalhati sa Diyos ang isang makasalanan, at hindi Siya tumatanggap ng anumang bagay sa gayong tao.
Sa panahong ito, ang ministeryo ng papuri ay lumaganap sa buong mundo. Subali’t, ang mga naniniwala sa katuwiran ng Diyos ang nakapagpupuri sa Diyos. Sa tingin mo ba’y masisiyahan ang Diyos sa pagpupuri ng isang makasalanan? Ang pagpupuri niya’y parang paghahandog ni Cain. Bakit tatanggapin ng Diyos ang walang-kabuluhang pagpupuri at makasalanang puso?
Sa talatang 12 ay sinasabi, “Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.” Ang mga makasalanang yaon na “nagsisilihis” ay hindi nalalaman ang mga dakilang gawa ng Diyos para sa kanila, at di-naniniwala sa Kanya maging sa Salita ng katotohanan. Dagdag nito, ang mga makasalanan ay hindi lamang tumatanggi sa pagtalima sa salita ng Diyos o naniniwala dito, bagkus ay laging nag-isip ng mahalay na pagkiling yon sa kanilang sariling mga kaisipan. Kaya’t, hindi nila makita ang kaibhan ng kung ano ang tama’t mali sa harap ng Diyos.
Ang tamang pagpasiya ay maaari lamang sa pamamagitan ng mga salita ng katotohanan kalakip ang katuwiran ng Diyos. Ang mabuting desisyon at wastong paghahatol ay magagawa lamang sa kaloob ng katuwiran ng Diyos. Kailangan mong malaman na ang lahat ng makatarungang paghahatol ay hindi mula sa kalooban ng tao, kundi sa kalooban ng katuwiran ng Diyos. Sinasabi ng tao, “Ako ay nakapag-iisip sa ganitong paraan at naniniwala sa sarili kong pag-iisip, kahit ano pa ang sabihin ng Biblia?” subalit’, nawa’y maunawaan mo na ang taong hindi magwaksi ng sariling kaisipan na gaya nito ay isang taong tumatanggi sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng makasariling katigasan ng ulo. Samakatuwid, ang kaisipang ganito ay hindi pahihintulutang bumalik sa katuwiran ng Diyos.
 
 
Ang Kaisipan ng Laman ang Maghahatid sa Espiritu ng Tao sa Kamatayan
 
Ang isang taong hindi isinisilang na muli ay sarili niya mismo ang maghahatol. Ang mga taong ito ay hindi talaga pinapansin nag mga nakasaad sa mga salita ng Diyos, bagkus, kung may isang bagay na iba sa kanilang sariling kaisipan, sinasabi nilang ito’y mali at sumasang-ayon lamang sa ibang bahagi ng mga salita na ugma sa kanilang mga kaisipan. Sinabi ng Biblia na ang tao’y nagsisilihis tungo sa kanilang sariling mga kaisipan at kasakiman. Kung siya’y umaasang maligtas mula sa mga kasalanan sa pinakamainam na paraan, kailangan niya ang katuwiran at katarungan ng Diyos. Kung gayon ano ang Kanyang katarungan?
Ang katarungan ng Diyos ay ang katuwiran ng Diyos at dapat mong malaman na ang salita ng Diyos ay ang kailangan para sa matuwid na katarungan ng Diyos. “Sa pasimula Siya ang Verbo, at ang Verbo ay ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1). Sino ang taong ito na tinatawag na “ang Verbo”? Sino ang taong sumasa Diyos Ama at Banal na Espirito? Siya ang ating Tagapagligtas, si Jesu-Cristo. Si Jesu-Cristo ay naging Tagapagligtas natin at Hari ng mga hari. Si Jesus ay Diyos.
Sinabi sa Juan na sa pasimula ay may Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos. Oo, ang Panginoong Jesus ay ang ating Panginoon. Ang Salita ay Diyos at Siya ang nagpapakilala ng larawan ng Kanyang persona (Hebreo 1:3). Ang Tagapagligtas ay Diyos. Samakatuwid, dahil ang Salita ay ang Diyos mismo, ang Kanyang mga salita ng katuwiran ay kakaiba sa kaisipan nating mga tao. Kailangan mong malirip na ang mga makasalanan ay nangangahas na unawain ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling pang-unawa kapag sila’y mangmang sa Kanyang katuwiran. Ang isang tao na mahigpit ang pagtangan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos ay kapaki-pakinabang na tao na gagamitin ng Diyos. Ang isang tao na tumatangan ng mahigpit at tumatalima sa salita ng Diyos ay isang taong mananampalataya at kapaki-pakinabang sa harap ng Diyos. Ang uri ng taong ito ay pagpapalain.
Lahat ng tao ay lumalaban sa Diyos sa pamamagitan ng sariling mga kaisipan at mga kasalanan. Kailangan mong malaman na ang taong nagkukunwaring banal at mabuti, o nagkukunwaring mabait at maawain sa iba, ang lahat ng ito’y gawaing paimbabaw na nagmumula sa kaisipan ng tao na naglilinlang sa Diyos. Ang pagkukunwaring mabait ay laban sa Diyos. Walang mabuti kundi ang Diyos. Kung hindi tatanggapin ng Kristiyano ang pag-ibig na Kanyang tinupad at ang Kanyang katuwiran ng kaligtasan ng hindi isinisilang na muli, ito’y paglaban sa Diyos at pagsuway sa katotohanan.
Sa tingin mo ba’y tanging ang mga taong nakagawa ng matinding kasalanan sa mundong ito ang makakatanggap ng paghahatol ng Diyos? Lahat ng mga hindi naniniwala sa katuwiran ng Diyos ay hindi maliligtas sa nangangalit na poot ng Diyos.
Ang taong di-naniniwala kay Jesus ay puno ng hindi maiwasang akala sa pamumuhay ng mabuti. Sino ang nagturo ng ganyang ideya? Si satanas ang gumawa nito. Subali’t, ang tao ay walang kakayahang mamuhay ng mabuti mula nang kapanganakan. Kung kaya’t, sinabi ng salita ng Diyos sa atin na dapat nating tanggapin ang kapatawaran ng mga kasalanan. Ibig sabihin ba’y dapat sadyaing magkasala upang ang biyaya ay sumagana? Hinding-hindi. Dahil sa ang tao’y nahawaan ng kasalanan mula sa araw ng pagsilang, sila’y naitalagang matungo sa impiyerno sanhi ng mga sugat sa nakakahawang kasalanan. Dahil dito, sinabi ng Diyos sa kanila na tanggapin ang pagpapatawad sa mga kasalanan na inihanda ni Jesus para sa kanila. Siya ang Diyos ng kaligtasan at ipinapayo sa ating lahat na tanggapin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagtanggap sa salita ng Kanyang katuwiran, na siyang katotohanan, tungo sa ating mga puso.
 
 
Ano Likas sa Sangkatuhan?
 
Sinasabi sa mga talatang 13-18, “Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; nagsisigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi. Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbubo ng dugo, kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan. At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakikilala. Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.”
 
“Nagsisigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila.” Anong husay mandaya ang mga taong ito! Nasusulat sa Juan, “Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan ay nagsasabi siya ng sa ganang kaniya” (John 8:44). “Sinasabi ko ang katotohanan, ito ang katotohanan. Nauunawaan mo ako?” Lahat ng mga salita ng taong hindi ipinapanganak na muli ay matapang niyang iginigiit na ang kanyang mga sinasabi ay totoo.
Ang taong hindi pa isinisilang na muli ay walang magagawa kundi magsinungaling sa tuwing makikipag-usap sa tao. Iginigiit niya na lahat ng kanyang mga sinasabi ay totoo, subali’t ito ang kabalighuang katibayan na nagpapatunay na sa tuwing siya’y magsisinungaling, dinadaya niya ang tao sa pagsabing ito ang totoo. Lahat ng bagay sa isang taong hindi pa isinisilang na muli ay hindi totoo ang sinasabi dahil hindi siya naniniwala sa katuwiran ng Diyos.
 
Ang isang manunuba ay hindi na gagawa ng masama matapos aminin na ang kanyang ginagawa ay isang panlililang. Siya’y nagsasalita ng parang tunay. Nakikipag-usap siya sa tao na parang tunay at dalisay upang pagkatiwalaan. Sinasabi ko sa inyo ang totoong-totoo. Kung ipupuhunan mo ang iyong ibang salapi rito, kikita ka ng limpak-limpak na salapi. Isang milyon lang at sa loob ng isang taon, tatanggap ka halos dalawang milyon higit pa sa iyong puhunan. Pagdating ng dalawang taon, kikita ka ng mas maraming salapi. Ito ang pinakabagong paraan ng hanapbuhay at tiyak na sigurado. Halika, magmadali at magpasiya agad dahil marami ang nais sumali.” Ito ang sinasabi ng manunuba. Ilagay sa iyong isipan na ang taong hindi nakatamo ng kapatawaran ng mga kasalanan ay nandadaya sa pamamagitan ng kanyang bibig.
 
Sinabi ng Biblia na sa tuwing magsisinungaling si satanas, nagsasalita siya sa sarili niyang katalinuhan. Bawa’t taong hindi isinisilang na muli mula sa kasalanan ay nakapagsisinungaling. Hindi kataka-taka na ang ministrong nagsasabing sila’y yayaman kung maghahandog ng malaking halaga ng ikapu sa iglesia. Dagdag dito, sinasabi niya na kapag naging isang matanda ng iglesia siya, ang taong yaon ay yayaman sa pamamagitan ng ‘di-mapigilang pagpapala ng Diyos.’ Bakit ang tao’y nagsisikap na maging matanda ng iglesia? Ito’y dahil sa mga kasinungalingan ng mga bulaang ministro ng nagsasabing pupunuin ng Diyos ang isang tao ng kayamanang material kapagdaka siya’y naging matanda ng iglesia. Maraming mga Kristiyano ang nabawian na ng kanilang mga ari-arian matapos sikaping maging matanda ng iglesia. Labis-labis na pamimintuho ang ibinuhos nila para sa mga manunubang ministro dahil sa pagnanais na maging matanda ng iglesia.
 
Atin muling pansinin ang Roma 3:10. Ang salitang “gaya ng nasusulat,” ay ipinakikita sa atin na ang mga sumusunod na mga talata ay mga sipi mula sa Lumang Tipan. Sa halip na magbigay ng karagdagang paliwanag, inulit niya ang eksaktong salita mula sa orihinal na Kasulatan: “Sapagka’t walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na masama; Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; Sila’y nanganunuya ng kanilang dila” (Awit 5:9). “Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, at sila’y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: Ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas” (Isaias 5:9). Ang mga taong patungong impiyerno sanhi ng hindi nila pagkilala sa katuwiran ng Diyos ay mga kaawa-awa.
 
Sinasabi sa talatang 19, “Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios.”
Nagbibigay ng kapootan ang kautusan (Roma 4:5). Binigay ng Diyos ang kautusan sa mga hindi pa isinilang na muli upang ipaunawa sa kanila na sila’y mga makasalanan. Itinuturo ng kautusan sa bawa’t makasalanan na siya’y walang kakayahang mamuhay ayon sa Kanyang kautusan. maliwanag na sinasabi ng Diyos na hindi ibinigay sa atin ang kautusan upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan nito. Sinabi ng Diyos na ibinigay Nya ang kautusan sa atin sa pamamagitan ni Moises upang ipaalam na tayo’y mga makasalanan. Nais Niyang ipabatid sa atin ang ating kasalanang likas sa pamamagitan ng kautusan at hindi para tuparin. Ang tungkulin ng kautusan ay upang ipakita kung gaano walang kasapatan at gaano ang kahinaan nating mga tao.
Kaya’t sinabi ng talatang 20, “Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin Niya; sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” Walang laman ang magiging ganap sa Kanyang paningin dahil sa mga gawa ng kautusan. Hindi lamang para kay Pablo mismo, kundi sa lahat ng mga ibang lingkod ng Diyos, “sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin Niya.” Wala sinuman ang makakasunod ng kautusan, wala ni isa ang makakatupad nito, at wala pang nakasunod nito. Samakatuwid, walang maaaring maging matuwid sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan.
Maaari ba tayong maging matuwid dahil sa pagsunod sa kautusan? Kapag nakikita natin ang mga talatang ito, madali nating naiisip na maaari nga tayong maging banal, unti-unti, hanggang sa huli ay mararating ang pagbabanal sa pamamagitan ng mabubuting pamumuhay dahil sa mga gawa, matapos maging mananampalataya kay Jesus. Subali’t, hindi ito ang katotohanan. Ang nagsasabing makakapasok sa Kaharian ng Langit sa pamamagitan ng unti-unting pagbabanal ay isang tiyak na kamalian.
 
Lahat ng mga hindi isinisilang na muli ay nasa ilalim pa rin ng kautusan ng Diyos, ang kautusan ng kasalanan at ng kamatayan (Roma 8:2). Ito’y dahil kapag ang isang tao’y naging Kristiyano, inaakala niyang siya’y dapat mamuhay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Pakiramdam ng mga Kristiyano na tungkulin nilang tuparin ang kautusan sa pamamagitan ng mga gawa, ngunit ang katotohana’y, hindi nila kaya ang mamuhay ng lubos sa pamamagitan ng kautusan. Kaya sila’y nangungumpisal araw-araw. Hindi nila nalalaman na sila’y nahuhulog sa putik ng walang-pag-asang relihiyon; gaya ng Kristiyanismo. Pinapatunayan na ang pamumuhay sa ganitong relihiyosong pamumuhay ay mali na sa pasimula pa lang. Ang pagsisikap na tuparin ang kautusan ng Diyos matapos ng maling unawa ay ihahatid ang relihiyosong-Kristiyano sa paghaharap sa katuwiran ng Diyos, kahit na nariyan ang kautusan upang ipakita sa tao na sila’y mga makasalanan.
Ang Doktrina ng Unti-unting Pagbabanal sa Kristianismo ay siya ring relihiyong doktrinang gaya ng relihiyong pagano ng sanlibutan. Katulad ng doktrina ng pagpasok sa Nirvana sa Budismo, sa Kristiyanismo, sinasaad ng Doktrina ng Unti-unting Pagbabanal na ang laman at espiritu ay pabanal ng pabanal mulang nang manalig kay Jesus, at sa huli’y magiging sapat na banal upang makapasok sa Langit.
Ang taong isinilang na nahawaan ng kasalanan ay maaari lamang magawa ang pagpapakalat ng kasalanan sa buong buhay niya. Ang dahilan dito ay sapagka’t ang isa’y nahawaan ng kasalanan. Ang lason ng kasalanan ay lumalabas sa laman ng tao kahit pa hindi sinasadya ang paglaganap ng kasalanan. Iisa lang ang gamut sa ganitong sakit. Ito ay ang pakikinig at pananalig sa salita ng ebanghelyo ng katotohanan na kalakip ng katuwiran ng Diyos. Maliligtas ang isang tao mula sa kasalanan at makakamtan din ang buhay na walang hanggang kung siya’y makikinig at mananalig sa mga salita ng tunay na kapatawaran ng mga kasalanan, na magpapahintulot sa atin na tanggapin ang espirituwal na pagtutuli.
Paano magkakaroon ng tao sa mundong ito na makapamuhay ng ganap ayon sa batas kahit pa matapos isilang na muli? Wala ni isa. Sinasabi ng Biblia, “Sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kautusan” (Roma 3:20). Hindi ba’t malinaw at simple ang katotohanang ito? Linisan ni Adan at Eba ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng hindi paniniwala at pagkahulog sa kasalanan dahil sa panlilinlang ni satanas sa Araw ng Inosensiya, at naisalin ang lahat ng mga kasalanan sa kanilang mga lahi matapos ang pangyayaring ito. Subali’t, kahit pa namana ng sangkatauhan ang kasalanan sa kanilang mga ninuno, hindi man lang nila nalalaman na sila’y isinilang na makasalanan.
Simula sa panahon ni Abraham, binigay ng Diyos ang matibay na kaalaman ng Kanyang katuwiran upang hayaan lahat ng tao na matamo ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng Diyos.
 
 
Tinalakay ni Pablo ang Katuwiran ng Diyos na nakahiwalay ang Kautusan
 
Sinabi ng mga talatang 21-22, “Datapuwa’t ngayon bukod sa kautusan ay ipinapahayag ang isang katuwiran ng Diyos, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka’t walang pagkakaiba.”
Sinasabi na ang katuwiran ng Diyos ay inihayag, “na sinasaksihan ng Kautusan at ng mga Propeta.” “Ang Kautusan at ng mga Propeta” ay tinutukoy ang Lumang Tipan. Ngayon ay tinutukoy ni Pablo ang ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos na inihayag sa pamamagitan ng pamamaraan ng paghahandog sa Tolda. Maliwanag na pinakikita ng kasulatan sa atin ang katuwiran ng Diyos kung saan makakamtan ng tao ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay para sa kasalanan, at ang pananampalataya ni Pablo ay batay din sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, na inihayag sa lahat ng mga kasulatan.
Ipinahayag ni Pablo na sinumang may pananampalataya kay Jesu-Cristo ay walang-pagtanging matatamo ang katuwiran ng Diyos. Ang taong naligtas o hindi ay tiyak na dahil sa kanyang pananalig at di-pananalig. Kaya’t sinabi niya na ang katuwiran ng Diyos ay inihayag, “sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, sa lahat ng mga nagsisisampalataya. Sapagka’t walang pagkakaiba.”
 
Ano ang tunay na pananampalataya? Ano ang sangkap ng pananampalataya? Ito ay si Jesu-Cristo. Sa Hebreo 12:2 ay sinasabi, “Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya.” Kailangang pag-aralan ang ukol sa katotohanan ng Diyos na magmumula sa mga isinilang na muling mga Kristiyano at tatanggapin ang kaligtasan ni Jesu-Cristo dahil sa pananalig sa katotohanang ito at mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa mga salita ng Diyos. Ang buong-pusong pananalig sa katuwiran ng Panginoon ay ang tunay na pananampalataya.
Sinasabi sa Roma 10:10, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” Maaari tayong maging matuwid dahil sa pananalig sa bautismo at dugo sa pamamagitan ng ating mga puso at mapapatunayan sa ating kaligtasan sa paghahayag ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng ating mga bibig. Ang kapatawaran ng mga kasalanan ay di-maaaring makamtan sa pamamagitan ng ating mga gawa, bagkus sa pamamagitan ng ating mga pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
Sinasabi sa mga talatang 23-25, “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. Palibhasa’y inaring-ganap na walang bayad ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Jesu-Cristo. Na Siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubag loob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa Kaniyang dugo, upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios.”
Sinasabi ng Biblia na ang lahat ay nagkasala, at sa gayo’y walang makakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. Wala ng mapagpipilian pa ang tao kundi ang mapunta sa impiyerno. Ang tao’y nawalan ng kasalanan dahil nanalig sila sa katuwiran ng Diyos. Pinadala ng Diyos si Jesus bilang tagapamayapa sa pamamagitan ng Kanyang dugo dahil sa pananampalataya.
 
Kapag ating tignan ang mga talatang 25-26, “Na Siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa Kaniyang dugo, upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; Sa pagpapakilala’y aking sinabi, ng Kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang Siya’y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.”
Dito, ang salitang, “upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran” ay tumutukoy sa katuwiran ng Diyos, na natupad sa pamamagitan ng makatuwirang gawa ni Jesu-Cristo. Ang dahilan ng pagdanak ng dugo ni Jesus sa Krus ay dahil bago ang Kanyang kamatayan, tinupad na Niya lahat ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Ilog ng Jordan (tignan ang Mateo 3:13-17). Inihandog ng Diyos Ama si Jesus bilang handog ng tagapamayapa para sa kasalanan ng sanlibutan upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Si Jesus ang pagkakatawang-tao ng katuwiran ng Diyos.
Kinuha ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutang ito sa pagbabautismo ni Juan. Si Jesus ay naging Alpa at Omega. Nangangahulugang lahat ay maliligtas mula sa kasalanan kung mananalig sa mga salita na nagsasabing inalis ng Panginoon ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan, mula pa sa simula hanggang sa huli.
Ang katuwiran ng Diyos na tinupad ni Jesus ang nagpahintulot sa atin upang makipamayapa sa Diyos. Ito’y nangyari upang ang taong may kapayapaan sa Diyos ay makakapasok sa Langit. Matapos akong magsimulang manalig sa ebanghelyo ng katotohanan saka ko lamang naunawaan ang talata, “Na Siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa Kaniyang dugo, upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinunod ng Dios.” Sa panahon ng Kanyang pagpapahinuhod, nalaman ko at sumamapalataya sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus.
 
Ang katuwiran ng Diyos ay natupad sa pang-nagdaang kapanahunan pero nangyayari pa rin, nagsasabing ito’y natupad na. Nakamtan natin ang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa tunay na Salita ng nagsasabing inalis ni Jesus ang lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Kahit pa ang ating mga espiritu ay minsanang pinatawad sa kasalanan, ang ating laman ay wala pa ring magagawa kundi ang magkasala. Tinawag ng Diyos nag ating mga kasalanang nagagawa sa kasalukuyang panahon bilang ‘kasalanan na nagawa sa nagdaang panahon.’
Bakit? Hinanda ng Diyos ang bautismo ni Jesus bilang panimulang bahagi ng kaligtasan. sa gayon, ang kapatawaran ng mga kasalanan ay natupad lahat ng minsanan dahil sa katuwiran ng Diyos, na tinupad ni Jesu-Cristo. Ang mga kasalanang nagagawa ng laman sa panahong ito ay mga kasalanang naalis na dahil sa bautismo ni Jesus, sa kabatiran ng Diyos. Lahat ng kasalanan ng sanlibutan ay pinatawad na sa paningin ng Diyos. ‘Sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon’ ay nangangahulugang ‘upang ibilang ang mga kabayaran ng mga kasalanan na nabayaran na.’ Lahat ng mga kasalanan sa mundong ito ay mga kasalanan na nahugasan sa pamamagitan ng bautismong tinanggap ng Panginoon at ang Kanyang dugo sa Krus.
Samakatuwid, lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan mula sa pasimula ng sanlibutang ito hanggang sa huli, mula sa panahon ni Adan hanggang sa huling araw ng mundo at maging ang kasalanang nagagawa ng tao ngayon ay mga kasalanan ‘nang nagdaang panahon’ na inalis ni Jesus noon pa. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay walang kasalanan. Ang katotohanang ito na ang nagdaang kasalanang nagawa ay hindi na binigyang pansin. Kahit pa ang mga kasalanang ating nagagawa sa ngayon ay bahagi rin ng mga kasalanang nagawa noong nagdaang panahon at napatawad sa kabatiran ng Diyos. Ang kasalanang nagagawa ng tao ngayon ay inalis na ng Anak ng Diyos na pinadala rito sa mundo upang alisin ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan. Ang kasalanang ating nagagawa ngayon ay mga kasalanang inalis na ng Panginoon. Nauunawaan mo ba ang ibig sabihin nito?
 
Sinabi ni Jesus na inalis na Niya lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Magigging mali ang unawa ng isang tao kung hindi lubos na nauunawaan ang ibig sabihin ng talatang ito. Sa paningin ng Panginoon, ang mga kasalanan nating mga tao na nagagawa ay mga kasalanan na nahutalan na mula nang Siya’y bautismuhan sa Ilog ng Jordan at hinatulan sa Krus. Ang dahilan ng Diyos sa pagsasabing huwag tayong mag-alala patungkol sa mga kasalanan ay dahil si Jesus ay naparito sa mundo at ginawang ganap na banal ang lahat ng tao ng minsanan.
Ang katotohanang sinasabi ni Pablo sa mga talatang ito ay lubos na mahalaga sa isang taong naligtas sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Subali’t, ang isang taong hindi isinisilang na muli ay sinasawalang-bahala ang katuwiran ng Diyos at siya’y matutungong impiyerno. Mga kapatid, kailangan kayong makinig at lubos na unawain ang salita ng Diyos. Sa gayon lang bubuti para sa ikakatatag ng inyong pananampalataya at sa pangangaral ng ebanghelyo sa ibang tao. Alam mo bang hinatulan ng Diyos ang kasalanan ng sanlibutan, katuwiran, at ang paghatol upang lubos na mabanggit ang Kanyang katuwiran? (Juan 16:8).
Inilagay ng Diyos si Jesus na maging tagapamayapa sa pamamagitan ng Kanyang dugo, dahil sa pananampalataya, upang ipakilala ang Kanyang katuwiran dahil sa Kanyang pagpapahinuhod, hindi pinansin ang mga kasalanang nagawa nang nagdaang panahon. Dahil sa ipinadala ng Diyos si Jesus bilang tagapamayapa, itinuturo Niya sa atin na maging ang mga kasalanang nagawa noon ay inalis na. Kung kaya’t, tayo’y naging matuwid dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos.
Nasusulat sa talatang 26, “Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng Kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan,upang Siya’y magingganap at taga-aring ganap sa may pananampalataya kay Jesu-Cristo.” ‘Sa panahong kasalukuyan,’ pinahintulot ng Diyos na tayo’y magkaroon ng buhay na walang hanggan, at hindi hindiy Niya nais hatulan ang sanlibutan. ‘Sa panahong kasalukuyan’, nang pinadala ng Diyos si Jesu-Cristo upang ‘ipakilala ang Kanyang katuwiran’, ipinakilala ng Panginoon ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo. Pinarito ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo upang mapabautismuhan at ipako at sa gayo’y maipakilala ang Kanyang pag-ibig at katuwiran sa atin.
Tinupad ng Diyos ang lahat ng Kanyang katuwiran sa pamamagitan ni Jesus. Bawa’t mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay matuwid. Tinupad ng Diyos ang makatuwirang gawain ng pag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan ng minsanan para sa lahat. Maaari ba tayong manalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga puso? sinabi ng Diyos na tayo’y matuwid at walang kasalanan nang tayo’y manalig sa Kanyang katuwiran. Bakit? Hindi ba’t ang mananamapalataya kay Jesus ay walang kasalanan dahil sa makatuwirang ginawa Niya sa paghuhugas ng lahat ng ating mga kasalanan? Ang mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay matuwid dahil hindi na taglay ang kasalanan. Sapagka’t inalis na ng Panginoon ang lahat ng kasalanang ating nagawa sa buong panahon ng ating buhay, tayo’y nakapanalig sa katuwiran ng Diyos. Kung hindi, ay hindi makakamtan ang katuwiran ng Diyos.
 
 
Ang Katuwiran ng Diyos Lamang ang ating Maipagmamalaki
 
Sinasabi sa mga talatang 27-31, “Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? Ng mga gawa? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. Kaya nga maipapasiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan. O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio laman? Hndi baga Siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman: Kung gayon nga ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya. Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan kudi pagtitibay pa nga natin ang kautusan.”
Ang ibig sabihini ng pagpapatibay ng kautusan ay hindi tayo maliligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ating mga gawa. Sa pamamagitan ng ating mga gaawa. Tayo’y mga mahihiligat hindi ganap na mga nilalang, subali’t ginawa tayong ganap ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang pananalig sa salita ng katuwiran ng Diyos ang nagligtas sa atin. Kahit pa matapos tayong maligtas mula sa mga kasalanan, patuloy na nangungusap sa atin ang Panginoon, nagsasabing, “Ika’y may kakulangan, subali’t binabanal kita. Samakatuwid, kailangan mong lumapit sa Diyos kalakip ng Kanyang katuwiran.”
 
Sa talatang 27 ay nasusulat, “Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? Ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.” Kailangang malaman ng isang tao ang kautusan ng katuwiran ng Diyos na pinagtibay ng Diyos at maniwala sa ganitong kautusan ng Kanyang katuwiran. “Sa pamamagitan ng anong kautusan? Ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.”
Dapat mong malaman na tayo’y napalaya lang mula sa ating mga kasalanan nang manalig tayo sa katuwiran ng Diyos at hindi naligtas sa pamamagitan ng ating mga gawa. Sa kabanata 3 ng Roma ay tinalakay ang bahaging ito ni Apostol Pablo. “Ang di pagpansin nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios? Huwag nawang mangyari!” Ang mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay mananatili subali’t ang taong hindi naniniwala sa katuwiran ng Diyos ay mabubuwal.
Maliwanag na inihayag ng Kabanata 3 ang katuwiran ng Diyos. Kailangan mong tandaan na itinatag ng Diyos ang kautusan ng Kanyang katuwiran, upang mabuwal ang mga taong nananalig sa sariling kaisipan. Lubos na iniligtas tayo ng Diyos mula sa kasalanan. Kung gayon, maliligtas tayo sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa salita ng Diyos na naghayag ng Kanyang katuwiran. Magmamana tayo sa Kaharian ng Diyos at magkakaroon ng kapayapaan sa Kanya sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran.
Ang mga di-nananalig sa katuwiran ng Diyos ay hindi magkakaroon ng kapayapaan sa kanilang mga puso. Ang katanungang kung ang isa’y mapalad o sinumpa ay depende kung ang isa’y nananalig sa katuwiran ng Diyos o hindi. Kung ang isa’y hindi tinanggap ang mga salita ng katuwiran ng Diyos, siya’y hahatulan ayon sa makatuwirang paghtaol ng mga salita ng Diyos! Ang kaligtasan ay nagmula sa pag-ibig ng Diyos at pagdaka’y tatanggapin natin ang kaligtasan mula sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran. Pinupuri natin ang Panginoon na nagbibigay sa atin ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Tayo’y magpasalamat sa katotohanang mayroon tayong katulad ng pananampalataya ni Apostol Pablo! Purihin natin ang Panginoon.
Tayo’y magpuri at magpasalamat din sa Kanya dahil tayo’y naligtas sa lahat ng kasalanan dahil sa ating pananalig sa bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo sa Krus. Kung hindi sa kaligtasang ito, ang pananampalataya, o ang iglesia ng Diyos, ay hindi natin matatamo ang kapatawaran sa mga kasalanan. Tunay tayong nananalig sa katuwiran ng Diyos sa ating puso, at ang paghahayag ng bibig para sa ikaliligtas. Pasasalamat ay ating ibigay sa Diyos na naglitas sa atin mula sa kasalanan kalakip ng Kanyang katuwiran.