• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 8-3] Sino ang isang Kristiyano? (Roma 8:9-11)

2021.04.12 26
(Roma 8:9-11)
“Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kaniya. At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.”
 
 
Kung ang isang tao’y tunay na Kristiano o hindi ay makikilala ayon sa kung ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa kanya. Paano siya maging isang Kristiano, kung siya ma’y naniniwala kay Jesus o hindi, kung wala ang Banal na Espiritu sa kanyang puso? Sinasabi ni Pablo sa atin na kung tayo ma’y naniniwala kay Jesus ay hindi ito ang pinakamahalagang katanungan, bagkus kung tayo’y nananalig sa Kanya sa pagkakatuklas sa katuwiran ng Diyos o hindi? Ang tunay na pananamapalatayang hinihiling sa mga hinirang ay ang pananampalataya nakahanda para sa espiritu na manahan sa kanila. Ang presensya ng Banal ng Espiritu sa iyo ang magsasabi kung ika’y Kristiano o hindi.
 
Kaya sinabi ni Pablo, “Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kaniya.” Sinabi Niya “sinoman.” Hindi mahalaga kung ang tao’y ministro, ebanghelista, o isang mangangaral na nagbibigay-lakas. Kung sinuman ang hindi taglay ang Banal na Espiritu sa kanyang puso, ang taong iyon ay di Kanya. Dapat mong alalahanin kung hindi ka naniniwala sa katuwiran ng Diyos na mag-aakay sa iyo upang tanggapin ang Banal na Espiritu, ika’y isang makasalanang itinalaga na matungong impiyerno. Lahat tayo’y dapat na magkaroon ng kinalaman ukol sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglalaman ng katuwiran ng Diyos.
Kung ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin, ibig sabihin na tayo’y namatay na sa kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa bautismo ni Cristo. Ang ating espirito’y buhay dahil sa bagong katuwirang natanggap. Dagdag nito, kapag dumating muli ang Panginoon, ang ating katawang namamatay ay tatanggap din ng buhay. Kaya nga dapat nating isipin ang Siyang nagbigay sa atin ng Banal na Espiritu.
 
Kung hindi mo taglay ang pananampalatayamg nananalig sa katuwiran ng Diyos, ika’y hindi kabilang kay Cristo nguni’t sa kabilang dako, iyo ngang taglay ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa iyo. Kung wala ang pananampalatayang ito, ang Banal na Espiritu ay di-maghahari sa iyo. Samakatuwid, kung di mo taglay ang Salita ng pagtutubos na naglalaman ng katuwiran ng Diyos, ika’y di-kabilang kay Cristo, bakit pa panlabas mong ipinapahayag at binibigkas ang Credo ng Apostol tuwing Lingguhang pananambahan. Kung di ka kabilang kay Cristo, ang iyong espiritu ay masusumpa at maakay ka sa walang hanggang kapahamakan, gaanuman ang pagnanais na maging mabuti.