• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 8-13] Sinong Makapaghihiwalay sa Matuwid mula sa Pag-ibig ni Cristo? (Roma 8:35-39)

2021.04.12 39
(Roma 8:35-39)
“Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? Gaya ng nasusulat:
‘Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa buong araw,
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.’
Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig. Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan. Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”
 
 
Sa talatang 35 ay sinasabi, “Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang pag-uusig, o ang kagutuman, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?” Sinong maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo, ibinigay sa mga nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu kalakip ang kaloob ng Diyos? Ang pag-uusig at mga panganib ang magpuputol ng pag-ibig? Ang pitong-taong dakilang kapighatian ba’y maghihiwalay sa atin sa pag-ibig? Hindi!
Walang kapighatian o kahapisan sa mundong ito ang magpuputol sa atin sa pag-ibig ng ating Panginoon na nagligtas sa ating mga kasalanan. Kahit pa nais natin, sa ating kapaguran, ang maiwang mag-isa, at isa’y magtatanong sa atin kung tayo’y naligtas sa ating mga kasalanan o hindi, tayo’y tutugong lahat na si Jesus ay talagang niligtas tayo at tayo’y walang kasalanan. Anuman ang ating kapaguran at panganib ng ating mga puso, niligtas pa rin Niya tayo at Siya’y ating walang hanggang Tagapagligtas. Kahit pa tayo’y labis na pagod o may karamdaman pinatitibay ang ating mga katawan, tayo’y magpapahayag ng pasasalamat pa rin sa kaloob ng Diyos. Walang kapaguran ang maghihiwalay sa atin sa katuwiran ng Diyos na nagpapalaya sa ating mga kasalanan.
Kahit pa pag-uusig, ni gutom, kahubaran, panganib, ni tabak ang magpuputol sa atin sa katuwiran ng Diyos. Na tayo’y minsan ay nilalayuan o hinahatulan ng mga relihiyosong tao bilang pag-uusig na ating nahaharap. Ang ating mga pag-uusig, ay dulot ng ating mga kaibigan, kapitbahay, mga kaanak, at maging ang ating sariling pamilya, iniwan tayo dahil sa kanilang mga paratang sa ating pagka-erehe. Ang mga pag-uusig bang ito ay ay maghihiwalay sa ating kaligtasan kay Jesu-Cristo? Tiyak na hindi! 
Gaano man ang tindi ng pag-uusig, hindi ito magpuputol ng katuwiran ng Diyos na nagligtas sa atin. Dahil ang katuwiran ng Diyos ang gumawa sa atin na walang kasalanan, at dahil ito ang di-nagbabagong katotohanan, wala ni isa at walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Kagutuman, kahit pa espirituwal o pisikal, ay di-maghihiwalay sa atin. Dahil nananalig tayo sa Ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang laging nananatili sa ating mga puso ay ang katuwiran ng Diyos–ito’y ang, pananampalataya sa ating Panginoon na Siyang gumawa sa atin na walang kasalalan dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang pananampalatayang ito ay ang pananampalataya at pagpapala sa pananalig sa katuwiran ng Diyos, “Dahil ang Panginoon ay ginawang maglaho ang lahat ng aking mga kasalanan, wala akong kasalanan! Ginawang matuwid ako ng Diyos walang kasalanan, dinamtam ang kabuuan ko ng Kanyang sariling katuwiran!” Itong dahilan kung bakit ang ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay di-maglalaho, gaano man kagutuman.
 
 
Ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu
 
Maliban ang isang tao’y manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, mayroon pa ring kasalanan sa kanyang puso. Ngunit ang sinumang manalig sa katuwiran ng Diyos ay walang kasalanan. Kaya ito ay sinabi ng Panginoon na malalaman natin ang puno sa pamamagitan ng kanyang mga bunga. Ang mga di-nanalig sa katuwiran ng Diyos ay isinusuko ang kanilang mga pananampalataya kay Jesus kapag sila’y nahaharap sa kahit maliit na kahirapan, kagutuman, pag-uusig, o kapighatian.
May mga taong nag-aakala, “Bagaman si Jesus ay nahatulan sa Krus dahil sa ating mga kasalanan, tanging ang orihinal na kasalanan ang naalis, at kailangang araw-araw akong mangumpisal, para sa araw-araw na pagkakasala.” Yaong may ganitong uri ng pananampalataya ay lumalabag uli sa Diyos sa di-pananalig na inalis ni Jesus lahat ng kanilang mga kasalanan, at di maglao’y, hahatulan at pasasamain ang kanilang mga sarili. Ito ang mga taong nagtatatuwa kay Jesus at di-nananalig sa katuwiran ng Diyos.
Ngunit yaong naniniwala sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at kahit ano pa ang mga pangyayaring kanilang hinaharap, sila’y matatag sa kanilang pananampalataya, sinasabing, “Tiyak na iniligtas ako ng Diyos mula sa lahat kasalanan sa mundo. Ako’y walang kasalanan!” Kahit pa tayo maharap sa kamatayan sa mga huling araw ng ating espirituwal na kagutuman, hindi kailanman natin itatatwa na ginawa tayong walang kasalanan at tayo’y kanyang naging mamamayan. Ang katuwiran ng Diyos na nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan ay mananatili pa rin sa ating mga puso tulad ng ating pananampalataya. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay makapangyarihan at dakila. Anuman ang mga uri ng kapighatiang ating hinaharap sa ating buhay, dahil ang katuwiran ng Diyos ay na kay Cristo, hindi tayo mahihiwalay sa pag-ibig ni Cristo. 
Anong ibig sabihin ng “kahubaran” na nabanggit ng talata? Ang kahubaran ay tumutukoy sa pagkawala ng ating mga ari-arian. Hanggang sa panahon ng “Medieval”, nang may kaguluhan sa isang nayon o isang bansa sa mga bansa sa Europa, ang tao’y madalas napapasa sa paghahanap ng mga mangkukulam, sinangkalan sila upang sisihin sa lahat ng mga kaguluhan; kinukuha ng mga tao ang lahat sa kanila at pararatangan sila sa pagiging mga erehe. Itong dahilan ni Pablo sa paggamit ng salitang “kahubaran.” 
 
Sa mga panahong iyon, posibleng paratangan ang sinuman sa pagiging erehe, nang may isa o dalawang saksi, upang hatulan ang pinaratangan para sunugin, kamkamin lahat ng kanyang mga pag-aari, at tanggalin ang kanyang dangal.
Kahit pa tayo mahantong sa ating kahubaran sa ganitong paraan, mawala lahat sa atin at ipapatay, ang kaloob ng Diyos na naglalaman ng Kanyang pag-ibig sa atin, inalis lahat ng ating mga kasalanan, ay hindi na maglalaho pa sa atin–ganito ang kalubusan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Hindi panganib o tabak ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo. Kahit pa tayo ay patayin sa pamamagitan ng tabak, tayo na nananalig ay wala ng kasalanan. Maraming mga Kristiano sa Naunang Iglesia ay naparatangang nagsunog ng Roma at pinatay sa pampublikong lugar ng koliseo at ipakakain sa mga leon. Kahit pa sila’y mamamatay na, pinupuri nila ang Panginoong nagligtas sa kanila. Sila’y nakapagpupuri dahil sila’y mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yaong mga natubos sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanang ang Diyos ang umibig sa kanila at inalis ang kanilang mga kasalanan ay magpupuri sa Panginoon, kahit pa sila pinagpapatay at kinain ng mga leon. Ang kalakasang ito’y mula sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos na nag-alis ng lahat ng kanilang mga kasalanan at sa Kanyang pag-ibig. Ito’y dahil ang Diyos ay nasa atin, nangungusap sa atin, tumatangan sa atin ng may kalakasan, nag-iingat sa atin at nag-aaliw sa atin na ang gayong kalakasan ay masusumpungan. Walang panganib o tabak, ni pananakot, pagmamartir ay maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay yaong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ang mga mamamayan ni Cristo. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay ang mga inibig ni Cristo. Ngunit ang ibang tao’y tumatalikod sa ganap na pag-ibig ni Cristo sa pagkakaroon ng emosyonal na pag-ibig, tumitingin lamang sa Kanyang kamatayan sa Krus, nalungkot at tumangis sa kanyang mga paghihirap. Ngunit ang damdamin ng tao’y nagbabago sa magdamag.
Bagaman ang ating mga damdamin ay nagbabago tuwing umaga at tuwing gabi, ang pag-ibig na kung saan niligtas tayo ng Panginoon ay di-magbabago o mapapalitan ng anumang bagay. Ang kanyang pag-ibig ay walang hanggang di-magbabago. Ganito makapangyarihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ganito kadakila ang katuwiran ng Diyos. Walang makapaghihiwalay sa atin sa Panginoon, Siyang gumawang ganap sa atin at nagdamit sa atin ng Kanyang ganap na pag-ibig. Ito ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at ito rin ang kapangyarihan ng ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
 
Ang salitang Griyego ng “ebanghelyo” ay “evaggelion,” at sinasabing taglay nito ang “dunamis” – ang Griyegong salitang ito ay nangangahulugang kalakaan, kapangyarihan, at kakayahan, kung saan nakuha natin ang salitang “dinamita”–ng Diyos (Roma 1:16). Isang dakot ng dinamita upang wasakin ang pundasyon ng isang bahay at paguluhin sa alikabok. Ang isang Tomahawk na missile ay mapapalipad mula sa isang pang-giyerang barko ay kayang wasakin ang isang malaking batong gusali at ibaon sa limot. Anuman ang tibay ng gusali, wala itong itutumbas sa nakapaninirang kapangyarihan ng “missile.”
Dalawang pampublikong eroplano ay pinabagsak ang Twin Tower ng World Trade Center sa New York. Anong nangyari nang sumalpok ang mga eroplano sa mga gusali? Sa pagsabog ng mga eroplano, ang apoy na lumamon sa gasoline ng jet ay gayong tindi upang tunawin lahat ng nasa mga palapag na pinagtagusan ng mga eroplano. Dahil ang mga bakal na pagkayari ng mga palapag at mga haligi na sumusuporta sa mga gusali ay nagsitunaw, ang mga palapag ay nagsiguho, at ang mga gusali ay di-makayanan ang bigat ng mga gumuguhong palapag, sa huli’y, naglaho sa kanilang kabuuan. Kung ang mga palapag ay dahan-dahang bumagsak, ang mga gusali’y di guguho. Ngunit dahil, ang mga palapag ay biglang bumagsak ng matulin, ang mga haligi at ibang mga sumusuportang istraktura ay gumuho, at ang mga buong gusali, ayon sa ating pagsaksi, ay bumagsak sa isang iglap.
 
Ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng Diyos ay ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito rin ang kapangyarihan na taglay ng kanyang katuwiran. Maaaring hindi nararapat na gamitin ang trahedyang ito upang ilarawan ang katuwiran ng Diyos, ngunit ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu binigay ng katuwiran ng Diyos ay tulad ng dinamita na buong mag-aalis ng lahat ng mga kasalanan. Ang katuwiran ng Diyos ay ang pagliligtas sa atin ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagparito sa mundo, pagbautismo, pagkamatay sa krus, at pagbangong muli sa kamatayan.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at katuwiran ng Diyos kung saan inalis ni Jesus lahat ng ating mga kasalanang napawi ng sangkatauhan, mula sa pasimula ng kalawakan hanggang sa katapusan. Kaya walang maghihiwalay sa Diyos mula sa mga inibig Niya sa pamamagitan ng pagtubos dahil sa kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ang pananampalataya ni Pablo, ay isang pananalig sa katuwiran ng Diyos. Matatanggap ba natin, kung gayon, ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng dugo sa Krus lang? Hindi maari. Ang pananalig sa ebanghelyo ng dugo lamang sa krus ay hindi natin matatamo ang katuwiran ng Diyos. Yaong nag-iisip ng gayo’y madaling isinusuko ang kanilang pananampalataya kay Jesus kahit maliit na kagalit-galit na bagay. 
Halimbawa, kapag ang kanilang makalupang mga pag-aari’y alisin, o kung sila’y nahaharap sa mga paghihirap sa trabaho dahil sa kanilang marelihiyosong nakasanayan, madali silang sumuko sa kanilang pananampalataya. Ito’y di-maiiwasang resulta at angkop sa maraming mga Kristiyano. Ang mga di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ay di-taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso at di-natubos sa kanilang mga pagkakasala, ay mahahantong na sumuko ayon sa kasunduan kahit sa pinaka-maliit na babala.
 
Ang dahilan kung bakit ang Kristiyanismo, ngayon ay napakahina sa mundong ito ay dahil sa ganitong pananampalatayang limitado lang sa dugo sa Krus. Ang uri ng pananampalataya ito ay isang tao na hindi nakamtan ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ang mananampalatayang, matuwid na natubos sa lahat ng kanyang mga kasalanan sa pagtanggap ng katuwiran ng Diyos ay makapaglilingkod sa maraming mga kaluluwa. Yamang siya’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at taglay ang banal na espiritu, at dahil ang Diyos ay kasama nya sa Kanyang salita, ang taong iyon ay makagagawa ng maraming espirituwal na gawain at makapagdadala ng mga naliligaw na kaluluwa sa Diyos. Ito ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, ang pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu’y binigay ng Diyos hindi sa pamamagitan ng ating mga sariling gawa at kung kaya sa pamamagitan din ng Diyos ay magagawa natin ang Kanyang mga gawain. 
Sa talatang 36 ay sinasabi, “Gaya ng nasusulat, ‘Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa boong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.’” Sa mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay yaong talagang pinakitunguhan ang ganitong paraan habang nabubuhay dito sa mundo. Sa katunayan, ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay kadalasang kinamumuhian ng iba, lalo na yaong may mga maling pananampalataya, na umaangking sa kanilang sarili bilang mga Kristiano. Ang mga isinilang na muling Kristiyano, sa madaling salita, ay kinamumuhian lalo ng mga Kristiyano sa pangalan kaysa ng mga Budismo. Ang talatang ito, “Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa buong araw, kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan,” ay ang Salita ng Diyos na sinambit sa mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Kahit ang ating Panginoon, sa pagsunod sa kalooban ng Ama sa Kanyang bautismo at kamatayan sa krus, ay “nabilang na parang mga tupa sa palayan.” Niligtas tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng pagparito at pamumuhay ng gayon sa mundong ito. 
 
 
Napagtagumpayan ng Diyos ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan
 
Sa talatang 37 ay sinasabi, “Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umiibig.” Paano tayo makapagtatagumpay sa lahat ng mga bagay na ito? Inangkin natin ang tagumpay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating pananampalataya sa pag-ibig ng Diyos.
Ang taong nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay taglay ang kapangyarihan ng Diyos. Ngunit ang taong di-nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay taglay ang kasalanan sa kanyang puso. Ang pananampalataya at kaligtasan ng mga makasalanan ay may mga pagbangon at mga pagbagsak dahil sa kanilang mga damdamin, kung kaya, wala silang kapangyarihan. Hindi nila taglay ang kapangyarihan sa kanilang mga sarili, ngunit taglay nila ang kapangyarihan ng ebanghelyo ng Diyos, at sa kapangyarihang ito, matitiis nila at mapagtatagumpayan ang lahat ng mga pag-uusig at mga kapighatian. Ang matuwid ay dapat humarap sa espirituwal na digmaan laban sa mga makasalanan at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanila. Ang mga matuwid ay dapat ding tiisin ang pamumuhay at pag-uusig para sa ebanghelyo bilang kanilang likas na bahagi. Ang pamumuhay para sa Panginoon ay ang ating bahagi.
Isang kasabihan sa Silangan nagsasabing, “Ang magmintis ng pagbabasa sa isang araw, siya’y magsasabi ng mga masasakit na salita.” Tayo ba? Tayo rin, ay madaling kapitan ng katiwalian kung hahayaan natin ang isang araw na hindi namumuhay para sa Diyos ang sa Kanyang ebanghelyo. Ganito tayo mamuhay hanggang sa ating kamatayan. Ngunit kung tayo’y mabubuhay para kay Cristo, iaalay ang ating mga sarili at usigin para sa Diyos, at kung makikipag-digma sa mga espiritual na hukbo ng kasamaan ang ating mga puso’y mapupuno ng espirituwal na pagkain, kung saan masusumpungan natin ang kalakasang magpatuloy. 
Kapag ang Kristiyano’y nahulog, ito’y dahil sa kanilang di-pamumuhay para sa Panginoon. Ngunit kung tayo ay mamumuhay para sa Panginoon, ang ating mga espirituwal na lakas ay lalong lalago, at ang ating kalusugang pisikal at lakas ay lalong titibay. 
Sa mga talatang 38-39 ay sinasabi, “Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga bagay pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alinmang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” Bilang isang mananampalataya ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, si Pablo’y sumang-ayon dito. Ang gayon din katotohana’y naihatid din sa atin. Hindi kamatayan o buhay ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo.
Sa mga naunang panahon, ang mga humahawak ng makalupang kapangyarihan, tulad ng mga emperor ng Roma, sinikap na pinilit ang mga Kristiyano na talikdan nila ang kanilang mg pananampalataya at isumbong ang kanilang mga kapwa mananampalataya sa mga makapangyarihan sa pamamagitan ng paghahandog ng iba’t ibang uri ng mga pag-aakit mula sa mga nakatataas, asawa at mga ari-arian, lahat ng ito’y kalakip ng pagtalikod. Ngunit ang mga tunay na mananampalataya sa ebanghelyo ay hindi bumibigay sa ganitong tukso ng kapangyarihan, ari-arian o karangalan.
Ang pananampalataya ay hindi isang bagay na maipapalit sa handog ng mundo. Kung mayroong magpapakita sa atin ng blankong tseke at sabihin sa atin, “Ibibigay ko ang tsekeng ito sa iyo, kung ihinto mo ang pagpapahayag ng ebanghelyo,” makakatugon tayo, dahil sa ating pag-asa para sa bukas at ating pananalig sa Diyos, “Kailangan mo iyon, upang gastusin ito, para sa akin, ito’y isang pirasong papel lang.” 
 
 
Tanging ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang ebanghelyong taglay ang katuwiran ng Diyos
 
Maraming tao ang nagsabi sa akin, “Kung iyo lamang tanggapin na ang aming pananampalataya lang sa dugo sa Krus ay wasto rin, kami rin ay sasang-ayunan ang iyong pananampalataya. Hindi lang kami hihinto sa pagparatang sa iyo bilang erehe, subalit kami’y tutulong pa sa iyo.” Ang mga tinatawag na relihiyosong mga pinunong ito lalo na ay naghahanap ng gayong kompromiso mula sa akin. Ngunit ang katuwiran ng Diyos ay ganap at tiyak kung susukatin sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang mali ay mali, at kung ano ang wasto ay wasto. Ang pagkilala sa maling pananampalataya mismo ay isang gawaing rebelyon sa Diyos, kaya hindi ko kayang sang-ayunan ang kanilang pananampalataya, ngunit dapat ka ring patuloy na ipakita ang mga kamalian nito.
“Naniniwala lamang kayo sa dugo sa Krus? Kung gayo’y taglay ang kasalanan sa iyong puso. Ika’y patungong impiyerno. Wala akong magagawa kung inaakala mong ako’y sobrang seryoso at di-mapagbigay; ang wasto ay ang wasto.” Dahil sa gayong mga salita, lumalayo ang mga tao sa akin – higit na tiyak, hindi sila makalapit sa akin. Maraming tao ang dating lumalapit sa akin, inaakalang ako’y tulad nila. Ngunit bawat panahon, sinabi ko sa kanila, “Kayo’y mga huwad na pastol at mga manunubang kinakalakal ang pangalan ng Diyos upang itago isang pamumuhay, isang simpleng pagnanakaw.” Sinong magkakagusto sa akin kung sabihin ko ang gayong mga salita. Ngunit kung ano ang hindi ay hindi, at ito ang dahilan kung bakit ako’y matatag at di-gumigiray ang aking posisyon.
Ako ay natukso rin ng mga nagsasabing kung ako lang ay mananaligsa dugo sa Krus, bibigyan nila ako ng iba’t ibang kapangyarihan. Ngunit sinasabi sa mga nabasang talata, “kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga makapangyarihan, kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit kataasan, kahit ang kababaan, kahit and alinmang ibang nilalang,” hindi natin kailangan ang anumang kapangyarihan, kataasan o kababaan. Hindi natin kailangan ang kapangyarihang magpagaling na inangkin ng mga ibang manunuba. Yaong mga isinilang na muli ay hindi kailangan ang gayong mga bagay, at ni hindi nais ang mga tulad nila.
May mga Kristianong nananalig sa pagkakaroon ng mga nilalang na taga ibang planeta. Kahit pa ang ibang pastor, ay naniniwala sa mga ito. Ngunit walang gayong mga taga-ibang planeta. Nang ako’y dumadalo sa seminaryo, isa sa aking mga guro, nagtuturo ng Griyego, ay naniniwala sa mga gayong taga-ibang planeta. Kaya akin siyang tinanong, “Maaari mo bang suportahan ang iyong paniniwala sa anumang katibayan mula sa kasulatan?” Siyempre, wala siyang maisasagot sa aking pagtutol. Wala talagang gayong mga nilalang. Iniibig ng Diyos ang sanlibutan ng gayon na lamang, Kanyang sinugo ang Kanyang bugtong na Anak. Kung may mga ibang nilalang nga, wala ng kailangan pa kay Jesus upang isilang sa mundong ito.
 
Matapos ang malakihang pamumuhunan at pagsisiyasat, narating na natin ang buwan, at ang ating instrumento pagsisiyasat ay lumapag kahit sa planetang Mars, ngunit walang natuklasang kahit isang katibayang magpapakita ng pagkakaroon ng buhay sa labas ng mundo natin. Nakatitiyak akong ipahayag, alinsunod sa kasulatan, na gaano man nagawa ng tao ang siyentipiko at teknolohiya na may kakayahang maging, at gaano man ang ibayo ang ating pagsisiyasat sa kalawakan, hindi tayo makakakita ng mga nilalang na taga ibang planeta. Sinasabi ng Biblia sa atin na walang ibang nilalang ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Ano, kung gayon, itong pag-ibig ng Diyos? Ito’y walang iba kundi ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ito ang pag-ibig ng Diyos. Ang kaligtasaang nagligtas sa atin at nagpawalang-sala sa atin sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang pag-ibig ng Diyos, at walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig na ito.
Si Pablo ay nagsasalitang muli sa Kapitulo 9, ngunit sa kanyang pangwakas sa Kapitulo 8 kung saan ang tugatog ng pananampalataya ay narating. Ang kapitulo 1 hanggang 8 ng Aklat ng Roma ay bumubuo ng isang paksa, at ang kapitulo 8 bilang ang pangwakas na talata, dito ang kataasan ng pananampalataya ay narating. Habang pinakikita ng Salita ng Diyos sa kapitulo 8 sa atin, yaon lang na mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang maaaring di-mahihiwalay sa pag-ibig ng Diyos.
 
Ang mga di-nananalig nga, samakatuwid, ay di nga mangyayari. Sila nga’y maaaring mamuhay para sa Panginoon nang panumandali, ngunit hindi nila maipagtanggol ang kanilang pananampalataya at mamuhay para sa Kanya hanggang sa kanilang kamatayan. Maaari silang magkaroon ng relihiyosong buhay ng 10, 20 taon, ngunit ang kanilang pananampalataya ay unti-unting mabubulok at mamamatay. Sila’y magiging lubos na maihihiwalay at walang kinalaman sa kanilang mga puso kay Cristo ay maglalaho mula sa kanila. Yamang hindi nila taglay ang Banal na Espiritu sa kanilang mga isipan, ni wala silang pag-ibig sa Panginoon sa kanilang mga puso, mayroon sa madaling salita na kasalanan sa kanilang mga puso.
Habang dumadaan ang mga araw, nabatid ko kung gaanong lalim at ganap ang pag-ibig ng kaligtasan, na kung niligtas tayo ng ating Panginoon sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nang una kong makilala ko ang Panginoon, ang kalaliman ng aking pagpapahalaga sa pag-ibig ni Cristo ay tahimik at panatag, tulad ng isang batong itinapon sa lawa ay nagdulot ng maliit, di halos maintindihang mga alon. Ang aking tugon ay isa lamang tahimik na pagkalirip sa katotohanang inalis ni Jesus lahat ng aking mga kasalanan at sa gayo’y naging walang kasalanan. Ngunit habang nabubuhay sa pangangaral ng ebanghelyo simula noon, ang mga alon sa aking puso ay naging di-mailarawan ang laki at lalim, parang isang bomba ang sumabog sa loob ng aking puso. 
Sinong nagsasabing dapat lang tayong manalig sa Krus? Sinabi nga ba ito ni Pablo? Sa aklat ng Roma, maliwanag at tiyak na sinabi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. “O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay” (Roma 6:3-4).
 
Hindi ba ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na ito ay sinasabing dakila at lubos na ganap? Gaano man kaliit ang pananampalataya ng iba, kung siya’y nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa gayong siya’y ligtas sa kasalanan. Gaano man ang dami ng iyong mga pagkukulang, ang iyong pananampalataya ay naging lubos sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Gaano ka man kahina, ika’y ligtas dahil sa iyong pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bagaman wala tayong sariling kapangyarihan, kung tayo’y mamumuhay sa Diyos at kasama ang Diyos, lahat ng karumihan ay maglalaho sa ating mga puso.
Ngunit yaong di-nananalig mula sa simula ay mahahantong na salungat sa Diyos at lilisanin Siya, kahit pa narinig nila itong ebanghelyo at mamuhay dito ng 10 toan. Ang mga nagpasiyang ayaw makita at marinig ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasara ng kanilang mga mata at pagtatakip ng kanilang mga tenga ay kamang-mangan sa di-pagtanggap sa mga pagpapapala ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay at patungo sa kanilang sariling kamatayan. Ipinapako nila si Cristo araw-araw sa pamamagitan ng kanilang kasalanan, kahit pa walang kamatayan sa Krus kundi hindi sa bautismo ni Jesus.
Nabatid ko bawat paglipas ng araw kung gaano dakila at ganap ang ebanghelyong ito kapag lalo akong nanghihina, lalo kong nababatid ang kamangha-mangha at buo ang pag-ibig ng ating Panginoon, pinakikita sa ebanghelyong ito at lalo ko siyang pinasasalamatan dito. Kapag lalo akong pinangangaral ang ebanghelyong ito, lalo akong tumitibay; at kapag lalo akong pinapangaral ang tunay na ebanghelyong ito, lalo akong nakukumbinsi. 
 
Kahit pa ika’y isinilang na muli, kung hindi ka makikinig sa salita sa Diyos at di-maglingkod sa Kanya, ang mga damo ay magsisimulang lumaki sa iyong isipan, at dahil sa mga damong ito, ang iyong kaisipan ay magiging parang disyerto. Kapag nangyari ito, awitin ang iyong mga awiting papuri muli at isipin si Yahweh. Sa pamamagitan ng pag-awit ng mga papuri sa Diyos, ang iyong isipan ay malilinisan mong ibangong muli ang iyong espiritu.
Dapat mong alugin ang iyong isipan upang iyong mapatalsik ang lahat ng mga bagay na marumi, at baguhing muli ang iyong puso sa pamama ng pagpupuno ng salita ng Diyos. Ang ating mga puso’y nalinis na, tangkahing lituhin at guluhin tayo, mapupuri natin ang Diyos at manalangin sa kanya muli sa pamamagitan ng mga papuring awit sa Panginoon, binabago at itinataas muli ang ating mga puso.
Kahit saan man masusumpungan ang ating mga sarili ang pagpuri sa Diyos ay isang kagalakan at masiglang karanasan. Walang kasalanan sa mga puso ng mga tinubos, kaya ang papuri at kagalakan ay likas na nagmumula sa kanilang mga kaisipan. Ang mga papuring awit ng ating mga pusong nagagalak ay magagawang maglaho ang mga damong tumutubo sa ating mga isipan.
Kung minsan, ang ating mga kahinaan ay nahahayag. Dahil ang ating mga isipan at damdamin ay madaling magbago dahil sa iba’t ibang mga pangyayari, bagaman tayo’y kapatiran kay Cristo, may mga karumihan, at di-dalisay tayo’y kasama ng mga kapatiran kay Cristo, may mga karumihan at di-dalisay na mga kaisipan kapag tayo’y nag-iisa kaya si Pablo’y sumigaw habang tinitingnan ang kanyang sariling laman, “Abang tao ako! Sino ang maglilistas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin!”
Si Pablo’y naging ganap sa pamamagitan ng pagiging ligtas dahil sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, bagaman siya pa rin ay mahina ang laman. Tanging si Pablo lang ba ang tulad nito? Ako, rin ay katulad ni Pablo.
 
Kapag ang makamundong tao ay nagtipun-tipon, ang mga lalaki’y kadalasang nagsisiinom, madalas ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga trabaho, sino ang tumaas ang tungkulin at hindi, at kung ano pa, habang ang mga asawang babae’y nama’y abala sa pagmamalaki sa kanilang mga asawa, mga anak, mga tahanan at kung ano pa. Ngunit ang mga pag-uusap ng mga matuwid ay may kabutihang kaibhan sa mga makamundong tao. Kahit ibinabahagi natin sa isa’t isa ang tinapay, pinag-uusapan ang ukol sa mga kaluluwa na naligtas sa buong mundo: sa India, Hapon, Europa, Africa, at Estados Unidos, at kung ano pa, pinupuri at Diyos at pakikibahagi sa pagtitipon sa pamamagitan ng ating mga kaisipan.
Kapag binabasa ang Aklat ng Roma, mararanasan at maibabahagi sa ating mga puso ang sariling pananampalataya ni Pablo. Malalaman din natin kung gaano kadakila ang kaligtasang binigay ng Diyos. Mararamdaman natin ang kamangha-mangha ng ebanghelyo. Mauunawaan natin ang mga talata at masasaliksik ang mga kahulugang nakatago sa mga titik. Sapagkat ating nabatid ang kabuuan at ganap ang kaligtasan ng ating Panginoon, wala tayong magagawa kundi magpuri sa kanyang katuwiran.
Kahit pa ang buong mundo ay magbago ngayon, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na naglitas sa atin sa mga kasalanan ay mananatiling di-magbabago. Dahil iniligtas tayo ng pag-ibig ni Cristo, at dahil ang pag-ibig na ito ay hindi tayo iniwan at nananatiling sa atin, ang dapat lamang nating gawin ay ibaling ang ating mga puso mula sanlibutan at ituon muli sa Diyos. Tayo’y mahihina, at dahil sa kahinaang ito, minsa’y tayo’y nahuhulog sa mga kalakaran ng sanlibutan, ngunit sa tuwing nangyayari ang mga ito, dapat lamang na ituon natin ang ating mga kaisipan sa Diyos at manalig sa katotohanan na ang ating laman ay mababago pa lang at nabubuhay pa rin sa ilalim ng kautusan ng kasalanan. Kung gayo’y dapat tayong patuloy na itatwa ang ating laman at mamuhay sa ating mga espirituwal na kaisipan. Upang ihinto ang pagtubo ng mga damo sa ating mga puso, dapat tayong laging magbalik sa Diyos at magpuri sa kanyang katuwiran.
Batid mo na ba ngayon kung gaano makapangyarihan ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Yamang ang buong Aklat ng Roma ay batay sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hindi natin.