(Roma 8:31-34)
“Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampin natin, sino ang laban sa atin? Siya, na hindi ipinagkait ang Kaniyang sariling Anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay? Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap. Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na Siyang nasa kanan ng Dios, na Siyan naming namamagitan dahil sa atin.”
Sa Roma 8:31-34, pinatotoo ni Pablo ang di-maihiwalay na pag-ibig ni Cristo sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagbubuod ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at marating ang huling pagpapasiya. Ipinapahayag ng mga talatang ito ang dakilang kagalakan ng kaligtasang narating sa tuktok ng pananampalataya.
Sinabi ni Pablo sa Roma 8:31, “Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” Tulad ni Pablo, naranasan natin na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay nagniningning habang lumilipas ang panahon at nagiging lalong dakilang ebanghelyo ng kaligtasan habang marami ng ating mga kahinaan ay nahahayag. Kapag lalo tayong naglilingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, lalo tayong napupuno ng matibay na paniniwala at galak.
Tinawag ni Pablo ang ebanghelyong kanyang sinasamplatayanan bilang, “aking ebanghelyo” (2 Timoteo 2:8). Ang ebanghelyong pinatotoo ni Pablo ay walang iba kundi ang pananalig sa bautismo at ang dugo ni Jesus.
“Aking ebanghelyo” Na pinangangaral ni Pablo ay di tumutukoy sa ebanghelyo ng Krus na pinapaniwalaan ng mga relihiyosong tao, bagkus ito ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na nagpapahayag ng pagpapala na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sangkatauhan nang minsanan.
Sa pamamagitan ng ebanghelyong ito si Pablo’y nagkaroon ng malaking tapang. Yamang natamo niya ang kapatawaran sa mga kasalanan, puno ng Katuwiran ng Diyos ang kanyang puso kaya ang kanyang puso ay puspos rin ng Banal na Espiritu. Inilaan niya ang kanyang sarili sa pagbibigay patotoo sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ng kanyang buong buhay. Ang Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay may kapangyarihan at karapatang alisin ang kasalanan ng sangkatauhan ng minsanan.
Sino, sa ngayon, ang makapangahas na lumaban sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na sinasampalatayanan ni Pablo? Wala ni isa! Sinasabi ng Roma 8:31 sa atin, “Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” Sino sa mundong ito ang laban sa mga nananalig sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Nang iligtas ng Diyos ang tao sa kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sinong makapagwawalang halaga sa kanyang kapangyarihan? Hindi yaong nananalig kay Jesus sa pangalan lamang ni satanas mismo ay maaaring lumaban o manalo sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Pinawalang-sala Niya tayo ng minsanan
Sinasabi sa Roma 8:29-30, “Sapagka’t yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid: at yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya.”
Dito’y sinasabi sa atin na ang Dios Ama ay nagplano upang iligtas lahat ng mga makasalanan kay Cristo at tinawag sila sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hinugasan ang kanilang mga kasalanan ng minsanan upang sila’y magingK mga anak. Nang pinalaya ng Panginoon ang lahat ng mga makasalanan mula sa kanilang mga kasalanan sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sinong sasalungat sa Kanyang ginawa?
Sino ang posibleng lumaban at magtagumpay sa mga naging matuwid dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ito’y walang saysay. Dapat mong malaman na ang sinumang laban sa mga naging matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay laban sa Diyos mismo. Dapat kang manalig sa ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu upang maligtas sa lahat ng iyong mga kasalanan anuman ang halaga. Kung sa iyong isipan at puso’y ikaw ay salungat sa ebanghelyo ng katotohanan, kaya’t hindi ka maliligtas sa iyong mga kasalanan at ika’y hahatulan tungo sa impiyerno.
Walang sinuman ang maaaring laban sa mga nagtataglay ng katuwiran ng Diyos
“Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Roma 8:31). Na ang Diyos ay para sa atin naglalarawan sa katotohanang inalis Niya lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at niligtas tayo. Sino, kung gayon, ang nagiging laban sa mga natubos na sa kanilang mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at sinong makapagsasabing na ang gayong pananampalataya ay mali? Ito’y isang walang saysay na pagsasanay sa walang kabuluhan. Inayunan ng Diyos ang pananampalataya ng mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Paanong ang sinuman ay makapaghahamon dito? Inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus. Sinong makapagsasabi na ang mga nananalig dito ay mali? Wala kahit isa!
Sinabi ni Pablo sa Roma 6:3, “O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kanilang kamatayan?”, ibig sabihin ni Pablo na siya’y nanalig sa bautistmo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus, kung saan lahat ng kasalanan ay inilipat kay Jesus at nilinis, at sa pamamagitan nito si Pablo ay namatay at bumangong muli kasama si Jesus.
Sa Galacia 3:27 ay sinabi rin sa atin, “Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Sinasabi ng talatang ito sa atin na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, pinako sa Krus dahil sa mga kasalanang ito, at bumangong muli, lahat upang igawad sa atin ang pagpapala na ang mga nanalig sa katotohanang ito ay magiging mga anak ng Diyos.
Ang pananampalataya ni Pablo ay nakabaon sa paniniwalang siya’y nabautismuhan kay Jesus, namatay sa Krus kasama Niya, at bumangong muli kasama Niya. Samakatuwid, minsang mananalig ka sa bautismo ni Jesus, lahat ng iyong mga kasalanan ay mahuhugasan at ika’y magiging anak ng Diyos dahil sa pagbangong-muli kasama si Cristo.
“Ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Sa ibang salita, ang mga nanalig na si Jesus ay naparito sa mundo at binautismuhan ni Juan Bautista upang kuhanin ang lahat ng kasalanan ng mundo, ay binautismuhan kay Cristo. Dagdag nito, naniniwala rin silang namatay sa Krus kasama si Jesus, at dahil sa kanilang pananampalataya sila’y bumangong muli kasama Niya.
Ang sinumang nananalig sa bautismo ni Jesus at sa kanyang dugo samakatuwid ay maliligtas mula sa kanyang mga kasalanan. Tulad ng katiyakang si Jesus ay ang Anak ng Diyos, ang mga natubos sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo at dugo ni Cristo ay magiging mga anak ng Diyos. “Ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” Nang tayo’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ibinihis natin ang Katuwiran ni Cristo upang maging mga anak ng Diyos.
Nagsalita si Pablo ukol sa bautismo ni Jesus dahil tumanggap siya ng malaking pagpapala dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngunit marami pa ang tatanggap ng gayong pagpapala mula sa Diyos na nanggagaling sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Maraming tao ang nag-aakala na ang ebanghelyong pinangangaral ni Pablo ay ang ebanghelyo ng Krus, ngunit ang katotohanang siya’y nananalig at pinapalawig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pinagsasama ang bautismo ni Jesus at kanyang dugo sa Krus.
Bakit, kung gayon, ang mga tagasunod ni Jesus ngayon ay di nalalaman ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu pinangangaral ng panahon ng Unang Iglesia ay nagbago kasama ng panahon. Sa panahon ng Naunang Iglesia, lahat ng mga nananampalataya’y nanalig at nagaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Dumating ang panahon, subalit, ang ebanghelyo ay binago at pinangaral ni Cristo habang ang Kanyang bautistmo at unti-unting isinasantabi. Dito’y maipapaliwanag kung bakit, kahit ngayon, maraming tao ang nananalig sa dugo lamang ni Cristo, lumilihis sa tunog ng ebanghelyo ng panahon ng Naunang Iglesiya.
Ang mga taong ito ay taglay pa rin ang kasalanan sa kanila. Sila’y mangmang sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kung saan ang Kaloob ng Diyos ay inihayag, at tulad nito, sila’y mga makasalanan pa rin, at sila’y sumasalungat pa rin sa Katuwiran ng Diyos, kahit pa sinasabi nilang naniniwala sila kay Jesus.
Anong makikita ng taong bulag sa espirituwal? Maaring nakikilala ng bulag ang isang elepante sa pamamagitan ng paghawak. Maaaring mahawakan ng bulag ang binti ng elepante at sabihing ito’y isang haligi, ngunit ang isa pang bulag ay maaaring hawakan ang ilong nito at sabihing ito’y isang mahabang bagay, sapagkat hindi pa siya nakakita ng elepante. Gayon din, ang isang taong bulag sa espirituwal ay di makapagsasabi ng kadakilaan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Samakatuwid, ang mga hindi nakakaalam ng pagpapala ng tubig at ng Espiritu ay di maipangangaral ito. Ang mga nakakita na ay maaaring madaling maunawaan ang nais sabihin sa salita ng nagpapaliwanag, ngunit ang isang bulag ay hindi talaga mauunawaan.
Ang tao’y isinilang na makasalanan. Dahil tayo’y espirituwal na mga makasalanan mula sa ating pagsilang, hindi natin nalalaman ang katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga nananalig lamang sa dugo sa Krus ay lumikha ng bagong salin ng Kristiyanismo sa kanilang sarili. Paanong mahuhugasan ang kanilang mga kasalanan kung inaangkin nilang nananalig sila kay Jesus ngunit sa dugo lang sa Krus? Kundi’y parami ng parami ang mga kasalanan ang masasalansan habang lumipas ang panahon.
Ang mga naniniwala lang sa dugo ni Jesus bilang kaligtasan ay yaong mga hindi pa nagigising sa espirituwal. Ngunit maliwanag na sinasabi ni Jesus sa atin sa Juan 3:5, “Maliban na nag tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” Samakatuwid, dapat tayong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu upang mapagpala ng kaluwalhatiang maging mga anak ng Diyos at pumasok sa Kanyang kaharian.
Magmula ng manalig si Pablo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa pamamagitan ng pananampalataya kanyang sinabi, “Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Roma 8:31) Maaari bang maging laban sa Diyos ang mga nakakabatid ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Maaari silang laban sa mga anak ng Diyos, ngunit hindi sila nagtatagumpay laban sa kanila. Ang mga nananalig lang sa dugo sa Krus ay hindi mananalo laban sa mga nananakop sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mga laban sa katuwiran ng Diyos ay magiging Kanyang kaaway at hindi matatanggap ang Kanyang mga pagpapala. Walang sinomang makatatanggap ng kaligtasan o magkakaroon ng pananampalatayang magdadala sa kanya sa langit nang hindi nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang ebanghelyo kung saan inihayag ang katuwiran ng Diyos. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay madadaig ang bulaang ebanghelyo at magbalik sa tunay. Ang mga anak ng Diyos ay madadaig ang sanlibutan at ang diablo mismo.
Ang iba’y hindi nauunawaang mabuti ang bautismo at Kanyang dugo, at ang kanilang maling unawa ay inaakay sila sa maling pananampalataya. Kung naniniwala ka sa dugo sa Krus ngunit hindi binibigyang pansing mabuti ang pagkamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng bautismo ni Jesus, kung gayon ang iyong pananampalataya’y mali.
Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa harap ng Diyos ay ang mga magtatamo ng Kanyang katuwiran at kamtan ang tunay na pananampalataya. Sinasabi ng Diyos na ang mga nananalig lang sa dugo ng Kanyang Anak sa Krus ay nagkakamali. Ang mga di nananalig sa Kaniyang katuwiran ay di naniniwala o kumikilala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ngunit yaong nananalig sa Kanyang katuwiran ay nananalig din na ang dugo ni Cristo sa Krus at sa Kanyang bautismo ay inalis ang kanilang mga kasalanan.
Dapat nating itapon ang katigasan ng ating ulo. Ang mga di-sumasang-ayon sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay iginigiit na ang kanilang mga paniniwala ay totoo. Ang mga nananalig lamang sa dugo ay mayroon lamang kalahating pananampalataya sa Kanyang katuwiran. Yaon lamang nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu ang may buong pananampalataya at sila lang din ang nananalig sa Katuwiran ng Diyos at magkakamit ng Kanyang katuwiran (Mateo 3:15, 11:11).
Ang mga aklat na isinulat ng mga nananalig lamang sa dugo ay ginagawang basura ang papel. Ang mga doktrinang tinatalakay ng mga teolohika ay sinasawalang bahala ngayon ng mga Kristiyano, ngunit ang Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu ay tumatanggap ng maraming pansin. Ang katotohanang ito ay nananatili magmula ng Panahon ng mga Apostol ay di-magbabago. Ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailan man, ngunit ang mga taong nananalig lang sa dugo ay nabubura sa ala-ala ng mga tao. Anong dahilan? Dahil ang dugo, na mayroong kalahati ng Katuwiran ng Diyos, ay walang epekto sa mga makasalanan mismo.
Sa tahasang pananalita, karamihan ng mga Kristiyano o hindi, ay nakakagawa ng maraming kasalanan. Ang doktrinang gumigiit lang sa dugo sa krus ay nagtuturo sa tao na manalangin para sa kapatawaran sa tuwing sila’y magkakasala, ngunit gaano kahaba silang mananalangin para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan? Anuman ang sabihin nila, hindi nila makakamit ang kapatawaran sa mga kasalanan.
Si Jesus ba’y naparito sa mundo at dumanak lang ang dugo nang hindi nabautismuhan? Alam ninyong ito’y hindi totoo. Si Jesus ay naparito sa mundo at kinuha lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo (Mateo 3:15). Siya’y nabautismuhan ni Juan bago siya magbubo ng dugo sa krus, pinahintulot siyang mapako sa krus. Ganito natupad ni Jesus ang lahat ng Katuwiran. Hindi na kailangan para sa iyo na umiyak para sa Kanyang awa upang araw-araw na mapatawad ang iyong mga kasalanan kung nanalig ka sa bautismo ni Jesus na tinanggap mula kay Juan. Sa halip manalig sa Katuwiran ng Diyos at tanggapin ang buong kaligtasan.
Si Jesus ay binautismuhan upang kuhanin lahat ng mga kasalanan ng mundo sa kanyang balikat at napako upang hatulan para sa mga kasalanan ng mundo ng minsan para sa lahat. Ang katubusan ay makakamit lang sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at kanyang dugo.
Binigay ba ni Jesus sa atin ang kaligtasang higit sa ating mga kasalanang nagagaw?
Ang pagtutubos na binigay ni Jesus ay malaylng dakila kaysa sa lahat ng mga kasalanang ating nagawa at gagawin. Kung ang bautismo ni Jesus at kanyang dugo ay di dakila kaysa sa mga kasalanan ng sangkatauhan, kung gayon ay di tayo makakapanalig kay Jesus bilang Tagapagligtas ni makamit ang katubusan. Subalit, ang kabutihan ng puso ay napakadakila na Kanyang inalis ang mga kasalanan ng mundo ng minsanan sa pamamagitan ng kanyang bautismo.
Gayon din, ang pintuan sa Langit ay bukas na bukas, ngunit walang makapapasok sa pintuang ito nang di nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ikaw maaaring laban sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ngunit hindi ka makakapagtago sa kakila-kilabot na hatol ng Diyos. Sa makatuwid, huwag akalaing ikaw ay magtatagumpay sa pananampalataya sa bautismo at dugo ni Jesus, kung saan ang Katuwiran ng Diyos ay natupad.
Marami sa mga laban sa ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu ay mga laban din kay Apostol Pablo. Ngunit walang makapapagsasabi na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na pinapanaligan ni Pablo ay mali. Hindi lang nila tinanggap na si Jesus ay ang Anak ng Diyos at kanilang Tagapagligtas.
Sa Roma 8:32 ay sinasabi sa atin, “Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?” Sinugo ng Diyos Ama ang Kanyang bugtong na Anak sa mundo at ginawa Niyang pasanin lahat ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang bautismo, namatay sa Krus, at bumangon muli mula sa kamatayan upang palayain tayo mula sa ating mga kasalanan.
Upang iligtas tayo mula sa mga kasalanan ng mga sanlibutan at gawin tayong Kanyang mga anak, tulad ni Jesus, binigay ng Diyos Ama sa atin ang kanyang bugtong na Anak, upang magawa ng Diyos sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig Espiritu, Kanyang mga anak at ang pinagpala at matuwid, sinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang bautismuhan. Nagplano ang Diyos na ibahagi sa lahat ng tao ang kanyang mga makalangit na pagpapala at ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang isa sa mga pagpapalang ito ay ang maging kanyang anak sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu.
“Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Roma 8:32) “Lahat ng bagay” dito ay tumutukoy sa mga handog ng Diyos. Anong kaloob? Binigay ng Diyos sa mga tumanggap kay Jesus at nanalig sa Kanyang pangalan ang karapatang maging kanyang mga anak. Ito ay ang, yaong mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay naging mga anak ng Diyos. Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay walang kasalanan. Sila’y mga matuwid at tunay na pinawalang salang mga anak ng Diyos.
Ang mga naging anak ng Diyos dahil sa pananalig sa lahat ng mga ito ay pagkakalooban sa Isang Libong Taong Paghahari at ang Kaharian ng Langit.
“Ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay” ay binigyang-kahulugan ng iba bilang pagbibigay kaloob ng Banal na Espiritu. Inakala nila, “Ibig bang sabihin nito na kapag nanalig tayo kay Jesus, ang Banal na Espiritu ay ibibigay sa atin ng hiwalay?” Hindi ito wasto dahil kung ika’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tatanggapin mo ang paghuhugas ng iyong mga kasalanan at ang Banal na Espiritu lahat ng minsanan. Ang Banal na Espiritu ay di maaaring Manahan sa pusong masama. Ang Banal na Espiritu ay mapapasaatin agad kapag lahat ng ating mga kasalanan ay napatawad.
Marami pa ang para sa mga mananampalataya kaysa sa pagtanggap sa Banal na Espiritu. Ang mga kaloob ng Diyos ay di matatapos hanggang ang lahat ng mga pagpapalang langit ay naibigay sa atin. Sa mundong ito, ang tao’y nag-iisip na ang gayong mga kakayahan tulad ng pagpapagaling, pagsalita ng mga ibang wika, at paghuhula ay mga kaloob, ngunit ang mga kaloob na binanggit sa talatang ito ay tumutukoy sa lahat ng mga pagpapamakalangit ng bagay na inaangkin ng ating Ama. Ang mga kaloob, si Pablo ay tumatalakay ukol sa lahat ng mga bagay na ipinagkakaloob ng Diyos sa Kanyang mga anak na taglay ang Kaloob ng Diyos.
Sinabi ng Diyos na ibibigay Niya lahat ng mga mabubuting bagay bilang isang kaloob sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Binigay ng Diyos ang kaloob ng pasilong na muli sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga Kristiano’y nagtitiis ng lubos habang nabubuhay sa mundong ito ngunit kapag dumating na ang Kaharian ng Diyos, sila’y pagkakalooban ng luwalhati ng Langit.
Huwag mong sabihin ika’y hinirang ng walang dahilan
Sa Roma 8:33-34 ay sinasabi, “Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios? Ang Dios ay ang umaaring-ganap; Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya naming namamagitan dahil sa atin.”
“Sino ang magsasakdal ng anomang laban sa mga hirang ng Diyos?” Makapagsasakdal ka ba laban sa mga niligtas ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Hindi!
Sinambit ng mga teolohiya ang sinabi ng Calvin na ang iba ay walang pasubaling pinili habang ang mga iba nama’y hindi. Subalit, hindi natin dapat gamitin ang salitang “Walang pasubali” sa presensiya ng Diyos. Sa paggamit nito, pinapatunayan nilang hindi nila nakikilala ng lubos ang Diyos, at ang kanilang mga doktrina ay huwad. Ang ibig sabihin ng walang pasubaling pagpili na ang Diyos ay umiibig sa iba ng walang dahilan at namumuhi sa iba ng walang kadahilanan. Paano nating masasabi na ang Diyos ay matuwid gayong iniibig Niya ilan at namumuhi sa iba? Hindi ito ang ating Diyos. Iniibig ng Diyos at kinakandili ang lahat ng sangkatauhan kay Cristo.
Dito, sa talatang 32 ay sinabi, “Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?” Binigay sa atin ng Diyos ang Kanyang Anak upang iligtas ang sangkatauhan. Sa pamamagitan Niya, ginawa ng Diyos na tayo’y manalig na inalis Niya lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang salita ng tubig at ng Dugo. Sa talatang 33 ay nasusulat, “Sino ang magsasakdal ng anomang laban sa mga hirang ng Diyos?” dito, ang salitang “hirang ng Diyos” ay di-nagpapahiwatig na pinipili ng Diyos ang ilan ng walang pasubali. Pinipili ng Diyos ang mga di-mabubuhay ng wala si Jesus at yaong wala ang kanilang mga sariling Katuwiran upang damitan sila ng Kanyang Katuwiran.
Ang mga pinili sa pamamagitan ng Katuwiran ng Diyos ay yaong mga nanalig at nanatili sa katotohanan na si Jesus ay naparito sa mundo, nabautismuhan, at inalay ang kanyang sarili sa krus, upang alisin ang lahat ng ating mga kasalanan. Sila ang mga naligtas sa mga kasalanan ng sanlibutan at dinamtan sila ng Kanyang katuwiran.
Sino, kung gayon, ang makapagsasakdal laban sa mga matuwid? Wala ni isa! Walang makapagsasabing ang ating pananampalataya ay mali. Walang makapaghahatol sa mga naligtas na sa kanilang mga kasalanan at mga nahirang bilang mga anak ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mali, ni makapagsasakdal laban sa kanila sa harap ng Diyos.
Ang ibang tao’y namamali ang hatol sa mga dinamtan ng Katuwiran ng Diyos dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngunit iyan ba’y tama? Hindi! Ang pananampalataya ng mga hinirang na maging matuwid sa presensiya ng Diyos ay di mahahatulan ng mali ninuman.
Sinong makapagsasabi na ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga makasalanan at nahatulan ng mali ang kanilang mga pananampalataya? Matagal na nating pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kung saan ang Katuwiran ng Diyos ay nahayag, sa lahat ng tao sa mundo.
Ngunit walang makapagsasakdal laban sa atin sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Iilan lang ang nagtanong sa atin na sang-ayunan ang pananampalataya sa dugo lang sa krus. Kahit sila ay mali.
Ang tunay ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ebanghelyo ng naglalaman ng Katuwiran ng Diyos. Ito ang tunay na ebanghelyo, at lahat ng ibang ebanghelyo ay hindi buo. Si Apostol Pablo, na nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sinabi na walang ibang ebanghelyo maliban dito sa totoong ebanghelyo, at kanyang iginiit, “Na ito’y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo’y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinatanggap na, ay matakuwil” (Galacia 1:7-9).
Walang makapagsasabi na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay hindi hango sa Biblia. Ang mga di nananalig sa ebanghelyo ng ubig at ng Espiritu ay salungat dito. Kung nananalig ka sa ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay binigay ng Diyos ay huwad, kung gayon sige at magprotesta ka sa Diyos. Tayo rin, ay dapat at may kakayahang lumaban sa mga huwad na ebanghelyo na iginigiit lang ang dugo sa Krus. Paanong maipapako si Jesus para sa ating kasalanan nang hindi muna Niya kinukuha ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang bautismo?
Huwag mong sabihin na ang mga mananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay may mga kasalanan
Upang “isakdal” ay nangangahulugang hingin ang hatol sa isang pagliligtas. Ang tanging makapagsasakdal laban sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang mga gumagawa ng masama. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay may pananampalataya sa Katuwiran ng Diyos, kaya sinong makahahatol ng mali sa kanilang pananampalataya? Sinong makapagsasabing sila’y mali? Walang sinuman ang maaaring mag-akusa sa mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pagkakaroon ng anumang kasalanan.
“Ang Diyos ang umaaaring ganap” (Roma 8:33), sinong makapagsasabing ang mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay magiging walang kasalanan? Tanging ang Diyos lang. Pinahayag Niya sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran na ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang umaring-ganap.
“Umaring-ganap” ay di angkop sa mga taglay pa rin ang kasalanan, ngunit angkop lang sa mga taong ang mga kasalanan ay lubusang napatawad, sila’y naging “walang kasalanan at inaring ganap.” Kapag sinabi ng Diyos na ang nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay walang kasalanan, sinong mangangahas na magsabi na sila’y mali at di taglay ang Katuwiran ng Diyos? Walang teolohiya ang makapagsasabi nito.
Ang Kristianismo ngayon ay nasira sa pamamagitan ng Doktrina ng Pagpapabanal na nagsisikap na makamit ang relihiyosong kabanalan. Isang teolohiya sa Inglatera, matapos tanunging, “Ang iglesia ba ng Diyos ay banal?” inangking ang Iglesia ng Diyos, din, ay may mga kasalananiraan. Maliwanag, na ang teolohiyang ito ay di nababatid ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ni may pananampalataya sa Katuwiran ng Diyos.
Ngunit bawat mananampalataya sa Iglesia ng Diyos ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at lubos na walang kasalanan. Bagaman siya’y mahina sa laban, siya’y ganap pa rin at ang walang kasalananiraang Katuwiran ng Diyos.
Ang bawat isa ba sa Iglesia ng Diyos ay walang kasalanan? Oo! Ang iglesia ay isang lugar kung saan ang mga mananampalataya’y binanal at walang kasalanan ay nagtitipon ng sama-sama kay Cristo. Kung ang mga mananampalataya’y may kasalanan, kung gayo’y hindi sila mga anak ng Diyos. Paano sila binanal? Ito’y dahil sa pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nagpawalang sala sa kanila dahil sa natamong Katuwiran ng Diyos. Sinabi ng teolohiya na maging ang iglesia ng Diyos ay may mga kasiraan dahil hindi siya naniniwala ni nalalaman ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Sinong mangangahas na magsabing ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay mga makasalanan? Ang Diyos ang “umaring-ganap” sa kanila. Tayo ba’y maaaring, yaong nanalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu, ay magkakasala dahil lang sa ating mga kahinaan? Hindi! Kayo ibig sabihin na tayo’y walang kasalanan kahit pa tayo’y nagkakasala pa? Oo, wala tayong kasalanan! Itong dahilan kung bakit kailangan tayong manalig sa Ebanghelyo ng Tubig at ng Espiritu. Ang tao’y di kagustuhan ang magkasala ng may dahilan, ngunit dahil sa kanilang mga kahinaan.
May mga iilan ang nagnanais, na magkasala, halos lahat ng mga kasamaan ay sanhi ng mga kahinaan ng tao. Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay di taglay ang kasalanan sa kanilang mga puso dahil taglay niya ang Katuwiran ng Diyos. Tayo ay walang kasalanan dahil inalis na ng Diyos lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Kayo sinasabi ng Biblia, “Ang Diyos ang umaaring-ganap.” Ang Diyos ang naghahayag na ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay walang kasalanan dahil natamo nila ang Katuwiran ng Diyos. Tayo’y napalayo sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Kung hindi inalis ni Jesus kahit ang ating mga kinabukasang kasalanan paano tayo matutubos sa ating mga kasalanan at paano nating masasabi na tayo’y hindi na mga makasalanan pa? Kung tayo, matapos manalig sa Katuwiran ng Diyos, magkakasala at mamumuhay sa kasalanan, kung gayo’y hindi pa tayo lubos na binanal, o kaya pawalang-karapatan ang ating katubusan, at sa gayo’y italagang pabalik sa impiyerno? Ang sapat ay hindi! Kung ang ating kaligtasa’y nagmula sa sariling pagbabanal sino sa mundo ang maliligtas? Wala ni isa! Wala ni isa ang mamumuhay ng ganap sa laman at mapapabanal sa pagsunod sa mga kautusan ng lubusan. Kaya sinasabi ng Biblia, “Walang matuwid, wala wala ni isa” (Roma 3:10).
Likas sa tao ang di-maaaring tumanggap ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling gawa
Sinugo ng Diyos ang kanyang bugtong na anak, binautismuhan ni Juan Bautista, at Siya’y namatay sa krus upang iligtas ang buong sangkatauhan mula sa mga kasalanan ng mundo. Ang mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay naging mga matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay kung bakit mayroong mga matuwid kahit pa sa mundong ito. Si Abraham din ay naging amo ng pananampalataya dahil sa pananalig sa salita ng Diyos.
Kahit pa maraming mga Kristiyano ang nagsasabi na matatanggap ang Katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Doktrina ng Pagwawalang sala, sa katotohana’y sila’y mga mangmang. Ano ang Katuwiran ng Diyos? Ito’y malayang kakaiba sa Katuwiran ng tao, ngunit ang katarungan ng Diyos. Sa anong ebanghelyo ang Katuwiran ng Diyos ay inihayag? Sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang Katuwiran ng Diyos ay nahayag. Kung ating di tatanggapin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu nang di nananalig dito, ibig sabihin tayo ay sumasalungat sa Diyos.
Walang sinoman ang magpapalaya mula sa kasalanan o tatanggap sa Katuwiran ng Diyos nang di nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Mayroon bang maaaring sumalungat sa Katuwiran ng Diyos kahit kaunti? Matagal na akong nananalig at nangangaral ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ngunit wala pa akong nakikitang tumayo laban sa ebanghelyo. Walang sinuman ang makakasalungat sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu alinsunod sa salita ng Diyos dahil itong ebanghelyo ng Katuwiran ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng ganap at buong pagtutubos sa ating mga kasalanan.
Sinong makapaghahatol sa mga nagtataglay ng katuwiran ng Diyos?
Ating basahin ang Roma 8:34, “Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya naming namamagitan dahil sa atin.” Mayroon bang makapaghahatol sa mga nananalig sa Katuwiran ng Diyos upang maging makasalanan? Walang maaari.
Mayroon bang makapaghahatol sa mga mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mga napalaya sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya, upang maging mga makasalanan? Wala! “Sino ang hahatol?” Sinong makapagsasabi na ang mga mananampalataya sa Katuwiran ng Diyos ay mga makasalanan?
Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Kung may kasalanan sa iyong puso, ika’y mapupunta sa impiyerno. Hinatulan ng Diyos ang mga may kasalanan. Ngunit yaong may mga kasalanan ay inalis dahil sa kanilang mga pananampalataya sa Katuwiran ng Diyos ay di hahatulan ng Diyos, dahil wala ng kasalanang upang sila’y mahatulan. Kung ang Diyos mismo ay hindi na hahatulan ang mga nananalig sa Katuwiran ng Diyos, sinong mangangahas na hahatol sa kanila? Kung ang mananampalataya kay Jesu Cristo ay may kasalanan, siya’y isang makasalanan at siya’y mahahatulan ng Diyos. Ang mga makasalanan ay hahatulan ng Diyos dahil sa mga kasalanan na kanilang mga puso at iiwasan ng ibang tao. Ngunit kung ang mananampalataya kay Cristo ay nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at tatanggapin ang Katuwiran ng Diyos ang taong iyon walang kasalanan sa harapan ng Diyos at walang makapaghahatol sa tao. Ni walang kasalanan sa budhi ng gayong tao.
“Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya naming namamagitan dahil sa atin.” Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay naparito sa mundo upang ibigay sa atin ang Katuwiran ng Diyos, tinanggap ang bautismo mula kay Juan Bautista upang pasanin lahat ng ating mga kasalanan, namatay sa krus sa pagbububo ng kanyang dugo at bumangong muli mula sa kamatayan upang siya’y ating maging Tagapagligtas. Siya ngayo’y nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos at nananalangin para sa atin bilang ating Tagapagligtas.
Ang Banal na Espiritu ay nananalangin din para sa mga may Katuwiran ng Diyos. Si Jesus ay nananalangin para sa atin sa Kalangitan. Ang Banal na Espiritu, din, ay nanalangin para sa atin sa Diyos Ama, ngunit sa ibang pamamagitanraan, may “mga hinagpis” na di masambit sa tuwing mahihino ang ating mga puso.
Anong ganap ang Katuwiran ng Diyos sa mga puso ng mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Ang kaganapan ng Katuwiran ng Diyos ay nagsasabi sa atin na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay walang kasiraan at ganap.