Sa Roma 4:6-8 ay tinalakay ni Pablo ang patungkol sa mga taong pinagpala ng Diyos. Ang tunay na pinagpala sa harap ng Diyos ay isa taong napatawad sa mga masasamang gawa at ang mga kasalanan ay nangatakpan. Inihayag ni Pablo, “Mapalad ang tao na sa kaniya’y hindi ibinibilang ng Panginoon ang kasalanan” (Roma 4:8).
Pagkatapos ay pinakilala ni Pablo si Abrahan bilang isang mapalad na tao. Ginamit niya si Abraham bilang natatanging halimbawa sa Biblia, ipinaliwanag ni Pablo kung ano ang tunay at ano ang mapalad na pananampalataya. Si Abraham ay may mga bagay na maipagmamalaki kung ang kanyang mga gawa ay magbibigay katuwiran sa kanya, nguni’t ang katotohanan, hindi maaaring maging gayon. Ang katuwiran ng Diyos na kanyang natamo ay naging possible lamang dahil sa kanyang pananalig sa salita ng Diyos.
Ipinakita ng Biblia na ang pananampalataya upang magin matuwid at mapagpala ang isang tao ay ang simpleng pananampalataya sa mga salita ng Diyos gaya ng pananampalataya ni Abraham. Sa kabanatang ito, si Apostol Pablo ay itinalakay kung paano makakamtan ang katuwiran ng Diyos sa kanyang puso sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang mga salita.
Walang sinuman ang hindi nagkakasala habang nabubuhay rito sa mundo. Dagdag nito, tayong mga tao ay nakakagawa ng kasalanang kasing-kapal ng ulap na bumabaglot sa himpapawid. Sa Isaias, ay nasusulat na ang ating mga kasalanan at mga pagsuway ay gaya ng makapal na ulap (Isaias 44:22). Kaya’t, wala ni isa sa sangkatauhan ang makakatakas sa hatol ng Diyos nang hindi nananalig sa katuwiran ni Jesu-Cristo.
Ang bautismo na tinanggap ni Jesus at ang Kanyang dugo sa Krus ay naisakatuparan ang katuwiran ng Diyos. Ang mga taong nakatanggap ng kapatawaran ng kasalanan at ang mga hindi nakagawa ng mga kasalanan sa kanilang laman. Dagdag dito, tayo’y nakakagawa ng mga kasalanang hindi man lamang natin namamalayan at kung gayon, tayo’y nakatalagang mahatulan sa mga kasalanang yaon.
Dapat tandaan na kung ang isang tao ay may malinggit na kasalanan, siya’y kailangang mamatay sa harap ng paghahatol ng Diyos. Sinabi sa Biblia na kamatayan ang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23), at kailangan nating maunawaan at paniwalaan ang kautusan ng Diyos. Kailangan nating pagbayaran ang mga kasalanang nagawa sa pamamagitan ng ating mga kaisipan at mga gawa, at matapos bayaran ang mga dapat babayarin sanhi ng kasalanan saka lang maaayos ang suliranin. Sa kabilang dako, gaano man tayo magsikap, kung hindi natin babayaran ang halaga ng kasalanan, ang usapin ng paghahatol sa kasalanan hindi maglalaho. Ang dapat nating malaman na kahit pa ang isang tao’y nananalig kay Jesus, kung taglay ang kasalanan, ay mahahatulan sa kanyang mga kasalanan.
Namumuhay tayo sa mundong ito na bumabaha ng lahat ng uri ng mga kasalanan: malaki at maliit, nauunawaan at hindi, sinasadya at di-maiwasan. Walang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na tayo’y dapat isakdal sa kamatayan, dahil sa ating mga pagkakasala ayon sa kautusan ng Diyos, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.”
Kung yaong nagnanais na matakpan ang lahat ng kanyang kasalanan, kailangan niyang tanggapin ang kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, na nagmumula sa tubig, sa dugo at sa Banal na Espirito. Ang sinumang nakatamo ng kapatawaran ng kasalanan dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos ay may kakayanan at may nauukol na pagkamarapat na ialay ang paghahandog ng papuri sa Diyos ng walang patid dahil inalis Niya ang lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo at ng dugo. Dahil sa inalis na ng Panginoon lahat ng kasalanan ng sanlibutan, kasama na ang aking mga kasalanang kasing-kapal ng ulap, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, dugo at pagkabuhay na muli, tayo ngayo’y makakapagpasalamat sa harap ng Panginoon na nagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Kung hindi inalis ni Jesu-Cristo ang lahat ng kasalanan sa Ilog ng Jordan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan at pagkamatay sa Krus, babayaran natin ang bayarin ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbulid sa impiyerno.
Paano natin Siya mapupurihan, kung hindi Niya inalis ng lubos ang ating mga kasalanan? Makakapagpupuri ba tayo sa pangalan ng Diyos sa tuwing dadako tayo sa harap ng ating Banal at Kagalang-galang na Diyos kung ang ating mga puso’y puno ng kasalanan? Makakaalay ba talaga tayo ng handog na papuri sa Kanyang katuwiran sa pagsambit, “Pinatawad Niya lahat ng ating mga pagkakasala!” Hindi.
Subali’t ngayon, ay mapupurihan natin Siya sa Kanyang katuwiran. Lahat ng ito’y possible dahil nanalig tayo sa regalo ng katuwiran ng Diyos, na siyang dinamitan sa atin.
Sinabi ni Pablo na Tayo’y Nagkamit ng Katuwiran ng Diyos sa Pamamagitan ng Pananalig sa Ginawa ng Diyos
“Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman? Sapagka’t kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa’t hindi sa Dios. Sapagka’t ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya’y ibinilang na katuwiran. Ngayon sa kaniya na gumagawa’y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang. Datapuwa’t sa kaniya na hindi gumagawa, nguni’t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran” (Roma 4:1-5).
Dito’y ipinaliwanag ni Pablo kung paano maging matuwid sa pamamagitan ng halimbawa ni Abraham. Makatuwiran na tatanggapin ng isang tao ang wastong sahod sa kanyang ginawa. Subali’t, ang lahat ay kaloob ng Diyos at hindi para sa ating mga ginawa kaya’t tayo’y naging matuwid sa pamamagitan ng pagsilang na muli, wala ang paggawa ng anumang mabuti at pagkakaroon ng ganap na buhay sa harap ng Diyos.
Sinabi ni Pablo, “Ngayon sa kaniya na gumagawa’y hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.” Ito’y tinatalakay ang patungkol kung paano nakamtan ng makasalanan ang kaligtasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang paghahandog ng dugo. Ang kaligtasang ito’y ibinigay bilang handog na pagpapala para sa kapatawaran ng kasalanan sa lahat ng manalig sa katuwiran ng Diyos.
Ang kaligtasan ng ibang makasalanan ay ang walang-kundisyong handog na ibinigay ng katuwiran ng Diyos. Ang isang taong hindi isinisilang na muli ay walang ibang pagpipilian kundi ang magkasala, at wala ring ibang pagpipilian kundi ang ikumpisal sa Diyos na hindi niya maiwasan ang magkasala. Ang mga kasalanan ng isang makasalanan ay hindi maglalaho dahil lang sa masigasig na dalangin ng pangungumpisal sa mga umiiral na mga doktrina ng mga Kristiyano.
Ang isang makasalanan ay di-maaaring ipagmalaki ang patungkol sa sarili niyang katuwiran sa harap ng Diyos. “Sapagka’t kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang maruni” (Isaias 64:6). Kaya’t walang ibang pagpipilian angisang makasalanan kundi ang maniwala sa katuwiran ng Diyos, na siyang isinakatuparan sa pamamagitan ng bautismo ng Panginoon sa Ilog Jordan at ng Kanyang pagbabayad sa kamatayan sa Krus. Sa gayon lamang mapapatawad sa lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Wala ng iba pang magagawa ang isiang makasalanan upang kamtan ang katuwiran ng Diyos. Ang iyonag kapatawaran sa kasalanan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos.
Lahat ng mga makasalanan ay maaaring matagpuan ang kanyang katuwiran sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo at ng Kanyang pagbabayad ng dugo sa Krus. Samakatuwid, ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ang posibleng magbibigay paraan para sa isang makasalanan na kamtan ang kaligtasan mula sa kasalanan. Ito ang katotohanan. Ito ang handog ng katuwiran ng Diyos.
Tinalakay ni Apostol Pablo kung Paano Makakamtan ng mga Makasalanan ang Kaligtasan mula sa Lahat ng mga Kasalanan.
Pinaliwanag ni Pablo ito sa pamamagitan ng paggamit kay Abraham bilang isang ulirang halimbawa. “Ngayon sa kaniya na gumagawa’y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.” Sinasabi ni Pablo na ang isa’y di-maaaring kamtan ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ayon sa batas. Ang tanging paraan upang makamtan natin ang katuwiran ng Diyos ay sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang mga makatuwirang salita ng espirituwal na pagtutuli.
Ang katuwiran ng Diyos ay ang katotohanan na hindi matatamo sa pamamagitan ng gawa o pagsisikap ng tao. Ang handog ng katuwiran ng Diyos ay ang mga sumusunod: Ikaw at ako ay mga taong naitalagang pumasok sa walang hanggang kapahamakan, subali’t ang ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo ay kinuha lahat ang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, na ginawa ni Juan sa Ilog Jordan. At Kanyang pinasan lahat ng mga kasalanan sa Kanyang balikat patungo sa Krus, kung saan binayaran Niya lath ng kabayaran ng mga kasalanan sa Kanyang dugo. Si Jesus sa gayon ay tinupad lahat ng katuwiran ng Diyos. Lahat ng Kanyang mga makatuwirang gawa ay naisakatuparan ang katuwiran ng Diyos na nagligtas sa mga makasalanan mula sa walang hanggang kamatayan.
Ang mga Nananalig sa mga Salita ng Diyos ay Makakamtan ang katuwiran ng Diyos!
Sinasabi sa talatang 5, “Datapuwa’Tagapagligtas sa kaniya na hindi gumagawa, nguni’Tagapagligtas sumasampalataya s Kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.”
Sa bahaging ito, ipinaliwanang ni Apostol Pablo ang paraan tungo sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit sa makasalanan bilang halimbawa. ‘Ang makasalanan’ ay yaong mga hindi lang natatakot sa Diyos, kundi mga gumagawa ng talipandas na mga kasalanan sa buong buhay nila. Sinasabi ng salita ng Diyos na lahat ng tao’y isinilang bilang ‘tumpok ng kasalanan’ ay tiyak na wasto. Dagdag nito, tama rin na ang totoong kalikasan ng tao ay dahil wala silang ibang pagpipilian kundi ang magkasala hanggang matamo nila ang nakatatakot na paghahatol ng Diyos. Subali’Tagapagligtas, bagama’Tagapagligtas tayo’y makasalanan, tatawagin tayo ng Diyos na walang kasalanan at ibibilang ang ating pananampalataya na katuwiran, ano pa ang magbibigay ng posibilidad dito, walang iba kundi ang katuwiran ng Diyos?
Nagsalita ang Diyos sa ating mga makasalanan: Kinailangang bautismuhan mismo ang Panginoon sa Ilog Jordan sa pamamagitan ni Juan Bautista, ang huling mataas na saserdote sa Lumang Tipan, upang alisin lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan. Kailangan din Niyang bayaran ang bayarin ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagbabayad ng dumanak na dugo sa Krus upang tupdin ang Kanyang mga salita, “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Naniniwala ka bang binayaran na ni Jesus ang kabayaran ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, sa bautismo na Kanyang tinanggap at ang Kanyang dugo sa Krus? Ibinilang ng Diyos ang pananampalataya ng mga nanalig sa Kanyang katuwiran para sa katuwiran. Ito’y hindi isang masuwaying pagpipilit bagkus isang katotohanang naganap para sa kainaman ng katuwiran ng Diyos.
Samakatuwid, sa isang taong nanalig sa katuwiran ng Diyos, sinabi ng Diyos Ama, “Tama, ikaw ay aking bayan. Naniniwala ka nga sa Aking katuwiran. Ngayon ika’y Aking anak. Ika’y walang kasalanan. Bakit? Dahil ginawa Kitang walang kasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng iyong mga kasalanan sa pagbautismo ng Aking Anak at ng Kanyang dugo. Binayaran din Niya ang kabayaran ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dumanak na dugo ayon sa mga salita, ‘ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.’ Bumangong muli sa patay para sa iyo. Samakatuwid Siya ang iyong Panginoon at Diyos. Naniniwala ka ba rito?”
“Oo, ako’y naniniwala.” At Siya’y magpapatuloy, “Binigay Ko sa iyo ang Aking katuwiran, natupad sa pamamagitan ng makatuwirang mga gawa ng Aking Anak. Ikaw ngayo’y Aking anak, inampon kita sa pamamagitan ng tubig at dugo ng Aking Anak.”
Ang buong sangkatauhan ay masama sa harap ng Diyos. Subali’Tagapagligtas, inalis ng Panginoong Jesus ang lahat ng mga kasalanan ng masasama—mga kasalanang ating nagawa, kasama na ang mga kasalanang magagawa bukas—agad sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Kanya. Dagdag nito, dinamitan ng Diyos ang lahat ng nananalig sa katuwiran ng Diyos ng Kanyang katuwiran at sa gayo’y naligtas sila mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan. “Sapagka’Tagapagligtas kayong lahat ay mga anak ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. Sapagka’Tagapagligtas ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis ni Cristo” (Galacia 3:26-27). Ngayon ang tanong ay kung tunay tayong nananalig sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga puso o hindi. Aariin tayong ganap kung tayo’y mananalig, subali’Tagapagligtas kung hindi, mawawala ang katuwiran ng Diyos sa atin.
Kahit pa ang mga Makasalanan sa Paningin ng Diyos
Kahit pa ang mga makasalanan sa harap ng Diyos, pinangako Niya na ang Kanyang katuwiran ay mapapasakanila kung sila’y mananalig lamang na inalis ni Jesus ang kasalanan ng sanlibutan ng minsanan dahil sa pagbautismo sa Ilog Jordan. Tunay na binigay ng Diyos ang Kanyang katuwiran sa bawa’Tagapagligtas mananampalataya. Ang sinuamgn nanalig sa katuwiran ng Diyos ay matatamo ang kaligtasan mula sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutang ito. Sinabi ng ating Amang Diyos sa mga mananampalataya sa Kanyang katuwiran na sila’y mga Anak Niya. “Oo, ika’y walang kasalanan. Niligtas ka ng Aking Anak na si Jesus mula sa lahat ng mga kasalanan. Ikaw ay inaring-ganap. Ika’y naligtas na mula sa lahat ng pagkakasala.”
Kahit pa tayong mga matuwid, sinelyohan ng Diyos ang Kanyang katuwiran sa atin upang patunayan na tayo’y mga matuwid. Ang katuwiran ng Diyos ay walang hanggan. Tunay na ginawa ng Panginoon Jesus ang tamang tungkulin para sa sangkatauhan. Ang tao sa mundong ito ay naligtas mula sa lahat ng mga kasalanan ng mundong ito sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Ibinilang ng Diyos ang mga kaluluwa ng mga masasama bilang walang kasalanan sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. “Mapalad ang tao na sa kaniya’y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan,” sapagka’Tagapagligtas nakamtan niya ang pagpapala ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
Magtatanong ang Diyos sa atin, “Ikaw ba’y maka-Diyos?” Sa gayon, aaminin natin ang katotohanan na tayo’y masasama sa paningin ng Diyos. Kapag tinanggap natin ang katotohanang ito, magpapasalamat tayo na si Jesus ay nabautismuhan para sa mga makasalanan, dumanak ang Kanyang dugo sa Krus, at ang katuwiran ng Diyos ang nag-alis ng mga kasalanan ng sanlibutan; hindi ang ating sariling pagpapasakit. Subali’Tagapagligtas, kung ating iisipin na tayo’y mga taong makakasunod ng mabuti sa kautusan, kailanma’y hindi tayo makapagpapasalamat o kaya’y makapagsampalataya sa Kanyang k.
Ang taong nananalig sa katuwiran ng Diyos na “umaaring ganap sa masama,” makakamtan niya ang Kanyang katuwiran bilang handog. Ang katuwiran ng Diyos ay ipagkakaloob bilang handog sa mga mananalig sa pagtutubos at paghahatol ni Jesu-Cristo, subali’Tagapagligtas sa mga hindi mananalig sa katuwiran ng Diyos, lahat ng pagpapala at biyaya ng Diyos ay mapipigil.
Kahit pa sa isinilang na muli at matuwid na tao, ang katuwiran ng Diyos na itinatag ni Jesus ay kinakailangan bawa’t araw, maging tayong mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay taong hindi maiwasang magkasala araw-araw habang nabubuhay sa mundong ito. Samakatuwid, kailangang paalalahanan ang ating mga sarili sa masayang balita ng katuwiran ng Diyos araw-araw dahil inialis ni Jesus lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus. Sa tuwing naririnig natin ang masayang balita, sinasariwa nito ang ating mga kaluluwa at pinapatibay ang ating mga puso ng may nag-uumapaw na kalakasan. Nauunawaan mo ba ang talatang, “Datapuwa’t sa kaniya na hindi gumagawa, nguni’t sumasampalataya sa Kaniya, na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran?” Ang talatang ito ay tinutukoy ang lahat ng tao sa mundo.
Sa Biblia ay detalyeng tinalakay ang patungkol sa kung paano makakamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng halimbawa ni Abraham. Subali’t, sinasabing sa kaniya “na gumagawa” ay kinakalaban ang Diyos, sa halip na magpasalamat sa kaligtasan ng Diyos. Siya “na gumagawa” ay hindi nananalig sa katuwiran ng Diyos at samakatuwid, hindi mapagpasalamat. Ang talatang 4 ay sinasabi na ang taong nagtatangkang marating ang Langit sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuti para sa sarili ay hindi kailangan ang katuwiran ng Diyos.
Bakit? Dahil walang katuwiran ng Diyos ang makikita yamang sinisikap niyang hugasan ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa at panalangin ng pangungumpisal araw-araw para sa kanyang sarili. Ang ganyang tao ayaw tanggapin ang katuwiran ng Diyos ng lubusan dahil ang taong iyon ay hindi maluwag sa kanyang kalooban na itapon ang kanyang animo’y magagandang mga gawa. Bagkus, sa pamamagitan ng pangungumpisal, sinisikap niyang matamo ang kaligtasan sa sariling kaluluwa sa pag-iyak at pag-aayuno. Samakatuwid, ang katuwiran ng Diyos ay ibinibigay lamang sa mga tunay na nananalig sa Kanyang makatuwirang mga salita.
Sa Kanya na Gumagawa, ang mga Kabayaran ay Hindi Itinuturing Bilang mga Regalo!
“Datapuwa’t sa kaniya na hindi gumagawa, nguni’t sumasampalataya sa Kaniya, na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran” (Roma 4:5).
Mga kapatid, ang talatang ito ay may-kaugnayan sa taong kinikilala ang Diyos at nananalig sa salita ng Diyos katulad ni Abraham. Tayo’y nananalig sa Panginoon ng kaligtasan na nagliligtas sa mga masasama. Mayroong dalawang uri ng Kristiyano sa mundong ito. Sa talatang 4, narito ang tao “na gumagawa,” at ang taong yaon ay hindi sinasaalang-alang ang kaligtasan ng Diyos bilang isang regalo, kundi isang utang. Sapagka’t ang taong ganyan ay nagnanais na makilala sa kanilang mga mabubuting gawa sa harap ng Diyos matapos manalig kay Jesus, malamang na tatanggihan nila ang kaligtasan ng katuwiran ng Diyos. Anong uri ang iyong pagpapasakit, sa iyong palagay, ang kailangan upang matamo ang katuwiran ng Diyos?
Kung ika’y maglalakad sa harap ng Diyos na dala ang iyong mga mabubuting gawa, ika’y magiging makasalanan lamang sa hindi pagkamit ng katuwiran ng Diyos. Alam mo ba ang Doktrina ng Pagbabanal, na sinusuportahan ng maraming Kristiyano, naghihimok sa kanila upang makagawa ng lubos-lubos na mabubuting gawa na sila’y nagiging kaaway ng Diyos sa pagsalungat sa handog n katuwiran ng Diyos? Hindi sinasabi ng Biblia na maaari nating kamtan ng paunti-unti ang katuwiran ng Diyos. Ni hindi rin sinasabi na makakamtan natin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa.
Subali’t, ang katuwiran ng Diyos ay salungat sa mga gawa ng tao. Ang mga sumasalungat sa katuwiran ng Diyos ay nagiging mga kaanib ng demonyo. Dahil ang ganyang mga tao’y tumatanggi sa katuwiran ng Panginoon, hindi nila matatamo ang kapatawaran ng kasalanan sa harap ng Panginoon.
Mga kapatid, tayo’y 100% na masama. Subali’t, ang sa katotohanan ay maraming tao ang nagkaroon ng maling unawa sa katuwiran ng Diyos at sanhi nito’y sila ay nagbabaybay sa maling daan ng pananampalataya. Dahil sa maraming tao ang nag-aakalang parang sila’y mga maka-Diyos, hindi na sila naniniwala sa katuwiran ng Diyos. Inaakala nilang sila’y mapapatawad sa kanilang mga pang-araw-araw at panghinaharap na mga kasalanan sa pagsambit ng dalangin ng sariling pangungumpisal. Ang mga taong ito’y naniniwala na kahit papano ay may maliit na dami ng pagkamaka-Diyos sa kanila, kaya’t inuuna nila ang kanilang mga mabubuting gawa nang hindi hinahanap at pinapaniwalaan ang katuwiran ng Diyos.
Anong uri ng tao ang magiging matuwid? Silan na hindi marunong sa panalangin ng pangungumpisal ang maaaring maging matuwid. Hindi ibig sabihin na hindi kailangan ang dalangin ng pangungumpisal. Nawa ay hindi kayo magkakamali ng unawa sa akin patungkol sa bahaging ito.
Tatalakayin ko mamaya ang usapin ng ‘ang buhay ng matuwid.’ Ang mga sumasalungat sa katuwiran ng Diyos ay nagmamataas sa paggawa ng mga bagay na mabubuti, sa mga pag-aayuno o pagiging relihiyoso.
Subali’t, sila lang na nakakaalam na ang kanilang mga gawa ay hindi sapat ang maaring maging matuwid sa kalagayan ng isang makasalanan sa pamamagitan ng pagtanggap ng handog ng kapatawaran ng kasalanan sa kanilang mga puso. Ang tanging magagawa lang natin ay manalig sa katuwiran ng Diyos at alamin na walang dapat na ipagmalaki ukol sa ating sariling katuwiran. Ang dapat nating aminin sa harap ng Diyos ay, “O Diyos! Nakagawa po kami ng gayong mga kasalanan. Kami’y mga makasalanan na patuloy na magkakasala hanggang sa kami’y mamatay.” Iyan lang ang bagay na dapat nating ipagtapat. At ang isa pang bagay na dapat nating gawin ay manalig ng lubos na tinupad ni Jesu-Cristo ang Kanyang katuwiran.
Sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, ang bawa’t makasalanan ay maaaring tanggapin ang kaligtasan mula sa lahat ng kanyang kasalanan ng lubusan. Tayo’y nagpupuri sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ni Jesu-Cristo, tayo na dapat na mapahamak sa gitna ng kasalanan, nakamtan ang kaligtasan mula sa lahat ng kasalanan.
Sino ang Tunay na Taong Pinagpala?
Sino ang taong pinagpala sa harapan ng Diyos? Niliwanag ng Biblia na ang taong pinagpala ay ang sumusunod. “Mapalad ayong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, at ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.” Kahit pa yaong hindi pa nakagawa ng mabubuting gawa sa paningin ng Diyos, ay may mga kakulangan at mga kahinaan, o kaya’y hindi pa natupad lahat o ibang bahagi ng kautusan ng Diyos, ibinigay ng Diyos ang pagpapala ng kapatawaran ng kasalanan para sa mga buhay na mananampalataya na may pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ang dugo sa Krus. Ang uri ng mga taong ito’y nananalig sa katuwiran ng Diyos at pinakamapalad sa harap ng Diyos, dahil nakamtan nila ang espesyal na pagpapala sa harapan Niya mula sa di-mabilang na tao. Nakamtan natin ang kaligtasan mula sa lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Naniniwala tayo sa sinabi ng Diyos. Mayroon ba tayong maaaring idagdag sa Kanyang mga salita kahit pa nasabi na ng Diyos? Wala, wala tayong magagawa.
Maraming tao sa mundong ito ang nagsisikap pa ring kamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng kanilang mga mabubuting gawa, kahit pa ipinahayag nilang si Jesus ang kanilang Tagapagligtas.
Mayroon bang ibang bagay na makakapagpuno ng katotohanan ng kaligtasan ng Diyos mula sa kasalanan, na nagsasabing binautismuhan ni Juan si Jesus, dumanak ang dugo sa Krus at bumangong muli sa patay? Wala.
Subali’t, ang mga Kristiyano ngayon ay litong-lito tungkol sa bahagi ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Alam ng tao na maaaring kamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus. Nguni’t sa kabilang dako, inaakala pa rin nilang kailangan ito para sa kanilang kaligtasan na sila’y dapat unti-unting maging banal, mamuhay ng maayos, at tupdin ang kautusan sa pamamagitan ng salita ng mga Diyos mula ng sila’y manalig kay Jesus. Katulad nito, ang tao’y litong-lito.
Kahit pa ang sinasabi nila’y waring katulad ng sa mga matuwid, ito’y malayo sa pananampalataya na kilala at nananalig sa katuwiran ng Diyos. Paano lubusang makakapanalig ang isang tao sa Panginoon? Ito’y posible lang kung mayroon tayong simpleng pananampalataya sa mga salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espirito na kalakip ang katuwiran ng Diyos at sa gayo’y, makakamtan ang kaligtasan mula sa lahat ng mga kasalanan. Pinahihintulutan ng katotohanan ng Diyos na makamtan ang kaligtasan mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo sa Krus, na kung saan ang katuwiran ng Diyos ay lubos na nahahayag.
Kailangan nating itapon ang mga doktrina ng balighong Kristiyano sa unti-unting pagbabanal, ang walang kundisyong pagpipili at di-umano’y pagwawalang-sala, o ang mga maling pananampalataya na nagsasabing ang tao’y makakamtan din ang kaligtasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng hindi pagkain ng baboy, o pangingilin sa Araw ng pagsamba. Tayo’y dapat lumayo sa mga nagsasalita sa mga ganitong uri ng walang saysay. Walang mga konklusyon o tamang kasagutan sa kanilang mga usapin.
Mga kapatid, ito ba’y tamang pananampalataya o hindi na makakamtan ang kaligtasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, nang walang ginagawang mabubuting gawa? -Oo, ito ang tunay na pananampalataya.- Anong uri ng gawa ang nagawa natin upang kamtan ang katuwiran ng Diyos? May nagawa na ba tayong mabubuti sa harap ng Diyos? -Wala.- Tayo ba’y ganap sa pamamagitan ng ating sarili kahit sa ating mga kaisipan? -Hindi.- Kung gayon ibig bang sabihin na maaari tayong mamuhay anumang naisin natin? -Hindi.-Kailangan ba tayong mamuhay ng mga mabubuting gawa sa kautusan upang maging Kanyang anak? -Hindi.- Ibig bang sabihin tayo’y magiging tunay na anak ng Diyos lamang sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran, sa pagkakamit ng kapataran ng kasalanan, at pagtatanggap sa Banal na Espirito bilang handog sa pamamagitan ng tamang pananampalataya.
Ito’y tiyak na imposible para sa tao na magkaroon ng mga mabubuting gawa. Subali’t, kapag ang isang tao’y hindi gumawa, kahit pa siya’y nananalig pa rin sa katuwirang binigay ni Jesus, kung gayon siya’y mapalad na maliligtas sa kasalanan. Ang lahat ay orihinal na walang kakayahang magkaroon ng magandang pamumuhay. Samakatuwid, nakikiramay ang Diyos sa atin at pinarito Niya si Jesus sa mundo, pinabautismuhan Niya kay Juan Bautista, upang alisin ang kasalanan ng sanlibutan. Si Jesus ay pinasan ang kasalanan sa Krus at maisaayos ang problema sa kasalanan.
Sa kasabihang pag-Silangan, “Kailangang ialay ng isang tao ang sarili para sa kapakanan ng iba.” Kung may isang taong nalunod dahil sa pagsagip sa taong nalulunod, pinupuri nila siya sa kagandahang-loob ng pagsakripisyo. Mga kapatid, ang ibig sabihin ay kahit pa natural para sagipin ang isang taong nalulunod, ipinagmamalaki pa rin natin ito.
Narito pa ang isang lumang kasabihan tinatawag na, ‘Ingwa-eungbo.’ Ibig sabihin kapag ang isang tao’y nagkaroon ng mabuting buhay, pagkatapos siya’y pagpalain sa pangkasalukuyan, subali’t siya’y paparusahan sa masamang asal. Mga kapatid, mayroon ba talagang taong nakakapag-alay ng kanyang sarili para sa ibang tao? Kahit pa sa sitwasyon ng pag-ibig ng isang alanganin ang kasarian, nagmamalasakit at nagmamahalan ang mga lalake’t babae sa isa’t isa dahil naayon ito sa kanilang mga ninanasa. Gaya nito, lahat ng tao’y likas na makasarili.
Samakatuwid, sinabi ng Diyos na walang kabutihan sa kalooban ng tao at dapat nating siyasatin ng mabuti kung talagang nakasalalay o nananalig sa ating pinakamasahol na mga kasalanan, bagama’t kailanman ay wala pa tayong nagagawang anumang uri ng mga kabutihan. Kailangan nating makamtan ang kaligtasan mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos na binigay sa atin ng Diyos.
Kailangan mong Makamtan ang Kapatawaran sa Lahat ng mga Kasalanan dahil sa Masasamang Gawa
Anu-ano ang mga masasamang gawa sa harap ng Diyos? Lahat ng mga maling gawain natin sa paningin ng Diyos ay mga masasamang gawa.
Paano matatakpan ang kasalanan natin sa harap ng Diyos? Maaari bang takpan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng makapal na damit pang-sangga ng bala? O kaya ang 1 metrong makapal na bakal na baluti, na yari sa pinakamatibay na bakal, matatakpan ang ating mga kasalanan sa paningin ng Diyos? Mga kapatid, sa tuwing gumagawa tayo ng mga mabubuting gawa, matatakpan ba nito ang mga maling gawa at pagkukulang na ating nagagawa sa harap ng Diyos? Hindi. Ang mga mabubuting gawa ng sanlibutan ay wala saysay kundi mga pang-aliw sa sarili. Hindi matatakasan basta ninuman ang paghahatol ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aliw sa sarili sa pmama ng mga mabubuting gawa.
“Mapalad yaong ang kanilang … mga kasalanan ay nangatakpan.” Ito ang sinabi sa Biblia. Mga kapatid, kung nais nating matakpan ang ating mga kasalanan sa harapan ng Diyos, ang tanging paraan ay manalig sa katuwiran ng Diyos na Siyang nagligtas sa atin. Ang katuwiran ng Diyos na ito ay kalakip nang dumating si Jesu-Cristo sa mundong ito upang bautismuhan, ang pagkuhay Niya ng ating mga kasalanan, at ang Kanyang kamatayang tiniis sa Krus. Ito’y dahil inalis ni Jesus ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng bautismo at dahil tinanggap Niya ang hatol sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus. It ang katuwiran ng Diyos. Lahat ng mga kasalanan ay nangatakpan kapag nanalig sa Kanyang katuwiran.
Kahit pa ang tao’y nagtatangkang takpan ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng mabubuting gawa, ito’y walang saysay sa paningin ng Diyos. Ang tanging makatuwirang mga gawa sa bautismo at dugo ni Jesus ang makakapagtakip ng mga kasalanan mo at sa akin. Kailangan tayong mahatulan, mawasak, at mabulid sa impiyerno sa pamamagitan ng pagtanggap ng nangangalit na poot ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan, subali’t naparito si Jesus sa sanlibutan at sinakatuparan ang katuwiran ng Diyos para sa atin sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan Bautista at pagkamatay sa Krus. Dapat kang maniwala rito. Matatakpan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Bakit? Dahil ang katuwiran ng Diyos ang makatuwirang nagbayad para sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagdanak ng dugo. Ang iyo at aking mga kasalanan ay maaaring matakpan sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan.
Anong uri ng tao ang pinagpala? Ang taong may ganitong uri ng pananampalataya ay mapalad. “Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad at ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan. Mapalad ang tao na sa kaniya’y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.” Ang taong may ganitong uri ng pananampalataya ay isang masaya at mapalad na tao. Ako ba’t ikaw ay may ganitong uri ng pananampalataya? Ang tunay na pinagpala ay yaong tumanggap sa mga salita ng Diyos na niligtas tayo ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng tubig at ng Banal na Espirito sa kanyang puso. Yaong tumanggap kay Jesu-Cristo kasama ang Kanyang tubig at ng dugo sa kanyang puso at nananahan kay Jesu-Cristo ay isang tunay na mapalad.
Sa pamamagitan ng pananampalataya, tayong mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay nakamit ang kahanga-hangang kaligtasan, na hindi naglalaman ng kahit kaunting kaisipan ng tao o pagkamabuti. Tanging ang tunay na mapalad na tao ang naniniwala sa ganitong pananampalataya, nananatili sa kanyang puso at nakakapangaral ng tunay na ebanghelyo.
Mga kapatid, huwag tangkahing maging anak ng Diyos o kaya maging ligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga mabubuting gawa ng iyong sarili sa Kanyang biyaya! Ikaw ba’y nagmamabuti? Isang kayabangan kung tinatangka ng isa na maging mabuti kahit pa hindi maaari at inaakalang kaya niya. Kung ang isang mahirap na tao ay nakatanggap ng malaking diamante mula sa isang bilyonario bilang isang handog, ang tanging magagawa ng mahirap na tao ay ang magsabi ng “Salamat.” Ito’y katulad din katuwiran ng Diyos.
Ang Roma kabanata 4 ay tumatalakay patungkol sa taong pinagpala ng Diyos. Ang gayong tao ay iniligtas mula sa lahat ng kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa mga salita ng ebanghelyo na kalakip ang katuwiran ng Diyos.
Nawa ang pagpapala ay mapasaiyo rin.