(Roma 7:1-4)
“O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka’t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya’y nabubuhay? Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa’t kung ang asawa’y namatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa. Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya’y makikisama sa ibang lalake, siya’y tatawaging mangangalunya: datapuwa’t kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa’t siya’y hindi na mangangalunya, bagaman siya’y makisama sa ibang lalake.”
Nakakita ka na ba ng isang bigkis ng sinulid? Kung iyong tatangkahing unawain ang kabanatang ito nang hindi nalalaman ang katotohanan ng Bautismo ni Hesus na Siyang pinaniwalaan ni Apostol Pablo, ang pananampalataya ay nasa malaking kalituhan kaysa dati.
Sinabi ni Pablo sa kabanatang ito dahil sa ang bawa’t isa’y lubos na masama sa harap ng Kautusan ng Diyos, ang tao’y makakalapit kay JesusCristo at maisisilang na muli lamang matapos mamatay ang espiritu.
Ang katotohanang nalaman ni Pablo
Sa Roma 7:7 ay sinasabi, “Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa’t, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka’t hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, huwag kang mananakim.” Nalaman ni Pablo na sinusuway niya ang lahat ng 613 na mga kautusan ng Diyos. Sa ibang salita, siya’y walang iba kundi isang kumpol ng kasalanan na walang magagawa kundi ang magkasala, dahil siya’y inapi ng unang taong si Adan, isinilang na may kasamaan at ipinaglihi sa kasalanan ng kanyang ina.
Lahat ng isinilang sa mundong ito’y nagkakasala, simulang sa pagsilang hanggangsa kamatayan. Kaya wala silang kakayahang sumunod sa mga utos ng Diyos. Paanong ang mga kumpol na kasalanang ito’y matutupad ang 613 na utos at ang Kautusan ng Diyos? Kapag atin lang kinilala na tayo’y may kasalanan sa utos ng Diyos saka tayo lalapit kay JesusCristo, ang katuwiran ng Diyos malalaman na lubos na mapapalaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ni JesusCristo. Si JesusCristo ay naging katuwiran ng Diyos, binigay Niya itong katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at kanyang dugo sa Krus. Samakatuwid, dapat nating malaman at manalig sa katuwiran ng Diyos. Ang dahilan kung bakit kailangang manalig tayo kay Jesus ay dahil ang katuwiran ng Diyos ay matatagpuan sa Kanya.
Alam mo ba at nananalig ka sa katuwiran ng Diyos? Ang katuwiran ng Diyos ay ang lihim na nakatago sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Itong lihim ay lubos na nakapaloob sa pagkakabautismo ni Juan kay Jesus sa Ilog ng Jordan. Nais mo bang malaman ang lihim? Kung nais mong maniwala sa katotohanang ito, makakamit mo ang katuwiran ng Diyos dahil sa iyong pananampalataya.
Bago natin malaman ang ukol sa batas at mga kautusan ng Diyos, parang hindi pa tayo mga makasalanan, bagama’t araw-araw tayong nagkakasala, nguni’t matapos magsimulang dumalo sa iglesia, nalaman nating ang espiritual na kamatayan dahil sa mga kasalanang nahayag sa atin. Kung gayon, upang maiakay ang mga kaluluwa kay Jesus Cristo, naalala ni apostol Pablo ang kanyang mga nagdaang araw dahil sa maling paniniwala sa maling unwa sa batas ng Diyos at mga utos.
Narito ang halimbawa na tutulong sa iyong unawain ang layunin ng kautusan ng Diyos. Hawak ko ang Biblia ngayon. Kung itatago ko ang isang bagay na napakahalaga sa pagitan ng mga pahinang ito ng Biblia sabihing, “Huwag mong subukang tignan ang loob ng aklat na ito upang hanapin ang nakatago rito,” at sandaling iwan sa mesang ito kasama ka, ano ang iyong reaksyon? Sa sandaling marinig mo ang tinig ko, mararamdaman mong nais mong malaman kung ano ang nakatago sa Bibliang ito, at sanhi ng iyong usisa, mapapasuway ka sa aking sinabi. Sa sandaling magtaka ka iyong sarili ukol sa kung ano ang nakatago sa Biblia, wala kang pagpipilian kundi ang alamin ito. Nguni’t kung hindi ko inutos na huwag buksan ang Biblia, hindi ka makakaramdam ng pagtatangka. Gayon din, nang iutos ng Diyos sa atin, ang mga kasalanang aktibo sa atin ay mahahayag mismo ayon sa mga pangyayari.
Ang Kautusan na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay may layuning ilantad ang kasalanan sa mga puso ng tao. Hindi Niya ibinigay sa atin upang sumunod dito; bagkus, ang Kautusan ay binigay upang ilantad ang ating mga kasalanan at sa gayon tayo’y mga makasalanan. Lahat tayo’y mapapahamak kung hindi lalapit kay Jesus Cristo at manalig sa katuwiran ng Diyos na matatagpuan sa bautismong mula kay Juan at ang dugong dumanak sa Krus. Dapat nating tandaan na ang layunin ng Kautusan ay upang akayin tayo tungo kay Cristo at tulungan tayong manalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan Nya.
Ito ang pinatotoo ni Apostol Pablo, “Dataptuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka’t kung walang kautusan ang kasalanan ay patay” (Roma 7:8). Sa pamamagitan ng Kautusan ng Diyos, ipinakita ni Apostol Pablo sa atin kung ano ang pangunahing batayan ng kasalanan. Inihayag niya na sa kanyang mga batayan siya’y naging isang makasalanan, ngunit nagkaroon ng buhay na walang hanggan dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos na pinagkaloob ni JesusCristo.
Ang panaghoy at pananalig ni Pablo
Kaya’t sinabi ni Pablo, “Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni JesuCristo na Panginoon natin!” (Roma 7:24)
Kinilala ni Pablo ang katotohanan na maging siya, na taglay ang katuwiran ng Diyos, ay nagkakasala pa rin, at dahil doon, ang katuwiran ng Diyos ay lalong kailangang-kailangan hindi lang para sa kanya kundi sa buong sangkatauhan.
Kailangan nating makamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng tamang pag-aalam ng mga lihim na nakatago sa bautismo na tinanggap ni Jesus at maniwala rito. Ikaw at ako’y dapat malaman at manalig sa katuwiran ng Diyos na masusumpungan sa bautismo ni Cristo at sa Kanyang dugo sa Krus. Sa gayon maaaring ang ating mga kaluluwa at mga puso, na walang pagpipilian kundi magkasala, mapapalaya sa mga kasalanan. Huwag dapat kalimutan ang katotohanan na ang bautismo ni Cristo at kanyang dugo sa Krus ay naisakatuparan ang katuwiran ng Diyos.
Yaong hindi nalalaman ang katuwiran ng Diyos ay mananatiling makasalanan sa huli, gaano man sila magsikap tuparin ang Kautusan. Dapat nating mabatid na ang kautusan ng Diyos ay hindi binigay sa atin para sundin ito. Nguni’t hindi batid ng mga legalista na ang lihim ng kapatawaran ay nakalaan sa bautismong tinanggap ni Jesus kasama na ang Kanyang dugo sa Krus. Sanhi nito, mali ang kanilang unawa sa Kautusan ng Diyos sa pag-aakalang ito’y ibinigay sa kanila upang sundin, at patuloy namumuhay sa kalituhan, nguni’t dapat nating kilalanin ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan at mamuhay ayon sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Huwag nating talikuran ang katuwiran ng Diyos upang hangarin ang sariling katuwiran. Bagkus, manalig tayo sa katuwiran ng Diyos na tinupad ng bautismo ni Cristo at Kanyang dugo sa Krus. Kailangan natin sa madaling salita, matutong magpasalamat sa Panginoon na tumupad sa katuwiran ng Diyos.
Ito ang dahilan kay Pablo, nakatingin sa kanyang laman, sa una’y nagsabing, “Abang tao ako!,” ngunit nagpasalamat pa rin sa Diyos dahil kay JesuCristo. Ang dahilan kung bakit ipinahayag ni Pablo ito dahil sa tuwing lalo syang nagkakasala lalong nalulubos ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus na natutupad ang katuwiran ng Diyos. Tayo rin, ay matutuwa sa galak at tagumpay, dahil tayo’y naligtas sa pamamagitan ng ating pananalig kay JesuCristo, kahit pa tayo’y nahihirapang mamuhay sa gitna ng kautusan ng laman at ng katuwiran ng Diyos. Ang pananampalatayang taglay ni Pablo ay ang pananalig sa bautismo ni JesuCristo at sa Kanyang dugo sa Krus. Ganito ang dahilan kung paano nanahan sa pananalig sa katuwiran, ng Diyos at sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, siya ang mag-aalay ng mga papuri sa Kanya.
Sa Roma kapitulo 7, sinabi ni Pablo ang ukol sa kanyang pagiging abang kalagayan sa lumang panahon, kaibhan sa kanyang muling matagumpay na pananalig sa katuwiran ng Diyos. Ang tagumpay ng pananampalataya ay dahil sa kanyang pananalig sa katuwiran ng Diyos.
“O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagkat nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya’y nabubuhay” (Roma 7:1).
Kung babalikan ang katotohanan na bago ang pagtutubos ang kanyang laman ay hinatulang mamatay ng Kautusan ng Diyos, inihayag ni Pablo ang pagsampalataya, sa pamamagitan ng pananalig kay JesuCristo, namatay sa kasalanan. Bago natin makilala ang katuwiran ng Diyos–iyon ay, bago tayo isilang na muli–tayo na mga naniniwala kay Jesus ay dating namumuhay sa ilalim ng paghahari at sumpa ng Kautusan. Dahil dito, ang Kautusan ay patuloy na maghahari sa atin kung hindi tayo natubos sa ating mga kasalanan dahil sa ng pakikitagpo kay JesuCristo, na nagdala sa atin ng katuwiran ng Diyos.
Nagsabi si Pablo ng mga espirituwal na bagay na hindi madaling maunawaan ng laman – ito’y ang, yaong mga patay, sa kasalanan ay wala na sa pamamahala ng kasalanan, gaya ng babaeng namatayan ng asawa ay ganap na Malaya sa obligasyon sa kanyang asawa. Ibig sabihin, kahit ayaw at sa gusto nila yaong hindi nakasumpong ng katuwiran ng Diyos sa katotohanan ay nakatalagang mamuhay sa ilalim ng sumpa ng Kautusan. Ito’y dahil hindi pa naiaayos ang suliranin sa kanilang mga kasalanan.
Sinasabi sa Roma 6:23 na ang “kabayaran ng kasalnan ay kamatayan,” ibig sabihin ang kasalanan ay maglalaho lamang kapag nabayaran ang mga bayarin. Kung mananalig kay Jesus, hindi naman nalalaman ang katuwiran ng Diyos na ibinigay ni Jesus, Siya pa rin ay nabubuhay sa kasalanan at kailangan nyang bayaran ang kabayaran ng kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating masumpungan ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni JesuCristo. Sa pamamagitan lang ng pagtatagpo sa katuwiran ng Diyos tayo’y maaaring patay sa mga kasalanan, mapapalaya sa Kautusan, at mapakasal sa ating bagong asawang lalaking si JesuCristo.
Matatagpuan ang katuwiran ng Diyos kay JesuCristo, nguni’t kung hindi mananalig sa katuwiran ng Diyos, walang mapapalayasa Kautusan. Ang tanging paraang makatakas mula sa sumpa ng kautusan ay ang alamin at manalig sa katuwiran ng Diyos. Natagpuan mo ba ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus? Kung hindi, ngayon na ang panahon para sa iyo na iwaksi ang sariling katuwiran at magbalik sa salita ng Diyos nang may kababaang-loob.
Tungo kay Cristo matapos mamatay sa kasalanan
Sinabi ni Pablo sa mga kapatiran sa Roma. “Kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo.” Kailangan magkaroon ka ng tiyak na unawa kung ano ang ‘nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo.’ Walang makakalapit kay Cristo nang hindi namamamtay sa kasalanan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ang ating mga kasalanan, sa madaling salita, ay dapat mamatay kasama ang katawan ni JesuCristo. Ito’y maaari lamang kung ang isa’y naniwala sa bautismo ni Juan kay Jesus at Kanyang kamatayan sa krus.
Maaari tayong mamatay kasama si Cristo sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa pagbautismo ni Juan kay Jesus. Dahil namatay si Jesus sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan isinalin sa Kanyang katawan kasama ng Kanyang bautismo kay Juan, ang ating mga kasalanan din, ay kasamang namatay kasama Niya nang tayo’y manalig dito. Lahat ng mga kasalanan ng mundo ay inilipat kay Jesus sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa kanya ay ang katotohanan. Ang katotohanang ito ay hindi lamang dapat alamin, kundi isapuso rin nang may pananampalataya. Dapat nating isapuso ito nang may pananalig hanggang makapasok tayo sa Kaharian ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo na tayo’y namatay na sa Kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Tulad nito, yaong mga nananalig sa katotohanang ito ay makalalapit kay JesuCristo, mamumuhay kasama Siya, at mamumunga ng mga matuwid na bunga para sa Diyos.
Kaya, sinasabi sa ating ng kasulatan na dapat tayong maglingkod sa Diyos nang may bagong buhay ng Espiritu at hindi ng nasusulat (Roma7:6). Sa katotohanan ang mga makasalanan ay lalo nagkakasala dahil sa kasalanan. Ito’y dahil maraming kasalanan ang nahahayag ng Kautusan na nakatago sa kanila, sa gayon lalong nababatid nila ang kanilang mga ksalanan at napapahintulad silang lalong magkasala. Ang pangunahing layunin ng kautusan upang mabatid natin ang ating mga kasalanan, nguni’t may layunin ding ibunyag pa ang likas na kasalanan, at lalo tayong magkasala. Kung hindi dahil sa Kautusan na binigay ng Diyos sa atin, hindi natin malalaman na maraming kasalanan na nakatago sa atin. Nguni’t binigay ng Diyos ang Kanyang Kautusan sa atin at ang Kautusang ito ay hindi lamang tayo lalong naging makasalanan, subali’t lalo tayong nakakagawa ng maraming pang kasalanan.
Samakatuwid, sinabi ni Pablo yamang tayo’y patay na sa kasalanan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, dapat ngayon nating paglingkuran ang Diyos nang may pananampalataya s pananalig sa katuwiran ng Diyos. Sinasabi niya sa na ating paglingkuran ang Panginoon sa tulong ng Espiritu at ang handog ng katubusang ibinigay sa atin para sa ating pananampalataya tangan sa kahibuturan ng ating mga puso, sa halip na paglingkuran sya ng pananampalatayang nasusulat. Tulad ng sinasabi ng Biblia “ang sulat ay pumapatay, nguni’g ang Espiritu ay nagbibigay buhay,” dapat tayong sumunod sa Panginoon sa pag-aalam ng tunay na kahulugan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na syang katuwiran ng Diyos. Kapag tayo’y nanalig sa salita ng Diyos, sa madaling salita, dapat nating alamin at panaligan ang tunay na kahulugan ng nakatago sa nasusulat na Salita.
Kung gayon ang Kautusan ba’y kasalanan? Tiyak na hindi!
Ipinaliwanang ni Pablo ang kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng pagdidiin ng mga layunin nito. Ipinakikita kung gaano kahalaga ang maniwala nang may wastong unawa sa layunin ng Kautusan. Nakikita ni Pablo ang kanyang mga kasalanan sa sarili niyang paraan noon, at dahil dito hindi niya nalalaman ang kanyang mga sariling kasalanan, subali’t sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos nabatid nyang mayroon syang mapanasang puso.
Nawa ang mga kasalukuyang mananampalataya kay Jesus ay maabot din ang gayong unawa ukol sa kautusan tulad ng naabot ni Pablo. May mga ibang tao, na di-nalalaman ang katotohanan ng kautusan nagsusumikap na mamuhay ayon sa Kautusan. At marami naman ang dumadalo sa simbahan inaakalang kung nakapagsumikap pa ng husto ay masusunod nila ang Kautusan. Nguni’t sa katotohana’y, ang mga taong ito’y tiyak na hindi masusumpungan ang katuwiran ng Diyos.
Hindi nalalaman ng mga taong ito ang malalim na kahulugan ng Kautusan na ibinigay ng Diyos, at di-maglao’y naning mga legalista. Sila’y mga bulag na hipokrito na hindi nakikita maging ang kanilang mga sariling puso, na tumatago laban sa katuwiran ng Diyos sa kalipunan ng mga Kristiano. Maraming tao ang gayon sa kasalukuyang Kristianismo. Yaong hindi tunay na nakakaalam ng katuwiran ng Diyos na tumanggap kay Jesus bilang tagapagligtas sa pangalan lamang sa legalistang pananampalataya ay hindi makaliligta sa parusa ng walang hanggang kamatayan.
Sinabi ni Pablo na sa pamamagitan ng mga utos ng Diyos, nabatid niya ang mga pagnanasa ng kanyang puso. Nang malaman nya ang kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga utos, si Pablo ay dating isang legalista ng nag-akalang matutupad niya ang mga Kautusan ng Diyos. Subali’t, inihayag ng mga utos ng Diyos ang mapagnasang puso ni Pablo at lalong nagkasala pa si Pablo. Ganito nalaman ni Pablo na siya’y walang magagawa kundi ang magkasala pa ng husto.
Mayroong 12 likas na uri ng kasalanan ang kaisipan ng tao. Nang hindi pa nalalaman ni Pablo ang tiyak na layunin ng Kautusan, inakala nya ang kanyang sarili bilang isang maayos na tao, nang di-nalalaman kung gaano kasama ang sarili. Nguni’t sa pagsisikap na mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos ipinakita sa kanya na malayo siya sa pagtalima sa mga Kautusan, at dahil sa mga kautusang ito ay lalo pa siyang nagiging masama.
Anong mangyayari sa mga taong nananalig kay Jesus? Nang simula kang manalig kay Jesus, maaaring mainit na mainit ang iyong pananampalataya, nguni’t sa pagdaan ng panahon, makikita mo na maraming kasalanan na pangunahin sa iyo. Sa paanong paraan nabatid mo ang iyong mga kasalanan? Ito’y sa pamamagitan ng nakasulat na Kautusan at mga utos na nakita natin kung gaano puno ng 12 uri ng kasalanan ang ating mga puso. Tayo’y nanliliit kapag nakikita ang ating Kautusan. Ito’y dahil nalaman natin, sa pamamagitan ng Kautusan, na tayo’y tunay na malubhang mga makasalanan.
Kaya ang iba ay nilikha ang Doktrina ng Pagwawalang-sala upang aliwin ang kanilang sarili. Inaangkin ng doktrinang ito na kahit may kasalanan sa ating mga puso, dahil lang sa tayo’y naniniwala kay Jesus, ibibilang tayo ng Diyos bilang matuwid. Ito’y doktrinang likha ng tao. Ang tao’y nagsigawa at naniwala sa ganyang doktrina upang itago ang kanilang mga kasalanan, nagsisikap na mamuhay sa sariling kasiyahan sa doktrinang ito. Nguni’t dahil sila pa rin ay nahahayag bilang mga makasalanan sa Kautusan, ang kanilang mga kasalanan ay pabigat ng pabigat sa kanilang mga kaisipan. Upang mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan, dapat tayong manalig sa ebanghelyo na naglalaman ng katuwiran ng Diyos. Ito lang ang paraan upang mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan.
Tulad ng nakaraan ni Pablo inakala niyang binigay ng Diyos ang mga utos upang tuparin, ibinilang niyang natural lamang na subukin at gawin ang lahat ng kakayahan upang tuparin ang mga ito. Nguni’t taliwas dito, nalaman niya na ang mga Kautusan ang magdadala sa kanyang kaluluwa sa kamatayan dahil sa kasalanan. Sa huli’y nabatid din ni Pablo na mali ang pagkakaunawa at maling paniniwala sa mga utos ng Diyos.
Bawa’t isa’y may 12 uri ng mga kasalanan sa kanyang puso na binanggit sa Marcos 7:21-23, “Sapagka’t mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan: ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling at nangakakahawa sa tao.”
Tulad ni Pablo, lahat ng tao ay makikilala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga utos ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kautusan ay malalaman nila ang kanilang mga kasalanan at mapapahamak, at matutuklasan nila ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni JesuCristo at manalig dito. Ano ang iyong unawa sa katuwiran ng Diyos? Sinisikap mo pa ring tuparin ang mga utos habang inaakalang matutupad mo ang lahat ng ito? Binigay ng Diyos ang Kanyang Kautusan upang mapansin natin ang ating mga kasalanan at magbalik tayo sa Kanya – upang mapalaya sa kasalanan, sa madaling salita, sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Dapat tayong magkaroon ng wastong unawa kung bakit binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang mga utos at magkaroon ng tamang pananalig dito. Minsang malaman mo ang katotohanang ito, malalaman kung gaano kahalaga ng ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espiritu.
Yaong mga nananalig sa mga utos ng Diyos ay maaaring malaman kung gaano lubos na makasalanan ang bahaging gagampanan ng mga utos at hindi nanalig sa katuwiran ng Diyos ay dadanas ng maraming kahirapan sa kanilang relihiyosong pamumuhay at sa huli’y matutungo sa kanilangsariling kapahamakan. Ito’y dahil imposibleng lumayo sa kasalanan habang nabubuhay sa mundong ito na puno ng mga kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang ibang tao’y inihiwalay ang sarili sa mga malalayong bulubundukin at sinisikap na mamuhay ng pagpapakasakit. Inaakala nilang sa pamamagitan ng pagtira sa mga bulubundukin at paglayo sa mga kasalanan ng mundo, ay maiiwasan nilang magkasala, ngunit hindi ang nangyayari.
Dapat nating malaman, bagama’t totoong bawa’t isa’y nagkakasala at kaya may kasalanan sa kanyang puso, ang katubusan sa lahat ng gayong kasalanan ay masusumpungan sa pag-aalam at pananalig sa katuwiran ng Diyos. Kahit pa iwasan natin ang mundo upang takasan ang mga kasalanan, hindi pa rin tayo makakatakas mula sa kasalanan ng ating mga puso. Ito’y dahil ang kasalanan ay matatagpuan sa ating mga puso. Upang tunay tayong maalis sa kasalanan, kailangan tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Kautusan ng Diyos at Kanyang mga utos ang lalong nagpapasama sa ating mga kasalanan. Yaong mga nakakaalam ng kalubhaan ng kanilang mga kasalanan ay dapat na malaman at manalig sa katuwiran ng Diyos, naihayag sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
“At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay; sapagkat ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako” (Roma 7:10-11). Dapat tayong magkaroon ng wastong unawa sa Kautusan. Upang ang mga hindi nakakaunawa ng husto sa Kautusan ay habang buhay na lunod sa legalismo, tinatangkang tumakas sa Kautusan hanggang sa huling araw nila. Yaon lamang nakakaalam ng tunay na gampanin ng Kautusan ang iibig at mananalig sa katuwiran ng Diyosna tinupad ni Jesus. Kung gayon, alam mo ba itong katuwiran ng Diyos?
Sinabi ni Apostol Pablo dahil hindi pa siya isinilang na muli noon, kabilang siya sa kanyang laman at alipin ng kasalanan. Ipinahayag din niya na bagama’t nais niyang mamuhay ayon sa Kautusan ng Diyos, sa huli’y ginagawa nya ang mga bagay na hindi nya nais – ang magkasala. Ito’y dahil wala sa kanya ang Banal na Espiritu, tulad din ng katuwiran ng Diyos sa kanya. Inamin din ni Pablo ang dahilan ng kanyang pagkakasala ay dahil sa mga kasalanan matatagpuan ang katuwiran ng Diyos sa panahong iyon.
Magkagayon man, nalaman ni Pablo ang isang kautusan, at ang kautusang yaon ay ang kautusan ng kasalanan – ang pinakapangunahing pagbatid ng katotohanan na ang tao, taglay ang kasalanan sa kanyang puso di-maiiwasang magkasala. Nabatid din nya na ang pangloob na katauhan ay nagnanais pa rin na laging mamuhay ayon sa Kautusan ng Diyos. Nguni’t pinagtapat ni Pablo na, tulad ng masamang puso ay namumunga ng masamang puno, siya’y makasalanan na patuloy lang mamumuhay sa kasalanan at magbubunga ng kasalanan, dahil siya’y, hindi panakikilala si JesuCristo hindi pa natamo ang katubusan ng kanyang mga kasalanan. Nararapat, sa madaling salita, para sa kanya na mamatay dahil sa kanyang mga kasalanan.
Kaya niya ipinahayag na siya’y isang abang tao na nananaghoy, “Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Roma 7:24). Ito ang paggunita ni Pablo sa kanyang sarili nang siya’y isang makasalanan. Dapat mong ibilang na gagamitin ang paghahayag na ito ni Pablo sa iyong sarili. Ikaw ba’y bilanggo pa rin nitong katawan ng kamatayan na hindi makatutupad sa Kautusan? Dapat tayong manalig sa katuwiran ng Diyos. Sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay katuwiran ng Diyos na nakatago, at matatamo natin ang Kanyang katuwiran sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo.
Si Pablo’y napalaya sa lahat ng kanyang pagiging kahabag-habag sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni JesuCristo at Kanyang kamatayan sa Krus.
Ang kasukdulan ng kapitulo 7 ay matatagpuan sa mga talatang 24 at 25. Sinulat ni Pablo, “Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni JesuCristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pag-iisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.”
Sa Roma kapitulo 6, binanggit ni Pablo ang ukol sa pananampalatayang nag-aakay sa atin upang ilibing at mabuhay-muli na kaisa ni Cristo. Sa pakikiisa natin sa Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa Krus, mararating natin ang ganitong pananampalataya.
Nabatid ni Pablo na siya’y kahabag-habag na tao, ang kanyang laman ay walang kasapatan kanyang binali ang Kautusan ng Diyos hindi lamang bago niya makilala si Jesus bagkus ay lalo pa niya itong nasusuway matapos masumpungan si Jesus. At siya’y nanaghoy, “Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” Kanya ngayong napag-isip na siya’y mapapalaya sa katawang namamatay sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, sinasabing, “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni JesuCristo na Panginoon natin.” Si Pablo lumaya mula sa mga kasalanan ng laman at kaisipan dahil sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo at ang pakikiisa sa Kanya.
Ang pangwakas na pahayag ni Pablo ay, “Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pag-iisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan” (Roma 7:25). At sa simula ng kapitulo 8, inihayag nya, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan” (Roma 8:1-2).
Dalawang orihinal na Kautusan ang binigay ng Diyos: ang kautusan ng kasalanan at kamatayan at ang Espiritu ng buhay. Ang Espiritu ng Kautusan ang nagligtas kay Pablo mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. Ibig sabihin sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Juan at Kanyang kamatayan sa Krus, na nag-alis ng lahat ng kanyang mga kasalanan, nakipag-isa siya kay Jesus at naligtas sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Tayong lahat ay dapat magkaroon ng pananampalataya na makikiisa sa atin sa bautismo ng Panginoon at Kanyang kamatayan sa Krus.
Inihayag ni Pablo sa Roma kapitulo 7 na siya’y nasumpa dati sa ilalim ng Kautusan, subali’t sa pamamagitan ni JesuCristo, siya’y napalaya mula sa kasumpaan. Sa gayon, makapaglilingkod siya sa Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritung nananahan sa Kanya.
Ang katotohanang nabatid ni Pablo
Inihayag ni Pablo, “Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa’t, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan” (Roma 7:7). Hindi niya malalaman ang pagnanasa maliban sa sinabi ng Kautusan, “huwag kang magnasa.” Ipinaliwanag ni Pablo ang kaugnayan ng Kautusan at kasalanan, sinasabing “Dataptuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng butos ng sarisaring kasakiman.” Ibig sabihin ang mga puso ng tao ay likas na puno ng kasalanan. Mula sa sandaling ang tao’y ipinaglihi sa sinapupunan ng ina, sila’y ipinaglihi sa kasalanan, at isisilang na may 12 uri ng kaslanan.
Ang 12 uri ng mga kasalanan ay ang pangangalunya, pagpatay, pagnanakaw, pagnanasa, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninirang-puri, kapalaluan, at kahangalan. Bawa’t isa’y nagkakasala hanggang sa mamatay. Paano matutupad ninuman ang Kautusan at mga utos ng Diyos, gayong sya’y isinilang na may 12 kasalanan? Sa sandalig marinig natin ang mga salita ng Kautusan at mga utos na nagsasabing “gawin” o “huwag mong gawin”, ang kasalanan ay nagsisimulang gumawa sa atin.
Nang hindi natin nalalaman ang Kautusan at mga utos ng Diyos, ang mga kasalanan sa atin ay tahimik na natutulog. Nguni’t matapos malaman ang mga utos, na nagsasabi sa atin na mga gagawin at di-dapat gawin, ang mga kasalanang ito ay mahahayag at lalo pa tayong nagkakasala.
Sinumang hindi isinilang na muli o di-naniniwala at nauunawaan ang katotohanan ng tubig at ng Espiritu ay taglay ang kasalanan. Ang kasalanang ito, na naging aktibo dahil sa mga salita ng utos, lalong gumagawa ng mga kasalanan. Ang Kautusan, na nagsasabi sa tao kung anong gagawin at hindi gagawin, ay tulad ng tagasanay na nagsisikap upang amuin ang kasalanan. Subali’t, ang kasalanan ay lumalaban sa mga utos ng Diyos at sinusuway ang mga ito. Kapag narinig ng makasalanan ang mga utos, ang kasalanan sa kanyang puso ay nagiging aktibo, nag-aakay sa kanya ng magkasala muli.
Mababatid natin sa pamamagitan ng Sampung Utos na taglay natin ang kasalanan sa atin. Ang gampanin ng Kautusan sa gayon ay ihayag ang mga kasalanan na nasa ating mga puso, ipabatid sa atin na ang mga utos ng Diyos ay banal, at gisingin tayo sa ating mga kasamaan. Ang mga pangunahin sa atin, tayo’y isinilang na may pagnanasa na maging sakim sa lahat ng nilikha ng Diyos, kasama ang mga pag-aari na hindi sa atin. Kaya, ang utos ng nagsasabing, “Huwag mong nasain,” nagsasabing tayo’y isinilang ng mga makasalanan at itinalagang mapuntang impiyerno mula pa sa pagsilang. Ipinakikita rin sa atin ang pangangailangan ng Panginoon, na Siyang tumupad sa katuwiran ng Diyos.
Kaya ipinahayag ni Pablo na sinamantala ng kasalanan ang pagkakataon sa pamamagitan ng utos na makagawa ng lahat ng uri ng masamang pagnanasa. Nabatid ni Pablo na siya’y maluhang makasalanan na sumuway sa mga utos ng Diyos, dahil siya’y orihinal na naisilang na masama at taglay ang kasalanan bago manalig sa katuwiran ng Diyos.
Kung atin titignan ang kapitulo 7, makikita nating si Apostol Pablo ay lubos na espirituwal, may malawak na kaalaman sa Biblia, at amy malaking espirituwal na kaunawaan at karanasan. Maliwanag na batid niya na sa pamamagitan ng Kautusan na may kasalanan siyang taglay, dahil sa mga utos ay batid niyang nakakagawa siya ng lahat ng masasamang pagnanasa. Nalaman niya na ang Kautusan ng Diyos ay may gampanin na ihayag ang lahat ng mga kasalanang taglay niya. Habang ang mga kasalanang ito’y nahahayag, ipinahayag din niya na ang utos, na magbibigay buhay, ay nagdala sa kanya ng kamatayan.
Kamusta ang iyong pananampalataya? Ito ba’y tulad ng kay Pablo? Hindi ba’t may kasalanan sa iyong puso kahit ika’y nananalig kay Jesus o hindi? Kung gayon, ibig sabihin hindi mo pa nalalaman ang katuwiran ng Diyos, hindi mo pa tinatanggap ang Banal na Espiritu, at isang makasalanang naitalagang mapuntang impiyerno upang mahatulan sa iyong mga kasalanan. Inaamin mo ba ang mga katotohanang ito? Kung gayon, dapat kang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung saan ang katuwiran ng Diyo, at mapapasaiyo ang Banal na Espiritu. Kailangan tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos
Sinabi ni Apostol Pablo, “At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay; sapagkat ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako” (Roma 7:10-11). Ang kasalanan, sa ibang salita, dinaya si si Pablo sa pamamagitan ng pagsasamantala sa utos. Naniniwala si Pablo na ang utos ay tunay na mabuti at makatuwiran, nguni’t ang 12 uri ng mga kasalanan ay buhay at nagnanana sa kanyang puso. Ibig sabihin na siya’y dinadaya ng kasalanan dahil hindi niya nauunawaan ang layunin ng mga utos ng Diyos.
Sa simula’y inakala ni Pablo na binigay ng Diyos ang Kautusan para tuparin. Ngunit sa huli’y, nabatid niya na ang Kautusan ay hindi binigay upang tuparin, bagkus upang ihayag ang mga kasalanang nasa puso ng tao, kasama na ang kabanalan ng Diyos, at gawin tayong mga makasalanan na hatulan ng Diyos. Ganyon inakala ni Pablo ang pandaraya ng kasalanan, dahil hindi nga niya nauunawaan ang mga utos ng Diyos at Kautusan ng lubos. Maraming tao rin ang ngayo’y nadadaya ng ganitong paraan.
Dapat nating mabatid kaya ibinigay ng Diyos sa atin ang mga utos at Kautusan ay hindi upang tuparin ang mga ito, bagkus ay upang mabatid ang ating mga kasalanan at abutin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t dahil nga nagsisikap tayong mamuhay ayon sa Kautusan sa pamamagitan ng ating mga kasalanan, ang hantungan ay nahahayag ang ating masamang likas.
Kaya, nalalaman ng isang makasalanan sa pamamagitan ng Kautusan kahit pa ang Kautusan ay banal, wala syang kapangyarihan o kakayahang mamuhay ng banal. Sa pagkakataong iyon, siya’y nagiging makasalanan na walang pagpipilian kundi ang matungong impiyerno dahil sa Kautusan. Subali’t ang mga makasalanang di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay patuloy na nag-aakalang ibinigay ng Diyos ang Kautusan upang sundin. Sinisikap nilang mabuti na tuparin ang Kautusan, nguni’t dinadaya ang mga sarili at nahuhulog sa kapahamakan sa huli.
Yaong hindi isinilang na muli ay mananatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos, magkakasala at nagsisikap na mapatawad sa pamamagitan ng panalanging pangungumpisal. Sa huli’y, datapuwa’t, nabatid nilang mali ang unawa sa layunin ng Kautusan ng Diyos at nadaya ang mga sarili. Kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay sila. Ang Kautusan ng Diyos ay banal, nguni’t ang kasalanang taglay nila ay nagbatid sa kanila sa kamatayan.
Sinabi ni Pablo, “Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan;-na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala” (Roma 7:12-13). Yaong nakakaunawa ng katotohanang ito’y batid ang kanilang pangangailangan sa katuwiran ng Diyos, at sa gayon, nananalig na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang katotohanan. Ang taong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nananalig din sa katuwiran ng Diyos. Tayo’y mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan at marating ang kabanalan ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran. Hangad ko na kayong lahat ay mapagpala sa pamamagitan ng ebanghelyong ito.
Papaano ang laman at isipan ni Pablo?
Si Pablo’y puspos ng Espiritu at may malalim na unawa ng Salita ng Diyos. Subali’t, nagsalita siya ukol sa kanyang laman sa mga sumusunod na salita, “Sapagka’t nalalaman natin na ang kautusa’y sa espiritu: ngunit ako’y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. Sapagka’t ang ginagawa ko’y hindi ko nalalaman: sapagka’t ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa’t ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko. Nguni’t kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan. Kaya ngayo’y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin” (Roma 7:14-17). Sinabi nyang sya’y nagkasala dahil sa likas na kasamaan. Dahil sa sya’y masama, nabatid nya ang kanyang sarili hanap ang mga nasa ng laman, bagama’t nais nyang
Kaya nabatid ni Pablo, “Sapagka’t ako’y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap” (Roma 7:22-23). Kaya siya nanaghoy laban sa kanyang laman, isinisigaw, “Abang tao ako!” (Roma 7:24) Kahit pa si Pablo’y isilang na muli, siya’y pighati pa rin dahil ang kasamaan ay nasa kanya, bagama’t nais nyang mapabuti. Nang sabihin ni Pablo na may kasamaan sa kanya, tinutukoy niya ang kanyang laman. Nakita niya ang ibang Kautusan sa kanyang bahagi, salungat sa tuntunin ng Espiritu, natatalo ng laman, upang magkasala. Matatanggap niyang wala siyang pagpipilian kundi ang pailalim sa hatol dahil nakikita niya ang kanyang laman sa pamamahala upang magkasala. Dahil si Pablo rin ay may laman, nanaghoy sa mga kasalanang nagagawa ng kanyang laman.
Kaya inihayag ni Pablo, “Abang tao ako!” Nguni’t, pinasalamatan din niya si JesuCristo sa pagtupad sa katuwiran ng Diyos. Ito’y dahil siya’y naniniwala na si Jesus ay naparito sa mundo, binautismuhan, at napako para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng lahat ng tao. Buong puso siyang nagpasalamat sa Diyos, dahil sa taglay na pananampalataya ng pakikiisa niya sa bautismo at dugo ni JesuCristo.
Alam ni Pablo nang bautismuhan ni Juan si Jesus, lahat ng kanyang kasalanan, maging ang mga kasalanan ng sanlibutan ay isinalin kay Jesus nang minsanan. Alam din niya nang namatay si Jesus sa Krus, tayo’y nangamatay din. Samakatuwid dapat tayong magkaroon ng pakikiisa ng pananampalataya sa katotohanan ng tubig at ng Espiritu. Ang puso mo ba’y kaisa sa bautismo at dugo ni JesuCristo? Ikaw ba’y sa madaling salita, kaisa ang iyong puso sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na tumupad sa katuwiran ng Diyos? Kailangang tayong magkaroon ng pananampalataya na nakikipagkaisa sa bautismo natanggap ng Panginoon mula kay Juan at ang dugong Kanyang nabubo sa Krus. Napakahalaga para sa atin na maging magkaisa ang mga pananampalataya dahil ang pag-iisa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay pakikiisa sa katuwiran ng Panginoon.
Sinabi ng Roma 6:3, “O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?” Ibig sabihin na sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus, tayo’y kasamang nabautismuhan Niya, ibig sabihin tayo’y kaisa sa kamatayan ng ating Panginoon. Iyan ay, sa pamamagitan ng bautismong kaisa sa pamamagitan ng pananampalataya tayo’y nabautismuhan sa Kanyang kamatayan. Ang pakikiisa sa Panginoon ay ang pakikiisa sa Kanyang bautismo at mamatay kaisa ng Kanyang kamatayan.
Samakatuwid tayo’y dapat manalig at makiisa sa bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus na sinakatuparan ang katuwiran ng Diyos, hindi ka kaisa sa bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan. At sa ebanghelyong ito na ang katuwiran ng Diyos ay nahayag.
Kung ang ating mga puso ay hindi kaisa sa bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus, ang ating pananampalata ay parang kaalaman lang at walang saysay. Maging kaisa ng dugo sa Krus at manalig sa mga ito. Ganyan tayo dapat manalig. Walang saysay ang pananampalatayang batay sa kaalaman. Anong kabutihan ng isang magandang bahay, kung halimbawa, kung hindi naman sa iyo? Upang maging atin ang katuwiran ng Diyos, dapat nating malaman na ang layunin na bautismo ni Jesus ay upang hugasan ang ating mga kasalanan, at ang Kanyang kamatayan sa Krus ay para sa kamatayan ng ating laman. Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos na tinupad ng ating Panginoon, tayo’y dapat matubos ng minsanan at lumakad ng may bagong buhay.
Sa pamamagitan ng iyong pananampalataya kaisa ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ang katuwiran ng Diyos ay siyang mapapasaiyo. Dapat tayong maging kaisa ng bautismo at kamatayan ni Jesus, kung hindi, ang ating pananampalataya ay walang kabuluhan.
“Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Roma 7:24) Hindi lang ito panaghoy ni Pablo, kundi sa akin at sa iyo, gayon din sa lahat ng mga hiwalay kay Cristo. Siya na magliligtas sa atin mula sa kahirapan ay si Jesus, at ito’y malulutas lamang sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, na Siyang binautismuhan, ipinako, at nabuhay na muli para sa atin.
Sinabi ni Pablo, “Nagpapasalamat ako sa Diyos – sa pamamagitan ni JesuCristo na ating Panginoon!” Ipinakikita ang pagiging kaisa ni Pablo sa Panginoon. Dapat tayong maniwala na kung kaisa tayo at may pananampalataya na niligtas tayo ni Jesus mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at dugo, tayo’y mapapatawad at tatanggap ng buhay na walang hanggan. Lahat ng iyong mga kasalanan ay inilipat kay JesuCristo nang manalig ka sa bautismo ni Jesus kaisa ng iyong puso. Ika’y mamamatay at kasamang Niyang babangon matapos ng Kanyang kamatayan sa Krus. Sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo sa mundo sa gulang na tatlumpu. Ang pinakauna Niyang ginawa sa Kanyang misyon ay hugasan ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan Bautista. Bakit Siya binautismuhan? Upang pasanin Niya lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Samakatuwid, kapag naging kaisa ang ating mga puso sa katuwiran ng Diyos, pinasan ni Jesus, lahat ng ating mga kasalanan ay isinalin kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Lahat ng ating mga kasalanan ay inilipat kay Jesus at hinugasan ng .
Narito sa mundo ang ating Panginoon at nabautismuhan upang pasanin lahat ng ating mga kasalanan at namatay upang bayaran ang mga utang. Sinabi ni Jesus kay Juan bago Siya bautismuhan, “Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa laghat ng nangasa bahay” (Mateo 3:15). “Lahat ng Katuwiran” ay tumutukoy sa bautismo ni Jesus, paghuhugas ng lahat ng mga kasalanan ng tao, na patungong impiyerno, at sa Kanya ring kamatayan at pagkabuhay na muli. Ano ang katuwiran ng Diyos? Ayon sa mga pangako ng Diyos sa Lumang Tipan ang bautismo ni Jesus at kamatayan sa Krus, na nagligtas sa lahat ng mga makasalanan, ay ang Kanyang katuwiran. Ang dahilan ng pagparito ni Jesus sa anyo ng tao at binautismuhan upang alisin Niya lahat ng kasalanan ng sangkatauhan at hugasan ang mga ito.
Bakit binautismuhan ni Juan si Jesus? Upang isakatuparan ang katuwiran ng Diyos sa pag-aalis ng lahat ng kasalanan ng tao. Tayo, na nabautismuhan kay JesuCristo, ay nabautismuhan din sa Kanyang kamatayan at ngayo’y lumalakad sa bagong buhay, dahil Siya’y bumangon sa kamatayan. Ang magkaroon ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay upang manalig at maging kaisa ang ating mga puso sa bautismo ni Jesus, Kanyang kamatayan sa Krus, at Kanyang pagkabuhay na muli. Tayo’y kasama Niyang inilibing nang Siya’y mamatay sa Krus dahil tayo’y kaisa Niya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Napakahalaga para sa atin kaisa ang ating mga puso sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, kahit matapos mapalaya mula sa ating mga kasalanan. Magpapasalamat tayo sa Diyos dahil tayong lahat ay namatay kasama si Cristo nang Siya’y mamatay sa Krus, dahil tinangay na Niya lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo.
Ang pakikipag-isa kay Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya ay kailangan kahit matapos makamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ating katubusan. Matapos matanggap ang handog ng pagtubos, ang pananampalataya ay maaring mapinsala hango sa isang kaugalian lamang. Nguni’t, kung atin pag-iisahin ang ating mga puso sa katuwiran ng Diyos, ang ating mga puso ay mabubuhay kasama ang Diyos. Kung tayo’y magiging kaisa ng Katuwiran ng Diyos, mamumuhay tayong kasama Niya, nguni’t kung hindi, sa gayon wala tayong magagawa kundi magiging walang saysay sa Kanya. Kung hindi tayo magiging kaisa ng Panginoong Diyos at manatiling tagasunod lamang sa kanya, parang humahango sa hardin ng ating kapitbahay tayo’y mawawalang-saysay sa Diyos sa pagiging hiwalay sa Kanya. Samakatuwid, kailangan tayong kaisa sa Salita ng Panginoon at katuwiran ng Diyos sa pananampalataya.
Kung mayroon tayong pananalig sa pakikipag-isa sa bautismo ni Jesus ay Kanyang kamatayan sa Krus, tayo ang mga Kristiano na kaisa sa Panginoon
Ang manalig sa katuwiran ng Diyos ay ang pakikipag-isa sa Panginoon at pagkakaroon ng pananalig sa pagkilala sa Kanyang katuwiran. Bawa’t aspeto ng ating mga buhay ay dapat kaisa sa katuwiran ng Diyos. Ganyan tayo dapat mamuhay. Kung hindi tayo maging kaisa sa Kanyang katuwiran, tayo’y magiging mga alipin sa ating laman at mamamatay, nguni’t sa sandaling nakipag-isa tayo sa katuwiran ng Diyos, lahat ng ating mga kasalanan ay mapapatawad. Kapag nakipag-isa ang ating mga puso sa katuwiran ng Panginoon tayo’y magiging mga lingkod ng Diyos. Lahat ng mga gawa ng Diyos ay magiging ukol sa atin, at sa gayon, lahat ng kanyang mga gawa at sa gayon, lahat ng Kanyang mga gawa at kapangyarihan ay makikipag-isa sa Kanya, tayo’y mananatiling walang-saysay sa Kanyang katuwiran.
Tayo’y mga mahihina ang laman, tulad ni Pablo, kaya’t kailangang maging kaisa ang ating mga puso sa katuwiran ng Diyos. Kailangan tayong makipag-isa at manalig na si Jesus ay binautismuhan ni Juan at napako upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ito ang uri ng pananampalataya na nakalulugod sa Diyos at magbibigay ng mga pagpapala sa ating mga katawan at mga kaluluwa. Kung tayo’y mananalig sa mga pagsisikap ng Panginoon sa ating mga puso na iisa sa pananampalataya, lahat ng mga pinangakong pagpapalang Langit ay mapapasa-atin din. Kaya dapat tayong maging kaisa Niya.
Sa kabilang banda, kung hindi kaisa ang ating mga puso sa katuwiran ng Diyos, hindi tayo makapaglilinhkod sa Kanya. Yaong mga Kristiyano na hindi kaisa ang kanilang mga puso sa katuwiran ng Diyos ay umiibig sa mga kahalagahan ng mundo nang higit sa anumang bagay. Wala silang pagkakaiba sa mga di-mananampalataya sa mundo. Pahahalagahan lamang nila ang katuwiran ng Diyos kapag ang kanilang mga pag-aari, na kanilang iniibig ng husto tulad ng kanilang sariling buhay, ay mawala sa kanila. Ang mga material ay walang halaga o kapangyarihan upang mamahala sa mga buhay ng tao. Tanging ang katuwiran ng Diyos ang makakapagpatawad sa ating mga kasalanan, buhay na walang hanggan at mga pagpapala. Ang mga materyal ay hindi kasing-halaga ng ating mga buhay. Dapat nating mabatid na kung magiging kaisa tayo sa katuwiran ng Panginoon. Dapat tayong mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at makipag-isa ang ating mga puso kay Cristo. Ang pananampalataya pakikipag-isa sa katuwiran ni Cristo ay kaibig-ibig. Ang pangwakas na sinasabi ni Pablo sa kapitulo 7 na tayo’y dapat mamuhay sa espirituwal na kaisa ang Panginoon.
Nakakita ka na ba ng isang tao na naging lingkod ng Diyos nguni’t ang kanyang puso ay hindi kaisa sa Kanyang katuwiran? Wala! Nakakita ka na ba ng isang tao na kumikilala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang kailangang kundisyon para sa kapatawaran ng mga kasalanan nang hindi kaanib sa katuwiran ng Diyos? Wala ni isa. Gaano man ang kaalaman natin s Biblia, ang ating pananampalataya ay walang-saysay maliban na kaanib tayo sa katuwiran ng Diyos at maniwala na sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at sa Kanyang dugo sa Krus, tayo’y mapapalaya mula sa lahat ng ating mga kasalanan.
Kahit pa minsang napatawad tayo sa mga kasalanan at dumalo sa iglesia, kung hindi tayo kaisa sa Kanyang katuwiran, tayo’y mga makasalanan na walang bahagi sa plano ng Panginoon. Bagama’t sinasabi nating nananalig tayo sa Diyos, tayo’y mahihiwalay sa Panginoon kung hindi tayo makikipag-isa sa Kanyang katuwiran. Dapat tayong makipag-isa sa katuwiran ng Diyos kung nais nating maaliw, matulungan, at maakay ni Cristo.
Natanggap mo ba ang katuwiran ng Diyos at ang kapatawaran ng lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Naglilingkod ka ba, tulad ni Pablo, sa Kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng iyong isip habang ang iyong laman ay naglilingkod sa Kautusan ng kasalanan ng araw-araw? Dapat tayong maging kaisa sa katuwiran ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Anong mangyayari kung di tayo makikipag-isa sa katuwiran ng Diyos? Tayo’y mapapahamak. Subali’t yaong mga kaisa sa katuwiran ng Diyos ay mamumuhay ng may pakikipag-isa sa iglesia ng Diyos.
Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos ay nangangahulugang pagsanib sa iglesia at mga lingkod ng Diyos. Tayo’y patuloy na mamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kung tayo’y araw-araw na kaisa sa katuwiran ng Diyos. Yaong mga napatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran ay dapat makipag-isa sa iglesia ng Diyos araw-araw. Dahil sa ang laman ay laging nais ang panglingkuran ang kautusan ng kasalanan, dapat tayong laging magbubulay-bulay sa Kautusan ng Diyos at mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo’y patuloy na magbubulay at magtuon sa Katuwiran ng Diyos.
Tayo na nananalig sa katuwiran ng Diyos, ay dapat na magsama sa iglesia at sa mga lingkod ng Diyos sa araw-araw. Sa gayo’y, maaalala lagi natin ang katuwiran ng Diyos. Dapat nating isaisip ang maging isa sa iglesia ng Diyos araw-araw. Dapat nating pagbulayan ang katotohanan na ang Panginoon ang nabuatismuhan upang pasanin lahat ng ating mga kasalanan alang-alang sa atin. Kapag tayo’y umanib sa ganitong pananampalataya at sa katuwiran ng Diyos, tayo’y magkaroon ng kapayapaan mula sa Diyos, at ika’y magbabago, pagpapalain at bibigyan Nya ng kapangyarihan.
Makiisa sa katuwiran ng Diyos. At iyong masusumpungan ang bagong kalakasan. Maging sa bautismo ni Jesus sa katuwiran ng Diyos ngayon. Lahat ng iyong mga kasalanan ay maalis. Maging isa ang iyong puso sa kamatayan ni Cristo sa Krus. Ikaw din ay mamatay kasama Niya. Maging isa sa Kanyang pagkabuhay muli. Sa madaling salita, kapag naging isa kay Cristo sa iyong puso, ika’y mamamatay at mabubuhay muli kasama si Cristo, sa gayo’y maliligtas sa lahat ng iyong mga kasalanan.
Anong mangyayari kung hindi tayo nakipag-isa kay Cristo? Maaaring tayo’y malito at itanong “Bakit binautismuhan si Jesus? Ang tanging kaibhan ng Lumang Tipan sa Bagong Tipan, ang una’y tumutukoy sa ‘pagpatong ng mga kamay’ at ang huli’y ukol sa bautismo. Ano ngayon ang saysay nito?” Ang kaalaman at teoriyang pananampalataya ay hindi tunay na pananampalataya, at ito’y unti-unting magtatangay sa mga mananampalataya na umalis sa Diyos.
Yaong mga nananalig sa gayong paraan ay tulad ng isang mag-aaral na tumatanggap lang ng kaalaman mula sa kanyang mga guro. Kung ang mag-aaral ay tunay na gumagalang sa kanyang mga guro, siya rin ay matututo sa kanilang mga marangal na pag-uugali, pamumuno, o dakilang mga katawan. Huwag nating tanggapin ang salita ng Diyos na parang isang kaalaman, bagkus dapat nating matutunan ang personalidad ng Diyos, pag-ibig, awa, at katarungan sa ating mga puso. Dapat nating iwaksi ang ideyang pagsisikap na malaman ang Kanyang Salita bilang kaalaman lamang, bagkus ay maging kaisa ng kanyang katuwiran. Ang pag-anib sa katuwiran ng Diyos ang mag-aakay sa mga mananampalataya at kamtan ang tunay na buhay. Maging kaisa ng Panginoon! Ang sama-samang pananalig ay ang tunay na pananampalataya. Ang teoriya at kaalamang pananampalataya ay di-kaisang pananampalataya, bagkus isang mababaw.
“Ang awa ng Diyos,” na inaawit na himno, “ay isang dagat na banal, walang hanggan at hindi maarok ang lalim na baha.” Kapag ang ating mga puso ay kaisa sa katuwiran ng Diyos, magkakaroon ng kapayapaang walang hanggan at di-maarok na lalim tulad ng habag ng Diyos na ibinigay sa atin ang Kanyang katuwiran. Nguni’t ang teoriya at kaalamang batay sa pananampalataya na hindi kaanib sa Diyos ay tulad ng isang tubig na mababaw. Kung ang karagatan ay mababaw, madaling bumula, nguni’t ang maringal na daloy ng bughaw na mga alon, kung saan ang tubig dagat ay napaka-lalim, di-mapaliwanag. Subali’t sa mababaw na tubig, kapag hinampas ng alon ang dalampasigan, ito’y mamumuo, mawawasak, at maghahalu-halo sa kagusutan. Ang mga pananampalataya ng mga hindi kaisa ng katuwiran ng Diyos ay tulad ng mga alon na ito sa mababaw na tubig.
Ang mga puso ng mga kaisa sa Salita ng Diyos ay malalam, nakasentro sa Panginoon, matimtiman, at di-matitinag sa lahat ng mga pagkakataon. Ang kanilang mga puso ay patungo sa katuwiran g Dakilang Maykapal. Nguni’t ang mga pusong di-kaanib ng Kanyang katuwiran ay madaling matinag, kahit sa pinakamahinang ligalig.
Kailangan tayong magkaroon ng pananampalataya na kaisa sa Panginoon. Dapat tayong kaanib sa salita ng Diyos. Hindi tayo dapat matitinag ng mga maliliit na bagay. Yaong mga kaisa sa Panginoon ay nabautismuhan kay Cristo, namatay kasama si Cristo, at nabuhay muli kasama si Cristo. Dahil hindi na tayo kabilang ng mundo, dapat tayong maging kaisa sa katuwiran ng Diyos upang malugod Siya, na Siyang tumanggap sa atin bilang mga lingkod ng katuwiran.
Kung tayo’y kaisa ng katuwiran ng Diyos, tayo’y laging mapayapa, maligaya, at puno ng kalakasan dahil ang kalakasan ng Panginoon ay mapapasaatin. Dahil sa Kanyang kapangyarihan at mga pagpapala na napasaatin, tayo’y mabubuhay taglay ang mga dakilang pagpapala. Kung tayo’y kaanib sa bautismo ni Jesus at kanyang kamatayan sa Krus sa pamamagitan ng pananampalataya, lahat ng kanyang kapangyarihan ay mapapasa-atin.
Ianib ang inyong puso sa Panginoon. Kung makikipag-isa sa Panginoon, ikaw din ay kaisa ng iglesia ng Diyos. At yaong mga kaisa sa Diyos ay kaisa sa sama-samang lumago sila sa kanilang pananampalataya sa Kanyang Salita.
Kung hindi kaisa ang ating puso kay Cristo, sa gayon, ay mawawala sa atin ang lahat. Kahit pa ang ating pananampalataya ay kasing-liit ng buto ng mustasa, napatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan nang minsanan para sa lahat. Dapat tayong kaanib sa katotohanang ito araw-araw, kahit pa sa ating mga kahinaan. Tanging ang kaisang pananampalataya ang magpapahintulot sa iyo na mabuhay at magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ni JesuCristo.
Kapag tayo’y kaisa sa katuwiran ng Panginoon, matatamo natin ang bagong kalakasan at ang ating mga puso ay magiging matatag. Ang ating mga puso ay magiging matuwid kung makikipag-isa tayo sa Salita ng Diyos. Imposibleng matamo ang determinasyong makapaglingkod sa Panginoon kung susundin natin ang ating sariling mga kaisipan. Kung tayo’y maging kaisa sa bautismo ni Jesus, Kanyang Krus ay pagkabuhay na muli, ang ating pananampalataya ay lalago at tatangan sa Banal na Kasulatan.
Kailangan makipag-isa ang ating mga puso sa Panginoon, tanging pananampalataya kaisa sa Kanya ang tunay na pananampalataya; yaong hindi kaisa sa Kanya ay huwad na pananampalataya.
Magpasalamat tayo sa Diyos sa pagpapayag sa atin na maging kaisa ang ating pananampalataya sa Panginoon sa pagbibigay sa atin ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Dapat maging kaisa ang ating mga puso sa Kanya mula sa araw na ito, hanggang sa mga huling araw, kapag ating makikita muli ang Panginoon. Tayo’y maging kaisa sa Kanya.
Kailangan maging kaisa ang ating mga puso sa Diyos dahil tayo’y mahihina sa Kanyang harapan. Si Pablo’y kaisa rin sa Diyos at napalayo sa kanyang mga kasalanan. Siya’y naging mahalagang lingkod ng Diyos, nangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo, sa pamamagitan ng pag-aalam at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ibinigay ni JesuCristo, ang katuwiran ng Diyos. Dahil sa tayo’y mahihina, ang naglilingkod sa Kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga kaisipan nguni’t ang kautusan ng kasalanan sa pamamagitan ng ating laman, tayo’y makakapamuhay lang sa pagiging kaisa ng Panginoon.
Natutunan mo na ba ngayon ang ukol sa pananampalataya ng pakikiisa sa katuwiran ni Jesus? Ang iyong pananampalataya ba’y kaisa sa bautismo ni Jesus? Ngayon na ang panahon para sa iyo na makipag-isa ang pananampalataya ng pananalig sa bautismo ay dugo ni Jesus. Sa inyo na ang pananampalataya na di-kaisa sa katuwiran ng Diyos ay di-nagtagumpay sa kanilang pananampalataya, sa kanilang kaligtasan, at ako sa kanilang mga buhay.
Samakatuwid, ang katuwiran ng Panginoon ay ang pinaka-kailangang kailangan para sa iyong kaligtasan. Ang pagiging kaisa sa Panginoon ay ang pagpapalang mag-aakay sa ating lahat upang makamit ang kapatawaran sa mga kasalanan at maging mga anak ng Diyos. Tanggapin ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pakikiisa ng iyong sarili at pananalig sa Kanyang katuwiran. Ang katuwiran ng Diyos ay mapapasaiyo, at ang mga pagpapala ay laging nasa iyo.
Salamat sa Diyos dahil kay JesuCristo!
Sinabi ni Apostol Pablo na pinasalamatan niya ang Diyos sa pamamagitan ni JesuCristo ating Panginoon. Pinasalamatan niya ang katuwiran ng Diyos na tinanggap dahil sa pananampalataya sa pamamagitan ni JesuCristo. Kahit matapos manalig si Pablo sa katuwiran ng Diyos, wala siyang magawa kundi ang paglingkuran ang Kautusan ng Diyos sa kanyang isip at ang kautusan ng kasalanan sa pamamagitan ng kanyang laman. Ngunit dahil sa siya’y nananalig sa katuwiran ng Diyos ng buong puso, walang kasalanan ang kanyang puso.
Ipinahayag ni Pablo na siya’y nahatulan na ng Kautusan ni JesuCristo, at naligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya dahil sa katuwiran ng Diyos, sinabi rin niya na yaong humaharap sa poot ng Diyos at parusa ng Kanyang Kautusan ay matatamo pa rin ang bunga ng kaligtasan sa pananalig sa katuwiran ng Diyos sa kanilang mga puso. Sa mga puso na isinilang na muli, may mga naisin ang Banal na Espiritu at mga naisin ang laman. Subali’t yaong hindi isinilang na muli ay may mga pita ng laman. Samakatuwid, nais lang ng mga makasalanan ng kanilang likas na katutubo, sinisikap nilang pagandahin ang kanilang mga kasalanan sa kanilang mga mata.
Ang mga diakono at mga matatanda sa iglesia na hindi isinilang na muli ay kadalasang sinasabi, “Nais kong mamuhay ng mabuti, nguni’t hindi ko malaman kung bakit mahirap.” Dapat nating ipalagay kung bakit wala silang magagawa kundi ang mamuhay ng ganito. Ito’y dahil sila’y mga makasalanang di-natamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos? Sa kanilang mga puso ay kasalanan dahil ang katuwiran ng Diyos ay di-matatagpuan sa kanila. Nguni’t ang katuwiran ng Diyos at ang Banal na Espiritu, nguni’t walang kasalanan.
Nang si Pablo’y may kasalanan sa kanyang puso, siya’y nanaghoy, “Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” Subali’t dinagdag agad ni Pablo, “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni JesuCristo na Panginoon natin” (Roma 7:25). Ibig sabihin natanggap niya ang kaligtasan mula sa lahat ng kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig kay JesuCristo, na nagsakatuparan sa katuwiran ng Diyos.
Ano ang tinatangkang sabihin ni Pablo sa kapitulo 7 ay dati nang siya’y isang relihiyosa na hindi isinisilang na muli, hindi niya alam ang layunin ng Kautusan. Nguni’t sinabi niya na yaong isang nagligtas sa kanya mula sa pagiging aba, dahil sa kasalanan, ay si JesuCristo, na Siyang gumanap sa katuwiran ng Diyos. Sinuman ang manalig na sinakatuparan ni Jesus ang katuwiran ng Diyos upang palayain tayo sa kasalanan ay maliligtas.
Yaong nanalig sa katuwiran ng Diyos ay naglilingkod sa Kautusan ng Diyos sa pamamagitan ng kaisipan nguni’t naglilingkod sa kautusan ng kasalanan sa pamamagitan ng laman. Ang kanilang laman ay kumikiling pa rin tungo sa kasalanan dahil walang pagbabago, kahit pa sila isinilang na muli. Nais ng laman ang magkasala, nguni’t ang kaisipan, na nananalig sa katuwiran ng Diyos, nagnanais na sumunod sa katuwiran ng Diyos. Sa kabilang dako, yaong hindi tumanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan ay maaakay ng kanilang kaisipan at puso upang magkasala dahil sa pangunahin sa kanilang mga puso ay makikita ang kasalanan. Subali’t yaong mga nakakaalam at nananalig sa katuwiran ng Diyos ay nananahan sa kanyang katuwiran.
Magpasalamat tayo sa Diyos sa pamamagitan ni JesuCristo, dahil tinupad ni Cristo lahat ng katuwiran ng Diyos. Ang pasasalamat ay sa Panginoon sa pagbibigay sa atin ng Kanyang katuwiran at inaakay tayo upang manalig dito.