• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 7-1] Panimula sa Kabanata 7

2021.04.12 39
Kung babalikan ang katotohanang bago ang pagtubos ang kanyang laman ay nahatulan sa kamatayan dahil sa Kautusan ng Diyos, ipinahayag ni Apostol Pablo ang kanyang pananampalataya, sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo, na siya’y patay sa kasalanan. Bago natin makilala ang katuwiran ng Diyos, iyon ay bago tayo isilang na muli, tayo na nananalig kay Jesus ay dating namumuhay sa paghahari at sumpa ng Kautusan. Kaya, ang Kautusan ay naghahari sa atin kung hindi tinubos ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkakakilala kay Jesu-Cristo, nagdala sa atin ng katuwiran ng Diyos.
Binanggit ni Pablo ang mga bagay ng espiritung hindi madaling maunawaan ng laman – iyon ay yaong mga patay na sa kasalanan ay wala na sa paghahari ng kasalanan, tulad ng isang babaeng namatay ang asawa ay ganap na malaya sa obligasyon sa kanyang asawa. Ang talatang ito’y parang simple, ngunit isang napakahalagang espirituwal na talata. Ibig sabihin, sa ayaw at sa gusto nila, yaong hindi nakikilala sa katuwiran ng Diyos, sa katotohana’y, nakatalaga upang mabuhay sa sumpa ng Kautusan. Ito’y dahil hindi pa nila nalunasan ang suliranin ng kanilang mga kasalanan.
 
Sinasabi sa atin ng Roma 6:23 na “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” ibig sabihin ang kasalanan ay maglalaho lamang kapag ang bayarin ay nabayaran na. Kung nakikilala niya si Jesus, nguni’t hindi nalalaman ang katuwiran ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ni Jesus, kung gayon siya’y namumuhay pa rin sa kasalanan at kailangang bayarin ang kabayaran ng kasalanan. Ito ay kung bakit kailangan nating katagpuin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa pamamagitan lang ng pagtagpo sa katuwiran ng Diyos tayo maaaring mamatay sa ating mga kasalanan, mapalaya mula sa Kautusan, at ipakasal sa ating bagong asawang lalaking si Jesu-Cristo.
Masusumpungan natin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Jesu-Cristo, nguni’t walang pananalig sa katuwiran ng Diyos, walang mapapalaya sa kautusan. Ang tanging paraan upang makalaya sa sumpa ng Kautusan ay ang malaman at manalig sa katuwiran ng Diyos. Nasumpungan mo na ba ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus? Kung hindi, ngayon na ang panahon para sa iyo na talikdan ang iyong sariling katuwiran, at magbalik nang may kababang-loob sa Salita ng Diyos.
 
 
Tungo kay Cristo matapos mamatay sa kasalanan
 
Sinabi ni Pablo sa mga kapatiran sa Roma, “Kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo.” Kailangang mayroon kang tiyak na pang-unawa kung ano ang ‘mamatay sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo.’ Walang makakarating kay Cristo nang hindi namamatay sa kasalanan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ang ating mga kasalanan, sa madaling salita, ay dapat na mamatay kasama ang katawan ni Jesu-Cristo. Ito’y maaari lamang kung mananalig sa bautismo ni Jesus sa pamamagitan ni Juan at Kanyang kamatayan sa Krus.
Tayo’y maaaring mamatay, kasama si Cristo sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus. Dahil sa namatay si Jesus kasama lahat ng kasalanan ng tao at inilipat sa Kanyang katawan dahil sa bautismo ni Juan, ang ating mga kasalanan din ay kasama Niyang namatay nang tayo’y manalig dito. Na lahat ng mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo ni Juan ay ang katotohanan. Ang katotohanang ito’y hindi lang dapat malaman, bagkus ay itago sa ating mga puso sa pananampalataya. Kailangang panatilihin ang pananmpalatayang ito hanggang makapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Itong dahilan kung bakit sinabi ni Pablo na tayo’y namatay sa Kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Tulad niyan, yaong naniniwala sa katotohanang ito ay makakalapit kay Jesu-Cristo, mamuhay kasama Siya, at dala ang mga bunga ng katawan para sa Diyos.
Huwag tayo dapat maniwala sa kalumaan ng liham, kundi sa bagong katotohanan ng Espiritu. Sa katunayan ang mga makasalanan ay maraming mga kasalananng nagagawa dahil sa Kautusan. Ito’y dahil ang Kautusan ay ang mas maraming kasalanang nakatago sa kalooban nila, sa gayon higit na nalalaman nila ang kanilang mga kasalanan at pinahihintulutan silang magkasala pa. Isa sa mga tungkulin ng Kautusan ay upang kilalanin natin ang ating mga kasalanan, nguni’t layunin din nito na ipakita pa ang likas ng kasalanan at magkasala pang muli. Kung hindi sa Kautusang bigay ng Diyos sa atin, hindi natin makikita na maraming kasalanang nakatago sa atin. Nguni’t binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang Kautusan, at ang Kautusang ito ay hindi lamang ginawa ang kasalanan na higit na makasalanan, bagkus lalo pa tayong nakakagawa ng kasalanan.
Samakatuwid, sinabi ni Pablo na kung tayo’y patay na sa kasalanan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, marapat tayong maglingkod sa Panginoon sa pananalig sa katuwiran ng Diyos. Sinasabi Niya sa atin na paglingkuran ang Panginoon sa tulong ng Espiritu at ang handog ng Katubusang ibinigay sa atin dahil ang ating pananampalataya ay bumaon sa ating mga puso, sa halip na maglingkod sa Kanya nang may pananampalataya sa mga literal na titik ng salita. Gaya ng sinasabi ng Biblia sa atin “dahil ang titik ay pumapatay, nguni’t ang Espiritu ay nagbibigay buhay,” dapat tayong sumunod sa Panginoon sa pag-aalam ng tunay na kahulugan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang katuwiran ng Diyos. Kung tayo’y mananalig sa Salita ng Diyos, sa madaling salita, kailangan nating malaman at paniwalaan ang tunay na kahulugang nakatago sa Salitang nakasulat.
 
 
Kung gayon ang Kautusan ba’y kasalanan? Tiyak na hindi!
 
Ipinaliwanag ni Pablo na ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pagdidiin ng mga layunin nito. Dito’y pinakikita kung gaano kahalaga ang manalig sa wastong unawa sa layunin ng Kautusan. Tinignan ni Pablo ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dating sariling pamaraan, at dahil dito hindi niya nalalaman ang kanyang mga kasalanan, nguni’t sa Kautusan ng Diyos nalaman na mayroon siyang mapag-imbot na puso sa kanya.
Nawa ang mga mananampaltaya kay Jesus ngayo’y marating din ang gayong kaunawaan ukol sa Kautusan tulad ng narating ni Pablo! Maraming mga tao ang hindi nalalaman ang katotohanan sa Kautusan, lubos na nagsisikap na mamuhay ayon sa Kautusan. Pumupunta sila sa simbahan inaakalang sa kaunting pagsisikap, matutupad nila ang Kautusan. Nguni’t sa katotohanan, ang mga taong ito’y hindi tuluyang masusumpungan ang katuwiran ng Diyos.
Hindi nila nalalaman ang malalim na kahulugan ng kautusan na ibinigay ng Diyos, kaya’t sila’y naging mga legalista. Sila’y mga bulag na hipokrito hindi nakikita maging ang kanilang sariling mga puso at di nila nalalaman na sila’y tumatayo laban sa katuwiran ng Diyos sa komunidad ng mga Kristianismo ngayon. Yaong hindi tunay na nakakaalam ng katuwiran ng Diyos at tinanggap si Jesus bilang kanilang waring Tagapagligtas sa legalistang pananampalataya ay di-matatakasan ang parusa ng walang hanggang kamatayan.
 
Sinabi ni Pablo na sa pamamagitan ng mga kautusan ng Diyos, nalaman niya ang mga pagnanasa sa kanyang puso. Ganito nalaman ni Pablo na siya’y isang malubhang makasalanan.
Mayroong labing-dalawang likas na kasalanan sa kaisipan ng tao. Nang hindi pa nalaman ni Pablo ang tunay na layunin ng Kautusan, inakala niyang siya’y isang mabuting tao, di-nalalaman kung gaano siya lubos na makasalanan. Nguni’t ang mga resulta ng kanyang pagsisikap na mamuhay ayon sa mga kautusan ng Diyos ang nagpakitasa kanya kung gaano siya kalayo sa pagsunod sa mga kautusan at ang mga kautusan ang tuluyang nagbunyag sa kanyang mga kasalanan.
Anong mangyayari sa tao matapos manalig kay Jesus? Nang unang makilala mo si Jesus, maaaring nag-apoy lahat ng iyong pananampalataya, nguni’t sa pagdaan ng panahon, nabatid mo na maraming mga kasalanan na siyang pangunahin sa iyo. Sa pamamagitan ng ano kaya nalaman mo ang mga kasalanang ito? Ito’y sa pamamagitan ng Kautusang nasusulat at mga utos nalaman nating gaanong puno ng labing-dalawang uri ng kasalanan ang ating mga puso. At nanliliit, tayo tuwing nakikita natin ang makasalanang sarili sa pamamagitan ng Kautusan. Dahil nabatid natin, sa pamamagitan ng kautusan, na tayo’y tunay na mga malubhang makasalanan. Kaya nga ang ibang tao’y naglikha ng Doktrina ng Pagwawalang-sala upang maginhawaan sila. Inaangkin ng doktrinang ito na bagama’t may mga kasalanan sa ating mga puso, dahil lamang tayo’y naniniwala kay Jesus, kikilanin tayo ng Diyos bilang matuwid. Ito’y doktrinang gawa ng tao. Naglikha at nanalig ang mga tao sa gayong doktrina upang itago ang kanilang mga kasalanan, nagsisikap na mauhay ng may kuntento sa doktrinang ito. Nguni’t dahil sila’y nahahayag pa rin bilang mga makasalanan sa kautusan, pabigat ng pabigat ang kanilang mga kasalanan sa kanilang mga kaisipan. Upang mapalaya sa ating mga kasalanan, wala tayong pagpipilian kundi ang manalig sa Ebanghelyong kalakip ang katuwiran ng Diyos. Ito lang ang paraan upang mapalaya mula sa lahat ng mga kasalanan.
Noon ay inakala ni Pablo na binigay ng Diyos ang mga Kautusan upang sundin, ipinalagay niyang natural lamang na subukan at gawin ang lahat ng kakayahang sundin ang mga ito. Nguni’t, taliwas nito, nabatid niya na ang mga kautusang ito ang magdadala sa kanyang kaluluwa sa kamatayan dahil sa kasalanan. Lubos na nabatid ni Pablo na siya’y may maling unawa at paniniwala sa katuwiran ng Diyos.
Bawa’t isa’y may labing-dalawang uri ng mga kasalanan sa kanyang puso ng binabanggit sa Marcos 7:21-23. “Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, ang mga kasakiman, ang mga kasamanaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan: ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.”
Si Pablo at ang lahat ng ibang tao ay nakilala sa kahuli-hulihan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga utos ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan nalaman nila ang kanilang mga kasalanan at nangamatay, at natuklasan ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at nanalig dito. Ano ang iyong unawa sa katuwiran ng Diyos? Sinisikap mo pa rin bang tumalima sa mga utos dahil inaakala mong masusunod mo lahat ito? Binigay ng Diyos ang kautusan upang malaman ang ating mga kasalanan at magbalik sa Kanya—upang mapalaya sa kasalanan, sa madaling salita, manalig sa katuwiran ng Diyos. Magkaroon tayo ng wastong unawa kung bakit binigay ng Diyos ang Kanyang mga utos sa atin at manalig na wasto sa mga ito. Kapag nalaman mo ang katotohanang ito, malalaman mo kung gaano kahalaga ang ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espiritu.
 
Yaong nananalig sa mga utos ng Diyos ay mababatid kung gaano lubos na makasalanan sila sa paningin ng Panginoon. Yaong hindi nakakaalam ng layunin ng mga utos at di-naniniwala sa katuwiran ng Diyos ay daranas ng mga matinding kahirapan sa relihiyong pamumuhay at sa kahirapan sa relihiyong pamumuhay at sa huli’y maaakay sa kanilang sariling kapahamakan. Ito’y dahil imposibleng umiwas sa kasalanan habang narito sa mundong ito na puno ng mga kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit inihiwalay nila ang kanilang sarili sa mga bulubundukin at sinisikap na magkaroon ng pamumuhay pagpepenitensiya. Akala nila na sa pagtira sa mga bulubundukin at pag-iwas sa mga kasalanang mundo, ay maiiwasan ang mga kasalanan, nguni’t hindi ito ang nangyayari.
Dapat nating malaman, bagama’t totoo na bawa’t isa sa mundo’y nagkakasala kaya’t may kasalanan sa kanyang puso, ang kapatawaran sa mga gayong kasalanan ay matatagpuan sa pag-aalam at pananalig sa katuwiran ng Diyos. Kahit pa iwasan ang mundo upang takasan ang mga kasalanan nito, hindi pa rin tayo makakatakas sa kasalanan ng ating mga puso. Dahil ang ating mga kasalanan ay makikita sa ating mga puso. Upang tuluyang maalis ang ating mga kasalanan, manalig tayo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Kautusan ng Diyos at Kanyang mga utos ang gumagawa sa ating mga kasalanan upang maging makasalanan. Yaong nakakaalam ng sidhi ng kanilang mga kasalanan ay kailangang malaman at manalig sa katuwiran ng Diyos, inihayag sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
“At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay; sapagka’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako” (Roma 7:10-11). Dapat tayong magkaroon ng wastong kaunawaan sa Kautusan. Yaong walang maayos na unawa sa Kautusan ay gugugulin ang buong buhay na lunod sa legalismong buhay, sinisikap na takasan ang Kautusan hanggang sa kanilang huling araw. Yaon lamang nakakaalam ng tunay na layunin ng Kautusan ang magmamahal at mananalig sa katuwiran ng Diyos na sinakatuparan ni Jesus. Alam mo na ba ang katuwiran ng Diyos?
 
Sinabi ni Pablo dahil sa siya’y nabibilang sa kanyang laman at nabili sa ilalim ng kasalanan. Pinagtapat din niya na bagama’t nais niyang mamuhay ayon sa Kautusan ng Diyos, nahantong siya sa paggawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin – ito’y ang magkasala. Ito’y dahil wala sa kanya ang Banal na Espiritu, at hindi rin niya taglay ang katuwiran ng Diyos sa pagkakataong iyon.
Magkagayon man, nalaman ni Pablo ang isang kautusan, at ang kautusan na iyon ay ang kautusan ng kasalanan. Ang pinaka-pangunahing nalaman niya ay ang katotohanan na ang tao na may kasalanan sa kanyang puso, ay di-maiiwasang magkasala. Nalaman din niya na ang pangloob na katauhan ay ninanasa pa rin ang laging mamuhay ayon sa Kautusan ng Diyos. Nguni’t sinabi ni Pablo, tulad ng puno ng kasalanan ay namumunga ng mga bunga ng kasalanan, siya’y isang makasalanan na patuloy lang sa pagkakasala, dahil hindi pa niya nakikita si Cristo, hindi nakamit ang kapatawaran sa mga kasalanan. Nararapat lamang, sa madaling salita, para sa kanya na mamatay dahil sa kanyang mga kasalanan.
Ito’y kung bakit niya inaming siya’y isang abang tao, nananagho, “Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Roma 7:24) Ito ang pagbabalik-isip ni Pablo sa kanyang sarili nang siya’y isang makasalan. Dapat mong gamitin ang ganitong pagkilala sa kapahayagan ni Pablo sa iyong sarili. Ikaw ba’y hindi na nakakulong sa katawan nitong kamatayan na hindi makasunod sa Kautusan? Dapat tayong manalig sa katuwiran ng Diyos. Sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nakakubli itong katuwiran ng Diyos, at matatamo nating ang Kanyang katuwiran sa pamamagitan na pananalig sa ebanghelyong ito.
Si Pablo’y mapapalaya sa lahat nitong pagka-aba sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang kamatayan sa Krus.