• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 9-1] Panimula sa Kabanata 9

2021.04.12 142

Ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu sa mga Israelita at mga Gentil!

 

Bakit sinabi ni Pablo na siya’y may malaking kalungkutan at patuloy na nalulumbay ang kanyang puso para sa kaniyang mga kababayan? Dahil may hiling si Pablo para sa kanyang mga kapatiran, minamahal ng lubos sa kanyang puso na siya’y handing sumpain at putulin kay Cristo alang-alang sa kanila. ayon sa kanyang sariling laman, talagang nais niyo ang kanyang mga kababayan na maligtas. 

 

Sa huling panahong, tayo’y lubos na interesado sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at Espiritu sa buong mundo. Ang pagpapalaganap nitong ebanghelyo ng katotohanan ay ang dakilang malasakit ng Diyos at kasabay nito, ang pinakamahalagang layunin para sa amga isinilang na mananampalataya kung tatanggapin o hindi ng mga Israelita ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu. sa mga huling araw ay isang puntos na ating papansinin. Dapat tayong patuloy na manalangin para sa kapakanan ng mga Isralita upang sila’y maligtas, kapag kanilang tinanggap ang ebanghelyo, alam nating ang pangalawang pagbabalik ng ating Panginoon ay napipinto na.

Ang paksa ng aking dalangin sa taong ito ay ang manalangin para sa malawakang pagpapahayag ng ebanghelyo at ang pagtanggap sa tunay na ebanghelyo sa pananampalataya ng mga Israelita. Ako’y dumadalangin din na ang mga Israelita ay magkakaroon ng mga lingkod ng Diyos mula sa kanilang sariling mamamayan. Minsan ay binigay ng Diyos ang kaniyang kautusan sa mga Israelita, at ginawa Niya silang kaharian ng mga sasardote sa Kanyang mga mata. Si Cristo mismo ay dumating ayon sa laman, mula sa mga Israelita, ngunit sila’y tumangging manalig sa kanya, at sila’y salungat pa rin sa Diyos sa pamamagitan ng pag-labag sa Kanyang katuwiran.

 

 

Sinabi ng Panginoon sa atin na mahirap makakita ng pananampalataya kung siya’y magbalik muli

 

Katuwiran ng Diyos na ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu, nagmula sa Jerusalem, ay lalaganap sa buong mundo. Subalit, ang mga puso ng tao’y matitigas ngayong mga panahon. Maraming tao ang naligaw sa paghahanap ng katotohanan.

Kamakailan, ang pelikulang “The Last Temptation of Christ” inilalarawan si Jesus bilang isang hindi lehitimong anak ay pinalabas sa Korea. Ito’y puno ng mga kalapastanganan at ang sentro ng mensahe si Jesus ay hindi Diyos, ngunit isang ordinaryong tao lamang, bilang Prinsipe Siddharta ng India, kilala bilang Buddha. Ang pelikulang ito ay niyurakan ang katotohanang si Jesus ay Diyos at ating Tagapagligtas. Kaya sinabi ng Diyos, “Gayon ma’y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lukas 18:8)

Si Jesu-Cristo, na ating sinampalatayanan, ay Diyos, mataas kaysa sa Kanyang mga nilikha, at karapat-dapat na purihin ng walang hanggan. Isinilang sa mga Israelita, kinuha Niya lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan, nagdanak ng dugo at namatay sa Krus, bumangong muli sa ikatlong araw, at naging Tagapagligtas sa lahat ng mga nanalig sa kanya. Ang Panginoon, na naging Katuwiran ng Diyos, pinalaya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aaring ganap sa mga nanalig sa Kanya. 

 

Ang mga Israelita’y mahaharap sa maraming mga pagsubok at mga kapighatian sa hinaharap. Ang katuwiran ng Diyos na sila’y dumating sa panahong manalig sila sa Panginoon bilang kanilang Tagapagligtas. Kahit pa inalis ng panginoon ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan, pati na ang yaong sa mga Israelita, kanilang tinanggihan pa ring manalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas.

Ikaw ba’y mahina? Ang ibig sa atin ay higit na mahina o malakas kaysa sa iba. Ngunit sa harap ng Diyos, tayo’y puno ng mga kahinaan. Tayo’y maaaring maging anak ng Diyos, mga Malaya sa kasalanan sa pamamagitan lamang ng pananalig na ang ating Panginoon ay naparito sa mundo, inilagay ang ating mga kasalanan sakanyang balikat sa pamamagitan ng Kansyang bautismo, at hinatulan at pinarusahan alang-alang sa atin sa pamamagitan ng kamatayan sa krus. Dapat nating purihin at manalig sa kapangyarihan ng Diyos na gumawa sa atin bilang kanyang mamamayan, Malaya sa kasalanan. Ang ating Panginoon ay tunay na dakila.

Inaakala ng ibang tao na ang lahat ng bagay namamalagi dahil sa tao. Halimbawa, inaakala nila na ang mga kautusan ay isinabatas ng tao, at umiiral para sa kanila. subalit, dapat nating mabatid na hindi lahat ay nagmula sa tao; ang mga bagay ay naging posible lamang ayon sa katuwiran ng Diyos. nilikha ng Diyos ang sanlibutang ito at ang buong kalawakan. Kahit ang mga kautusang gawa ng tao na namamahala sa atin, ay mga saligan, sa kanilang pinakadiwa, ay katuwiran ng Diyos.

Dahil ang Diyos, ay gumagawa sa lahat ng bagay at lahat ng bagay ay nalalahad ayon sa Kanyang katuwiran, dapat nating saliksikin ang Kanyang katuwiran sa lahat ng bagay. Nang tayo’y mga mahihina pa, nang tayo’y nagkasala sa Diyos, at nang tayo’y maputol mula sa Kanya dahil sa ating mga kasalanan, pinangangako ng Diyos na isusugo niya sa atin si Jesu-Cristo. Tinupad Nya ang Kanyang pangako sa pamamagitan ng pagkakatawang tao ni Jesus at Kanyang bautismo, sa pamamagitan nito’y pinalaya Niya tayo sa mga kasalanan ng sanlibutan.

Ngayon, nang ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu ay kumalat sa bawat sulok ng daigdig, ang orihinal na plano ng Diyos ay matutupad. Kung ating titingnan kung paano magaganap ang mga pangyayari sa mundo, makikita natin na ang Estados Unidos at Israel ay nasa kalagitnaan. Naniniwala ako kung hindi mamamagitan ang Diyos, ang pandaigdigang digmaan ay tiyak na posible.

 

Nang maguho ang World Trade Center naramdaman ang kakila-kilabot na pagguho nito sa buong mundo. Kung ang mundo’y lalamunin muli ng digmaan sa panahong ito, anong mangyayari sa atin?

Tayo’y tiyak na hindi nakakabangon sa panibagong pang-daigdigang digmaan. Kahit pa ang kalikasan ay di-makababawi sa lahat ng mga kapinsalaan ng buong pagkasira dahil sa atin. Nawa kayong lahat ay manalangin upang maipangaral ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu sa buong mundo ng may kapayapaan. Ang ating inaalala ay kung walang kapayapaan sa mundo, hindi natin magaganap ito. Kailangan tayong manalanging lahat para sa kapayapaan, at sikaping mapuksa ang digmaan at terorismo.

Walang relihiyong gawa ng tao ang maaaring mag-alis ng mga kasalanan ng tao. Tanging si Jesu-Cristo, at Siya lang, ang makapagpapalaya sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan lang ng kanyang bautismo ni Juan at sa Kanyang dugo sa Krus maaaring maalis ang ating mga kasalanman at mahatulan. Ang pagpapalang ito ay binigay sa mga nananalig sa Katuwiran ng Diyos. Ang tanging paraan upang tayo’y mapalaya sa ating mga kasalanan ay sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo at dugo ni Cristo. Wala ng ibang paraan. Tayo’y hindi natubos sa pamamagitan ng ating mga panalanging ritwal ng pangungumpisal, tulad ng mga higit na nais na ginagawa ng mga relihiyosong tao. Sa halip, ang tanging paraan ng pagtutubos ng ating mga kasalanan ay ang manalig sa Katuwiran ng Diyos na nagligtas sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan, buo at ganap, sa pamamagitan ng pangako ni Jesus na Siyang nag-alis ng lahat ng ating mga kasalanan dahil sa Kanyang bautismo at kamatayan sa Krus.

 

 

Tayo’y naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan dahil sa pananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu

 

Ang katotohanang ito ay dapat na ipangaral sa bawat sulok ng daigdig. Dapat nating kilalanin na ang kasalanan ng Israel at ng mga Gentil ang hindi pananalig sa katotohanang ito. Ang bawat isa ay dapat manalig sa ebanghelyo ng tubig at Espiritu.

Bawat mamamayan, Israelita at mga Gentil, ay patuloy sa pagkakasala habang nabubuhay sa mundong ito. Ngunit inasikaso na ng Panginoon ang lahat ng mga kasalanang ito, ng minsanan, sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Mayroon bang higit na madali at malinaw na katotohanan kaysa sa katotohanan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa krus? Bakit binautismuhan ni Juan si Jesus? Siya’y binautismuhan ni Juan at pinako upang Kanyang kuhanin lahat ng ating mga kasalanan. Ang di pananalig sa katotohanang ito o pagtanggap sa kanilang mga puso, ang tao’y patungo sa kanilang sariling kapahamakan dahil sa kanilang mga kasalanan.

Ang bautismong tinanggap ni Jesus “sapagkat ganyan” (Mateo 3:15) tinupad lahat ng Katuwiran. Ang salitang ‘sapagkat ganyan’ ay ‘hutos’ sa Griyego, ibig sabihin ay ‘sa paraang ito,’ ‘pinaka-karapat-dapat,’ o ‘wala ng ibang paraan maliban dito.’ Ipinakikita ng salitang ito na hindi na maaaring baligtarin ni Jeusus na kuhanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Dahil sa inalis na ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan. Nagawa Niyang pasanin ang krus at magdanak ng dugo alang-alang sa atin. Dapat nating mabatid na ang katotohanan ng pagtutubos kung saan ang sangkatauhan ay matutubos sa mga kasalanan.

 

Sinabi ng Panginoon sa atin, “Kung kayo’y magsipanatili sa akin, at ang mga salita Ko’y magsipanatili sa inyo, ay hingin nino ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.” Ang bautismo ni Jesus at Kanyang dugo ay ang katotohanan ng Diyos, na nagpalaya sa atin sa ating mga kasalanan, ito’y buong batay sa nasusulat sa salita ng Diyos. Ang katotohanan ng pagtutubos ay ang kahuli-hulian, sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at Espiritu, magpakailanman. Pinasya ng Diyos Ama na ang mga makasalana’y tubusin ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus ay Kanyang katuwiran. Kapag tayo’y manalig sa kanyang bautismo at dugo para sa ating katubusan, nananalig tayo sa ituinakda ng diyos para sa atin. Ang ating mga kasalanan ay natubos lang nang tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at Espiritu.

Kung mananalig ka, sa pagkakataong ito, sa bautismo ni Cristo, at Kanyang dugo sa krus, ang katotohanan ng pagtutubos bilang iyong pagtutubus, kung gaya ika’y mapapawalang-sala ngayon. Ngunit, sa kabilang dako, hindi ka nanalig, kung gayon ika’y isang makasalanan pa rin. “Sapagkat ang lahat ay nangangkasala, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” Tayo’y mapapatawad sa lahat ng ating mga kasalanan at magiging mga anak ng Diyos lang sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo bilang ating Tatapagligtas. Walang dahilan kung bakit ang iba ay hindi dapat manalig sa katotohanan nito’y Ebanghelyo ng Tubig at Espiritu. Walang tao ang di nangangailangan nitong ebanghelyo ng pagtutubos. Bawat isa’y kailangan ito. Bakit ang isa’y hindi kailangang manalig dito, kung ang katotohanan ng Ebanghelyo ng Tubig at Espiritu ay napakalinaw na itinakda sa atin, hindi ba siya nakahandang malinisan ang kanyang mga kasalanan?

Marami sa buong mundo ang tumanggap ng ebanghelyo ng tubig at Espiritu at ipinangangaral ito upang lalong mapalawig ito. Iba sa kanila ay humiling maging tagapamahagi ng aming aklat. Kung ika’y mapapalaya at iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng laman ng pananalig sa dugo sa krus, kung gayon ang bawat isa sa mundong ito ay mapapawalang-sala, malaya sa kasalanan. Kung ang isa’y nananalig lamang sa dugo sa krus, ang isa’y patuloy pa rin sa pagkakasala, kahit pa sa paulit-ulit na panalanging pangungumpisal araw-araw, ang gayong mga panalangin ay mga gawaing paikot-ikot, at waring isang ensayo ng mga relihiyosang ritwal.

 

Kung iyong sinisikap na hugasan ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga panalanging pangungumpisal, kung gayon ika’y nakakagawa ng malubhang makasalanan sa Diyos dahil sa iyong gawa ay iyong pinabababa ang kahalagahan ng Katuwiran ng Diyos, na matutupad hindi sa ating mga sariling pagsisikap. Ngunit ayon lang sa bautismo ni Jesus at Kanyang pag-aalay sa Krus, sa pamamagitan nitong inalis ni Jesus ang lahat ng ating mga kasalanan at pinarusahan alang-alang sa atin.

Kung iyong tatanungin si Jesus bilang Tagapagligtas, manalig na ang iyong katubusa’y sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang pagkapako. Pinangako ni Jesus na inililigtas ang mga makasalanan sa kanilang mga kasalanan at siya’y nabuhay sa Kanyang pangako sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Ilog Jordan at pagbubo ng dugo sa Krus upang tuparin ang Katuwiran ng Diyos. Anong dahilan para sa atin na hindi manalig sa katotohanang ito dapat kang manalig bautismo ni Jesus at sa pagbubo ng Kanyang dugo sa Krus bilang iyong katubusan. 

Ang katotohanang kinuha ni Jesus lahat ng kasalanan ng mundo nang Siya’y bautismuhan ay matatagpuan sa Mateo 3:13-17. Yaon lamang hindi handang mapatawad sa kanilang mga kasalanan ay tatangging manalig sa katotohanang ito. Maaari kang maging anak ng Diyos at kamtin ang buhay na walang hanggan lamang sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at Espiritu–wala ng ibang makapagpapalaya sa iyong mga kasalanan wala ng bagay ang higit, na kamangha-mangha kaysa sa pananalig sa katotohanang ito, wala ng ibang hihigit sa regalo ng Diyos kundi ang kanyang pagpapatawad.

 

Ang pangalawang pinakamabuti handog ng Diyos na binigay sa atin ay ang darating na Milenyo kung saan tayo’y maghahari, at ang pangatlong handog ay ang ating paninirahan sa Kaharian ng Langit at maghaharing kasama ang Diyos, magpakailanman. Pinahintulot ng Diyos, kahit sa huling araw na ito, itong katotohanan ng pagtutubos na mahahayag sa mga Israelita at mga Gentil.

Tulad ng inihula sa kasulatan, ang dalawang mga lingkod ng Diyos ay darating mula sa gitna ng mga Israelita, at ang Diyos ay gagawa ng mga kamangha-manghang himala ng ebanghelyo sa pamamagitan nila.

Ang mga Israelita’y maririnig ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu sa pamamagitan ng dalawang lingkod, na itatas ng Diyos mula sa Kanyang sariling bayan, at maraming mananalig kay Jesus bilang kanilang Mesias. Hinihintay natin ang araw na iyon, tulad ng paghihintay ni Pablo sa pagtatanong, “Pumarito ka Pangingoong Jesus” (Apocalypsis 22:20).

Kapag dumating ang panahon para sa Panginoon na bumalik muli, iyong mababatid kung gaanong pagpapasalamat ka sa pagkakaroon ng pananalig sa katotohanang ito, kung saan ika’y pinatawad at niligtas. Mataimtim na hangad ng aking puso na kayo’y mapalaya sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katotohanan ng Ebanghelyo ng Tubig at Espiritu. Ang mundo’y maaaring magbago, ngunit ang Ebanghelyo ng Tubig at Espiritu, kung saan niligtas tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan ay isang di nagbabago at walang manalig sa katotohanang ito upang tanggapin ang di nagbabagong kaligtasan ng katubusan. Nawa’y mapasa-iyo ang katotohanan ng pagtutulos ng Diyos.

 

 

Pinalaya tayo ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa sa atin bilang mga sisidlan ng awa

 

Nakatala sa Roma kapitulo 9 na niligtas ng Diyos si Jacob dahil inibig Niya siya ng higit kay Esau. Tulad niyaon, si Jacob ay naging sisidlan ng awa, habang si Esau ay naging sisidlan ng poot. Dito’y bakit ay isinilang. Ang Diyos nagtatangi kay Jacob kaysa kay Esau? Walang duda, magkakaroon ng maraming tao ang magtatalo, “Dahil ang Diyos ay di makatwirang hinirang na ibigin ang isang tao habang kinamumuhian ang iba ng walang paghirang ay mali.”

Kung ating titingnan ang mundong nilikha ng Diyos, makikita natin kung gaano kaganda at dalisay ang Kanyang mga nilikha. Mga halaman, mga hayop, at lahat ng ibang mgabagay na nilikha ng Diyos ay wari mong perpekto. Paano, kung gaya, iibign ng Diyos ang isang tao habang namumuhi naman sa iba ng may pagkiling? Ngunit hindi ito ang pangyayari.

Dahil sa pagsuway ni Adan at Eba, ay kasalanan ay pumasok sa sanlibutan, at dahil sa kasalanang ito, lahat ng mga sumunod sa kanya’y natalagang magpatuloy sa kasalanan, at di maiiwasan ang mahatulan sa impiyerno. Dahil lang sa niligtas ng Diyos si Jacob sa kasalanan at hindi niligtas si Esau, hindi ipinahihiwatig sa kanya ang kamalian. Sa kanyang mga mata, nasa Diyos ang lahat ng dahilan upang gawin ito. 

Makakakita tayo ng maraming tulad ni Esau sa komunidad ng Kristiyanismo. Kinaugalian, ang gayong tao ay hindi liliban sa oras ng pagsamba, kailan man o saan man ito ginaganap, mula maagang pagsamba hanggang sa hapong pagsamba. Ang iba’y maaaring maglaan ng maraming panahon sa Iglesiya kaysa sa tahanan, mamamasahero mula sa pinagtatrabauhan hanggang sa Iglesia, at hindi sa tungo sa tahanan. Maaaring tawagin natin silang mga ‘relihiyosong mananakbo.’ Kabilang sa kanila, gayon sa Katuwiran ng Diyos. ito’y dahil sinisikap nilang magtayo ng kanilang sariling Katuwiran at sanhi nito, sinasawalang-bahala ang Katuwiran ng Diyos.

Maging ang mga nagwawalang bahala sa Katuwiran ng Diyos ay nais ding makarating sa langit at ang kanilang mga kasalana’y mapatawad. Ngunit ang kanilang mga pagsisikap na maitatag ng Diyos at ibang tao, hindi sa pagsisikap na maligtas sa kanilang mga kasalanan sinabi ng Diyos sa mga di nananalig sa Kanyang katuwiran na ang pananampalataya sa Katuwiran ng Diyos ay hindi para sa lahat.

 

Anong uri ng tao, kung gayon, ang mananalig nakikilala ang kanilang pagkakasala, sino sa kanilang sariling mga pag-iisip, nabatid na sila’y walang halaga? Kanilang nasaliksik ang Katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagtutubos na nahayag sa ebanghelyo ng tubig at Espiritu, agad na nanalig at bumaling sa kaluwalhatian ng Diyos. na tayo’y nananalig sa Katuwiran ng Diyos at nangagsiligtas ibig sabihi’y tayo ang kaawa-awang tao nangangailangan ng Katuwiran ng Diyos. Kung hindi, tayo’y mahahatulang mamuhay sa kasalanan sa buong buhay natin.

Ngunit yaong naghahanap ng kanilang sariling Katuwiran sa harap ng Diyos ay yaong mga mapag-yabang. Ang gayong tao ay maaaring nagsabi, “Panginoon ako ay nagbigay ng ikapu, buong gabing nag-alay ng mga panalangin sa iyo, hindi lumiban sa araw-araw ng pananambahan sa nakalipas na sampung taon, at nakagawa ng mga mabubuti sa Iyo.”

Gayon pa man, ang Diyos ay higit na malulugod kung kanyang kinikilalaning siya’y walang kas, at gayo’y kailangang manalig sa Katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagtutubos ng tubig at ng Espiritu, sa halip na nagsisikap na patunayan, sa pamamagitan ng kanyang sariling kakayahan, mga bagay na wala sa kanya at hindi siya magkakaroon.

 

Kahit ngayon, sa kalipunan ng mga Kristiyano, maraming tao ang gumagawa ng lahat ng uri ng mga bagay upang tangkaing ipakita ang kanilang mga sariling katuwiran. Ang iba’y matapat sa kanilang mga salita. Ngunit dahil di sila nananalig sa Katuwiran ng Diyos na nahayag sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at Espiritu, ang kanilang mga kasalana’y hindi lubusang nahugasan. Malalaman ng Diyos ang kanilang mga hangganan. Tayong lahat ay umaasang sila’y maging mga tunay na anak ng Diyos sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanilang mga kasalanan dahil sa kanilang pananampalataya sa bautismo ng ating Panginoon at dugo bilang katotohanan ng pagtutubos.

Sa mga sisidlan ng kaligtasan, sinabi ni Apostol Pablo na ang Diyos ay may awa sa kanino mang siya’y naaawa, at nahahabag sa kanino mang siya’y nahahabag. Sino, kung gayon, ang mga taong tumanggap ng awa ng Diyos? Ang lahat ng tao ay hindi nabubuhay sa salita ng Diyos, kahit pa talagang nais nila. Sila’y paulit-ulit na nadarapa kahit pa sa kanilang makatotohanang pagnanais na manalig at mamuhay sa kanyang salita. Sila’y nahahantong sa pagsisisi sa harap ng Diyos, nakokonsiyensiya, at inaakalang sila’y dapat na mahatulan sa impiyerno. Sa gayon, humihingi sila ng awa sa Diyos, kinikilala nilang sila’y kaawa-awa sa mundong ito at sa kaharian ng Diyos. dahil alam nilang hindi sila naliligtas hanggang ang Diyos ay hindi nahahabag sa kanila, sila’y desperadong humihingi sa kanya nito. 

 

Ang kalayaan mula sa kasalanan, sa ibang salita ay matatagpuan para sa kinaaawaan ng Diyos, at kung sino ang kanyang kinahahabagan. Para sa mga taong ito, ipinagkaloob ng Diyos ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu sa pamamagitan ng pagkukuha ng kanyang bugtong na Anak ang lahat ng mga kasalanan para sa Kanyang sarili. Sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, namatay sa krus, at bumangong muli sa kamatayan–lahat upang palayain sila sa tiyak na kapahamakan. Ang ating ama ay nahabang sa mga kaawaawa.

Ngunit parang may higit na tao ang Diyos ay may galit, kaysa sa mga taong siya’y nahahabag sa mundong ito. Sinabi sa atin ng Diyos na sa ngayong komunidad ng mga Kristiano, may mga sisidlan ng awa at mga sisidlan ng galit. May mga, sa ibang salita, taong iniibig ng Diyos at mga taong hindi Niya iniibig.

Sa Roma 9:17 ay sinasabi sa atin, “Sapagka’t sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala’y maitanyag sa boong lupa.” Pinahintulot ng Diyos ang taong tulad ni Faraon upang mamuno nang ang kanyang kapangyarihan ay makilala. Gayon man, ang mga sisidlan ng awa sa kanyang pinakita ang Kanyang pag-ibig, upang ang Kanyang pangalan ay maihayag sa buong mundo. Dahil sa ating mga kasalanan at galit ng Diyos tayong lahat ay itinalaga para sa impiyerno.ngunit tayo’y naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan ng ipagkaloob ng Diyos sa atin ang Kanyang pag-ibig ng katuwiran, dahil Siya’y naaawa sa atin na nananalig sa Kanya.

 

Ang mga di nananalig sa Katuwiran ng Diyos at hangad lang ay paghabol sa kanilang sariling katuwiran ay sumasalungat sa Diyos. ito ang mga tao na iniwanan ng Diyos ng kanyang galit; dahil ang kanyang makapangyarihang galit ay mahayag, kailangan ay naroon ang mga taong laban sa Kanya, at dahil dito, ang makatwirang paghahatol ng Diyos ay makikita.

Ang taong tulad ni Faraon ay ang taong tinanggihan ang pag-ibig ng Katuwiran ng Diyos kay Faraon, nagbigay ang Diyos ng sampung salot, ang huli ay ang kamatayan. Sa mga tumanggi sa Diyos, tanging ang walang katapusang lawa ng apoy naghihintay sa kanila. Ito ang poot ng kapangyarihan ng Diyos maraming mga nakapangyarihang tao sa mundong ito at marami ang magtatawa sa Diyos, ngunit ang Diyos ay unti-unting ibaba sila, upang ihayag ang kapangyarihan ng kanyang galit. Itong dahilan kung bakit iniwan Niya ang mga matitigas ang puso ng mga nagtatatwa sa Kanya. 

Ang mahalaga sa atin, kung gayon, ay kung paano tayo magiging mga sisidlan ganito, tayo’y maaaring manalig sa pag-ibig ng Katuwiran ng Diyos. wala tayong maipapakita sa harapan ng Diyos sa kanyang matuwid na pag-ibig. Ang Biblia’y nagsasabi sa atin ng isang kuwento ukol sa isang maniningil ng buwis at isang pariseong nananalangin sa Diyos. Ang Diyos ay naaawa sa una, ngunit hindi sa pangalawa. Ang taong tulad ng maniningil ng buwis ay ang mga nakakakilala sa Diyos na wala silang nagawang mabuti at sila’y nahulog sa Kanyang kaluwalhatian; samakatuwid ay humihingi sa Diyos ng awa.

Ito ang mga uri ng tao na dadamitan ng pag-ibig ng Katuwiran ng Diyos. ngunit ang mga taong tulad ng Pariseo ay lagging ipinagyayabang ukol sa malaking nagawa nila sa Diyos, sila’y nagbibigay ng ikapu, sila’y nag-aayuno dalawang beses sa isang linggo, na sila’y nananalangin, at sila’y may relihiyosong panata. Depende kung saan tayo nakatayo pag-ibig ng Katuwiran ng Diyos o mahantong sa poot ng kanyang Diyos, tayo’y madadamitan ng pag-ibig ng Katuwiran ng Diyos o mahantong sa poot ng Kanyang parusa. Kung patitigasin ang ating mga puso sa Diyos, ang ating mga kasalanan ay walang katapusang mananatiling di mapapatawad. Kung walang kapatawaran, ang ating tadhana’y impiyerno.

 

Ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu ay ipinangangaral sa buong mundo. Ang mga di ligtas ay mananatiling di ligtas dahil sa kanilang matitigas na mga puso. Walang matuwid sa mga tao, at tanging sa pananampalataya tayo’y madadamitan ng matuwid na pag-ibig ng Diyos. namumuhi ang Diyos sa mga tao, bagaman nilikha sila ng Diyos, tumangging kilalanin ang kanyang katuwiran. Ngunit ang mga nananalig sa ebanghelyo ng tubig at Espiritu, ang Katuwiran ng Diyos, aykanyang iibigin at tanggapin ang buhay na walang hanggan. 

Maraming Kristiano sa mundong ito ang ngayo’y nabubuhay bilang mga sisidlan ng poot ng Diyos. kaya kailangan nating matutunan ang Aklat ng Roma kung ano ang Katuwiran ng Diyos. ang dahilan kung bakit mahal ng Diyos ang ilan, at hindi ang iba, ay dahil ang iba’y nananalig sa Kanyang katuwiran habang ang iba nama’y hindi. Ang ginawa ng Diyos kay Jacob at Esau ay wasto. Sa gitna ng mga nananalig kay Jesus, marami ang nagnanais na maibig ng Diyos ng di-nananalig sa Ebanghelyo ng Tubig at Espiritu. Ang mga taong ito’y ay tulad ni Esau, at hahatulan sila ng Diyos sa kanilang mga kasalanan ng naaayon. 

Sinugo ng Diyos ang kaniyang Anak upang bautismuhan ni Juan upang minsanang alisin ang mga kasalanan ng mundo. Naniniwala ka ba sa katotohanang ito? Talaga bang naniniwala ka mula sa kahibuturan ng iyong puso? Tayo;y agad na mapapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan kung tayo’y mananalig sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at Espiritu, kung saan ang Katuwiran ng Diyos ay naipakita. Inalis ni Juan lahat ng mga kasalanan ng sanlibutang ito at inilagay sa Kanyang balikat, namatay sa krus, at bumangong muli sa kamatayan, ng minsanan, upang tayo rin, ay agad na mapalaya sa ating mga kasalanan.

 

Ngunit kung ating tatangkahing matubos ng di nanalig sa Katuwiran ng Diyos tayo’y magkakasala sa Kanya. Kung hindi tayo mananalig sa kanyang katuwiran, kung gayon ibig sabihin na si Jesu-Cristo ay kailangang bautismuhan at mamatay araw-araw para sa ating mga kasalanan. Ang Diyos ba, sa kanyang walang hanggang karunungan, ay pipiliin ang gayong paraan? Upang palayain tayo mula sa ating mga kasalanan, minsang sinugo ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak, upang bautismuhan, pinako, at nabuhay muli para sa lahat ng ating mga kasalanan ng minsanan, upang tayo’y kanyang minsanang iligtas ng lubusan.

Ang ating Diyos ay ang Diyos na makatwiran. Nagplano ang Diyos ng paghuhugas ng ating mga kasalanan sa Kanyang katuwiran. Hindi basta inalis ng diyos ang ating mga kasalanan dahil nananalangin para sa Kanyang pagpapatawad sa tuwing tayo’y magkakasala. Sa halip, inalis Niya lahat ng mga kasalanan ng mga minsanang natubos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran ng minsanan.

Ano, kung gayon ang mangyayari sa araw-araw na mga kasalanan ng ating nagagawa pagkatapos? Ang mga ito’y naiayon nang tayo’y sumamba ng may pasasalamat sa Katuwiran ng Diyos at ibinigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Kanya lamang. Sa pananaw ng Diyos, agad na kinuha ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa kanyang bautismo, nagbubo ng dugo sa krus at nahatulan alang-alang sa atin, at gayo’y agad na inalis ang lahat ng ating mga kasalanan, para sa ating lubos na kaligtasan. Ang pag-ibig ng Katuwiran ng Diyos ay nabuo mula sa Kanyang planong alisin ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan agad.

Sinasabi sa Roma 9:25, “Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; at iniibig, na hindi dating iniibig.” Oo, sinabi ng Diyos na Kanyang tatawagin silang Kanyang mamamayan, ang Kanyang hindi mamamayan. Dahil ang Katuwiran ng Diyos na ating sinasampalatayanan ay di isang katha, ngunit realidad, tayo’y napalaya sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran. Yamang ito’y isang realidad, ang mga tumatanggi sa Kanyang katuwiran ay kamumuhian at hahatulang tulad ni Esau. Walang makapagyayabang sa kanyang katuwiran sa harap ng Diyos.

 

Upang mapalaya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Bakit, kung gayon, hindi tayo magpapasalamat at magpuri sa Kanya? Wala tayong magagawa kundi ang ikalat ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu ng may pasasalamat at pananalig.