(Roma 8:4-11)
“Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisitalima sa mga bagay ng laman, datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan, datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios, sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari. At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kaniya. At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.”
Ang misyon sa ibang bansa ay mabisa kung gagampanan sa pamamagitan ng babasahin na siyang ginagawa namin ngayon. Kami’y napapagpala sa tuwing binabasa namin ang Salita ng Diyos at ang aming pananampalataya ay lumalago dahil kami’y naniniwala sa Kanyang Salita.
Ang tao’y naghihirap halos limang siglo na, nadaya ng gayong mga bulaang doktrina tulad ng Doktrina na Unti-unting Pagbabanal, ang Doktrina ng Pagwawalang-sala, at iba pa na umaangking ang katubusan ay maaari sa pamamagitan ng pangungumpisal.
Sa Roma 8:3 ay sinasabi sa atin na ginawa ng Diyos ang di-magawa ng Kautusan kung saan ito’y mahina sa pamamagitan ng laman. Sinugo ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak sa anyo ng makasalanang laman, hinatulan ang kasalanan sa Kanyang laman, at hinatulan Siya upang palayain tayo sa lahat ng ating mga kasalanan.
Ngayon, ating tignan ang Roma 8:4-11 para sa katotohanan ng Diyos. Sa Roma 8:3-4 ay sinasabi, “Hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan, upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.” Ang katanungan, sa gayon ay ito: anong ibig sabihin nito?
Una, anong ibig sabihin ng hindi mamuhay ayon sa laman?
Ibig sabihin, huwag hanapin ang pakinabang ng laman. Ito’y magtatangi sa pagitan ng mga hangad ng Espiritu at mga pita ng laman, at lumayo sa mga di-sumusunod sa salita ng Diyos. Sa talatang 5 ay sinasabi, “Ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman.” Anong ibig sabihin ng, “sa mga bagay ng laman?” Ibig sabihin may mga taong, kahit sila’y dumadalo sa iglesia, ay hinahanap ang kanilang mga sariling hangarin.
Sa madaling salita, ang mga Kristiyano ay di dapat magtungo sa iglesia para sa layuning paghahanap ng pakinabang sa kalakal sa mundo. Ito’y pamumuhay ayon sa laman. Ang mga taong ito ay pumupunta sa mundo. Ito’y pamumuhay ayon sa laman. Ang mga taong ito ay pumupunta sa mga iglesia sa mga malalaking kongregasyon upang ipakilala at ianunsiyo ang kanilang mga kalakal, sa pag-asang makakuha ng regular na mga mamimili. Sila’y dumadalo sa iglesia at naniniwala kay Jesus para sa kapakanan ng kanilang laman.
May mga iba na dumadalo sa mga ibang sekta sa loob ng komunidad ng mga Kristiyano, at yaong mga nagtuturo sa kanilang mga tagasunod upang ipagpatuloy lang ang mga pagpapalang materyal ay siya ring mga namumuhay ayon sa laman at yaong nagtakda ng kanilang mga kaisipan sa mga bagay ng laman.
Madali nating matagpuan ang pagiging sekta sa ating Kristiyanong komunidad. Sino ang mga sektaryang ito? Ito ang mga taong nandadaya sa kanilang mga sarili dahil sa kanilang mga naligaw na pananampalataya ng kahigtan ng kanilang sekta. Sinasabi nilang ang kanilang sekta ay naitatag ng ganito, kaya mayroon silang ganyang teolohiya, kaya sila ganito kalaki at kilalang-kilala sa mundo at mayroong ganitong malakas na tradisyon at kung ano pa. Ang lahat ng mga pagyayabang na ito ay bumubuo ng kawalang-kabuluhan ng mga taong ito at itinatatag ang kanilang sariling pananampalataya. Maraming tao ang may gayong pananampalataya sa mundong ito.
Ang mga sektaryan ay naniniwala kay Jesus para sa kapakanan ng kanilang sariling laman. Yaong mga namumuhay ayon sa laman ay nagmamalaki pa rin sa kanilang iglesia at sa pagkakaroon ng pagdalo sa kanilang malaking iglesia. Ang ibang iglesia ay may gayong parehong hangaring pang-komunidad tulad ng “mahalin mo ang iyong asawa.” Nguni’t ito ang ibig sabihin ng “namumuhay ayon sa laman.” Ang iglesia ba’y dapat ituon ang kanilang mga mata sa pagmamahal sa kanilang asawang babae bilang kanilang hangarin? Hindi dapat. Sinasabi ko ba ngayon na huwag nating ibig ang ating asawang babae? Hindi! Nguni’t ang gayong layunin, samakatuwid ay kanais-nais at kaakit-akit, ay di dapat pangunahing layunin ng ating iglesia.
Yaong namumuhay ayon sa laman ay itinuon ang kanilang isipan sa mga bagay ng laman. Maraming mga ministro ngayon ay naibaling ang kanilang sarili sa gayong mga tao sa pamamagitan ng interes lang sa pagdami ng kanilang miyembro sa iglesia, mga paghahandog, at gusali ng iglesia—ang mga ito’y naging pangunahing layunin na kanilang pananalig. Magtayo ng malaki, mataas at malawak na gusali ay naging pinakadakilang layunin. Kahit pa panlabas na sinasabi nilang ang pagdala ng maraming tagasunod ay pag-aakay sa kanila sa langit at nag-aalay ng gayong mga pagdadahilan, ang kanilang dakilang layunin ay makapag-likom ng mas maraming salapi upang makapagpatayo ng malaking gusali ng iglesia.
Ang pagtayo ng malaking gusali ay pagsunod sa mga bagay ng laman, kailangan nilang gawing mga panatiko ang kanilang mga tagasunod. Ang ibang pastor ay nagtayo ng kanilang tagumpay sa kanilang kakayahang gawin ang kanilang mga miyembro na maging mga panatiko, waring naluluko, nalinlang at ganap na naliligaw.
Ang mga nabubuhay ayon sa Espiritu ng Diyos
Subali’t, may mga taong talagang namumuhay ayon sa Espiritu ng Diyos sa mga Kristiyano. Ang namumuhay ayon sa Espiritu ay namumuhay ayon sa Salita ng Diyos, sinasampalatayan ang mga nakasulat sa Kasulatan habang itinatatwa ang kanilang sariling kaisipan, ginagawa ang nakasisiya sa Diyos, at pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinasabi ni Pablo na yaong ayon sa Espiritu ay itinutuon ang kanilang isipan sa mga bagay ng Espiritu. Kung tayo’y napatawad sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos, huwag tayong mamuhay ng walang-ingat, nguni’t mamuhay ng may pagninilay sa gawa ng Espiritu. Yaong namumuhay sa Espiritu ay iniisip ang mga espirituwal na bagay at nakatuon sa paggawa ng mga bagay ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang mga taong kasiya-siya sa Diyos, inililigtas ang iba mula sa kanilang mga kasalanan ng mundo, at nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo’y napatawad sa ating mga kasalanan at samakatuwid dapat ituon ang ating mga isipan sa mga bagay ng Espiritu at mamuhay ayon sa Kanya.
Ang layunin ng ating buhay ay upang tuparin ang gawain ng Espiritu, ito’y ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dapat nating ituon ang ating mga isipan sa mga bagay ng Espiritu. Gaano mo itinuon ang iyong isipan sa mga bagay ng Espiritu? Tayo’y nakikipaglaban sa mga espirituwal at dapat magsanay sa mga bagay ng Espiritu sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos at sa pangangaral nito. Lagi nating dapat isipin ang makasisiya sa Panginoon at hangarin ang gawa ng Espiritu sa pagtutuon ng ating mga isipan sa gawain ng Diyos, kahit pa tayo’y mahihina at puno ng pagkukulang. Kapag ang isang gawain ay natapos, dapat tayong magsikap uli sa mga iba pang gawain na makasisiya sa Panginoon.
Atin ngayong pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong mundo sa pamamagitan ng mga babasahin. Halos 200 hanggang 300 tao ang tumatanggap ng aming libreng pang-Kristiyanong aklat at mga “e-book” araw-araw sa pag-bisita sa aming website sa internet. Sa pamamagitan ng pagsisikap sa pananampalataya para sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa bawa’t isa sa bawa’t bansa ng mundo, tayo’y naglilingkod sa ebanghelyo kasama kayo sa Kanyang iglesia. Kung hindi natin itutuon ang ating isiapn sa mga bagay ng Espiritu, hindi tayo malamang pagkakalooban ng mga bunga ng Espiritu. Kailangan nating ganapin ang Kanyang gawain ng isa-isa sa pamamagitan ng ating mga kaisipang nakatuon sa mga bagay ng Espiritu. Sa gayo’y masisiya ang ating espirituwal na asawang lalaking si Jesu-Cristo, tulad ng banal na babaeng asawa sa Kawikaan kapitulo 31.
Ang talatang 8 ay nagsasabi, “Ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.” Ito’y tumutukoy sa mga taong di-nagtamo ng kapatawaran sa mga kasalanan. “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari. Ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios” (Roma 8:7-8). Tulad nito, ang mga makasalanang di-taglay ang Espiritu sa kanila ay di-magagampanan ang gawain ng Diyos ni hindi malulugod Siya.
Ang mga makasalanan ay di-nagpapasailalim sa Kautusan ng Diyos. Hindi nila mabibigyang-lugod Siya. Ito’y dahil di nila nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay di rin nananahan sa kanila. Ang makalulugod sa Diyos ay ang magpatawad lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Hindi siya nalulugod sa mga papuri at pagsamba ng mga makasalanan.
Ang Diyos ay di-nalulugod kapag ang mga makasalanan ay nagpupuri sa Kanya. Gaano man ang pagtataas ng mga kamay ng makasalanan upang purihin Siya at magtangis sa pagsamba, di Siya malulugod. Ang mga makasalanang Kristiyano ay nagsisikap na maglugod sa Diyos sa pamamagitan ng nakahahawang mga damdamin. Di ito magbibigay lugod sa Diyos. Yaong may mga kasalanan ay hindi kalugod-lugod sa Panginoon dahil sila’y mga makasalanan. Anumang pagsisikap, ang mga makasalanan ay di-makalulugod sa Panginoon; ito’y isang bagay kung gaano imposible para sa kanila na purihin Siya.
Ang Diyos ba’y malulugod kung ang tao’y magtayo ng malalaking gusali? Hindi. Kailangang lumipat sa malaking gusali kung kailangan talagang magtayo ng malaking gusali. Nguni’t ang pagtayo ng malaking gusali ng iglesia para lamang sa pagtatayo nito ay di-makalulugod sa Diyos.
Isang iglesia sa aming nayon, halimbawa, kamakailan ang naggugol ng halos 3 milyong dolyar upang magtayo ng bagong gusali, kahit pa ang dating gusali ay nakatayo sa tabi lang nito at nasa maayos na kalagayan at matutuluyan para sa pananambahan. Kapag ang laki ng kongregasyon ay 200-300 lamang, talaga bang dapat magtayo ng gayong gusali? Ang iglesia ng Diyos ay di itinayo sa pamamagitan ng laryo. Sinabi ng Diyos sa atin na tayo ang templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa mga puso ng mga matuwid.
Tama ang magtayo ng malaking gusali kung kinakailangan, nguni’t ang pagtayo ba ng malaking gusali ay magluluwalhati sa Diyos? Hindi. Ang pagpaparami ba ng bilang sa miyembro ay lalong magbibigay lugod sa Diyos? Hindi, hindi mo malulugod ang Diyos sa pamamagitan lang niyan. Yaong nasa laman ay di-makalulugod sa Diyos.
Minsan, may mga matuwid na taong naghahangad lamang ng kapakinabangan ng laman. Ang mga taong ito ay di-makalulugod sa Panginoon. Sa mga matuwid, may mga iilan na nakatali pa ang kanilang mga kaisipan sa laman tulad ng mga makasalanan. Ang mga ito’y di-makalulugod sa Diyos. Sa totoo, sila’y hindi makapamumuhay ng masaganang buhay na pananampalataya, at di-maglao’y aalis sa iglesia.
Samakatuwid, tayo na mga matuwid ay dapat mamuhay matuwid at kalugod-lugod sa Diyos, hindi ang buhay na hinahanap lang ang kapakinabangan ng laman. Dapat nating isipin ang mga gawain ng Diyos at Kanyang katuwiran, maglingkod sa mga gawa ng Kanyang katuwiran, at gamitin ang ating katawan, mga isip at ari-arian bilang instrumento ng katuwiran ng Diyos. Tayo’y dapat mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos.
Yaong mga nasa Espiritu ni Cristo
Sabay-sabay nating basahin ang talatang 9. “Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa Kaniya.”
Ang talatang ito, ayon kay Pablo, ibig sabihin kung tayo’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu—sa madaling salita, kung tayo’y mananalig sa katuwiran ng Diyos—at natubos mula sa ating mga kasalanan, hindi na tayo sa laman nguni’t sa Espiritu. Kung sinuman ang may taglay ang Espiritu sa kanyang puso, ang taong ito ay na kay Cristo, at sinuman ang di-taglay ang Espiritu ni Cristo, ang taong ito’y hindi sa Kanya.
Tayo, samakatuwid, ay hindi sa laman kundi sa Espiritu. Tayo, na nasa Espiritu at napalaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, huwag dapat kalimutan na tayo’y mga sundalo ng katuwiran, na may kakayahang bigyang lugod ang Diyos bilang mga matuwid kay Cristo. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa kahinaan ng ating laman, bagkus ay bigyang lugod ang Diyos sa pamamagitan ng pananampalatayang iyon, bagaman tayo’y mahina, tayo’y Kanya at tayo’y nasa Kanya, at sa gayo’y tayo’y Kanyang mga manggagawa.
Dapat nating malaman na hindi tayo pinapayagang hangarin lang ang mga kapakanan ng ating laman matapos tayong isilang na muli. Dapat tayong mamuhay sa kaalamang ang matuwid ay itinalagang mamuhay lang para sa katuwiran ng Diyos. Sa talatang 10 ay ipinakikita sa atin kung paano dapat mamuhay ang mga Kristiyano: “At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran.”
Sa katotohanan, tayo, ang ating mga katawan, ay napako at namatay kasama ni Jesu-Cristo dahil sa ating mga kasalanan. Tayo’y naligtas mula sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng makatuwirang gawa ng Diyos. Dahil sa katuwirang ito, ang mga espiritu ng matuwid kung gayo’y may buhay na walang kasalanan. Buhay na walang hanggan! Dapat nating malaman na yaong napawalang-sala ay hindi pinapahintulutang mamuhay lamang para sa kanilang sariling laman. Yaong di-nabubuhay para sa katuwiran ng Diyos matapos isilang na muli ay malayo sa Kanyang mga pagpapala.
Tayo’y itinakdang mamuhay para sa katuwiran ng Diyos. Malamang iba sa inyo, matapos isilang na muli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay nawalan ng pag-asa sa pag-aakalang, “Sinasabi ng Biblia na yaong mga nasa laman ay di-makalulugod sa Diyos. Maaaring isa ako sa kanila.” Nguni’t ito’y walang katotohanan. Binuhay tayong muli ng Diyos upang maging mga sundalo ng Kanyang katuwiran.
Ang ibang tao’y nag-aakala ng ganyan, marahil dahil di nila nauunawaan ang Biblia. Kahit pa ang ibang mga matuwid ay nag-aakalang di sila makapamumuhay ayon sa Diyos dahil ang kanilang laman ay namumuhay ayon sa laman at dahil sa kahinaan, ang katotohana’y yaong taong taglay ang Banal na Espiritu ay nagagalak sa paggawa ng mga gawain ng Diyos. Ang paggawa ng mga gawain ng Diyos ay nagpapasaya sa kanila, kagalakan at kainaman. Sa kabilang dako, ang buhay na walang ginagawa para sa Diyos ay isang buhay na walang adhikain, at layunin, isang buhay na sinumpa.
Matapos nating tanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at manahan sa katuwiran ng Diyos, ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin. Ang Banal na Espiritu ay darating at mananahan sa sinumang nagkamit ng katubusan. Anong mangyayari sa mga taong ang Banal na Espiritu ay pinananahan? Sila’y itinalagang maglingkod sa katuwiran ng Diyos at gawin ang Kanyang makatwirang gawa.
Sa madaling salita, yoang nagtamo ng kapatawaran sa mga kasalanan at napawalang-sala aydapat mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Mananatili lang ang pananampalataya sa pamamagitan ng pananampalataya at ginagampanan ang mga gawain ng Diyos. Kung sa wari mo’y makapamumuhay ka sa mundong ito ayon sa iyong laman sa kabila nang ika’y napawalang-sala, ito’y dahil hindi mo pa batid na nakamit mo na ang kapatawaran sa mga kasalanan at ang iyong tadhana’y nabago na.
Ang tadhana ng matuwid ay nabago na. Bago sila isilang na muli, sila’y namuhay para sa mundo at para sa kanilang sariling mga layunin, at naging maligaya habang nabubuhay sa nasa ng laman. Subali’t, matapos isilang na muli, imposible na ang mamuhay uli ng gayon. Natamo natin ang kapatawaran sa mga kasalanan. Tayo ba’y magiging masaya kung maging anim na numero ang ating suweldo? Kung ating iuukol ang ating mga sarili sa pagliligtas ng ibang kaluluwa sa mundong ito, paano tayo masisiyahan sa mga materyal na bagay?
Ako, sa ibang salita, ay humihiling sa inyo na pag-isipang maigi ukol sa mga bagay ng laman at yaong ukol sa Espiritu. Hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na iyon upang malaman; ang dapat mo lang gawin ay magbigay ng seryosong kaisipan sa bagay na ito.
Naipangaral ko na ang Roma kapitulo 7 hanggang sa aking naunang sermong aklat sa Roma, at mula sa kapitulo 7 hanggang 16 sa aklat na ito. And dalawang sermong aklat na ito, ang pag-apat at pang-limang aklat ng seryeng pang-Kristiyano, ay maihahatid sa mga Kristiyano sa buong mundo para sa kanilang kaalaman. Nakatitiyak ako na maraming tao ang makakakilala ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng mga seryeng aklat na ito. Sa pamamagitan ng nakaraang tatlong sermon ng aking mga aklat, naitalakay ang ukol sa mga pangunahing katuruan ng kaligtasan ng Diyos. Ang unang aklat ay ukol sa ebanghelyo, ang pangalawa’y tinalakay ang mga teolohiyang paksa, at ang pangatlong aklat ay sa Banal na Espiritu at ang tamang paraan ng pagtanggap ng Espiritu. Itong pang-apat at pang-limang aklat ng Roma ay tinalakay ng malalim kung gaano ang kamalian ng maraming teolohikang doktrina, bakit ang mga kasalanan ay di-naglalaho kahit pa ang Kristiyano ay nanalig kay Jesus, at kung paano ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nahayag bilang ang katuwiran ng Diyos.
Naniniwala ako na ang ebanghelyo ay kakalat ng mas malawak sa buong mundo dahil sa aklat na ito. Mayroong kapuna-punang pagsulong sa pangangaral ng ebanghelyo nang mailathala ang unang dalawang aklat. Ngayon, matapos ang ikatlong aklat, parami ng parami ang humihiling ng una’t pangalawang aklat ng aking serye.
Matapos mailathala ang dalawang aklat na ito, malalaman namin kung gaano kadakila ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Banal na Espiritu. Dumadalangin ako na maraming mga pagpapala ay sumaganang ibigay ng Diyos sa mga nag-aalam ng Kanyang katuwiran. Malalaman nila kung paano mauunawaan ang Aklat ng Roma, ito’y mauunawaan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyong naglalaman ng katuwiran ng Diyos.
Tayong lahat ay sama-samang gumagawa para sa ebanghelyo. Hindi mo ba ginagawa rin ang gawain ng Diyos? Tinutulungan mo ang ministeryo ng pangangaral ng ebanghelyo upang maligtas ang mga makasalanan. Kung tayo’y matapat sa ating mga bahagi at naglilingkod sa ebanghelyo, maraming mga kaluluwa sa buong mundo ang mapapalay sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Paano kung gayon natin matatalikdan ang mahalagang gawaing ito alang-alang sa makamundong gawa?
Nais kong linawin sa inyo na tayo na mga matuwid, ay naitalaga na hindi na mamumuhay para sa ating laman. Ngayon, ang ating tadhana ay naitkda upang gampanin ang katuwiran ng Diyos, upang maligtas ang mga kaluluwa, at mamuhay para sa katuwirang ito. Dapat mong malaman ito at mamuhay sa iyong nalalabing buhay para sa Diyos, para sa totoong ebanghelyo, at para sa kaligtasan ng mga kaluluwang naligaw sa kasalanan.
Ito ang tinatalakay ng Aklat ng Roma sa bahaging ito. Ating tignan ang mga talatang 10 at 11, “At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.”
Ang mga talatang nabanggit ay nangangahulugang tayo, ang ating mga katawan, ay matagal ng patay dahil sa ating mga kasalanan. Subali’t ang ating mga espiritu ay buhay dahil sa katuwiran ng Diyos at pananampalataya. Sinumang nananalig sa katuwiran ng Diyos, siya’y magkakamit ng bagong buhay. Nakamit natin ang bagong buhay sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos.
Talatang 11 ay sinasabi, “Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.” Ibig sabihin na tayo’y Kanyang ibabangong muli sa katapusan ng mundo. Ang ating buhay noon ay para lang sa ating laman at ang kasalanan ay di pa naglalaho, at aang tadhana ay nabago upang mamuhay ng ating mga nalalabing buhay para sa Diyos at Kanyang katuwiran.
Maaaring naiinip ka sa pamumuhay ng isang matuwid, iniisip, “Walang duda na ang matuwid ay magtitipon lagi upang sabihin ang nais nilang sabihin.” Subali’t kahit narinig pa ang paghikab ng isang mananampalatayang isinilang na muli na nakaupo sa tabi mo o kahit pa sa pakikinig sa kanilang mga papuri at mga tinig ay mababago ang iyong isip kung mananatili ka sa iglesia. Ito’y dahil ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa iglesiang Diyos at sa mga puso ng mga mananampalataya. Ang iyong isip ay magbabago at magkakaroon ng bagong kalakasan sa iyong puso, kakain ng espirituwal na tinapay ng buhay, at kamtan ang espirituwal na katawan upang lumabas at gawin ang mga espirituwal na gawain.
Ika’y maaaring manariwa sa pagpupulong ng mga mananampalataya. Sa katunayang ika’y nahiwalay sa sanlibutan nagpapakita ang iyong tadhana’y nabago. Ito’y kung bakit yaong mga namumuhay sa laman ay itinakda ang kanilang mga isipan sa mga bagay ng laman, nguni’t yaong namumuhay ayon sa Espiritu, ay sa mga bagay ng Espiritu. Tayo, na mga napawalang-sala na ngayon, din na muling mamumuhay sa laman. Ang matuwid ay hindi na nais na maging alipin pa ng kasalanan. Nais natin kahit papaano ang mamuhay ayon sa Espiritu at itinalaga ang ating mga isipan sa mga bagay ng Espiritu. Ang matuwid ay ginagawa ang mga bagay ng Espiritu, ang gawaing pag-aakay ng mga kaluluwa kay Cristo.
Dapat tayong kumilos ng mabuti para sa gawain ng Diyos, iwaksi ang ating mga sariling kaisipan, at italaga ang ating mga isip dito. Ngayon ay dapat tayong mamuhay sa mga nalalabing buhay sa ganitong paraan. Ang iyong patutunguhan ay nabago na upang mamuhay na lamang para sa katuwiran ng Diyos, dahil iyong nakamit ang katubusan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nawa’y alam mo ang katotohanang ito.
Paumanhin, nguni’t hindi ka na maari pang bumalik sa sanlibutan at maging alipin pa ng kasalanan. Kung ika’y babalik sa sanlibutan ngayon, ito’y nangangahulugang kamatayan para sa iyo. Ang maging kaisipang laman ay kamatayan. Ang iyoing espiritu’y mamamatay, ang iyong isipa’y papanaw, at ang katawan ay mamamatay, kung mananatili kang hangarin ang iyong mga pagnanasang laman. Ang mga Israelita’y di-nagsibalik sa Ehipto matapos ang kanilang paglisan; ni hindi sila masaya nang makita pa nila ang isang Ehipto matapos tawirin ang Dagat na Pula. Gayon din, tyao na naging matuwid ay di-maaaring magbalik sa Ehipto, ni magiging masaya na makakita ng espirituwal na Ehipto.
Kung ang isang matuwid, taong isinilang na muli ay lumabas sa mundo at mamuhay kasama ang mga makasalanan ng mundo, siya’y mababaliw sa pagnanais na bumalik sa iglesia ng Diyos. Mapapaliban siya sa pagdalo sa iglesia ng Diyos. Tayo nga’y samakatuwid dapat mamuhay na ang ating mga isip ay nakatuon sa mga bagay ng Espiritu.
Anong ibig sabihin ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos? Hindi ba sila mga bagay ng Diyos? Hindi ba sila mga bagay sa paglilingkod sa ebanghelyo ng Diyos? Hindi ba’t tayo’y mga mahihina pa at di-ganap? Ika’y mahina, at ako man. Nguni’t hindi mo pa natatanggap ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan bagaman ika’y mahina at di-ganap? Iyo na ngang natanggap! Ang Banal na Espiritu ba’y nananahan sa iyo? Ang sagot ay isang mariing oo!
Tayo ba, kung gayon, ay may kakayahang ituon ang ating mga isipan sa mga bagay ng Espiritu o hindi? Oo may kakayahan tayong lahat na ituon ang ating mga isipan sa mga bagay ng Espiritu. Alam mo bang binago ng Diyos ang iyong patutunguhan upang iyong magawa ang mga bagay ng Espiritu? Naniniwala ka ba rito?
Ang ating mga isipan ay nabago na. Kung hindi mo nalalaman na ang iyong isipan ay nabago na bagaman sa katotohanang nagbago na, ito’y tiyak na problema sa iyo. Dapat mong matimtimang ituon ang iyong isipan sa katuwiran ng Diyos. Ang iglesia ng Diyos ang siyang magiging tahanan mo, ang iyong mga kapuwa mananampalataya ay siyang iyong magiging mga kapatid at mga magulang—iyong pamilya, sa madaling salita—sa iisang Espiritu. Bawa’t isa sa iglesia ay magiging iyong kapamilya. Kung hindi mo pa naisip dati, ngayon na ang panahon upang muling isaalang-alang at bigyan pa ng seryosong pag-iisip sa katuruang ito.
Huwag akalain na ang pamilya lang sa laman at dugo ang iyong pamilya. Narito ang iyong tahanan at bawa’t tahanan ng isinilang na muli. Kaya dapat tayong mamuhay ayon sa Espiritu. Dapat tayong mamuhay para sa Diyos, dahil ang pagiging espirituwal ay pagkakaroon ng kapayapaan.