(Roma 7:5-13)
“Sapagka’t nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatali sa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat. Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga’y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa’t, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka’t hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim: Datapuwa’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka’t kung walang kautusan ang kasalanan ay patay. At nang isang panahon ako’y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa’t nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako’y namatay. At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay. Sapagka’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako. Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan; na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala.”
Pinupuri ko ang Panginoon na nag-aakay sa akin hanggang ngayon
Pinipuri ko ang Panginoon na nag-aakay sa akin upang makita ko kayo, muli ang mahahalagang mamamayan ng Diyos. Taos puso ang aking pasasalamat sa Kanya sa mga pagpapala upang magkaroon ng masayang buhay hanggang ngayong araw na ito. Ang Diyos ay laging nasa akin at nahahabag sa akin kahit pa may mga panahon na ako’y nanlulumo, naghihirap, tumatangis at nanghihina sa katuriwan sa mga iba’t-ibang pangyayari. Siya’y laging buhay at nasa aking tabi buong buhay ko, sa aking mga kabalisahan at mga kagalakan. Walang pagkakataon na iniwan Niya akong mag-isa, kahit pa isang segundo.
Lubos na pinagpala tayo ng Diyos! Kung katulad tayo ng Diyos, mahahabag Siya sa atin ng dalawa o tatlong ulit, nguni’t sa huli’y mauubusan ng pasensiya. Nguni’t ang Diyos ay hindi tao, walang hanggan ang kanyang pasensiya. Patuloy Niyang ginagawa ang Kanyang walang hanggang habag sa atin kahit pa tayo’y gumawa ng mabuti, kahit pa tayo’y sumunod sa Kanyang Salita o hindi. Sa mapagmahal na Diyos, pagpupuri, pagsamba at paglilingkod ay Kanya. Buong buhay na nagpuri si Haring David sa Panginoon, nagpapasalamat sa pag-aruga Niya sa tuwing siya’y naliligalig sa mga paghihirap ng buhay. Kanyang inihayag, “Sapagkat sa pamamagitan Mo ay dadaluhungin ko ang isang hukbo, at sa pamamagitan ng aking Diyos ay lulukso ako sa kuta” (Awit 18:29).
Lubos na pinagpala tayo ng Diyos! Hindi sapat ang purihin Siya. Masisiyahan ba tayo kung magtatayo tayo ng sambahang kasing-laki ng buong mundo? Hindi! Makakapagpatayo tayo ng pinakamalaki at pinakamagandang sambahan nang higit sa ating imahinasyon, nguni’t hindi ang laki at ganda ng sambahan ang mahalaga, nguni’t sa katotohanang mahalagang gumagawa ang Diyos sa pagtawag sa mga kaluluwa, nagagawa Niyang mapapakinig sila ng Kanyang Salita at pinahihintulutang isilang na muli dahil sa pananalig sa Kanyang salita. Nguni’t wala tayong magawa kundi ang magpuri lang sa ating Panginoon sa lahat ng pagpapalang ito. Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pahintulot sa atin na maglingkod sa Kanya, dala ang mga bunga ng Kanyang mga gawa mula sa tiyak na pag-aaksaya lamang.
Hindi ba kayo nagpapasalamat na pinayagan ng Diyos na kayo’y nakaupo sa bagong “retreat center”? Pinagpala tayo ng Diyos ng Kanyang walang hanggang biyaya at ginawa tayong maganda sa Kanyang paningin. Sino ba tayo at anong nagawa natin para makamit lahat ng Kanyang pag-ibig? Tayo’y walang saysay, at wala tayong ginawa. Subali’t ginawa ng Diyos na mahalaga tayo sa Kanya, hindi dahil sa may maipapakita tayo, nguni’t dahil tayo’y isinilang na muli. Ginawa tayo ng Diyos, kayo na nagbubula sa kabaliwan at gumagala sa ilang, nakatalagang mamatay at maging alikabok at abo, na Kanyang mga anak.
Anong ganda at dakila ang pag-ibig na ibinigay ng Diyos sa atin! Purihin ang Panginoon! Sa dami ng mga kaluluwa sa mundong ito, iniligtas tayo ng Diyos nang Kanyang walang- pasubaling pag-ibig sa Kanyang katuriwan. May mahigit sa kaligtasan kaysa sa kalayaan lang. Ibig sabihin na ang ating kaluluwa ay kaisa na ngayon sa Diyos. Ibig sabihin na ang Kanyang pag-ibig ay nasa atin na ngayon. Ibig sabihin ang kanyang mga pagpapala rin ay nasa atin upang akuin.
Sa pamamagitan ng kahanga-hangang patnubay at paghimok ng Diyos nakikita pa rin natin ang ating sarili sa kanyang iglesia. Kung hindi tayo pinanatili ng Diyos dito, paano tayo mapupunta rito? Kung hindi Niya tayo minahal at pinagpala, paano tayo makapangangaral at paglingkuran Siya? Makapaglilingkod tayo sa Diyos dahil Siya’y buhay, kasama natin, at pinagpapala tayo.
Kung di tayo kinupkop at pinagpala, hindi tayo makapagpupuri sa kanya noon o kahit pa ngayon. Inibig tayo ng Diyos, pinagpala, hinimok at nilukob tayo ng Kanyang mahabaging mga kamay upang makapaglingkod, sumunod magpuri at sambahin Sya. Hindi ba ito totoo? Pinupuri natin ang Panginoon ng buong puso dahil sa Kanyang kahanga-hangang gawa at Kanyang walang hanggang pag-ibig sa atin.
Lubos ang ginawa ng Diyos para sa Kanyang mga niligtas. Iniligtas Niya tayo, at patuloy na pinalalakas ang pananampalataya ng mga isinilang na muli, ang katibayang hawak tayo ng Diyos, at siyang kumakalinga sa atin. Gumagawa ang Diyos at tinutupad ang Kanyang mga katuriwan sa pamamagitan natin. Naniniwala akong pinagpala ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga iglesia, ang kalipunan ng mga isinilang na muli, sa buong mundo at walang katapusang pagpapalain sila! Nakaranas tayo ng mga kahirapan, subalit ang Diyos ay laging kasama natin, mananatili at patuloy na ginagawa ang Kanyang mga gawain pinalalakas ang ating mga espiritu at inihanda ang ating mga puso upang magkaroon ng pananampalatayang kailangan para makamit pa ang maraming pagpapala. Anong dakila ng kanyang biyaya! Nagpapasalamat akong muli sa Panginoon.
Makapagpupuri tayo sa Panginoon ng ating buong puso
“Sapagkat nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sula” (Roma 7:5-6). Ang sabi ng Biblia na kung tayo’y nasa laman, ang ating mga makasalanang pita na napukaw ng Kautusan ang nag-uudyok sa atin sa paggawa ng mga bagay na magbubunga ng kamatayan. Subali’t, sinabi rin ng Biblia, “Ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay duon sa nakatatali nasa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.”
Ang laman ba’y mapapalaya mula makasalanang mga pita? Ang tao’y may dalawang tapyas ng pagkatao. Ang isa ay laman at ang isa ay ang puso. Hindi maabot ng laman ang katuriwan ng Diyos gaano man ang pagsisikap nito. Ni hindi matutupad ang Kautusan ng Diyos. Ang ating laman ay kailanma’y hindi matutupad ang Kautusan ng Diyos maging kahit isilang na muli, gaano man tayo magsikap kaya sinabi ni Pablo, “Sapagkat nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.”
Sinabi ng Roma 4:15, “Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.” Dapat nating purihin ang Diyos ng ating mga puso. Ginawa ng Diyos na tayo’y magpuri sa Kanya sa buong buhay ayon sa Espiritu, at hindi dahil sa lumang tuntuning nakasulat, sapagka’t tayong mga nakatali ng Kautusan ay nasumpa sa pamamagitan ng galit ng kautusan.
Ang laman ay kakaiba sa puso. Ang laman ay may limitasyon nguni’t ang puso ay maaaring tumanggap ng salita ng Diyos at purihin Siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang puso ay mapapalaya rin mula sa Kasalanan.
Tayo’y patay na sa Kautusan. Ako’y patay na dahil ako’y namatay sa pagkakatali sa akin. Ang ating laman at patay na para sa Diyos. Sa pamamagitan ng laman, hindi natin maaabot ang Kanyang katuriwan ni mapapawalang-sala sa kautusan ng Diyos. Hindi maiiwasan ng laman ang mahatulan. Nguni’t sinugo ng Dios Ama ang Kanyang bugtong na Anak na si Jesucristo, at isinalin ang buong galit ng Kautusan sa Kanya, at pinako naman alang-alang sa atin. Ginawa Niyang makapaglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya sa bagong buhay ng Espiritu, at hindi sa lumang tuntuning nadudult na nagtali sa atin ng kautusan, sa ilalim ng galit nito.
Tayo ngayo’y makapagpupuri sa Panginoon sa Panginoon sa amamagitan ng pananampalataya. Ang puso’y magpupuri sa Panginoon, bagama’t tayo’y nasa laman. Ang puso’y maniniwalang iniibig tayo ng Panginoon. Makakapagpuri tayo sa Panginoon dahil naniniwala tayong namatay kasama si Cristo. Niligtas tayo ng Diyos sa kautusan. Sinugo ng Dios Ama ang Kanyang bugtong na Anak para sa atin, na Siyang itinali ng sumpa ng Kautusan at ang hatol ng Diyos, at nang dumating ang kabuuan ng panahon, inilipat Niya lahat ng ating mga kasalanan at galit ng Kautusan. Nagpupuri tayo sa Panginoon dahil sa lubos na pagliligtas sa atin mula sa lahat ng ating mga kasalanan.
Buong puso tayong maniwala na niligtas tayo ng Diyos tungo sa Kanyang katuriwan. Nagpapasalamat tayo sa Diyos, nagpupuri at lumuluwalhati sa Diyos ng buong puso sa Kanyang pag-ibig. Nguni’t magagawa ba natin ito sa laman? Hindi. Nang tayo’y nasa laman, ang mga makasalanang pita, na sa pamamagitan ng kautusan, gumagawa sa ating mga bahagi upang magbunga ng kamatayan. Ang laman ay nananahan lamang sa ilalim ng galit ng Diyos.
Tayo ngayo’y napalaya mula sa galit ng Kautusan ng pamamagitan ng pananampalataya. Ginawa ng Diyos na makapaglingkod tayo sa Kanya sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanyang pag-ibig at kaligtasan, hindi dahil sa lumang tuntunin ng kasulatan at hindi dahil sa Kautusan ng galit ng Diyos, kahit pa tayo’y mahatulan ng Kautusan.
Wala sa atin ang makapaglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng ating mga gawa. Kahit pa tayo’y isinilang na muli, hindi tayo makapaglilingkod sa Kanya sa pamamagitan ng ating laman. Mayroon ba sa atin ang nanlumo sa pagtatangkang paglingkuran ang Panginoon sa laman? Hindi natin mapaglilingkuran ang Panginoon sa ating laman. Ang makasalanang pita ay laging naghahari sa laman. Hindi natin mapaglilingkuran ang Panginoon sa ating laman kahit matapos tayong isilang na muli. Mapupuri natin ang Diyos ang paglilingkuran Siya lamang sa pamamagitan ng ating mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya. Samakatuwid, kapag pinupuri mo ang Diyos manalig sa iyong puso at magpasalamat sa Kanyang pag-ibig. Sa gayon, ang laman ay magiging instrumento na sumusunod sa pananampalataya.
Nagpupuri ako sa Panginoong nagligtas sa akin mula sa lahat ng galit ng Kautusan sa puso’y ako’y nananalig sa Kanya. Nagpapasalamat ako sa Panginoon. Lubos Niya akong iniligtas. Niligtas Niya ako sa aking araw-araw na mga kasalanan at mula sa sumpa ng Kautusan. Huwag mag-alinlangan: niligtas tayo ng Panginoon. Kahit pa sa ating mga kahinaan at kakulangan, niligtas tayo ng Diyos dahil iniibig Nya tayo. Kahanga-hanga at tayo’y ginawang matuwid ng Diyos, kahit pa puno tayo ng kakulangan. Kahanga-hangang ginawa Niya tayong kanyang mga lingkod.
Mapupurihan natin ang Diyos dahil niligtas Niya tayo mula sa galit ng Kutusan. Mapaglilingkuran natin ang Panginoon sa pamamagitan ng Espiritu at ng ating mga puso. Susunod tayo sa Panginoon. Nagpapasalamat tayo sa Panginoon, na nagligtas mula sa ating mga kasalanan at Kanyang galit. Nagpapasalamat ka ba sa Kanya? Hindi ba inihayag ng ating kaligtasan kung gaaano tayo kahina? Ilang beses tayong pumalyang mabuhay ayong sa Kanyang katuriwan, kahit pa ginawa natin ang lahat? Ilang beses tayong nagmalaki? Ilan ba ang ating mga kahinaan? Hindi natin mapupuri ang Panginoon sa pamamagitan ng laman at mga gawa, hindi ngayon, kahit pa sa bukas. Pinupuri natin ang Diyos sa ginawa Niya sa ating mga puso. Tanging sa ating puso at sa pamamagitan ng ating pananalig tayo maaaring magpuri sa Panginoon.
Hindi natin mapupurihan ang Panginoon sa pamamagitan ng laman
Ang ating sariling katuriwan ay mawawasak kung tayo’y susunod sa Panginoon. Ang mundo ng kaisipan at mundo ng laman ay dapat paghiwalayin. Ito ang paghihiwalay ng espiritu sa laman.
Naniniwala ka ba rito? Walang saysay para sa atin na subukan sa laman. Kapag tayo’y aawit, magagalak, magpupuri, maniniwala, susunod at magpapasalamat sa ating mga puso, ang ating laman ay maglilingkod sa Panginoon, susunod sa ating mga puso. Magpupuri tayo sa Panginoon at magpapasalamat sa Kanya para sa ating kaligtasan, umaawit, “♬Lahat ng aking mga kasalanan ay naglaho, dahil sa kalbaryo; ang buhay ay puno ng awit, lahat ay dahil sa kalbaryo; si Cristo aking Tagapagligtas ay nabubuhay upang palayain ako sa kasalanan; Balang araw, Siya’y darating, O kahanga-hangang pinagpalang araw! Lahat, oo, lahat dahil sa Kalbaryo.♬” Ngunit minsa’y tayo’y nadarapa dahil sa laman. Sinasabi sa ating sarili, “Bakit ako mahina, gayong wala akong kasalanan?” Pagdaka’y mamangha sa ating sarili, “‘♪Lahat ng aking mga kasalanan ay naghalo♪’ – tama – ‘♪ Ang buhay ay puno ng awit ♪’ – tama rin – ‘♪ Lahat ay dahil sa Kalbaryo ♪’ tama lahat ngunit bakit ako mahina? Dapat akong magpasalamat at sumunod sa Panginoon ng buong galak sa kapanahunan, nguni’t bakit ako puno ng mga kakulangan? Kaawa-awa ang aking laman!”
Kapag tayo’y nalulungkot, sinasabi ng Diyos sa atin, “bakit ka nalulungkot, o aking laman? Hindi mo ba alam ako ang iyong Tagapagligtas? Ginawa kitang matuwid.” Hindi natin mapaglilingkuran o masusunod ang Diyos sa ating laman. Mapaglilingkuran natin ang Diyos sa pananalig sa Kanyang pagliligtas sa atin, mahalin Siya, pasalamatan at luwalhatiin Siya ng ating mga puso.
Nais kong purihin ninyo ang Diyos ng inyong puso. Nais ko ring manalig kayo’t magpasalamat sa Kanya sa inyong puso. Ang mga ito’y posible lamang sa pamamagitan ng inyong mga puso. Ito’y imposible sa laman. Ang laman ay nananatiling hindi-nagbabago kahit pa maligtas. Ang sinasabi ni Apostol Pablo sa mga talatang nabanggit ay magaganap bago at matapos maligtas. Ang Salita ng Diyos ay nananatiling pareho sa mga naligtas at hindi ligtas.
Patuloy ka bang lumulugod sa Diyos sa pamamagitan ng laman matapos maligtas?
Patuloy ka bang nagbibigay lugod sa Diyos sa pamamagitan ng iyong laman matapos maligtas? Sa wari mo ba’y mabibigyang lugod mo ang Diyos dahil ika’y kakaiba at pinaglilingkuran mo ang Diyos ng higit sa kanila? Yaong mga puno ng kanilang sariling katuwiran ay mahuhulog sa putikan balang araw. May mga taong nakaranas ng mahulog sa putikan at sa isang batya ng dumi.
Mayroong isang kapatid na babae ang nahulog sa batya ng dumi sa ganitong “Summer Bible Meeting”. Ibig kong sabihin isang tunay na kubeta, nguni’t buti na lang at hindi pa nagagamit. Kung mayroong gumamit nito, malamang siya’y magtatampisaw sa tiyak na sakuna. Naghukay kami ng malalaim na butas at gumawa ng mga palikuran sa luntiang munting burol sa paghahanda ng Bible Meeting. Pagkatapos, naglagay kami ng patungan sa bawa’t palikuran, nguni’t hindi pa naayos mabuti ang mga patungan sa bawat palikuran. Kaya ang kapatid na ito ay nadulas ang nahulog sa butas. Ang iyos ay naghukay ng butas para sa mga taong puno ng kanilang sariling katuwiran. Nais ng Diyos na luwalhatiin natin Siya.
Ang aking kaluluwa’y di-maginhawa at di-nasisiyahan kapag ako’y bumabaling mula sa tamang daan matapos maligtas. Sa pagbubulay-bulay kung bakit ako ganito, nalaman kong ang aking mga damit ay may mantsa ng karumihan. Nalaman kong hindi ako dapat pumunta sa gayong lugar, ngunit pagdaka’y nalilimot ko. Kapag napansin ko agad ako’y nagsisisi, sinasabing, “Hindi ko dapat gawin ito. Anong iniisip ko? O Panginoon. Nagpupuri ako sa Inyo sa paghuhugas ng lahat ng aking mga kasalanan.” Nguni’t pagdaka’y magkakasalang muli. Minsan ako’y nananahan sa biyaya ng Diyos ay bigla namang magkakasala. Pagkatapos napansin ko ang aking sarili tumatakas sa kasalanan tungo sa biyaya ng Diyos. Papunta’t paparito ako sa pag-ugoy. Kaya’t ako’y nagbuntong-hininga sa hapis at nalungkot sa aking buhay.
Nabatid ko kung gaano karumi ako matapos mapatawad lahat ng aking mga kasalanan. Nabatid ko lubos at inisip, “Kakila-kilabot. Bakit ako marupok at mahina, bagama’t naniniwala ako sa Inyo, oh Diyos?” Ang mga makasalanang pita na sa tuwing nagtatangka akong mamuhay ayon sa Kautusan, lalong nahuhulog ang aking laman sa mga makasalanang pita. Nalaman kong hindi makasusunod ang laman sa Diyos. Nakapaglingkod ako sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-aalay ng aking laman bilang instrumento ng katuwiran ng Diyos at nagpuri sa pagpapala ng Diyos matapos manalig ang aking puso sa Kanya.
Ang laman ay isang tumpok ng mga makasalanang pita
Yaong di-nalalaman na sila’y tumpok ng mga makasalanang pita ay nagugulat kung gaano sila kadaling madulas sa kasalanan kapag sila’y umayaw sandali sa paglilingkod sa Panginoon. Dapat tayong manalig sa Panginoon, purihin Siya, luwalhatiin at sundin Siya ng ating mga puso. Ang pagsunod sa Kanya ng ating puso ay ang pagpapala ng biyaya ng Panginoon. Tanging sa pananalig sa Kanya ng ating puso saka tayo makasusunod sa Kanya. Kapag tayo’y nasa laman, ang mga makasalanang pita, na napukaw ng Kautusan, ay mag-uudyok sa paggawa ng ating mga bahagi upang mamunga ng kamatayan. Kapag hindi tayo nagpupuri at sumusunod sa Panginoon sa pamamagitan ng ating mga puso, ang ating laman ay agad nahuhulog sa mga makasalanang pita. Lahat tayo ay maaaring mahulog, tulad ni Apostol Pablo.
Si Pablo’y nanatiling binata sa buong buhay, nangangaral ng ebanghelyo. Nguni’t nalaman niyang ang kasalanan ay bumabalik dahil sa mga makasalanang pita ng laman. Maaaring inisip nya, “ako’y natatakot. Dati’y ako’y puno ng kagalakan, bakit ako nalulungkot ngayon? Anong pinsalaing mayroon ako? Dati ako’y puspos ngayon ako’y parang isang basura.” Matapos isiping mabuti, naunawaan nyang hindi siya makapaglilingkod sa Panginoon nang hindi inihiwalay ang laman sa puso “Abang tao ako! Walang mabuting magagawa ako sa laman.”
Ang laman ay sumusunod sa puso kapag nagpupuri at sumusunod tayo sa Diyos ng ating puso. Nabatid ni Pablo ang katotohanan. Wala tayong magagawa kundi ang magkasala. Nauunawaan mo ba ito? Yaong mga walang kasalanan na nagpupuri, nananalig at sumusunod sa Panginoon ng kanilang mga puso, ang laman ay sumusunod sa puso. Maaaring isipin muna ng isang tao, “ako’y naligtas sa lahat ng aking mga kasalanan. Purihin ang Diyos. Ako’y lubos na masaya.” Subali’t maraming mga makasalanang pita ang madaling manlumo sa kanilang sarili habang ang mga masasamang pita ay unti-unting lumalabas sa kanilang buhay. Bagama’t hindi nila inaakala, sila’y higit na masahol kaysa sa inaakala nila sa sarili.
Dapat nating malaman na ang ating laman ay isang tumpok ng makasalanang pita. Wala tayong maasahan sa laman; hindi ka dapat magtiwala sa iyong laman. Sa halip ay manalig sa biyaya ng Diyos ang nagpapahintulot sa akin na ipangaral ang ebanghelyo! Paano ko magagawa kung wala ang biyaya ng Panginoon? Maaari ko lang purihin ang Panginoon.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagbigay lakas sa akin upang purihin Sya.
Nagpapasalamat ako sa Panginoong naghugas ng lahat ng ating mga kasalanan at ipinagkaloob sa atin ang Banal na Espiritu upang papurihan Siya ng ating mga puso at hindi ng ating laman. Mapupurihan at maluluwalhati natin Siya dahil nananalig ang ating mga puso sa Kanya.
“Kaya nga kami’y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon” (2 Corinto 5:6). Nagpupuri ako sa Panginoong nagligtas sa akin sa lahat ng ating mga kasalanan. Nagpupuri ako’t nagpapasalamat sa Panginoon. Lumuluwalhati at nananalig sa Kanya. Niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga pagkakasala kahit pa tayo nakatalagang mamatay dahil sa pamumuhay sa mga makasalanang pita. Pinahintulutan tayong maligtas sa pamamagitan ng pananalig ng ating mga puso sa Diyos. Ginawa Niya tayong makapagpuri sa Kanya at binigyan tayo ng kagalakan.
Huwag subukang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng laman – ito’y imposible. Huwag subukang magkaroon ng kabanalan sa iyong laman – hindi nito makakamit. Isuko lahat ng pagsisikap ng laman. Paano, kung gayon, makasusunod sa Diyos? Ang sagot ay sa pamamagitan ng ating mga puso. Makapaglilingkod tayo sa Kanya sa pamamagitan ng ating puso, sa bagongbuhay ng Espiritu. Niligtas tayo ng ating Diyos, kaya sumunod ang iyong puso sa Kanya, nagpahintulot sa iyo na maligtas.
Pinupuri ko ang Diyos. Ilang tao ang nananaghoy sa kanilang sarili? Bugtong hininga sa hapis at pinahihirapan ang mga sarili at sinasabing, “bakit ako umaasa ng ganito?” Huwag tularan sila. Imposible sa iyo ang hindi magkasala sa laman. Huwag gawing posible ang imposible. Nais kong manalig kayo sa Diyos at purihin Siya ng iyong puso. Susunod ngayon ang laman sa iyong puso. Nasubukan mo bang sumunod sa Panginoon ng iyong laman ng mahabang panahon matapos maligtas? Nagkaroon ka ba ng problema sa mga bagay na dapat mong gawin? Kung gayon, ang problema ay sinusubukan mong maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng iyong laman at hindi ng puso. Alam mo ba kung anong sinasabi ng mga mapanirang puri laban sa akin? Pinagtatawanan ako at tinutuya. Nguni’t ako’y ngumingiti sa kanila, dahil alam kong hindi nalalaman ang nangyayari sa aking kalooban.
Makapangangaral ako ng ebanghelyo dahil hinuhugasan ng Panginoon lahat kong kasalanan. Kung hindi hinugasan ng Panginoon ang aking mga kasalanan, matagal na akong nahatulan at namatay. Ginawa ng Diyos na tayo’y ganap at kaisa ng espiritu. Ginawa Niya tayong makapagpuri sa Kanya. Ginawa Niya tayong mapagpasalamat. Magalak sa Kanyang mga biyaya. Purihina ang Diyos! Purihin ang Panginoon na umari sa atin bilang Kanyang mga anak! Nawa’y ang kaluwalhatian ay sa Kanya at tanging sa Kanya!
Hindi pa huli. Huwag magtiwala sa iyong laman. Ang masasamang pita ay laging nais na maging una kaysa sa kalooban ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang kalooban ng Diyos ay posible lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito’y imposible sa laman. Huwag dayain ang sarili matapos maligtas. Posible pa rin sa atin ang mahulog, kahit pa sa kaligtasan, sa ilalim ng pamamahala ng laman, dahil lubos na alam nating ang laman ay laging marupok at mahina.
Tayo ang mamamayan ng Espiritu, mamamayan ng pananampalataya. Huwag magtawag sa iyong laman. Ulitin ninyo itong sasabihin ko, “Ang laman ko’y tulad ng isang basurahan.” Nais kong maalala ninyo ito. Huwag magtiwala sa sarili. Dapat tayong manalig at sumunod sa Diyos ng ating puso. Nagpapasalamat sa Panginoon sa pagliligtas sa akin sa lahat ng galit ng kautusan ng Diyos. Purihin ang Diyos!