• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 5-2] Sa Pamamagitan ng Isang Tao (Roma 5:14)

2021.04.12 32
(Roma 5:14)
“Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pangsalangsang ni Adan, na siyang anyo niyaong darating.”
 
 
Una sa lahat ang Makasalanan ay Kailangang magkaroon ng Kaalaman sa Kasalanan
 
Ngayon, ay nais kong magsalita patungkol sa pinagmulan ng kasalanan. Huwag, mong akalain sa iyong sarili, “Gayon at gayon lang ang sinasabi mo araw-araw. Sabihin mo sa akin ang mga ibang bagay naman.” Nais kong making kayo ng maigi. Ang ebanghelyo ay ang pinakamahalagang bagay. Kung ang isang banal na nahugasan ng kanyang mga kasalanan ay hindi laging paulit-ulit na pinakikinggang ang ebanghelyo upang paalalahanan siya nito araw-araw, siya’y mamamatay. Paano siya mabubuhay nang hindi naririnig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espirito? Ang taing paraan lamang upang siya’y mabuhay ay sa pamamagitan ng pakikinig sa ebanghelyo. Ating buksan ang Biblia at ibahagi ang totoong mga paliwanag nito.
Naisip kong, “Anong higit na kailangan ng mga makasalanan kung saan ang mga kasalanan ay hindi pa napapatawad?” Pagkatapos ay nalaman ko ng kailangan nila ang tamang kaalaman sa kasalanan ayon sa salita ng Diyos dahil matatanggap nila ang pagpapatawad ng mga kasalanan kapag nalaman nila ang patungkol sa kasalanan. Naniniwala ako na ang mga makasalanan ay higit na kailangan ang kaalaman sa kasalanan.
Ang tao’y nagkakasala ng maraming beses mula sa panahon ng kapanganakan kahit pa ninanais niya o hindi. Hindi niya pinapansin ang ukol sa kasalanan na nananahan sa kanya kahit pa siya’y isang makasalanan sa paningin ng Diyos dahil siya’y nagkakasala ng maraming beses habang siya’y lumalaki. Ang magkasala ay natural tulad ng paglaki ng puno ng mansanas, namumulaklak at namumnga ng mga mansanas sa kapanahunan. Subali’t, kailangang malaman natin na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ayon sa batas ng Diyos.
Kung ang isay ay nag-aakala at tunay na nalalaman ang ukol sa resulta ng kasalanan, siya’y mapapalaya mula sa kasalanan at paghahatol ng Diyos, at matatamo ang Kanyang mga espirituwal n mga pagpapala. Kaya’t ang higit na kailangan ng isang makasalanan ay alamin ang ukol sa kasalanan at ang resulta nito, at mapag-aralan ang katotohanan ng pagpapatawad sa mg kasalanan, na ipinagkaloob ng Diyos.
 
 
Paano Pumasok ang Kasalanan sa Sanlibutan?
 
Bakit ang tao ay nagkakasala? Bakit ako nagkakasala? Tinalakay ng Biblia ang patungkol nito sa Roma 5:12, sinasabing, “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” Ano ang pumasok sa sanlibutan dahil sa kasalanan? Kamatayan. Inaakala ng tao na ang kamatayan ay para lamang sa laman. Subali’t, ang kamatayang ipinapahiwatig dito ay ang espirituwal na pagkahiwalay mula sa Diyos. Ipinapahiwatig din ang impiyerno at paghahatol ng Diyos, kasama na ang kamatayan ng laman. Sa Roma ay ipinakikita kung paanong ang tao’y naging makasalanan.
Sinasabi ng Biblia, “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan, at kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan.
Tayo’y isinilang bilang mga inapo ni Adan. Kung gayon mayroon ba o wala tayong kasalanan bilang mga inapo ni Adan? -Oo, mayroon tayong kasalanan.- Tayo ba’y isinilang namakas? -Oo, dahil tayo ay mga inapo ni Adan, na ating ninuno.-
Lahi ni Adan ang lahat ng sangkatauhan, subali’t, si Adan at Eba ay nagkasala laban sa salita ng Diyos dahil sa panlilinlang ni satanas nang sila’y nasa Hardin ng Eden. Sinabi ng Diyos na huwag nilang kakainin ang bunga ng puno ng kaalaman sa mabuti at masama, bagkus, ay magkaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagkainng mula sa puno ng buhay.
Nguni’t sila ay nalinlang ni satanas at tinalikuran ang salita ng Diyos at kinain ang puno ng kaalaman sa mabuti at masama. Si Adan at Eba ay nagkasala dahil sa pagtalikod sa salita ng Diyos, na Siyang salita ng buhay na walang hanggan. Matapos magkasala si Adan at Eba, sinipingan ni Adan si Eba, at lahat ng sangkatauhan ay naisilang mula kay Adan at Eba. Tayo’y kanilang mga inapo. Hindi lamang natin namana ang kanilang panlabas na kaanyuhan, bagkus pati ang kanilang likas na makasalanan.
Samakatuwid, sinasabi ng Biblia na ang tao’y binhi ng kasalanan. Ang lahat ng tao sa sanlibutan ay namana ang kasalanan mula kay Adan at Eba. Sinabi ng Biblia, “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.”
Subali’t, hindi nalalaman ng tao na sila’y isinilang na mga makasalanan. Wala silang kaalaman sa kasalanan bagama’t sila’y isinilang na makasalanan. Ang puno ay magsisimulang mamumukadkad sa pamamagitan ng kanyang binhi at mamumunga, subali’t kataka-taka para sa kanila ang magkasala dahil hindi nalalaman na sila’y isinilang bilang mga binhi ng kasalanan. Ito’y katulad ng din ng prinsipyo ng isang puno ng mansanas na nag-iisip, “Ito’y kataka-taka. Bakit kailangan akong mamunga ng mga mansanas?”
Kung gayon, natural sa tao ang magkasala. Ang pag-aakala na ang tao ay maaaring iwasan ang magkasala ay tiyak na kamalian. Natural sa tao na magmana ng kasalanan, subali’t hindi niya lubos na naiisip ang pagiging isang makasalanan. Ano ang sinabi ng Diyos? “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.”
Tayo ay nagkakasala sa buong natin dahil tayo’y isinilang na mga makasalanan. Samakatuwid, karapat-dapat na tayo’y hatulan ng Diyos. Maaaring iniisip mo, ‘Makatuwiran ba sa Diyos na tayo’y hatulan gayong wala tayong pagpipilian kundi ang magkasala?’ Nguni’t, matapos matamo ang kapatawaran sa mga kasalanan, mababatid mo na plano ng Diyos ang gayon upang gawing mga anak Niya tayo.
 
 
Tayong Lahat ay mga Inapo ng Isang Tao, Si Adan
 
Kung gayon, papaanong ang mga tao na mga inapo ng isang taong si Adan, ay magkaroon ng iba’t ibang mga kulay? Ang kanila bang mga binhi ay iba? Bakit mayroon mga puti, dilaw, at maitim na tao? Akala ng ibang tao na noong nilikha ng Diyos ang tao mula sa alikabok ng lupa at niluto Niya, nakagawa ang Diyos ng putting tao nang alisin Niya agad mula sa hurnohan, isang dilaw na tao dahil inalis Niya sa tamang oras at maitim na tao dahil huli na nang ito’y alisin.
Maaaring magtaka ka kung bakit mayroong mga maiitim, mapuputi, at madidilaw na lahi, bagama’t lahat ng tao’y nagkaroon ng kasalanan sa pamamagitan ng isang tao. Maliwanag na sinasabi ng Biblia na ginawa ng Diyos si Adan sa pasimula, nang likhain Niya ang mga langit at lupa. Ibig sabihin ng “Adan” ay tao. Gumawa ang Diyos ng tao. Bakit may mga iba’t ibang lahi sa mundo kung ang Diyos ay lumikha ng isang taong si Adan, at ang lahat ng tao sa mundo ay isinilang sa pamaam niya? Maaaring itanong natin kung bakit, narito ang kasagutan.
Sinasabi ng mga siyentipiko na ang isang kulay sa balat ay tinatawag na ‘melanin’ na lumalabas mula sa balat upang pangalagaan ito mula sa sunog ng araw. Kapag ang mundo ay gumagalaw paikot sa araw, ang mga nakatira sa lugar na mayroong matinding sikat ng araw ay magiging maiitim, yaong mga nakatira sa lugar na kakaunti ang sinag ng araw ay mapuputi, at yaong nakatira sa mga lugar na walang sapat na sinag ng araw ay madidilaw. Subali’t, ang ating ninuno ay iisa pa ring si Adan.
Ipinahayag ng mga siyentipiko na ang ‘melanin’ ay kusang lumalabas mula sa balat at upang alagaan ito mulas sa sunog ng araw. Kaya’t, naunawaan ko ito simula sa oras na yaon. Alam ko na ang tao’y mga inapo ni Adan, nguni’t hindi ko alam ang ukol sa ‘melanin.’ Hindi lamang natin namana ang laman, kundi pati ang kasalanan dahil tayo’y mga inapo ng isang taong si Adan.
Nalalaman mo ba ang kasalanan? Ating siyasatin kung ang mga tao’y makasalanan o hindi mula ng sila’y isilang sa mundong ito. “Gayon din naman ang bawa’t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa’t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti” (Mateo 7:17-18). Sinabi ng Diyos na ang bulaang propeta ay namumunga lang mga maling bunga at hindi makapamumunga ng mabuting bunga. Tayo’y orihinal na masasamang puno dahil tayo’y isinilang na makasalanan, kaya wala tayong magagawa kundi mamunga ng masasama dahil tayo’y isinilang bilang mga masasamang puno.
Tayo’y nagmana ng kasalanan sa pamamagitan ng isang tao. Tayo’y mga masasamang puno kung ihahambing sa ibang mga puno. Ang tao, ay isinilang ng isang makasalanan, ay walang magagawa kundi ang gumawa ng mga kasalanan kahit pa nais niyang magkaroon ng mabuting buhay at sinisikap na hindi magkasala, gaya ng isang masamang puno ay hindi makakapamunga ng mabuting bunga. Nauunawaan mo ba? Ang tao ay nagnanais talagang mamuhay ng may kahinahunan, kababaang-loob at mga mabubuting gawa. Subali’t, ang taong walang kapatawaran ng kasalanan at isinilang na makasalanan ay hindi makakapamuhay na matuwid. Hindi siya maaaring maging mabuti, kahit pa sa walang katapusang mga pagsisikap. Ang ibang mga manginginom ng alak ay sinusubukang huwag uminom ng labis, nguni’t sa huli’y naghihirap sila pag nalalasing at iniiwan sila ng kanilang pamilya sa hospital.
Minsang isang araw, nakapanood ako ng programa sa TV, “Nais kong malaman iyon.” Isang tao ay pinasok sa Hospital 13 taon na ang nakaraan. Nang ang isang reporter ay nagtanong ukol sa kanyang pamilya, sinabi niya na hindi pa sila bumabalik para iuwi siya sa bahay nila kahit pa siya’y magaling at napatunayan na ng kanyang doktor. Nalaman niya sa reporter na pinipigilan mismo siya ng kanyang kapamilya na huwag lumabas ng hospital sa pamamagitan ng pagsuhol ng kanyang pamilya sa doktor. Galit na galit siya nang malaman niya ito. Iniwan siya ng kanyang pamilya dahil hirap na hirap na sila sa kanya. Sinabi ng reporter na ang mga pasiyente sa hospital ay di-makapagpigil sa pag-inom anuman ang kanilang pagnanais at labis ang pag-inom ng maraming beses na halos wala ng makakatulong sa kanila.
Bakit hindi mapigilan ng isang tao ang pag-inom? Alama niyang hindi ito mabuti sa kanyang kalusugan kahit sinusubok na hintuan. Subali’t paulit-ulit pa rin sa pag-inom. Ang dahilan nito ay dahil siya’y isang manginginom na, nguni’t ang orihinal na dahilan ay dahil ang kanyang kaisipan ay laging walang-saysay. Siya’y umiinom dahil dama lagi ang kakulangan sa kanyang puso. Siya’y laging nakakaramdam ng sakit at walang kakayahang maging mabuti dahil siya’y may kasalanan. Kaya, siya’y naging mapag-isip sa kabiguan at umiinom muli. Maaaring iniisip niya, ‘Hindi koa lama kung bakit ginagawa ko ito. Hindi ko dapat ginagawa ito.’ At kapag lalo niyang nararamdamang siya’y pinagkanulo ng kaniyang sarili ay lalo siyang napapainom ng husto sa pagpapabaya sa sarili.
Ang isang tao’y di-mapipigilan ang pag-inom gaano man katindi ang kanyang pagsusumikap na hindi uminom kaya siya’y nakakaramdam ng pagbabago ng maling akala at di-maglao’y umiinom pa ng labis, kaya siya’y iniwan sa hospital. Ang pananalita at pag-uugalia ng tao ay taning pagpapakita ng kanyang likas na pagkatao. Ang tao’y isinilang na makasalanan at di-maiiwasang hindi magkasala, gaano man ang kanyang pagnanais, sa buong buhay niya katulad ng pagmumukadkad ng puno ng mansanas, mamumulaklak at mamumunga ng mansanas dahil namana nito ang likas na anyo ng isang mansanas. Hangad ng tao ang maging mabuti, nguni’t yaong walang kapatawaran sa kasalanan ay di-maaaring maging mabuti dahil wala silang kakayahang maging mabuti. Inaakala nilang hindi mabibigat ang kanilang mga kasalanan, kaya itinatago nila, at lalong lumalala kapag ang kanilang mga kasalanan ay naihayag.
Ito ay natural, likas at tama para sa isang makasalanan na magkasala dahil isinilang bilang isang tumpok na kasalanan at likas na namana ito. Tiyak na likas para sa tao ang magkasala dahil isinilang siya na taglay ang likas na kasalanan, tulad din ng pagiging natural para sa pulang sili na mamunga ng pulang sili at sa isang puno ng jujube upang mamunga ng jujube. Di-maiisan ng tao ang magkasala dahil siya’y isinilang na makasalanan. Paano mamumuhay ang isang tao na hindi magkasala gayong isinilang siyang makasalanan?
 
 
Ang Tao ay Isinilang na May 12 Uri ng mga Masasamang Kaisipan
 
Sinabi ni Jesus sa Marcos kapitulo 7 na ang tao’y isinilang na may 12 uri ng kasamaan, ito ang mga, pangangalunya, pakikiapid, pagpatay, pagnanakaw, paggawa ng kabuktutan, pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan. Isinilang tayong may pagnanasang magnakaw. Ang kaisipang pagnanakaw ay kasama sa mana ng kasalanan. Nagnakaw ka na ba? Kahit sino’y nakapagnakaw na. Kung hindi siya nagnanakaw, ito’y dahil may tao sa kanyang paligid. Subali’t, kung walang tao at mayroong nakakatuksong bagay, ang kasalanang pagnanakaw ay iiral at makakagawa siya ng kasalanan ng pagnanakaw.
Kaya ang tao ay gumawa ng mga etiko at panuntunan na dapat tupdin. Ang tao ay gumawa ng kanilang mga sariling panuntunan na nagsasabing hindi tama ang paggawa ng kapahamakan sa iba. Ang mga panuntunan ay kailangan kung maraming tao ang naninirahan sa isang lipunan. Tayo’y kailangang mamuhay sa isang pamantayan ng lipunan. Subali’t, tayo’y nakapagnanakaw kung tayo’y nag-iisa, nakakatakas sa paningin ng iba.
Wala ni isa ang di-nagnanakaw. Bawa’t isa ay nagnanakaw. Maraming taon na ang nakalipas, tinanong ko ang mga taong dumalo sa isang revival na nagtitipon na itaas ang kanilang mga kamay kung hindi pa sila nagkasala sa buong buhay nila. Isang matandang babae ang nagtaas ng kanyang mga kamay at sinabing, “Wala pa akong ninakaw ng kahit ano.” Kaya tinanong ko siya kung mayroon siyang kinuhang kahit anong bagay sa kanyang pag-uwi. Pagkatapos siya’y nabalisa sa hindi inaasahang katanungan at sumagot, “Minsan ay nakakita ako ng kalabasa habang pauwi. Mukhang masarap kaya lumingon ako sa paligid at piñatas ko ito habang walang tao. Itinago ko ito sa ilalim ng aking saya, inilagay sa kaldero, inilaga at ikinain.” Hindi niya alam na siya’ gumawa ng kasalanan ng pagnanakaw.
Subali’t sinabi ng Diyos na isang kasalanan ang kumuha ng pag-aari ng iba nang walang pahintulot. Iniutos ng Diyos, “Huwag kang magnanakaw” sa kautusan ni Moises. Bawa’t isa ay nakaranas na ng pagnanakaw ng ibang bagay. Ang ibang tao ay bihasa sa pagpatay at pagnanakaw kung may pagkakataon. Nagnanakaw siya ng mga alagang hayop, gaya ng mga kuneho at mga manok mula sa bahay ng iba. Ito’y isang pagnanakaw. Ni wala siyang kamalayan sa kasalanan kahit pa siya’y nakapagnakaw at nakapatay na. Natural sa kanya ang gumawa ng gayon dahil namana niya ang kasalanan mula nang isilang siya.
 
 
Namana ng Tao ang Kasalanan
 
Namana rin ng tao ang kasalanan ng pangangalunya mula sa kanyang mga magulang. Isinilang siya na may pagnanasang gumawa ng pangangalunya. Nakakatiyak siyang makakagawa ng pangangalunya kung walang tao sa paligid. Gusto ng tao ang madidilim na lugar tulad ng mga kantina at mga beerhouse. Ang mga lugar na yaon ay puntahan ng mga makasalanan. Bakit? Yao ay magagandang lugar upang gumawa ng kasalanan.
Ang bawa’t lalaki ay paborito ang gayong mga lugar. Sila’y mga mabubuting ama sa tahanan at matataas ang katungkulan sa lipunan, nguni’t pumupunta sila sa mga madidilim na lugar na puno ng kasalanan. Pumupunta sila sa mga lugar kung saan maipapakita nila ang kanilang mga likas na kasamaan at nagbubunga ng mga masasamang gawa. Nagkikita-kita sila sa mga gayong lugar at di-maglaon ay parang dating mga magkakaibigan na matapos ang isang basong alak. Sila’y nagiging malalapit sa isa’t isa sa oras na sila’y magkita dahil taglay nila ang parehong katangian ng kasamaan sa isa’t isa. “Mayroon ka ba nito? Ako meron.” “Ako rin. Ikaw ay aking kaibigan.” “Ilang taon ka na?” “Hindi mahalaga ang edad.” “Kinagagalak kitang makilala.”
Ang tao ay nagpapakita ng kanilang likas na mga kasalanan sa isa’t sa tuwing sila’y magtatago dahil sila’y isinilang na taglay ang katangian ng makasalanan sa mundo. Natural sa kanila ang magkasala. Bakit? Dahil mayroon kasalanan sa kanilang mga puso at nilikha sa gayong kalikasan. Di-pangkaraniwan sa kanila ang hindi magkasala. Nguni’t, pinipigil ang sarili sa paggawa ng kasamaan kung sila’y namumuhay sa isang lipunan dahil bawa’t lipunan ay may kanya-kanyang mga panuntunan. Kaya sila’y magiging hipokrito at inilalagay ang pagbabalat-kayo, ginaganap ayon sa mga panuntunan ng kalipunan na itinatag ng kanilang lipunan. Namumuhay ang tao tulad nito at ibinibilang ang mga taong hindi gumagawa nito bilang mga mangmang at masasama. Ang tao’y isinilang na di-maiiwasang magkasala, tulad ng sinabi ng Biblia, “Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan” (Roma 5:12).
Tama. Masasabi ng isang tao, “Ako’y hindi mahalay. Ako’y walang pagtingin sa babaeng nakasuot na maiksing palda.” Siya nga ba’y walang pansin? Magkukunwaring hindi pinapansin kapag maraming tao sa paligid, nguni’t di-mapigilan ang paggawa ng kasalanan ng kahalayan kung walang tao sa paligid.
 
Ang masasamang puno ay mamumunga ng masamang bunga o tulad ng mabuting bunga ay di-mamunga ng masama. Dapa’t malaman ng tao na siya’y isang makasalanan. Kung alam niya ang kanyang mga sariling kasalanan, maliligtas siya mula sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesus. Subali’t siya’y mahahatulan ng Diyos at mabulid sa impiyerno kung magkukunwari siyang di-nagkakasala at tinatangkang itago ang kayang mga kasalanan nang hindi nalalaman ang kanyang mga kasalanan. Ang tao ay isinilang na makasalanan. Kung gayon, sila’y mga maruruming puno na namumunga ng mga masasamang bunga mula sa oras ng kanilang pagsilang.
Samakatuwid, sila na nagsusulong sa kanilang mga masasamang likas mula sa pagkabata ay bihasa sa pagkakasala sa buong buhay nila. Yoang nahuli sa pag-iibayo ng kanilang likas na kasamaan ay magsisimulang mamumunga kahit pa sa pagtatakipsilim ng kanilang mga buhay. Mayroong babaeng minsito sa siyudad ng Taegu, Korea. Nang maging Kristiyano sa kanyang kabataan, ipinangako niya na siya’y mananatiling dalaga upang makapaglingkod sa Panginoon bilang babaeng ministro.
Subali’t, binali niya ang kanyang pangako at ikinasal sa isang biyudo pagdating ng 60 taong gulang. Nag-ibayo ang kanyang likas na kasalanan sa huli. Nag-ibayo ang mana ng pangangalunya sa huli.
Karamihan sa tao ay napag-iibayo ng likas na pagkakasala mula pa sa pagkabata. Ngayong mga araw, ang kabataan ay unti-unting napapasinayahan ang kanilang na pagkakasala mula sa kanilang pagkabata. Dama nilang mayroong puwang sa henerasyon sa pagitan nila at henerasyon ng matatanda. Sinasabing sila ang “X-generation.” Siyanga pala, nalaman natin mula sa salita ng Diyos na tayo’y isinilang na makasalanan at tayo’y walang magagawa kundi ang patuloy na magkasala sa buong buhay natin. Tinatanggap mo ba ito?
 
 
Ang Kautusan ng Ketong
 
Pangalawa, sinabi ng Diyos, “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala” (Roma 5:12). Kasalanan ang sanhi sa tao kaya sila hahatulan ng Diyos. Kaya dapat makilala ng isang makasalanan ang kanyang sarili at makamtan ang kapatawaran ng mga kasalanan. Paano niya makikilala ang kanyang sarili? Paano matatamo ng tao ang kapatawaran ng Diyos?
Itinuro ng Diyos kay Moises at Aaron kung paano siyasatin ang ketong sa Levitico 13. sa panahon ng Lumang Tipan, marami ang ketongin. Hindi ko gaano nalalaman ang ukol sa ketong, nguni’t nakakita na ako ng mararming ketonging noon ako’y bata pa. Isa rito ay ang aking kaibigan.
Sinabi ng Diyos kay Moises at Aaron na siyasatin ang ketong at ibukod ang mga ketongin mula sa kalipunan ng mga Israelita. Itinuro ng Diyos kung paano siyasatin ang bawa’t ketongin. “Pagka ang sinomang tao ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman, ng pamamaga, o langib, o pantal na makintab at naging salot na ketong sa balat ng kaniyang laman, ay dadalhin nga siya kay Aaron na saserdote, o sa isa sa kaniyang mga anak na saserdote” (Levitico 13:2). Kapag inakala ng saserdote na siya’y may sakit sa balat matapos masiyasat siya, ibubukod siya ng saserdote ng pitong araw. Pagkatapos siya’y sisiyating muli ng saserdote. Kapag ang sugat ay hindi kumalat sa ibang balat, ihahayag ng saserdote na siya’ malinis, sasabihing “Ika’y malinis. Maaari ka ng tumira sa kamp.”
Kung ang pamamaga sa balat ay puti, at naging puti ang buhok, at mayroong pantal ng sariwang laman sa pamamaga, ito’y ketong, kaya ipapahayag ng saserdote na siya’y maruni. Sinabi sa Levitico 13:9-11, “Pagka nagkaroon ng tila salot ng ketong ang sinomang tao ay dadalhin siya sa saserdote; At titigna siya ng saserdote; at, narito, kung makitang may pamamaga na maputi sa balat, na pumuti ang balahibo at may matigas na lamang buhay sa pamamaga. Ay malaong ketong nga sa balat ng kaniyang laman, at ipakikila ng saserdote na siya’y karumal-dumal; hindi siya kukulungin; sapagka’t siya’ karumal-dumal.” Ikukulong siya ng saserdote mula sa kampo ng Israel.
Ito’y ganito rin sa ating bansa. May mga lugar ng nayon para sa mga ketongin sa Korea gaya ng Flower Village at Sorok Islang. Maraming araw na nakalipas, sa aming pag-uwi sakay sa aking kotse, biniro ako ng aking asawa na pasyalan ang ‘Flower Village’ nang makita niya ang signboard nito sa ‘superhighway.’ Sinabi ko sa aking sarili, “Hindi niya alam kung ano ang ‘Flower Village.’” Tinanong ko sa kanya, “Mahal, talaga bang gusto mong pumasyal sa ‘nayon’ na iyon?” Sumagot siya ng “Oo.” Subali’t siya’y nagulat nang marinig niyang lugar iyan nga mga ketongin at hindi na muli siyang nag-aya. Ang mga ketongin ay ibinukod sa mga nakahiwalay na nayon mula sa kalipunan.
 
Dito, ang binibigyang pansin natin ay ang pagpapakilala ng saserdote sa isang tao na malinis nang ang ketong ay kumalat at natakpan ang lahat ng kanyang balat. Sa tingin mo ba’y ito’y may saysay? Ibinukod ng saserdote ang taong kaunti ang ketong na kumalat, at sinabi ng saserdote sa kanya na tumira sa kampo ng Israel nang ang salot ng ketong ay bumalot sa lahat ng kanyang balat, mula ulo hanggang paa.
Sinabi ng Diyos kung paano uriin ang ketong. “At kung kumalat ang ketong sa balat, at matakpan ng ketong ang buong balat ng may tila salot, mula sa ulo hanggang sa kaniyang mga paa, sa buong maaabot ng paningin ng saserdote” (Levitico 13:12). Ito ang paraang sinabi ng Diyos sa saserdote sa pagsusuri ng ketong.
 
 
Ano ang Sinasabi sa Atin ng Kautusan sa Ketong….
 
Sinasabi nito sa atin. Ang tao’y isinilang na makasalanan taglay ang masasamang katangian at buong buhay na nagkakasala, nguni’t ang ibang tao’y ipinakikita lang ang kaunting kasalanan. Nagkakasala sila sa pamamagitan ng kanilang mga kamay ng minsan at sa pamamagitan ng kanilang mga paa ang sumusunod, at matapos ang mahabang pagitan sa pamamagitan ng kanilang mga isip sa ibang panahon, kaya hindi naipapakita ang kanilang mga panlabas na kasalanan. Sino ang makakapagsabi na malubha kung kumalat ang ketong sa isang pantal dito at maliit na pantal doon? Walang nakakaalam ng sintomas ng kanyang ketong.
Ang tao’y isinilang na makasalanan dahil sa pagmamana ng kasalanan. Nguni’t hindi niya nalalamang siya’y makasalanan hangga’t hindi siya nagkakasala ng d-mabilang na ulit, bagama’t inihayag na ng Diyos na siya’y isang makasalanan. Di-maglaon ay malalaman niyang siya’y isang makasalanan sa mundo.
Subali’t, ang taong nag-aakalang siya’y napakabuti, nakapagtitiis ng mabut at nagkakasala ng maliit lamang ay hindi nalalaman na siya’y isang makasalanan. Sinabi ng Diyos na ipapakilala ng saserdote ang taong may kaunting ketong na marumi at ibubukod siya. Ang mga makasalanan ay inwalay mula sa Diyos. Nauunawaan mo ba? Ang Diyos ay banal. Ang taong nag-aakla na ang kanyang kasalanan ay ga-tuldok lamang ay di-makakapasok sa Kaharian ng Langit.
Sino ang titira sa Kaharian ng Langit? Yaong ang mga kasalanan ay kumalat sa buong katawan at nalaman na sila’y makasalanan at hindi maiiwasan ang kasalanan ay siyang makakapasok sa Kaharian ng Langit. Ang lahat ng kanilang mga kasalanan ay patatawarin sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, at sila’y makakapasok sa Kaharian ng Langit at maghaharing kasama ang Diyos.
Sinabi ng Biblia na ipapahayag ng marumi ang taong yaong kasalanan ay kumalat ng kaunti. Tinatawag ng Diyos ang taong paulit-ulit na nagkakasala, sa kabila ng pagnanais na hindi magkasala, at inaaming siya’y makasalanan sa kabuuan. Sinabi ni Jesus, “Hindi ako naparito uapng tumawag ng matuwid, kundi ng mga makasalanan” (Mateo 9:13). Tinatawag ng Diyos ang mga makasalanan at hinuhugasan ang lahat ng kanilang mga kasalanan. Pinatawad ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kasalanan. Minsanang hinugasan ng Diyos ang kanilang mga kasalanan para sa lahat. Kinuha ni Jesus ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, hinatulan sa Krus para sa kanila at naging matuwid sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay na muli upang dalhin sila sa Kaharian ng Langit.
 
 
Dapat Kilalanin Natin ang Ating mga Sarili 
 
Kailangang malaman natin kung tayo’y makasalanan sa kabuuan o medyo makasalanan lang. Ipapaphayag ng Diyos na malinis ang tao kapg ang ketong ay kumalat sa lahat ng bahagi ng kanyang balat. Itinalaga ng Diyos ang batas ng ketong na gayon. Ang taong nakakaalam na siya’y puno ng kasalanan ay walang magagawa kundi ang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito at kamtin ang pagpapatawad sa mga kasalanan kapag nanahan si Jesus sa kanya, sinasabing hinugasan Niya ang lahat ng kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang bautismo at sa Krus. Subali’t, ang taong nag-aakalang siya’y hindi puno ng kasalanan ay naghahagis ng pangungutya sa ebanghelyo.
Mayroon bang kasalanan kung nahugasan na ni Jesus ang lahat ng kasalanan? Hindi. Matatamo nating ang kapatawaran ng mga kasalanan nang minsanan para sa lahat. Samakatuwid, kailangan makilala ng makasalanan ang kanyang sarili. Ang lahat ng kanyang mga kasalanan ay maaalis kung inalam niya ang kanyang sarili. Ang tao ay maaaring ibibigay lang sa Diyos ang kanyang maliit na kasalanan. “Panginoon, ako ay nagkasala. Hindi ko man gusto, pero pinilit niya akong gawin iyon. Nawa ay patawarin ako ngayong pagkakataong ito, at hindi na muling uulit pa.” Maliit lamang na kasalanan ang inaalam nila sa Diyos. Kaya sinasabi ng Diyos, “Ikaw ay marumi.”
Ang tao ay walang katuwiran sa harap ng Diyos. “Ang maging at hindi ay nakasalalay sa Inyo, O Diyos. Ako’y makasalanan at patungong impiyerno. Nawa ay gawin Ninyo ang nararapat, nguni’t Diyos, maawa po Kayo sa akin at iligtas po ako. Iligtas po Ninyo ako kung kayo ang Diyos. Sa gayo’y maniniwala ako sa Inyo at mamumuhay ayon sa Inyong kalooban.” Inililigtas ng Diyos ang taong kumikilala na siya’y puno ng kasalanan.
 
 
Ang Tao ay Nagmana ng Kasalanan na may 12 Uri ng Masasamang Kaisipan
 
Ating tignan ang Macors 7:20-23. “Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao. Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapua-tao, ang mga pangangalunya. Ang mga kasakiman, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang masamang mata, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan. Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipang-galing, at nangakakahawa sa tao.” Mula sa kahibuturan, mula sa puso ng tao, lumalabas ang masasamang pag-iisip. Naman ng tao ang katutubong kasalanan. Nauunawaan mo ba? Buong buhay na taglay ng isang tao ang masasamang pag-iisip. Walang paraan para sa kanya na mapalaya kung ang lahat ng kanyang mga kasalanan ay hindi mapatawad ng minsanan para sa lahat.
Ang tao’y isinilang na taglay itong 12 uri ng masasamang kaisipan: pangangalunya, pakikiapid, pagpatay, pagnanakaw, kasakiman, kabuktutan, pandaraya, kahalayan, masasamang mata, paninirang-puri, kapalaluan, kamangmangan. Kaya wala siyang magagawa kundi buong buhay na magkasala. Ang taon yaong ang mga kasalanan ay di-napatawad ay mabubuhay ng masama kahit pa hindi niya nais ang mamuhay ng ganito. Lahat ng bagay mula sa tao, gaya ng mga kaisipan at mga pag-uugali ay kasalanan sa Diyos.
Isang pagkukunwari para sa isang makasalanan ang maging mabuti. Nagkukunwari siyang mabuting tao. Ito’y pandaraya sa Diyos. Ang taong isinilang na makasalanan ay kailangang makilala ang sarili upang maligtas. Nguni’t ang taong hindi kumikila sa sarili na siya’y makasalanan, lagi siyiang nakakaramdam ng kahirapan sa tuwing siya’y magkakasala at sasabihing, “Bakit ko nagagawa ang mga bagay na ito?” Dinadaya niya ang kanyang sarili.
 
Ang tao’y may masasamang pag-iisip. Maaaring iniisip niyang, “Bakit ko ginagawa ang mga masasamang kaisipan? Hindi, wala dapat sa akin ang mga kaisipang ito. Bakit ako nag-iisip ng mga maruruming bagay? Sinabi ng aking guro na ako’y gumawa ng mabuti.” Nag-iisip siya ng ganyan dhali hindi niya alam kung bakit ginagawa niya ang gayong mga bagay. Naghihirap siya dahil sa kanyang pagnanakaw at pangangalunya dahil hindi niya nalalaman na naman niya ang kasalanan. Pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagpatay, pagnanakaw, kasakiman, kabuktutan, pandaraya, kahalayan, masasamang mata, paninirang-puri, kapalaluan, at kamangmangan ay lumalabas sa kanya ng walang-tigil at paikot-ikot. Kaya, kinamumuhian niya ang kanyang sarili at nahihiya nang hindi nalalaman. 
Tayo’y isang kumpol ng kasalanan at taglay ang 12 uri ng masasamang bunga buong buhay natin dahil tayo’y isinilang na makasalanan, namana ang kasalanan mula sa ating ninunong si Adan. Mapalad ang taong nalalaman na sila’y mga makasalanan.
Hinahanap ng tao si Jesus, ang Tagapagligtas na nagligtas sa kanya mula sa lahat ng kanyang mga kasalanan, nang malaman niyang siya’y isang di-mapagkakatiwalaang makasalanan. Ito lang ang paraan upang mapagpala ng Diyos. Subali’t, ang tao’y hindi hinahanap ang Tagapagligtas kung hindi niya nakikilala ang sarili. Ang taong nakakakilala sa kanyang sarili ng lubos ay ipagkakaila ang kanyang sarili, iiwanan ang kanyang mga pagsusumikap, ihihintong umasa sa tao, hahanapin si Jesu-Cristo na Siyang Diyos, ang Tagapagligtas at ang Propeta, at nagpapatawad sa pamamagitan ng biyaya ni Jesu-Cristo.
Ang mga makasalanan ay dapat malaman ang kanilang mga sarili dahil yaong mga nakakaalam ng kanilang sarili ay magiging mapapalad sa harap ng Diyos. Ayong di-nakakakilala sa sariliy ay hindi pagpapalain. Kung gayon, ang mga makasalanan ay dapat kilalanin ang sarili bilang kanilang sarili. Nauunawaan mo ba? Ikaw ba’y nakagawa na ng mga masasamang bagay bago nakamtan ang kapatawaran ng mga kasalanan? Kung mayroon, alam mo ba kung bakit? Nakagawa ka ng masasamang bagay laban sa iyong kalooban dahil minana mo ang kasalanan.
 
 
Sa Pamamagitan ng isang tao ay Pumasok ang Kasalanan sa Sanlibutan, at Kamatayan dahil sa Kasalanan
 
Ang kamatayan ay di-maiiwasan ng tao dahil mayroon silang kasalanan. Kailangang hanapin ng tao si Jesus at katagpuin Siya nang mapalaya sa kasalanan upang ang kanyang mga kasalanan ay maalis. Kaya siya’y magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Nais mo bang mapalaya sa iyiong mga kasalanan?
“Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adan, na siyang ano niyano darating. Datapuwa’t gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka’t kung sa pagsuway ng isa ay nangamtay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesu-Cristo. At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka’t ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap. Sapagka’t kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga’y si Jesu-Cristo. Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayondin sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid. At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa’t kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya. Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hangan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin” (Roma 5:14-21).
 
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala” (Roma 5:12). Dito, sino ang isang tao? Si Adan. Si Eba man ay nagmula sa isang taong si Adan. Kaya sinasabi ng Biblia, ‘Sa pamamagitan ng isang tao.’ Ginawa ng Diyos ang isang tao sa pasimula at sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Mayroong dalawang tao sa Hardin ng Eden sa paningin natin, subali’t, sa katotohanan, may isang tao sa paningin ng Diyos. Ang lhat ng tao ay kumalat sa pamamagitan ng isang taong si Adan.
Ang mga salitang “Sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan,” ibig sabihin na lahat ng mga inap ni Adan ay naging mga makasalanan dahil sa pagkakasala ni Adan. Naisalin ang kamatayan sa lahat ng sangkatauhan, dahil lahat ay nagkasala. Ang kamatayan ay hinatol sa lahat ng tao dahil sa kasalanan. Hindi matitiis ng Diyos ang taong may kasalanan.
Ang Diyos ay makapangyarihan ngunit dalawang bagay ang hindi Niya kayang gawin. Hindi Niya magagawng magsinungaling at hindi Niya pahihintulutan ang tao na pumasok sa Kaharian ng Langit. Ginagampanan Niya ang Kanyang kautusan gaya ng Kanyang pangako. Tiyak na hahatulan ng Diyos ang taong may kasalanan dahil hindi sinungaling ang Diyos at hindi Niya maaaring balewalain ang Kanyang kautusa na itinatag. Ang lahat ng tao’y naging makasalanan sa pamamagitan ng isang tao, si Adan, na nadapa at nagkasala sa harap ng Diyos. Ang kahatulan ng Diyos at kamatayan ay kumalat sa lahat ng tao dahil sila ay naging makasalanan at isinilang bilanga mga inapo ng isanta taong si Adan. Ang kamatayan ay kumalat sa kanilang lahat ng gayon na lamang.
Nang likhain ng Diyos ang tao sa pasimula, wala pa ang kamatayan. Hindi lamang naroon ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama, subali’t pati rin ang puno ng buhay. Iniutos ng Diyos kay Adan na kainin ang bunga ng puno ng buhay upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Subali’t, si Adan ay nadaya ni satanas at kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama na iniutos ng Diyos na huwag kainin at hinamon ang Diyos sa pamamagitan ng pagtalikod sa Kanyang salita, kaya kumalat ang kamatayan sa lahat ng tao sa sanlibutan dahil sa kasalanan. Ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng isang taong si Adan.
 
 
Bakit Ibinigay ng Diyos ang Kautusan sa Tao?
 
Kung hindi pumasok ang kasalanan sa sanlibutan sa pamamagitan ni Adan, hindi kakalat ang kamatayan sa lahat ng tao. Bakit namatay ang tao? Siya’y mamamatay dahil sa kasalanan. Ang kasalanan ay pumasok dahil sa isang tao, kaya ang kamatayan ay pumasok sa lahat ng tao. Bago ang kautusan, ang kasalanan ay nasa sanlibutan, nguni’t hindi nalalaman ng tao ang ukol sa kasalanan hanggang sa kautusan ay dumating.
Ang kautusan ng Diyos ay bumaba sa lahat ng tao sa pamamagitan ni Moises. Kahit pa sa panahon ni Adan at Noe, ay may kasalanan na, subali’t hindi pa naitatatag ng Diyos ang kautusan hanggang sa panahon ni Moises. Subali’t, sinasabi ng Biblia na may kasalanan sa mga puso ng lahat ng tao na nabubuhay sa panahong yaon.
Ating tignan ang Roma 5:13, “Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni’t hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.” Nariyan ang kasalanan kahit wala pa ang kautusan sa mundo. Samakatuwid, lahat ng tao ay dapat mamatay dahil nagkasala sa harap ng Diyos. Ibinigay ng Diyos ang kautusan na naglalaman ng 613 uri ng mga kautusan, na kailangang sundin sa harap Niya at sa harap ng mga tao, upang ipaalam sa kanila ang kasalanan. Ano ang nalaman ng tao mula sa kautusan ng Diyos? Nalaman nilang sila’y masasama sa paningin ng Diyos at nalaman nilang sila’y may kasalanan. Nalaman ng tao na hindi nila masusunod ang kautusan ng Diyos.
Kaya, napag-alaman nila ang kanilang mga kasalanan. Alam ng mga inap ni Adan at Eba na sila’y makasalanan at ang Diyos lang at maaring magpatawad sa kanilang mga kasalanan. Subali’t sa kapanahunan ay nakalimutan nilang sila’y naging mga makasalanan at naman ang kasalanan mula sa kanilang ninunong si Adan. Sa panahong iyon, nalaman nilang sila’y makasalanan nang sila’y magkasala, nguni’t hindi nila nalalaman na sila’y mga makasalanan nang sila’y di-nagkakasala. Subali’t sila’y mali. Sa mga araw na ito, marami pa rin ang nag-aakalang sila’y naging mga makasalanan kung hindi sila nagkasala, at hindi sila magiging makasalanan kung hindi sila nagkasala. Sa katunayan, ang lahat ng tao ay makasalanan kahit sila man ay nagkasala o hindi dahil namana nila ang kasalanan mula sa kanilang pagsilang.
 
 
Ang Kamatayan ay Kumalat sa Lahat ng Tao sa Pamamagitan ng Isang Tao
 
Sa Roma 5:13-14 ay sinasabi, “Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni’t hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan. Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pangsalangsang ni Adan, na siyang anyo niyaong darating.”
Sinabi ng Diyos na ang lahat ng tao ay naging mga makasalanan dahil sa isang tao at ang kamatayan ay kumalat sa kanila dahil sa isang tao. Ang kamatayan ay kumalat sa kanila dahil sa kasalanan. Ito ay dahil sa isang tao. Sino ang isang taong ito? Si Adan. Alam nating lahat ito. Nguni’t, maraming tao ang di-nalalaman ito. Kahit pa ang maraming Kristiyano ay di-nalalaman ito. Inihiwalay nila kasalanan sa orihinal na kasalanan at sa kasulukuyang mga kasalanan at inaakala na ang mga kasalukuyang kasalanan ay mapapatawad sa pamamagitan ng pangungumpisal. Hindi nila nalalaman na ang dahilan ng kanilang kahatulan at pagpunta sa impiyerno ay dahil kay Adan.
Ang mga inapo ni Adan ay walang kaugnayan sa Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan, gaano man kaigi ang kanilang pagsisikap na maging mabuti. Lahat sila’y hahatulan ng Diyos dahil sila’y mga inapo ni Adan, gaano man ang kanilang pagsusumikap na magkaroon ng mabubuting buhay. Sila’y mabubulid sa walang hanggang apoy ng impiyerno dahil sa kanilang ninunong si Adan.
 
 
Si Adan na siyang Anyo niyaong Darating
 
Nasusulat na si Adan ay siyang anyo ng darating. Lahat ng tao’y naging mga makasalanan at ang kamatayan ay dumating sa kanila dahil sa isang tao. Subali’t lahat ng sangkatauhan ay naging matuwid dahil sa Isang Taong si Jesu-Cristo. Ito ang kautusan ng Diyos.
Ang tao ay naging relihiyoso dahil hindi nila nalalaman ang kautusan ng Diyos. Sinasabi nila na dapat silang gumawa ng mabubuting gawa upang maligtas habang sila’y naniniwala kay Jesus. Gaano kalawak ang pagkalat nito sa mundo at gaano kadalas silang magsinungaling! Itinuturo nila sa tao at sinsabing, “Ikaw ay dapat maging mabuti bilang mga Kristiyano.” Ang ating mga kasalanan ay hindi naalis sa mga gawa.
“Si Adan ay siyang anyo niyaong darating.” Sino ang Taong darating para sa ating ikaliligtas mula sa mga kasalanan? Siya ay si Jesu-Cristo. Si Jesus ay naparito sa mundo at alinsunod sa kautusan ay tinangay ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang minsanang bautismo para sa lahat upang tayo ay maging matuwid at ipinako upang iligtas tayo sa paghahatol.
Ang kasalanan ay pumasok sa mundo dahil nilinlang ni satanas si Adan, na isang nilalang. Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan dahil kay Adan, subali’t, si Jesu-Cristo ang Tagapagligtas, ang Manlilikha, at ang Hari ng mga hari na makapangyarihan, ay naparito sa anyo ng tao upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan nang minsanan para sa lahat. Tinangay Niya ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo mang minsanan para sa lahat at binayaran ang mga bayarin ng kasalanan sa pamamagitan ng pagpapako.
Ang tao ay tatanggap ng bagong buhay at magkakaroon ng katubusan kung siya’y mananalig na si Jesus ay pinadala upang alisin ang lahat ng mga kasalanan, gaano man katindi ang kanyang mga pagkakasala. Naiplano at pinasiya ng Diyos na likhain ang mga langit at lupa upang gawin Niya tayong mga anak Niya. Siya ‘y naparito sa mundo at ganap na tinupad ang Kanyang pangako. Kaya tiyak na wala tayong kasalanan. Hindi kailanman nagkamali ang Diyos. Si Jesus ang anino na Siyang darating. Hindi ko maunawaan kung bakit nakasalalay ang tao sa kanilang mga gawa. Ang ating kaligtasan ay tiyak na nakasalalay lamang kay Jesus. Ang tao’y naging makasalanan dahil sa isang taong si Adan, at natubos dahil sa Isang Taong si Jesus.
Ang tanging gagawin lang natin ay ang manalig sa kaligtasan ng pagpapatawad ng mga kasalanan. Ito lang ang bagay na gagawin natin. Wala tayong gagawin kundi magalak sa katotohanang inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan. Siyanga pala, bakit ninyo pinipilit ang ibang tao na magsigasig sa paggawa ng mabubuting gawa? Ang tao ba’y mapapalaya mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga gawa? Hindi. Ang kaligtasan ay nakasalalay lang sa pananampalataya sa kapatawaran ng mga kasalanan.
 
 
Ang Kaloob na Walang Bayad ay Hindi Tulad ng Pagsuway
 
Sa Roma 5:14-16 ay sinasabi, “Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pangsalangsang ni Adan, na siyang anyo niyaong darating. Datapuwa’t gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka’t kung sa pagsuway ng isa ay nangamtay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesu-Cristo. At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka’t ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.”
 
Ano ang sinasabi ng mga talatang ito? Sinasabi ng Biblia, “Datapuwa’t gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway.” Ang walang bayad na kaloob ay tumutukoy sa kaligtasan ng Diyos. Ibig sabihin na ang lahat ng tao na nagmana ng kasalanan dahil kay Adan ay itinalaga na mapuntang impiyerno, nguni’t ang kanilang mga kasalanan ay maaaring mapatawad ng walang pagtangi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan. Ibig sabihin din na inalis na rin ni Jesus ang lahat ng ating mga kinabukasang kasalanan.
Ang taong isinilang bilang inapo ni Adan ay isang makasalanan kahit hindi pa siya nagkakasala. Si Jesus ay naparito sa mundo at naging Tagapagligtas natin. Ang walang bayad na kaloob ay ang pagbigay sa atin ni Jesus ng labis-labis na katubusan upang patawarin sa mga kasalanan na patuloy na ginagawa ng tao hanggang sa hangganan ng mundo.
Kung gayon, ang libreng handog ng isang Tao ay higit sa pagsuway ng isang tao. Kung ang isa’y nagkasala ng pagiging salungat sa Diyos, kaya ang kasalanan lamang ay isang malubhang bagay upang siya’y hatulan ng Diyos at matungong impiyerno. Subali’t, ang handog ng Diyos, na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan at mga pagsuway, ay nakahihigit kaysa sa pagsuway ng isang tao.
Ibig sabihin na ang pag-ibig ni Jesus at ang handog ng pagpapatawad ng mga kasalanan ay higit kaysa sa mga pagsuway ng lahat ng tao. Sapat na inialis ng Panginoon ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan. Ang pag-ibig ni Jesus, na nagligtas sa atin, at ang handog na kaligtasan ay lubos na masagana at malaki kaysa sa pagsuway na nagawa ng isang tao. Inalis na ni Jesus ang mga kasalanan ng paglaban sa Diyos kahit pa tayo’y salungat sa Kanya dahil sa ating mga laman. Ngayon ay nais ng Panginoon na tayo’y manalig na inalis na nga Niya ang mga kasalanan ng mundo nang minsanan. Kaya nga inligtas Niya ang lahat ng kanilang mga kasalanan bilang Cordero ng Diyos, na nag-alis ng mga kasalanan ng mundo.
Ang teoriya, na nagsasabing ang ating mga kasalanan ay maaalis kung tayo’y mananalig sa Diyos, at hindi maaalis kung hindi tayo mananalig sa Diyos, ito’y walang katotohanan. Inalis din ng Diyos ang mga kasalanan ng mga di-mananampalataya dahil minahal Niya ang lahat ng tao sa mundo, subali’t ayaw nilang tanggapin ang pag-ibig ng Diyos. Walang hindi mapapasama sa pag-ibig at kaligtasan ng Diyos. Ang kaligtasan ng Diyos ay mapapasakanila na nananalig sa katotohanan ng ebanghelyo na nagsasabing inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan.
Tayo’y mga taong mahihina. Ibinibilang ng Diyos na walang kasalanan ang mga nananalig na inalis ni Jesus ang lahat ng kasalanan. Marami pa rin tayong mga kahinaan kahit matapos na mapatawad ang ating mga kasalanan. Maraming beses, na tayo’y lumalaban sa Diyos at tinatangka ring itapon ang Kanyang katuwiran pag hindi tayo sumasang-ayon sa Kanyang kalooban. Nguni’t sinasabi ng Diyos, “Mahal kita at iniligtas kita. Inalis Ko na ang mga kasalanang iyong nagawa hanggang ngayon.” “Totoo po ba Panginoon?” “Oo, inalis Ko na ang lahat ng mga kasalanan.” “Salamat po sa Iyo, Panginoon. Pinupuri Kita. Hindi ko matulungang purihin Ka dahil minahal Mo po ako ng husto sa pag-alis pati ang kasalanang pagkakaila sa Iyo.”
 
Yaong mga naging makasalanan at naging mga matuwid at naging mga alipin ng pag-ibig. Tumalima sila sa Kanyang pag-ibig. Wala silang magagawa kung ang manalig kay Jesus dahil inalis ng Panginoon ang kasalanan ng pagkakaila sa Kanya kahit pa ikinakaila nila Siya dahil sa kanilang mga kahinaan, katulad ng ginawa ni Pedro. Napapapuri sila sa Panginoon. Kaya sinabi ni Pablo na ang kaligtasan ng Diyos ay higit sa pagsuway ng isang tao.
Kinuha ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan; ang orihinal na kasalanang namana at ang mga kasalukuyang kasalanang nagagawa hanggang sa katapusan ng mundo. Kaya, anong dakila ng pag-ibig ng Diyos! Kaya ipinapahiwatig ng Biblia, “Masdan, ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” (Juan 1:29).
 
 
Ang Matuwid ay Maghahari sa Buhay sa Pamamagitan ng Isa, si Jesu-Cristo
 
Ang kasalanan ng mundo ay hindi mapapatawad sa pamamagitan ng pangungumpisal. Ang tao ay mapapawalang-sala at matatamo ang kaligtasan sa lahat ng mga kasalanan dahil inalis na ng Panginoon kahit pa ang mga kasalanan sa kinabukasan. Sinasabi ng Roma 5:17, “Sapagka’t kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga’y si Jesu-Cristo.”
Tayo’y mapapalad dahil sa biyaya. Sino ang mga tatanggap ng kasaganaan ng biyaya at ang handog ng katuwiran? Sila yaong nananalig sa Panginoon at ang mga kasalanan ay napatawad sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Pinupuri natin ang Panginoon dahil nakamtan ang masaganang biyaya ng pagpapatawad sa mga kasalanan. “Magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga’y si Jesu-Cristo.” Tayo’y mga hari na maghahari sa buhay.
Ang mga hari lang ang maghahari. Tayo’y naghahari ngayon. Sino ang makikipag-away laban sa mga hari? Tayo na nagtamo ng kasaganaan ng biyaya at ang handog ng katuwiran, ay araw-araw maghahari. Tayo’y naghahari ngayon at maghahari bukas. Sinuman ang magpapakita ng kabaitan sa atin na mga hari ay mapapalad at maaaring maging mga hari kasama naming. Subali’t, ang mga di-naniniwala sa ebanghelyo ng katotohanan na ipinangangaral ng mga hari ay mapupuntang impiyerno.
Marami ng mga haring ang naligtas sa mundo at marami ng mga taong napunta sa impiyerno dahil sumasalungat sila sa mga hari. Dapat silang mabait sa mga hari, nguni’t hindi sila ganoon. Mga hari rin sana sila kung may mga mata sila ng katotohanan at ng puso.
Naghahari ka ba? Pinagyayabang natin ang ating pagiging hari sa mundo. Ipinapahayag natin na ang mga di-mananampalataya ay patungong impiyerno kapag kinalaban tayo. Mga hara lang ang makakawa nito. Tayo’y tunay na mga hari. Mayroon bang hindi naghahari sa gitna ng mga matuwid? Sila’y walang pakundangan kung hindi sila maghahari bilang mga hari. Ang hari ay dapat maghari bilang hari. “Mayroon kang maling pag-iisip. Ika’y matutungong impiyerno kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan.” Ang hari ay dapat umasal bilang hari. Ang hari ay dapat maging marangal at ibigay ang kautusan sa mga makasalanan na paniwalaan ang katotohanan.
Ang hari ay maaari at kailangang maghatol, utusan at isakdal ang mga di-mananampalataya patungo sa impiyerno yaong sumalungat sa katuwiran ng Diyos, gaano man kabata ang hari. Nasa kanya ang kapangyarihan na isakdal ang di-mananampalataya patungong impiyerno sa harap ng Diyos, nguni’t hindi ibig sabihin na maaaring abusuhin ang kanyang kapangyarihan anuman ang kanyang naisin. Sinasabi ng Panginoon na maghari tayo sa mundo. Samakatuwid, tayo’y maghari at pumasok sa Kaharian ng Langit.
 
Subali’t, ang iba sa mga matuwid ay labis ang kababaang-loob upang gamitin ang kanilang kapangyarihan. Pagagalitan sila ng Panginoon sa Kanyang pagbalik na muli. “Isinuko mo ang iyong pananampalataya. Bakit ka umasal bilang alipin? Ginawa kitang hari.” May mga iilan na kumikilos parang alipin sa mundo. May saysay ba sa hari na sabihing, “Ginoo,” sa kanyang kausap? Subalit, ang iba sa mga matuwid ay nagsasalita ng gayon kahit na walang saysay. Nagmamakaawa at nakaluhod sa mundo para sa kapatawaran bagama’t pinalaya na sila ng Diyos mula sa kasalanan. Ang hari ay dapat umasal bilang hari.
Ipinapahayag ko ang kasarinlan ng pagiging hari laban sa mundo magmula nang ako’y maging hari. Naniniwala akong ako’y naging hari at umasal sa pamamaraan ng hari, bagama’t ako’y bata pa.
 
 
Sa Pamamagitan ng Pagtalina ng Isang Taong si Jesu-Cristo
 
Sa Roma 5:18-19 ay sinabi, “Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay. Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.”
“Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga sa ipagdurusa.” Ang taong isinilang bilang inapo ni Adan at hindi isinilang na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito, bagama’t siya’y nananalig kay Jesus, ay hahatulan. “Sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay.”
Lahat ng tao’y naging matuwid dahil sa isang gawa ng katuwiran ni Jesus, na isinilang ni Birheng Maria at nabautismuhan sa Ilog ng Jordan upang pasanin ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan. Inalay Niya ang Kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapako alang-alang sa kanila upang maging matuwid ang lahat. Dahil sa pagsunod ng isang Tao sa kalooban ng Diyos Ama, marami ang naging matuwid.
Sa mahigpit na pananalita, lahat ba ng tao sa sanlibutan ay mga makasalanan, o sila’y matuwid kung magmamasid mula sa pananaw ng pananampalataya? Lahat sila’y matuwid. Ang ibang tao ay nagagalit at kinakalaban ako kapag sinasabi ko ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa katunayan, wala ni isa ang may kasalanan sa pananaw ng Diyos. Pinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak at isinalin sa Kanya lahat ng kasalanan ng sanlibutan at nahatulan Siya bilang kumakatawan sa lahat ng tao.
 
 
Ang Tao ay Makakapasok sa Kaharian ng Langit o sa Impiyerno Ayon sa Kanilang mga Pananampalataya
 
Hindi na muling hahatulan ng Diyos ang mundo dahil hinatulan na Niya si Jesus alang-alang sa atin. Subali’t, ibang tao ay naniniwala rito at iba nama’y hindi, kahit pa kinuha na ng Anak ng Diyos ang lahat ng mga kasalanan at inalis Niya ang mga ito dahil sa Kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga mananampalataya ay makakapasok sa Kaharian ng Langit dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos. Ibinibilang sila ng Diyos bilang mga matuiwd at sinasabi, “Kayo’y mga matuwid. Naniniwala kayong tinanggal Ko na nga ang lahat ng iyong mga kasalanan. Halika. Inihanda ang Kaharian ng Langit para sa iyo.” At sapat na nakapasok sila sa Langit.
Subali’t ibang tao ay di-naniniwala sa Kanya at tinanggihan ang ebanghelyo, sinabing, “Diyos, totoo ba? Hindi ako makapaniwala. Totoo ba? Hindi ko talaga maunawaan.” Sasabihin ng Diyos, “Bakit mo Ako ginagalit? Maniwala ka sa Akin kung nais mong maniwala, nguni’t kang maniwala kung di mo nais.” “Ang ebanghelyo ba ng tubig at Espiritu ay totoo, Panginoon?” “Iniligtas kita.” “Hindi ako makapaniwala. Maniniwala ako ng 90%, ngunit nagdududa ako ng 10%.”
At sasabihin ng Diyos sa kanila, “Hindi ka naniniwala gayong niligtas na kita. Magkagayon man ayon sa iyong pananampalataya. Buo na ang pasiya Ko sa mga may kasalanan bilang mga inapo ni Adan na matungong impiyerno. Nilikha ko rin ang Kaharian ng Langit. Pumasok ka sa Kaharian ng Langit kung nais mo, at pumunta ka sa impiyerno kung nais mong matapon sa apoy ng impiyerno.” Depende sa kanilang mga pananampalataya kung nais nilang pumasok sa Kaharian ng Langit o sa impiyerno.
Naniniwala ka bang iniligtas ka ni Jesus mula sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugong dumanak sa Krus? Depende sa iyong pananampalataya. Walang nasa gitan ng Kaharian ng Langit at impiyerno. Walang bagay na “Hindi” sa harap ng Diyos. Tanging “Oo” lamang. Kailanman ay hindi nagsasabi ng “Hindi” sa atin ang Diyos. Pinangako ng Diyos ang lahat ng mga bagay at tinupad lahat ito. Inalis Niya ang lahat ng mga kasalanan ng mga makasalanan.
 
 
Kung Saan Nanagana ang Kasalanan, ay Lalong Nanagana ang Biyaya
 
Ating tignan ang Roma 5:20-21, “At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa’t kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya. Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.” Bakit dumating ang kautusan? Upang managana ang pagsuway. Di-maiwasang magkasala ng tao bilang mga likas na inapo ni Adan. Subali’t, hindi nila alam ang kanilang likas na kasalanan, kaya binigay ng Diyos ang kautusan sa kanila upang ipaalam ang kasalanan dahil inuutos ng kautusan sa kanila kung ano ang gagawin at hindi gagawin, at nagiging isang kasalanan sa hindi pagsunod sa kautusan sa pamamagitan ng mga kaisipan at mga gawa.
Dumating ang kautusan upang managana ang pagsuway. Binigay ng Diyos ang kautusan sa atin upang malaman natin na tayo’y lubhang mga makasalanan at mga kumpol ng kasalanan. Subali’t, kung saan nananagana ang kasalanan, lalong sumasagana ang biyaya. Ibig sabihin ang taong isinilang na mya kasalanan bilang inapo ni Adan, subali’t inaakala sa sarili bilang maliit na makasalanan ay walang kinalaman sa katotohanang iniligtas siya ni Jesus.
Subali’t, yaong nag-iisup na marami ang kanyang mga kahinaan at hindi maaring mamuhay ayon sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng laman ay nagpapasalamat sa Panginoon na nagligtas sa kanya. Ang ebanghelyong nagsasabing kinuha lahat ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo nang minsanan ay isang dakilang handog sa gayong tao. “Datapuwa’t kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya.” Ang handog ay sumagana, kaya ang labis na mga makasalanan ay lubos na naging matuwid. Ang mga di gaanong makasalanan na nag-aakalang hindi puno ng kasalanan ay mapupuntang impiyerno.
Kaya yaong nakakaalam na siya’y makasalanang lubos ay lubos na nagpupuri sa kaligtasan ni Jesus. Iilan ang mga likas na mabuting nangangaral sa gitna ng mga mangangaral ng ebanghelyo sa mundo. “Datapuwa’t kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya.” Hindi nangangahulugan na maaari tayong magkasala nang sinasadya upang managana ng lubos ang biyaya.
Sinasabi ni Apostol Pablo sa Roma 6:1, “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana?” Ibig sabihin ni Pablo, “Maliligtas tayo kung mananalig lang tayo sa katuwiran ng Diyos. Inalis na ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan at lubos na iniligtas ang mga kasalanan mula sa kanilang mga kasalanan. Tayo’y naging mga matuwid sa pamamagitan ng pananalig ng ating mga puso. Gaano man tayo kasama o kahit ilang beses man tayong magkasala, tayo’y naging mgatuwid nang walang mga gawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa katotohanan.”
Tayo’y naging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Gaano kasama ang ating mga gawa? Ilang beses tayong nagkasala? Ilang pagkukulang mayroon tayo kung ang Diyos, na walang kasalanan, ay titingin sa ating mga gawa? Wala akong magagawa kundi purihin ang Panginoon. Sinabi sa Roma 5:20-21, “At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa’t kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya. Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.”
Binigay ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang katuwiran ng Panginoon ang gumawa sa ating upang maghari kasama Siya. Pinupuri ko ang Panginoon, na lubos na nagligtas sa mga makasalanan mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Salamat po, Panginoon.