Dapat Nating Mabatid ang Lihim ng Bautismo ni Jesus
Alam mo ba at batid mo ba ang lihim ng bautismo ni Jesus na natanggap mula kay Juan? Nais kong sabihin sa iyo ang patungkol dito sa pamamagitan ng Roma 6:1-4, “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kaniyang kamatayan? Tayo nga’y nangalibing na kalakip Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.”
Upang maunawaan ang Kasulatang ito at halukayin ang katotohanan, una sa lahat kailangan nating unawain ang pananampalataya ni Pablo na makikita sa Galacia 3:27 at kamtan ang gayong pananampalataya tulad ng kanya. Sinabi niya, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Ano ang ibig sabihin sa Kasulataing ito? Ngayon ay mauunawaan natin ang mga salitang ito sa pamamagitan ng Mateo 3:137-17.
Tinanong ni Pablo kung magpapatuloy pa tayo sa kasalanan yamang nakamtan na natin ang kapatawaran sa mga kasalanan nang minsanan para sa lahat sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Ang tugon ni Pablo ay hindi, at ito rin ang sagot ng mga tunay na nananalig sa katuwiran ng Diyos na kailangang makamtan. Hindi ibig sabihin na ang matuwid ay hindi kailanman magkakasala sa laman. Hindi iyan totoo.
Hindi rin ibig sabihin na dahil ang ating mga kasalanan ay napatawad na, dapat nating planuhin ang magkasalang muli. Ang matuwid ay nabautismuhan na sa Kanyang kamatayan. Paanong yaong may pananalig sa Kanyang katuwiran ay nananahan pa rin sa mga kasalanan? Hindi ito maaaring totoo. Pinaliwanag ni Pablo ang dahilan sa Galacia 3:27 at sinasabing, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.”
Sa ibang salita, kinuha ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagkamatay sa Krus upang ang sumampalataya sa Kanya ay maaaring “mabautismuhan kay Cristo” sa pamamagitan ng pananampalataya. Samakatuwid, kailangang taglayin natin ang ganitong uri ng pananampalataya.
Kailangan nating Taglayin ang Pananampalatayang Kaisa sa Bautismo ni Jesus
Kailangang taglayin natin ang pananampalataya na kaisa sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang kamatayan. Sinabing, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Ang ibig sabihin ng Kasulatan na noong bautismuhan ni Juan si Jesus sa Jordan, kinuha Niya agad ang lahat ng ating mga kasalanan. Ibig sabihin din na ang kamatayan ni Jesus sa Krus ay ang pagbabayad-sala sa lahat ng ating mga kasalanan dahil kinuha Niya lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang pag-unawa at pagsampalataya sa katotohanang ito ay ang pagkakaroon ng pakikipag-kaisa sa ating Panginoon.
Tayo’y nagiwalay sa katuwiran ng Diyos dahil sa ating mga kasamaan. Alam mo bang inalis lahat ni Jesus ang ating mga kasalanan at mga pagkakamali nang bautismuhan Siya ni Juan? Aga inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at kamatayan sa Krus upang bayaran ang mga bayarin ng mga kasalanan. Tayo ang mga nilalang na walang magagawa kundi ang magkasala sa harap ng Diyos habangbuhay. Samakatuwid, kailangan nating ariin ang mga pananampalataya na mag-iisa sa atin kay Cristo sa pamamagitan ng paglalagay ng ating mga pundasyon ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Tayo’y magiging kaisa ni Cristo lamang kung maniniwala tayo na tinupad ni Jesus ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Sino ang sumunod sa kalooban ng Ama, ang katuparan ng Kanyang katuwiran? Ito’y si Jesu-Cristo mismo. Tinpuad ni Jesus ang katuwiran ng Diyos nang minsanan. Mababayaran lamang ni Jesus ang bayarin ng mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismong Kanyang tinanggap mula kay Juan. Kung nais nating maging kaisa ni Cristo, kailangang mayroon tayong pananampalataya sa Kanyang bautismo na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan ng minsanan para sa lahat.
Kailangan tayong maging kaisa ng ating Panginoon at manalig sa Kanya dahil Siya ay naging ating walang hanggang Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang taing natitirang pagpipilian sa iyo ngayon ay kung tatanggapin mo ang katotohanang ito o hindi. Upang maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanyang bautismo at pagdanak ng dugo sa Krus o mapahamak sa walang hanggang kamatayan sa impiyerno dahil sa pagtanggi mo sa katotohanan ay tiyak na nasa iyo. Si Jesus ay binautismuhan upang ang ating mga kasalanan ay maalis (Mateo 3:13-15).
Kung ating titignan ang Mateo 3:15, makikita natin ang “sapagka’t ganyan” bilang paraan ng pagtupad ng lahat ng katuwiran ng Diyos. Ang mga salitang “sapagka’t ganyan” ay “hutos” sa Griego, ibig sabihin ‘sa ganitong paraan,’ ‘higit na angkop,’ o ‘wala ng ibang paraan maliban dito,’ sinasabing ang Kanyang bautismo ang pinaka-tiyak na paraan nang paglilipat ng ating mga kasalanan. Nililiwanag ng salitang ito na kinuha ni Jesus nang walang-pagbabawi ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismong tinanggap Niya mula kay Juan.
Nang bautismuhan si Jesus, ang ating mga kasalanan ay ibinigay sa Kanya. Kailangan tayong maniwala sa katotohanan ng roma 6:5-11, na si Jesus ay binautismuhan upang ang ating mga kasalanan ay maalis at Siya’y namatay sa Krus upang tuluyang maligtas ang sangkatauhan.
Uapng mabayaran ka sa utang, kailangan mong isauli ang bayad na kasing-halaga ng iyong inutang. Gayon din, kailangan nating malamam kung anong paraan at gaano ang ibinayad ng Panginoon sa pagkakautang upang maalis ang ating mga kasalanan.
Nang si Jesus ay bautismuhan kinuha Niya lahat ng mga kasalanang nagawa mula ng tayo’y isilang hanggang sa gulang na 10, at pagkatapos 10 hanggang sa 20, 30, 40, 50, 60, 70, 80, 90, at ang mga kasalanang ating gagawin hanggang sa huling hininga. Kinuha Niya ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at binayaran ang mga pagkakautang. Kinuha agad lahat ni Jesus ang lahat ng ating mga kasamaan, mga sinasadya at di-sinasadyang gawa. Si Jesus ay binautismuhan upang hugasan ang ating mga kasalanan at binayaran Niya ang mga bayarin ng mga kasalanan sa Krus. Ito ang katotohanang kalakip sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang tinutukoy ng Banal na Kasulatan.
Makikita natin dito na karamihan sa mga Kristiyano ay nagsisikap ng mabuti upang tanggapin si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagtatatag at pagsuporta sa lihim ng “ang bautismo” na tinatalakay ni Pablo. Kung si Jesus ay di-naparito sa mundo at tanggapin “ang bautismo” na ginawa ni Juan sa Kanya, ang kasalanan ng sangkatauhan ay mananatili ng walang wakas. Samakatuwid, hindi tayo dapat maniwala sa gayong bulaang doktrina na tinuturong ang ating mga puso at mga katawan ay magiging banal habang lumilipas ang panahon.
Ang tangi at walang hanggang katotohanan sa mundong ito na si Jesus ay nabautismuhan at inalis ang lahat ng ating mga kasalanan. Ang pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ang tutulong sa atin upang magtagumpay sa lahat ng mga maling doktrina at magbibigay tagumpay sa mga mananalig. Samakatuwid, kailangan tayong maniwala sa katotohanang ito. Ang ibang Kristiyano ay mapupuntang impiyerno habang hindi pa isinisilang na muli dahil pa sila nakipag-isa sa bautismo ni Jesus.
Nakakita ka na ba ng isang larawan ng isang puso na sinaksak ng isang patalim? Ipinakikita ang pag-aalay ng pag-ibig ng Diyos. Labis na mahal tayo ng Diyos iniligtas Niya tayong lahat mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espirito. “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang Bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Kailangan mong tanggapin ang pag-ibig ni Jesus sa atin sa pamamagitan ng bautismo at pagbubo ng lahat ng Kanyang dugo sa Krus. Ang ating mga puso ay kailangang makipag-isa sa katuwiran ng Diyos. Tayo ay dapat mamuhay na kaisa si Jesus. Ang matapat na buhay sa pakikipag-isa sa katuwiran ni Cristo ay kaibig-ibig. Walang pag-alinlangang sinabi ni Pablo sa Roma 6 na dapat tayong mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
Tulad ng sinabi ni Pablo sa Roma 7:25, tayo ba’y tinutupad ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga kaisipan, subali’t ang kautusan ng kasalanan sa pamamagitan ng ating laman? Ginagawa ba natin? Oo. Kaya nga tayo, tulad ni Pablo, ay kailangang laging magkaroon ng mga puso na kaisa sa katuwiran ng Diyos. Anong mangyayari kung hindi makikiisa ang ating mga puso sa katuwiran ng Panginoon? Lubos na kapahamakan.
Yaong mga nakipag-isa sa katuwiran ng Diyos ay namumuhay na kaisa sa Kanyang iglesiya. Kung nainiwala ka sa katuwiran ng Diyos, dapat kang makipag-isa sa Kanyang iglesia at Kanyang mga lingkod. Ang laman ay laging nagtatangkang paglingkuran ang kautusan ng kasalanan, kaya dapat tayong mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, paulit-ulit na pagnilay-nilayan ang kautusan ng buhay na Diyos. Kung ating isasaisip at araw-araw na pagdili-dilihan ang patungkol sa katuwiran ng Diyos, magiging kaisa tayo sa Kanya. Kaya nga sinasabi sa Biblia na ang mga hayop na ngumunguya ay malinis (Levitico 11:2-3).
Makiisa sa katuwiran ng Diyos. Nararamdaman mo bang ang bagong kalakasang pailanlang o hindi? Subukang makiisa sa katuwiran ng Diyos ngayon. Sabihin na nating nakipag-isa ka na sa bautismo ni Jesus. Kung gayon, may kasalanan ka pa rin ba sa iyong puso o wala? -Wala.- Ngayon si Jesu-Cristo ay namatay sa Krus. Paniwalaan ito sa iyong puso. nakipag-isa na rin ba ang iyong puso sa katotohanang ito? Kung gayon, namatay na ba tayo o hindi? -Namatay na tayo.- Bumangon na ba si Cristo mula sa kamatayan? -Oo.- Kung gayon, tayo’y bumangon din mula sa kamatayan. Kapag nakipag-isa ang ating mga puso kay Cristo, ang ating mga kasalanan ay mahuhugasan, tayo’y mamamatay sa Krus kasama si Cristo at kasama ni Cristo na mabubuhay.
Subali’t, ano ang mangyayari kung di tayo nakipag-isa kay Cristo? “Anong sinasabi mo? Oo, tinutukoy mo ang bautismo ni Jesus. Ibig sabihin, sa Lumang Tipan ito ang pagpapatong ng mga kamay sa inaalay, at sa Bagong Tipan ito ang bautismong tinanggap ni Jesus mula kay Juan. Maaaring iyon ang tama. Subali’t ano ang dakila at marami ang naliligalig ukol dito?
Yaong mga naniniwala sa teoriya ng Kanyang bautismo ay hindi taglay ang tunay na pananampalataya, kaya’t sa huli ay iniiwan nila si Cristo. Ang haka-hakang pananampalataya, tulad ng animo’y impormasyong natutunan ng mga mag-aaral sa paaralan mula sa mga guro, ay di-sapat na makamtan ang katuwiran ng Diyos. Subali’t may mga mag-aaral na tunay na gumagalang sa kanilang mga guro at sinisikap na matutunan ang pagkatao at pamumuno ng kanilang mga guro. Hindi natin dapat tanggapin ang mga salita ng Diyos bilang animo’y kaalaman bagkus ay iukit ito sa ating mga puso, kasama na ang kanyang pagkatao, pag-ibig, awa at makatuwirang mga salita. Kailangang itapon ang ating mga pagnanais na matutunan lamang ang kaalaman kapag naituturo ang salita ng Diyos.
Ang mga kaisipan ng mga taos-pusong nakipag-isa sa salita ng Diyos ay may paghahangad na paglingkuran ang Panginoon at may magandang pakikipisan sa Kanya, at hindi madaling mabago ng mga pangyayari. Nagbabago lang sila nang may kahinahunan upang makamit ang Dakilang Komisyon. Subali’t, ang mga maliliit na bagay ay madaling pumukaw sa mga hindi pa nakipag-isa ang kanilang mga puso sa Kanya.
Kailangang makipag-isa ang ating mga puso sa katuwiran ng ating Panginoon. Hindi dapat nating hayaan na ang ating mga puso ay maligalig ng mga malilit na bagay ng mundo. Ang mga nakipag-isa sa kanilang mga puso kay Cristo ay nabautismuhan kay Cristo, namatay sa Krus kasama Niya at bumangong muli kasama Niya upang maligtas sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Hindi tayo mamamayan ng seglar na mundong ito kaya kailangan tayong manalig. Kailangan tayong makipag-isa sa Kanyang katuwiran upang bigyang lugod Siya, na tumawag sa atin na mga lingkod ng Kanyang katuwiran.
Kung nakipag-isa ka sa Kanyang katuwiran, ang iyon mga puso ay laging may kapayapaan at punong-puno ng kagalakan dahil ang kapangyarihan ng Panginoon ay mapapasa atin. Mabubuhay tayo ng may malaking pagpapala dahil lubos na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Kanyang pagpapala at banal na kapangyarihan.
Nawa ang iyong puso ay makipag-isa sa katuwiran ng Diyos. Sa gayon ay ikaw ay makakasama sa mga lingkod ng Diyos, tulad ko, magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Kanyang salita sa pamamagitan ng mga pagtitipon sa isa’t isa at masigasig na makapaglingkod sa Kanya. Hinugasan ng Panginoon ang ating mga kasalanan kahit pa ang iyong pananampalataya ay kasing-liit ng buto ng mustasa. Manatiling kaisa Niya, lalo na sa Kanyang bautismo, bagama’t ikaw ay hindi sapat.
Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng pananampalataya kaisa ng Panginoon sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa Krus. Kailangang makipag-isa ang ating mga puso sa Panginoon magmula ngayon hanggang sa makita natin ang Panginoon. Tayo’y mga mahihina sa ating sarili kaya dapat tayong maging isa. Natutunan mo na ba ang pananampalataya na iisa ang ating mga puso sa katuwiran ni Jesus na naisakatuparan? Nakamtan mo ba ang pananampalataya ng pakikipag-kaisa sa bautismo ni Jesus? Dapat mong makamit ngayon ang pananampalataya na kaisa ng bautismo at pagdanak ng dugo ni Jesus. Sila na hindi nagkakamit ng gayong pananampalataya ay mabibigo sa pagiging ligtas at mamumuhay ng masama. Samakatuwid, ang katuwiran ng Diyos ay mahalaga sa iyong buhay.
Ang pakikipag-isa sa Panginoon ay magdadala ng mga pagpapala ng kapatawaran sa mga kasalanan at mamumuhay bilang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ito ang taimting kong hangarin na ang katuwiran ng Diyos ay maging iyong katuwiran. Si Jesu-Cristo ay ang Panginoon ng iyong pananampalataya at ang katuwiran ng Diyos. Maniwala ka rito! At kamtan ang katuwiran ng Diyos. Sa gayon, ang mga pagpapala ng Diyos ay mapasa iyo.
Hindi lang Debosyon ang ating Dapat na Ialay sa Diyos
Ang ibang mga Kristiyano ay di-naniniwala sa katuwiran ng Diyos at pinupuri lang ang Panginoon. “♫ O Diyos, kunin Mo po ang anuman ang sa akin, at gawing Iyo, ♪Ang aking maliit na debosyon, aking buhay, aking pag-aalay, ♫Bagama’t ito’y maliit, ibinibigay ko lahat po sa Iyo, aking Hari. ♪Sa Iyo lamang ako nabubuhay! O, ang Banal na Espirito ay pumaparito parang apoy.” Huwag tayong matulad sa ganyang Kristiyano. Araw-araw silang nagpupuri at patuloy na ibinibigay ang kanilang mga debosyon sa Diyos, kaya walang pagkakataon na may gagawin ang Diyos para sa kanila.
Ang sangkatauhan ay nababagabag sa Diyos sa pagiging lubos na deboto nila. Ang Diyos ay nagsasawa sa ating mga maling debosyon. Walang tigil silang umiiyak sa Panginoon, “O Diyos! Tanggapin mo ang aming mga debosyon!” habang nililinis ang sahig, winawalisan ang daanan sa pinto, panalangin, papuri at maging ang pagkain. Kapana-panabik na karamihan sa mga Kristiyano ngayon ay sinasabi kay Jesus na tanggapin ang kanilang mga debosyon ng laman subali’t hindi nila nalalaman ang katuwiran ng Diyos ni pinapaniwalaan ito. Isantabi muna natin ang ating mga debosyon at tanggapin ang katuwiran ng Diyos, na naglalaman ng bautismo ni Jesus at ang Kanyang dugo sa Krus.
Ang ating mga debosyon sa laman ay walang bisa sa Diyos. Subali’t hinihiling pa rin ng tao na tanggapiin ng Diyos ang ating mga debosyon at patawarin ang kanilang mga kasalanan bilang bayad. Ito’y kamangmangan tulad ng isang masama at pulubi na ibibigay lahat ng kanyang mga pag-aari sa isang bilyonaryo at hihilinging tumira sa mringal na mansion bilang kapalit sa walang saysay at maruruming pag-aalay. Hindi nais ng Diyos na ipagyabang natin ang ating sariling katuwiran. Nais ng Diyos na tayo’y magkaroon ng pananampalataya sa pananalig sa bautismo ni Jesus at ng Kanyang dugo sa Krus.
Ang Kristiyanismo ay hindi ang uri ng relihiyon na nilikha ng tao sa mundong ito. Ang Krisitiyanismo ay di tulad ng ibang mga makamundong relihiyon tulad ng Budismo, nangangailangan na ang isa’y walang tigil na manalangin, yumukod at dalisayin ang sarili. Hindi tayo kailangang magkaroon ng gayong pananampalataya; pagyukod at dalangin para sa mga pagpapala sa nagtatag ng makamundong relihiyon. Hindi natin dapat ibigay ang debosyon at hingin ang Kanyang mga pagpapala bilang kabayaran, bagkus, ay alamin at tanggapin ang katuwiran ng Diyos dahil nais Niyang ipagkaloob ito sa atin.
Makakamtan natin ang kapatawaran ng mga kasalanan nang manalig tayo sa Kanyang bautismo mula kay Juan at sa Kanyang pagdanak ng dugo sa Krus. Si Jesus ay binautismuha upang kuhanin ang mga kasalanan ng mundo at namatay upang alisin ng minsanan ang lahat ng mga kasalanan para sa lahat. Samakatuwid, hindi na Niya kailangang ulitin ang Kanyang bautismo at kamatayan.
Sinasabi sa Hebreo 10:18, “At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.” Kinuha ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo at kamatayan ng minsanan, tinpuad ang lahat ng katuwiran ng Diyos. Ngayo ang ating mga pananampalataya sa bautismo at dugo ni Cristo ay nanumbalik ang ating kaugnayan sa Diyos.
Si Pablo ay patuloy na sinabi, “Huwag nanga maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo’y magisunod sa kaniyang mga pita” (Roma 6:12). Maghahari tayong kasama si Jesu-Cristo, na ating Panginoon at walang hanggang Hari ng mga hari. Ang kasalanan ay hindi maghahari sa atin. Ang panahon ng paghahari ng kasalanan sa atin ay tapos na. Huwag tayong sumunod sa masasamang kasakiman o masasamang hangarin ng ating laman. Mapapagtagumpayan ang lahat ng ating mga bagay na ito ng may-kakayahan dahil ibinigay ng Diyos sa atin ang Kanyang ganap na katuwiran.
Ihandog ang Inyong Puso at Katawan bilang Kasangkapan ng Katuwiran ng Diyos
“At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios” (Roma 6:13).
Si Pablo ay nagbanggit ng tatlong mahahalagang nangungusap ng katotohanan para sa pagpigil sa kasalanan. Una sa lahat, huwag nating sundin ang ating mortal na katawan sa kanilang mga pita. Dapat nating tanggihan ang anumang pita na gusting gawin ng ating dating pagkatao. Pangalawa, hindi natin dapat ihandog ang anumang bahagi ng katawan bilang kasangkapan ng kasalanan. Dapat nating itigil ang mga bahagi ng ating katawan, na siyang ating mga kakayahan, na magamit bilang kasangkapan ng karumihan. Pangatlo, kailangang ihandog natin ang lahat ng bahagi ng ating katawan bilang kasangkapan ng katuwiran ng Diyos.
Bago tayo manalig kay Jesus, hinandog natin ang ating mga kamay, paa, bibig, at mga mata sa kasalanan. Tayo’y naging kasangkapan ng kasalanan at sinunod ang mga kagustuhan nito. Subali’t ngayon, kailangan nating ipasiya na pigilin na magamit ang ating katawan bilang instrumento ng karumihan sa kasalanan. Huwag nating hayaan ang kasalanan na maghari sa atin ng walang pagtutol. Kapag ang tukso ng kasalanan ay parating, kailangan nating ipahayag, “Kasalanan, ikaw ay namata kay Cristo.” At kailangan nating ipahayag na ang Diyos a Panginoon ng lahat ng nabubuhay.
Sa buhay ng mga pananampalataya, kailangan nating isaisip ang mga bagay na dapat na gawin at mga bagay na hindi dapat gawin. Hindi natin dapat ihandog ang ating mga bahagi sa kasalanan, bagkus ay ihandog ang mga ito sa Diyos. Ang dapat na gawin natin ay kasing-halaga ng mga hindi natin dapat gawin. Kung hindi ihahandog ang anumang bagay sa Diyos, samakatuwid, ibig sabihin ay inahandog natin sa kasalanan. Halimbawa, kung ihahandog natin ang ating mga oras sa Diyos, mawawalan tayo ng oras na ihandog ito sa kasalanan. Tayo ay dapat na maging kaaway ng kasalanan at mapabilang sa isang pamilya ng Diyos.
Sa isang pagkakataon ay masasabi nating, “Wala akong tapang na manalo laban sa kasalanan.” Subali’t sinasabi ni Pablo sa Roma 6:14, na huwag mag-isip ng ganoong bagay, “Sapagka’t ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.” Kung tayo’y nasa ilalim ng pamamahala ng kasalanan, tiyak na magkakasala tayong muli. Subali’t kung tayo’y nasa ilalim ng biyaya ng Diyos, hahawakan tayo nito at bibigyan ng tagumpay. Kaya ang sumulat ng Mga Awit ay nanalanging, “Itatag Mo ang mga hakbang ko sa Iyong salita, at huwag magkaroon gn kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaa” (Mga Awit 119:133).
Habang tayo’y nabubuhay sa mundong ito, ang kasalanan ay maghahanap ng paraan sa atin. Kahit pa matapos nating ipahayag na tayo’y kasamang namatay ni Cristo, sisikapin ng kasalanan na ibagsak tayo pababa at maghahari sa atin. Kung sisikapin nating maging matuwid para sa ating sarili sa ilalim ng kautusan, hind tayo mapapalaya mula sa pamamahala ng kasalanan. Nguni’t dapat nating tandaan na tayo’y may pananampalataya sa pananalig sa katuwiran ng Diyos. Kaya ang kasalanan ay di-maaaring maghari sa atin. Kailangang malaman natin ito, at ipagsigawan ito.
Lahat kayo ay dapat manalig sa katuwiran ng Diyos at ipahayag sa iyong bibig. “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Tunay na mahalaga para sa iyo na manalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng iyong puso at ipahayag ito ng iyong bibig.
Samakatuwid, sa tuwing ang kasalanan ay magsisikap na maghari sa atin—sa tuwing ang galit ay magtatangkang maghari sa ating mga kaisipan, sa tuwing ang pangangalunya at kahalayan ay tangkaing pasamain tayo, ang kasakiman ay pumapasok at tinutuksong dayain natin ang iba upang pagbutihin ang ating mga buhay, ang poot at paghihinala ay susulong, o ang inggit na kakapit sa ating mga puso—dapat tayong sumigaw: “Inalis na ni Jesus ang lahat ng mga kasalanang ito!” Dapat tayong sumigaw ng may pananampalataya, “Kasalanan! Hindi ka maaaring maghari sa akin. Ang Diyos, kasama ang Kanyang katuwiran, ay lubusang niligtas ako mula sa lahat ng aking mga kasalanan, kapahamakan, mga sumpa at mula kay satanas.
Ang mga salitang, “tayo ay nabubuhay sa Diyos” ay nangangahulugang tayo ay nabubuhay ng matuwid dahil sa ating pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Ang katuwiran ng Diyos ay ginawa yaong mga nanalig sa bautismo ni Jesus at dugo na bilang mga ganap. Iyan ang dahilan kaya namatay tayo sa kasalanan at nabuhay para sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Walang higit na mahalaga sa pag-aalam at paghahayag na tayo ay bumangong muli sa espirituwal na pananampalataya dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos.
Sinabini Pablo na kung saan nananagana ang kasalanan, higit na nananagana ang biyaya (Roma 5:20). Kaya namamali ang unawa ng tao sa Kanya at sinabi na ang isa ay dapat magpatuloy sa kasalanan upang manalo ang biyaya. Nguni’t pinabulaanan ni Pablo ito. Ang mga bagay ay nakabinbin pa matapos maniwala sa Kanyang bautismo at dugo. Ang mga makamundong kasalanan ay palilibutan tayo at tatangkahing maghari sa ating mga puso.
Subali’t, sa tuwing iyan ay mangyayari, maaari tayong umasa sa katuwiran ng Diyos at mapagtagumpayan ang ating mga kahinaan o magduda sa pananampalataya. Tayo’y maaaring mamuhay bilang mga anak ng Diyos, kung saan Siya’ nasisiyahan ng lubos. Sa gayong mga panahon, tayo ay may kakayanang mamatay sa kasalanan at mamuhay sa Diyos. Maaari tayong mabuhay sa ating mga nalalabing buhay sa pagtiwala at paghahangad sa katuwiran ng Diyos, ay mabubuhay magpakailanman sa Kanyang Kaharian hanggang sa tayo’y makarating doon.
Sa Roma 6:23 ay sinasabi, “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” Amen. Yaong mga naghayag si Cristo ay kanilang Tagapagligtas ay nananalig sa kapangyarihan ng Kanyang bautismo at ang bisa ng paghahatol sa Krus. Amen.
Halleluyah! Purihin ang Panginoon.