• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 9-3] Mali ba para sa Diyos na mahalin si Jacob? (Roma 9:30-33)

2021.04.13 113
(Roma 9:30-33)
“Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangasisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga’y ng katuwiran sa pananampalataya. Datapuwa’t ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan. Bakit? Sapagka’t hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila’y nangatisod sa batong katitisuran. Gaya ng nasusulat:
‘Narito, inilalagay Ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal, 
at ang sumasampalataya sa Kaniya’y hindi mapapahiya.’”
 
 
Sa pagtawag sa ating lahat, sinabi ng ating Panginoon, “Sapagka’t hindi Ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan” (Mateo 9:13). Dapat nating mabatid na ang mga nagsisisunod sa kanilang sariling katuwiran, ang handog ng kaligtasan ay di-pinahihintulot, at upang iwasan ito, sa halip tayo’y dapat na manalig sa katuwiran ng Diyos.
Sa Roma 9:13 ay sinasabing inibig ng Diyos si Jacob habang Siya’y namuhi kay Esau. Sa mga tumatanggap na may pasasalamat sa katuwiran ng Diyos, binigay ng Diyos sa kanila ang handog ng paghuhugas ng mga kasalanan, pati na ang pagpapalang sila’y maging Kanyang mamamayan. Lahat tayo’y dapat manalig sa Diyos sa kaalaman ng Kanyang katuwiran.
Dapat nating aralin at unawain ang Salita ng katuwiran ng Diyos na binigay sa ating lahat. Kung ang isa’y nagnanais na mapalaya sa kanyang mga kasalanan, siya’y dapat munang malaman ang kanyang mga pagkukulang at mga kahinaan, pati na ang katuwiran ng Diyos. Dapat nating malaman at manalig sa Kanyang katuwiran. Sinabi ng Diyos sa atin na yaon lang nakakaalam na sila’y patungong impiyerno ang nangangailangan ng Kanyang katuwiran. Mahalagang kilalanin natin ang ating mga sariling kasalanan at mabatid na dahil sa ating mga kasalanan, mahaharap tayo sa galit ng Diyos na ang ating kaparusahan sa impiyerno ay di-maiiwasan.
Ngunit matatanggap natin sa ating mga puso ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa pamamagitan ng bautismo ng ating Panginoon, Kanyang kamatayan sa Krus at Kanyang pagbangong-muli, dahil yaon lamang nakakalam ng katuwiran ng Diyos ang maaaring manalig sa katuwirang ito. Ito’y dahil ang biyaya at pag-ibig ng Diyos ay hindi mga bagay na makakamit kahit pa sa mga panalanging pangungumpisal o isang debosyong pamumuhay, na siyang ginagawa ng maraming mga relihiyosong tao. Subali’t, ang paghuhugas ng mga kasalanan na binigay ng Diyos ay para sa lahat ng mga sumasamba at nananalig sa Kanyang katuwiran.
Tayong lahat ay dapat na maging handang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa ating mga puso. Nais mo bang makamit ang katuwiran ng Diyos? Kung gayon aminin sa harap ng Diyos at sa pamamagitan ng Kanyang kautusan ang iyong mga sariling kakulangan. Kilalanin na dahil sa iyong mga kasalanan, ika’y nasa ilalim ng galit ng Diyos, at iyong kailangan ang Kanyang katuwiran! Kung ika’y mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at tanggapin ito sa iyong puso, mapapasayo ang katuwiran ng Diyos. Dapat mong malaman ang katotohanang ito.
 
 
Ang mga kaisipan ng mga di-nananalig sa katuwiran ng Diyos ay mga lito at nakakulong sa kawalan. 
 
Sinabi ng Diyos na ang ating mga kaisipan ay lito mula pa sa simula (Genesis 1:2). Bakit ang mga pag-iisip ng tao’y nalilito mula pa sa pasimula? Ito’y dahil ang mga anghel na nag-rebelde sa Diyos ay hinadlangan ang tao na manalig sa Salita ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapalito sa kanilang mga pag-iisip. Kaya ang kasalanan ay naparito sa puso ng tao (Genesis 3:1-8).
Ang Kasulata’y sinasabi sa atin na ang anghel na nilikha ng Diyos ay nag-rebelde sa Kanya. Ang anghel na ito ay tinangkang agawin ang trono ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang sariling lakas at pamamaraan, sa pagkabigo ng rebelyon, pinalayas mula sa kaniyang pribilehiyong posisyon. Tinukso at dinaya ng Masamang Anghel ang tao, at ginawa niya silang mag-rebelde rin sa Diyos. Ang anghel na ito ay si satanas. Ang mapagmataas na anghel na ito ay kumikilos pa rin sa mga mananampalataya at di-mananampalataya sa lahat ng mga uri ng pagyayabang at ugaling rebelyon. Sa pamamagitan ng panlilinlang sa tao, hahamunin niya ang Salita ng katuwiran ng Diyos at Kanyang kapangyarihan.
Ang Diablo ay laging nagsisinungaling upang ang tao’y di-magawang manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil sa pandaraya ng Diablo, maraming walang bunga sa pagtatangkang maitatag ang kanilang sariling katuwiran. Hinayaan Niyang mahulog ang tao sa kasalanan, at sanhi nito, ginawa Niya silang mabuhay ng may pagkalito at mga kaisipang laman.
 
 
Ang paghuhugas ng mga kasalanan at ang katuwiran na binigay ng Diyos 
 
Kalayaan sa kasalanan para sa sangkatauhan, nahulog sa kasalanan dahil sa masamang panunukso ni satanas, hindi batay sa pagmimithi o kanyang sariling katuwiran. Subali’t, maraming tao ang nagtatangka upang desperadong makatakas sa kanilang mga kasalanan sa walang-saysay na pagtalikod sa Diyos ng di-nababatid ang kanilang mga sariling kahinaan. Pinagwikaan ng Diyos ang mga naghahanap ng kanilang mga sariling katuwiran, yaong nagsisikap na makamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa. Ang pagtutubos ay hindi para sa gayong mga tao; yaon lamang nakakabatid na sila’y mga makasalanan, at mga nananalig sa tunay na ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pinahintulutan ng Diyos ang Kanyang katuwiran.
Ang pinaka-dakilang kalooban ng Diyos ay kaiba sa mga kaisipan ng tao. Sinabi ni Pablo sa atin na gaaano man ang tao’y pumaimbabaw sa kanyang panlabas na anyo sa relihiyosong pagdalo sa iglesia, mga panalangin sa gabi, mga maagang panalangin sa umaga, pag-ayuno, paghahandog, pangungumpisal, at iba pa—hindi niya magagawang linisin ang kanyang sariling kasalanan.
Sinasabi sa atin ng Diyos na ang mga gawa ng kautusan ay di-maaaring tubusin ang ating mga kasalanan at makamtan ang katuwiran ng Diyos. Gaya ng sinasabi sa mga talatang 32-33 ng kapitulo 9 ay sinasabi, “Bakit? Sapagka’t hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila’y nangatisod sa batong katitisuran. Gaya ng nasusulat: ‘Narito, inilalagay Ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal, at ang sumasampalataya sa Kaniya’y hindi mapapahiya.’”
Tulad niyaon, upang kamtan ang katuwiran ng Diyos, dapat tayong manalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus, sa pamamagitan nito si Jesus ay naging handog sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ito samakatuwid ang pinaka-kritikal na kailangan mong malaman upang itapon ang iyong sariling katuwiran upang makamit ang katuwiran ng Diyos. Hindi natin dapat tanggihan ang katuwiran ng Diyos, binigay sa atin ng walang bayad, habang pinapahayag nating si Jesus bilang ating Tagapagligtas.
Kahit ngayon, maraming tao ang nagsasabing si Jesu-Cristo ay kanilang Tagapagligtas ay nananatili pa ring mga makasalanan dahil hindi sila nananalig sa ebanghelyong inihayag ng katuwiran ng Diyos. Ang tao’y di-makakamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Kautusan. Ang mga nananalig sa Salita ng katuwiran ng Diyos ay dapat itapon ang mga pagsunod sa kanilang sariling katuwiran. Dapat mong tandaan na si Jesus ay naging katitisurang-bato sa mga sumusunod sa kanilang ikatutubos at sa katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling mga gawa sa kautusan.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, bigay ng Diyos sa atin, ay ang katotohanang tumubos sa mga nanalig kay Jesu-Cristo bilang kanilang Tagapagligtas, at sasamahan yaong sumusunod sa katuwiran ng Diyos. Ang pinaka-kailangan para sa pagtubos at buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya sa Salita ng katuwiran ng Diyos, nahayag sa pamamagitan ng bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus. Inihayag ang Salita sa atin kung sino ang di-maaaring tumanggap ng paghuhugas ng mga kasalanan, at kasabay nito, tinuturo sa atin ang katotohanan na ang nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tatanggap ng katuwiran ng Diyos.
 
Ang wastong pananampalataya, samakatuwid, nangangailangan ng unawa na hindi ipinasiya ng Diyos na pumili ng iilang pangkat ng tao nang walang-pasubali at dalhin sila sa impiyerno. Kung inibig nga ng Diyos ang iilan at namuhi sa iba, ang tao ay hindi gagalangin ang Kanyang katuwiran.
Sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itinakda ng Diyos ang kautusan ng katuwiran sa pagtutubos upang palayain lahat ng mga makasalanan sa kanilang mga kasalanan, at binigay sa atin ang dakilang pagpapala ng pagdadamit ng Kanyang pag-ibig. Bawa’t isa’y dapat na itapon ang kanyang sariling katuwiran sa harap ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na sinambit sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Binigay ng Diyos ang Kanyang katuwiran para lamang sa mga mananalig nito.
Hindi pinahintulot ng Diyos na ang tao’y mailigtas ang sarili sa kasalanan sa pamamagitan ng kanilang sariling katuwiran. And di-pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu bilang katuwiran ng Diyos, wala ni isa ang tatanggap nitong katuwiran, kahit pa siya’y may paniniwala kay Jesus (Juan 3:1-8).
Ang bautismong tinanggap ni Jesus at ang dugong nabubo sa Krus ay naging ang katuwiran ng Diyos. Kaya si Jesus ay naging batong pangbuwal sa mga sumusunod sa kanilang sariling katuwiran. Ang mga mananampalataya kay Jesus, samakatuwid, ay dapat mabatid at maunawaan na kapag sila’y sumunod sa kanilang sariling katuwiran, kanilang niyuyurakan ang katuwiran ng Diyos. Walang makasalanan ang maaaring pumasok sa mga Pintuan ng Langit na walang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Tayong nananalig kay Jesus ay dapat makamit ang paghuhugas ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos.
Si Jesu-Cristo ay naparito sa mundo, ang Tagapagligtas ng mga makasalanan at ang mismong katuwiran ng Diyos. Dapat tayong tunay na manalig sa katuwiran ng Diyos, dahil pinatawad ni Jesus ang ating mga kasalanan dahil sa Kanyang Salita sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. Ang mga mananampalataya kay Jesus ay dapat manalig sa bautismong tinanggap Niya mula kay Juan at Kanyang dugo sa Krus bilang ang katuwiran ng Diyos. Tanging ang mga nananalig sa nakasulat sa Salita ng tubig ang ng Espiritu ang makakapasok sa Langit.
 
 
Sinabi sa atin na tayo’y nahahati bilang mga sisidlan ng galit at mga sisidlan ng awa
 
Sinabi ng Diyos, “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanlibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26) Kung ang isa’y mawawala ang kanyang buhay na walang hanggan, ang kanyang mga nagawa sa mundong ito’y walang saysay, anuman ang mga ito. Ito’y mga walang silbi kahit pa ang isa’y nasakop ang buong mundo o kahit pa ang buong kalawakan, kung hindi niya nakamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng panananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus.
Gaaano man kainam ang mga doktrina ng teolohika, tanging sa pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung tumupad sa katuwiran ng Diyos ang maaaring tumanggap at manalig sa katuwirang ito. Ang mga mananampalataya kay Jesus ay maaaring mapalaya sa kanilang mga kasalanan kung sila lamang ay tatanggap ng katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig dito.
Sa mga panahong ito, karaniwang makikita ang mga mananampalatayang nagsasabing siya’y nananalig sa katuwiran ng Diyos, nagdadalamhati sa kanyang mga kasalanan sa bawa’t panalanginan sa umagang pagpupulong. Sa katotohana’y hindi sila nananalig sa katuwiran ng Diyos. Dapat nating mabatid na ang gayong mga pananampalatayang sinasambit ng mga di-nananalig sa pagtutubos ng Kanyang katuwiran ay di-makalulugod sa Diyos, bagkus Siya’y magagalit. Sapagka’t sila’y sumalungat sa Diyos, sila’y mananatiling mga kaaway Niya.
Sa Juan 3:5 ay sinabi sa atin, “Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makakapasok sa Kaharian ng Dios.” Itong dahilan kung bakit kailangan mong ayusin lahat ng iyong mga suliranin sa kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at sa katuwiran ng Diyos. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay naging katuwiran ng Diyos na magbibigay sa iyo ng paghuhugas sa mga kasalanan at Kanyang katuwiran.
Kung hangad mo ang uri ng pananampalataya na magpapawalang-sala sa iyo sa katuwiran ng Diyos, dapat kang sumunod at manalig sa Salita ng tubig at ng Espiritung kalakip ang katuwirang ito. Dapat mo ring mabatid na, para sa iyong puso na mapuspos ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, dapat mong iwaksi ang iyong sariling katuwiran. Ang sinasabi ni Pablo sa mga Israelita at mga Gentil na kailangan nilang iwaksi ang kanilang pagsunod sa kanilang sariling katuwiran kung nais nilang makamit ang katuwiran ng Diyos.
Binigay ng Diyos kay Abraham ang kanyang anak bilang bunga ng kanyang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ang katuwiran ng Diyos ay makikita sa Salita ng tubig at ng Espiritu. Sinuman ang mananalig sa Salita ng katuwiran ay magiging isang matuwid na tao. Si Rebeka, na asawa ni Isaac, ay naglihi ng kambal, at kahit pa bago sila isilang, o gumagawa ng anumang mabuti o masama, sinabi sa kanya, “Ang nakatatanda’y maglilingkod sa nakababata.” Mula sa talatang ito, ibang tao ay nagpasiyang ang Diyos ay di-makatarungang Diyos, at iya’y isang maling kapasiyahan.
Ito ay dahil alam na ng Diyos ang mga magiging pananampalataya nina Jacob at Esau, kahit pa sila nasa sinapupunan pa ni Rebeka. Ang lihim ng katuwiran ng Diyos ay nakakubli sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Dahil si Esau ay taong palalo sa kanyang sariling mabubuting gawa, nakita siya ng Diyos na walang kinalaman sa pananampalataya sa Kanyang katuwiran, kaya siya’y kinamuhian ng Diyos. Si Jacob, sa kabilang dako’y isang taong nananalig sa katuwiran ng Diyos at binigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Kanya lamang; sa gayo’y walang magagawa kundi ang ibigin siya.
Ang pag-ibig ng Diyos kay Jacob, at muhi kay Esau, samakatuwid, ay batay sa katotohanan. Hindi nalulugod ang Diyos sa taong tulad ni Esau, nagmamalaki sa kanyang sariling kapangyarihan ng di-nananalig sa katuwiran ng Diyos, nguni’t Siya’y nasisiyahan at umiibig sa mga taong tulad ni Jacob, nalalaman ang kanyang mga kahinaan at nananalig sa Kanyang katuwiran.
Kadalasan ang tao’y di-nauunawaan ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanong kung paano ang Diyos ay kumikilos ng gayon kay Isaac. Iniisip nila kung ang Diyos ay umiibig sa ilan habang namumuhi sa iba mayroong kamalian ang Diyos, at sila’y maaaring tumanggi sa pananalig kay Jesus dahil iniisip nilang Siya’y isang di-makatuwirang Diyos.
 
Ngunit paanong mangyayaring ang Diyos ay di-makatwiran? Kung ang isa’y nag-aakalang ang Diyos ay di-makatwiran, ito’y isa lang pagpapakita ng katotohanan na siya’y walang tamang kaunawaan sa katuwiran ng Diyos. Dagdag sa mga ito, sila’y tiyak na di-nananalig sa katuwiran ng Diyos, tinakpan ang katuwiran ng Diyos na kanilang sariling katuwiran ang kumikilos ng malubhang kamalian sa harap ng Diyos. Bawa’t isa’y dapat na itapon ang kanilang sariling katuwiran sa harap ng katuwiran ng Diyos at manalig sa Salita ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
Ito lang ang tanging paraan sa pananalig sa Salita ng pagtutubos kalakip ang katuwiran ng Diyos. Na ang Diyos ay di-makatwiran ay isang bahagi ng iyong sariling imahinasyon, nagmula sa iyong kamangmangan sa malalim na layon ng Diyos, itinakda sa Kanyang plano at pagtatalaga. Ang makatwirang plano ng Diyos ay upang ihayag ang Kanyang katuwiran sa atin. Dahil alam na ng Diyos ang bukas ng kambal, nilayon ng Diyos ayon sa Kanyang katuwiran at itinalagang iibigin sinuman ang mananalig.
 
Dapat nating unawain at manalig sa katuwiran ng Diyos sa Kanyang layon. Sino sa pagitan nina Jacob at Esau, ang tatawagin ng Diyos? Sinabi ng Panginoon na Siya’y “naparito hindi upang tawagin ang matuwid, kundi mga makasalanan.” Ang katuwiran ng Diyos, sa madaling salita, ay tinatawag ang taong tulad ni Jacob. Para kay Esau, maliban lang sa di-pagtugon sa makatwirang tawag ng Diyos, Siya rin ay nagmamayabang sa kanyang sariling katuwiran. Itong dahilan kaya si Esau ay kamumuhian habang si Jacob nama’y naging isa sa tumugon sa tawag ng katuwiran ng Diyos.
Lahat ng mga katotohanang ito na hango sa Biblia ay dapat maunawaan sa pananampalataya na nakakaalam at nananalig sa pag-ibig ng katuwiran ng Diyos. Kung ang isa’y subukang ayusin ang palaisipan ng pagtatalaga ng Diyos na walang wastong kaalaman sa makatwirang pag-ibig ng Diyos, siya’y mahuhulog sa patibong kanyang inilagay, tungo sa kanyang sariling kapahamakan.
Itinakda ng Diyos ang pagtatalaga upang ihayag ang pag-ibig ng Kanyang katuwiran. Si Jacob ay isang tao na kinilala ang kanyang mga pagkukulang at nananalig sa Salita ng katuwiran ng Diyos. Na inibig ng Diyos si Jacob habang namumuhi kay Esau ay makatarungan. Sa makatarungang paningin ng Diyos, bawa’t isa’y nararapat sa Kanyang galit, nguni’t ipinagkaloob Niya sa atin ang Kanyang pagtutubos para sa lahat ng mananalig sa Kanyang katuwiran. Ang mga dinamtan ng awa ng Diyos ay ang mga di-nagmamalaki ng kanilang sariling katuwiran, bagkus ay nananalig sa katuwiran ng Diyos bilang kanilang katubusan. Ito ang mga taong naghahayag, “Nararapat sa akin ang maparusahan sa impiyerno dahil sa aking mga kasalanan. Panginoong Diyos, maawa po Kayo sa akin, at ituro po sa akin ang Inyong katuwiran.”
Binibigay lamang ng Diyos ang kapatawaran ng mga kasalanan sa mga nananalig sa Kanyang makatwirang pag-ibig, at ito ang layon ng Diyos sa atin upang maging Kanyang mga anak na Kanyang inihayag sa atin. Hindi ka dapat magkamali ng unawa sa layon ng Diyos na ibigin si Jacob at mamuhi kay Esau. Kung, nagkataon, hindi mo nauunawaan ng husto ang katuwiran ng Diyos, kung gayon panahon na para sa iyo na manalig muli sa makatwirang pag-ibig ng Diyos sa Kanyang katuwiran.
Naniniwala ako sa katuwiran ng Diyos. Ang mga may wastong unawa sa makatwirang pag-ibig ng Diyos ay maaari ring magkaroon ng wastong pananalig sa makatwirang kalooban ng Diyos sa Kanyang katuwiran. Nguni’t iilan lang sa mundong ito ang may wastong unawa sa makatwirang plano ng Diyos at nananalig dito, at marami ang nasalot sa kanilang maling unawa sa Diyos.
Inaakala ng mga taong ito, dahil sinasabi ng Kasulatan sa atin na namuhi ang Diyos kay Esau, ang ibang tao’y itinakda ng Diyos na walang-pasubaling kinamuhian Niya, parang ito ang kanilang tadhana na sila’y kamuhian Niya. Nguni’t ang ating Diyos ay hindi isang manlulupig na Diyos. Ang Diyos ay isang hukom na matuwid at makatarungan sa Kanyang katuwiran. Nais ng Diyos na ibigay sa bawa’t isa sa atin ang Kanyang matuwid na awa at pag-ibig.
Nais ng Diyos na ibigay sa atin ang Kanyang katuwiran sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at dinamtan ang mga nananalig sa Kanyang katuwiran sa Kanyang habag at ginawa Niya silang Kanyang mga anak.
Ang katotohanang ito ay nahayag sa Bagong Tipan sa Mateo 9:12-13 kung saan sinabi ni Jesus, “Datapuwa’t nang ito’y marinig niya, ay kaniyang sinabi, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit. Datapuwa’t magsihayo kayo at inyong pagaralan kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko, at hindi hain.’ Sapagka’t hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.” Ang mga taong mabuti ang kalagayan ay hindi kailangan ang duktor, maaaring isipin nilang makakagulo lang siya. Tulad ng mga taong di-nalalaman ang kahalagahan ng mga manggagamot kapag sila’y malulusog, hindi nila batid ang kahalagahan ng pagtanggap ng katuwiran ng Diyos sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pananalig dito. Hindi nalalaman ang katuwiran ng Diyos, sila’y abala sa paghahanap ng kanilang katuwiran.
Nguni’t ang mga makasalanan ay dapat na iwaksi ang kanilang sariling katuwiran at manalig sa katuwiran ng Diyos. Maaari kang maging si Jacob o si Esau sa harap ng Diyos. Sino ang nais mong maging? Ang gantimpala at parusa ng Diyos ay nakasalalay sa iyong pasiya kung mananalig ka o hindi sa pagtutubos ng katuwiran ng Diyos.
 
 
Walang kamalian sa Diyos 
 
Likas sa bawa’t tao ang maging mapagtunggali. Ang iba sa kanila’y mga higit na matatalino at mga tagumpay na tao at ang iba nama’y nakagawa ng maraming mabubuting bagay sa iba. Nguni’t kung wala ang unawa at pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, hindi nila makakamit ang kapasiyahan ng Diyos. Bawa’t ikaw at ako, kahit pa ang mga Israelita—ay mapaparusahan sa impiyerno sa harap ng Diyos. Magkaganito man, tayo’y napawalang-sala, hindi dahil sa ating mga pagsisikap, mga gawa, o mga kalakasan, nguni’t sa pamamagitan lang ng ating mga pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
Dahil ang Diyos ay walang pagkiling at pare-pareho sa pagbigay sa bawa’t isa ng Kanyang matuwid na pag-ibig, lahat ng mga nananalig dito ay mapapalaya sa lahat ng kanilang mga kasalanan. Ang Diyos ay hindi isang di-makatarungang Diyos, tulad ng iyong iniisip sa Kanya.
Kung natanggap ng isa o hindi ang pagpapalang pagtubos ng Diyos ay nakasalalay kung siya ay nagpasiyang tanggapin o tanggihan ito. Itong dahilan kung bakit ang tao’y naging mga sisidlan ng galit habang ang iba’y naging sisidlan ng awa. Si Jacob, kung ihahambing, ay naging isang sisidlan ng awa, habang si Esau naman ay nahantong bilang isang sisidlan ng galit.
Nguni’t ang mga ibang teolohiya at yaong di taglay ang Banal na Espiritu ay kadalasa’y naninirang-puri sa Diyos. Sinasabi nila, “Tignan mo, hindi ba’t ginawa ng Diyos si Faraon bilang isang sisidlan ng galit? Tignan mo si Rebeka! Tignan mo ang ginawa ng magpapalayok! Hindi ba’t ginawa ng Diyos ang isa bilang sisidlan ng karangalan mula sa pasimula? Ito’y maaari lamang maging tadhana!” Ang kanilang pangangatwiran ay ang mga sumusunod: ang ibang tao’y nahirang na upang maging mga anak ng Diyos kahit bago pa sila isilang, at ang gayong taong naitalaga at nahirang upang damtan ng pag-ibig ng Diyos lahat ay naging Kanyang mga anak, nguni’t ang iba’y patungo sa impiyerno. Ganito ang paghirang ng Diyos ay tinutuligsa. Nguni’t binigay ng Diyos ang Kanyang katuwiran sa bawa’t isa, at Kanyang hinirang ng walang pagkiling yaong mananalig dito.
Tayo’y napawalang-sala sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, nguni’t sa katotohana’y, hindi tayo ang Kanyang mamamayan bago ang lahat ng ito. Maaaring sang-ayunan ng Diyos ang ating mga pananampalataya dahil tayo’y napawalang-sala sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu dahil sa Kanyang Salita. Ito ang katotohanan ng ebanghelyo na nagpapakita ng kamangha-manghang kapangyarihan ng Diyos.
 
Sa pasimula’y, walang Diyos na nananahan sa atin, hindi nakikilala Siya, at tayong lahat ay mga makasalanan, nguni’t dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos tayo’y naging Kanyang mga mamamayan. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na ating pinapanaligan, ay ang ganap at tunay na ebanghelyo. Dapat nating purihin ang Diyos sa pagbibigay sa atin ng katotohanan kung saan makakamit natin ang Kanyang katuwiran.
Ang ating mga buhay ay puno man ng mga ligalig, nguni’t hindi natin dapat kalimutan ang katuwiran ng Diyos dahil tinuro sa atin ng Diyos ang kadakilaan ng Kanyang katuwiran. Ang pinakamasayang tao sa buong kalawakan ay ang taong nakakaalam ng katuwiran ng Diyos. Sa mga nananalig sa Diyos, ang tatlong Persona ng Diyos ay ang Ama ng awa. Siya ang ating banal na Diyos. Nilagay Niya ang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos sa mga kaluluwa ng mga nananalig. Tayo’y naging mga anak ng Diyos at mga tatanggap ng Kanyang biyaya at mga pagpapala sa pag-aalam at pananalig sa Kanyang katuwiran.
Nguni’t marami pa ring mga tao ang abala sa kanilang mga sariling pagsisikap na gumawa ng mabubuti. Pagbibigay ng mga kaloob, paglilingkod sa iglesia ng walang bayad, pagbibigay ng malaking donasyon sa pakiki-pagtunggali sa iba—aakalain mong ito’y mga mabubuting gawa, nguni’t ang mga ito ay di-maaaring maligtas ka. Sa pagtutuon lamang sa mga gawaing ito ay hindi pagpapakita ng iyong pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, nguni’t ito’y isang pagpapakita na ika’y naghahabol sa iyong sariling katuwiran. Ang mga abala sa mga pagsisikap sa kanilang sariling laman ay mga salungat sa Diyos. Sila na hindi nalalaman ang katuwiran ng Diyos ang mga abala sa gayong mga bagay ng laman.
 
Sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang kaligtasan ng Diyos ay hindi binigay sa mga lumalayo nito, bagkus yaon lamang nananalig sa Kanyang katuwiran. Ang katuwirang ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananalig sa ating mahabaging Diyos. Hindi dahil sa ating mga gawa tayo’y inibig ng Diyos, kundi sa pamamagitan lang ng pananalig sa Kanyang katuwiran matatamo nating ang Kanyang mahabaging pag-ibig. Kaya ang tunay na pananampalataya ay buong nakasalalay sa kung tayo’y nakakaalam at nakababatid sa katuwiran ng Diyos.
Hindi ba tayo mga walang saysay noong una pa? Dahil sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, hindi ba tayo naging marangal? Mapapanatili natin ang ating mga pananampalataya hanggang sa huli sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos at magmalaki ang ating mga sarili sa katotohanang tayo’y Kanyang naging mga anak.
Marami sa mundo ang gumagawa ng masasama at inaangking walang Diyos, nguni’t ang Diyos ay naawa sa atin dahil nanalig tayo sa Kanyang katuwiran. Tayo’y mga tunay na marangal sa harapan ng Diyos at ang ating pagmamalaki para sa Diyos ay katanggap-tanggap. Mahaharap man tayo sa mga pagsubok at mga kapighatian habang narito sa mundo, subali’t tayong lahat ay mayaman at masaya sa espirituwalidad. Lahat tayo’y dapat na sumunod sa katuwiran ng Diyos at itaas si Jesus.
Ginawa ng Diyos ang lahat ng anak, walang kasalanan, matuwid, at ganap sa Kanyang harapan. Dapat nating mabatid kung kanino nagmumula ang katuwiran ng Diyos. Ang katuwiran ng Diyos ay iginawad lahat ng ating mga pagkukulang at hinugasan lahat ng ating mga kamalian. Kung ikaw ay nananalig sa katotohanang ito o hindi ay lubos na batay sa iyo. Ikaw din, ay lubos na naligtas dahil sa katuwiran ng Diyos. Ano, kung gayon, ang iyong gagawin? Ipagpapaliban mo ba ang iyong desisyon na manalig kay Jesus?
Mapasa-iyo nawa ang katuwiran ng Diyos.