(Roma 6:1-8)
“Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kaniyang kamatayan? Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng buatismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip Niya dahil sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli. Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip Niyang napako sa Krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan. Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa’t kung tayo’y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip Niya.”
Anong Ibig Sabihin ng Bautismo?
Tinawag natin si Juan, ang nagbautismo kay Jesus, na Juan Bautista. Kung gayon ano ang ibig sabihin ng bautismo? “Ang Bautismo” ay “ΒάΦτισμα” sa Griego. Ibig sabihin ay “paglulubog.” At ang pinakamahalagang kahulugan ng bautismo ay “pag-aalis ng kasalanan at kamatayan.”
Ang salitang “paglulubog” ay pagpapahiwatig ng kamatayan. Lahat ng mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus nang bautismuhan Siya ni Juan Bautista at sa gayon ay kinuha Niya ang lahat at namatay sa Krus upang bayaran ang lahat ng kabayaran ng ating mga kasalanan. Si Jesus ay namatay alang-alang sa atin. Ang kamatayan ay nangangahulugang resulta ng kasalanan dahil “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23).
Ang bautismo ay nangangahulugan ding, “paghuhugas.” Lahat ng ating mga kasalanan ay nahugasan nang walang natira kahit kamunting kasalanan dahil kinuha lahat ni Jesus ang mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanyang laman sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
Ang bautismo ay tulad din ng pakahulugan bilang, “pagpapatong ng mga kamay.” Ang ibig sabihin ng “pagpapatong ng mga kamay” ay “paglilipat sa.” Ang pagtanggap ni Jesus sa bautismo mula kay Juan Bautista ay upang pasanin lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan. Ito ang walang hanggang batas ng kaligtasan ng Diyos na ang saserdote ay ipapatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng pag-aalay sa kasalanan upang isalin ang mga kasalanan ng Israel sa ikasampung araw ng ikapitong buwan.
Sa Levitico 16:21-22 ay sinasabi, “At ipapatong ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon anglahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadada sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa. At dadalhin ng kambing ang lahat mga ng kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang.” Nang si Aaron, ang mataas na saserdote, ay ipinatong ang mga kamay sa ulo ng buhay na kambing, maisasalin sa kambing ang lahat ng mga kasalanan ng Israel at papatayin sa harapan ng mga tao.
“Ang Pagpapatong ng mga Kamay sa Ulo ng Pag-aalay ng Kasalanan” sa Lumang Tipan ay Tumatayong “Ang Bautismo” sa Bagong Tipan
Ang kahulugan ng bautismo ay “paglulubog.” Ito’y kasama rin ang “paglilibing, paglilipat o pagsasalin.” Ang mga tao sa Lumang Tipan ay nagdadala ng mga kambing o mga tupa na walang bahid at ipapatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng inaalay upang isalin ang kanilang mga kasalanan rito. Ito ay katulad ng pagbabautismo sa Bagong Tipan. tinangay ng kambing ang mga kasalanan sa pamamagitan ng “pagpapatong ng mga kamay” at papatayin. Si Jesus ay binautismuhan ni Juan Bautista, na kumakatawan sa lahat ng sangkatauhan, upang alisin ang lahat ng mga kasalanan ng mundo at ipanako.
Si Aaron, ang mataas na saserdote at kumakatawan sa Israel, ay pinapatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng kambing upang isalin ang mga kasalanan ng Israelita sa kambing, kumuha ng dugo sa pamamagitan ng kanyang daliri at ipinahid ito sa mga sungay ng dambana. Kaya, sinabi ni Lukas na si Juan Bautista, nagmula sa lipi ni Aaron, ang kumakatawan sa lahat ng sangkatauhan, tulad ni Aaron, ang Mataas na Saserdote, ang kumakatawan sa lahat ng mga Israelita.
Sinasabi ng Biblia, sa “Sa gitna ng mga ipinanganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista” (Mateo 11:11). Si Juan Bautista ay may karapatang ilipat ang mga kasalanan ng sanlibutan kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo ng minsanan para sa lahat bilang makalupang mataas na saserdote ayon sa walang hanggang batas ng Diyos. Si Juan Bautista ay ang huling Mataas na Saserdote, na ang ibang tao ay nagsasabi, “Saan nasusulat na si Juan Bautista ay ang Mataas na Saserdote sa Biblia?” Hindi ito nasusulat? Ang taong isinilang mula kay Zacarias ay si Juan Bautista. Ang saserdoteng si Zacarias sa bahagi ni saserdoteng Abijah, apo ni Aaron ang Mataas na Saserdote, ay malinaw na inapo ng pamilya ni Aaron.
Ang Biblia ay tuamatalakay patungkol sa mga pagkabahagi ng mga saserdote, na mga inapo ni Aaron, sa 1 Corinto 24:10. Sa mga huling araw ni David, lubos na marami ang mga saserdote at kailangan silang isaayos. Kaya, sila’y isinaayos sa pamamagitan ng paghahati-hati sa 24 na mga bahagi ayon sa 24 na pamilya ng mga apo ni Aaron. Ang walong bilang ay napunta kay Abijah. Bawa’t bahagi ay nagsisilbing santuwaryo at ang tahanan ng Panginoon ng 15 araw. At si Zacarias sa bahagi ng Saserdoteng si Abijah ay napili ng Diyos bilang nakatalagang saserdote sa kanyang bahagi.
Sa Lukas 1:9 ay sinasabi, “Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamanyang.” Pinakikita sa atin na si Juan Bautista ay isinilang sa pamiya ni Aaron ang Mataas na Saserdote, at ang huling Mataas na Saserdote na kakatawan sa lahat ng tao (Mateo 11:11, 3:13-17). Tanging yaong isinilang sa pamilya ng Mataas na Saserdote ang maaaring maging isang pamilya ng Saserdote ayon sa kautusan. Tanging mga leon lamang ang maaaring magsilang ng mga batang leon. Si Juan Bautista ay ang sumunod sa pagiging mataas na pagkasaserdote ni Aaron, na Kanyang ninuno.
Pinatunayan ng mga Apostol ni Jesus ang Bautismo ni Jesus
Lahat ng mga Apostol, lalo na si Pablo, Pedro, Mateo at Juan ay pinatotoo ang bautismo ni Jesus. Ating tignan ang patotoo ni Apostol Pablo na nasusulat ngayon sa mga pangunahing talata. “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa Kaniyang kamatayan? Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng buatismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip Niya dahil sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli. Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip Niyang napako sa Krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan. Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa’t kung tayo’y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip Niya.”
Sa Galacia 3:27 ay sinasabi rin, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Ating tignan ang patotoo ni Pedro. Sinasabi sa 1 Pedro 3:21, “Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pag-aalis ng karumihan nglaman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesu-Cristo.”
Sa 1 Juan 5:5-8 ay sinasabi ni Apostol Juan, “At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay Anak ng Diyos? Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesu-Cristo, hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka’t ang Espiritu ay katotohanan. Sapagka’t may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo, at ang tatlo ay nagkakaisa.”
Ang patotoo ni Mateo ay nasusulat sa Mateo 3:13-17, “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa Ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y Iyong bautismuhan, at Ikaw ang napaparito sa akin?’ Ngunit pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya; At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’”
Inalis ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan Bautista. “Sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” Kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng mundo tungo sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista, sa pinakawastong paraan. Ang Diyos mismo ay nagpatotoo. “At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya; At narito ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’” Inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, pinatotohanan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito ng tatlong taon, ipinako at namatay at sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa patay. Siya ngayon ay nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos.
Si Jesus ay babalik muli sa mga naghihintay sa Kanya na mga walang kasalanan. Sinasabi sa Hebreo 9:28, “At gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa Kaniya.” Ang Diyos mismo ay nagsabi, “Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan,” at ang Banal na Espirito ay nagpapatotoo na ang Anak na nag-alis ng lahat ng mga kasalanan ng mundo ay si Jesus, na Tagapagligtas. Subali’t, hindi maunawaan ng tao ang Biblia dahil ang kanilang mga espirituwal na mata ay sarado. Kailangang buksan ang kanilang mga espirituwal na mata at kailangan silang isilang na muli sa tubig at sa Espiritu (Juan 3:5).
Kung gayon, akala nilang si Jesus lamang ang naglingkod para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Ngunit sa katotohanan, si Jesus na Cordero ng Diyos ay kinakailangan si Juan Bautista, na siyang kumakatawan ng lahat ng sangkatauhan at ang siyang makapagsasalin ng lahat ng mga kasalanan ng mundo sa Kanya, dahil katulad ni Aaron ang Mataas na Saserdote ay ipinatong ang kanyang mga kamay sa ulo ng inahandog (ang buhay na kambing) at isinalin ang mga kasalanan ng lahat ng mga Israelita sa kambing sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng inahandog. Sa gayon ay napalaya sila ni Aaron mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpatay sa handog. Kaya pinadala ng Diyos ang Kanyang sugo bago si Jesus.
Sino si Juan Bautista?
Si Juan Bautista ay ang sugo ng Diyos na inihula sa Malakias 3:1-3. Kailangan ng Diyos ng isang sugo tulad ni Juan Bautista, na kakatawan sa lahat ng sangkatauhan. Si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, inalis ang walang hanggang mga kasalanan ng lahat ng tao sa pamamagitan ni Juan Bautista at ipinako bilang kabayaran ng kasalanan sa Bagong Tipan, habang ang tupa ay inaalis ang mga kasalanan ng may-takda at limitadong panahon at pinatay sa Lumang Tipan. samakatuwid, niligtas ni Jesus ang lahat ng tao mla sa walang hanggang mga kasalanan.
Dalawang malalaking mga pangyayari ang naganap bago isilang si Jesus. Una, ang pagdadalan-tao ni Maria kay Jesus at ang isay ang pagsilang ni Juan Bautista sa hanay ni Abijah. Ang dalawang pangyayaring ito ay naganap sa Banal na Pagkalinga. Ito ang lubos na kaganapang isinulat ng Diyos. Pinadala ng Diyos si Juan Bautista sa mundo anim na buwan bago isilang si Jesus at pagkatapos ay pinadala ang Kanyang bugtong na Anak upang palayain tayo mula sa labanan at pasakit. Nauunawaan mo ba? Ating tignang mabuti ito sa Biblia.
Ating tignan ang Mateo 11:7-14, “At samantalang ang mga ito’y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan sa ilang? Isang tambo na inuuga ng hangin?
Datapuwa’t ano ang nilabas ninyo upang makita? Isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipagnamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.
Datapuwa’t ano ang nlabas ninyo? Oo, sinasabi Ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta.
Ito yaong tungkol sa kaniya’y nasusulat, ‘Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng inyong mukha, na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.’
Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.
At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas.
Sapagka’t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula.
At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya’y si Elias na paparito.”
Ang tao ay nagpunta sa ilang upang makita si Juan Bautista, na nagsasabing, “Mangagsisi kayo, sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit!” (Mateo 3:2). Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ano ang nilabas ninyo upang masdan sa ilang? Isang tambo na inuuga ng hangin? “Datapuwa’t ano ang nilabas ninyo upang makita? Isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipagnamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari. Datapuwa’t ano ang nlabas ninyo? Oo, sinasabi Ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta.”
Sa panahon ng Lumang Tipan, ang hari ay hindi nakakahigit sa kapangyarihan ng isang propeta. Sinusunod ng mga hari ang sinasabi ng mga propeta. Sino ang higit na makapangyarihan kaysa sa lahat ng hari at mga propeta sa Lumang Tipan? Siya ay si Juan Bautista. Si Jesus mismo ay pinatotohanan ito. Sino ang kumakatawan sa buong sangkatauhan? Sino ang kumakatawan sa lahat ng tao na may laman, maliban kay Jesus? Siya ay si Juan Bautista. Si Juan Bautista ay ang makalupang Mataas na Saserdote ng buong sangkatauhan. Siya ay hiniran ng Panginoon mismo at pinadala sa mundo at ginampanan ang kanyang tungkulin.
“Datapuwa’t ano ang nlabas ninyo? Oo, sinasabi Ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta. Ito yaong tungkol sa kaniya’y nasusulat, ‘Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng inyong mukha, na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.’”
Inihula ni Isaias ang pagtatapos ng digmaan sa Jerusalem. Makikita natin na ang hula ay naisakatuparan nang sinabi ni Juan Bautista, “Masdan, ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29). Pinatotoo ni Juan Bautista na si Jesus ay Anak ng Diyos at nag-alis ng lahat ng mg kasalanan ng sanlibutan.
Sa kabilang dako, pinatotoo ni Jesus na si Juan Bautista ay ang piniling sugo ng Diyos na darating. Sinasabi ng Mateo 11:11, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.” Mayroon bang humigit kaysa kay Juan Bautista na isinilang ng mga babae? Wala. Ano ang ibig sabihin, “ipinanganak ng mga babae?” Ibig sabihin, “lahat ng tao sa mundo.” Ang mga salitang, “yaong ipinanganak ng mga babae ay walang higit na dakila kaysa kay Juan Bautista,” ay nangangahulugang si Juan Bautista ang siyang kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo. Siya ang Mataas na Saserdote dahil siya’y isinilang sa lahi ni Aaron.
Si Juan Bautista ang Kinatawan ng Lahat ng Tao sa Mundo
Naniniwala ka bang si Juan Bautista ang kinatawan ng lahat ng mga tao sa mundo at ang Mataas na Saserdote na naglipat ng lahat ng ating mga kasalanan kay Jesus, gayong alam natin na pinili ng Diyos si Aaron at ang kanyang mga inapo upang ganapin ang pagka-saserdote magpakailanman sa Lumang Tipan?
Sino ang ang kinatawan sa buong sangkatauhan? At sino ang kinatawan ng lahat ng tao na may laman, maliban kay Jesus? Siya ay si Juan Bautista, na nagbautismo kay Jesus?
“Oo, sinasabi Ko sa inyo, at lalo pang higit kay sa isang propeta. Ito yaong tungkol sa kaniya’y nasusulat, ‘Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng inyong mukha, na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.’”
At ang taong nagpatotoo, “Masdan, ang Cordero ng Dios na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29), ay si Juan Bautista.
Sinabi ni Jesus, “At mula sa mga araw ni Juan Bautista hangga ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. Sapagka’t ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula” (Mateo 11:12-13). Ang mga talatang ito’y ipinakikitang inalis ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan Bautista at naging Tagapagligtas ng buong sangkatauhan. Ipinakikita rin na inilipat ni Juan Bautista ang lahat ng kasalanan ng mundo kay Jesus. Sinabi ito mismo ni Jesus. Ibig sabihin ay inilipat ni Juan Bautista ang mga kasalanan ng sanlibutan kay Jesus at sinuman ang maniwala sa katotohanang ito ay maliligtas mula sa lahat ng kanyang mga kasalanan at makakapasok sa Kaharian ng Langit. Tama ba ito o mali? Ito’y tiyak na tama ayon sa salita ng Diyos, sa gayon tayong mga mangangaral ng katotohanan ng Biblia ay maihahatid ito sa marangal na pamamaraan. Sinuman ang maniniwala sa katotohanan ay makapapasok sa Kaharian ng Langit.
Inilipat ni Juan Bautista ang mga Kasalanan ng Mundo kay Jesus bilang Huling Mataas na Saserdote ng Lumang Tipan
Si Zacarias, ang ama ni Juan Bautista, ay narinig mula sa anghel ng Panginoon. Ating siyasatin ang patotoo ni Zacarias sa kanyang anak. Hindi ba ang patotoo ng kanyang ama ay higit na nararapat? Ating tignan ang kanyang patotoo sa paraan ng pag-awit. “At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka’t Kaniyang dinalaw at tinubos ang Kaniyang bayan, At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan sa bahay ni David na Kaniyang alipin. (Gaya ng sinabi Niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unag panahon), Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin; Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, at alalahanin ang Kaniyang banal na tipan; ang sumpa na isinumpa Niya kay Abraham na ating ama, na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, ay paglingkuran natin Siya ng walang takot, Sa kabanalan at katuwiran sa harapan Niya, lahat ng ating mga araw. Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; sapagka’t magpapauna ka sa unahan ngmukha ng Panginoon, upang ihanda ang Kaniyang mga daan; upang maipakilala ang kaligtasan sa Kaniyang bayan, sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan. At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng Kaniyang pagpapakita sa Israel” (Lukas 1:67-80).
Inihula ng kanyang ama kung anong uri ng propeta at saserdote magiging si Juan. Ating tignan ang kanyang hula sa kanyang anak. “Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; sapagka’t magpapauna ka sa unahan ngmukha ng Panginoon, upang ihanda ang Kaniyang mga daan; upang maipakilala ang kaligtasan sa Kaniyang bayan, sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.” (Lukas 1:76-79).
Dito, ay maliwanag na sinasabi ng Biblia, “Upang maipakialala ang kaligtasan sa Kaniyang bayan, sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan.” Sino ang magbibigay sa atin ng kalaman sa kaligtasan? Ipinakikita sa Lukas 1:76 na siya ay si Juan Bautista. Makikilala natin si Jesus at mananalig sa Kanya dahil pinatotoo ni Juan Bautista na niligtas ni Jesu-Cristo ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo niya at pag-alis ng mga kasalanan, na naganap sa makatuwiran at mainam na paraan. Si Juan Bautista ay “naparitong saksi, upang kanyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya’y magsisampalataya ang lahat. Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw” (Juan 1:7-8).
Kailangan tayong Maligtas
Kailangan tayong matubos sa pamamagitan ng pananalig nainiligtas ni Jesus ang lahat ng tao sa mundo sa pamamagitan ng pinakamakatuwiran at pinakamainam na kaparaanan sa pamamagitan ng pagbautismo mula kay Juan Bautista. Ang katuwiran ng Diyos ay nagsasabi na si Jesus ay naparito sa mundo sa anyo ng tao, pinalaya ang mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa pinakamakatuwiran at mainam na kaparaanan dahil sa pagbautismo ni Juan Bautista at pagbangong muli matapos mapako sa Krus. Ang katuwiran ng Diyos ay nakatago sa ebanghelyo ng tubig at ng Espirito.
Ang katuwiran ng Diyos ay inihayag sa ebanghelyong nagtuturo sa atin na si Jesus ay pinadala sa anyo Bagong Tipan tao, nabautismuhan, ipinako, at bumangong muli mula sa patay sa ikatlong araw. Naniwala tayo kay Jesus sa pamamagitan ng patotoo ni Juan Bautista at naligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran. Lahat ng mga kasalanan ng tao ay naalis at nagkaroon sila ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus dahil sa bautismo ni Juan Bautista. Nakamtan nila ang Banal na Espirito, na nagpapatotoo sa atin upang maging mga anak ng Diyos, bilang Kanyang handog.