• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 8-5] Mamuhay sa katuwiran ng Diyos (Roma 8:12-16)

2021.04.12 26
(Roma 8:12-16)
“Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman. Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo, datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. Sapagka’t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot, datapuwa’t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito’y sumisigaw tayo, Abba, Ama. Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios.”
 
 
Si Apostol Pablo, bilang isang taong nagtamo ng kaligtasan ng Diyos, ay sinabi na ang mga isinilang na muling mananampalataya ay hindi dapat mamuhay ayon sa laman, kundi sa Espiritu. Sinabi ni Pablo na kung tayo, na may katuwiran ng Diyos, ay mamuhay sa laman, tayo’y mamamatay, ngunit kung tayo’y mamumuhay sa Espiritu, tayo’y mabubuhay. Dapat kung gayon, manalig sa katotohanang ito. Ano ngayon ang dapat ipamuhay ng mga naniniwala sa katuwiran ng Diyos? Dapat ba silang mamuhay ayon sa katuwiran ng Diyos o sa pita ng laman? Dapat nilang malaman kung ano ang tama at disiplinahin ang kanilang mga katawan upang ialay ang kanilang mga sarili sa makatuwirang gawain ng Diyos.
 
 
Ang di-maiiwasang obligasyon
 
Inangkin ni Pablo na tayo ay may obligasyonng mamuhay ayon sa Espiritu, at hindi ang ating likas na makasalanan, dahil tayong mga Kristiyano ay naligtas na mula sa poot ng Diyos at inakay sa Kanyang katuwiran. Bago tayo magkaroon ng kaalaman sa katuwiran ng Diyos, at manalig rito, hindi tayo makapamumuhay ayon sa Espiritu. Nguni’t ngayong alam na natin at nananalig sa katuwiran ng Diyos, maiaalay natin ang ating mga puso, mga kaisipan, mga talento, mga katawan, at oras sa Kanyang mga makatuwirang gawa. Dapat nating gamitin ang ating sarili bilang instrumento ng pangangaral ng katuwiran ng Diyos at gampanan ang Kanyang makatuwirang mga gawain.
 
 
Mamuhay ayon sa laman
 
Kung ika’y na kay Cristo at namumuhay sa iyong likas na makasalanan at hindi ayon sa Espiritu, sinasabi ng Biblia na ika’y mapapahamak tulad ng lahat ng mga di-mananampalataya. Dahil kahit pa ika’y isinilang na Kristiyano, hindi ka katotohana’y namumuhay ayon sa katuwiran ng Diyos. Kung ika’y nais na maging isang tunay na Kristiyano, hindi ka na dapat mamuhay ayon sa laman, kundi ayon sa katuwiran ng Diyos, dahil ika’y naitalagang maglingkod sa Kanyang katuwiran dahil ika’y nananalig dito. Kung ika’y namumuhay ayon sa laman sa kabila nito, ang iyong espiritu’y mamamatay. Subali’t, kung ika’y mamumuhay ayon sa katuwiran ng Diyos, ika’y mamuhay sa kapayapaan magpakailanman.
 
 
Mga Anak ng Diyos
 
“Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios” (Roma 8:14).
Yaong mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay tumanggap na sa Banal na Espiritu bilang handog, at ang Banal na Espiritu ang nag-aakay sa kanila. Ito ang mga “anak ng Diyos.” Ang “mga anak ng Diyos” ay taglay ang Banal na Espiritung nananahan sa kanila. Tulad niyaon, yaong di-taglay ang Banal na Espiritu na nananahan sa kanila ay hindi sa Kanya. Ang unang hakbang sa pagsunod sa Diyos ay nagsisimula sa pananalig sa Kanyang katuwiran. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang maging anak ng Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging anak ng Diyos ay nagsisimula sa pananalig sa Kanyang katuwiran. Ibig sabihin ika’y magiging miyembro ng pamilya ng Diyos dahil sa Kanyang katuwiran, at dahil binigay ng Diyos ang Kanyang katuwiran upang iligtas ka sa iyong mga kasalanan.
Nang si Jesus ay dinalaw ni Nicodemo, isang pinuno ng Judio, sinabi ni Jesus sa kanya na wala ni isa ang magiging anak ng Diyos maliban siya’y isilang na muli sa tubig at sa Espiritu. Si Nicodemo ay namangha rito at nagtanong, “Sinasabi sa Kaniya ni Nicodemo, ‘Paanong maipanganganak ang tao kung siya’y matanda na? Makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?’” (Juan 3:4). Sumagot si Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, ‘kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.’ Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, ngunit hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawat ipinanganak ng Espiritu” (Juan 3:5-8).
 
Sinabi ni Jesus na ang sinumang isinilang sa tubig at sa Espiritu ay di-mauunawaan ang kahulugan ng pagiging isinilang na muli. Ang pananampalataya sa bautismo na natanggap ni Jesus mula kay Juan Bautista at ang dugong dumanak sa Krus ang nagbigay kakayahan sa ating manalig sa kanyang makatuwirang gawa upang makamit ang katuwiran ng Diyos. Yaong mga nananalig sa Salita ng ebanghelyo ay matatanggap ang Banal na Espiritu bilang isang regalo. Mararating ng isang tao ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bawat isang tumanggap ng katuwiran ng Diyos ay magiging anak ng Diyos. Yaong naging Kanyang mamamayan ay ang ating mga kapatid.
 
 
Ang Espiritu ang nagpapatotoo na tayo’y mga anak ng Diyos.
 
“Sapagka’t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritung pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa’t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, dahil dito’y sumisigaw tayo, ‘Abba, Ama.’ Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios” (Roma 8:15-16).
Mayroon lang dalawang paraan upang makapagpatotoo sa katotohanang tayo’y mga anak ng Diyos. Una, ang katuwiran ng Diyos na nahayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na siyang gumawa upang tayo’y maging Kanyang mga anak; at pangalawa, ang Banal na Espiritu ay napasa-atin. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Diyos ang nagplano sa lahat ng mga ito. Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang patotoo sa ating mga sarili na nagsasabing tayo’y naging mga anak ng Diyos. Yaong mga naging anak ng Diyos sa pamamagitan ng kaalaman at pananalig sa katuwiran ng Diyos ay may karapatang manalangin sa Diyos bilang ating Ama.
 
Tayo’y makatwirang mag-isip. Paanong ang isang taong may kasalanan sa kanyang puso ay makatatawag sa Diyos ng Ama? Kailanman hindi nanatili sa Diyos bilang Kanyang anak ang isang makasalanan, at ang makasalanan kailanma’y nakapaglingkod sa Diyos bilang Ama. Dapat tignan mo ang kalooban ng iyong sarili kung sakaling, kung ika’y nagkakamali rin tulad nito. Yaong mga nagpapatotoong maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay yaong mga nananalig sa katuwiran ng Diyos. Dapat nating pag-isipang mabuti ang ukol sa katuwiran ng Diyos.