(Roma 8:31-34)
“Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampin natin, sino ang laban sa atin? Siya, na hindi ipinagkait ang Kaniyang sariling Anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay? Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap. Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Dios, na Siyan naming namamagitan dahil sa atin.”
Kung naipasiya na ng Diyos na balutan tayo ng Kanyang katuwiran kay Jesu-Cristo kahit bago ang paglikha, kaya’t walang sinuman ang maaaring gumambala sa atin. Sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, at hindi sa pamamagitan ng Doktrina ng Pagwawalang-sala, ang mga naging tunay na walang kasalanan ay ang tunay na mga anak ng Diyos.
Tulad nito, hindi lahat ng mga relihiyosong tao ay tama. Iilang tao’y inuusig dahil lang sa kanilang pananalig kay Jesus ngayong mga panahon, ngunit maraming tao na nakakaalam ng katuwiran ng Diyos ay mga nausig na. Subali’t, ang mga taong naging anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran ay di na maihihiwalay sa Diyos. Kung binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang katuwiran, sino ang laban sa atin?
Binigay ng Diyos ang lahat ng bagay sa atin bilang isang handog
“Siya, na hindi ipinagkait ang Kaniyang sariling Anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Roma 8:32)
Sa mga tumanggap ng katuwiran ng Diyos dahil sa pananalig sa Kanyang Anak binigay ng Diyos ang lahat ng bagay bilang isang handog – ang Kaharian ng Langit, ang karapatang maging anak ng Diyos, ang biyaya ng pang-unawa sa Kanyang Salita, ang pagpapalang mabuhay bilang mangagawa ng katuwiran, at ang pagpapalang buhay na walang hanggan.
Binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang Anak upang tayo’y maging Kanyang anak. Ano pa ang hindi Niya ipinagkaloob sa atin. Binigyan ng Diyos ang mga taong nagtamo ng tunay na pananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran lahat ng pagpapala ng langit at lupa. Ang mga mananampalataya at mga lingkod ng Diyos ay nagpupuri sa Kanya magpakailanman dahil sa Kanyang katuwiran.
Sino ang magsasakdal ng anomang laban sa mga hirang ng Diyos?
“Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap. Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Dios, na Siyan naming namamagitan dahil sa atin” (Roma 8:33-34).
Walang makapagsasakdal laban sa taong pinili ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran kay Jesu-Cristo para kay Jesus, dahil sa katuwiran ng Diyos, napalaya sila sa kanilang kasalanan. Ang taong nananalig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay wala ng kasalanan sa kanilang mga puso. Ito’y dahil ang Diyos, wala ng iba, ang gumawa sa mga nananalig sa katuwiran ng Diyos na maging walang kasalanan. Ang Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo, ay naparito sa mundo bilang sa laman ng isang tao, binautismuhan ni Juan Bautista, kinuha Niya ang pasan ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan, namatay sa Krus at nabangong muli mula sa kamatayan sa ikatlong araw at naging Panginoon ng mga nananalig.
Itong dahilan kung bakit hindi natin masasabi na sila na naging mga matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, ay mga makasalanan at mga gumagawa ng masasama. Kahit ngayon, kinikilala ng Diyos ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos. Bilang katibayan nito, ang Banal na Espiritu ay nananahan sa ating mga puso. Kaya nga walang sinuman ang maaaring manirang-puri sa katuwiran ng Diyos o sa mga taong ang kasalanan ay napatawad na sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran.
Ang katuwiran ng Diyos ay lumitaw sa pamamagitan ng bautismo ni Jesu-Cristo, ang pagdanak ng Kanyang dugo sa Krus, at Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli. Si Jesu-Cristo, matapos maisakatuparan lahat ng katuwiran ng Diyos, nakaupo sa kanang kamay ng Diyos bilang ating Tagapagligtas at tagapamagitan.