• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 8-6] Ang mga Magmamana Ng Kaharian ng Diyos (Roma 8:16-27)

2021.04.12 38
(Roma 8:16-27)
“Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios. At kung anak, ay mga tagapagmana nga, mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa Kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama Niya. Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin. Sapagka’t ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka’t ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa Kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa na ang buong nilalang naman ay maging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios. Sapagka’t nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon. At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga’y tayo nama’y nangagsisihibik din sa ating sarili,sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili ba’t, ang pagtubos sa ating katawan. Sapagka’t tayo’y iniligtas sa pagasa; datapuwa’t ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa, kaya’t sino nga ang umaasa sa nakikita? Datapuwa’t kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo’y hinihintay nating may pagtitiis. At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan, sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat, nguni’t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita. At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka’t Siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.”
 
 
Lahat ng mga taong napatawad sa kanilang mga kasalanan ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso. Sinasabi sa 1 Juan 5:10, “Ang nananampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kaniya.” Siya na taglay ang kaloob ng Diyos sa kanyang puso ay taglay ang Banal na Espiritung nananahan sa kanya at ito’y sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kaya maaaring manahan ang Banal na Espiritu nang walang hanggan sa kanyang puso.
Tayo’y naging mga anak ng Diyos dahil ang ating mga kasalanan ay napatawad sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang Banal na Espiritu ang nananahan sa ating mga puso at siyang nagiging patotoo natin, sinasabing, “Kayo ang mga anak ng Diyos at Kanyang bayan.” Sa mga taong di-taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso, sa kabilang dako, ang Kautusan ang nagpapatotoong, “Hindi kayo anak ng Diyos, kundi mga makasalanan.”
 
Sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang Banal na Espiritu ang nagpapatotoo, “Kayo ay mga anak ng Diyos. Kayo ay walang kasalanang bayan ng Diyos.” Maliwanag na pinakita sa atin ng Diyos upang malaman natin, upang maging mga anak ng Diyos, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Maaaring itanong mo, “wala akong nararamdaman, ibig sabihin ba’y hindi ako anak ng Diyos?” Ang ibang tao’y parang mga bata sa kanilang pananampalataya at maaaring hindi nila nalalamang taglay nila ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso. Ngunit pinatunayan ng Banal na Espiritu sa atin bagaman tayo’y mga nagdududa sa ating mga sarili, inaaliw tayo ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagsabing, “Kayo’y mga anak ng Diyos! Hindi ba kayo naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Dahil sa kayo’y nananalig, kayo’y mga mamamayan ng Diyos.” Kahit pa tayo’y nag-aalangan, samakatuwid, kung tayo’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo’y mga anak ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo na tayo’y mga anak ng Diyos. Ang Banal na Espiritu ay hindi isang bagay na nananahan sa ating mga puso sa pamamagitan ng ating mga damdamin at mga katinuan. Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay walang kasalanan sa kanilang mga puso, at dahil wala silang kasalanan, ang Banal na Espiritu ay nananahan sa kanila. Sila’y tiyak na mga anak ng Diyos.
Sinasabi ng Banal na Espiritu sa ating mga puso, “Ika’y naniniwala sa bautismo ni Jesus, Kanyang Krus, at napatawad na, samakatuwid ika’y walang kasalanan at mga anak ng Diyos.” 
Subali’t, ang Kanyang katibayan ay hindi dumating parang tinig ng isang tao. Kaya, huwag umasang makakarinig ka ng madagundong na boses! Kung nais mong makarinig ng isang tinig, kaya maaaring magkunwari si satanas na gayahin ang tinig ng isang tao at tangkaing tuksuhin ka. Si satanas ay gumagawa sa pamamagitan ng pagsilip sa mga kaisipan ng tao habang ang Banal na Espiritu ay gumagawa ayon sa Salita ng Diyos.
 
 
Yaong taglay ang Katuwiran ng Diyos ay Kanyang mga anak at mga tagapagmana
 
Samasama tayong basahin ang talatang 17. “At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati naming kasama Niya.”
Kung tayo’y mga anak ng Diyos, tao rin ay Kanyang mga taga-pagmana. Ang isang tagapagmana ay siyang tumatanggap ng lahat ng bagay mula sa kanyang mga magulang. Sa ibang salita, mayroon tayong karapatang makibahagi ng anumang mayroon ang Diyos Ama. Kung itatanong, “Sino ang taga-pagmana ng Dios Ama?” Maaaring isagot natin, “ang taong nananalig sa ebanghelo ng tubig at ng Espiritu at napatawad sa kanyang mga kasalanan ay mga taga-pagmana Niya.”
Ang taong may ganitong uri ng pananampalataya ay mapalad at mamanahin ang kaluwalhatian ng Diyos sa Kanyang Kaharian kasama si Cristo. Sinasabi rito na kung tayo’y kasamang taga-pagmana ni Cristo, upang lumuwalhati kasama Nya, kailangang tayong magtiis kasama Nya. Upang maging kasamang taga-pagmana ni Cristo nangangahulugang mamumuhay sa Kaharian ng ating Ama nang walang hanggan. Kung naniniwala ka sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ika’y kasamang taga-pagmana ni Cristo. Tayo’y mga taga-pagmana dahil mamanahin natin lahat ng bagay na mayroon ang Ama.
Paminsan-minsan, nararamdaman kong paparating sa atin ang Kaharian ng Dios. Ang lahat ay magaganap sa tamang panahon. Ang mga pangako ng Diyos sa Biblia ay isa-isa ring natutupad. Ngayon ang hinihintay na lang ay ang pagsisisi ng Israel, ipahayag na si Jesus ay Tagapagligtas. Ang Israel ay dapat tanggapin si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas sa araw ng Pitong Taong Kapighatian.
Ang katuparan ng Kaharian ng Diyos sa mundo at sa Langit ay karugtong ng pagsisisi ng mga Israelita. Naniniwala ako na ang huling ay malapint ng dumating. Alam kong ang araw na iyon ay papalapit kapag ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mananahan ng walang hanggan sa Diyos. Ang buong mundo’y naghintay para sa taong 2000 at inakalang iyon ang araw, nguni’t ang taong 2000 ay lumipas na. Ang napakagulong pangamba ukol sa “Millenium Bug” ay lumipas na at halos nasa kalagitnaan na tayo ng taong 2002, nguni’t ang katotohanang maraming tao sa mundo ang nag-akala na lahat ng pagbabago sa mundo ay magaganap sa taong 2000.
 
Magkagayun man, ang ating mahabang paghihintay sa Kaharian ni Cristo ay parating pa rin sa bawat isa sa atin. Inaakay din tayo ng Banal na Espiritu tayong mga napatawad sa mga kasalanan upang damhin ang paglapit ng Kaharian ng Diyos. Ngayon tulad ng dati, ang lahat ay matutupad gaya ng sinabi ng Diyos. Tayo’y naghihintay sa araw na iyon nang may pananalig.
Sa hinaharap, ang Israel ay magiging batong katitisuran at isang balakid sa kapayapaan ng buong mundo, at dahil dito maraming bansa ang magiging kaaway ng ibang bansa at ang ibang mga Israelita ay malalaman nilang ang Mesias na matagal nilang hinihintay ay walang iba kundi si Jesus. Mapapatawad ang kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang plano ng Diyos ay malapit ng matupad. Subali’t, lahat ng mga ito ay magaganap sa tamang panahon, kaya hindi tayo dapat maghintay na maganap ito sa isang tiyak na araw at oras tulad ng mga hinuhula ng mga naliligaw na mga eskatolohika. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makikita nila ang kaganapan ng mga inihula ng Diyos. Ang mga mananampalataya at may pag-asang ang Kahariang pinangako ng Diyos sa mundo at ang Kaharian ng Langit ay palapit na sa atin.
 
Ang panahon ay malapit ng dumating dahil ang mga bagay na pinangako ng Panginoon ay isa-isa ng dumarating. Tiwala ako ng ang Isang-taong Kaharian at ang Kaharian ng Diyos ay papalapit na sa atin. Wari mo din ba ito, kinasiya din ng Banal na Espiritu tulad ng akin? Naniniwala ka ba na bawat hula ng Diyos ay matutupad sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang tunay tayong manalig sa mga pangako ng Diyos sa ating mga puso.
Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, nakatitiyak tayo sa ating mga puso na ang mga pangako ng Diyos sa huling araw ay malapit ng maganap. Nananalig tayo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ang mga lumipas sa ating mga isipan at ating pag-asam ay tiyak na magaganap na dahil sa mga hula ng Diyos. Ito ang tunay na pananalig.
Ikaw at ako ay mga taga-pagmana ng lahat ng mga pagpapalang pinangako ng Diyos; samakatuwid, dapat tayong maghintay kasama ang Banal na Espiritu. Ang Kaharian ng Diyos ay malapit ng dumating sa atin. Di-maglaon ang mga Israelita’y maniniwala at tatanggapin si Jesu-Cristo bilang kanilang Mesias.
Maraming tao ang naghihintay sa Kanya ngayon, sinasabing, “Pumarito na po Kayo Panginoon.” Sinabi ni Pablo yamang siya’y taga-pagmana ng Diyos, ang paghihirap na naranasan niya ay hindi maihahambing sa kaluwalhatian na malapit ng dumating. Ibig sabihin upang matamo ang kaluwalhatian kasama ni Cristo, tayo’y kasamang maghihirap din Niya. Ito’y dahil nanalig tayo at naghintay sa Kaharian ng Diyos na darating. Upang makamit ang kaluwalhatian ni Cristo, dapat din tayong maghirap kasama Niya.
Ang pag-asa ni Pablo ay para sa lahat ng nilikha, kasama lahat ng mga hayop at mga halaman, upang mapalaya sa kanilang kamatayan. Kaya lahat ng mga nilikha ay masikap na naghihintay sa pagdating ng mga anak ng Diyos. Ang pag-asa para sa mga anak ng Diyos ay ang pagdating ng araw na iyon kapag lahat ng mga nilikha ay mabuhay nang walang hanggan.
Samakatuwid, dapat nating mabatid na tayong mga mananampalataya’y pinagpala nang walang hanggang buhay. Kung makikita natin ang araw ng pagdating ng ating Panginoon sa ating panahon, o kung gigisingin ng ating Panginoon sa ating pagkakatulog upang kuhanin tayo, dapat tayong maghintay sa Kanya. 
 
 
Ang kaluwalhatian ba ng Diyos na mahahayag sa atin ay tunay na dakila?
 
Ang kaluwalhatian na malapit ng mahayag sa mga matuwid ay isang walang hanggang kaluwalhatian – mamanahin ang walang hanggang Kaharian at mamuhay magpakailanman sa kaluwalhatian ng Diyos. Wala ng kamatayan, ni kalungkutan, o pag-iyak. Wala ng kasakitan sa Kaharian, at ang Kaharian ay hindi na mangangailangan ng araw o buwan upang magbigay ng liwanag dito, dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang magliliwang. Ang Kordero ang siyang ilawan, Ito’y lugar kung saan tanging si Jesus lang at ang mga isinilang na muli, walang kasalanang mga mananampalataya ang matatagpuan, at ito’y puno ng kaluwalatian ng Diyos. Ang Kaharian ay puno ng mga gintong liwanag. Ang kaluwalhatian ng Kaharian kung saan tayo mananahan magpakailanman ay gayong kadakila na di – mailarawan sa salita. Dahil ang kaluwalhatiang ating inaasahan ay lubos na kahanga-hanga, sinasabi ni Pablo sa atin na ang ating mga kasalukuyang paghihirap ay walang saysay kung ihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.
Minsan ay makikita natin ang kaluwalhatian ng Diyos sa kalikasan habang tayo’y gumagawa para sa Diyos sa mundong ito. Kapag ating tinitignan ang makukulay na mga bulaklak, ang nahamugang damo, ang kalikasan ay nakikita sa mga dahong kumikislap, maligamgam na sibol ng papawirin, ang sariwang kagubatan, ang malinaw na hangin, mga bituing nagniningning sa gabing malamig; kapag ating iniisip ang apat na panahon, wala tayong naiisip kundi ang Langit. Kapag nakikita ang mga kamangha-manghang likha ng Diyos, umaasa tayong ang Kaharian ng Diyos ay agad ng dumating.
Kapag dumating ang Kaharian ng Diyos, wala ng kamatayan, at tayo’y maluwalhating mabubuhay. Walang bagay ang magkukulang kaya tayo’y mabubuhay ng sagana at tagumpay. Kahit sa pag-iisip ko pa lang na mamuhay ng maluwalhati sa lugar na lahat ay ganap at handa ay mapupunan ang ating puso ng kaluwalhatian ng Diyos. Ang katotohanang lahat ng mga bagay na iyon ay magiging atin, mga mananampalataya, ay parang isang panaginip, at magiging mapagpasalamat tayo muli dahil tayo’y isinilang muli. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nagpuno sa aking puso ng buong pag-asa.
 
Ngayon, tayo’y aasam lang muna sa Langit sa pamamagitan ng ating mga imahinasyon, nguni’t alam natin na sa hinaharap, lahat ng mga pangako ng Diyos ay matutupad. Sa gayo’y ang ating mga pag-asam ay lalong lalakas at ang ating damdamin sa nalalapit na kaluwalhatian ng Diyos ay lalakas pa habang ang mga araw ay lumilipas.
Itong dahilan kung bakit ang mga mananampalataya’y umaasam sa hinaharap. Ang pananalig sa Diyos at ang pag-asa para sa hinaharap ay ang kaluwalhatian at panahon ng mga magmamana ng Kaharian ng Diyos. Ang maluwalhating pananampalataya bang ito, kung gayon, ay isang pagpapalang binigay lamang sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ang sagot ay mariing oo! Tanging panahon lamang ang kailangang maganap bago maibibigay ang kaluwalhatian ng Diyos sa mga matuwid, sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa tamang panahom, ang mga pangako ng Diyos na ang lahat ng Kanyang mga kaluwalhatian ay magaganap para sa atin. Lahat ng mga maluwalhating bagay na ito ay tunay na magaganap sa mga mananampalataya. Ang kaluwalhatiang naghihintay sa atin ay puspos ng ningning at magaganda.
Ikaw at ako, na taglay ang parehong pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ang mga taong papasok sa maluwalhating Kaharian ng Diyos. Ang nakalilito at mundong masama ay maaaring papagdilimin ang ating mga puso, at maaaring mawalan tayo ng pag-asa at maguluhan. Nguni’t yaong mga isinilang na muli ay magtatagumpay sa mga kahirapang ito sa pamamagitan ng paniniwalang sila’y naging mga tagapagmana ng Diyos. Bagaman may iba’t-ibang uri ng mga kaguluhan sa mga puso ng mga mananampalataya na walang kasalanan, masusumpungan nila ang kalakasan at mamumuhay sa pamamagitan ng pagpapa-alala sa kanilang sarili nag mga pangako ng Diyos. Ako’y nagpapasalamat sa pananatili ng Banal na Espiritu sa ating mga puso, inaaliw tayo, at pinatotoo sa ating mga espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos.
Sa mga katutubos lang ng kanilang mga kasalanan ay dapat ding tumingin sa kaluwalhatian ng Langit at mamuhay sa pag-asa. Tayo’y pantay-pantay na naging bayan ng Diyos. Kung napamuhay mo ang buhay na pananalig sa Iglesia nang mahabang panahon, masusumpungan mo ang Banal na Espiritu sa inyong mga kaluluwang nagagalak sa mga yaman ng iyong maluwalhating mana.
 
 
Kahit ang mga puso ng matuwid ay nangasisihibik sa mundong ito
 
Tayo’y sama-samang basahin ang talatang 23. “At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga’y tayo nama’y nangasisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba’t, ang pagtubos sa ating katawan.” Itanong sa ating mga sarili, “Anong inaasahan natin sa ating buhay?” Tayo, na mga mananampalataya, nabubuhay sa pag-asam sa katubusan ng ating mga katawan. Kapag ating sinabing tayo’y mga anak ng Diyos, ibig sabihin tanging ating mga espiritu lamang ang mga anak Niya. Hindi pa natatanggap ng ating mga katawan ang luwalhati, kaya lahat ng mga mananampalataya ay umaasa sa pagbabago ng kanilang katawan.
Kapag ang katawan ng mga mananampalataya ay suot ang luwalhati ng Diyos, makakadaan sila sa apoy at di sila masusunog, at maaari silang dumaan sa anumang mga hadlang o mga sagabal. Ang ating mga katawang nabago ay mapapalaya sa mga limitasyon ng oras at lugar.
Nguni’t ang ating mga katawan ay hindi pa nagbabago, kaya tayo na taglay ang mga pangunahing bunga ng Espiritu ay nangagsisihibik sa ating sarili.
 
Ang dumaing! Nasusulat kahit tayo na tumanggap ng mga pangunahing bunga ng Espiritu ay dumadaing. Naramdaman mo na ba ang Banal na Espiritu dumaing sa inyong sarili? Kailan Siya dumaing? Ang Banal na Espiritu ay dumadaing sa tuwing hinahangad natin ang makalamang pagnanasa.
Kung tinitingnan natin ang mundo at iniibig ang ating nakikita, ang Banal na Espiritu sa atin ay dadaing. Ang ating mga katawan ay di nagbago, kaya sila’y nagsasaya at sinisikap na hangarin ang mga makamundong bagay, nguni’t dahil ang ating mga kaluluwa’y nagbago na, ang Banal na Espiritu sa atin ay dumadaing. Kung gayon dapat tumalikod ang ating mga puso sa pagsisikap na hangarin ang mga makamundong nasa at tanggapin ang patnubay ng Banal na Espiritu.
Ang Banal na Espiritu ay dumadaing sa atin, tayo na mga tagapagmana ng Diyos, dahil ang Banal na Espiritu ay nasa atin. Ang pamumuhay sa mundong ito ay makikita kung gaano kadilim ang kinabukasan at gaano kahina ang ating mga katawan, tulad ng mga panahong ito, dapat taong tumingin at umasa para sa mga pagpapala ng mga tagapagmana ng Diyos dahil alam nilang ang kanilang mga katawan ay matutubos din. Ang mga mananampalataya’y naghihintay sa araw na makamit nila ang ganap na katawang lubos na natubos.
 
 
Mamuhay ng may maluwalhating pag-asa
 
Ating basahin ang mga talatang 24 at 25 sa iisang tinig. “Sapagka’t tayo’y iniligtas sa pagasa: datapuwa’t ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya’t sino nga ang umaasa sa nakikita? Datapuwa’t kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo’y hinihintay nating may pagtitiis.”
“Natanggap ba natin ang kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan sa pag-asa sa Kaharian ng Diyos?” Ating itanong ang katanungang ito. Sinabi nating natamo natin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. “Datapuwa’t kung nagsisiasa sa hindi natin nakikita, kung magkagayo’y hinihintay nating may pagtitiis,” Sinabi nga ng Diyos.
Upang makarating sa Langit at mapalaya sa ating mga kasalanan, kailangan tayong maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng tubig at sa Banal na Espiritu. Matapos maligtas sa lahat ng ating mga kasalanan, kung ibabaling ang ating mga mata sa mundo at umasa sa mga nakikita, ibig sabihin na hindi natin alam ang luwalhati ng Diyos na naghihintay para rito. Kung umaasa tayo sa nakikita natin, kung gayon hindi ito pag-asa. Kaya tinanong ni Pablo, “Kaya ngat’t sino nga ang umaasa sa nakikita?” Tayo ngayon na naging mga matuwid ay di dapat umasa sa kung ano mayroon sa mundo, nguni’t tayo, ayon sa kanyang pangako, ay dapat tumingin para sa bagong langit at bagong mundo kung saan ang Kanyang karunungan ay mananahan (2 Pedro 3:13).
 
Ang uri ng pananampalatayang ito ang inaasahan ng mga matuwid. Ang matuwid ay nabubuhay sa pag-asam sa bagong Langit at lupa. Ang mga nakikita natin sa mga mata ng ating katawan ay hindi ang ating tunay na inaasahan. Hindi makikita ito sa ating mga katawang paningin, kaya naghihintay tayo sa Kahariang pinangako ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga espirituwal na mata. Kaya nga sa mga tunay na matuwid ay inilagay nila ang kanilang mga pag-asa sa kalooban ng Langit. Ang pag-asam ay ang pagtiwala sa sinabi ng Diyos sa atin na magaganap.
Sinabi ng Diyos, “Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig” (1 Corinto 13:13). Nakamit natin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananalig at pag-asa para sa kalooban ng Langit. Ang Kanyang Kaharian ay paparito sa lupa at mananatili sa mga Kalangitan, at umaasa tayong mamuhay nang walang hanggan sa Kanyang Kaharian. Itong dahilan kung bakit nananalig tayo sa Salitang pinangako ng Diyos at tiisin ang ating mga kasalukuyang paghihirap.
Nasusulat dito “Datapuwa’t kung nagsisi-asa tayo sa hindi natin nakikita kung magkagayo’y hinihintay nating may pagtitiis.” Ang ating pagtitiis ay hindi mga bagay nakikita ng ating mga mata. Hinihintay natin ang mga pangako ng Diyos sa pisikal na mata. Ang mga pangako ng Diyos ay matutupad sa ating mga mananampalataya dahil sinabi sa atin na ang luwalhati ng Diyos ay malapit ng mahayag, at nananalig tayo sa pangakong ito. Yamang nananalig tayo na ang Panginoon ay babalik muli sa mundong ito, matitiis natin ang mga kasalukuyang mga paghihirap.
Ang Kaharian ng Diyos ay, kahit walang bakas ng pag-alinlangan, ay paparito sa mundo. Kapag ang ebanghelyo ay napalawig sa lahat ng bansa, ang Kaharian ng Diyos ay tiyak na darating. Matiyagang naghihintay ang mga matuwid sa araw na iyon. Ito ang katotohanan para sa iyo at sa akin na nabubuhay sa panahong ito.
 
May isang kamanggagawang babae na Taga-Ukraine na nagsasalin ng aming mga aklat sa salitang Ukraine. Kamakailan ay nakita niyang gumuguho ang mga gusali ng World Trade Center mula sa pag-atake ng mga terorista at sinabi niyang siya’y nalito at natakot. Tinanong niya kung ito na ba ang “panahon ng maputlang kabayo” sa Apokalipsis at nagtanong ng anumang aklat na kaugnay sa bahaging ito sa kasulatan.
Hindi natin masasabing ang pangyayaring ito’y isang palatandaan ng oras ng maputlang kabayo, ngunit hindi natin maitatatwang ito’y may kaugnayan. Kung ang mga bagay na ito ay laging magaganap, magkakaroon ng mga digmaan, at ang mga bansa’y mag-aaway. Kapag ang digmaan ay naganap, ang mundo’y maghihirap mula sa mga pagkagutom at ang panahon ng maputlang kabayo ay biglang matutupad nga.
Kaya, kapag aking nakikita ang mga pangyayaring hula ng pag-wasak ng mundo, nagbabago ang aking pasiya na dapat nating ikalat ang ebanghelyo sa buong mundo. Totoong tayo’y nawawalan ng pag-asa sa mundong ito at ang ating mga puso ay dumadaing kapag ang mga trahedya ay dumarating sa atin. Magkagayon man, habang tayo’y nabubuhay, kailangang maghintay tayo sa Kaharian ng Diyos, na di nakikita ng ating mga mata kundi ng ating mga espirituwal na mata lamang.
Dahil tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, umaasam tayo sa kalooban ng Langit at naghihintay nang may pagtitiis. Dahil tayo’y nananalig sa Kaharian ng Diyos at ito’y papalapit na sa atin, makakayanan natin lahat ng ating mga paghihirap. Ito’y posible dahil ang Banal na Espiritu ay nananahan sa ating mga puso.
 
Ikaw ba’y nagtitiis? Kayanin mong mabuti at magtiis. Hindi lang ikaw ang naghihirap kundi lahat tayo. Magkakaroon tayo ng pag-asa pagkatapos ng lahat ng ito, ang lahat ng bagay ay magiging maayos. Alam mo bang hindi ka makapag-uunlad ng pag-asang espirituwal kung hindi ka naghihirap sa pisikal? Kapag ang katawan ay masyadong maginhawa, hindi natin hahanapin ang Diyos at hahangarin ang mga pagpapalang mula sa Kanya. Tayo nga’y mapapalaya sa Diyos. Tayong mga isinilang muli ay dapat umasa sa luwalhating darating at magtiis sa mga kasalukuyang paghihirap.
Ang sabi ng Diyos na yaong mga manannatili sa mga paghihirap nang may pagtitiis para sa Panginoon ay mapapalad. Ang araw ay darating sa mundo ang Kaharian ng Diyos, at tayo’y papasok sa Kanyang Kaharian. Dapat tayong manatili, magtiis, at huwag mawalan ng pag-asa sa araw na iyon. Anumang lungkot at hirap man ito ngayon, dapat tayong maghintay at magtiyaga hanggang ang kalooban ng Langit ay dumating bilang isang bagong Langit at lupa.
 
 
Tinutulungan ng Banal na Espiritu yaong may katuwiran ng Diyos
 
Ating basahin ang talatang 26. “At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni’t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita.”
Ang Banal na Espiritu ba’y nananalangin para sa atin? Oo! Alam ng Banal na Espiritu ang ating mga kahinaan at nananalangin para sa atin.
Bahagyang nabanggit ko ang ukol sa mga daing ng Banal na Espiritu. Upang matalakay muli, ang Banal na Espiritu ay dumadaing kung tayo’y patungo sa direksiyong ayaw ng Diyos. Kung ating titingnan ang mga pangyayari sa mundo at makikidaing dito, kung tayo’y pupunta sa direksyong ayaw ng Diyos Ama na puntahan natin, o kung ipagwalang-bahala ang kalooban ng ating Ama at mamuhay ng taliwas sa Kanyang kalooban, ang Banal na Espiritu ay dadaing.
Kapag ang Banal na Espiritung nananahan sa isang mananampalatayang isinilang na muli ay dumaing ng hindi mabigkas, mawawalan ng enerhiya ang ating mga puso at manghihina. Sanhi nito ang Banal na Espiritu ay mananalangin. Minsan ang Banal na Espiritu ay mananalangin para sa atin, o kaya ipapaalam sa atin na kailangan tayong manalangin.
Ang Banal na Espiritu ay dumadaing sa ating mga puso at gagawin Niyang manalangin tayo sa ating Ama ayon sa Kanyang kalooban. “Panginoong Diyos, inalis po Ninyo ang aming mga kasalanan sa pamamagitan ng Iyong bautismo at Iyong dugo sa Krus, at sanhi nito’y kami’y Inyong naging mga anak. Nawa’y malapit na ang Inyong pagparito muli. Dinadalangin namin ang Inyong kalooban ay matupad.” Nananalangin tayo tulad nito. 
 
Humihingi tayo ng pananampalatayang espituwal. “Diyos, kami po’y dukha at may kakulangan sa Inyong mga paningin, nawa’y lagyan Niyo po kami ng pananampalatayang kailangan upang matupad ang Iyong kalooban.” Tutulungan tayo ng Diyos dahil alam Niya ang ating mga kahinaan. Hindi tayo iiwan ng Diyos na mag-isa bagkus ay nananalangin tayo ayon sa katuwiran ng Diyos at nananalangin din para sa atin, pinalalakas ang ating mga puso.
Dahil sa Banal na Espiritu tayo’y nananalangin ayon sa katuwiran ng Diyos, at kung tayo’y hihingi ng tulong, pinaaalam Niya sa atin ang katuwiran ng Diyos, at binibigyan tayo ng bagong lakas.
“Sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni’t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa ating mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita.”
Nararamdaman mo ba ang mga ito? Kung ikaw ay nag-iisip at aasal ng taliwas sa mga nais ng Diyos na gawin natin, nararamdaman mo bang sinasabi ng Banal na Espiritu sa atin, tayong mga matuwid, na mayroong hindi wasto? Sinasabi ng Banal na Espiritu, “Ikaw ay nagkamali!” at ang ating mga puso’y magsisimulang dumaing. Alam ba ninyo na ito ang Banal na Espiritu ang dumadaing? Maaaring naranasan mo na kapag ang isang puso ng tao ay may kagalakan, ito’y dahil ang Banal na Espiritu ay nakikigalak sa iyong kalooban. Malalaman mong kapag ang iyong puso’y dumadaing, ang Banal na Espiritu ang dumadaing.
 
Kapag tayo’y mahina at nagkakasala, ang Banal na Espiritu ay dadaing at mananalangin para sa atin, at bibigyan tayo ng Diyos Ama ng kalakasan. Dahil sa Banal na Espiritu tayo’y mananalangin para sa lahat ng mga bagay, binibigyan tayo ng bagong espirituwal na kalakasan. Itong dahilan kung bakit yaong taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso ay masayang-masaya. Binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng kalakasan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Sa ibang mga salita, ang Banal na Espiritu ay kumikilos kasama ang Kanyang Salita sa ating mga puso upang bigyan tayo ng bagong espirituwal na kalakasan. 
Hindi nais ng Banal na Espiritu na mangusap sa pamamagitan ng ibang paraan. Binibigyan Niya tayo ng kalakasan sa pamamagitan ng Kasulatan, Iglesia ng Diyos, at sa pamamagitan ng ating Pagtitipon sa ating mga kapatiran. Kaya nga napakahalaga ng Iglesia ng Diyos, kaya nga ang Iglesia ay mayroong napakahalagang layuning pagkilos sa mga gawa ng Banal na Espiritu.
Sa iglesia ay ang mga mananampalataya, kanilang pagtitipon, mga papuri, at mga mensahe. Sino man ang mga mangangaral, nariyan ang Banal na Espiritu at kumikilos sa kanila upang maihatid nila ang mga nararapat na mensahe na kinakailangan sa tamang panahon. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos kasama ng mga nagbibigay ng mensahe at sa mga nakikinig, ginigising ang kanilang mga isipan at isa-isang binibigay sa kanila ang mga pagpapalang kailangan. Ang Banal na Espiritu’y ginagawa ito sa iglesia ng Diyos kung saan nagtitipon ang mga matuwid. Kaya napakahalaga ng iglesia para sa mga mananampalataya! Kapag ang isang mananampalataya ay dumaranas ng kahirapan sa kanyang puso at hindi maibahagi ang kanyang pasakit sa iba, mapapansin parin ito ng mga lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Kapag ang mga mananampalataya ay nagtitipon sa iglesia ng Diyos, mahihipo at maaaliw ng Banal na Espiritu ang kanilang mga puso. Tutulungan sila ng Banal na Espiritu na tumangan sa Kasulatan at bibigyan ng kalakasang bumuti.
Kapag tayo’y namumuhay sa pananampalataya, nananalig tayo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tatanggap ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, magiging mga anak ng Diyos, bilang katibayan, tatanggapin natin ang Banal na Espiritu bilang handog. Pagkatapos ay ibibigay ng Diyos sa atin ang Kanyang iglesia. Matapos itong ibigay, mangungusap ang Diyos sa Kanyang mga lingkod sa pamamagitan ng iglesia at ginagawang makapangaral ang Kanyang mga lingkod ng Kanyang mensahe. Ginagamot Niya ang ating mga sugat sa pamamagitan ng Kasulatan, nagbibigay lakas sa mga mahihina, pinagpapala yaong mga aba sa puso, at binibigyan sila ng kakayahang maihatid ang Kanyang Gawain. Natupad ang Kanyang kalooban sa pamamagitan natin. Samakatuwid, hindi makakalayo ang mga mananampalataya sa iglesia.
Ang mga mananampalataya ay di-mapapalaya sa kanilang pakikisalamuha sa mga ibang matuwid, o kaya sa kanilang paglago sa Salita ng Diyos. Ang tiyak na katotohanan ay makikita lamang sa iglesia ng Diyos. Samakatuwid, kailangan magkaisa ang mga mananampalataya sa isa’t-isa sa iglesia. Ang pananampalatayang walang pagkakaisa ay isang huwad na pananampalataya.
Naniniwala ka bang nananahan ang Banal na Espiritu sa iyong puso? Kung tayo’y makikipagisa sa iglesia ng Diyos, gaya ng sinasabi sa Kasulatan at tulad ng sinasabi ng iglesia sa mga mensahe, tutulungan tayo ng Banal na Espiritu at bubuksan ang ating mga mata sa katotohanan, bibigyan tayo ng mga pagpapala. Kaya, makipag-isa sa iglesia sa gayong pananampalataya. Ang Banal na Espiritu ay magagalak. Tayo’y nakapamuhay hanggang sa oras na ito sa tulong ng Banal na Espiritu. Tayo’y mabubuhay din sa Kanyang mga nagtamo ng kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan. Dapat nating malaman at manalig na ang Banal na Espiritu ay naririto. Dapat nating malaman na kailangan nating mamuhay sa Banal na Espiritu at tanggapin ang Knayang gabay sa ating mga puso. Yaong taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang puso ay dapat sumunod sa Kanyang kalooban. Kung ikaw ay isang taong matuwid, dapat kang sumunod sa kautusan ng buhay habang gumagabay ang Banal na Espiritu sa iyo.
 
Ating basahin ang talatang 27. “At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka’t Siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.” Nalalaman ng Diyos Ama ang kaisipang ng Espiritung nananahan sa atin. Alam ng Banal na Espiritu ang lahat ng nasa ating mga isipan; samakatuwid, batid ng Diyos Ama lahat ng nasa ating mga isipan. Tulad niyan, “Siya, ang Banal na Espiritu ay nananalangin para sa mga hinirang ayon sa katuwiran ng Diyos.”
Ibig sabihi’y alam ng Ama kung ano ang kaisipan ng Banal na Espiritu, at ang Banal na Espiritu ay nananalangin ayon sa kalooban ng Ama. Sa gayon ang mga mananampalataya ay makapamumuhay ayon sa katuwiran ng Diyos. Kaya nga yaong napatawad sa kanilang mga kasalanan nalaman ang mga benepisyo sa kanilang buhay pananampalataya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang mga kaisipan ng matuwid ay naaakay sa mga panggigising ng Banal na Espiritu.
Mga kaguluhan na darating sa iglesia kapag yaong mga tao ay hindi taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso ay makikita sa iglesia ng Diyos. Yaong hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay wala sa kanila ang Banal na Espiritu, kaya hindi sila makakapag-usap sa mga tunay na mananampalatayang taglay ang Banal na Espiritu. Nagdadala sila ng mga maraming problema sa iglesia. Sa kabaligtaran, kapag yaong taglay ang Banal na Espiritu ay nakikinig sa sermon ng isang lingkod ng Diyos na puspos ng Banal na Espiritu, ang kanilang mga puso’y mapapayapos dahil nauunawaan nila ang nais sabihin ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang lingkod.
Ang sinumang napatawad ang kanyang mga kasalanan ay tiyak na nananahan ang Banal na Espiritu sa kanya. Taglay natin ang Banal na Espiritu at namumuhay ayon sa katuwiran ng Diyos at sa patnubay ng Banal na Espiritu.
Ginagabayan tayo ng Banal na Espiritu sa mga paraang ito: minsan sa iglesia, minsan sa mga pagtitipon, at kung minsan sa pamamagitan ng mga Salita ng Diyos. Ginagawa Niyang hanapin natin ang katuwiran ng Diyos at pinapayagang sumunod sa Kanyang makatuwirang daan. Binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng bagong kalakasang mamuhay sa panig ng Diyos hanggang marating natin ang Kanyang Kaharian.
Ikaw at ako, ay dapat mabatid kung gaano kahalaga ang Banal na Espiritu sa ating buhay pananampalataya. Nang tayo’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tinanggap natin ang Banal na Espiritu bilang handog, tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Mangagsisi kayo, at mangabautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesus Cristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tanggapin ninyo ang kalooban ng Espiritu Santo” (Mga Gawa 2:38).
Binigay ng Diyos sa atin ang Banal na Espiritu bilang handog upang tayo’y Kanyang gabayang mamuhay ayon sa Kanyang kalooban. Ito ang kalooban ng ating Diyos Ama. Sinabi Niyang dapat tayong mamuhay ayon sa Kanyang kalooban upang makapasok sa Kanyang Kaharian. Dapat mapasa-atin ang Banal na Espiritu upang makapamuhay ayon sa Kanyang kalooban, at tanging mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang tatanggap ang Banal na Espiritu. Kung gayon dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang tanggapin ang Banal na Espiritu bilang kalooban at mamuhay ayon sa katuwiran ng Diyos at makapasok sa Kanyang Kaharian.
Hindi magkahiwalay na tinanggap natin ang Banal na Espiritu at ang katubusan. Inaakala ng mga tao sa kasalukuyan na ang dalawang mga pagpapalang ito ay magkaiba. Akala nila ang Banal na Espiritu ay bababa sa kanila kung sila’y mataimtim na mananalangin sa mga yungib ng bundok, nagsasabi ng kakaibang mga wika. Inaakala nilang ang Banal na Espiritu ay bababa sa kanila at diretsong ibibigay sa kanila ang kanyang mga mensahe at mangungusap sa kanila. Nguni’t ito’y sa kasamaang–palad, ay walang katotohanan.
Ang Banal na Espiritu at ang Kasulatan ay di-mapaghihiwalay, at ang Banal na Espiritu at mananampalataya ay di rin mapaghihiwalay. Itong dahilan kung bakit ang kaugnayan ng mga mananampalataya at ang Banal na Espiritu, ang iglesia at ang Diyos ng Trinidad – ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu ay magkalapit sa isa’t-isa.
 
Tayong mga nabubuhay sa huling panahonng ito ay namumuhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Batid ng Banal na Espiritu ang lahat ng katuwiran ng Diyos. Batid ng Ama lahat ng nasa isipan ng Banal na Espiritu. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang ating mga isipan at nagngungusap sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay makapagdarasal ayon sa katuwiran ng Diyos, at tutugunin ng Ama ang mga panalangin sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa Kanyang kalooban. 
Itong dahilan kung bakit tinatalakay ni Pablo ang Roma kapitulo 8 talatang 16 hanggang 27 ukol sa mga gawa ng Banal na Espiritu.
Tayo’y makapaghihintay sa Kaharian ng Diyos dahil sa Banal na Espiritu. Makakayanan natin ang mga kasalukuyang paghihirap at mamuhay ayon sa kalooban ng ating Panginoon, aasam sa Kanyang Kaharian sa pamamagitan g kapangyarihan ng Banal na Espiritung nananahan sa ating mga puso. Makakaya natin dahil sa Banal na Espiritu, tatalino sa Panginoon dahil sa Banal na Espiritu. Lahat ng ito ay naibigay sa atin dahil sa Banal na Espiritu. Dapat nating mabatid na tayo ang mga taong namumuhay kasama ang Banal na Espiritu, laging nag-aaral ng Salita ng Diyos, kaisa ang ating mga puso sa Kanyang Salita, nakikinig at sumusunod sa Salita. Dapat tayong mamuhay upang ang Ama at Banal na Espiritu ay makikigalak sa atin, hindi ang buhay ng laman na naglulugod lamang sa ating laman. Ito ang mga sinasabi ni Pablo sa talatang ito.
Ang Diyos ay laging nasa ating mga buhay. Kaagapay sa ating mga puso, at nais na tulungan tayo. Nawa’ patuloy na pagpalain tayo ng Panginoon. Kapag dumating muli ang ating Panginoon, ang lahat ng bagay ay mababago tungo sa luwalhati. Tayo, na nagtataglay ng katuwiran ng Diyos, ay mamanahin lahat ng nasa Kaharian ng Diyos ay dapat makinig ng mabuti at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.