• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 3-3] Nagpapasalamat ka ba sa Diyos dahil sa Panginoon? (Roma 3:10-31)

2021.04.12 31
(Roma 3:10-31)
“Gaya ng nasusulat, 
‘Walang matuwid, wala, wala ni isa; 
Walang nakatatalastas, 
Walang humahanap sa Dios; 
Silang lahat ay nagsilihis, 
Magkakasamang nawalan ng kasaysayan; 
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas;
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: 
Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: 
Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan: 
Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; 
Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala; 
Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata. 
Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios; Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin Niya; sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. Datapuwa’t ngayon ay bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; Sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka’t walang pagkakaiba; Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; Palibhasa’y inaring-ganap na walang bayad ng Kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na Siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa Kaniyang dugo, upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng Kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang Siya’y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo. Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. Kaya nga maipapasiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan. O ang dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? Hindi baga Siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman: Kung gayon nga na iisa ang Dios, at Kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya. Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.”
 
 
Ang sangkatauhanay walang dapat na ipagmalaki sa laman
 
Sa Roma 3:10-12 ay sinasabi, “Gaya ng nasusulat, ‘Walang matuwid, wala, wala ni isa; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, Magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.” Sa harap ng Diyos tayong lahat ay puno ng kasalanan dahil sa laman. Maaari bang maging matuwid ang laman? Mayroon bang likas na matuwid sa pamamagitan ng laman sa harap ng Diyos? Ang tao’y hindi maaaring maging matuwid sa laman. Ang laman ay hindi maaaring maging matuwid ng hindi napapalayo mula sa mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Ang mga taong nalinisan na sa kasalanan ay di-maaaring magmalaki sa kanilang mga laman. Tayo na inalisan ng mga kasalanan ay walang magagawa kundi ang lumihis sa pamamagitan ng ating laman at walang kakayahang gumawa ng mabuti. hindi natin masasabi na tayo’y namumuhay ng mabuti maliban kung naglilingkod tayo sa Panginoon at ginagawa ang espirituwal na gawain. Gaya ng sinabi ni Jesus. “Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga” (Juan 3:6), ang nais lamang ng aliwin ng laman ay ang mga pita, ngunit ang espiritu ay ang Espiritu. Ang laman ay hindi kailnman magiging espiritu.
Ang buong sangkatauhan ay isinilang na makasalanan, mamumuhay sa kasalanan, mamamatay ng walang kabuluhan at di-maglao’y ibubulid sa dagat ng apoy ng impiyerno. Wala sana silang pag-asa kung hindi pinarito ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo upang iligtas sa lahat ng mga kasalanan. Kung mayroong pag-asa para sa atin, ito’y dahil sa totoong pag-asa na binigay ng Diyos. Kung hindi sa Diyos, di sin sana’y wala tayong katuwiran ni pag-asa man. Ito’y totoo kung sisiyatin natin ang tadhana ng bawa’t isa kabilang na ako at ikaw dito sa mundo.
 
Kahit pa tayo tawagin, “mga panginoon ng lahat ng nilikha,” tayo’y itinalagang maisilang na makasalanan, anuman ang ating mga naisin, walang halaga ang buhay at matutungo pa rin sa impiyerno. Tayo’y mapaparam! Kadalasa’y hinahalintulad natin ang pansamantalang buhay ng tao sa isang gamu-gamo na nabubuhay lamang ng isang araw at mamamatay at babalik sa alikabok na walang kabuluhang. Wala tayong pag-asa kung wala si Jesus. Ang tanging kailangan sa buhay ng tao ay ang isilang, kumain, uminom, mamatay at matungong impiyerno, gaano man ang kanilang katanyagan o gaano man kadakila ang kanilang mga ginawa. Nabubuhay tayo sa walang kabuluhan at mamamatay ng walang kabuluhan at nararapat na tanggapin ang walang hanggang kapahamakan.
Subali’t, binigay ng Diyos ang kautusan sa atin upang mabatid natin ang ating kasalanan at malayang maging matuwid dahil sa Kanyang biyaya sa pamamagitan ng kapatawaran ng mga kasalanan na nakay Jesu-Cristo. Pinadala Niya ang Knayang bugton na Anak na si Jesus, na Siyang kumuha ng ating mga kasalanan at ipinako, upang maging tagapamayapa sa mga sumasampalataya sa bautismo at dugo ni Jesus. Itinalaga ng Diyos si Jesus bilang tagapamayapa para sa atin at tayo’y naging matuwid.
Paanong ang mga tao na mayroong kapatawaran ng mga kasalanan ay magiging matuwid? Tayo ba, na nakatamo ng kapatawaran ng mga kasalanan, ay taglay ang katuwiran ng laman? Mayroon ba tayong maipagmamalaki sa harapan ng Diyos? Wala tayong maipagmamalaki sa ating laman. Dahil sa Diyos, ang Panginoon, tayo’y nalulugod at nagpapaslamat sa Kanya, dahil nakamtan natin ang kapatawaran ng mga kasalanan, ang pagpapatunay ng kaligtasan at buhay na walang hanggan.
Tayong nagtataglay ng kapatawaran ng mga kasalanan ay walang saysay kung hindi dahil sa Diyos. Mayroon bang maipagmamalaki ang laman ng tao? Ang laman ba’y may katuwiran kahit papaano? Mayroon ba tayong maipagmamalaki sa 70-80 taon ng ating buhay? Walang katuwiran ang tao. Ano ang maipagmamalaki natin sa Diyos? Kahit na ano ay wala talagang maipagmamalaki ang laman. Walang maipagmamalaki ang laman sa Diyos, kahit pa 0.1%.
 
 
Ang Tanging Maipagmamalaki natin ay ang Katuwiran ng Diyos
 
Ang maipagmamalaki natin sa Diyos ay ang pagliligtas sa atin mula sa kasalanan, gaya ng nasusulat, “Datapuwa’t ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Diyos, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta.” Ang Panginoon ang ating walang hanggang buhay at Tagapagligtas. Ginawa Niya tayong matuwid. Tayo’y matuwid dahil ganap na iniligtas tayo ni Jesus. Wala tayong maipagmamalaki sa pamamagitan ng laman o ng mga gawa ng kautusan. Tayo’y magpasalamat at magpuri sa Panginoon sa pagkakabautismo at paghuhugas ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan upang tuparin lahat ng katuwiran.
Naparito tayo upang kamtan ang katuwiran ng pananampalataya. Niligtas ng Panginoon ang lahat ng tao ng sanlibutan mula sa kanilang mga kasalanan at hindi Niya pinabayaan ang kahit isa. Napaligaya tayo ng kaligtasan ng Diyos at binigyan ng pag-asa. Binigyan tayo ng bagong kapangyarihan. Wala tayong maipagmamalaki kundi ang Panginoon. Malayo sa ating pagmamalaki ng ating katuwiran sa Diyos, tayo’y kahiya-hiya. Maraming tao ang sinusubukang ialay ang kanilang sariling pagsisikap sa Diyos ng may pagyayabang sa kanilang mga gawa at kanilang sariling mga katuwiran, subali’t ang kanilang mga makasariling katuwiran ay katulad ng maruming basahan. Maaaring mayroon silang maipagmamalaki sa isa’t isa o sa sarili, nguni’t wala sa Diyos.
Si Jesus ang ganap na Tagapagligtas para sa atin. Ang ibig sabihin ng ‘Jesus’ ay ‘ang Tagapagligtas’ at sinasabing Siya ang Cristo rin. Ibig sabihin na ang Tagapagligtas na pumarito sa wangis ng tayo ay ang Diyos. Tinatawag natin Siyang “Jesu-Cristo.” Si Jesus ay ating Tagapagligtas at Diyos. Magpasalamat tayo sa Panginoon, purihin Siya, gumawa ng mga matuwid na bagay para sa Kanya at mamuhay ng tapat dahil ganap na iniligtas tayo ng Diyos. Tanging mananamapalataya lamang ang makakagawa ng mga matuwid na bagay.
Makakagawa tayo ng mga makatuwirang bagay ng walang kasalanan dahil inalis na ni Jesus ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan at naging Tagapagligtas natin mula sa lahat ng mga kasalanan. Hindi natin maaayos ang ating kasalanan sa pamamagitan ng ating sarili. Hindi maaalis ng tao ang kanyang mga kasalanan ni mapanatili man ang katuwiran ng Diyos sa paggawa ng mga mabubuting gawa ng laman.
Inalis ng Diyos ang lahat ng kasalanan at natamo natin ang katuwiran ng Diyos. Tayo’y matuwid. Mapapanatili ba natin ang katuwiran sa pamamagitan ng pagbabanal ng ating laman dahil sa ating mga mabubuting gawa? Kung magagawa nga ng isang tao, dapat siyang maging nakakatandang kapatid ni Jesus. Hindi maaaring maging Tagapagligtas si Jesus sa ganyang tao. Maroon tayong likas na asal sa pagpapanatili ng ating sariling katuwiran ng may kakayahan ng laman at mga damdamin na hindi natin napapansin. Ang laman ay kumikilos ng kusa dahil sa likas na pag-uugali. Likas tayong naglalaban ng huwag malagay sa panganib kapag nariyan ang panganib, nagnanais na makakain ng marami kapag nakakakita ng masasarap na pagkain, at nais maglaro kapag nakakakita ng bagay na kawili-wili.
Likas sa atin na panatilihin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng laman dahil ang laman ay kumikilos kng kusa. Subali’t, kahit ayaw natin. Ang ating pagiging ligtas ay hindi dahil sa ating sariling katuwiran. Hindi tayo maaaring maging ligtas sa maiging pagsunod ng kautusan, ang paggawa ng mga mabubuting gawa sa laman o sa paghahandog ng ating sarili sa Diyos. Ang ating mga dakilang nagawa ay hindi ibinibigay sa katuwiran ng Diyos, kahit pa 0.1%. Tayo’y naging matuwid sa pamamagitan ng paniniwala na naparito ang Diyos sa anyo ng tao at nabautismuhan ni Juan Bautista bago Siya ipako upang maisakatuparan ang katuwiran, na ganap na nagligtas sa atin mula sa mga kasalanan.
 
 
Ang Panginoon na Nagligtas sa Atin ay Ganap na Tagapagligtas
 
Naisakatuparan ni Jesus ang lahat ng katuwiran sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng kasalanan na nagawa ng tao bago sila mamatay, naging ganap na Tagapagligtas sa kanila, at inaring ganap. Pinahintulutan tayo ng Diyos na makagawa ng espirituwal na bagay. 
Mayroon tayong karapatang gumawa ng espirituwal na bagay sa harap ng Diyos dahil natamo natin ang Kanyang katuwiran, nagiging walang kasalanan kahit pa patuloy ang gawain ng laman. Subali’t, ang taong hindi naalis ang kasalanan ay hindi pa inalis ay hindi makakagawa ng espirituwal na gawa. Hindi sila karapat-dapat na gumawa nito.
Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan upang gawin ang mga espirituwal na mga bagay. Ngayon ay magagawa natin ang mga bagay ng Espiritu. Magagawa natin ang mga gawaing matuwid para sa Diyos na nakabukod ang mga bagay ng laman. Isang lubos na kaganapang na ang Diyos ay naging Tagagligtas natin! Ang Diyos, na lumikha ng lahat ng bagay maging ang sangkatauhan, ay inihayag sa atin bilang Panginoon ng kaligtasan dahil Siya’y naparito sa mundo at tinupad lahat ng katuwiran. Sa kanyang pakikipag-relasyon sa atin, ang Diyos ay naging Panginoon natin at Tagapagligtas natin.
Ang kaligtasan ay di-ganap kung ang isang tao ay mahia at walang kakayanang iligtas tayo. Kung minsan ay mayroong kalamangang mangyayari na kabiguan. Salungat nito, ang Isang nakapagligtas sa atin ay hindi katulad ng ganyang katauhan. Siya ang Diyos at ang Manlilikha na lumikha ng lahat ng bagay. Sinabi sa Juan 1:3, “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan Niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala Siya.” Sino si Jesus? Ang Tagapagligtas. Sino ang Tagapagligtas? Siya ang Diyos, ang Manlilikha. Ganap na iniligtas tayo ng Diyos. Ang ating kaligtasan ay ganap dahil iniligtas tayo. Subali’t ang ating kaligtasan ay mawawalang-saysay kung hindi Siya ang Naglikha, bagkus isang tao sa mga nilikha. Hindi magtatagal, ang kanyang katuwiran ay katulad ng maruming basahan. Kung ang sapatos ay yari sa tunay na balat, ito’y hindi masisira, kahit pa siya’y maglaro ng soccer o kaya’y magpadulas sa padulasan. Subali’t kung ito’y hindi tunay, madali itong masisira.
Ang Panginoon na nagligtas mula sa ating mga kasalanan ay walang-bahid-dungis. Ang Panginoon na nagligtas sa atin ay Diyos, na Siyang ganap. Ang kaligtasan ni Jesus, na binautismuhan upang dalhin ang lahat ng ating kasalanan, ipinako at nakaluklok sa kanan ng Diyos, kailanman ay hindi nawalang-halaga, gaano man kahina ang laman ng mga mananampalataya. Ito ang kaligtasan ng binigay ng Diyos sa atin.
 
 
Ang Ating Sariling Katuwiran ay Kailangang Maputol upang Tayo’y Mamuhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya
 
Sa Biblia, ang mga taong puspos sa sariling katuwiran ay namumuhay sa iba’t ibang paghihirap dahil nais ng Diyos na was akin ang kanilang katuwiran sa pamamagitan ng mga pasakit. Maraming mga talata gaya ng “Subali’t, ang mga matataas na lugar ay hindi inalis” sa mga talaan ukol sa mga hari. Ibig sabihin na ang tao mismo ay hindi ganap sa laman, bagkus siya’y naging matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon.
Mga minamahal kong banal, ganap na iniligtas tayo ng Diyos, gaano man tayo kahina. Tayo’y mamamatay kung mabubuhay lang para sa ating katuwiran. Subali’t ganap na niligtas tayo ng Diyos mula sa mga kasalanan. Siya’t magagalak sa atin kung tayo’y nabubuhay para sa katuwiran ng Panginoon, gaano man tayo kahina. Sinasabi sa Isaias 53:5, “Ngunit Siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya’y nabugbog sa ating mga kasamaan.” Inalis ng Diyos ang ating mga kasamaan ng minsanan para sa lahat. Hindi tayo kailangang mag-alala na ang ating katuwiran ay mapuputol.
Ang ibang tao’y may personalidad na katulad ng lalagyang babasagin. May kilala akong kapatiran na pumunta sa Amerika. Siya’y marangal; maingat ang pagsasalita at hindi nanunumpa, sa tuwing kami’y nagkikita. Dati’y madalas siyang nagsasabi, “O! Ginoong masama,” sa isang taong kapuna-puna ang kasamaan bagama’t mayroon siyang kapatawaran ng mga kasalanan. Tinanggap niya ang kapatawaran ng mga kasalanan dahil sa pagbautismo ni Jesus at ng Kanyang duog sa Krus, bagama’t siya’y puno ng kanyang sariling katuwiran. Subali’t, matapon niyang natanggap ang kapatawaran sa mga kasalanan, siyia’ puno pa rin ng sariling katuwiran, kaya’t siya’ sukdulan ng ingat sa pagsisikap na hindi maipakita ang sarili sa pangambang mapuputol ang kanyang katuwiran. Maraming tao ang katulad niya. Ang kanila bang katuwiran ay magtatagal? Ito’y mapuputol ng di maglaon.
Ang iyong laman ba’y may mga kahinaan kahit pa ika’y ligtas na? Oo. Nagagawa mo bang mabuhay ng ganap at mabuti? ganap tayong makakapamuhay matapos kamtan ang kapatawaran ng mga kasalanan kung tayo’y mamumuhay sa Espiritu lamang. Tanging mga matuwid na mga gawain ang pinapayaang sa harap ng Diyos. Tayo’y kahanga-hanga kapag tayo’y gumagawa at namumuhay sa pamamagitan ng Espiritu. Wala tayong dapat papurihan sa ating laman. Ang ibang tao  sa mga banal na napatawad sa mga kasalanan ay sinisikap na panatilihin ang kanilang katuwiran sa pangambang ito’y mapuputol.
Subali’t, ang Panginoon ay hindi nakikigalak sa kanila. Ang katuwiran ng tao ay mapuputol din lang. Mainam pang maputol na ito agad. Mapuputol din ito pagkatapos ng 20-30 taon. Samakatuwid, ang panlabas na tao ay higit na mainam na maputol na ngayon upang ang panloob na katauhan ay makapamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Sinisikap ng tao na hindi maputol ang kanilang katuwiran, kahit pa ito’y mapuputol din.
Ang Panginoon ay naging Tagapagligtas natin. Lubos na ganap ang ating Tagapagligtas! Ang Panginoong Diyos ay naging Tagapagligtas natin. Niligtas Niya ako at ikaw. Naging makasalanan ka bang muli dahil sa kahinaan ng iyong laman? Hindi. Natupad ng Diyos ang lahat ng katuwiran. Ang ating katuwiran ay laging napuputol ng maraming beses matapos tayong isilag na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. Ang ating kasamaan ay nahahayag ng maraming beses habang sumusunod tayo sa Panginoon. Ito’y nahahayag habang tinatago natin ito, sa kalagayan ng isang mahiyain at ito’y nahahayag naman sa ibang tao sa kalagayan ng isang taong hindi mahiyain. Kapag ang ating katuwiran ay nahayag, ang katuwiran lamang natin ang napuputol habang ang katuwiran ng Panginoon ay nananatili.
 
 
Ang Isinilang ng Laman ay Lamang nga, at ang Isinilang ng Espiritu ay espiritu nga
 
Nais kong paniwalaan ninyo na ang Panginoong Diyos ay naging ating ganap na Tagapagligtas. Samakatuwid, tayo’y dapat mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Nais ng Diyos na ang ating sariling katuwiran ay maputol at Siya’y nalulugod rito. Sinabi sa Juan 3:6, “Ang isinilang na laman ay laman nga, at ang isinilang na Espiritu ay espiritu nga.” Hindi maaaring maging espiritu ang laman. Sa Budismo, mayroong “doktrina ng kalayaan mula sa pamamalagi sa sanlibutan.” Iginigiit na maaaring maging espiritu ang laman. Kailanman ay hindi magiging espiritu ang laman. Hindi maaari. Sino ang makakagawa nito? Wala kahit isa.
 
Si Sung-chul, ay isang kilalang mongha ng Korea sa makabago ng Budismo, ay namatay na ng maraming taong nakalipas. Natagpuan niya ang katotohan sa pamamagitan ng pagninilay-nilay habang nakaharap sa isang dingding ng halos 2 dekada. Ni hindi siya humiga para matulog ng isang dekada upang kamtan ang espirituwal na kaliwanagan. Natulog din siya ng nakaupo sa loob ng sampung taon na iyon, at sinubukan niyang magkaroon ng mabuting kaisipan lang, tinatalo ang mga masasamang kaisipan, pangangalunya, pakikiapid, pagpatay, pagnanakaw, kasamaan, kapalaluan, at kamangmangan na nagmumula sa kalooban niya. Maraming nag-aakala na siya ang nabubuhay na Buda. Subali’t, siya mismo ay hindi nakayanang pukawin ang mga pita ng laman, kaya’t nag-iwan siya ng maliit na pirasong tula ng Nirvana nang malapit na siyang mamatay, matapos linangin ang kanyang isipan ng halos 2 dekada sa gitna ng kabundukan.
“Nagawa kong dayain ang maraming lalake at babae noong kapanahunan ko, ang aking mga kasalanan ay mas malaki kaysa sa pinakamataas na bundok ako’y mahuhulog sa walang hanggang impiyerno, at ang aking panaghoy ay mahahati sa sampung libong mga paraan. Isang pirasong pulang araw ay lumulubog sa likuran ng mga bughaw na kabundukan.”
Lahat ng mga relihiyosong tao sa sanlibutan ay hinahangaan ang kanyang marilag na personalidad at tila malalalim na mga katuruan. Subali’t, sinabi niya mismo na siya’y mapupunta sa impiyerno.
Hindi maaaring maging espiritu ang laman, subali’t ang ating mga kaluluwa’y naging mga anak ng Diyos nang tayo’y isilang na muli dahil sa pananalig sa Kanyang kaligtasan. Tayo’y naging mga bagong nilalang sa pmama ng biyaya ng Diyos na nagbangong muli sa atin ng Kanyang katuwiran. Ang tao’y hindi maaaring mabago sa pamamagitan ng kanyang sariling mga pagsisikap.
Ang mga ministro, mga mongha, at mga Katolikong pari na lumalahok sa ministeryo ng bilangguan ay pinapayuhan ang mga bilanggo na sila’y mamuhay ng may malinis na buhay hanggang sa nalalabing buhay nila. Subali’t, ang laman ay hindi nagbabago. Nais ng Diyos na iwanan natin ang ating sariling katuwiran at tumatag ang pananalig sa Panginoon na ating Tagapagligtas. Maniwala sa bautismo at sa Krus ni Jesus. Sa gayo’y, magkakaroon ka ng dakilang pananalig sa kaligtasan.
 
 
Ngayon ay naghahanap ang Diyos ng mananampalataya
 
Ang Panginoon ay nagging pambayad para sa atin. Siya’y binautismuhan upang alisin ang mga bagay na naghiwalay sa Diyos Ama at mga tao. Siya’y napako upang bayaran ang mga kasalanan, hinatulan para sa atin, at nagligtas sa atin sa lahat ng mga kasalanan. Ang Diyos ay naging pambayad para sa atin.
Sinabi Niya, “Na Siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananamapalataya, sa Kaniyang dugo, upang maipakilala ang Kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Diyos. Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya’y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo” (Roma 3:25-26).
Ang Diyos ay naparito at tinupad lahat ng katuwiran. Ang lahat sa mundo’y walang kasalanan. Walang mapupuntang impiyerno kung mananalig lang siya sa ganap na kaligtasan ng Diyos. Siya’y mapupuntang impiyerno dahil sa di-pananalig. Siya’y maliligtas kung itatakwil ang kanyang sariling katuwiran at pagkunwari at tanggapin ang Diyos bilang Tagapagligtas dahil sa pananalig sa bautismo ni Jesus at kamatayan sa Krus. Tayo’y nabubuhay ng walang kasalanan sa paningin ng Diyos dahil inalis Niya lahat ng mga kasalanan ng mundo.
Naniniwala ako sa Diyos. Ikaw rin. Siya ang Tagapagligtas. Wala tayong kasalanan. Lubos na niligtas tayo ng Panginoong Diyos. Ang tanging suliranin lang ay kung paano natin ipamumuhay ang natitirang buhay natin. Paano tayo mamumuhay? Mamuhay ayon sa Espiritu. Walang dahilan upang mag-alala tayo ukol sa pag-aalis ng ating mga kasalanan. Ang mga salitang, “hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon,” nangangahulugang hindi tayo hinahatulan ng Diyos sa ating mga kasalanan. Tayo’y walang kasalanan at walang dapat ihatol dahil niligtas na tayo ng Diyos sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa bautismo ni Juan Bautista upang alisin ang mga ito at dahil sa pagkapako. Kung gayon, hindi tayo hahatulan ng Diyos sa ating mga kasalanan. Hinahanap Niya ang mga nananalig sa puso ng  katotohanang ito.
Sinabi ng Biblia na walang matuwid, nguni’t tayo’y naging matuwid dahil sa pananalig sa Diyos. Sinabi ng Diyos, “Gaya ng nasusulat, ‘Walang matuwid, wala, wala kahit isa, Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, Magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa: Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan: Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala; Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata” (Roma 3:10-18).
 
Naparito ang Diyos at inalis lath ng mga kasalanan ng mga gumagawa ng bawa’t uri ng masasama na nabubuhay sa mundong ito at walang katuwiran at walang saysay sa Ilog ng Jordan. Naniniwala ka ba rito?
Ngayon, ang Diyos ay naghahanap ng taong mananalig na niligtas Niya sila sa kanilang mga kasalanan. Ang mata ng Diyos ay nasa mga matuwid. Hinikayat Niya tayong mga matuwid. Inaalagaan Niya tayo, laging kasama natin, pinanapanatili tayo. Iginawad ng Diyos sa atin ang matuwid na mga gawa. Si Jesus ay mas malulungkot kaysa sa atin kung malulungkot tayo sa kasamaan ng ating laman. “Bakit ka nahahapis sa iyong laman gayong niligtas na Kita sa lahat ng iyong mga kasalanan.”
 
Ang dapat nating gawin ngayon ay manalig sa Diyos, lumakad ayon sa Espiritu at ipangaral ang ebanghelyo upang maghasik ng mga kaluluwa. Iyon ang mga dapat nating gawin. Naniniwala ka ba rito? Huwag mong ipagyabang ang iyong sariling katuwiran o subukang itatag din ito, inihahambing ang iyong katuwiran sa iba. Huwag kang manirang-puri sa taong hindi matuwid. Sa totohanan, walang likas na matuwid.
Magpasalamat sa Panginoong nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at sa Krus
 
Wala tayong puwedeng ipagmalaki sa harap ng Diyos maliban ang Kanyang pag-ibig, na lubos na nagligtas sa atin. Ang magagawa lang natin ay ipagmalaki ang kaligtasan ng Diyos, purihin Siya, luwalhatiin Siya, at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ang Espiritu. Huwag tayong mag-alala sa ating kasalanan at pagpunta sa impiyerno. “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Hindi kailanman. Nakikita mo ba? Siya’y mapupuntang impiyerno kung di siya makiisa sa katotohanang niligtas siya ng Panginoon dahil sa tuwirang gawa. Nguni’t, hindi dapat mag-alala sa impiyerno kung siya’y nananalig.
Niligtas tayo ng Panginoong Diyos sa lahat ng ating kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at ang dugo ni Jesus. Lubos ang pasasalamat ko! “Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan. O ang Diyos baga ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi baga Siya ang Diyos din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman” (Roma 3:28-29).
Ang Diyos ay di lang Diyos ng mga Judio, kundi Diyos ng mga Gentil. Siya’y Diyos ng lahat ng tao. Niligtas tayo ng Panginoong Diyos sa ating mga kasalanan. Upang magkagayon, naparito Siya sa mundo, binautismuhan upang akuin lahat ng ating mga kasalanan, at napako upang hatulan para sa lahat ng ating mga kasalanan. Sa gayon, Siya’y naging Diyos at Tagapagligtas ng lahat ng tao. Ito ang pangwakas ng Roma kapitulo 3. Naniwala si Pablo rito at tayo rin.
Hindi lang tinalakay ni Pablo ang ukol sa kahinaan ng laman, kundi ukol din sa katuwiran ng Diyos labas sa kautusan. Hindi tayo maliligtas dahil sa mga gawa sa kautusan. Saan tayo mapapalaya? Sa pamamagitan ng pananalig sa kaligtasan ng Diyos. Ang Diyos ay naging kabayaran para sa atin at di-pinansin ang mga kasalanang nagawa na. Samakatuwid, ang mga di-nananalig ay mahahatulan sa kasalanang pagsalungat sa Banal na Espiritu. Hindi Siya naghahatol dahil sa kahinaan ng mga laman sapagka’t walang kasalanan sa mundo.
Kung gayon, dapat tayong manalig sa Panginoong Diyos. Wala ng kahatulan sa mga nananalig. Ang Diyos ay Diyos ng mga nananalig, kaya kailangang mamuhay sa ating mga nalalabing araw sa tulong ng Banal ng Espiritu. Magagawa natin ang mga bagay ng Espiritu dahil napatawad na ang ating mga kasalanan, bagama’t nais ng laman ang mga pita. Ang Panginoong Diyos ay Diyos ng mga Judio at mga Hentil. Ibig sabihin nais ng Diyos na lahat ng tao’y maligtas sa kanilang mga kasalanan. Siya’y nagging Tagapagligtas ng mga di-nananalig. Siya’y naging Diyos na ng mga nananalig.
 
Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa aking puso. Ang buhay ay miserable kung hindi naparito ang Panginoong Diyos sa mundo sa wangis ng tao, at kung hindi Siya nabautismuhan sa Ilog ng Jordan upang alisin lahat ng mga kasalanan. Kung hindi Siya ang naging lubos na Tagapagligtas, tayo’y magiging makasalanang muli matapos kamtan ang kapatawaran dahil tayo’y mahina hanggang sa tayo’y mamatay. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos.