• All e-books and audiobooks on The New Life Mission website are free
  • Explore multilingual sermons in global languages
  • Two new revised editions in English have been released
  • Check out our website translated into 27 languages
Search

Sermons

Paksa 9: Mga Romano (Mga Komento sa Aklat ng Mga Roma)

[Kabanata 10-1] Panimula sa Kabanata 10

2021.04.13 154
Mayroon bang mga tao na hindi, habang sinusunod ang kanilang sariling katuwiran, nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Sinasabi ng Kasulatan na ang gayong tao, dahil sa di-pananalig sa katuwiran ng Diyos at sa halip ay nagpatuloy sa kanilang sariling katuwiran, ay ang mga taong laban sa Diyos. Ano ang gagawin ng mga taong ito?
Nilayon ba ng Diyos na ibibigay ang kaligtasan sa lahat ng tao, ang katuwiran ng Diyos, at sinugo si Jesu-Cristo sa pamamagitan ng mga Israelita? Oo! Buong pagmamahal na ninais ni Jesus na iligtas ang bawa’t makasalanan sa kanilang mga kasalanan na Siya’y naparito sa mundo, napako sa Krus, at bumangong-muli mula sa kamatayan. Siya’y naparito, sa madaling salita, upang iligtas lahat ng mga mananalig sa Kanya.
Sinugo ng Diyos Ama si Jesu-Cristo sa mga Israelita upang iligtas sila sa kanilang mga kasalanan, nguni’t hindi tinanggap ng mga Israelita si Jesus, Siyang katuwiran ng Diyos. Sa halip, sila’y naghahangad sa paghahabol sa kanilang sariling katuwiran. Kahit pa, sila’y walang kakayahang tanggapin Siya bilang ang Mesias ng kanilang bayan at Tagapagligtas ng kanilang mga kaluluwa.
 
Sinabi ni Pablo na mayroong mga sinugo ang Diyos, at sa pamamagitan nila ang mabuting ebanghelyo ay maririnig. Ang ebanghelyong maririnig sa mga lingkod ng Diyos na Kanyang sinugo ay ang ebanghelyong kalakip ang katuwiran ng Diyos. Hindi mo maaaring ipagpaliban ang pagkakataong ito. Sa pamamagitan lang ng pakikinig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, pinangangaral ng mga lingkod ng Diyos na nakakaalam at nananalig sa Kanyang katuwiran, ay maaari kang manalig na binigay sa iyo ng Diyos ang paghuhugas ng mga kasalanan at Kanyang katuwiran.
Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang pinakamahusay at ang pinakamagandang balita sa mundo. Itong mabuti at magandang balita ang nagligtas sa mga makasalanan sa kanilang mga kasalanan. Ang magandang balitang ito ang siyang magtutustos muli sa mga kaluluwa ng tao dahil ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ng Diyos ay ang tunay na pagkain para sa mga kaluluwa.
Sa magandang ebanghelyo ng pagtutubos na ipinagkaloob ng Diyos ay ang kapangyarihang magpatawad sa mga kasalanan ng bawa’t isa. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay may kapangyarihan ng pagpapala upang bigyan tayo ng kapayapaan sa ating mga kaisipan sa pamamagitan ng paghuhugas ng ating mga kasalanan.
 
Sentro sa kautusan ng Diyos, ang mga Israelita ay abala sa paghahangad sa kanilang sariling katuwiran. Dahil inaaakalang ang kanilang sariling katuwiran ay sagana sa kanilang pagsunod sa kautusan, hindi nila tinatanggap si Jesus bilang Tagapagligtas. Sila’y sabik na sabik sa kanilang pagpapatuloy sa mga gawain ng kautusan ni hindi nila pinahihintulutan ang katuwiran ng Diyos. Bigo silang matanggap ang Panginoon bilang kanilang Tagapagligtas magpahanggang ngayon, nagsisikap na ipagpatuloy ang kanilang sariling katuwiran.
Sinasabi ba ng Kasulatan sa atin na ang mga Israelita ay tumatalikod laban sa katuwiran ng Diyos upang maitaguyod ang kanilang sariling katuwiran? Tinutukoy ang mga Israelitang nahilig sa kautusan, kay pinabulaanan ni Pablo ang kanilang mga pananampalataya sa pagsabing, “Sapagka’t si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa’t sumasampalataya” (Roma 10:4).
Ang legalistang pananampalatayang nagpapatuloy sa kanyang sariling katuwiran ay hindi ang wastong pananampalataya sa Diyos. Habang ang mga Israelita ay abala lamang sa pagsunod sa mga kautusan sa Lumang Tipan, bigo nilang nalaman na si Jesus, ang naging katuwiran ng Diyos, ang naging Tagapagligtas, at sa halip ay sumalungat sa Diyos. Sa kanilang pagsisikap na magmayabang na sila’y mga hinirang na tao kung saan ang Salita ng Diyos ay binigay at susunod dito, ang mga Israelita ay nauwing bilang isang bayang salungat sa katuwiran ng Diyos.
 
 
Abala ka ba sa pagtataguyod ng iyong sariling katuwiran?
 
Ang suliranin sa pagsisikap ng mga Israelita sa kautusan na ang kanilang kahalingan ay ang pagtataguyod ng kanilang sariling katuwiran. Dahil sa kanilang sariling katuwiran, ang katuwiran ng Diyos ay itinaguyod ng ating Panginoon ay tahasang pinawalang-pansin.
Ang resulta ng legalistang pananampalataya ng mga Israelita na kinahantunga’y sumalungat sa katuwiran ng Diyos; samakatuwid, hindi pa rin nila batid kung gaano ang paninirang hindi mo mapapanumbalik ang resulta nito. Anong kabutihan at pakinabang ang idudulot sa kanilang paghahabol sa paggawa sa kautusan? Ang kanilang mga kahalingan sa pagsunod sa Salita ng Diyos ay nahantong lamang bilang mga balakid sa pag-aalam at pananalig sa katuwiran ng Diyos. Minsan pa, dapat nating mabatid na ang “pagsisikap” ng mga may maling pang-unawa sa kautusan ay maaakay lamang silang sumalungat sa Diyos sa huli.
Malinaw na sinasabi sa atin ng Kasulatan na, sa bawa’t isang sumasampalataya, si Jesus ang naging hantungan ng kautusan para sa katuwiran. Nakumpleto ng ating Panginoon ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan dahil sa Kanyang bautismo at pagbubo ng dugo sa Krus, lahat ay upang linisin ang mga kasalanan ng mga Israelita at ang mga Gentil. Tulad niyaon, ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na kalakip ang katuwiran ng Diyos, hindi ang kautusan, ay naging isang lugar na may tubig sa ilang para sa lahat ng mga makasalanan. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang nag-alis ng ating mga kasalanan at nagbigay sa atin ng tunay na pahintulot. Saan pa kundi sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu matatagpuan ang tunay na pahintulot sa puso ng lahat ng mga makasalanan sa sanlibutan?
Dito sa Aklat ng Roma, sinasabi ni Pablo sa atin na ang pagtataguyod sa sariling katuwiran ng walang pananalig sa katuwiran ng Diyos ay isang kasalanang malubha. Anong uri ng ebanghelyo ang magiging isang mabuting ebanghelyo sa ating mga Gentil? Ito ang ebanghelyo na nagsabi sa atin na ang ating Panginoong Jesus ay nag-alis ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo.
 
Ang ebanghelyong ito ay ang ebanghelyong nakatala sa Mateo 3:13-17, nagpapatotoong kinuha ni Jesus ang mga kasalanan ng sanlibutan: “Nang magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang Siya’y bautismuhan niya. Datapuwa’t ibig Siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, ‘Kinakailangan ko na ako’y iyong bautismuhan, at Ikaw ang naparirito sa akin? Nguni’t pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, ‘Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.’ Nang magkagayo’y pinayagan niya Siya. At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig, at narito, nangabuksan sa Kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa Kaniya. At narito ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ‘Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya kong lubos na kinalulugdan.’” Ganito kinuha ni Jesus lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo ni Juan sa Kanya.
Pinagwikaan ni Pablo ang mga legalistang di-nananalig sa katuwiran ng Diyos sa pagsasabing, “Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga’y upang ibaba si Cristo).” Sa ibang pananalita, ang katanungang ito’y, “Sino ang maliligtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa kautusan?” Ang layon ni Pablo sa katanungan ay upang bigyang-diin na ang pagsunod sa kautusan ay di-magbibigay kaligtasan mula sa kasalanan. Sinasabi niya sa atin, sa ibang pananalita, na wala tayong magagawa upang maialis ang kasalanan sa ating mga kasalanan.
Kadalasa’y binabanggit ni Pablo ang katuwiran ng Diyos sa kanyang mga liham. Ang sagot ni Pablo sa tunay na pananampalataya ay makikita sa Roma 10:10, sinasabing, “Sapagka’t ang tao’y nananampalataya ng puso sa ikatutuwid, at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” Ang ebanghelyong pinangangaral ni Pablo ay ang ebanghelyong nagsasabi sa atin na maaaring makamit ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa bautismo ni Jesus at Kanyang dugo sa Krus, kung saan ang katuwiran ng Diyos ay inihayag. Dapat tayong manalig na binigay ng Panginoon sa atin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at hinayaan Niya ang mga nananalig sa ebanghelyong ito na magkaroon sila ng tunay na kapayapaan sa isipan.
 
 
Tunay na pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Diyos
 
Ano ang sinasabi ni Pablo ukol sa tunay na pananampalataya? Sinasabi sa Roma 10:17, “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” Ang tunay na pananampalataya, sa ibang salita, ay darating kapag tayo’y nakikinig sa ebanghelyong ipinangangaral ng Kanyang mga lingkod, kung saan ang Diyos ay nangungusap sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
Ang ating matibay na pananalig sa tunay na pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Diyos, at upang maging mamamayan ng tunay na pananampalataya, dapat tayong makinig at manalig sa Kanyang Salita. Tanging sa pakikinig lamang ng Salita ng Diyos maaari tayong magkaroon ng tunay na pananampalataya at sa pamamagitan lamang nito ang ating mga pananampalataya ay lalago. Itong dahilan kung bakit ang Diyos ay sinugo sa atin ang Kanyang mga lingkod, nangangaral ng Kanyang katuwiran.
Kapag tayo’y nanalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay ng Diyos sa sangkatauhan, matatamo natin ang paghuhugas ng mga kasalanan at mananatili sa ating mga puso. Ang kalayaan mula sa kasalanan ay posible lamang sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, kung saan masusumpungan natin ang kapayapaan sa isipan.
Hindi ba sinabi sa atin na ang katuwiran ng ating Panginoon ay papahirin ang ating mga luha at palalayain tayo sa lahat ng ating mga dalamahati at mga pasakit? Oo. Sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritung binigay sa atin ng Diyos, lahat ng ating mga pasakit ay maglalaho. Ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay ang pinakamagandang balita at ang katuparan ng katuwiran ng Diyos.
Sinugo ng Diyos ang ating Panginoon, ang tumupad ng Kanyang katuwiran, sa mga Israelita, nguni’t sa paghahabol sa kanilang sariling katuwiran, tumanggi silang magbalik sa Kanya. Ano, kung gayon, ang ginawa ng Diyos? Upang pukawin ang mga Israelita na magselos, binigay ng Diyos ang ebanghelyo, ang katuparan ng Kanyang katuwiran, para sa mga Gentil na sumampalataya. Kung gayon, pinahintulutan ba ng Diyos ang mga Gentil sa pagkakataong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Siya nga, Kanya silang binigyan ng pagkakataong manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kahit pa hindi nila hinahanap Siya, ni tumawag sa Kanya, at sinamba Siya ng di-gaano kaysa sa mga Israelita.
Itong dahilan kung bakit ang mga Gentil ay naging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa mabuting balita ng katuparan ng Kanyang katuwiran. Ito rin ang dahilan kaya sinasabi ng Kautusan sa atin na ang katuwiran ng Diyos ay pinagpipitagan at niluluwalhati ng mga hindi Israelita.
 
Gaano karami ang taong talagang nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa ating lahat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na tumupad sa katuwiran ng Diyos? Inalis ng ating Panginoon ang lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Nguni’t, maraming mga Kristiyano pa rin ang di-nananalig sa katotohanang ito. Kung gayon, mayroon ba tayong katuwiran na maaari nating italaga sa harap ng Diyos? Wala! Kung gayon, bakit hindi tayo nananalig? Ito’y dahil hindi natin nalalaman kung ano ang ebanghelyo na nagsakatuparan sa katuwiran ng Diyos? Nguni’t ang pag-aalam sa ebanghelyong ito ay simple!
Tayo rin, ay mga uri ng tao na humahabol sa ating sariling katuwiran, tulad ng ginawa ng mga Israelita, nguni’t niligtas tayo ng Diyos sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng magandang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Magpasalamat tayo sa Panginoon sa pagbibigay sa atin ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang katuparan ng katuwiran ng Diyos, upang tayo’y manalig.
 
 
Huwag mong sabihin, “Sino ang aakyat sa langit?”
 
Sa talatang 6 ay sinasabi, “Nguni’t ang katuwiran ng pananampalataya ay nagsasabi sa ganitong paraan, “Huwag mong sabihin sa iyong puso, ‘Sino ang aakyat sa langit?’ (Sa makatuwid bagay’y upang ibaba si Cristo).’” Ang ating katubusan at ating paglilingkod sa ebanghelyo ng katotohanan ay naging posible dahil sa ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi dahil sa ating mga gawa. Kung hindi sa ating pananampalataya sa katotohanang tinupad ng katuwiran ng Diyos, tayo’y naging walang saysay kundi mga makasalanan, mga legalistang hinahanap ang kanilang sariling katuwiran, ay makakaabala lang sa Diyos.
Tulad ng ating kaligtasan ay dumating sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, maaari tayong mamuhay para sa ating Panginoon sa pagkakaroon ng pananampalataya sa katuwirang ito. Ang kalakasan para magpatuloy sa ating buhay ay nagmumula sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, tulad ng ating kaalaman sa katuwirang ito ay tumubo sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.
 
Mayroon bang ibang katotohanan maliban sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos para sa mga matutubos? Wala. Ang diwa ng Kristiyanismo ay nakasentro sa pananampalatay, at hindi paglalabis na sabihing ang katuwiran ng Diyos ay ukol sa lahat sa pananampalatayang Kristiyano. Ang mga napawalang-sala ay maaaring mamuhay at maipangaral ang ebanghelyo dahil sa kanilang pananampalataya sa katuwirang ito. Ang mga nananalig ba sa katuwiran ng Diyos, sa gayo’y mahaharap din sa mga ligalig? Oo. Nguni’t sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, kanilang madadaig lahat ng mga ligalig, dahilan na rin sa kanilang pananalig at pagtitiwala na ang Diyos ang kakalinga sa kanilang mga problema. Ang gayong mga paniniwala ay nagsimula sa pananampalataya sa katuwiran ng Diyos.
Paano naman ang mga ibang pananampalataya na hindi kasama ang katuwiran ng Diyos? Ang mga ito ba’y mga maling uri ng pananampalataya, batay sa gawa ng tao? Oo. Ang mga pananampalatayang nananalig kay Jesus, na di-nananalig sa katuwiran ng Diyos, ay hindi nga tunay na pananampalataya. 
Maaari ba ako at ikaw ay matubos sa ating mga kasalanan ng hindi muna nananalig sa katuwiran ng Diyos? Maaari ba tayong mabuhay sa pamamagitan ng ating mga pananampalataya sa Diyos ng walang pananampalataya sa Kanyang katuwiran? Hindi rin maaari. Ang kalakasan ng matuwid na makapaglingkod sa Panginoon ay nagmumula sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, binigay sa kanila bilang isang handog para sa kanilang pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Maari ka bang mabuhay sa mundong ito sa sarili mo lamang kalakasan o sa iyong mga makalupang pag-aari? Masusumpungan mo nga ba ang kapayapaan ng pag-iisip sa mga bagay na ito?
Makapaglilingkod tayo sa ebanghelyo ng may kapayapaan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos. Ang mga naglilingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay may pananampalataya, tapang, lakas at kapayapaan. Ang taong matuwid na di-naglilingkod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ang katuparan ng katuwiran ng Diyos, ay walang kapayapaan at tapang. Kailangan ba ng kapayapaan ang mga kaisipan ng matuwid? Oo. Kailangan nila ang kapayapaan hindi lamang upang mapalawig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kundi upang ang kanilang buhay ay makapamuhay ng lubos. 
 
Ang iyo bang isipa’y mapayapa? Kung ika’y mamumuhay lang para sa iyong sarili, wala ng dahilan para ang kapayapaan sa iyong isip ay lumago. Bakit kailangan mo pa ng kapayapaan o pananampalataya gayong kailangan mo lang matugunan ang mga pangangailangan ng laman upang mabuhay sa laman? Nguni’t kung maglilingkod ka sa Diyos, ang kapayapaan sa iyong isipan ay dapat ding lumago. Upang makapaglingkod sa ebanghelyo na tumupad sa katuwiran ng Diyos, ang iyong pananampalataya at kapayapaan ay dapat lumago.
Ang mga nananalig sa ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos ay may pananagutang ikalat ang kanilang kapayapaan sa buong mundo. Dahil hindi ito isang paksa ng pagmamalasakit lamang ng isang tao, kundi ang pangangailangang ikalat ang kapayapaan ng isipan na binigay ni Jesu-Cristo sa bawa’t isa, kailangan nating ipangaral ang ebanghelyo ng katuwiran ng Diyos sa buong mundo. Ang kapayapaan ng Diyos ay kailangan pa rin ng iba, lalo na para sa atin. Kinakailangan natin ng higit na kahilingan mula sa Diyos sa pagsisikap na mapalaganap ang kapayapaang ito sa iba. Kapag tayo’y nabubuhay sa pagpapalaganap ng katuwiran ng Diyos, ang kapayapaan ng ating isipan ay lalago, at masusumpungan natin ang malinaw at mahahalagang hangarin ng ating mga buhay.
Kung nais mong matutunan ang tunay na kapayapaang binigay ng Diyos, kailangan mong malaman at manalig sa ebanghelyong tumupad sa Kanyang katuwiran. Kailangan mong maranasan sa iyong sarili ang kapayapaan ng kaisipang inihanda ng Diyos para sa iyo.
Lubos ka ng naglingkod para sa Diyos, nguni’t kailangan kang patuloy na maglingkod sa Kanya ng mabuti, hanggang ika’y tawagin sa Kanyang presensiya, upang ang iba’y makabahagi sa iyong kapayapaan. Kapag narrating mo ang iyong kapayapaan kasama dahil sa iyong pananampalataya sa katuwiran ng Diyos, ang mga mananampalatayang sumusunod sa iyong mga yapak tungo sa katubusan ay maaari ring mamuhay para sa kapayapaan ng iba.
Ang mga bata pa sa kanilang mga pananampalataya ay mga baguhan sa kaharian ng pananampalataya, at limitado ang kanilang mga kakayahang unawain ito. Nguni’t kung tayo’y nabubuhay sa ating mga pananampalataya, yaong mga nasa likuran natin, bagaman matatagalan, ay unti-unti nilang mauunawaan kung paano ang mga tinubos ay mabubuhay ng may kapayapaan, sa pamamagitan ng pagsunod sa ating mga yapak sa pananampalataya.
 
Nahihirapan ka bang turuan yaong mga sumusunod sa iyong pamumuno kung paano mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya? Ang gayong buhay ng pagtuturo ay di-makakamit ng magdamagan. Maaari pa nga na tumagal ng mahabang panahon bago mo sila maaakay sa uri ng pananampalatayang kailangan upang mamuhay ng mapayapa. Nguni’t sa kapanahunan, yaong mga tinubos sa pananalig sa katuwiran ng Diyos ay unti-unting matututunan upang mamuhay ng mapayapa bilang mamamayan ng pananampalataya, tulad ng mga naunang mananampalatayang naglingkod sa Diyos natagpuan nila ang kanilang kapayapaan ng mga isipan mula sa Kanya, dahil sa mga matututunan natin sa mga nauna sa atin.
Ikaw at ako, tayong lahat ay dapat mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa katuwiran ng Diyos. Ang matuwid ay dapat mabuhay sa kanilang mga pananampalataya sa Salita. Ang ating mga kasalukuyan at kinabukasang mga buhay ay dapat na matiyak sa pamamagitan ng pananampalataya. Tinatanong sa atin ng Kasulatan, “At paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” Dahil nananalig tayo sa katuwiran ng Diyos, dapat nating ipangaral ang ebanghelyo sa sanlibutan. Sa pamamagitan ng pananampalataya, masasalubong natin ang lahat ng mga paghamong makakaharap natin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.
Ang mga buhay ng matuwid na di-nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay ang mga nawalan ng kapayapaan sa kanilang mga isipan. Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos ang magpapahintulot sa tao na makamit ang kapayapaan sa kanilang mga isipan. Kapag tayo’y nanalig sa Salita ng Diyos at sa Kanyang katuwiran para sa lahat ng mga bagay, maibibigay sa atin ang ating kapayapaan.
Ikaw ay dapat tumayong matatag sa iyong kapayapaan at pananampalataya sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Dapat ka ring magpuri sa Diyos, dahil pinahintulutan ka ng Panginoong mabuhay dahil sa pagpapalaya ng Kanyang katuwiran at kapayapaan. Nawa’y mabuhay ka sa pamumuhay ng pangangaral ng ebanghelyo, may pananampalataya sa Diyos, kung kanino mo natamo ang iyong kapayapaan.
 
Natutunan na ba natin sa Aklat ng Roma kung gaano ang kalubusan ng katuwiran ng Diyos? Detalyeng ipinaliwanag sa Roma kung ano itong katuwiran ng Diyos. Ang katuwiran ng Diyos na aming sinasabi ay hindi ang katuwirang likha ng tao, kundi sa Diyos, Siya mismo.
Ang katuwiran ng Diyos ay ganap at higit na sapat upang iligtas tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng pagkuha ng lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo, inayos ni Jesus lahat ng mga ito, sa kaganapan. Na maaari tayong manalig kay Jesu-Cristo ay sanhi ng katotohanang ang katuwiran ng Diyos ay ganap. Yamang itong katuwiran ng Diyos ay ganap na nagligtas sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan, tiyak na nararapat sa atin na manalig sa ebanghelyong tumupad sa Kanyang katuwiran.
Sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos, makapamumuhay tayong humahanga, nagpapasalamat, at nagpupuri rito. Ang tao’y maaaring manahan sa kabanalan ng Diyos tanging sa pananalig sa Kanyang katuwiran. Sa pamamagitan ng pananalig sa katuwirang ito, ang ating mga isipan ay nilinis, makapagpupuri sa Diyos, at ang ating mga buhay ay maaaring mabuhay para sa Kanyang kaluwalhatian.
Kung hindi naging ganap ang katuwiran ng Diyos, hindi tayo mapapalaya sa ating mga kasalanan. Bagaman ang ating orihinal na kasalanan ay napatawad na sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus, bawa’t kasalanang nagagawa natin araw-araw, pagkatapos ay kakailanganin ang mga araw-araw na panalanging pangungumpisal
Nguni’t matapos tayong matubos dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos, nahayag sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, sa gayo’y mababatid natin na ang katuwiran ng Diyos ay hindi mapapag-alinlangan. Ito ang dahilan kaya ako naging mapagpasalamat nang walang katapusan para sa katotohanang ang katuwiran ng Diyos ay kapani-paniwala at ganap hanggang sa walang hanggan. Dahil pinalaya tayo ng katuwiran ng Diyos mula sa lahat ng mga maaaring kasalanang magagawa natin sa ating buong buhay, tayo’y maliligtas sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran.
 
Ang mga di-naghahambing ng katuwiran ng Diyos sa ating karumihan ay di-maaaring manalig sa Kanyang katuwiran dahil sa hindi nila nababatid kung gaano ang laki nito. Kahit pa ang isang taong perpekto ay walang saysay kung ihahambing sa katuwiran ng Diyos, at ito ang dahilan kung bakit nananalig tayo sa Kanyang katuwiran, at gayo’y pinahintulutan tayong manahan sa Kanyang kabanalan. Tayo’y naging, sa ibang pananalita, mga lumuluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig at pananahan sa Kanyang katuwiran.
Kailangan tayong magkaroon ng wastong unawa sa katuwiran ng Diyos sa ating mga puso—ito ay, dapat nating mabatid na ang katuwiran ng Diyos ay pinalaya tayo ng buo mula sa ating mga kasalanan. Hindi ba tayo makakagawa ng di-mabilang na mga kasalanan sa buong buhay natin? Paano, kung gayon, ginawa ng Diyos ang makatarungang gawaing palayain tayo sa gayong di-mabilang ang mga kasalanan? Kanyang naisagawa ito sa pamamagitan ng pagparito sa mundo sa anyo ng ating laman, sa pagkuha ng lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbautismo ni Juan, kamatayan sa Krus, at pagkabuhay na muli—sa pamamagitan ng pagtupad, sa maikling pananalita, lahat ng katuwiran ng Diyos.
Bawa’t isa, bata o matanda, mayaman o mahirap, malakas o mahina, ay nagkakasala. Sino, kung gayon, ang nagligtas sa atin mula sa lahat ng mga kasalanang ito ng sanlibutan? Si Jesu-Cristo ang Siyang, sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, nagpalaya sa lahat ng ating mga kasalanan. Sinugo ng Diyos si Jesus upang lubos na kuhanin lahat ng ating mga kasalanan at lubusang alisin ang mga ito ay ang mismong katuwiran ng Diyos.
Wala ng iba kaysa rito ang tiyak na katuwiran ng Diyos na nagligtas sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan. Pinalaya tayo ng katuwiran ng Diyos sa lahat ng mga kasalanan ng mundo nang minsanan. Hindi ba’t ang Kanyang katuwiran ay lubos at buong ganap? Tinatawag natin ang pag-ibig na ito na bigay ng Diyos sa atin, na magtatagal hindi lamang habang buhay nguni’t ng walang hanggan, ang katuwiran ng Diyos.
 
Tulad ng ipinahayag ni Juan Bautista nang makita niya si Jesus matapos ang araw na bautismuhan Niya, “Narito ang Kordero ng Dios na magaalis ng kasalanan ng sanglibutan!” Sinabi ni Jesus kay Juan ng siya’y tumutol na bautismuhan Siya, “Payagan mo ngayon, sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran” (Mateo 3:15). Anong ibig sabihin ng mga talagang ito? Wala ng ibang ibig ipakahulugan kundi ang katotohanang ang bautismo ni Jesus at Kanyang kamatayan sa Krus ay ang mismong katuwiran ng Diyos. Ang katuwiran ng Diyos na ito ay hindi tayo pababayaan kapag tayo’y mahina at di-makaabot sa Kanyang kaluwalhatian.
Mapupuri lamang natin ang Diyos at maluluwalhati Siya dahil sa masaganang pag-ibig na nagligtas sa atin at nagpahintulot sa atin na manahan sa Kanyang katuwiran. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay makapamumuhay para sa Kanyang katuwiran sa kanilang mga nalalabing buhay. Higit na mainam para sa atin na magtiwala sa Diyos kaysa sa mga tao o sa sanlibutan. Ang magandang buhay ay isang buhay na ipinangangaral itong ebanghelyo na lubos na nagpapalaya sa kasalanan. Ito ay kung bakit tiyak na dapat nating alamin at manalig sa katuwiran ng Diyos.
Ang mga tumanggap ng paghuhugas sa mga kasalanan ay magpapatotoo, “Inalis ni Jesus lahat ng aking mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo ni Juan! At Siya’y nahatulan alang-alang sa akin para sa lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan!” Kapag tayo’y nanalig sa katuwiran ng Diyos, mapapasalamatan natin Siya sa gayong mga pagpapala.
Kapag ika’y natisod dahil sa iyong mga kahinaan, mahulog sa kasalanan dahil sa laman, o kung ika’y nanghihina ng loob at mapahiya dahil sa iyong mga kasalanan, tumingin sa katuwiran ng Diyos na gumawa sa iyo ng lubos. Hindi ba’t ang katuwiran ng Diyos din ang gumawa sa atin bilang matuwid? Hindi ba’t lubos na inalis ni Jesus ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo? Hindi ba’t ang Kanyang pagtubos ang nagligtas sa lahat ng ating mga kasalanan, kasama na ang mga kasalanang ating magagawa sa hinaharap?
Kung mananalig lang tayo ng buo at lubos na niligtas tayo ni Jesu-Cristo tayo’y mananalig sa katuwiran ng Diyos. Kung mananalig lamang tayo sa katuwiran ng Diyos saka lang tayo mapapawalang-sala. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ang maaaring maging instrumento ng Kanyang katuwiran. Ang kaganapan ng katuwiran ng Diyos ay lubos. Ang mga naghahangad sa kanilang sariling katuwiran, habang nananatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos, ay mga hangal na nakaupo sa kanilang sariling kapahamakan, upang sumpain ng Diyos.
 
 
Pansinin ang sinabi ni Pablo, “Mayroon silang sigasig para sa Diyos, nguni’t hindi ayon sa kaalaman”
 
Paano tayo makapamumuhay ng may pananampalataya, matutubos, at maging mamamayan ng Diyos kung mananatili tayong mangmang sa Kanyang katuwiran? Ang mga sumusunod sa kautusan ay dapat malaman na ang kanilang mga kasalanan ay mag-aakay sa kanilang kapahamakan at mapag-pasalamat ng ang katuwiran ng Diyos ang lubos na nagligtas sa kanila. Na si Jesus ay naging ating Tagapagligtas, na tayo’y nananalig sa Kanya, at niluluwalhati natin Siya dahil tayo’y nakakaalam at nananalig sa katuwiran ng Diyos. Tanging sa pananalig sa Kanyang katuwiran tayo’y naging Kanyang mga anak, walang sala, at tatanggapin ang buhay na walang hanggang. Ang mga nagsasabing naniniwala kay Jesus at namumuhay na matapat sa pamumuhay, nguni’t nananatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos ay masusumpa.
Si Pablo’y nagpatotoo sa Roma na ang mga Israelita, sa kamangmangan sa katuwiran ng Diyos, ay naghanap upang itaguyod ang kanilang sariling katuwiran, at sa pamamagitan, sumuway sa katuwiran ng Diyos. Sila rin ay dapat na manalig sa katuwiran ng Diyos.
Dapat tayong manalig na pinalaya tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan ng sanlibutan. Lahat ng ating mga kasalanan ay kasama sa mga kasalanang ito ng sanlibutan. Lahat ng mga iyon ay naglaho sa pagtutupad ng katuwiran ng Diyos. Naniniwala ka ba sa katotohanang ito?
 
 
“Sapagka’t si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa’t sumasampalataya”
 
Ang katuwiran ng Diyos ay ang hangganan ng kautusan. Dahil si Jesu-Cristo ang tumugon sa lahat ng mga hinihiling ng kautusan sa pamamagitan ng pagkuha lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan dahil sa Kanyang bautismo at pagkapako sa Krus.
Katotohanan ang sanhi ng kasalanan ay kamatayan, nguni’t ito’y nasusulat na ang katuwiran ng Diyos ay ang hangganan ng kautusan. Bakit? Ito’y dahil ang Diyos Ama ay iniligtas tayo ng lubos sa pagsugo ng Kanyang bugtong na Anak sa mundo upang bautismuhan at kuhanin ng mga kasalanan ng sangkatauhan, namatay sa Krus, at bumangong-muli sa kamatayan.
Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos sa iyong puso at pagsunod sa katuwiran ng kautusan ay dalawang bagay na magkaiba. Tinanggap mo ba ang paghuhugas ng mga kasalanan sa pamamagitan ng iyong mga gawa? Natamo mo ba ang kaligtasan sa pamamagitan ng iyong mga mabubuting gawa? Lahat ng mga ibang relihiyon sa mundong ito ay nagtuturo na ang paraan sa pakikitungo sa iyong mga kasalanan ay sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa. Ang unawa ng Budismo sa kasalanan, bilang halimbawa, ay itinuturo na ikaw ay matutubos sa mga kasalanan ng iyong nagdaaang buhay sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa sa iyong kasulukuyang buhay. Ito ba’y may saysay sa iyo?
Ang tao’y minsang isinilang at minsan lang mamamatay, at ang paghuhukom ay susunod. Dahil ang tao’y minsan lang isilang sa mundong ito at pagkatapos ay babalik sa Diyos, walang babalik sa lupa para sa isa pang ikot ng buhay. Itong dahilan kung bakit ang tao ay dapat matubos sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos habang narito sa mundo. Anong uri ng kalokohan itong aral na karma ng Budismo?
Ang paniniwalang tayo’y natubos sa ating mga kasalanan ay ang pananalig sa katuwiran ng Diyos. Ang pananalig sa katuwiran ng Diyos ay ang tanging pananalig lamang sa Kanyang katuwiran, hindi sa ating mga sariling gawa. Paano, kung gayon, nangungusap ang pananampalataya ng katuwiran ng Diyos? Tulad ng nakatala sa Aklat ng Roma, ito’y nangungusap sa ganitong paraan, “Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa Langit?” Ito’y dahil ang katuwiran ng Diyos ay matatagpuan sa pamamagitan ng pananalig sa puso ng isang tao, hindi sa anumang uri ng pisikal na kalakasan.
 
Tayo’y naging mga anak ng Diyos at taong walang-salang tumanggap ng buhay na walang hanggang sa pamamagitan ng pananalig sa katuwiran ng Diyos. Dahil hindi malulutas ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating mga sarili, gaano man karami ang mga mabubuting gawa, ang ating mga pagsisikap ay mauuwi lang bilang lalong mga kasalanan sa harap ng Diyos. Ito ay kung bakit kailangan nating iwaksi ang gayong mga pananampalataya sa ating mga sarili at sa halip ay manalig sa makatwirang Diyos at hanapin ang Kanyang katuwiran. Ibang tao’y nagtatanong, “Hindi ba tayo maliligtas kahit lang sa pananalig kay Jesus kahit pa tayo mangmang sa katuwiran ng Diyos? Hindi ba nasusulat na kung sino man ang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas?” Nguni’t ang kaligtasan ay hindi basta na lamang dumarating sa pagtawag sa pangalan ni Jesus, nguni’t sa pamamagitan ng pag-aalam at lubos na pananalig sa katuwiran ng Diyos.
 
 
Ang lahat ng sumampalataya sa katuwiran ng Diyos ay di-mapapahiya
 
Sa talatang 11 ay sinasabi, “Ang lahat na sa Kaniya’y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.” Anong ibig sabihin ng talatang ito? Sinuman ang manalig sa Kanya ay di-mapapahiya dahil siya’y nananalig sa katuwiran ng Diyos. “Ang lahat na sa Kaniya’y nagsisisampalataya” ay tumutukoy sa pagsampalatay sa Kanyang katuwiran.
Paano ang talatang, “Sino man ang tumatawag sa PANGINOON ay maliligtas?” Ibig sabihin na ang mga nakakaalam at nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay tumatawag kay Jesus, habang sila’y nananalig sa Kanya bilang Diyos na Tagapagligtas. Habang ating natanggap ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng katuwiran ng Diyos, nananalig tayo na ang ating pagtubos ay ibinigay dahil sa pananalig sa katotohanang ito.
Kung wala ang pananampalatayang ito, sa ibang pananalita, kahit ilang beses tayong tumawag sa pangalan ni Jesus sa walang-kabuluhan, hindi tayo maliligtas sa ating mga kasalanan. Dahil ang Kasulatan sa kabuua’y nangungusap ukol sa katuwiran ng Diyos kay Jesus, ang pagtawag lamang sa pangalan ng Panginoon ay di-maibibigay sa atin ang pagtutubos.
Nagsasabi ang Biblia sa atin ukol sa katuwiran ng Diyos mula pa sa simula. Gaya ng nasusulat sa Aklat ng Genesis, inilagay ng Diyos ang puno ng buhay at ang puno ng kaalaman ng mabuti at mali sa Hardin ng Eden, at sinabi kay Adan at Eba na huwag kainin ang bunga ng puno ng kaalaman. Ang ginawa ng Diyos ay upang kailanganin ang kanilang pananampalataya sa Kanyang Salita. Ang Diyos, upang ilagay sa ibang pananalita, sinabi sa kanila na kainin ang bunga ng puno ng buhay para sa pagkakamit ng buhay na walang hanggang.
Sinasabi ng Salita ng Diyos, “Ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” Tayo rin, ay mabubuhay sa ating pananampalataya sa katuwiran ng Diyos sa buong buhay natin—mula ng tayo’y unang manalig sa Kanya upang maligtas nang makamit natin ang ating kaligtasan, at sa huli, hanggang marating natin ang Kaharian ng Diyos.
 
Maraming mga Kristiyano sa mundong ito ang nagsasabi na ang kaligtasan sa kasalanan ay ibinibigay sa pamamagitan ng pananalig kay Jesus, nguni’t sa katotohana’y, lubhang marami sa kanila ang di-napalaya sa kanilang mga kasalanan dahil sila’y nanatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos. Anong mangyayari kung ang tao’y mananalig kay Jesus nang di-nalalaman ang katuwiran ng Diyos? Ang gayong tao ay magpapakita ng panlabas na palatandaan na sila’y mga matimtimang mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang mga pagsamba at mga panalangin, mananatili lang silang mga propesyonal ng relihiyon, katulad din mga di-napalayang mga makasalanan.
Marami sa komunidad ng Kristiyanismo at mga Israelita ang nananatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos, at sa gayo’y di-sumusunod sa Kanyang katuwiran. Ang mga nanalig kay Jesus, nguni’t di-nananalig sa katuwiran ng Diyos, ay yumuyurak sa mismong katuwirang ito. Hindi sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa, pagbibigay ng malalaking kaloob, o kanilang mga sariling gawa sa harap ng Diyos, na ang mga mananampalataya kay Jesus, hangga’t sila’y nananatiling mangmang sa katuwiran ng Diyos, tanggapin ang katuwirang ito.
Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay naniniwala rito, anuman ang mga pangyayaring kanilang kinakaharap, at sa gayo’y nabubuhay na pagpupuri at nagpapasalamat sa kaluwalhatian ng Diyos. Tayong mga nananalig sa katuwiran ng Diyos, kapag lalong nahahayag ang ating mga pagkukulang, ay lalong nagniningning ang Kanyang katuwiran sa ating mga kaluluwa. Dalangin ko na kayo rin ay magkaroon ng gayong pagkagising.
Matatanggap ba natin ang katuwiran ng Diyos dahil kahit papaano’y mayroon tayong pagka-matuwid sa ating laman? Hindi! Walang bagay na matuwid sa atin, maliban kung ang katuwiran ng Diyos. Dahil lubos na iniligtas tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran, mananalig at magpupuri tayo sa katuwirang ito. Ang Kanyang katuwiran ay buong ganap na niligtas tayo sa ating mga kasalanan.
Huwag mahulog sa pananampalatayang batay sa gawa kung ika’y mahaharap sa madilim na sulok ng iyong buhay, nguni’t laging manalig sa katuwiran ng Diyos, anuman ang iyong katatayuan. Ang katuwiran ng Diyos ay walang-hanggang ganap. Bawa’t isa sa mundong ito ay dapat na malaman ang Kanyang katuwiran, at dapat silang manalig dito sa pamamagitan ng pagsunod sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Yamang marami ang nagpapahayag ng pananampalataya kay Jesus ay nabubuhay pa rin sa katuwiran ng kautusan, dapat nilang tiyakin na alam nila ang katuwiran ng Diyos.
Ipinasiya ni Pablo sa pagsabing ang ebanghelyo ng Diyos ay tinupad ang Kanyang katuwiran. Kung wala ang kaalaman sa tunay na ebanghelyo ng Diyos, walang makapagpapaliwanag kung ano ang Kanyang katuwiran. Ang gayong tao ay magsasabi, kung hihilinging talakayin kung ano ang kahulugan ng katuwiran ng Diyos, “Si Jesus ay ang Tagapagligtas na namatay sa Krus, bumangong muli sa kamatayan, at nagligtas sa akin mula sa aking mga kasalanan.” Nguni’t kanilang idadagdag na kailangan nilang mag-alay ng mga panalanging pangungumpisal para sa kanilang araw-araw na mga kasalanan, at upang maging ganap, dapat silang magpabanal ng unti-unti.
 
Kailangan mo munang makilala ang iyong sarili upang malaman ang katuwiran ng Diyos. Kung iyong kilala ang iyong sarili at ang katuwiran ng Diyos, dahil kailangan mong mabatid kung gaano ang taas, laki at lawak ng katuwiran ng Diyos kung ihahambing sa iyong sarili. Nguni’t kung di mo nakikilala ang Kanyang katuwiran, ikaw ay maghahangad sa paghabol sa iyong sariling katuwiran. Yaong may paghangad sa kanilang sariling katuwiran ay di-sumusunod sa katuwiran ng Diyos, dahil ang kanilang tanging nais ay habulin ang kanilang sariling mga pagwawalang-sala.
Dapat nating malaman ang katuwiran ng Diyos bago tayo maaaring manalig dito at magpasalamat. Sa pamamagitan ng pag-aalam ng katuwiran ng Diyos, maaari tayong manalig na inalis ni Jesus lahat ng kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagkuha Niya ng lahat ng ating mga kasalanan sa Kanyang bautismo at kamatayan sa Krus. Kung tayo’y mapapawalang-sala sa ating sariling mabubuting gawa, hindi na natin kakailanganin ang kaligtasan sa katuwiran ng Diyos. Nguni’t kapag ating nabatid na ito’y di-posible, maaari tayong magpasalamat s Kanyang katuwiran nang higit pa dahil niligtas tayo ng Diyos, tayo na hindi makapamumuhay sa ating mga buhay ayon sa mga mabubuting gawa.
Ang iyo bang mga kaisipan at mga gawa ay mabubuti? Hindi. Ito’y dahil marami tayong mga pagkukulang kaya lubos na niligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Yamang dahil sa pananalig sa katuwiran ng Diyos ay naligtas tayo, hangarin nating ipangaral ang Kanyang katuwiran sa buong sanlibutan na hindi nalalaman ito.
 
Ang taong hindi nakikilala ang kanyang sarili ay naghahanap ng mga kamalian ng iba at nagsasalita ng ikasasama ng iba. Nguni’t kung siya’y isang mananampalataya sa katuwiran ng Diyos, dapat niyang ipagmalaki ang paghahayag ng katuwirang ito, at hindi dapat magyabang sa kaniyang sariling katuwiran. Nguni’t yaong di-nananalig sa katuwiran ng Diyos ay nakakagawa ng kasalanang paninirang-puri sa Kanyang katuwiran. Hahatulan sila ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan.
Sinugo ng Diyos ang Kanyang Anak dito sa mundo at binigay sa iyo ang Kanyang katuwiran. Habang tayo’y papalapit sa huling araw, hindi tayo dapat magtalu-talo sa isa’t isa laban sa mga taong ang kanilang katuwiran sa kautusan ay mainam o malubha. Ang mga nananalig sa katuwiran ng Diyos ay di dapat mabahala sa kanilang mga sariling laman, nguni’t dapat lang na maging mapagpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanyang katuwiran.
 
Tayo’y magpasalamat sa ating Diyos na Siyang lubos na nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang katuwiran. Dahil ang katuwiran ng Diyos ay pinatawad ang lahat ng iyong mga kasalanan, hindi ka dapat maging katulad ng mga taong sumasalungat sa Diyos sa pamamagitan ng paghahangad sa kanilang sariling katuwiran.