Ang Kapitulo 8 ay maaaring isalarawan bilang pinakamahalagang kapitulo sa Aklat ng Roma. Sa kabuuan ng maraming tema nakapaloob sa kapitulong ito, inihayag ni Pablo sa atin kung gaano kamangha-mangha ang gawa ng katuwiran ng Diyos.
Ang unang tema ay: “Ngayon nga’y wala nang anumang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Ibig sabihin gaano man kagaspang at kasama ang atin laman, pinalaya tayo ng katuwiran ng Diyos sa lahat ng ating mga kasalanan.
Ang pangalawang tema ay: “Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na nag-anyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan” (Roma 8:3). Ibig sabihin na dahil ang tao’y nasa laman ay di masusunod ang kautusan, binigay ng Diyos, si Jesus Cristo, sa pagkuhang lahat ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang kamatayan sa Krus, niligtas sila sa kanilang mga pagkakasala at hatol. Ito’y dahil naparito si Jesus at kinuha lahat ng mga kasalanan ng tao nang minsan dahil sa Kanyang bautismo ni Juan upang pasanin lahat ng kasalanan ng mundo sa Krus, ipinako, at bumangong muli sa kamatayan upang iligtas lahat ng mga nanalig sa katotohanang ito. Lahat ng mga gawa ng ating Panginoon ay para sa kaganapan ng katuwiran ng Diyos upang iligtas ang mga makasalanan bilang pagsunod sa katuwiran ng ating Diyos Ama.
Ang pangatong tema: “Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangasisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu” (Roma 8:5). Ibig sabihin nang tayo’y magpasiyang manalig sa Diyos, dapat tayong manalig sa Kanya hindi sa pamamagitan ng ating sariling mga kaisipan, bagkus sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.
Ang pang-apat na tema: “Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya” (Roma 8:9). Yaong mga nanalig sa katuwiran ng Diyos at tinanggap ang Banal na Espiritu sa kanilang puso at naging mga anak ng Diyos. Ibig ding sabihin na hindi ka magiging anak ng Diyos dahil lang sa iyong pagdalo lagi sa iglesia.
Ang Pang-limang tema: “Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman. Upang mabuhay ayon sa laman” (Roma 8:12). Sinasabi ng temang ito na yaong mga naligtas sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng ating Panginoon na tumupad sa katuwiran ng Diyos ay wala na sa pagkakautang sa kanyang laman at pagka-alipin nito.
Ika-anim na tema: “Sapagka’t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa’t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito’y sumisigaw tayo, Abba, Ama” (Roma 8:15). Dahil yaong nananalig sa Diyos ay tinanggap ang Banal na Espiritu, ngayo’y makatatawag sa Diyos Ama, “Aba, Ama.”
Ika-pitong tema: “Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios. At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa Kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama Niya” (Roma 8:16-17). Yaong nanalig sa katuwiran ng Diyos ay yaong tumanggap sa Banal na Espiritu, at yaong tumanggap sa Banal na Espiritu ay yaong magiging kasama ni Cristo, tagapagmana ng Kaharian ng Langit.
Ika-walong tema: “Sapagka’t nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon” (Roma 8:22). Sinasabi nito sa atin na maging mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay haharap sa mga pagsubok sa mundong ito, kasama na ang lahat ng mga ibang nilalang, nguni’t sinasabi rin sa atin na sa kabilang mundo ay wala ng hinagpis at hirap.
Ika-siyam na tema: “At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman, at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya, at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya” (Roma 8:30). Sinasabi sa atin na tinawag ng Diyos ang mga makasalanan sa Kanyang Anak na si Jesus Cristo, at ginawa Niya silang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng pag-aalis lahat ng kanilang kasalanan nang minsanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran.
Panghuli, ika-sampung tema: “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap” (Roma 8:33). Walang makahahatol sa mga anak ng Diyos na tumanggap ng Banal na Espiritu bilang kanilang mga regalo para sa kanilang kalayaan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos.
Ang mga sampung temang ito ay ang mga pangunahing balangkas ng Roma kapitulo 8. Atin ngayong saliksiking mabuti ang mga ito sa ating pangunahing usapin.