(Roma 8:26-28)
“At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan, sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat, nguni’t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita. At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalm kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka’t Siya ang namamagitan dahil sa mga banal na alinsunod sa kalooban ng Dios. At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa Kaniyang nasa.”
Ang Banal na Espiritu ay nasa puso ng mga nananalig sa katuwiran ng Diyos. Inuudyukan sila ng Banal ng Espiritu upang manalangin at tinutulungan nga Niya silang gawin iyon. Siya’y nananalangin din para sa kanila ng may daing na hindi maibigkas. Ibig sabihin tinutulungan sila ng Banal na Espiritu na makapanalangin ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya nga ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay tinatawag na mga anak ng Diyos. Pinangako ng Diyos sa kanila na Siya’y laging mananatili sa kanila hanggang sa katapusan ng panahon.
Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa mga matuwid, dumadalangin ayon sa kalooban ng Diyos. Paano mo nasabing tinanggap mo ang Banal na Espiritu? Sa pamamagitan ba ng panalangin? Sa tingin mo ba’y matatanggap mo ang Banal na Espiritu sa kabila ng iyong mga kasalanan? Ang Banal na Espiritu ay gumagawa at nananahan lamang sa mga puso ng mga nananalig sa katuwiran ng Diyos.
Ang mga Kristiyanong nagnanais na manalangin ayon sa kalooban ng Diyos ay tatanggap ng tulong mula sa Banal na Espiritu. Matututunan at mauunawaan ang dapat nilang ipanalangin. Kung natanggap mo ang Banal na Espiritu dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos, ang Banal na Espiritu ay dadalangin para sa iyo at aakayin ka sa iyong daanan.
Lahat ng bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti
“At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa” (Roma 8:28).
Ang Diyos ay nasa panig ng mga mananampalataya, ang lahat ay magaganap ng sama-sama para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Diyos. Iniibig ng Diyos ang mga isinilang na muling mananampalataya. Minsa’y Kanyang ginagamit ang ating mga kaaway para sa ating sariling kapakanan, nguni’t sa huli, paparusahan Niya sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Bawa’t kaaway natin ay tiyak na maglalaho sa Kanyang walang hanggang kaparusahan, at lahat ng bagay na pinahihintulot ng Diyos ay para sa ikabubuti ng mga mananampalataya.