• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 7-6] Purihin ang Panginoon, ang Tagapagligtas ng mga Makasalanan (Roma 7:14-8:2)

2021.04.12 33

(Roma 7:24-25)
“Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios, datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.”

 


Ang kautusan ng kasalanan ang pinaglilingkuran ng laman


Kumusta ang iyong buhay ngayon? “Ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman” (Mateo 26:41). Hindi ba’t ganito ka?
Sinasabi rin ng Biblia sa atin, “Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pag-iisip, sa kautusan ng Diyos, datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.” Ang iyon ang mga kautusang naghahari sa atin. Ang ating mga puso’y nilikha upang ibigin ang Diyos at ibigin ang katotohanan, nguni’t likas sa laman ang maglingkod sa kautusan ng kasalanan. Sinasabi ng Salita ng Diyos na ang puso’y naglilingkod sa ebanghelyo at sa Kanyang katuwiran, habang ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.
Alam mo ba kung ano ang kautusan ng kasalanan? Nais nating magkaroon ng matapat na pamumuhay, kaya tayo, na mga binanal at mga lingkod ng Diyos, kasing-bagsik ang leon kapag ang ating laman ay di-naglilingkod sa kasalanan. Nguni’t walang kapangyarihan kapag ang ating laman ay naglilingkod at nahuhumaling sa kasalanan. Inaakala nating tayo’y sasaya at puno ng tapang kapag di na nagkakasala, nguni’t sa katotohanan, wala tayong pag-asa na di na muling magkakasala. Ang mga puso ng binanal at mga puso ng lingkod ng Diyos ay nanliliit sanhi nito.
“♫Lahat ng aking mga kasalanan ay naglaho! ♪ Sa pamamagitan ng biyaya sa Kalbaryo!♫” Bagaman mayroon tayong katubusan at pinupuri ang Diyos ng ganito, wala tayong pag-asa sa sariling mamuhay kapag naiisip ang ating buhay na matapat sa hinaharap. Naiisip natin ang ukol sa mga kahinaan ng laman at nasasabi ang ganito. “Hindi ako dapat mamuhay ng ganito sa hinaharap, di na ako dapat magkasala!” Nguni’t kapag umasa muli sa Panginoon at manatili muli sa katuwiran ng Diyos, mangangako sa Diyos, sasabihing, “Panginoon, salamat po. Purihin ang Diyos. Susunod po ako sa Inyo hanggang sa kamatayan.” Tayo ngayo’y makapaglilingkod ng husto sa Panginoon ng may alab, nguni’t di-magtatagal dahil di-maglaon tayo’y manlulumo muli sa ating mga pagkakasala. Sa katunayan, lahat ng mga binanal at mga lingkod ng Diyos na nagligtas ay tulad nito. Tao ngayo’y masusupil sa katotohanang ang laman ay naglilingkod lamang sa kasalanan.
Alam ko na ayaw ng Panginoon na tayo’y magapos ng kahinaan ng laman. Ito rin ang dahilan bakit inihiwalay ni pablo ang espiritu sa laman. “Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pag-iisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.” Ang ating laman ay di-bubuti. Tanging kautusan ng kasalanan ang pinaglilingkuran ng laman. Nilikha ang laman upang sundin at paglingkuran lang ang kasalanan. Nauunawaan mo ba ito? Ito ay ang kautusan. Sinong makapagbabago sa kautusan? Wala ni isa sa atin. Kanino maglilingkod ngayon ang ating mga puso? Dapat tayong maglingkod sa Diyos. Dapat nating ibigin ang Diyos, ang katotohanan, ang mga kaluluwa at Kanyang katuwiran nang buong puso.

 


Huwag umasa ng lubos sa laman


Nais palawigin ng laman ang makalamang kasiyahan, kaginhawaan, kapayapaan, kagalakan at kanyang kapalaluan, hindi ang katuwiran ng Diyos. Nais ng laman na gawin lahat ng kanyang naisin.
Huwag lubos na magtiwala sa laman, sasabihing, “Makinig ka laman, nais kong gumawa ka ng kabutihan.” Isuko ang iyong hangad na ang laman ay bubuti. Huwag ipalagay na ang ating laman ay iibig sa Diyos at sa Kanyang katuwiran, o nais niyang paglingkuran ang katuwiran ng Diyos at maghirap para sa Kanya.
Yaong umaasa ng kabutihan ng laman ay isang kamangmangan. Ano ngayon ang ating gagawin? Ang lahat ay nangyari ayon sa kautusan ng Panginoon. Mababago ba natin ang kautusan ng Diyos, kahit nalalaman natin? Hindi natin mababago ito, dahil ito ang kautusan ng Panginoon.
Ang kautusan ng Diyos ang nagsasabing naglilingkod ang laman sa kasalanan. Kung tayo’y nanlulumo at ang mukha’y nandidilim, ito’y dahil pinaglilingkuran natin ang laman. Nais mamuhay ng laman ng mabuti, kaya laging nagbibigay-katwiran sa sarili. Huwag bigyang-katwiran ang ating sarili; sa halip, iwanan ang laman kung ano man ito dati. Nais ko kayong mamuhay kayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon sa inyong puso. Ang laman ay di-makatatakas sa paggawa ng kasalanan hanggang ito’y mamatay, dahil pinaglilingkuran lamang ang kasalanan. Hindi tayo makatatakas sa pagkakasala sa ating sarili. Maaaring isipin mo, “Ang laman ay maaaring bumuti.” Nguni’t hindi ito ang pangyayari. O kaya kapag ika’y nagkasala nang di mo nalalaman, maaaring isipin mo, “Ito’y dahil sa masamang kapaligiran.” Hindi! Ito’y hindi dahil sa mga pangyayari—ang laman ay itinalagang maglingkod sa kasalanan mula pa sa simula.


Walang mabuting ginagawa ang laman. Ang laman ay magkakasala hanggang ito’y mamatay. “Bubuti ba ang laman?” Huwag umasa sa gayong bagay, dahil ika’y lubos na di-masisiyahan. Gaano man kadalas magbago ang iyong isip at sabihin sa iyong sarili, “Hindi ako kikilos ng gayon,” walang magagawa ang laman kundi ang gumawa ng mga masasamang bagay, kahit po laban sa iyong mga nais. Sino sa atin ang hindi naiayos ang ating mga kaisipan na hindi magkasala? Bawa’t isa! Nguni’t ang kautusan ng Diyos para sa laman upang paglingkuran lang ang kasalanan.
Ang Katolikong pari at mga madre, maging mga mongha at mga ermitanyo ng bawat relihiyon ay nagsisikap na magkaroon ng banal na pamumuhay sa kanilang laman. Nguni’t imposible para sa laman ang mamuhay ng walang dungis. Namumuhay silang tulad ng mga mapagkunwari. Imposible sa atin ang gumawa ng kabutihan sa laman. Ang laman ay naglilingkod sa kautusan ng kasalanan. Ito ang kautusang tinatag ng Diyos. Tulad ng isang uod na di-makalipad habang ang isang kuliglig ay nag-aaksayang lumilipad sa himpapawid, ito ang kautusan. Tulad ng isang uod na kumakain ng maruming putik, ang tao’y nais ang magkasala. Tapat mo bang masasabing may maaasahan ka sa iyong laman? Wala! Sinabi ni pablo, “Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios, datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan” (Roma 7:25).
Ang ating laman ay nagkakasala hanggang sa kamatayan. Walang magagawa kundi magkasala. Ang laman ba’y mahihinto sa pagkakasala matapos ang mahabang taong pagsasanay? Hindi! Hindi na bubuti ang laman. Tama lang ba kung gayon ang laman na magkasala ng magkasala? Hindi! Hindi ito ang sinasabi ko. Ibig kong sabihin na ang laman ay walang magagawa kundi ang magkasala. Ang ating mga kasalanan ay di-nakasalalay sa ating mga kagustuhan o mga kakayahan. Wala tayong magagawa kundi ang magkasala, kahit pa ayaw nating magkasala, at lalo pa tayong magkakasala kung sisikapin nating di-magkasala.


“Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihay sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa katawang nitong kamatayan? “Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios, datapuwa’t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan” (Roma 7:23-24) Imposible sa laman ang gumawa ng kabutihan dahil ang laman ay nagpapaalipin sa kautusan ng kasalanan.
Namumuhi ang tao na sabihing ang katotohanang ito at sila’y nahihiya rito. Sinasabi nila, “Paano mo tahasang nasasabi ito?” nguni’t hindi ba si pablo mismo ang tahasang nagsabi nito? Naglilingkod ang laman sa kautusan ng kasalanan. Tayo’y naglilingkod sa kasalanan, anuman ang ating naisin, hanggang sa tayo’y mamatay. Hindi tayo isinilang para magkasala lang. Hindi pa rin maikakaila na ang laman ay isang instrumento ng kasalanan.

 

Pinahihintulutan tayo ng Panginoon na maglingkod sa Kanya ng sapat


Mga minamahal na hinirang, ano sa wari mo? War mo ba’y mapaglilingkuran mo ang Panginoon sa iyong pagsisikap sa laman? Posible ba? Hindi!
Sinong nagligtas sa atin sa ating mga kasalanan? Si Jesus. Kung gayon, si Jesu-Cristo ba ang nagligtas sa lahat ng ating mga kasalanan sa laman na naglilingkod sa kautusan ng kasalanan? Niligtas nga ba ni Jesu-Cristo tayong, naglilingkod sa kautusan ng kasalanan at nagkakasala sa ating buong buhay, mula sa lahat ng kasalanan sa laman? Niligtas ba talaga tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan? Ang kasagutan ay isang mariing oo! Niligtas Niya tayo! Imposible sa laman ang di-magkasala, at imposible para sa iyo ang mapatawad sa iyong mga kasalanan at mapalaya sa paghahatol ng Diyos sa pamamagitan ng iyong laman. Nguni’t ginawang posible ng Diyos. Ginawa ng Panginoon na tayo’y maging matuwid at niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, kahit patuloy tayong nagkakasala.
Niligtas tayo ni Jesu-Cristo na ating Panginoon. Sino ang Panginoon na nagligtas sa atin? Siya’y si Jesu-Cristo. Sino ngayon si Jesus? Siya ang Anak ng Diyos at ang Panginoon ng lahat ng mga nananampalataya. Siyang Panginoong nagligtas sa atin. Ginawang ganap tayo ni Jesu-Cristo na ating Panginoon mula sa lahat ng mga kasalanan. Pinahintulot tayo ni Jesu-Cristo na maglingkod sa Kanya.
Pinahintulot ng Panginoon na mamuhay tayong walang kasalanan. Ang Panginoon na nakakaalam ng lahat Siyang lumikha sa atin na nagligtas sa atin mula sa lahat ng ating kasalanan. Lubos na niligtas tayo ng ating Panginoon at ginawang mga matuwid, kahit pa ang laman ay naglilingkod sa kautusan hanggang kamatayan. Kaya si Apostol Pablo ay nagpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon. Hindi rin sapat na makapagpasalamat tayo sa Diyos sa pagsugo ni Jesu-Cristo na ating Panginoon.
Kailangan nating malaman ang kamangha-manghang kaligtasan ng Panginoon, anong dakila at kaaya-aya nito. Lubos ang aming pasasalamat sa Panginoon sa Kanyang dakilang kapangyarihang sa pagliligtas sa aming marupok na laman na walang ginagawa kundi ang magkasala hanggang kamatayan. Niligtas tayo ng Kanyang kapangyarihan at ginawa ang ating mga bahagi bilang Kanyang mga instrumento upang paglingkuran Siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ganap na niligtas tayo ng Panginoon upang hindi na tayo maging mga alipin pa ng kasalanan kailanman.
Hindi ba tayo ganap na niligtas ng ating Panginoon? Ganap Niya tayong niligtas! Buo at ganap Niya tayong niligtas. Pinahintulutan Niya tayong maglingkod ng sapat sa Kanya. Sinong gumawa nitong dakilang bagay! Ang ating Panginoon! Sinong nagbago sa mga taong walang magagawa kundi ang magkasala sa kanilang laman upang maging mga matuwid at maglingkod sa Diyos? Ang ating Panginoon! Ang Panginoon ang nagligtas sa atin, na mga nagkakasala sa buong buhay natin, mula sa lahat ng ating kasalanan. Binago rin Niya tayo upang makapaglingkod sa Kanyang katuwiran.

 


Niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan 


Kailangan nating pag-isipan ito dahil tayo’y mga tao. Natanto ko kung gaano kahanga-hanga ang kaligtasan ng Panginoon dahil ako’y isang tao. Kung di ko nalaman ang tanging kasalanan lang ang pinaglilingkuran ng laman, lagi akong mabibigo rito. Maaaring sumuko ako sa pananalig dahil sa aking mga kasalanan, kahit pa nakamit ko na ang kapatawaran sa aking mga kasalanan.
“Bago ako maligtas, nakakatayo ako, kahit na ako’y nagkakasala. Nguni’t kung nagkakasala pa ri ako ngayon, walang pagkakaiba kung ako’y ligtas o hindi. Anong saysay ng pagiging isinilang na muli?” Inaakala mo marahil na ika’y bubuti kaysa dati. Naramdaman mo marahil na ang iyong laman ay bubuti kaysa dati, ngayong ika’y ligtas na. Yaong mga di pa isinisilang na muli at di-mauunawaan ang aking sinasabi.
Magpapasalamatan lamang ni Jesus kung nalalaman natin at nananalig na lahat ng mga kasalanan ng laman ay napatawad na. Nagpapasalamat ako sa Panginoon, Siyang nag-alis ng aking mga kasalanan hanggang aking kamatayan.
Sa dating edisyon ng Koreanong himno, may himong tulad nito, “♪ Hallelujah! Purihin Siya! ♫Lahat ng aking mga nagdaang kasalanan ay napatawad! At ako’y lalakad kasama ang Panginoong Jesus, kaya kahit saan ako pumunta ay ang Kaharian ng Langit ♪ ” Anong ibig sabihin nito? Kung kinuha ng Panginoon ang mga nagdaang kasalanan ko lamang, anong susunod nating gagawin? Huwag ng magkasala muli ang laman kailanman; tayo’y dapat manalangin ng puspusan para sa kapatawaran sa tuwing tayo’y magkakasala, at mamuhay ng maayos. Nguni’t ito’y malagim na pandaraya lang ni satanas.
Walang tatamis kaysa sa pandarayang ito. Nililinlang tayo ni satanas, sinasabing, “Ang lahat ng iyong nagdaang mga kasalanan ay napatawad. Kaya kung ika’y mamumuhay kasama si Jesus, at di ka na muling magkakasala, makapapasok ka sa Kaharian ng Langit. Nguni’t sa tuwing magkakasala ka sa hinaharap, dapat kang mag-alay ng mga panalanging pangungumpisal upang mapatawad, upang ika’y makapasok sa Kaharian ng Langit. Nauunawaan mo ba?” Maraming tao ang naniniwala rito sa kanilang pagbabasa sa Biblia. Inaawit ang mga himno, tumatangis, “♪ Hallelujah! Purihin Siya! ♫Lahat ng aking mga nagdaang kasalanan ay napatawad na! Ako’y maglalakad kasama ang Panginoong Jesus, kaya saan man tumungo ay ang Kaharian ng Langit ♪ ”


Nguni’t hindi sila tumitigil sa pagkakasala. Ito ang kautusan ng Diyos sa laman. Walang magagawa ang laman kundi ang paulit-ulit na magkasala. Kaya inaakala nilang dapat manalangin para sa kapatawaran. Masikap silang nananalangin para sa kapatawaran sa kanilang araw-araw na pagkakasala. Umaawit sila ng mga himno matapos ang mga dalangin,     “♪ Hallelujah! Purihin Siya! ♫ Lahat ng aking mga nagdaang kasalanan ay napatawad na! Ako’y maglalakad kasama ang Panginoong Jesus, kaya saan man tumungo ay ang Kaharian ng Langit ♪ ” Nguni’t nagtatagal ba ito ng kahit dalawa o tatlong araw? Magkakasalang muli matapos ang ilang oras, at hindi araw. Mananalangin sila’t mag-aayuno para sa kapatawaran, nguni’t di-matatakasan mula sa di-nagbabagong kautusan ng Diyos habang nabubuhay sa kanilang laman.
Totoo ba ang mga salita sa himno? Mga nagdaang kasalanan lang ba ang napatawad? Kinuha ng Panginoon lahat ng ating kasalanan, hindi lang mga nagdaang kasalanan. Mapupurihan natin Siya ngayon, “♪ Hallelujah! Purihin Siya! ♫Lahat ng aking mga nagdaang kasalanan ay napatawad na! Ako’y maglalakad kasama ang Panginoong Jesus, kaya saan man tumungo ay ang Kaharian ng Langit. ♪ ”
Yaong mga naligtas ay maaaring malito matapos magkasalang muli, kund di nila nalalamang ito ang kautusan ng Diyos para sa kanilang laman na magkasala hanggang sila’y mamatay. Madaling nawawala ang kapayapaan ng kanilang kaisipan sa tuwing napapansin nila ang kanilang mga kasamaan sa kanilang laman tulad ng mga di-isinilang na muli. Mapayapa lang sila kapag di sila nagkakasala. Ito ang di-pangkaraniwang makikita sa bawa’t Kristiyanong di-nagtamo ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Maaaring umawit sila sa kanilang mga labi, “♫ Lahat ng aking mga kasalanan ay naglaho. ♪ Lahat ng iyong mga kasalanan ay naglaho rin. Lahat ng ating mga kasalanan ay wala na!♫” Nguni’t kung sila’y magkakasalang muli, inaakala nilang kailangan nilang humingi ng kapatawaran muli. Sa dalas nilang magkasala, higit na mahina ang kanilag pag-awit, “♫ Ang aking mga kasalanan ay naglaho, ♫ Ang iyong mga kasalanan ay naglaho…,” at sila’y nawawalan ng gana sa kanilang mga sarili habang lumilipas ang panahon!
Ganap na niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan. Niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan upang mapurihan at mapasalamatan natin Siya anumang oras at anumang sitwasyon! Magsasaya tayo sa kapayapaang kasama Siya at mananalangin sa Diyos para sa tulong sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

 


Kung alam nating ang laman ay naglilingkod lang sa kautusan ng kasalanan, makakatakas tayo mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig


Bakit ang iyong pamumuhay sa pananampalataya ay napakahirap? Ika’y makukubkob sa hirap ng pamumuhay sa pananampalataya dahil hindi mo batid ang katotohanan, na ang laman ay naglilingkod lang sa kautusan ng kasalanan? Tayo’y mamuhay sa espirituwal sa pamamagitan ng pag-aalam nitong katotohanan.
Nababatid natin ang katotohanan ng Diyos at nagbabago kapag masipag tayong nakikinig sa Kanyang Salita at sa pagpupulong sa isa’t isa. “Kung kayo’y magsisipanatili sa Aking Salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko. At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo” (Juan 8:31-32). “Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin!” Ganap na niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan upang pasalamatan natin ang Diyos sa lahat ng oras. Naniniwala ka ba rito? Niligtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating mga kasalanan.
Huwag kang malula at isara ang iyong mga kaisipan—iaakay ka sa kawalan. Makasusunod tayo sa Panginoon, pasalamatan Siya, makapamumuhay ng may pananampalataya lamang kung hindi tayo nasa ilalim ng pamatok ng kasalanan. Kung ang ating pananampalataya ay kaugnay sa ating mga gawa, at kung alam nating tayo’y magkakasalang muli, hindi tayo laging magagalak at makasusunod sa Panginoon. Kung ang kaligtasan ng Diyos ay hindi gaano ganap, hindi natin masusunod ang Panginoon nang may kasiguruhan.
Nagpapasalamat tayo sa Panginoon dahil inalis Niya ang lahat ng ating mga kasalanan. Nakasusunod tayo at nagpupuri sa Kanya nang may kapangyarihan. Kung di ko maaayos ang suliranin ng aking sariling mga kasalanan, paano ko maililigtas ang iba sa kanilang mga kasalanan? Paano ko maipangangaral ang ebanghelyo sa iba? Paano maililigtas ng taong nalulunod ang iba pang taong nalulunod? Kung ating aaminin ang ating laman ay walang magagawa kundi ang magkasala, tayo’y makatatakas sa kasalanan. Nguni’t kung hindi natin aaminin ang katotohanang ito, tayo’y maaakit ng mga maling turo ng relihiyong tinatawag na “Kristiyanismo.”
Mayroong nkatutuwang kwento, at maaaring alam na ninyo. Minsang isang araw, isang batang paring Katoliko ang nakasakay sa kalesa kasama ang dalawang madre mula sa kanyang simbahan upang dalawin ang isang naghihingalong mananamba sa isang malayong nayon. Siya’y nakaupo sa pagitan ng dalawa at kinukutsero ang mga kabayo. Ang maganda’t batang madre ay nasa kanyang kanang bahagi at ang matandang pangit nama’y sa kaliwa. Walang problema kapag ang kalesa’y nasa maayos at malapad na daan ng bayan, nguni’t nang sila’y dumating sa makipot at baku-bakong daang bulubundukin, ang kalesa’y nagsimulang umuga ng malakas. Hulaan kung anong iniisip ng pari. Kapag ang kalesa’y tumatagilid sa kanan siya’y nananalanging, “O Diyos. Gawin po Ninyo ang Inyong nais!” Nguni’t kung ito’y tumatagilid sa kabila, siya’y nakikiusap, “O Panginoon. Ilayo po Ninyo ako sa tukso!” Dalawa ang kanyang dalangin: “O Diyos. Gawin po Ninyo ang Inyong nais!” at “O Panginoon. Ilayo po Ninyo ako sa tukso.”
Tayo’y tulad din niya. Tanging kautusan ng kasalanan ang pinaglilingkuran ng laman, nguni’t alam natin ang kalooban ng Panginoon at sundin Siya sa pananampalataya ayon sa Kanyang kalooban, sapagka’t wala tayong maasahan sa ating laman. Tayo’y patay na at wala ng pag-asa ang ating laman na bumuti pa.

 


Sumusunod tayo sa Panginoon dahil ganap na niligtas tayo


Anong bigat ng ating mararamdaman kung papasok tayo sa Kaharian ng Langit dahil sa ating mga mabubuting gawa, o kung ang ating kaligtasan ay sang-ayon sa kung gaano ang ating mga mabubuting gawa o nagawang mga kasalanan? Sasabihin ng Panginoon sa atin, “Buong buhay kang nagkakasala. Nguni’t inalis Ko lahat ng iyong mga kasalanang nagawa hanggang sa iyong kamatayan. Ginawa kitang ganap. Naging ganap na walang kasalanan. Ganap kitang niligtas. Magpapasalamat ka ba sa Akin?” Anong ating sagot? “Opo, magpapasalamat po kami Panginoon!” Magtatanong Siyang muli, “Susunod ka ba sa Akin?” Anong ating sagot? “Opo, susunod kami.”
Nais mo bang sumunod sa Diyos? Oo nais naming sumunod sa Panginoon, dahil inalis Niya lahat ng ating mga kasalanan. Kung inalis lang ng Panginoon ang 90% ng iyong mga kasalanan, hindi ka makasusunod sa Kanya. Maaari kang magreklamo sa Diyos at sabihing, “Dapat po’y alisin din Ninyo ang natitirang 10% ng aking mga kasalanan! Paano ko malulutas ang suliranin sa mga kasalanang ito sa pamamagitan ng aking sarili? Paano ako makasusunod sa Inyo gayong dapat kong linisin ang aking karumihan?” Pagkatapos, dahil tayo sa mga kasalanang ito, susuko tayo sa pagsunod sa Diyos.
Subali’t, ngayo’y nais na nating sumunod sa Panginoon nang kusa dahil ganap na Niya tayong niligtas sa lahat ng ating mga kasalanan. “Opo, ganap Niyo na nga akong niligtas. Makasusunod na po ako sa Inyo simula ngayon! Salamat Panginoon! Pinupuri Kita. Niluluwalhati Kita. Mahal Kita!” Maiaalay natin ang ating mga sarili sa paglilingkod sa Panginoon dahil iniibig natin Siya at nais nating sumunod sa Kanya. Sa kahibuturan ng ating mga puso nais nating sumunod sa Panginoon dahil niligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, at dahil hinipo tayo ng Kanyang pag-ibig.
Gayon din sa pagdalo sa iglesia. Ang pagdalo sa lingguhang pagsamba ay tiyak na mas madali kung mayroon tayong nasa na dumalo; kung wala tayong damdamin sa pagdalo sa anumang dahilan, kung gayon pati rin ang pagdalo sa iglesia minsan sa isang linggo ay magiging isang atupagin lang para sa atin. Kung ika’y makikingi sa pare-parehong nakapanlulumong mga salita tuwing sambahan—“Mga babae’t lalake, mangagsisi sa lahat ng iyong mga kasalanang nagawa noong nakaraang linggo,”—hihinto ka sa pagdalo sa iglesia matapos ang dalawang taon. Yaong may malakas na kalooban ay maaaring magtagal, maaaring isang dekada o dalawa, nguni’t sila rin, ay unti-unting susuko! Maraming mga bulaang propeta ang nagpilit sa mga taong nagdurusa sa kanilang mga kasalanan upang mangumpisal. Itong dahilan kung bakit maraming tao ang humihinto sa pagdalo sa iglesia, nag-aakalang napakahirap at nakapapagod na maniwala kay Jesus.


Sumusunod tayo sa Panginoon, mangha sa Kanyang pag-ibig. Hindi natin mapipigil ang sarili kundi purihin ang Panginoon, aawit, “♪ Iniibig Kita Jesus! Hindi ko maipagpapalit si Jesus nang kahit anong bagay sa mundo ♪ ” Susunod tayo sa Panginoon dahil mahal natin talaga Siya.
Kamangha-mangha ang Kanyang kaligtasan. Pinahihintulutan ng Panginoon na paglingkuran natin Siya ng wala kahit na malinggit na kasalanan. “Ngayon nga’y wala nang anonang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan” (Roma 8:1-2). Napagpala tayo ng Panginoon upang laging magpasalamat at magpuri sa Kanya. Nais Niya tayong magalak at sumunod sa Kanya lahat ng oras. Niligtas Niya tayo. Naniniwala ka ba rito?
Huwag makubkob ng iyong sariling mga kahinaan. Inalis ng pa lahat ng mga kasalanan ng mga taong ang kanilang galit ay di-mapipigil. Inalis din Niya ang mga kasalanan ng mga mahalay at mayayamuting tao. Ngayon, hindi ba’t dahil dito’y nais ninyo na ring sumunod sa Panginoon? Itong dahilan bakit mahal natin ang ating Panginoon. Hindi tayo pipilitin ng Panginoon na sumunod sa Kanya o pupuwersahin sa pagpuri sa Kanya. Napagpala tayo ng Diyos. Siya’y ating naging Ama at tayo’y naging Kanyang mga anak, at sinabi Niyang sumunod tayo sa Kanya. Sinabi Niya sa Kanyang mga lingkod na paglingkuran Siya.


Lahat ng mga niligtas ng Diyos ay Kanyang mga lingkod. Pinapapala ng Diyos lahat ng Kanyang mga lingkod at sinasabing magsisunod sila sa Kanya. Hindi tayo tinawag ng Diyos para sa ating mga gawa. Sinasabi ng Diyos sa atin, “Ganap na niligtas Ko kayo sa lahat ng iyong mga kasalanan. Ang iyong galit ay di-masawata. May kahalayan sa inyo. Ika’y lagpas sa paglalarawan. Ika’y mangmang. Ikaw ay dapat sumpain dahil sa kasalanan ng iyiong mga ninuno. Nguni’t niligtas Ko kayo at di ko pansin ang ibang mga bagay. Wala kang magagaw kundi ang magkasala ng iyong buong buhay, nguni’t inalis Ko lahat ng iyong mga kasalanan. Ako’y dumanas ng pasakit para sa iyo at bumangong muli mula sa patay upang alisin lahat ng iyong mga kasalanan. Ginawa Ko ang mga ito dahil mahal kita. Mahal kita. Iniibig mo ba Ako?” Ano ang iyong tugon? “Opo, mahal ko Kayo, aking Panginoon. Alam Ninyong mahal ko rin Kayo. Salamat po, Panginoon!”
“Magsisunod kayo sa Aking hulihan, at gagawin Ko kayong mga mamalakaya ng mga tao.” “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ang sa Akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang Aking ginawa, at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya, sapagka’t Akong paroroon sa Ama,” angsabi ng Panginoon. Naniniwala ka ba rito? Tayo’y mga bugnutin! Ilang kasalanan ba ang ating nagawa sa Diyos? Huwag magkunwaring di-nagkakasala.
Hindi mabilang ang ating mga kasalanan buong buhay natin. Nguni’t walang-hanggang inalis ng Panginoon ang ating mga kasalanan, kahit pa ang ating mga kasalanan ay kasing-dami ng mga bituin. Sapat at lubos na inalis ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan.

 


Ginawang mga manggagawa tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagdadamit sa atin ng Kanyang katuwiran 


Minsang iniisip nating hindi tayo makasusunod sa Diyos kapag ating napapansin ang ating mga sarili. Minsan ay kasing-liwanag ng araw ang ating mga puso, nguni’t minsa’y makulimlim. At paminsan-minsan, parang nasa kadiliman tayo habang sumusunod sa Panginoon matapos isilang na muli. Nagbabago na parang tayo’y patungo sa apat na kapanahunan. Binigyan ng Diyos si Noe ng walong uri ng kapanahunan nang si Noe ay pumasok sa arko. Sinabi ng Diyos, “Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at ang init, at ang tag-araw at taginaw at ang araw at gabi” (Genesis 8:22).
Ang pagtaas at pagbaba ng ating pananampalataya ay di-titigil din. Galak na pinupuri natin si Jesus sa mga araw, nguni’t nagagalit agad kapag kaharap ang mga kahirapan.
“At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi Ko na aalalahanin pa. At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan.” Itong sabi ng Panginoon (Hebreo 10:17-18).
Walang magagawa ang laman kundi ang magkasala hanggang kamatayan. Ito ang kautusan ng laman. Naglilingkod ang laman sa kautusan ng kasalanan. Ibig sabihin ang laman ay magkakasala lang. Nguni’t yaong mga magkakasala lang ay ginawang mga lingkod ng Diyos. Paano tayong ginawang mga lingkod ng Diyos? Samakatuwid hindi Niya ginawang mga lingkod yaong may kasalanan.
Ginawang lingkod ka ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng iyong mga kasalanang nagawa ng iyong laman hanggang sa iyong huling araw at binayaran lahat ng mga bayarin ng iyong mga kasalanan upang ika’y maging ganap. Binanal at tinawag ka Niya upang maging Kanyang mga banal na manggagawa. Ginawa Niya tayong Kanyang mga lingkod. Bagaman tayo’y mahina, mayroon na tayo ngayong kapangyarihan. “Anong kapangyarihan,” maaring iyong itanong. Taglay natin ang kapangyarihan ng Kanyang katuwiran. Taglay natin ang ganap na kapangyarihan sa paglalagay ng katuwiran ng Panginoon. Tayo’y naging ganap, sa madaling salita. Bagaman tayo’y mahina sa laman, tayo’y malakas sa Espiritu.

 

 

Sinong makapaglilingkod sa Panginoon?


“Tulad sa nangalulungkot, gayon ma’y laging nangagagalak, tulad sa mga dukha, gayon ma’y nangagpapayaman sa marami, gaya ng walang anomang pagaari, gayon ma’y mayroon ng lahat ng mga bagay” (2 Corinto 6:10). Wala tayong kasalanan, bagaman tayo’y mukhang makasalanan. Wala tayong kasalanan, bagaman tayo’y may kasalanan. Sa gayo’y maraming tao ang ating matutulungan upang maligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang misteryo ni Cristo at lihim ng Kaharian ng Langit.
Pinupuri ko ang Panginoon na ganap na nagligtas sa atin. Sinong makapaglilingkod sa Panginoon? Yaong nagnanais na maglingkod sa Panginoon na nagsisikap na di-magkasala, o yaong nananalig na inalis ng Panginoon lahat ng kanilang mga kasalanang nagawa ng buong buhay? Yaong pangalawa lang ang makapaglilingkod sa Panginoon at mabibigyang-lugod Siya. Yaong mga nananalig lamang na ganap na hinugusan ng Panginoon lahat ng kanilang mga kasalanan ang makapaglilingkod sa Kanya. Handang inialay nila ang kanilang mga sarili sa Panginoon at inihandog lahat ng kanilang mga pag-aari sa Kanyang gawain. Ipinagmamalaki ang kanilang pagiging Kanyang mga lingkod, sa kakayahang makagawa ng mga bagay, gaano man kaliit ito, para sa Panginoon.
Ang ibang tao’y takot na mawala ang kanilang sariling katuwiran, kaya hindi sila nagagalit, kahit pa sa sitwasyong sila’y dapat magalit. Ang kanilang sariling katuwiran ay dapat na maputol. Dapat nating itapon ang ating katuwiran sa basurahan tulad ng pagtatapon ng ating mga dumi. Ang ating katuwiran ay dapat na maputol. Dapat nating tapakan at putulin at itapon sa basurahan. Makapagpapasalamat tayo sa Panginoon at itaas ang Kanyang katuwiran lamang kung ating iwawaksi ang ating sariling k.
Ang gayong tao’y mapupuri at mapagpapsalamatan ang Panginoon sa pag-awit, “Magsipasok kayo sa Kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat at sa Kaniyang kalooban na may pagpupuri. Mangagpapasalamat kayo sa Kaniya, at purihin ninyo ang Kaniyang pangalan” (Awit 100:4). Yaong taglay ang sariling katuwiran, bagaman ligtas, ay di-makapaglilingkod o iibig sa Panginoon hanggang sa huli. Yaong nakakaalam na ang laman ay naglilingkod lang sa kasalanan nang buong buhay nila at nananalig na inalis ng Panginoon lahat ng kanilang mga kasalanan, pati na ang mga darating, ay nais na umibig at maglingkod sa Panginoon nang may katiyagaan. Sa kanilang mga puso ay masusumpungan ang nasa na umibig sa Panginoon.
Mayroon ka bang pusong umiibig at nagnanais na maglingkod sa Panginoon? Mayroon ka bang mapagpasalamat na puso sa Kanya?

 


Binigyan tayo ng Panginoon ng kakayahang mamuhay ng maligaya at walang kasalanan


Tayo, na mga lingkod ng Diyos, ay namumuhay sa kasaganaan at masaya kaysa sa mga kumikita ng milyong dolyar isang taon. Kumakain tayo ng mga pakwan tuwing tag-init at kumakain ng mga milokoton at mga ubas sa kapanahunan. Makakain natin ang ating nais. Hindi tayo mahirap. Namuhay ka ba nang may karukhaan matapos matubos? Tayo’y namuhay na masagana.
Namumuhay tayo ng masagana kung tayo’y mamumuhay kasama ang Panginoon. Yaong namumuhay kasama ang Panginoon ay wala ng hahanapin pa. Naniniwala ka ba rito? Namumuhay tayo ng walang kakulangan, bagaman hindi tayo mayaman dahil sa pamantayan ng mundo. Naniniwala ka ba rito? Mayroong ka bang pangangailangang di-nakamit at mga paghahangad sa mga bagay kahit pa matapos makilala ang Panginoon? Hindi tayo mangangailangan. Higit na namumuhay na sagana tayo ngayon kaysa noon. Ako, bilang halimbawa, ay namuhay at nakatulog ng mabuti ngayon kaysa noon.
Ganap na niligtas tayo ng Panginoon. Ang mga salita ay di-maipapahayag ang pagpapala. Ganap na niligtas tayo ng Panginoon, at binigyan ng kakayahang ikaw at ako upang pasalamatan ang Diyos sa pamamagitan Niya. Anong dakila ang Kanyang biyaya!
“Abang tao ako!” Sinabi ni Pablo, pagkakita sa kanyang laman. “Sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” Buong buhay tayong nagkasala. Sinong nagligtas sa lahat ng ating mga kasalanang nagawa sa laman? Niligtas tayo ng Panginoong Jesu-Cristo. Tulad ni pablo, ako rin ay nagpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo nat ating Panginoon. Salamat aking Panginoon. Salamat sa pag-aalis Ninyo ng aking mga kasalanan.
Si Apostol Pablo ay di-namuhay sa sariling katuwiran matapos makamit ang katuwiran ng Diyos. Ipinahayag niya ng ilang ulit na ang kanyang laman ay nabili sa ilalim ng kasalanan. Inaangkin ng ibang tao na sinulat ni pablo ang kapitulo 7 bago siya maligtas at kapitulo 8 matapos maligtas. Hindi iyan tama.
Ang Salita ng Diyos ay angkop sa mga ligtas at di-ligtas. Angkop sa bawa’t isa. Karamihan ng mga teolohiya, di-nalalaman ang Salita ng Diyos, ay maaaring paghiwalayin ang kapitulo 7 sa kapitulo 8, at iangkop ang kapitulo 7 sa mga di-ligtas. Di-makatwiran nilang inihiwalay angsd sa mga talataan, bagama’t hindi nila alam kung paano ihiwalay ang mga talataan. Maraming mga matatalino nguni’t mga mandarayang tao sa ganitong larangan.
Ganap at buong inalis ng Panginoon lahat ng ating mga kasalanan. Naiskong mamuhay kayo sa pamamagitan ng pananampalataya, sa pagpapasalamat sa Diyos. Nais kong ayusin ninyo ang mga gusot sa inyong mukha. Inalis ng Panginoon lahat ng ating mga madidilim na kasalanan sa inyong puso. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagligtas sa akin sa lahat ng mga kasalanan ng laman.