• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 9-2] Dapat nating Malaman na ang Pagtatalaga ay Layon ng Katuwiran ng Diyos (Roma 9:9-33)

2021.04.12 122
(Roma 9:9-33)
“Sapagka’t ito ang salita ng pangako, ‘Ayon sa panahong ito’y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.’ At hindi lamang gayon, kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga’y ng ating ama na si Isaac—Sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipananganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hidi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag. Ay sinabi sa kaniya, ‘Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.’ Gaya ng nasusulat: ‘Si Jacob ay inibig Ko, datapuwa’t si Esau ay aking kinapootan.’ Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari. Sapagka’t sinsabi Niya kay Moises, ‘Ako’y maaawa sa Aking kinaaawaan, at Ako’y mahahabag sa Aking kinahahabagan.’ Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa. Sapagka’t sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, ‘Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang Aking maihayag sa pamamagitan mo ang Aking kapangyarihan, at upang ang Aking pangala’y maitanyag sa buong lupa.’ Kaya nga sa Kaniyang ibig Siya’y naaawa, at sa Kaniyang ibig Siya’y nagpapatigas. Sasabihin m nga sa akin, Bakit humahanap pa Siya kamakailan? Sapagka’t sino ang sumasalangsang sa Kaniyang katuwiran? Nguni’t, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa’y sa ikahihiya. Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan, at ipakilala ang Kaniyang kapangyarihan, ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira. At upang maipakilala ang kayamanan ng Kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na Kaniyang inihanda nang upa pa sa kaluwlahatian. Maging sa atin na Kaniya naming tnawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil? Gaya naman ng sinasabi Niya sa aklat ni Oseas: 
‘Tatawagin Kong Aking bayan na hindi Ko dating bayan, at iniibig, na hindi ating iniibig.’
‘At mangyayari, na sa dakong 
pinagsabihan sa kanila, kayo’y hindi Ko bayan, ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.’
At si Isaias ay sumusigaw tungkol sa Israel:
‘Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas. Sapagka’t isasagawa ng Panginoon ang Kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin. 
At gaya ng sinabi nang una ni Isaias:
‘Kung hind nagiwan sa atin ng isang binhi and Panginoon ng mga hukbo. Tayo’y naging katulad sana ng Sodoma, At naging gaya ng Gomorra.’
Ano nga ating ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga’y ng katuwiran sa pananampalataya. Datapuwa’t ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan. Bakit? Sapagka’t hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila’y nangatisod sa batong katitisuran. Gaya ng nasusulat:
‘Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at ang batong pangbuwal, 
At ang sumasampalataya sa Kaniya’y hindi mapapahiya.’”
 
 
Ano ang tunay na pagtatalagang naiplano ng Diyos? 
 
Atin ngayong ituon ang ating pansin kung ano ang pagtatalagang naiplano ng Diyos. Upang maunawaan ng mabuti kung ano ang pagtatalaga, dapat nating kilalanin na ang nasusulat sa salita ay ang Salita ng Diyos, at ituwid ang ating mga sarili kung mayroong mali sa ating mga pananampalataya. Para dito, dapat muna nating unawain bakit inibig ng Diyos si Jacob at namuhi kay Esau. Kailangan din nating malaman na ang unawa ng mgakontemporaryong Kristiyanong sa pagtatalaga ay nalilihis sa kasulatan, tayong lahat ay dapat na may tamang unawa sa pagtatalagang itinatag ng Diyos.
Upang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos, tayong mga Kristiyano ay dapat malaman kung paano naaangkop ang pagtatalaga ng Diyos sa Kanyang plano. Kapag iniiisip ang plano ng Diyos, maraming mga kontemporaryong Kristiyano ang nag-aakalang ang kanilang mga tadhana’y ay paunang pagkakaalam bago ang kanilang pagsilang, ng walang kaugnayan sa kanilang mga pananampalatayang, parang ang mga tadhana ni Jacob at Esau ay walang pasuabaling nalaman ng Diyos. Ngunit hindi ito ang nangyari. Kung tayo’y iniibig ng Diyos o hindi ay nalalaman kung tayo’y nananalig sa Kanyang katuwiran o hindi. Ito ang katotohanang binigay ng Diyos sa Kanyang plano.
 
 
Kung hangad mong maunawaan ng wasto ang pagtatalaga ng Diyos, kailangan mong itapon ang iyong sariling kaisipan at magtuon sa katuwiran 
ng Diyos.
 
Dahil maraming tao ang di-nag-iisip at naniniwala sa katuwiran ng Diyos na nahayag sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ipinapalagay lang nila ang pag-ibig ng Diyos sa anumang paraang gusto nila at ang iba nama’y iniisip nila na ang pag-ibig ng Diyos ay di lang basta gayon. Dapat nating iwaksi ang ating mga maling paniniwala sa pananalig na hindi pananalig sa matuwid na plano ng Diyos, nahayag sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kung iyong inaakalang iniibig ng Diyos ang ilan habang namumuhi sa iba, dapat mong mabatid na ito’y isang maling uri ng pananalig, likha ng sariling maling kaisipan.
Ang mga isipan ng tao’y ay sinalot ng mga maling pag-iisip. Maraming mga kontemporaryong Kristiyano’y walang tamang pananampalataya dahil ang kanilang mga kaisipa’y kadalasang umaapaw ng mga maling kaisipan. Kaya kailangan mong itapon ang mga walang saysay na pag-iisip at ilagay ang iyong tamang pananampalataya sa wastong daan sa pamamagitan ng pagsunod sa Salita ng Diyos at pananalig sa kanyang katuwiran.
Dahil ang pagtalaga’y naiplano sa katuwiran ng Diyos, ito’y mauunawaang wasto at mananalig lamang kung tayo’y mananalig sa kanyang katuwiran. Samakatuwid, dapat tayong magkaroon ng pananalig sa kanyang plano at sa kanyang katuwiran. Ang plano ng Diyos ay damitan yaong mga nanalig sa Kanyang pag-ibig sa loob ng Kanyang katuwiran.
Kung gayon, ang Kanyang pagtatalaga ay upang kanyang gawing Kanyang bayan ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagdadamit sa kanila ng kaligtasan ng paghuhugas ng mga kasalanan, bayaran dahil sa bautismo ni Jesus at Kanyang pagkapako. Dapat nating itatag ang tamang pakikiugnay sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananalig sa katotohanan ng Kanyang plano sa Kanyang katuwiran. Ginawa ng Diyos ang taong tulad ni Jacob bilang halimbawa ng Kanyang pag-ibig, habang Kanyang ginawa ang mga taong tulad ni Esau bilang halimbawa ng kanyang poot.
 
 
Ang pagtalaga ng Diyos ay hindi ang tulad ng nakasasawi
 
Ang pagtatalaga sa plano ng Diyos ay naitalaga sa Kanyang katuwiran. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi isang bagay na itinakdang kuru-kuro na walang layon. Kung ang bawat isa’y walang-pasubaling hinirang bago siya isilang, parang ang kanyang buhay itinalaga ng tadhana, paanong ang isa’y mapapalaya sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ni Jesus? Kung ang tadhana ng isang tao’y naitalaga bago isilang sa paraang kung siya’y ibigin ng Diyos ay nauna ng naiplano at nauna ng inalam, sinong mag-iisip na ang Diyos ay makatarungan at sinong maniniwala sa gayong isang Diyos? Walang isang mananalig sa gayong isang kuru-kuro at diktador na Diyos.
Ngunit ang layon ng Diyos ay hindi kuru-kuro o isang diktador, ngunit para lamang tayo mapalayo sa ating mga kasalanan dahil sa Kanyang katuwiran at upang tayo’y Kanyang maging bayan. Sa planong ito ay binigay ng Diyos sa atin ang Kanyang katuwiran, at sa loob din nitong katuwiran ng pag-ibig, binigay Niya sa atin ang Kanyang kapatawaran. Inihanda Niyang damtan yaong nananalig sa pag-ibig ng Kanyang katuwiran, at sa mga di-nananalig ay sa poot.
 
Nais kong sabihin ang mga sumusunod sa mga nagdaramdam sa pagtalaga ng Diyos dahil sa maling unawa. Ang plano ng Diyos ay upang gawin tayo, na Kanyang mga nilikha, upang Kanyang bayan. Samakatuwid dapat tayong magpasalamat sa Kanyang pagtatalaga. Higit na mainam para sa atin na maging mapagpasalamat na tayo’y nananalig sa katuwiran ng Diyos kaysa maging maramdaming tao na lumilibak sa Kanya. Ang bawat nananalig kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas ay dapat magkaroon ng wastong unawa at pananampalataya sa Diyos, naiplano ng Kanyang katuwiran.
 
 
Ang tunay na pagtatalaga ng Diyos ay naitatag Niya na siyang tumatawag
 
Ang talata ngayon ay sinasabi, mula sa Roma 9:9, “Sapagka’t ito ang salita ng pangako, Ayon sa panahong ito’y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake. At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga’y ng ating ama na si Isaac (sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti, masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag), Ay sinabi sa kaniya, ‘ang panganay ay maglilingkod sa bunso.’ Gaya ng nasusulat, ‘si Jacob ay inibig ko, datapuwa’t si Esau ay aking kinapootan.’”
Ang talatang ito ito ay nagsasabi sa atin na ang pagtatalaga ng Diyos ay dahil sa pag-ibig, naiplano sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos. Gaya ng makikita sa Genesis 18:10, bagaman imposible sa taong tulad ni Sarah ang manganak, si Abraham ay nanalig sa pangako ng Diyos dahil kanyang binigay ang Kanyang salita. Ganito pinawalang-sala ng Diyos si Abraham: binigay niya ang kanyang anak na si Isaac sa Diyos dahil Siya’y nananalig sa Kanya, at sinang-ayunan ng Diyos ang kanyang pananampalataya.
Kaya kapag ating tinatalakay ang ukol sa katuwiran ng Diyos, tinutukoy natin ang ukol sa pananampalataya sa salita ng Diyos. Ang ating usapin sa plano ng Diyos at pagtatalaga ay dapat ding patnubayan ng ating pananalig sa Kanyang salita. Ang mga taliwas dito kapag, sa halimbawa, ang tao’y nalilito sa kanilang paghahangad ng katuwiran ng Diyos ng may mga imahinasyon o mga tanda na kanilang inaangking nakita habang nananalangin o nananaginip–ay gumagawa ng malaking kamalian sa kanilang mga pananampalataya.
Lalong dinagdag ni Pablo na, “At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga’y ng ating ama na si Isaac (sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti, masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag), Ay sinabi sa kaniya, ‘ang panganay ay maglilingkod sa bunso.’”
Sinasabi ng kasulatan sa atin na si Isaac, sa hindi pagkakaroon ng sariling anak, nananalangin sa Diyos, at tumugon ang Diyos sa kanya sa pagbibigay sa kanya ng kambal. Makikita natin na ang pagtatalagang naiplano ng katuwiran ng Diyos ay may kaugnayan sa mga pananampalataya ng mga inibig Niya.
Mahalagang ulit-ulitin muli rito ang talataang 11, “Sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti, masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag.” And susi sa pag-unawa sa katotohanan ng pagtatalaga at paghirang sa plano ng Diyos na ang layunin ay nananatili “Siya na tumatawag” sa pagitan ni Jacob at Esau, ayon sa pagtatalaga ng plano ng Diyos, tinawag at inibig ng Diyos si Jacob.
 
Kapag tinatawag ng Diyos ang tao at iniibig sila, sa madaling salita, tinatawag Niya’t iniibig ang mga taong tulad ni Jacob ay di malayong hindi maging matuwid. Hindi tinawag ng tulad ni Esau, nag-aakala sa sarili na siya’y matuwid at puno ng pagmamataas. Sa pagtatalagang itinakda ng Kanyang plano, mahalaga sa Diyos ang tumawag at ibigin ang taong tulad ni Jacob. Ang layunin ng Diyos sa pagtawag sa taong tulad ni Jacob upang gawing Kanyang mga anak ang mga makasalananan, palayain sa kasalanan. Siya na tumawag upang damtan sila sa pag-ibig ay ang Diyos, at sa pagitan ni Jacob at Esau, ang tinawag ay si Jacob.
Dapat nating alamin at manalig sa katuwiran ng Diyos sa Kanyang plano. Si Jacob ay kumakatawan sa tipikal na imahe ng isang makasalanan kung saan ang ipinakita ng Diyos ang Kanyang katuwiran, habang si Esau ay kumakatawan sa isang taong sumalungat sa Diyos sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala sa Kanyang makatwirang pag-ibig at paghangad sa kanilang sariling katuwiran. Itong dahilan kung bakit ang susi sa paglalahad ng Salita ng Diyos sa pagtatagalaga’y itinakda sa kanyang plano, ay upang unawain na ang layunin ng Diyos ay mamalagi, “Sa Kanya na tumatawag.”
Dapat nating palayain ang ating mga sarili mula sa mga haka-hakang pananampalatayang likha ng ating mga sariling kaisipan. Ang Diyos ay maaari, sa loob ng Kanyang katuwiran, ay iibigin lang si Jacob at mamumuhi kay Esau. Ang paliwanag ng Diyos sa Kanyang plano at pagtatalaga ay inilaan sa bawat isa sa pamamagitan ng Kanyang kapahayagan na ang layon ng Diyos ay mamalagi “Sa Kanya na tumatawag.” Ang plano ng Diyos ay katotohanan ng pag-ibig na natupad sa Kanyang katuwiran. Nang ibigin ng Diyos si Jacob at namuhi kay Esau, ang pagtatalaga ay para sa katuparan ng katuwiran ng Diyos. Ayon sa Kanyang plano para sa kaligtasan.
Hindi ito tulad ng inaangkin ng maraming iba-ibang mga relihiyon, sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa kayo’y inibig at niligtas ng Diyos, ngunit sa pamamagitan lamang ng pananalig sa Kanyang plano at Kanyang katuwiran ika’y naging Kanyang anak, tinubos sa inyong mga kasalanan.
 
 
Ang Diyos ba’y mali?
 
Iniibig ng Diyos ang mga nanalig at umiibig sa Kanyang katuwiran. Sa madaling salita, walang mali sa katotohanang na ang ating Ama’y nagpasiya na ibigin at ang mga nananlig sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na maging Kanyang mga anak. Hindi nagplano ang Diyos ang bawat isa kay Jesu-Cristo, ngunit ibigin ang taong tulad ni Jacob.
Kung gayon, dapat nating tanungin ang ating mga sarili kung tayo’y tulad ni Jacob si Esau. Subalit maging ang mga puno ng kanilang sariling mabubuting gawa at kanilang sariling katuwiran ay nais pa ring maibig ng Diyos, ngunit walang makapipigil sa kanila sa pagmamadaling pumunta sa maling daan. Kaya ang dalawang uri ng taong ito ay laging naroon, iniibig o kinamumuhian ng Diyos maging habang tayo’y nagsalita ngayon.
Dapat tayong magpasalamat sa Diyos at purihin ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang makatwirang pag-ibig at Kanyang layon para sa ating ikaliligtas. Dapat din nating pasalamatan Siya para sa katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at espiritu, na ating pinaligan, kamangha-manghang ipinakikita sa katuwiran ng Diyos. Ang bawat isa’y mabatid na ang madamitan ng pag-ibig ng Diyos, Siya’y dapat munang kumilala sa kanyang mga sariling kahinaan at mga kasalanan sa harap ng Diyos, at manalig sa Kanyang katuwiran.
 
Ang problema’y maraming mga Kristiyano, ayaw manalig sa bautismo ni Jesus at ang katotohanan ng Krus na nagsakatuparan sa katuwiran ng Diyos, mali ang paniniwala na iniibig ng Diyos ang iilan habang ang mga iba nama’y natadhanang pabayaan Niya sila.
Lalong problema ay ang katotohanan na ang ganitong uri ng hindi matatag na pananampalataya ay umiiral at ipinapangaral sa iba ng may malaking pananalig. Madaling itong naikakalat; tinatangay ang maraming maraming tao na magkamali ang unawa sa pag-ibig ng Diyos, pinakikita sa pamamagitan ng pagtatalaga ng Diyos na Kanyang naiplano. Ang nais na sabihin ng Diyos sa atin sa kwento ni Jacob at Esau ay ang maging mga anak ng Diyos, hindi ang katuwiran ng tao ang kinakailangan, bagkus ay ang pananampalataya lamang sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos, naitalaga ayon sa Kanyang layon. 
Sinasabi ng kasulatan sa atin na binigyan ng Diyos si Sara ng anak ayon sa Kanyang pinangako. Dito’y sinasabi sa atin, kahit ngayon, na tanging yaong may pananampalataya sa pag-ibig at sa salita ng katuwiran ng Diyos ang maaaring maging mga anak ng Diyos. Upang maging mga anak, dapat nating kilalanin ang katotohanang ibinigay kasama ng ating mga pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at Kanyang plano, at manalig sa katotohanang ito, dapat tayong manalig sa pag-ibig ng Diyos at Kanyang katuwiran.
Ang pag-ibig ni Jesu-Cristo sa atin at layon ng Diyos para sa atin ay ang tiyak na katotohanan at pag-ibig na binigay sa ating lahat. Upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, inalis ni Jesu-Cristo lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, namatay sa Krus at bumangong muli sa kamtayan, lahat ay binigay sa atin na nananalig sa Kanya ang buhay na walang hanggan. 
Hindi ibig sabihin ng katotohanang ito na ang pagiging relihiyoso lamang at pagpapakita ng ating mga sariling pagsisikap, tayo’y magiging mga anak ng Diyos, bagkus ito’y nangangahulugang ang tanging daan lang upang maging anak ng Diyos ay sa pamamagitan ng salita ng pag-ibig at sa katuwiran ng Diyos, sinasabi sa atin at naiplano para sa atin sa pamamagitan Niya. Dapat nating mabatid lahat na ang mga nananalig lang sa pag-ibig at katuwiran ng Diyos ang dinamtan ng Kanyang pag-ibig.
Ano, kung gayon, ang ating kikilanin? Upang magkaroon ng pananampalataya sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Dapat tayong humingi ng awa sa Diyos. Dapat nating kilalanin sa Kanyang harapan na tayo’y di-karapat-dapat na tawaging Kanyang mamamayan, dahil tayong lahat ay mga makasalanan. Dapat nating maunawaan na tanging sa plano Niya para sa atin – malalaman natin ang Kanyang matuwid na pag-ibig na tayo’y maging Kanyang mga anak.
Kinamumuhian ng Diyos ang mga di-nangangailangan o nananalig sa Kanyang pag-ibig at katuwiran. Samakatuwid dapat nating malaman at manalig sa plano ng pag-ibig na pagtatalaga ng Diyos sa atin. Ang malinaw na katotohanan ay ang mga nakakaalam at nananalig sa katuwiran ng Diyos ay iibigin Niya, habang ang mga tumatanggi at nagpapawalang-bisa sa Kanyang pag-ibig ay kamumuhian ng Diyos.
 
 
Sino ang tatanggap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu
 
Ang ebanghelyo ng tubig at Espiritu na binigay ng Diyos sa atin ay ang tanging katotohanang inihayag sa Kanyang katuwiran. Anong uri ng tao, kung gayon, ang mga tumatanggap sa katotohanang ito sa kanilang mga puso? Ito ang mga taong nakakakilalang ang kanilang mga tadhana ay nakasalalay sa walang katapusang kapahamakan at sila’y mga makasalanan sa harap ng Diyos at sa Kanyang salita, humihingi ng awa sa Diyos. “Ako’y isang makasalanan, Panginoon, di-makapamumuhay sa Iyong mga utos. Isinuko ko po ang aking puso sa Inyo.” Ito ang mga tao kung saan ang Diyos ay pinagkaloob ang pagtutubos sa mga kasalanan dahil sa Kanyang pag-ibig at katuwiran. Ang pananampalataya sa ebanghelyong naghayag ng katuwiran ng Diyos ay ang sukdulang mahalaga para sa lahat ng mga makasalanan. 
Hindi binigay ng Diyos ang Kanyang kautusan upang ating masunod ang bawat isang sugnay nito, isang katotohanang namamali ang unawa ng marami. Ang layon ng kautusan, sa halip, ay upang iakay tayong makilala ang ating mga sariling karumihan. Bakit, kung gayon, ang mga makasalana’y nagtatangkang sumunod sa kautusan? Dahil ang likas sa bawat mga makasalanan ay hanapin ang pagtutubos at ang pag-aalis ng Kanyang mga kasalanan.
Ngunit wala ang maaaring makasunod sa lahat ng mga kautusan. Ang mga pagtatangka ay mga panggagaya lang, waring mga likas na pagbabalat-kayo, tinatangkang takpan ang kanilang mga kasalanan parang walang pag-asa, isang pananampalatayang pandaraya sa Diyos. Kaya ang mga makasalanan ay dapat itapon ang ganitong pandarayang pananampalataya, magkaroon ng pananapalataya sa katuwiran ng Diyos, at magdamit ng Kanyang pag-ibig.
 
Upang madamtan tayo ng ganitong pag-ibig, sinugo ng Diyos si Jesus sa mundo, sa pamamagitan ng baustismo ni Juan, pinasan Niya sa Kanyang mga balikat ang mga kasalanan ng sanlibutan, at sa pamamagitan ng pagbububo sa Krus, inalis lahat ng mga ito. Kinilala ng Diyos ang mga pananampalataya ng mga nanalig sa pag-ibig ng Kanyang katuwiran. Nang tayo ay mapalaya sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya ang katotohanang pinangako na itinalaga ng Diyos para sa atin sa Kanyang plano.
Kamumuhian ng Diyos ang mga umaasa lamang sa kanilang mga sarili. Marami ang gayong tao sa paligid natin. Ngunit dapat kang maligtas sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo na tumupad sa pag-ibig at katuwiran ng Diyos. Sa gayon kayo’y tiyak na madadamitan ng pag-ibig ng Diyos, na inilaan para sa mga tinawag Niya. Kadalasan ang tao’y gumagawa ng mga bagay sa kanilang sarili para sa Diyos upang makamit ang Kanyang pag-ibig at kapatawaran, ngunit ang mga pagsisikap ay walang saysay ng walang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. 
Si Jacob lang ang tinawag ng Diyos upang damtan ng Kanyang pag-ibig, si Jacob ay isang tuso at mandarayang sinungaling, ngunit dahil siya’y nananalig sa pag-ibig at katuwiran ng Diyos, siya’y naging isa sa mga ama ng pananampalataya. Tayo rin, ay dapat tanggapin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang bautismo at Kanyang dugo sa Krus, ang katuparan ng katuwiran ng Diyos bilang ating katubusan. Dahil si Esau ay sinikap na mapagpala ng kanyang ama sa pamamagitan ng kanyang sariling pangangaso, siya’y naging simbolo ng mga di-magkakamit ng pagpapala ng Diyos. Dapat tayong maglaan ng maraming panahon sa maayos na pag-iisip sa bagay na ito. Sino sa mundong ito ang tulad ni Esau? Hindi ba tayo tulad niya?
 
Ang taong tulad ni Jacob ay yaong babad sa makatuwirang pag-ibig ng Diyos. Alam din natin, tayo rin, ay mahihina at masasama, tulad ni Jacob. Ang Diyos, tumawag sa atin kahit bago pa tayo isilang upang manindigan sa pamamagitan ng ating mga gawa bagkus sa pamamagitan ng Kanyang pagtawag, sinabi sa atin na manalig sa Kanyang pag-ibig at katuwiran upang makamit ang Kanyang pag-ibig. Sinugo ng Diyos si Jesus, na siyang nagsakatuparan sa katuwiran ayon sa Kanyang layon, para sa ating lahat.
Nang unang tinawag tayo ng Diyos, Siya’y naparito upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang matuwid. Ang mga kinamumuhian Niya ay yaong mga nag-aakala sa kanilang mga sarili na puno ng kanilang sariling katuwiran at di-nananalig sa Kanyang mahabaging pag-ibig. Ang mayroong gayong ligaw na pananampalataya ay kinamumuhian ng Diyos at di-madadamitan ng Kanyang pag-ibig upang maging Kanyang mamamayan. Itinalaga ng Diyos ay katotohanang ito ay para sa atin sa kanyang puso. Kaya si Pablo’y tiyak na sinabi. “Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari!” (Roma 9:14)
 
 
Ang mga inibig ng Diyos ay yaong mga tulad ni Jacob
 
Kapag ang Diyos ay tumitingin sa iyo, ikaw ba talaga ang uri ng tao na bibigyan Niya ng awa? Anong dahilan ang kailangan ng Diyos kapag siya’y may habag kaninuman Niya nais mahabag at mamumuhi ang nais Niyang kamuhian? Paano nating masasabi sa Diyos na Siya’y nakagawa ng mali sa atin?
May mga di mabilang na taong nabubuhay sa mundong ito. Habang ang iba sa kanila’y iniibig ng Diyos, ang iba’y hindi. Ibig bang sabihin ang Diyos ay nakagawa ng mali sa kanila?
Ang Diyos ay isang makatwirang Diyos na humahatol sa mga makasalanan ng mga sumalungat sa Kanyang katuwiran. Dapat nating iwasan ang anumang mga maling unawa sa bagay na ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa hayag na layon sa loob ng Kanyang katuwiran dahil sa ating pananampalaytaya sa katuwirang ito. Maraming mga naligaw na Kristiyano na ang mga puso’y katulad ni Faraon, ay matigas. Ito ang mga uri ng taong kinamumuhian ng Diyos gaya na paliwanag sa talatang 17 ng kapitulong ito: “Sapagka’t sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, ‘Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala’y maitanyag sa boong lupa.’”
Tayong lahat ay walang karapatan sa Diyos. Kung gayon, hindi tayo matutulad kay Faroaon. Kung tayo’y kamumuhian ng Diyos na mga matitigas ang puso tulad ni Faraon, dahil sa di pananalig sa bautismo ni Jesus. At kanyang dugo sa Krus bilang ating katubusan? Oo, ang taong tulad ni Faraon ay nanlaban sa Diyos. Ang gayong tao ay nagmamayabang at umaasa sa kanilang mga sariling katuwiran, ngunit ang kanilang mga sariling katuwiran ay di maaaring tubusin sila sa kanilang mga sariling kasalanan.
Saan umasa si Faraon? Nagtiwala siya at umasa sa Ilog ng Nile. Inakala niya na habang taglay nila ang masaganang daloy ng tubig, ang lahat ay magiging mabuti. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay namumuhi sa taong tulad ni Faraon. Sinuman ang matigas ang pusong tulad ni Faraon ay kamumuhian at susumpain ng Diyos. Hindi ka dapat maging tulad niya. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mahabaging pag-ibig na libreng binigay sa atin ng Diyos, ika’y magiging Kanyang anak. 
 
 
Nagagalak ka bang sumasang-ayon sa makatwirang plano ng Diyos?
 
Ang iyo bang puso ay nakahandang tanggapin ang makatwirang pag-ibig ng Diyos na itinalaga para sa iyo sa Kanyang layon? May mga iilang tao, bagamat nananalig kay Jesus ay dumadanas ng hirap dahil mali ang kanilang unawa sa layon ng Diyos. Ang gayong tao ay nagtataka, “Naniniwala ako kay Jesus, ngunit hinirang nga ba ako ng Diyos? Kung hindi Niya ako hinirang, anong silbi ng aking pananalig? Ano ngayon ang aking gagawin? Hindi ko mapigil ang manalig kay Jesus; anong maaari kong gawin? Tunay akong nananalig kay Jesus, ngunit anong mangyari kung hindi Niya ako pinili?” 
Susubukan nilang aliwin ang kanilang mga sarili sa pag-iisip, “Yamang ako’y nananalig kay Jesus at dumadalo sa mga gawaing Iglesia, maaaring pinili ako ng Diyos. Tiyak iyan ang pangyayari! Ang langit ay tiyak na may puwang para sa akin!” Nguni’t kapag sila’y nagkasala, magtataka sila, “Maaring hindi ako hinirang ng Diyos! Maaring panahon na para sa akin na tumigil na sa pananalig kay Jesus!” Sa madaling salita, inaakala nila sa kanilang mga sarili, pinasya sa kanilang mga sarili, at tatapusin lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanilang mga sarili. Ang mga taong tulad ng mga ito ay kailangang isiping muli ang kanilang unawa sa layon ng Diyos at makamit ang tamang pagkaunawa upang makapanalig kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas.
Ang mga higit na nanalig sa mga turo ng teolohiya kaysa sa sariling salita ng Diyos, sa kabilang dako ay maaring sabihin, “Hindi ba’t sinabi ng Diyos na ang matanda ay paninilbihan ay nakababata, at Kanyang minahal si Jacob at namumuhi Siya kay Esau, kahit bago pa man sila isilang? Yamang nananalig tayo kay Jesus ngayon, tiyak na tayo’y itinakdang maligtas kahit pa bago ang ating kapanganakan.” Ngunit sinasabi ni Apostol Pablo sa atin na ang pagtatalaga ng plano ng Diyos ay “sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag.” 
Pagsunod sa kautusan ay di magiging anak ng Diyos ang isang tao. Tanging sa pagkakaroon ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos at sa Kanyang awa at pag-ibig na pinadama sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus tayo maaaring maging Kanyang mga anak.
 
Dahil sa mga doktrinang itinakda ng mga teolohiya, maraming tao ang di-makapanalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo, ang kapahayagan ng katuwiran ng Diyos, bilang kanilang kaligtasan. Ang mga nakarinig na ng ebanghelyo ng pag-ibig, pinakikita ang Kanyang katuwiran, ngunit di-nananalig dito ay tulad din ni Faraon. Namumuhi ang Diyos sa mga di-nananalig sa katuwiran ng Diyos na inihayag kay Jesu-Cristo, nagsisikap na maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus ayon sa kanilang mga sariling kagustuhan.
Kung hindi ka mananalig sa makatuwirang pag-ibig ng Diyos na pinakita sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, panahon na para iyong gawin. Sa gayo’y ika’y madadamtan ng pag-ibig ng Diyos. Tayong lahat ay tulad ni Esau, ngunit tayo’y nangaligtas ng minsan sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos. Tinanggap natin ang mapalad na pag-ibig ng Diyos dahil sa pananalig sa Kanyang katuwiran.
Inihanda ng Diyos, sa mga Istraelita at mga Gentil, ang pagpapala ng pagpapahintulot sa mga mananatili sa Kanyang makatwirang pag-ibig upang Kanyang maging mga anak. Tulad ng sinabi ng Diyos, “Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan;at iniibig, na hindi dating iniibig.” Binigay Niya sa atin ang ebanghelyo ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo, at sa mga nananalig dito, Kanyang makatuwirang pag-ibig.
Ang mga sumusunod na talata, “At mangyayari na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo’y hindi ko bayan, ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay,” ay salita ng pag-ibig ng Diyos naisasakatuparan sa atin ngayon. Atin ngang mababatid na dahil tayo’y di-umabot sa Diyos, niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagparito sa atin sa laman at pagpapahintulot ng pag-ibig sa Kanyang katuwiran sa atin.
Na ikaw at ako’y naligtas sa lahat ng ating mga kasalanan sa harap ng Diyos ay ang pagtutubos na may pag-ibig na naiplano sa katuwiran ng Diyos. Upang matubos sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos, ng walang pagmamatigas ng ating mga puso, ay maaaring maging posible lang dahil sa pananampalataya sa katotohanan. Maliban sa ganitong paraan ng pananampalataya, wala ng ibang paraan upang makamit ang paghuhugas ng mga kasalanan. Tayong lahat ay isinilang na matitigas ang mga puso, ngunit ang Salita ng Diyos ay maaaring magtagumpay sa ating mga puso at sa ating katigasan ng ulo. Ang ating mga puso sa gayo’y paghaharian ng kapayapaan ng Diyos. Kung mananalig kayo sa Diyos, mapapasa-iyo ang katuwiran ng Diyos. 
 
Kung ang ebanghelyo ng katotohanang naglalaman ng katuwiran ng Diyos na ating pinangangaral ay di-nananatili, bawat isa sa mundong ito ay haharap sa kanyang sariling kapahamakan. Kung wala ang mga dinamtan ng makatuwirang pag-ibig ng Diyos, ang mundo’y narating na ang katapusan nito, lahat ay nahatulan sa kanilang mga kasalanan. Ngunit iniwan ng Diyos sa mundong ito yaong nananalig sa pag-ibig ng Kanyang katuwiran. Magiging mapagpasalamat lamang tayo sa Diyos dahil Siya’y gumagawa sa pamamagitan natin, sa kabila ng ating maraming mga kahinaan at mga pagkukulang. 
Ang pananampalatayang dinamtan ng pag-ibig sa katuwiran ng Diyos ay ang katuwiran nagmula sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos ay matatagpuan sa isang pusong nananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo. Sa pamamagitan ng ating mga pananampalataya sa Kanyang katuwiran tayo’y napalaya sa ating mga kasalanan. Ang katotohanang ito ay ang plano, pagtatalaga, at paghirang na itinakda ng Diyos para sa atin. 
Sinabi ng Diyos na sinuman sa Kanyang katuwiran kay Jesus, ay maliligtas sa kanyang mga kasalanan. Ang tao’y haharap sa kapahamakan hindi dahil ang katuwiran ng Diyos ay hindi naalis lahat ng mga kasalanan, ngunit dahil sa kanyang katigasan ng puso, hindi siya nananalig.
Dapat magpakumbaba ang ating mga puso sa salita ng Diyos at manalig sa Ebanghelyo ng tubig at Espiritu. Ang ating mga puso’y dapat na lumuhod sa Kanya. Tayo’y pinagpala dahil sa pananalig sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos. Niligtas tayong lahat sa ating mga kasalanan dahil lubos ang habag Niya sa atin. Magpasalamat tayo sa Kanya. Tayo na mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay walang dapat ikahiya. Sa kabilang dako, mayroon tayong dahilan upang ipagmalaki ang Kanyang katuwran.
 
Na iniligtas tayong lubos ng Diyos sa ating mga kasalanan dahil di tayo makaabot sa Kanya—purihin ang Panginoon sa kaligtasang ito! Upang ibigin ng Diyos, dapat tayong manalig sa Kanyang katuwiran. 
Alam mo ba itong katuwiran ng Diyos? Kung gayon, manalig dito. Ang makatwirang pag-ibig ng Diyos ay darating sa iyong puso. Nawa ang iyong pananalig sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos na Kanyang layon para sa iyo upang mapalaya sa maling unawa.
 
Nawa’y ang pag-ibig ng pagtutubos na itinalaga ng Diyos para sa iyo ay mapasa-iyong puso. Hallelujah! Nagpapasalamat ako sa Diyos ng tatlong Persona na umari sa atin bilang kanyang mga anak sa Kanyang katuwiran.