• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 8-10] Mga Maling Doktrina (Roma 8:29-30)

2021.04.12 61
(Roma 8:29-30)
“Sapagka’t yaong mga nang una pa’y Kaniyang nakilala, ay itinalaga naman Niya na maging katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang Siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. At yaong mga itinalaga Niya, ay Kaniyang tinawag naman, at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman Niya, at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman Niya.”
 
 
Ang talatang ito ay sinasabi sa atin na itinalaga ng Diyos na iligtas ang tao kay Jesu-Cristo. Upang magkagayon, tinawag sila ng Diyos kay Cristo, ginawang ganap yaong Kanyang mga tinawag, at niluwalhati yaong Kanyang mga ginawang ganap. Lahat ng mga pangunahin ng Kasulatan ay naiplano at nagampanan kay Jesu-Cristo. Ito ang sinasabi ng aklat ng Roma sa atin, nguni’t maraming mga teolohiya at bulaang ministro ay binaligtad itong malinaw at simpleng katotohanan sa isang animo’y doktina, naglalaman ng kanilang sariling mga kaisipan at sariling interes, at masipag na kinakalat ito. Atin ngayong tunghayan upang siyasatin kung ilan ang nagkakaroon ng maling unawa sa katotohanang ito.
Maraming mga teolohiya ay naghinuha sa limang pangunahing mga doktrina mula sa talatang ito: 1) “prescience” 2) pagtatalaga, 3) mabisang pagtawag 4) pagwawalang-sala,   5) pagluwalhati. Ang limang doktinang ito ay kilala bilang katotohanan sa mga mananampalataya at di-mananampalataya. Ngunit ang kanilang inaangkin ay puno ng kapintasan.
Lahat ng limang doktrina ay tumutukoy lang sa nagawa ng Diyos-ito ang, “Alam na ng Diyos, napili na, tinawag na, nagpawalang–sala, at niluwalhati sinuman.” Nguni’t ang Doktrina ng Pagtatalaga ay isang doktrina na umaangkin, na ang Diyos ay walang pasubaling pinili yaong Kanyang mga iniligtas kahit bago pa sila inisilang. Nguni’t ang Bibliya ng katotohanan ng pagtatalagang itinuturo na ginawa ng Diyos ang mga makasalanan na maging Kanyang mga anak sa pagbubuhos ng Kanyang pag-ibig sa kanila. Sa pagpipili sa kanila, tinawag sila ng Diyos, pinawalang-sala at niluwalhati sila.
 
 
Ang Maling mga teolohiyang doktrina ng Pagtatalaga at pagpipili
 
Sa Kristiyanong teolohiya ay makikita nating ang “limang dakilang doktrina” ng Calvinismong ipinapahayag ni John Calvin. Ang mga ito ay ang Dokrina ng Pagtatalaga at ang Doktrina ng Paghirang. Sa mga sumusunod na usapin, aking tutukuyin ang mga kamaliang Biblikal ng mga doktrinang ito at pinatotoo ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang Doktina ng Paghirang ay nagsimula sa isang teolohiyang si John Calvin. Binanggit ng Diyos ang pagpili kay Jesu-Cristo bago ang panahon ni Calvin, nguni’t ang kanyang Doktrina ng Paghirang ay nagbigay kalituhan sa marami. Nalilimitahan ng maling doktrinang ito ang pag-ibig ng Diyos at ipinaliwanag ito na may pagtatangi at di-makatarungan. Sa pangunahing pananalita, walang limitasyon o mga hangganan sa pag-ibig ng Diyos ay wala ng iba kundi kamalian. Nguni’t ang katotohanan ay maraming mga mananampalataya kay Jesus ang ngayo’y tumatanggap sa doktrinang ito bilang likas at nakamamatay.
Ang mga ideya nitong Doktrina ng Pagtatalaga ay naghari sa mga isipan ng marami, waring ang doktrina ay angkop sa mga pilosopo, at dahil diyan naghahari sa kanilang mga isipan, naging kapaniwala-paniwal sa kanila. Inaangkin ng doktrina kahit pa bago ang Paglikha, walang-pasubaling itinalaga ng Diyos at pinili ang ilan, habang ang iba’y itinalagang maiwan sa pagpili. Kung ang doktrinang ito’y totoo, ang mga kaluluwang di-napili ay may dahilang mag-protesta sa Diyos, at Siya’y magiging di-makaturungan at di-matuwid na Diyos.
Dahil sa mga doktrinang ito, ang kasalukuyang Kristiyanismo ay nahulog sa malaking kalituhan. Sanhi nito, maraming Kristiyano ang nagdurusa sa pagtataka. “Ako ba’y napili? Kung sinumpa ako ng Diyos bago ang Paglikha, ano ang saysay ng pananalig kay Jesus? Sila’y nahahantong sa lalong interes kung sila’y kabilang o hindi sa pagpili ng Diyos. Ito’y kung bakit ang Doktrina ng Pagtatalaga’y nagbibigay ng maraming kalituhan sa mga mananampalataya kay Jesus. Habang sila’y naglalagay ng malaking halaga sa katarungan ng kanilang pagpili sa halip na sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu binigay ng Diyos.
Ang doktrinang ito’y ginawa ang katotohanan ng Kristiyanismo bilang isang relihiyon ng sanlibutan. Nguni’t panahon na para sa atin na itapon ang mga huwad na doktrinang ito mula sa kaharian ng Kristiyanismo sa ebanghelyong nagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos. Tulad niyon, dapat mong tingnan sa sarili mo kung ang Doktrina ng Pagtatalaga ay tama o mali, at mapalaya sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-alam at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga tunay na pinili ng Diyos ay yaong nakakabatid at nanalig sa kanyang katuwiran.
 
 
Ang pagtatalaga at pagpiling sinasabi ng katotohanan
 
Sa Efeso 1:3-5 ay sinasabi, “Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa’t pagapapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo: ayon sa pagkapili Niya sa atin sa Kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan Niya sa pagibig: na tayo’y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang katuwiran.” Ang pagpiling binanggit sa talata ng Efeso ay isang pagpipili “Sa Kanya (Kristo) bago itatag ang sanlibutan” (Efeso 1:4). Sinasabi rin sa atin na si Jesu-Cristo ay hindi iniwan ang kahit na isang tao mula sa biyaya ng kaligtasan ng kasalanan.
Mula sa talatang ito, dapat natin tiyakin kung ano talaga ang mali sa Doktrina ng Pagtatalaga. Ang pangunahing kamalian sa doktrinang ito ay ang pagiging pagkilin laban sa pamantayan ng pagpili ng Diyos, ito ang basehan kung sino ang ililigtas o hindi, ay hindi nakasalalay sa Salita ng Diyos nguni’t sa halip sa Kanyang sariling kagustuhan at pasiyang walang pasubali.
Kung ating ibabatay ang ating pananampalataya kay Jesus sa lohika ng gayong walang pasubaling pagtatalaga at pagpipili, paano tayo mananalig kay Jesus sa ating mga nakatatakot walang katiyakan at mga alalahanin? Ang mga Calvinista’y nagtuturo ng isang maling doktrina na ginagawang di-makatwiran at di-makaturungan Diyos. Ang dahilan kung bakit si Calvin ay nagkamali ng gayon ay dahil kinuha niya ang kundisyon “kay Jesu-Cristo” mula sa pagtatalaga ng Diyos, at ang kamalian ay lubhang nagpalito at nagpaligaw sa marami. Ngunit malinaw na sinasabi ng kasulatan sa atin “Pinili tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesu-Cristo” (Efeso 1:4).
 
Kung tulad ng inaangkin ng Calvinista, walang pasaubaling pinili ng Diyos ang iba upang Siya’y maging kanilang Diyos habang ang iba’y hindi ibinilang ng walang dahilan, ano pang higit na nakatutuwa rito? Si Calvin ay ginawang di-makatwiran ang Diyos sa kaisipan ng maraming tao. Ngunit sinasabi ng Biblia sa atin sa Roma 3:29, “O ang Dios ng mga Judio lamang? Hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman.” Ang Diyos ay Diyos ng sinuman at Tagapagligtas ng lahat.
Si Jesus ang Tagapagligatas ng lahat. Binigay Niya ang pagtutubos sa pamamagitan ng pag-alis ng lahat ng mga kasalanan ng tao sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapabautismo ni Juan at Kanyang dugo sa Krus (Mateo 3:15). Sinasabi ng kasulatan sa atin na niligtas ni Cristo ang bawa’t makasalanan sa pagpapasan ng lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at pagpasan nitong mga kasalanan sa Krus (Juan 1:29), hinatulan dahil sa mga kasalanang ito alang-alang sa atin (Juan 19). Maging sa Juan 3:16 ay sinasabi “Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Kinuha ni Jesu-Cristo bawa’t kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, namatay sa Krus, nabuhay mula sa kamatayan para sa sangkatauhan sa katuwiran ng Diyos.
 
Ang ating unawa kung sino ang tinawag ng Diyos ay dapat batay sa Kanyang salita. Upang magkagayon, ating tignan ang talata mula sa Roma 9:10-11 “At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga’y ng ating ama na si Isaac (sapaka’t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Diyos ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag).” 
Sinasabi rito na ang layunin ng Diyos ay mamalagi “doon sa tumatawag.” Sino, sa gayon, ang tinawag ng Diyos kay Jesu-Cristo? Sila ay ang mga tinawag ng Diyos sa pagitan ni Esau at Jacob, sinong inibig ng Diyos? Minahal Niya si Jacob. Hindi inibig ng Diyos ang taong tulad ni Esau, na puno ng kanyang sariling kasalanan, nguni;t tinawag Niya ang mga makasalanang tulad ni Jacob at naisilang na muli sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang pinaka-kalooban ng katuwiran ng Diyos na pumili sa mga makasalanang tulad ni Jacob.
Dahil si Adan ang ninuno ng sinuman, lahat ay isinilang bilang inapo ng isang makasalanan. Sa Awit 51; sinabi ni David na siya’y ipinaglihi sa kasalanan nang siya’y nasa sinapupunan, sila’y nagkakasala anuman ang kanilang mga determinasyon. Sa buong buhay nila, patuloy silang nagkakasala hanggang sa dulo. Sinabi sa atin ng Marcos 7:21 na gaya ng mga puno ng mansanas at peras ang tao’y nakataling mamuhay sa kasalanan dahil sila’y isinilang na may kasalanan.
Maaaring naranasan mo ng magkasala laban sa iyong katuwiran. Ito’y dahil sa pasimula pa’y isinilang ka bilang isang makasalanan. Ang tao’y isinilang na may masasamang kaisipan kasama na ang pangangalunya, pandaraya, kahalayan, at iba tulad ng kasalanan sa kanilang mga kaisipan. Yamang tayo’y isinilang na may mga kasalanan na sinalin sa atin ng ating mga ninuno, tayo’y talagang determinadong mamumuhay sa kasalanan. Ito’y kung bakit kailangan tayon manalig kay Jesus bilang ating Tagapagligtas at maniwala sa katuwiran ng Diyos.
Ibig bang sabihin ang unang gawa ng Diyos, si Adan, ay natapos sa kabiguan? Hindi. Pinasya ng Diyos na gawin ang tao bilang Kanyang mga anak, kaya pinahintulot Niyang magkasala ang tao. Pinahinhintulutan Niya tayo na maging makasalanan upang iligtas tayo ng Diyos at gawing Kanyang mga anak sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo at Kanyang dugo. Kaya, dapat nating malamang tayo’y isilang na mga makasalanan.
 
Subali’t nagpasiya ang Diyos na isugo si Jesu-Cristo sa mundong ito bago ang Paglikha, nalalamang ang tao’y magiging mga makasalanan. Kanyang nilagay kay Jesus, sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus, lahat ng kasalanan ng mundo, at namatay Siya sa Krus. Sa madaling salita, ipinasya Niyang ipagkaloob sinumang manalig sa pagpapala ng pagtubos mula sa kasalanan at pagiging mga anak ng Diyos. Ito ang plano ng Diyos at Kanyang layon sa paglikha sa tao.
Ibang tao’y maaaring magtanong sa kanilang di-pagkaunawa, “Tignan mo si Jacob at Esau. Hindi ba’t ang isa’y pinili at ang isa nama’y iniwan ng Diyos?” Nguni’t hindi walang pasubaling hinirang ng Diyos yaong mga taong nagpipilit na maligtas ng wala si Jesu-Cristo. Malinaw na pinili Niya ang bawat isa upang katuwiran Kanyang maging anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kung tatanggapin lang ang Lumang Tipan, aakalain natin na isang panig lang ang pagpili ng Diyos, nguni’t sa Bagong Tipan, walang dudang makikita natinng pinili Niya ang tao tulad ni Jacob upang iligtas lahat ng makasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Dapat tayong magkaroon ng malinaw na pagkaunawa at maniwala sa mga tinawag ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
Sa pagitan ni Esau at Jacob, sino ang tinawag at inibig ng Diyos? Tinawag Niya walang iba kundi si Jacob, isang taong puno ng mga pagkukulang, daya at kasamaan, upang ibigin at iligtas siya sa katuwiran ng Diyos. Ikaw din, ay dapat manalig sa katotohanang ito, na tinawag ka ng Diyos Ama sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa Kanyang katuwiran. Dapat ka ring manalig sa katotohanang ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na kay Jesu-Cristo ay ang tunay na katuwiran ng Diyos.
 
Kung gayon, bakit pinili ng Diyos ang gayong taong tulad ni Jacob? Pinili ng Diyos si Jacob dahil siya ang kumakatawan sa lahat ng di-matuwid na tao. Ang pagtawag ng Diyos kay Jacob ay isang tawag kaugnay sa Kanyang katuwiran; isang pagtawag na ayon sa Salita ng Diyos na “tayo’y hinirang kay Jesu-Cristo.” Ang pagtawag ding ito ay alinsunod sa Salita ng katotohanan na “ang layon ng Diyos ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag.” 
Ang paraan ng pagliligtas sa mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay upang lubusang matupad ang katuwiran ng Diyos sa Kanyang pag-ibig. Ito ang kautusan ng kaligtasang itinakda sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos para sa mga makasalanan. Para damitan sila ng Kanyang katuwiran, tinawag ng Diyos ang taong tulad ni Jacob, na walang sariling katuwiran, at yaong mga tumugon sa Kanyang pagtawag sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Tinawag ba ng Diyos yaong may sariling katuwiran at yaong mga taong wari mo’y maayos? O Kanyang tinawag yaong walang sariling katuwiran na puno ng mga pagkukulang. Ang mga taong tinawag ng Diyos ay yaong tulad ni Jacob. Tinawag at niligtas ng Diyos ang makasalanang patungong impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan. Dapat mong mabatid na pasimula sa iyong kapanganakan, ikaw din ay naging makasalanan at di-umaabot sa kaluwalhatian ng Diyos, at sanhi nito, ako’y patungong impiyerno. Kailangang mong malaman sa madaling salita, iyong totoong sarili. Tinawag ng Diyos lahat ng mga makasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at niligtas sila sa katuwiran ng Diyos.
Ang mga mamamayan ng Diyos ay yaong napawalang-sala sa pananalig sa kanyang kasalanan. Itinalaga ng Diyos na tawagin lahat ng mga makasalanan at tubusin sila ni Jesus, at natupad Niya ang Kanyang itinalaga. Ito ang pagtatalaga at totoong paghirang kay Jesu-Cristo na binabanggit ng Diyos. Upang maunawaan ang totoong paghirang ng Diyos, kailangan muna nating maunawaan ang sa likod ng katotohanan ng paghirang, gaya ng inilarawan sa Lumang Tipan. 
 
 
Ang karanasan sa paghirang ng Diyos mula sa Lumang Tipan
 
Sa Genesis 25:21-26 ay sinasabi sa atin ang kwento ni Jacob at Esau habang sila’y nasa sinapupunan ng kanilang ina, si Rebeca. Sa pagitan ng dalawa, pinili Diyos si Jacob. Binatay ni Calvin ang kanyang Doktrina ng Paghirang sa talatang ito, ngunit maya-maya’y makikita natin na ang kanyang unawa ay lumisan sa katuwiran ng Diyos. May dahilan kung bakit higit na mahal ng Diyos si Jacob kaysa Esau. Ang dahilan ay yaong tulad ni Esau, sa halip na umasa at magtiwala sa Diyos namuhay sa paniniwala sa kanilang sariling kalakasan, nguni’t ang taong, tulad ni Jacob ay namuhay na umaasa at nagtitiwala sa katuwiran ng Diyos. Kapag sinabing higit na mahal ng Diyos si Jacob kaysa kay Esau, ibig sabihin na mahal ng Diyos ang taong tulad ni Jacob. Itong dahilang kung bakit tayo’y “nahirang kay Cristo” (Efeso 1:4).
“Walang pasubaling paghirang” kung wala si Jesus at labas sa katuwiran ng Diyos ay isa lang huwad na Kristianong doktrina. Ang ideang ito ay katulad ng pagdadala at paniniwala sa isang diyos ng tadhana tungo sa Kristiyanismo. Nguni’t ang katotohana’y sinasabi sa atin na hinirang Diyos lahat ng mga makasalanan kay Jesus. Dahil pinili ng Diyos na iligtas lahat ng makasalanan kay “Jesu-Cristo,” ang Kanyang paghirang ay makatuwirang paghirang. Kung walang pasubaling hinirang ng Diyos si Jacob at pinabayaan si Esau ng walang dahilan, Siya’y magiging di-makatuwirang Diyos, nguni’t tinawag Niya tayo kay Jesu-Cristo. At upang iligtas yaong Kanyang mga tinawag, sinugo Niya si Jesus dito sa mundo upang alisin ang mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, na tumupad sa katuwiran ng Diyos, at upang dumanak ang Kanyang mahalagang dugo sa Krus. Ganito Niya pinili at inibig tayo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
Kailangan nating itapon ang ating sariling kaisipan at manalig sa Salita ng Kasulatan, hindi sa pananampalataya sa pagiging literal, nguni’t sa ating mga espirituwal na pananampalataya. Ang Diyos Ama, sa madaling salita, pinili tayong lahat sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Nguni’t paano pinakitunguhan ni Calvin ang paghirang ng Diyos? Ang tunay na pananampalataya ay masusupungan kapag ang isa’y nalalaman at nanalig sa katuwiran ng Diyos. Ang maniwala sa kaisipan ng tao bilang ang katotohanan ay katulad din ng pagsamba sa isang diyos-diyusan, at hindi sa Diyos.
Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus ay maliwanag na kakaiba sa pananalig sa maling Doktrina ng Pagtatalaga. Kung di natin alaman at nanalig kay Jesus alinsunod sa nasusulat na Salita ng Diyos wala tayong pagkakaiba sa mga animo’y halimaw na walang pag-iisip. Tayo’y napili ng Diyos bilang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng tatak ng katuwiran ng Diyos “kay Jesu-Cristo.” Kailangan nating siyasatin ang ating pananampalataya batay sa Salita ng Kasulatan.
 
Isa sa mga limang doktrina ng Calvinismo ay nagbabanggit ng “pagtubos ng may hangganan.” Inaangkin ng doktrinang ito na sa gitna ng maraming tao sa mundo, ang iba’y di-kasama sa kaligtasan ng Diyos. Nguni’t ang pag-ibig ng Diyos at Kanyang katuwiran ay di-maaring maging di-makatwiran. Sinasabi ng kasulatan sa atin na “na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan” (I Timoteo 2:4). Kung ang pagpapala ng kaligtasan ay may isang limitasyon ng pagpapala na ipagkakaloob sa iba nguni’t di-pinapahintulot sa iba, maraming tao ang susuko sa kanilang pananalig kay Jesus. Ang mga naniniwala sa gayong mga huwad na doktrina’y dapat magbalik sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, maligtas sa kanilang mga kasalanan at kamtan ang buhay na walang hanggan sa pag-alam at pananalig kay Jesu-Cristo kasama ang kanyang kasalanan.
Kung talagang minahal ng Diyos ang ilan at kinamuhian ang iba, tatalikod ang tao sa Diyos. Ating ipalagay na ang Diyos ay nakatayo ngayon dito. Kung pipiliin ng Diyos ang lahat ng nakatayo sa Kanyang kanan para sa kaligtasan at ang mga nakatayo sa kaliwa’y para sa impiyerno ng walang kadahilaan, ito ba’y makatwiran? Ang mga nasa kaliwa ng Diyos ay walang pagpipilian kundi ang maging laban sa Diyos. Kung ang Diyos ay katulad nito, sino sa mundong ito ang makapaglilingkod at sasamba sa Kanya bilang tunay na Diyos? Ang lahat ng walang–pasubaling kinamuhian ng Diyos ay tututol at dahil dito, sila rin, ay mamumuhi sa Diyos. Kahit pa ang mga Kriminal sa mundong ito ay sinasabing mayroon din silang sariling mga kabutihan at mga katwiran. Paano, kung gayon, magiging di-makatwiran ang ating Diyos, at sino ang maniniwala sa di-makatwirang Diyos?
 
Ipinasya ng ating Ama na iligtas lahat ng mga makasalanan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos na masusumpungan sa Kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Itong dahilan kung bakit ang Doktrina ng Limitasyon ng Pagtubos ng Calvinismo ay walang kinalaman sa katuwiran ng Diyos. Nguni’t dahil sa gayong mga maling doktrina, sa kasamaang–palad maraming tao ang naliligaw pa rin, nanalig sa Diyos ng may maling paraan o lumalayo sa Kanya, lahat nagmula sa kanilang mga sariling maling unawa.
 
 
Isang di-makatotohanang pelikula
 
Ang nobela ni Stephen King na pinamagatang, “The Stand,” ay nilikha bilang isang serye sa TV mga ilang taon na ang nakalipas, at lubos na kinilala sa buong mundo. Ang banghay ng nobela ay naglalahad ng tulad nito: Sa taong 1991, isang salot ang dumating sa Amerika, ilang libo lang ang tao ang natirang nabuhay, sila’y di-tinatablan sa epidemya. Sa mga nakaligtas, yaong may mga katutubong ugali na naglilingkod sa Diyos ay nagkita-kita sa Boulder, Colorado, nguni’t yaong mga sumasamba sa “Taong Maitim” ay pinatungong Las Vegas, Nevada. Ang dalawang pangkat ay magkahiwalay na nagtatag muli ng lipunan, hanggang sa kailangang wasakin ang isa’t isa.
Sa mga nakaligtas isang batang lalaki nagngangalang Stuart ay pauli-ulit na nanaginip na ang katapusan ng mundo’y dumating na, isang matandang babaeng si Abigail nagsasabi sa kanyang mga panaginip na pumunta sa isang lugar, nagpapaalala sa kanya na pinili siya ng Diyos. Sa pelikulang ito, niligtas ng Diyos ang batang lalakeng ito dahil itinalaga Niya siya bago pa ang paglikha, kahit pa hindi siya naniniwala sa Diyos o kay Jesus.
Kung gayon, ang Diyos ba’y walang–pasubaling niligtas yaong hindi man lang naniniwala kay Jesus? Hindi. Itinalaga ng Diyos ang bawa’t isa kay Jesu-Cristo upang iligtas ang mga nanalig sa Kanyang katwiran mula sa kanilang kasalanan.
Ang kwento sa pelikulang ito ay hango sa Doktrina ng Pagtatalaga at Paghirang ni Calvin. Ang pelikulang ito ay isa lang kwento na nagsasabi ng isang bahagi ng doktrina ng teolohiya. Paanong di-makatwirang magpapasya ang Diyos na magpapadala ng tao sa impiyerno at maghihirang naman sa iba para sa kaligtasan? Dahil ang Diyos ay matuwid, itinalaga at hinirang Niya ang sinuman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at wala ni isa ang nahadlangan ng kaligtasan ng Kanyang katuwiran. Ang paghirang at pagtalaga ng Diyos nang wala si Jesu-Cristo ay walang-saysay at di hango sa Biblia. Sa kasamaang-palad maraming mga teolohiya ang patuloy na umaangkin na hinirang ng Diyos ang ilan habang kanyang pinabayaan ang iba.
Kahit bago pa Niya likhain ang kalawakan nagplano ang Diyos na ililigtas lahat ng mga makasalanan at gawin silang Kanyang mga anak ng Kanyang katuwiran sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Hinirang Niya, sa madaling salita, lahat ng mga makasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesus. Paano, samakatuwid, ka nanalig?
Naniniwala ka ba ang mga mongha ng Budismong nagninilay-nilay sa mga bundok ay di-kabilang sa paghirang ng Diyos? Kung ang paghirang at pagtatalaga ng Diyos ay walang-pasubali na wala si Jesu-Cristo, hindi na kailangan pang ipangaral natin ang Kanyang Salita, na maniwala rito. Kung wala ang Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, ang ibang tao’y nakatalagang maligtas at ang iba nama’y hindi, tiyak na hindi na kailangan pa para sa mga di-mananampalataya ang manalig kay Jesus. Na niligtas tayo ni Jesus mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus, sa huli’y, magiging walang-saysay din ito. Nguni’t sa katuwiran ng Diyos ay matatagpuan si Jesu-Cristo, hinayaan ng Diyos ang kaligtasan kahit pa sa mga mongha ng Budismo na hindi nanalig kay Jesus, kung sila lang ay magsisi at ituon ang kanilang mga isip sa Diyos.
 
Maraming tao sa mundong ito ang namumuhay para kay Jesus. Hahatiin natin sila sa dalawang pangkat, isang pangkat ay katulad niyaong si Esau at ang isa ay tulad niyaong kay Jacob. Ang taong tulad ni Jacob ay pinakikilala ang kanilang sarili bilang makasalanan na patungong impiyerno, at tulad nito, ay maliligtas mula sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ni Jesus. Ang ibang pangkat ay binubuo ng mga taong tulad ni Esau, nagtatangkang pumasok sa mga pintuan ng langit dahil sa pagdagdag ng kanilang mga sariling pagsisikap sa kanilang pananampalataya kay Jesus.
Sinong tulad mo? Si Jacob o si Esau? Naniniwala ka ba sa katuwiran ng Diyos? O ika’y naniniwala sa mga maling Doktrina ng Pagtatalaga? Ang iyong pagpili sa pagitan ng dalawang pananampalataya, ang magpapasiya kung saan ka mahahantong–sa langit o sa impiyerno. Dapat mong itapon ang mga ganitong maling doktrina at kamtin ang katuwiran ng Diyos upang makipag-payapa sa Kanya dahil sa pananlig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, binanggit ng katuwiran ng Diyos. Sa ganitong pananampalataya lamang ang magbibigay sa atin ng ganap na kalayaan mula sa ating mga kasalanan at buhay na walang hanggan.