• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 7-4] Ang ating Laman na Naglilingkod Lamang sa Laman (Roma 7:14-25)

2021.04.12 29
(Roma 7:14-25)
“Sapagka’t nalalaman natin na ang kautusa’y sa espiritu, nguni’t ako’y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. Sapagka’t ang ginagawa ko’y hindi ko nalalaman, sapagka’t ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko, datapuwa’t ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko. Nguni’t kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan. Kaya ngayo’y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti, sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala. Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa, nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka’t ako’y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob. Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihay sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios, datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.”
 
 
Kahanga-hanga ang Kanyang Biyaya!
 
Magpasalamat tayo sa ating Diyos na nagpahintulot sa atin ngayong Summer Bible Meeting at maghari sa magandang panahon, sansalain ang bagyo upang ibigay sa atin itong mga magagandang mga araw. Nagpadala sa iyo ng mga kaluluwa at tinipon ang kanyang mga mamamayan upang ihatid sa atin ang kanyang balita at makapagpuri sa pakikipitan sa iba’t-ibang at sa Banal na Espirito.
Ang Diyos ay buhay! Kahanga-hanga ang Kanyang biyaya. Inaakala ngayon ng mga tao na ang bagyong si “Doug” ay tiyak na darating sa ating bansa kaya ang mga opisyal na nagpapatrol ay pinapaalis lahat ng mga nagkakampo sa lambak na lugar ng In-Jae. Ako’y nagtungo sa bayan ng In-Jae ngayong hapon. Narinig ko ang mga taong naguusap-usap, nag-aalala ukol sa bagyo, nagsabi-sabi kung gaano kalakas at mapaminsala itong bagyo.
Nguni’t ang lahat ba’y magaganap ayon sa kanilang inaasahan maging tayong mga anak ng Diyos ay nagtungo rito ngayong “summer retreat”? Kung tayo’y mananalangin hindi uulan dahil sa habag ng Diyos. Paalisin ba ng Diyos ang kanynag mga anak? Ang Diyos ang naghahari sa panahon, nguni’t ginagawa Niya ito dahil sa ating pananampalataya. Ang Diyos ay matalino, at ibig sabihin ay hindi Niya nasusubukan yaong mga pananalig ay nagsisimula pa lang sa pamamagitan ng kanilang pagtatakang, “Bakit bibigyan tayo ng bagyo ng Diyos gayong mayroon tayong summer retreat?”
 
Walang kapangyarihan akong patigilin ang bagyong si “Doug” nang marinig ko itong balita. Ang tanging magagawa ko ay manalangin. Itong Summer Bible Meeting na ito ay naitala na tayo’y nagkatipon na at wala na akong magagawa. Nag-alala ako na baka ang kapilyang ito ay hindi makakayanan ang bagyo sa katotohanan ito’y yari sa lahat ng mga mahahalagang bahagi ng materyales. Wala akong magagawa kundi ang umasa sa Diyos. Nanalangin akong “Tulungan mo po kami, O Diyos. Kalingain Kami. Hinihiling ko sa Ngalan ni Jesus, Amen.” At tiyak na hinadlang na Diyos ang bagyong si Doug! Nananalig akong alam ng Diyos ang lahat. Inaakay Niya tayo sa walang panganib dahil nauunawaan ninyo ang ating kalagayan higit sa ating kaalaman.
Pinakikita ng panahon sa atin kahit sa maliit na bagay, ang Diyos ay buhay. Narinig ko ang isang dagundong ng kulog tulad ng ugong ng mga baril sa aking tolda. Kaya’t ako’y lumabas ng aking tolda at tumingin sa langit. Ang langit ay madilim at makapal na ulap ay dumating. Kaya ako;y nagtanong sa Panginoon, “Ang mga ulap ba’y dumating?” Nagsimulang manghina ang aking pananampalataya “Panginoon, anong nangyayari?” Nakarating na po ang bagyo rito? Narito na nga po ba? Nguni’t ako’y nakapagpanalangin na at nanalig sa Diyos, at tumangan sa pananampalatayang ito, sinabi ko sa Diyos, “Naniniwala akong kakalingain mo po Kami, Panginoon. Nanalig po ako sa Inyo. Naniniwala akong kikilos po Kayo sa amin.” Pinagpala talaga Niya tayo, nang tayo’y nanalig. Magpasalamat tayo sa Kanya ng buong puso.
 
 
Ang laman ay makasarili at masama
 
Wala tayong magagawa kung hindi kikilos ang Diyos para sa atin. Inaalagaan at tinutulungan tayo ng Diyos. Ating tingnan ang Kanyang salita. Sa Roma 7:14–25 ay sinasabing nakita ni Apostol Pablo ang kanyang sarili na nanatili sa laman at nabili sa ilalim ng kasalanan. Natuklasan din niya na dahil sa kautusan kaya walang magawa ang laman kundi ang mga kasalanan habang nabubuhay.
Tayo rin na mga isinilang na muling gumagawa ng masama bagama’t nais nating gumawa ng mabuti sa laman. Sa Roma 7:19 ay sinasabi, “Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi go ginagawa; nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.” Nakita nating walang mabuting maasahan sa atin. Dahil doon, tayo’y naghihinagpis sa dalamhati, naiisip “Mapapanatili ko ba ang aking pananampalataya?” Tayo ay lubos na tumatangis dahil sa ating walang pagsasa at masamang laman. Alam mo ba kung gaano kasakim ang laman? Sa Roma 7:18 ay sinasabi, “Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti; sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala.”
Lagi nating kinakampihan ang ating sarili, kahit pa tayong mga binhi ng masasama. Alam mo ba kung gaano ang ating kasakiman? Lahat ng tao rin? Tiyak na nalalaman nating tayo’y masama, nguni’t hindi tayo pumapanig sa Panginoon, sarili ang ating pinapanigan. Ang Panginoon ay tiyak na mabuti gayon din ang Kanyang kalooban. Alam nating tayo’y masama, nguni’t iniibig natin ang sarili ng lubos. Iniutos ng Diyos na huwag tayong magkaroon ng ibang Diyos kaysa sa Kanya. Sinabi ito ng Diyos sa atin upang ibigay sa atin ang kaalaman sa kasalanan. 
Iniibig natin ang ating mga sarili at ginagawa ang lahat para sa sarili, gayong alam nating sakim at mapagmapuri tayo. Tayo’y naliligalig kapag may mga bagay na makabubuti sa atin nguni’t gaano karamot at kakuripot tayo sa Panginoon. Ito’y dahil wala tayong saysay. Hindi ibinabahagi ng mga bata ang kanilang mga cookies. Sinasamsam nila ang anuman sa kanilang kamay hanggang ang mga ito’y mawasak at hindi nila ibinabahagi dahil sila’y mga bata at walang saysay. Hindi nila nalalaman na maraming mga mahahalagang bagay sa mundo kaysa sa mga cookies. Ang mga bagay ay katulad nila, tayo ay gayon din.
 
Ang ating mga kasalanan ay nahugasan na nguni’t tayo’y makasarili pa rin. Nagpapasalamat tayo sa Panginoon dahil ginawa tayong walang kasalanan at binigay sa atin ang Banal na Espirito sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan. Nguni’t ang digmaan ay magsisimula sa atin matapos makamit ang katubusan ng mga kasalanan at isilang na muli. Ang digmaang ito ay nasa ating lamang at espiritu. Tayo’y maligaya matapos isilang na muli nguni’t di-maglao’y magdurusa sa digmaang ito. Nguni’t nais ngayon ng Diyos na tayo’y maglingkod para sa kaharian ng Diyos.
Iniwan ng Panginoon ang Kanyang kaluwalhatian para sa atin. Sinugo Siya sa anyo at wangis ng laman. Hindi Siya naparito sa mundo bilang isang makisig na tao. Siya’y naparito bilang isang mapagkumbabang Tao, maaring isang Taong maliit at di kagandahang mukha. Sa katunayan, sinasabing si Jesus ay hindi gwapo. Sinabi si Isaias, “Sapagka’t siya’y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” (Isaias 53:2). Gayon pa man, inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan.
Kasalanan ang pinaglilingkuran lamang ng ating laman. Alam ni Pablo na ang kanyang laman ay isang tumpok ng kasalanan. Kaya kanyang sinabi, “Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa, nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa,” nguint hindi niya sinabing ng detalye dahil siya’y nahihiya sa kanyang mga kasalanan.
Tayo’y parang mga basurahan. Tayo’y tumpok ng mga kasalanan. Gaano kalungkot tayo na makita ang ating sarili naiwan ang bakas ng basura na ating iniwan. Nasaktan sa sariling konsiyensya, sinasabi natin sa Diyos, “Panginoon, hindi ko dapat gawin ito at nais kong mabuhay ayon sa iyong kalooban, nguni’t nagawa ko muli. Paano ko maiiwasan ito, Panginoon?”
 
 
Makapagpapasalamat tayo sa Diyos kapag alam natin ang ating Kasamaan
 
Dapat natin isipin ang biyayang ibinigay ni Jesu-Cristo, ang binigay ng Diyos sa atin. Dapat nating alalahanin ang ginawa ng Diyos sa ating mga puso. Saka lang natin malalaman kung ano ang tama at sa gayon lamang tayo makapaglilingkod sa Panginoon. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at ating pananampalataya sa Kanya kaya hanap natin ang Diyos, iaalay ang sarili sa Kanya at pagtagumpayan anumang hamong naghihintay sa atin sa pagsunod sa Diyos sa ating puso at mamuhay kasama Siya.
Magsisimulang itatatwa ng atin sarili kapag nalamang tayo’y masama at walang saysay sa Diyos. Nabatid natin na sa pag-iwas sa kasalanan ay imposible nang hindi naglilingkod sa Panginoon dahil sa ating laman at wala tayong magagawa gaano man lubos tayong pinagpalang, dahil sa ating mga kahinaan. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagpapala sa akin upang paglingkuran Siya. Kung hindi ako nilagay ng Diyos sa ministeryong maglingkod sa ebanghelyo, mananatili akong isang tumpok ng kasalanan na nananatili pa rin sa laman at walang matuwid na magagawa para sa Kanya.
 
 
Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon
 
Inihayag ni Pablo, “Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.” Anong ipinaglilingkod ng laman? Kasalanan ang pinaglilingkuran ng laman. Subali’t, naglilingkod tayo sa Diyos ng ating buong puso. Para kanino tayo nagpapasalamat sa Diyos? Nagpapasalamat tayo sa Diyos dahil kay Jesu-Cristo na ating Panginoon.
Sinabi ni Pablo, “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin!” Ako rin. Kung hindi inalis ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan, hindi ako maliligtas dahil ang laman ay patuloy na naglilingkod sa kasalanan ngayon.
“Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin!” Nagpapasalamat tayo sa Diyos dahil inalis Niya lahat ng mga kasalanan ng ating laman. Tanging kasalanan lang ang pinaglilingkuran ng ating laman, kahit pa matapos makamtan ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Nguni’t nais ng puso na maglingkod sa Diyos. Ang dahilan kung bakit nagpapasalamat tayo sa Diyos at kung bakit naging matuwid ang puso ay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Naniniwala ka rito? Nagpapasalamat tayo sa Diyos at naglilingkod sa Kanya ay dahil inalis Niya ang ating mga kasalanan. Kung hindi kinuha ng Panginoon at iniligtas tayo sa mga kasalanan ng laman, tayo’y mapapahamak ng walang hanggan. Naniniwala ka ba rito?
Kung hindi inalis ng Panginoon ang lahat ng ating mga kasalanan, paano tayo magkakaroon ng kapayapaan, paano tayo makakapagpasalamat sa Panginoon, at makapaglilingkod sa Kanya? Paano matutulungan ng ibang tao gayong siya’y nasa ilalim ng kasalanan? Paano mapapalaya ng isang tao gayong siya’y nakakulong din? “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.” Nilinis ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan upang paglingkuran Siya, at binigyan ng kapayapaan ang ating mga puso.
 
 
Sa Mundo Tayo’y Patay Na
 
Paano natin maipangangaral ang ebanghelyo, paglingkuran ang Diyos, gumawa para sa Kanya at makatutulong sa Kanyang ministeryo, kung wala ang ating Panginoon? Gagawin natin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng atin Panginoon. Patuloy tayong sumusunod sa Panginoon ngayon, bukas at sa darating na bukas ng walang pagbabago. Ito ang tamang pananampalataya. Yaong mga naglilingkod sa Panginoon ay tulad ng isang babaeng mabuti at matalino nagpapanatiling maayos ang kanyang bahay. Huwag mamuhay tulad ng isang pabagu-bagong relihiyosong buhay tulad ng isang kawaling madaling lumamig at uminit sa maiksing oras. Dapat kang sumunod sa Panginoon sa lahat ng oras, hanggang Siya’y dumating. Ipalagay ang iyong sarili bilang isang hiwalay at namatay sa mundo matapos kang isilang na muli. Nais kong maaalala mo na ikaw ay hindi na kabilang sa mundo. Tayo’y patay na sa sanlibutan. 
Ang ating mga pangalan ay inalis na mula sa pamilya ng sanlibutan. Nauunawaan mo ba? Ang ating mga pangalan ay wala na roon.
Maaring sabihin ng sanlibutan sa iyo, “Matagal na kitang di nakikita. Kumusta na? Nabalitaan kong dumadalo ka sa Iglesia. Nabalitaan ko ring napatawad na ang lahat ng iyong mga kasalanan. Kaya wala ka ng kasalanan?”
“Hindi, wala na akong kasalanan.”
“Kataka-taka, wari ko’y napunta ka sa maling iglesia.”
“Hindi, huwag mong ipalagay ng ganyan. Halika sa aming Iglesia. Makikita mo kung gaano kaganda.”
“Sa tingin ko pa rin kakaiba ka.” 
Tapos iniisip natin, “Bakit hind nila ako nauunawaan? Sana’y maintindihan ako.” Pero yaong mga isisilang bang muli ay mauunawaan tayo? Paano nila mauunawaan na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan? Hindi nila mauunawaan. Kaya huwag mong asahang mauunawaan ka. Ang sabi ng Panginoon sa atin ay magpaalam sa mundo. Nagwagayway Siya ng dilaw na panyo sa Krus. Sinabi “Nagapan na” (Juan 19:30), sa pangambang hindi tayo makapag-paalam sa mundo dahil tayo’y madaling manghihinayang, sinabi rin Niya, “Inaalis ko na ang inyong mga pangalan sa sanlibutan.”
 
 
Itinulot ng Panginoon sa atin, tayo na hindi makapaglingkod sa Kanya, upang paglingkuran Siya sa pag-aalis ng lahat ng ating mga kasalanan. 
 
Tayo, nga na hindi makapaglingkod sa Panginoon, ay itinulot upang maglingkod sa anya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Likas sa atin ang hindi makapaglilingkod sa Panginoon. Purihin natin ang Panginoon sa pag-aakay sa atin tungo sa Kanyang Iglesia at ibinilang na makapaglingkod tayo sa Kanya. Gagamitin, tayo ng Panginoon. Hindi totoo na tayo ang gumagawa ng Kanyang mga gawain. Nauunawaan mo ba? Ang makatarungang Panginoon sa ibang salita, ay gagamitin tayo sa Kanyang mga matuwid na gawa.
Ang ebangelistang si Lee ay minsang itinutukoy sa kanyang mga seryeng sermon at sinabing siya’y isang marumi at nakakadiri tulad ng isang tambak na mabahong dumi ng kabayo. Nguni’t iyon ay isang mahinahon na pahayag. Anuman ang iyong maisip, tayo’y higit na marumi. Sa Jeremias 17:9 ay sinasabi, “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaalam.” Itinulot ng Diyos yaong mga pusong mandaraya sa lahat upang mamuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang Panginoon at pinakamataas sa lahat! Tinawag tayo para sa Kanyang matuwid na gawain. 
Makasusunod na tayo sa Panginoon at mamumuhay sa Kanyang biyaya dahil hinugasan ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan. Maghihirap tayong kasama Niya at maluluwalhating kasama Niya. Namatay na tayo para sa Panginoon. Kung hindi inalis ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan wala tayong kaligtasan. Mananatiling tayong makamundo kung mamumuhay tayo sa laman.
Walang hanggang niligtas tayo ng Panginoon nang minsanan. Niligtas Niya tayo at ginawang instrumento para sa Kanyang walang hanggang ministeryo. Matapos makilala ang Panginoon lalo nating nalaman kung gaano ang kasamaan at karumihan natin sa kapanahunan. Kaya nagagalak tayo nang makita natin ang liwanag. Nguni’t kung titingnan natin ang ating mga sarili, nagbubuntung-hininga tayo sa lungkot, gaya ng inihayag ni Pablo, “Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Roma 7:24) 
Nguni’t agad na nagpuri si Pablo sa Panginoon. “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.” Hinugasan ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan. Inalis Niya lahat ng mga kasalanan ng laman. Ilang kasalanan ang nagagawa ng ating laman araw-araw? Huwang magkunwaring parang ang laman ay di nagkakasala? 
 
 
Nagpapasalamat ka ba Panginoon?
 
Inalis ng Panginoon lahat ng mga kasalanang nagawa ng laman. Naniniwala ka ba? Ang pag-alis ng Panginoon sa mga kasalanan ng sanlibutan ay parang wala sa iyo, nguni’t kapag iyong nabatid na inalis Niya lahat ng mga pagkakasala ng iyong laman, ika’y mapapasigaw, “Nagpapasalamat po ako Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Salamat Panginoon! Purihin ka!” 
May sariling timbang ang kasalanan. Inaalis ng Panginoon lahat ng ating mga buong buhay na pagkasasala. Hanggang sa ating huling araw. Lubos ang ating pasasalamat! Kung maliit lang ang ating kasalanan, maaaring hihingi tayo sa Panginoon sa Kanyang kapatawaran sa pamamagitan ng ating panalanging pangungumpisal. Nguni’t ang ating mga kasalanan ay di mabilang at walang patid hanggang sa ating huling sandali. Kapag nauunawaan natin ito, pupurihin ang Diyos “Salamat Panginoon! Inalis Mo po lahat ng aking mga kasalanan! Pinupuri kita!” Magpapasalamat tayo sa Diyos sa madaling salita, “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon!” Nagpapasalamat ka sa Diyos at nagsasabi ng ganito? “Salamat po Panginoon, nagpapasalamat po ako sa Inyong pagtawag at pagliligtas sa akin upang maglingkod sa inyong katuwiran. Nagpapasalamat ako sa Panginoong nagligtas sa akin mula sa lahat ng laman.” Nagpapasalamat ka ba sa Panginoon? Ang tunay na pagtutubos sa kasalanan ay parang simple, nguni’t hindi rin dapat ipag-walang bahala. Ito’y dakila, masidhi, malawak, mahalaga at walang hanggan.
 
 
Dapat tayong sumunod sa Panginoon dahil walang makakabuti sa atin
 
Tayo’y isang tumpok na kasalanan. Dapat nating malaman na tayo’y nasa kadiliman. “Ako’y kadiliman, nguni’t Ikaw liwanag. Ikaw ang tunay na liwanag, ngunit ako’y lubos na kadiliman. Ikaw ang araw, ako ang buwan. Magliliwanag lamang ang buwan sa mundo dahil sa liwanag ng araw. 
Ang buwan mismo ay walang liwanag. Nagbibigay liwanag sa iyo dahil sa sinag na kanyang natatangap mula sa araw. Ang lahat ay kadiliman. Ikaw ba’y liwanag o kadiliman? Tayo’y nasa kadiliman kung wala ang Panginoon. Makapagpapasalamat tayo, maglilingkod, at susunod sa Diyos dahil kay Jesu-Cristo at dahil sa Kanya ay wala ng hatulan. Ang maglingkod lamang sa laman, sa ibang dako ay paglilingkod laman sa kadiliman. Iwanan mo na habang maaga. Ang ating laman ay di magbabago anumang pagsisikap natin. Walang espesyal ang nasa atin. Ang ating laman ay may katapusan, kaya’t dapat tayong mamuhay para sa mga walang hanggang bagay. Ang namumuhay para sa mga walang hanggang bagay ay isang matalinong tao. Dapat natin makilala ang ating sarili ng maaga at isuko ang ating mga sarili ng maaga. Dapat nating malaman na wala tayong mahihita sa ating mga sarili at walang kabutihan sa atin. Tayo’y isang tumpok na kasalanan na lagi at tanging naglilingkod sa ating laman. Sinasala ng laman, “Ibigay mo anuman ang nais ko,” at kumikilos parang isang linta na sumisipsip ng dugo, nakakapit ang sarili sa katawan (Kawikaan 30:15).
Ginugutom tayo agad patungo sa palikuran matapos kumain ng isang bagay. Hindi tayo nasisiyahan sa laman gaano man ang sikap nating pagsilbihan ito. Ginugutom tayo sa ilang oras, gaano man karami at sarap ng pagkaing kinain. Nguni’t kung pinasasalamatan at sinusunod Siya, ang ating kagalakan ay magiging lubos.
Walang kakulangan ang mararamdaman kung tayo’y sumusunod sa Panginoon. Nais mo bang magkaroon ng walang hanggang kagalakan matapos kang matubos? Kung gayon, sumunod sa Panginoon. Nais mo bang mamuhay ng may biyaya? Sundin ang Panginoon. Nais mo bang magkaroon ng masaganang buhay? Alaming ika’y nasa kadiliman at sumunod sa liwanag.
 
Sumunod tayo sa Panginoon saan man Siya pumunta at huminto kung saan man siya huminto. Gawin natin ang nais Niyang gawin at huwag gawin ang hindi Niya nais. Lumakad kasama Niya at sumunod sa Kanya. Mayroon ka bang inaasahan mula sa inyong sarili? Wala! Dapat Siyang sundin dahil wala tayong maasahan sa ating sarili. Ang iyong laman ba’y walang hanggan? Hindi! Kung gayon bakit ka sumusunod sa mga bagay na hindi makapagbibigay ng kahit na ano kahit pa ang walang hanggan?
Maraming panahonng nakalilipas ay dati akong umaawit ng ganito. “♪ Ibalik mo ang aking kabataan ♪” Nguni’t ngayon, maayos ako kahit hindi ibalik ng Diyos ang aking kabataan. Subali’t napag-isip ko na hindi rin ako magiging masaya kung sakaling ako’y bumalik sa pagkabata. Kung susunod tayo sa Panginoon, sino ang liwanag ng ating buhay, ang korona ng buhay ay inilaan para sa atin! Hindi kailangang bumalik sa pagkabata. Sa halip, tayo’y umawit, “Hindi ko itatatwa ang Panginoon at ako’y susunod sa Kanya araw-araw ng aking buong buhay.” Ito’y nagpapakita ng tunay na pananampalatayang hindi nagtatatwa sa Panginoon sa ating buhay at nagpapasalamat sa ating Panginoon. Ating kantahin ang awiting ito!
“♪ Mahal ko ang Panginoong Diyos na naglikha sa tao mula sa alikabok ng lupa, Siyang huminga sa Kanya ng hinginga ng buhay. ♫At sinugo ang Kanyang Anak para sa atin. Ako’y nalikha ayon sa Kanyang wangis, kaya’t inaalay ko ang aking katawan sa Panginoon. ♫Hindi ko itatatwa ang Panginoon at habang buhay na susunod sa Kanya araw.♪ ”
 
 
Tunay ang Pasasalamat ko sa Panginoon 
 
Ibibigay ko ang tunay na pasasalamat sa Panginoon. Inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan at pinahintulutan na paglingkuran Siya, sundin Siya at gawin ang Kanyang matuwid na gawa. Kung hindi binawal ng Panginoon ang lahat ng ating laman at inalis ang mga ito, paano natin magagawa ang Kanyang matuwid na gawa? Ni hindi 0.1%! Ang makasalanan ay masama pa rin kahit anong likas na kabutihan mayroon siya. Kahanga-hanga ang Panginoon sa paghuhugas ng ating mga kasalanan at pinahintulutan tayong paglingkuran Siya? Kamangha-mangha ang Panginoon sa pag-aalis ng lahat ng ating mga kasalanan at pagpapala sa atin, na lublob sa karumihan ng ating mga buhay, mamumuhay na tulad ng gahaman, itinalaga sa impiyerno at namuhay ng walang saysay na buhay kung wala ang Panginoon?
Pinili tayo ng Panginoon upang paglingkuran Siya at sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng ating mga kasalanan at pagpapala ng ating katubusan at pamamagitan ng pananampalatayang papakita kung gaano kadakila ang biyaya ng Diyos. Paano tayo magiging matuwid kung mayroong kasalanan sa ating mga puso? Ang katotohanang wala tayong kasalanan ay katiyakang isang biyayang di-pangkaraniwan. Purihin ang Diyos! Ang laman ay tiyak na magkakasalang muli. Kahit pa naririnig natin ang salita ng Diyos ngayon, magkasala pa rin, malamang paglabas na paglabas natin sa kapilyang ito. Dahil diyan, pinupuri ko ang Panginoon sa paghuhugas ng lahat ng aking mga kasalanan. Huwag mag-alinlangang inalis ng Panginoon Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo sa Ilog Jordan at tinapos ang hatol sa kasalanan sa Krus. Naniniwala ako’t nagpupuri sa Diyos. Paano ngayon tayo makapagpupuri sa Diyos? Mapupuri natin ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! 
 
Mga minamahal na binanal! Hindi natin mababayaran ang biyaya ng Diyos gaano man ang pagsisikap natin habang buhay. Hindi rin sapat na magpasalamat tayo ng walang hanggan sa Panginoon na Siyang nagpahintulot sa atin na gawin ang Kanyang makatuwiran at masaganang gawa sa pamamagitan ng pag-aalis lahat ng ating mga kasalanan gaano man tayo kahina. Hindi sapat ang ating papuri sa Kanya kahit pa hanapbuhay tayong magpupuri sa Kanya.
Malalim ang ating pagkaunawa na walang mabuti ang nananahan sa atin. Pag-isipan ito. Magkakasala ka ba habang ika’y nabubuhay? Ika’y tiyak na magkakasala, nguni’t inalis na ng Panginoon ang inyong mga kasalanan. Pinagpala tayo ng Diyos upang gawin ang mga gawain ng Diyos. Pinahihintulutan tayong paglingkuran Siya. Wala tayong magagawa hundi ang pasalamatan ang ating Panginoon. Nais kong purihin ninyo ang Panginoon at magkaroon na mapag-pasalamat na buhay sa Kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo habang buhay. Pinahintulutan ng Diyos na magkaroon tayo ng pagpapasalamat na buhay sa Diyos. Niligtas Niya tayo sa lahat ng kasalanang nagawa ng laman. Niligtas Niya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan upang makapaglingkod sa Kanya nang buong puso. Dahil sa lubos ang biyaya ng Panginoon, nais nating sumunod at naglingkod sa Kanya. Tayo’y magpasalamat sa Kanya sa pamama ng ating mga puso.
Kahanga-hanga ang biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin sa pamama ni Jesu-Cristo! Nais ko talagang malaman ninyo kung gaano kasama at mahina ang iyong laman, makita ang inyong ginagawa, pag-isipan kung talagang inalis ng Panginoon ang inyong mga kasalanan o hindi, magbigay ng pasasalamat sa Panginoong nagbigay sa atin ng maniningning na buhay. “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios, datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan” (Roma 7:25). Iniibig natin ang Diyos nang buong puso, nguni’t sa laman ay iniibig natin ang kasalanan. Nguni’t higit na kaibig-ibig an gating Panginoon. Hindi magiging isang kasalanan hangga’t hindi tayo nakakagawa ng masama sa ating laman, nguni’t inalis na ng Panginoon maging ang mga kasalanan ng sanlibutang na ating magagawa sa hinaharap. Kaya higit na kaibig-ibig an ating Panginoon, kaya dapat Siyang pasalamatan.
 
Salamat sa Inyo, Panginoon. Pinupuri ko po Kayo sa pagbibigay sa amin ng puso na maglilingkod sa Inyo, at sa lubos na pagliligtas sa amin mula sa lahat ng kasalanan n aming laman, nagagawa sa buong buhay.